DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 16. August 2008

89th Foundation Day Celebration-Upi Agricultural School -Ipinagdiriwang

August 16, 2008

 

(Balita ni  Kaka Alih- August 16,  2008-Sabado)

Nuro, Upi. Shariff KabunsuanSinumulan noong Agosto 12, ang 89 taon pagdiriwang ngayon taon 2008 ng Upi Agricultural School-Provincial Technical Instiute of Agriculture (UAS-PTIA).

Mamayang ika-isa ng hapon ang “Search for Mutya ng UAS 2008″ na gaganapin sa Upi Gymnasium at ito ay live coverage ng DXUP FM.

Nagsimula ang palarong pampaaralan noong Agosto 13 at ngayon araw na ito magtatapos.

Sa Agosto 18 naman ang Goodwill Games ng Farmers Association, Selected Students, PTCA and T&E.

Sa Martes Agosto 19 ang Culmination day at magiging panauhin pandangal ay si Honorable Hadji Datu Druz Ali ang Regional Secretary ng Department of Agriculture-Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Sa araw na ito ay magkakaroon ng Cheer Dance Competation ng secondary department .

Ang UAS-PTIA ay isa sa pinaka-unang agricultural na paaralan sa bansang PIlipinas, na itinatag ng Amerikanong sundalo na si Captain Irving Bryant Edwards , at ito  naging bantog na guro dahil sa pagkakatatag  nito sa liblib na lugar ang Upi Agricultural School noong August 19, 1919, sa Barrio ng Upi, [ngayon ay munisipyo ng Upi] na sakop pa noon ng Dinaig [ Datu Odin Sinsuat], lalawigan ng Cotabato [nahati na ito ng 7:South Cotabato, North Cotabato, Sarangani, Sultan Kudarat, Maguindanao at Shariff Kabunsuan at may Lungsod na 5: Cotabato City, Kidapawan City, General Santos City, Tacurong City at Koronadal ]. 
Ang Vocational School Administator ng UAS-PTIA sa kasalukuyan ay si Engr. Sukarno B. Datukan, MPA.

Posted by dxupfm at 11:00 am | permalink | comments[1]