DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Ramadhan Buwan ng Pag-aayuno ng mga Muslim sa Buong Mundo: Nagsimula Na

Ramadhan Buwan ng Pag-aayuno ng mga Muslim sa Buong Mundo: Nagsimula Na

September 1, 2008
DXUP Balita -Kaka Alih September 1, 2008-Lunes

Nuro , Upi . Shariff KabunsuanNagsimula  na ang   Ramadhan , ang ika-siyam na buwan sa Hijri calendar. Buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim sa buong mundo kahapon katapusan ng Agosto apat na minuto bago mag-ikaanim ng gabi.

Ang sinusunod na kalendaryo sa pag-aayuno ay ang Hijri calendar na nag-sisimula ang araw sa pag-sapit ng gabi, taliwas naman sa Gregorian calendar na nag-sisimula ang araw paglagpas ng  hating-gabi.

Ngayon araw bago mag-bukang liwayway hanggang hapon sa pagsapit ng takipsilip ang unang pag-titiis ng mga nanampalatayang Islam na hindi sila kakain o iinum, ilan lamang ito sa sa mga paliwanag ni Ustadz Ahmad Mamalangkas ng chairman ng mga committee ng madraza sa Upi. Ang madraza ay paaralan na ang ginagamit na subject ay Arabic at itinuturo din ang relihiyong Islam.

“Ang lahat ng mga Muslim sa buong sanlibutan ay inuutusan ng Allah na mag-ayuno sa buwan Ramadhan” pahayag ni Ustadz Mamalangkas.

Ang pag-aayuno ay ang pagtigil sa pagkain, pag-inom, pakikipagtalik, at iba pang nakasisira sa pag-aayuno magmula sa pagsapit ng madaling araw hanggang sa lumubog ang araw. Isinasagawa ito nang may layuning mapalapit kay Allah. Napagkaisahan ang pagiging tungkulin ng pag-aayuno batay sa sinabi ni Allah (2:185): “…Kaya ang sinuman sa inyo na nananahan  sa Buwan na ito ay pag-ayunuhan niya ito; …”

Ang Nananahan  ay yaong taong hindi naglalakbay. Hindi obligadong mag-ayuno ang naglalakbay ngunit kapag hindi na siya naglalakbay ay kailangang mag-ayuno siya.

 

Ang pag-aayuno ay  tungkulin ng bawat Muslim na Baligh (may sapat na gulang) at ‘Aqil (may sapat na pag-iisip). Natatamo ang kasapatan ng gulang kapag naging ganap nang 15 gulang, o tinubuan na ng buhok sa maselang bahagi ng katawan, o kapag may punlay nang lumalabas sa wet dream o sa iba pang paraan, at kapag nagkaroon na ng buwanang dalaw ang isang babae. Kapag nangyari sa isang tao ang isa sa mga ito, nasapit na niya ang kasapatan ng gulang.

Matatandaan na inihayag kamakalawa ng grand Mufti ng Darul Ifta Shiek Omar Pasigan na hindi nakita ang bagong buwan kaya bilang pag-sunod sa sinabi ng Allah na gawing tatlumpong araw ang buwan ng Shaban, ganoon din sa pagsapit sa ika-dalawamput siyam ng Ramadhan, kung hindi makita ang bagong buwan ay kumpletuhin ng tatlumpo ang araw ng Ramadhan.

Ang Darul Ifta ay isang organisasyon na siyang naatasan upang mamahala sa mga usaping ng relihiyong Islam sa Pilipinas.

Samantala mula ng maitatag ang community radio na DXUP , apat na taon na ang nakakaraan,  sa pamumuno ng station manager na si Mario Debolgado ay nagkakaroon na ng  Duyog Ramadan. Ang radio program  na ito ay bilang pakikiisa para sa kapayapaan ng mga hindi nanampalatayang Islam sa kanilang mga kapatid na Muslim na nag-aayuno sa buwan ng Ramadhan

Deklarado namang Special Non-Working Holiday, ngayong araw sa ARMM. Ito ay Ayon kay Vel Acoymo, A Executive Director Bureau of Public Information ng Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Posted by dxupfm at 12:14 pm | permalink

Add a comment