DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 21. August 2008

Division 2, Nagwagi sa Cheer Dance Competition !

August 21, 2008

DXUP FM Balita-Noralyn L. Bilual- August 21,  2008-Huwebes)
Nuro, Upi. Shariff Kabunsuan……..Napili ng mga hurado bilang Champion sa Cheer Dance Competition ang Division 2. Isinagawa ang nasabing cheer dance isa sa mga highlights ng 89th Foundation Anninversary ng Upi Agricultural School PTIA ang Division 2 , 2nd place –Division 4 (Warriors) , 3rd Place ang Division 3 (Sizzling team)  at 4th Placer ang Division 1(Phoenix).

Naging hurado sina Mark Anthony Cajandig, Demie Mae Ceballos, Marnelli Jayme, Rodelie Canillo at Charlot Jose Cristobal.

Bagamat maputik at matubig  ang pinagdausan ng nasabing cheer dance ay di inalintana ng mag-aaral.

“Tuwing taon ay ganito na ito dahil sa buwan ng Agosto ay tag-ulan, sana ilipat na lamang sa buwan ng pag-gunita, sa mga panahon na hindi tag-ulan”. Himutok ng isang magulang na natatanaw ang mga bata na punong-puno ng putik ang mga makukukulay na kasuotan.

(Para sa karagdagang kuhang larawan please CLICK )

Posted by dxupfm at 1:24 pm | permalink | Add comment

Upi CAFGU Nabaril: Patay

DXUP FM Balita-Lucy Duce-August 21,  2008-Huwebes)

Nuro, Upi. Shariff Kabunsuan……..Dead on Arrival sa Cotabato Regional & Medical Center si Dino Bello , 41, membro ng Citizen Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) 8th MAGCAA Coy.    Nagtamo ang biktima  ng tama ng bala sa kanyang mata na tumagos sa likurang bahagi ng ulo. Ang pamamaril ay naganap noong  Martes Agusto 19, 2008.

Ang biktima ay unang isinugod ng Upi PNP sa pinakmalapit na pagamutan ang  Datu Blah Sinsuat Memorial District Hospital at dahil kakulangan ng sapat na gamit at doctor ay agad na inirefer sa Cotabato Regional and Medical Center sa Cotabato City .

Ang nasabing kaso ay kasalukuyang pa ring iniimbestigahan pa ng Upi PNP     ang motibo at sanhi ng naturang pagbaril sa biktima.

Posted by dxupfm at 10:54 am | permalink | comments[1]

UAS-PTCA Nanumpa noong 89TH UAS-PTIA Anniversary.

DXUP FM Balita-Noralyn L. Bilual- August 21,  2008-Huwebes)

Nuro, Upi. Shariff Kabunsuan……..Nanumpa ang mga bagong halal ng official ng Upi Agricultural School-Parents Teachers Association para sa high school department para sa taong 2008-09, kasabay ng pag-gunita ng ika-89 taong pagkakatatag ng paaralan.

Ang mga official na nanumpa ay pinangunahan ng kanilang pangulo na si Cherubin Real, Annabel Bello-vice president, Nympha Sapal-secretary, Merlinda Damaso-assistant secretary

Yolanda Cariño-treasurer, Rogelio Bansil-auditor, Cynthia Borillo-PIO, Lannie Billiones at Esther Lamigo mga business manager.

Ang inducting officer ay ang UAS-PTIA administrator na si Engr. Sukarno B. Datukan, MPA.

Posted by dxupfm at 10:53 am | permalink | comments[2]