Trisikad Driver naghatid ng natagpuang Raincoat sa DXUP FM
July 14, 2008
(Balita- Kaka Alih - July 12, 2008-Sabado)
Nuro, Upi….. .Muli na naman pinatunayan ng mga taga Upi ang kagandahang asal. Kahapon Linggo, July 13, 2008 inihatid ni Ryan Jay V. Elian isang trisikad driver ng Barangay Nuro ay inihatid sa himpilang DXUP FM ang natagpuang raincoat na naiwanan ng may-ari sa bandang tulay patungong Darugao.
Hindi lamang ang mga ganitong mga gamit na naiiwan na inihahatid sa DXUP FM, kundi mga mamahaling gamit na rin, tulad ng celpon, pera, pitaka, bag, bigas, damit, sapatos. Pati mga hayop na nawawala ay pinapanawagan na rin sa himpilan.
- May 2, 2008-Mohamed Kusain na taga Barangay Nuro., nakatagpo ng bag na may celpon, inihatid sa DXUP FM;
- March 25, 2008-Joyce Rachel Platon, inihatid ang natagpuan na pitaka na naglalaman ng pera ang mahahalagang papeles;
- March 24, 2008-Vanvan Sotoserano-driver ng skylab (motorcycle taxi) inihatid sa DXUP FM ang natagpuang celpon na Nokia 1100. Ang naturang mobile phone ay kanyang natagpuan bandang hapon, Marso 24, 2008 sa harapan ng simbahan sa Barangay Darugao, Upi, Shariff Kabunasuan.
- March 17, 2008- Noknok Prado skylab driver inihatid sa DXUP FM ang natagpuang pitaka sa may KM 30, Barangay Kibleg, Upi, Shariff Kabunsuan. na naglalaman ng ID sa pangalan na Efren Maido, ATM Card, driver license at cash na isang libong piso.
- January 28, 2008- Inihatid sa DXUP FM ni Lando Mital driver ng motorcycle na may plate number IP 5702, ang bag na itim, na iba-ibatpersonal na gamit ang laman;
- January 25, 2008, na natagpuan ni Basher Kusain anak ni Johnny na Public Market Site, Nuro, Upi. ang isang celpon inihatid sa DXUP FM;
- January 27, 2008, 4:45 ng umaga, bago pumasok sa DXUP FM ang chief technician na si Donald Ventura ay may nakita itong pitaka na nakapatong sa flower pot sa labas ng himpilan at ayon sa mga lamang ID at pera na nagkakahalaga ng dalawang libong piso napag-aari ni Danilo Advento, taga Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan;
- January 26, 2008 -ISINAULI ng isang trisikad driver ang maliit na bag/wallet sa DXUP FM 105.5 MHz. Ang bag/waalet ay kulay abo (gray) na naglalaman ng cash na P50 at mga personal na gamit. Nakilala ang driver na si Ricky Balala-28, taga Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan
- January 19, 2008- Ibinigay ni Palot Diocolano ang napulot na pitaka sa DXUP FM. Ang pitak na naglalaman ng mahahalagang papeles kasama na ang driver license ay napulot ni Dioclano sa may nakatambak na basura sa palengke noong Enero 17, 2008, at ibinigay naman sa DXUP FM;
- January 9, 2008- Driver at conductor inihatid ang isang plastic bag na may lamang mga 5 kilong bigas at iba pang grocery .
- January 5, 2008-Inihatid ni Yashim Gayao 14 taon gulang, ang Mobile Phone na Nokia 6070, with camera na natagpuan sa may Upi Gymnasium;
- December 26, 2007- dalawang cartoon ng cream bread na naiwan-inihatid ni Dra. Rosario Edwards
- Nobyembre 26, 2007- inihatid Ibs Alimudin ang pitaka na natagpuan ng kanyang mga anak. Ang pitaka na naglalaman ng mga papeles, ID ay pera ay nakita sa may tulay sa Upi Agricultural School (UAS), Nuro, Upi, kahapon November 25, 2007.
- Nobyembre 1, 2007-Susi natagpuan ni Esmael andong Inihatid sa DXUP FM.
- Oktubre 24, 2007 -celphone na Nokia 1100, na natagpuan ng mga LGU Upi sweepers , sina: Cristina Momalaga, Pacita Rufino at Sharon Dodoy.
- Oktubre 3, 2007- Inihatid ni Jonathan Espiritu ang pitakang natagpuan
- September 22, 2007- Bag na may celpon na 3310, pitaka, mga personal na gamit inihatid , ng isang helper ng sasakyan na si Balong Cudal.
- September 21, 2007- Mrs Lilia Pasaporte, 60 ay inihatid sa himpilan ang pares na sapatos na leather
- September 20, 2007- Pitaka na may pera nawala at napulot ng dalawang mag-aaral ng Upi Agricultural School [UAS-PTIA] isinauli sa himpilang DXUP FM, nina Cherry Labain at Abegail Lorenzana ang pitaka na pag-aari ni Mr. Roberto Platon.
- August 23, 2007- Dahil sa panawagan sa community radio DXUP FM ay agad nabalik ang mga nawalang bandana ng guro ng Notre Dame of Upi na si Mr. Ronibito Villiamero.
- Agoust 20, 2007- Inihatid ni Joel Bansil taga Barangay Kiga, Upi, Shariff Kabunsuan, sa himpilan ng DXUP FM ang cellpon na Nokia 1100 dahilInihatid ni Joel Bansil taga Barangay Kiga, Upi, Shariff Kabunsuan.
- August 11, 2007 inihatid ni Dolly Layson ang kanyang natagpuan na bag na naglalalaman ng ibat-ibang papeles na pag-aari ni Imelda Guilermo, nanatagpuan sa ukay0ukay section ng Public market.
- July 22, 2007- Isinauli ni Milagros Castillon ang celpon ni Richard Abad, driver ng DXUP FM na nahulog.
- July 21, 2007- Napulot na kalahating sakong bigas isinauli ng driver ng Skylab [ motorcycle] na si Sol Mating, na taga Barangay Mirab, Shariff Kabunsuan.
- July 15, 2007- Paulina’s ng isang mamayan ng Upi ang napulot na celpon at isang wallet na naglalaman ng mahigit 6 thousand na cash sa DXUP FM Inihatid ng mag-asawang Mr Jun Pasaporte at Mrs Keth Pasaporte.
- June 23, 2007- Napulot na bag ni Joel Dadivas naglalaman ng mahahalagang papeles isinauli sa DXUP FM.
Ang mga nakalista ay ilan lamang sa mga bagay0bagay na nasaulin \a sa may-ari, ang iba ay hindi na naipost sa DXUP FM blog kundi record book na lost and found.
Kababaihan Mahalaga sa Lipunan
(Bahagi ng Script na Sinulat ni Kaka Alih July 14, 2008-Lunes-paa sa programang Udto na Adi July 14, 2008- 11:00-12:00 noon)
Noong mga unang panahon panahon ng Jahiliya… day of the ignorance…alam ba ninyo na ang kababaihan ang turing ng lipunan ay segunda klase na nilalang ng Diyos… Tinuturing nila ito na pag-aari ng lalaki.. ang sabi ng iba hinugot lang sa tadyang ni Adan ang paglalang ng babaeng si Eba…Ang iba naman ay mahina ang babae.. kaya pangkama na sila… ang lahat ng ito ay nagbago ng ihayag ng Allah ang Islam … sa panahon na ihayag ng Allah na si Muhammad ay kanyang Sugo o Propeta ay nagbago ang turing ng mga tao sa Babae… umangat ang kanilang kinalalagyan… nagkaroon sila ng karapatan.. karapatan na ka-level ng kalalakihan.. taliwas sa paniniwala ng iba sa ngayon na ang babaeng Muslim ay walang karapatan…Mabuti pa ay isa-isa natin ang mga bansa..
Alam din ba ninyo ang pananaw sa mga babae ng mga ibang bansa at kung paano ang kanilang pakikitungo sa kanila?. Ang mga babae sa mga Griyego noon ay naipagbibili at nabibili at wala itong anumang karapatan sa halip, ang lahat ng karapatan ay nasa lalaki lamang. Pinagkaitan din siya ng karapatang magmana o magpatakbo ng sariling ari-arian. Ang sabi pa nga ng kanilang bantog na pilosopo na si Socrates: “Ang pagkakaroon ng babae ang siyang pinakamalaking dahilan at pinagmumulan ng pagkasira ng mundo. Ang babae ay katulad ng nakalalasong punong-kahoy na ang panlabas na anyo ay maganda subali’t sa sandaling ang bunga nito ay kainin ng mga ibon, agad mamamatay ang mga ito.”
Ang mga Romano naman ay naniniwalang walang kaluluwa ang isang babae. Walang anumang halaga sa kanila ang babae at wala ring mga karapatan. At ang kanilang kasabihan noon ay: “walang kaluluwa ang babae.” Dahil dito ay pinarurusahan nila ang mga babae sa pamamagitan ng pagbuhos ng kumukulong langis sa kanilang katawan at iginagapus sila sa mga haligi. Hindi lamang iyon, kasama rin dito ang mga walang kasalanang kababaihan ay itinatali nila sa buntot ng mga kabayo kasabay ng pagpapatakbo nang ubod ng bilis hanggang sa mamatay ang mga babae.
Ang bansang Tsina o ang mga Intsik naman ay ang babae sa kanila ay katulad sa isang tubig na tumatangay sa kaligayahan at yaman. Ang isang lalaking Tsino noon ay may karapatang ipagbili ang kanyang maybahay at may karapatan din siyang ilibing ito ng buhay.
Itinuturing naman ng mga Hudyo ang babae na isang sumpa dahil siya ang tumukso at nag-udyok kay Adan na kainin ang ipinagbabawal na bunga. Itinuturing din nilang ang babae ay marumi kapag ito’y nireregla at ang bahay ay nagiging marumi at ang lahat ng mahawakan nito. Hindi rin siya nakapagmamana ng kahit ano buhat sa kanyang ama kapag siya ay may mga kapatid na lalaki.
Ang mga kababaihang Ingles (British), alinsunod sa pangkalahatang batas ng mga Ingles hanggang sa kalagitnaan ng nagdaang-siglo (ikalabinsiyam na siglo), ay nanatiling hindi itinuturing na mga mamamayan. Wala silang mga karapatang personal at walang karapatang magmay-ari ng anumang bagay kasama na ang mga damit na kanilang isinusuot. Noong 1567 ay gumawa ng batas ang Pamahalaang Parliyamento ng Scotland na nagbabawal na pagkalooban ng kapangyarihan sa anumang bagay ang isang babae.
Ang Pamahalaang Parliyamento nanam ng Inglatera noong panahon ni Haring Henry II ay nagbawal sa babae na magbasa ng Bibliya dahil diumano siya ay marumi. Noong 586 ay nagdaos ang mga Pranses ng isang Kumperensiya upang talakayin kung ang babae ba ay tao o hindi tao. Kinilala nilang ang babae ay tao nguni’t siya ay nilikha para paglingkuran ang lalaki. Pinahihintulutan noon sa batas ng mga Ingles hanggang sa taong 1805 na ipagbili ng lalaki ang kanyang maybahay. At itinakda pa ang halaga ng maybahay sa anim na sterling pence.
Sa mga babaing arabo naman bago dumating ang Islam ay itinuturing na isang hamak, hindi nagmamana, hindi pinahahalagahan, at walang anumang karapatan. Maraming mga arabo bago dumating ang Islam ang naglilibing nang buhay sa kanilang mga anak na babae.
Nang dumating ang Islam, inalis nito ang kawalang-katarungang ito at nilinaw na ang babae at lalaki ay magkapantay sa karapatan. Ang sabi ng AllahU:
“O Sangkatauhan, nilalang Namin kayo buhat sa isang lalaki at isang babae at ginawa Namin kayong mga bansa at mga lipi upang kayo ay magkilalanan (sa isa’t-isa). Tunay na ang pinakamarangal sa inyo para sa Allah ay siya na may pinakamalaking pagkatakot sa Kanya. Ang Allah ay nakaaalam at nakababatid sa lahat ng bagay.” [Qur’an, 49:13]
Ito sa maikling salita, ang pananaw ng Islam sa babae tulad ng mga pinapahayag natin noong una pa man dito sa ating mga programa sa DXUP FM , ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro ay hinango sa katuruan ng Islam, kaya naman noon pa man kinilala na ang mga Bangsamoro bilang mga Muslim sa dahil sa mga kaugalian na yaon.
Ang mga kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, noon at magpahanggang sa ngayon na nasakop na ng mga kanluranin ay nanantili pa rin ang ganoon kultura bagamat malakas ang asimilasyon sa ibang kultura, tulad halimbawa ng kulturang Pilipino, na minana pa nila ang iba sa mga mananakop.
Sa Bangsamoro ang mga kababaihan ay napakahalaga at napakalaki ang kanilang pagpapahalaga dito. Saan sa mga sa ipinagbabawal kapag nasalungat o nalabag tiyak na may karapatang kaparusahan, (penalty) Halimbawa:
• Mahigpit na pinagbabawal sa kultura ng Bangsamoro ang pagsasama ng lalaki at babae na hindi pa kasal, na silang dalawa lamang sa isang lugar, na walang mahram o kasama;
• Sa bahay ng babae, hindi pinapayagan ang pag-akyat ng lalaki sa bahay kapag walang kasama ang babae, hanggang unang baytang lamang siya ng hagdanan;
• Kahit kamay lamang ang nahawakan ng lalaki sa babae na pwede niyang asawahin ay mahigpit na itong pinagbabawal;
Alin man sa nabanggit ay ang maaring kaparusahan ay multa na katumbas ng maratabat o dangal ng kababaihan… at isa na ditto ang pag-ingi ng kamay o pakakasalan ng lalaki ang babae.. upang ibangon ang kanyang dangal na nayurakan ng lalaki.
Ang kaparusahan ng lalaki at babae na ginawa ang ginagawa lamang ng mag-asawa (adultery) ay pagpaparusa na katumbas ay kamatayan… 40 na palo sa lalaki at babae.. na ang magsasagawa ay ang pinamalakas na lalaki at ang gamit ay bakal na pamalo na pinag-aapoy muna bago ilalapat sa likod ng nagkasala…sa mga Bangsamoro.. ay may kaunti silang modification dito.. dahil kailangan nila ang buhay na tagapagtanggol ng kanilang angkan ay hindi nila ito isinasagawa.. kundi binabayaran ang buhay nito.. magmumulta sila na katumbas ng buhay halaga ng tao, at para ibangon ang dangal ng babae ay kailangan pakasalan niya ito, pagkatapaos ng mailapat ang parusa…
Ang mga babae, maging Kristiyano o Muslim o ano pa mang pananampalataya mayrooon siya sila ay may pangkalahatang karapatan na dapat nilang malaman at kilalanin ng lahat upang ito ay kanyang mapakinabangan ng lubusan sa anumang oras na kanyang nanaisin. Ang ilan sa mga karapatang ito ay ang mga simusunod:
1. May karapatang magmay-ari tulad ng bahay, mga lupain, mga pagawaan, mga patananiman, ginto, pilak, at iba’t-ibang uri ng hayop gaya ng kalabaw, baka, at kamabing —maging siya man ay isang maybahay, ina, isang anak, o isang kapatid.
2. Maykarapatang pumili ng mapangangasawa, tumutol sa lalaking ayaw niya, at humingi ng diborsiyo kapag ang pananatili sa piling ng kanyang asawa ay makapipinsala sa kanya. Ang mga ito ay ang mga karapatang para sa babae na ang katiyakan ay napagkaisahan ng mga pantas ng Islam.
3. May karapatang matuto ng lahat ng kanyang kailangan tulad ng kaalaman tungkol sa kanyang relihiyon, kaalaman tungkol sa pagsamba sa Kanya, mga tungkuling kailangan gampanan kalakip ng mga kagandahang-asal para rito, at mga pag-uugaling mahusay na kailangan niyang taglayin sa lahat ng sandali.
Sa Islam ay nag-utos ang Allah sa Qur’an: “Ang paghahanap ng karunungan ay tungkulin ng bawa’t Muslim.”
4. Ang karapatang magbigay ng Sadaqah (kawanggawa) buhat sa kanyang ari-arian at gumugol buhat sa mga ito para sa kanyang sarili at para sa kanino man na kanyang naisin gaya ng asawa, anak, at mga magulang hanggang ang paggugol ay hindi humahantong sa pag-aaksaya. Ang pagbabawal sa pag-aksaya ay kapuwa para sa babae at lalaki.
5. Ang karapatang gumawa ng huling habilin (testamento) na nagsasaad ng kanyang kagustuhang ipamana sa kanyang mga pamilya.
7. Ang karapatang mag-suot na naisin niya. ngunit sa Islam ay may batayan na dapat sundin ng kababaihan. Maaari niyang isuot ang anumang maibigan niya gaya ng seda at ginto – kapuwa ipinagbawal sa mga kalalakihan – nguni’t hindi siya maaaring mag-alis ng damit at magsuot ng maikling salawal, damit na pampaligo, damit na maikli o walang manggas at iba pang kasuutang katulad ng mga ito kapag siya ay nasa mga lugar na pampubliko.
Hindi rin niya maaaring alisin ang belo sa kanyang ulo o ilantad ang kanyang leeg o dibdib maliban na lamang kung ang kanyang kapiling ay ang kanyang asawa lamang. Hindi rin siya dapat lumabas ng bahay na hindi suot ang Hijab.
8. Maykarapatang magpaganda para sa asawa. Sa mga babaeng Muslima ay maaari siyang gumamit ng pangguhit sa kilay o pilikmata (eye-liner), pulbos, o pangkulay sa labi (lipstick) kung gusto niya. Maaari siyang magsuot ng pinakamagara at pinakamagandang damit maliban sa mga damit na kilalang gamit ng mga hindi Muslimah o kilalang gamit ng mga babaeng nagbebenta ng aliw, hindi niya isusuot ang mga ito upang maiwasan na mapagkamalang siya ay kabilang sa kanila.
9. May karapatan sa pagkain at inumin. Maiinom at makakain niya ang masarap at mabuti para sa kanya. Walang ipinagkaiba ang babae sa lalaki pagdating sa pagkain at inumin. Sa mga babaeng Muslim naman ay ang anumang ipinahihintulot ng Islam na pagkain at inumin ay kapuwa puwede sa lalaki at babae.
Marami pang karapatan ng kababaihan na magandang talakayin na nagpapatunay na mahalaga sila ating lipunan. Dahil wala na tayong panahon hanggang sa susunod na araw sa ganito ring oras at himpilan.
MILF Tumulong sa pag-alis ng Water Lily sa Rio Grande De Mindanao
(Update Balita ni Kaka Alih-July 14, 2008-Lunes)
Nakiisa na ang Bangsamoro Islamic Armed Forces- Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) kasama ang hukbong sandatahan ng Pilipinas (AFP-GRP) at iba pang civilian volunteers kong papaano aalisin ang nakaharang na water lily sa Rio Grande De Mindanao na sanhi ng patuloy na pagbaha sa Lungsod ng Kutabato.
“Huwag mabahala ang mamayan dahil nandiyan ang sandatahang lakas ng MILF hindi upang makipaglaban sa pamahalaan kundi pinadala sila ng pamunuan ng MILF para tumulong”…….. pahayag ng tagapagsalita ng BIAF-MILF Eid Kabalu’
“Ang MILF ay andiyan upang tumulong at upang maipakita na ang MILF ay nakikiisa para kapayapaan at kaunlaran at ito ay bahagi na rin ng confidence-building para sa goberno at mamayan ng Lungsod ng Kutabato” dagdag pa ni Kabalu.


