DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » July 2008

Nutrition Month Celebration ng SFHS, naging matagumpay!

July 31, 2008

(Balita ni JC Hope D. Cariño-July 31, 2008-Miyerkules)  

 Nuro, Upi………Tagumpay na idinaos ang Nutrition Month Celebration ng Saint Francis High School sa Upi, Shariff Kabunsuan noong July 24 at 25.

Slogan writing contest, poster making contest, essay writing, nutrition quiz bowl, parlor games, at booth display ang ilan sa mga patimpalak na nilahukan ng mga panauhin mula sa anim na dibisyon.

Nagkaroon din ng forum o lecture na pinangunahan ni Mrs. Jacqueline F. Gamit hinggil sa tema ng nutrisyon ngayong taon na, “Sa wastong nutrisyon ni mommy, siguradong Healthy si Baby.”

Tampok naman sa hapon sa SFHS Social Hall ang nutrition jingle contest na pinaglabanan ng bawat pangkat, at ang inabangang “Search for Mr. and Ms. Nutrition 2008.”

Itinanghal na reyna si Riza Mae Deaño, at ang hari ay si Joshua Pastorin. Bagamat umulan ng napakalaks, naging masaya pa rin ang ginawang pageant at ayon nga kay G. Aguinaldo Rangaban, Jr., “ Kahit umulan pa ng malakas, tuloy pa rin ang palabas.”
Posted by dxupfm at 4:06 pm | permalink | comments[1]

Mga magsasaka ng mais sa Upi, malungkot sa mababang buying price ng mais.

  

Baita ni Lolita Savariz-July 31, 2008-Miyerkules)  

 Nuro, UpiNAGPAHAYAG NG KALUNGKUTAN ang mga magsasaka sa Upi, Shariff Kabunsuan dahil sa patuloy na pagbaba ng buying price ng mais nitong nakalipas na mga araw.

Ayon kay corn buyer Hadji Macmod Salipada kahapon lang ay P9.80 bawat kilo ang buying price ngunit ngayon ay bumaba pa ito at naging P9.70 na lang ang bawat kilo.

Idinagdag ni Salipada na marami na ang supply ng mais sa Upi kayat mura ang kanyang pagbili.

Ayon sa ilang mga magsasaka, hirap ang kanilang kalagayan ngayon dahil habang tumataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, bumababa naman ang pagbili ng mga negosyante ng kanilang produkto.

Posted by dxupfm at 4:03 pm | permalink | Add comment

GAGAWIN ngayong araw ang regular meeting ng Upi municipal peace and order council o MPOC.

Balita ni Maria Cristina Rona Piang-July 31, 2008-Miyerkules)  

 

Nuro, UpiAyon kay MPOC chairperson at Mayor Ramon Piang Sr tatalakayin sa pulong ang mga isyung may kinalaman sa kaayusan at kapayapaan ng bayan.

Inaasahan ang pagdalo ng mga kasapi ng MPOC na kinabibilangan ng mga barangay official, municipal officials, kinatawan mula sa mga government line agencies, school officials, non government and peoples organizations, PNP at AFP at iba pang stakeholders.

Posibleng maging tampok sa pulong ang mga kaso ng nakawan ng hayop at iba pang krimen sa bayan at kung paano ito mabibigyan ng solusyon. (Para sa DXMS Bantayan, Nenita Minted ng DXUP naninindigan para sa katotohanan)

Posted by dxupfm at 3:58 pm | permalink | comments[2]

Walong kaso ng nakawan ng hayop, naitala ng PNP sa Upi mula Enero.

 

Balita ni Nineta Minted-July 31, 2008-Miyerkules)  

 

Nuro, UpiUMAABOT sa walong kaso ng nakawan ng hayop o cattle rustling ang naitala ng PNP sa Upi, Shariff Kabunsuan mula Enero ngayong taon.

Sinabi ni police investigator PO2 Carlo James Clarete na ito ay mas mababa kumpara noong 2007 kung saan nakapagtala ang PNP ng 10 kaso mula Enero hanggang Hulyo.

Ayon kay Clarete kahirapan sa buhay ang nakikita nilang pangunahing dahilan ng nakawan ng hayop.

Posibleng organisadong grupo ang nasa likod ng serye ng pagnanakaw na ito batay sa police intelligence report, ayon kay Clarete.

Karamihan sa mga ninanakaw ay baka at kalabaw.

Dahil dito, nanawagan si Clarete sa taumbayan na maging mapagbantay at alerto upang hindi mabiktima ng cattle rustling.

Posted by dxupfm at 3:54 pm | permalink | comments[1]

Nutrition month celebration sa Upi, Shariff kabunsuan, pormal nang nagtapos.

(Ulat ni Noralyn Bilual July 31, 2008-Miyerkules)  

Nuro, Upi……PORMAL nang nagtapos ang nutrition month celebration sa Upi, Shariff Kabunsuan kahapon.

Tampok sa culminating program sa municipal gymnasium ang mga ina at mga preschooler mula sa ibat-ibang barangay ng Upi.

Dumalo ang mga ina at mga kababaihan sa pangunguna ni Upi Women’s Federation president Amelita Piang.

Dumalo din sina town Councilor  Ma. Elena II Castro, Social welfare officer Marilou Diestro at mga day-care worker mula sa 23 barangays.

Sinabi ni Diestro na layunin ng isang buwang selebrasyon ay maunawaan ng mga ina ang kahalagahan ng tamang nutrition.

Tema ng selebrasyon ay “SA WASTONG NUTRISYON NI MOMMY TIYAK ANG KALUSUGAN NI BABY.”

Tampok din sa okasyon ang pag-display ng mga prutas at gulay na sagana sa nutrisyon.  Kasama rin sa programa ang pa-kontest sa pag-awit at pagsayaw.

 

Posted by dxupfm at 3:51 pm | permalink | comments[10]

Batas para sa kalikasan, ipinatutupad na sa Upi, Barangay Nuro, malinis na.

 (Ulat Lucy Billones -Duce- July 31, 2008-Miyerkules)  

Nuro, Upi…… Upang mapalakas ang kampanya sa pangangalaga sa kalikasan, puspusan ang pagpapatupad ng municipal ordinance No. 3 o ang Ecological Solid Waste Management Program ( ESWM) sa Upi, Shariff Kabunsuan.

Sa ngayon, ayon kay municipal environment and natural resources officer Glory Centillo, abala sila sa information dissemination upang maunawaan at tuparin ng mga mamamayan ang ordinansa.

Kabilang dito ang paglalagay ng mga billboard sa mga estratehikong lugar at pamplet o babasahin sa mga mamamayan.

Sinabi ni Centillo na may parusa o multa ang mga mapapatunayang lumabag sa naturang ordinansa.

Dahil sa batas na ito, malinis at maganda na ang bayan ng Upi.  Umaani rin ng suporta sa lahat ng sektor ang programang ito ng lokal na pamahalaan.

Ayon kay Centillo, ang pangangalaga sa kalikasan ay tungkulin ninuman at hindi ng iilan lamang.

(Pambasang Batas tungkol sa Kalikasan ay ang Republic Act 9003)

Posted by dxupfm at 3:45 pm | permalink | comments[71]

DXUP-FM reporters, isinailalim sa enhancement training on news writing and news reporting

 (Kaka Alih- July 31, 2008-Miyerkules)  

Nuro, Upi……SA HANGARING MADAGDAGAN ANG KAALAMAN sa pagsusulat ng balita, isinailalim sa isang seminar workshop ang mga reporter ng DXUP-FM kahapon.

Hangad ng Community Media Media Educational Council  o CMEC na lalo pang mahasa ang mga reporter sa pagsusulat ng balita at pag-uulat nito sa publiko.

Ang workshop na pinangasiwaan ni DXMS Station Manager Edwin Fernandez ay ginanap sa municipal hall conference room.

Ayon kay DXUP Station Manager Mario Debolgado,  kinakailangan ang dagdag na kaalaman ng mga field reporters  upang lalong mapabuti ang serbisyo sa mga mamamayan ng Upi at kalapit bayan.

Inaasahang pagkatapos ng seminar-workshop ay sapat na ang galing at kakayahan ng mga reporter sa pangangalap at paghahatid ng tunay na balita.

Ang DXUP ay isang community radio na pinapangasiwaan  ng CMEC at mas kilala sa buong Shariff Kabunsuan bilang Upi for Peace.

(Para sa Karagdagang kuhang larawan please CLICK) 

Posted by dxupfm at 5:00 am | permalink | Add comment

Gov. Ibay, nagbigay ng financial assistance para sa road repair ng Upi, Shariff Kabunsuan

July 30, 2008

 (Balita ni Nancy Lawan- July 30, 2008-Martes)  

Nuro, UpiNAGBIGAY ng 50 libong pisong financial assistance si Shariff Kabunsuan acting Gov. Ibrahim Ibay sa Upi local government para sa pagsasaayos ng provincial road ng bayan.

Sinabi ni Upi Mayor Ramon Piang Sr na ang naturang pondo  ay nakalaan para sa operational requirements ng road maintenance ng mga kalsada sa ibat-ibang barangay ng Upi.

Noon pang nakaraang buwan sinimulan ang rehabilitation ng mga kalsada, bagay na ikinasaya ng mga mamamayan.

Bahagyang naantala ang proyekto nitong nakalipas na linggo dahil sa mga pag-ulan.

Partikular na isinasagawa ang rehabilitation sa Bugabungan, Bungcog at Kaba-Kaba.

Sinabi ni Mayor Piang na pagkatapos ng provincial road rehabilitation agad na isusunod ang repair at maintenance ng farm to market roads.
Posted by dxupfm at 7:06 pm | permalink | Add comment

General assembly meeting ng Samahan ng Tribung Teduray, gagawin sa Upi, Shariff Kabunsuan

(Balita ni Nancy Lawan- July 30, 2008-Martes)  

Nuro, UpiGagawin bukas ang general assembly meeting ng Samahan ng Tribung Teduray upang talakayin ang mga isyung nakakaapekto sa buhay at adhikain ng mga katutubo.
 
Ang pulong ay idaraos sa Upi municipal conference hall sa Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan at naglalayong talakayin at pagtibayin ang Constitution and By-Laws.
 
Layunin din ng pulong na magkaroon ng general planning kung paano mapalawak, mapalakas at mapaunlad ang sefegayunon o Samahan ng Tribung Tiduray.

Pangungunahan ni Sefegayunon President Timuay Donato Oham ang malaking pagtitipon.

 Inaasahan ang pagdalo ng mga kinatawan ng tribu mula sa 23 barangays ng Upi.

Inasahan din ang pagdalo nina Upi Mayor Ramon Piang Sr, Vice Mayor Abdullah Salik Jr Al Haj, Mayor’s Council Dominador Mandi at Nestor Tiban, Upi Community Officer Janito Rabelo,  Councilor Kalima Gunsi at Councilor Benjamin Suenan na siyang chairperson ng committee on indigenous people.

Samantala, naitatag na rin ang Samahan ng mga Kabataang Teduray o SAKAT at ang kanilang constitution and by laws ay napagtibay na noong July 27, ayon kay SAKAT president Alberson Mokudef.

Posted by dxupfm at 7:01 pm | permalink | Add comment

Radio News Writing Workshop Para sa DXUP FM Enhancement

July 29, 2008

 (Kaka Alih- July 29, 2008-Martes)  

Nuro, Upi….Sinang-ayunan ng Upi Community Media Education Council (CMEC) ang mungkahi ng Program & Production Manager na si Alih Anso -kinatawan sa CMEC ng reglious sector sa Islam, na magsagawa ng Radio News Writing Workshop para sa field reporters at newscasters ng DXUP FM.  ang workshop ay naitakda noong July 19-20, 2008, ngunit ito ay muling naitakda sa July 30-31, 2008.

Ang isa sa resource person gn worksop  ay ang batikang newswriter at ngayon ay station manager ng DXMS-Cotabato City na si Edwin Fernandez.

“Kinakailangan ang dagdag na kaalaman ng mga field reporters  upang lalong maserbisyuhan ang tagapakinig .” ito ang paliwanag ng station manager ng DXUP FM na si Mario G. Debolgado.

Ang mga staff at field reporters ng himpilan ay pinili mula sa mga ibat-ibang sektor ng lipunan ng Upi at pawang walang karanasan sa radio. Ang lahat ay dumaan sa isang linggong seminar kong papaano gumawa ng programa at balita sa radio. Noong unang mga taon ng DXUP FM ay sapat na sa tagapakinig ang konting kaalaman ng mga volunteers ngunit sa mga pag-daan ng apat na  taon na poatuloy na pagsesrbisyo sa madla ng DXUP FM naramdaman na ang konting kaalaman ay   di sapat, kinakailangan ang dagdag kaalaman.

Ang DXUP FM ay itinatag sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan ng Upi sa tulong ng Local Government Support Program ng bansang Canada noong 2004.  Bumuo ng isang konseho na mula sa ibat-ibang sektor ng lipunan at tiunawag itong Upi Community Media Education Council at nabuo ng council na ito ang community radio na DXUP FM.

Posted by dxupfm at 3:36 pm | permalink | comments[3]

Peace Agreement ng GRP at MILF, Matutuloy!

July 28, 2008

Balita- Kaka Alih- July 28, 2008-Lunes)  

Nuro, Upi…..Nagkapirmahan na rin  sa pagitan ng goberno ng Pilipinas (GRP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) kagabi mga alas 8:20. Nag-initial ng pirma ang GRP at MILF sa final draft Memorandum of Agreement on Ancestral Domainna kanilang pipirmahan ng pormal sa susunod na linggo.

Inihayag ngayon ni Presidential adviser on the peace process Hermogenes Esperon na nagkaroon ng isang malaking breakthrough para sa ginagawang usapang pangkapayapaan sa Kuala Lumpur, Malaysia sa pagitan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at GRP panel.

Nakatanggap tayo ng SMS (text) na napirmahan ang MOA mga alas diyes ng gabi ngunit sa balita sa Maynila sinabi ni   Esperon,  pasado alas-otso ng gabi ng lagdaan ng magkabilang panig ang isang kasunduan ukol sa ancestral domain.

 Noong nakaraang Biyernes ay “na-walk-out” ang MILF panel dahil sa muling pagbabago ng GRP.

”Muli kaming nabigo na magkasundo pagkatapos ng dalawang araw na pag-uusap”. ayon kay Mohagher Iqbal Punong Negosyador ng MILF,pagkatapos nilang mag-usap sa GRP panel sa Kuala Lumpur Malaysia nitong 16th GRP-MILF Eploratory Talks-July 24-25, 2008.

“Gusto nilang muling ungkatin at baguhin muli ang mga natapos ng usapin  tungkol sa ancestral domain. ani Iqbal.

“Masyado kaming mapagbigay  ngunit walang kapalit.” pahayag ni Iqbal. “..kaya hindi ko makita kong dapat pa bang ituloy ang pakikipag-usap sa goberno ng Pilipinas”.

 Noong umaga ng Sabado ay umuwi sa Malacañang ang GRP panel upang muling makipagpulong sa Cabinet Cluster E. Linggo ng umaga muling bumalik sa Kuala Lumpur, Malaysia ang GRP Panel kasama si Sec.  Hermogenes Esperon ang Adviser on the Peace Process.

Naging kinatawan ng pamahalaan si Chair Rodolfo Garcia habang si Mohagher Iqbal naman sa MILF bilang information officer and chief negotiator.

Ang formal agreement signing naman sa ancestral domain ay itinakda sa unang linggo sa buwan ng Agosto ng taong kasalukuyan.

Ang nasabing positibong hakbang ay inaasahan umanong magbibigay daan sa formal peace talks at peace agreement sa pagitan ng pamahalaan at MILF.

 

Posted by dxupfm at 6:40 am | permalink | Add comment

Topics: GRP-MILF Peace Talk

(Hinalaw sa script na sinulat ni Kaka Alih para sa Programang “Udto na Adi” (kapayapaan) July 28, 2008 Lunes)

Nagsusurfing (kong baga sa aklat nagbuklat-buklat)ako  sa mga internet ng mga Issues na gagamitin ko sa aking programang Udto na Adi (11:00-12:00 Lunes - Biyernes)  ang hnahanap kong topic ay GRP MILF peace talks, dahil ang current issue ay itong “collapsed” ng peace talks sa pagitan ng Goberno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front (MILF), kaya ang ginawa ko…. type ko sa search engine na Google ang word na “GRP-MILF talk”.  Alhamdullillah (All Praised be to Allah) madali pala dito ang paghahanap,  in split seconds?…. heto…927 ang lumabas na  subject na may kaugnayan sa tatlong  salita: GRP-MILF talk”.(words).  Una kong nai-click sa  “..TristanCafe Pinoy Forums :: ang title at ang nag- post katukayo ko pa, Kaka Ko: “GRP o MILF?  Sino ang Ayaw na Matapos …” presto.. hayun ….Main Forum - Category:Politics & Issues.. ang topics ay: 

GRP o MILF? Sino ang Ayaw na Matapos ang Usapan?

posted by kakako (May 24, 2008 @ 4:13PM) views: 142

Sa usaping MILF at GRP, ay pansamantalang natigil sa ngayon, sila ay nagtuturuan na sabi ng isa dahil ganito, dahil gusto nila ang ganito, ang tanong:

1- sino ang ayaw, na matapos ang usaping pangkapayapaan? MILF o GRP? Bakit?

2-Sino ang gusto ng giyera? Bakit?

Sinundan ko ang issue, May nag-responsed sa sumunod na araw, nagpakilalang IFUGAO   (posted May 24, 2008 @ 6:38 PM:)

“tungkol ata daw sa lupa ang pagkakalaman ko gusto nila ihiwalay ung ARMM sa Philippines! : e s e p : “

“ung sa peace talks : s h r u g :  ewan eh may nag gugulo lakas ang trip eh”

Sinagot ng nag-post sa issue na nagpakilala na Kaka Ko (reply    May-25-08@2:09AM):

“Ang alam ko isa sa issues na hindi pinag-uusapan sa GRP-MILF ang paghihiwalay ng Bangsamoro sa Pilipino,  para sa iyo Kapatid, kong gusto ng mga kapatid na Moro, ihiwalay ang kanilang lugar sa Pilipinas any comments?”

May nagpost uli na ang code name ay “chattel”  (post May 26, 2008 @ 12:54 AM)

“Ngayon lang may balita na nilusob na naman ng pinagsanib na pwersa ng MILF at ASG ang isang kampo ng AFP. Kung ganyan ng ganyan, hindi talaga matatapos ang usapan nila dahil na rin sa mga paglabag na nasusumpungan sa kanila.

Sino ba namang gobyerno ang matutuwa na ang mga kausap mo ay sasali sa pwersa ng mga terorista. At sino ba namang matutuwa na atakihin nila ang mga sundalo kahit pa nasa gitna sila ng pag- uusap?”Dapat siguro talaga ubusin natin ang mga rebeldeng grupo na yan.”

Sinagot ni Kaka Ko ang nag-post ng Issue:  May-26-08@7:49PM

“Nag-check na po ba kayo sa katotohanan ng Balita?  Saan ang encounter? sa kampo ng AFP o sa kampo ng MILF?

Logic bang maubos ang mga rebelde? hindi ba ang mga rebelde ay nanggagaling din sa grupo ng goberno, kaya lang nagrebelde nga sila, ang tanong bakit nagrerebelde?

Bakit si bonifacio nagrebelde? si Aguinaldo? Si Trillanes, ? Bakit?

Posible bang mapapatay lahat ang rebelde? lalo na ang MILF na suportado ng masa?

Ang Abu sayaaf nga, na less one hundred, hanggang ngayon nandiyan pa, marami ng napatay sa kanila, ngunit hanggang ngayon andiyan pa rin sila.

Ang sa akin hindi tao ang papatayin ang kanilang ipinaglalaban, kailangan hanapan ng sulosyon, lalo na ngayon na nakikipag-usap ang mga rebeldeng MILF .”

May nagpost  ng reaction nagpakilala naman na stewie pro-government at anti-MILF o bias lang talaga, but we respect the idea, but kong susuruin mo ma-feel mo na may pagka-bias  at naipost noong       May 27, 2008 @ 11:57 PM, English vesion:

“The policy of this administration is to promote peace and stability in the regions that rarely attain peace and order because of insurgents and rebel groups. The Medium-Term Philippine Development Plan on the peace process involves peacemaking and peacekeeping, and on the other hand, peace building and conflict prevention. Both the MILF and the GRP should abide by the rules and the matters talked about during the peace talks to finally find an end to these conflicts in Mindanao. The MILF has a record of not being true to its word that is why if there’s any side to blame in the failure of the peace process it would be the MILF.”

Sinagot ni Kaka Ko noong  May-29-08@4:38AM at gusto ng ebedensiya:

“Please elaborate more evidence, because I reside in the area,where MILF and GRP were presents, (Mindanao, particular in ARMM) but my findings were contrary to your findings, Why not investigate personally, I can agree maybe if you say both of them, bu not to the MILF, the MILF were revolutionary group, their people were suffering, logically they were want peace.”

Sinundan ko ang susunod na kabanata o baka may magpost pa  sa issue ngunit wala na nasayangan ako sa issue bakit bigla na lamang naputol. Ang explanation ng kaibigan ko sa chatt ay nasapawan na daw kasi ng  bagong issue.  Ang ginawa ko click naman ako ulit sa iba.

Heto naman ang next na issue na nai-post ni Kaka Ko:  (Jul 05, 2008 @ 11:49PM) Main Forum - Category: Politics & Issues ng TristanCafe Pinoy Forums):(subukan ninyo rin mag-basa sa forum.. sali ako sali tayong lahat…)

“GRP-MILF Peace Talk: Sino ang Di Tumutupad ?

labing isang taon ng nag-uusap ng usaping pangkapayapaan ang Goberno ng Pilipinas (GRP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ngayon ay may “impasse” ang sabi ng kabila hindi tumutupad ng usapan ang kabila.. ganoon din ang kabila… Ang MILF ang nakikibaka para sa kanilang minimithing adhikain “self-determination” . Ang GRP ang hinihingian … sino ang ba talaga ang hindi tumutupad?”

Nagpost si lupangtala                Jul 6, 2008 @ 7:03 PM

“yang pangkapayapaan na yan kalokohan na yan” (at nagnaglagay ng cartoon na sign og mad)  

Post ulit si   IFUGAO        Jul-7-08@2:35AM :  

“kahit gusto ng peace on thier motherland pero….sabi nga “If theres Peace Theres War!”

kung baga may gustong gumawa ng kaguluhan”

Nagpost din si stewie  July 6, 2008 @ 9:01 PM

“Patuloy pa rin ang gobyerno sa hangarin nitong matapos ang kaguluhan sa Mindanao at maabot ang kapayapaan doon. Patuloy pa rin ang peace talks sa kabila ng pagsuway ng ilang grupo ng bandido at patuloy pa rin na hinahamon ang militar. Sa tingin ko, hanggat hindi sinsero ang mga rebelde sa mga terms ng peace talks ay hindi ito matitigil. Ang polisiya ng pamahalaan ay bigyan ng mapayapang komunidad ang mga kababayan natin doon sa Mindanao.

Nagreply si kakako    kay Stewie          Jul 8, 2008 @ 2:52 AM

“BAKIT mo nasabi na “hanggat hindi sinsero ang mga rebelde sa mga terms ng peace talks ay hindi ito matitigil.”

mayroon akong sample sa iyo:

Mag-ama ang anak humihingi ng kendi, hindi magbigay ang tatay marahil may dahilan siya, so magsasabi wala akong sinsilyo, anak masisira ang ngipin mo, wag na anak, pero ang anak gusto talaga ng kendi, sa dalawa sino ang hindi sincere ang anak o ang tatay. totoo ba talaga ang sinasabi ni tatay o ni anak totoo ba ang paghingi niya?

Ang tanong ko stewie, bakit lalong dumadami ang sumasampiya sa ipinaglalaban ng mga Moro?

sa iyong pagsaliksik, ang ipinaglalaban ba ng mga Moro na iyan sa Mindanao, ay naayon sa principle (United Nations)?”

 Dito naman natapos ang forum wala ng sumunod na posting, bakti kaya? Kaka simple lang ang ibig sabihin natuon naman ang pansin ng mga readers sa ibang topics.. ganoon ba iyon? .. di ko iyon alam ah?….

Any way malaking kaalaman na naman ang nakuha natin sa araw na iyon.. pwede palang sumali at makipag-discuss na mga issue at concerns na guso mo.

Hanggang sa muli na issue.. kayo baka may gusto kayong pag-usapan sulat na. o kaya text na ang number ng DXUP FM ay: 09263029849 at 09185476707. 

Posted by dxupfm at 5:01 am | permalink | Add comment

GRP-MILF Peace Talk Muling Nadiskaril: Mga Mamayan Muling Nangamba

July 26, 2008

Balita- Kaka Alih- July 25, 2008-Biyernes)  

Nuro, Upi“Parang bumagsak ang langit ng mabalitaan naman namin ang muling pagkadiskaril ng GRP-MILF peace talk”.  ito ang himutok ni Babo.

Ang goberno ng Pilipinas  (GRP) at ang pinakamalaki at aktibong nakikibaka na grupo na   Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay muling nabigo na mag-kasundo nitong Biyernes na isulat ang napagkasunduan sa nakalipas na labing-isang taon na pag-uusap.

Ang kasunduan na iyon ay mahalaga upang pormal na pag-uusap na muli ng GRP at MILF upang tapusin na ang 400 taon na pakikibaka ng mga katutubong Bangsamoro na  nagsanhi ng pagkasawi ng mahigit 120,000 na mamayan at sumira sa milyon-milyong ari-arian.

 ”Muli kaming nabigo na magkasundo pagkatapos ng dalawang araw na pag-uusap”. ayon kay Mohagher Iqbal Punong Negosyador ng MILF, nitong Biyernes pagkatapos nilang mag-usap sa GRP sa Kuala Lumpur Malaysia nitong 16th GRP-MILF Eploratory Talks-July 24-25, 2008.

“Gusto nilang muling ungkatin at baguhin muli ang mga natapos ng usapin  tungkol sa ancestral domain. ani Iqbal.

“Masyado kaming mapagbigay  ngunit walang kapalit.” pahayag ni Iqbal. “..kaya hindi ko makita kong dapat pa bang ituloy ang pakikipag-usap sa goberno ng Pilipinas”.

 ”Mayroon kaming hindi pinagkasunduan ng gagawin na namin ang final na kasunduan ng muling maungkat ang usaping ancestral domain”. phayag ni retired general Rodolfo Garcia, punong negosyador ng goberno ng Pilipinas.

“Di ko iniisip na na tuluyang ng breakdown ng pag-uusap. Ako ay naniniwala na maisasalba parin ang usaping pangkapayaan’.  dagdag ni Garcia.

Dahil sa pagkadiskaril na muli ng peace talk sa pagitan ng MILF at GRP  ay muling nangamba ang karamihan sa mamayan na giyera ang susunod na magaganap sa lupang Mindanao. 

Dahil dito ay muling nanawagan ang mga Peace Advocates  na muling magbigkis-bigkis upang muling maisulong ang usaping pangkapayapaan at tapusin na ito sa lalong madaling panahon upang matapos na ang paghihirap ng milyong-milyong mga Bangsamoro at Pilipino.

Posted by dxupfm at 4:14 pm | permalink | comments[4]

Upi Education Summit Dinaluhan ng USAID

July 25, 2008

   

 

 

(Balita- Kaka Alih- July 25, 2008-Biyernes)  

Nuro, Upi…Dumalo  at siyang nagbigay ng “inspirational Message” ang Chief of Education ng USAID na si Thomas Crehan sa isinagawang Education Summit kaninang umaga ng Biyernes, July 25, 2008.   Ang pagtitipon ay dinaluhan ng mga pinuno ng mga paaralan sa lahat ng paaralan sa Upi at ang mga Punong Barangay. 

Ang summit na ginanap sa Upi gymnasium  ay bahagi ng programang Project Rendaw ng Synergia. 

Nag-donate din ng mga aklat ang USAID na dala ni Crehan, na tinanggap ni Hon. Mayor Ramon A. Pinag Sr.

Kasama rin dumalo sina Bruce Matabalao-Regional Director ng Synergia, Ernesto Guevarra ngSynergia Visayas, Edwin Nacionales ng Synergia Visayas.    

Posted by dxupfm at 3:21 pm | permalink | comments[3]

Ipagpaliban o Tuloy ang Halalan sa ARMM sa August 11?

 Inindorso ni President Gloria Macapagal Arroyo ang pagpapaliban sa ARMM halalan na gaganapin sa August 11, 2008, bilang tugon sa napag-usapan ng MILF at GRP panel sa Kuala Lumpur, Malaysia noong July 16, 2008 na pansamantala munang ipagpaliban ang halalan upang bigyan puwang ang usaping pangkapayapaan sa Mindanao. 

Ang tanong pabor ba kayo o Hindi? Bakit?

narito ang ilang inputs na pwede ninyong pagbasehan, ang mga balita na lumabas sa mga internets: 

Panukalang batas para kanselahin ang ARMM polls inihain sa Kamara

http://www.gmanews.tv/s07/24/2008 | 06:18 PM

MANILA – Limang kongresista mula sa Mindanao ang naghain nitong Huwebes ng panukalang batas upang ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) hanggang sa 2010. Inaasahan ng mga kongresista na maisasara na sa 2010 ang usapang pangkapayapaan ng pamahalaan at rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Sa ilalim ng House Bill 4832, aamyendahan ang Section 1 ng Republic Act 9333 – na nagtatakda na gawin ang ARMM elections sa Agosto 11 – upang iurong sa May 2010 elections kasabay ng panguluhang halalan.

Ang mga may-akda ng panukala ay sina Reps. Faysah Dumarpa (Lanao del Sur), Simeon Datumanong (Maguindanao), Munir Arbison (Sulu), Mujiv Hataman (Anak Mindanao), at Pangalian Balindong (Lanao del Sur).

Sa pahayag, sinabi ni Dumarpa na kasabay sa pag-urong ng ARMM election ay maaalis ang posibleng maging hadlang upang maging matagumpay ang usapang pangkapayapaan sa MILF.

Sinabi ng mambabatas na kasama sa hangarin ng MILF ay palawigin ang sakop ng ARMM na bahagi ng pakikipagnegosasyon nito sa gobyerno.

Idinagdag niya na ang paghahain ng panukalang batas ay pagtugon sa posisyon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ipagpaliban ang eleksyon sa rehiyon.

“Aside from the 712 new barangays and the two cities of Lamitan and Cotabato which are set to be included in the expanded ARMM, the MILF is also pushing for the inclusion of its controlled and influenced areas in the region,” ayon sa kongresista.

Sa Hulyo 29, sinabi ni Dumarpa na mag-uusap ang mahigit 50 kongresista mula sa Mindanao upang talakayin nila ang panukala.

Bagaman umusad na sa Kamara ang proseso sa pagkansela ng ARMM polls, tila mahihirapan naman itong magtagumpay sa Senado dahil 10 senador na ang nagpahayag ng pagtutol na ipagpaliban ang halalan sa Agosto 11.

Sa ulat ng dzXL radio, tinukoy na ang mga senador na nais na ituloy ang halalan sa ARMM sa Agosto 11 ay sina:

• Senate President Manuel Villar II,
• Senate President Pro-tempore Jose “Jinggoy” Estrada,
• Senate Majority Leader Francis Pangilinan,
• Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr,
• Sen. Richard Gordon,
• Sen. Alan Peter Cayetano,
• Sen. Pia Cayetano,
• Sen. Mar Roxas II,
• Sen. Rodolfo Biazon, at
• Sen. Juan Ponce Enrile.

Kunuwestiyon naman ni Cotabato Rep. Emmylou Taliño-Mendoza ang mungkahing 30-percent expansion na sakop ng ARMM sa ilalim ng bagong memorandum of agreement sa ancestral domain na lalagdaan ng pamahalaan at MILF.

Sinabi ni Taliño-Mendoza na nakasaad sa kasunduan na hanggang 712 barangay ang isasama sa ARMM bilang mga “annexed” ng autonomous region.

Sa kasalukuyan, tinatayang 2,470 barangay sa Marawi City at 111 munisipalidad sa anim na lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at Shariff Kabunsuan ang sakop ng ARMM.

“The government and MILF should stop using Mindanao villages, whether chiefly Christian or Muslim, as pawns to be playfully bargained away,” anang kongresista.

“Have government negotiators bargained away the whole store? How many times to we have to capitulate just to appease the MILF? How many plebiscites do we have to conduct just to satisfy them?” idinagdag ni Taliño-Mendoza.

Hinamon din niya ang mga government negotiators na ilabas sa publiko ang buong detalye ng kasunduan sa MILF.

“The people of Mindanao are entitled to know the fine points of the proposed new accord now, even before it is signed by both parties,” ayon kay Taliño-Mendoza.

“We are Filipinos born and raised in Mindanao. We deserve to know exactly what the government negotiators promised the MILF, and precisely what the MILF pledged in return… It is bad enough negotiators never consulted us from the start. Now, it turns out that some of our villages were apparently reduced as bargaining chips in the talks,” pagtatapos niya. - Fidel Jimenez, GMANews.TV

Pagpapaliban ng ARMM elections nasa Kongreso - Malakanyang

http://www.pia.gov.ph/

Manila (22 July) — Ipinahayag ng Malakanyang na ang hiling ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na ipagpaliban ang nakatakdang August 11, 2008 Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) elections ay nakasalalay sa desisyon ng Kongreso.

Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, ang Kongreso lamang ang makakapagpasa ng batas o resulosyon na ipagpaliban ang nasabing halalan dahil ang August 11 ARMM elections umano ay itinakda sa pamamagitan ng Republic Act 9333.

Ayon pa rin kay Ermita, kahit na gahol na sa oras ay pagsisikapan pa rin ng pamahalaan na matalakay at mabigyan ng pansin ang hiling ng MILF na ipagpaliban na muna ang nakatakdang ARMM elections sa darating na Agosto. (Abbenal/PIA 12)

Comelec tuloy pa rin ang preparasyon para sa ARMM elections

http://www.journal.com.ph/ July 23, 2008 10:47 AM Wednesday

Sa kabila ng pagsuporta ng Pangulong Gloria Arroyo sa suspensyon ng eleksyon sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ay tuloy pa rin ang preparasyon para rito ng Commission on Elections.

Sa report ng GMA News, sinabi ni Comelec chairman Jose Melo na tuloy pa rin ang kanilang paghahanda para sa nalalapit na Aug. 11 election sa ARMM subalit handa rin silang sumunod kung ipaguutos ng Kongreso ang postponement ng halalan.

Maganda aniya ang resulta ng “mock election” kahapon dahil maayos na gumagana ang automated counting machines.

“Whatever Congress decides … kung ipo-postpone, susundan namin yan. For our part we are proceeding as if talagang tuloy-tuloy,” ani Melo.

Idinagdag din nito na baka hindi na sapat ang oras para makagawa pa ng batas ang Kongreso na siyang mag-uutos sa postponement ng halalan.

“Bahala ang Congress kung may tyempo pa sila. Very, very short time … sa aking estimate gipit na gipit ang Congress,” saad pa ng Comelec chairman.

Ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang humiling sa gobyerno na ipagpaliban muna ang ARMM elections dahil sa naganap na “breakthrough” sa kanilang (GRP-MILF) peacetalks.

Ayon sa MILF, makakaapekto ang pagkakaroon ng bagong ARMM officials sa pagsasakatuparan ng mga kasunduan sa peace talks kaya dapat munang i-postpone ang eleksyon.

 

Mga lider sa ARMM kukunsultahin sa planong ipagpaliban ang halalan

http://www.gmanews.tv/ 07/22/2008 | 06:57 PM

MANILA – Inihayag ni Speaker Propero Nograles nitong Martes na kukunsultahin muna nito ang mga kaalyado sa Autonomous Region in Muslim Mindanao kung papabor na ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa Agosto 11.

Unang kukunsultahin ay si ARMM Governor Datu Zaldy Ampatuan na siya ring magiging pambato ng Lakas-CMD sa nakatakdang halalan.

“As Lakas president, I shall defer to and consult our ARMM loyal allies, the Ampatuans. Should they advice that postponement will speed up the Mindanao peace process, I shall personally try to fast-track move to postpone,” ayon kay Nograles.

“As speaker, I have called for Mindanao congressmen and women caucus in the House on Tuesday (July 29) 2 pm after the SONA and we decide collectively to postpone or not,” idinagdag niya.

Una rito, inindorso ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ipagpaliban ang halalan sa ARMM alinsunod sa kahilingan ng Moro Islamic Liberation Front.

Kasalukuyang nagnenegosasyon ang pamahalaan at MILF para sa kapayapaan sa Mindanao. - GMANews.TV

Pagpapaliban ng ARMM polls inindorso ni Arroyo

http://www.gmanews.tv/ 07/22/2008 | 04:13 PM

MANILA — Inindorso ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na ipagpaliban ang nakatakdang halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto 11.

Ayon kay Press secretary at presidential spokesman Jesus Dureza, sinuportahan ni Gng Arroyo ang panawagan na ipagpaliban ang halalan dahil mahalaga umano ang ginaganap na usaping pangkapayapaan sa mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Idinagdag ni Dureza na nakausap na ni Arroyo ang mga lokal na opisyal at mambabatas sa ARMM nitong Martes.

“Meron kasi tayong strategic development in peace negotiations, bigyan natin ng chance to succeed. There is a common recognition kailangan natin ng peace settlement in Mindanao,” pahayag ni Dureza sa panayam ng dzBB radio.

Inaasahan na ihahain sa Kongreso ang panukalang batas para ipagpaliban ang halalan sa ARMM pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA) ni Arroyo sa July 28. Ang naturang panukala ay sesertipikahan bilang urgent bill ng Malacanang upang mabilis itong maipasa.

Sa ilalim ng kasalukuyang batas, ang halalan sa ARMM ay gagawin tuwing ikalawang Lunes ng Agosto. Dahil dito, kailangan ang batas upang itakda ang bagong petsa ng halalan.

“Kung marapatin ng Kongreso na suportahan yan I think it will become one of the priority legislations by the new Congress,” pahayag ni Dureza.

Magpupulong umano ang government at MILF panel sa Huwebes upang repasuhin at pagkasunduan ang mga detalye sa ancestral domain, o mga lupain na pinapaniwalaang pag-aari ng mga ninuno ng mga Moro.

Ang usapin sa ancestral domain ang isa sa mga “pinakamadugong” pinagtalunan sa negosasyon na kamuntik nang maging dahilan upang hindi matuloy ang pag-uusap.

“The president, taking a cue from the negotiators and Sec. (Hermogenes Jr.) Esperon and the others, minabuti niyang konsultahin at kausapin ang mga LGU heads,” ayon kay Dureza. “The objective is to reset the ARMM elections and give emphasis to the negotiations ongoing right now.”

Una rito, nagpahayag ng pagtutol ang mga alkalde at gobernador sa mga lalawigang sakop ng ARMM na ipagpaliban ng halalan na hinihingi ng MILF.

Ngunit sinabi ni Dureza na nagkaroon ng “common position” ang mga kasapi ng Gabinete na suportahan na ipagpaliban ang halalan upang pagbigyan ang kahilingan ng MILF.

Idinagdag ni Dureza na ang Kongreso na ang bahalang magtakda kung kailangan gagawin ang susunod na ARMM elections kapag ipinagpaliban ang halalan sa Aug 11. - GMANews.TV

MILF, pabor sa endorsement ni PGMA na ipagpaliban ang ARMM election

http://www.rmn.ph/July 23, 2008

Sang-ayon ang Moro Islamic Liberation Front ang ginawang pag-eendorso ni Pangulong Gloria Arroyo sa pagpapaliban sa gaganaping halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ngayong Agosto 11.

Ayon kay MILF Spokesman Eid Kabalu, ang hakbang ng Pangulo ay tugon sa kanilang panawagan na payagang umusad ang peace talks.

Sakaling ituloy ang ARMM election ay maipagpapaliban naman ang pagsisimula ng transition period para sa bangsamoro juridical entity na mai-establish sakaling maabot na ang pinal na kasunduan.

Samantala, ipinaliwanag din ni Kabalu na ang partisipasyon ng MILF sa paglilinis sa Rio Grande de Mindanao ay bilang tugon sa aniya’y “Humanitarian Call” dahil sa positibong nangyayari sa peace negotiations.

ARMM elections tuloy - Comelec

http://www.philstar.com/iSaturday, July 19, 2008

Tuloy ang eleksiyon sa darating na Agosto 11, 2008 sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa kabila ng pa­na­wagan ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na suspendihin ito at isagawa na lamang matapos ang peace talks sa pagitan nila at ng pamahalaan.

Ayon sa tagapagsalita ng Commission on Elections (Comelec) na si Atty. James Jimenez, hindi sila maaring magsuspinde ng halalan o ipagpaliban ito dahil kailangan nilang isagawa ang itinakdang eleksiyon sa ARMMM alin­sunod sa batas, na isa­gawa ito kada-taon.

Pinayuhan ni Jimenez ang MILF na sa Kongreso ito umapela para mabago ang itinakda ng batas.

Para aniya sa  Comelec, mahalagang  matuloy ang ARMM elections dahil ito ang magiging batayan sa isasagawang full automation ng eleksiyon sa 2010.

Gayunman, kinumpir­ma ni Jimenez na tuloy na tuloy naman ang automation sa 2010 elections at pagpipiliang gamitin ang Optical Mark Reader at ang Direct Recording Electronic.

Siniguro rin ni Jimenez na ang mga voting at counting machine ay handang-handa na para sa nalalapit na halalan matapos ang masusing pagsusuri o quality assurance tests. (Ludy Bermudo)

Posted by dxupfm at 5:45 am | permalink | Add comment

Pamilya Niratrat ng Baril Habang Nahihimbing: Patay Tatlo

July 23, 2008

     (Balita- Kaka Alih- July 23, 2008)  

Nuro, Upi…Niratrat ng apat na armadong kalalakihan ang isang pamilyang natutulog kahapon na mga alas nuwebe ng gabi at dalawa ang patay isa ang nadala sa pagamutan. 

“Naalimpuungatan at nagulantang ako sa lakas ng mga malalakas na putok ng baril”. ito ang kuwento ni Nor-ain -14 ang isa pamilya na nakaligtas sa masaker na yaon na naganap sa Barangay Boliok, Sultan Mastura, Shariff Kabunsuan, ARMM.

“Dumapa kami sa ng asawa ko na si Ping, at ng humupa ang putukan nalaman ko na lamang ng walang ng buhay sina ama at ina at sugata ang nakakabatang kong kapatid, kaya kami ay tumakas at humingi ng tulong sa mga kamag-anak”. dagdag ni Nor-ain.

Dahil sa mga maraming putukan  na narinig ay agad sumaklolo ang Vice Mayor ng Sultan Mastura at mga iba pang kamag-anak at dinatnan sina Eddie Anso-35 at asawang si Kadiguia-30 na naliligo sa sariling dugo at wala ng buhay. Ang anak na apat na taong gulang ay sugatan at agad na dinala sa pinakamaalapit na pagamutan sa Cotabato City, ngunit di nagtagal ay binawian din ng buhay.

Ayon sa unang pag-sisiyasat ng kapulisan ng Sultan Mastura ay nagtamo ng tama ng baril ang mga biktima sa kalibreng M-14, M-16 at kalibre .45, na pinaghihinalaang nakapuwesto sa apat na posisyon. Hanggang sa pagbabalitang ito ay hindi pa napagalaman ang motibo sa pamamaril.

Ayon sa mga kamag-anak ng mga biktima ay  posibleng dahil sa “maratabat” (dangal) na “nayurakan” na hindi naagapan na ayosin kaagad ng mga Kalukesan (elders). Sa mga Bangsamoro ang dangal na nayurakan ay madalas na dahilan ng pagpatay upang ibangon di-umano ang “maratabat” (dangal).

Posted by dxupfm at 6:02 pm | permalink | Add comment

GMA: Posponement ng ARMM Election Isinulong

July 22, 2008

(Flast Report- Patrol 1 - Alih Anso- by Donald Ventura-July 22, 2008 4:35 pm)

Nuro, UpiBumisita ang   Pangulong Gloria Macapagal  Arroyo sa Autonomous Region Muslim Mindanao ngayong araw Hulyo 22, 2008 ang nakipagpulong sa mga lider sa Camp Siongco Awang, Datu Odin Sinsuat,  Nitong Hapon ay inindorso ang postponement ng ARMM elections kasunod ng mga strategic developments sa usapang pangkapayapaan sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ayon sa mapagkakatiwalaan na source, sinabi raw ni Press Secretary Jess Dureza, ginawa ng Pangulo ang pahayag matapos ang konsultasyon sa mga local officials, stakeholders ng Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) at kongresista ng rehiyon.

Ayon kay Dureza, ang nasabing posisyon din ay base na rin sa rekomendasyon ng gabinete sa chief executive.

Giit ng opisyal, ayaw ng pangulo na madiskaril pa ang umuusad na peace talks at mabigyang-daan ang ganap na kalayaan sa lugar.

Magugunitang ang ARMM elections ay itinakda sa Agosto 11 pero posibleng maireset na matapos ipinasulong mismo ng pangulo sa mga kaalyadong mambabatas ang pagpasa sa panukalang batas para sa postponement ng halalaan.

Ayon naman sa MIndanews, kanilang nainterview ang Speaker ng Kongreso na si Prospero Nograles na magkakaroon ng  sesion sa Lunes kasabay ng SONA ng pangulo at kong sesertipikahan ng pangulo na urgent bill ay posibleng ma-postpone ang halalan.

Posted by dxupfm at 4:37 pm | permalink | Add comment

COMELEC Orientation sa Pag-gamit ng OMR

  (Balita- Lenyrose Bajar- July 22, 2008)

 Nuro, Upi…Isinagawa ng Education & Information Department (EID)  ng Commision on Election (COMELEC)  ang   Information dessimination  kung papaano gagamitin ang Optical Mark Reader (OMR) machine na siyang gagamitin sa pagbilang ng balota sa halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) sa Agosto 11, 2008. 

 Ipinaliwanag at nagbigay ng demonstration sina Mr Manuel Tabo-EID Officer 3 ng  COMELEC,Hussien Untong at  Meriam Mangudadatu Election Officer ng Kabuntalan, sa mga Opisyal ng bayan ng Upi kabilang sina Upi mayor Ramon A. Piang Sr, Vice Mayor Abdullah Salik Jr. Alhaj, mga SB members, mga barangay Chairman, head of Schoold at mga representante ng Peacekeeping Forces na dumalo sa naturang pulong sa Upi Conference Hall kaninang umaga Hulyo 22, 2008. 

Sa mensahe ni Upi Mayor Ramon A. Piang Sr., kanyang sinabi sa mga opisyal ng barangay,pinuno ng mga paaralan, ahensiya, ng local na Media at ibang NGO na dumalo sa pagpupulong  na ipahagi at ituro sa mga mamamayan sa kanilang nasasakupan ang bagong paraan ng pagboto. 

 Ang nagpatawag ng nasabing pulong ay ang COMELEC Officer III ng Upi - Mrs. Flordelian Muñoz.

Samantala inireklamo ng mga mamayan ng Upi ang hayagang paglabag ng mga kandidato Omnibus Election Code ang paglalagay ng poster area na wala sa lugar at sa panayam kay Muñoz ng DXUP FM kanyang  pinagsabihan na ang kandidato tungkol dito at kong hindipa nila aalisin ay kanyang ipapaklas sa mga tauhan ng COMELEC.

Posted by dxupfm at 3:54 pm | permalink | Add comment

Katangian ng Kagandahang Asal

July 21, 2008

(Hinango mula sa Script ng Udto na Adi (na dating Kapayapaanang title)  na sinulat ni Kaka Alih- July 21, 2008)

Ang tao ay sadyang pinagkalooban ng Poong Lumikha ng Allah ng  likas biniyayang taglay ng kagandahan asal, na siyang nagsisilbing gabay sa kanila sa paglipas ng panahon at nagbibigay linaw sa kanila kung ano ang tama at mali, at mabuti at masama.   

 

Bagama’t ang pamantayan kung papaano natin sasabihin na ang isang katangian ay mabuti o masama ay magkakaiba sa bawa’t tao, may pangkalahatang pagkakaunawaan hinggil sa mga pamantayan ng mabuting asal at ang masamang asal.

 

Samakatuwid, ang mga katangian tulad ng katapangan at katapatan ay sadyang pinaparangalan.

 

At walang panahon sa kasaysayan ng tao na ang katangiang tulad ng kawalan ng katapatan at paglabag sa pagtitiwala ay tinanggap ng lipunan o bagay na karapat dapat ng parangal. Ang katapatan, kadakilaan, at pagkamatuwid ay laging binibigyan ng halaga, samantalang ang pagkamasarili, kalupitan, kasakiman at kalabisan ay kailanman hindi tinatanggap ng mamamayan sa pangkalahatan.

 

Ang katatagan, pagsusumikap at lakas ng loob ay mga katangian na labis na hinahangaan at iginagalang ng tao, samantalang ang kawalan ng pagtitiis, kawalan ng katiyakan at kahinaan ay binibigyan ng maliit na kahalagahan.

 

Karangalan, disiplina sa sarili, kabaitan at pagkamapagkaibigan ay sadyang tinitingalang katangian hindi tulad ng paghahambog sa sarili, kayabangan at kawalan ng galang ay kailanman hindi kabilang sa mga kagandahang asal.

 

Ang taong may kusang pagmamalasakit at katapatan sa kanyang tungkulin ay tinitingala at iginagalang habang ang taong tamad at pabaya maging sa kanyang tungkulin ay hindi pinapansin at kinamumuhian sa lipunan.

 

Ang isang lipunan na matatag at masugid na itinataguyod ang pagkapantay-pantay, hustisya at kalayaan ay nakikitaan ng liwanag.

 

Ang lipunan na laganap ang kaapihan, kaguluhan, pagkawatak-watak at ang kawalan ng samahan o pagkakaisa ay patungo sa landas ng pagbagsak, sapagka’t pinabayaan nilang mabulok sa haba ng panahon sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga nakakasamang patakaran o pamamalakad na siyang nagwasak sa mga pangunahing batayan kung saan ito naitatag.

 

Ang pagnanakaw, pangungupit, pagpatay (ng walang dahilan), pangangalunya, at pandaraya o panlinlang ay sadyang kinamumuhian. Ang paninirang-puri, pananakot at pagsuhol ay mga gawaing nakakasama sa lipunan. Kabaligtaran nito ang pag-aaruga sa mga matatanda, tapat na pakikipagkaibigan, pagtulong sa mga kamag-anakan, pagmamalasakit sa kapit-bahay, pagtatanggol sa mga mahina at naapi at ang pangangalaga sa mga may sakit ay mga dakilang gawain mula pa noong simula ng kabihasnan.

 

Ang mga taong maginoo, tapat, tuwid at mapagkakatiwalaan, mga taong palaging handa sa pagtulong sa kanilang kapwa, mga namumuhay nang may kapayapaan ay ninanais din na ang kanilang kapuwa tao na mamuhay ng tulad nito ay siyang bumubuo sa pangunahing haligi ng mahusay at malusog na lipunan.

 

Ang kabutihan at kasamaan ay hindi mga kasaysayan o alamat na naghihintay na muling buhayin, bagkus ay bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay at tunay na ang Allah (swt) ay binigyang-biyaya ang sangkatauhan ng likas na kaalaman ng tama at mali.

 Pagkatapos ng mga paliwanag natin ay maaring maitanong natin sa inyo,

1.      Kung ang pangunahing asal ng kabutihan at kasamaan ay tinanggap ng pangkalahatan, bakit nagkaroon ng iba’t ibang uri at pamamaraan ng pag-uugali ang ating masasaksihan sa mundo?

2.      Bakit maraming magkasalungat na mga pilosopiya o prinsipiyo?

3.      Saan ba ang puno’t dulo ng pagkakaibang ito?

Ang mga katanungang ito ay mahalaga at kailangang harapin ng lubos na pag-iingat at may kahinahunan. Tatalakayin lamang natin ng payak ang mga paksang ito. Ang mga sumusunod ay magsisilbing maigsing pagpapaliwanag sa mga naunang katanungan.

1.      Ang kasalukuyang pamantayan at kaparaanan ng kagandahang asal ay hindi napagkaisa ang kahalagahan ng kagandahang asal  at mga kinaugalian sa pamamagitan ng pagtatag ng tumpak na mga hangganan at dahil dito, ang pantay at malinaw na balangkas sa pag-uugali ay hindi naisakatuparan.

2.      Bawa’t pamantayan ng kagandahang asal ay may ibang pang-unawa kung ano ang mabuti at kung ano ang masama, samakatuwid ang pamantayan sa kagandahang asal ay magkakaiba. Ang isang pagpapalagay ay mahirap mapatutunayan dulot nang kinauukulang nasa likod nito ay magkaiba sa iba. Ganoon din na ang kaisipang ginamit upang mapag-alaman ang layunin ng tao upang sumunod ng isang kaparaanan ng pag-uugali at hindi sa iba.

3.      Mapapag-alaman natin sa pamamagitan ng taimtim na pag-iisip na ang mga pagkakaibang ito mula sa ating magkakasalungat na mga pananaw at kaisipan hinggil sa sanlibutan, ang kinalalagyan ng tao at layunin ng pananatili ng tao sa daigdig. Ang dami ng mga relihiyon, pilosopiya, idolohiya at panukala (theories) na nananatili ay mga patunay at salamin sa mga pagkakaiba at ang paglihis ng mga pananaw ng tao sa mga pangunahing katanungan at marami pang iba, tulad ng:

a.      Mayroon bang Diyos?

b.      Ano ang Kanyang mga Katangian?

c.      Ano ang ugnayan ng tao at ang Diyos?

d.      Ang tao ba ay may pananagutan sa kanyang mga gawa sa buhay na ito?

e.      Bakit nilikha ng Diyoas ang tao?

Sa susunod na programa natin ay dahan-dahan nating sasagutin ang mga katanungan na ating binuksan at sa muli kami aya nag-aanyaya sa lahat ng tagapakinig. Wassallam. 

 

Posted by dxupfm at 12:51 pm | permalink | comments[2]

Bisita Mula Singapore Binisita ang Upi

July 20, 2008

      

Balita- Kaka Alih July 20, 2008

 Nuro, Upi….Dumating kahapon July 19, 2008 sa Upi ang head of Research ng Asian Media Information and Communication Centre, ng bansang Singapore na si Kalinga Seneviratne Phd. Ang layunin ay upang pag-aralan ang pagpapalakad sa community radio na DXUP FM.

 Nabasa ni Mr.  Seneviratne ang radio  researched work ni  Ma. Therresa M. Rivera tungkol sa DXUP FM. Ang gusto niyang lalo pang palawakin ang mga information papaano naitatag at nakakatulong sa mamayan ng Upi ang DXUP FM. 

Ang himpilang DXUP FM ay  itinatag ng LGU Upi sa pakikipagtulungan sa Local Government Support Program ng Canada, noong taong 2004. Ang Notre Dame Foundation for Charitable Activities, Inc.-Women in Enterprise Development (NDFCAI-WED), ang implementing NGO naman ang nagsagawa ng mga technical na kaalaman.

 (CLICK HERE- Para sa karagdagang kuhang mga larawan)

Posted by dxupfm at 3:10 pm | permalink | Add comment

Shariff Kabunsuan Province: Pinawalang Bisa ng Korte Suprema ang Pagkakatatag

July 18, 2008

(Balita-  Kaka Alih - July 17, 2008-10:30 pm-Huwebes)   

 Nuro, Upi…..Pinawalang bisa ng Korte Suprema ang batas na   Muslim Mindanao Autonomy Act 201 na pinasa ng Regional Legislative Assembly (RLA) ARMM na siyang nagtatag ng probinsiya ng Shariff Kabunsuan..

Sa desisyon na binasa ni Associate Justice Antonio T. Carpio, ay nakasaad  doon na hindi naayon sa batas ang pagbuo ng RLA -ARMM  sa probinsiya dahil ang House of Representative lamang ang may karapatan.

Ang Shariff Kabunsuan ay isang lalawigan ng Pilipinas na nabuo mula sa sampung bayan (Barira, Buldon, Datu Odin Sinsuat, Kabuntalan, Matanog, Parang, Sultan Kudarat, Sultan Mastura and Upi) na dating bumubuo sa unang distrito ng lalawigan ng Maguindanao.

Ipinasa ng  Regional Legislative Assembly, ARMM’s noong  Agosto. 28, 2006 ang batas na MMAA 201.

Ito ang ika-80 lalawigan ng bansa at ikaanim sa Autonomous Region in Muslim Mindanao. Ito ang unang lalawigan na hindi binuo ng Kongreso dahil nabuo ito sa pamamagitan ng kapangyarian ng Republic Act No. 9054 o ang Expanded ARMM Law.

Inaprubahan (ratified) noong Oktubre 29, 2006 sa pamamagitan ng plebisito  ng mga botante ng 29 na munisipalidad ng Maguindanao. Sa mahigit na 500,000 rehistradong botante ng Maguindanao, 285,372 dito ang pumabor sa pagkabuo ng Shariff Kabunsuan. 8,802 lamang ang bumoto laban dito.

Samantala Magpapalabas na ng resolusyon ang Commission on Election (Comelec) en banc para maresolba ang posibleng maging epekto sa Autonomous Region on Muslim Mindanao (ARMM) election ng pagpapawalang bisa ng Korte Suprema sa pagkakatatag ng Shariff Kabunsuan.

Ayon kay Comelec spokesman James Jimenez, bagamat hindi pa pinal ang desisyon ng Supreme Court ay kinakailangang resolbahin ng komisyon ang usapin lalo pa’t malapit na ang ARMM election.

Naniniwala umano siyang maliit lang ang magiging epekto ng nasabing desisyon sa gaganaping halalan.

Sa hanay ng mga lokal na opisyal na iboboto ay mananatili umano na maghahalal ang regional assemblyman para sa unang distrito ng Maguindanao ang mga residente ng Shariff Kabunsuan.

Posted by dxupfm at 4:46 am | permalink | comments[10]

May Gasoline Station na sa Upi !

July 17, 2008

 

 

(Balita-  Lenyrose Bajar - July 17, 2008-Huwebes) 

 Nuro, Upi…..Pormal na pasisinayaan bukas  ang Queen Phoenix Gas Station    sa panulukan ng  Sinsuat Avenue (National highway) at ng Marcelo H. Del Pilar St.,  Barangay Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan, Autonomous Region Muslim Mindanao (ARMM). 

 ”Sa Biyernes July 18, 2008 ang pormal na pagpapasinaya  sa ating bagong gasoline station”. pagpapaliwanag ng manager nito na si Mr. Clayton King Debolgado.

“Ang presyo ng fuel natin diesel P59 /litro, unleaded P62.65, Special P63.20, regular P60.50.” dagdag pa ni Debolgado.

“Malaking tulong ito sa mga sasakyang bumibiyahe sa bayan ng Upi” , ayon sa isang driver na naunang naging customer  ngayong hapon.

Ang halaga ng fuel batay sa report kaninang umaga, sa Bantay Bayan Boses ng Sambayanan, ang presyo ng produktong petrolyo sa mga bote-botelyang tindahan ay P62.oo ang Diesel, P65.00 Unleaded,P63.00 regular, P66.00 Special at P62.00 Kerosene.    

 Ito ang pangalawang gasoline station sa bayan ng Upi, ay una ay pag-aari ni  Aurelio Ong noong circa 60′;s.

 

                

Posted by dxupfm at 5:35 pm | permalink | Add comment

GRP –MILF-Tuloy ang usaping Pangkapayapaan

 

 

 

 

(Balita-  Lenyrose Bajar - July 17, 2008-Huwebes) 

 Nuro, UpiSinimulan kahapon araw ng Miyerkules-July 16at magtatapos ngayong araw July 17, 2008,  ang muling pag-uusap ng mga peace panel ng pamahalaan at Moro Islamic Liberation Front (MILF). ang dalawang araw na pulong ay isinagawa    sa Kuala Lumpur, Malaysia upang resolbahin ang mga nakabinbing isyu hinggil sa negosasyon. 

Positibo ang Malacañang na magkakasundo na rin ang GRP at MILF peace panel matapos ang ilang beses na delay o sagabal sa nasabing peace talks.

Sinabi ni Presidential Adviser on the Peace Process Hermogenes Esperon, kung hindi ngayong araw, posibleng bukas mapaplantsa ang kasunduan. Ayon kay Esperon, kasalukuyang nagpapatuloy ang executive session ng GRP at MILF panel sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kabilang sa masusing   pinag-uusapan ng magkabilang panig ang kontrobersiyal na isyu sa ancestral domain kung saan iginigiit ng gobyerno na dapat masunod ang Saligang Batas ng bansa.

Pinamunuan ni chief peace negotiator Mohagher Iqbal ang MILF peace negotiators kasama ang mga abugadong  sina Datu Michael Mastura,  Roberto Maulana Alonto, at Mike Pasigan.  Kinatawan naman ng pamahalan si chief negotiator Gen. Rodolfo Garcia kasama sina Atty  Leah Armamento at Atty. Sedfrey Candelaria.

Posted by dxupfm at 9:26 am | permalink | comments[1]

Nakakalito ang mga Terms sa Tri-People Concept

Hindi lang natin miminsan tinatalakay ang isyung ito: “Tri-people Concept” o  tungkol sa pagrupo-grupo sa ating mga mamayan at tila mahina ang “pag-pick-up” ng ating mga mamayan, kaya naman minarapat natin ipost ditong muli sa ating bagong blog.. of course naman.. mayron  tayong konting edti …una natin itong tinalakay sa   sa programang “Kapayapaan” noong Enero 21, 2008 at  nai-post natin sa  http://dxup.multiply.com/   noong Enero 22, 2008.

Ang ating Tri-People (tri=triple or tatlo)  concept sa bayan ng Upi ay tumutukoy sa mga grupo ng tribo o ethnic tribe, tama po ba?

Ang mga  grupo ay hinati sa pinagmulan, isang grupo ang mula sa Luzon at Visayas, isang grupo ang galing ng Mindanao at isang grupo ang taga Upi. Ang grupo galing sa Luzon at Visayas ay tinawag natin na Christian group, dahil karamihan sa mga Ilocano, Bisaya, Tagalog at iba pang tribu sa Luzon at Visayas ay Christianity ang pinaniniwalaan na religion.  Ang ating pagtawag sa taga Mindanao na ibat-ibang tribu,  ay tinawag natin na Muslim dahil majority or karamihan dito ay Islam ang religion, at ang tawag sa taong tumanggap ng Islam ay Muslim, at grupong taal na taga Upi o native inhabitants ng Upi ay tinawag na Teduray.

Ang bawat grupo sa Tri-people ay kinabibilangan ng marami o hindi lang isang tribu, sa Muslim kasama dyan ang Maguindanaon, Meranaw, Iranun, Tau Sug, at iba pa. Sa Christian naman ay kabilang dyan ang Ilocano, Ilonggo, Bisaya, Tagalog, Kapangpangan at iba pa. Dito naman sa T’duray ay nag-iisa lang ang tinututukoy, ang tribung T’duray lang. Tama po ang aking explanation?

For any comments please send your message, thru sms o text, just type our key words, kapayapaan, space, mesage, space, namae and address and send to our DXUP FM Mobile Numbers: 09185476707 at 09263029849.

Bago tayo magpatuloy, habang nag-gagawa kayo ng inyong mga reaction, ay pakinggan muna natin ang report ni Hon Mayor Piang Sr. sa  mga evaluators ng Canadian International Development Authority (CIDA) -Local Government Support Programs (LGSP), na sina Vicky Alinsug,  para sa mga programa na kanilang natulungan, na dumating  dito last Friday, Jan 19, 2008, ang ulat ni Mayor Piang tungkol sa Mayor Councils.

Narinig natin ang Ulat  ng ating Mayor Piang, at ang I-quote natin ang ayn kanyang magandang sinabi tungkol sa ating topic, Muslim at Christian terms, pakinggan natin ang sinabi ni mayor sa part na yaon:

Maliwanag na ang Kagalang galang na Mayor Ramon A Piasng Sr. na siya mismo ay nakita o nalaman na dapat ng  ituwid ang ating terms sa Muslim at Christian.

Bweno kaugnay pa rin ng ating topic ay babasahin ko ang ilang bahagi ng sulat ni Kapatid na Zamin na tinanggap natin noon, Nov 22, 2006.

Heto ang sulat ni Zamin:  dated: November 22, 2006

Magandang Umaga Kaka Ali,

Kapayapaan at Magandang umaga po sa lahat ng taga pakinig ng DXUP-FM lalo na sa mga taga pakinig ng inyong napaka-imformative na programa-Kapayapaan.

Kaya po ako sumulat ay gusto kong mag-bigay ng ilang mga kuro-kuro sa mga napapansin ko na dapat nating pag-aralan at pag-usapan dahil sa aking pananaw ay may dapat baguhin sapagkat hindi naangkop sa mga kinauukulan nito. Ang gusto kong pansinin natin ay ang pag-grupo-grupo natin sa ating mga mamayan, na may grupong ganito, ganoon, maari bang hindi na tayo mag-grupo-grupo?

Halimbawa ng sinasabi ko:

  • Minsan sa mga seminar-workshop, nag-grupo-grupo tayo ng isang grupo ay ang mataas ang pinag-aralan, ibang grupo naman ang may karanasan na at isa naman ang wala pang karanasan o experience. Sa totoo lang Kaka Ali, hindi naman ako totally against dito dahil tama naman dahil may magandang objectives.
  • Sa tribal groupings- may grupo ang Ilocano, Ilonggo, Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Teduray at iba pang tribu.
  • Religion o pananampalataya-isang grupo ang Roman Catholic, Iglesia ni Cristo, Episcopal, Evangelical, Islam, Jehovah Witnesess, Seventh Day Adventist at iba pang religion.
  • Gender- iba ang babae at iba rin ang kalalakihan at kong minsan may pangatlo pa, “third generation” daw.• May MNLF at MILF, May pro-cha-cha at anti cha-cha • May pro-government at anti government • May pro Amerikano at Against sa Amerikano ETC.ETC…….

Ang lahat ng nabanggit ko ay hindi masama kong tama ang layunin at kong talagang nararapat at kinakailangan, para sa akin, sang-ayon ako dyan, ang mahalaga dito ang layunin kong bakit nag-grupo, ngunit kong minsan ay kalabisan na at mali-mali na dahil kahit ang terms natin na ginagamit ay hindi na naangkop, ang mga halimbawa?:

Sa ating bayan ng Upi, may grupo tayong tinatawag na Muslim, Teduray at Christian, ang katanungan ko dyan: “ano ang grouping na iyan? By Tribe ba? by religion ba? By nationality ba?”

Nalilito ako dyan, kong ano ba talaga ang gruping na iyan, at naitatanong ko-bakit?

Kasi ang term na Muslim, ayon na rin sa inyong programa:

Muslim- ay yaong nanamplataya sa Islam-tama po ba Kaka Ali? Mamaaring siya ay Teduray, Ilonggo, Meranaw, Iranon, Ilocano, dahil ang term na Muslim ay may religious inclination hindi ito nabibilang sa tribo. Ang ibig sabihin ng Muslim, ay nanamplataya- ang kanyang agama o religion ay Islam.

Christian- ay yaong nanampalataya sa agamang Christianismo. Siya ay maaring Ilonggo, Teduray, Iranon, Meranaw, Ilocano o iba pang tribo. Maaring iba pang nationality siya nabibilang, dahil ang pagka-Christiano ng isang tao ay dahil sa pananampalataya hindi dahil sa kanyang tribong kinabibilangan.

Ang term na Teduray ay tinutukoy ay ang tribung Teduray, Ang T’duray ay isang tribu,   katulad din sa tribung Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Manubo, Subanen, Ilonggo, Ilocano o iba pang tribu.

Ang tanong ko Kaka Ali, ano ba ang basehan ninyo o natin na hinati-hati natin ang ating mamayan na may grupo ng Muslim, Christian at Teduray? Tama ba ang terms na iyan?

Ang sunod kong tanong, Papaano kong ang aking kapatid na Teduray ay tinanggap ang agama (religion) na Islam, hindi ba nararapat na siya ay Muslim na rin? Katulad din siya sa pananamplataya sa Iranon na Muslim, Meranaw na Muslim, o Ilonggo na Muslim. Siya ba ay Muslim o Teduray na tatawagin? Di ba Muslim na rin siya? Di ba dapat tawagin na siyang Muslim na Teduray, katulad ng nauna nating binanggit?.

Ang Teduray na tinanggap ang Christianity, di ba nararapat na tawagin na siyang Christian? Tulad din siya sa Ilonggong Christiano, Iranon, Tagalog, Ilocano na Christiano? Di ba Teduray siyang Christiano?

Ang Katotohanan ay kong Agama (religion) o pananamplataya ang pag-uusapan sa Upi, may mga mamayan tayong nanampalataya sa Christianity sila iyong Christian, Islam at sila naman iyong MUslim at iba pang religion tulad ng Buddhists, at iba pang religion sa mundo. Kong tribu naman ang basehan, hindi na maitatuwa na nakakarami ang bilang ang mga kapatid na Teduray, Maguindanaon, Ilonggo, Ilocano, Iranon, Meranaw at marami pang ibang tribu dito sa Pilipinas na dito na tuluyan o pansamantalang naninirahan.

Ang mungkahi ko Kaka Ali, bakit, pag-aralan o silipin natin ang ginamit na term ng ating mga ninuno, sa pag-grupo nila sa mga mamayan na kanilang nasasakupan, halimbawa:

  •  Ang mga dati ng naninirahan sa isang lugar ay tinawag nila itong-“Talainged” (native inhabitants) at ang bagong dating ay tinawag naman nila ng “Rafu” (new comers, foreigners)
  • Ang mga naninirahan banda sa dagat ay tinawag na –“imragat’n” (people along the shore), iyong banda naman sa bundok ay-“kapalawan’n” ( people in the mountain). Iyong banda sa pinagmulan ng ilog ay “Taw sa Raya” at “taw sa Ilod” (people in the river bank).

Sa Saudi Arabia sa panahon ng Propeta Muhammad, ang mga naglipat mula sa Mecca papunta ng Madina ay tinawag na “Muhajir” (new comer) at “Ansari” taga Madina.

Sa ngayon mga panahon, maaring hindi ito maging problema, ngunit balang araw ay magiging problema, bakit? kasi ang term na Muslim ay may religion na aspeto, at ginagamit ito sa buong mundo at may maliwanag na kahulugan sa Qur’an, kaya hindi na natin ito pwedeng baguhin ang kahulugan, ganoon din sa terminong Christian.

Ako ay nanawagan sa Media, Academe, sa official ng goberno at sa lahat ng kinauukulan na minsan din natin itong suriin at pag-aralan para maiwasan ang pagkalito at di pagkakaunawaan sa mga darating na araw.

Lubos na gumagalang, ang iyong kapatid na masugid na tagapakinig.

[Nilagdaan] zamin

(original letter: handwritten in yellow paper by Zamin- binasa ni Kaka Ali sa kanyang programang “kapayapaan” November 27, 2006-5:30-6:30 ng umaga-sa himpilang DXZUP-FM 105.5 MHz)to Friday 5:30-6:30 morning]

kaugnay ng pag-basa natin muli sa sulat at pagtalakay sa issue ay may mga natanggap tayong mga sms (text messages): 

(number sadya nating inalis)  time recived: 06:27:27  21-Jan-2008

Peace Tama yang sulat ni Kaka Zamin..ang suggestion ko dapat talaga  d na gamitin ang salitang Christian at Muslim or Bangsamoro para d lalala ang hidwaan…dapat talagaang gamitin na salita na naraapat ay ang tribu mismo gaya ng magindanaon, Teduray, Illonggo,, Cebuanao and etc…kaya nga ininsist ko matagal na mali ang tripeople of Upi kc ang Muslim at Christian ay di tribe…Teduray lamang ang tribu.”

Posted by dxupfm at 6:40 am | permalink | Add comment

Ibalik ang Likas na Kalikasan

July 16, 2008

(Sinulat na ni Kaka Alih-para sa Programang “Bantay Bayan Boses ng Sambyanan” sa segement na “Bantay Kalikasan” July 16, 2008)

Ang pag-uusapan natin sa araw na ito ay tungkol sa Kalikasan. Hindi ba  sa tuwing maririnig  ng ating pandinig ang salitang ito, nalalarawan agad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?. Mga iba’t ibang nilalang na hitik sa kagandahan, samu’t saring buhay na naninirahan sa malaparaisong kaharian.

Ang lahat ay hahanga sa ganitong tanawin, hindi ba? Paano nga ba hindi ka  mahahalina sa, gayong alam mo na taglay ng kalikasang ito ang lahat ng kanyang mga pangangailangan upang mabuhay sa mundo na kanyang ginagalawan? Dito ay sagana sa mga likas ng yaman, mga kamangha mangha na tanawin na nagbibigay ginhawa at  nagpapangiti sa atin. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa atin ng Panginong Lumikha (Allah)  dahil sa kanyang dakilang pagmamahal  sa tao, sa lahat ng kanyang nilanlang dito sa sansinukob.

Ang tao, siya nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago ang buong sanlibutan? Sa ating kalikasan?

Nakakalungkot mang isipin ngunit kung ating mamasdan ay isang ganap na pagbabago ang bumabalot sa mundo at sa ating napakagandang kalikasan, at ang katotohanang ito’y ‘di lingid sa ating kaalaman. At ang katotohanang, isa tayo sa mga saksi, saksing nagbubulagbulagan sa kasalakuyang narararanasan ng Inang Kalikasan. Tao ang nagging dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran.

Ang tanong ko sa mga giliw na nakikinig, Papaano,   nga ba humantong sa ganitong kalagayan ang ating kalikasan? Ito ba ay dahil   sa pagbabago; mga pagbabago sa mga bagay-bagay dahil sa natatanging kaalaman ng tao? Kaalaman ng tao na siya ring bumabago sa mukha ng kalikasan?

Nariyan ang mga makabagong paraan ng paghahanap buhay gamit ang mga makabagong teknolohiya. Mga makabagong teknolohiya na siya ring nagdudulot ng polusyon sa mga tubig at hangin. Kabilang din ang pagtaas ng bilang populasyon kasabay din ang pagdami ng mga umaasa sa mga kayamanang galing sa kalikasan. Ngunit nakakalungkot ding isipin na minsa’y napapabayaan natin ang pagpapahalaga sa ating mga pinagkukunan ng ating mga pangangailangan, partikular na ang mga kagubatan at ang mga buhay na nakapalood dito.

Sa kabila ng pakikinabang ng tao, ang pang-aabuso ay nariyan na minsa’y tayo rin ang naapektuhan. Sana’y maramdaman din natin na ang kalikasan ay may napakahalagang papel sa ating mga tao. May buhay na kailangang pag-ingatan upang mapanatili ang maayos na sistema sa bawat bagay sa mundong ito na may kanya-kanyang ginagampanan.

Ayong Jess Geralino sa programang Usaping Bayan…”Sana huwag nating hayaan humantong sa pagkakataong maranasan ang galit ng kalikasan  subukan nating gumawa ng mga paraan kung paano mapapanatili ang magandang relasyon ng tao sa kalikasan”.

Hindi pa huli ang lahat upang tayo’y magkaroon ng mga hakbang upang maibalik ang unti-unting pagkawala ng sigla at kagandahang taglay ng “Inang Kalikasan”

Sana’y huwag nating ipagdamot, sanay huwag tayong magtulog-tulogan na masilayan pa ang kagandahang taglay ng kalikasan para sa ating mga susunod pang henerasyon at para sa mga buhay ng bagong kinabukasan!

Posted by dxupfm at 10:36 am | permalink | comments[5]

Baha na Naman?

 

 

(Balita-  Kaka Alih - July 15, 2008-Martes) 

 Nuro, Upi…..Nagsimula na naman tumaas ang tubig sa Nuro creek, kaninang bandang tanghali, dahil sa sandaling may kalakasan ng ulan  kasabay ang ulat na may bagyong Helen na tatama sa hilagang Luzon.

Ayon sa mga residente ang isa sa mga dahilan kong bakit konting ulan lamang ay tataas na ang tubig sa Nuro Creek ay dahil sa mga basura na itinatapon ng mga mamayan na naanod sa ilogn, mga punong kawayan, at punong kahoy na nakahambalang at humaharang sa daluyan ng tubig.

Bandang hapon pumunta sa himpilang DXUP FM sa programang Bantay Bayan (na anchor nina Vice Mayor Abdullah Salik Jr Al Haj, Station Manager Mario G. Debolgado at Jose Gersalino) ang isang Ginang, si Arlyn Dela Cruz na humihingi ng tulong sa LGU na maialis ang kumpol na punong kawayan na nakaharang sa ilog ng Nuro.

Nangako ang anchor ng programa na si Jose Gersalino  na ipaparating sa enginnering department ang nasabing problema.  

“Noon pa man ay sinasabi na ng mga “Enviromentalist” na dapat lininisin na ang mga ilog tulad ng Matuber upang maiwasan ang baha”. ito ang  comment ni Ginoong Gersalino.

“…Pinapayuhan ang lahat na malapit sa ilog na maging vigilante..sa muling pagbaha” dagdag pa ni Gersalino.

Noong June 21, 2008 ay binaha ang Barangay Nuro, Borongotan, Blensong at Nangi dulot ng malakas dahil sa bagyong Frank. 

 

 

 

 

Posted by dxupfm at 4:44 am | permalink | comments[1]

Malakas ang Ulan

July 15, 2008

(Balita-  Kaka Alih - July 15, 2008-Martes)

 Nuro, Upi…..Malakas ang buhos ng ulan sa mga sandaling ito (12:49) ng hapon, sa Barangay Nuro, Upi, na marahil ay dulot ng bagyong si Helen. Labis na pinangangambahan ng mga residente lalo na ang binaha na noong June 21, 2008 na dulot ng bagyong si Frank.

Kaninang umaga ay maaliwalis ang kalangitan ngunit bandang tanghali ay unti-unti ng namumuo ang maitim na ulap sa papawirin, at di nagtagal namuo na itong ulan. 

Sa may basakan bandang Sitio Kabutuyen, ng Barangay Blensong-Nuro ay unti-unti ng  lumalalim ang tubig galing sa palayan, nahalos ganito rin noon ng tumaas ang tubig na ang ibang lugar sa Nuro ay abot leeg na, na dito sa may basakan ng Sitio kabutuyen ay umabot ng hanggang biwang.

Posted by dxupfm at 12:49 pm | permalink | comments[4]

Trisikad Driver naghatid ng natagpuang Raincoat sa DXUP FM

July 14, 2008

 

(Balita-  Kaka Alih - July 12, 2008-Sabado)

 Nuro, Upi….. .Muli na naman pinatunayan ng mga taga Upi ang kagandahang asal. Kahapon Linggo, July 13, 2008 inihatid ni   Ryan Jay V. Elian isang  trisikad driver ng Barangay Nuro ay inihatid sa himpilang DXUP FM ang natagpuang    raincoat na naiwanan ng may-ari sa bandang tulay patungong Darugao. 
 
Hindi lamang ang mga ganitong mga gamit na naiiwan na inihahatid sa DXUP FM, kundi mga mamahaling gamit na rin, tulad ng celpon, pera, pitaka, bag, bigas, damit, sapatos. Pati mga hayop na nawawala ay pinapanawagan na rin sa himpilan.

  1. May 2, 2008-Mohamed Kusain na taga Barangay Nuro., nakatagpo ng bag na may celpon, inihatid sa DXUP FM;
  2. March 25, 2008-Joyce Rachel Platon, inihatid ang natagpuan na pitaka  na naglalaman ng pera ang mahahalagang papeles;
  3. March 24, 2008-Vanvan Sotoserano-driver ng skylab (motorcycle taxi) inihatid sa DXUP FM ang natagpuang celpon na Nokia 1100. Ang naturang mobile phone ay kanyang natagpuan bandang hapon, Marso 24, 2008 sa harapan ng simbahan sa Barangay Darugao, Upi, Shariff Kabunasuan.
  4. March 17, 2008- Noknok Prado skylab driver inihatid sa  DXUP FM  ang natagpuang pitaka sa may KM 30, Barangay Kibleg, Upi, Shariff Kabunsuan. na naglalaman ng ID sa pangalan na Efren Maido, ATM Card, driver license  at cash na isang libong piso.
  5. January 28, 2008- Inihatid sa DXUP FM ni Lando Mital driver ng motorcycle na may plate number IP 5702, ang bag na itim, na iba-ibatpersonal na gamit ang laman;
  6. January 25, 2008, na natagpuan ni Basher Kusain anak ni Johnny na Public Market Site, Nuro, Upi. ang isang celpon inihatid sa DXUP FM;
  7. January 27, 2008, 4:45 ng umaga,  bago pumasok sa DXUP FM ang chief technician na si Donald Ventura ay may nakita itong pitaka na nakapatong sa flower pot sa labas ng himpilan at ayon sa mga lamang ID at pera na nagkakahalaga ng dalawang libong piso napag-aari ni Danilo Advento, taga Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan;
  8. January 26, 2008 -ISINAULI ng isang trisikad driver ang maliit na bag/wallet sa DXUP FM 105.5 MHz. Ang bag/waalet ay  kulay abo (gray) na naglalaman ng cash na P50 at mga personal na gamit.   Nakilala ang driver na si Ricky Balala-28, taga Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan
  9. January 19, 2008- Ibinigay ni Palot Diocolano ang napulot na pitaka sa DXUP FM. Ang pitak na naglalaman ng mahahalagang papeles kasama na ang driver license ay napulot ni Dioclano sa may nakatambak na basura sa palengke noong Enero 17, 2008, at ibinigay naman sa DXUP FM;
  10. January 9, 2008- Driver at conductor inihatid ang isang plastic bag na may lamang mga 5 kilong bigas at iba pang grocery .
  11. January 5, 2008-Inihatid ni Yashim Gayao 14 taon gulang,  ang Mobile Phone na Nokia 6070, with camera na natagpuan sa may Upi Gymnasium;
  12. December 26, 2007- dalawang cartoon ng cream bread na naiwan-inihatid ni Dra. Rosario Edwards
  13. Nobyembre 26, 2007- inihatid  Ibs Alimudin ang pitaka na natagpuan ng kanyang mga anak. Ang pitaka na naglalaman ng mga papeles, ID ay pera ay  nakita sa may tulay sa Upi Agricultural School (UAS), Nuro, Upi, kahapon November 25, 2007.
  14. Nobyembre 1, 2007-Susi natagpuan ni Esmael andong Inihatid sa DXUP FM.
  15. Oktubre 24, 2007 -celphone na Nokia 1100, na natagpuan ng mga LGU Upi sweepers , sina: Cristina Momalaga, Pacita Rufino at Sharon Dodoy.
  16. Oktubre 3, 2007- Inihatid ni Jonathan Espiritu ang pitakang natagpuan
  17. September 22, 2007- Bag na may  celpon na 3310,  pitaka, mga personal na  gamit inihatid  ,    ng isang  helper ng  sasakyan  na si Balong Cudal.
  18. September 21, 2007- Mrs Lilia Pasaporte, 60 ay inihatid sa himpilan ang pares na sapatos na leather
  19. September 20, 2007- Pitaka na may pera nawala at napulot ng dalawang mag-aaral ng Upi Agricultural School [UAS-PTIA] isinauli sa himpilang DXUP FM,  nina Cherry Labain at Abegail Lorenzana ang pitaka na pag-aari ni Mr. Roberto Platon.
  20. August 23, 2007- Dahil sa panawagan sa community radio DXUP FM ay agad nabalik ang mga nawalang bandana ng  guro ng Notre Dame of Upi na si Mr. Ronibito Villiamero.
  21. Agoust 20, 2007- Inihatid ni Joel Bansil taga Barangay Kiga, Upi, Shariff Kabunsuan,  sa himpilan ng DXUP FM   ang cellpon na Nokia 1100 dahilInihatid ni Joel Bansil taga Barangay Kiga, Upi, Shariff Kabunsuan.
  22. August 11, 2007 inihatid ni Dolly Layson ang kanyang natagpuan na bag na naglalalaman ng ibat-ibang papeles  na pag-aari ni  Imelda Guilermo, nanatagpuan sa ukay0ukay section ng Public market.
  23. July 22, 2007- Isinauli ni Milagros Castillon ang celpon ni Richard  Abad, driver ng DXUP FM na nahulog.
  24. July 21, 2007- Napulot na kalahating sakong bigas isinauli ng driver ng Skylab [ motorcycle] na si Sol Mating, na taga Barangay Mirab, Shariff Kabunsuan.
  25. July 15, 2007- Paulina’s ng isang mamayan ng Upi ang napulot na celpon at isang wallet na naglalaman ng mahigit 6 thousand na cash sa DXUP FM Inihatid ng mag-asawang Mr Jun Pasaporte at Mrs Keth Pasaporte.
  26. June 23, 2007- Napulot na bag ni Joel Dadivas naglalaman ng mahahalagang papeles isinauli sa DXUP FM.

Ang mga nakalista ay ilan lamang sa mga bagay0bagay na nasaulin \a sa may-ari, ang iba ay hindi na naipost sa  DXUP  FM  blog kundi record book  na lost and found.

Posted by dxupfm at 3:34 pm | permalink | comments[1]

Kababaihan Mahalaga sa Lipunan

(Bahagi ng Script na Sinulat  ni Kaka Alih July 14, 2008-Lunes-paa sa programang Udto na Adi July 14, 2008- 11:00-12:00 noon)

Noong mga unang panahon panahon ng Jahiliya… day of the  ignorance…alam ba ninyo na ang kababaihan ang turing ng  lipunan ay segunda klase na nilalang ng Diyos… Tinuturing nila ito na pag-aari ng lalaki.. ang sabi ng iba hinugot  lang sa   tadyang  ni Adan ang paglalang ng babaeng si Eba…Ang iba naman ay mahina ang babae.. kaya pangkama na sila… ang lahat ng ito ay nagbago ng ihayag  ng Allah ang Islam … sa panahon na ihayag ng Allah na si Muhammad ay kanyang Sugo o Propeta ay nagbago ang turing ng mga tao sa Babae… umangat ang kanilang kinalalagyan… nagkaroon sila ng karapatan.. karapatan na ka-level ng kalalakihan.. taliwas sa paniniwala ng iba  sa ngayon na ang babaeng Muslim ay walang karapatan…Mabuti pa ay isa-isa natin ang mga bansa..

Alam din ba ninyo ang pananaw sa mga babae ng mga ibang bansa at kung paano ang kanilang pakikitungo sa kanila?. Ang mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at nabibili at wala itong anumang karapatan sa halip, ang lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan din siya ng karapatang magmana o magpatakbo ng sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang bantog na pilosopo na si Socrates: “Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo ay maganda subali’t sa sandaling ang bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay ang mga ito.”

Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At ang kanilang kasabihan noon ay: “walang kaluluwa ang babae.” Dahil dito ay pinarurusahan nila ang mga babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang katawan at iginagapus sila sa mga haligi. Hindi lamang iyon, kasama rin dito ang mga walang kasalanang kababaihan ay itinatali nila sa buntot ng mga kabayo kasabay ng pagpapatakbo nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.

Ang bansang Tsina o ang mga Intsik naman ay  ang babae sa kanila ay katulad sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Tsino noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.

Itinuturing naman ng mga Hudyo ang babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag ito’y nireregla at ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.

Ang mga kababaihang Ingles (British), alinsunod sa pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang-siglo (ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi itinuturing na mga mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay kasama na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567 ay gumawa ng batas ang Pamahalaang Parliyamento ng Scotland na nagbabawal na pagkalooban ng kapangyarihan sa anumang bagay ang isang babae.

Ang Pamahalaang Parliyamento nanam ng Inglatera noong panahon ni Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao nguni’t siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.

Sa mga babaing arabo naman bago dumating ang Islam ay itinuturing na isang hamak, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang anumang karapatan. Maraming mga arabo bago dumating ang Islam ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.

Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang-katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay magkapantay sa karapatan. Ang sabi ng AllahU:

“O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa’t-isa). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para sa Allah ay siya na may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Ang Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay.” [Qur’an, 49:13]

Ito sa maikling salita, ang pananaw ng Islam sa babae tulad ng mga pinapahayag natin  noong una pa man dito sa ating mga programa sa  DXUP FM  , ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinango sa katuruan ng Islam, kaya naman noon pa man kinilala na ang mga Bangsamoro bilang mga  Muslim sa dahil sa mga kaugalian na yaon. 

Ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, noon at magpahanggang sa ngayon na nasakop na ng mga kanluranin ay nanantili pa rin ang ganoon kultura bagamat malakas ang asimilasyon sa ibang kultura, tulad halimbawa ng kulturang Pilipino, na minana pa nila ang iba sa mga mananakop.

Sa Bangsamoro ang mga kababaihan ay napakahalaga at napakalaki ang kanilang pagpapahalaga dito. Saan sa mga sa ipinagbabawal kapag nasalungat o nalabag tiyak na may karapatang kaparusahan, (penalty) Halimbawa:

        Mahigpit na pinagbabawal sa kultura ng Bangsamoro ang pagsasama ng lalaki at babae na hindi pa kasal, na silang dalawa lamang sa isang lugar, na walang mahram o kasama;

        Sa bahay ng babae, hindi pinapayagan ang pag-akyat ng lalaki sa bahay kapag walang kasama ang babae, hanggang unang baytang lamang siya ng hagdanan;

        Kahit kamay lamang ang nahawakan ng lalaki sa babae na pwede niyang asawahin ay mahigpit na itong pinagbabawal;

Alin man sa nabanggit ay ang maaring kaparusahan ay multa na katumbas ng maratabat o dangal ng kababaihan… at isa na ditto ang pag-ingi ng kamay o pakakasalan ng lalaki ang babae.. upang ibangon  ang kanyang dangal na nayurakan ng lalaki.

Ang kaparusahan ng lalaki at babae na ginawa ang ginagawa lamang ng mag-asawa (adultery) ay pagpaparusa na katumbas ay kamatayan… 40 na palo sa lalaki at babae.. na ang magsasagawa ay ang pinamalakas na lalaki at ang gamit ay bakal na pamalo na pinag-aapoy muna bago ilalapat sa likod ng nagkasala…sa mga Bangsamoro.. ay may kaunti silang modification dito.. dahil kailangan nila ang buhay na tagapagtanggol ng kanilang angkan ay hindi nila ito isinasagawa.. kundi binabayaran ang buhay nito.. magmumulta sila na katumbas ng buhay halaga ng tao, at para ibangon ang dangal ng babae ay kailangan pakasalan niya ito, pagkatapaos ng mailapat ang parusa…

Ang mga  babae, maging Kristiyano o Muslim o ano pa mang pananampalataya mayrooon siya sila ay may pangkalahatang karapatan na dapat nilang malaman at kilalanin ng lahat upang ito ay kanyang mapakinabangan ng lubusan sa anumang oras na kanyang nanaisin. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang mga simusunod:

1.   May karapatang magmay-ari   tulad ng bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga patananiman, ginto, pilak, at iba’t-ibang uri ng hayop gaya ng kalabaw, baka, at kamabing —maging siya man ay isang maybahay, ina, isang anak, o isang kapatid.

2.   Maykarapatang pumili ng mapangangasawa, tumutol sa lalaking ayaw niya, at humingi ng diborsiyo kapag ang pananatili sa piling ng kanyang asawa ay makapipinsala sa kanya. Ang mga ito ay ang mga karapatang para sa babae na ang katiyakan ay napagkaisahan ng mga pantas ng Islam.

3.   May  karapatang matuto ng lahat ng kanyang kailangan tulad ng kaalaman tungkol sa kanyang relihiyon, kaalaman tungkol sa pagsamba sa Kanya, mga tungkuling kailangan gampanan kalakip ng mga kagandahang-asal para rito, at mga pag-uugaling mahusay na kailangan niyang taglayin sa lahat ng sandali. 

 

Sa Islam ay nag-utos ang Allah sa Qur’an: “Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin ng bawa’t Muslim.”

4.   Ang karapatang magbigay ng Sadaqah (kawanggawa) buhat sa kanyang ari-arian at gumugol buhat sa mga ito para sa kanyang sarili at para sa kanino man na kanyang naisin gaya ng asawa, anak, at mga magulang hanggang ang paggugol ay hindi humahantong sa pag-aaksaya. Ang pagbabawal sa pag-aksaya ay kapuwa para sa babae at lalaki.

5.   Ang karapatang gumawa ng huling habilin (testamento) na nagsasaad ng kanyang kagustuhang ipamana sa kanyang mga pamilya.

 

7.   Ang karapatang mag-suot na naisin niya. ngunit sa Islam ay may batayan na dapat sundin ng kababaihan. Maaari niyang isuot ang anumang maibigan niya gaya ng seda at ginto – kapuwa ipinagbawal sa mga kalalakihan – nguni’t hindi siya maaaring mag-alis ng damit at magsuot ng maikling salawal, damit na pampaligo, damit na maikli o walang manggas at iba pang kasuutang katulad ng mga ito kapag siya ay nasa mga lugar na pampubliko.

Hindi rin niya maaaring alisin ang belo sa kanyang ulo o ilantad ang kanyang leeg o dibdib maliban na lamang kung ang kanyang kapiling ay ang kanyang asawa lamang. Hindi rin siya dapat lumabas ng bahay na hindi suot ang Hijab.

8.   Maykarapatang magpaganda para sa asawa. Sa mga babaeng Muslima ay  maaari siyang gumamit ng pangguhit sa kilay o pilikmata (eye-liner), pulbos, o pangkulay sa labi (lipstick) kung gusto niya. Maaari siyang magsuot ng pinakamagara at pinakamagandang damit maliban sa mga damit na kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga babaeng nagbebenta ng aliw, hindi niya isusuot ang mga ito upang maiwasan na mapagkamalang siya ay kabilang sa kanila.

9.  May karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at makakain niya ang masarap at mabuti para sa kanya. Walang ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at inumin. Sa mga babaeng Muslim naman ay ang anumang ipinahihintulot ng Islam na pagkain at inumin ay kapuwa puwede sa lalaki at babae.

Marami pang karapatan ng kababaihan na magandang talakayin na nagpapatunay na mahalaga sila ating lipunan.  Dahil wala na tayong panahon hanggang sa susunod na araw sa ganito ring oras at himpilan.

Posted by dxupfm at 2:54 pm | permalink | comments[8]

MILF Tumulong sa pag-alis ng Water Lily sa Rio Grande De Mindanao

  (Update Balita ni Kaka Alih-July 14, 2008-Lunes)

Nakiisa na ang Bangsamoro Islamic Armed Forces- Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) kasama ang hukbong sandatahan ng Pilipinas (AFP-GRP) at iba pang civilian volunteers kong papaano aalisin ang nakaharang na water lily sa Rio Grande De Mindanao na sanhi ng patuloy na pagbaha sa Lungsod ng Kutabato.

“Huwag mabahala ang mamayan dahil nandiyan ang sandatahang lakas ng MILF hindi upang makipaglaban sa pamahalaan kundi  pinadala sila ng pamunuan ng MILF para tumulong”…….. pahayag ng tagapagsalita ng BIAF-MILF Eid Kabalu’

Ang MILF ay andiyan upang tumulong at upang maipakita na ang MILF ay nakikiisa    para kapayapaan at  kaunlaran at ito ay bahagi na rin ng confidence-building para sa goberno at mamayan ng Lungsod ng Kutabato”  dagdag pa ni Kabalu.

Posted by dxupfm at 9:44 am | permalink | comments[2]

Mga Halamang Nakakagamot sa Sakit

July 13, 2008

Tinipon ni Kaka Alih- July13, 2008

 Sa panahon na ito na krisis kailangan marami tayong nalalaman na alternatibo sa mga ginagamit natin sa ating pang-araw.  Ang gamot sa sakit ngayon ang masyadong mabilis ang pag-taas, kaya na naman dapat mayroon tayong “extra knowledge”, heto ang mga halimbawa:

Mga Halamang Nakakagamot sa Sakit:

Amplaya

Ito ay mabuti para sa mga taong may diabetes. Malaki ang maitutulong ng paglaga sa dahon nito at  pag-inom ng isa hanggang tatlong beses maghapon. Kailangang inumin ito  kalahating oras bago kumain. Mainam din ito para sa mga babaing  kapanganganak  lamang. Ito ay nakapagpapalakas sa kanila.Samantala,  isang kutsarita naman  ng pinaglagaan ay mainam para sa mga sanggol para hindi sila maging sakitin.

 

KATAS NG SABILA (Aloe Vera)

Mainam na gamut sa mga paso (burns) na gaya ng tilamsik ng mantika; ginagamit bilang pampalago ng buhok, pampakinis ng kutis, gamot sa sugat.

Paraan ng pag-gamot:

 

  • Kunin ang katas ng dahon at ipahid sa balat na natilamsikan ng mantika;
  • gamitin din ang katas para ikuskos sa anit at mukha. Maaari ring gamitin ang katas ng dahon bilang gamut sa sugat.

Sitsirika

Mabisa ito bilang natural na gamot sa diabetes. Ang pinaglagaan nito ay gamot din sa sakit sa ngipin, at ganoon din sa kanser.

Caimito

Gamot din ito sa diabetes. Nakapagpapaalis din ito ng mga bulate. Nakabubuti ang pinaglagaan nito sa tiyan at baga. Ang katas nito ay mabuti rin sa paghilom ng sugat.

 

DAHON NG BANABA (Banaba leaves)


Mainam na pampaligo ang pinakuluang balat o dahon sa bagong panganak. Kung gagawing tsaa at dadalisayin ang pinakuluang dahon, mainam na gawing agua tiempo (tubig) para sa mga may balisawsaw, sakit sa bato at pantog. Ang puno ng banaba ay mabuti ring gamut sa mga sakit na diabetes at alta presyon.

 

DAHON NG SAMBONG (Sambong leaves)


Ilaga o pakuluan ang dahon at gamiting agua tiempo (inumin) para sa mga maysakit sa bato at sa mga binabalisawsaw. Mainam ding panlanggas sa alipunga para sa may kabag at sakit ng tiyan, magpakulo ng 3 o 4 na dahon sa isang basong tubig sa loob ng 15 minuto. Inumin habang maligamgam ang pinagpakuluan.

 

GUMAMELA (Hibiscus)

Mabuting gamut sa pigsa. Kailangang dikdikin ang buko ng bulaklak na hinaluan ng kaunting asin at ihilot o itapal sa namamagang pigsa. Palitan ang tapal araw-araw hanggang sa mahinog ang pigsa. Mababawasan din ang kirot ng pigsa sa pagtatapal nito. Para sa mga bukol, dikdikin ang buko ng bulaklak at itapal. Mainam ding gugo ang katas ng dahon nito.

 

DAHON NG OREGANO (Oregano leaves)


Mabuti ang pinalambot na sariwang dahon sa nasunog o paso, kagat ng alupihan at sakit ng ulo. Kung ilalaga naman ang dahon, mabuting gamot sa sakit ng tiyan. Nakalilinis din ito ng balat.

Posted by dxupfm at 12:37 pm | permalink | comments[99]

Halaman Gamot Para sa Balakubak

(Tinipon at kinalap ni Ni Kaka Alih-july 13, 2008)

Kayo may balakubak o nagkaroon na nito di ba nakakainis magkaroon ng dandruff o sa wikang ating  Pinoy ay “balakubak”.   Bukod sa madumi itong tingnan sa buhok, nakakainis pa ito kapag minsang nagsusuklay ka tapos may mga tatalsik na pira-pirasong bahagi sa damit mo, (at di makapag-suklay kong nandiyan sa tabi mo ang crush mo) .  Wala ka namang magagawa kundi pagpagin ang mga ito. Tapos hindi mo mapapansin na meron pala sa likod mo  ang pinopormaham mo pa na dalaga.

 

Hindi naman kakaiba ang balakubak. Tila normal na nangyayari ito sa kahit sino man di ba?,  lalo na pag tag-init. Bale yung nanuyong balat eh nagiging balakubak at dumidikit ito sa anit. Mapapansin mo ang mga ito kapag hinimas mo ang buhok mo at may kakaiba kang mararamdaman sa iyong scalp. At dun mo mapapagtanto na kailangang kutkutin ang dandruff… isang napakasarap na gawain na may masamang epekto sa ulo.

Ang madaling gamot ay shampoo for dundruff, ang problema napakamahal ng shampoo na  iyan, at pangalawa nasa barrio ko wala sa tindahan o talagang wala kang budget (walang pera), heto ang sinauna na pag-aalis ng balakubak, mga halaman sa iyong paligid, bakit hindi subukan.

 

  1. Hugasan ang buhok ng 2 ulit isang linggo na ginagamitan ng siyampong mula sa gugo, o siyampong komersyal para sa tuyong buhok.
  2. Suklayin at masahehing mabuti ang ulo pagkatapos magsiyampo.
  3. maglagay sa ulo at buhok ng langis na mula sa niyog minsan isang linggo, isang oras bago magsiyampo. Imasahe ang langis sa anit. Bayaan ito sa loob ng 10 minuto. Higit na mabuti kung patatagalin ito ng buong magdamag, bago magsiyampo.
  4. Lagyan ng kalahating  suka ang isang galong tubig at gamitin itong pambanlaw ng buhok para sa mabuting kondisyon nito.

Paggamot ng halaman

   1.   Kilaw (luyang dilaw o kalawag)

       • Dikdikin ang lamang-ugat.

       + Ikuskos ang katas sa anit at sa buhok. Panatilihin ito

          sa buong magdamag at magsiyampo kinabukasan.

   2.   Gugo siyampo

       • Ibabad ang gugo sa isang palanggana ng malamig na

          tubig sa loob ng 30 minuto bago magsiyampo. Pigain

          ang gugo sa tubig at dagdagan ng katas ng 3

          kalamansi.

       + Basaing mabuti nito ang buhok at gamitin din itongsiyampo.  Banlawang mabuti (hugasan).

   3.   Sabila

       • Magkaas ng mga sariwang dahon.

       + Lagyan ng saganang katas ang anit at imasaheng

          mabuti ng isang oras at siyampuhin ng gugo

          pakatapos. Gawin ito minsan isang linggo ng 4 na

          linggo.

Posted by dxupfm at 12:06 pm | permalink | comments[10]

Unang Sulat ni Zamin sa Kapayapaan

Unang sulat ni Zamin sa programang “kapayapaan” . Ang progrma ay marirnig noon sa DXUP FM 105.5 MHz  tuwing umaga 5:30 hanggang 6:30 -Lunes hanggang Biyernes, Mula noong June 2008 ay inilipat na ito ng 11:00 -12:00 ng tanghali.  ang pormat ng programa ay pagbasa ng mga liham at mga sms o text  mula sa sa tagapakinig.  isa si Zamin (ang sigoro tunay na pangalay, ito naman ang madalas na mga sumusulat gumagamit ng alyas) ay madalas na nag-tetext o sumusulat sa programa ni Kaka Alih.  Isa sa kanyang mga sulat ang minsang binasa sa programang kapayapaan:

November 22, 2006

Magandang Umaga Kaka Ali,

Kapayapaan at Magandang umaga po sa lahat ng taga pakinig ng DXUP-FM lalo na sa mga taga pakinig ng inyong napaka-imformative na programa-Kapayapaan.

Kaya po ako sumulat ay gusto kong mag-bigay ng ilang mga kuro-kuro sa mga napapansin ko na dapat nating pag-aralan at pag-usapan dahil sa aking pananaw ay may dapat baguhin sapagkat hindi naangkop sa mga kinauukulan nito. Ang gusto kong pansinin natin ay ang pag-grupo-grupo natin sa ating mga mamayan, na may grupong ganito, ganoon, maari bang hindi na tayo mag-grupo-grupo?

Halimbawa ng sinasabi ko:

•Minsan sa mga seminar-workshop, nag-grupo-grupo tayo ng isang grupo ay ang mataas ang pinag-aralan, ibang grupo naman ang may karanasan na at isa naman ang wala pang karanasan o experience. Sa totoo lang Kaka Ali, hindi naman ako totally against dito dahil tama naman dahil may magandang objectives.

• Sa tribal groupings- may grupo ang Ilocano, Ilonggo, Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Teduray at iba pang tribu.

• Religion o pananampalataya-isang grupo ang Roman Catholic, Iglesia ni Cristo, Episcopal, Evangelical, Islam, Jehovah Witnesess, Seventh Day Adventist at iba pang religion.
• Gender- iba ang babae at iba rin ang kalalakihan at kong minsan may pangatlo pa, “third generation” daw.
• May MNLF at MILF
• May pro-cha-cha at anti cha-cha
• May pro-government at anti government
• May pro Amerikano at Against sa Amerikano
ETC.ETC…….

Ang lahat ng nabanggit ko ay hindi masama kong tama ang layunin at kong talagang nararapat at kinakailangan, para sa akin, sang-ayon ako dyan, ang mahalaga dito ang layunin kong bakit nag-grupo, ngunit kong minsan ay kalabisan na at mali-mali na dahil kahit ang terms natin na ginagamit ay hindi na naangkop, ang mga halimbawa?:

Sa ating bayan ng Upi, may grupo tayong tinatawag na Muslim, Teduray at Christian, ang katanungan ko dyan: “ano ang grouping na iyan? By Tribe ba? by religion ba? By nationality ba?”

Nalilito ako dyan, kong ano ba talaga ang gruping na iyan, at naitatanong ko-bakit?

Kasi ang term na Muslim, ayon na rin sa inyong programa:

Muslim- ay yaong nanamplataya sa Islam-tama po ba Kaka Ali? Mamaaring siya ay Teduray, Ilonggo, Meranaw, Iranon, Ilocano, dahil ang term na Muslim ay may religious inclination hindi ito nabibilang sa tribo. Ang ibig sabihin ng Muslim, ay nanamplataya- ang kanyang agama o religion ay Islam.

Christian- ay yaong nanampalataya sa agamang Christianismo. Siya ay maaring Ilonggo, Teduray, Iranon, Meranaw, Ilocano o iba pang tribo. Maaring iba pang nationality siya nabibilang, dahil ang pagka-Christiano ng isang tao ay dahil sa pananampalataya hindi dahil sa kanyang tribong kinabibilangan.

Ang term na Teduray ay tinutukoy ay ang tribung Teduray, katulad sa tribung Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Manubo, Subanen, Ilonggo, Ilocano o iba pang tribu.

Ang tanong ko Kaka Ali, ano ba ang basehan ninyo o natin na hinati-hati natin ang ating mamayan na may grupo ng Muslim, Christian at Teduray? Tama ba ang terms na iyan?

Ang sunod kong tanong, Papaano kong ang aking kapatid na Teduray ay tinanggap ang agama (religion) na Islam, hindi ba nararapat na siya ay Muslim na rin? Katulad din siya sa pananamplataya sa Iranon na Muslim, Meranaw na Muslim, o Ilonggo na Muslim. Siya ba ay Muslim o Teduray na tatawagin? Di ba Muslim na rin siya? Di ba dapat tawagin na siyang Muslim na Teduray, katulad ng nauna nating binanggit?.

Ang Teduray na tinanggap ang Christianity, di ba nararapat na tawagin na siyang Christian? Tulad din siya sa Ilonggong Christiano, Iranon, Tagalog, Ilocano na Christiano? Di ba Teduray siyang Christiano?

Ang Katotohanan ay kong Agama (religion) o pananamplataya ang pag-uusapan sa Upi, may mga mamayan tayong nanampalataya sa Christianity sila iyong Christian, Islam at sila naman iyong MUslim at iba pang religion tulad ng Buddhists, at iba pang religion sa mundo. Kong tribu naman ang basehan, hindi na maitatuwa na nakakarami ang bilang ang mga kapatid na Teduray, Maguindanaon, Ilonggo, Ilocano, Iranon, Meranaw at marami pang ibang tribu dito sa Pilipinas na dito na tuluyan o pansamantalang naninirahan.

Ang mungkahi ko Kaka Ali, bakit, pag-aralan o silipin natin ang ginamit na term ng ating mga ninuno, sa pag-grupo nila sa mga mamayan na kanilang nasasakupan, halimbawa:

• Ang mga dati ng naninirahan sa isang lugar ay tinawag nila itong-“Talainged” (native inhabitants) at ang bagong dating ay tinawag naman nila ng “Rafu” (new comers, foreigners)

• Ang mga naninirahan banda sa dagat ay tinawag na –“imragat’n” (people along the shore), iyong banda naman sa bundok ay-“kapalawan’n” ( people in the mountain). Iyong banda sa pinagmulan ng ilog ay “Taw sa Raya” at “taw sa Ilod” (people in the river bank).

• Sa Saudi Arabia sa panahon ng Propeta Muhammad, ang mga naglipat mula sa Mecca papunta ng Madina ay tinawag na “Muhajir” (new comer) at “Ansari” taga Madina.

Sa ngayon mga panahon, maaring hindi ito maging problema, ngunit balang araw ay magiging problema, bakit? kasi ang term na Muslim ay may religion na aspeto, at ginagamit ito sa buong mundo at may maliwanag na kahulugan sa Qur’an, kaya hindi na natin ito pwedeng baguhin ang kahulugan, ganoon din sa terminong Christian.

Ako ay nanawagan sa Media, Academe, sa mga official ng goberno at sa lahat ng kinauukulan na minsan din natin itong suriin at pag-aralan para maiwasan ang pagkalito at di pagkakaunawaan sa mga darating na araw.

Lubos na gumagalang, ang iyong kapatid na masugid na tagapakinig.

zamin

(original letter: handwritten in yellow paper by Zamin- binasa ni Kaka Ali sa kanyang programang “kapayapaan” November 27, 2006-5:30-6:30 ng umaga-sa himpilang DXUP-FM 105.5 MHz)

Posted by dxupfm at 11:38 am | permalink | Add comment

Christian,Muslim at T’duray Tribe

 (Sinulat ni Kaka Alih-Hulyo 13, 2008-Linggo)

Ang programang “kapayapaan” ay marirnig noon tuwing umaga 5:30 hanggang 6:30 -Lunes hanggang Biyernes, Mula noong June 2008 ay inilipat na ito ng 11:00 -12:00 ng tanghali.  ang pormat ng programa ay pagbasa ng mga liham at mga sms o text  mula sa sa tagapakinig.  isa si Zamin (ang sigoro tunay na pangalay, ito naman ang madalas na mga sumusulat gumagamit ng alyas) ay madalas na nag-tetext o sumusulat sa programa ni Kaka Alih.  Isa sa kanyang mga sulat ang minsang binasa sa programang kapayapaan:

December 12, 2006

Ang kapayapaan ay sasaatin nawa na tumatahak sa matuwid na landas, Congratulations sa lahat ng taga Upi,  lalo kay Hon.  Mayor Timuay Ramon Piang Sr.  at sa lahat ng official ng Upi,  sa napakagandang idea na nakabuo ng isang programa na magiging dahilan upang mabigkis ang samahan ng lahat ng tribo dito sa bayan ng Upi, ito ang Meguyaya Festival.

Sadyang malayo na ang narating ng mga taga Upi, marami na tayong naituwid na mali, una iyong tawag natin sa tribo na “Teruray” ang pagsulat at pagbasa ay mali pala at itinuwid natin, ngayon ay nasa tamang term:  T’duray.

Ang paghahati-hati sa mga tribo ay maganda ang kinalabasan dahil dito ay nag-papakita ng gilas ang bawat tribo, at dahil dito muli ay congratulations sa ating lahat. Ang comments ko lamang ay ang term o tawag sa mga tribo, ang mga galing ng Luzon at Visayas na mga tribo, tulad ng Tagalog, Pangasinan, Ilokano, Ilonngo, Cebuano at marami pang iba ay tinawag nating Christian Tribe, ang taga Mindanao naman na mga Maguindanaon, Iranon, Meranaw at iba pa ay Tinawag naman na Muslim Tribe at ang native inhabitants na taga Upi ay nanatili sa tawag sa tribo nila na T’duray.

Sa pag-hahati by tribe ay walang problema, ngunit ang term na ginamit na Christian ay panahon na upang baguhin at hanapan ng tamang terminology, bakit Kaka Ali? Dahil alam nating lahat ang Christian at Muslim term ay para sa mga nanampalataya, na ang religion ay Christianity at Islam, papaano ngayon iyan na marami na sa ating mga Ilokano na Muslim na dahil tinanggap na ang Agama o religion ang Islam.

Ang ibig sabihin ng Muslim ay iyong ang religion ay ang religion na Islam at ito ay hinda na pwedeng palitan ang term na ito dahil galing sa Qur’an at Hadith.

Bakit hindi natin palitan ng tamang term, na hindi na malilito ang mga kababayan balang araw, dahil pag-Muslim ang term natin sa mga Iranon, Maguindanaon, Meranaw at kasama pa nila, ay magkakalituhan, bakit?

Kaka Ali ay hindi na natin maitatwa na mayroon ng mga Iranon, Maguindanaon, Meranaw na ang religion ay Christianity, at of course sila ay tatawagin ng Christian, hindi na Muslim,

At dahil tribo naman ang ating tinutumbok sa paghahati hati sa mga constituents ng Upi, ay palitan na natin ng walang religious inclination, dahil ang sa T’duray tribe, ay walang religion na involved, iyong sa mga kapatid na R’nawon (ito ang tawag ng t’duray sa Maguindanaon, Iranon at Meranaw) ay may religious inclination, kaya panahon na para palitan natin sa accepted terms. iAng Muslim ay palitan ng Bangsamoro, dahil ito ay accepted terms sa ngayon at wala pang malilito, walang religion na involved.

Sa Christian ay maghanap na rin tayo, tulad ng ginawa nila sa ibang lugar, ang ipinalit nila ay Descendant of Settlers.

Marami pong Salamat kaka Ali,


ang iyong kapatid na

Zamin


Posted by dxupfm at 11:29 am | permalink | comments[15]

Kadsapa sa Bangsamoro o Pag-sumpa

   

(sinulat ni Kaka Ali)
Naging ugali o bahagi na ng kultura ng mga Pinoy (Pilipino) ang pagsumpa. Sa mga Bangsamoro na Iranun o Maguindanaon ito ay tinatawag na  “kadsapa” (pagsumpa). Ang kaugaliang ito ay madalas na ginagawa kong nagduda o walang tiwala sa sasabihin o sinasabi ng isang tao. Kong napapansin mo na hindi naniniwala ang kausap, tayong mga Pinoy sumusumpa na totoo ang pinagsasabi. Ang pag-sapa o pag-sumpa ya madalas na ito’y nagyayari sa mag-asawa, sa magkaibigan, sa pamilya, pati sa husgado ay pinasusumpa ang isang saksi bago “cosss examine” o tinatanong, na ang ibig sabihin ay hindi kasinungalingan ang kanyang mga ipapahayag.


At kong minsan ginagamit din ito sinta (”cursed” ) sa isang tao kong galit sila dito lalo sa isang kaibigan o kamag-anak.

Sa pag-sumpa iba’t-iba ang naging kaugalian dito ng mga Bangsamoro, halimbawa: (hindi lahat, ang may similarity lamang ng dialect, tulad ng Iranon, Maguindanaon at Meranaw:)

• “Busong’n ako pan”- (sumpa ng nakakabata-madalas sa Iranon o Maguindanaon maririnig) na ibig sabihin ay mauusog siya pag hindi totoo ang kanyang sasabihin.

• “Matay ako pan”- (mga bata ang madalas na gumagamait nito-ng Iranon o                                         Maguindanaon)  mamatay psa ako.
• “But’n ako na buwaya”-(mga taga laya o mga taga pawas o tabing ilog,  ang madalas dito ay Maguindanaon) sagpangin pa ako ng buwaya.

• “kamurkan ako no bangsa” (usually ang gumagamit dito ay may dugong                                             maharlika)-maging buang pa ako-itakwil ako ng aking angkan.

“mabinasa ko no amal ko” (sumpa madalas ng isang relihiyoso, ngunit kulang ng                 sapat na kaalaman sa Islam)-masisira ang aking mga magagandang                                     pananamplataya.

• “mairos-iros kami”-(sumpa ng mga maingat o inaalagaan ang kanyang pamilya)                             maubos kaming pamilya.

• “mabuno ako p’n” (sumpa ng lalaking matapang, na tila walang kamatayan)-mapatay                     pa ako.

• “Kadudusan ako pan”-(sumpa ng isang buntis na babae) makunan pa ako.
• “Kafir ako”-(sumpa ng isang may malakas na paniniwala na siya ay Muslim, habang                     may buhay) Mawalan pa ako ng  pananampalataya.

  • “masugat ako na kilat” Tamaan ako ng kidlat

Marami pang pag-sapa o pagsumpa ang ginagawa ng mga Bangsamoro na Muslim, ngunit ang pinaka-matindi na pagsumpa ay sa Qur’an. Ginagawa nila ito kong ipinag-uutos na ng mga “matatanda” (husgado). Pinapatong mo ang iyong kanang kamay sa Qur-an, ngunit sa mga “matatanda’ ginagawa nila ito sa lugar na malayo sa kabihasnan, ang kanilang paniniwala dito, kong sakali mang “pemurkan” (curse) ang lugar na iyon ay walang taong maadadamay. Ang narinig ko sa matatanda ginagawa ito sa mga tabing ilog (marahil ang kanilang paniniwala dito ay madadala ng agos  ng tubig ang galit ng Allah kong sakali mang nagsisinungalin ang taong sumusumpa, akin lamang ito na haka-haka dahil hindi ko pa narinig sa kanila ang dahilan kong bakit doon pa isinasagawa)


Sa Islam ang pag-sumpa ay hindi pinapayo, at kong sakaling di maiwasan ang pag-sumpa, sa Allah ka lamang dapat sumumpa: halimbawa “Ang Allah ang aking Saksi, Nagsasabi ako ng katotohanan”.

(Note: ang artikulong ito ay sinulat ni Alih Anso-segment director ng radio program ng DXUP FM 105.5 MHz na”Bantay Bayan, Boses ng Sambayan” 7:00-8:00 am - October 20, 2006, sa segment na Bantay Kultura. Ang anchor ng programa ay si Lenyrose Bajar at Alih Anso ang co-anchor-any commentsfor this article please contact him: kaka_alih@yahoo.com.ph
(more…)

Posted by dxupfm at 11:06 am | permalink | Add comment

Ang Alak na Nakakalasing Bakit Haram Sa Islam at Bawal sa Ibang Religion?

July 12, 2008

 (Part ng Script na sinulat ni Kaka Alih para sa programang Kapayapaan  5:30-6:30 ng Umaga- May 2, 2008)

Isang di matapos  tapos na debate kong ang pag-uusapan ay ang alak na makalasing, dahil iba iba ang pagtingin dito ng ibang relihiyon, ngunit sa Islam ay kanya itong tandisang o specific na tinukoy na Haram ang Khamer o alak na makalasing.

O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa  na  nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90]

”Huwag kang tumingin sa alak pagka mapula, Pagka nagbibigay ng kaniyang kulay sa saro, Biblia-Mga Kawikaan 23:31

Tinanong ko ang aking mga kasamahan dito sa station, ang ATBCI ay bawal din sa kanila ang Alak, ang relihiyong kinaaniban ni Donald Good News Fellowship Christian, ay bawal din.

Generally speaking, ang alak na makalasing ay ipinagbabawal ng lahat ng relihiyon, ang iba ay huwag lang maglasing, ang iba naman ay kahit tikim ay hindi pwede.

Sabi ng ating kaibigan,:  “Kaka Alih kahit ang COMELEC ay bawal din ang alak” (papaano napasok ang COMELEC?)....”di Kaka pag election day mahigpit na pinababawal ang alak” ( ok tama ka, upu tell the truth, 5 points ka… dagdagan ko ang goberno natin, bawal din )  ”Kaka diyan naman ako hindi sang-ayun, may permit ang alak na binigay ang goberno” ( eh bakit kong panahon ng mahal na araw di ba bawal?)

Bago tayo magdebate… paalaala muna ng ating himpilan: (PLAY PLUGS-RH)

Ang pag-inom ng alak na makalasing sa ating bansa o sa ibang parte ng mundo, kong ating mapapansin sa mga lugar na hindi umiiral ang katuruan ng Islam ay   naging pangkaraniwan na lamang ang pagbebenta at pag-inom ng alak, inaakalang isang uri ng libangan o pampalipas ng oras. Kadalasan’y ginagamit sa pag-iistima ng mga importanteng tao o mga kaibigan, o di kaya ay ipinamimigay bilang pangregalo sa mga espesyal na kaibigan.

Ang pag-inum ng alak ay halos kabahagi na ito sa lahat ng mga okasyon nating mga Pinoy (agree o dis-agree??) — Hindi kumpleto ang kasiyahan kapag walang inuman! Katotohanan nga ba na kasiyahan ang naidudulot nito sa tao?  O pagkawasak?  Kayo baka gusto ninyo makibahagi sa ating talakayan, just type in our keyword in your celpon: Kapayapaan, space, message, space name and address at send to this numbers: 09185476707 & 09263029849

Kung napag-ukulan lamang natin ng malaking pansin ang pinsala na ibinibigay ng alak  sa katawan ng tao, sa pamilya at kapaligiran, tiyak na tayo   mismo    ang kusang lalayo rito at tuluyan na itong iiwasan ang alak!

Batid natin sa ating mga sarili, na karamihan sa mga krimen at aksidenteng nagaganap sa ating kapaligiran ay sanhi ng mga nakainom ng nakalalasing na inumin na tulad ng alak,   bawal na gamot at iba pa na mga katulad nito.

Nagiging sanhi  ito ng kaguluhan sa pamilya,  ng di pagkakaunawaan,  pagkamuhi ng mga anak at asawa sa ama ng pamilya, at minsan ay humanhantong sa paghihiwalay ng mag-asawa — ang resulta: ‘Broken Family.’  Alam Ba ninyo? Dito sa ating likod ng ating radio station ay may bilangguan at di minsan lang natin napatunayan na marami ng naipasok sa rehas na bakal dito ay  nakalabag sa batas ang dahilan aynakainom ng alak na nakakalasing.

Isama mo pa rito ang iba’t ibang uri ng sakit, na ang sanhi ay mula sa pag-inom ng mga nakalalasaing na inumin.    Ayon sa mga dalubhasa o maalam, at hindi lang base sa observation natin sa paligid,  napakaraming sakit na idinudulot ang alak, halimbawa:

  • Binubuhay nito ang seksuwal na pagnanasa, na siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag ng laman: na tulad ng panggagahasa, karahasan at kalaswaan. At ang pinatutungahan nito kung minsan ay pagpapatiwakal!
  • Nagdudulot ito ng pinsala sa utak: Isa sa sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang tao, sanhi rin ito ng pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex cells’ (nagpapagalaw sa ating kalamnan)  sa utak ng isang tao na nauuwi sa pagkasira ng ulo.
  • Nagiging sanhi rin ito ng unti-unting pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo sigoro marami kayong alam na naparalitiko na palainum ng alak,)
  • Pinipinsala rin nito ang atay ng isang tao, na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga lason sa loob ng katawan, lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong pangyayari ay tataas ang antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang makaka-apekto sa pagkilos ng kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung kaya, hindi na magiging normal ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging makasarili na siya, magalitin, mapaghinila at magiging malungkutin.
  • Pagkakaroon ng depekto sa kidney, sa albumin sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo (o fatal blood acidity), na magwawakas sa ‘heart failure.’
  • Nagdudulot ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga mata na humahantong sa pagkabulag ng tao.
  • Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.

Ang lahat ng ating halimbawa ay maliwanag na nakikita natin ngunit sa kabila ng lahat ng ito, matigas pa rin ang puso natin, hindi poa rin tayo naniniwala. Ang sabi nga ng ating kaibigan na Pastor:  Sadyang Mapagsamba sa sarili ang tao! At saka pa lamang nagigising kapag huli na ang lahat at wala nang saysay!”

Mga kaibigan na nakikinig, pangalagaan natin ang ating mga sarili mula sa mapaminsalang bagay na ito — ang nakamamatay na inumin. Ito lamang ang uri ng lason na pinahihintulutan ng ibang mga bansa sa kani-kanilang lipunan, gayong batid naman nila ang dinudulot nitong masamang epekto.

ILAN SA MGA TEXT NA NATANGGAP NG PROGRAMANG KAPAYAPAAN: (binuo o dinagdagan ng vowels, para madali mabasa) 09265291977- 5:42 AM – Kapayapaan bakit wala tayong pablek terminal kawawa naman iyong mga pasahero, lalo ganitong umuulan, diyan na lang ba sa punong kahoy?

    1. 09107502549-06:15 am – Kapayapaan-tama ka kaka alih, kaya lang ang kasayahannila, panandalian lang, hindi nila alam i2 ay nagdudulot sa isang karamdaman ng kanilang kalusugan,hindi lang religion, kc kahit na bawal, sa religion, ang ibapatikim tikim pa ren hanggang sa malulong  na sa alak, kaka ali kailangan pag-ingatan, at pangalagaan ang ating katawan, yn lang ang tanging kayamanan natin kalusugan, tnx . anita
    1. 09296114061-6:15 am- Kapayapaan- d po ako nainiwala na makalbaog ang pag-inog ng alak, sa dahil ang mga lasenggo d2sa amin dami nila anak, taon taon pa nga nanganganak ung kanilng mga asawa. From Joan.
    1. 09187133083-6:16 am – kapayapaan- kapayapaan feds of Happy Valley, normal lang ang pan-inom ng alak pero kailangan din sanang limitasyon at disiplina sa sarili. Request me kaka ali ng ulan gikan sa kalangitan by max surban. Plzplay mo kaka ali, i love u.
    1. 090924406696-6:04 am (sori po hindi ko nabasa, nalagpasan/nakalimutan)- kapayapaan- gret kopo ng hapy2x 21st birthday c Michael Siapno I hope u have more birthday 2 come gretings from N.J. thanks

 

Posted by dxupfm at 11:10 am | permalink | Add comment

World Population Day, ipinagdiwang sa Upi!

 

 

(Balita- Lenyrose Bajar at Kaka Alih - July 12, 2008-Sabado) 

Nuro, Upi….. .Kasabay ang buong mundo na ipinagdiwang ng taga Upi  nitong Biyernes , July 11, 2008  ang World Population Day na may temang “Family Planning, Its  A right Let’s Make it Real”. Ang okasyon ay  ginanap sa  Upi Municipal Conference hall.

Sa opening program na live na napakinggan sa community radio ng Upi ang DXUP FM 105.5 MHz ay mariing binigyang diin ng Committee on Women, Family & Children, chairperson Municipal Councilor  Maria Elena  II Castro – ang epekto ng paglobo o pagdami ng populasyon sa buong mundo at kasabay ang pagdami ng basura, kakulangan ng pagkain, pagbaba ng bilang ng makakapag-aral, at problema sa kalusugan.

Inihayag din ni Castro na ang pagpaplano ng pamilya ay di lamang para sa kababaihan kundi ito ay usaping pang-pamilya. Hinamon din nito ang mga guro at kabataan na gawing hanggang dalawa lamang ang anak  upang mapag-tuunan ng pansin ang karapatan at kapakanan ng mga ito.

Bilang bahagi pa rin ng World Population  Day celebration na ito ng Upi ang Poster Making Contest  para sa elementary level at Essay Writing Contest naman sa secondary level.

Apat na paaralang pangsekondarya ang nagpadala ng tig-dalawang kalahok ng mga ito sa essay writing contest:  Notre Dame of Upi, Saint Francis Highschool, Upi Agricultural School–PTIA at South Upi  National High School Annex sa Nangi. Sa Poster Making Contest,   tatlong paaralan  ang nagpadala ng kalahok,  Nuro Central Elementary School, Upi Montessori Educational Center at Mirab Elementary School.

Ang naging resulta sa bandang hapon, sa Essay Writing Contest nagwagi ng 1st Place si Jessica Ayne Peñaloza, ng Notre Dame of Upi na tumanggap ng isang libong piso na premyo at Certificate,  2nd placer si Jc  Earl Cariño ng Saint Francis High School  na tumanggap ng limang daan piso , at 3rd placer naman si Analiza Alquizalas ng Notre Dame of Upi na tumanggap ng dalawang daan at  limampung piso. Tig isang daang peso naman bilang consolation prize naman ang natanggap nina  JC Hope Cariño, Johanna Vanessa Francisco, Cheene Lim, Grace Joy Granaderos at Maricel Helladoga, .

Sa Poster making  Contest naman, nagwagi ng isang libong piso at certificate bilang first place si Al Kenar Mondares, Nuro Central Elementary School na  Limang daang Piso   ang natanggap ni Joshue Erom Fajunio ng Nuro Central Elementary School,  bilang 2nd placer,  habang si Thea Blanca Baybayan ng Upi Montessore Education Center naman ay tumanggap ng dalawang daan at limampung piso bilang third placer . Sina Aljean Nur Candao , at Noraina Lintang ay kapwa tumanggap ng isang daang pisong consolation prizes.

Naging batayan ng pagguhit ng mga kalahok ang temang “May ginhawa ang maliit na pamilya”. Ang mga nabanggit na premyo ay sponsored ng UNFPA at LGU Upi.

Sa Closing program naman ay pinasalamatan ni Upi Womens Federation president at unang Ginang ng Upi Amelita Piang ang mga dumalo sa  pagdiriwang ng World Popuation Day . Pinuri rin niya ang mga mag-aaral na sumali sa patimpalak at inaasahan na magiging ehemplo sila ng mga kabataan.

Ang Facilatator ng nasabing ocassion ay ang  Upi  MPDC Officer at Municipal Population Officer Engr. Paulo Cagara. sina  Municipal Councilor Maria Elena II Castro bilang  chairman ng Board of Judges aty kasama ang Social Welfare  Officer 3 Marilou Diestro at MENRO Glory Centillo . Dumalo din ang mga guro bilang coaches ng mga paaralan at   DXUP FM reporters Donald Ventura at Alih Anso-DXUP FM Program Director.

Posted by dxupfm at 10:21 am | permalink | Add comment

Kumusta ang Estado Ng Kalikasan ng Bansa sa Ngayon?

July 10, 2008

 (Bahagi ng script na sinulat ni Kaka Alih bilang segemtn producer at writer para sa programang “Bantay Bayan Boses ng Sambayanan’ sa segment nitong “Bantay kalikasan” -july 9, 2008- anchorperson ay si Lenyrose Bajar at Co Anchor ay si Kaka Ali- naguong araw ng Miyerkules July 9 2008 sa himpilang DXUP FM 105.5 MHz)

·          Ang kalikasan sa ating bansa sa kasalukuyan ay masasabi natin nasa di magandang kalagayan dahil sa pag-abuso ng mismong mamamayan ng ating bansa.  

·          Ang ating mga bukirin at kagubatan na noon ay puno ng mga kahoy o masaganang likas yaman ngayon ay nakalbo na.  Ito ay dahil sa illegal logging na talamak sa ating bansa.

·          Ikalawa sa ating karagatan kung saan ang mga lamang dagat ay inaabuso ng mga mangingisda sa pagtatapon ng mga toxic kung saan nalalason ang mga ito.

·          Ang ating mga ilog, kahapon nga pala  may text tayong tinanggap, na may nangongorente raw ng isda sa mga natitira pang ilog natin dito sa Upi, sabi ng texter masama ito dahil pati ang maliliit na i\sda at itlog nito  ay nadadamay, may pakinabang nga siya na nangongorente ng isda , ngunit mas malaki ang kanyang napipinsala, dahil nauubos niya ang isda.

·          Ang lunsod ng maynila ay pinakamarumi at polluted sa ating bansa, ngunit ang bayan natin ang Upi kong hindi natin aalagaan susunod sa Lungsod ng Maynila.

·          Mga baradong kanal,at napakaruming ilog,tambak na basura at mga kemikal na lumilikha ng pollusyon sa hangin at tubig.

·          Ito ang pilipinas ngayon kaya tao,mga tao ay dapat mag-isip at pangalagaan ang kalikasan.

Dapat ang mga Mamayan ng Upi may Malasakit at Pakikilahok sa mga Gawaing Pambayan

Alam ba ninyo mga kapatid na nakikinig na anumang ganda ng proyekto at gastusan pa ito ng pamahalaan, ng mga funding institution, na nasa ibang bansa ay  hindi magiging ganap ang tagumpay nito kung walang suporta at pagpapahalaga rito ang taumbayan. Yes hindi magtatagumpay kong ang mga taga Upi ay magbingi-bingihan, silay matulog-tulugan. Magiging tagumpay ito kong tayo ay magkaisa at magtutulungan. Tiyak ang tagumpay ng isang gawain kung may malasakit at may pakikilahok ang pinag-uukulan ng mamayan. 

Ang mga mamayan ay ugat ng  ng pagsulong ng isang bansa.

May mga bahaging nangangailangan ng pakikilahok ng mamamayan tungo sa pagsulong ng kanyang bansa. Ang pagmamalasakit at pagtugon sa mga suliranin at usaping kinakaharap ng ating bansang Pilipinas ang Bansang Maharlika, ayon sa dating Pangulo ng Pilipinas, ang pagsali at pagtugon sa mga programang isinusulong ng mga NGO at ng goberno ay isang pagpapatunay ng pagmamahal sa bayan.

Mga kapatid na taga Upi, Sa kasalukuyang panahon, isa sa mga usaping kinakaharap ng bansa, ng ating baying Upi  at maging ng maraming bansa sa mundo at bayan ay ang pangangalaga sa ating kapaligiran.

Sa maraming paraan maaaring makilahok ang taumbayan upang pangalagaan ang kapaligiran. Mga halimbawa ang wastong paggamit ng mga yamang likas, pagpapanatili ng mga kagubatan sa pamamagitan ng pagbabawal sa iligal na pagtotroso, pagputol ng mga punong kahoy sa mga malapit sa mga bukal, halimbawa yaong diyan sa Barangay Kibucay, mayroon diyan tubig mula sa bukal ngunit may nagkaingin sa paanan ng bundok kong saan nagmumula ang tubig, sana pinigil ng mga mamayan lalo ng mga Barangay Official. Sana  pagtatanim ng mga puno an g ating gagawin, ng sa gayon ay ma palitan ang mga naputol na punong kahoy, hindi pagtatapon ng basura sa mga katawang tubig, hindi pagtatapon ng basura sa mga kanal at Nuro creek,  hindi pagsusunog ng basura upang maiwasan ang pagkabutas ng ozone layer at marami pang iba.

Maraming pamayanan na sa bansa ang ipinatutupad na ang zero waste management o hangga’t maaari ay walang basura, ang recycling o paggamit muli ng mga patapon nang basura; waste segregation o pagbubukod ng mga hasura sa nabubulok at di-nabubulok. Tulad halimbawa ang ginawa ng local na pamahalaan ng Upi, nagpasa ng Muncipal Ordinance # 3: Comprehensive  Ecological  Sdolid Waste Management.

Alam ba ninyo sa ibang bayan at lungsod ng ating bansa sa ngayon? Unti-unti na ring nagiging popular ang paggamit ng natural na lalagyan sa pamimili, tulad halimbawa ng basket. Iniiwasan na nila ang paggamit ng plastik na supot bilang lalagyan ng mga pinamili at pagkatapos ay itatapon na lamang sa basura at nakadaragdag pa sa kalat o di kaya’y banta sa kapaligiran, dahil hindi ito basta nabubulok at nagiging bara ng mga kanal at ilog.

Kung paiiralin ng mga tao ay pagmamalasakit sa kapakanan ng nakararami, hindi malayong magtagumpay ang anumang adhikain o proyekto ng pamahalaan. 

Posted by dxupfm at 3:36 pm | permalink | comments[4]

The History of Barangay Nuro

The following is a short compilation of the history of Barangay Nuro as gather from personal interview of some elderly Tedurays, one Christian who have knowledge of the living past.  This write-up has been limited to only within the barangay.  Although the events and dates are not so accurate, the researcher welcomes correction in order tpo perfect it for the consumption of the coming generations. Grateful acknowledgement is mentioned specially to Mr & Mrs  Ramon Cabanban, Mr Severino T. Marcia, Mr Paterno M. Padua, Mr. Florentino  M. Abad, fr. Simeon Beling, Mr. Domingo Almanzor, Mr. Dorotheo Ecaño, Mr; eleizar Ubas and Mr. Hilario S. Tanzo”……….. Generoso F. Gurtiza, writer/Researcher.”

Nuro today is the center of business, education, religious and sports activities in the Municipality of Upi  which is thirty-eight kilometers south of Cotabato City and estimated to be one thousand five hundred feet above sea level and could be reach by any land transportation passing through a long and winding bumpy road.

How its name came to be Nuro could be traced far back from its first inhabitants who were supposed to be the descendants of Mamalo and Tabunaway where Mamalo lived  the highlands and Tabunaway in the lowlands during the early days of  Sultan Sarip Kabunsuan  long before the Spanish period.  Mamalo could come down from the mountains with his harvest of rice and corn for Tabunaway and she would in return give Mamalo dried fish, coconut, salt and others. 

Before the year 1919, Awang as a district covered a vast area extending from Dulawan now Datu Paiang to Magnao now Kalamansig.  “The early Christian settlers were the Galapins, the Paduas, the Labasans, the Abads, the Cabanbans and Flautas,  The Ilonggos and other tribes came later. 

When Captain Erving Bryan Edwards, a retired American soldier took over the District from Mr. Arthur Smith, the first principal, he toured all the coastal areas of to Meti.  One of the members of the party was Maria Tenorio now Mrs Maria Tenorio Cabanban. Upon reaching the place Meti, the party proceeded to the in-land direction and came to a place  with plenty of trees called “Ofih” in the dialect.  That place is now called “Upi”. 

But long  before the early Christian settlers, the native highlanders of the place were already using the term “FURO” as term of references.. For example, one ask, “Ayoh Muwedeh?  The answer was, “Diyo-oh furo fantad”  meaning to the red soil.  More so when it rained red water flowed down making the water in the creek red.  Thus, the place was named Nuro and the creek that traverses it was also name Nuro creek.

After the death of the first identified leader of the tribe, another rose to prominent. He was called “DIWAN”  known  up to days as the great-grand father of Mr Gumbalia Gunsi. Because of his fair dealings and firm decisions, he was bestowed the title of “BANDARA”  which carries the authority  of administering criminal and civil cases qmong his people. After the death og Diwan, Lt. Kramer appointed SANTIAGO BELLO. He was also appointed as the BANDARA  to attend the problem of his tribesmen.  When he became weak and old he called his nephew “INONG” and said to him, “I’m now weal and old. I can not trust anybody to lend our people. I’m bestowing this title to you. And so INONG a young and handsome fellow became the BANDAR. At that time also there was a SOCIO-ECONOMIC DEVELOPMENT PROGRAM being undertaken by the Jesuits at DAUBAB now Tamontaka.  The Tedurays then did not have Christian names.  Inong and his followers were baptized.  Inong was named RUFINO TENORIO who was the father of Maria Tenorio (Mrs Maria T. Cabanban).  He was given the title “CABEZA DE BARANGAY” at the same time retaining his title BANDARA.  Because of his leadership, he was appointed President of Awang Political District with a salary of Fifteen Pesos a month.

           After the death of Rufino, Governor Gutieres appointed Bernardo “Buntong” (only son)  Tenorio to take over.  He became the Bandara, the Cabeza de Barangay up to the arrival of the Japaanese Forces in the year 1941-42.

          About the early occupation  of the American s in the 1945, Vicente Grajido was appointed Teniente Del Barrio by Mayor Anacleto Catacutan. He served as much  from 1945 to 1965. During election of Barangay Captain in 1965, Mr Rumulo Cristobal Sr. was elected and served for over 4 years from 1965 to 1969. 1969 to 1971, Mr Benjamin Joseph was elected  as Barangay Captain. Upon his resignation, Captain Joseph relinquished his position to his first Kagawad Dr. Francis Rosal who also did not stay long as Barangay Captain. He served less that a year 1971. With troubled situation in Upi, Harry R. Gullon took over as Barangay Captain from 1971-1974 by succession to finish the term.  Being elected as Barangay Captain in 1974 to 1980, he served as ABC President, Sangguniang Bayan Member and also Sangunian Panlalawigan  Board Member up to the time he was elected as Vice Mayor. At this juncture Conrado Y. Mondares served  the rest of his term from 1980-1982.  With the election in 1982 Elizar UBAS became the Barangay Captain from 1982 to 1988. Again Conrado Y. Mondares became the Barangay Chairman on the election of 1988 and served up to 1994.  Upon retirement of Generoso F. Gurtiza as General Education Supervisor II of DECS Region XII, he was elected as Barangay Chairman during the Barangay Election in 1994 to Present (1997) next Barangay Chairman Datu Michael C. Sinsuat I 1997-2000.

List of Barangay Heads and  period  of Barangay Nuro:

1.     Vicente Grajido………………………1945 to 1965

2.     Rumulo Cristobal Sr………………….1965 to 1969

3.     Benjamin Joseph………………………1969  to1971

4.     Dr. Francis Rosal ………………………1971 to less than one year

5.     Harry R. Gulon ………………………..1971 to 1974 to 1980

6.     Conrado Y. Mondares  Sr. …………….1980 to 1982

7.     Elizar Ubas ……………………………1982 to 1988

8.     Conrado Y. Mondares Sr.………………1988 to 1994

9.     Generoso F. Guttiza ……………………1994 to 1997

10. Datu Michael Sinsuat I ………………..1997 to present (2008) Note:

Date encoded: July 9, 2008

Encoded: by Alih S. Anso former member of Sanggunian Barangay  of Nuro from 1988-1994

Thru the Courtesy of Conrado Y. Mondares, who provided the copy of the research history of Nuro by Mr Generoso Gustiza.

Posted by dxupfm at 3:20 pm | permalink | comments[41]

Upi Education Media Council (CMEC) and DXUP FM

   

by: Alih S. Anso-December 22, 2006Business Manager CMEC (Representing Islam sector)

DXUP FM, community-based peace radio project, based in Nuro, Upi, new created Shariff Kabunsuan [Maguindanao] province within the southwestern part of the Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Republic of the Philippines and about 36 kilometers south of Cotabato City.The community radio station was jointly established by the Local Government Unit (LGU) of Upi , with training fund support from the Local Government Support Program-Canadian International Development Agency (LGSP-CIDA) sourced out through the efforts of the Notre Dame Foundation for Charitable Activities, Inc.-Women in Enterprise Development (NDFCAI-WED), which acted as the initial implementing Non Government Organization (NGO).The radio station was formally installed on Febreruary 8, 2004, and has been broadcasting continuously now for the past two years [now three years].

The radio station DXUP FM was being set-up, by the municipal local government and representatives of CIDA-LGSP in which called for a meeting among 22 key community sector representatives in the municipality to organize a Community Media and Education Council (CMEC) which will manage and supervise the radio station. It is tasked to make decisions and formulate policies on the operation of the radio station, and develop through a participatory process the community guidelines for the station.

The volunteers, including the CMEC multi sectoral representatives, were trained for almost a week on basic broadcasting principles and techniques, and those who qualify for technician training were given a 3 -day technician’s orientation and studio management techniques.

CMEC Vision

A community-managed radio station with common desire to strengthen UPIANS and to attain and preserve unity, peace and development through honest, dedicated and efficient communication for public services.

CMEC Mission

DXUP FM will be able to serve the different tribes or sectors through information dissemination and advancement of issues to uplift the socio-economic, cultural, educational status of the UPIANS.

CMEC Goals & Objectives

1. To help improve the quality of life of the people of UPI.
2. To help facilitate interaction within, among and between UPI communities.
3. To identify and diagnose the problems, grievances, achievements, issues and concerns of UPI community.
4. To help and assists in maintaining peace and order, harmony and solidarity among the people in the community regardless of their political, socio cultural and religious belief.
5. To serve as alternate medium for instruction to increase literacy rate.
6. To promote and preserve tradition, cultural heritage and moral values of the community.
7. To promote and encourage community participation in economic enlistment thru livelihood and programming.
8. To provide the people of UPI, access to broadcasting and opportunity for involvement and programming.

COMMUNITY MEDIA EDUCATION COUNCIL & COMMITTEES

Chairman:              Abdullah P. Salik Jr.
Vice Chairman:      Petronilo Cristobal Jr.
Secretary:            Jose Gersalino
Treasurer:        Josiely Cristobal
Auditor:          Amelita Piang
Business Managers:
1) Engr. Paulo D. Cagara, MPA
2) Datu Michael Sinsuat, I
3) Alih S. Anso

Station Manager: Mario G. Debolgado

MEMBERS OF THE COMMITTEE

Administrative Committee:
1. Jose Gersalino-[representing-LGU-Upi-Sector]
2. Deonato Mokudef -[Representing-Indigenous People-sector]
3. Ma. Elena T. Castro-[Representing-ISanggunian Bayan]
4. Engr. Sukarno B. Datukan- [Representing-Academe sector]

Finance Committee:
1. Engr. Isagani Deaño- [representing-Civil Society sector]
2. Rodolfo Platon- [Representing-Farmer’s sector]
3. Norwel Catalan [representing-Senior Citizen-sector]
4. Engr. Paulo D. Cagara, MPA-[Representing-Municipal Planning Office]
5. Amelita Piang -[Representing-Women’s Sector]

Production Committee:
1. Abdullah Salik Jr.-[representing-Sanggunian Bayan]
2. Mario Debolgado -[representing-Business Sector]
3. Alih S. Anso - [representing-Islam]
4. Romulo Cristobal Jr.-[reprensenting-[Academe-private]
5. Datu Michael Sinsuat, I-[representing-Association of Barangay Chairman]

Evaluation Committee:
1. Jacqueline F. Gamit-[representing Health Sector]
2. Philip Piñera-[representing Episcopal]
3. Clarita Agustin-[representing Cooperative sector]
4. Geronimo Cangrejo [Representing Philippine National police]
5. Rex Pablo [representing Fisherman’s sector]
6. Pastor Tito A. Nuezca-[representing Christian-Evangelical]
7. Kagawad Roque Julio [Representing Youth sector]

8. _____________   [repsenting tChristian - Catholic]

Posted by dxupfm at 7:04 am | permalink | comments[7]