DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 03. October 2008

Papaano “magtanim” ng Bukal (spring)

October 3, 2008

October 3, 2008

Kaka Alih October 3, 2008

Ang bukal [spring, sepot sa Maguindanaon at T’duray, sa Iranon at Meranaw ay Bualan] ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato. Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal, samantalang mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.

Ang Qur’an ay nagpahayag na ang tubig mula sa bukal ay palatable, samantala ang tubig ulan ay distilled water, ito ay mainam para sa mga tanim.

Kailangan ng tao ang tubig inumin mula sa bukal, ang problema walang bukal na mapagkunan ng tubig. “Kong wala, ay di magtanim..” (ng bukal). Maitatanim ba iyan Kaka Alih? (tanong niya sa akin) ..Yes, (sagot ko) … maitatanim ito.. ayon sa aking Lolo Antal. Siya ay native inhabitants ng Barira, na dati ay sakop ng Buldon, na dati ay sakop ng Parang.

Ang kailangan mo para makatanim ng bukal ( sepot, bualan, spring):

  1. lupain na nasa paanan ng mga bundok o burol;
  2. Kasili , bleg sa T’duray (eel) fingerling ang kailangan, marami mas mainam;
  3. Mantaya (malaking banga) at lalagyan ng tubig galing sa bukal.

Paraan ng “pagtatanim”:

  1. “Magtanim” sa panahon nab ago pa lamang nagsisimula ang tag-ulan;
  2. Ibaon o “itanim” ang mantaya (na puno ng tubig mula sa bukal,) sa paanan ng magkapatid na bundok, (tawagan ay bawgan sa R’nawon, L’pak o liyong  sa T’duray). Ilagay ang mga maliliit na kasili at takpan ng lupa at hayaang makapasok ang hangin  at para  mangyari ito, maglagay ng mga malilit na sanga sa bunganga ng mantaya. Pagkatapos ay manalangin sa Allah hilingin sa kanya na patubuin ang iyong mga tanim, sapagkat ang tao ay walang kapangyarihan kundi sa Diyos lamang ang may kapangyarihan.
  3. Abonohan. Papaano? Sa pamamagitan ng pagtatanim ng punong kahoy (mga tamlang o kawayan pwede rin sa palibot nito lalo na banding itaas. Ang sabi noon sa akin ni Lolo, iyon daw ang tahanan ng mga taga bantay.. na ang sabi ay hindi nakikita.. dahil sila ay mga tunong (engkanto).

Paalaala, para tumubo at lumago ang “tanim”:

  1. Huwag patayin ang mga kasili, kong sakali mang di maiwasan na humuli, sigoraduhing mga mga matitira pa ditto, lalo na yaong mga magulang… sigoro kong marami na ang iyong kasili.. pwede ka ng humuli para pang-ulam…
  2. Huwag putulin ang mga punong kahoy.. kong kinakailangan talaga ang kahoy.. konti lang… sigoraduhing may sapat na mga puno malapit sa “tinanim” na bukal.

Facts o katotohanan:

  1. Ang isdang kasili ay gagawa  ng madadaanan upang maghanap ng pagkain at mga magagawang butas ay siya namang dadaluyan ng tubig, mula sa ibat-ibang bahagi ng kabundukan,  at dadaloy pababa sa lugar na “tinaniman” mo ng tubig, dahil mababa ang lugar na yaon, na hindi magtatagay ay magiging palagi ng lalabas ang mga tubig, at ito na ang magiging bukal o spring;
  2. Ang mga punong kahoy ay sadyang ginawa ng Diyos upang sumipsip ng tubig at ilalabas ito sa panahon na kailangan ng kalikasan ang tubig (sa panahon ng tag-tuyot).
Posted by dxupfm at 8:31 am | permalink | comments[3]