DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Batikang Anchorwoman ng DXUP FM Ikinasal

Batikang Anchorwoman ng DXUP FM Ikinasal

August 2, 2008

  

(Kaka Alih- August 2, 2008)Nuro, Upi……Ikinasal ang Anchorwoman ng DXUP FM ng programang “Kahapon, Ngayon at Bukas”, “Pananaw at Panggabay”, UAS in Focus” at “Heart talk” na si Bai Zuhiera Sali. Ang mapalad na lalaki kaninang umaga ay si Omar S. Kanakan, sila ay ikinasal nina Ustadz Muhammad Taha Yussof, Imaam Akmad Lumanggal at tumayong Wali ay si Honorable Hadji Guiamel Abutazil na kapatid ng Lolo ni Bai.Ang kasalan ay ginanap sa Gians Resto, Sinsuat Avenue, Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan. Ang mga saksi o “Ninong” ay kabilang sina Hon. Mayor Ramon A. Piang, Sr., Hon, Vice Mayor Abdullah Salik Jr, Al Haj, Station Manager Mario G, Debolgado at maraming pang kilalang mga promininting mamayan ng Upi.
Bago binasa ang “Kutba Nikah” (sermon sa kasal) ay pinabasa muna ng bersikulo sa Qur’an si Omar, dahil ay panata na ng mga “Kababaihan” (kamag-anak ng babae) at bilang pagkilala na siya ay isang bihasa sa pagbasa sa Banal na Aklat ng Islam.  Sa Islam ay ang Muslim na kaalaman sa pag-basa sa Qur’an ay kinikilala na may mataas na antas sa paningin ng Allah.

(PARA SA KARAGDAGANG KUHANG LARAWAN -CLICK) 

Posted by dxupfm at 5:59 pm | permalink

Add a comment