DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Brownout sa Upi at South Upi: Limang poste natumba

Brownout sa Upi at South Upi: Limang poste natumba

September 11, 2008

Balita ni Lenyrose Bajar at Kaka Alih

Nuro, Upi, Sept. 11, 2008-Brownout kagabi sa buong Upi at South Upi  dahil sa natumba ang limang poste   ng Maguindanao Electric Cooperative (Magelco), sa may Barangay Nuro, Upi.   Malakas ang hangin na sanhi ng pagkabuwal ng isang punong kahoy, na tumama sa kawad ng korente at dahil sa bigat ay nadamay ang limang poste at bumigay.  Ang mga poste ay itinayo pa noong 1983.

Ang isa sa limang poste ay nakakabit ang transformer ng Magelco na siyang nagbibigay ng korente sa   Upi Agricultural School. .

Agad naming ipinadala ng management ang labingdalawang crew, at pinalitan ng bakal na poste ang dati ay kahoy.

Nangako naman ang namamahala sa district office na si Teresita Flores na magkakailaw ang dalawang bayan bago magtakip silim ngayong araw.

Humihingi naman ng konting pang-unawa sa mga kunsumidor ang boad of director ngf district 11 na si Carlos Flores III dahil  ang brownout ay dala ng kalikasa

Ang Upi at South Upi ay sakop ng district 11, at ito rin ang district na nangunguna sa pagbabayad ng    kanilang electric bill.

Ang Magelco ay sakop ang Maguindanao at Shariff  Kabunsuan province. 

 

Posted by dxupfm at 8:31 am | permalink

Previous Comments

Thanks i like your blog very much , i come back most days to find new posts like this.

Posted by Ralph Lauren Outlet Online at December 19, 2011, 10:19 am

Add a comment