DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Hariraya Puasa Ipinagdiwang sa Upi

Hariraya Puasa Ipinagdiwang sa Upi

October 1, 2008

DXUP Balita-Kaka Alih & Lenyrose Bajar-September 30, 2008

Nuro, Upi-Nagtapos  kagabi ang   buwan ng Ramadhan (buwan ng pag-aayuno) ng mga mananampalataya sa Islam. Ayon sa Darul Ifta of the Philippines Chairman UstadzOmar Pasigan, nasilayan ang buwan sa bahagi ng  Zamboanga at Saranggani province dakong alas singko kwarenta ng kahapon kung saan pumasok na ang ika-sampung buwan ang Shawwal sa Hijri Calendar pagsapit ng Magrib prayer (5:40 hapon). Ito na ang hudyat ng pagtatapos ng pag-aayuno ng mga mananampalataya sa  Islam (Muslim) na umabot ng dalawamput siyam na araw .

Ang Ramadan ay pang-siyam na buwan sa hijri calendar, na may bilang na 29 0 30 araw. Sa taon na ito ay nagsabay ang pag-sapit ng Septembrye na ika-siyam na buwan ng Gregorian Calendar.

 

Dahil dito ay idineklara namang holiday ni Regional Governor Datu Zaldy Ampatuan   ang buong Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) kasunod ng pag-aanunsiyo kagabi ng pagtatapos ng ramadhan.

 Isinagawa sambayang (panalangin) ng Eidil Fit’r ng mga Jamaah sa limang  Masjeed dito sa Masjeed Sharifodin compound, barangay Nuro, kabilang ang Masjeed Nur, Masjeed Fallahe, Masjeed Darusallam, Masjeed Sharifodin. Nagsimula ang dalawang rakaat na sambayang ganap na ika pito ng umaga na sinundan Kuhtba na ibinigay ni Ustadz Salih Pangilamen mula sa Kurintem, Datu Odin Sinsuat.

Ayon sa tantiya ay mahigit isang libong nanampalataya sa Islam ang dumalo sa sambayang ng hariraya puasa.  Pagkatapos ay  kanduli ( pagpapakain) ng may mga naihandang pagkain.

(Para sa karagdagang kuhang larawan please CLIK)

Posted by dxupfm at 10:40 am | permalink

Add a comment