Mga Halamang Nakakagamot sa Sakit
July 13, 2008Tinipon ni Kaka Alih- July13, 2008
Sa panahon na ito na krisis kailangan marami tayong nalalaman na alternatibo sa mga ginagamit natin sa ating pang-araw. Ang gamot sa sakit ngayon ang masyadong mabilis ang pag-taas, kaya na naman dapat mayroon tayong “extra knowledge”, heto ang mga halimbawa:
Mga Halamang Nakakagamot sa Sakit:
Ito ay mabuti para sa mga taong may diabetes. Malaki ang maitutulong ng paglaga sa dahon nito at pag-inom ng isa hanggang tatlong beses maghapon. Kailangang inumin ito kalahating oras bago kumain. Mainam din ito para sa mga babaing kapanganganak lamang. Ito ay nakapagpapalakas sa kanila.Samantala, isang kutsarita naman ng pinaglagaan ay mainam para sa mga sanggol para hindi sila maging sakitin.
KATAS NG SABILA (Aloe Vera)
Mainam na gamut sa mga paso (burns) na gaya ng tilamsik ng mantika; ginagamit bilang pampalago ng buhok, pampakinis ng kutis, gamot sa sugat.
Paraan ng pag-gamot:
- Kunin ang katas ng dahon at ipahid sa balat na natilamsikan ng mantika;
- gamitin din ang katas para ikuskos sa anit at mukha. Maaari ring gamitin ang katas ng dahon bilang gamut sa sugat.
Sitsirika
Caimito
Gamot din ito sa diabetes. Nakapagpapaalis din ito ng mga bulate. Nakabubuti ang pinaglagaan nito sa tiyan at baga. Ang katas nito ay mabuti rin sa paghilom ng sugat.
DAHON NG BANABA (Banaba leaves)

Mainam na pampaligo ang pinakuluang balat o dahon sa bagong panganak. Kung gagawing tsaa at dadalisayin ang pinakuluang dahon, mainam na gawing agua tiempo (tubig) para sa mga may balisawsaw, sakit sa bato at pantog. Ang puno ng banaba ay mabuti ring gamut sa mga sakit na diabetes at alta presyon.
DAHON NG SAMBONG (Sambong leaves)

Ilaga o pakuluan ang dahon at gamiting agua tiempo (inumin) para sa mga maysakit sa bato at sa mga binabalisawsaw. Mainam ding panlanggas sa alipunga para sa may kabag at sakit ng tiyan, magpakulo ng 3 o 4 na dahon sa isang basong tubig sa loob ng 15 minuto. Inumin habang maligamgam ang pinagpakuluan.
GUMAMELA (Hibiscus)
Mabuting gamut sa pigsa. Kailangang dikdikin ang buko ng bulaklak na hinaluan ng kaunting asin at ihilot o itapal sa namamagang pigsa. Palitan ang tapal araw-araw hanggang sa mahinog ang pigsa. Mababawasan din ang kirot ng pigsa sa pagtatapal nito. Para sa mga bukol, dikdikin ang buko ng bulaklak at itapal. Mainam ding gugo ang katas ng dahon nito.
DAHON NG OREGANO (Oregano leaves)

Mabuti ang pinalambot na sariwang dahon sa nasunog o paso, kagat ng alupihan at sakit ng ulo. Kung ilalaga naman ang dahon, mabuting gamot sa sakit ng tiyan. Nakalilinis din ito ng balat.
Halaman Gamot Para sa Balakubak
(Tinipon at kinalap ni Ni Kaka Alih-july 13, 2008)
Kayo may balakubak o nagkaroon na nito di ba nakakainis magkaroon ng dandruff o sa wikang ating Pinoy ay “balakubak”. Bukod sa madumi itong tingnan sa buhok, nakakainis pa ito kapag minsang nagsusuklay ka tapos may mga tatalsik na pira-pirasong bahagi sa damit mo, (at di makapag-suklay kong nandiyan sa tabi mo ang crush mo) . Wala ka namang magagawa kundi pagpagin ang mga ito. Tapos hindi mo mapapansin na meron pala sa likod mo ang pinopormaham mo pa na dalaga.
Hindi naman kakaiba ang balakubak. Tila normal na nangyayari ito sa kahit sino man di ba?, lalo na pag tag-init. Bale yung nanuyong balat eh nagiging balakubak at dumidikit ito sa anit. Mapapansin mo ang mga ito kapag hinimas mo ang buhok mo at may kakaiba kang mararamdaman sa iyong scalp. At dun mo mapapagtanto na kailangang kutkutin ang dandruff… isang napakasarap na gawain na may masamang epekto sa ulo.
Ang madaling gamot ay shampoo for dundruff, ang problema napakamahal ng shampoo na iyan, at pangalawa nasa barrio ko wala sa tindahan o talagang wala kang budget (walang pera), heto ang sinauna na pag-aalis ng balakubak, mga halaman sa iyong paligid, bakit hindi subukan.
- Hugasan ang buhok ng 2 ulit isang linggo na ginagamitan ng siyampong mula sa gugo, o siyampong komersyal para sa tuyong buhok.
- Suklayin at masahehing mabuti ang ulo pagkatapos magsiyampo.
- maglagay sa ulo at buhok ng langis na mula sa niyog minsan isang linggo, isang oras bago magsiyampo. Imasahe ang langis sa anit. Bayaan ito sa loob ng 10 minuto. Higit na mabuti kung patatagalin ito ng buong magdamag, bago magsiyampo.
- Lagyan ng kalahating suka ang isang galong tubig at gamitin itong pambanlaw ng buhok para sa mabuting kondisyon nito.
1. Kilaw (luyang dilaw o kalawag)
• Dikdikin ang lamang-ugat.
+ Ikuskos ang katas sa anit at sa buhok. Panatilihin ito
sa buong magdamag at magsiyampo kinabukasan.
2. Gugo siyampo
• Ibabad ang gugo sa isang palanggana ng malamig na
tubig sa loob ng 30 minuto bago magsiyampo. Pigain
ang gugo sa tubig at dagdagan ng katas ng 3
kalamansi.
+ Basaing mabuti nito ang buhok at gamitin din itongsiyampo. Banlawang mabuti (hugasan).
3. Sabila
• Magkaas ng mga sariwang dahon.
+ Lagyan ng saganang katas ang anit at imasaheng
mabuti ng isang oras at siyampuhin ng gugo
pakatapos. Gawin ito minsan isang linggo ng 4 na
linggo.
Unang Sulat ni Zamin sa Kapayapaan
Unang sulat ni Zamin sa programang “kapayapaan” . Ang progrma ay marirnig noon sa DXUP FM 105.5 MHz tuwing umaga 5:30 hanggang 6:30 -Lunes hanggang Biyernes, Mula noong June 2008 ay inilipat na ito ng 11:00 -12:00 ng tanghali. ang pormat ng programa ay pagbasa ng mga liham at mga sms o text mula sa sa tagapakinig. isa si Zamin (ang sigoro tunay na pangalay, ito naman ang madalas na mga sumusulat gumagamit ng alyas) ay madalas na nag-tetext o sumusulat sa programa ni Kaka Alih. Isa sa kanyang mga sulat ang minsang binasa sa programang kapayapaan:
November 22, 2006
Magandang Umaga Kaka Ali,
Kapayapaan at Magandang umaga po sa lahat ng taga pakinig ng DXUP-FM lalo na sa mga taga pakinig ng inyong napaka-imformative na programa-Kapayapaan.
Kaya po ako sumulat ay gusto kong mag-bigay ng ilang mga kuro-kuro sa mga napapansin ko na dapat nating pag-aralan at pag-usapan dahil sa aking pananaw ay may dapat baguhin sapagkat hindi naangkop sa mga kinauukulan nito. Ang gusto kong pansinin natin ay ang pag-grupo-grupo natin sa ating mga mamayan, na may grupong ganito, ganoon, maari bang hindi na tayo mag-grupo-grupo?
Halimbawa ng sinasabi ko:
•Minsan sa mga seminar-workshop, nag-grupo-grupo tayo ng isang grupo ay ang mataas ang pinag-aralan, ibang grupo naman ang may karanasan na at isa naman ang wala pang karanasan o experience. Sa totoo lang Kaka Ali, hindi naman ako totally against dito dahil tama naman dahil may magandang objectives.
• Sa tribal groupings- may grupo ang Ilocano, Ilonggo, Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Teduray at iba pang tribu.
• Religion o pananampalataya-isang grupo ang Roman Catholic, Iglesia ni Cristo, Episcopal, Evangelical, Islam, Jehovah Witnesess, Seventh Day Adventist at iba pang religion.
• Gender- iba ang babae at iba rin ang kalalakihan at kong minsan may pangatlo pa, “third generation” daw.
• May MNLF at MILF
• May pro-cha-cha at anti cha-cha
• May pro-government at anti government
• May pro Amerikano at Against sa Amerikano
ETC.ETC…….
Ang lahat ng nabanggit ko ay hindi masama kong tama ang layunin at kong talagang nararapat at kinakailangan, para sa akin, sang-ayon ako dyan, ang mahalaga dito ang layunin kong bakit nag-grupo, ngunit kong minsan ay kalabisan na at mali-mali na dahil kahit ang terms natin na ginagamit ay hindi na naangkop, ang mga halimbawa?:
Sa ating bayan ng Upi, may grupo tayong tinatawag na Muslim, Teduray at Christian, ang katanungan ko dyan: “ano ang grouping na iyan? By Tribe ba? by religion ba? By nationality ba?”
Nalilito ako dyan, kong ano ba talaga ang gruping na iyan, at naitatanong ko-bakit?
Kasi ang term na Muslim, ayon na rin sa inyong programa:
Muslim- ay yaong nanamplataya sa Islam-tama po ba Kaka Ali? Mamaaring siya ay Teduray, Ilonggo, Meranaw, Iranon, Ilocano, dahil ang term na Muslim ay may religious inclination hindi ito nabibilang sa tribo. Ang ibig sabihin ng Muslim, ay nanamplataya- ang kanyang agama o religion ay Islam.
Christian- ay yaong nanampalataya sa agamang Christianismo. Siya ay maaring Ilonggo, Teduray, Iranon, Meranaw, Ilocano o iba pang tribo. Maaring iba pang nationality siya nabibilang, dahil ang pagka-Christiano ng isang tao ay dahil sa pananampalataya hindi dahil sa kanyang tribong kinabibilangan.
Ang term na Teduray ay tinutukoy ay ang tribung Teduray, katulad sa tribung Iranon, Maguindanaon, Meranaw, Manubo, Subanen, Ilonggo, Ilocano o iba pang tribu.
Ang tanong ko Kaka Ali, ano ba ang basehan ninyo o natin na hinati-hati natin ang ating mamayan na may grupo ng Muslim, Christian at Teduray? Tama ba ang terms na iyan?
Ang sunod kong tanong, Papaano kong ang aking kapatid na Teduray ay tinanggap ang agama (religion) na Islam, hindi ba nararapat na siya ay Muslim na rin? Katulad din siya sa pananamplataya sa Iranon na Muslim, Meranaw na Muslim, o Ilonggo na Muslim. Siya ba ay Muslim o Teduray na tatawagin? Di ba Muslim na rin siya? Di ba dapat tawagin na siyang Muslim na Teduray, katulad ng nauna nating binanggit?.
Ang Teduray na tinanggap ang Christianity, di ba nararapat na tawagin na siyang Christian? Tulad din siya sa Ilonggong Christiano, Iranon, Tagalog, Ilocano na Christiano? Di ba Teduray siyang Christiano?
Ang Katotohanan ay kong Agama (religion) o pananamplataya ang pag-uusapan sa Upi, may mga mamayan tayong nanampalataya sa Christianity sila iyong Christian, Islam at sila naman iyong MUslim at iba pang religion tulad ng Buddhists, at iba pang religion sa mundo. Kong tribu naman ang basehan, hindi na maitatuwa na nakakarami ang bilang ang mga kapatid na Teduray, Maguindanaon, Ilonggo, Ilocano, Iranon, Meranaw at marami pang ibang tribu dito sa Pilipinas na dito na tuluyan o pansamantalang naninirahan.
Ang mungkahi ko Kaka Ali, bakit, pag-aralan o silipin natin ang ginamit na term ng ating mga ninuno, sa pag-grupo nila sa mga mamayan na kanilang nasasakupan, halimbawa:
• Ang mga dati ng naninirahan sa isang lugar ay tinawag nila itong-“Talainged” (native inhabitants) at ang bagong dating ay tinawag naman nila ng “Rafu” (new comers, foreigners)
• Ang mga naninirahan banda sa dagat ay tinawag na –“imragat’n” (people along the shore), iyong banda naman sa bundok ay-“kapalawan’n” ( people in the mountain). Iyong banda sa pinagmulan ng ilog ay “Taw sa Raya” at “taw sa Ilod” (people in the river bank).
• Sa Saudi Arabia sa panahon ng Propeta Muhammad, ang mga naglipat mula sa Mecca papunta ng Madina ay tinawag na “Muhajir” (new comer) at “Ansari” taga Madina.
Sa ngayon mga panahon, maaring hindi ito maging problema, ngunit balang araw ay magiging problema, bakit? kasi ang term na Muslim ay may religion na aspeto, at ginagamit ito sa buong mundo at may maliwanag na kahulugan sa Qur’an, kaya hindi na natin ito pwedeng baguhin ang kahulugan, ganoon din sa terminong Christian.
Ako ay nanawagan sa Media, Academe, sa mga official ng goberno at sa lahat ng kinauukulan na minsan din natin itong suriin at pag-aralan para maiwasan ang pagkalito at di pagkakaunawaan sa mga darating na araw.
Lubos na gumagalang, ang iyong kapatid na masugid na tagapakinig.
zamin
(original letter: handwritten in yellow paper by Zamin- binasa ni Kaka Ali sa kanyang programang “kapayapaan” November 27, 2006-5:30-6:30 ng umaga-sa himpilang DXUP-FM 105.5 MHz)
Christian,Muslim at T’duray Tribe
(Sinulat ni Kaka Alih-Hulyo 13, 2008-Linggo)
Ang programang “kapayapaan” ay marirnig noon tuwing umaga 5:30 hanggang 6:30 -Lunes hanggang Biyernes, Mula noong June 2008 ay inilipat na ito ng 11:00 -12:00 ng tanghali. ang pormat ng programa ay pagbasa ng mga liham at mga sms o text mula sa sa tagapakinig. isa si Zamin (ang sigoro tunay na pangalay, ito naman ang madalas na mga sumusulat gumagamit ng alyas) ay madalas na nag-tetext o sumusulat sa programa ni Kaka Alih. Isa sa kanyang mga sulat ang minsang binasa sa programang kapayapaan:
ang iyong kapatid na Zamin
Kadsapa sa Bangsamoro o Pag-sumpa
(sinulat ni Kaka Ali)
Naging ugali o bahagi na ng kultura ng mga Pinoy (Pilipino) ang pagsumpa. Sa mga Bangsamoro na Iranun o Maguindanaon ito ay tinatawag na “kadsapa” (pagsumpa). Ang kaugaliang ito ay madalas na ginagawa kong nagduda o walang tiwala sa sasabihin o sinasabi ng isang tao. Kong napapansin mo na hindi naniniwala ang kausap, tayong mga Pinoy sumusumpa na totoo ang pinagsasabi. Ang pag-sapa o pag-sumpa ya madalas na ito’y nagyayari sa mag-asawa, sa magkaibigan, sa pamilya, pati sa husgado ay pinasusumpa ang isang saksi bago “cosss examine” o tinatanong, na ang ibig sabihin ay hindi kasinungalingan ang kanyang mga ipapahayag.
At kong minsan ginagamit din ito sinta (”cursed” ) sa isang tao kong galit sila dito lalo sa isang kaibigan o kamag-anak.
Sa pag-sumpa iba’t-iba ang naging kaugalian dito ng mga Bangsamoro, halimbawa: (hindi lahat, ang may similarity lamang ng dialect, tulad ng Iranon, Maguindanaon at Meranaw:)
• “Busong’n ako pan”- (sumpa ng nakakabata-madalas sa Iranon o Maguindanaon maririnig) na ibig sabihin ay mauusog siya pag hindi totoo ang kanyang sasabihin.
• “Matay ako pan”- (mga bata ang madalas na gumagamait nito-ng Iranon o Maguindanaon) mamatay psa ako.
• “But’n ako na buwaya”-(mga taga laya o mga taga pawas o tabing ilog, ang madalas dito ay Maguindanaon) sagpangin pa ako ng buwaya.
• “kamurkan ako no bangsa” (usually ang gumagamit dito ay may dugong maharlika)-maging buang pa ako-itakwil ako ng aking angkan.
• “mabinasa ko no amal ko” (sumpa madalas ng isang relihiyoso, ngunit kulang ng sapat na kaalaman sa Islam)-masisira ang aking mga magagandang pananamplataya.
• “mairos-iros kami”-(sumpa ng mga maingat o inaalagaan ang kanyang pamilya) maubos kaming pamilya.
• “mabuno ako p’n” (sumpa ng lalaking matapang, na tila walang kamatayan)-mapatay pa ako.
• “Kadudusan ako pan”-(sumpa ng isang buntis na babae) makunan pa ako.
• “Kafir ako”-(sumpa ng isang may malakas na paniniwala na siya ay Muslim, habang may buhay) Mawalan pa ako ng pananampalataya.
- “masugat ako na kilat” Tamaan ako ng kidlat
Marami pang pag-sapa o pagsumpa ang ginagawa ng mga Bangsamoro na Muslim, ngunit ang pinaka-matindi na pagsumpa ay sa Qur’an. Ginagawa nila ito kong ipinag-uutos na ng mga “matatanda” (husgado). Pinapatong mo ang iyong kanang kamay sa Qur-an, ngunit sa mga “matatanda’ ginagawa nila ito sa lugar na malayo sa kabihasnan, ang kanilang paniniwala dito, kong sakali mang “pemurkan” (curse) ang lugar na iyon ay walang taong maadadamay. Ang narinig ko sa matatanda ginagawa ito sa mga tabing ilog (marahil ang kanilang paniniwala dito ay madadala ng agos ng tubig ang galit ng Allah kong sakali mang nagsisinungalin ang taong sumusumpa, akin lamang ito na haka-haka dahil hindi ko pa narinig sa kanila ang dahilan kong bakit doon pa isinasagawa)
Sa Islam ang pag-sumpa ay hindi pinapayo, at kong sakaling di maiwasan ang pag-sumpa, sa Allah ka lamang dapat sumumpa: halimbawa “Ang Allah ang aking Saksi, Nagsasabi ako ng katotohanan”.
(Note: ang artikulong ito ay sinulat ni Alih Anso-segment director ng radio program ng DXUP FM 105.5 MHz na”Bantay Bayan, Boses ng Sambayan” 7:00-8:00 am - October 20, 2006, sa segment na Bantay Kultura. Ang anchor ng programa ay si Lenyrose Bajar at Alih Anso ang co-anchor-any commentsfor this article please contact him: kaka_alih@yahoo.com.ph
(more…)





