DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Bayan ng Upi Na Nanatiling Maayos at Mapayapa Ang ARMM Election: PNP

Bayan ng Upi Na Nanatiling Maayos at Mapayapa Ang ARMM Election: PNP

August 11, 2008

( Bai Zuhiera Sali-Kanakan-August 11, 2008-Lunes)

Nuro, Upi. Shariff KabunsuanNanatiling maayos at mapayapa ang 2008 ARMM Election sa Upi, Shariff Kabunsuan, ito ay ayon sa ulat sa bayan ng PNP 1507th Provincial Mobile Group Commander P/Inspector Rudy P. Badsingit Jr.

Sa panayam ngayong umaga ni DXUP Patrol 1 Alih Anso kay Badsingit, pinayuhan ang may mga sasakyan na boboto sa Nuro Central Elementary School na hindi pinapayagan ng COMELEC ang pagpasok ng mga sasakyan, kaugnay ng pagpatupad ng seguridad.

Alas siyete ng umaga nagbukas ang ibat-ibang polling precinct na unti-unti namang dinadagsa ng mga botante. Pasado alas-otso ng umaga ay mahaba na ang mga pila sa mga precinct. Sa kabila nito naging maayos  ang proseso ng butuhan.

Ayon sa isang Board of Election Officers (BEI) na di natin kikilalanin ay positibo ang naging tugon ng mga botante sa mga panuntunan ng COMELEC sa kauna-unahang automated election sa ARMM.

Ayon naman sa ilang mga botante sa Nuro ay    maigi at mabilis ang ganitong proseso kumpara sa mga nakaraang halalan na manual.

 

 

Posted by dxupfm at 9:38 am | permalink

Add a comment