Ang Kaunlaran ng Bayan ay Tungkulin ng Mamayan at mga Namumuno
November 3, 2011
(Nobyembre 3, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talalakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Naniniwala ba kayo na ang kaunlaran ng ating bayan ay hindi lamang nakasalalay sa balikat ng mga namumuno kundi mga mamamayan? Ano man ang iynyong kasagutan samahan ninyo kami sa ating segment na nakaka.. Dahil iyan ang ating tatalakayin kasama si Kaka Ali…..”
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)
Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih.
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Kaka Alih: “Halos bahagi na ng ating kaugalian at paniniwala na ang kaunlaran ng isang bayan o lugar ay iniaasa sa mga pinuno. Ang mamamayan na nakakarami ay hindi natin binibigyan ng halaga.
Kaibigan magtatanong kaming muli, wala na bang role na ginagampanan ang nakakaraming mamamayan?
Ayon sa pahayag ng isang political science professor o experto sa usaping pamamahala: “Ang mga tao o mamamayan ang itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Bawat isang mamamayan ay mahalaga sa pagbuo ng bansa. Nakasalalay sa uri ng mamamayang naninirahan dito ang lakas at kaunlaran ng isang bansa, tulad ng bansang Pilipinas.”
Kaya naman bawat Lokal na pamahalaan (LGU) na PRO Development, ang palaging priority sa kanyang mga proyektong ipinapatupad ay Human Development o kaunlaran ng kanyang bayan ay pinakakaingatan at pinangangalagaan ay ang kanyang mga mamamayan.
“Peoples empowerment o pagbibigay ng halaga sa tungkuling gagampanan ng mamamayan”. Paliwanag ng isang NGO.
Tulad halimbawa ng isa sa mga mensaheng ipinahayag ng ating kagalang-galang na Alkalde, Ramon Piang Sr. sa isang pagtitipon na live na inisahimpapawid sa DXUP FM, ayon kay Mayor:
“Para sa kaunlaran ng bayan, kailangan ang pagkakaisa, walang nag-aaway-away at walang pangangamba sa kaligtasan ng kanilang buhay at ari-arian ang ating mamamayan”.
Nor, any comments sa message ni Mayor? (Nor, will answer-positively)
Host/Nor: “Ako?…Agree ako sa ating alkalde na ang produktibong mamamayan ang tunay na yaman ng bayan o bansa. Mahirap umuunlad ang isang bansa kung ang mamamayan ay walang ginagawa na makakabuti para sa bayan at sa kanyang kapuwa.”
Kaka Ali: Tama kadiyan Nor, yang maganda pag-usapan natin ay : : “Ano ba ang dapat taglayin ng isang mamamayan upang makatulong ito sa pagbibigay-lakas at makapag-ambag sa kaunlaran ng kanyang bayan?
Sa tanong natin may sagot tayong natanggap noon. Heto ang sagot ni Maam, isa itong retired teacher: “Upang maging madali para sa bayan o bansa ang pagtatamo ng kaunlaran, kailangang ang makatuwang o makatulong nito’y mga mamamayan na may lakas, kakayahan, may disiplina at kaalaman.”
Sang-ayon ako sa inyong tinuran maam, I second the motion.
Pinaliwanag din ni Maam, na ganito: halimbawa daw nito ay: “Ang autoridad katulad ng ating Kapulisan at ng Sandahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) ay hindi mangingiming ipatupad ang sinasabi ng batas, dapat pantay-pantay, ang pag-papatupad ng batas na tulad ng sinasabi nila na may piring ang katarungan, (ang ibig sabihin nito ay, hindi niya nakikita kong ikaw ay kamag-anak o kaibigan, dahil kong ikaw ay nagkasala, sori ka nalang, trabaho lang walang personalan)..
“Ngunit Kaka Alih, dapat isa-alangalang din ng mga otoridad ang karapatang pangtao o yaong tinatawag na human rights”. Sabat naman ng isang human advocates group.
Tama ka my friend, dapat sa pagpapatupad ng batas ay palaging isinaalang-alang ang makatao o walang nilalabas na human rights na pagpapatupad ng batas, alalahanin na magkakaiba ang mga Pilipino at iba-iba din ang kultura, kaugalian at paniniwla. Dapat pinag-aaralan o inaalam ng mga ahente na ito ng goberno ang kultura, kaugalian at paniniwala. Halibawa na dapat malaman na kultura na minsan ay nalalabag ng mga otoridad ay ang pagsusuot ng sapatos. Na ang nakasout sa paa na sapatos ay hindi pwedeng ipasok sa Masjeed, maging sinukaman ay kailangan alisin ang sapatos kong papasok ka sa Masjeed.
Dagdagan pa natin ang halimbawa sa disiplina: ang mamamayan ay dapat sa sumunod sa sinasabi ng batas, patakaran, halimbawa, kong sinasabi ng batas na bawal dito magtinda ng isda ay huwag ng maglalagay ng paninda.
“
Muli tayong magtatanong sa bayan: “Ano ang maaaring kahihinatnan ng isang bayan o bansa kung ang kanyang mamamayan ay walang disiplina? Leny any comments?
Host/Nor: “Tiyak magulo, walang asenso, dahil instead na pagpapaunlad ang inaasikaso ng otoridad ang concentrate nilaay sa pagdidisiplina sa mamamayan sa mga maliliit na bagay .”
Kaka Alih: Correct ka diyan Nor,. Kabayan…Naisip mo na rin ba ang magandang mangyayari kung lahat ay may disiplina?·
Naisip mo na ba ang mangyayari sa bansa kong walang nagnanakaw sa kaban ng bayan? Kong walang nangungurakot na official sa pera ng bayan?
Naisip mo rin ba kong ang ating mga kawani at official ng bansa, ng bayan, ay tutupad ng kanilang mga tungkulin ng tapat at dalisay, ibig sabihin ay walang corruption?·
Magrereport siya sa opisina sa tamang oras at uuwi din sa oras ng uwian?
Naisip mo rin ba Kapatid kung hindi na magtatapon ng basura kung saan-saan ang ating mamamayan?· Na hindi na tayo magtatapon ng basura sa ating mga kanal na patuloy na pinapaganda ng ating local na pamahalaan?
May tanong akong muli sa iyo Nor: Kung susunod siya (mamamayan) sa mga batas at alituntunin ng trapiko, ng patakaran ng pagtitinda sa palengke, what you will expect?·
Host/Nor: “ I am sure kaka Ali, isa tayo sa progresibong vayan, ang wala tayong problema, ang ating mga oficial ay makakapagtrabaho ng maayos para sa kaunlaran na walang sagabal”
Kaka Alih: Tama ka Nor, kung iiwas siya sa mga bisyo tulad ng mga ipinagbabawal na gamot?· At higit sa lahat, kung tutupad ang bawat isa sa kanyang mga tungkulin? Kong ang bawat isa sa atin ay gagampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang kapuwa at higit sa lahat tungkulin sa kanyang Poong Lumikha, ang sambahin ito at tuparin ang ipana-uutos at ipagbawal ang ipinagbabawal?.Tiyak kong kalulugdan tayo n gating Poong Lumikha.
Heto ang isa sa mga mahalaga na tungkulin ng official ng bayan.
“Pangunahin at pinakamahalaga sa lahat na dapat taglayin ng mga mamamayan ay may malulusog na katawan at isipan.” Ito ang tinuran ng Kalihim ng Kalusugan.
Kaya naman ang Lokal na Pamahalaan ng Upi sa pamumuno ni Mayor Ramon Piang Sr ay naglalaan ng pondo at nagpapatayo ng mga health center, at nagpagtalaga ng mga health personnel para matulungan ang mamamayan para sa kanilang kalusugan.
Paliwang din isang doctor na maituturing na ring kayamanan isang mamamayan ang malusog na pangangatawan, kahit mahirap siya, sapagkat taglay niya ang lakas upang gampanan ang kanyang mga tungkulin at Gawain sa bayan.·
Mayaman man ang isang tao ngunit kung siya’y masasakitin, mauuwi lamang sa pagpapagamot ang kanyang salapi at malabong siya’y maging produktibo.·
Ulitin natin ang sinabi ni kalihim ng kalusugan: “Ang mamamayang may malusog na pangangatawan ay malaking puhunan upang makatulong sa produksyon ng bansa”.·
Madali at mabilis niyang magagampanan ang gawain kung siya’y malusog.
Maraming proyekto ang nangangailangan ng lakas ng katawan, ang Mrs mo pare, kailangan din niya ang malusog mong katawan. (PLAY LAUGHING)
Yaman ng ating bayan o bansa ang pagiging matalino ng kanyang mamamayan.
Kailangan ang malusog na isipan sa paglutas ng mga suliranin ng bansa at sa pagpapasya.·
Kaya naman isinusulong ng pamahalaan ang edukasyon para sa lahat. Ang ibang kabataan naman ayaw mag-aral, computer games ang inaasikaso, ang iba daw ay panliligaw.. (PLAY LAUGHING).
Batid ng pamahalaan natin, ng LGU Upi na ang kamangmangan ay hadlang sa kaunlaran ng isang tao. Kaya mapapansin niño, todo suporta ng LGU Upi sa mga ating mga paaralan, kasama na dito ang ating mga Madraza. Bagamat hindi pa man sapat ay pinagsisikapan nilang kahit papaano ay may allowance ang mga guro na mga teachers aid at mga Ustadz sa Madraza.
Ito po ang inyong Kapatid - Kaka Ali na naghihikayat sa ating lahat, na kilalanin at alamin ang kanyang tungkulin sa ng ating Chief of Police De Leon: “…matuto tayong sumunod sa batas upang hindi tayo magkaproblema”…
Kapatid, Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa ating segment na Gabay at Talakayang Pamapamilya .. Sukran and Wassallam.
Dapat Bang Piliin ang maging Kaibigan?
(
November 2, 2011-Wednesday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pamapamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Nor: “Di ba may May kasabihan tayo na: “sabihin mo sa akin ang iyong mga kaibigan at sasabihin ko kong sino ka?” ikaw kaibigang nakikinig sino-sino ang iyong mga kaibigan? Bago mo pa sagutin ang katanungan, heto pakinggan natin si Kaka Ali sa ating segment na:
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pamapamilya)
Host/Nor: Magandang umaga Kaka Alih,
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, at assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, o sa mga kapatid na Muslim.
Host/Nor: Kaka , ikaw ang matanong ko, dapat bang piliin ang maging kaibigan natin?
Kaka Alih: That very good question, which needs to be answered.. hanep English, English pa tayo ha? (LAUGHING)
Nor, matandaan ko, may sinabi ka kanina, na kasabihan ng mga Pinoy which in English: “Tell me who are your friends and I will tell you who are you? (LAUGHING) Ang ibig sabihin ay sabihin mo sa akin ang iyong mga kaibigan at sasabihin ko kong sino ka?
Ano ang ibig ipahiwatig nito?
Makikilala kita kong ano ang ugali mo, kapag nakilala ko ang mga kaibigan mo. Dahil sa ang environment ng tao ay malakas ang epekto nito sa atin. Sabi nga ng maalam, 80% n gating buhay ay naapektuhan ng ating kapaligiran. Kaya dapat piliin mo ang iyong maging kaibigan dahil pwede kang mahawa o maapektuhan ng kanilang mga ugali o gawain.
Papaano ba ang pagpili ng kaibigan? O talaga bang dapat nating piliin ang magiging kaibigan natin?
Narito ang paliwanag ng isang manunulat (di ko na ipakikilala) tungkol sa pagpili ng kakaibiganin o kaibigan.
Noong daw mga panahon na mahilig pa siyang maglaro ng jolens, simple lamang ang pakikipagkaibigan para sa kanya.
- Lahat daw ng batang nakakasalamuha at nakakasama sa paglalaro ay itinuturing nang kaibigan.
- Ang lahat ng mga batang masayang kasama ay mga kaibigan na rin.
- At kahit iyong hindi alam ang pangalan at nakikita sa paaralan ay kaibigan na rin.
- Kahit iyong mga nakakasabay lang sa paglalakad o kaya’y sa paliligo sa ilog ay kaibigan na para sa kanya.
- Lalo na iyong mga kasama sa pag-akyan sa bayabas ng may bayabas na hindi pinapaalam ay kaibigan na rin ang turing
Ipagpatuloy natin ang sinulat ni tukayo, ngunit habang nawawalan na ng hilig sa mga larong habulan at taguan, tila may nagbabago rin sa konsepto ng kaibigan at pakikipagkaibigan.
Halimbawa ang madalas, ang mga lalaki ay nagkukumpulan at nagkukuwentuhan tungkol sa babae o ng mga bagay na kaakibat ng pagtaas ng antas ng kanilang panlasa o hilig.
Ang kababaihan naman ay mapapansing madalas magkuwentuhan ng mga bagay na parang sekreto at parang nakakakilig dahil parang may ibang ningning ang kanilang mga mata habang nagkukwentuhan.
Nariyan yaong may magpapasapasahan ng papel habang nagkaklase upang kahit papaano ay maipagpatuloy pa rin ang naputol na usapan.
Samantalang ang kalalakihan na madalas nakaupo sa bandang likuran ay nagkakaintindihan na sa mga tingin pa lamang lalo na kung tungkol sa mga kalokohan.
(PLAY LAUGHING).
At sa mga ganoong pangyayari nalilinang ang bagong pagtingin sa kaibigan at pakikipagkaibigan.
Nanduiyan naman ang sukatan ng pagiging pagkakaibigan sa pagsama sa mga eksperimento sa pag-iinom at paninigarilyo.
Nariyan ang sukatan ng pakikipagkaibigan ay malalaman kapag sumunod, sa napagkasunduan sa hindi pagbulgar sa sekretong si ganito ang crush ng isa at si kuwan naman ang tipo ng isa.
Nariyang sukatin ang pakikipagkaibigan sa pagpayag na maging tulay ng dalawang nagliligawan (madalas itong nagkakaroon ng isyu na ang tulay ay nanunulay din!).
(PLAY LAUGHING).
Habang patuloy na nagyayari ang mga ganoon, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa pagtingin sa usapin ng pakikipagkaibigan. Nagkakaroon ng mga grupo o ekslusibong barkadahan
Sa lahat na mga panahong iyon, madalas maiisip na ang mga kaibigang iyon ay panghabambuhay na. Na ang mundo ay umiinog lamang sa mga kaibigang iyon at hindi na iyon magbabago pa.
Subalit sa pagpasok ng panibagong yugto ng buhay, nagbabago rin ang pananaw ng mga kabatan na ito sa mga bagaybagay. Nariyan ang maisip na tila nakakatawa pala iyong mga pinagsasabi mo noon at pinag-gagawa sa buhay. Mayroon namang nananatili pa rin ang pananaw na walang nagbago sa lahat na bagay.
Sa mga panahong ito, nagsisimula nang magkaroon ng tunay na hugis, ang pagturing sa mga kaibigan.
Ang iba’y nagkakaroon na ng malinaw na pamantayan, kung sino ang mga taong kakaibiganin.
At madalas ang mga taong nagiging kaibigan sa panahong ito ay nagiging kaibigan na sa matagal na panahon. Ang iba nga’y hanggang sa mamuti na ang kanilang mga buhok.
Subalit gayun paman, hindi pa rin iyon ang makapagtitiyak kung talagang magiging magkaibigan nga ba kayo sa matagal na panahon.
May tanong tayo kung sakaling magkaibigan kayo sa maikling panahon iyon ba’y maituturing na kaibigan nga ang atong ito.
Karamihan sa mga tao ay napapaloob sa “out of sight, out of mind” na kalagayan.
- Kaya kung sino ang mga nakakasama sa trabaho, sila rin ang nagiging kaibigan. Sa mga panahong nagkikita ang mga dating magkaibigan, madalas nagtatantiyahan pa dahil malalaman ng isa’t isa na magkaiba na ang kanilang mga interes.
- May mga magkakaibigan na ang nasa isip ay magiging masaya ang pagkikita matapos ang mahabang panahon ngunit matutuklasan na lamang nila na wala pala silang mapag-usapan na.
- Mayroon namang kahit na magkasama pa rin ay matutuklasan isang araw na sadyang magkaiba pala talaga ang kanilang gustong mga bagay at nagtataka kung bakit nakikipagkaibigan sila sa mga taong hindi naman pala dapat nilang kaibiganin.
- Minsan, may iba na nagiisip na lahat na nakapaligid sa kanya ay kanyang kaibigan. Subalit sa mga panahong kailangan niya ng kaibigan, matutuklasan niyang wala pala siyang kaibigan.
Kaya nararapat na lamang na pag-aralan ang tamang paghahanay kung sino ang kaibigan at sino ang hindi dapat maging kaibigan. May mga pagkakataong matutuklasan na lamang na kahit matagal nang kasama ang isang tao ay saka mo lamang mapagtanto na hindi pala siya ang hinahanap mong kaibigan.
Sa panahon ngayon na pinaglalapit ng teknolohiya ang magkakaibigang nasa magkaibang lupalop ng daigdig, tila sigurado na magiging malapit pa rin ang mga kaibigang matagal nang hindi nagkasama. Sapagkat maari naman kayong magtinginan ng profile halimbawa sa facebook o iba pang networking sites. Magkakakitaan pa kayo ng mga litrato at magkakaalaman ng saloobin sa facebook o sa mga blog.. pwede mong maging friend pa si Kaka Ali..(LAUGHING) .
But remember hindi kumo friends mo sa face book friend mo na siya, ang lahat nang ito ay hindi pa rin garantiya na mananatili o lalong magiging mahigpit ang pakikipagkaibigan ninyo.
Sapagkat ang pakikipagkaibigan ay usapin ng pagpili. At ang pagpili ng tao ay nagbabago rin na
Ngunit kahit na magbago man ang mga hilig at pagpili sa buhay, may mga pagkakaibigang tumatagos sa panahon at anumang balakid sa komunikasyon. Sa aking palagay, ito iyong pagkakaibigang hindi nakabatay sa mga malinaw na pamantayan kundi sa isang hindi nasusulat na unawaang maging magkaibigan.
May mga taong magaan ang loob sa isa’t isa at ni hindi nila kailangan ng mga bagay na mapagkasunduan upang maging magkaibigan.
Ano ngayon ang masasabi nating tunay na pakikipagkaibigan? O sino kaya ang mga tunay na kaibigan? Paano ba ang tamang pakikipagkaibigan?
Malamang marami at magkakaiba ang ating mga sagot, mga palapalagay at paniniwala sa mga bagay na ito. Subalit naniniwala akong gayunpaman, hindi ito magiging hadlang upang maging magkaibigan tayo.
Bweno ituloy na lamang ninyo ang talakayan sa inyong mga kumpare a tmagbigay na ang kayo ng feed back kay Kaka Alin, pansamantala hanggang dito na lang muna kami, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas…itutuloy natin at lalo natin paiigtingingin ang talakayan..
This is your segment writer and producer.. at your service …. Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Haharapin ang Problema
October 20, 2011
(Oct 20, 2011- Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)Host/Noralyn: “Kaibigan may problema ka ba? Mabigat bang Problema? Madalas ang taong may problema ay stress, may taong kapag may problema, parang nagunaw na ang mundo, kaibigan, malaki o maliit man yan na problema, relaks ka lang muna diyan kaibigan, dahil ang ibabahagi sa atin ni Kaka Ali ay papaano haharapin ang problema, sa ating segment na:
(PLAY Gabay at Talakayang Pampamilya- INTRO)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih, kumusta ang umaga, mayroon ka bang problema?
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor.
Sino ba naman ang taong walang problema, bibihira sa isang normal na tao na hindi makaranas ng problema, maaring personal o problema ng kanyang pamilya.
Buweno kaibigan, bago natin pag-usapan ang problema, Assallamu Alaikum WW.. ang kapayapaan ay sasaatin nawa..
Agree ako Nor, na madalas ang taong may problema ay stress, may taong kapag may problema, parang nagunaw na ang mundo, kaibigan, malaki o maliit man yan na problema.
Host/Noralyn: Kaka ano ang stress o tensiyon?
Kaka Alih: Ang istres ay hindi problema kundi nasa isipan lamang. Ang ating katawan ay may pangkagipitang pagtugon na nangyayari kapag tayo ay nakararamdam ng tensiyon o istres. Halimbawa, kapag tayo ay kailangang humabol sa sasakyan, ang bahagi ng ating katawan ay naghahanda para matugunan ang kagipitan o gahol sa oras. Ang pagtugon na ito ay tumutulong para tayo makatakbo ng mabilis at umabot sa nag-iisang sasakyan. Ang pagpintig ng puso ay bumibilis at ang presyon ng dugo ay tumataas. Lumalabas ang sugar patungo sa dugo. Ang paghinga ay bumibilis. Ang ibang bahagi ng katawan ay bumabagal. Ang pantunaw ay humihina. Ang sistema ng ating katawan na lumalaban sa sakit ay bahagyang sumasara.
Nor, may halimbawa ba ako, stress naman sa trabaho.
Ang ganitong stress sa trabaho ay nakararamdam tayo ng tensiyon sa trabaho kapag hindi natin nagagampanan ang mga hinihinging gawain ng ating trabaho. Maaaring hindi ninyo nagagampanan ang inyong trabaho dahil sa panahon o haba ng oras na ibinibigay sa inyo para tapusin ang gawain. Palpak o may sira ang mga kagamitan ninyo para magawa ang trabaho. Ang mga alituntunin o regulasyon ng inyong opisina na kailangan ninyong sunurin, ngunit labag sa inyong paniniwala o kultura.
Ang mga trabaho na nagbibigay ng sobrang stress ay yaong mga mabibigat ang hinihiling sa manggagawa subalit walang gaanong kontrol na ibinibigay sa kanila kung paano gagawin ang trabaho.
Ang sabi ng kaibigan, “hindi naman lahat ng problema ay nakakasira sa tao, kundi kong minsan pa nga ay magagamit natin ang problema para maging lalong matatag at malapit sa isa’t isa.” Nor, agree o disagree ?
Host/Noralyn:: Agree!!! Ang experience Ko Kaka sa problema, pag may problema ako, feel ko down na ako, papaano ba haharapin ang ating problema?
Alih: Kailangan lamang na harapin natin ang problema, kong anon a siya, dahil kung babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.
Pag-uusapan natin ang ilang bagay na maaaring makagamot kung sakaling dumating ang problema sa inyong buhay.
1. Maging kalma (Be calm) mag-isip ng anumang mabuti, kahit gaano man kakumplikado ang sitwasyon na inyong kinakaharap.
2. Humingi ng payo o tulong sa kamag-anak, kaibigan, kapitbahay, o humingi ng payo sa mga espesyalistang gaya ng sikolohista, abogado, o tagapangalaga ng kalusugan. Depende sa problema, kong sino ang alam mo na expert o nakakaalam, ang siya mong dulugan ng inyong problema. Maaari silang makapagbibigay ng magandang payo, dahil hindi sila “tense’ tulad ninyo na hindi na makapag-isip dahil sa problema.
3. Kunsultahin ang iyong pamilya o sikaping magsama-sama bilang isang pamilya. Dahil sa pagsasama-sama ay maliligtasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
4. Tandaan ang anumang pagbabago sa buhay — pagsilang ng isang anak, bagong trabaho o pagkataas sa tungkulin, kasal, kamatayan o pagreretiro–ay laging stressful. Alam mo ba LMor, na kapag wala kang pera problema, pag marami ka ng pera problema pa rin? (LAUGHING)
Host/Noralyn: Papaano nangyari ang ganoon Kaka?
Alih: Problema niya papaano gastusin ang kanyang miliones…(LAUGHING).
5. Pakatandaan din, Kaibigan na ang mga stress, problema at paghihirap ay bahagi ng isang normal na buhay ng tao. Abnormal daw ang taong walang problema? TOTOO?
6. Kaibigan, Para masolb ang problema mo, harapin ito ng dahan-dahan o isa-isa, one alter one another. Ganito ang gawin, ilista ang mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin o gawin ito.
7. Huwag alalahanin ang mga nakalipas o ang mga bagay na wala kayong kapangyarihang kontrolin.
8. Ayon naman sa mga nakaranas ng mga ganitong sitwasyon na problema, maaring manood ng isang nakakatawang palabas sa TV (kong may tv kayo, hindi ang X rated- PLAY LAUGHING), kong sakaling wala kayong tv tumawag sa isang kaibigan, (naku wala pa ring celpon- PLAY LAUGHING) makipagkuwentuhan sa membro ng pamilya o kapitbahay nang masasayang kuwento, piliting tumawa at kong hindi mapigilang umiyak, huwag pigilan, ilabas sa pamamagitan ng luha, ingat lang, siguraduhing walang nakakakitang mga tsismoso (PLAY LAUGHING). Bakit baka magtaka sila bakit ka umiiyak, at itsismis ka sa bayan.
9. Ang last na advise natin, huwag maging tamad na mag-ehersisyo araw-araw lalo sa umaga, para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks. Lalong maigi kong gagawin ito nang magkakasama ang buong pamilya.
Karapatan ng Babaeng Bangsamoro
October 11, 2011
Karapatan ng Babaeng Bangsamoro
(October 10, 2011 – Martes-Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Biual)
Host/Noralyn – “Sa kultura at paniniwala ng mga Bangsamoro ang mga kababaihan ay dapat ibigay ang halaga at respeto, ito ang katuruan ng Islam, samantala ang mga babaeng kanluranin o “western” ay ngayon pa lamang isinisigaw ang kanilang mga karapatan bilang mga baba, kapatid, makiisa sa amin, ang tatalakayin natin ngayon sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya ay ang karapatan ng babae sa pananaw ng mga Bangsamoro.
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Kaka Alih: Ang babae ang isa sa mga pinakaingat-ingatan, pinakamamahal at nirerespeto ng mga Bangsamoro.
Ang kultura at paniniwalang ito ng mga Bangsamoro ay binatay sa sinabi ng Propeta Muhammad (ang Kapayapaan Naway Sumasakanya):
“Dumating at nagtanong ang isang Sahabah (kasamahan) “Sino po sa mga tao ang lalong karapat-dapat sa magandang pakikisamahan ko?” Nagsabi ang Propeta (Sumasakanya ang Kapayapaan): “Ang iyong ina.” Nagtanong i muli: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi muli ang Propeta (Sumasakanya ang Kapayapaan): “Ang iyong ina.” Nagsabi muli ito: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi mula siya (Sumasakanya ang Kapayapaan)): “Ang iyong ina.” Nagsabi muli ito: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi siya (Sumasakanya ang Kapayapaan): “Ang iyong ama.” ( Hadith mula kay Bukhari at Muslim)
Sa mga Bangsamoro ay mahalaga ang angkan, kaya naman ang babae ay pinakaingat-ingatan nila dahil ang babae ang magiging ina ng kanilang mga susunod na salin lahi o angkan.
Hindi nila pinapayagan na magsagawa ng mabibigat na gawain ang mga kababaihan, upang sa gayon ay hindi masira ang porma ng kanilang mga katawan, upang maging manatiling pambabae ang kabuuan ng kanilang katawan, upang manatili at magiging malusog siyang ina. Sa kanilang paniniwala, ang malusog na ina ay magiging malusog din ang magiging supling.
Ang babae sa paniniwala ng mga Bangsamoro, ay hindi puwedeng salingin o hawakan ang kanilang mga kamay ng ibang lalaki, (na pwede siyang asawahin), at kong kong sakaling gawin man ito ng isang lalaki, siya ay may karampatang parusa o multa, ayon sa kultura at paniniwala ng mga Bangsamoro.
Kong nag-iisa lamang ang babae sa bahay, ang lalaki (na pwede siyang asawahin), ay hindi pwede pumasok sa bahay, hanggang tarangkahan o hagdanan lamang, at hindi rin pwedeng kausapin ng lalaki na nag-iisa ang babae.
Hindi rin pinalalakad ang babae na nag-iisa na walang Mahram (kasama-magulang o kapatid).
Hindi rin pinapayagan na ipakita ng kababaehan ang kanilang kahubaran at ganoon din nman sa kalalakihan, ito ay tinatawag nilang Haram. Ang Haram ay kinasusuklaman ng Allah, hindi niya ito pinapayagan na kainin o gawin ng mga Muslim (Nanampalataya).
Ang kabuhabaran ng babae ay buong katawan, maliban sa mukha,kamay at paa samantala ang lalaki ay kinakilangan matakpan ang pusod at tuhod.
Kong may lalaki na darating sa bahay, ang nanay mag-ehem lamang ay agad ng aakyat sa “paga” (parte ng bahay sa may bandang itaas-nakakuwarto na hindi mo makikita ang nasa loob.)
Mayroong silang “rules of engagement” na sinususnod, hindi sinasali ang mga babae sa giyera o sa kalaban.
Sa rido o giyera o away ng mga angkan, na nagpapatayan na, ang kanilang mga babae ay hindi nila isinasali sa paghihigantihan. Sa paniniwalang ang Allah ay nagsabi sa Qur’an na: “….. ang babae, bata at matatanda ay huwag isama (sirain o saktan) sa giyera”.
Hindi rin lumalabas sa publiko ang babae na hindi natatakpan ang kanilang kahubaran, bilang pagpahalaga sa kanilang dangal. (mga parte ng katawan na dapat takpan-maliban sa mukha, kamay at paa).
Sa pagsambayang o pagsisimba ang babae ay hindi nakikihalubilo sa mga kalalakihan, ito ay ibinatay na rin nila sa katuruan ng Islam, na ang babae ay hindi dapat makisalamuha sa kalalakihan upang ingatan ang kanilang mga dangal o dignidad.
At dahil sa pagdating ng mga banyagang kanluranin, ang mga paniniwala at kulturang ito ay unti-unti ng nakakalimutan ng mga Bangsamoro. Dahil dito ay labis na ikinababahala ng may malawak na pananaw na mga Bangsamoro, at kinakailangan nilang pangalagaan ang magagandang kultura at kaugaliang ito, na nakaugat pa sa katuruan ng Islam.
“Ang makakapanumbalik sa ating magagandang kultura at kaugalian ay pag-aaral o edukasyon” Ayon kay Ustadz Muhammad Taha Yusof .
Sangayon ako kay Ustadz na kinakailangan natin ang mga paaralan na magtuturo ng mga magagandang kultura, kaugalian at paniniwala ng mga Bangsamoro.
“Kinakailangan ang nasa pamahalaan ay magkaroon ng tamang programa sa edukasyon para sa mga Bangsamoro.” Pahayag ng isang retiradong guro
Sang-ayon ako kay Maestro, dapat ang mga moral values na itinuturo sa mga kabataang Bangsamoro ay naaayon sa kanilang kultura, kaugalian at naaayon sa konsepto ng Islam.
Dahil dito, kinakailangan ang malawak na pang-unawa ng bawat Pilipino, kong bakit gusto ng mga Bangsamoro na maibalik ang kanilang mga nawawalang kultura at kaugalian.
Sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kalagayan na ang kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, dahil malakas masyado ang “cultural assimilation” kaya naman nararapat na magtulong tulong ang lahat ng mamamayan na papaano maibabalik ang magagandang kultura, kaugalian at paniniwala ng bawat Pilipino, sapagkat ito ang labis na nagustuhan ng mga dayuhan noon hanggang sa ngayon.
Ang cultural asimilasyon ay ang dahan-dahan pagkawala ang kultura ng isang lupon at napapalitan ng kultura ng nakakarami.
Ito ang inyong Kaka Ali, Sukran .. Wassallamu Alaikum .
Ang magulang
October 7, 2011(October 7, 2011-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: Ang maging magulang ay medyo kumplikado, subalit para sa iba ito ay isang challenge, para magpakatao, ikaw kapatid ano ang nararamdaman bilang magulang?
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Host/Noralyn: “Good morning Kaka Alih.”
Alih: Good morning, Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Bilang magulang, responsibilidad natin na ibigay ang lahat ng mga pangangailangan ng ating mga anak. Kasama na dyan ang edukasyon, bahay, damit, pagkain, pagkalinga at pagmamahal.
“Ay naku Kaka Alih, kong minsan may mga pagkakataon na parang gusto mo ng sumuko dahil parang hindi mo na kayang solusyunan ang mga problema pero hinde mo magawa dahil may mga anak kang nakadepende sayo.” Kuwento ng isang magulang.
Tama ka mads, sa paningin nila isa kang superhero, na kayang gawin ang lahat! Ang hindi nila alam, tao ka lang din na nanghihina kapag may pagsubok na dumarating.
Ito ang kuwento ni Mare Inday : “Pare Ali, ngayong isa na akong magulang, napagtanto ko na tama pala ang mga sinabi ng nanay ko nung ako’y bata pa. Sabi ni nanay, “….anak darating ang panahon na ulo mo naman ang sasakit pag me mga anak na kau ng asawa mo!”
Dagdag ni Mare: “Alam mo Kaka Ali? Tama nga si nanay, makasakit nga sa ulo ang magpalaki ng mga anak”
Pero Madz Inday, hindi naman dapat gawin iyan na problema, ang pagpapalaki ng mga anak, ang maganda, gawin mo silang inspiration sa araw-araw dahil biniyayaan ka ng Diyos.
Kong sakaling dumating ang mga sinsabi mong problema, at natural lang sa mga magulang ang pagkakaroon ng mga konting “problem” Mads, ang mainam nito ay magagawan mo ng paraan masolb kaagad yan, huwag talikuran, harapin ang problema para maging maganda ang pagsasama at masaya ang buhay.
Ayon naman sa isang magulang, isa itong ina, heto ang sabi: “Para sa kin kayamanan ang aking mga anak, anghel sila na hulog ng langit kahit ubod sila ng kulit. Kahit na ako’y galit sa kanila, ang pagmamahal ko sa kanila ay hindi nababawasan bagkus nadadagdagan pa. Kaibigan nila akong maituturing lalo na sa panahon ng pangangailangan. Kung may mga bagay man na hindi pa nila maunawaan sa ngayon, alam kong darating ang panahon na kami’y magkakaintindihan. At ang lahat ng ito’y aking sentimyento bila isang ina na walang hangad kundi ang mapabuti sila.”
Mga kapatid na magulang, ano man ang problema ay may sulosyon, bakit hindi mo harapin ang problemang yan, iyan ay isang pagsubok lamang na, na siya namang magpapatibay sa iyo upang harapon ang lalo pang mabibigat na problema sa hinaharap.
Ito ang inyong kapatid na magulang din, Kaka Alih.
Papaano Maiwasan ang Panghahalay (Rape)
October 6, 2011
Papaano Maiwasan ang Panghahalay (Rape)
(October 6, 2011-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: Ang balita ng panghahalay sa kababaihan o Rape ay nagiging madalas nitong mga huling mga panahon. Bakit kaya? Papaano ba ito maiiwasan? Samahan kami ni Kaka Ali sa ting segment na:
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Host/Noralyn: “Good morning Kaka Alih.”
Kaka Alih: Good morning, Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Nor, Tama ang intro mo sa ating segement, tungkol sa balita ng panghahalay sa kababaihan o Rape ay nagiging madalas nitong mga huling mga panahon. Bakit kaya,
Alam mo ba na ang panghahalay ay matagal ng ginagawa sa mga kababaihan, hindi nga lamang naibabalita at iba pang kaibhan noon at ngayon ay walang lakas ng loob ang kababaihan na irepport ito sa kinauukulan, dahil walang mga opisina na nakatutok dito.
Sa Olongapo ay may naireport na may kabuuang 106 na kaso ng panghahalay laban sa Pinay ang naitala sa Olongapo City Prosecutors Office simula noong 1986 hanggang 1992 kung saan pawang mga US military servicemen ang naging sangkot.
Karamihan sa Pinay na biktima ng rape ay mga tindera at kahera lamang sa mga club at commissary sa loob ng Subic Naval Base na pinaniniwalaang inimbita lamang lumabas ng mga suspek na Kano para mamasyal, subalit nauuwi sa panghahalay.
Bakit nangyayari ang mga panghahalay sa mga kababaihan?
Ang panghahalay o panggagahasa o rape sa English, ay isa sa mga panganib na kinakaharap ninyong ng mga kababaihan sa ngayon, lalo na yaong mga domestic helper, o kasambahay o katulong sa bahay.
Ang tanong naman dito ay: “bakit maraming pumapasok na katulong?”
Simple lang daw ang kasagutan: “Ito ay dahil sa kahirapan sa buhay, talagang maraming katulong sa ngayon sa ibang bansa pati na rin dito sa atin sa Pilipinas. Dito lang sa Bandara Kutawato o Cotabato City ay marami tayong kababayanna namamasukan bilang katulogn sa bahay o kasambahay.
Ano ang panghahalay o rape?
Ok lalo pa nating palalimin ang kahulugan nito. Ang panghahalay o rape ay yaong pinipilit ng lalaki o babae ang kanyang kapuwa tao, lalaki man o babae na makipag-sex sa kanya, na labag sa kalooban ng huli, sa madaling salita ay pinipilit mo ang kapartner o ibang tao (hayop di kasali sigoro) na makipagsex sa iyo.. (LAUGHING)
Alam mo Nor, ang mga manyakis or maniac o hayok sa laman ay kalat na daw sa mundo sa ngayon.(LAUGHING)
Kaya kayong mga babae dapat alerto kayo, dapat alam mo ang kilos ng inyong amo, ng inyong kaibigan o kasama na siya ay manyakis o nagpapahiwatig na may pagnanasa o gusto kayong i-rape o pagsamantalahan. Ilugso ang inyong puri.
Heto may mga palatandaan akong ibibigay sa inyo, para makilala na gusto kayong pagsamantalahan ng isang lalaki, especially yaong mga manyakis: (LAUGHING).
Una Nor, possible na may pagnanasa ang amo mo, kaibigan mo, kasama mo, kong palaging may panakaw na sulyap o matagalang titig, o matutulis na tingin, lalo na kong sa malulusog mong…. kayamanan. (LAUGHING).
Another ay, palagi kang kinakausap at nagkukuwento ng kahit na ano, lalo na ang mga paksang may kaugnayan sa sex.
Minsan nagtatanong pa kong kasintahan ka na, minsan ang tanong may karanasan ka na sa sex? , kinukumusta ka kong namimis mo ang asawa mo.
Ang iba naman ay madalas ay nanagbigay ng regalo, para mahawakan ang inyong kamay o sinasadyang masagi ang maseselang bahagi ng inyong katawan. O dili kaya para makuha ang kaloooban ninyo.
Noralyn: Anong gagawin naming mga babae para hindi mangyari ang masamang hangarin ito ng mga lalaki sa aming mga babae?
Kaka Alih: Ang gagawin mo Day, huwag kang magbigay ng motibo o bigyan ng pagkakaton ang inyong amo.
Iwasan na makinig sa mga kuwento ng amo na malalaswa, lalo na kong lasing o sabog sa bawal na gamot.
Kong aalukin ka na uminom ng alak, tanggihan, sabihin na haram sa Muslim ang uminom. “Ang problema Kaka hindi ako Muslim” sige lang, panindigan mo eh di mag-Muslim ka na…(LAUGHING)
Heto pa ang ibang senyales Nor, ang mga manyakis daw, kong minsan ang ginagawa nagpapalabas ng malalaswang palabas lalo na kong kayong dalawa lamang sa bahay .
Ang iba namang amo, nagpapamasahe at walang saplot na panloob, kong minsan pa pinaakita ang ari.. ang bastos! Pag ganyan Day, ingat talagang manyakis na talaga yan..
Ang iba naman ay magtatanong o magbibigay ng mga bagay-bagay lalo na kong gabi na tulog na ang lahat, para lamang makatok ang inyong kuwarto.
Pag mayroon kang maobserb sa mga sinabi ko Nor, maghinala na kayong mga babae, para makapaghanda at maiwasan ang ayaw mo, pero kong gusto mo eh di.. tuloytulo mo na .. (LAUGHING).
Day, huwag naman kasi kayo magpakita ng magaslaw na galaw o yaong nagibigay motibo, tulad ng “malaswang” pananamit at pananalita, dahhil maaring magbigay ito ng motibo sa manyakis na gawin ang masamang binabalak sa inyo.
Mga kapatid, mga anak, heto ang mga magandang gagawin ninyo;
Huwag makipag-usap ng matagalan sa inyong amo na lalaki kong hindi kinakailangan, lalo kong kayo lang sa bahay.
Manatiling mahinhin sa kilos at pananalita, huwag magsuot ng shorts, lalo kong kayo ay may makinis, maputi at balbunin na legs o hita.. naku Day kinikilig diya ang mga lalaki kahit walang lahing manyakis baka magkaroon (LAUGHING). Yes tama man ang sinasabi ko, huwag maagsuot ng mahahalay na damit o maiiksing palda, kong pwede lang huwag gumamit ng pamapaganda sa mukha.
Sa regalo na ibinibigay, tanggapin ang mga regalo na binibigay ng among lalaki kong nasa harap ang kanyang “matabang” asawa (LAUGHING) , hindi ang big kong sabihin kahit anong asawa niya, payat, mataba maganda o pangit man huwag mong tanggapin ang regalo kong kayong dalawa lamang.
Pagbutihin o lalong palawigin ang pakikisama sa among babae kaysa sa among lalaki, maliban kong may pagnanasa ka din sa amo mong lalaki, I baliktarin mo ang pakikisama.. (LAUGHING) .. Totoo itong sinsabi ko, Nor,ang magandang samahan ninyo ng among babae ay makakatulong sa panahon na kinakailangan ninyong magsumbong sa pagiging manyakis ng inyong among lalaki.
Heto pa Day ang iwasan mo, pag bagong paligo, syempre mabango ka, huwag magpakita sa inyong amo na manyakis, tiyak kikiligin yan.. (LAUGHING).
Sa oras nasa inyong kuwarto palaging ilock ang pinto ng inyong kuwarto, siguraduhin na may lock ito sa loob na kayo lang ang pwedeng magbukas na nasa loob.
Mayron ikinuwento si Lola ang style sa para di magtagumpay ang mga ganoon amo, na manyakis, magsuot ng sapin-sapin na short at pantaloon. Gumamit ng tali sa halip na sinturon, kong pwede pa maglagay ng padlock. (LAUGHING)
Kong talagang di na maiiwasan ang panggagahasa, ng amo ninyong manyakis, dahil gagawin ang lahat ng paraan maisagawa ang balak. Heto ang gawin mo, pairalin ang kalmadong pag-iisip, bolahin o kaya’y lansihin.
“Ang madaling gawin Kaka Ali, ay sumigaw”. Day pwede din ang magbato ng kahit ano upang makagawa ng ingay na maaaring ikatakot ng inyong amo at higit sa lahat Day, ipaglaban ang puri hanggang sa huling lakas mo, hindi yaoang madali din kayong madarang, sa konting halik ay bumigay na din kayo (LAUGHING), dahil hindi nay an rape with consent na… (LAUGHING)
Kong nangyari na ang ayaw nating mangyari dahil narape na nga kayo.. bumagsak na talaga ang Bataan at Mariveles (LAUGHING) ibig sabihin, na ilugso na dalaga ang inyong puri, heto ang payo natin:
Huwag matakot na binantaang papatayin kong ikaw ay magsusumbong.
Huwag ding maniwala sa pagmamahal na sinasabi, na kaya ginawa ay dahil mahal kayo,
Huwag ding tumanggap ng suhol ba salapi o alahas kapalit ng puri, dahil lalo pang dadami ang manyakis ditto sa mundo.
Isumbong kaagad sa among babae ang panghahalay at kong sa ibang bansa ka, isumbong kaagad bao 24 oras sa ating embassy o kong dito sa bansa naman sa magulang o pulis.
Ngayon huwag dagdagan ang kuwento sa pagrereport, maging makakatotohanan at matuwid sa pagsasalaysay.
Higit sa lahat huwag mahiya na sabihin ang totoo sa mga kinauukulan, huwag matakot na malalaman ng bayan ang nangyari sa inyo, sa oras na hindi mo isumbong para na ring sinusuportahan mo ang pagdami ang mga biktima ng rape.
Panahon para Dapat ng kalusin ang mga manyakis dito sa mundo..
Ang kasong rape ay kamatayan ang hatol sa batas ng tao ang Diyos. Kaya kapatid maghunos dili ka, kong ayaw mong masilya elektrika.
Heto ang inyong Kaka Alih, sukran wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
(Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO)
Mapanggulong Pagkilos (Disruptive Disorder) Sa mga Bata
October 5, 2011 (October 4, 2011-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: . Ano ang disruptive order o mapanggulong pagkilos ng mga bata? Ang kasagutan alamin sa ating segment na…..
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Host/Noralyn: “Good morning Kaka Alih.”
Alih: Good morning, Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Noralyn: Ano ang dapat nating malaman bilang magulang sa sinasabi natin na disruptive disorder o mapanggulong pagkilos.
Kaka Alih: Ang “Disruptive Disorder” ay salitang ginagamit ng mga propesyonal sa kalusugan na tumutukoy sa suliranin ng mga bata kung sila’y nahihirapang sumunod sa mga alituntunin na karaniwang tinatanggap naman ng ibang mga bata.
Ang mga ilan sa halimbawa ng suliranin na ito:
- Hindi pagsunod sa iniuutos ng mga magulang at ibang nakatatanda katulad ng guro. Karaniwan sa mga bata ang hindi sumusunod paminsan-minsan sa iniuutos, nguni’t ang inilalarawan dito ay ang hindi pagsunod sa halos lahat ng bagay kahit na alam nilang ito ay may mabigat na kaparusahan.
- May mga pag-aalboroto na higit na madalas at malubha kaysa karaniwang bata na nasa katulad nilang gulang.
- Agresibong pagkilos o pananakit. Kasama rito ang paninira ng ari-arian, pagbabanta at mapanganib na gawi katulad ng pagnanakaw at pagbabanta o pagtatangkang saktan ang iba.
- Sa pagsagot, palaging kasama ang pagsalungat, pakikipagtalo, pagpapalaki ng mga bagay at ang gusto ay palaging sila ang may huling salita.
- Ayaw gumawa ng pang-araw-araw na gawain katulad ng gawaing bahay (homework) at paglilinis ng katawan. Karaniwan sa mga kabataan na may karumihan ang kanilang tulugan at bantulot tumulong sa gawaing bahay nguni’t ang palaging pagtanggi na tumulong at hindi pagbibigay pansin sa kalinisan at pangangalaga ng katawan ay hindi karaniwan.
- Lahat ng bata ay nagsisinungaling kung sila ay takot malagay sa gulo at kung sila ay may gustong makuha. Ngunit may mga batang palaging nagsisinungaling kahit hindi kailangan ito.
- Ang pagsalungat sa lipunan ay ipinakikita rin sa labis na galit, pagmumura, nakayayamot na ugali katulad ng pagdura sa tao at pagwawalang-bahala sa saloobin ng iba. Ang ilang tawag sa malubhang anyo ng suliraning ito:
Ø Oppositional Defiant Disorder: Ito ay ginagamit upang ilarawan ang mga batang madaling magalit at madalas makipag-away. Ito ay karaniwan samga batang maliliit na madalas sumalungat sa kanilang magulang at guro. Sila ay hindi sadyang malupit, mapang-api, madaya at lumalabag sa batas nguni’t maaari silang magkaganito kung hindi masusupil.
Ø Conduct Disorder: Ang salitang ito ay ginagamit kung ang ating anak ay lumalabag sa lahat ng alituntunin.
Ø Attention Deficit Hyperactivity Disorder (ADHD): Ito ay naglalarawan sa mga batang pabigla-bigla kung kumilos (impulsive) at may problema sa pananatiling panatag (settled), sa pagtutuon ng pansin (concentration) at sa pag-aaral.
Ang ibang pagkilos ng mga bata o kabataan ay maaaring problema paminsan- minsan. Maaaring ito ay sanhi ng kanilang nararamdaman tungkol sa nangyayari sa kanila katulad halimbawa kung ang mga magulang ay nagdesisyong maghiwalay o kaya sila ay lilipat ng paaralan.
Maaaring sila ay nakakaramdam ng stress at dahil dito ay mahirap silang pakitunguhan. Ang mga problemang tinutukoy dito ay kadalasang nagtatagal o nagiging napakalubha. Ang mga batang may disruptive disorder o mapanggulong pagkilos ay hindi kadalasang tumutugon sa pagkalinga at ayaw nilang pansinin ang sinumang gustong tumulong sa kanila.
Noralyn: Kaka Alih, Kung ang ating mga anak ay may ganitong suliranin, ano ang mga mahalagang malaman ng mga magulang na na maaaring magpalala nito:
Kaka Alih: Una na rito mahalagang bagay na dapat malaman ng magulang ay ang Suliranin ng mag-anak o pamilya. Kung maraming suliranin ang mga magulang, mahirap magbigay-pansin sa suliranin ng kanilang mga anak. Bakit? Halimbawa:
• Hindi pagkakasundo sa pamamaraan ng pagtulong sa mga anak sa kanilang mga problema
• Madalas na pag-aaway ng mga magulang sa harapan ng mga anak;
• Kung idinadamay ang mga bata sa pag-aaway ng mga magulang;
• Kung ang mga anak ay nag-aalala sa kaligayahan at kaligtasan ng kanilang mga magulang.
Pangalawa, Nor, ay ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot at pag-inom ng alak.
- Maaaring lumabas ang masasamang asal ng mga magulang o mga anak kung sila ay gumagamit ng ipinagbabawal na gamot o umiinom ng alak;
- Paggamit ng ipinagbabawal na gamot o pag-inom ng alak sa halip na humingi ng wastong tulong.
Pangatlo ay ang pag-uudyok ng mga kaibigan.
• Kung ang ating mga anak ay inuudyok ng ibang kabataan na uminom ng alak at gumamit ng ipinagbabawal na gamot o gumawa ng masasama
• Kung ang mga anak ay inaasahang kumilos na kakaiba sa kanilang mga kaibigan o ka-edad na mga bata.
Pang-apat ay ang Stress mula sa paaralan.
- Kung ang isang guro ay mataas ang hangarin sa mga bata na hindi nalalaman ang hangarin ng iba rin guro;
- Kung masyadong mataas ang hangarin natin sa ating mga anak, sila’y madalas na nababahala;
- Kung masyadong mataas ang hangarin natin sa ating sarili ang halimbawang ito ay sinusunod ng ating mga anak;
- Kung ang ating mga anak ay nahihirapang makitungo sa ibang bata at sila ay madalas na binibiro.
Heto pa, Ang pansariling stress ng mga bata.
• Kung ang ating mga anak ay maramdamin, dapat natin silang turuan ng paraan para ipagtanggol ang kanilang sarili na hindi nalalagay sa gusot. Ang ibang bata na maramdamin ay umaasta na sila’y matapang at sila rin ang nang-aapi (bullies). Kadalasan, ang mga batang “depressed,” ay mainitin ang ulo at agresibo. Kung ang ating anak ay may ganitong mga problema, mahirap silang pakitunguhan. Kahit nais nating gawin ang mabuti para sa kanila, hindi natin alam ang mga wastong pamamaraan.
Narito ang ilang pamamaraan kung paano mapapangasiwaan ang batang may disruptive disorder habang naghihintay ng tulong:
- Kilalanin/tanggapin ang kanilang katangian at huwag bigyang-pansin angkanilang kahinaan;
- Purihin ang ating mga anak kung sila ay nakagawa ng tama sa halip na parusahan lamang sila kung nakagawa ng mali;
- Hayaan silang gumawa ng kanilang ikinasisiya sa halip na ipinapagawa ang ating kagustuhan lamang;
- Pakinggan natin ang ating mga anak. Matuto tayong makinig sa kanila kung gusto natin silang makinig sa atin.
- Maging tapat at makatwiran. Ipinakikita natin ang ating suporta, kung iniisip natin ang mabuti sa ating mga anak, at pinapapansin din natin ang kanilang mga maling pagkilos sa eskuwela o paglabag sa batas.
- Pagpapakita na hindi natin sinisisi ang iba kung tayo ay nakagawa ng mali o kung ang pangyayari ay dahil sa kamalasan (bad luck);
- Turuan ang mga anak ng humanap ng kalutasan sa suliranin sa halip na sisihin ang iba;
- Pagiging mabuting halimbawa ng nararapat o tamang pagkilos sa mga anak sa halip na pamimilit na gumawa ng tama dahil sa pananakot (threat) o parusa;
- Pagbibigay katiyakang malamig ang ating ulo bago makipag-usap sa ating mga anak kung sila’y nakakagawa ng hindi tama;
- Iwasan ang pag-aaway bilang mag-asawa na nakagagambala sa buong mag-anak at nakababahala sa mga anak;
- Pagbibigay ng pagkakataong magsalita ang ating anak kung sila ay nagagalit o nayayamot, ng hindi tayo nagagalit din. Sa ganitong paraan, malalaman nila na maaaring pag-usapan ang kanilang damdamin o ilahad and kanilang katwiran sa paraang makatutulong sa kanila.
- Iwasan ang pabago-bagong alituntunin para sa mga anak.
Noralyn: Tanong ko lang Kaka Alih, kailan tayo dapat humingi ng tulong na mga magulang sa ibang tao?
Kaka Alih: Kung ang pamilya ay nahihirapan at ang mga magulang ay nawawalan ng pananalig sa kanilang kakayahang lutasin ang problema sa pagkilos ng mga anak;
Kung ang asal ng ating anak ay nakagagambala sa kanyang pang-araw-araw na gawain katulad ng pag-aaral.
Kung ito ay nagiging dahilan na siya’y nasasaktan o nakapananakit ng iba at lumalabag sa batas.
Noralyn: Ano ang magagawa natin kung kailangan ng tulong ng ating mga anak at hindi tayo sigurado kung ano ang maaaring gawin?
Kaka Alih: Sumangguni sa ating mga “Nakakatanda” o mga elders ng pamilya. Makipag-usap sa school counsellor ng ating anak.
Maraming salamat bukas Insha Allah, dagdag pa rin impormasyon sa ting mga magulang papaano ang tamang pagpapalaki ng mga anak..ito ang inyong writer at producer ng segment na Gabay at talakayang pampamilya.. Kaka Alih.
Pag-aasawa ng Maaga
(October 5, 2011-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)Host/Noralyn: Pag-aasawa ng maaga ng mga kabataan sa ngayon, isa daw ito sa dahilan ng di pag-unlad ng basing Pilipinas? Totoo kaya ito?
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Host/Noralyn: “Good morning Kaka Alih.”
Alih: Good morning, Assallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Host/Noralyn: Totoo ba na ang ag-aasawa ng maaga, ng mgakabataan ngayon ang isa sa nagiging dahilan kong bakit hindi tayo umuunlad hanggang ngayon ang bansang Pilipinas?
Alih: Maaari Nor, Ang bansa natin ngayon ay lugmok sa kahirapan.. Dahil sa iba’t ibang krisis na ating nararanasan o nadadama sa ngayon.. Andiyan ang mataas na presyo ng bilihin, kalamidad, panggigipit ng mga nasa may kapangyarihan para sa kanilang pansariling kapakanan, paglabag sa batas ng ilang mamamayan na nagdudulot ng kaguluhan, paglabag sa mga karapatang pantao dulot ng kawalan ng respeto sa bawat isa, di pagkakaunawaan sa pagitan ng mga nasa pamahalaan at mamamayan, at marami pang iba..
“Haaay!! kailan pa kaya ito mawawakasan o mabibigyan ng karampatang solusyon..” himutok ni Lola.
Kaibigan patuloy na lang ba nating isisisi ang lahat ng ito sa pamamalakad ng gobyerno?
Bakit di natin tanungin ang ating sarili: “May naitulong ba ako upang maiayos ang kalagayan ng ating bansa?” o “nakadagdag lang ako sa mga pinu-problema ng ating bansa?”
Iyan kapatid ang ilan sa mga dapat nating maunawaan at masagot.
Ang sabi naman ng iba: “Sa kabataan, nakasalalay ang hinaharap ng bansa.”
Sabagay tama ka, kapatid ang Kabataan, bata pa man ay may malaking magagawa o maiaambag upang maisulong sa pag-unlad ang ating bansa.
Ang mga kabataan ay may mga karapatan gaya ng karapatang makapag-aral at marami pang iba.. Ang mga karapatan na ito’y makakatulong sa atin upang magkaroon ng magandang kinabukasan, makakatulong din ito upang magkaroon tayo ng sapat na kaalaman sa paglilingkod sa ating bayan.
Napakaraming problema kinakaharap ng ating bansa sa ngayon at napakaraming dahilan kung bakit nananatiling mahirap ang ating bansa sa ngayon.
Napakaraming factor o dahilan, ayon sa pananaw ng isang social expert, isa sa sanhi nito ay ang pag aasawa ng maaga ng ilang kabataan. Ang kabataan ay may obligasyon na mag aral. Mag aral upang magkaroon tayo ng magandang kinabukasan at ang ating bansa. Ngunit papaano na lamang kung may mga kabataang nag aasawa ng maaga?
Subalit ito ang katotohanan napakarami ang maagang nag-aasawa na kabataan sa ngayon.
Maraming kabataan sa ngayon ang nag aasawa ng maaga. Napakaraming dahilan kung bakit?
“Sa palagay ko Kaka Alih, ang pinaka sanhi ng pag aasawa ng maaga ng ilang kabataan ay ang kapabayaan ng kanilang mga magulang.” Tugon ng isang kumpare nbatin.
Naitanong ko sa kanya bakit naman?
Ang paliwanag: “Dahil hindi na naasikaso ng mga magulang ang mga anak, papaano kasi eh, napakaraming iniisip at responsibilidad ng isang magulang lalo na kung may bisyo pa ito kaya’t minsan di maiwasang mapabayaan ang kanilang mga anak. Kaya’t minsan hindi na nabibigyang gabay ang kanilang mga anak nagdedesisyon lamang ito batay sa kanyang sariling pananaw lalo na ang mga kabataang may mura pang isipan kaya’t di maiwasang mapunta sya sa masamang landas.”
May dagdag naman si kumara sa issue: “Isa pa sa tingin ko Kaka Alih, and dahilan o sanhi ng maagang pag aasawa ng ilang kabataan ay ang panonood ng mga palabas na tungkol sa pag ibig at pag aasawa. Dahil sa labis na labis na panonood nito di maiwasang maging interesado sila at gayahin ang napapanood sa mga telebisyon.”
Tama ka Mare, kaya’t sa mga kalagayang ito hndi talaga maiwasan ng ilang kabataan na mag asawa ng maaga, papaano kasi nakakakilig din yun.. (LAUGHING).
Napakaraming maaaring ibunga ang pag aasawa ng maaga.
Sa pag aasawa ng maaga maaari itong magbunga ng pag aaway o pagtatalo ng mag asawa dahi na rin sa kanilang ugaling bata pa.
Hindi nila maibigay ang mga pangangailangan ng kanilang anak dahil na nga sila ay bata pa at wala pang mga trabaho.
Kahirapan sa panganganak ng babae dahil hindi pa kaya ng kanyang kalusugan dahil sa siyay bata pa at maaaring maraming dugo ang maaaring mawawala sa kanya.
Ang bumubuo sa sambayanang Pilipino ay tayong mga mamamayan, kong mahina tayo ay mahina rin ang bansa. Kong naghihirap tayo ay maghihirap din ang bansang Pilipinas.
Ang pag-hihirap ng bawat pamilya ay makaapekto sa kaunlaran ng bansa.
Kaya’t bago mag asawa tiyaking may trabaho na kayang tumustos sa pangangailangan ng isang pamilya. Ito ay di basta basta. Ito ay isang pang habang buhay na obligasyon. Kaya’t tiyaking sa bawat aksyon ay may kalakip na tama at angkop na desisyon. Dahil sa bawat aksyon na ating ginawa ay maaaring permanente na o di na mababago. Kaya’t masasabing ang pagisisisi ay laging nasa huli.
Ito ang inyong kaka Alih, at bago wasakan ang segment na ito, huwag kalimutan ang kasabihan, na ang pag-aasawa ay di katulad na kaning isusubo na pag napaso ay pwedeng iluwa.
Sukran, wassallamu alaikum warahmatulllahi wabarakatuh.
Hiwalay ang Magulang
September 29, 2011(Sept 29, 2011-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host: Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: Epekto sa kabataan ng hiwalay na magulang o ang tinatatawag broken marriages, ito ang muling tatalakayin ni Kaka Alih sa ating segment.
(PLAY-INTRO GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka.?
Kaka Alih: Maganda ka pa sa umaga Noralyn, (LAUGHING). Este magandang umaga din Noralyn, (LAUGHING). Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na Nanampalataya sa Islam o yaong mga kapatid na Muslim.
Noralyn, bilang support sa programa ng kampaniya laban sa pagsugpo sa Sex Trafficking of Children at kabataan, heto ang topic natin ngayon umaga Epekto sa kabataan ng hiwalay na magulang o ang tinatatawag broken marriages.
Sa ating pangangalap ng information, nakakuha tayo ng mga kuwento at kasagutan mula sa mga kabataan:
“Hiwalay na kasi ang parents ko eh, kaya siguro nagkakaganito ako”. kuwento ng isang estudyante na drop outs at palaging nasasangkot sa gulo.
“Sa totoo lang Kaka nararamdaman ko ang hinanakit at sakit ng damdamin ng aking classmates na hindi nakagraduate dahil sa marami sa grades niya ang bumagsak. Papaano kasi, palagi siyang absent mula ng mag-away at magkahiwalay ang kanyang mga magulang”. Pahayag naman ng classmates ni Dodoy.
Bakit ka naglayas Day, tanong ko sa isang nene na naglayas. Ang sagot ay: “di ko na masikmura ang ginagawa ni nanay, mula ng sila ay maghiwalay kay tatay, kong sinu-sinong lalaki ang kinakasama at iniaakyat sa bahay, nakakahiya. Minsan may isa siyang lalaki na manyak, pati ako gustong ..” never mind, bawal banggitin sa radio. (LAUGHING).
Alam mo Nancy, ako ay nagtataka kong bakit maraming mga mag asawang nag hihiwalay, naitanong ko tuloy sa aking sarili, ito ba ang uso ngayon?
Host/Noralyn: Napapansin ko din yan Kaka, matanong kita, ano ba ang mga dahilan at nag-hihiwalay ang mag-asawa?
Kaka Alih: Actually maraming dahilan kung bakit ‘ang mag-asawa ay naghihiwalay, na di na sila pwedeng mag sama sa iisang bubong.
Ang mga ibang dahilan ay si mister o misis ay nangangaliwa. Kong minsan naman ay issue tungkol sa pera.
Marami actually ang pwede nating banggitin but gusto ko ang pag-usapan natin ang epekto nito sa mga bata. It’s about the son and daughters that are caught right in the middle, hindi po ba?
Konting di pagkakaunawan naghahamon na si Babae o si Lalaki, ng hiwalay.
Alam mo Nor, minsan naiisip ko rin na parang ang selfish naman ng mga ganuong magulang. Basta basta na lang mag-dedecide na maghihiwalay sila na di man lang inisip ang kahihinatnan ng kanilang mga anak, na mapapalayo sila sa kanilang mga magulang.
Kuwento ng isang mag-aaral sa kanyang classmates na di din nakapagtapos dahil naghiwalay ang mga magulang.
“Alam mo Kaka, noong kami ay mga maliliit pa, pag nag-aaway ang mga magulang naming, lagi kaming ikinukulong sa isang kuwarto para di naming marinig yung mga sigawan nila. Pero honestly pwede bang di namin marinig ang kanilang sigawan eh high pitch masyado ang tono nila”
Tuloy natin ang kuwento Nor, “natuloy ang paghihiwalay ng mga magulang namin dahil kinampihan ni Lola ang aking nanay.”
Kuwento naman ng isang tinedyer na nakulong minsan dahil nasali sa rambol ng mga kabataan. “Pag nag-aaway, ang aking tatay at nanay, akala mo ay may demolition squad na dumating, dahil may nagliliparan namga gamit sa bahay, hagis ng plato, dito, hagis doon, murahan dito, murahan doon. At dahil dito, di nagtagal nalaman ko na lamang may kinakasama na si Tatay na ibang babae, at itonarin ang dahilan ng kanilang pag-hihiwalay. Kaya heto, lumaki akong ganito, basagulero, bilang pagrerebelde na rin sa aking mga magulang. Ang ginagawa ko para mapansin lang nila, inom dito, inom doon, yosi dito,yosi doon.”
Ito ang mga bunga ng mga batang galit sa sarili nilang mga magulang, sa mga batang hiwalay ang parents.
Sa panahong ngayon parang padami ng padami ang mga nasisirang pamilya. Napapansin ba ninyo?
Kaya nararapat na magbago na tayo mga pare at mare.. Tandaan mga kapatid, tayo ay nagsumpaan sa harap ng altar, na magsasama hanggang kamatayan, till death do us part…nasaan ang pangakong yaon? hanggang dito na lamang.. hanggang sa susunod na kabanata.. sa ating nakaka.. ni Kaka Alih.
Host/Noralyn: Alam ninyo mga kapatid, kong sakali mang may hindi pagkakaunawaan ng mag-asawa bakit hindi aayusin, huwag tayong padalos dalos, kong sakaling mang naging matabang na ang inyong pagmamahalan, isipin na may mga anak na mawawalan ng gabay sa araw-araw, dahil ang kanilang mga magulang ay hiwalay.
(PLAY-EXTRO GABAY AT TALAKAYANG PAMPAMILYA)
Kailan Naging Tama ang Pagsisinungalin?
September 28, 2011
Kailan Naging Tama ang Pagsisinungalin?
(September 28, 2011, -Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Ang tanong ay: Kailan ba Naging Tama ang Pagsisinungalin? Mayroon pala nito? Samahan ninyo kami ni Kaka Alihsa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya, at tiyak magkakaroon kayo ng kasagutan.
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Kailan ba naging tama ang pag-sisinungalin? Ikaw kaibigan nakapagsinungalin ka na ba ? Good morning Nor, ikaw ang matanong ko, nakapagagsinungaling ka nab a?
Host/Noralyn: “Good morning Kaka Alih, ay naku sa awa ng Diyos wala pa”
Kaka Alih: Salamat naman Nor.
“Naku Kaka Alih ano ba yan tanong mo?.. bakit pwede bang magsinungalin? Inis na taanong ni Mare.
May alam ako kong kailan, dapat magsinungalin? Kailan? Heto kuwento ni Kumpare:
“…pag tinanong ka kung masarap kanyang luto, dapat oo agad ang sagot mo. (LAUGHING) Yes para hindi sumama ang loob niya at hindi mainsulto.. Mrs mag-aral ka namang mag-luto.
Heto pa may isa pa ako: “.. pag kunti lang kinain mo, at itatanong kung bakit kakaunti lang nakain mo, baka daw di masarap at sabihin mo “masarap, kaya lang busog pa ako or inuunti unti ko para mamaya may ulam pa tayo.. nagbubudget tayo Ling”.
Pare pag nagtanong kung sexy pa siya, oo din dapat ang sagot mo kahit na siya seksi.
“Hay naku kayong mga lalaki mahilig magsinungalin.” Himutok ni Mrs.
“Mads, sabi ng mga kumpare: “kahit na mga white lies lang naman, ang ginagawa naming mga married men, at We do that for the betterment of the family, ika nga.” MaPilosopong paliwanag ni Pare #2
Mads, Mabuti pa pakinggan mo ang aking kuwento at tiyak maiintindihan mo kong bakit kailan tama ang pagsisinungalin.
Heto ang kuwento, kuwento ito ni Juan, pero hindi na si Juan Tamad ha.. ibang version na ito… masipag na si Juan ngayon…dahil karpentero na siya.
Karpintero itong si Juan at isang araw eh may kinukumpuning bahay sa tabi ng ilog. At dahil a lakas ng pagpukpok ng kanyang martilyo ay nalaglag ang martilyo sa ilog.
Dahil dito ay umiyak si Juan Karpentiro at di naglipat sandali biglang lumitaw ang mabait niyang guardian angel niya (lahat naman ng tao di may guirdian angel?).
Sabi ng guardian angel: “Huwag ka ng umiyak Juan, tutulungan kita.” Sabay lundag sa ilog.
Di nagtagal lumabas sa tubig ang Anghel na me hawak na gold hammer, “Ito ba ang martilyo mo Juan?”…
“Hindi po.” Sagot ni Juan.
Lundag uli sa tubig ang anghel at lumitaw muli na may hawak na silver hammer, “Ito ba Juan?”
“Hindi po.” sagot muli ni Juan.
Lundag uli sa ilog ang anghel at lumitaw na me ordinary hammer, “Ito ba ang martilyo mo Juan?”
” Opo, opo, opo maraming salamat maganda kong guardian angel!” masayang sagot ni Juan at dahil dito natuwa ang anghel.
“Dahil honest ka Juan , bukod sa martilyo mo, sa ‘yo na rin itong gold and silver hammer!” masayang sabi ng Anghel.
Ops, Kaibigan hindi pa tapos ang kuwento.. may karugtong pa, makinig pa.. mas masarap ang kasunod, mas maganda ang ending ng kuwento natin.. paalaala lamang kaibigan, kailangan ang may patnubay ng magulang sa mga batang nakikinig..(LAUGHING)
Heto ang itutuloy ng kuwento ni Juan Karpentiro. Ilang linggo ang nakaaran, malapit din sadating lugar na kinahulugan ng martinlyo ni Juan.
Naglalakad sina Juan sa tabing ilog at kasama ang misis niya. Dahil marahil sa katangahan, (o sadyang sinasadya) nalaglag ang Misis ni Juan sa ilog.
Tulad ng simula ng kuwento, iyak si Pedro, talgang iyaking lalaki itong si Juan. Juan walang iyaking lalaki. ..(LAUGHING)
At tulad ng dati litaw bigla ang Guardian Angel.
“Huwag kan g umiyak Juan, tutulungan kita.” At Sabay lundag sa ilog ng Angel at ng lumitaw ay akay-akay si Diana Zubiri . “Ito ba ang misis mo Juan?”
Pasigaw ansumagot si Juan at tuwang-tuwa na sumagot , “Opo!” Opo!” Opo!” siya na po..
Dahil nagsinungalin si Juan nagalit ang anghel, “Sinungaling ka.Juan. Akala ko pa naman eh mabait kang tao, tulad ka rin pala sa iba na makasarili.”
Ops! Ops! Ops! Di pa tapos ang kuwento kaibigan, hayaan nating magpaliwaang si Juan bakit siya nagsinungalin this time, ika nga ng batas natin, “you are innoccent until proven beyongd resonable doubts”.
Kaibigan may dahilan si Juan kong bakit siya nagsinungaling, pakinggan mo: “Sorry po, may beautiful guardian angel … kasi po alam ko, kapag sinabi kong ‘Hindi’, eh lulundag ka uli sa tubig at paglitaw mo eh kasama mo na si Katrina Halili. At kapag sinabi ko uli… na hindi, ikaw lulundag muli sa tubig at paglitaw mo ay kasama mo naman si Diana Zubiri, at pag sinabi ko na hindi, alam ko lulundag kang muli ang pag-aahon mo dala mo na ang Mrs ko, at siempre sasabihin ko na opo, siya ang Mrs ko. At ibibigay mo rin sa akin si Katrina Halili at Diana Zubiri bilang asawa dahil mabait akong tao. Sori po guardian angel, di ko na kayang mag-asawa ng tatlo, isa pa lang ay di na nga kaya, ano pa kaya kong tatlo n a sila.. Mahirap lang po ako.. at hindi ko kayang bumuhay ng me tatlong asawa,.” (LAUGHING)
Moral lesson sa ating kuwento: Kaya lang naman nagsisinungalin ang mga lalaki eh for a good and noble reason. … (LAUGHING)
Ang pag-sisinungalin kaibigan, generally speaking, ay hindi dapat gawin ng simuman, dahil ay masama, maari lamang itong gawin sa magandang intension, kong ito ay para sa kabutihan ng nakakarami, hindi sa pansariling kapakanan.
Para sa programang buhay buhay sa segment na Gabay at Talakayang Pampamilya Ang inyong nakaka.. Kaka Ali.. sukran Wassalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
(EXTRO)
Karapatang Kababaihan at Kabataan
September 27, 2011
Karapatang Kababaihan at Kabataan
(September 27, 2011 Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Noralyn/Host: “Alam ba ninyo papaano bigyan ng proteksiyon tayong mga kababaihan at ating mga anak na nakararanas ng pag-aabuso o karahasan.? Pakinggan ang ibabahagi ngayon umaga ni Kaka Ali, sa ating segment na:
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Kaka Alih: Assallamu Alaikum warahmatullahi wabarakatu, good morning. Ang karapatan ng ninyong mga kababaihan ang ating tatalakayin ngayon umaga
Nor: Good morning Kaka Alih. May batas ba ukol sa violence laban sa aming mga kababaihan at mga anak?
Kaka Alih: Oo, ang Republic Act No. 9262 (2004) o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay batas na pinasa para bigyang proteksiyon kayong mga kababaihan at mga anak na nakararanas ng pag-aabuso o karahasan.
Nor: Matanong ko ulit Kaka, Anong akto ang sinasangga ng batas?
Kaka Alih: Ang batas ay nagbibigay proteksyon laban sa anumang aktong ginawa ng sinuman laban sa isang babae na: kanyang asawa o dating asawa; mayroon o nagkaroon siya ng sekswal na relasyon o “dating relationship”; o ina ng kanyang anak.
May proteksyon ding ibinibigay sa anak ng babaeng nabanggit sa itaas, lehitimo man o hindi:na ginawa sa loob o sa labas ng tahanan; na nagresulta o maaaring magresulta sa: pisikal, sekswal o sikolohikal na pinsala o paghihirap, pinansyal na pang-aabuso, pananakot na gawin ang mga nabanggit, pambubugbog, pananakit, pamimilit, panggugulo o pagkait ng kalayaan.
Nor: Kaka Alih pwede kang magbigay ng mga halimbawa ng mga karahasang labag sa batas.
Kaka Alih: of course naman Nor, narito ang ilan ang Pisikal na Karahasan: ito yung pananakit sa katawan o pisikal na pananakit sa babae o bata.
Pangalawa ay ang Sekswal na Karahasan ito naman ang mga aktong likas na sekswal; kabilang dito ang: panggagahasa; sexual harassment; kalaswaaan o acts of lasciviousness; pagtrato sa babae o kanyang anak bilang sekswal na bagay o sex object; paggamit ng mga salitang nakakapahiya o nakapanlilit, at mga salitang malaswa; pisikal na pananakit sa maseselang bahagi ng katawan ng biktima; pamimilit sa kaniya na tumingin o manood ng mga malalaswang babasahin o palabas; pamimilit sa biktima o sa kaniyang anak na gumawa ng mga malalaswang gawain at/o gumawa ng malalaswang pelikula;
pamimilit sa babaeng asawa at kalaguyo/kabit na tumira sa kanilang bahay o parehong matulog sa iisang kuwarto kasama ang akusado; pagpapagawa sa biktima, sa pamamagitan ng puwersa, pananakot o pamimilit, ng gawaing sekswal; at pagsadlak sa babae o sa kanyang anak sa prostitusyon.
Pangatlo ay ang Sikolohikal na Karahasan, ito ang mga gawain o di-paggawa na nagdudulot ng paghihirap sa isip o damdamin ng biktima, kabilang na, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod: pananakot; panggugulo; pagmamanman o stalking; paninira ng ari-arian; pamamaliit sa publiko o pamamahiya; paulit-ulit na pang-aabusong sa pananalita; pangangaliwa; pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabusong pisikal, sekswal o sikolohikal sa isang kapamilya; pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang anumang uri ng pornograpiya; pagpapakita o pagpayag na makita ng biktima ang pang-aabuso sa alagang hayop; at hindi makatuwirang pagbabawal o pagkakait ng karapatang pangalagaan o bisitahin ang mga anak ng biktima at ng may-sala.
Pang-apat ay ang Pinansyal na Pang-aabuso: Ito ang mga gawain na nagiging sanhi upang maging pala-asa ang babae ukol sa pananalapi, katulad ng, ngunit hindi limitado sa mga sumusunod: pagbawi ng sustentong pinansyal; pagbabawal sa biktima na pumasok sa lehitimong propesyon, trabaho o negosyo o gawain (maliban kung tumanggi ang asawa batay sa katanggap-tanggap, seryoso at moral na dahilan); pagkait ng kakayahang pinansyal at right to conjugal, community or property owned in common; paninira ng mga kagamitan sa bahay; at pamamahala sa sariling pera o propyedad ng biktima.
Mga mahal naming nanay at mga anak, alamin ang inyong karapatan, upang inyong makamatan ang katiwasayan ng pamumuhay.
Ito ang tatay na nagmamahal sa nanay ng mga bata.. Kaka Alih..
Nor: Hayun ang totoong tatay na nagmamahal sa nanay at anak si Kaka Ali, bukas muli kaming abangan sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya.
(PLAY-Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO)
Anong Malay mo Baka Maka-tsamba
September 26, 2011
(September 26, 2011 - Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Noralyn/Host: “Ang kasabihang “anong malay mo baka makatsamba” ay bukang bibig ng mga kapatid na gustong magkapera o magkaroon ng isang bagay na hindi masyadong pinagpaguran. Ikaw kapatid ganito ka rin ba? Gusto mo ring makatsamba, pakinggan natin si Kaka Ali, dito hindi na tsamba sigorado naito…
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Kaka Ali: Tama ka Noralyn, ang kasabihang “anong malay mo baka makatsamba” ay bukang bibig ng mga kapatid na gustong magkapera o magkaroon ng isang bagay na hindi masyadong pinagpaguran halimbawa y sa sugal.. Subalit may mga nanay na ayaw nila ang lang kanilang asawa ay nag-susugal, lalong marami naman ang tatay na ayaw nila ang nanay ay sugarol.
Bago sila makatsamba Nor, heto mo na sigorado ko ito, Assallamu Alaikum Warahmatulllahi wbarakatuh.. ang kapayapaan at pagpapala ng Diyos ay sasaatin Nawa.. magandang umaga sa iyo Nor…
Noralyn/Host: Magandang umag din Kaka Alih, papaano ako makatsamba? (LAUGHING)
Kaka Ali: “anong malay mo baka makatsamba” Ito ang madalas na ginagamit ng mga kapatid na nagsusugal (game of chance), sila ay nagbabasakali na baka manalo.
Alam mo Nor, may mga kapatid pa itong: anong malay mo baka makatsamba.
Noralyn/Host: Ha? Hindi ko yun alam, baka may pinsan pa yan? (LAUGHING)
Kaka Ali: Heto Nor ang mga kapamilya: “tsumamba lang” which in English ay, just got lucky; heto pa ang isang kapatid, “tsumamba din ako”(I finally got lucky); “tsumamba ka lang” (you just got lucky); “tsumamba lang sila” (they just got lucky) at heto pa “mahirap tsumamba nang ganoon” (It’s tough to get lucky that way); “tsambahan lang ito” na ang meaning naman ay this is all a matter of being lucky.
Noralyn/Host: Ang dami palang kapamilya.
Kaka Ali: Tsamba (chance) ito ang ugat na salita, pag binabanggit ang salitang tsamba ay naalaala ko ang isang lumang pelikula na may titulo na “Patsamba-tsamba” , pelikula ito sa kalagitnaan ng 60’s, isang komedi at love story movie. Ito ay kasaysayan ng isang babaeng mahirap na walang ibang trabaho kundi ang magtinda ng bote na umibig sa isang tambay na isa namang Butangero. Ang mga bida dito ay sina Nida Blanca, Nida Blanca siya si Bertang Bote, mga tinedyer pa sila dito, katambal niya dito si Bernard Bonnin, Mina Aragon, Menggay, Jose Garcia at Johnny Long, ang iba hindi ko na matandaan, ang naalaala ko lang kasi ang mga kilala kong mga artista. Any way hindi pelikula ang tatalakayin natin, balik tayo sa topic natin na Anong Malay mo Baka Maka-tsamba
Ang tanong ito ba ay nakakabuti sa ating mga tao?
“Pag nanalo ka Kaka, makakabuti”. Sagot ng isang mahilig magtaya sa sugal na last two.
Ang tanong kaibigan, how sure na pag may pera ka na bubuti ka na? Marami ng nagkaroon ng maraming pera, subalit hindi pa rin bumubuti.
Noralyn/Host: Marami na akong narinig na nanalo sa sugal subalit lalo pa ring naghihirap ang kabuhayan.
Kaka Alih: Tama ka Nor, Ayon sa pag-aaral karamihan sa mga nanalo sa larong sugal ay nasa mas mahirap pa na sitwasyon ilang taon matapos niya mapanalunan ang malaking halaga ng pera mula sa sugal. Kokonti, kung mayroon man, ang tapat na ibinigay ang pera para sa mabuti o magandang hangarin.
Para sa mga kapatid na Kristiyano, may tanong: “Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsusugal? Kasalanan ba ang pagsusugal?”
Heto ang sagot : (http://www.gotquestions.org/tagalog/kasalanan-pagsusugal.html) “Maaaring isalarawan ang pagsusugal na “Pagbabakasakali sa pera upang tangkaing paramihin pa ito sa paraang di pangkaraniwan.” Hindi partikular na hinahatulan ng Bibliya ang pagsusugal, pagpupusta at iba pa. Gayon man, binibigyang babala naman tayo ng Bibliya na umiwas sa pagmamahal sa pera (1 Timoteo 6: 10; Hebreo 13: 5). Hinihikayat rin tayo ng Kasulatan na iwasan ang mga pagtatangkang yumaman sa pinakamadaling paraan” (Mga Kawikaan 13: 11; 23: 5; Mangangaral 5: 10). Ang pagsusugal ay kadalasang nakasentro sa pagmamahal sa salapi at hindi maipagkakailang maraming tao ang natutukso nito dahil sa pangakong madali at mabilis na pagkamal ng kayamanan.
May nagtanong pa ng: Ano ba ang mali sa pagsusugal?
Sabagay, ang pagsusugal ay isang mahirap na isyu dahil kung ginagawa lamang ito ng paminsan minsan at hindi regular o kung may okasyon lang, maaring ito’y pagsasayang ng pera, subalit hindi nangangahulugang ito’y kasamaan. Ang mga tao ay nagsasayang ng pera sa anumang uri ng aktibidad. Ang pagsususugal ay hindi maituturing na mas matinding pagsasayang ng pera kumpara sa palagiang panonood ng sine, pagkain ng mga hindi naman kinakailangang pagkain, o pagbili ng wala namang silbing bagay. Ang katotohanang naaaksaya ang pera sa anupamang bagay ay hindi nagbibigay-matuwid sa pagsusugal. Ang pera ay hindi dapat aksayahin. Ang sobrang pera ay dapat iniimpok para sa mga darating na mga pangangailangan o di kaya ibigay sa gawain ng Panginoon - at hindi dapat sayangin sa pagsusugal.
Sinasabi sa aklat ng Kawikaan 13: 11, “Ang yamang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang yamang pinaghirapan ay pinagpala.”
Winika ng Allah sa Qur’an na “bawal ang pagsusugal” at dahil dito, ang isang bansang nagpapatupad ng Islam ay hindi maaring magbukas ng casino, lotto, sweepstakes, atbp.
“Tinatanong ka nila tungkol sa alak at pagsusugal. Ipahayag: O Propeta, sa mga ito aya may malaking kapinsalaan at ilang kapakinabangan, subalit ang kapinsalaan ay mas malaki kaysa kapakinabangan.” [Surah Al Baqarah 2:219]
Isa pa ring Islamikong panuntunan na sa mga bagay na ipinagbabawal, anumang bagay na makapagbibigay-daan sa pagsasagawa ng mga iyon ay ipinagbabawal din.
Ang pagsusugal ay isa sa mga hindi kanais-nais na gawain na karaniwang ginagawa ng tao. Higit na itinuturing nila ito na isang libangan kaysa sa isang masamang bisyo, balewala ito sa iba kung ito man ay kasalanan o hindi. Naging bahagi na ito sa pamumuhay ng karamihan. Wala nang halaga kung ito man ay nakapipinsala o hindi!
Sa iba ay ginagamit pa itong propesyon o hanap-buhay, ginagamit pa itong paraan upang masunod ang luho sa sarili, makaahon sa kahirapan at iba pa, na sa pag-aakala ay wala itong ibubunga na kasamaan.
“Kung batid nga lamang nila, na ito ay isa sa malaking kasalanan sa harapan ng Allah.” Bahagi ng kuthba (sermon sa Salah sa Biyernes) ni Ustadz Ahmad.
Tama ang tionuran ni Ustadz Ahmad, dahil ayon sa pag-aaral, bukod sa pinupukaw ng sugal ang poot sa kalooban ng isa’t isa, lalo sa natatalo, nagbibigay din ito ng immoralidad sa katauhan ng isang tao.
Hindi ito nakapagdudulot ng kabutihan sa tao at kung mayroon man ay napakaliit lamang, na ang hahantungan din sa bandang huli ay pagkawasak at kapahamakan!
Bakit natin ito sinasabi? Sinabi ng Allah. Dahil kailanman ay, hindi maaaring magbunga ng mabuti ang kasamaan, kundi ng kasamaan din! Maliwanag na sinabi ng Allah sa Quran:
“Sabihin (mo sa kanila O’ Muhammad): “Hindi magkatulad ang masama at ang mabuti, kahit na kaakit-akit at nakasisilaw ang idinudulot na kasaganaan ng kasamaan. Samakatuwid! O’ tao na may pang-unawa, Katakutan ninyo nang labis ang Allah (sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal) at mahalin ninyo Siya nang labis (sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng uri ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-utos), upang kayo ay maging matagumpay.”
Kapatid na naniniwala sa Poong Lumikha, para sa ating kapakanan ang pagbabawal na ito. Sa katunayan, napakabait ng Allah sa atin, ibinigay na Niyang lahat-lahat ang makabubuti para sa atin — ang pinakawastong pamamaraan ng pamumuhay! Subali’t ang iba ay ayaw pa ring pahalagahan ito!
Kong ang ating mga relihiyon o pananampalataya ang ating pagbabasehan ay ang lahat ng uri ng sugal na sangkot ang salapi at mga ari-arian, ay ipinagbawal ng Allah na tulad ng: Lottery, Lotto, Sweeptakes, Casino, Jai-alai, Jueteng, Karera, Sakla, Madyong, Pares-Pares at iba pang mga laro na kauri nito.
Ang masaklap nga lang nito, ay kalat na kalat na sa ating lipunan ang mga ganitong bisyo.
May ilang uri ng sugal na ginawang legal ng pamahalaan, na kinabibilangan ng mga kilalang tao sa lipunan at may malakas na impluwensiya!
At ang iba namang sugal na hindi ginawang legal ng pamahalaan ay nagkalat at naglipana sa kapaligiran!
Paano mapabubuti ang lipunan kung ganitong sistema ang umiiral?
Ang payo ni Pastor at Ustadz , “Kong gusto nating magkaroon ng kayamanan o pera, magbanat tayo ng buto, paghirapan natin, sundin natin ang tamang panuntunan ng ating relihiyong pinaniniwalaan.
Ang inyong kapatid, Kaka Alih. Sukran. Wassallam.
Noralyn: Tama ka Kapatid na Kaka Alih, sa aming relihiyon na talagang bawal sa aming relihiyon ang pagsusugal, kaya nararapat lamang naitigil na ito…
(Gabay at Talakayang Pampamilya - EXTRO)
Maligayang Pagsasama ng Mag-asawa dapat Forever
September 23, 2011(September 23, 2011 Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Noralyn/Host: “Alam mo ba Kapatid ang sikreto papaano mapapanatili ang maligayang pagsasama ninyong mag-asawa? This morning, heto tiyak magugustuhan mo, papaano ba naman di mo magustuhan ay sa title palang kikiligin ka na: Maligayang Pagsasama ng Mag-asawa dapat Forever
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Kaka Ali: Alam mo Noralyn, maraming paraan ang magagawa ng mag-sing-irog o mag-asawa… upang lalo pa nilang pagtibayin o patatagin ang kanilang pag-iibigan at pagmamahalan.
Noralyn/Host: Papaano?
Kaka Ali: Ang pinaka mahalaga ay “personal will’ para baga yaong sinasabi nila noon kay Gloria na kailangan ang “political will” para maibangon ang bansang ito…buweno kapatid magbibigay ako ng ilang pointers o mga payo..
Una kapatid ay pag-nagagalit ang inyong mga asawa, o baka nagwawala na, simplenlang ang gagawin mo: tumahimik ka pansamantala. You declare unilateral ceasefire at ikaw naman misis, declare ka rin ng ceasefire pag declare si Mr, ng ceasefire..(LAUGHING).
Hindi matatawag na karuwagan o kaduwagan ang manahimik muna habang nagpupuyos sa galit ang inyong asawa.
Kaibigan maniwala ka, matalinong pagpapasya ang tumatahimik muna pag nagagalit ang ating asawa.
Ganito kasi iyon Kapatid bakit ko sinasabi na pag galit ka ay lalong makakabuti na manahimik ka muna. Ang tao pag galit ay may tendency na makapanakit ng kapuwa tao, iyong iba hindi tao kundi mga gamit nila ang sinisira, pinagtatapon, pinagsusuntok. ..(LAUGHING).
At likas o natural sa tao na sino mang nasaktan ay may posibleng manlaban at manakit din sa nanakit sa kanya, ang tawag daw diyan ni Pare ay “self defense”.
Ngayon, makatutulong na maiwasan ang away na may kakambal na pananakit, kung sa panahong ikaw ay galit, manahimik muna.
Maalaala ko Si Ustadz Ahmad, may payo siya sa ganitong siutwasyon. Ang payo niya, kong isa kang Nanampalataya sa Islam o isang Muslim, mag-abdas ka, o ablution, at lalong maigi kong magsambayang ka ng dalawang rakaah na sunnah.
Next ay, Iwasan ang pagsisigaw sa asawa, lalo sa harap ng ibang tao.
Tandaan Kapatid na ang pagsisigaw sa asawa lalo na harap ng ibang tao ay isang tanda ng kakulangan o kawalan ng paggalang sa asawa. Maliban na lang kung bingi ang asawa, mo (PLAY LAUGHING). Ganito kasi iyon Kapatid, tila pambabastos at namumukhang tanga ang inyong asawa kung sisigawan mo siya lalo sa harap ng iba. Siguro naman ayaw mong nababastos at nagmumukhang tanga ang iyong asawa. Kaya huwag mong sisigawan ang iyong asawa, kong aakalain nila na tanga siya, eh lalo kang tanga dahil bakit ka nag-asawa ng tanga.
Noralyn : Tama!..(PLAY LAUGHING).
Kaka Ali: Susunod Nancy na payo, Pag Nakagawa ka ng pagkakamali, matutong mag-sorry sa inyong asawa.
Noralyn: Papaano yun Kaka, please elaborate o pakipaliwanag, ng maliwanagan si Mare at Pare.
Kaka Ali: Ok ganito yun Noralyn, pag nakagawa ka ng pagkakamali o nasaktan ang damdamin ng inyong asawa, ituwid ito at mag-sori, but sigoraduhng talagang sorry ha?!!! Ipakita mo sa asawa mo na totoong nagso-sorry ka.
Paliwanag ko sa English ha? When you realized that you have wronged your spouse, don’t just say “I’m sorry my Dear.” Show that you are really are sorry for what you done. Show it with your face and show it with your action. (PLAY LAUGHING)
Bakit ko ito nasasabi Nancy? May tao kasi na pag nagsosorry sa asawa at habang sinasabi ang “I’m sorry” ay nakangisi pa. (PLAY LAUGHING) Lalo tuloy nabubuwisit ang asawa niya sa kanya. May mga nagsasabing naman ng “I’m sorry my darling” sa asawa na wala namang pagbabagong nangyayari.
Heto pa ang isa na payo ko kaibigan - Maging attractive sa paningin ng inyong asawa.
Bakit? Hindi dahil asawa mo na ay hindi ka na, nagpapaganda. Minsan kasi, may mga lalaki na ang nahulog na sa kandugan ng iba kasi hindi na attractive para sa kanya ang kanyang asawa o kong si babae ay Lusyang NA at si lalaki naman ay ano???: Lolo na?. (PLAY LAUGHING) In short o sa madaling usapan, Kapatid, huwag kayong mag-pabaya sa inyong katawan.
Para mangyari ito, anong gagawin? Heto ang payo ng mga expert:
ü Mag-exercise at iwasan ang walang pakundangang pagkain nang sobra para di masira ang inyong pigura.
ü Huwag labis na uminom ng alak o kong pwede itigil na ito ang pag-inom ng alak na nakakalasing.
ü Iwasan din na ang sigarilyo dahil ito ay nakakamatay.
At higit sa lahat daw, sabi ni Pare, sikapin na rin na maging mabango para sa kanya. Pero pari huwag kalimutan, tanungin din ang asawa kung anong amoy na pabaango, kong maari siya ang pumili o bumili, pero syempre bigyan ng pera na pambili. (PLAY LAUGHING)
Sundin ang gusto ng inyong asawa para maging attractive sa kanya. I-attract mo ang iyong asawa baka kasi iba pa ang umattract sa kanya. Sige ikaw rin. Baka magsisi ka. (PLAY LAUGHING)
At higit sa lahat na maipapayo ko kaibigan, Maging kuntento sa anong biyaya ng Diyos sa inyo.
Alam ba ninyo kapatid na delikado ang maaaring kahinatnan ng mag-asawang walang kakuntentuhan sa kung ano’ng mayron sila na binigay kanila ng Diyos?. Maaaring gulo o kapahamakan ang kasasadlakan MO.
NORALYN: Ano ba ang kailangan para maging kontento ang tao KAKA?
KAKA ALIH: Ang kasapatan ba ng lahat ng pangangailangan? Kung dito nakabase ang kakuntentuhan walang mag-asawang mauubusan ng pangangailan. Therefore, walang mag-asawang makukuntento. Hindi masama ang maghangad ng karagdagan para sa kinabukasan. Pero maging kuntento muna at maging maligaya sa kung ano ang mayroon kayo ngayon na biyaya ng Allah. Pasalamatan mo ang iyong Poong Lumikha anong mayroon kayo ngayon.
Ito ang inyong segment writer at producer, sa Gabay at Talakayang Pampamilya Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuhu.
NORALYN: Hay salamat may nakuha na naman akong pointers, papaano ko mapanatili ang tamis at maligayang pagmamahalan naming mag-asawa, ikaw kapatid mayroon din ba? Sa lunes muling abangan si Kaka Ali sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya.
(PLAY-EXTRO)
Kabataan ang Pag-asa ng Bayan
September 22, 2011
(September 22, 2011-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host: “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,” kasabihan ni Gat Jose Rizal, papaano sila magiging pag-asa ng bayan? Iyan ang tatalkayin ni Kaka Alih sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: Kabataan ang Pag-asa ng bayan,” kasabihan ni Gat Jose Rizal, papaano sila magiging pag-asa ng bayan? Ito adin ang mga linya na palagi naming isinisigaw noong bago mag-martial law. Kahapon Sept 21, 2011 ay anniversary ng declaration ng martial law o batas military. Subalit hindi martial law ang topic natin, dahil kong minsan di magandang sariwain ang malagim na karanasan nay un ng mga kabataan, isa na ako doon.
Kabataan ang Pag-asa ng Bayan
Ang realidad ay maraming batang Pilipinong lumalagi at naghahanapbuhay sa lansangan. Ang iba naman ay palaboy-laboy lamang at nagugumon na sa pinagbabawal na gamot. Kaawa-awa ang kalagayan ng mga ito kailangan nila ng kalinga at pagmamahal ng magulang at kapuwa.
Alam nyo bang may ibat-ibang uri ng mga batang lansangan? Halimbawa sa Metro Manila, doon ay may mga batang sa gabi’y naglalako ng sampaguita, kendi, at sigarilyo upang maka-ambag sa kani-kanilang pamilya o kaya naman para sa matrikula ng kanilang pag-aaral. Delikado ang pinagdaraanan nila para lang may mapagkakitaan.
Regular na tanawin din sa mga siyudad na may mga batang sa umaga’y masayang nakikipagpatintero sa mga saskayan, nagmamalimos sa mga simbahan, parke at tindahan. Ang iba naman ay sadyang naghihintay ng paglubog ng araw, at sa gabi ay naghihintay kong may masisila silang biktima na mapagnanakawan. Ang iba naman, matapos makadilihensya’y pawang nasa langit ang pakiramdam sa pag singot ng rugbie. Kaka Ali, ano kayang kapanyarihang taglay ng rugbie? (Aywan ko).
(PLAY LAUGHING WOMAN)
Hindi! Heto may sagot ako: “..sabi ng iba’y nakakapawi ng pagod, gutom at problema.” (Totoo bayan?) Yes Kaka, ito ang nagsisilbing bitamina na nag susuplay sa mala tingting nilang pangangatawan upang harapin ang mga pagsubok na dala ng buhay. Pag patak ng dilim, matapos ang mag hapong pakikipag sapalaran, sila’y tutungo sa kani-kanilang lungga. Meron sa isang abandunadong gusali, containers, automobile, kariton, parke, o kaya naman sa gilid na ng kalsada mismo.
Kaibigan, na hindi pa masyado nakapagpasyal sa mga lungsod, tulad ng Maynila, ang pinaka masaklap sa lahat sa mga kabataan na ito ay may mga sindikatong ginagamit ang mga musmos na ito upang mapag kakitaaan. Pinagbebenta ng mga droga, pinagnanakaw, o kaya’y pinagbibili ang katawan. Kadalasang inaabuso, pinagbubuhatan ng kamay, hindi pinapakain sa halip ikinukulong at pinapatay pag wala silang pakinabangan ito ng hindi makapasumbong sa otoridad.
Kong ganito ang palaging mangyayari ay makakapaniwala ka pa ba ang kasabihan na “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,”. Matatawag pa bang ang kabataan pundasyon ng isang matatag na republika,
Ayon sa ating batas nakasaad na ang bawat bata ay may mga karapatan. Karapatang makahawak ng libro’t lapis, mahagkan ang haplos ng kalinga, proteksyon, at pagmamahal ng isang magulang, matustusan ang panangailangan at masilayan ang kagandahan ng mundo.
Pero bakit ganito? Sa bawat pagtiktak ng orasan kahirapan ang bumabalot sa mga palad ng sangkatauhan, kasabay nito ang pag-lubo ng pupulasyon, ngunit hindi nadagdagan ang kita ng bawat pamilya.
Ang mga tao ba’y nag iisip o sadyang mapurol ang utak at talagang nakasanayan na ang pagluwal ng sanggol bawat taon? Matapos nito’y pababayaan na parang basahan ang mga batang nabuo at iniluwal sa magulong mundo ngayon, na dapat sana ay matamasa ang kalinga at pagmamahal ng isang magulang o talagalang ito’y bahagi na ng sirkulasyon, na pabayaan ang anak, at hayaan mabuhay tulad sa isang hayop o ibon na bahala na siyang maghanap ng makakain upang mabuhay.
Matatandaan ko noon sa aming klase, nasabi ng aming guro: “…na masuwerte ang panganay na anak dahil siya ay nabuo ng dahil sa pagmamahal ni nanay at tatay at ang mga kasunod ay habitual na gawain na lamang raw.
Kong ganito ang situwasyon di ba nakakatawa ? Pero Kaka Alih yan ang realidad, iyan ang nagdudumilat na katotohanan. Kaya ngayon sa bawat pagtaas at pagbaba ng araw ay siya ring paglitaw ng mga batang sinuswerte, ang iba nama’y sinawing palad at sa lansangan na lamang ipinagpatuloy ang magulong buhay. Ang ganitong kabataan ang nag sisilbing mukha ng di-umuunlad na bansa.
Sa bawat araw na lumilipas, isang obserbasyon ang namuo sa murang isipan ng mga isisilang na sanggol, na paglaki ay kusa ng mahahawa ng kanyang kapaligiran.
Masosolb ba ang problema kong patuloy tayong magsisihan?
“Kaka Alih ang sakit isipin na walang magawa o hindi mabigyan ng sulosyon ng ating gobyerno ang poblemang ito. Ano na lang ang sasabihin
Tama ka kaibigan, ngunit ibabalik ko sa iyo ang katanungan: “Sino ba ang may pananagutan? mga magulang o gobyerno? O silang dalawa ay dapat magtulungan?”
Mga giliw naming tagapakinig kayo ang makakasagot sa tanong na iyan, kayo na ang bahalang humusga, sino ang dapat na sisihin, o heto ang dapat hindi tayo magsisihan.
Para sa akin, gagampanan ko ang aking tungkulin bilang magulang, na iniatang sa akin Poong Lumikha, kusa kong babalikatin ang aking responsiblidad, at ako’ maniniwala na hindi tayo pababayaan kong tayo ay mananalig at mananampalataya sa ating Poong Lumikha.
Ako ay naninindagan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kapatid sama-sama tayong manindigan. Kaya natin ito…
Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas…mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi natin.. bukas sama-sama tayo sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya…. Sa ating programang buhay buhay FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Kalagayan ng Kababaihan sa ating Lipunan Noon at
September 19, 2011Kalagayan ng Kababaihan sa ating Lipunan Noon at Ngayon
(September 19, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Ang ibabahagi namin ngayon umaga sa ating segment na Gabay at Talakayang pampamilya ay itong Kalagayan ng Kababaihan sa ating Lipunan Noon at Ngayon, makakasama natin si Kaka Ali…
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih, matanong ko lang ano ba ang pagkakaiba ng kababaihan natin noon at ngayon?
Kaka Alih: Kong sa physical na kaanyuan ayt wala naman pagkakaiba ang kababaihan noon at ngayon, ang tanging nag-iba lamang ay ang kanilang pag-uugali, pananamit at maaring isama natin ang paniniwala.
Ngayon araw Nor, ang tatalakayin natin ay ang kalagayan ninyong mga babae.
Ang kalagayan ng mga kababaihan sa kasalukuyan sa ating bansang Pilipinas sa ngayoin . Alam mo ba naiulato naibalita na sa taong 2009, may 9,485 kaso ng karahasan sa kababaihan ang naitala ng Philippine National Police- Women and Children Protection Center (PNP-WCPC). Ito ay mataas ng 21% kumpara taong 2008.
Ayon sa Center for Womens Resources(CWR), may isang babaeng nagagahasa sa kada walong oras. Ang ibig sabihin kada araw may tatlong babae na nagagahasa.
Medyo balikan naman natin ang kalagayan noon ng mga kababaihan. Noong mga unang panahon ng Jahiliya o “day of the ignorance”…
Alam ba ninyong mga babae ang inyong katayuan sa lipunan?
Host/Noralyn: Hindi ko pa alam Kaka Ali, please tuloy ninyo, nakikinig ako.
Kaka Alih: Ang turing sa mga babae ay segunda klase na nilalang ng Diyos…Patawarin sila ng Diyos.. Tinuturing nila ang babae ay pag-aari ng lalaki.. ang sabi ng iba, hinugot ka lang sa tadyang ni Adan. Dahil ang alam natin ay ang paglalang ng Diyos sa babaeng si Eba, ay mula sa ribs o tadyang ni Adan. …
Ang iba naman ay mahina ang babae, kaya pangkama na lamang kayo.
Alam din ba ninyo ang pananaw sa mga babae ng mga ibang bansa at kung paano ang kanilang pakikitungo sa kanila?.
Ang mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at nabibili at wala itong anumang karapatan, sa halip, ang lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan din ang mga babae ng karapatang magmana o magpatakbo ng sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang bantog na pilosopo na si Socrates: “Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo ay maganda subali’t sa sandaling ang bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay ang mga ito.”
Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At ang kanilang kasabihan noon ay: “walang kaluluwa ang babae.” Dahil dito ay pinarurusahan nila ang mga babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang katawan at iginagapus sila sa mga haligi. Hindi lamang iyon, kasama rin dito ang mga walang kasalanang kababaihan ay itinatali nila sa buntot ng mga kabayo kasabay ng pagpapatakbo nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.
Ang bansang Tsina o ang mga Intsik naman ay ang babae sa kanila ay katulad sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Tsino noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.
Itinuturing naman ng mga Hudyo ang babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag ito’y nireregla at ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.
Ang mga kababaihang Ingles (British), alinsunod sa pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang-siglo (ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi itinuturing na mga mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay kasama na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567 ay gumawa ng batas ang Pamahalaang Parliyamento ng Scotland na nagbabawal na pagkalooban ng kapangyarihan sa anumang bagay ang isang babae.
Ang Pamahalaang Parliyamento nanam ng Inglatera noong panahon ni Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao nguni’t siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.
Sa mga babaing Arabo naman bago dumating ang Agama o relihiyong Islam ay itinuturing na isang kamalasan ang pagkakaroon ng anak na babae, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang anumang karapatan. Maraming mga Arabo bago dumating ang Islam ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.
Ang lahat ng ito ay nagbago ng ihayag ng Allah ang Islam. Nagbago ang lahat ng ihayag ng Allah kay Muhammad ang Sugo o Propeta, ang karapatan ng kababaihan. Nagbabago ang turing ng mga tao sa Babae, pagdating ng katuruan ng Islam, dahil umangat ang kanilang kinalalagyan. Nagkaroon sila ng karapatan. Karapatan na ka-level ng kalalakihan.. taliwas sa paniniwala ng iba sa ngayon na ang babaeng Muslim ay walang karapatan.
Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang-katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay magkapantay sa karapatan.
“O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa’t-isa). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para sa Allah ay siya na may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Ang Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay.” [Nakasaad sa Qur’an, 49:13]
Ang pananaw ng Islam sa babae tulad ng mga pinapahayag natin noong una pa man dito sa ating mga programa sa DXUP FM , ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinango sa katuruan ng Islam, kaya naman noon pa man kinilala na ng mga Bangsamoro ang mga karapatan ng mga Kababaihan, at pinangalalagaan ang kanilang maratabat o dangal, na kong minsan ay humantong ito sa patayan ng membro ng angkan, maibangon lamang ang dangal ng kababaihan nila.
Ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, noon at magpahanggang sa ngayon na nasakop na ng mga kanluranin ay nanantili pa rin ang ganoon kultura bagamat malakas ang asimilasyon sa ibang kultura, halimbawa ng kulturang Pilipino, na ang kulturang ito ay minana pa nila ang iba sa mga mananakop na Kastila at Amerikano.
Sa Bangsamoro ang mga kababaihan ay napakahalaga at napakalaki ang kanilang pagpapahalaga dito.
Ø Mahigpit na pinagbabawal sa kultura ng Bangsamoro, ang pagsasama ng lalaki at babae na hindi pa kasal, na silang dalawa lamang sa isang lugar, na walang mahram o kasama;
Ø Sa bahay ng babae, hindi pinapayagan ang pag-akyat ng lalaki sa bahay kapag walang kasama ang babae, hanggang unang baytang lamang siya ng hagdanan;
Ø Kahit kamay lamang ang nahawakan ng lalaki sa babae na pwede niyang asawahin ay mahigpit na itong pinagbabawal;
Ang kaparusahan ng lalaki at babae na ginawa ang ginagawa lamang ng mag-asawa (adultery) ay pagpaparusa na katumbas ay kamatayan… 40 na palo sa lalaki at babae.. na ang magsasagawa ay ang pinamalakas na lalaki at ang gamit ay bakal na pamalo na pinag-aapoy muna bago ilalapat sa likod ng nagkasala.
Ang mga babae, maging Kristiyano o Muslim o ano pa mang pananampalataya mayroon siya, sila ay may pangkalahatang karapatan na dapat nilang malaman at kilalanin ng lahat upang ito ay kanyang mapakinabangan ng lubusan sa anumang oras na kanyang nanaisin. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang mga simusunod:
1. May karapatang magmay-ari tulad ng bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga patananiman, ginto, pilak, at iba’t-ibang uri ng hayop gaya ng kalabaw, baka, at kamabing —maging siya man ay isang maybahay, ina, isang anak, o isang kapatid.
2. Maykarapatang pumili ng mapangangasawa, tumutol sa lalaking ayaw niya, at humingi ng diborsiyo kapag ang pananatili sa piling ng kanyang asawa ay makapipinsala sa kanya. Ang mga ito ay ang mga karapatang para sa babae na ang katiyakan ay napagkaisahan ng mga pantas ng Islam.
3. May karapatang matuto ng lahat ng kanyang kailangan tulad ng kaalaman tungkol sa kanyang relihiyon, kaalaman tungkol sa pagsamba sa Kanya, mga tungkuling kailangan gampanan kalakip ng mga kagandahang-asal para rito, at mga pag-uugaling mahusay na kailangan niyang taglayin sa lahat ng sandali.
Sa Islam ay nag-utos ang Allah sa Qur’an: “Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin ng bawa’t Muslim.”
4. Ang karapatang magbigay ng Sadaqah (kawanggawa) buhat sa kanyang ari-arian at gumugol buhat sa mga ito para sa kanyang sarili at para sa kanino man na kanyang naisin gaya ng asawa, anak, at mga magulang hanggang ang paggugol ay hindi humahantong sa pag-aaksaya. Ang pagbabawal sa pag-aksaya ay kapuwa para sa babae at lalaki.
5. Ang karapatang gumawa ng huling habilin (testamento) na nagsasaad ng kanyang kagustuhang ipamana sa kanyang mga pamilya.
7. Ang karapatang mag-suot na naisin niya. ngunit sa Islam ay may batayan na dapat sundin ng kababaihan. Maaari niyang isuot ang anumang maibigan niya gaya ng seda at ginto – kapuwa ipinagbawal sa mga kalalakihan – nguni’t hindi siya maaaring mag-alis ng damit at magsuot ng maikling salawal, damit na pampaligo, damit na maikli o walang manggas at iba pang kasuutang katulad ng mga ito kapag siya ay nasa mga lugar na pampubliko.
Hindi rin niya maaaring alisin ang belo sa kanyang ulo o ilantad ang kanyang leeg o dibdib maliban na lamang kung ang kanyang kapiling ay ang kanyang asawa lamang. Hindi rin siya dapat lumabas ng bahay na hindi suot ang Hijab.
8. Maykarapatang magpaganda para sa asawa. Sa mga babaeng Muslima ay maaari siyang gumamit ng pangguhit sa kilay o pilikmata (eye-liner), pulbos, o pangkulay sa labi (lipstick) kung gusto niya. Maaari siyang magsuot ng pinakamagara at pinakamagandang damit maliban sa mga damit na kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga babaeng nagbebenta ng aliw, hindi niya isusuot ang mga ito upang maiwasan na mapagkamalang siya ay kabilang sa kanila.
9. May karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at makakain niya ang masarap at mabuti para sa kanya. Walang ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at inumin. Sa mga babaeng Muslim naman ay ang anumang ipinahihintulot ng Islam na pagkain at inumin ay kapuwa puwede sa lalaki at babae.
Marami pang karapatan ng kababaihan na magandang talakayin na nagpapatunay na mahalaga sila ating lipunan.
Ang inyo pong Kaka Ali nagpapasalamat sa inyong pakikini at nag-anyaya muli sa susunod na kabanata n gating nakaka.. ditto pa rin sa ating programang buhay-buhay sa DXUP FM.
(PLAY EXTRO-Gabay at Talakayang Pampamilya)
Noralyn: sa muli kami ay nag-anyaya sa sa iyo kaibigan sa ting segment na Gabay at Talakayang Pampamilya
Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak
September 16, 2011

Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak
(September 16, 2011-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang Buhay-buay sa segemtn na “Gabay at Talakayang Pampamilya” (8:00-9:00 A.M) Host –Noralyn Bilual)
Host: “Kaugalian at Kultura ng mga Pilipino ay samut sari, ngunit may mga kaugalian tayo na dapat baguhin o linangin, at ilan dito ay siyang tatalakayin ng ating segment writer na si Kaka Alih.. ang pag-uusapan natin ay itong Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak.
(Play- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Kaka Alih: “Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan multi cultural diversity. Bagamat iisang bansa ngunit magkakahiwalay ang mga lugar, dahil sa nahahati sa mahigit sa pitong -libong pulo.
Ang bansang Pilipinas ay nahahati sa pagitan ng mga ibat-ibang pananampalataya may Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat ng paniniwala.
Nahahati din sa mga political boundaries, sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag,
Nahati hati din sa social at ethnic groups, pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap, may mga Pilipino na makakanan (rightist) at makakaliwa (Leftist). Andiyan ang Ilokano, Bisaya, Maguiindanao, Meranaw, Iranun, Teduray at marami pang tribu, maging sa Luzon , Visayas at Mindanao.
Ang kultura ng mga Pilipino o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop.
Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. At of course hindi din pahuhuli ang Kano (US), ang mga Sakang (Japanese) bagamat ang Intsik ay hindi tayo sinakop ay malaki naman ang ipinama na mga kaugalian, tulad ng mga paputok, na isa mga malaking negosyo kong mga mga kasayahan ng mga fiesta at bagong taon.
Ang isa sa mga kaugalian at kultura na hanggang ngayon ay umiiral ay ang pagkakabuklod-buklod ng mag-anak o pamilya, ngunit hindi natin alam kong saan ito nagmula, kong ito ay sadyang umusbong o nabuo na ng mga Pilipino o dahil nagkataon lamang? O dahil kinakailangan.
Bakit kinakailangan? Ganito yun kaibigan, dahil noong unang mga panahon o mag-pahanggang ngayon ay kailangan ang pagbuklod buklod o pagbubuo ng isang pamayanan bilang paghahanda o pagtatanggol sa kanilang angkan sa mga mananakop.
Ang mag-anak o pamilya ang siyang pinakamaliit na yunit ng ating lipunan. Dito nagsisimula ang kaugalian, kultura, at pagpapahalaga ng isang tao.
Matibay ang pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino. Labis ang pagpapahalaga natin sa pagsama-sama ng buong pamilya. Kahit may bago ng membro ng pamilya ang isang mag-anak, iginigiit pa rin ng magulang na patitirahin sa kanilang tahanan, ang mga anak na may pamilya, gaano man kaliit ang bahay nila. Hanggat maaari ay ayaw ng mga magulang na malayo ang kanilang mga anak sa kanilang piling.
Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mga anak at iba pang kamag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring pamilya. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.
Ang ilan sa mga dahilan kong bakit nagbuklod-buklod ang mga mag-anak ay dahil sa ekonomiya.
Bakit natin ang ekonomiya? Ang ibang magulang kasi ay sila ang bumubuhay sa kanilang mga anak kahit na may pamilya na. Kong bagong kasal ang kanilang anak ay madalas ay sa kanila nakatira, na kadalasan ay hanggang katapusan ay hindi na bumubuklod…(LAUGHING) at kong sakali man na magpatayo man ng bahay ang bagong pamilya ay malapit lang sa bahay dahil kong sakalit-sakali man na magkaproblema ang pamilya ay madali ang pagbibigay ng tulong. Yaong iba ay sa extension lamang gumagawa ng kanilang tirahan.
Kong minsan sa ilang membro ng pamilya ay iisa lang ang naghahanap buhay, kaya ang negatibong epekto at asahan mo ang hirap ng buhay na kanilang natatamasa.
Ang iba pang di magandang epekto nito ay may mga anak na namihasa na at nasanay na nakadepende sa magulang. Ang anak ay din a natutong tumayo sa sarling paa, kaya naman kahit halos pagluluto ay di natutunan.
At nitong kasalukuyang panahon na may honorarium ang mga Barangay Official o perang matatanggap ay marami ang nagkainteres na maging leader, dahil sa may hanapbuhay, Kaya asahan mo na ang nag-aagawan ng pamumuno sa mga kumunidad. Kong di man magkapatid ay malapit na magkakamag-anak, at kong minsan ay magkalaban ay mag-aasawa o dili kaya ay mag-ama o mag-ina ang naglalaban-laban sa isang position sa Barangay.
Pansamantala hanggang dito na lang muna ang ibabahagi natin Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, sa Lunes…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi ni Kaka Alih.. sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya …. Sa ating programang buhay buhay, ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Mga Dahilan Bakit Nag-aaway ang Mag-asawa
September 13, 2011
Mga Dahilan Bakit Nag-aaway ang Mag-asawa
(September 13, 2011-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Sa mag-asawa natural lang daw ang pag-aaway, natural lang ba talaga? Ang tanong natin bakit nga ba nag-aaway ang mag-asawa? Ano ba ang dahilan? Alamin natin ang mga ilan sa kasagutan mula sa ating segment writer/producer na si Kaka Ali sa ating segment na:
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih.
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, Assallamu Alalikum warahamatulahiwabarakatuh.
“Papaano hindi kami mag-aaway Kaka Aluih eh nagger si Babae.” Tugon kaagad ng isang batang-batang naging ama na nahinto sa pag-aaral dahil nabuntis ang kasintahan.
Nor, hayan, may sagot na ako sa tanong mo kanina na: bakit nag-aaway ang mag-asawa?
Noralyn: Ano pa ang ibang dahilan Kaka Ali bakit hindi nagkakasundo ang mag-asawa.
Kaka Alih: Relaks lang Nor, marami akong nalaman tungkol diyan, just listen, ok?
Ladies, Pasensya na mo kayo ang mauuna ika ladies first, (LAUGHING) problema sa babae ang aking naunang ilista.
Kanina nasabi natin ay “nagger” ang babae. Yaon bang mapaghanap ng kamalian ng kanyang partner. Hindi naman talaga maiiwasan na ang umpisa or dahilan ng alitan ng mag-asawa (or kahit mag-syota pa lang) ay ang pagiging nagger ni babae. Si Lalaki pa naman ayaw n’ya nang binubungangaan. Pasensiya na Lalaki, nature lang talaga ng mga Babae ang mabubungaga..
“Hindi a, excuse me Kaka, ako hindi, for the information of everybody, hindi lahat ng babae ay bungangera.” Objection ng isang estudyante.
Sorry, I stand to be corrected, in every rules there is exception. (LAUGHING)
Next na dahilan, lasenggero si Lalaki. Hiks! Yan ang paboritong sabihin ni Juan pagkatapos n’ya mag-inom sa kanto. Uuwi sa bahay at aawayin si Babae at ang mga anak. Sino ba namang matinong babae ang hindi aakayat ang dugo sa ulo ang ganito ang asal na lalaki?
Babaero si Lalaki. Naku…hindi lang sampal ang aabutin kay Juana! Bugbog sarado si Juan sa sermon at posible pang magka-hiwalayan.
Noralyn: Kawawang mga anak.
Alih: Heto ang pinaka…Lalakero si Lalaki. Well, napakalaking insulto ito para kay Inday. Biruin mo? Hindi nakuntento sa kanya si Mister kaya naghanap pa ng…lalaki.
Noralyn: Diyos ko po.. Ok lang sigoro Kaka kung babae ang hinanap! Pag-ganito ang pangyayari, Ewan ko lang , baka di lang away, kundi mauwi pa sa hiwalayan.
Kaka Alih: Heto pa, Nor, Lalakero si Juana. Papaano kasi nasa ibang bansa si Mister, Nag-abroad si Lalaki. Hayun Nagpadala ng pera. Sumulat hindi na uso ang sulat, by e-mail na tayo, di na uso ang snail mail) at heto pa nag text si mister. Tumawag at nagsabing miss na miss na si Juana at ang kanilang mga anak. Si Juana, hindi nakayanan ang lungkot at tukso hayun kumanta ng “tukso layuan mo ako” (LAUGHING) Pumatol sa ibang lalaki. Kawawang Lalaki.
Heto pa ang hate na hate ni Mare, Bayolente si Lalaki. Papaano kasi palaging lasing o bangag sa ipinagbabawal na gamut. Hoy!!! mga machong mister diyan, ang babae po ay minamahal hindi sinasaktan.
Heto daw angmadalas na dahilan, Money Matters. ‘Money is the root of all evil’ wika nga nila. Isa ito sa mga mahirap lampasan. Kung mahirap at kapos sa pera sigurado may away at pag-dadalawang isip lalo na si Juana. Kung sobra-sobra naman ang pera ang away ay kung paano ang hatian at ang tamang pagba-budget. Maaaring maging sugarol ang alin man kay Juan at Juana o maging maluho sila pareho. Dito na lalabas ang sumbatan blues.
Heto ang di dapat, Hygiene. Naalala ko ang isang mag-asawang kapit-bahay ko. Iniwan ni misis si mister kasi hindi n’ya na raw matiis ang baho ng kilikili. Yes mga kapatid, may anghet o putok si mister! Sa sobrang pag-iibigan nakalimutan na maligo.
Heto naman ang isa na di dapat, Kakulangan ng oras sa isa’t isa. Maaring nasobrahan ng sipag si Juan/Juana o kaya naman ay dala ng barkada kaya wala ng oras mag bonding at maglambingan sina Juan at Juana. Alalahanin na ang foremost priority sa isang relasyon ay ang karelasyon!
Ang last Listening but not hearing. Heto ang dapat tandaan ng mga magsing-irog. There’s a big difference between Listening and Hearing. Maaring nandiyan ka palagi para mag-listen sa iyong partner pero ang tanong…do you really hear his/her heart’s message? You listen with your ear but you hear with your heart.
Oh kapatid, kuha ninyo? (LAUGHING)
Once again Kaka Alih at your service, muling nag-anyaya na palaging makinig sa ating segment na Gabay at Talakayang Pampamilya”.
Sukran Wassallamu Alaikum Warahmatulahi wabarakatuh.
Noralyn: Mare, hindi na kayo mag-aaway ni Mister, dahil alam mo na ang mga dahilan kong bakit kayo nagbabangayan. Maraming salamat Kaka Ali sa magandang presentation..
(EXTRO)
“Give and take” dapat sa magka-Partner
September 12, 2011
“Give and take” dapat sa magka-Partner
(September 12, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay ” (8:00-8:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Sa pag-aasawa, mahalaga ang may “give and take” pagbibigayan, yaong tinatawag nilang kaugalian na give and take, iyan ang dapat na umiral sa samahan ng mag-asawa.”
(Gabay at Talakayang Pampamilya - INTRO)
Host/Noralyn: Magandang umaga Kaka Alih, papaano ba ang pagbibigayan ng mag-asawa?
Kaka Alih: Magandang umaga din Nor, Assallamu Alalikum warahamatulahiwabarakatuh.
Give and take, ito ang mahalaga bahagi na dapat gampanan ng mag-asawa. Kong mabubusog ka, kailangan mabusog din si Mrs… (PLAY LAUGHING). Don’t laugh Nor, ipapaliwanag ko, at sa libo-libong madlang people na nakikinig, sa mga sandaling ito.
“Hindi ganoon,…. ganito, ang dapat.” (PLAY LAUGHING) Ang favorite line ni Mrs. At ni Mr? (PLAY LAUGHING) Pare , Mare makinig ka bago ka tumawa diyan, serious tayo sa usapan naito..
First of all, take note, sa mag-asawa, kailangan daw ng 90% na pagbibigay at sampung porsento lamang ng pagtanggap.
Alam mo Nor, nabasa ko sa isang aklat, nakasulat sa God’s Little Devotional Book for Couples, na nakasaad na mayroong sampung (10) katanungan na maari nating itanong sa ating sarili, para malaman natin kung isinasagawa nga natin ang pagbibigayan sa ating pagsasama bilang mag-aasawa.
You want to be a great lover my friend? If yes, listen, Heto ibahahagi ko sa iyo, ang sampung katanungan na maaaring makapabigay ng guide para maging maligaya, at hindi basta ligaya kundi ligayang walang kapares? (PLAY LAUGHING) What I mean ay, ang hangad natin ay magkaroon ng katuturan ang pagsasama ninyong mag-asawa:
1. Handa ka bang ibigay ang katahimikan kung kailangan ng inyong asawa ng maikling panahon ng katahimikan sa bahay? Kaya Mrs. Kapag humihingi ng ceasefire si Mr , dapat tigil ka na sa pag-sisigaw. PLAY LAUGHING)
2. Handa ka bang tanggapin kung pagsabihan ka ng inyong asawa lalo na kung ito’y para sa ating ikabubuti? Yes, naman matuto din tayo minsan, na makinig, hindi lang tayo ang palaging nagsasalita, kong baga sa valleyball, hayaan mong ang partner mo naman ang magserve ng bola…Kapatid, Matuto din tayong makinig, hindi lang tayo ang palagi anbg nagasalita.
3. Handa bang ibigay sa iyong asawa ang buong pagtitiwala? Huwag masyadong seloso my friend. Give him or her a space, hayaan naman siya minsan na makapamuhay binata? At makapamuhay dalaga kong minsan. (PLAY LAUGHING) What I mean magtiwala tayo sa ating Mrs o Mr. Alam mo? sa Islam pinapayagan ang selos, ngunit yaong selos na hindi mo papayagan na maagaw ni Satanas saiyo ang iyong asawa,
4. Handa ka ang tumanggap ng karagdagang gawain kapag nakikita nating pagod na ang iyong asawa? Minsan pare pagsilbihan mo din ang iyong Misses.. papahingahin din natin siya…minsan ikaw naman ang maglaba, minsan ikaw naman ang magluto.. minsan ikaw naman ang magtrabaho, mrs.. (PLAY LAUGHING).. ang sabi nga nila ang buhay parang gulong kong minsan nasa ibaba kong minsan nasa itaas. (PLAY LAUGHING)
5. Handa ka bang magbigay ng salitang makapagpapalakas o makapagpapaginhawa ng loob ng inyong asawa? Naulit mo naba ang sinabi mo noon na nanliligaw ka pa sa kanya: “mahal kita.. Iniibig kita…(PLAY LAUGHING) yes, Matuto din tayong pasalamatan at purihin ang maliliit niyaNG accomplishment..huwag palaging pinupuna ay yaong kapalpakan niya..
6. Handa ka bang magbigay ng panahon sa iyong kabiyak, iyong bang kayo lang dalawa at walang istorbo? Yes, give time naman sa iyong Misses. Pare, maaga kayong matulog para makarami.. (PLAY LAUGHING) estee… hindi…ang ibig kong sabihin ay ipasyal mo din minsan kahit diyan lang sa inyong farm.
7. Handa ka bang magbigay sa iyong asawa ng magagalang na salita tulad ng “please” at “thank you” my darling? Tayan, .. pwede ba na .. siyempre may paglalambing…
8. Handa ka bang tanggapin na itigil ang argumento at magpalamig muna ng ulo kapag kumukulo na ang damdamin ng bawat isa? Pare, Umatras kong malakas ang kalaban, hindi karuwagan ang pansamantala pag-urong.. ay hindi pala giyera ito.. ang ibig kong sabihin.. dumistansiya muna habang galit pa ang isa… maniwala ka pare, mamimiss ka rin? (PLAY LAUGHING)
9. Handa ka bang magbigay ng salitang pagpupuri sa ating asawa? Yes … recognized the accomplishment ng inyong asawa.. kahit maliit lang iyan.. halimbawa nakapagluto siya ng ulam na paborito mo , magsabi ka naman “hmmm heto ang masarap na ulam”. Next na halimbawa, kong naligo at mabango na ang inyong asawa, magsabi ka naman ng “Wow”.. (PLAY LAUGHING) never mind ang susunod na sasabihin mo.. cut na …(PLAY LAUGHING)
10. Handa ka bang tumanggap ng kapintasan mula sa iyong asawa? Lalo ito ay para sa ating ikabubuti? Pag sinabi ng asawa mo na “hindi ka marunong..” eh tanggapin mo ba?, eh sa talagang hindi ka marunong tumanggap, papaano .. never mind.. (PLAY LAUGHING) Basta ang iportante kong mag-criticize tayo ay constructive ika nga..
Kuwento ng isang kaibigang Pastor.
“May isang lalaking kararating lamang sa langit at halos wala siyang katigil-tigil sa pagsasabi daw kay San Pedro ng kaniyang pasasalamat dahil napunta siya sa napakagandang lugar. Nakiusap siya kay San Pedro kung maari niyang masilip ang impiyerno. Pumayag naman si San Pedro. Sa impiyerno, nakita niya ang isang mesa na ang haba ay kung hanggan saan matatanaw ng iyong mga mata. Punong-puno ng iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ito. Pero lahat ng nakapaligid sa mesa ay gutom na gutom at mga payat. Nagtanong ang lalaki kay San Pedro, “Bakit hindi sila kumakain?” Sumagot si San Pedro, “Kinakailangan silang kumuha ng pagkain sa pamamagitan lamang ng paggamit ng tinidor na may apat na piye ang haba. Biruin ninyo? napakahaba ng tinidor at walang makagawa na kumuha ng pagkain mula sa mesa para subuan ang kaniyang sarili. Kaya’t unti-unti silang namamatay.”
Nang bumalik na sila sa langit, nakita nang lalaki ang isang mesa na parehong-pareho ng nakita niya sa impiyerno! Iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ang nakalapag din dito. Pero ang mga taong nakapaligid sa mesang ito ay malulusog at masasaya. Nagsalita ang lalaki, “Ah, siguro ay mas maiikli ang kanilang tinidor dito sa langit kaya’t nakakain nilang mabuti ang mga nakahapag sa mesa.” “Hindi, pareho din ang sukat ng tinidor dito,” ang sagot ni San Pedro. Nagtatakang nagtanong ang lalaki “Kung gayon, bakit ang mga tao sa impyerno ay namamatay sa gutom habang ang mga tao dito sa langit ay malulusog at masasaya? Sumagot si San Pedro “ Dito sa langit, nagsusubuan at nagbibigayan ang bawat isa.”
Konting aral sa ating maikling kuwento, miinsan, nainggit tayo sa samahan ng ibang mag-aasawa na puno ng ligaya at lambingan. Naisip natin na wala silang problema. Sa totoo lang, ang bawat pagsasama ay may kani-kaniyang problemang hinaharap. Ang lahat ng mag-aasawa ay may dinaraanang panahon na hindi pagkakasunduan. Pero, naniniwala akong nasa atin pa rin ang solusyon. Kung nais nating maging malusog at maligaya ang ating pagsasama, kung nais natin na maging langit ang ating tahanan, magbigayan tayo n gating asawa.
O kayo kapatid bakit dininyo subukan na mag-asawa?.. subukan na ninyo.. mamayang gabi.. ehe este ngayon na.. heto ang inyong kapatid na si Kaka Alih hanggang sa susunod na episode ng inyong Gabay at Talakayang Pampamilya … sukran wasssalam.
Noralyn: thaths our very tatay dito sa DXUP, Kaka Ali, muling abangan ang kanyang assign segment na Gabay at Talakayang Pampamilya at tinitiyak ko na maaaliw kayo at makakapulot ng aral.
(PLAY EXTRO - Gabay at Talakayang Pampamilya)
Pagpapalaki ng Anak
September 9, 2011
(September 9, 2011-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at Talakayang Pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Kapatid at kaibigan Papaano mo pinapalaki ang iyong mga anak? Yan ang katanungan na sasagutin mo at sasagutin ni Kaka Ali sa ating segment na:
(Play- Intro- Gabay at Talakayang Pampamilya)
Kaka Alih: “Kapatid gusto ko lang ulitin ang tanong, Papaano mo pinapalaki ang inyong mga anak?
Habang ikaw ay nag-iisip ng isasagot kapatid, narito ang nai-prepared ko na mga sagot sa mga tanong mo, lalo na sa katulad mong napakabatang naging magulang, pwede rin itong gamitin ng anak sa kanyang magulang para matauhan para matuto, papaano kasi, tumandang magulang na walang alam sa pagpapamilya, pag-gawa lang pamilya ang alam.
(Play laughing).
1. Huwag mo siyang piliting maging katulad mo. Lahat tayo ay Nilikha ng Allah o Diyos, tayo ay binigyan ng talento, alalahanin na kahit ang kambal ay kong minsan ay magkaiba ng hilig. Pwede mong isuggest sa anak mo ang gusto mong maging siya, ngunit huwag mong igiit o ipilit ito sa kanya. Ang iyong tungkulin bilang magulang ay gabayan at itaguyod an gating mga anak, hindi para diktahan o pilitin siya. Maging maingat, palaging alalahanin na ang puno ng kawayan ay mababali kung pipilitin mong yumukod sa direksyon na di niya hilig.
2. Tulungan mo siyang madiskubre ang kanyang mga abilidad at paunlarin ang mga ito. Magbigay ka ng panahon sa tabi ng iyong anak. Iwasang makapanood ng mga bayolenteng pa- labas sa TV o laro sa computer. Presensya mo ang pinakamahalaga kong sakaling manonood ng TV at mag-computer, huwag pabayaan na manood na mag-isa. Kausapin mo siya. Obserbahan. Tulungan mo siyang magtagumpay sa mga hilig at hikayatin siyang maging malapit sa Allah o Diyos.
3. Iparanas mo sa kanya ang pag-ibig na walang hanggan. Mahalin mo ang iyong mga anak, ayon sa kanilang kakayanan. Ang pagmamahal mo sa iyong anak ay hindi dapat nasusukat sa pamamagitan ng kanyang mga magagawa at hindi magagawa, hindi dahil sa kanyang pag-uugali, hitsura o tagumpay.
4. Bigyan mo siya ng proteksyon sa pamamagitan ng paglikha ng mga hangganan (boundaries) kung saan lamang siya matuwid na gagawa, kikilos, at maglalaro. Halimbawa, linawin mo sa kanya ang mabuting oras na siya ay nasa bahay at nasa sa labas. Matutuwa siyang malaman na ang iyong hangarin ay ang kanyang seguridad.
5. Tulungan mo siyang maabot ang kanyang mga pangarap. Tulungan mo siyang makagawa ng layunin,
6. Tulungan mo siyang maging maka-Diyos. Kong mga nanampalataya kayo sa Islam, kong Muslim kayo yayain siyang isakatuparan ang limang beses na salah (pagsisimba) sa Masjeed (lugar ng sambahan ng mga nanampalataya sa Islam). Kong sakaling Kristiyano naman kayo, tulungan mong makilala niya ang Panginoon at matututong sumunod sa Kanyang mga alituntunin, paunlarin ang kanyang karakter, maging mapagpakumbaba sa tagumpay, marunong umunawa sa kahinaan ng iba, mapagpatawad, hindi palaaway, at maging mahabagin at matulungin sa kapwa.
7. Ipakita o ipamulat sa inyong anak ang tama. Kadalasan tayong mga magulang ang kanilang iniidolo, kaya dapat maging magandang ehemplo ka na magulang. Tumayo ka bilang isang mabuting huwaran para sa iyong anak. Mag-ingat ka sa iyong mga salita at mga kilos, huwag iparinig ang mga walang kuwentang mga salita. Igalang at mahalin mo ang kanyang ina pagkat dagdag na seguridad sa kanya ang pagkakaroon ng matatag na pagsasama ng kanyang mga magulang. Magiging malapit sa Diyos ang iyong anak kung ikaw mismo na kanyang ama ay malapit sa Diyos. Ganyan ang magbigay ng magandang halimbawa.
Noralyn: Ameen.
Kaka Alih: Bweno itutuloy natin ang pagbibigay ng sermon sa Lunes, pansamantala hanggang dito lang muna ang presentasyon ngayong araw, sa Lunes Muli kaming aabangan kasama si Sister Nor, .. This is your segment writer and producer.. at your service …. Brother Alih. Sukran and Wassallam.
Noralyn: Ameen, maraming salamat father Kaka Ali, talagang tatay ang dating ng ating segment writer at producer…si Kaka Alih, sa Lunes muling abangan ang kanayang segment na
Gabay at Talakayang Pampamilya.
(EXTRO)
Paano paligayahin ang babae?
September 7, 2011(September 7, 2011-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Gabay at talakayang pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Tayong mga babae ay may kanya-kanyang katangian, ugali, at papaano pagmamahal. Ang mga mag-asawa ay naghahangad na maging maligaya sa kanilang pag-sasama, subalit may mga mag-asawa na hindi mo masasabi na maligaya, bakit kaya? Papaano ba paliligayahin ang pagsasama ng mag-asawa? Ang ating segment writer at producer si Kaka Alih, anag kanyang inihanda, heto na: ‘papaano paligayahin ang babae..?”
(PLAY INTRO- Gabay at talakayang pampamilya).
Host/Noralyn: “Magandang umaga Kaka alih, gustong gusto ko ng marinig ang inihanda mo, dahil papaano kami maging maligaya sa piling ng aming asawa.. Kaka alih, go na!
Kaka: “ Relaks lang Noralyn, Tanong – Paano ba paligayahin ang babae? Papaano nga ba..? (STINGER NA TAWA)
Ang bawat babae ay may kanya kanyang katangian, ugali, at pagmamahal. Dito natin sila
nakikilala, dito rin natin sila minamahal, minsan naibibigay natin ang gusto nila minsan naman eh hinde. Sa isang daang ginawa mong mabuti sa kanila sa isang kapalpakan bura lahat iyon.” Ang tanong: Paano ba natin sila mapapaligaya?
Mapapaligaya ba ang babae sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagay na nais nila?
“Sa pag-papadama sa kanila ng Pagmamahal, ssagot sa akin ng isang relihiyosong kaibigan….. “pero alam natin na hindi tayo perpekto para maibigay ito lahat”
“Ah para sa akin Kaka, Sex?” sabi ng nagbibinata na estudyante.
Sabi ni Pare: “Siguro hindi naman Kaka, hindi LANG SA sex lang pwede magpaligaya, ang tao diba? (aywan ko)
Kung hahanapin natin ang babae dahil sa nais nila.. na dapat maibigay ang gusto niya, eh baka hindi natin Makita ang babae, na pwede mong mapaligaya.
May tanong dito: “Anong klaseng bagay, ang makapagpapaligaya sa babae? Ang ….pagmamahal ba?, ang material ba? , ano pa ang magpapaligaya sa iyo babae? Palagay mo kaibigan?.. alam mo ba?
Mahirap isipin di ba? … kaya minsan hindi nating magawang iwasang masaktan sila dahil hindi natin maibigay ang talagang nais nila. Dahil maski silang mga babe hindi nila alam ang kanilang gusto.
Totoo di ba mga babae? sagot! Ikaw kilala mo ba ang sarili mo?, Kung hindi huwag mong sagutin baka hindi tama sa damdamin mo mapahiya ka sa sarili mo. Sa mga taong nakakaintindi dyan pwede kayong sumagot.. para sa susunod na episode……
Pero ako marami na akong nakalap na sagot.. heto ang ilan sa na lista ko…kaya lista na kayo.. o text na rin>
Sagot ni Kumare #1: “Pare alam mo Ang babae just wanted to be loved unconditionally by men at yun ang makapagpapaligaya sa amin, yung walang lokohan at wag nyo kaming sasaktan”.
Kumpare # 1: “Sa akin pare? … basta be true to yourself, ipakita mo sa kanya na totoong ikaw… huwag mong pilitin sarili mo gawin ang mga bagay na di mo kayang gawin.”
Tama ka pare, may mga tao talaga na mataas ang expectation at kung ganun sila wag mo ilagay sarili mo sa palad nila at kung di ka nila matanggap sa pagiging ikaw, hindi sila ang babae para sa iyo, they are not worthy to be with you…..Be true lang sa iyong sarili.. kong di ka niya matanggap, so be it…hindi siya ang soul mate…
Kumpare # 2: “Para sa akin, pare, simple lang naman magmahal ng mga babe. Pinakamaganda nyan ay ipakita mo lang naman yung tunay mong pagkatao tapos yung tunay mong bad na ugali para matantya ng bawat isa sa inyo kung kakayanin nyo ba… if acceptable then everything will just come naturally…!!! Mas sweet na ang pagsasamahan…di ba? . (style mo bulok.. hahahaha)
“The only thing that would make girls happy is that we want to be loved, accept for what we are… feel that we are important and of course… the security… no material thing can replace.” (pa-English Englih ka pa)
O ikaw naman Pare?
Alam mo pare, hindi naman kasi mahirap paligayahin ang mga babae… (sige, tuloy tuloy, iyan ang gusto… ) Alam mo pare…kaunting patawa…konting bola…konting akrobatiks jan…okay na. “deep inside” masaya na talaga sila. lalo na pag mahal nya talaga ang lalake, … kaso…. siyempre nature ng mga babae ang magtago ng emotions. ito ung tinatawag na “pagpapakipot”.
(STINGER TAWA)
Yes alam mo ito, dahil turo sa amin ng nanay namin iyan! madali lang daw talaga…… kaso hindi madaling malaman ang nagpapasaya sa mga ito. at bakit hindi madaling nalalaman at bakit madalas nilang sabihin na hindi nila alam? dahil maraming babae ang hindi dinadaan sa salita ang tunay nilang nararamdaman. minsan umaasa na lang sila na
Sabi nga nila, let’s not only look on one side of the coin. a relationship is a two way street. Bakit naman marami sa mga lalake, pag matagal na ang relationship eh nagbabago ng ugali?
Kaya paghandaan mo, ang panahon na iyon na magbabago ang partner, at dito dapat mong intindihin, kong tiis at adjust… magbabago din iyan.. lalo mong pag-ibayuhin ang iyong pagpapakita ng iyong wagas na pagmamahal…manalangin ka ng madalas sa Diyos….
Ano yan?…. di ba may kasabihan tayong mga Pilipino na: walang matimtimang birher sa matiyagang manalangin.. pero pare ang problema di nasiya birhen… ay tange… paaalm na ako baka pati ako mai-love…Kaka Ali po ang inyong nakaka.. gigil… hanggang sa muli nating pagniniig…
(STINGER NA TAWA)
Matatag na Pamilya Kaagapay ng kaunlaran
September 2, 2011Matatag na Pamilya Kaagapay ng kaunlaran
(Sept 2, 2010-Biyernes script na sinulat ni Alih “Kaka Ali” Anso, para sa programang “Buhay –buhay ” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “gabay at talakayang pampamilya”. Host –Noralyn Bilual)
Host: “Ang kaunlaran ng bayan o bansa ay malaki ang ginagamapanan ng bawat pamilya, kaya naman kapag matatag ang mga pamilya sa isang pamayanan ay asahan mong isa na ring itong maunlad na pamayanan. Kaya naman sa ating segment na gabay at talakayang pampamilya, ay tatalakayin ni Kaka Alih ang: “Matatag na Pamilya Kaagapay ng kaunlaran”.
(PLAY INTRO-GABAY PAMPAMILYA)
Host /Noralyn: Magandang umaga at Kapayapaan Kaka Ali. Kumusta ang aming nagsisilbing magulang?
Kaka Alih: Insha Allah It’s fine my partner, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at magandang umaga nanay, ate.
Alam mo Noralyn, mahalaga ang pamilya, dahil ito ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng maraming pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang bansa. Nabuuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na probinsiya. Ilan lamang ito sa kahalagahan ng isang pamilya. Kapag mahihina ang pamilya ng isang bansa, ay mahina din ang bansa.
Noralyn: “Papaano ba ang pagbubuo ng isang matatag na pamilya?
Kaka Alih: Bago natin sagutin ang pagbuo ng isang matatag na pamilya ay liwanagin muna natin ang kahulugan ng tinatawag na pamilya. Nor, paki-explain what is pamilya?
Host /Noralyn: Simple lang Kaka: Ang sinasabing pamilya ay si Tatay, nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya”
Kaka Alih: Tama ka Nor, , ang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay o mga nanay ((LAUGHING), si ate si Kuya si Bunso.. plus plus pa..kong masipag si tatay. (LAUGHING).
Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring mayaman o mahirap ang mga pamilyang ito. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak.
May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang kahong puno ng mga bagay na ipinasok ano gusto mo, nakapaloob dito ang pagmamahal, katuwaan, kaligayahan at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahong mabubuksan kailan mo.
Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin ang pamilya sa walang lamang kahon. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay. Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya.
Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.
Sabi nga nila ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Anong say mo nanay?
May natatandaan ako na payo ng isang tagapayo ng paaralan: “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya”.
Noralyn: Kaka Alih, matanong ko lang, ano ang kailangan sa pagbubuo ng isang matatag na pamilya?
Kaka Ali: Noralyn, para maging matatag ang pamilya, kailangang mo ang mga katangian na ito:
- May pananagutan ka sa iyong pamilya.
Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Halimbawa ay:
- Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
- Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.
- Maging maaasahan. Tumawag o magtext sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
- Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming magsabi ng “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
- Kapag may problema, dumulog sa isang kamag-anak, kaibigan , para matulungan kayong harapin ito.
- Katangian na may pagpapahalaga sa kanyang pamilya
Ipakita pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila.
- Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.
- Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
- Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).
- Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,
- Pangatlong katangian ay umaagapay sa pamilya.
Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng problema. Ngunit gamitin ang problemang ito para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa. Kaibigan, makinig ka, kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.
Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:
- Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.
- Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay malalagpasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
- Harapin ang mga problema nang dahan-dahan. Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.
- Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks. Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.
Kapamilya muli kaming samahan sa ating segment na gabay pamapamilya.. sa programang buhay-buhay sa Lunes, at asahan ninyong lalo pa nating paiigtingin ang pananaliksik sa papaano patatagin ang pamilya ..
Ito ang inyong kapamilya, ang inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Noralyn: Inyong narinig ang amang may pagpapahalaga sa kanyang pamilya, ikaw kaibigan, tinutulungan o umaagapay ka rin ba sa inyong pamily? kong wala pa, hindi pa huli ang lahat..may pagkakataon ka pa upang lalong papatagin ang pundasyon ng inyong pamilya. sa muli abangan ang ating segment na gabay at talakayang pampamilya sa Lunes.
(PLAY-EXTRO )
Bakit Ang Mga Magulang ay Ayaw ng Maagang Pag-asawa ng Kanilang Anak?
September 1, 2011Bakit Ang Mga Magulang ay Ayaw ng Maagang Pag-asawa ng Kanilang Anak?
(September 1, 2011 Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (8:00-9:00 A.M) sa segment na “Resposnible Parenthood”. Host –Noralyn Bilual)
Host: “Hanggat maari ayaw ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay mag-asawa ng maaga. Oo nga no? Bakit ba ang mga magulang ayaw na mag-asawa ng maaga ang kanilang anak? Iyan ang sasagutin ni Kaka Ali sa ating segment
(PARENTHOOD- INTRO)
Host : Good morning Kaka. Pabor ka ba sa maagang pag-aasawa?
Kaka Ali: “Ako? Pabor sa maagang pag-aasawa? Kong ako ang ikakasal yes na yes…Nor .(LAUGHING)
Host: Ano? Kaka pabor ka? Akala ko experience magulang ka na, please Explain
para hindi malabo…
Kaka Alih: Mamaya na kong bakit, kasi ang issue dito ay magulang. Alam mo Nancy ang mga magulang na tulad mo, tulad ko, Hanggat maari ayaw natin an gating mga anak ay mag-asawa ng maaga.
Host: Bakit ba Kaka ipaliwanag mo sa madlang nakikinig ngayon umaga, bakit mga magulang ayaw nilang mag-asawa ng maaaga ang mga anak nila.
Kaka Ali: “Wala na akong mauutusan” …(LAUGHING) heto ang sagot ng isang magulang na hindi pinapag-aral ang anak.
Pero heto ang isang Nanay na nainterview ko: “Payag akong makapag-asawa ang mga anak ko, provide makatapos na sila sa pag-aaral”. Tama! Aral mo bago makapagpamilya.. Dahil bilang mga magulang alam nila ang hirap at sakripisyo ng pagpapamilya at pagkakaroon ng mga anak. Alam nila o sadyang naranasan nila ang bunga ng maagang pag-aasawa. Ikaw kaibigan pabor ka ba sa maagang pag-aasawa?
Balikan ko lang ang tanong ni Nancy, ang tanong ay kong pabor ba daw akong mag-asawa ng maaga. Ang sagot ko ay pabor ako…. kong ako ang ikakasal. …(LAUGHING) Ang problema, pwede pa ba akong bumalik sa pagkabata?
Ang sarap yata noon …(LAUGHING) ayaw mo ba ng masarap? Halos lahat gusto ng masarap pero ako ay naniniwala na walang gusto ng hirap, alam ko din na ang gusto natin ay pawing ligaya at sarap. …(LAUGHING)
Alam mo Nor,, ang ating mga kabataan sa ngayon ay iilan lamang ang nakakaalam sa tunay na layunin kong bakit tayo nag-aasawa.
Mga anak makinig kayo, ang sabi ni Father: “…ang pag-aasawa ay sagrado, hindi bahay-bahayan.”
Karamihan sa mga murang edad tulad ko noon, limampung taon na ang nakakaaraan, …(LAUGHING) ay sex lamang ang unang hangad kong bakit nag-asawa ng maaga, hindi ang pagpapamilya. …(LAUGHING)
No joke Nor, karamihan sa mga kabataan ay mahina ang “resistansya” sa paglaban sa udyok ng tawag ng kalikasan o yaong tinatawag nilang “sex”. Ang iniisip nila ay ang dulot na sandaling ligaya, Hindi pa halos malirip sa murang isipan ang maaring idudulot ng maagang pag-aasawa o bata pa ay nag-kakapamilya na.
Host: Bakit Kaka Ali ano ba ang negatibong epekto ng maaga o bata pa ay nag-aasawa na?
Kaka Alih: Negatibo? Akala ko ang gusto mong malaman ay ang positive effect. (LAUGHING)..
Noon kasi may mga magulang na maaga nilang pag-aasawahin ang anak, para daw may apo na sila …(LAUGHING).. sabi nila: bago man ako bawian ng buhay, makita ko ang apo ko, kaya anak mag-asawa ka na. …(LAUGHING)..
Buweno heto na ang research ni Kaka Ali, sa bunga o epekto ng maaagang pag-aasawa o bata pa ay nagkakapamilya na.
Una, pag bata pa ang babae ay nag-asawa na at natural magbubuntis at pag nagbuntis, siyempre manganganak, dahil ditto maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya, at maari niya itong ikamatay, o di man ikamatay ay manghihina na ang kanyang katawan, na sanhi na madali siyang kapitan ng sakit.
Pangalawa na nalaman ko, pag bata pa pareho ang mag-asawa, madalas ang kanilang pag-aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, akala kasi ni babae at ni lalaki ay bahay-bahayan lang.
Ting /Adi !!may kasabihan tayo na ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na pag ikaw ay napaso ay pwede mong iluwa. …(LAUGHING)
Heto pa ang negatibong epekto ng maagang pag-aasawa. Magiging kawawa ang mga magulang, ng mga anak na maagang nag-aasawa, dahil natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapuwa, walang pang hanap-buhay.
Kaya naman Ting, Bai, Awi, Adi, Inday, Dong, maawa ka kay nanay at tatay, magtapos ka muna ng pag-aaral bago mag-asawa.
Kung mag-kakaanak agad, (Ay ano?.. di lang masisira ang figure oy) Hirap ang daranasin.mo Day! Ikaw na ang mag-lalaba, ikaw na ang magluluto, ikaw na ang maghahanap ng inyong kabuhayan, lahat-lahat kayo na dahil isang pamilya na kayo at hindi lang kayo ang mahihirapan kundi pati mga anak ninyo, wala silang kakainin. Papaano sila mag-aaral?. Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay.
Sabagay Nor, sa kabilang banda, may maganda rin namang bunga ang maagang pag-aasawa, dahil parang makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak, para ka na rin may kapatid, na bunso …(LAUGHING)
Bweno hanggang dito na lamang ang talakayan at mag-aasawa na ako .. …(LAUGHING) ano ba ito, nagkamali-mali na tayo.. mga kapatid bago natin wakasan ang segment na ito ay mag-iiwan muna ako ng mensahe sa mga magulang na tulad ko:
“Mga kapatid na magulang huwag pabayaan ang inyong mga anak, ilayo sila sa tukso, sa tawag ng laman, gabayan sila ng tamang landas, ituro sa kanila ang tamang sex education, iparamdam sa kanila ang tunay na pagmamahal ng magulang. Bigyan ng inyong panahon ang inyong mga anak, hindi yaong pawang trabaho lamang.”
Sukran o maraming salamat, kapatid sa konting oras na ibinahagi mo sa pakikinig sa ating programang buhay-buhay, wasallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuh.
Host: Maraming salamat Kaka , sa very informative at nakakaaliw na presentation, Kapatid abangan ang susunod na segment, n gating responsible parenthood.
92th Foundation day ng UAS-PTIA Ipinagdiriwang
August 19, 2011 Balita ni Lucy Duce Nuro, Upi (August 19, 2011)….Ipagdiriwang ngayon araw ang 92nd foundation day ng Upi Agricultural School-Provincial Technical Institute of Agriculture (UAS-PTIA). Sa panayam ng DXUP FM kay Jenifer Casimina, Administrative Officer 4 ng nasabing paaralan, ang panauhing mananalita ay si Maguindanao Governor Esmael “Toto” Mangudadatu. Magbibigay din ng mensahe si Honorable Norma Sharief Ph.D. Regional Chairman 11/Managing Commisioner CHED-ARMM at ang mensahe din ni Bai Alibai Benito-Aliuden,Schools Division Superentendent Maguindanao 11. Ang pagdiriwang ngayong taon ay may temang “Respond Critically and Responsively to National Demand”. Tinukoy din ni Casimina ang magiging daloy ng aktibidad sa nasabing pagdiriwang. Una ay magkakaroon ng parade ang mga estudyante at guro, paikot sa Nuro poblacion. Pangngunahan ng Color and UAS-PTIA ROTC, drum corps, estudyante, farmers association, Alumni, Faculty and staff at ang float ng Mutya ng UAS 2011. Ang assembly area ay sa harap ng municipal gymnasium ala 6:30 ng umaga at alas 8:00 ay lalakad na ang parade. Bahagi din ng programa ang floral offering sa munomento ng founder na si Captain Irving Bryant Edwards, na pangungunahan ng mga naiwanang pamilya. Ang UAS-PTIA ang isa sa mga naunang paaralan sa bansa, na itinatag noongAugust 19, 1919, ng isang Amerikanong sundalo na si Captain Edwards na nagkapag-asawa ng T’duray. Magbibigay ng tribute ang high school batch 1961 na si Venancio Ortega.
92th Foundation day ng UAS-PTIA Ipinagdiriwang
Buwan ng Wika: Pre-School hanggang Grade 6 ng NCES, nagtagisan ng talino
Buwan ng Wika: Pre-School hanggang Grade 6 ng NCES, nagtagisan ng talino
(Balita ni Noralyn Laguey Bilual)
Nuro, Upi (August 19, 2011)….Nagtagisan ng galing kahapon sa dula-dulaan, tula, balagtasan, poster making at slogan ang mga piling mag-aaral mula Pre-School hanggang Grade 6 ng Paaralang Sentral ng Nuro sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Ang Buwan ng Wika ay ipinagdiriwang kada taon sa Pilipinas. Alinsunod sa itinakda ng Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 ng Kagawaran ng Karunungan, na nagpapahayag ng taunang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto, pinangungunahan ng Komisyon ng Wikang Filipino (KWF) ang pagdiriwang sa taong ito na may paksang-diwa na, “Ang Filipino ay Wikang Panlahat, Ilaw at Lakas sa Tuwid na Landas.”
Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Pilipino bilang pambansang wika.
Panauhing pandangal si Gng. Aida Defensor ang punong guro ng Joy Alliance Education Centre na ipinaliwanag ang tema ngayong taon.
Nagwagi sa Dula-dulaan mula sa Pre-Schoolers sina
1) 1st section Spongebob under Teacher Apple,
2) 2nd section Tweety under Teacher Ryza,
3) 3rd section Mickey Mouse under Teacher Rodora.
Wala katunggali ang grade 2 pupil at tinanghal na panalo.
Sa tula naman ay unang puwesto ang Grade 3, pangalawang puwesto ang grade 4.
Sa balagtasan naman ay nangunguna ang grade 6 pupil na si Alyana Lyn Adviento, pumapangalawa ang grade 5 pupil nasi Val David Gersalino at pangatlo si Joshua Carino grade 5 pupil parin.
Para naman sa Poster making contest ay si Alyana Lyn Adviento, pumapangalawa si Angelo Ivan Layson at pangatlo si Aviel Jasmin Sales.
Sa slogan contest ay nanguna si Sittie Hijara Sinsay, pangalawa si Leigh Ortega at Pangatlo si Earl Dimple Paclibar.
Magandang kaugalian sa pakikipag-usap sa kapuwa
Magandang kaugalian sa pakikipag-usap sa kapuwa
(August 19, 2011-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Hostl/Nancy: “Ang pakikipag-usap sa ating kapuwa ang pinaka-magandang ugnayan, ng tao sa kanyang kapuwa tao, subalit minsan ito din ang dahilan kong bakit may mga gulo o away, ang magkakamag-anak, magkakaibigan. Pakinggan ang ibabahagi ni Kaka Ali ngayong umaga, namay pamagat na Magandang kaugalian sa pakikipag-usap sa kapuwa.
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “Good morning Nancy, oh tila hindi ka nakikinig sa usapan natin, wala ka bang ganang makinig? (LAUGHING)
Hostl/Nancy: Oh no,! I am listening, very attentively, good morning Kaka, alam mo tense lang ako, basta kayo na ang magpreresent… (LAUGHING).
Kaka Alih: Tense? Hayun, tense ng isang dahilan kong bakit hindi tayo maka-concentrete kong minsan sa ating kausap. At oras na na hindi ka makaconcenrete sa sinasabi ng inyong kausap, posibleng mag-iiba ang pagkakaintindi mo sa mga sinasabi ng inyong kausap.
Alam mo Nancy, ang pakikipag-usap sa kapuwa ay mabibilang sa sining o art.
Ang sining ay ang pagsasagawa ng maayos na gawain, kaya naman ang pakikipag-usap ay itinuturing na isang sining.
Ang pagkikipag-usap ng isang tao sa kanyang kapuwa ay dapat na madaling maunawaan at nakapagbibigay din ng aral. Samakatuwid, dapat ang pagsasagawa ng pakikipag-usap sa kapuwa ay kailangang maayos, mayroong buhay at hindi nakakabagot sa pandinig ng inyong kausap.
Natural lang naman sa isang tao ang pakikipag-usap sa kanyang kapuwa, kakilala man o hindi.
Ang pakikipag-usap ay magagamit sa ibat-ibang layunin. Magagamit ito sa iyong pagtatalumpati, pagdedebate, pagbibigay ng pahayag, saloobin damdamin,at instrumento din sa matagumpay na pagtuturo upang malaman ang mga kamalian at wastong pananalita.
Minsan may mga taong mahusay na kausap at may mga tao ding walang talento, salita ng salita wala namang kalaman-laman ang sinasabi at kung minsan ay nawawala na sa paksang pinag-uusapan. Sa ganitong klaseng kausap kailangan ang pang-unawa, maging maingat at gumawa ng paraan na maibalik o maituwid ang inyong pinag-uusapan, o baka saan na mapunta ang inyong pinag-uusapan. (LAUGHING)
Kinakailangan palaging mahalaga ang paksa sa pakikipag-uusap, kailangan makuha mo ang atensiyon ng iyong kausap at kailangan kawili-wili ang mga paksa na inyong pinag-uusapan.
Nancy: Papaano Kaka Ali?
Kaka Ali: Papaano? Para maiwasan ito, kailangan mo ng pagsasanay at pananaliksik, pagbabasa pagkatapos practice, my friend. Ito ang kailangan mo upang magkaroon ka ng kasanayan sa pagsasalita para sa pakikipag-usap sa inyong kapuwa, o baka magamit mo pa sa pakikipag-usap sa ibang nilikha ((LAUGHING).
Sa mga Bangsamoro may mga itinuturo noon bakit noon? Dahil tila baga hindi natin napapansin sa ngayon.
Buweno magbibigay ako ng ilan sa mga magagandang kaugalian nila sa pakikipag-usap na kanilang itinuturo sa kanilang mga anak, pakinggan mo at baka may mapakinabangan ditto.
ü Sanayin daw ang iyong sarili sa pakikinig, kaysa ikaw ang salita ng salita;
ü Pag-isipan ng maigi ang mga sasabihin at iwasan sabihin ang hindi mo naman alam;
ü Huwag itaas ang tono ng inyong boses, makipag-usap ng malumanay, kaaya-aya o yaong tamang tama na maririnig ng iyong kausaap;
ü Huwag putulin ang sinasabi ng iyong kapuwa habang siya ay nagsasalita, hayaan matapos ang kanyang gustong ipaliwanag;
ü Iwasan na masabi ang kanyang kamalian at kong sakaling hindi maiiwasan na dapat na ituwid ang sinasabi nito ay gawin sa isang matalinong pamamaraan;
ü Hanggat maaari paunahin mo siyang magbigay ng kanyang gustong pag-usapan, kong sakaling kinakailangan na ikaw ang mauna ay sikapin na magugustuhan niya;
ü Huwag ipilit ang tamang alam mo, bigyan din siya ng panahon na makasali siya sa mga paliwanag mo;
ü Iwasan ang paglibak sa kapuwa, dahil maaaring magduda siya sa iyong pagkatao;
ü Kong una pa ninyong pagkakakilala, iwasan na mapuri mo ang iyong sarili, baka mapagkalamalan kang mapagmalaki o hambog;
ü Kinakailangan ang magamit na salita o lengguwahe ay alam ng kausap mo, huwag kang English ng English na pareho naman kayong T’duray, na ditto din pawang lumaki sa Upi.
ü Huwag magbanggit ng mga personal na bagay sa loob ng inyong tahanan,lalo na tungkol sa ginagawa ninyong mag-asawa (LAUGHING) kahit na ang kausap mo ay matagal ng kilala, dahil ipinagbabawal ng Islam ang pagbubunyag sa ginagawa ninyong mag-asawa.
Pansamantala hanggang dito na lang muna ang ibabahagi natin Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, sa Lunes …mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi ni Kaka Alih.. sa ating segment na nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Barangay Nuro, Nag-donate ng mga Sports supplies sa NCES
August 18, 2011


Barangay Nuro, Nag-donate ng mga Sports supplies sa NCES
Balita ni Alih S. Anso
Nuro, Upi (Agosto 15)…Nagdonate ng mga gamit sa sports ang local na pamahalaan ng Barangay Nuro, sa Nuro Central Elementary School (NCES) na mula sa 10% budget ng Barangay Sanggunian Kabataan.
Masayang tinanggap ni Abel Ersando principal ng NCES, ang ibat-ibang gamit na inihatid ni Punong Barangay Jerry Pangcog, kasama si Barangay Kagawad Bai Noraid Labungan.
Kabilang ang 4 pcs basketball, 1pc soccer ball, 4pcs volleyball, 4pcs badminton, 8pcs softball gloves, 2pcs table tennis, at 4pcs Lawn Tennis,
Sa panahon ni Michael Baby Datu Sinsuat ay namigay din ang Barangay Nuro ng mga gamit sa sports sa nasabing paaralan.
Nagbigay ng P15,000 na na halaga ng gamut ang LGU Barangay Nuro.
Samantala sinimulan na rin ang paglalagay ng tiles sa stage ng nasabing paaralan. Ang pondo na P121,000.00 ay mula pa rin sa budget ng Barangay Nuro.
Ibat-ibang Anyo ng Diskriminasyon
Ibat-ibang Anyo ng Diskriminasyon
(August 18, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Ang palaging sinasabi ng iba, pag hindi napagbigyan o nabigyan ng pansin dahil sa kanyang kahinaan o pagiging kakaiba nito sa iba ay sasabihin na “discriminate nila ako”. Tama ba ang ganitong pananaw? Next na tanong: “alam mo ba ang kahulugan ng diskriminasyon?” Para sa kasagutan ng mga tanong, samahan kami ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka dahil ang tatalakayin niya ngayon umaga ay ibat-ibang anyo ng diskriminasyon.
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali.
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.
At ayon sa Wikipedia ganito ang definition ng discrimination : “To treat one particular group of people less favorably than others because of their race, color, nationality, or ethnic or national origin.”
Ang ibig sabihin ay ang hindi pantay na pagtingin sa karapatan, lahi, kulay, o kultura nang isang tao.
Alam ba ninyo na may batas sa Britanya na kinikilala ang dalawang uri ng diskriminasyon? The law in Britain recognizes two kinds of discrimination: direct and indirect. Ito ang tinatawag nilang:
Direct discrimination occurs when a ‘protected characteristic’ such as race, colour, nationality, or ethnic or national origin is used as an explicit reason for discriminating.
Ang ibig sabihin nito, ang Direktang diskriminasyon ay nangyayari kapag ang isang ‘protektadong katangian’ gaya ng lahi, kulay, nasyonalidad, o etniko o bayang pinanggalingan ay nagamit na bilang isang malinaw na dahilan para sa nakikitang kaibahan.
Indirect discrimination occurs when there are provisions, criteria or practices operating, which have the effect of discriminating against certain groups of people, by putting them at a disadvantage compared with others, and which cannot be justified as proportionate.
Ang hindi direktang diskriminasyon ay nangyayari kapag may mga batas, pamantayan o kung saan ay mayroon ng epektong nakikita ang kaibahan laban sa ilang mga grupo ng tao, sa pamamagitan ng paglagay sa kanila bilang dehado kumpara sa iba, at kung saan ay hindi maaaring Pantay bilang katimbang.
Ang halimbawa nito ay, sa mga paaralan o o sa opisina, ang mga estudyante o kawaniay pare-parehong code o design ng damit. Na sa ibang tribu o relihiyon ay maaring hindi katanggap tanggap ang ganoon na design.
Ang mga design ng damit Muslim ay mahaba ang manggas o sleeves, at dapat ay nakacover o natatakpan ang kanilang buhok. Kong titingnan mo ang ganito ay masasabi natin hindi uniporme, dahil maiiba ang kanilang design di ba?
Mga tauhan sa isang tindahan sa cofffeshop ay kailangan magsuot ng unipormeng palda, ngunit ang isang Asian manggagawa babae tumanggi para sa relihiyosong dahilan. Ang ganitong kaso ay nangyari subalit nananlo sa hukuman napag-alaman na ang shop ay nagkasala ng hindi direktang diskriminasyon, dahil ang isang malaking bilang ng mga Asian kababaihan ay hindi magagawang sumunod sa mga ganitong patakaran dahil nga sa kanilang relihiyong pinaniniwalaan.
Ang isa pang diskrimisyon ay ang tinatawag na racial discrimination?
Ang racial discrimination ay tungkol sa hindi pagtrato nang maayos sa mga tao dahil sa kanilang lahi. Ang racial discrimination ay ano mang kilos, sadya man o hindi, na magpapailalim sa isang indibidwal dahil sa kanyang lahi. Mayroong ding dalawang uri ng racial discrimination: Tuwiran at di Tuwiran na Diskriminasyon.
Napansin ba ninyo ang napansin ko? Napansin mo ba Nancy?
Nancy: Ang alin Kaka?
Kaka Alih: Madalas na kapag napag-uusapan ang diskriminasyon, lahi kaagad ang unang pumapasok sa ating isip: itim kontra puti; oriental kontra kanluran. Minsan nariyan din ang estado sa buhay, ang taas ng pinag-aralan, pati na ang eskwelahang pinapasukan. Siyempre pa, hindi rin pahuhuli ang itsura: maganda kontra pangit, matangkad kontra pandak, at mataba kontra payat.
Subalit may nabasa ako sa internet, medyo tumaas ang kaliwa kong kilay. Bakit? Sa isang bansa di natin tutukuyin, (bilang pangangalaga ng kanilang dignidad) ang mga bata, madalas na hindi natin maiiwasan ang tuksuhan ng mga ito sa eskwelahan. Isang labinlimang taong gulang na mag-aaral na sobra-sobra ang timbang ang madalas na tampulan ng tukso. Pero imbes na pagbawalan ng mga guro at administrador ng eskwelahan ang mga lokong estudyanteng nanunukso, minabuti pa nilang paalisin o i-kickout ang kawawang matabang estudyante.
Kung makapagrason ang mga ito, tila wala silang pinag-aralan. Napakabaluktot ng rason nila na para wala ng tuksuhin ang mga bata, nararapat lamang na alisin ang pinanggagalingan ng tukso. Imbes na makisimpatiya sa matabang mag-aaral at ituro ang tamang pakikipagkapwa-tao sa mga alaskador na estudyante, alam ba ninyo na tila naging pasimuno pa ang paaralang iyon? Paano matututo ng wastong ugali ang mga nasasakupan ng mga ito kung mismong sila’y mapangmata?
Alam mo Nancy ngayon lang ako nakarinig ng ganoon. Ikaw Nancy, may narinig ka?
Nancy: Wala pa Kaka.
Kaka Alih: Tama ka Nancy, kabaligtaran ng kuwento ang nangyayari dito sa atin, kasi ang pinatatalsik sa mga eskwelahan ay ang mga basagulero, walang hilig sa pag-aaral, o yung mga nahuhuling gumagawa ng ka-imoralan at siyempre, kagaguhan. Pero sa bansang sinabi natin ay iba ang trip nila. Mabuti na lang, swerte tayo dahil ipinanganak tayo dito sa Upi, dito sa Pilipinas dahil kahit paano, karamihan sa mga Pilipino’y marunong din namang makipagkapwa-tao.
Nancy: Tama!
Kaka Alih: Talagang tama ka Nancy, tuloy tayo.
Dito naman tayo sa Diskriminasyon sa Paniniwala.
Ayon sa isang blogger na nagpapakilala ng Voyager: “Wala sa relihiyon yan kundi nasa tao.. siguro nga isa sa malaking factor kung bakit hindi maganda ang pagkakakilala ng ating mga kababayan sa pinas tungkol sa muslim dahil narin sa media at sa nakikita nila minsan sa ugali ng mga ito lalo na sa Quiapo, mga madumi ang paligid nagtitinda ng pirated. Mali rin kasi minsan ang mga nagbabalita sa dyaryo, telebisyon at radyo na pag may Muslim na gumawa ng masama ang tag ng headline ay “muslim pumatay, nahuli sa ganon, etc.etc., pero bakit pag ibang relihiyon ang gumawa di nila masabing: INC nakapatay, Protestante nanghalay, Kristiyano nandukot.. napaka unfair diba?.. isa yan sa dapat pakaingatan ng mga gumagawa ng mga balita na ganyan.. dapat minsan iexplore nila ang paligid nila kung bakit nagiging masama ang isang tao at di dapat unang tinitignan kung ano ang paniniwalang kinaaniban niya.”
Sigoro may friend Voyager, nasasabi nila yun dahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng Muslim. Kong alam nila na ang sinasabing Muslim ay tribu o nationality ay hindi nila gagamitin ang term na Muslim. Kong alam nila na ang ibig sabihin ng Muslim ay naniniwala sa Allah, Believer in English, ay hindi nila ito sasabihin. Kong alam lang sana nila na pagka-Muslim ay hindi dahil ikaw ay isang Maguindanaon, Iranun, Meranaw, kundi dahil ang relihiyon mo ay Islam ay hindi nila ito sasabihin na Muslim.
“Hindi din Kaka ang mga taong iyan ay talagang nananadya, nagtapos ng kurso ng law, isang tumanda ng membro ng media, hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng Muslim?” ito ang hinanakit na sabi ni Bapa Rakman.
Na.. nana nampamba !.. Bapa Rakman, ang ganyan mga tao ang mahirap paliwanagan, kasi intentional na yan, naghahanap lang yan ng butas para siraan ang mga taong ayaw niya.
Kong minsan din daw may mga diskriminasyon sa membro ng pamilya o sa grupo. Halimbawa, sa kainan, sasabihin mo: “mamaya na kayo kumain, total hindi kayo bisita”. Sagot ni Tasyo, “bakit maam bisita lang ba ang nagugutom ako din” (LAUGHING) Tama ! ka Tasyo, kaya lang sabi ni Leny, pairalin mo naman ang hospitality, naaku Tasyo nawawalan ka na ng mabuting pakikitungo sa inyong panauhin, ugaling Pinoy ang “pagadiadi kano bo” (sa Iranun) give way.
Kong minsan ang salitang diskriminasyon ay naabuso din, kailan?
Ang iba ay ginagawa itong excuse upang makaganti, makapanlait, upang makakuha ng pansin, upang kaawaan.
Kong minsan nagkakaroon ng diskriminasyon dahil ang taong nasa kapangyarihan o kakayahan ay galit sa tao. Hindi na niya ito bibigyan ng pantay na trato dahil galit nga siya doon. At ito ang madalas na dahilan kong bakit mga diskriminasyon, dahil sa galit, inis, pagmamalaki, at higit sa lahat, dahil sa kakulangan ng pananampalataya at paniniwala sa Poong Lumikha o Allah.
Panahon na para tayo matakot sa parusang tatanggapin natin mula sa Lumikha kapag pinairral natin ang diskriminasyon na wala sa lugar. Ang bawat tao ay may karapatan sa kanyang kapuwa, subalit karapatan mo man ito, ay ilagay mo pa rin sa perpektiba o pag-angkin.
Ito ang inyong kapatid na si Kaka Alih, sama-sama at tulong-tulong tayong paunlarin ang ating bayan ng Upi. Sukran .. Wassallam.
NCES Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika
NCES Ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika
(Balita ni Alih S. Anso)
Nuro, Upi (August 18, 2011)….Ipagdiriwang ngayon araw ng Nuro Central Elementary School (NECS) ang buwanan ng wika sa bulwagan ng paaralan.
Magsisimula ang palatuntunan sa ganap na ika-walo ng umaga na may tema na “Ang Filipino ay wikang panglahat, ilaw at lakas sa tuwid na landas”.
Ang Linggo ng Wika ay ipinagdiriwang tuwing unang linggo ng Agosto kada taon sa Pilipinas. Sinasalamin ng selebrasyong ito ang kahalagahan ng Filipino bilang pambansang wika.
Sa bawat taon, ang mga institusyong pang-edukasyon kagaya ng mga paaralan at unibersidad, at ang mga sangay ng pamahalaan, ay sama-samang nakikilahok sa iba’t ibang mga gawain tulad ng mga paligsahan sa pagsulat ng sanaysay, mga pagtatanghal, parada, at iba pang paraan nang pagpapakita ng paggamit ng wikang Filipino.
Ang panauhing pandangal ay Ginang Aida Defensor, punong guro ng Joy Alliance Education Centre, pribadong paaralan na pinalalakad ng Alliance churches.
Magkakaroon din ng mga paligsahan o contest sa dula-dulaan para sa pre-school level at grade 1 at 2 level,. Ang ikatlo at apat baitang ay mag-papaligsahan naman sa tula. At ang grade V at VI ay magtatagisan naman ng talino sa balagtasan.
Janalene A. Navidad, Itinanghal na Mutya ng UAS 2011!
Janalene A. Navidad, Itinanghal na Mutya ng UAS 2011!
(Balita ni Nancy L. Lawan)
Nuro, Upi (August 18, 2011)….Hakot award ang itinanghal na Mutya ng UAS 2011 na si Janalene A. Navidad sa ginanap na Search for Mutya ng UAS 2011, na isinagawa sa Upi, Municipal Gymnasium.
Nakuha din nito ang Minor Awards na Best in Casual Wear, Best in Sexy Shorts, Wittiest Candidate, Best in Talent Presentation,at Best in Gown.
Sa Major Awards naman 4th runner-up si Scenley May Martinez at Miss Photogenic, 3rd runner-up si Dessah Bansil at Miss Congeniality, 2nd runner-up si Darriane Pearl Esteban, 1st runner-up si Anna liza Alquizalas at Best in Production Attire.
Nagsilbi namang mga hurado sina Engr. Edenson T. Sawac, Loren Joy O. Garcia RN, Vincent Regin R. Gamino RN, Clinton John Colcol MPA at Sheila P. Censon CPA bilang chairman
Ang Search for Mutya ng UAS 2011 ay taunang aktibidad ng Upi Agricultural School-Provincial Technical Institute of Agriculture (UAS-PTIA) na bahagi ng 92nd Foundation Anniversary.
Ang UAS-PTIA ang isa sa mga naunang paaralan sa bansa, na itinatag noongAugust 19, 1919, ng isang Amerikanong sundalo na si Captain Bryan Erving Edwards na nagkapagasawa ng T’duray.
Hindi ako nagresign, misquoted lang ako-Mayor Piang
August 17, 2011Hindi ako nagresign, misquoted lang ako-Mayor Piang
Balita ni Alih S. Anso
Nuro, Upi (August 17)…. “Hindi ako nagresign sa peace panel” ito ang nilinaw ni mayor Ramon A Piang Sr, member ng GPH peace panel na nakikipag-usap kapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) .
Naibalita kahapon sa community radio DXUP FM na naghain na ng kanyang resignation letter si Upi Mayor Ramon A. Piang Sr. bilang membro ng GPH-MILF Peace Talk Panel,
Ang naibalitang resignation ay narinig ng mga DXUP FM reporters sa flag ceremony ng LGU Upi LGU officials at employes ng Upi, at hinihintay lang di umano ang feedback ng OPAPP.
Sa interview ng DXUP FM kay Mayor Piang ngayon hapon, kanyang sinabi na: “Gusto kong linawin, sigoro namis-interpret lang ang aking sinabi, gawa ng anunsiyo sa harap ng mga empleyado sa bayan ng Upi, noong Lunes ng umaga, ang akin naman ay ganito ang sinasabi ko, sa mga empleyado, humihingi ako ng paumanhin dahil sa loob ng ilang Linggo ay bibihira ako nakakapasok sa opisina, dahil medyo tinutukan natin ang update, ng GPH panel sa goberno sa MILF , ang sabi ko sa mga empleyado na humihingi ako ng paumanhin, sabi ko, medyo busy ako sa panel kaya bihira ako nakakapunta sa inyo, but ganoon pa man ay ginagampanan ko ang obligation bilang alkalde ng bayan.”
Pinaliwang ni Mayor Piang na kong talagang hindi na kaya, magten-tender ako ng resignation, pero sa ngayon wala pa naman dahilan, para magtender ng resignation, sapagkat namamanaged pa naman, ang kanyang schedule kahit ano pa man ang ka-busy sa trabaho sa local na pamahalaan ng Upi,
Dagdag ni Mayor Piang: “sigoro yun ang namis-interpret ng ating mga reporter, ang sabi ko na kong hindi ko kaya ay magtender ako ng resignation, pero hindi ko sinabi na nagtender ako ng resignation.”
“Sabi kong talagang hindi ko na kaya, magtetender ako ng resignation, subalit kakausapin ko muna ang secretary ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process, sa ngayon ay manageable pa naman ang aking schedule.”
Ganoon pa man din sa lahat ay humihingi tayo sa lahat ng nakatanggap sa balitang ito, medyo namis-interpret ang message, na hindi ganoon ang tunay na kahulugan.
“Hindi ko gagawin na ganoon na lang ay ako magreresign ako, dahil matagal nag hinihingi ang mga kapatid na Lumad na magkaroon ng representation sa peace panel, na ngayon na nabigyan, ay magreresign ako ng ganoon lang.” diin na paliwang pa ni Mayor Piang.
Dahil sa maling intepretatsyon na ito ay humingi na rin ng paumahin kay Mayor Piang at sa mga iba pang concerned ang DXUP FM sa maling pag-bibigay ng balita.
Mga Dapat Malaman sa buwan Ramadan-Buwan ng Pag-aayuno ng mga Muslim
Mga Dapat Malaman sa buwan Ramadan-Buwan ng Pag-aayuno ng mga Muslim
(August 16, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Host: Panglabing pitong araw na ngayon ng Ramadan, ang buwan ng pag—aayuno ng ating mga Kapatid na nanampalataya sa Islam o ang ating mga kapatid na Muslim, magbibigay ng ilang kunting kaalaman sa banal na araw na ito ng Ramadan- samahan si Kaka Ali sa ating segment na nakaka:
(PLAY INTRO)
Nancy: Magandang Kaka Ali, kumusta na ang pag-pupuwasa natin?
Kaka Alih: magandang umaga din Nancy, Insha Allah (sa Awa ngAllah) heto nakakasurvive pa rin.. uhaw at tulog ang karaniwang nararamdaman ng isang nag-aayuno.
Ang Ramadan ang ika-9 na buwan ng sa Kalendaryong Islam.
Ang Kalendaryong Islam katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo ay binubuo ng labing-dalawang buwan.
Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.
Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magreb. Ang buong ikot ay nagaganap sa loob ng tatlongpu’t-limang taon. Sa ganitong paraan, ganoon din ang haba ng araw at sa sandali ng pag-aayuno sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ay magkakaiba sa mga taon.
Ang mga Muslim sa buwan na ito ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.
At dahil hindi kumakain sa araw ang iyong kapatid na Nanamapalataya sa Islam, ikaw na kapatid na hindi nag-aayuno ay nararapat lamang na huwag kumain o uminom sa harapan o nakikita ng iyong kapatid, dahil tiyak ko matatakam siya.
Ang mga Muslim na nag-aayuno ay kumakain sa medaling araw, bago magbukang liwayway at dahil dito sila ay puyat sa pagtulog, kaya asahan mo na makakatulog o gusting matulog sa araw.
At dahil hindi kumakain at uminom tiyak na gutom at uhaw, kaya nararapat na ikaw ang boss o kasamahan niya sa trabaho huwag masyadong bigyan ng mabibigat na trabaho.
Kong magiging bisita mo siya, sa panahon ng Ramadan, dapat malaman mo na pwede namang kumain ang nag-pupuwasa o nag-aayuno na Muslim, pagsapit ng takip-silip hanggang bago magbubukang liwayway mamayang hapon ang breaking of fast ay 6:02 ng gabi, so therefore pwede silang kumain hanggang bukas na 4:10 umaga, dahil ito ang imsak o cut of time.
Dapat malaman mo rin Kapatid na may exempted din, ibig sabihin ay pwedeng hindi muna mag-aayuno. Halimbawa ang babaeng nireregla, ang matatanda na kong mag-aayuno ay maapektuhan ang kalusugan, ang mga sanggol na hindi pa umabot sa pito o sampung taon, ang maglalakbay at ang mga taong wala sa katinuan ng isip.
Ngayon kapatid kong sa palagay mo ay dapat ka ng dalhin sa mental hospital ay pwede ka ng magpa exempt (LAUGHING)
Buweno tama na muna, at para sa lahat happy Ramadan, hanggang sa susunod na chapter, bukas Mga Kundisyon sa Kasuotan ng mga Kababaihan ang aming ibibigay sa inyo, Insha Allah.…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Mutya ng UAS 2011 bahagi ng 92nd UAS-PTIA Foundation Anniversary
Mutya ng UAS 2011 bahagi ng 92nd UAS-PTIA Foundation Anniversary
Balita ni Lucy Duce
Nuro, Upi (August 17, 2011)…Mamayang ala-una ng hapon ang kaabang abang na pagpili ng Mutya ng Upi Agricultural School-Provincial Technical Institute of Agriculture (UAS–PTIA) 2011, na gaganapin sa Upi municipal gymnasium.
Ang pagpili ng Mutya ng UAS ay taunang ginagawa ng nasabing paaralan kaugnay ng ika siyamnapu’t dalawang taong annibersaryo nang pagkakatatag ng UAS-PTIA.
Ang UAS-PTIA ang isa sa mga naunang paaralan sa bansa, na itinatag noongAugust 19, 1919, ng isang Amerikanong sundalo na si Captain Bryan Erving Edwards na nagkapamilya ng isang T’duray.
Limang nag-gagandahan at matatalinong estudyante ang rarampa sa entablado kinabibilangan nina Anna Liza Alquizalas Dessa Bansil Darian Pearl Esteban, Schenley May Martinez at Janalene Navidad.
Kabilang sa mga exposure na paglalabanan ay ang Best in production attire, Best in casual wear, best in sexy shorts, Wittiest candidate, Best in Talent Presentation at Best in gown pawang mga minor awards.
Pipili din ng UAS Singing Sensation at Special Awards na Miss congeniality at Photogenic.
Piang naghain ng Resignation sa GPH-MILF Peace Talk Panel
August 16, 2011Piang naghain ng Resignation sa GPH-MILF Peace Talk Panel
Balita ni Nenita Minted
Nuro, Upi (August 15) Naghain na ng kanyang resignation letter si Upi Mayor Ramon A. Piang Sr. bilang membro ng GPH-MILF Peace Talk Panel,
Ipinahayag ni Mayor Piang ang kanyang resignation kahapon sa Flag ceremony ng LGU Upi LGU officials at employes ng Upi, Maguindanao.
Sinabi nito na siya ay magreresign bilang membro ng peace panel, upang matutukan nito ang bayan ng Upi bilang alkalde nito.
Sa ngayon ay hihintay nalang nya umano ang feedback mula sa OPAPP.
Flasflood na naman sa Nuro, Mayor Piang nagbigay alarma sa mamamayan!
August 15, 2011
Flasflood na naman sa Nuro, Mayor Piang nagbigay alarma sa mamamayan!Balita ni Alih S. Anso
Nuro, Upi (Agosto 15)…Dahil sa malakas na buhos ng ulan kahapon ay muling naka-flashflood o biglaang baha sa ilang bahagi ng Barangay Nuro, mg alas siyete kagabi.
Una ay may nagtext sa programang Duyog Ramadan ala singko y media, na sinasabi na may baha sa Masjeed Nor sa silangan ng Barangay Nuro, at agad naman tinawagan ang number at sumagot si Bert at kinumpirma ang pag-taas ng tubig sa Nuro creek galing ng Sitio Kabutuyen, Barangay Blensong.
Agad na pinarating ng DXUP kay vice mayor Alexis Platon ang report at agad na pinuntahan ng bise alkalde ang lugar na naiulat .
Pagsapit ng ika-pito ng gabi ay biglang rumagasa ang tubig mula sa Sitio Kabutoyen, Barangay Blensong at di naglipat sandali ay ilang bahagi ng Nuro ay umabot nasa kalahating piye ang lalim ng tubig.
Dahil dito ay muling naalarma ang mamamayan dahil naranasan na ang ganito, noong 1995 at 2008.
Agad namang nagbigay ng babala ang alkalde ng bayan ng Upi Ramon Piang Sr, sa mga mamamayan na mag-ingat sa posibleng landslide, baha at flashflood lalo yaong malalapit sa kabundukan at ilog.
Dahil sa madalas na mga flash flood ang palaging nakikitang dahilan ay ang pagkaubos ng mga punong kahoy sa mga kabundukan.
Ayon sa mga siyentipiko, ang mga punong kahoy ang pansamantalang humaharang at sumisipsip sa tubig ulan at pagkatapos ay dahan-dahan ang pagbaba ng tubig sa kapatagan.
Gaano kahalaga ang Kagubatan sa ating Kapaligiran
(August 15, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Host/Nancy: Ang tanong natin ay gaano kahalaga ang kagubatan sa ating kapaligiran? Ang sagot ay ito ang tatalakayin natin sa ating nakaka ang pagtataguyod at pamamahala ng ating kagubatan, dahil sa nakakaalarma ng kalagayan nito sa ating bayan at bansa. Kaya kakibigan, samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa ating segment na …
(PLAY INTRO)
Host/Nancy: Good Morning Kaka Alih..
Kaka Alih: Good morning din kahit nakaranas kami ng flashflood kagabi.. ..(LAUGHING)
Host/Nancy: Kumusta na ang baha Kaka, paki flashback naman ang flashflood kagabi..(LAUGHING)
Kaka Alih: about seven oclock na yun, prepared na akong pumunta sa Masjid ng biglang magsigaw ang aking anak na may tubig na sa loob ng bahay, ng aking tingnan palalim na nga, di naglipat sandal hayun mga anim na pulgada na ang lalim ng tubig sa aming bakuran, kong gaano kabilis ang pagdating ganoon din kabilis ang apaglisan ng tubig, dahil alas nuwebe ng gabi humupa na ang tubig, parang walang nangyari..salamat at may mga ginawang kanal at nilinis na rin ng LGU ang mga kanal sa Nuro, lalo na sigoro kong matapos na ito, dahil doon sa amin di natatapos ang muling paghukay sa kanal.
Dahil sa flashfllod kagabi ay muling naalarma ang mamamayan lalon an gating Mayor Piang, dahil naranasan na ang ganito, noong 1995 at 2008.
Na agad namang nagbigay ng babala ang alkalde ng bayan ng Upi Ramon Piang Sr, sa mga mamamayan na mag-ingat sa posibleng landslide, baha at flashflood lalo yaong malalapit sa kabundukan at ilog.
Dahil sa madalas na mga flash flood ang palaging nakikitang dahilan ay ang pagkaubos ng mga punong kahoy sa mga kabundukan.
Ayon sa mga siyentipiko, ang mga punong kahoy ang pansamantalang humaharang at sumisipsip sa tubig ulan at pagkatapos ay dahan-dahan ang pagbaba ng tubig sa kapatagan.
Alam mo Kapatid na Nancy, ang kagubatan ay likas yaman o likha ng Diyos, ang mga kabundukan natin noon ay maraming punong kahoy, mga galang hayop at iba pang nilikha ng Poong Maykapal, puro ngayon ay halos wala ng natitira, kong mayroon man ay di na sapat para mabalanse an gating ecology o kapaligiran natin.
May tanong sa atin: “Gaano kahalaga ang Kagubatan sa ating kapaligiran?”
Ang ating naging kasagutan:
“Mahalaga ang gubat sa ating buhay dahil ito ay pinagkukunan ng ating pagkain, gamot, tubig at mga kahoy para magamit sa ibat-ibang pangangailangan.
Ang kagubatan ay may luntiang kapaligiran na may mga ibat-ibang halaman na siyang nagbibigay buhay at sigla sa iba pang nilalang na hayop at ng mga tao.
Ang mga naglalakihang mga puno ang siyang nagpapalakas sa mga bukal ng tubig para magamit ng lahat ng nangangailangan nito (tao,hayop at mga halaman).
Ang buhay at malusog na kagubatan ay gumaganap bilang pangsala ng kalikasan (buffer system) sa alin mang kapaligiran sa buong daigdig, di lang ito naglilinis ng hangin, lupa at tubig kundi nagpapanatili sa tamang temperatura na kailangan sa malusog na buhay ng bawat nilalang.
Ang pinsalang pangkalikasan na ito sa ationg malusog na kagubatan noon ay panimbang din sa lahat ng labis na init at polusyon.
Ang pag init ng buong daigdig o ang tinatawag na “global warming” ay isang malinaw na halimbawa, kaya nag-iinit at mundo sa ngayon. Na ayon sa mga siyentipiko o scientist ay dahil sa dahan-dahang pagkaubos ng punong kahoy, at dahil dito ay kasabay ding nawawala ang natural buffer system ng mundo o ang nagsisilbing payong sa initi ng araw .
Kaya naman ayon sa mga siyentipiko, kong gusto nating ibalik ang tamang timpla o condition ng mundo ay ibalik natin ang likas yaman ng ating kagubatan.
Sa kalagayan natin sa ngayon na halos kalbo na ang kabundukan ay mahirap ibalik kaagad ang mukha ng ating kagubatan, ngunit kong gagawin natin ay kayan natin.
Ayon sa mga pag-aaral ay dapat unahin na iwasto, ay ang kalagayan ng lupa upang magkaroon ng kalagayang angkop sa mga itatanim na mga puno at halaman.
Maglagay ng mga shade plants o panganlong tanim, bago isusunod ang mga principal seedlings o pangunahing mga punla upang sa gayon ay madaling makakaayon sa lupaing pagtatamnan. Isang halimbawa ng shade plant o panganlong na tanim ay ang kakawate o madre kakaw ,isang legumenous plant na may kakayahang pagandahin ang lupa sa pamamagitan ng kakayaham nitong baguhin ang nitrogeno compound sa available forms o anyong magagamit ng mga halaman.
Magiging mataas ang survival rate o bilang ng mabubuhay kong susundin ang ganitong pamamaraan, ayon sa mga pag-aaral. Bukod dito ang mga shade plants ay mainam na gawing gatong o uling na mapagkakakitaan ng iba sa halip na putulin ang principal seedlings o punla na siyang inaaasahang magiging kagubatan sa darating na panahon.
Ang pagtataguyod ng kagubatan ay isang hakbang para sa pagbibigay daan upang patuloy mabuhay ang lahi ng mga tao at iba pang hayop sa daigdig na ito.
Tanong pa rin ng isang batang nag-aaral “Tay, bakit nauubos ang ating kagubatan?”
Anak ganito ang pwede kong isagot: May mga bahagi ng ating ang kagubatan sa ngayon ay walang namamahala o hindi pa napasasailalim sa anumang klaseng pamamahala kung kaya’t kahit sino na lang ay malayang pumapasok dito at pumutol o kumuha ng mga yaman gubat. Ito ang bahagi ng kagubatan na tinatawag na “open access.” Mayron ding bahagi ang mga kagubatan na mayroon ngang namamahala, subalit ang mga may hawak nito ay nagpapabaya naman sa kanilang responsiblidad o tungkulin.
Dahil sa sitwasyong ito, may mga taong basta na lang pumapasok sa kagubatan upang mamutol ng kahoy, magsasagawa ng kaingin, at iba pang mapanirang (destructive) gawain, na nagdudulot ng pagkakasira at patuloy na pagkaubos ng ating natitirang yamang-gubat o kagubatan.
‘Tay may pag-asa pa ba tayo upang isalba o iligtas ang pagkasirang ito ng ating kagubatan?” dagdag na tanong ng anak.
Of course naman Ting!, (LAUGHING) Ang lahat ng pagkakataon ay nasa tao, oo nasa atin na mamamayan ng Upi, kailangan lamang na gawin, hindi sa salita lamang .
Sa pamamagitan ng tamang pagpaplano at pamamahala ng ating mga kagubatan,pwede pa nating isalba ang catastrophy o ang delubyo na darating.
Kinakailangan lamang ang ahensiyang matatag, maunawain, masigasig, at mga namamahala at nagpapatupad na may pagmamahal at pagmamalasakit sa kalikasan.
Kaya naman saludo ako Nancy sa ang ating pamahalaan, sa pangunguna ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR) ay nakipagtulungan sa ating Local Government Unit of Upi at binuo o itinatag ang FLUP?
Nancy : Ano ang FLUP Kaka, pwede mong ipaliwanag sa atingmga tagapakinig sa bago sa kanilang pandinig.
Kaka Ali: “Ang FLUP ay ang Forest Land Use Plan. Ito ang nagtataguyod o nagsasagawa ng isang pamamaaraan ng pagpaplano-matapos ang isang masusing pag-aanalisa at pag-aaral sa kalagayan ng kagubatan-upang mailagay sa maayos na pamamahala ang mga ito. Ito rin ang siyang magiging basehan sa “alokasyon” o paglalagay ng tamang sistema ng pamamahala ng kagubatan ayon sa kagustuhan ng nakararami, at para rin sa nakararami.
Nancy : Ang ibig sabihin ba nito ay hindi na pwedeng gamitin o kumuha ng likas yaman ang mga mamamayan?
Kaka Ali: Hindi pa naman Nancy, pwede pa rin , subalit may mga allocation o paghati-hati sa ating kagubatan kong papaano pangangalagaan at gagamitin.
Ang FLUP ay makakatulong sagutin ang mga katanungan tungkol sa alokasyon tulad ng:
· Anong bahagi ang dapat ay protektado-tulad ng watershed reservation?
· Anong parte ang maaring ipamahala sa kumunidad? O sa pribadong sector? O sa pamahalaang lokal (tulad ng communal forest)? O sa ibang ahensiya ng pamahalaan (tulad ng pamantasan, National Power Corp. O NAPOCOR, Philippine National Oil Corp. Oo PNOC, atbp)?
Ang tamang alokasyon, base sa FLUP, ay mangangahulugan ng paglalagay ng naangkop na pamamahala sa mga kagubatan na titunuturing na “open access” (walang namamahala). Sa pamamagitan nito, magiging malinaw ang mga responsibilidad at pananagutan ng Department of Inviroment and Natural Resources (DENR), pamahalaang lokal, (LGU), at maging ang lokal na pamayanan, upang tiyakin na maisakakatuparan ang tamang pamamahaang nabanggit.
Nancy: “Bakit kailangan pa ang FLUP Kaka?”
Kaka Ali: “Bakit kailangan pa ang FLUP” dahil ito ay mahalaga o iportante, upang matukoy ang open access na kagubatan at mailagay sa tamang pamamahala ito, kasunod ng pagbibigay ng tenure sa mga interesado at responsableng tao o organisasyon na maaring mamahala dito.
Alam ko kaibigan marami kang itatanong, maaring itanong mo, Paano makatutulong ang FLUP sa ugnayang DENR-LGU ukol sa alokasyon at pamamahala ng kagubatan?
Kaibigan, ang FLUP ay magsisilbing batayan tungo sa pagbuo ng kasunduan sa pagitan ng DENR at pamahalaang lokal at iba pang sektor upang malinaw na maitupad ang mga kasunduan ayon sa alituntunin ng batas. Sa gayon, mapapadali ang pagtutulungan ng DENR at LGU na maisakatuparan ang mga mithiin sa pamamahala ng kagubatan, ganun din sa pagpapasya ng DENR sa pag-isyu ng angkop na tenure, ayon sa itinalaga ng plano.
Ayon sa implementing guidelines, ang FLUP ay magsisilbing rin batayan ng ibat-ibang sektor sa pagmomonitor ng pagbabago sa kagubatan. Sa pamamagitan ng tamang pagmomonitor, agarang maaaksyunan ang mga problema na posibleng kaharapin sa pamamahala ng ating kagubatan. Dahil ditto ay ang mga mamamayan ay maraming magiging pakinabang sa oras na ang FLUP ay maisakatuparan na.
Halimbawa ay ang:
Ø Pagkakaroon ng tenure. Ang mga kwalipikadong komunidad ay maaring mabigyan ng “tenure” na nagbibigay sa kanila ng pribilehiyo upang siyang mangalaga sa ilang bahagi ng lupang gubat, kasama na ang likas-kayang paggamit ng ilang likas-yamang napapaloob sa kasunduan. Ang tagal ng kasunduang ito ay umaabot ng taon-minsa’y mula sa 25 hanggang 50 taon. Ang “tenure” ay isang pribilehiyo lang; hindi ito isang titulo ng lupa.
Ø Maiiwasan ang di pagkakaunawaan sa paggamit ng likas-yaman. Dahil nga ang pamamahala ng kagubatan at paggamit ng mga yamang-gubat ay ipapasaloob sa isang malinaw na kasunduan na kung saan ang lahat ng maaapektuhan ay kukunsultahin, maiiwasan din ang away at anumang di pagkakaunawaan ng iba’t-ibang sector ng pamayanan.
Ø Pagkabawas ng mga illegal na aktibidad. Kung mayron nang isang komunidad o organisasyon ba responsable sa pangangalaga ng kagubatan, siguradong ang mga ilegal na pagpuputol, kaingin at iba pang mga aktibidad na nakakasama sa kagubatan a nababawasan na.
Ø Mga pang-matagalang pakinabang. Sa pamamagitan ng FLUP, maisasaayos ang mga pamamahala ng kagubatan at mga yamang-gubat upang ito ay patuloy ng kabuhayan para sa kumunidad/pamayanan. Kapag maayos ang kalidad ng kagubatan at ang mga yaman nito, patuloy itong magbibigay ng iba’t-ibang uri ng pakinabang, gaya halibawa ng patuloy na supply ng kahoy at iba pang yamgn-gubat, proteksyon sa mga kumunidad, at marami pang iba. Mababantayan din ng mga mamamayan ang paglalagay ng mga proyekto at masusunri nila kung ang mga ito ay naayon sa pangangailangan ng kagubatan at sa kagustuhan ng mga kumunidad.
Nancy: “Ano naman ang pakinabang ng mga nasa kapatagan?”
Kaka Ali: Ang pagsasaayos ng pamamahala sa kagubatan ay magiging kapaki-pakinabang din sa mga nasa kapatagan. Ang kagubatan at kapatagan ay kunektado sa isa’t-isa. Anumang mangyari sa kagubatan ay makakaapekto sa kapatagan. Kaya kung maayos ang pamamahala sa kagubatan, ang kapatagan ay siguradong makikinabang, tulad ng pagkakaroon nto ng regular na panggagalingan ng tubig para sa irigasyon, gamit sa bahay, atbp.
Nancy: May papel ba na dapat gamapanan ng pamayanan sa pagbuo at sa pagpapatupad ng FLUP?
Kaka Alih: Yes, ito ay multi-sectoral. Mahalaga ang pakikilahok ng mamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng FLUP. Kaya nanawagan tayo sa mamamayan ng Upi ng tulungan natin ang LGU Upi sa pagpapatupad ng FLUP sa ating bayan ito ay para na rin sa kinabukasan n gating saling lahi o susunod na henerasyon.
Sukran… Wassallam.
Nancy: Maraming salamat Kaka Ali, sa maganga presentasyon, mga kapatid kongmay tanong tungkol sa FLUP makipag-ugnayan lamang po sa LGU Upi, pwede ninyong lapitan si Glo Sentillo o dili kayay si Kagawad Ben Suenan.
(PLAY EXTRO-NAKAKA)
Brownout Na Naman! Mga Negosyante Naalarma sa Magnanakaw
August 13, 2011
Brownout Na Naman! Mga Negosyante Naalarma sa Magnanakaw
Balita ni Alih S. Anso
Nuro, Upi (Agosto 13)…Kagabi ay biglang nawalan ng korente ang pamilihang bayan ng Upi, kasama ang Barangay Blensong sa hindi pa napaglamaang dahilan. Agad namang na-alerto ang mga Pulis sa public market para di na maulit ang mga pagnanakaw tuwing brownout.
Ang Upi ay sinusuplayan ng korente o electric power ng Maguindanao Electric Cooperative Inc. MAGELCO at tatlong linya ang ginagamit sa district 11 ng Magelco, na sakop ay ang Upi at South Upi. Ang right phase ay ang bandang Darugao at Rempes, left phase ang Public Market at Barangay Blensong at center phase ang Barangay Borongotan hanggang Sout Upi.
Hanggang sa pagabalitang ito, ay brownout pa rin ang left phase na sakop ang public market at Barangay Blensong.
Naireport naman sa DXUP FM ng isang joggers, nitong madaling araw na walang ilaw ang tatlong electric post na nasa national higway at dalawa naman ang nasa Palileo street.
School base seminar on campus journalism Nakatakda
School base seminar on campus journalism Nakatakda
Balita ni Lucy Duce
Nuro, Upi (Agosto 13)…Nakatakda ang seminar on school based campus journalism nitong Agosto 20-21 sa Nuro Sentral Elementary School.
Ayon kay Gng. Almaida Diaz ito ay lalahukan ng mga paaralan mula sa ibat- ibang paaralang pampubliko at pribado ng Upi, Maguindanao.
Ang mga Resource Person ay sina Grace Rivero ng Division Office Maguindanao , Dolores Clarete at Aireen Casada ng St Francis Highschool.
Ang layunin nito ay upang maihanda ang bata sa darating na regional contest.
Mayroon registration fee na ₧100 para certificate at seminat kit .
Celpon inihatid sa DXUP nabawi na ng may-ari
Celpon inihatid sa DXUP nabawi na ng may-ari
Balita ni Nenita Minted
Nuro, Upi (Agosto 13)…Masayang tinanggap ni Noria Gandawali ng Barangay Rempes ang kanyang cell phone na Nokia1208, na kong saan ito ay nawala bandang Darugao habang pauwi mula sa Nuro.
Napulot ni Johnny Lalison ang mobile phone at inihatid naman kaagad ng kanyang asawa na si Aileen Lalison. Ipinaabot naman ni Noria ang pasasalamat sa pamilyang nakapulot sa kanayang celpon.
Mula ng maitatag walong taon na ang nakakaraan, ang community radio DXUP FM ay nagsilbing “lost & found center” na mga mamamayan ng Upi at katarig bayan.
Para sa mga Taong Hindi Makatulog ng Mahimbing
August 12, 2011Para sa mga Taong Hindi Makatulog ng Mahimbing
(August 12, 2011-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: May problema ka ba sa pagtulog? Ayaw ka bang dalawin ng antok? o nahihirapan kang matulog ng mahimbing sa gabi, kong ganoon, makinig sa ibabahagi ni Kaka Alih, baka masulosyonan ang problema mo kaibigan.
(PLAY-INTRO NAKAKA)
Host/Nancy: Magandang umaga Kaka.
Kaka Alih: Magandang umaga din Nancy, Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,.
Ngayon umaga ay agad akong nag-hanap ng sulosyon sa aking konting problem, hindi ako makatulog kaagad, ayaw akong antukin sa gabi, pero inaantuka ako bandang umaga, bakit kaya?
Naisip ko kaagad ang naging friend natin sa Facebook at Blogs, ang mag-asawang Dr at Dra Willie Ong, ang nagpadala sa ating mga babasahing aklat sa mga sagot sa ganitong ganitong problema.
Naku laking disgrasya, hiniram pala ng anak ko, ayaw na kasing bitiwan dahil very informative dawn a aklat. Sabi ko magpasalamat ka kay Dr Willie Ong.
Kaya ang ginawa ko, nag-explore ako sa search engine na GOOGLES, type ang words na hirap akong makatulog willie ong.. KLIK! Ayon may sagot na kaagad, ito angnagustuhan kong may internet connection dahil sa new technology, sa isang kisap mata may sagot kana sa mga tanong.
May I quote, sa article ni Dear Doc Willie sa Pilipino Star Ngayon dated Aug 4, 2011.
Ayon sa sulat: “Dear Doc Willie. Hirap akong makatulog. Kapag stressed ako, hindi ko mapigilan mag-isip ng mga problema. Ano po ang mapapayo niyo? Umaasa, James”
Sagot ni Doc Willie:
“Ang pagtulog ay isang normal na proseso ng katawan. Puwede mong turuan ang iyong sarili na makatulog ng mahimbing.
Kapatid kong may problema ka sa pagtulog o kong wa la pa naman, makinig ka parin anong malay baka bukas, maranasan mo ang nararanasan ni Kaka Ali at James. Kapatid heto na ishare ko sa inyo ang mga payo ni Doctor:
1) Magkaroon ng regular na oras ng pagtulog. Matulog ng parehong oras bawat gabi. Halimbawa, tuwing alas-9 ng gabi ay nakahiga ka na para masanay ang inyong katawan.
Kaka, Papaano ang favorite kong teleserye sa TV? No probs my friend, Eh simple lang adjust ka ng time sa pag-tulog, tuwing 11 oclock ka matulog, ang iportante sabi ni Dok sanayin ang oras sa pagtulog. Suggestion
2) Kumain ng tama. Huwag magpakabusog o magpakagutom. Mahirap matulog kung kumukuo ang tiyan dahil sa gutom, . Umiwas din sa maaanghang o spicy foods bago matulog.
3) Uminom ng Vitamin B Complex. Pampagana ito ng pagkain at makatutulong din sa pagtulog
4) Magkaroon ng regular na ehersisyo. Masarap ma-tulog kapag napagod ang katawan sa umaga. Ayon sa Bibliya, masarap ang tulog ng manggagawa. Ito’y dahil pagod ang katawan ng isang nagtratrabaho.
Kaibigan pwede kang maglinis sa umaga sa bakuran o sa bukid kaya, huwag masyadong tamad.
5) Umiwas sa pag-inom ng kape. Pampagising kasi ang caffeine, na nakukuha sa kape.
6) Umiwas din sa pag-inom ng alak. Marami ang gumagamit ng alak para sila makatulog pero may masamang epekto po ito sa ating puso at atay. Matamlay ka at may hang-over din sa umaga.
7) Umiwas sa paninigarilyo. May nicotine ito na nagdudulot ng kanser at gumigising sa iyong isipan.
8) Huwag magtrabaho pagkalampas ng 6 ng gabi. Ihinto mo na ang iyong isipan. Hayaan mo nang mag-relax ang iyong utak.
9) Mag-relax bago matulog. Puwede kang manood ng katawa-tawang palabas sa telebisyon o magbasa ng magasin o komiks.
Heto ang nakaka na payo ni Dok, makakatulong ang makipag-sex sa gabi sa ionyong asawa. Ayon sa pagsusurin kasi , nakatatanggal ng stress ang pagtatalik. Nagiging mahimbing din ang pag-tulog. Pare Walang malisya! Telling the truth tayo, mula iyan kay Doc Willie. (LAUGHING).
10) Ilayo ang mga relos O ALARM CLOCK. Huwag kumuha ng maiingay na relos na tumutunog kada oras. Baka ka ma-stress dahil maaalala mong hindi ka pa nakatulog.
11) Huwag mag-schedule ng maagang meeting. Kung alam mong may gagawin ka ng maaga bukas, baka hindi ka makatulog sa gabi. Normal lang po ito dahil excited ka.
12) Gawing matahimik at komportable ang iyong tulugan. Bawasan ang mga ingay at kaluskos sa tabi. PUKSAIN ANG PESTENG DAGA NA MAINGAY. Itali ang asong tahol ng tahol. Patulugin na si beybi. Gawing madi-lim ang silid.
13) Bumili ng komporta-bleng kama, unan at kumot. MAYROON NAMAN DIYAN NA INSTALLMENT. Puwede kang magkulambo para hindi ka kagatin ng lamok.
14) Huwag itapat sa iyo ang electric fan. Masama po ito at puwede kang magka-Bell’s Palsy (ngumiwi at maparalisa ang mukha). Hayaan lang umikot-ikot paitaas ang hangin.
15) Uminom ng mainit na gatas o sopas bago matulog. Maganda rin ang saging o cookies sa gabi. Ang saging ay may tryptophan na nakakaantok.
16) Huwag umidlip sa hapon. Umiwas sa siesta at pagtulog sa araw. Dahil kapag nakatulog ka na sa araw ay hindi ka na aantukin sa gabi. Ipunin mo na lang ang iyong tulog sa gabi.
17) At siyempre, huwag kalimutan mag-dasal Ipasa mo ang iyong iniisip sa Diyos. Siya na ang bahala lumutas nito.SA MGA MUSLIM PWEDE MABISA ANG MAGTASBIH KAYO HALIMBAWA SUBAHANALLAH, ALLAH AKABAR, ALHAMDULLLILAH…
SA MGA KRISTIYANO Magdasal ng ganito: “Diyos ko, naging maganda ang araw natin ngayon. May mga problema ako pero alam kong hindi mo ako pababayaan. Matutulog na ako at ipapakiusap ko na bantayan mo ang aking mga mahal sa buhay. Ipapasa ko na sa iyo ang lahat ng problema ko. At paggising ko bukas, ng malakas at masaya, magagawa ko na po ang pinagagawa mo sa akin. Amen.”
Ito po ang inyong Kapatid na si Kaka Ali na naghihikayat sa ating lahat ituloy ang pananaliksik ng karunungan, katulad ng sinabi ng Propeta Muhamad SAW “Seek knowldege from the cradle to the grave” hanapin mo ang karunungan mula sa duyan hanggang sa libingan. Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. Sukran and Wassallam
Nancy: Maraming salamat Kaka Alih, muling abangan sa Lunes ang ating segment na nakaka, at muli ninyong makakasama si Kaka Ali.,
(PLAY-EXTRO-NAKAKA)
Buwis at Zakah
August 11, 2011(August 10, 2011-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Ang Buwis at Zakah ay parehong binabayad o ibinibigay ng mamamayan, ang pagbabayad dito ay by percentage mula sa kita o income, ang tanong ano ang pagkakaiba at pagkakapareho ng buwis at Zakah? Umantabay sa pakikinig sa inyong mga radyo dahil ito ang tatalakayin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka…Buwis at Zakah
(PLAY-INTRO NAKAKA)
Host/Nancy: Magandang umaga Kaka.
Kaka Alih: Magandang umaga din Nancy, Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,. Ang nagpapatakbo sa ekonomiya ng ating pamahalaan ay mula sa buwis na ibinabayad ng mamamayang Pilipino at mga Banyaga.
Kaya naman ang gobernó ng bansang Pilipinas ay nangongolekta ng buwis o tax sa kanyang mga mamamayan. Dahil ang buwis na ito ang ginagamit sa operasyon o pagpapatakbo ng kanyang pamahalaan.
Inilalaan ang mga nakolektang buwis sa suweldo ng mga opisyal at empleyado ng gobernó, sa mga proyektong para sa kaunlaran o development.
Marami ang uri ng buwis o tax sa Pilipinas: halimbawa ay may tinatawag personal tax, excise tax, direct tax, indirect tax , national tax, local tax, progressive tax, regressive tax, VAT, EVAT, toll tax, sin tax, at ad-balorem tax. Ang sin tax o buwis sa “kasalanan” ay mula sa buwis ng sigarilyo at alak na makalasing, na pawang ipinagbabawal o Haram sa Islam .
Ang Kawanihan ng Rentas Internas (BIR) (Inggles: Bureau of Internal Revenue) ay isang ahensiya ng pamahalaan ng Republika ng Pilipinas na nasa ilalim ng Kagawaran ng Pananalapi na naglilikom ng mga iba’t ibang uri ng buwis sa bansa. Ito ay naglilikom mahigit sa kalahati ng kabuuang kita ng pamahalaan. At mga lokal na pamahalaan, bagmat ang ibang kagawaran o ahensiya ay binigyan din ng karapatan na mangolekta ng buwis, halimbawa ay ang local government unit (LGU).
Sa Bansang Indonesia na isa ring demokratikong bansa, katulad ng Pilipinas, nangongolekta rin ang gobernó nito ng mga buwis o tax at ito rin ang ginagamit sa pag-papaunlad ng bansa.
Katulad sa ating bansang Pilipinas, ang mga mamamayan ng Indonesia na Muslim ay nagbibigay din ng Zakah, katulad ng mga Muslim sa Pilipinas.
Ano naman ang ibig sabihin ng Zakah?
Ang Zakah ay isa limang haligi ng Islam, ito ay ibinabayad ng mga Muslim mula sa kanilang kabuhayan o ari-arian. Ito ay obligasyon ng bawat Muslim na itinakda ng Poong Lumikha. Iniutos sa mga Naniniwala na bayaran o magbigay ng Zakah ang mga may sapat na kita o kayamanan.
Isa sa batayan sa pagbabayad ng Zakaah ay dapat ang isang tao ay Muslim, at hindi ito kinukuha sa mga di-Muslim.
Ang Pilipinas at Indonesia ay parehong nangongolekta ng buwis sa mamamayan nito. Sa Pilipinas ay nagbabayad din ng Buwis ang mga mamamayan nitong Muslim at nagbabayad din ng kanilang Zakat.
Ang kaibhan ng dalawang bansa, ay ang bansang Indonesia ay binibigyan halaga ang mamamayan nitong mga Muslim. Halimbawa sa Muslim na nagbabayad ng Zakah ay ibabawas sa kanilang bababayarang buwis ang mga halaga ng kanilang ibinayad sa kanilang Zakah.
Ang isa sa mga nag-iipon ng kanilang Zakah sa Indonesia ay ang Dompet Dhuafa, dito sa Pilipinas ay may kahantulad na organization ito ay kilala sa tawag na Lugnatul Awliya.
Ang tanong ay “Saan ginagamit ang Zakah?”
Tulad sa buwis, ay ginagamit ito sa pagtulong sa mga mamamayan, sa kanilang personal at pamayanang pangangailangan.
Ano ang layunin ng Zakah sa relihiyong pananaw?
Ang Zakah ay isang pamamaraan ng Ibadah na ang pangunahing layunin ay ang pagpapaunlad ng ispirituwal na pamumuhay ng isang Muslim. Ang kawanggawa na ibinibigay ng mga mayayaman ay nakatutulong upang ang kanilang mga puso ay maging malinis laban sa kasakiman at karamutan. Ang Zakah ay nagtuturo rin upang masanay ang tao sa pagbibigay sa kapuwa. Ang mga mahihirap naman ay magkakaroon ng magandang kaisipan at mawawala sa kanilang puso ang inggit at selos.
Ang patakaraan ng pagbibigay ng Zakah.
Para maging wajib o compulsory ang Zakah , ang mga sumusunod ay dapat matupad:
Ang isang Muslim ay dapat na nasa hustong pag-iisip at gulang. Walang obligasyon sa pagbibigay ng Zakah ang mga kulang ang isip sapagkat hindi sila responsable sa kanilang mga gawa o kilos.
Ang isang Muslim ay dapat na may naipong yaman o salapi na higit sa kanyang pangangailangan.
Ang naipong yaman o salapi ay dapat na higit sa hangganan ng Nisab (itinakdang minimum).
Ang naipong yaman o salapi ay dapat na nasa kanya na lagpas sa isang taon.
Ang halaga ng bayad sa Zakat ay 2.5% sa net income para sa mga negosyante at tumanggap ng kita mula sa suweldo at 5-10% mula sa kita agricultura.
Ang halaga ng Zakah na dapat bayaran ay 2.5% mula sa mga halagang naipon sa loob ng isang taon at 5-10% mula sa kita agricultura.
Sa pamamagitan ng pagbabayad o pagbibigay ng Zakah, pinapawi nito ang pagiging dukha at kahirapan sa pamayanan ng mga Muslim at inaako sa maaaring kasamaan na magmumula dito, gaya ng nakawan, patayan at ang paglabag sa kapakanan ng mga tao.
Binubuhay ng Zakah ang kasiglahan ng pagtitiwala at pangkapatiran sa pamayanan ng mga Muslim sa pagbabayad ng Zakah sa mga dukha at mahirap.
Ang tanong ay: Sino Ang Dapat Tumanggap Ng Zakah?
Mayroon walong (8) uri ng mamamayang Muslim na inilarawan ng Qur’an bilang mga taong nararapat tumanggap ng Zakah.
1. Fuqara (Ang Mga Kapuspalad)-Sila ang mga taong umaasa lamang mula sa tulong ng kapuwa. Sila ay maaaring mga ulila, may kapansanan, biyuda o biyudo mga matatanda, walang mga hanapbuhay.
2. Masakin (Ang Mga Dukha o Mahirap). Sino ang mga tinatawag na Dukha? Sino man ang hindi nagkaka-income ng sapat upang tugunan ang kanyang pangangailangan ngunit hindi namamalimos o hindi nakikita sa kanyang ang pagiging mahirap, siya ay isinasaalang-alang bilang dukha (masakin).
Ang ibig sabihin nita ay ang isang dukha ay taong mahirap ngunit dahil sa kanilang paggalang sa sarili hindi nila magawang humingi o mamalimos. Kaya ang komunidad ng Muslim ay nararapat magsiyasat kung sino ang mga taong ganito ang kalagayan upang matulungan sa kanilang pangangailangan.
3. Amilina Aalaiha (Ang Taga-Paningil o collector ng Zakah). Sila ang mga taong inutusan ng Islamikong Pamahalaan na maningil ng Zakat. Sila ay dapat bayaran mula sa Kaban ng Zakat.
4. Muallafat-ul-Qulub (Mga Bagong Kasaping Muslim). Sila ang mga bagong kasapi ng Muslim na dapat bigyan upang tulungan sa kanilang pagbabagong buhay.
5. Ar Riqab (Ang Pagpapalaya ng Alipin). Sila ang mga taong nagnanasang makalaya mula sa pagkakaalipin. At dahil sa panahon ngayon ay wala ng ganitong kalakaran, ang dapat bigyan ay yaong mga taong nakakulong ng dahil sa kanilang walang kakayahang magbayad sa itinakdang salapi ng korte. Sila ay nakakulong dahil maaaring sila ay nagkaroon ng mga aksidente.
6. Al-Gharimin (Mga Taong May Utang). Sila ang mga taong baon sa utang . Hindi naman ibig sabihin ay dapat tulungan ang isang taong nagkautang ng dahil sa kanyang kapritso at walang katuturang paggasta. Ang Al-Gharimin ay mga taong nagkakautang ng dahil sa mga di-maiwasang pangyayari o ng dahil sa kanilang pang-araw-araw ng pamumuhay.
7. Fi-Sabilillah (Sa Landas ng Allah). Sila ang mga taong nakikipaglaban upang mapanatili ang Batas ng Allah. Bagamat ang isang taong nagsasagawa ng Jihad ay may salapi, hindi naman niya maaaring sarilinin ang gastos ng jihad. Kailangan din na ang lahat ay dapat magbigay para sa fi-sabilillah.
8. Ibn-us-Sabil (Mga Taong Naglalakbay). Ang naglalakbay ay maaaring may konting salapi ngunit dahil sa malayong paglalakbay kinakailangan niya ng karagdagang salapi, siya ay nararapat tulungan mula sa Zakah.
Ito po ang inyong Kapatid na si Kaka Ali na naghihikayat sa ating lahat ituloy ang pananaliksik ng karunungan, katulad ng sinabi ng Propeta Muhamad SAW “Seek knowldege from the cradle to the grave” hanapin mo ang karunungan mula sa duyan hanggang sa libingan. Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. Sukran and Wassallam
Nancy: Maraming salamat Kaka Alih, muling abangan bukas ang ating segment na nakaka, at muli ninyong makakasama si Kaka Ali.,
(PLAY-EXTRO-NAKAKA)
NCES nangangailangan ng 4 na classroom-ayon sa Principal
NCES nangangailangan ng 4 na classroom-ayon sa Principal
Balita ni Alih S. Anso
Nuro, Upi (Agosto 11)…Kinakailangan ng apat na classroom sa Nuro Central Elementary School para sa preschoolers na patuloy ang pagdami taon-taon ng mga enrollees.
Ayon sa principal na si Abel Ersando ay hiwa-hiwalay ng lugar ang mga classroom ng pre-schoolers.
Ang paraan para masulosyonan ang problema, kong saan may bakante na classroom ay doon pansamantala ang classroom ng mga preschoolers, dahil hindi ito napaghandaan ng paaralan dahil bago lamang na programa ng DepEd ang preschool, bilang bahagi ng K+12 program.
Nitong school year 2011-2012 ay may naitala na 223 na preschool pupil enrollees at tatlo lamang at preschool teachers kaya dalawang session bawat araw ang pinapatupad ng nasabing paaralan.
Matatandaan na sinabi noon ng Kalihim ng Edukasyon Armin Luistro na ang universal public kindergarten program para sa mga batang may limang taon ay magbibigay ng mas magandang paghahanda sa mga bata at malaking pagkakataon na makatapos sila ng pag-aaral.
Ang universal kindergarten ay isang hakbang sa ilalim ng K + 12 basic education program ng pamahalaan na naglalayon maihanda ang mga bata sa pagpasok sa high school patungo sa kolehiyo hanggang makahanap ng isang magandang trabaho matapos ang kanilang pag-aaral.
Base sa tala ng DepEd umabot sa 1,126,722 ang kabuuuang pre-schoolers ang nakapagpatala sa buong kapuluan.
Dahil dito, nakatakdang magkaroon ng karagdagang preschool teachers at classrooms ang DepEd upang matugunan ang malaking bilang ng mga batang papasok na preschoolers.
Base pa rin sa tala ng DepEd, sa kasalukuyan ay mayroon lamang 29,615 na guro para sa preschool sa buong bansaat ang target ng kagawaran na magkaroon ng karagdagang 700 permanenteng guro at mahigit 10,000 sa ilalim ng contract of services.
Dahil dito ay sinimulan na ng makipagtulungan ang DepEd sa mga lokal na pamahalaan, barangay officials, magulang, mga non-government organizations maging ang sektor sa pagnenegosyo upang matugunan ang mga kakailanganing kagamitan at problema.
International Day of the World Indigenous Peoples, Matagumpay na naisakatuparan!
August 10, 2011International Day of the World Indigenous Peoples, Matagumpay na naisakatuparan!
Nuro, Upi (August 9, 2011) ….Matagumpay na naisakatuparan ang International Day of the World Indigenous Peoples, na isinagawa sa IDP Site Timanan South Upi, Maguindanao.
Ayon kay Froilyn Tenorio Mendoza ang Coordinator ng Teduray Lambangian Womens Organization o TLWOI,naging sentro ng talakayan ang mga issue ng rape case sa South Upi, issue ng paglikas ng 56 families na mga internally displace persons o mga bakwit na mula sa sa Sitio Kewagib Upper Malibacao Barangay Remongaob South Upi,Maguindanao.
Ito ay dinaluhan ng 182 mga partisipante mula sa ibat-ibang lugar kabilang ang Datu Odin Sinsuat Maguindanao,Datu Blah Sinsuat Municipality,Upi at South Upi,Maguindanao.
Naging panauhing mananalita si Municipal Kagawad Erlinda Erese sa kanyang mensahe labis itong nababahala dahil sa mataas na insidente ng rape case sa bayan ng South Upi, Maguindanao.
Dagdagdag Pamasahe sa sikad-sikad ipinapatupad na!
Dagdagdag Pamasahe sa sikad-sikad ipinapatupad na!
Balita ni Lucy Duce at Alih S. Anso
Nuro, Upi (August 10, 2011).. Ipinapatupad ang dagdag pamasahe sa sikad-sikad na ipinasa ng Barangay Nuro, na inaprubahan naman sa ika- 13 session ng 14th Sanggunian Bayan ng Upi. Ayon sa batas ng local government code ang mga ordinansa ng Barangay ay idadaan muna sa Sanggunian bayan bago ito maging ganap na batas ng Barangay.
Ayon sa fare matrix ng Barangay Nuro ang bagong pamasahe sa sikad ay mula sa market patungong Maharlika Plaza ay apat na piso, mula sa Market hanggang kay Betita ay apat na piso (₧4) , Market hanggang white house ay ₧6 , Market – Notredame- ₧6 , Market-Salik Residence ₧6, Market –Darugao bridge ₧6 , Market-Ticua ₧6, market –St Francis -₧5 , Market – Rotonda ₧4.00, market –Montesori ₧4, market – globe ₧8, Plaza – Suaran ₧7, Magelco-NCES ₧4, student at senior citizens pamasahae ay ₧3. Ang minimum na pamasahe sa ay apat na piso.
Ayon kay Barangay Nuro Chairman Jerry Pangcog mahigpit na ipinapatupad ng Barangay Council na dapat may ID ang bawat driver at dapat mayroong fare matrix na nakapaskil sa bawat sikad bago nila masingil ang bagong pinatutupad na pamasahe.
Barangay Nuro benepisyaryo ng Cash-for-work program ng DSWD
Barangay Nuro benepisyaryo ng Cash-for-work program ng DSWD
Balita ni Alih S. Anso
Nuro, Upi (Agosto 9) Umaabot sa pitumpo na residente ng Barangay Nuro, Upi ang kalahok sa programang pangkabuhayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa ilalim ng cash-for-work program ng ahensiya para sa mga mahihirap na pamilya.
Ayon kay Barangay Nuro, Punong Barangay Jerry Pancog, ang mga kalahok sa cash-for-work ay kasali sa paghuhukay at paglilinis ng mga drainage canal sa Barangay Nuro kasama ang Nuro creek.
Sa ilalim ng programang cash-for-work, ang lahat ng kalahok sa implementasyon ng lokal na proyekto ng barangay ay tatanggap ng arawang sahod na P150 sa loob ng pitong araw mula sa pondo ng DSWD na pangangasiwaan ng local na pamahalaan.
Ayon pa rin Pangcog ang cash-for-work program ay magka-partner ang DSWD, Barangay Nuro at Lokal na Pamahalaan ng Upi.
Ang Trisikad Driver, Kaibigan ng Masa
Ang Trisikad Driver, Kaibigan ng Masa
(August 10, 2011-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Ang buhay ng trisikad o sikad-sikad driver, ay medyo mabigat na trabaho, dahil lakas at resistansiya ng katawan ang pinaka-capital, subalit ito ay isang marangal na hanap buhay, sa umagang ito ang ifeature ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka, Ang Trisikad Driver,kaibigan ng Masa.
(PLAY-INTRO NAKAKA)
Host/Nancy: Magandang umaga Kaka.
Kaka Alih: Maganda ka pa sa Umaga Nancy, (LAUGHING). este magandang umaga din Nancy (LAUGHING). Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,.
Ano ang sinasabing trisikad?
Ang trisikad ay isang sasakyang pangkalupaan na walang motor, ang isang parte nito ay bisiklita na may nakakabit na side car, at kinakailangan padyakan o pedalan para ito tumakbo. Ang regular na makasakay ay dalawa, pangatlo ang driver.
Sa bayan ng Upi ay magsasampung taon pa lamang ng simulang gamitin bilang transportation panghanap-buhay.
Saan ako unang nakaita ng ganitong sasakyan? Naku mahabang kuwento kong ikukuwentoko, but short cut lang natin ang kuwento (LAUGHING)…Una akong nakakita sa may plaza ng cultural center of the Philippines, at mga Turista ang sumasakay nito, palibot sa plaza ng center, at ang pamasahe ay isang daan pataas.
Ang halaga ng set ng isang trisikad sa Cotabato City ay P5,500-7,000 idagdag mo pa ang pamasahe sa sasakyan hanggang Upi ay P150-200.
Sa bayan ng Upi, ay madalas ang driver ay di siya ang nagmamayari ng trisikad kundi nagrerenta lamang. Ang renta sa buong araw noon ay 30 pesos, subalit nitong nakaraang dalawang taon ay umakyat ng 40 pesos.
Ang bagong dagdag na pamasahe sa trisikad ngayon sa Nuro ay ibabalita ni Nancy sa atin.
Host/Nancy: Ayon sa fare matrix ng Barangay Nuro, ang bagong pamasahe sa sikad ay mula sa market patungong Maharlika Plaza ay apat na piso, mula sa Market hanggang kay Betita ay apat na piso (₧4) , Market hanggang white house ay ₧6 , Market – Notredame- ₧6 , Market-Salik Residence ₧6, Market –Darugao bridge ₧6 , Market-Ticua ₧6, market –St Francis -₧5 , Market – Rotonda ₧4.00, market –Montesori ₧4, market – globe ₧8, Plaza – Suaran ₧7, Magelco-NCES ₧4, student at senior citizens pamasahae ay ₧3. Ang minimum na pamasahe sa ay apat na piso.
Ayon kay Barangay Nuro Chairman Jerry Pangcog mahigpit na ipinapatupad ng Barangay Council na dapat may ID ang bawat driver at dapat mayroong fare matrix na nakapaskil sa bawat sikad bago nila masingil ang bagong pinatutupad na pamasahe.
Kaka Alih: Maraming Nancy, sa update sa pamasahe ng trisikad.
Alam ba ninyo na matagal ng gustong itaas ng mga driver ang pamasahe ng singko pesos, subalit dahil sa wala silang association upang maging collective ang decision, kaya hindi nanamaterialized ang pagtaas ng singil pasahe sa trisikad.
Sa ating pagtatanong noong Sabado ay iba-iba ang pahayag ng mga driver na income sa isang araw sa araw daw ng Sabado may umaabot ng 250 mayroon naman na mahigit isang lamang. Bawasin mo ang 40 piso na renta sa trisikad, ay tamang-tamang makabili ka ng bigas.
May driver na nagsabi sa akin ng: “Ang hirap lang Kaka sa driver ng trisikad dahil pedal ka ng pedal maghapon, pagdating ng gabi di ko na maasikaso si Mrs, pagod na kasi ako, kaya lupaypay na si Manoy. (LAUGHING).
May natanong din tayong maganda at seksing Ginang na paboritong sumakay sa trisikad: “Kaka Alih, masarap sumakay sa trisikad, masisipag ang mga draybers. Buhat agad nila ang mga dala nyo, sempre di ko nakakalimutan magdagdag ng pasahe? Papaano ba naman ay buhat nila yan hanggang sa loob ng bahay mo. Minsan nga kakatakot kasi akala mo besprend mo na agad kung umasta e. Sempre hindi mo naman sya besprend, lalong hindi boyprend pa.” (LAUGHING)
Para sa akin mga bayani ang mga trisikad driver, halimbawa ng sinasabi natin ay tulad noong July 13, 2008 inihatid ni Ryan Jay V. Elian isang trisikad driver ng Barangay Nuro sa DXUP FM ang natagpuang raincoat na naiwanan ng may-ari sa bandang tulay patungong Darugao.
Next na sample ay noong January 26, 2008 –isnauli din ng isang trisikad driver na si Ricky Blala ang maliit na bag o wallet sa DXUP FM na may lamang pera. At marami pang magagandang ginawa ang mga driver na ito na nalingid sa media, kaya wala tayong balita.
“Pero Kaka hindi lahat ng mga driver ng trisikad ay good boy” Bakit? tanong ko, “kasi Kaka, minsan may nasakyan ako, binigay ko ang 20 pesos ko, maghahanap pa raw ng sinsilyo, hanggang ngayon di na binalik ang sukli” hinanakit ng ng isang Kumpare.
Heto pa ang isang nakaka..
“Kong minsan may driver din na hindi na naliligo, ang amoy..never mind..” (LAUGHING)
Tama, ka Mare, kaya ang panawagan natin ay heto: “mga Kapatid na driver ng Trisikad, bago pa kayo pumasada sa kalsada, maligo muna kayo at syempre bagong laba ang damit at sigoraduhing naibabad sa downey.. (LAUGHING)
Ito ang kaibigan ng mga trisikad driver na si Kaka Alih.. Sukran.
Nancy: Maraming salamat Kaka Alih, tama naman ang panawagan ng isang Maestra, na maligo naman kayo mga pareng driver, para walang sumakit ang ulo dahil sa inyong amoy. Tama ka Maam, bago mamasada sa umaga ang driver , maligo muna at magpalit din ng bagong laba na damit,
(PLAY-EXTRO-NAKAKA)
2ND REGIONAL MEDIA CONFERENCE MAKABULUHANG NAISAKATUPARAN.
August 8, 2011Balita ni Lucy Duce
Nuro, Upi (Aug
…Makabuluhang naisakatuparan ang 2nd rRegional Media Conference na ginanap sa Tiera Montana Hotel, General Santos City, nitong Agosto 5-6, 2011.
Layunin ng nasabing conference ay upang maibahagi at makagawa ng kuwento o balita kaugnay sa pagtatanim ng mais, palay at iba pang produktong pang agrikultura upang mapakain ang lumolubong populasyon ng bansa na inaasahang aabot sa 90 bilyon pagsapit 2030.
Ang seminar ay inorganisa ng MindaNews sa pangunguna nina Carol Arguillas at Amelia Cabusao mga convenor.
Ang mga partisipante ay mula sa print media, radyo at television, student journalist at mga kawani gobyerno.
Bahagi din ng Conference/semianr ang tour sa Breeding Station ng Monsanto Philippines sa General Santos City.
Ibinahagi din ng Head Scientist ng Monsanto na Si Peo Morito kaugnay sa prosesso ng pagpapalahi ng semilya ng makabagong variety ng mais.
Matatag na Pamilya Kakambal ng Kaunlaran
Matatag na Pamilya Kakambal ng Kaunlaran
(August 8, 2009-Lunes script na sinulat ni Alih “Kaka Ali” Anso, para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Host/Lenyrose: “Matatag na pamilya ay kakambal ng kaunlaran. Ito naman ngayon ang ibabahagi ni Kaka Alih sa ating segment na Nakaka. ”
(PLAY INTRO-NAKAKA)
Host/Nancy: Kapayapaan Kaka Ali, ang happy Ramadan.. Kumusta ang unang araw ng pag-aayuno natin?
Kaka Alih: Insha Allah It’s fine my partner, thank you..sa greetings, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig.
Alam mo Nancy, mahalaga ang pamilya, dahil ito ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng bawat pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang isang bansa. Nabuuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan sa nga kahalagahan ng isang pamilya. Kapag mahihina ang pamilya ng isang bansa, ay mahina din ang bansa.
Ang tanong ay: “Papaano ang pagbubuo ng isang matatag na pamilya?
Bago natin sagutin ang pagbuo ng isang matatag na pamilya ay liwanagin muna natin ang kahulugan ng tinatawag na pamilya.
Simple lang Kaka: Ang sinasabing pamilya ay si Tatay, nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya” (LAUGHING)
Tama ka Ting, ang pamilya ay binubuo ng tatay, nanay o mga nanay ((LAUGHING), si ate si Kuya si Bunso.. plus plus pa..kong masipag si tatay (LAUGHING).
Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya. Maaaring mayaman o mahirap sila. Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak.
May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang kahong puno ng mga bagay na ipinasok ano gusto mo, nakapaloob dito ang pagmamahal, katuwaan, kaligayahan at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahong mabubuksan kailan mo.
Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin ang pamilya sa walang lamang kahon. Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay. Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya.
Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.
Sabi nga nila ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tama po ba?
Ang payo nga ng isang guidance counselor: “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya”.
Nancy: Kaka Alih, matanong ko lang, ano ang kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?
Kaka Ali: Nancy, kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya:
May Pananagutan sa kanyang pamilya.
Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa, sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa. Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya. Halimbawa ay:
- Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
- Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.
- Maging maaasahan. Tumawag o magtext sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
- Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming magsabi ng “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
- Kapag may problema, dumulog sa isang kamag-anak, kaibigan , para matulungan kayong harapin ito.
May Pagpapahalaga sa kanyang pamilya
Ipakita pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila.
- Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.
- Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
- Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).
- Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,
Umagapay sa inyong pamilya.
Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng problema. Ngunit gamitin ang problemang ito para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa. Kaibigan, makinig ka, kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag.
Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:
- Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.
- Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting. Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay malalagpasan ng pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
- Harapin ang mga problema nang dahan-dahan. Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.
- Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks. Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.
Kapamilya muli ninyo kaming samahan sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ito ang inyong kapamilya ang inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Nancy: Inyong narinig ang amang may pagpapahalaga sa kanyang pamilya, ikaw kaibigan, tinutulungan o umaagapay ka rin bas a inyong pamilya, kong wala pa, hindipa huli ang lahat..may pagkakataon ka pa upang lalong papatagin ang pundasyon ng inyong pamilya.. sa muli abangan an gating segment na nakaka at sigorado kong nakaka talaga…
(PLAY-EXTRO NAKAKA)
‘Walang Secret Deals’ sa Aquino at Murad Meeting sa Tokyo
August 6, 2011
‘Walang Secret Deals’ sa Aquino at Murad Meeting sa Tokyo
Balitang sinulat ni Alih Anso
Upi, Maguindanao (Aug 6)…Sinabi ng Malacañang na walang secret deals na nabuo sa “one o one” meeting nina Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III at MILF chairman Al Haj Murad Ibrahim sa Narita, Japan, kamakalawa August 4, 2011.
Ang meeting nina P-noy at Murad ay naganap sa Ana Crown Hotel, Narita, na tumagal ng dalawang oras.
Ang pag-uusap ng dalawang leader ay closed door, at sinamahan lamang ng tig-isang note takers. Si P-noy ay kasama ay si Marivic Leonin, at si Al-Murad ay si Mohagher Iqbal.
Ang closed door meeting ay naisagawa kaagad, pagkatapos na maipakilala ang mga delegasyon ng pangulo at ng Chairman ng MILF.
Ayon kay Iqbal nabuo ang pag-uusap na ito ng dalawang leader noong June 27, sa Kuala Lumpur, Malaysia na iniimbitahan ni President Aquino na makausap ng personal si Al Murad Ibrahim.
Ang back door channeling imbitasyon ay dala ni Marivic Leonin na pinadaan sa Malaysian facilitator, Tengku Dato’ Ab’Ja’afar Tengku Mohammed at tinanggap naman ni Mohagher Iqbal, at pinag-usapan naman kaagad ng Central Committee ng MILF.
Ayon pa rin kay Iqbal, ang proposed na lugar ng GPH ay sa Pilipinas samantala sa MILF ay ang bansang membro ng International Contact Group (ICG) tulad ng bansang Turkey, Japan, Saudi Arabia at United Kingdom. At Pagkatapos ng mga kunsultasyon ng magkabilang panig at ng Malaysian Facilator ang bansang Japan ang napili.
Niliwanag ng MILF peace panel na ang meeting na ito nina P-noy at Murad ay hindi binabale wala ang mga naunang kasunduan at tuloy-tuloy pa rin ang pag-uusap ng magkabilang peace panel, katunayan pa nga daw nito ay pinagkasunduan na kasama sa pag-uusap, ang Malaysian facitator sa kanilang pag-uusap sa Japan.
Ayon naman kay Leonin, basta ang malinaw, nagkasundo sina Aquino at Ibrahim na magkaroon ng final peace agreement sa loob ng Aquino administration.
Dahil daw unofficial ang meeting, walang Japanese official ang sumalubong pero nagpadala naman ng security details ang gobyerno ng Japan sa hotel na pinagdausan ng meeting.
Nag-alok pa umano sina Leonen na palitan ang gastos ng Japanese police pero magalang namang tinanggihan ng Japan.
Kasama sa delegasyon ni Presient Aquino sina: Secretary Florencio ‘Butch’ Abad, ng Department of Budget Management, Secretary Cesar Purisima ng Department of Finance, Secretary Voltaire Gazmin ng Department of Defense, Tagapagsalita ng Pangulo, Jose Lacierda, Secretary Teresita ‘Ging’ Quintos-Deles ng Office of the Presidential Assistant on the Peace Process, GPH Peace Panel Chair Marvic Leonen, at Ret. Gen. Cesar Garcia who now heads the National Intelligence Coordinating Agency (NICA) at ilang Presidential Security Group o PSG.
Kasama naman ni MILF Chairman Murad ang mga matataas na official ng MILF na kumakatawan sa lahat ng sector, tulad nina Aleem Abdul Aziz Mimbantas, MILF Vice-Chairman for Military Affairs; Aleem Kalifa Nando, Head ng Supreme Shari’ah Court of the MILF Central Committee, Mohagher Iqbal, chairman of the MILF Information Committee at MILF Negotiating Panel, Atty. Datu Michael Mastura, a senior panel member; kasama pa rin sina: MILF panel member Maulana M. Alonto, member; Datu Antonio Kinoc, representative ng indigenous peoples (IPs) at alternate panel member.
Samantala, pinhayag ng GPH at MILF peace panel na muling mag-usap ang panel sa kalagitnaan nitong buwan ng Agosto sa Kuala Lumpur Malaysia.
Supply ng Tubig di pa bumabalik
August 5, 2011Supply ng Tubig di pa bumabalik
Balita ni Alih Anso
Nuro, Upi (Aug 4).. Marami ang nagtatanong sa DXUP kong kalianat anong oras magbabalik ang supply ng tubig. Mula pa kahapong umaga ay wala ng supply ng tubig mula sa Upi Water Supply System (UWSS), dahil sa maintenance repair sa main line sa Barangay Borongotan.
Kamakalawa ay may panawagan ang UWSS na sa simula ikawalo ng umaga kahapon ay “magkakaroon ng pansamantalang water supply interruption, dahilmagkakaroon ng buong araw na paglilipat ng tubo sa main line sa Borongotan”.
Lumipas na ang isang araw ay wala pa ring tubig sa mga gripo ng mga consumers.
Bandang hapon ng Huwebes ay natapos ang pagsasayos ng main line at muling bumalik sa normal ang supply ng tubig sa Barangay Nuro.
Pilipino- Magkakaiba ng mga Kultura, Kaugalian at Paniniwala

Pilipino- Magkakaiba ng mga Kultura, Kaugalian at Paniniwala
(August 5, 2010-Biyernes-script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Noralyn Bilual)
Host/Noralyn: “Ang mga Pilipino ay kinabibilangan ng ibat-ibang tribu, at bawat tribu ay halos
magkakaiba ng Kultura, Kaugalian at Paniniwala. At isa pinagkakaisahang paniniwala ng bawat tribu ay ang pagrespeto sa kultura ng ibang tribu o kapuwa, dahil ito ay isang magandang kaugalian na di matatawaran, ngunit kong minsan ay di natin ito nagagawa dahil sa kawalan ng kaalaman, kaya naman ngayon umaga sa ating segment na nakaka ay tatalakayin o magbibigay kaalaman si Kaka Ali.. umantabay lamang po kayo..”
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: “Tama ka Noralyn, sa bansang Pilipinas, napakaraming tribu, at bawat tribu ay halos
magkakaiba ang Kultura, Kaugalian at Paniniwala. At isa pinagkakaisahang paniniwala ng bawat tribu ay ang pagrespeto sa kultura ng ibang tribu o kapuwa, dahil ito ay isang magandang kaugalian na di matatawaran, ngunit kong minsan ay di natin ito nagagawa dahil sa kawalan ng kaalaman… , kaya dapat nating alamin ang ating mga Magkakaibang Kultura, Kaugalian at Paniniwala.
Noralyn: “ Agree ako Kaka, para sa akin bilang isang T’duray, masakit sa aking puso, na may malabag
ako sa mga kultura, kaugalian at paniniwala ng aking mga kapuwa Pilipino. O kahit man taga ibang bansa.”
Kaka Alih: Tama ka diyan Nor, tulad ng nasabi ko na, na dito sa bansang Pilipinas, ay sadyang
napakarami ang tribu, at bawat isa rito ay iba-iba din ang kultura, kaugalian at paniniwala.
Halimbawa lamang ay dito sa ating bayan ng Upi, dito mo makikita ang multi-diversity na kultura. Sa mga native inhabitants tulad ng T’duray, Lambangian, Maguindanaon, Iranun, Meranaw isang pulo lang sila, ngunit magkakaiba sila ng kultura, kaugalian at paniniwala.
Ganoon din ang mga mula sa isla ng Luzon at Visayas, kahit na sila ay matatawag na Kristiyano ay iba-iba din ang kanilang paniniwala, iba iba din ang “denomination” may Romano katoliko, Iglesia ni Kristo, Seventh Day Adventist at iba pa. Of course pati na rin ang kanilang kultura at kaugalian. At tandaan: Ang bawat tribu ay may pamantayan sa mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.
Kaya may mga kilos at gawi o ginagawa tayo na maaaring tama sa isa iba ngunit mali o nakaiinsulto sa iba. Dahil ito ay labag sa kultura, kaugalian at paniniwala o di etikal na matatawag sa kanilang tribu. o ang tingin ng sa ibang tribu ay nakakabastos o nakakainsulto sa kanilang angkan.
Halimbawa, ang pag-gamit ng sapatos, sa loob ng sambahan (house of worship), sa mga Muslim (pag sinabi nating Muslim, ay yaong naniniwala sa Islam-Believer-one who submit tothe Will of Allah). Ang mga Muslim ay mag-aalis ng sapatos kong papasok sa masjid (place of worship) samantala sa simbahan ng mga kapatid na Kristiyano ay hindi na ito hinuhubad, pwede ipasok.
May mga tribu natin sa Pilipinas na sa kanilang kultura ay minamasama ang sobrang paglapit ng tao sa kinakausap o kinakalabit ang kausap.. Taliwas naman ito sa ibang bansa, halimbawa sa bansang Korea, Malaysia Qatar at Saudi Arabia, at sa mga bansang ito ay mahigpit na ipinagbabawal ang pakikisalamuha ng lalaki at babae.
At ganitong paniniwala o cultura ay magkapareho ang mga Bangsamoro. Labag sa kanilang kultura, kaugalian at paniniwala ang paghahalubilo ng babae at lalaki, dahil ipinagbabawal ng Islam, kaya naman huwag kang magtaka sa mga okasyon natin, na binibigyan ng karapatan ang mga Bangsamoro ay naipapakita nila ito, iniimplement nila, halimbawa sadarating na Meguyaya festival, sa Moro Nights, ay tiyak muli mong mararanasan na ang lugar ng kababaihan at kalalakihan sa gymnasium ay magkahiwalay, pati na ang pasukan at labasan ng tao ay magkaiba. Kaya dapat na itong pag-aralan at alamin ng ating mga otoridad (Pulis at Sundalo) kong papaano isasakatuparan ang kanilang tungkulin na hindi masakripisyo ang kultura, paniniwala at kaugalian ng ibang tribu.
Alam mo Nor, nangyari na ito minsan sa ating Meguyaya nights, na hindi binigyan halaga ng oficial na yun, Pulis oficial pa naman, ang mga arrangement ng committee na iba ang daanan at lugar ng kababaehan sa kalalakihan, simple lamang ang explanation ng official: “for security reason.”
Ang tanong mo kaibigan ay: “Bakit, kailangan pa kasing maghiwalay ang babae at lalaki?”
Ang simpleng ssagot ay: “Dahil sa mga Bangsamoro na Muslim, ay labag sa kanilang kaugalian at paniniwala.
Bawal din na hawakan ang babae ng lalaki sa pagbati, na siya namang kabaliktaran ito sa ibang cultura, tulad sa Mediterranean, na pilit na ginagaya ng mga Pinoy. O, di ba? Doon sa sa kanila, magtatampo pa nga ang mga kababaihan kapag nakaligtaan mong batiin sa pamamagitan ng halik o yakap. Iyan ang tinatawag nilang “beso-beso”. ( LAUGHING)
Nor, Ang beso pala sa R’nawon ang kahulugan ay bingi.. ( LAUGHING)
Samantala iba naman sa bansang Thailand, dahil doon ang ulo ng tao ay sagrado.
NORALYN: “Kaka di ba minsan ka ng napunta ng Bangkok, Thailand? may nahawakan ka bang ulo
doon? ( LAUGHING)
Kaka Alih: Yes minsan na tayong napasyal sa Bansang Thailand, 3 days ako doon, nag-aattend ako ng
regional human trafficking conference seminar. Salamat sa Allah, sa awa ng Diyos, Wala pa naman, kong mayroon man, iba yun na ulo, …( LAUGHING)
pasalamat nga ako at di ko nagawa, baka uuwi akong walang ulo. LAUGHING)
Nor, heto pa ang nakaka, maniniwala ba kayo na ang maling paggamit ng kaliwa at kanang kamay ay maaaring isyung malaki sa ibang kultura?
Maoobserbahan ito sa bansang India, Morroco, Middle East at Africa na tradisyonal pa rin ang paggamit ng kamay kong kumakain. Malimit pa rin na nagsasalo sa iisang pinggan o bowl sa hapag-kainan ang isang pamilya kong kumakain.
At dito naman sa ating homeland, ang mga kapatid na Bangsamoro ay patuloy pa rin ang pag-gamit ng kamay pag kumakain, taliwas sa mga Pilipino na gumagamit na rin ng kutsara at tinidor tulad sa kanluranin. Kaya asahan mo kapag pinagamit mo ng kutsara medyo kimi, o hindi masyado gamay ang pag-gamit ng kutsara at tinidor. Kaya huwag magtaka nakongkumakain si Kaka Ali, ay nakakamay at hindi naka-kutsara at naka-tinidor.
At napag-usapan din lang ang pagkain , para sa mga Bangsamoro na Muslim, tanging kanang kamay lamang ang para sa pagkuha at pag-subo ng pagkain ang dapat gamitin.
Kanang kamay din ang ginagamit pag hinawakan ang Quran. Samantala ang gamit namanng kaliwang kamay ay para sa ibang bagay, tulad ng marurumi. Sa sandaling magkamali tayong halinhinang gamitin ang kanan at kaliwang kamay sa pagkain, tiyak na madidismaya ang mga kapatid na R’nawon at T’duray.
Naku kaibigan, lalo pa raw sa India, halimbawa, ang kaliwang kamay ay gamit sa pagpunas at paglinis matapos magritwal sa kubeta. Ganoon din sa Bangsamoro, kaliwang kamay din ang gamit sa paglilinis, ng maseselang parte ng katawan.
Anu-ano ang pwede nating gawin upang di mapahiya at di makalabag sa kultura, kaugalian at paniniwala ng iba, sa mga ganitong sitwasyon?
“Simple lamang Kaka Ali, Alamin at pag-aralan, manaliksik ukol sa kultura ng iyong kapatid na iba ang tribu” paliwanag ng isang kaibigan na retired teacher.
A ng payo natin, masusing obserbahan ang mga gawi ng mga kapatid, o kaya’y huwag mag-atubiling magtanong nang maiwasan ang kahihiyan at makalabag sa Kultura, Kaugalian at Paniniwala . Ikatutuwa pa nila ito dahil hudyat ng ating pagiging sensitibo sa kanilang kultura at paggalang sa kanilang mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.
Kapatid, pansamantala muna natin isasara ang tabing ng ating segment na nakaka.. Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, sa Lunes , lalo pa natin paiigtingin ang mga ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
NORALYN: Iyan po ang ating kapatid na si Kaka Ali, ng tribung Iranun isa sa mga tribu na
nabibilang sa tinatawag nating Bangsamoro. Para sa ating mga Kapatid na T’duray, R’nawon at Kasila, alamin at pag-aralan ang ating kultura, kaugalian, lalo na sa ating paniniwala. Irespeto at mahalin ang ating kultura dahil sino pa ang mangangalaga dito kundi ikaw, ako at tayong lahat na mga Pilipino. Sa Lunes muling abangan ang buhay-buhay dito sa DXUP.
(PLAY-EXTRO-NAKAKA)
13th regular Session ng 14th Sangguniang bayan na ginanap kahapon!
August 4, 2011
Balita ni Noralyn Laguey Bilual
Nuro, Upi (Aug3) Aprobado na sa ginawang 13th regular Session ng 14th Sangguniang bayan na ginanap kahapon August 03, 2011 ang Passage/ Approval of Upi, Municipal Revenue Code of 2011.
Kabilang din sa mga naaprobahan ay ang pagtaas ng Piso sa pamasahe sa trysikad na kung saan ay nakadepende sa layo ng biyahe ng pasahero.
Subbalit ang pamasahe mula sa globe transmitter papuntang palengke ay may dagdag na tatlong piso na dati ay P5 lamang.
Ilan din sa mga naaprubahan ay ang Supplemental budget No.2 ng mga Barangay ng Kaba-kaba, Kibleg, Kibucay, Mirab, Nuro, Ranao Pilayan, Bungcog, Renti at Tinungkaan.
Nagkaroon din ng District at Committee Report ang bawat Municipal Kagawad.
Unang nagreport si Kagawad Myrna Lou De vera, na ayon sa kanya nagkaroon ng SOBEA sa Brgy. Sefegefen at ngayon ay ginagawa na ang Barangay Hall doon at problema pa rin doon ang kanilang kalsada. Ongoing narin ang pagpapatayo ng Birthing Home sa Ranao Pilayan,habang Kinukumpuni naman ang mga Farm to Market road ng Brgy.Nuro.
Nag-report din sina Kagawad Kalima Gunsi na ayon sa kanya ay naghihintay na lang ang mga Brgy .Chairman ng Bantek, Ranao Pilayan, Renti at Rifao para maayos ang kanilang kalsada at handa na ang crudong gagamitin.
Wala namang problema sa district na hinahawakan ni Kagawad Benjamin Suenan.
Naireport naman ni Kagawad Susan Mayo ang Barangay Rifao na wala pang ginawang session o Assembly ang mga opisyal, na dapat dalawang beses sana bawat buwan ay may session dahil ito ay Mandatory ng Department of Interior and Local government (DILG).
Problema naman sa Barangay Kibucay ayon kay Kagawad Raul Gardose ang mga Teacher aid na inilipat ang budget sa mga day care worker kung saan walang nagtuturo ngayon sa 87 na mga Grade 3 pupils ng Kibucay Elementary School.
Ayon naman kay Kagawad Nurodin Musa kailangan lagyan ng tatlong pintuan ang paaralan ng Besas Elementary School, sa Barangay Blensong at tungkol naman sa committee on infrastructure ay naireport na malapit nang matapos ang Municipal Terminal.
“Cattle Russtling” Naman ang report ni ABC President Charlie Olvido na dapat daw umanong mapagmatyag ang mga may ari ng kalabaw at ipunin lahat ang mga kalabaw sa isang lugar at mag-relibo sa pagbabantay.
Huling nagreport si Sk Federation President Crismela Julio na magmimiting daw sila kasama ang mga Barangay Chairman at ang MLGOO na si Cecilia Pelobillo ngayong August 11, 2011.
Bakit may Landslide, Flashflood at Baha
(August 4, 2011-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Host/Nancy: Ngayong madaling araw, bandang 2:30 ng umaga ay napakalakas ng ulan, kaya ang mga nasa mababang lugar sa Nuro, ay muli nmang nangamba na muling babahain ang kanilangmga tahanan, tuladng mga nagyayarii kapag umuulan ng malakas. At kapag malakas ng ulan, madalas ng naibabalita na ,may mga landslide, flashfllod at baha. Bakit ba nagkakaroon ng landslide, pagbaha at flash flood? Iyan ang sasagutin sa atin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.
(PLAY INTRO)
Host/Nancy: Kapayapaan Kaka Ali, and happy Ramadan..
Kaka Alih: Insha Allah It’s fine my partner, thank you..sa greetings, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig…
Tama ka Nancy, marami ang nagtatanong may bagyo naman? Dahil nga ngayong madaling araw, bandang 2:30 ng umaga ay napakalakas ng ulan, kaya ang mga nasa mababang lugar sa Nuro, ay muli nmang nangamba na muling babahain ang kanilangmga tahanan, tuladng mga nagyayarii kapag umuulan ng malakas. At kapag malakas ng ulan, madalas ng naibabalita na ,may mga landslide, flashflood at baha. Bakit ba nagkakaroon ng landslide, pagbaha at flash flood? Iyan ang sasagutin sa atin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.
Ang malaking katanungan,: “Bakit nagkakaroon ng pagbaha, landslide at flash flood? Noong mga mga araw naman ay hindi naman nangyayari ang ganito.”
“Simple lang Kaka, gigabaan ta sa Ginoo.” Pimurkaan tano aki o Allah (LAUGHING ni BAPA SONGER).
Bakit naman Bapa? “Hindi na kasi natin sinusunod ang batas ng kalikasan o Diyos” paliwanag ni Bapa Songer, isang matandang nainterview natin.
Ang tanong paano nagkakaroon ng flashflood? Bago natin sagutin ang katanungan, heto pa ang isang tanong.
Ano ang flashflood? – Ang flashflood ay ang biglaang paglaki at pag-apaw ng tubig sa isang ilog patungo sa karatig na mababa o patag na lugar
Paano nga ba nagkakaroon ng flashflood?
- Una dahil sa biglaang pagbuhos ng malakas na pag-ulan.
- Biglaang pagtagas ng naipong tubig sa kabundukan.
- Biglaang paglipat ng aktibong channel ng ilog.
- Pagkasira/pagkaubos ng kagubatan
- Biglaang pagtagas ng naipong tubig sa dam –
- Natural landslide o log jam o nagbara ang tubig sa ilog at bigla magbubuksan, hayun flasflood.
- Dahil sa biglaang malakas na ulan, ang ibabaw ng lupa ay mabilis na napupuno ng tubig.
- Dahil panot na o wala ng mga puno na sumisipsip ng tubig lumiliit ang tubig na kayang tumagos sa ilalim ng lupa at masipsip ng mga ugat ng halaman.
- Dahil sa mabilis na lumalaki ang tubig na mapupunta sa mga sapa at ilog,
- Dahil wala ng humarang pansamantala,
- Dahil nga sa wala ng mga mga puno. Kapag nasira o nawala ang kagubatan…
- Dahil sa wala ng mga puno at halamang nagpapabagal sa pagbagsak at pag-agos ng ulan sa lupa – Sinisiksik ng direktang patak ng ulan ang ibabaw ng lupa, lumiliit ang tubig na kayang tumagos sa ilalim ng lupa –
Inaasahang magiging mas madalas o malawakan ang mga flashflood at landslide dahil sa climate change.
Ang sinasabi nating landslide ay pagkaagnas ng lupa sa tagilid o bakilid na lugar. Ang paglipat ng lupa mula sa mataas na lugas padausdos sa mababang lugar, na madalas na nagiging sanhi ng pagkamatay na mga tao. Kong minsan ay nalilibing na sila dito ng buhay at hindi na natatagpuan ang kanilang mga bangkay.
Halimbawa nito ay noong October 10, 2009, na naibalita na pinaniniwalaan na 150 katao ang namatay sa naganap na malawakang landslide na tumabon sa maraming kabahayan sa La Trinidad, Benguet habang nananalasa ang bagyong Pepeng sa mga lalawigan ng northern Luzon.
Bakit nagkakaroon ng land slide?
Na ang isa sa dahilan ay ang pagkawala ng mga puno sa ating kapaligiran. Nangangahulugan ito ng mas malaking panganib sa mga mahirap na komunidad na nasa kabundukan o matataas na lugar at sa iba pang sektor na bulnerable sa naturang mga panganib.
Ayon sa isang expert “Ang pinaka ugat kong bakit nagkakaroon ng mga madalas na landslide, flashflood at baha ay ang kaulangan ng mga ugat ng punong kahoy na humahawak sa lupa o mga bato.”
Kaya ayon na rin sa mga experto na: “panahon na upang tayo ay mamulat sa katotohanan, na kulang na ang mga punong kahoy sa ating kabundukan at ating kapaligiran, kaya kinakailangan ibalik ang likas na kalikasan.” Programang Reforestation ang kailangan, tulad ng sinimulan ng Barangay Borongotan, sa pangunguna ni Punong Barangay Aireen Galanto ng Borongotan.
“Kinakailangan itigil na ang pamumutol ng mga puno sa ating kabundukan.” Ayon naman kay Maguindanao’s Community Environment & Natural Resources Officer chief Kahal Kedtag.
“Panahon na upang tayo ay magtanim ng mga puno” upang iligtas ang buhay ng mga susunod na salin-lahi natin. Payo naman n gating butihing Mayor Ramon A. Piang Sr.
Mula sa ating community radio, ang pakiusap natin ay sama-sama nating pangalagaan at mahalin ang ating kalikasan at kapaligiran,para na rin ito sa ating susunod na salin-lahi o next generation.
Sukran at maraming salamat.
NANCY: Maraming salamat Kaka, sa ibinahagi mongayong umaga, na tungkol sa pangangalaga ng kalikasan, mga kapatid Ang kalikasan ay bahagi ng buhay ng tao, kaya naman dapat nating pangalagaan.
Bukas muling abangan ang ating segment na nakaka.
(PLAY EXTRO-NAKAKA)
Papaano Maiiwasan ang Pag-aaway ng Mag-asawa?
August 3, 2011Host/Nancy: Sinasabi nila na normal daw ang pag-aaway ng mag-asawa, kayo bang mag-asawa ay nag-away na? o madalas ang away ninyo, gaano kadalas? Hindi ba marami na rin ang mag-asawang nag-hiwalay dahil sa away na hindi na nasettle? Samahan ninyo kami ni Kaka Ali, dahil ang pag-uusapan ngyong umaga ay papaano maiiwasan ang pag-aaway ninyong mag-asawa.
(PLAY INTRO)
Host/Nancy: Kapayapaan Kaka Ali, and happy Ramadan.. Kumusta ang unang araw ng pag-aayuno natin?
Kaka Alih: Insha Allah It’s fine my partner, thank you..sa greetings, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig…
“Kaka sa totoo lang ayaw ko ng nag-aaway kaming mag-asawa, subalit anomang iwas ko, nangyaya ri pa rin. Kaka ,papaano maiiwasan ang pag-aaway ng Mag-asawa?” kuwento at tanong ng isang Kaibigan.
Alam mo Kapatid, ang pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa relasyong mag-asawa ay maaaring humantong sa ibat-ibang uri ng pag-aaway, of course, mayroong diyan nag-aaway na puro sigawan, mayroon naman na cold war o hindi nagkikibuan, pagbagsak ng mga kagamitan, pananakit, paglayas ng isa. Of course, ang lahat ng mga ito ay dulot ng hindi pagkakaroon ng kaunawaan sa kalagayan at saloobin ng bawat isa.
Ganito ang gawin natin, pansamantala relax ka muna diyan kaibigan, makinig sa ating mga ipapahayag at piliin ang maaaring makatulong sa inyo, para di na kayo mag-away ni Mrs o ni Mr.
Una ay tanggapin mo natalagang dumarating sa isang relasyong mag-asawa ang mga panahon na may tampuhan at hindi pag-kakaunawan, sabi nga ni nancy Normal lang daw..(LAUGHING)
YES MY FRIEND, Ang hindi pagkakaunawaan ay mahirap ngang pigilan, sapagkat madalas itong nangyayari nang biglaan, kahit ang mga matatagal nang nagsasama ay nagkakaroon pa rin ng hindi pagkakaintindihan. Ngayon makakatulong kung bukas ang ating isipan at kalooban at syempre paghandaan ang pagdating nito, upang maiwasan itong lumala.
Ang paninisi sa asawa ang madalas din na dahilan ng pag-aaway ng mag-asawa.
“Alam mo Kaka Ali, para sa akin ang paninisi at panunumbat sa panahon ng pag-aaway ay nakakawala ng dangal kahit na nasa katwiran ka o wala.” Pag-papaliwanag ni Pareng Boy, syempre dose-dosena ang kumpareng Boy na ating Kumpare. (LAUGHING)
Kapatid ito pa, ang paguungkat sa mga nakaraang pagkakamali upang itoy isumbat ay hindi makakatulong sa kasalukuyang sitwasyon, magdudulot ng lamat sa relasyon ang idinudulot ng paninisi hanggat kaya hanggat maaari’y iwasan ito.
Ngayong kong sakaling nangyuarina nga ang di pagkakaunawan, gawan agad itong solusyon o lunas kaagad, kong gabi nangyari huwag ng ipabukas, bago daw mag-hating gabi dapat may mangyari.. (LAUGHING) este magkasundo na kayo ni Mrs.
“Ang sugat na hindi agad ginamot ay maaaring lumala at maimpeksyon.” Paliwanag ni Dok.
Tama kayo Dok, ang away mag-asawa ay nagdudulot ng sugat sa damdamin, kapag hindi ito agad nalunasan, maaaring maging malalim na galit kapag nagkasugatan ng damdamin agad tayong gumawa ng paraan upang luminaw ang di pagkakaintindihan at magkabati. Mag-aplay ng ng first aid, maaring pag-uwi mo mamaya hapong bigyan ng pasalubong si Mrs, pwedeng bulaklak ng rosas, kong kaya mo ang matagal ng minimithi ni Mrs na mobile phone na may camera at internet ay iregalo sa kanya (LAUGHING). Hindi any thing, nakaya mo, halimbawa dib a noong nanliligaw ka pa ay gustong-gusto niya ang chocolate, eh di chocolate pero dagdaganmo lamang dahil tiyak hihingi ang mga marami ninyong mga anak.. (LAUGHING)
Pero heto ang sigorado, tanggalin sa inyong kalooban ang poot, lalong maigi kong kayo ang maunang humingi ng tawad, kahit na alam ninyong siya ang may pagkakamali. Hindi mababawasan anginyong pagkakalalaki o pagkababae kong humingi kayo ng kapatawaran sa inyong asawa, lalot ikaw naman ang may kasalanan.
Alam mo may paghahambing ako diyan, malalaman nating malinis talaga ang ating mga bahay kung naitapon na natin ang mga basura sa tamang lalagyan. Ang galit o poot ay tulad ng basura na kapag ginawan natin ng lunas ay para na natin itong winawalis palabas sa ating mga puso at dahil nasa labas na ito mukhang wala na ngunit ito ay nangangamoy parin at nakakalat salabas ng ating mga bahay. Kinakailangang mawala ito nang tuluyan. Kinakailangang mabunot ito nang lubusan sa ating mga kalooban.
Pero siguraduhin mo lang na itatapon mo sa tamang basurahan, dahi may garbage segregation tayo (LAUGHING).
Itanim sa isipan kaibigan na ang pag-aaway ng mag-asawa , lalo na ang maling pag-aaway, dahil hindi lang nakiss ni Mr, ay nagal-aburot ka na, at di ka nag-handa ng isusuot na damit ni Mr, Ang pag-aaway ay hindi makakatulong sa pagkakaroon ng isang mabuting pamilya.
Ang mga batang laging nakakasaksi ng pag-aaway ng kanilang mga magulang ay matatakutin at maliit ang pagtingin sa sarili. Alang alang sa ating mga anak maging maingat tayo sa pag-aaway sa ating partner in life.
Kong mahal ninyo ang inyong mga anak, huwag ipakita o iparinig sa mga anak ninyo, na kayo ay nag-aaway na mag-asawa.
Ayon kay Ustadz Ahmad, sa katuruan sa Islam, ayon sa payo ni Propeta Muhammad (SAW) kong may poot o galit sa inyong dibdib, at humingi ng kapatawaran o payo sa Allah, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Salah o sambayang, gawin ito kong ikaw ay galit na galit sa iyong asawa, at humihingi ka ng magandang pag-iisip,sa Allah.
Kaibigan hindi ka dapat padalos dalos. Humanap ng taong may sapat na kaalaman, at humingi ng payo sa inyong problema.
Kaibigan, bakit hindi natin subukin, na magpaka hinahon , huwag tayong padadala sa bugso ng ating galit damdamin, huwag tayong basta mangatwiran kong galit pa tayo..hayaan nating humupa ang galit sa bawat isa, bago tayo magpaliwanag.
Ito ang inyong kapatid na mapagmahal sa asawa, the lover boy (LAUGHING) of all times.. (LAUGHING)
Hanggang dito na lamang, hanggang sa muli, Ito ang inyong nakaka na kapatid, Kaka Alih. Sukran, Wassallam.
NANCY: Iyon po si Kaka Ali, ang great lover boy daw of all times, hahaha.. bakit di ninyo subukan.. bukas muli ninyong abanganang ating segment na nakaka at sinisigoro ko sa inyo na makakapulot kayo ng aral na nakaka…(LAUGHING)
(PLAY EXTRO-NAKAKA)
Payo ng MILF sa GPH: Suspendihin ang Exploration ng foreign companies sa Bangsa Moro Ancestral domain
August 2, 2011Payo ng MILF sa GPH: Suspendihin ang Exploration ng foreign companies sa Bangsa Moro Ancestral domain
Alih S. Anso
Upi, Maguindanao (Aug 1)..HINIMOK ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang Government of the Republic of the Philippines (GRP) na pansamantalang suspendihin ang operasyon ng mga foreign companies na nagsasagawa ng off-shore at on-shore oil at gas exploration sa mga lugar na sakop pa rin nga teritoryo ng Bangsamoro ancestral domain.
Kasabay nito, hiniling din ng MILF sa gobyerno na huwag ituloy ang privatization ng Agus at Pulangi hydro power complex, dahil kapag natuloy ito ay magiging hadlang ito sa pagpapatuloy ng peace negotiation lalo na sa isyu ng ancestral domain.
Ang nasabing posisyon ng MILF ay nilagdaan ni MILF Vice Chairman Ghadzali Jaafar habang suportado naman nina Mohagher Iqbal, MILF chief peace negotiator at Atty. Datu Michael Mastura, ang nagsisilbing senior panel member.
Sa statemet na inilabas ni Jaafar sa official website ng MILF na www.luwaran.com, sinabi nitong dapat lamang na malaman ng Aquino administration ang boses ng Bangsa Moro at hindi lamang ng iilang opisyal ng MILF. Kaugnay nito, umaasa ang MILF na pagbibigyan ng gobyerno ang kanilang hiling para hindi makaaapekto sa pag-usad ng usapang pangkapayaan.
Makabagong Teknolohiya/gadgets, Mga Negatibong Epekto sa Kabataan
(August 2, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Host/Nancy: “Ang makabagong teknolohiya /gadgets ay dumating na rin sa ating bayang Upi, napalag-alaman ng mga dalubhasa o expert na may negatibong epekto sa tao lalo sa kabataan, ang tanong alam ba ninyo papaano mo maiiwasan ang mga negatibong epekto nito sa ating mga anak? Samahan kami ni Kaka Alih sa ating segment na nakaka:”
(PLAY INTRO)
Host/Nancy: Magandang umaga Kaka Ali, papaano maiiwasan ang negatibong epekto ng mga new gadget na ito na andito na sa ating mga kamay?
Kaka Alih: Maganda umaga din nancy, Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Tama ka Nancy sa inyong tinuran, ang makabagong teknolohiya at gadgets ay andito na rin sa ating bayang Upi, subalit napalag-alaman ng mga dalubhasa o expert na may negatibong epekto sa tao lalo sa kabataan ang mga , ang tanong alam ba natin kung papaano maiiwasan ang mga negatibong epekto nito sa atin lalo sa aating mga anak?
Nitong mga nakaraan mga panahon ay maraming magulang ang naalarma sa mga pinakabagong eskandalong bumulaga sa ating bansa, halimbawa ang pinaka-contrabersyal ay ang sex video ng mga kilalang pangalan sa showbiz. Nandiyan ang pangalang Dr. Hayden Kho, Katrina Halili, Maricar De Mesa at marami pang tao na kilala sa lipunan. At hindi lang sa Pilipinas lalo na sa ibang bansa.
Madali lang kasi ngayon gumawa ng mga ganitong video dahil sa mga bagong imbesnyon na teknolohiya o mga gamit. Halimbawa niot ay webcam na mabibili lamang sa murang halaga, andiyan ang mobile phone na video camera, na halos na yata ng may celpon ay ganito ang gamit. Dahil ginagamit na rin itong pang-internet, lalo yaong may account sa facebook, dahil pwede mong ipost o ilagay ang nakuha mong picture o video.
Balikan natin ang bold show o bastos napalabas sa video ni Hayden at Katrina, matanongkita Nancy,bilang ina, payag ka bang mapanood ng iyong anak ang ganoong panoorin?
Host/Nancy: “ Ay Diyos po, Kaka Alih, ako nga hindi ko kayang panooring ang ganoon, ito ay labag sa kultura ng T’duray na manood ng bastos na panoorin, dahil ito ay masama hindi dapat mapanood, bakit? dahil kong ikaw ang nasa video magugustuhan mo, ba? May kasabihan tayo Kaka , ang masakit sa iyo, huwag mong gawin sa iba, dahil masakit din ito sa kanila.”
Kaka Alih: Tama ka diyan Nancy, dati naman kasi, kahit merong ganyang mga eskandalo ay nalilimita ang access ng mga tao, lalo ng mga bata. Kung hindi ipapalabas sa telebisyon at hindi mailalathala sa dyaryo ay hindi makakarating sa kaalaman ng mga bata.
Pero ngayon ay madaling-madali nilang mapapanood nang buo at ‘uncensored’ ang mga bagay na hindi pa abot ng mura nilang kaisipan dahil sa computer, sa cellphone at sa iba pang makabagong teknolohiya. At dito mismo itinulay ang eskandalosong sex videos nina Dr. Hayden Kho, Katrina Halili, Maricar De Mesa.
Sino ba naman na magulang ang di mag-alaala sa ganitong mga panoorin na mapapanood ng kanilang mga anak na may murang edad.
Mga panoorin na di dapat gawin ng mga kabataan, dahil ito ay haram o bawal ayon sa mga pananampalataya ng anumang relihiyon.
Ang sex ay isa sa mga bagay na mahirap pang ipaunawa sa mga batang wala pa sa tamang edad kaya madalas ay iniiwasan itong pag-usapan sa loob ng bahay.
Ngunit ngayon ay may pagkakataon silang makakita ng aktuwal na ‘sex video’, walang dudang sasaliksikin ito ng mga bata.
Kung tayo ngang matatanda at nasa edad ay curious na makita ang mga sex videos na ito, lalo na silang mga wala pang muwang sa ganitong mga gawain, na dapat sana ay exclusibo sa mga sapat ng edad.
Ang ating mga kabataan, dahil talagang uhaw sila sa kaalaman at maraming katanungan sa kanilang isip na hinahanapan nila ng sagot. At maaring kanilang subukan o experiment ang kanilang mga mapapanood sa videong ito. At kapag kanilang sinubukan, patay kang bata ka, tiyak may mabubuntis, anong gagawinmo sa anak mong babae na bata pa buntis na, eh di ipapakasal, kaysa lumaki ang anak na bastardo..(LAUGHING).
Ikalawa, isa sa napakahirap salain ay ang impormasyon sa internet, lalo pa nga’t madali itong naikakalat at nabibitbit kung saan-saan sa pamamagitan ng cellular phones, discs at flash drive o USB.
Ikatlo, oras na masagap ang ganito kaeskandalosong materyal, napakahalaga na maipaliwanag sa kanila ng mga nakakatanda kung ano ito. Hindi pa kumpleto ang kanilang kaisipan para iproseso nang tama ang nakikita.
Ikaapat ay nagkalat at makakabili ka ng pirated videos na nagkakahalaga lamang murang-mura , na kayang-kayang bilihin ng kabataan at pwedeng mapanood dahil halos lahat ng pamilya ay may video player dahil din sa pirated na video gadget o player.
Pero dahil iniisip nga nila na ‘taboo’ o bawal pa ito sa kanila ay itatago nila ito sa kanilang mga magulang at sa mga nakakatanda. Dito nagsisimula ang problema. (dahil magagalit si tatay, sabi bakit ninyo itinatago, sana napanood ko na rin-(LAUGHING) Mali ang pagkakaproseso ng mga bata sa nakikita at napapanood hanggang sa bumaluktot na ang kanilang kaisipan patungkol sa bagay na ito.
Mga kapatid na magulang, importante na maipaintindi sa mga bata ang mga sumusunod:
Una, ang pakikipagtalik ay isang sagradong bagay na ginagawa lamang ng dalawang taong nagmamahalan. Sa mga konserbatibo, kailangan ay ginagawa ito sa loob ng matrimonya.
Ikalawa, ang pagtatalik ay isang pribadong bagay na dapat ay nakalimita lang sa kaalaman ng mismong nagtalik. Hindi ito dapat ikinukuwento, ibinibida at lalong hindi dapat inirerekord para maipanood sa iba. Hindi ito ginagawa ng isang taong may respeto sa kanyang sarili at sa kanyang kapareha, kahit pa nga sabihing may ‘consent’ nila pareho o nagkasundo sila na i-video ang kanilang pagtatalik.
Sa Islam, ang pagtatalik ng mag-asawa ay sagrado, kinakailangan natatakpan o hindi kayo nakikita pag inyo itong ginagawa na mag-asawa at hindi magpakailan man pinapayagan na gawin ng hindi kasal.
Ikatlo, ang pagkakaroon ng ganitong uri ng video ay hindi kailanman dapat maging katanggap-tanggap, hindi dapat tangkilikin, hindi dapat hangaan at lalong hindi dapat pamarisan ng sinuman.
Mapa-lalaki o mapa-babae man, ang sinumang nasa likod ng pagbi-video at lalong masama ay pagpapakalat nito para mapanood ng iba ay isang malinaw na pruweba ng sakit sa isip at pagkatao.
Ang pagtsismis sa kapuwa, of course ngayon ay high-tech na rin daw ang pagtsismis, dahil dahil ay mangangapit bahay ka pa, ngayon ay hindi na, dahil ang gamit ay celpon na, sa pamamgitan ng text, at kong ikaw ay unlimited call, call na, dahil daw na offer ng mga service provider na smart at globe. Ang tsismis ay isang karumaldumal na gawain, na ayon sa katuruan ng Islam ay parang ang kinakain mo ay ang laman ng iyong kapuwa.
Mga mahal na magulang, sama-sama nating labanan ang pagkalat ng ganitong mga panoorin.
Hanggat maari huwag bilihan ng mobile phone na may video camera, ang inyong mga anak, para di sila matukso na mag upload ng ganitong malaswang panoorin.
Kong sakaling bilihan ninyo sila, yaong limited ang memory para di sila makapagdownload ng mga nasabing eskandal.
Huwag silang bigyan ng pagkakataon na makapag search sa internet na hindi ninyo na-screen, at payo ko sa may internet connection, na magulang pwede ninyong makontrol ang ganitong video dahil din sa bagong teknolohiya, ang Gawin ninyo makipag –ugnayan sa mga nakakaalam nito.
Para sa karagdagang kaalaman sa katuruan ng magagandang kaugalian at gawain makinig sa Duyog Ramadan tuwing ika-lima ng Ramadan, ang buwan ng pag-aayuno.
Ito ang inyong nakaka na kapatid, Kaka Alih. Sukran, Wassallam.
Nancy: At para sa T’duray version naman, ng mga magagandang katuruan ng kultura at pag-uugali, makinig sa ating programang “keadat adatan, mula ika pito hanggang ikawala ong gabi, mula Lunes hanggang Biyernes.
PLAY- EXTRO-NAKAKA
Bakod ng NCES Magandang Tanawin Na!
August 1, 2011Bakod ng NCES Magandang Tanawin Na!
Nuro, Upi (August 1) Maganda ng tanawin ang bakod ng Nuro Central Elementary School, dahil pinipinturahan ngayon ng rainbow colors.
Ang budget na Tatlong libong piso, na ibinili ng 5 gallon na pinturaay mula sa General Parents Teachers and Community Association (PTCA) ng paaralan.
Nadagdagan din isang libong piso mula naman sa harvest ng mga punong niyog na nasa compound at ito ang ginamit na pambili ng miriyenda ng mga pupil na grade 6 na siyang nagpipintura sa bakod.
Sa panayam ng DXUP FM kay Almaida Diaz ang OIC prioncipal ng NCES, ay pinahayag din na napinturahan din ang office ng principal at mula naman ito sa donation ng Synergia Foundation.
Umaasa namansi Mrs Diaz na sana may magbibigay ng karagdagang tulong para matapos ang pagpipintura sa buong bakod ng paaralan.
Ramadan, ang buwan ng Pag-aayuno
Ramadan, ang buwan ng Pag-aayuno
(August 1, 2011- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Host/Nancy: R
amadan .. ang buwan ng pag—aayuno ng ating mga Kapatid na nanampalataya sa Islam o ang ating mga kapatid na Muslim, ngayon umaga dahil unang araw ng Ramadhan ay magbibigay ng ilang aralin ang ating segment writer at reporter na si Kaka Ali, tungkol sa Ramadan ang buwan ng pag-aayuno.
(PLAY INTRO)
Host/Nancy: Kapayapaan Kaka Ali, ang happy Ramadan.. Kumusta ang unang araw ng pag-aayuno natin?
Kaka Alih: Insha Allah It’s fine my partner, thank you..sa greetings, Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh, sa mga kapatid na nanampalataya, at good morning sa naman sa lahat ng nakikinig…muli nating tatalakayin ang Ramahan ang buwan ng pag-aayuno.
Ang Ramadan ang ika-9 na buwan sa Hijri calendar.
Ang Ramadan ay banal na buwan dahilan sa ito ay itinadhana ng Panginoon sa pagpahayag ng mga banal na kasulatan. Naiulat na:
“Ang mga aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi ng buwan ng Ramadan; ang Torah ay ipinahayag sa ika-6 ng buwan ng Ramadan; ang Ebanghelyo ay ipinahayag sa ika-13 ng buwan ng Ramadan… at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng buwan ng Ramadan.”
Ang buwan ng Shaban ang buwan na sinusundan ng Ramadan ay may 29 na araw o 30 araw.
Ang Propeta Muhammad (saws) ay nagsabi: “Huwag (magsimulang) mag‑ayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban (ang buwan na sinusundan ng Ramadan); at huwag titigil (sa pag-aayuno) hangga’t hindi ninyo nakikitang muli (ang bagong buwan).” (Hadith ni Bukhari at Muslim)
Ang Ramadan ang ika-9 na buwan ng sa Kalendaryong Islam.
Ang Kalendaryong Islam, ang Hijri calendar, katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo ito ay binubuo ng labing-dalawang buwan.
Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.
Ang mga buwan sa kalendaryong solar ay binubuo ng 30 o 31 araw maliban sa buwan ng Pebrero. Ang mga buwan ng Kalendaryong Lunar naman ay binubuo ng 29 o 30 na araw. Kaya’t ang Ramadan ay maaring 29 o 30 na araw.
Samantala mula ng maitatag ang community radio na DXUP , walong na taon na ang nakakaraan, sa pamumuno ng station manager nito na si Mr Mario Debolgado, ay bumuo ng isang programa, bilang pagbibigay galang at pakikiisa sa kapatid na Muslim ay isinahimpapawid ang programang Duyog Ramadan, na muling inilunsad nitong Sabado. Maririnig mula 5:00 hanggang 7:00 ng gabi. Ang layunin radio program na ito ay bilang pakikiisa para sa kapayapaan ng mga hindi nanampalatayang Islam sa kanilang mga kapatid na Muslim na nag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.
Ang Kalendaryong Lunar ng Islam ay mas maigsi ng labing-isa o labing-dalawang araw kung ihahambing sa Kalendaryong Gregorian o Solar ay umiikot sa buong taon nito. Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magrib.
Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.
Ang mga Muslim sa buwan na ito ng Ramadhan, ang araw ng pag-aayuno ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa kanilang asawa sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.
Ang mga Muslim na baligh o nasa hustong gulang na ay nararapat lamang na mag-ayuno at pinapayuhan na dapat:
· Magbigay ng kawanggawa sa mga mahirap at maralita.
· Igalang ang inyong mga magulang at nakakatanda.
· Maging mabuti sa mga musmos at nakakabata.
· Kumandili sa mga kamag-anak.
· Umiwas magsalita ng anumang hindi nararapat kahit na ibulong man lamang.
· Umiwas tumingin sa anumang hindi nararapat na tingnan.
· Umiwas makinig sa anumang hindi kanaisnais na pakinggan.
· Maging maawain, magiliw at mabait sa mga alila nang sa pagyaon mo, kung kinakailangan, ang iyong mga anak ay makakatanggap ng kasingtulad na pakikitungo ng iba.
Maliban sa pag-aayuno at paghahangad ng mabuting asal, iniuukol ng mga Muslim ang kanilang mga panahon at lakas, sa pananampalata at pagdarasal sa Nag-iisang Panginoon. Sa loob ng ilang mga gabi sa buwang ito, ang mga Muslim ay nananatiling gising sa karamihang oras sa pagdarasal at paggawang mga bagay na kalugod-lugod sa Allah.
Paglipas ng huling araw ng buwan ng Ramadan, ipinagdiriwang naman ng mga Muslim ang ‘Eid al-Fitr o Hariraya Puwasa upang gunitain ang katapusan ng pag-aayuno. Nagsasama-sama sila sa pagdarasal, pagkain, at pagpapalitan ng mga hadiya o regalo (lalung-lalo na para sa mga bata).
At dahil hindi kumakain sa araw ang inyong mga kapatid na Nanamapalataya sa Islam sa buwan ng Ramdan, ikaw na kapatid na hindi nag-aayuno ay nararapat lamang na huwag kumain o uminom sa harapan o nakikita ng iyong kapatid, dahil tiyak ko matatakam siya.
Ang mga Muslim na nag-aayuno ay kumakain sa madaling araw, bago magbukang liwayway at dahil dito sila ay puyat sa pagtulog, kaya asahan mo na makakatulog o gustong matulog sa araw.
At dahil hindi kumakain at uminom tiyak na gutom at uhaw, kaya nararapat na ikaw na kasamahan niya sa trabaho huwag masyadong bigyan ng mabibigat na trabaho.
Kong magiging bisita mo siya, sa panahon ng Ramadhan, dapat malaman mo na pwedeng kumain ang iyong kapatid na Muslim pagsapit ng takip-silip hanggang bago magbubukang liwayway.
Dapat malaman mo rin na may exempted o pinapayagan na hindi mag-aayuno sa buwan ng Ramadhan, halimbawa ang babaeng nireregla, ang matatanda na kong mag-aayuno ay maapektuhan ang kalusugan, ang mga sanggol na hindi pa umabot sa pito o sampung taon gulang ang edad, ang maglalakbay sa malalayo at ang mga taong wala sa katinuan ng isip.
Maraming salamat po sa patuloy ninyong pagsuporta sa pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo muli sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Hindi Nasilayan ang Bagong Buwan Ramadan- Darul Ifta
July 30, 2011
Hindi Nasilayan ang Bagong Buwan Ramadan- Darul Ifta
Balita Alih S. Anso
Nuro, Upi (July 30, 2011) Sa Lunes ang unang araw ng pag-aayuno dahil hindi nakita ang bagong buwan ngayong gabi sa lahat ng bahagi ng Pilipinas, ito ang pahayag ni Shiek Omar Pasigan ang Mufti ng Darul Ifta.
Ang Ramadan ang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.
Ang basehan ng mga Muslim sa pagsilay sa bagong buwan ng Ramadan ay ayon sa sinabi ni propeta Muhammad (ang kapayapaan ay sumasakanya): “Huwag magsimulang mag‑ayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban -ang buwan na sinusundan ng Ramadan, at huwag titigil sa pag-aayuno hangga’t hindi ninyo nakikitang muli ang bagong buwan .”
Mag-aayuno ang mga Muslim at hindi kakain at iinum ng tubig sa buong araw at iiwasan din nila ang mga bagay na maaaring makapaglabag sa kanilang pag-aayuno.
Sabay-sabay na narinig sa mga himpilan ng DXMY sa a Cotabato city, DXID FM ng Pagadian City at DXUP FM ang community radio sa Upi, Maguindanao ang official na announcement ni Shiek Pasigan.
Hiniling din niya lalong patatagin ang pananampalataya at pagkakaisa dahil ito ang utos ng Allah at ginawa ni Propeta Muhammad (SAW).
Samantala ang programang Duyog Ramadan sa DXUP FM ay muling inilunsad nitong hapon ni station manager Mario Debolgado. Inilunsad ang Duyog Ramadan walong taon na ang nakakaraan, bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim na nag-aayuno. Maririnig ang programa mula ika-lima ng hapon hanggang ika pito ng gabi.
Champion ang Cluster 7 , sa Upi Nutrition Month Celebration!
Champion ang Cluster 7 , sa Upi Nutrition Month Celebration!
Balita –Nancy Lawan
Nuro, Upi (July 30 , 2011) Tinanghal na Champion ang Cluster 7 Barangay Bugabungan sa Tula,Singing,Dance,at Draw and Tell sa Culmination ng Nutrition Month Celebration kahapon na ginanap sa San Isidro Formation Center.
Ngayon taon ay ang tema ay: “ Isulong ang Breastfeeding Tama, Sapat at Eksklusibo’’.
Nagkaroon ng patimpalak sa larangan ng Tula, Singing, Dance, Draw and Tell, Cooking, at Agro Fair.
Tinanghal naman na kampeon ang cluster 7, ang barangay Bugabugan sa Tula, 2nd place ang cluster 4 ang Borongatan, 3rd place ang cluster 2 ang Nuro, Sefegefen at Mirab.
Sa singing naman 1st ang cluster 7 Barangay Bugabugan, 2nd ang cluster 3 Blensong, 3rd cluster 4 Borongotan.
Sa dance contest 1st ang cluster 7 Barangay Bugabungan, 2nd cluster 2 Nuro, 3rd cluster 4 Barangay Borongotan.
Draw ang Tell 1st ang cluster 7 Barangay Bugabungan, 2nd cluster 2 Nuro, Sefegefen at Mirab at 3rd ang cluster 7 Bugabugan.
Cooking contest 1st ang cluster 6 Barangay Rempes, 2nd cluster 6 Barangay Darugao at 3rd ang cluster 2 Mirab at Sefegefen.
Habang sa Agro fair contest naman,1st ang cluster 6 Barangay Rempes, 2nd ang cluster 4 Borongotan, 3rd ang cluster 2 Nuro,Sefegefen at Mirab, 4th ang cluster 3 Blensong at 5th ang cluster 1 Barangay Kibucay.
Naging hurado naman sina Belen Cornepillo, Selda Platon, Jacquilyn Gamit, Sali Laugan, Amelita Piang at Petro Gersalino.
Search for Healthy Baby Contest - Baby Evan Napiling Pinaka-Malusog
July 29, 2011 Balita: Lucy Duce Nuro, Upi (July 29) Isinagawa ang programang Healthy Baby Sa Rural Health Unit Upi kanina bahagi ng Culmination Activity ng Nutrition Month ngayong buwan ng Hulyo. Nagkaroon ng Search for Healthy Baby na nilahukan ng walong malulusog na mga sanggol 0-6 months old,mula sa ibat-ibang mga barangay ng Upi, ang Ganasi, Nuro, Tinungkaan, Blensong, Borongotan at Nangi. Napiling first placer si baby Evan Emanuel Upo ng Barangay Nuro 5 months old, 2nd place si Erich Chain Devera ng Borongotan, 3rd si Airyle Shaine Agustin ng Tinungkaan, 4th si Johanna Zeth Acosta ng Rempes, 5th place si Mark John Geralla ng Nangi, 6th placer si Phiona Pagoto ng Blensong, 7th placer naman si Carel AudreyY Jamotillo ng Kibleg habang 8th placer si Bai Aila Sampiano ng barangay Ganasi. Ang mga papremyo ay mula sa lokal na pamalaan ng Upi na kaloob ni Upi Mayor Ramon A. Piang Sr. Nagkamit ng isang libong piso ang 1st prize, eigth hundred pesos ang 2nd place,five hundred pesos naman ang 3rd price,at tig dalawang daang piso ang consolation prizes,habang nagbigay pa ng karagdagang give aways si Ginang Tessie Zubiaga sa 2 nasa huling pwesto. Naging hurado sina Kristine Vevira RN heals Chairman sa Upi,Cathy Echano ng Deparment of Agriculture at Elsie Acopio ang Barangay Health Worker President. Naging basehan sa pagpili ng best baby ang ekslusibong pagpapasuso ng nanay na akma sa tema sa bata,dapat kumpleto ang bakuna,at may pre-natal ang nanay sa panahon ng pagbubuntis, maganda ang paningin at balat.edit delete
Search for Healthy Baby Contest - Baby Evan Napiling Pinaka-Malusog
Tamang pag-gamit ng Computer Dapat Matutunan ayon kay Vice Mayor Platon
Tamang pag-gamit ng Computer Dapat Matutunan ayon kay Vice Mayor Platon
Balita: Nancy L. Lawan
Nuro, Upi (July 29) “Tamang pagamit ng Computer dapat matutunan ng mga mga mag-aaral” ng “Stop Trafficking and Exploitation of People thru Unlimited Potential (step-UP)”, ito ang pinaka buod na mensahe ni Upi Vice Mayor Alexix Platon kaugnay sa ginanap na General Assembly Meeting kahapon sa Upi, Municipal Conference hall.
Pinasalamatan din ni Platon ang Visayan Forum Foundation dahil sa malaking naitulong sa paghubog sa mga out of school ng Upi, para matutunan ang tamang pagamit ng computer.
“Hindi hadlang ang kahirapan sa buhay para makamit ang mga pangarap na hinangad ng bawat isa, at kailangan lamang ang sipag at tiyaga.” Dagdag ni Vice Mayor Platon
Nangako din na kanilang pag-aralan at idudulog sa local chief executive ang budget para masustained ang nasabing programa.
Pinasalamatan din nito ang Upi Womens Federation Inc. sa pamumuno ni Upi,Womens Federation President Amelita Piang, mga GAD President ng dalawan-put tatlong barangay ng Upi, at mga mag-aaral ng STEP-UP.
Bagong Buwan ng Ramadan
(July 29, 2011 -Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Nalalapit na ang pag-aayuno ng mga kapatid na Muslim sa buong mundo, ang buwan ng Ramadan ang buwan ng pag—ayuno, kailan ba ang bagong buwan ng Ramadan? Iyan ang sasagutin ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka.
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali,
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.
Ang tanong ay “Kailan ang bagong buwan ng Ramadan?”
Ayon sa Darul Ifta, (ito ang committee o grupo na naatasan para sa pagsilay ng bagong buwan moon sighting of the new moon) sa July 30, bukas sa araw ng Sabado, pagsapit ng Magrib na salah (prayer) mga ganap na ika anim ng gabi at kung masisilayan saan mang bahagi ng bansa ang buwan, ay ito na ang hudyat na mag-uumpisa na ang Ramadan.
Ang Ramadan ay ang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.
Ano ang basehan ng pagsilay sa bagong buwan?
Ang basehan ng mga Muslim sa pagsilay sa bagong buwan ng Ramadan ay ayon na rin sa sinabi ni Propeta Muhammad (SAW):
“Huwag magsimulang mag‑ayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban -ang buwan na sinusundan ng Ramadan, at huwag titigil sa pag-aayuno hangga’t hindi ninyo nakikitang muli ang bagong buwan .”
Ayon kay Ustadz Jaafar Alih ng Darul Ifta, ang committee na naatasan para sa pagobserba sa bagong buwan, kung sakaling hindi naman makikita ang buwan sa takip silim ng Sabado ay sa Lunes August 1 ang mag-uumpisa ng pag-aayuno.
Pinapayunahan din ng Darul Ifta naman ang lahat ng taga Upi makinig sa announcement sa mga radio station sa mga oras na ika-pito hanggang ika-siyam ng gabi bukas ng gabi July 30, Sabado para sa official announcement ng Darul Ifta.
Liliwanagin natin ang Pagtitiyak ng Pagsapit ng Ramadan.
Natitiyak ang pagsapit ng buwan ng Ramadan sa pamamagitan ng
- Ang pagkakita sa bagong buwan (new moon) ng buwan ng Ramadan. Kapag nakita ang bagong buwan, kailangan nang mag-ayuno. Sinabi ng Propeta (SAS): “Kapag nakita ninyo ang bagong buwan ay mag-ayuno kayo; at kapag nakita ninyo uli ito ay tapusin na ninyo ang pag-aayuno.” Sa pagtitiyak ng pagkakita ng bagong buwan (new moon) ng buwan ng Ramadan ay sapat na ang isang makatarungang tao, samantalang ang pagtitiyak ng pagkakita sa bagong buwan ng Shawwal ay hindi magiging tiyak kung hindi masasaksihan ng dalawang makatarungang tao.
2. Ang pagkabuo ng tatlumpung araw ng buwan ng Sha’ban. Kapag nabuo ang tatlumpung araw, ang ikatatlumpu’t isang araw ang siyang unang araw ng buwan ng Ramadan sapagkat ang sabi ng Propeta (SAS): “…Kapag naging maulap para sa inyo [ang langit], buuhin ninyo ang bilang (ng buwan ng Sha’ban) sa tatlumpung araw.”
Ang lahat ng mga Muslim na nasa hustong gulang ay mag-ayuno subalit mayroon din ang mga pinapayagang na hindi mag-aayuno
1. Ang may-karamdamang may pag-asa pang gumaling ngunit mahirap para sa kanya na mag-ayuno. Siya ay pinahihintulutan na hindi mag-ayuno ngunit pagkatapos ng karamdaman ay pag-aayunuhan niya ang mga araw na hindi siya nakapag-ayuno. Sa kabilang dako, ang sinumang may sakit na hindi na maalis-alis, tuloy-tuloy, at hindi na inaasahang mawawala pa, hindi na niya kailangang mag-ayuno ngunit para sa bawat araw na hindi siya nakapag-ayuno ay magpapakain siya sa isang dukha ng isang Mudd (mga 550 gramo) na pagkain o maghahanda siya ng pagkain at anyayahan dito ang mga dukha na ang dami ay katumbas sa bilang ng araw na hindi siya nakapag-ayuno.
2. Ang Musafir o manlalakbay. Ipinahihintulot sa Musafir ang paghinto sa pag-aayuno magmula sa oras ng pag-alis niya sa kanyang bayan hangga’t hindi siya nakababalik doon. At kung sakali mang titigil siya sa bayang pinuntahan niya, nananatili pa rin siyang Musafir kung mayroon siyang layuning hindi titigil doon kapag natapos na ang kanyang pakay na siyang dahilan ng kanyang paglalakbay. Ang hatol na ito ay nauukol lamang sa paglalakbay na ang layo ay umabot sa mga 80 kilometro o higit pa.
3. Pinahihintulutan din ang isang babae, kapag nagdadalang-tao o nagpapasuso, na hindi mag-ayuno kapag nangangamba siyang baka makasama ang pag-aayuno sa kanyang sarili o sa kanyang anak. Kapag nawala na ang kadahilanan, pag-aayunuhan niya ang mga araw na hindi siya nakapag-ayuno.
4. Ang matandang nahihirapang mag-ayuno ay pinapayagang hindi mag-ayuno at hindi na niya pag-aayunuhan ang mga araw na hindi siya nakapag-ayuno ngunit magpapakain siya ng isang dukha sa bawat araw na hindi nakapag-ayuno.
Maraming salamat pos a patuloy ninyong pagsuporta at pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Huling Araw na Barangay Orientation on Roles of Barangay Based Institution (BBI’s) Seminar ng DILG
Huling Araw na Barangay Orientation on Roles of Barangay Based Institution (BBI’s) Seminar ng DILG
Sinulat na Balita -Alih S. Anso
Nuro, Upi (July 27) Magtatapos ngayon araw ang tatlong araw na seminar sa mga Barangay officials at ibat-ibat sector na Isinasagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG). Ang layunin ng tatlong araw na seminar na “Orientation on Roles of Barangay Based Institution (BBI’s)” ay upang lalong maunawaan, magampanan at makipagtulungan ang LGU ng Barangay at ibang sector sa kaayusan ng pamayanan.
Sa opening program nitong Miyerkules ng tatlong araw na seminar na ay nagbigay ng kanyang inspirational message ang bise alkalde ng Upi Alexis Platon.
Hiniling ni Platon sa mga Barangay official na gampanan ang kanilang mga tungkulin na walang pag-iibot at buong katapatan.
Sa message of support naman ni Sanggunian bayan member Myrna Lou De Vera ay pinaalaala sa official na sila ay sumumpa na magsisilbi sa mga mamamayan bilang kanilang public official ng Barangay.
Nagpadala ding ng resource person o lecturer ang Philippine Drug Enforcement Agency ARMM (PDEA ARMM) na nagbigay ng mga sapat na kaalaman papaano lalabanan ang naglilipanang ipinagbabawal na gamut.
Matatandan na sinabi ni Agent Cieleto L. Llano ang chief ng planning section ng PDEA ARMM na kinakailangan na lalong mapalakas sa mga Barangay ang “war against drugs”. At kinakailangan na dapat maglaan ng pondo ang Barangay para sa “anti drugs campaign” program.
Hinati ng tatlong cluster ang 23 barangay ng Upi, nauna ang Barangay Cluster 1st sumunod ang cluster 2 at ngayong araw ang cluster 3.
Siyam na Barangay ang Cluster 1, ang Barangay Nuro, Mirab, Borongotan,Kibucay, Kibleg, Blensong, Tinungkaan, Kinitaan at Sefegefen.
Pitong Barangay naman ang Cluster 2, ang Barangay Ranao Plilayan, Nangi, Ganasi, Bayabas, Rifao, Renti at Bantek.
Pitong Barangay din ang Cluster 3, ang Barangay Bugabungan, Bungcog, Rempes, Renede, Darugao, Kiga at Kaba-kaba.
Ang tatlong araw na seminar ay pinamahalaan ng DILG sa pangagnasiwa ni Cecilia T. Pelobillo-Municipal Local Government Operation Officer V (MLGOO V) sa pakikipagtulungan sa Liga ng mga Barangay at LGU Upi Officials.
Dalawang Motorsiklo Nagkabanggaan-Driver Menor de Edad
July 28, 2011
Dalawang Motorsiklo Nagkabanggaan Balita Alih Anso
Nuro, Upi (July 28) Nagkabanggaan ang dalawang motor ngayong umaga (8:15) sa may panulukan ng Palileo at Quirino street.
Ayon kay Barangay Kagawad Anwar Mamintal ng Nuro, habang sakay ng kanyang motorsiklo na may plate # MG-3939 at binabagtas ang kahabaan ng Palielo St. patungong Upi municipal hall ng biglang sumulpot ang motor na nakabanggaan.
Ang motor na XRM na blue na may plate # 9867 LC ay minamaneho ni Lidsel Dapilaga -17 ng Barangay Bugabungan, Upi.
Ayon sa record ng Upi Police station ang violation ni Dapilaga ay driving without license, minor age at second offense na ito. Ang motor ay nakarerhistro sa pangalan na Max Marquez ng Poblacion, Kiamba, Saranggani.
Ayon sa Deputy Chief of Police P/Insp. Mark Ian Ramos, na-settle naman amicably ang kaso , dahil gasgas lamang sa kanang kamay ang tinamo ni Kagawad Mamintal.
Moon sighting para sa pag-uumpisa ng Ramadan, All Set Na- Darul Ifta
Moon sighting para sa pag-uumpisa ng Ramadan, All Set Na- Darul Ifta
Balita Alih S. Anso
Nuro, Upi (July 28, 2011) HANDANG-HANDA na ang Darul Ifta ang committee para sa moon sighting ng bagong buwan sa July 30, sa araw ng Sabado at kung masisilayan saan mang bahagi ng bansa ang buwan, ay ito na ang hudyat na mag-uumpisa na ang Ramadan.
Ang Ramdana ang buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim.
Ang basehan ng mga Muslim sa pagsilay sa bagong buwan ng Ramadan ay ayon sa sinabi ni propeta Muhammad (ang kapayapaan ay sumasakanya): “Huwag magsimulang mag‑ayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban -ang buwan na sinusundan ng Ramadan, at huwag titigil sa pag-aayuno hangga’t hindi ninyo nakikitang muli ang bagong buwan .”
Mag-aayuno ang mga Muslim sa buong buwan ng Ramadan. Hindi kakain at iinum ng tubig ang mga Muslim sa buong araw at iiwasan din nila ang mga bagay na maaaring makapaglabag sa kanilang pag-aayuno.
Sa panayam ngayong umaga ng DXUP FM kay Ustadz Jaafar Alih ng Darul Ifta, ( ang committee na naatasan para sa pagobserba sa bagong buwan,) kong masisilayan ang buwan sa gabi ng Sabado ay mag-aayuno na sa Linggo at kung sakaling hindi naman makikita ang buwan sa takip silim ng Sabado ay sa Lunes August 1 ang mag-uumpisa ng pag-aayuno.
Pinapayunahan naman ang lahat ng taga Upi makinig sa announcement sa mga radio station sa mga oras na ika-pito hanggang ika-siyam ng gabi nitong Sabado para sa official announcement ng Darul Ifta.
Samantala ang programang Duyog Ramadan sa DXUP FM na maririnig mula ika-lima ng hapon hanggang ikapito ng gabi ay muling ilulunsad ni station manager Mario Debolgado. Inilunsad ang Duyog Ramadan walong taon na ang nakakaraan, bilang pakikiisa sa mga kapatid na Muslim na nag-aayuno.
Sakit na Dengue Mula sa Sakit na Kagat ng Lamok
Sakit na Dengue Mula sa Sakit na Kagat ng Lamok
(July 28, 2011-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Dahil sa tag-ulan na naman, asahan na dumarami ang breeding ng mga lamok, of course kasama ang lamok na nagdadala ng sakit na Dengue. “Sakit na dengue” ang tatalakayin ni Kaka ali sa ating segment na nakaka.
(PLAY-INTRO NAKAKA)
Host/Nancy: Magandang umaga Kaka Alih.
Kaka Alih: Magandang umaga din Nancy (LAUGHING). Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh,.
Ang Dengue ay isang malubhang sakit na nakukuha sa kagat ng lamok na Aedes aegypti. Ang taong naimpeksyon nito ay nagkakaroon ng mataas na lagnat na tumatagal nang dalawa hanggang pitong araw na kapag hindi naagapan ay maaring ikamatay. Mga bata ang kadalasang biktima ng Dengue.
Ngayon ay panahon ng tag-ulan kaya naman pinayuhan ni Dr. Vito Roque Jr., medical specialist IV ng DOH-National Epidemiology Center (NEC), ang publiko na mag-ingat upang hindi maging biktima ng naturang nakamamatay na sakit.
Ayon kay Roque, inaasahan na nila ang pagdami ng mga kaso ng dengue lalo na’t umuulan paminsan-minsan at may nangyayaring biglaang pagbaha.”
Ang sakit na dengue ay unang natuklasan noong dekada 50 nang magkaroon ng outbreak nito sa Pilipinas at Thailand. Noong una ay sa mga bansa sa Asya lamang ito endemic o laganap subalit makalipas ang ilang taon ay umabot na sa 100 bansa ang nahaharap sa problema sa paglaganap ng sakit na dengue.
Sa Pilipinas sa kasalukuyan ay naka-alerto sa patuloy na pagkalat ng nakamamatay na sakit na dengue
Ang mga sintomas na posibleng mayroon ka ng sakit na dengue:
1. May lagnat hindi lovenat;
2. Nangangaligkig at giniginaw hindi dahil sa naunalanan;
3. Masakit ang mata pag gumagalaw;
4. Masakit ang ibabang bahagi ng likod; hindi sa harap dahil ibang sakit na iyon (LAUGHING)
5. Masakit ang mga hita at mga kasukasuan hindi dahil galing ng Bantek na lumakad n gals dos ng hapon hanggang alas siyete ng gabi na naulanan pa, tulad ng nangyari sa amin nina Kagawad Kalima Gunsi. (LAUGHING)
6. Mataas ang lagnat na umaabot sa 40 degrees tapos mabagal ang pagtibok ng puso;
7. Mapula ang mata, hindi dahil may sore eyes;
8. May rashes sa mukha tapos nawawala;
9. Ngayon pag paggrabe na ang dengue dumadami na ang rashes sa katawan.
Pag mayroon ka nitong mga sintomas kumunsulta na kaagad sa Doctor o pumunta sa health center sa inyong Barangay o dito sa Nuro, dito sa ating Health Center o sa Hospital.
Ang kagat ng lamok na Aedes aegypti ang pangunahing sanhi ng Dengue. Ito’y nangangagat lamang tuwing umaga. Sigoro walang ilaw o falashlight kaya araw siya nangangagat. (LAUGHING). Nangingitlog ang lamok na ito sa mga lugar na kung saan ay may tubig na hindi dumadaloy tulad ng mga plorera, lata, dram, timba, lumang gulong at iba pa
Mga iba pang lugar na pwedeng pamahayan at pangitlogan ng lamok na aedes aegypti ay ang mga halamang pamilya ng bromeliads, mula sa angkan ng pinya, kung saan galing ang pinya ay may natural na water trap kung saan naiipon ang tubig ng ilang araw kahit ibilad ay dapat itinataob pagkatapos ng ulan.
Ang mga ponds o kahit kanal na stagnant matapos ang ilang araw na walang ulan ay pamumugaran din ng lamok. Mabuting lagyan ito ng mga isdang kumakain ng kiti-kiti gaya ng gourami o guppies. Wala pang involved na harmful chemicals.
Minsan may nakakausap ako kong papaano siya nakikipaglaban sa pesteng lamok na ito. “Ako Kaka ang simple strategy ko sa peste na ito, halimbawa, ang enclosed sewers, dahil isa ito paboritong pamahayan ng lamok, paminsan-minan ay pinapuputukan ko ng malakas na firecrackers upang mamatay kahit yung mga bagong sibol na lamok (pati ipis) gawa ng kulob ang sound waves. (LAUGHING) Iba yata ito a, iyan ang sinasabi nila na Sa paputok, lamok ay tepok! (LAUGHING).
Sa kasulukuyan, sinasaliksik pa lamang ang bakuna laban sa Dengue. Kaya naman kaibigan ang pagkontrol sa lamok na sanhi ng Dengue ang pangunahing paraan upang maiwasan ang sakit na ito.
Ang DOH ay naglabas ng mga alituntunin upang maiwasan ang Dengue. Gawin lamang natin ang mga sumusunod:
1) Takpan ang tubig sa drum at sa mga timba upang hindi ito pangitlugan;
2) Palitan ang tubig sa mga flower vases araw-araw, iwasang magtanim ng ;
3) Linisin ang mga pinaglalagyan ng tubig minsan sa isang linggo;
4) Linisin ang mga alulod upang masigurong walang lugar na puwedeng pagmulan ng lamok;
5) Sirain o butasan ang mga gulong na ginagamit sa bubong upang hindi pag-imbakan ng tubig;
6) Ipunin at itapon ang mga hindi na ginagamit na mga lata, garapon, bote at iba pang mga bagay na kung saan puwedeng maipon ang tubig, ito ang mga tinatawag na recycled materials.
Ito po ang kalaban ni Mrs Denggue, si Kaka Alih…
Nancy: Bakit Mrs.. Babae ba ang lamok na may dalang sakit na dengue?
Kaka Alih: Yes babaeng lamok ang nangangagat na may dalang sakit na dengue.
Buweno mag-paalam muna ang lalaking Denggue.. (LAUGHING). este ang inyong segment writers na si Kaka Ali. Sukran, Wassallam.
(PLAY-EXTRO)
Nancy: Mga giliw na nakikinig, sundi lamang Ang payo n gating Department of Health dahil mahirap magkasakit sa panahon ngayon.
Barangay Orientation on Roles of Barangay Based Institution (BBI’s) Seminar isinasagawa ng DILG
July 27, 2011
Barangay Orientation on Roles of Barangay Based Institution (BBI’s) Seminar isinasagawa ng DILG
Balita Alih S. Anso
Nuro, Upi (July 27) Isinasagawa ng Department of Interior and Local Government (DILG) ang isang seminar sa Barangay officials, Non-government Ogranizations (NGO) at Academe sector. Ang layunin ng seminar ay upang lalong maunawaan, magampanan at makipagtulungan ang LGU ng Barangay at ibang sector para sa kaayusan ng pamayanan.
Sa opening program ng tatlong araw na seminar na “Orientation on Roles of Barangay Based Institution (BBI’s)” ay nagbigay ng kanyang inspirational message ang bise alkalde ng Upi Alexis Platon.
Hiniling ni Platon sa mga Barangay official na gampanan ang kanilang mga tungkulin na walang pag-iibot at buong katapatan.
Sa message of support naman ni Sanggunian bayan member Myrna Lou De Vera ay pinaalaala sa official na sila ay sumumpa na magsisilbi sa mga mamamayan bilang kanilang public official ng Barangay.
Isa sa mga resource person ay ang Philippine Drug Enforcement Agency ARMM (PDEA ARMM) na ibabahagi ang sapat na kaalaman papaano lalabanan ang naglilipanang ipinagbabawal na gamut.
Ayon kay Agent Cieleto L. Llano ang chief ng planning section ng PDEA ARMM ay kinakailangan ang seminar para lalong mapalakas ang mga Barangay sa “war against drugs”. Hinihiling din ahensiya na dapat maglaan ng pondo ang Barangay para sa “anti drugs campaign”.
“Ano mang oras ay nasa panganib ang inyong mga anak.” Pahayag ni Agent Llano.
Hinati ng tatlong cluster ang 23 barangay ng Upi, mauuna ngayon araw ang Barangay Cluster 1: Nuro, Mirab, Borongotan,Kibucay, Kibleg, Blensong, Tinungkaan, Kinitaan at Sefegefen. Bukas naman ay ang cluster 2 at susunod na araw ang pangatlo.
Ang tatlong araw na seminar ay pinamahalaan ng DILG sa pangagnasiwa ni Cecilia T. Pelobillo-Municipal Local Government Operation Officer V (MLGOO V) sa pakikipagtulungan sa Liga ng mga Barangay at LGU Upi Officials.
Maibabalik Pa Ba ang Sex Life?
Maibabalik Pa Ba ang Sex Life?
(July 27, 2011 -Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy:, Nawalan na ba ng sigla ang inyong sex life? but don’t worry pwede pa daw ibalik ang sex life o sigla ng pagkalalaki, tiyak ko maraming naghinintay ng ganitong balita, samahan ninyo kami ni Kaka Alih, para malaman ninyo..
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali.
Kaka Ali: Maraming salamat Nancy at Magandang umaga . Assallamu alaikum WW.
Alam mo Nancy, ayon kay Dr. Willie T. Ong isang manggaamot at manunulat sa isang kilalang diyaryo. Maraming nagtatanong daw kay Doc. kung paano maibabalik ang sigla ng kanilang sex life. Alam mo Simple lang ang sagot ni Doc:
“ ….dapat magkaroon ng maayos na pamumuhay. Iwas sigarilyo at alak. Huwag masyadong magpataba. At kung may altapresyon, diabetes o high cholesterol, kailangan itong ma-kontrol ng diyeta at gamot para hindi masira ang inyong sex life.”
May hirit pang tanong kay Doc:
“..Dok, may nabalitaan akong pampalakas daw sa sex. Mareresetahan mo ba ako?”
Alam mo Nancy natawa ako sa sagot ni Doc Willie.
“Eh kanino mo ba balak makipagtalik?”
Tama ka Doc, eh matanda na si Mrs, bakit kailangan pa niya ang malakas na sandata (LAUGHING) dapat talagang masigoro kong saan niya gagamitin ang magandang sandata, baka makasuhan siya ng “illegal possession” (LAUGHING) Mukhang yatang hindi alam ni misis ang masamang balak ni Mister.
Pero ayon kay Doc Willie, totoong may mga gamot na pampalakas at pampatigas kay “manoy” na hindi na kayang tumayo. (LAUGHING) Alam ba ninyo na kadalasan daw ay mga diabetiko o diabetes o ’yung mga may edad na ang nangangailangan nito.
Heto ang mga gamot na sinabi ni Doc. Halimbawa ay ang Andros, Viagra, Levitra at Cialis. Ayon kay Dr. Eduardo Gatchalian, isang tanyag na urologist, halos pare-pareho ang bisa ng mga gamot na ito, ang pinakamura sa apat na ito ay ang Andros, na gawa ng Unilab. Ang generic name nito ay Sildenafil. Marami na ang napaligaya dahil sa gamot na ito.
Iniinom ang Andros isang oras bago makipagtalik at tatagal and epekto nito ng apat na oras. Ang Andros 50 mg ay nagkakahalaga ng P220, kumpara sa ibang mga gamot na umaabot sa P550.
May tanong ba kay Doc:
“Puwede bang uminom kahit walang impotence?”
Ang sagot ni Doc ay:
“Ang masaklap na sagot ay “Oo.” Kahit normal ka ay puwedeng mapatagal ang pagiging matigas ng ari. Mapapaikli rin ang tinatawag na refractory period. Ang ibig sabihin nito ay pagkatapos mag-orgasm ang lalaki, mas maikli ang hihintayin na panahon para manumbalik ang lakas mag-sex.”
May tanong pa:
“May tulong ba ang Andros sa kababaihan?”
Ayon kay Dr. Gatchalian, “Baka mayroon kaunti.” Ito’y dahil mapapadami nito ang agos ng dugo sa bahay-bata ng kababaihan. Ngunit hindi pa rin namin ito pinapayo. Huli sa lahat, kung ikaw ay may matinding sakit sa puso, bawal gumamit nito. Kumunsulta muna sa isang espesyalista sa puso.
Sabi ng misisni Doc Willie na si Dra. Liza, “…dapat ay payuhan ko rin ang mambabasa na maging tapat sa asawa. Dahil kapag mahuli ka ni misis, eh patay kang bata ka. Marami ang puwedeng maputol sa inyong pagsasamahan. Ingat!”
Dagdag kaalaman pa rin mula kay Doc Willie Ong:
“Kung sakali lang na may naputulan ng ari, kunin agad ito at ilagay sa plastic na may yelo. Dalhin agad sa Emergency Room at maaari pa itong maidugtong ng mga siruhano. Bilisan lang ang pagdadala sa ER! Emergency room…(LAUGHING)
Ulitin ko ang payo ni Doc willie Ong:
“ ….dapat magkaroon ng maayos na pamumuhay. Iwas sigarilyo at alak. Huwag masyadong magpataba. At kung may altapresyon, diabetes o high cholesterol, kailangan itong ma-kontrol ng diyeta at gamot para hindi masira ang inyong sex life.”
Ito ang inyong Kaka Alih, sukran Wassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatu.
Nancy/Host: Mga giliw naming nakikinig, sa isa namang Nakaka mula kay Kaka Alih, bukas muling , abangan ang mga Nakaka mula sa ating segment writer na si Kaka Alih.
(PLAY-NAKAKA)
94.86 Per Cent Civil Service Rating ang Tinanggap ng LGU Upi
July 26, 2011
94.86 Per Cent Civil Service Rating ang Tinanggap ng LGU Upi
Balita -Alih S. Anso
Nuro, Upi (July 25)…PINAHAYAG ni Upi Mayor Ramon Piang Sr, kahapon ng umaga sa meeting ng mga empleyado at official na nakakuha ng 94.84 % na rating ang Local Government Unit (LGU) Upi mula sa isinagawang evaluation ng civil service.
Dahil sa magandang performance na ito ng mga empleyado at official ng LGU Upi ay nagpapasalamat ang alkalde sa lahat dahil natamo ang rating na ito dahil pagtupad ng bawat sa kanilang tungkulin.
Hiniling naman ni mayor Piang sa mga empleyado na hindi lamang panahon ng may bisita kundi ipagpatuloy ang magandang pagtupad sa tungkulin sa lahat ng panahon, dahil tungkulin ng bawat isa ang pagsilbihan ang taong bayan.
Ang isinagawang evaluation ay kaugnay ng pagpasok sa Semi-Finalist ni Upi Mayor Ramon Piang Sr sa Kategoryang Award for Exemplary Conduct and Ethical Behavior o Outstanding Public Officials And Employees na tinaguriang din “Dangal ng bayan Award.” ng Civil Service Commission (CSC).
Ilan pa sa mga Finalist ang mga sumusunod :
1 Lucille Abad (Philippine Nuclear Research Institute, Quezon City);
2. David Adongay Jr. (Department of Public Works and Highways, Northern Samar);
3. Josefina Bajade (Provincial Gov. of Agusan del Sur);
4. Helen Cailing (COA Regional Office 12, Cotabato City);
5.Edgardo Chatto (Provincial Gov. of Bohol);
6. Jelyn Duting (Panay Power Corporation, Iloilo City);
7.Joey Fernandez (City Gov. of San Jose Del Monte, Bulacan);
8.Eleanor Javonillo (City Gov. of Antipolo, Rizal);
9.Mary Ann Lee (Philippine Postal Corporation, Manila);
10. Edgar Madlaing (Benguet National High School);
11.Elpidio Malinao (University of the Philippines Los Baños [UPLB], Laguna);
12.John Malis (La Trinidad Water District, Benguet);
13. Eva Marie Medina (City Gov. of Vigan, Ilocos Sur);
14.Flordeliza Monteclaro (National Statistics Office, Calapan City, Oriental Mindoro); 15.Josephine Pacadaljen (Bureau of Jail Management and Penology [BJMP] National Capital Region);
16.Lorna Pulalon (Department of Education-Zamboanga City Division);
17.Rolito Royeras Jr. and Maloney Samaco (City Gov. of Maasin, Southern Leyte);
18.Honorio Soriano Jr. (Pampanga Agricultural College);
19.Broderick Train (Provincial Gov. of Antique);
20.Edgardo Tulin (Visayas State University, Leyte).
Ang Honor and Awards program ng CSC ay isang taunang aktibidad na kumikilala sa mga Government Officials and Employees na nagpakita ng outstanding work performance. Layunin din nitong hikayatin din ang ibang empleyado ng gobyerno na paunlarin pa ang kalidad ng kanilang serbisyo publiko.
5.Edgardo Chatto (Provincial Gov. of Bohol);
6. Jelyn Duting (Panay Power Corporation, Iloilo City);
7.Joey Fernandez (City Gov. of San Jose Del Monte, Bulacan);
8.Eleanor Javonillo (City Gov. of Antipolo, Rizal);
9.Mary Ann Lee (Philippine Postal Corporation, Manila);
10. Edgar Madlaing (Benguet National High School);
11.Elpidio Malinao (University of the Philippines Los Baños [UPLB], Laguna);
12.John Malis (La Trinidad Water District, Benguet);
13. Eva Marie Medina (City Gov. of Vigan, Ilocos Sur);
14.Flordeliza Monteclaro (National Statistics Office, Calapan City, Oriental Mindoro); 15.Josephine Pacadaljen (Bureau of Jail Management and Penology [BJMP] National Capital Region);
16.Lorna Pulalon (Department of Education-Zamboanga City Division);
17.Rolito Royeras Jr. and Maloney Samaco (City Gov. of Maasin, Southern Leyte);
18.Honorio Soriano Jr. (Pampanga Agricultural College);
19.Broderick Train (Provincial Gov. of Antique);
20.Edgardo Tulin (Visayas State University, Leyte).
Ang Honor and Awards program ng CSC ay isang taunang aktibidad na kumikilala sa mga Government Officials and Employees na nagpakita ng outstanding work performance. Layunin din nitong hikayatin din ang ibang empleyado ng gobyerno na paunlarin pa ang kalidad ng kanilang serbisyo publiko.
Tamang Pag-gamit ng Celpon
(July 26, 2011, Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Host/Nancy: “ Ang mobile phone o celpon ay bagong imbensyon na gadget na halos na yata ng mga mamamayang Pilipino ay mayroon nito, of course sa bayan ng Upi ay hindi tayo pahuhuli, kahit second hand celpon ay bumibili ang, alam ba ninyo na na posibleng magdulot ng kanser sa utak ang madalas na paggamit ng cell phone? Tamang paggamit ng cell phone ang ibabahagi ngayon umaga ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka..
(PLAY NAKAKA- INTRO)
Host/Nancy: Good morning Kaka. Ilan ba ang mobile phone o celpon mo?
Kaka Ali: Good morning Nancy. I am Fine. Ilan ba ang mobile phone o celpon ko? Tatlo lang kasi kulang tayo ng budget. (LAUGHING)
Host/Nancy: Ano tatlo? Bakit namn tatlo-tatlo ang celpon mo pa Kaka?
Kaka Ali: Hindi naman sa pagmamalaki Nancy, kong bakit tatlo ang aking gamit na mobile phone, ang isa ay regular phone na kong saan ang number nito ay binigay natin sa publiko o mga kaibigan at kakilala, ang isa naman ay camera, recorder at ang number ay ibang network dahil kong minsan ay mahihirapan ang pagtawag ng mga contact dahil ibang network provider sila at naka-avail sila ng mga promo, at ang pangatlo naman na mbile phone ay sa mga coverage natin sa DXUP FM at back-up na rin kapag naglobat bigla ang isa pang celpon.
Host/Nancy: Sana ganyan ako Kaka, kasi kailangan talaga ng media ang bagong gamit na ito, pero Kaka papaano ang tamang pag-gamit nitong celpon na hiondi mamimiligro an gating kalusugan?
Kaka Ali: Ok Nancy muli tayong sasangguni kay Dr Willie Ong , may isinulat si Doc na may pamagat na Tamang paggamit ng cell phone, ganito ang nakalahad:
“Kamakailan, nagsabi ang World Health Organization (WHO) na posibleng magdulot ng kanser sa utak ang madalas na paggamit ng cell phone. Ngunit hindi pa ito 100% kumpirmado. Ganunpaman, walang masama kung tayo ay mag-iingat sa paggamit ng cell phone.
Ayon sa isang pagsusuri (Interphone Study), ang matagalang paggamit ng cell phone ay posibleng makapagdulot ng brain tumor (bukol sa utak). Sa mga taong gumamit ng cell phone ng lampas 10 taon, mas marami ang nagkakaroon ng brain tumor (kanser sa utak) sa lugar na madalas pinaggagamitan ng cell phone. Mayroong kasing signal o radiofrequency radiation ang mga cell phones.
Katulad ng mga medical test na MRI o CT Scan, mataas ito sa radiation at puwedeng makapagdulot ng kanser. Mas mababa naman ang radiation ng cell phone. Kaya lang, madalas natin itong ginagamit at malapit pa masyado sa ating utak.
Para makapag-ingat tayo, heto ang mga payo ni Dr. David Servan-Schreiber, isang dating director ng Center of Integrative Medicine sa University of Pittsburgh:
1) Huwag pagamitin ng cell phone ang mga batang 12 edad pababa. Mas sensitibo ang utak ng mga bata kaysa matanda. (Kaya ang batang nasa elementarya ay di dapat pagamitn ng celpon)
2) Ilagay sa speaker-phone mode ang iyong cell phone o gumamit na lang ng ear phone. Ito’y para mailayo sa katawan natin ang cell phone. ,(Tama ka Dok, kong hindi maiiwasan ang pagtawag maaring i-loud speaker ang celpon para mapalayo sa inyong ulo ang unit, ang problema lang daw dito maririnig ni Mrs ang kausap ni Pare-LAUGHING)
3) Huwag lumapit sa isang taong gumagamit ng cell phone. (hindi Radiation kong bakit hindi ka dapat lumapit “unethical” hindi magandang kaugalian ang nakikinig sa usapan ng may usapan lalo na sa celpon o selepono)
4) Huwag matulog na kasama ang cell phone. (Ang dapat kasama MO KASI EH, sa pagtulog ay ang Mrs mo Pare hindi ang celpon-LAUGHING) Huwag ilagay sa ilalim ng unan. Huwag din itong palaging dalhin sa bulsa. Kahit naka-standby mode, may radiation pa rin iyan.
5) Kung kailangan mong dalhin ang cell phone, iharap ang keypad sa iyong katawan. Mas mataas kasi ang radiation sa likod ng phone dahil sa antenna device.
6) Limitahan sa 3-5 minuto lang ang pag-uusap sa cell phone. (Nakupo, papaano na ang mga naka-unlimited call..LAUGHING) Gumamit na lang ng landline. Ang cordless o wireless phone ay may radiation din.
7) Mag-text na lang para mas malayo ang cell phone sa utak natin.
8) Ilipat-lipat ang paggamit sa cell phone. Minsan sa kanang tainga, minsan sa kaliwa.
9) Huwag mag-cell phone kung mahina ang signal, tulad ng kung kayo ay nasa sasakyan. Ito’y dahil kusang pinapa-lakas ng cell phone ang radiation niya para hindi mawala ang signal.
10) Pumili ng cell phone model na mababa ang SAR (specific absorption rate). I-check ito sa internet. Ito ang sukat ng magnetic field ng cell phone na ma-a-absorb ng ating katawan. “ (ayon sa source natin 2 w/kg maximum, halimbawa na SAR ng celpon ang Nokia 6303 mo Nancy aymay SAR na: .82, ang N1100 ay .61)
Sana may napulot kayong karunugngan sa ating ibinahagi, dahil ang malusog na mamamayan ay katambal ng maunlad na sambayanan.
Sukran, Wassallam.
(PLAY-EXTRO-NAKAKA)
Basura Mo Basura Ko!
July 25, 2011(July 25, 2011, Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Nancy Lawan)
Host/Nancy: “Kumusta na ang pangangalaga ng basura sa ating bayan? Tanong ng isang texter. Muling nating gigisingin ang natutulog ninyong katawang lupa, sabi pa ni Ai Ai Delas Alas, (LAUGHING) Basura mo ay basura ko na rin ang ibabahagi ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka..
(PLAY NAKAKA- INTRO)
Host/Nancy: Good morning Kaka. Kinukumusta nila, ang pangangalaga ng basura sa ting bayan, may update ba kayon diyan Kaka?
Kaka Ali: Good morning Nancy. I am Fine. (LAUGHING). No problem because the problem is the problem. (LAUGHING). Ganito ko sasagutin ang mga tanong nila, paalaala ang sa atin. Kong tulog ang isang tao, dapat gisingin, kong inaantok dapat painumin mo ng kapeng barako. (LAUGHING).
Matatandaan na dalawang taon ang lumipas mula ng ilunsad ng LGU Upi ang batas tungkol sa pangangalaga ng basura o yaong tinatawag na Upi Municipal ordinance # 3 o “A Comprehensive Ecological Solid Waste Management Ordinance of the Municipality of Upi as Amended”, nitong mga panahon ay tila di na gaanong napag-uusapan ang tungkol sa basura, kaya tama ang texter natin? Dagdag pa ng texter pati na rin ang pagpapatupad ay tila lumalamig na rin.
Kaibigan sang-ayon ako sa sinabi mo, tulad din daw yan sa mag-asawa pag mataghal na ang pagsasama medyo lumalamig ang kanilang mainit na pagmamahalan. (LAUGHING). Natural lang naman dawn a lahat ng mainit lalamig din pag matagal na.. (LAUGHING).
OK Nancy, medyo pormalan natin ng sagot, heto narin ang rerply sa text mo kaibigan, sa mga panahon na ito ay may mga gawain tayong di maiwasan o talaga bang di maiwasan? O ayaw lang talaga natin? Tulad ng pagkain sa mga fastfood.
Ang fastfood ang mga kainan o restaurant na pwede kang omorder ng madalian. Ang mga kainan na ito ay gumagamit ng styro, at ang material na ito ay yari material na hindi basta-basta nabubulok, daan o libong taon bago ito mabulok, dahil gawa ito sa material na plastic.
Alam mo Nancy, kapag ako ay nakasakay sa isang sasakyan at may batang biglang nagtatapon sa bintana ng balat ng kendi, hindi ako nagtataka, subalit kapag matanda ang nagtapon ng basura, halimbawa ay opos ng sigarilyo tumataas ang kilay ko, na ang pagkagulat ay nasusundan ng palihim na pagtingin at naibubulong ko sa sarili na: “Walang Disiplina” (LAUGHING)
“Aywan ko ba kong bakit ang mga Pinoy?”
Ang turing nating mga Pinoy sa ating kapaligiran ay isang malaking basurahan. Tapon doon, tapon dito, ng basura. Mabuti kung mga dahon at papel lang ang itinatapon natin, eh kadalasa’y mga plastik at iba pang bagay na di basta-basta nabubulok.
“Papaano kasi Kaka walang basurahan na mapagtapunan ng basura” sagot ng isang pilosopong kaibigan.
Sabagay kahit ako napapansin ko na halos wala na ring mga basurahan na nakadisplay sa mga tindahan. Kong mayron man ay naghahalo na ang nabubulok at di nabubulok.
Heto pa Nancy, tila lalong malupit ang pagtrato natin sa likas na yamang-tubig. (LAUGHING). Hindi ako nagbibiro, my friend, just look and listen. (LAUGHING).
Tumingin ka ating mga ilog kong may ilog pa (LAUGHING) lalo na sa alinmang ilog–sa mga Siyudad o city ng ating bansa, pati na rin sa mga probinsya–at ang makikita mo ay nagtabakan na mga basura mula sa mga tao, pati na rin sa hayop, nagtambakan sa sa pampang ng mga ilog. Halimbawa ng tinutukoy natin ay sa Maynila, talagang malala ang basura sa ilog. Ang Ilog Pasig na dati rati ay napakalinaw at malalim na ilog ngayon ay tila … never mind, alam na ninyo..
(LAUGHING).
Subalit Kapatid na nanakikinig, hindi lamang ang banta ng basura o polusyon ang panganib na kinakaharap ng ating bansa o ng buong planeta natin. Mayroon pang mas malalaking suliranin na napipintong kaharapin natin kapag hindi tayo nagbago ng kaugalian. Halimbawa, gaya ng pagkakalbo ng mga kagubatan at pagbabago ng klima o yaong tinatawag nilang mga siyentipiko na climate change.
Ngunit para sa ating mga nakatira sa maliit at papaunlad na bansa, tulad ng Pilipinas, mahalaga ang ambag o tulong ng bawat mamamayan, ng bawat Pilipino at Bangsamoro. Kinakailangan ang sama-samang sa pagharap kahit sa simpleng problema, tulad ng basura.
At alam ba ninyo na ang malaking bahagi ng ambag o magagawa ay manggagaling sa ating mga kabataan? Bakit?
Ang mga kabataan kasi ang higit na nakakarami, ang kabataan ang madaling turuan, di tulad ng matanda na makunat turuan.. (LAUGHING)
Sa ngayon ay kasalukuyang hinuhubog o tinuturuan ang mga kabataan sa ating mga paaralan ng mga magagandang manners and etiquettes or what we call good manners and right conduct.
Maam, Sir, bakit hindi natin isama sa ating mga pagbibigay ng mga moral values sa mga kabataan, o sa mga pupil ng mga paaralan ang tamang pangangalaga sa basura. Pwede nating gamitin ang ating batas sa basura, ang Upi Municipal ordinance # 3 o “A Comprehensive Ecological Solid Waste Management Ordinance of the Municipality of Upi as Amended”. O dili naman kaya ay makipag-ugnayan tayo sa MENRO na si Glory Sentillo.
Ako ay Naniniwala Kaibigan na ang napakasimple ngunit mahalagang magagawa nating lahatg ay ang tamang pagtatapon ng basura, at dapat maitanim sa isipan ng bawat kabataan natin. Kinakailangang gawin itong bahagi ng kanyang araw-araw na buhay–ng kanyang sistema–gaya ng paghinga at pagkain o paglalaro at pagdarasal.
“Kaka Ali, tila malabo nang maturuan ang maraming mga nakatatanda.” Text sa ating programa. (LAUGHING). Ito rin ang pangungutyang sabi ng isang kabataan sa akin, minsan pag-usapan ko ito sa isang umpukan ng mga tinedyer.
Tama ka Ting malabo nang maturuan ang mga nakatatanda, papaano kasi para sa kanila, ang buong paligid ay isang malaking basurahan.
Pero Ting may pag-asa pa, lalo na sa inyo na mga kabataan. Noong maliit pa ako, paulit-ulit na ipinaalaala ng aking mga guro at pamilya ang tamang pagtatapon ng basura. Bakit di pa pwedeng i-replay ?
Kung ituturo natin sa ating mga nakababatang kapatid, pinsan, kalaro, estudyante, at iba pang mga bata ang ganitong pananaw, malaki ang tsansang ito’y seryosong sundin ng mga kabataan.
Sa huli ay gusto kong ipaalaala sa mga Kapatid na nanampalataya sa Islam na sinabi ni Propeta Muhammad (SAW) na ang kalinisan ay bahagi ng pananampaltaya.
Sukran, Wassallam.
(PLAY-EXTRO-NAKAKA)
Nutrition Culmination Activity ng Nuro Central Elementary School, tinalakay sa pagpupulong ng mga magulang at guro ng Pre-school kahapon!
July 23, 2011
Nutrition Culmination Activity ng Nuro Central Elementary School, tinalakay sa pagpupulong ng mga magulang at guro ng Pre-school kahapon!
(DXUP BALITA -Noralyn Laguey Bilual )
Nuro, upi (July 23)….Tinalakay nitong Biyernes 22 ng Hulyo ang Nutrition Culmination Activity ng Nuro Central Elementary School (NCES) sa ginanap na pagpupulong ng mga magulang at guro ng mga Pre-schooler sa NCES.
Isasagawa ng programa sa ika-26 ng Hulyo taong kasalukuyan kung saan magkakaroon ng Food Exhibit, gagawa din ng booth bawat grade level at ala una ng hapon ang Coronation ng A1 Child.
Ipinagbigay alam din ng mga Pre-School Teachers na sa September 3 ang Foundation Day ng Pre-Schoolers , , kayat pinaghahandaan na nila ito sa pamamagitan ng pagpapraktis ng sayaw.
Short maong sexy short,puting medyas at puting rubber shoes ang susuotin ng babae habang short with t-shirt naman ang sa mga lalaki.Kulay apple green naman ang t-shirt na susuotin ng mga magulang.
Napagkayarian din na P80.00 ang kabuuang halaga ng kanilang costume kasama na ang trainors fee.
First PTA Board Meeting ng Nuro Central Elementary School, isinagawa kahapon!
First PTA Board Meeting ng Nuro Central Elementary School, isinagawa kahapon!
(DXUP BALITA -Noralyn Laguey Bilual )
Nuro, upi (July 23)….Nagsagawa ng first General Parents Teachers Association (PTA) Board Meeting kahapon (July 22, 2011) at mga Grade Chairman ng Nuro Central Elementary School (NCES).
Ilan sa mga tinalakay dito ang update ng Home Room Parents Teachers Association (HRPTA) Project ng taong 2010-2011, HRPTA 2011-2012, ongoing na proyekto ng General PTA na concrete fencing sa palibot ng paaralan na nilagyan ng round bar ang butas ng mga bakod para hindi dadaan ang mga bata dito.
Napag usapan din ang proyektong playground apparatus, kung saan dapat umano itong bakuran ng cyclone wire palibot para hindi pasukan nang kung sino-sino, maliban sa mga batang mag aaral ng NCES.
Ipinagbigay alam din ang pagkakaroon ng General Assembly Meeting ngayong araw ng linggo,July 24,2011 ala una ng hapon sa Municipal Grandstand,at inaasahang dadalo lahat ang mga magulang ng mga mag- aaral mula Pre-school hanggang grade six dahil mahahalagang bagay ang tatalakayin dito.
Inis at Lungkot, Pwede mo ng Labanan, Ayon kay Doc Willie Ong
July 22, 2011
Inis at Lungkot, Pwede mo ng Labanan, Ayon kay Doc Willie Ong
(July 22, 2011 -Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Bibihira sa ating mga tao ang hindi nakaramdam ng inis o lungkot, at itong inis at lungkot ay nakakabawas ng buhay ng tao, at of course nakakastress, but don’t worry pwede mo ng labanan ang inis at lungkot na ito, samahan ninyo kami ni Kaka Alih, para malaman ninyo..
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali.
Kaka Ali: Maraming salamat Nancy at Magandang umaga . Assallamu alaikum WW.
Tama ka Nancy, pwede na natin labanan ang inis at lungkot. Alam ko ang tanong nila ay Papaanio Kaka Alih? Paano lalabanan ang inis at lungkot? Eh di itanong sa expert…sumangguni tayo kay Dr. Willie T. Ong sa pamamagitan ng kanyang aklat at sa kanyang ring mga sinusulat sa Pilipino Star Ngayon.
Ayon kay Doctor Ong:
“LAHAT ng tao ay may pagkakataong naiinis o nalulungkot sa buhay. Ganyan ang buhay. Minsan ika’y nasa itaas, minsan nasa ibaba.
Agree ako kay Doctor Willie Ong Nancy, based on my true experience. Kayo Nancy, anuy comment bagotayo magpatuloy sa mga payo niDoc.
Nancy: of course naman si lang inis at lungkot kong minsan nauuwi pa ito sa galit (LAUGHING).
Kaka Alih: AKALA KO Nancy ako lang angmarunong mainis at malungkot.. anyway tuloy natin ang mga payo ni Doc Ong at ang comments pala ni Doc, sana daw yaong padalang aklat ay makatulong sa ating mga radio program.
“Bilang doktor, alam ko na kapag may kaaway, mara-ming galit, inis at hindi pagkakaintindihan ang nangyayari.
Heto ang payo ni Dr. Norman Vincent Peale, ang sumulat ng maraming libro ukol sa positive thinking.
1. Pag-aralan mo ang sitwasyon maigi. May nagawa ka bang pagkakamali? Kung mayroon ay magpakumbaba ka at aminin ang iyong kasalanan. Sabihin ang totoo para mawala ang bigat sa iyong dibdib.
Humingi ng tawad sa taong pinag-salahan at humingi rin ng tawad sa Poong Lumikha (Allah).
2. Pag-isipan ng mahinahon at walang halong galit ang mga paratang na binabato sa iyo. Tunay ba ito o hindi? Kung hindi naman tunay ay kalimutan mo na iyan. Huwag mo nang pansinin.
Dapat din daw ay kilalanin mo muna ang mga nagpaparatang sa inyo.
3. Sino ang nagsasalita laban sa iyo? Importante ba ang opinyon nitong tao? May galit ba siya sa iyo o gusto lang niya (talagang) makatulong? Pakinggan mo lang ang mga payo ng mga nagmamalasakit sa iyo.
4. Irespeto ang mga taong nakasakit sa iyo. Patawarin mo sila at maging mabait ka pa rin. Sa ganitong paraan, hindi na lalaki ang away.
5. Humingi ng payo sa pamilya at mga matalik mong kaibigan. Pagkatapos ay timbangin mo kung tama ang kanilang payo sa iyo.
6. Huwag na huwag daanin sa init ng ulo. Pilitin gamitin ang tamang pag-iisip para maabot ang tamang desisyon. Kung galit ka pa, maghintay muna ng isang araw bago isipin muli ang isyu.
7. Tanungin ang sarili, “Masaya ba ako sa aking pagkalungkot o pagkainis?” May taong mahilig mag-self pity, kung saan kinaaawaan nila ang sarili. Hindi ito maganda. Iwaksi ito sa isipan.
8. Magpatawad at magpatawad. Kung may taong nakasakit sa iyo, ipasa-Diyos mo na lang. Hayaan mo na lang na iba ang makaaway niya. Huwag mo na lang pansinin.
9. Ipagdasal ang mga nakasakit sa iyo. Hindi nangangahulugang kailangan mo silang mahalin. Irespeto mo lang. Gawin mo pa rin ang proyekto mo, at hayaan mong gawin niya ang trabaho niya.
10. Ipasa mo ang iyong problema sa Diyos. Tutulungan ka ng Diyos na pa sanin ang mga dina-damdam mo. Maya-maya, hindi mo namalayan ay gumagaan na ang iyong pakiramdam. Magiging masaya at matagumpay ka na muli! Good luck po.
Iyan ang mga payo ni Dr. Willie T. Ong sa araw na itong Biyernes, ang payo nnaman mula sa ting mga relihiyoso, ayon kay Ustadz, kapag nagagalit ang inyong damdamin, naiiinis ka o nalulungkot mag-ablution o mag-abdas, pagkatapos ay magsalah omagsambayang ng sunnah na dalawang rakaah, pagkatapos ay humingi ng kapatawaran at guidance sa Allah. Ang payona ito ni Ustadz ay base sa Hadith ni Propeta Muhammad (SAW)>
Ito ang inyong Kaka Alih, sukran aWassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatu.
Nancy/Host: Mga giliw naming nakikinig, sa isa namang Nakaka mula kay Kaka Alih, sa Lunes muling , abangan ang mga Nakaka mula sa ating segment writer na si Kaka Alih.
(PLAY-NAKAKA)
Mga Payo ni Doc Willie Para Humaba ang Buhay
July 20, 2011
Mga Payo ni Doc Willie Para Humaba ang Buhay
(July 20, 2011 -Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Gusto ba ninyong humaba ang inyong buhay? (BRIDGE MUSIC) Kong ganoon, samahan kami ni Kaka Alih sa ating segment na nakaka, dahil magbibigay siya ng tips para humaba ang inyong buhay, na hinango sa aklat na pinadala nina Dr Willie Ong at Dra Anna Liza Ong…..
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali. Ang inyong mga tips, para humaba ang buhay ng tao..
Kaka Ali: Maraming salamat Nancy at Magandang umaga . Assallamu alaikum WW.
Ang tanong mo kanina Nancy sa ating mga tagapakinig ay Gusto ba ninyong humaba ang inyong buhay? Hindi ba obvious ang tanong na iyon? (LAUGHING) sino ba naman ang taong ayaw humaba ang buhay, lalo yaong mga kumpare natin na bata pa at seksi pa ang asawa.. (LAUGHING).
Nancy bago ko ibigay ang mga tip para humaba ang buhay ng tao, magpasalamat tayo sa mag-asawang Dr Willie at Dra Anna Liza Ong sa pinadala kahapon na package na may laman na 3 set ng aklat. Happy ako kahapon nancy ng matanggap ko ang gift from our “new’ friend na sina Dr Willie Ong and his wife Lisa. Na deliver ng agent of the LBC Cotabato City kahapon July 19, 2011-1030 H ang packaged and I open it immediately with Rex Pablo our newly appointed Admin officer of DXUP FM. The content were three sets of books: “How to Live Longer” second edition; “Altapresyon at Tamang Pangangalaga sa Inyong Puso” and “Sakit sa Puso, Diabetes at Tamang Pagkain” all authored by Dr. Willie T. Ong.
Baka maitanong ninyo, papaano kami nagkakilala nina Dr Ong?
Matandaan ninyo? Last Friday, July 14, 2011 naipost ko ang sinulat na script/article na “Bakit ko Ititigil ang Paninigarilyo?” sa ting blog na http://dxup.multiply.com/ which I quoted the article of Dr Willie T. Ong in Pilipino Star Ngayon, at kinagabihan ay tumawag si Dr Liza sa station, asking our address, but I am not around, kaya noong umaga ng Lunes July 18, ay tinawagan ko si Dr at ang sumagot sa celpon ay si Dr. Liza at kaya tumawag noong Sabado ay dahil gustong kunin ang complete address natin dahil may ipapadalang package.
Para kina Dr. Lisa and Willie in behalf ng aking mga kasama sa DXUP FM at programa na si Nancy Lawan anchor natin sa “Buhay-buhay sa DXUP” maraming salamat po, talagang itong aklat ninyo ay pakikinabangan natin sa mga radio programs ng DXUP at araw-araw na pamumuhay, dahil talagang aklat pangkalusugan (health books) talaga itong pinadala ninyo.
Ipinapanalangin naming na sana ay lumago pa ang inyong buhay at hanapbuhay para marami pa kayong matulungan.
Heto na ang mga tips ni Dr Willie Ong para humaba ang buhay Ninyo.
1) Kumain ng almusal araw-araw. At of course ang dapat ninyong lutuin ay gulay, kong may pera bumili ng sardinas, kanin, gatas, itlog at prutas ay masustansyang almusal.
2) Kumain ng pagkaing may tomato sauce (ketsap at spaghetti sauce) at uminom ng green tea. Panlaban ito sa maraming kanser.
3) Kumain ng maberdeng gulay at mga prutas, tulad ng mansanas, saging at pakwan.
4) Huwag sosobrahan ang kahit anong pagkain. Huwag magpakabusog. Katamtaman lamang ang kainin.
5) Mag-asawa o magkaroon ng kasama sa buhay – Mas mahaba ang buhay ng mga may asawa kumpara sa mga nag-iisa.
6) Tumawa ng 15 minutos bawat araw. Laughter is the best medicine.
7) Magkaroon ng mabait na kaibigan. Makatutulong siya sa pagtanggal ng stress sa buhay.
8) Makipag-sex (sa iyong asawa o permanenteng partner) ng mas madalas. Kontrobersyal itong payo pero napatunayang may katotohanan. Ang pakikipag-sex ay isang uri ng ehersisyo at nakababawas din sa stress.
9) Umiwas sa bisyo at peligro.
10) Matulog ng 7-8 oras bawat araw.
11) Mag-ehersisyo.
12) Inumin lang ang tamang gamot. Itanong muna sa doktor bago uminom ng kahit anong gamot o supplement. Mas mainam na magtanong sa 2 doktor para makasiguro na tama ang iyong iniinom.
13) Umiwas sa araw, usok, alikabok at iba pang polusyon sa lansangan.
14) Mamuhay lamang ayon sa iyong kakayahan. Umiwas sa pagkabaon sa utang.
15) Huwag mag-retiro. Laging ituloy lang ang iyong trabaho.
Ano mga giliw naming tagapakinig, marahil ay naman ay solb na kayo sa mga payo ni Dr Ong, abangan ang iba pang tip ni Doc sa lets Doh it na ibabahagi namanni Lucy, sa susunod na linggo.
Ito ang inyong Kaka Alih, sukran aWassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatu.
Nancy/Host: Mga giliw naming nakikinig, sa isa namangNakaka mula kay Kaka Alih, bukas muling , abangan ang mga Nakaka mula sa ating segment writer na si Kaka Alih.
(PLAY-NAKAKA)
Pagnanakaw
July 19, 2011 (July 19, 2011 -Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Kapag nadinig natin ang katagang pagnanakaw, isa lang pumapasok sa isip natin — ang pagkuha ng gamit ng iba na walang paalam. Alam ba ninyo na sa batas, may dalawang klase nang pagnanakaw ito ang tinatawag na robbery at theft. Para lalo pa ninyong maintintihan makinig kay Kaka Ali, dahil usaping pagnanakaw ang tatalakayin sa ating segment na Nakaka.
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali. Ano ang pagkakaiba ng robbery at theft? Hindi ba pawang pagnanakaw din yan?
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW. Alam mo Nancy tama ka sa sinabi mo kapag nadinig natin ang katagang pagnanakaw, isa lang pumapasok sa isip natin ito ay ang pagkuha ng gamit ng iba na walang paalam o kaya ay puwershang pagkuha ng ibang gamit . Tulad ng sinabi mo na may dalawang klase nang pagnanakaw ito ang tinatawag na robbery at theft.
Tanong: Kailan mo masasabi na robbery ang kaso?
Sagot: Matatawag na robbery ang kaso kapag ang taong gusto mapasa-kanya (intent to gain) ang bagay na pagmamay-ari ng iba ay kinuha ito (taking of personal property) sa pamamagitan dahas (violence) o pananakot (intimidation) o pwersa sa isang bagay (force upon things).
At ito angpakatandaan Kaibigan, na mataas ang parusa ng kasong robbery kung ito ay may kasamang pagpatay (homicide), pananakit (physical injuries), at panggagahasa (rape).
Tinatawag na robbery ang pagpasok sa isang bahay o establisimento sa pagdaan sa butas o bintana, bukod sa pintuan (through an opening not intended for entrance or egress); pagsira ng dingding, bubong, sahig o pintuan; paggamit ng false key, picklocks o kahalintulad na gamit at paggamit ng gawa-gawang pangalan o pagkukunwaring otoridad.
Pagnanakaw o robbery ring maituturing ang pagnanakaw sa pamamagitan ng pagsira ng nakakandadong aparador o baul o ano mang lalagyan na nanakasara o nakakandado.
Nancy: Kaka Alih, ang poagkuha ng Mrs sa bulsa o pitaka ng Mr na hindi pinapaalam, anong tawag doon? (LAUGHING)
Kaka Alih: Ang tawag doon ay “dala adat nin” (LAUGHING) walang respeto.. sa kanya naman yun bakit kailangan pang kunin na di nagpapaalam sa Mr… Sabagay may mga Mister na talagang makunat.. o talangang itinatago yun dahil pinaglalaanan.. (LAUGHING)
Ano naman ang tinatawag na kasong theft ?
Ito ay ang pagkuha ng gamit ng iba o “taking of personal property” Pagkuha ng gamit na may “intent to gain”. Pagkuha ng walang paalam sa may-ari o without the owner’s consent; ano mang pagkuha ng gamit ng iba na hindi gumagamit ng dahas o pananakot ay tinatawag na theft. .
Sa madaling paliwanag pare ko, sa robbery, ang magnanakaw ay gumamit ng dahas, pananakot o pwersa sa isang bagay, samantalang ang kasong theft ay simpleng pagkuha ng bagay na walang paalam sa may-ari na may “intent to gain” o pagnanais na mapasakanya katulad ng pagkuha mo sa pera sa bulsa ng mister mo, o pagsungkit ng butong ng kapit-bahay habang wala sila.. (LAUGHING)
Alam mo ba Nancy na ayon sa pagtatanong ko sa mga estudyante o law student ayon daw sa libro, na theft din maituturing ang hindi pagsauli ng mga bagay na napulot sa tunay nitong may-ari nito?
Ayon sa ating batas, sa article 719 ng ating Civil Code, nakasaad doon na sinuman na makapulot ng isang bagay maliban sa hidden hidden treasure ay inaatasang isuko ito sa kinuukulan, but siguraduhin lang ang taong bibigyan mo ay hindi niya aariin. Ang tamang proseso dito ay ipalalathala sa publiko sa pamamagitan ng media o paglagay ng patalastas sa mga mataong lugar.
Sa mga Masjid at simbahan usually may mga lost & found na lalagyan. Sa DXUP FM bagsakan ito ng lost & found item..
Kung wala pa ring umangkin 6 na buwan ang standard o sinasabi ng batas ang paghihintay, at kong wala ng kumuha may karapatan na ang nakakita o ibibigay na ito sa nakakita.
Ngayon hindi mo ito sinunod at nakita ng may-ari sa kustodiya mo ang bagay na nawala, maari kang kasuhan ng theft.
Alam mo ba Nancy na pagnanakaw na Theft din na maituturing ang pagpasok sa bakuran ng ibang tao para kumuha ng prutas o kahit pagkuha ng siling labuyo? . Kapag nahuli ka ng may-ari at hindi ka patatawarin tiyak may kaso ka, at kapag nalaman ni Lucy an g ating police reporter patay kang bata, headline ka sa police updates. (LAUGHING)
Review sa mga tinuran natin, especially na late tuners (LAUGHING). Ang pagnanakaw ay pagkuha ng mga bagay na hindi mo pag-aari ng walang pag-sang ayon ay nagmamayari. Ang tawag na nagnakaw ay magnanakaw. Kuha mo? (LAUGHING)
Kapag tinatwag tayong “Magnanakaw Ka!” Ito ay hindi tinatanggap ng sinuman na may matinong pag-iisip, dahil hindi maganda, sa paningin, pandinig ng tao, lalo sa sa Poong Maykapal. Pag ito ay ginamit mong pangtawag sa iyong kaibigan, asahan mong mag-aaway kayo (LAUGHING) Yes kahit totoo na nagnakaw, lalo na sigoro kong hindi totoo. (LAUGHING).
Subalit ang pangnanakaw ay hindi lamang mga bagay kundi pati ang oras ay hindi mo pinagsilbihan sa iyong trabo ay pagnanakaw rin.
Payo ng isang retiradong empleyado: “Kung nais mong magtagumpay sa buhay, maging tapat ka sa iyong trabaho.”
Alam ba ninyo sa mga pag-aaral (researched) na 40% ng mga manggagawa ay nagnanakaw sa kanilang trabaho at 20% ay nangangatwirang tama lang ito?
Narito ang ilan sa kanilang mga baluktot na katwiran:
· “Ginagawa rin ng iba ito, e ‘di gawin ko rin.”
· “Mayaman ang kumpanya, hindi ito mapapansin.”
· “Maliit na bagay lang ito, hindi mahahalata.”
· “Maliit magpasuweldo ang kumpanya, may utang sila sa akin, kinukuha ko lang ang para sa akin.”
· “Dapat lang na gawin ko ito para sa akin, nagtatrabaho ako pero hindi tinataasan ng suweldo.”
Huwag mong aksayahin ang oras mo sa trabaho sa paggawa ng ibang bagay pagkat iyan ay isang uri ng pagnanakaw. Ninanakawan mo ang iyong kumpanya ng oras. Huwag kang maging isang masamang tao na madaya kung magtrabaho at walang kabuluhan ang kanyang mga ginagawa. Isapuso at isabuhay ang prinsipyong ito:
“Ang gawang mabuti ay may biyayang taglay” (Biblia sa Akalat na Kawikaan 11:18).
Alam ba ninyo na ang lahat ng relihiyon ay nagpapayo sa sangkatauhan na maging mabuti at huwag gumawa ng masama. .
Ang Islam ay nag-uutos sa atin na huwag tayong magnakaw at gayun din nagbigay ito ng pamamaraan upang ang pagnanakaw ay hindi gawin ng isang tao.
Lahat ng mga pangunahing relihiyon ay nagtuturo na ang pagnanakaw ay isang masamang gawain.
Ang sinumang napatunayan na nagnakaw ay may kaparusahan sa pamamagitan ng pagputol ng kamay ng taong nagnakaw, ito ay base sa Qur’an:
“Ang magnanakaw na lalaki at babae, putulin ang kanilang kamay bilang kabayaran sa kanilang ginawa, at ito ay huwarang parusa mula kay Allah, at si Allah ang Makapangyarihan ang Maawain.” (Qur’an 5:38)
Tinanong natin sa ating mga Aleem (maalam) ano ang “wisdom” ng ganito:
“Ang kabutihang dulot nito ay upang ang mga tao ay magkaroon ng matinding pangingilag sa kasalanang ito. Ngunit gayun pa man ay kapag napatunayang ang pagnanakaw ay nagawa ng tao dahil sa masidhing pangangailangan, halimbawa ay nakapagnakaw siya ng sapat na tinapay upang mapawi ang gutom niya, ayon sa tradisyon ng Propeta Muhammad (SAW) ang tao na ito ay maaring palagpasin sa pagkakataong yaon. Ngunit kung ang pagnanakaw ay dahil sa kasakiman sa bagay at pagmamalabis, parurusahan ito sa harap ng tao upang ito ay hindi na pamarisan.”
Ito ang inyong Kaka Ali, na naghihikayat sa inyong lahat na alamin at paniwalaan natin an gating relihiyong kinaaniban..na tayo ay magpakatotoo.. hanggang sa muli.. sukran aWassalamu Alaikum Warahamtulahi Wabarakatuh.
Celpon (Mobile Phone)
July 18, 2011 (July 18, 2011 -Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Kaibigan Mayroon ka bang celpon? Nakatanggap ka na ba ng text na nagsasabi na ikaw ay nanalo ng milyones? Ano ang ginawa mo? Sa mga nakatanggap at wala pa ng ganitong text makinig kay Kaka Ali, sa ating segment na Nakaka.
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali, May nagtext ba ! ??
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW. Yes Nancy may nagtext sa akin, pero mamaya na natin babasahin. (LAUHING)
Ang Mobile phone o Celpon o selepono ay isang instrumento na ginagamit para makapagtext at makatawag. Depende sa unit, may iba iba pang features ang cellphone gaya nga mp3 player, camera, recorder at marami pang ibang gamit, tulad ng pag-internet.
Ang isang mobile phone, cell phone o kamay telepono ay isang elektronikong aparato na ginagamit upang gumawa ng mga tawag mula sa telepono o mobile phone din sa isang malawak na geographic na lugar,bastat may cell site signal ang mga service providers. Dito sa ating bayan ng Upi, dalawa lamang ang service providers ng celpon, ang SMART at GLOBE, hindi katulad sa ibang bayan na maraming kumpanya ang nagbibigay ng serbisyo.
Ang isang mobile phone ay maaaring gumawa at makatanggap ng mga tawag sa telepono at mula sa pampublikong telepono ng network kung saan kasama ang iba pang mga mobiles at fixed-line na phone sa buong mundo. Ito sa pamamagitan ng pagkonekta sa isang cellular network na ibinigay sa pamamagitan ng isang mobile network operator.
Ang mga modernong mobile phone ay nagbibigay din ng iba’t-ibang mga serbisyo tulad ng text messaging, Multimedia Messaging Service (MMS), email, Internet access, maikling-range wireless na komunikasyon tulad sa Bluetooth , mga aplikasyon ng negosyo, paglalaro (games) at photography (pangkodak-LAUGHING).
Ang mga mobile phone na nag-aalok ng mga mas pangkalahatang kakayahan computing ay tinukoy bilang smartphone.
Alam ba ninyo? Na ang unang komersyal automated na cellular network (1G) ay inilunsad sa Japan sa pamamagitan ng Nippon Telegraph and Telephone Corporation (NTT) nooong 1979, na sinimulan sa Tokyo.
Noong 2001 inilunsad din sa Japan ang 3G (Third Generation) paggamit ng celpon ng kumpanyang Nippon Telegraph and Telephone Corporation (NTT)
Ang karaniwang mga sangkap na natagpuan sa lahat ng mga celpon o selepono ay:
- Baterya , karaniwang ay rechargeable, ito ang nagbibigay ng power sa baterya, kaya kinakailangan ang electrisidad.
- Ang pinaka-karaniwang mekanismo ng selpon ay isang keypad o pindutan, ngunit nitong huli ay touch screen na, matatagpuan ito sa sa latest model na celpon.
Lahat ng mga GSM (Global System for Mobile Communications, originally Groupe Spécial Mobile), phones ay gumamit ng isang SIM card na binigyan ng contact numbering isang service provider.
Sa Pilipinas ay magagamit ang simcard na hindi na nakarehistro ang may-ari nito, samantala sa ibang bansa ay hindi pwedeng magamit ang simcard na hindi nakaregister ang gagamit nito. Sa experience ko sa Malaysia ay isang araw bago mo pwedeng gamitin ang simcard.
Ano ang SIM card?
Ang Subscriber Identity Module o SIM Card, ay humigit-kumulang ang laki ng isang maliit na selyo at ay karaniwang ilagay sa ilalim ng baterya sa hulihan ng ang yunit.
Ang SIM card ay naglalaman ng natatanging serial number at ang dalawang mga password (PIN para sa karaniwang gamitin at PUK unlocking).
Para magamit ang SIM card number, na nagsisilbing account number, kinakailangan din ng SIM card number ang load o cash deposit, pwede itong bayaran sa pamamagitan ng plan o prepaid card o electronic loading. Hindi ka makakatawag o makapagtext kapag walang balance ang account number ninyo.
Sa ngayon ang Pilipinas ang isa sa contestant na “texting capital” sa mundo (LAUGHING)
Nakatanggap ka na ba ng text na nagsasabi na ikaw ay nanalo ng miliyones? Isa daw itong itong scam o panloloko. Nang makatanggap ka ng text na nagsasabi na ikaw ay nanalo ng malaking pera, Ano ang ginawa mo?
Sinasabi doon na tawagin mo si Atty, so and so, para ma-claim ninyo ang inyong panalo.
Pag natawagan mo na ay bibigyan ka ng instruction, na lodan mo ang kanyang number para siya ang makatawag sa inyo. Pag ginawa mo ito ay nakapasok ka na lamabat ng panlilinglang ng grupong ito.
Ano gusto ninyo ng sample? Experience ko mismo ang ibibigay ko na sample. About 9:52 in evening of July 16, 2011, my mobile phone ring and I received a sms from # +639095665023 when I read the message: (I copy as it is written)
Congrats! The AUDITORS of (PCSO) Inform You that your MOBILE SIM# Should one of 3subs. Lucky WINNERS WORTH of (P850,000.00) DURING 23RD ANNIVERSARY CELEBRATION Handog ng P.c.s.o. Pre-draw via electronic On the spot raffle/Dti-permit#5646s2011/for more details I’m P.c.s.o Services information Incharged Atty. Renato T. Gonzales Pls call to claim!!
Kaibigan protektahan ang iyong sarili mula sa hindi inaasahang mga scam ng premyo
- Gamitin ang iyong commonsense-(LAUGHING)
- Huwag magpadala ng anumang pera o magbayad ng anumang bayad sa paghahabol ng isang premyo o mga panalo sa lottery.
- Upang hindi kayo mabiktima ng ganitong text scam, huwag maniwala agad sa mga text messages nagsasabi na kayo ay nanalo ng kahit ano, lalo na kung hindi naman kayo sumali sa contest nila. The rule on sales promos is that winners should be notified by registered mail.
- Kung ikaw ay hinihingan ng kahit anong bayad na “processing fee”, chances are, peke ang contest na ‘yon. Walang legal na contest ang nanghihingi ng bayad o call card upang makuha mo ang premyo.
Nang ipost ko sa aking face book account ang text na ito, napakarami ang nagbigay ng comment, tulad halimbawa ni:
- Mona Muctar: “ nakupo..kakah alih, baka mayari kyo! mga walang magawa sa buhay yan..ilang beses na rin ako nakatanggap ng message na ganyan..MGA TAONG MAY SAYAD SA UTAK YAN..”
- Joan Agustin Quilop: “Ganyn dn po aqu dati 1million dw tpos tnawagan aqu f panu dw ma claim ang prize..sbi ng nagpakilala n atty.bli dw aqu ng smartcard n 3..WORTH 1000,500,300.para dw sa cntrol # gnawa qu ung mga use n cardz ang bngay qu.e ala ng lod.ayun twag xa nagalt e minura qu. Dn..nw my bgo naman clang raket ingat mga ofw my magtxt hnge ng 2long 4 busnez or pakage..dw..dpt kilalanin ntn ung number ng pmlya ntn kc dmi n naloko yng mga tao n yn.”
- Aveen Acuna-Gulo: “marami yan ka’. kwidaw lang
” - Roni Dusaban: “ingat lang sa mga kagaya ni atty.renato t. gonzales..mga manloloko yan..”
- Mona Muctar: “may bago din raket ang mga WALANG HIYANG YAN..may nagtx: “Ito ang bago kong roaming nr..isave mo ito..magpapadala ako ng pakage at pera. ikumusta mo ako kay nanay at tatay..miss ko na kayo” WAAAAH, demonyo talaga..eh, wala na nga akong tatay, nangumusta pa… nireply ko sya..sige, pagdating mo dito, tuloy ka sa libingan ng tatay ko…at isunod na rin kita,…grrr!” (LAUGHING)
- Kiernel Ebrahim: “ wla yan magawa bpa naluko dn c anao kapatid ni misis ganyan dn nanalo dw cla pinabili cla ng tatlong smart card na tag 1,000 ag halaga tapos tnxt nla ung namber sa manloloko ayon awa ng diyos kahit piso wla cla nakuha….d kc nla snabi sa akn sna nabigyan ko cla ng babala….”
- Kiernel Ebrahim: “ yan kc hirap sa ibang tao d nla pinagsasabi para masulo nla ayon 2loy nasulo dn nla ung panloloko sa kanila….buti nalng that time close na LBC kundi magpadala pa sana cla ng cash na 6,000 un kc sabi ng manloloko…..”
- Noraida S. Chio: “ kaka ali daming panloloko na ginagawa ngayon via modern technology. just like kahapon, i received an email from a close friend of mine na head din ng NGO dito sa cotabato, saying na he is in madrid, spain now at nawala ang wallet niya. Lumapit na daw sa embassy dun but wala daw tulong kaya he needs urgent help, pautangin ko daw ng $1,000. ipadala ko daw via western union dun sa friend niya kc nasama daw nawala mga IDs niya. i immediately advised my friend bout it and to safeguard his email address”
Ang sagot ko dito kay maam Noda, ay D2 sa Upi may naloko din nakapaglod na sila ng 6 thousand pesos, nakapadala pa ng 25, 000 pesos, di nila sinabi kasi sikreto daw. Kaya bukas ito ang topic ko sa early morning, please to all FB friends please share your kuwento.
Maraming salamat po s a patuloy ninyong pagsuporta at pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo muli sa ating segment na nakaka ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Tatlo Sugatan sa Motorcycle Accident sa Brgy. Kibleg, Upi
July 15, 2011DXUP FM Balita
Nuro, Upi (July 15) ..Sugatan ang tatlo katao matapos maaksidente sa national highway sa may bandang Kibleg, Upi, ngayong 3:15 ng hapon.
Sa impormasyong nakalap ng DXUP FM, sakay ng motorsiklong may plate number 9267-LE si Edgar Gunsi pauwi ng cotabato city habang pauwi naman mula sa cotabato city sina Al Platon at asawang si Bernadeth, guro ng Darugao Elementary School, sakay ng motorsiklong may plakang 3550MP.
Mabilis umano ang takbo ni Gunsi sa bahagi ng kurbada sa may Barangay Kibleg at makasalubong ang isang motor na minamaneho ni Platon, sa hindi pa napag-alaman na dahilan ay nagsalpukan ang dalawang motor.
Kapwa isinugod ang tatlo sa pinakamalapit na pagamutan ang Datu Blah Sinsuat District Hospital at dahil medyo malubha ang mga pasyente kaya itinuloy na rin sa Cotabato Regional and Medical Center.
Nitong uang buwan ng taon ay may nagkabanggan din na dalawang motorsiklo sa may national highway KM 20 Barangay Labungan, DOS, at sakay ay ang mag-inang si Noralyn Bilual at kanyang anak nasi Jablyn Hurt na kapuwa din nadala sa hospital.
Samantala sa Barangay Nuro ay mahigpit na pinapatupad ng Upi PNP ang 20 KM speed limit.
Hulyo 15 Special Non-working holiday sa ARMM
Hulyo 15 Special Non-working holiday sa ARMM
Balita ni Alih S. Anso
Nuro, Upi (July 15)….Idineklara ni Acting Regional Governor Ansaruddin Adiong of the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang Hulyo 15 bilang special Muslim non-working holiday sa buong rehiyon.
Sa paliwanag ni Atty. Naguib Sinarimbo, ARMM executive secretary, ito bilang pagdiriwang ng “Nisfu Sha’ban” o kalagitnaan ng Shaban, ang ikawalo ng buwan ng Hijri.
Ang ARMM ay nasasakupan ang mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Isabela at Marawi.
Training sa pagtatanim ng rubber sa Barangay Kibucay Sinimulan

Training sa pagtatanim ng rubber sa Barangay Kibucay Sinimulan
DXUP FM Balita
Nuro, Upi (July 15)… SINIMULAN nitong Huwebes ang training sa pagtatanim ng punong rubber sa Barangay Kibucay, Upi, Maguindanao. Participants sa nasabing training ang 300 beneficiaries ng 300 ektaryang lupa na pagtataniman ng rubber.
Hinati sa tatlong batch ang nasabing training na may tig iisang daang katao bawat araw, July 14, 15 at 16.
Ang training ay tinawag na “A training on rubber establishment and management in support to agro-forestry development project “
“Piso-piso” ito ang binubulong ng rubber”. Ayon kay PAO Maguindanao Daud Alagasi Al haj.
Matatandaang sinabi naman ni Wilfredo Batchang Chew na ang rubber ang tanim na walang atabrin.
Sinabi naman ni Atty. Naguib Sinarimbo executive Sec. ng ARMM hindi lamang 300 hectare kundi may 400 hectare pang target para sa mga beneficiaries.
Noong buwan ng Abril ay pinahayag na ni Sinarimbo na sinusulong ng ARMM ang agro-forestry, particular ang pagtatanim ng rubber, ang isa sa pinakamainam na opsyon ng pamahalaan para maisalba ang kagubatan sa ARMM.
Sinabi pa ni Sinarimbo, na maliban sa malaking demand ng rubber sa pandaigdigang pamilihan, mainam din itong gamiting pananim sa nakatiwangwang na malawak na lupain sa rehiyon at pang-iwas sa tuluyang pagkakalbo ng ating kabundukan . (Alih Anso-DXUP FM)
Ramadhan
(July 15 2011 -Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy:
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali,
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.
Ngayong araw ay ika-labin-apat ng Shaban sa Hijri calendar, mamaya pa pagsapit ng Magrib (sunset prayer) sasapit ang ikalabinlima ng Sahaban. Ang oras ng Magrib ngayon araw ay 6:09. Kaugnay pa rin ng Shaban, ngayon araw July 15, ay deklarado ni Acting Regional Governor Ansaruddin Adiong of the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) bilang special non-working holiday sa buong rehiyon.
Sa paliwanag ni Atty. Naguib Sinarimbo, ARMM executive secretary, ito ay bilang pagdiriwang ng “Nisfu Sha’ban” o kalagitnaan ng Shaban, ang ikawalo ng buwan ng Hijri.
Nasasakupan ng ARMM ang mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao del Sur, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at ang mga lungsod ng Isabela at Marawi.
Back to our topic, ang buwan ng Ramadhan ay ang ika-9 na buwan sa Hijri calendar.
Isa pa sa mahalagang pangyayari sa buwan na ito ay ang mga banal na aklat na ipinahayag ng Allah sa nasabi ring buwan kasabay ng Ramadan. Ang Aklat ni Abraham ay ipinahayag sa unang gabi ng Ramadan; ang Torah ay ipinahayag kay Moses sa ika-6 ng Ramadhan; ang Ebanghelyo (magandang balita) Kay Iesa Ibnu Maryam (Jesus, the son of Mary) ay ipinahayag sa ika-13 ng Ramadan… at ang Banal na Qur’an sa ika-23 ng Ramadan.”
Ang buwan ng Shaban-buwan na sinusundan ng Ramadan ay may 29 na araw o 30 araw, ganoon din ang Ramadan na either 29 o 30 araw at ang susunod na buwan at ang ikasampu ay ang buwan ng Shawwal.
Ang mga buwan ng Hijri calendar ay ang mga sumusunod: 1) Muharram, 2) Safar, 3) Rabiul Awal, 4) Rabiul Thaani, 5) Jumadil Awal, 6) Jumadil Thaani, 7) Rajab,
Shaban, 9) Ramadan, 10) Shawwal, 11) ZulAl Qaida at 12) Zul al hijja.
Ulitin ko ngayon ay ika 14 ng Shaban ang ika walong buwan sa hijri calendar, at July 15, mamamaya at about 6:09 ay 15 ng Shaban at ito ang tinatawag nila na “Nisfu Shaban” o kalahati ng Shaban.
Pagsapit ng ika-29 ng buwan ng Shaban, ang pag-niyyat o sighting of the new moon, at ito ay tatapat sa July 30, 2011 at ang Darul Ifta of the Philipines ang naatasan na mamahala at magsasabi kung nasilayan ba ang buwan sa Pilipinas.
Ang Propeta Muhammad (SAW) ay nagsabi: “Huwag (magsimulang) mag‑ayuno hangga’t hindi ninyo nakikita ang bagong buwan, subali’t kung maulap, buuin ang tatlumpung araw ng buwan ng Shaban (ang buwan na sinusundan ng Ramadan); at huwag titigil (sa pag-aayuno) hangga’t hindi ninyo nakikitang muli (ang bagong buwan).” (Bukhari at Muslim)
Ang Ramadan ang ika-9 naman na buwan sa Hijri calendar
Ang kalendaryong Islam, ang Hijri calendar, katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo at ito ay binubuo rin ng labing-dalawang buwan.
Ang Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Gregorian calendar ay hinnago sa solar o hango sa araw.
Ang mga buwan sa kalendaryong solar ay binubuo ng 30 o 31 araw maliban sa buwan ng Pebrero. Ang mga buwan ng Kalendaryong Lunar naman ay binubuo ng 29 o 30 na araw. Kaya’t ang Ramadan ay maaring 29 o 30 na araw.
Samantala mula ng maitatag ang community radio na DXUP , walong na taon na ang nakakaraan, sa pamumuno ng station manager nito na si Mr Mario Debolgado, ay bumuo ng isang programa, bilang pagbibigay galang at pakikiisa sa mga kapatid na Muslim ay isinasahimpapawid ang programang Duyog Ramadan. Ang radio program na ito ay bilang pakikiisa para sa kapayapaan ng mga hindi nanampalatayang Islam sa kanilang mga kapatid na Muslim na nag-aayuno sa buwan ng Ramadhan.
Ang Kalendaryong Lunar ng Islam ay mas maigsi ng labing-isa o labing-dalawang araw kung ihahambing sa Kalendaryong Gregorian o Solar ay umiikot sa buong taon nito. Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magreb.
Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan samantala ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.
Ang mga Muslim sa buwan na ito ng Ramadhan ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa kanilang asawa sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.
Ang mga Muslim sa buong mundo ay nararapat lamang na mag-ayuno ang pinapayuhan na :
- Magbigay ng kawanggawa sa mga mahirap at maralita.
- Igalang ang inyong mga magulang at nakakatanda.
- Maging mabuti sa mga musmos at nakakabata.
- Kumandili sa mga kamag-anak.
- Umiwas magsalita ng anumang hindi nararapat kahit na ibulong man lamang.
- Umiwas tumingin sa anumang hindi nararapat na tingnan.
- Umiwas makinig sa anumang hindi kanaisnais na pakinggan.
- Maging maawain, magiliw at mabait sa mga alila nang sa pagyaon mo, kung kinakailangan, ang iyong mga anak ay makakatanggap ng kasingtulad na pakikitungo ng iba.
Maliban sa pag-aayuno at paghahangad ng mabuting asal, iniuukol ng mga Muslim ang kanilang mga panahon at lakas, sa pananampalata at pagdarasal sa Nag-iisang Panginoon.
Paglipas ng huling araw ng buwan ng Ramadan, ipinagdiriwang naman ng mga Muslim ang ‘Eid al-Fitr o Hariraya Puwasa upang gunitain ang katapusan ng pag-aayuno. Nagsasama-sama sila sa pagdarasal, pagkain, at pagpapalitan ng mga hadiya o regalo (lalung-lalo na para sa mga bata).
At dahil hindi kumakain sa araw ang inyong mga kapatid na Nanamapalataya sa Islam sa buwan ng Ramadhan, ikaw na kapatid na hindi nag-aayuno ay nararapat lamang na huwag kumain o uminom sa harapan o nakikita ng iyong kapatid, dahil tiyak ko matatakam siya.
Ang mga Muslim na nag-aayuno ay kumakain sa madaling araw, bago magbukang liwayway at dahil dito sila ay puyat sa pagtulog, kaya asahan mo na makakatulog o gustong matulog sa araw.
At dahil hindi kumakain at uminom tiyak na gutom at uhaw, kaya nararapat na ikaw na kasamahan niya sa trabaho huwag masyadong bigyan ng mabibigat na trabaho.
Kong magiging bisita mo siya, sa panahon ng Ramadhan, dapat malaman mo na pwedeng kumain ang iyong kapatid na Muslim pagsapit ng takip-silip hanggang bago magbubukang liwayway.
Dapat malaman mo rin na may exempted o pinapayagan na hindi mag-aayuno sa buwan ng Ramadhan, halimbawa ang babaeng nireregla, ang matatanda na kong mag-aayuno ay maapektuhan ang kalusugan, ang mga sanggol na hindi pa umabot sa pito o sampung taon gulang ang edad, ang maglalakbay sa malalayo at ang mga taong wala sa katinuan ng isip.
Kaugnay pa rin ng Ramadhan, tulad ng mga nakaraang mga taon, muling iluulunsad na muli ng ating himpilan ang programang “Duyog Ramadhan” nitong darating na July 30 at magtatapos sa Agosto 30, maririnig mula ika-lima ng hapon hanggang ika pito ng gabi, sa buong buwan ng Ramadhan. Kaya abangan ninyo dahil atin ito, inyo pong programa, “pagari ko, duyog kami” (Kapatid samahan ninyo kami,) .
Maraming salamat pos a patuloy ninyong pagsuporta ang pakikinig sa ating radio program na Buhay-buhay sa DXUP .…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Bakit ko Ititigil ang Paninigarilyo?
July 14, 2011| Bakit ko Ititigil ang Paninigarilyo? |
Bakit ko Ititigil ang Paninigarilyo?
(July 14, 2011 -Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Bakit ko ititigil ang paninigrilyo? Eh isa din itong batayan na tunay na lalaki. Oo nga no bakit dapat mong itigil ang paninigarilyo? Pakinggan ninyo ang ating segment writer na si Kaka Alih, baka masagot ang tanong mo.
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali,
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW. Yes,
Noong una ay di masyado pinapansin ang masamang epekto ng sigarilyo o cigarette (alam na ninyo ang sigarilyo dahil tinalakay na natin ito last week, na ang sigarilyo ay gawa mula sa tabako) subalit nitong mga nakaraang taoon ay may babala na an gating goberno, sadyang nakaka dahil doon mismo pinasulat sa pakete ng sigarilyo ang: “CIGARETTE SMOKING IS DANGEROUS TO YOUR HEALTH” na ang ibig sabihin ay, ang paghitit ng sigarilyo ay banta sa inyong kalusugan. (LAUGHING) but nitong huli ay lalo pang pinatindi dahil ang nakasulat na sa pakete ng sigarilyoay cigarette smoking KILLS! Nakakamatay na! (LAUGHING).
Second the motion ako sa idea nay un ng ating kagawaran ng kalusugan (Department of Health) , dahil ang paninigarilyo ay nakakasama sa ating kalusugan sa maraming paraan.
Papaano? Dahil na rin sa iba’t ibang lason na taglay ng sigarilyong ito, tulad ng nicotine, (isang nakaka-addict na kemikal), carbon monoxide (na sya ring kemikal na nasa tambutso ng mga sasakyan), hydrogen cyanide (kemikal na nasa mga bomba) at marami pang iba ng kemikal na saydayng mapanganib sa kalusuganng tao.
Alam ba ninyo na ayon sa pananaliksik ng mga dalubhasa ay may 400 na iba’t ibang uri ng lason sa karaniwang sigarilyo?
At heto pa ang sadyang nakaka-bahala , ang di ko lang alam kong mababahala kayo nito.
Nancy: Kaka ano ang balita na nakaka….bahala?
Kaka Alih: heto mula sa datos ng kalusugan: “Bawat oras, sampung Pinoy ang pinapatay ng paninigarilyo.”
Nancy: Diyos ko po.! Sumalangit nawa ang kanilang mga kaluluwa.
Kaka Alih: O,o, kaibigan tila yata ayaw mong maniwala sa bilang na namamatay dahil sa paninigarilyo, you want a proof? Narito ang ilang pruweba.
Isa sa pinakasikat o starring na masamang epekto ng paninigarilyo ay ang lung cancer o kanser sa baga.Sabagay di paman nag 100%, dahil 80% porsyento lang naman ng lung cancer ay maiuugnay sa paninigarilyo.
Nancy: May iba pa bang kanser na makukuha sa paninigarilyo?
Kaka Alih: Mayroon pa Nancy, ayon sa pag-aaral, hindi lamang kanser sa baga ang hatid ng sigarilyo, dahil marami pang ibang kanser ang maaaring maidulot ng paninigarilyo, tulad ng kanser sa bibig at lalamunan, kanser sa pantog, kanser sa bato, kanser sa tiyan, kanser sa matris, at mayroon pang di ko na papangalanan, dahil baka maubos ang time ko sa Buhay-buhay sa DXUP. (LAUGHING).
Pero Nancy, listen… akala mo kanser lang ang pwedeng idonate ng sigarilyo? Wrong ! Mali ka! Dahil hindi lamang kanser ang dulot ng paninigarilyo, ito’y nagpapapataas ng probabilidad na magkaroon ng atake sa puso (heart attack) at iba pang uri ng sakit sa puso at mga ugat ng dugo (vascular diseases).
Ang paninigarilyo ay sanhi ring ng COPD, isang malubhang sakit sa baga na may sintomas ng ubo, plema, hapo, hirap sa paghinga, at panghihina. Pinapalala rin ng sigarilyo ang iba pang mga sakit sa baga gaya ng hika (asthma).
Sa mga babae, ang paninigarilyo habang buntis ay maaaring makasira sa pagbubuntis at panganganak; maaaring maagasan o mapaaga ang pangangak ng sanggol at magdulot sa kanyang kamatayan. Sa mga lalaki naman, ang pagyoyosi ay maaaring magdulot sa pagkabaog, kawalan ng abilidad na patigasin ang ari (impotence), at kanser ng ari ng lalaki (penile cancer).
Bukod rito, marami pang sakit ang naiuugnay sa paninigarilyo. Ang yosi ay nakakapagsanhi rin ng bad breath o mabahong hininga at madilaw ng ngipin.
“Eh anong paki nila buhay ko ito, kong mamamatay ako ay hindi naman kayo” sabi ng pilosopong adik na sa paninigarilyo. (LAUGHING).
Kaibigan iyan ang akala mo, bakit wala ka na bang natitirang pagmamahal sa Mrs mo, na kauganay ng buhay mo? (LAUGHING). Wala ka bang natitirang pagmamahal sa mga anak mo? Hindi mo kasi alam na, pag ika’y naninigarilyo, damay pati pamilya mo!
“O..papano mo naman iyan ipapaliwang kaka?” sabad pa rin niyang muli. (LAUGHING).
Nakaka ka rin kaibigan, Pilisopo ka talaga, makinig dahil ipapaliwanag ko. Pag ika’y naninigarilyo, damay pati pamilya mo! Kahit hindi sila naninigarilyo, kung nalalanghap nila ang usok sa paninigarilyo mo ay dinadamay mo ang iyong pamilya sa mga panganib na hatid ng paninigarilyo. Ito ang tinatawag na second-hand smoke, yaong nakakalahng hap ng usok ng sigarilyo mo . Hindi mo ba alam na, napag-alamang lalong ubuhin at hikain ang mga anak ng taong naninigarilyo? Dahil doble na ang nakukuha sakit ang nakakalanghap ng usok ng sigarilyo mo. Masama na ang usok ng sigarilyo, plus pa yaong galing sa katawan mo dahil ang usok ay mula sa inyo. Iyan ang tinatawag na “one plus on” kaya equals two, o di ba doble? simple arithmetic di mo pa makuha,…. kuha mo? (LAUGHING).Heto pa kapatid, ang “second-hand smoke” ay nagiging sanhi din ng kanser, pulmonya, impeksyon sa tainga, mga problema sa paghinga, at marami pa Kapatid.
Ano kaibigan… kuha mo na kong bakit dapat itigil ang paninigarilyo?
“Kaka kumbisido na ako sa paliwanag mo, ang tanong naman ay papaano ko ititigil ang sigarilyo?”
Sandali lang Kaibigan, kukunsulta tayo sa doctor. Heto na ang payo ng Doktor. Ayon sa article ni Dr. Willie T. Ong na nasa Pilipino Star Ngayon, sinagot niya ang tanong mo kaibigan.
Narito ang mga hakbang para matigil ka sa paninigarilyo, Kaibigan.
- Ihanda ang sarili. Alamin ang mga dahilan kung bakit nais tumigil.
- Pagpasyahan at planuhin nang mabuti.
- Magtakda ng petsa kung kailan talaga titigil.
- Umiwas sa tukso. Kaya prepare your CD na tukso layuan mo ako! (LAUGHING) Pansamantalang lumayo muna sa mga kaibigang naninigarilyo rin o kaya ay ipaalam sa kanila ang plano mong huminto na. Itabi ang lahat ng sigarilyo at ashtray sa bahay at opisina. Huwag maglalagay ng sigarilyo sa bulsa.
- Asahan ang pagdating ng tinatawag na withdrawal symptoms. Ano ito? Ito ay isang kondisyon kung saan ang buong katawan ay nakararanas ng masamang pakiramdam at pagkabalisa dala ng biglang pagtigil sa bisyong nakasanayan na. Ang withdrawal symptoms ay mararanasan sa umpisa ngunit ito ay isang senyales na ang katawan ay nag-uumpisa nang humilom.
- Humingi ng suporta mula sa mga kamag-anak, kabiyak at kaibigan.
- Maging abala sa mga iba-ibang gawain. Magkaroon ng mga dagdag na libangan tulad ng sports at pagsasayaw.
- Kunin nang paisa-isang araw ang pagtigil sa paninigarilyo hanggang sa unti-unting makasanayan na hindi ka na gumagamit nito.
- Huwag agad masiraan ng loob kung sa simula ay hindi magtagumpay. Kailangan ang matinding determinasyon para subukan muling huminto. Mag-pursige.
- Imbis na sigarilyo ang ilagay sa bibig, mag nicotine gum ka na lang. Magtanong sa doktor o sa botika tungkol sa tamang paggamit ng Nicotine gum.
Kapatid na gustong itigil ang paninigarilyo pakatandaan itong advise ni Doc Willie: “Ang paghinto sa paninigarilyo ay hindi biro. Kailangan ng tiyaga at determinasyon upang mapanaig ang kagustuhang maitigil ang paninigarilyo, at mapanumbalik ang kalusugan ng katawan.”
Ok pasalamat tayo kay Doc sa magandang advise, maraming salamat Doc, pasalamat din tayo sa Poong Lumikha (Allah) dahil binigyan tayo ng magandang kaisipan, na baguhin ang ating buhay. Alhamdullillah (All Praised be to Allah).
Teamwork
July 12, 2011
(July 12, 2011 -Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Gusto mo ba ng tagumpay ng inyong team o grupo? Ang kailangan ninyo ay pagtutulungan na magkakasama o teamwork, samahan ninyo kami ni Kaka Ali ang ating segment writer sa Nakaka, dahil teamwork ang kanyang tatalakayin.
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali, anong nakaka ang ibabahagi mo ngayon?
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh. Ang payo ng mga expert: “Para makamtan ng team ang tagumpay sa anumang larangan ay kailangan mamayani ang tinatawag na pagtutulungan ng magkakasama o sa wikang banyaga ay teamwork.
Sabi ng mga eksperto, kinakailangan natin ang pakikipag-ugnayan sa iba, sa ating mga kasama lalo na kung tayo ay nasa trabaho. Pagtutulungan ng magkakasama, kailangan para sa tagumpay.
Teamwork o pagtutulungan ng magkakasama ay isang pinagsamang aksyon ng dalawang tao o higit pa, na kung saan ang bawat tao ay tumutulong sa iba’t ibang mga kasanayan at ipinapahayag ang kanyang indibidwal na mga interes at opinyon sa pagkakaisa ng grupo upang makamit ang karaniwang mga layunin. Ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga indibidwal o isahan ay hindi na mahalaga.
Ang pagkakamit ng tagumpay ng grupo ay mabisa at mahusay na pagtutulungan ng magkakasama.
Ang pinaka-epektibong pagtutulungan ng magkakasama ay nagagawa kapag ang lahat ng mga indibidwal na kasangkot ay magkakatugma ang kanilang mga kontribusyon at nagtatrabaho sa isang pare-parehong layunin o objective.
Siguro naman bawat isa sa atin ay may experience na kung paano makisalamuha o makisama sa iba. Subalit aminin natin na hindi lahat ay nakakalam kung paano ang tamang pakikisama para maisagawa ang isang adhikain o layunin.
Alam ba ninyo na ayon sa payo ng mga bihasa: “Saan mang aspeto ng buhay kailangan nating isakatuparan ang kahalagahan ng pagtutulungan ng magkakasama.”
Papaano nga ba tayo gagalaw para masabing may teamwork ang grupo?
Narito ang ilang mahahalagang bagay na kinakailangan ng team ninyo para magtagumpay o magwagi:
Dapat bawat isa ay mayroong kaalaman upang magawa ang isang proyekto o trabaho, ito ang tinatawag na Talento o karunungan. Para makamtan o malaman ng bawat myembro ng team, kinakailangang magkaroon kayo ng mga pagpupulong o meeting. Kinakailangang i-share ng bawat isa ang kanyang nalalaman o expertise sa trabaho, nararapat na ang leader at iba pang membro ay marunong tumanggap ng suggestion o mungkahi. Kung malawak ang kaalaman o knowledge at karanasan na tinataglay ng isang team, magiging daan ito upang makamit ang tagumpay o panalo.
Subalit hindi sapat na talino lamang ang mamayani sa isang team, kundi dapat may sigasig (enthusiasm) din na mamayani sa bawat isa.. Ang ibig sabihin nito ay kailangan magkaroon ng interest ang bawat miyembro at alam kung paano niya gagamitin ang kanyang kaalaman. Dapat ding maging responsible at masipag ang bawat isa upang maging kapakipakinabang sa trabaho. Magiging likas ang kalalabasan ng ating pagsisigasig’ kung nagiging mabuting ehemplo tayo sa iba.
Dapat din may pananagutan ang bawat myembro, hindi lamang sa team kundi sa lahat ng kanyang kagrupo. Dapat din hindi lang tayo responsable sa ating sarili, dapat bawat isa sa grupo ay nakakaalam ng mga plano o yaong tinatawag na well informed, kaya dapat ang team leader ay may sapat na kaalaman sa tinatawag na “management” o “leadership”. Kapag may nakalimutan ang isa sa mga myembro, kailangan itong paalalahanan. Bakit? Kasi po pag may nagkamali o pumalpak sa myembro ng team ninyo, apektado ang buong grupo. Hindi ba?
Nancy: Tama!
Kaka Alih: Sabi na nga ba eh tama! (LAUGHING) Dapat alam natin kung saan siya, ako, tayo magaling at dapat iagapay ang kakayahan ng bawat miyembro ng team sa taglay na kagalingan. Ito ang tinatawag nilang proper management o pamamahala. Dapat bawat isa ay may ginagawa at alam kung ano ang kanyang tina-trabaho. Kung may hindi nalalaman, dapat alam kung sinong lalapitan.
Sabi ni Sir, tandaan kapatid: “Kung ang isang tao ay may talento at enthusiasm ngunit walang oras para magtrabaho, mababalewala ang lahat ng ito.”
Ang availability ng bawat miyembro ay kailangan para makatrabaho bilang isang team. Dapat ang team leader, ang preparation, palaging may substitute sa kanyang plano, ito ang tinatawag nilang plan A, plan B,C, E.. ang ibig kong sabihin dito ay kung ang isa ay wala, sinong gagawa ng kanyang trabaho? But please consider this, hindi lang dahil bakante siya o free-time, consider din ang work-ability ng ipapalit mo. Baka ang ipapalit mo ay hindi alam ang assignment, naku patay kang bata ka, matatalo talaga kayo. (LAUGHING). Kaya dapat sa bawat miyembro present din ang tinatawag na adaptability o may kakayanan na ibagay ang sarili.
Dapat naroon din ang expectation ng bawat isa sa ibang possibilities na mangyayari at alam kung paanong kumilos sa kanyang assignment.
Ang understanding sa members ng team ay kailangan upang ang bawat miyembro ay makapagtrabaho ayon sa kanyang abilidad. Kailangan maging open sa bagong ideya, o suhestiyon. Magkaroon ng bukas na komunikasyon upang maging malinaw sa lahat ang bawat proyekto o adhikaing aabutin.
Matuto tayong respetuhin ang iba nang sa gayon ay naroon din ang respeto nila sa atin. Sa brainstorming, dapat naroon ang laya ng bawat isa na ipaalam ang kanyang opinyon ukol sa isang trabaho nang walang halong pang-iinsulto o pambabastos. Matutong makinig at maging malumanay sa pagtutol sa isang opinyon.
Ilan lamang ito sa gabay kaibigan para makamtan ang susi ng tagumpay ng inyong team o grupo.
Ito ang inyong kateamwork, sa inyong programang Buhay-buhay sa DXUP sa segment na Nakaka… Ang inyong teammate, Kaka Alih ng DXUP.. Sukran and Wassallamu Alaikum Warahmatulahi Wabarakatuh.
6th Graduation Exercises ng STEP-UP isinagawa!
July 11, 2011
6th Graduation Exercises ng STEP-UP isinagawa!
DXUP FM -Lenyrose B. Sunio
Nuro, Upi (July11)..BalitaMasayang idinaos ang 6th Graduation Exercises ng STEP-UP sa Municipal Gymnasium , kahapon July 10,2011.
Tatlumpot anim ang nagsipagtapos kabilang na ang 14 na mga lalaki at 22 na mga Babae ang tinanggap ni Upi Womens Federation President Amelita Piang.
Ang Stop Trafficking and Exploitation of People Through Unlimited Potentials o STEP-UP ay programa ng Visayan Fourm Foundation katuwang ang Upi Womens Federation Incorporated at ng Lokal na pamahalaan na Upi.
Ayon kay Maria Elena Castro – Vice President for Operation ng UWFI mayroon ng 363 ang nakapagtapos .
Ayon pa kay Castro target ng Visayan Forum Founation ang 800 graduates sa loob ng tatlong taon.
Sa 2013 magtatapos na ang nasabing programa.
Ang Skylab o Habal-habal
(July 11, 2011 -Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Nakasakay ka na ba ng skylab? May maishare ka bang kuwento na experience mo sa bagong usong-uso na pampasaherong sasakyan na ito, bakit di mo ishare sa amin ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka, dahil ang topic niya ngayong umaga sa ating nakaka ay ang tungkol sa Habal-habal o skylab.
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali, anong nakaka ang ibabahagi mo? Habal-habal o skylab? .
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW. Yes, Ang skylab o habal-habal ang prepared ko ngayong umaga, kaya sakay na lab este makinig kayo.. -(LAUGHING)
Ang skylab o habal-habal kung tawagin ay isang uri ng sasakyan o transportasyon na karaniwang matatagpuan sa mga bulubundukin at liblib na lugar sa Visayas at Mindanao, at nitong mga dalawang taon na dumaan ay pati na rin ang mga lungsod, tulad ng Cotabato City ay ginagamit na rin nila bilang “de pasahero” (for hire).
Ang tawag na habal-habal ay nagmula daw sa salitang habal, na ayon sa pasalin-salin naman na kuwento, na hanggang ngayon ay di ko parin nave-verify, (LAUGHING) ay nag-ugat daw ito sa salitang Bisaya o Cebuano na ang kahulugan ay: “pagtatalik ng hayop, kung saan ang lalaki ay nasa likod ng babae.”
Ang alam ko Nancy habal-habal ay tiganga sa R’nawon ano sa Teduray?
Nancy: Tiganga din Kaka.
Kaka Alih: “How about the sky lab Kaka Alih, papaano na tinawag naman dito sa Upi na sky-lab, eh pareho naman silang motorcycle for hire.” Tanong ni Maam.
Oo nga no? papaano ba ito natawag na sky lab? Ang alam natin na sky lab ay yaong laboratory sa kalawakan na nasira na minsan ng kinatakutan noon na mahuhulog daw dito sa lupa.
Subalit ayon pa rin sa pasalin-salin na kuwentong barbero-(LAUGHING), bakit kuwentong barbero dahil walang kasiguruhan na kuwento, ang source ay hindi maverify. (LAUGHING).
Ayon sa sinulat ni Kaka Ali sa blog na http://dxup.multiply.com/ , ang word na Skylab ay corrupted word daw o sadyang binago dahil sa kontrebersiya nito. Ang original na word ay sakay na lab, meaning “ ride now my love.” (LAUGHING).
Ayon sa kuwento o joke joke lang, noong unang panahon (di pa nagtatagal,mga ilang taon pa lamang) dahil sa mahirap ang transportation sa bayan ng Upi, motorsiklo ang nakitang sasakyan na maaring panghatid ng mga guro ng kanilang mga asawa o mahal sa buhay sa kanilang mga paaralan na nasa mga liblib na lugar, na ang tanging sasakyan na magagamit noon ay kabayo.
Umaga pa ay ready na si Mister para ihatid si Maam sa kanyang paaralan gamit ang kanyang motorsiklo, syempre mahal niya yun, kaya bago sumakay sasabihin niya kay maam na “Sakay na Love”. (LAUGHING). May nakarinig daw na hindi masyado maintindihan ang word na Love, na kong pronounce pa ay lab, (LAUGHING). sa akala sigoro na ang tawag sa motor na yaon na iyon ay sakay na lab, kaya hayun na tinawag din na sakay na lab. (LAUGHING).
May iba pa akong version na narinig, syempre nakita ng mga ibang mga tao na pwede pa lang itong pagkakitaan ang motorsiklo tulad sa ibang lugar, kaya dito na nagsimula ang pag-gamit sa motorsiklo dito sa Upi, bilang de pasaherong motor kaya lang ang tawag ay skylab na pinaikling sakay na lab. (LAUGHING).
Sa kasalukuyan, ang habal-habal o skylab ay tumutukoy sa isang uri ng pampasaherong motorsiklo na binago at higit na pinatibay upang makasakay ng higit pa sa daming pasahero ng isang ordinaryong motorsiklo.
Ang de pasaherong single motorsiklong ito ang karaniwang ginagamit na sasakyan sa mga lugar na hindi kayang daanan ng mga pampasaherong bus at jeep dahil sa matarik, lubak-lubak at maputik na daanan patungo sa liblib at bulubunduking mga barangay.
Balikan ko lang yong sinabi ko kanina, na mayron din ibang version, kong bakit skylab, ito daw ay kilala sa tawag na Skylab na ayon sa ilan ay hango sa pangalan ng estasyong pangkalawakang nasira at bumulusok pabalik dito sa mundo,at ng panahon na yaon na sinimulang gamitin sa Upi ang panahon na ginamit itong pampasahero.
Alam ba ninyo na may dalawang uri ng Habal-Habal o Skylab?
Yes ayon sa ating pananaliksik, mayroong dalawang anyo ang habal-habal sa Visayas at Mindanao.
Una, ang isang motorsiklo ay dinagdagan ng mga pampatibay sa katawan, nilagyan ng isang upuan sa ibabaw ng tangke ng gasolina, at pinahaba ang upuan sa likuran upang maaaring sakyan ng mula dalawa hanggang sa limang pasahero. Karaniwang pinauupo ang pinakapayat at pinakamaliit na pasahero sa ibabaw ng tangke ng gasolina, sa unahan ng drayber. Ang pinakamataba naman ay pinauupo sa pinaka-gitna upang mabalanse ang motorsiklo. Ang pang-apat, panlima at pang-anim na pasahero ay pinapaupo sa hulian.
Ito ang pinaka-gusto ko kaya pangarap kong maging driver ng skylab.
Nancy: Bakit Kaka Ali, bakit mo pinangarap na maging driver ng skylab?
Kaka Alih: bakit? Kasi yaong pinauupo mo ang pasahero sa harapan ng driver, ang sarap ng buhay ng driver pag chicks na maganda ang nasa kandungan mo. (LAUGHING). Kaya kung ako ang driver, hindi ko pipiliin na paupuin sa tangke ang maliit o payat, kundi yaong maganda at seksi. (LAUGHING). pinakamataba naman ay pinauupo sa pinaka-gitna upang mabalanse ang motorsiklo. Ang pang-apat, panlima at pang-anim na pasahero ay pinapaupo sa hulian.
Ikalawa, wala dito sa Upi kundi doon ako nakakita nito sa may Silangang Mindanao sa Davao at Surigao. Ang isang simpleng motorsiklo ay nilalagyan ng kahoy na pahalang sa likuran ng sasakyan na magsisilbing upuan ng mga tao. Ang kahoy na ito ay binalutan ng goma at supot upang hindi masaktan sa pag-upo ng mga pasahero. Sa pamamaraang ito, maaaring magsakay ng hanggang sa labindalawang (12) pasahero sa motorsiklo. Ang kanilang mga bagahe tulad ng mga bag, isang sakong bigas, mga pinamili sa palengke, manok at kambing, ay itinatali lamang sa mga kahoy na nakakabit sa likuran. Kumplikado ang pamamaraang ito dahil kailangang balansehin ng drayber ang motorsiklo habang umaandar sa matarik at lubak-lubak na daanan.
May mga dahilan o rason bakit nauso ang pag-gamit ng single motocycle na ito.
“Di sapat ang aming capital para bumili ng napakamahal na sasakyan, ang motorsiklo ay mura lang , konting capital lamang di katulad sa jeep” Pahayag ni Jodie isang dating driver ng 6×6 na ngayon ay isa ng driver ng habal-habal or skylab sa mga bulubundukin ng Upi.
Sa bayan ng Upi, ang driver ng skylab ay hindi gumagamit ng proteksyon sa katawan tulad ng helmet, na ito ay requirement ng ahensiya sa mga sakay ng motorsiklo. Bagaman itong mga ilang buwang nakakaraan ay naibalita na natin mahigpit ng tinututukan ng otoridad ang pagpapagamit ng helmet sa mga sakat ng motorsiklo, bilang pangangalaga na rin sa kanilang kaligtasan.
aAnother hirit sa mga driver ng skylab, kong nasa sakop na kayo ng AOR ng Barangay Nuro o nasa poblacion na ang speed limit ay 20 kph, kaya mga driver ingat, baka ang perang para sa pamilya ay mapunta pa sa multa sa kayo ay kaskasirong driver.
Sukran. Wassalam
Anong Malay mo Baka Maka-tsamba!
July 8, 2011
Anong Malay mo Baka Maka-tsamba!
(July 8, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Anong malay mo baka makatsamba! Kapatid makinig sa ibabahagi ni Kaka Alih baka kayo makatsamba (PLAY LAUGHING) .
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali, ano pwede nilang matsambahan sa ating segement na nakaka?
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW. Pag nakinig kayo hindi lamang tsamba kundi sigoradso kayong magwawagi. (PLAY LAUGHING)
Alam mo Nancy? Ang kasabihang “anong malay mo baka makatsamba” ay bukang bibig ng mga kapatid na gustong magkapera o magkaroon ng isang bagay na hindi naman masyadong pinagpapaguran.
Ang madalas na gumagamit nito ng “tsamba” ay ang mga kapatid na mgaa nagsusugal (game of chance), dahil sila ay nagbabasakali na manalo. “Anong malay mo baka makatsamba!” (PLAY LAUGHING)
Alam ba Nancy na May mga kapatid pa ito tsamba?.
Nancy: Bakit kaka may kapatid pa pala ito? Please elaborate. (PLAY LAUGHING)
Kaka Alih: Ang mga kapamilya nito ay: “tsumamba lang” in English ay, just got lucky; “tsumamba din ako”(I finally got lucky); “tsumamba ka lang” (you just got lucky); “tsumamba lang sila” (they just got lucky) at heto pa “mahirap tsumamba nang ganoon” (It’s tough to get lucky that way); “tsambahan lang ito” na ang meaning naman ay this is all a matter of being lucky.
Tsamba (chance) ito ang ugat na salita, pag binabanggit ang salitang tsamba ay Naalaala ko ang isang lumang pelikula na may titulo na “Patsamba-tsamba” , pelikula sa kalagitnaan ng 60’s, isang komedi at love story movie. Ito ay kasaysayan ng isang babaeng mahirap na walang ibang trabaho kundi ang magtinda ng bote na umibig sa isang tambay na isa namang Butangero. Ang mga bida ay sina Nida Blanca, Nida Blanca siya si Bertang Bote, mga tinedyer pa sila dito, katambal niya dito si Bernard Bonnin, Mina Aragon, Menggay, Jose Garcia at Johnny Long, ang iba hindi ko na matandaan, ang naalaala ko lang kasi ang mga kilala kong mga artista.
Ang tanong: “ito ba ay nakakabuti sa ating mga tao?”
“Pag nanalo ka Kaka, makakabuti”. Sagot ng isang mahilig magtaya sa sugal na last two.
Ang tanong kaibigan, how sure na pag may pera ka na bubuti ka na? Marami ng nagkaroon ng maraming pera, subalit hindi pa rin bumubuti.
Marami na akong narinig na nanalo sa sugal subalit lalo pa ring naghihirap ang kabuhayan.
Ayon sa pag-aaral karamihan sa mga nanalo sa larong sugal ay nasa mas mahirap pa na sitwasyon ilang taon matapos niya mapanalunan ang malaking halaga ng pera mula sa sugal. Kokonti, kung mayroon man, ang tapat na ibinigay ang pera para sa mabuti o magandang hangarin.
Para sa mga kapatid na Kristiyano, may tanong: “Ano ba ang sinasabi ng Bibliya tungkol sa pagsusugal? Kasalanan ba ang pagsusugal?”
Heto ang sagot : (http://www.gotquestions.org/tagalog/kasalanan-pagsusugal.html) “Maaaring isalarawan ang pagsusugal na “Pagbabakasakali sa pera upang tangkaing paramihin pa ito sa paraang di pangkaraniwan.” Hindi partikular na hinahatulan ng Bibliya ang pagsusugal, pagpupusta at iba pa. Gayon man, binibigyang babala naman tayo ng Bibliya na umiwas sa pagmamahal sa pera (1 Timoteo 6: 10; Hebreo 13: 5). Hinihikayat rin tayo ng Kasulatan na iwasan ang mga pagtatangkang yumaman sa pinakamadaling paraan” (Mga Kawikaan 13: 11; 23: 5; Mangangaral 5: 10). Ang pagsusugal ay kadalasang nakasentro sa pagmamahal sa salapi at hindi maipagkakailang maraming tao ang natutukso nito dahil sa pangakong madali at mabilis na pagkamal ng kayamanan.
May nagtanong pa ng: Ano ba ang mali sa pagsusugal?
Sabagay, ang pagsusugal ay isang mahirap na isyu dahil kung ginagawa lamang ito ng paminsan minsan at hindi regular o kung may okasyon lang, maaring ito’y pagsasayang ng pera, subalit hindi nangangahulugang ito’y kasamaan. Ang mga tao ay nagsasayang ng pera sa anumang uri ng aktibidad. Ang pagsususugal ay hindi maituturing na mas matinding pagsasayang ng pera kumpara sa palagiang panonood ng sine, pagkain ng mga hindi naman kinakailangang pagkain, o pagbili ng wala namang silbing bagay. Ang katotohanang naaaksaya ang pera sa anupamang bagay ay hindi nagbibigay-matuwid sa pagsusugal. Ang pera ay hindi dapat aksayahin. Ang sobrang pera ay dapat iniimpok para sa mga darating na mga pangangailangan o di kaya ibigay sa gawain ng Panginoon - at hindi dapat sayangin sa pagsusugal.
Sinasabi sa aklat ng Kawikaan 13: 11, “Ang yamang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang yamang pinaghirapan ay pinagpala.”
Winika ng Allah sa Qur’an na “bawal ang pagsusugal” at dahil dito, ang isang bansang nagpapatupad ng Islam ay hindi maaring magbukas ng casino, lotto, sweepstakes, atbp.
“Tinatanong ka nila tungkol sa alak at pagsusugal. Ipahayag: O Propeta, sa mga ito aya may malaking kapinsalaan at ilang kapakinabangan, subalit ang kapinsalaan ay mas malaki kaysa kapakinabangan.” [Surah Al Baqarah 2:219]
Isa pa ring Islamikong panuntunan na sa mga bagay na ipinagbabawal, anumang bagay na makapagbibigay-daan sa pagsasagawa ng mga iyon ay ipinagbabawal din.
Ang pagsusugal ay isa sa mga hindi kanais-nais na gawain na karaniwang ginagawa ng tao. Higit na itinuturing nila ito na isang libangan kaysa sa isang masamang bisyo, balewala ito sa iba kung ito man ay kasalanan o hindi. Naging bahagi na ito sa pamumuhay ng karamihan. Wala nang halaga kung ito man ay nakapipinsala o hindi!
Sa iba ay ginagamit pa itong propesyon o hanap-buhay, ginagamit pa itong paraan upang masunod ang luho sa sarili, makaahon sa kahirapan at iba pa, na sa pag-aakala ay wala itong ibubunga na kasamaan.
“Kung batid nga lamang nila, na ito ay isa sa malaking kasalanan sa harapan ng Allah.” Bahagi ng kuthba (sermon sa Salah saBiyernes) ni Ustadz Ahmad.
Tama ang tionuran ni Ustadz Ahmad, dahil ayon sa pag-aaral, bukod sa pinupukaw ng sugal ang poot sa kalooban ng isa’t isa, lalo sa natatalo, nagbibigay din ito ng immoralidad sa katauhan ng isang tao.
Hindi ito nakapagdudulot ng kabutihan sa tao at kung mayroon man ay napakaliit lamang, na ang hahantungan din sa bandang huli ay pagkawasak at kapahamakan!
Bakit natin ito sinasabi? Sinabi ng Allah. Dahil kailanman ay, hindi maaaring magbunga ng mabuti ang kasamaan, kundi ng kasamaan din! Maliwanag na sinabi ng Allah sa Quran:
“Sabihin (mo sa kanila O’ Muhammad): “Hindi magkatulad ang masama at ang mabuti, kahit na kaakit-akit at nakasisilaw ang idinudulot na kasaganaan ng kasamaan. Samakatuwid! O’ tao na may pang-unawa, Katakutan ninyo nang labis ang Allah (sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal) at mahalin ninyo Siya nang labis (sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng uri ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-utos), upang kayo ay maging matagumpay.”
Kapatid na naniniwala sa Poong Lumikaha, para sa ating kapakanan ang pagbabawal na ito. Sa katunayan, napakabait ng Allah sa atin, ibinigay na Niyang lahat-lahat ang makabubuti para sa atin — ang pinakawastong pamamaraan ng pamumuhay! Subali’t ang iba ay ayaw pa ring pahalagahan ito!
Kong ang ating mga relihiyon o pananampalataya ang ating pagbabasehan ay ang lahat ng uri ng sugal na sangkot ang salapi at mga ari-arian, ay ipinagbawal ng Allah na tulad ng: Lottery, Lotto, Sweeptakes, Casino, Jai-alai, Jueteng, Karera, Sakla, Madyong, Pares-Pares at iba pang mga laro na kauri nito.
Ang masaklap nga lang nito, ay kalat na kalat na sa ating lipunan ang mga ganitong bisyo:
May ilang uri ng sugal na ginawang legal ng pamahalaan, na kinabibilangan ng mga kilalang tao sa lipunan at may malakas na impluwensiya!
At ang iba namang sugal na hindi ginawang legal ng pamahalaan ay nagkalat at naglipana sa kapaligiran!
Paano mapabubuti ang lipunan kung ganitong sistema ang umiiral?
Kong gusto nating magkaroon ng kayamanan o pera, magbanat tayo ng buto, paghirapan natin, sundin natin ang tamang panuntunan ng ating relihiyong pinaniniwalaan.
Ang inyong kapatid, Kaka Alih. Sukran. Wassallam.
Apat na resolusyon-inaprubahan sa 11th Regular Session ng Upi Sangguniang Bayan
July 7, 2011
Apat na resolusyon-inaprubahan sa 11th Regular Session ng Upi Sangguniang Bayan
Balita ni Lenyrose B. Sunio, Hannadi Sarmiento Guiamad at Kaka Alih-DXUP FM Balita
Nuro, Upi (July 7)…Inaprubahan sa 11th Regular session ng Sangguniang bayan kahapon ang apat na mahahalagang resolusyon sa kanilang executive agenda.
Ang session ay pinangunahan ni Vice Mayor Alexis Platon.
Si vice Mayor Platon ay dating nangungunang halal na kasapi ng Sanggunian Bayan, at dahil ang halal na alkalde na si Atty. Ruben Platon ay na-appoint na presidente ng Philippine Public Safety College (PPSC) ang bise alkalde na si Ramon Piang Sr ang pumalit na mayor.
Unang inaprubahan ng konseho ang, paglikha at pagpondo sa dalawang administrative aid na posisyon, sa ilalim ng office of the Municipal Mayor.
Ikalawa, ay ang pagslipat ng position at personnel mula office of the mayor patungo ng office of the municipal treasurer.
Pangatlo ang pag-papalit ng posisyong board secretary, sa administrative V sa office of the board secretary to the sanggunian at pag-upgrade sa salary grade at pagpondo dito at panghuli ang pag-apruba sa pagbibigay ng otoridad sa alkalde na pumasok sa isang kasunduan sa DILG para sa CBMS networking.
At dahil unang session ng buwan, nag-ulat din ang mga miyembro ng SB hinggil sa ibat ibang problema sa kani-kanilang distrito.
Ang Paninigarilyo
Ang Paninigarilyo
(July 7, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Mga naninigarilyo ang nagplano pang manigarilyo, makinig sa ibbahagi ni Kaka Alih, ang ating nakaka na segment writer.. bakit paninigarilyo ang topic niya ngayon sa ating segment na nakaka.
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali.
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW. Ang paninigarilyo ay maituturing na isang bisyo ng mga kabataan at mga matanda din. Ang paninigarilyo ay ang paghithit ng siga na galing sa nasusunog na tabako.
Bago natin ito ituloy pagtuunan muna natin itong tabako na siyang pangunahing ginagamit na material sa paninigarilyo.
Ang tabako (tobacco) ay tanim na kadalasan ay ang ginagamit ay dahon. Maari itong kainin, (kaya kong wala ka ng bigas, nguya ka na lang ng tabako) gamitin bilang organikong pamuksa ng peste at bilang sangkap sa gamot kung gagamitin sa pormang nicotine tartrate. Subalit ang madalas na ginagamitan ng tabako ay sa pamamagitan ay paninigarilyo, pag-nguya, pag-hitit, at may ibang uri pa ng pag-gamit.
Ang tabako ay matagal nang ginagamit ng mga unang tao sa Amerika. Subalit sa pagdating ng mga taga-Europa sa Hilagang Amerika, ito ay naging gamit pangkalakal at panlibang na gamot (recreational drugs).
Di naglaon ay naging sikat ang pag-gamit ng tabako na siyang n nagpaunlad ng ekonomiya ng katimugang bahagi ng Estados Unidos bago ito napalitan ng bulak. Ang bulak ang dating unang produkto ng Amerika.
At ang higit na nagpatanyag pa sa tabako ay pagkatapos ng Digmaang Sibil ng Amerika , may mga pagbabago sa mga pangangailangan dahil dumami ang naninigarilyo at ang mga trabahador sa pagawaan ng sigarilyo ay lumago. Ang produktong ito ay ang nagpaunlad sa mga kompanya ng tabako sa Amerika hanggang sa kalagitnaan ng 1900.
Maraming uri ng mga tabako na napapabilang na mula sa lahi ng Nicotiana. Ang salitang nicotiana (pati na rin ang nicotine) ay pinangalan kay Jean Nicot, isang Pranses na embahador sa Portugal, na sa 1559 ay hinatid ito bilang gamot sa korte ni Catherine de Medici.
Sa gustong kumilala kay Catherine, siya ay may asawa na, dahil maagang nag-asawa sa edad na katorse, diyan sigoro hinango ang pelikulang katorse (LAUGHING). Si Catherine ay isang Italyano na naging asawa ni Haring Henry II ng Pransya.
Balik tabako tayo, ang tabako ay nakakaadik dahil sa taglay nitong nicotina, na sa oras na makahiligan mo ito ay mahirap ng hiwalayan dahil sa linamnam nito.
Pag-usapan natin ang madalas na gamit ng tabako, of course daw, ang paninigarilyo. Sigarilyo ang gamit ng naninigrilyo of course, mayroon ka pa bang ibang naiisip?. (LAUGHING).
Ang sigarilyo ay mula sa salitang Pranses na cigare + ette, na ibig sabihin ay maliit na sigaro. Ito ay isang produktong ginagamit sa pamamagitan ng pagpapausok o paninigarilyo, at gawa mula sa pinong hiwang dahon ng tabako.
At tulad ng nakagisnan ninyo, ang sigarilyo ay sinisindihan sa kabilang dulo na bahagi nito (alangan naman na sa ginatna mo sindihan-LAUGHING) at sa kabila naman ay kung saan maaaring hithitin ang usok, pero ang iba kong walang posporo o walang pansindi ay nginunguya na lamang. (LAUGHING).
Sa kabila ng babala na nakakaadik ang tabako, nakakamatay din ang paninigarilyo. “Bakit may naninigarilyo pa rin?” Oo nga no? bakit may naninigarilyo pang tao? Hindi ba nila alam na ito ay nakakmatay din.
Ayon sa ating pagtatanong ay dahil sa nayaya ng barkada, stress, nakikita sa mga matatanda, nakikita sa TV o patalastas.
“Kaka Ali totoo ba na nakakabaog ang paninigarilyo?” tanong ng isang batang-bata na Mrs.
Yes… may mga pag-aaral na nagpapatunay na ang paninigarilyo ay nakakabaog sa lalaki at babae. Kaya hindi muna kailangan ang condom. (LAUGHING).
Ano ang mga epekto ng paninigarilyo Kaka Ali? Tanong ng isang estudyante.
“Kaka adik na ako sa sigarilyo may solusyon pa ba para matigi ako sa paninigarilyo?” tanong pa muli ni Mrs.
Para sa akin ang solusyon ng paninigarilyo ay sa pag iwas sa mga kaibigan na naadik sa paninigarilyo at para lalo pa itong maiwasan. At dapat kumain ka ng sapat at mga masustansyang pagkain. At ang mabisang solusyon nito ay pag may batas na nag sasabing bawal na ang pag-gamit ng sigarilyo at dapat ding turuan ng mga magulang ang mga anak nila na nakakasama ang pag-gamit ng sigarilyo sa katawan ng isang tao at dapat din tayong makinig sa payo ng mga doctor, na nakakasama sa kalusugan ang paninigarilyo.
Nancy: Kaka ayon sa nakasulat sa etikita sa kaha ng sigarilyo, nabasa ko doon an “SMOKING KILLS”. (LAUGHING).
Kaka Alih: Tama ka Nancy, nakasulat na ngayon sa mga kaha ng sigarilyo ang katagang ang paninigarilyo ay nakakamatay . Binase ng goberno ito marahil sa ulat na 250 ang Pilipinong namamatay araw-araw o may katumbas na 90,00 bawat taon ang namamatay dahil may kaugnayan sa paninigarilyo ng tabako. Ang mga sakit na maaring sanhi ng paninigarilyo ay sakit na cardiovascular, pulmonary, metabolic diseases, at cancers lang naman , (LAUGHING). Lalo na ang lung cancers.
“Kaka gustong tumigil na sa paninigarilyo, paano matitigil ang paninigarilyo?” Tanong ng kumpare na naniwala sa ating tinatalakay.
Matitigil ang paninigarilyo kung titigil na kayong manigarilyo…( SIMPLE )
Kapatid na nakikinig sadyang nakalulungkot isipin na ang paninigarilyo, isang pangunahing dahilan ng pagkakaroon ng kanser sa bibig, lalamunan at baga, ay laganap na sa lipunan. Hindi maitatatwa na may mga Muslim na biktima rin ng bisyong ito. Kanilang ikinakatwiran na ang paninigarilyo ay Makrooh.
Noong ika-17 siglo, nang unang nakarating ang sigarilyo at tabako sa mga Muslim ng Emperyong Ottoman (Ottoman Muslim Empire), karamihan sa mga paham (iskolar) sa Islam ay nagbigay pasiya (alituntunin) sa pamamagitan ng Qiyaas na ang paninigarilyo ay Makrooh, sapagka’t ang tanging alam nilang masamang bunga nito, sa mga panahong iyon, ay ang pagkakaroon ng mabahong hininga. Ang pasiya ay batay sa isang Hadith na ang Propetar ay nagsabi: “Sinumang kumain ng masangsang na halamang ito (bawang) ay hindi dapat pumunta sa Masjid.” Ang mga tao ay nagsabi: “Ito (bawang) ay ipinagbawal! Ito ay ipinagbawal!” Nang ito ay nakarating sa Propetar, siya ay nagsabi “Hindi ko maaaring ipagbawal ang pinahihintulutan ng Allah. Ang tanging amoy lamang nitong halaman (bawang) ang hindi ko nais.” Sa mga sumunod na panahon, kanya ring isinama ang sibuyas at leek sa mga bagay na masangsang (offensive). Katulad ng pagkain ng bawang at sibuyas, ang taong naninigarilyo ay may masamang amoy din na nakaaabala sa ibang nasa Masjid. Bagama’t hindi namamalayan ng isang taong naninigarilyo, kadalasa’y ang kanyang hininga, damit, sasakyan at pamamahay ay may masamang amoy.
Nancy: Sa Islam kasalanan ba ang paninigarilyo?
Kaka Alih: Sa panahon natin ngayon, napatunayan ng mga dalubhasa sa medisina na ang paninigarilyo ay nagiging sanhi ng kanser, bukod pa sa mabahong hininga at iba pang mga karamdaman. Sa pakete pa lamang ay may babalang nakasulat na ang paninigarilyo ay nagbibigay panganib sa kalusugan. Ayon sa mga lathalaing pang-medisina, ang usok ng sigarilyo o tabako ay kinapapalooban ng 4,000 kemikal, karamihan sa mga ito ay kilalang nagdudulot ng kanser. Ang ilan sa mga nakapipinsalang kemikal na ito ay tar, carbon monoxide at nicotine. Ang tar ay may libo-libong kemikal kasama na rito ang nitrogen oxide at hydrogen cyanide na pinanggagalingan ng kanser. Ang carbon monoxide naman ay katulad ng usok na lumalabas sa tambutso ng sasakyan. Ang kemikal na ito, kapag nahalo sa hemoglobin sa daloy ng dugo, ay nagbibigay balakid sa kakayahan ng katawan upang makakuha at makagamit ng oxygen, isang pangunahing sangkap na kailangan ng katawan. Ang paninigarilyo ay nagdudulot sa naninigarilyo at sa lagi nang nakalalanghap ng usok nito ng kawalan ng gana sa pagkain, kanser sa baga, emphysema, asthma, bronchitis, myocardial infraction (atake sa puso), coronary heart disease, at ang laganap na pagtigas ng mga arteries (punong daluyang ugat).
Sa dahilang ang kanser ay kadalasang nakamamatay, ang mga paham o iskolar sa Islam ang nagbigay pasiya sa pamamagitan ng Qiyaas na ang paninigarilyo ay Haraam (kasalanan).
Kaya sa mga kapatid na nanampalataya sa Islam, itigil na ang paninigarilyo. Sukran. Wassalam.
Joint Launching Celebration ng Nutrition Month at Disaster Preparedness Month isinagawa sa Rempes!
July 6, 2011| Joint Launching Celebration ng Nutrition Month at Disaster Preparedness Month isinagawa sa Rempes! |
Joint Launching Celebration ng Nutrition Month at Disaster Preparedness Month isinagawa sa Rempes!
(By: Noralyn Laguey Bilual) DXUP FM Balita
Nuro, Upi (June 6)…Isingawa kamakalawa July 4,2011 sa Dr. Bernabe G. dela Fuente Sr. National High School na dating Rempes National High School ang Joint Launching Celebration ng Nutrition Month at Disaster Preparedness Month.
Ipinaliwanag ni Dexter Supeña Registered Nurse mula sa RN Heals Program na kumatawan kay Municipal Health Officer Dr.Carmelo Esberto ang kahulugan ng tema ng Nutrisyon ngayong taon na “Breastfeeding Tama, Sapat at Ekslusibo”.
Ilan din sa nagbigay ng mensahe ukol sa Disaster Risk Reduction ang Project Manager ng CCF-TDSP Noli Acosta, habang mayroon ding mula sa Bureau of Fire Protection sa pamumuno ni Fire Marshall Luther Opo at kanyang ipinaliwanag ang pagtuturo sa mga kinakailangang paghahanda sa mga sakuna at kalamidad at nagkaroon din ng drill o pagsasanay ng aktuwal kasama ang mga istudyante, guro at School Nurse ng Dr.Bernabe G. dela Fuente Sr. National High School.
Layunin ng nasabing drill na maging handa ang mga kabataan sa panahong may sunog, lindol, baha at iba pang kalamidad.
RHU BOOTH NANGUNA SA CONTEST
LeLucy B. Duce--DXUP FM Balita
Nuro, Upi (June 6)…Nagwagi bilang 1st placer ang booth Number 8 RHU na may puntos na 91.67 % at nagkamit halagang 2,000.00 sa ginawang booth contest bahagi ng 1st Upi Health summit.
2nd place naman Philhealth nutrition at 4Ps booth na may 89.3% at nagkamit ng 1,500.00 at 3rd placer ang booth number 5 Birthing Clinic at may cash prize na 1,000.00 habang may consolation prize naman ang mga booth numbers 2,3,4,6,7, na may tig 500.00.
Nagsilbing hurado sina Emran Mohamad ng Zuelig Family Foundation,Pearl Gariguez Chiong at Cecilia Pelobillo ang Municipal Local Government Operation Officer (MLGOO).
Comprehensive Social Health Program isusulong sa bayan ng Upi!
Comprehensive Social Health Program isusulong sa bayan ng Upi!
Hanadi Sarmiento Guimad -DXUP FM Balita
Nuro, Upi (June 6)…Sinabi kahapon ni Honorable Mayor Ramon A. Piang Sr. sa kanyang mensahe sa idinaos na kauna-unahang Municipal Health Summit na isa sa isusulong ng kanyang administrasyon ang Comprehensive Social Health Insurance Program kung saan ang lahat ng sector ng lipunan ay makikibahagi sa pagsusulong ng maayos na kalusugan ng bawat mamamayan dito sa bayan. Dagdag pa niya, ang kalusugan ay business ng lahat at hindi ng mga health providers lamang.
Isasailalim din sa naturang programa ang pagpapatuloy ng legacy program ni dating Municipal Mayor at ngayon ay Philippine Public Safety College president Atty Ruben Platon na pamamahagi ng libreng Phil Health Cards. Sa kasalukuyan ay mayroon ng mahigit kumulang 1600 Philippine Health enrollees ang bayan ng Upi. Ayon kay Mayor Piang taun-taon umano ay mag-eenrol ang LGU ng karagdagang 1,500 at naniniwala ito na darating ang panahon na magkakaroon ang bawat upian ng pansariling kakayahan pagdating sa pangkalusugang aspeto. Ngunit nilinaw nito na ang unang taon lamang ang babayaran ng LGU at ang susunod na mga taon ay contribution na ng mga card holders.
1st HEALTH SUMMIT SA UPI ISINAGAWA

1st HEALTH SUMMIT SA UPI ISINAGAWA Lucy B. Duce-DXUP FM Balita
Nuro, Upi (June 6)…Isinagawa sa Upi Maguidanao ang kauna unahang Health Summit na dinaluhan nina Upi Mayor Ramon Piang Sr, Upi Vice Mayor Alexis Platon mga Sangguniang Bayan Members Barangay Opisyals ng 23 Barangays, at ibat ibang Stake holders.
Dumalo din si Emran Mohamad mula sa Zuellig Family Foundation.
Sa maikling Programa sa Municipal Gymnasium Binati at pinuri ni Mohamad ang mga stakeholders lalo na ang lokal na pamahalaan ng Upi sa pagiging partner nito sa pagsusulong ng magandang aspeto ng pangkalusugan.
Aktibong nakilahok naman ang mga Barangay Opisyal sa Workshop kung saan sa pamamagitan ng pagguhit ay ipinaalam nito ang kalagayang pangkalusugan sa Upi at pangarap para sa Upi na ipinaliwanag din ng walong grupo.
Maliban sa mga Barangay opisyal at mga BHW ay aktibong nakilahok din ang Philppine Army sa pamumno ni 1LT Jose Philip De Castro at Police Inspector Mark Ian Ramos Deputy Chief of Police.
Nagkaroon din ng Presentation si Dr Carmelo Esberto Municipal Health Officer kaugnay sa kalagayang pangkalusugan mga kahinaan at kalakasan nito at mga programang pangkalusugan.
Makabuluhang nagtapos ang programa sa pamamagitan ng final judging ng mga booth.
ARMM Human capacity Development Chief Adviser Michimasa Numata at Mayor Piang Lumagda sa isang Memorandum of Agreement !
ARMM Human capacity Development Chief Adviser Michimasa Numata at Mayor Piang Lumagda sa isang Memorandum of Agreement !
Lenyrose B. Sunio-DXUP FM Balita
Nuro, Upi (June 6)…Balita Lumagda sa Memorandum of Basic Agreement o MOBA sina ARMM Human Capacity Development Chief Adviser Michimasa Numata bilang representante ng IC net Limited at Upi Mayor Ramon Piang Sr. ukol sa Technology Transfer ng ARMM Human Capacity Development project kung saan nakapaloob ang Goat Raising sa ilalim ng Economic Component nito.
Ang Signing ay isinagawa sa Municipal Conference Hall kahapon ng umaga na sinaksihan ng mga Municipal Councilors, Department heads, barangay officials at mga empleyado ng Lokal na pamahalaan ng Upi.
Ang IC Net Limited ang in-charge sa Extension Period Mula May 2011 hanggang March 2013 sa ARMM kung saan nagpapatuloy ang pagpapatupad ng programang ARMM Human Capacity development Project para sa mga opisyal nito sa pamamagitan ng kooperasyon ng Japan International Cooperation Agency o JICA.
Magpapatuloy din ang pagtrain ng mga magsasaka sa teknolohiya ng pangangalaga ng kambing bilang bahagi din ng pag-tatag ng Halal Industry sa rehiyon.
Diskriminasyon
(July 6, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: Ang bukang bibig ng karamihan pag may hindi napagbigyan o nabigyan ng pansin dahil sa isang kahinaan o pagiging kakaiba nito ay sasabihin na diskriminasyon, ang tanong alam mo ba ang kahulugan ng diskriminasyon? samahan kami ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka dahil ang tatalakayin niya ngayon umaga ay diskriminasyon.
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali.
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.
At ayon sa Wikipedia: To treat one particular group of people less favorably than others because of their race, color, nationality, or ethnic or national origin.
Ang ibig sabihin ng diskriminasyon ay ang hindi pantay na pagtingin sa karapatan, lahi, kulay, o kultura nang isang tao.
Alam ba ninyo na may batas sa Britanya na kinikilala ang dalawang uri ng diskriminasyon? The law in Britain recognizes two kinds of discrimination: direct and indirect. Ito ang tinatawag nilang
· Direct discrimination occurs when a ‘protected characteristic’ such as race, colour, nationality, or ethnic or national origin is used as an explicit reason for discriminating. Ang ibig sabihin nito, ang Direktang diskriminasyon ay nangyayari kapag ang isang ‘protektadong katangian’ gaya ng lahi, kulay, nasyonalidad, o etniko o bayang pinanggalingan ay nagamit na bilang isang malinaw na dahilan para sa nakikitang kaibahan.
· Indirect discrimination occurs when there are provisions, criteria or practices operating, which have the effect of discriminating against certain groups of people, by putting them at a disadvantage compared with others, and which cannot be justified as proportionate. Ang hindi direktang diskriminasyon ay nangyayari kapag may mga batas, pamantayan o kung saan ay mayroon ng epektong nakikita ang kaibahan laban sa ilang mga grupo ng tao, sa pamamagitan ng paglagay sa kanila bilang dehado kumpara sa iba, at kung saan ay hindi maaaring Pantay bilang katimbang.
Ang halimbawa, ay sa paaralan o kawani ng pare-parehong code o design ng damit na maaring hindi katanggap tanggap ang ganoon na design. Ang mga design ng damit Muslim ay mahaba ang manggas o sleeves, at dapat ay nakacover o natatakpan ang kanilang buhok. Kong titingnan mo ang ganito ay masasabi natin hindi uniporme, dahil maiiba ang kanilang design di ba?
Mga tauhan sa isang tindahan sa cofffeshop ay kailangan magsuot ng unipormeng palda, ngunit ang isang Asian manggagawa babae tumanggi para sa relihiyosong dahilan. Ang ganitong kaso ay nangyari subalit nananlo sa hukuman napag-alaman na ang shop ay nagkasala ng hindi direktang diskriminasyon, dahil ang isang malaking bilang ng mga Asian kababaihan ay hindi magagawang sumunod sa mga ganitong patakaran dahil nga sa kanilang relihiyong pinaniniwalaan.
Ang isa pang diskrimisyon ay ang racial discrimination?
Ang racial discrimination ay tungkol sa hindi pagtrato nang maayos sa mga tao dahil sa kanilang lahi. Ang racial discrimination ay ano mang kilos, sadya man o hindi, na magpapailalim sa isang indibidwal dahil sa kanyang lahi. Mayroong ding dalawang uri ng racial discrimination: Tuwiran at di Tuwiran na Diskriminasyon.
Napansin ba ninyo ang napansin ko? Napansin mo ba Nancy?
Nancy: Ang alin Kaka?
Kaka Alih: Madalas na kapag napag-uusapan ang diskriminasyon, lahi kaagad ang unang pumapasok sa ating isip: itim kontra puti; oriental kontra kanluran. Minsan nariyan din ang estado sa buhay, ang taas ng pinag-aralan, pati na ang eskwelahang pinapasukan. Siyempre pa, hindi rin pahuhuli ang itsura: maganda kontra pangit, matangkad kontra pandak, at mataba kontra payat.
Subalit may nabasa ako sa internet, medyo tumaas ang kaliwa kong kilay. Bakit? Sa isang bansa di natin tutukuyin, (bilang pangangalaga ng kanilang dignidad) ang mga bata, madalas na hindi natin maiiwasan ang tuksuhan ng mga ito sa eskwelahan. Isang labinlimang taong gulang na mag-aaral na sobra-sobra ang timbang ang madalas na tampulan ng tukso. Pero imbes na pagbawalan ng mga guro at administrador ng eskwelahan ang mga lokong estudyanteng nanunukso, minabuti pa nilang paalisin o i-kickout ang kawawang matabang estudyante. Kung makapagrason ang mga ito, tila wala silang pinag-aralan. Napakabaluktot ng rason nila na para wala ng tuksuhin ang mga bata, nararapat lamang na alisin ang pinanggagalingan ng tukso. Imbes na makisimpatiya sa matabang mag-aaral at ituro ang tamang pakikipagkapwa-tao sa mga alaskador na estudyante, alam ba ninyo na tila naging pasimuno pa ang paaralang iyon? Paano matututo ng wastong ugali ang mga nasasakupan ng mga ito kung mismong sila’y mapangmata?
Alam mo Nancy ngayon lang ako nakarinig ng ganoon. Ikaw Nancy, may narinig ka?
Nancy: Wala pa Kaka.
Kaka Alih: Tama ka Nancy, ang dito sa atin kasi ang pinatatalsik sa mga eskwelahan ay ang mga basagulero, walang hilig sa pag-aaral, o yung mga nahuhuling gumagawa ng ka-imoralan at siyempre, kagaguhan. Pero sa bansang ito ay iba ang trip nila. Mabuti na lang, swerte tayo dahil ipinanganak tayo dito sa Upi, dito sa Pilipinas dahil kahit paano, karamihan sa mga Pilipino’y marunong din namang makipagkapwa-tao.
Nancy: Tama!
Kaka Alih: Talagang tama ka Nancy, tuloy tayo.
Dito naman tayo sa Diskriminasyon sa Paniniwala.
Ayon sa isang blogger na nagpapakilala ng Voyager: “Wala sa relihiyon yan kundi nasa tao.. siguro nga isa sa malaking factor kung bakit hindi maganda ang pagkakakilala ng ating mga kababayan sa pinas tungkol sa muslim dahil narin sa media at sa nakikita nila minsan sa ugali ng mga ito lalo na sa Quiapo, mga madumi ang paligid nagtitinda ng pirated. Mali rin kasi minsan ang mga nagbabalita sa dyaryo, telebisyon at radyo na pag may Muslim na gumawa ng masama ang tag ng headline ay “muslim pumatay, nahuli sa ganon, etc.etc., pero bakit pag ibang relihiyon ang gumawa di nila masabing: INC nakapatay, Protestante nanghalay, Kristiyano nandukot.. napaka unfair diba?.. isa yan sa dapat pakaingatan ng mga gumagawa ng mga balita na ganyan.. dapat minsan iexplore nila ang paligid nila kung bakit nagiging masama ang isang tao at di dapat unang tinitignan kung ano ang paniniwalang kinaaniban niya.”
Sigoro may friend Voyager, nasasabi nila yun dahil hindi nila alam ang ibig sabihin ng Muslim. Kong alam nila na ang sinasabing Muslim ay tribu o nationality ay hindi nila gagamitin ang term na Muslim. Kong alam nila na ang ibig sabihin ng Muslim ay naniniwala sa Allah, Believer in English, ay hindi nila ito sasabihin. Kong alam lang sana nila na pagka-Muslim ay hindi dahil ikaw ay isang Maguindanaon, Iranun, Meranaw, kundi dahil ang relihiyon mo ay Islam ay hindi nila ito sasabihin na Muslim.
“Hindi din Kaka ang mga taong iyan ay talagang nananadya, nagtapos ng kurso ng law, isang tumanda ng membro ng media, hindi pa niya alam ang ibig sabihin ng Muslim?” ito ang hinanakit na sabi ni Bapa Rakman.
Na.. nana nampamba !.. Bapa Rakman, ang ganyan mga tao ang mahirap paliwanagan, kasi intentional na yan, naghahanap lang yan ng butas para siraan ang mga taong ayaw niya.
Kong minsan din daw may mga diskriminasyon sa membro ng pamilya o sa grupo. Halimbawa, sa kainan, sasabihin mo: “mamaya na kayo kumain, total hindi kayo bisita”. Sagot ni Tasyo, “bakit maam bisita lang ba ang nagugutom ako din” (LAUGHING) Tama ! ka Tasyo, kaya lang sabi ni Leny, pairalin mo naman ang hospitality, naaku Tasyo nawawalan ka na ng mabuting pakikitungo sa inyong panauhin, ugaling Pinoy ang “pagadiadi kano bo” (sa Iranun) give way.
Kong minsan ang salitang diskriminasyon ay naabuso din, kailan?
Ang iba ay ginagawa itong excuse upang makaganti, makapanlait, upang makakuha ng pansin, upang kaawaan.
Kong minsan nagkakaroon ng diskriminasyon dahil ang taong nasa kapangyarihan o kakayahan ay galit sa tao. Hindi na niya ito bibigyan ng pantay na trato dahil galit nga siya doon. At ito ang madalas na dahilan kong bakit mga diskriminasyon, dahil sa galit, inis, pagmamalaki, at higit sa lahat, dahil sa kakulangan ng pananampalataya at paniniwala sa Poong Lumikha o Allah.
Panahon pa tayo matakot sa parusang tatanggapin natin mula sa Lumikha kapag pinairral natin ang diskriminasyon.
Ito ang inyong kapatid na si Kaka Alih, sama-sama at tulong-tulong tayong paunlarin ang ating bayan ng Upi. Sukran .. Wassallam.
Upi Mayor Ramon Piang Sr. Semi-Finalist ng Dangal ng bayan 2011 ng Civil Service Commision
July 5, 2011| Upi Mayor Ramon Piang Sr. Semi-Finalist ng Dangal ng bayan 2011 ng Civil Service Commision | Jul 5, ‘11 8:26 AM for everyone |
Upi Mayor Ramon Piang Sr. Semi-Finalist ng Dangal ng bayan 2011 ng Civil Service Commision
Balita: Lenyrose B. Sunio
Nuro, Upi (July 5)….Semi-Finalist si Upi Mayor Ramon Piang Sr sa Kategoryang Award for Exemplary Conduct and Ethical Behavior o Outstanding Public Officials And Employees na tinaguriangdin “Dangal ng bayan Award.” Ng Civil Service Commission o CSC.
Ilan pa sa mga Finalist :
1. Lucille Abad (Philippine Nuclear Research Institute, Quezon City);
2. David Adongay Jr. (Department of Public Works and Highways, Northern Samar);
3. Josefina Bajade (Provincial Gov. of Agusan del Sur);
4. Helen Cailing (COA Regional Office 12, Cotabato City);
5. Edgardo Chatto (Provincial Gov. of Bohol);
6. Jelyn Duting (Panay Power Corporation, Iloilo City);
7. Joey Fernandez (City Gov. of San Jose Del Monte, Bulacan);
8. Eleanor Javonillo (City Gov. of Antipolo, Rizal);
9.Mary Ann Lee (Philippine Postal Corporation, Manila);
10. Edgar Madlaing (Benguet National High School);
11.Elpidio Malinao (University of the Philippines Los Baños [UPLB], Laguna);
12.John Malis (La Trinidad Water District, Benguet);
13. Eva Marie Medina (City Gov. of Vigan, Ilocos Sur);
14.Flordeliza Monteclaro (National Statistics Office, Calapan City, Oriental Mindoro);
15.Josephine Pacadaljen (Bureau of Jail Management and Penology [BJMP] National Capital Region);
16.Lorna Pulalon (Department of Education-Zamboanga City Division);
17.Rolito Royeras Jr. and Maloney Samaco (City Gov. of Maasin, Southern Leyte);
18.Honorio Soriano Jr. (Pampanga Agricultural College);
19.Broderick Train (Provincial Gov. of Antique);
20.Edgardo Tulin (Visayas State University, Leyte).
Ang Honor and Awards program ng CSC ay isang taunang aktibidad na kumikilala sa mga Government Officials and Employees na nagpakita ng outstanding work performance. Layunin din nitong hikayatin din ang ibang empleyado ng gobyerno na paunlarin pa ang kalidad ng kanilang serbisyo Publiko.
Upi Mayor Ramon Piang Sr. Semi-Finalist ng Dangal ng Bayan 2011 ng Civil Service Commision
Upi Mayor Ramon Piang Sr. Semi-Finalist ng Dangal ng bayan 2011 ng Civil Service Commision
Balita: Lenyrose B. Sunio
Nuro, Upi (July 5)….Semi-Finalist si Upi Mayor Ramon Piang Sr sa Kategoryang Award for Exemplary Conduct and Ethical Behavior o Outstanding Public Officials And Employees na tinaguriangdin “Dangal ng bayan Award.” Ng Civil Service Commission o CSC.
Ilan pa sa mga Finalist :
1. Lucille Abad (Philippine Nuclear Research Institute, Quezon City);
2. David Adongay Jr. (Department of Public Works and Highways, Northern Samar);
3. Josefina Bajade (Provincial Gov. of Agusan del Sur);
4. Helen Cailing (COA Regional Office 12, Cotabato City);
5. Edgardo Chatto (Provincial Gov. of Bohol);
6. Jelyn Duting (Panay Power Corporation, Iloilo City);
7. Joey Fernandez (City Gov. of San Jose Del Monte, Bulacan);
8. Eleanor Javonillo (City Gov. of Antipolo, Rizal);
9.Mary Ann Lee (Philippine Postal Corporation, Manila);
10. Edgar Madlaing (Benguet National High School);
11.Elpidio Malinao (University of the Philippines Los Baños [UPLB], Laguna);
12.John Malis (La Trinidad Water District, Benguet);
13. Eva Marie Medina (City Gov. of Vigan, Ilocos Sur);
14.Flordeliza Monteclaro (National Statistics Office, Calapan City, Oriental Mindoro);
15.Josephine Pacadaljen (Bureau of Jail Management and Penology [BJMP] National Capital Region);
16.Lorna Pulalon (Department of Education-Zamboanga City Division);
17.Rolito Royeras Jr. and Maloney Samaco (City Gov. of Maasin, Southern Leyte);
18.Honorio Soriano Jr. (Pampanga Agricultural College);
19.Broderick Train (Provincial Gov. of Antique);
20.Edgardo Tulin (Visayas State University, Leyte).
Ang Honor and Awards program ng CSC ay isang taunang aktibidad na kumikilala sa mga Government Officials and Employees na nagpakita ng outstanding work performance. Layunin din nitong hikayatin din ang ibang empleyado ng gobyerno na paunlarin pa ang kalidad ng kanilang serbisyo Publiko.
Transmission tower ng NGCP sa North Cotabato, nag-collapse dahil sa baha
Balita: Hanadi Sarmiento Guimad
Nuro, Upi (July 5)…Nag-collapse ang transmission tower ng National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) sa North Cotabato makaraang umapaw ang tubig-baha kahapon ng madaling araw.
Dahil sa nangyaring insidente, nawalan ng supply ng koryente ang Maguindanao at Cotabato City.
Ayon kay Crisente Ferolino, manager ng Cotabato Light and Power Co. (Colight), nag-simula ang brownout sa dalawang area, alas-5:00 kahapon ng umaga.
Nakaranas din ng Brown-out dito sa bayan ng Upi mula alas singko ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon.
Sa statement naman ng NGCP, nag-collapse ang transmission tower na malapit sa Lumayong river sa Kabacan, North Cotabato at naapektuhan din ang katabi nitong transmission tower.
Ang nasabing tower ang nagdadala ng 69 kilovolts (KV) line mula sa Kabacan papuntang Simuay Substation na nagsu-supply ng koryente sa Cotabato City at Maguindanao.
Agad namang inayos ng NGCP ang nasirang tower at tiniyak na naibalik ang supply ng koryente sa mga naapektuhang lugar.
Pag-organisa ng Pulong (Organizing a Meeting)
Pag-organisa ng Pulong (Organizing a Meeting)
(July 5, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: –Ang pagpupulong o meeting ay karaniwan na itong ginagawa ng mga organization, grupo, pamilya at ano pang grupo, ang tanong marunong ka bang mag-meeting? Ano man ang sagot mo kapatid, samahan kami ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.”
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali.
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum Warahamtulllahi Wabarakatuh.
Muli nating tatalakayin ito dahil marami pa ang nangaganilanga nito, alam mo ba Nancy sa kahit sa ibang bansa , ay ginagamit din itong sinulat natin, katunayan nga nitong umaga nakapost sa http://www.filipinosocietyinlofoten.com/blog/2011/05/20/PAG-OORGANISA-NG-PUL0NG-ORGANIZING-THE-MEETING.aspx, ang kabuuan ng ating sinulat, ang masaklap lang nito ay sila daw ang sumulat, sana sinabi na lang na copy paste ni writer Skrevet mula Lofoten, Norway.
PAG-OORGANISA NG PUL0NG (ORGANIZING THE MEETING)
Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa. Ang apat (4) na elemento ng isang organisadong pulong .
1. PAGPAPLANO (PLANNING)
Ang mga sumusonod na tanong ang siyang dapat masagot kapag nagpaplano ng isang pulong:
- Ano ba ang dapat makuha o maaabot ng grupo pagkatapos ng pulong?
- Ano ang magiging epekto sa grupo kapag hindi nagpulong?
- Kung kinakailangang magpulong, linawin ang layunin ng pulong: ito ba ay pagbibigay lamang ng impormasyon? May mga kailangan bang pagpasyahan? Mahalaga ito upang malinaw kung sino dapat ang iimbitahan sa pulong.
MAGKAROON NG MALINAW NA LAYUNIN, KONG BAKIT DAPAT MAY PAGPUPULONG:
- Pagpaplano para sa organisasyon (Planning)
- Pagbibigay impormasyon (may mga dapat ipaalam sa mga kasapi)
- Konsultasyon (may dapat isangguni na hindi kayang sagutin ng ilang membro lamang)
- Paglutas ng problema (may suliranin na dapat magkaisa ang lahat)
- Pagtatasa (evaluation, sa mga nakaraang gawain o proyekto)
2. PAGHAHANDA (ARRANGING)
Sa imbitasyon (by letter, text o verbal), kailangang sabihan ang mga taong dapat dumalo sa pulong: kung kalian (petsa at oras),saan (lugar ng pulong), at ano ang agenda (mga bagay na pag-uusapan) na tatalakayin. Ang paghahanda ay nakadepende rin sa mga particular na tungkulin ng mga tao sa pulong.
- Chairman/President (presiding officer)– kailangang alam nya ang agenda, kung paano patatakbuhin ang pulong, at alam kung paano hahawakan ang mga mahihirap at kontrobersyal na mga isyu.
- Secretary (Kalihim)– kailangan niyang ihanda ang katitikan (minutes of the meeting) o talaan noong nakaraang pulong at iba pang mga ulat at kasulatan ng organisasyon.
- Mga kasapi sa pulong (members)– kailangang pag-aralan nila ang agenda o mga bagay na pag-uusapan para aktibo ang kanilang pakikilahok
SA IMBITASYON DAPAT IPAALAM AT ISULAT ANG MGA PAG UUSAPAN/TATALAKAYIN (Agenda of the Meeting)
a. Pagbubukas ng pulong (date, day, time, and place of meeting)
b. Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong (reading the minutes of the previous meeting)
c. Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman na nakaraang pulong.(pending matters)
d. Pinakamahalagang pag-uusapan (business of the day)
e. Ibang paksa (other matters)
f. Pagtatapos ng pulong (adjournment)
MAGHANDA SA PULONG
a. Ihanda ang lugal, (mesa. Upuan, pagkain kong kinakailangan, palikuran, kasiguruhan o security at iba pa)
b. ang mga gagamitin (pisara o blackboard, chalk or pentel pen at iba pa)
c. pag-aralan (research) ang mga topic na tatalakayin, kong kinakailangan magtalataga
d. ( assign) ng taong mas higit na nakakaalam sa usapin.
3. PAGPOPROSESO (PROCESSING)
Ang pulong ay dapat mayroong mga “rules, procedures o standing orders” kung paano ito patatakbuhin. Sa pangkalahatan, pareho naman ang mga prinsipyo ng mga patakarang (rules) ginagamit ng union, nagkakaiba lang sa mga detalye.
Ang ilang mahahalagang patakaran (rules) ng pulong at ang tungkol sa mga dumalo (attendance) at pagsasagawa ng desisyon.
- Quorum – ito ang bilang ng mga kasapi ng kasama sa pulong na dapat dumalo para maging opisyal ang pulong. Madalas ito ay 50% + 1 ng bilang ng mga inaasahang dadalo sa pulong.
- Consensus – isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinukuha ang nagkakaisang desisyon ng lahat ng mga kasapi sa pulong.
- Simpleng mayorya – isang proseso ng pagdedesisyon ng kung saan kinakailangan ang 50% + 1 (simple majority) ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga nakadalo sa isang opisyal na pulong.
- 2/3 majority – isang proseso ng pagdedesisyon na kung saan kinakailangan ang 2/3 o 66% ng pagsang-ayon o hindi pagsang-ayon ng mga dumalo sa isang opisyal na pulong.
MAGSIMULA AT MAGTAPOS SA TAKDANG ORAS
- Simulan ang pagpupulong sa itinakdang panahon o oras.
- Sikaping matapos ang pagpupulong sa itinakdang oras, alalahanin, ang ibang kasapi ay may iba pang nakatatakdang gagawin.
4. PAGTATALA (RECORDING)
Ang tala ng pulong ay tinatawag na katitikan (minutes) ito ay mahalaga dahil ito ang opisyal na record ng mga desisyon at pinag-uusapan sa pulong. Maaari itong balikan ng organisasyon kung may kinakailangang linawin sa mga nakaraang pag-uusap. Dapat hindi lang ang Kalihim ang magtatala, ang mga kasapi dapat nagtatala rin sila ng hindi nila makalimutan ang pinag-usapan.
MAY MGA MAHAHALAGANG PAPEL SA PULONG
- Pinuno (Chairperson) – tinatawag ding “facilitator” tagpatnubay, o “meeting leader”. Sinisiguro niya na maayos ang takbo ng pag-uusap at pagdedesisyon. Ang chairperson ay parang pulis-trapiko na siyang nagpapaandar o nagpapahinto ng usapan sa pulong:
MGA TUKOY (PATRIKULAR) NA GAWAIN NG CHAIRPERSON
1) Nangunguna at nag-aambag sa usapan.
2) Kumukuha ng impormasyon at paglilinaw tungkol sa mga bagay na pinag-uusapan.
3) Nagbibigay ng karagdagang impormasyon, naglilinaw at nagpapatawa sa mga usapan.
4) Nag-aayos ng sistema ng pulong.
5) Namamagitan sa mga alitan o hindi pagkakaunawaan ng mga kasama sa pulong.
- Secretary – tinatawag ding recorder, minutes-taker, o tagatala. Responsibilidad niya ang sistematikong pagtatala ng mga nagpag-uusapan at desisyon sa pulong. Tungkulin niya na ipaalala kung ano ang dapat pag-uusapan upang hindi mawala sa direksyon ang grupo at upang maging tuloy-tuloy ang pag-uusap.
- Mga kasapi sa Pulong (Members of the Meeting) – sila ang mga aktibong miyembro o kalahok sa pulong. Responsibilidad nila na ipaalala sa Chairperson at Secretary ang kanilang mga gawain. Maaari ding silang magbigay ng mga mungkahi o panukala sa pamamaraan ng pulong. Sila ang nagbabahagi, nagpapaliwanag, nagtatanong, makatuwirang pumumuna at gumagawa ng desisyon.
MGA DAPAT IWASAN SA PULONG
1. Malabong layunin sa pulong – dapat malinaw ang layunin sa pulong, ang may iba’t ibang paksa ang pinag-uusapan at walang direksyon ang pulong ay nakawawalang gana sa mga kasapi.
2. Bara-bara na pulong – walang sistema ang pulong. Ang lahat ay gustong magsalita kaya nagkakagulo, kaya dapat ang “house rules”.
3. Pagtalakay sa napakaraming bagay – hindi na nagiging epektibo ang pulong dahil sa dami ng agenda at pinag-uusapan. Pagod na ang isip ng nagpupulong.
4. Pag-atake sa indibidwal – may mga kasama sa pulong na mahilig umatake o pumuna sa pagkatao ng isang indibidwal. Nagiging personal ang talakayan, kaya’t daihil dito nagkakasamaan ng loob ang mga tao sa pulong.
5. Pag-iwas sa problema – posible sa isang pulong ay hindi ilabas ng mga kasama ang problema ng organisayon. Sa halip, ang binabangit nila ay iba’t iba at walang kabuluhang bagay para maiwasan ang tunay na problema.
6. Kawalan ng pagtitiwala sa isa’t isa – walang ibubunga ang mga pulong na walang pagtitiwala at pagbubukas sa isa’t isa, dito kinakailangan ang “Iklas” manalig ka sa Allah, palaging alalahanin ang kasabihan: “may Makita kang isda sa dagat na wala sa ilog, at may Makita ka na isda na wala naman sa dagat”.
7. Masamang kapaligiran ng pulong – masyadong maingay o magulo ang lugar ng pinagpupulungan kaya hindi magkarinigan. Minsan naman ay napakainit ng lugar o maraming istorbo gaya ng mga usyoso na nanonood, nakikinig o nakikisali, magkakalayo ang mga kinanalagyan ng mga kasamahan, dapat ang pinuno ay nakikita at naririnig ang lahat.
8. Hindi tamang oras ng pagpupulong – ang miting ay hindi dapat natatapat sa alanganing oras – tulad halimbawa ng tanghaling tapat, sobrang gabi o sa oras ng trabaho ng mga manggagawa.
MGA KASAMANG NAKAKAGULO SA PULONG
- Parating Huli – nahihinto ang takbo ng pag-uusap dahil kailangang ipaliwanag at ulitin sa nahuling dumating kung anong nangyari o napag-usapan.
- Maagang Umaalis – umaalis kaagad kahit hindi pa tapos ang pulong. Kadalasan ay hindi siya nakakasama sa pagdedesisyon sa huling bahagi ng pulong at siya pa minsan ang reklamador.
- Sirang Plaka – paulit-ulit ang sinasabi dahil maaaring hindi nakikinig o talagang may kakulitan lang o gumawa ng sariling “papel” o gustong palaging “bida”. Dahil dito, nauubos ang oras ng pulong.
- Parating Nagdududa – anumang tinatalakay sa pulong ay pinagdududahan o pinagsususpetsahan. Ang tingin niya ay laging masama o negatibong balak ang grupo o ang ilang mga kasama. Walang tiwala sa kakayahan ng kasamahan.
- Laging Umiiling-iling – parang laging hindi tanggap ang sinasabi ng mga kasama sa grupo, na sa tuwing sasabihin ang kasamahan ay pailing-iling na walang namang sinasabi.
- Walang Gana – bagamat pisikal na nasa pulong, ang kanyang isip ay nasa ibang lugar at may ibang ginagawa nagbabasa, nagdro-drowing, hikab ng hikab, natutulog, at iba pa, habang nagpupulong.
- Bulungero – nakakainis at nakakailang dahil kahit nagsasalita ang mga kasama sa grupo, bulong siya ng bulong (pangiti-ngiti pa kung minsan) sa kanyang katabi. Para bang may intrigang sinasabi sa katabi niya.
- Daldalero – halos sa buong pulong, siya at siya na lamang ang nagsasalita. Kadalasan din siya ang may pinakamalakas na boses, at madalas ay “out of topic.”
- Tsismoso – nagdadala na kung anu-anong balita, tsismis at intriga na walang katuturan sa pulong. Dahil dito, nauubos ang oras ng pulong sa kanyang mga kuwento.
- Masyadong Marunong – ayaw magpatalo kahit kanino. Ayaw din niyang makinig sa mungkahi ng iba dahil akala niya siya ang palaging tama.
- Paalis alis – habang nagpupulong, paalis-alis (pupunta ng comfort room, tatawag sa telepono o cellpon, makikipagkwentuhan sa iba, at kong ano-ano pa ang pinag-aabalahan) pero pagbalik ang daming tanong.
- Tagasunod - taga-tango at nakikisanay sa lahat ng nangyayari sa pulong at walang sariling opinion, kundi sama-sama lang sa mas maraming kasama.
Ito ang inyong kapatid na si Kaka Alih, sama-sama at tulong-tulong tayong paunlarin ang ating bayan ng Upi. Sukran .. Wassallam.
Kailan matatawag na maunlad ang isang Pamayanan
July 4, 2011
Kailan matatawag na maunlad ang isang Pamayanan
(July 1, 2011 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Nancy Lawan)
Host/Nancy: – “Kailan matatawag na maunlad ang isang bansa pamayanan? Ano man ang sagot mo kapatid, samahan kami ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.”
(Play- Intro-Nakaka)
Host/Nancy: Magandang umaga, Kaka Ali.
Kaka Ali: Magandang umaga Nancy. Assallamu alaikum WW.
Ang tanong kanina ni Nancy ay: “kailan matatawag na maunlad ang isang bansa pamayanan?” alam mo Nancy, ang kaunlaran ay isang kondisyong mahirap bigyan ng aktwal na kahulugan.
Ang kaunlaran ay nababatay sa pananaw ng isang bansa o pamayanan at pagpapakahulugan ng mga mamamayan nito.
Mga palatandaan ng isang bansang maunlad:
Maunlad na kabuhayan o ekonomiya, kasaganaan sa pagkain,
Ayon sa ulat ay ganito sinasabi: “Ang Pilipinas ay isang papaunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Noong 2004, ito ay nasa ika-24 na pwesto ng World Bank ayon sa kanyang purchasing power parity. Ang Pilipinas ay isa sa mga bagong bansa sa mundo na nagiging industriyalisado.”
Totoo na ba ito? Hndi sasabihin na oo o hindi, para hindi na tayo magtalo dito. To see si to believe na lang tayo. (LAUGHING) Dahil nasa demokratikong bansa tayo, kayo ang makapagpagsasabi kong totoo ang ulat .
Maunlad na kultura
Maunlad ang isang pamayanan kapag intact ang kultura? O ang mga kultura nito ay naghalo-halo o nahaluaan ng mga ibang kultura?
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito.
Maunlad ang isang pamayanan kapag ang mga mamamayan nito ay modern o makabago na ang ginagamit na kagamitan at teknolohiya.
Sa ating bayan o bansa ngayon ay hindi na maitatatuwa na marami ng makabago na teknolohiya na ginagamit ng mga mamamayan natin, tulad ng internet, cable tv, mobile phones, ngunit ang maitatanong muli natin maunlad na ba tayo? Dahil may mobile phone o celpon akong may camera, recorder, maka-acess sa internet o wifi-(wireless fidelity). Ang gamit nito “is to connect two or more computers without wires.”
Mataas na antas ng edukasyon.
Ang pagdami ng mag-aaral sa ating mga paaralan ay talagang hindi na matatawaran katunayan pa ay halos lahat ng lugar sa bansa ay kulang na kulang ang mga silid aralan sa dahil sa pagdami ng magsisipag-aral. Kahit saan sa bansa ay mga kolehiyo o Universidad. Tumaas na ba talaga ang antas ng education natin sa bansa? Masasabi ba nating mataas na ang antas ng edukasyon sa isang bansa pa gang mga mamamayan nito ay mga propesyonal na, Doctor, Engr. ?
Mabilis na pagsulong ng ekonomiya at mga industriyang gumagamit ng makinarya na nagdudulot ng malawakang produksyon.
Halos wala ang mga kalabaw na ginagamit sa mga pag-aararo, kundi ang makikita mo sa bukid ay mga traktora. Pero maririnig mo pa rin na kinukulang tayo ng bigas kaya kinakailangan umangkat tayo ng bigas sa ibang bansa. Ngayon tanong, maunlad na b a tayo Kapatid?
Nakararanas ang mga mamamayan ng kalayaan sa pagsasalita, pagsulat, pagtititipon
Malayang paghahalal ng kanilang mga opisyal o maunlad na pulitika.
Totoo bang malaya na tayong maghalal ng ating gusto? O naghihintay pa tayo ng mabigyan ng “regalo” mula sa mga kandidato bago natin sila iboboto? (LAUGHING)
“Malaya na tayo Kaka, ngunit tayo ang pilit na nagpapatali n gating sarili, dahil ang malayang manok ay kinakailangan magkahig ng kanyang makakain, samantala ang nakataling manok ay pinakakain ng kanyang tagapag-alaga ng mabibitaminang pagkain”. Paliwanag ng isang sabungerong Kumpare natin.
Ang mga tanda ay puwede nating subukan sa ating bayan o sa ating bansa kong mayroon na ba nito sa atin at dahil mayroon nito ay masasabi na ba natin na maunlad na ang ating bayan o pamayanan.
“Ang tunay na kaunlaran ay kaunlaran sa pananampalataya, kapag matatag at malakas ang iyong paniniwala sa relihiyong pinaniniwalaan ay iyon ang matatawag kong kaunlaran.” Sabi ni Ustadz Ahmad.
Buweno kapatid kong di mo kayang paunlarin ang lahat n gating pinag-usapan, kahit isa lamang dito ay kaunlaran ng matatawag para sa akin.
Ito ang inyong kapatid na si Kaka Alih, sama-sama at tulong-tulong tayong paunlarin ang ating bayan ng Upi. Sukran .. Wassallam.
21 Arabic Kinder Pupils sa Madraza Darussalam Al Islamie, nagsipagtapos kahapon!

21 Arabic Kinder Pupils sa Madraza Darussalam Al Islamie, nagsipagtapos kahapon!
DXUP Balita ni Hannadi Sarmiento Guiamad
Nuro, Upi (July 3).. Tinanggap ng kinatawan ni Ustadz Ahmad Mamalangkas ang chairman ng Tarbiya Wataalim na si Ustadz Esmael Haron ang 21 nagsipagtapos ng Kinder sa Madraza Darussalam Al Islamie kahapon ika-tatlo ng Hulyo taong kasalukuyan.
Sa nasabing closing program naging panauhing pandangal si Hon Hadji Guiamel Abutazil at kanyang ipinahayag sa mga magulang at graduates na isa mga sinusuportahan ng LGU Upi na Madraza ay ang Madraza Darussalam Al Islamie, na nasa Barangay Nuro.
Mula ng maupo bilang alkalde si Mayor Ramon Piang Sr. ay sinuportahan na ng kanyang administarsyon ang mga paaralan na kulang sa mga guro kasama na dito ang mga paaralan na ang medium ay Arabic.
Dumalo din ang mga opisyal ng Barangay Nuro na sina Kagawad Norodin Lidasan, Kagawad Bai Noraida Labungan at Kagawad Beth Abas sa nasabing closing program.
Pinahayag naman ni Rakim Sinsay, vice president ng PTA ng Madraza Darusallam na ang enrollment para sa susunod na school year ay magsisimula na sa July 9 at ang klase ay sa July 16 nitong taon.
































