Ramadhan Buwan ng Pag-aayuno ng mga Muslim sa Buong Mundo: Nagsimula Na
September 1, 2008Ang sinusunod na kalendaryo sa pag-aayuno ay ang Hijri calendar na nag-sisimula ang araw sa pag-sapit ng gabi, taliwas naman sa Gregorian calendar na nag-sisimula ang araw paglagpas ng hating-gabi.
Ngayon araw bago mag-bukang liwayway hanggang hapon sa pagsapit ng takipsilip ang unang pag-titiis ng mga nanampalatayang Islam na hindi sila kakain o iinum, ilan lamang ito sa sa mga paliwanag ni Ustadz Ahmad Mamalangkas ng chairman ng mga committee ng madraza sa Upi. Ang madraza ay paaralan na ang ginagamit na subject ay Arabic at itinuturo din ang relihiyong Islam.
“Ang lahat ng mga Muslim sa buong sanlibutan ay inuutusan ng Allah na mag-ayuno sa buwan Ramadhan” pahayag ni Ustadz Mamalangkas.
Ang pag-aayuno ay ang pagtigil sa pagkain, pag-inom, pakikipagtalik, at iba pang nakasisira sa pag-aayuno magmula sa pagsapit ng madaling araw hanggang sa lumubog ang araw. Isinasagawa ito nang may layuning mapalapit kay Allah. Napagkaisahan ang pagiging tungkulin ng pag-aayuno batay sa sinabi ni Allah (2:185): “…Kaya ang sinuman sa inyo na nananahan sa Buwan na ito ay pag-ayunuhan niya ito; …”
Ang pag-aayuno ay tungkulin ng bawat Muslim na Baligh (may sapat na gulang) at ‘Aqil (may sapat na pag-iisip). Natatamo ang kasapatan ng gulang kapag naging ganap nang 15 gulang, o tinubuan na ng buhok sa maselang bahagi ng katawan, o kapag may punlay nang lumalabas sa wet dream o sa iba pang paraan, at kapag nagkaroon na ng buwanang dalaw ang isang babae. Kapag nangyari sa isang tao ang isa sa mga ito, nasapit na niya ang kasapatan ng gulang.
Matatandaan na inihayag kamakalawa ng grand Mufti ng Darul Ifta Shiek Omar Pasigan na hindi nakita ang bagong buwan kaya bilang pag-sunod sa sinabi ng Allah na gawing tatlumpong araw ang buwan ng Shaban, ganoon din sa pagsapit sa ika-dalawamput siyam ng Ramadhan, kung hindi makita ang bagong buwan ay kumpletuhin ng tatlumpo ang araw ng Ramadhan.
Ang Darul Ifta ay isang organisasyon na siyang naatasan upang mamahala sa mga usaping ng relihiyong Islam sa Pilipinas.
Samantala mula ng maitatag ang community radio na DXUP , apat na taon na ang nakakaraan, sa pamumuno ng station manager na si Mario Debolgado ay nagkakaroon na ng Duyog Ramadan. Ang radio program na ito ay bilang pakikiisa para sa kapayapaan ng mga hindi nanampalatayang Islam sa kanilang mga kapatid na Muslim na nag-aayuno sa buwan ng Ramadhan
Deklarado namang Special Non-Working Holiday, ngayong araw sa ARMM. Ito ay Ayon kay Vel Acoymo, A Executive Director Bureau of Public Information ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Mga Bakwet Hindi Babalik
DXUP FM Balita - Alih S. Anso August 28, 2008- Lunes
Pikit, North Cotabato—Patuloy na nananatili at nakatunganga sa mga evacuation center ang mga nagsilikas na mga mamayan sanhi ng bakbakan ng Bangsamoro Islamic Armed Forces ng Moro Islamic Liberation Front (BIAF-MILF) at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Agosto. Ang ibang mga nagsilikas ay nasa Buisan bodega, nasa tabing kalsada at sa Pikit Parish social center na lahat ay mula sa municipyo ng Pikit at Aleosan.
“Kagutem i di nami magaga, ka dala den supply,” (gutom ang di namin kaya, dahil wala ng supply) pahayag ni Samakon Abas, 50, isang residente ng Barangay Bualan.
Ngunit sinabi naman ng World Food Program na nakapagbigay na sila ng 25 kilos na bigas sa bawat pamilya.
“Samaya na dikena bo nakapila i kinambakwet nami, nalugat kay ren” (Di lang miminsan kaming nakabakwet, pagod na ako) dagdag ni Abas. Habang sinariwa nya ang paghihirap ng kanilang dinanas nong magbakwet sila noong 1971, 1973, 2000, at 2003.
“Iya nami bo kapangni na maka gemaw so kawagib no Bangsamoro, ka o makainggay na makalintad tano, Insha Allah” (hiling namin ang katarungan para sa Bangsamoro, upang umiral ang kapayapaan, Kong May Awa ang Diyos), pahayag naman ni Bonbolen Alilaya, 55, taga Barangay Ginatilan.
Nagsilikas ang mga mamayan dahil sa takot na tamaan ng pina puputok na mga 105 howitzer na kanyon mula sa Army at nagsasalimbayang bala mula sa ibat-ibang kalibre ng baril ng naglalabanang pwersa.
“Ang di namin namin kayang tiisin ay putok ng 105 mm howitzer na nagmumula sa Poblacion Pikit”, dagdag ni Alilaya.
Naunang naiulat na umabot na ang mga bakwet ng 22,000 , na ang 5,000 sa kanila ay mula sa Barangay Tapudok at Langayen sa bayan ng Aleosan . Ang ibang barangay ay Silik, Pamalian, Bualan, Kulambog, Katilacan Pagangan, Manaulanan, Lagundi, Nalapaan, Dalingawen at Kalakakan lahat sakop ng Pikit.
“Di kami pan makauli ka pangandam ta sa mga taw ni Pinol,” (Hindi kami makabalik dahil takot kami sa mga tagasunod ni Pinol), pagpapaliwanag ni Muna Guiama, 40 at Guiamalodin Sugagil, 35 na pawang taga Ginatilan. Ang kanyang tinutukoy ay si Cotabato Vice – Governor Emmanuel Pinol na kamakailan ay nanawagan sa pag-aarmas ng mga sibilyan.
Samantala nong August 28, sa may national highway ay namimigay ng mga relief ang DSWD volunteer na si Delia M. Angub dahil may mga bakwet din may sa Amanah Evacuation Center sa Inug ug na may bilang na 47 na pamilya mula sa barangay Kulambog, Pamalian, Manaulanan, Nalapaan, Manaulanan, Pagangen, Bagolibas at Balong na kanilang serbisyohan.
Ang mga bakwet ay nagpahayag na mananatili sa evacuation center hangga’t nagsasagawa ng military operation ang AFP at habang may mga armadong sibilyan na gumagala-gala sa kanilang barangay.
Umaasa ang mga bakwet na sa Buisan bodega at national highway na matuloy ang usapang pangkapayapaan ng MILF at goberno upang mapirmahan na ang kasunduan sa Ancestral Domain. Ang pagpirma sa Memorandum of Agreement-sa Ancestral Domain (MOA-AD) sa


