DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 12. August 2008

Halalan sa ARMM Matahimik - Comelec

August 12, 2008

(Balita ni KakaAlih- August 12,  2008-Martes)

Nuro, Upi. Shariff KabunsuanIdeneklara ng COMELEC na naging matahimik sa pangkalahatan ang halalan  sa Autonomous Region in Muslim Mindanao  (ARMM) at naging matagumpay din ang isinagawang automated election, bagamat may mga konting naiulat na di pagkakaunawaan ng ilang supporters at mga kandidato ngunit hindi naman nakaapekto sa pangkalahatan.

Ayon kay Comelec chairman Jose Melo na bagamat mayroong mga maliliit na insidente kagaya ng ballot snatching,  hindi naman ito naka apekto sa pangkalahatang resulta ng halalan.

Kabilang naman sa mga naitalang insedente ng Comelec ay ang nangyaring vehicular accident sa mga Board of Election Inspector (BEI) sa Brgy. Cadayahon, Balindong, Lanao del Sur, kung saan ay dinala  sa ospital ang chairman ng BEI.

Naiulat din ng Chief Superintendent Joel Goltiao, ARMM Police Regional Office (PRO) director ang di pagkakaunawan na nauwi sa suntukan ng mag-pinsan Tomawis: Re-electionist Assemblyman Bongarsa Tomawis at Mayor ng Barira Alex Tomawis, ngunit agad naman napayapa.

Habang nagkaroon din ng failure of election sa Brgy. Sapa, Bayang, Lanao del Sur  makaraang nag-away ang mga BEI dahil sa ginawang clustering ng votes, na nagresulta ng pagwalk out ng mga BEI.

Samantala, ipinagmalaki rin ng Comelec na naging mataas ang turn out ang boto sa ARMM sa kabila na umabot lamang sa tatlong buwan ang kanilang paghahanda sa automation ng halalan.

Bagama’t hindi pa nakapag bigay ng kanilang kabuuang resulta ng turn out ng boto sa buong ARMM ang Comelec, subalit batay sa kanilang inisyal na mga natanggap na report na mataas ang naging turn-out ng boto.

Ayon sa Comelec sa Maguindanao, Lanao del Sur, at Shariff Kabunsuan  ay halos 60%  ang turn out, habang sa Sulu mahigit 50% at sa Tawi-tawi ay halos 85-90% ang turn out ng mga bomoto.

Inaasahan naman ng Comelec na maiproklama ang lahat ng mga nanalo sa ARMM election sa loob ng halos 36 na oras, matapos ang botohan.

Posted by dxupfm at 7:02 am | permalink | Add comment

Lasing: Kainuman Tinaga

(Balita ni Lucy B. Duce  August 12,  2008-Martes)

Nuro, Upi. Shariff Kabunsuan…Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan si Johnny Poras-32 residente ng Barangay Looy, South Upi, Maguindanao, pagkatapos  pagtatagain ng kanyang kainuman noong makalawa ng gabi (Linggo).

 ”Habang  kami ay masayang nag-iinuman maya-maya ay nagkaroon kami ng  pagtatalo na humantong sa mainit na pagtatalo”. pahayag ni Porras.

Ang biktima ay agad na dinala ng mga kamag-anak sa pinakamalapit na hospital sa Datu Blah Sinsuat Memorial Hospital, na nasa  Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan.

 Ang suspect na kainuman ng biktima ay kinilala sa pangalang Udok, na taga Looy ay malaya pa rin habang ang  Kapulisan ng South Upi ay patuloy ang kanilang imbistigasyon sa naturang pangyayari.

 

Posted by dxupfm at 6:45 am | permalink | Add comment