DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 10. August 2008

Upi Police Hotline Number

August 10, 2008

New Upi Police Hotline-

09161094279

 

Posted by dxupfm at 3:13 pm | permalink | comments[1]

Tungkulin ng Board of Election Inspectors(BEI)

(sinulat ni Kaka Alih Agosto 10, 2008)

 

 

Ano ang tungkulin nakaatang sa kanila? 

Board of Election Inspectors.(BEI)…..  isang tungkulin na tila ba iniatas na sa mga guro ng mga pampublikong paaralan… isang pag-gawad ng katungkulan na kung iisipin ay wala naman talagang kinalaman sa kanilang propesyon, subalit buong puso pa rin nilang tinatanggap at isinasagawa kahit karampot ang “allowance ” nila dito.

 Ang trabaho ng BEI ay maaring  nagsisimula dalawang araw o baka linggo pa kong isasali ang meeting at seminar, bago ang mismo ang araw ng halalan. Maraming paghahanda ang sa iyo’y pinapagawa,. bukod sa panunumpa mo sa iyong tungkulin at pagpirma rito, kailangan mong makinig sa mga lecture na inihanda ng COMELEC, kukunin ang mga kailangan mong materyales at gamit, at gawing pamilyar ang buong proseso ng halalan na iyong isasagawa. Lahat ng mga nabanggit ay kumukuha ng oras at pagod, dahil na rin sa ilang   beses ng pagpila at paghihintay . , Gutom at pagod ang kanilang nararnasan.  Kong bakit nagagamit ang mga guro sa ganitong tungkulin ay dahil sa konti lang ang mga tauhan ng COMELEC,

 Kung   araw na ng  halalan, e wala nang paparis sa  hirap, tension, takot ang  mararansan ng isang BEI.  Sisimulan nila ng maagang-maaga ang araw sa pag-gising  (tulog na tulog pa ang mga kasama mo sa bahay) upang sunduin ang mga balota at ballot box mula pa sa mga munisipyo na kanilang lokalidad (lalo na kong local election, ingat nga ingat ang lahat dahil marami ang nagbabantay na watchers.. kuno? Ok lang kong ganitong ARMM election, wala masyadong kandidato eh) …

Isang araw bago ang halalan ay kukunin mo na sa COMELEC  ang mga gagamitin, NGUNIT HINDI MO PA MADADALA. Bakit? para pangalagaan ang integredad ng Halalan.. baka maghinala ang ibang kandidato..na may ginawa kang himaga sa gabi.. kailangan kasama ang mga watchers ng bawat partido. 

Kinabukasa araw ng halalan babalik ka sa municipyo o opisina ng COMELEC para kunin angmga ibang papeles na kailangan sa halalan, bukod pa roon ang nasabing mga balota at ballot box. Ang tanong ni Maam: : “bakit hindi na lang ipagsabay-sabay ang pagbibigay?”... Sagot maam ay heto?…..”para lamang masabi na malinis at walang daya ang halalang magaganap”.

Heto na, pagdating nila sa  presinto, marami pa silang  aayusin… minsan nga’y kahit na hindi pa sila nakakatapos ay may mga dumadagsa nag botante upang bumoto, paano’y alas-siyete na pala! Magsisimula na ang botohan.

Matapos nilang pagsilbihan ang mga botante mula alas-siyete hanggang alas-tres ng hapon at walang break sa tanghali… ang kanilang  tanghalian ay panakaw nakaw habang walang bomoboto.

Pagsapit ng gabi ay darating na ang madugong bahagi ng trabaho nila.. ang pagbibilang ng boto. (ok na lang DAW ngayong ARMM 2008 Election.. bakit? computerized na ang systema ng botohan at bilangan.. sigoro naman ay kulang na ang trabaho ng BEI… SANA… SANA.,.. wala ng kandidato na matapang… wala ng kandidato na ayaw tumanggap ng pagkatalo). Hindi nila alam na halos magkaduling-duling na ang   mata ng BEI  sa walang humpay na kakahanap ng mga pangalan ng mga kandidatong lalagyan nila ng tally… buti sana kung konti lang ang kandidato, buti sana kung konti lang ang bumoto,   

Kailangan nilang tiisin ito, mahal kong titser… para saan pa ang husay mo sa pagtitiis sa mga makukulit na estudyante kung hindi mo ito mai-aapply rito? Ang tanging hiling ko na lamang ay mag-tally ang mga bilang ninyo, sapagkat kung hindi… uulitan nila (at yan ang pinakamasakit pra sa mga BEI).

 Pagkatapos nila ng lahat-lahat (ala-una na ng madaling araw, halos beynte kwatro oras ka nang gising)… may bilang na ng mga boto para sa presinto nila, nakaselyo na ang mga envelope na may Election Return, nakapasok na sa ballot box ang mga karagdagang kopya at nagamit na mga balota. Ang natitira na lamang na gagawin ay ang pag-sumite ng mga resultang ito sa munisipyo. Lahat ng pagod nilay  malapit nang masuklian ng paghiga’t pagpapahinga, maisubmit lamang nila sa COMELEC ANG resulta.  . Ang mahirap kong minsan ang Honorarium na isang libo .. matagal pa bago makuha.. (ngayon yata ay dalawang libo na.. « ay salamat naman »sabi ni maam)

Sana wala ng mag-protestang kandidato… tuloy-tuloy na.. tanggapin na ng talo na sila ay talunan sa halalan na ito.. better luck next time…SALAMAT.. tapos na ang bilangan… Hay naku di pa pala may protesta pa.. maari ka pang makapunta ng Maynila ng libre.. ( libre pasyal Maam..he.he.. )

Iyan ang maikling kasaysayan ng isang BEI. 

Posted by dxupfm at 2:01 pm | permalink | Add comment

COMELEC Office sa Upi Prepared para sa ARMM Election

 

(Balita ni Kaka Alih-August 10,  2008-Linggo) 

Nuro, Upi. Shariff Kabunsuan……..Handang-handa na ang opisina ng Commission on Election (COMELEC) sa Upi sa pangunguna niCOMELEC Officer Flordelina Muñoz para sa ARMM halalan sa Lunes August 11, 2008.
 
Kasama ng COMELEC ang office of the Treasurer na siyang namamahala sa pag-iingat sa mga ballot boxes at iba pang gagamitin. Deputized din ang PNP at AFP sa pananatili ng peace and order.

Nitong Biyernes, ay pinulong ni Muñoz ang lahat ng BEI at dalawang  kasama nito  upang final na ibigay ang dapat at di dapt gawin sa ARMM Election sa August 11.

Ngayon araw na irerelease sa mga BEI sa mga presinto ng Upi ang boxes at paraphenelia na gagamit sa halalan. 

Posted by dxupfm at 11:03 am | permalink | comments[2]