DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 05. October 2008

GRP-MILF Hiniling ng MAGELCO Members/Consumers, Tuloy Peace Talks!

October 5, 2008
 DXUP FM Balita-Kaka Alih Oct. 5, 2008

Capiton, DOS- Nagpasa ng resolution ang mga Membro at consumers ng  Maguindanao Electric Cooperative (MAGELCO)na siyang  may franchise ng korente sa lalawigan Shariff Kabunsuan at Maguindanao na bumalik sa negotiating table para ituloy ang peace talks ng MOro Islamic Liberation Front (MILF) at Government of  the Republic of the Philippines (GRP).

Ang resolution ay naipasa kaugnay ng 32nd General membership assembly ng MAGELCO kanina sa Headquarters nito sa may Barangay Capiton, Datu Odin Sinsuat.

Ayon sa pahayag ng Presidente ng MAGELCO na si Datu Maydu Wawa, ay maapektuhan ang mga proyekto ng kooperatiba kong hindi matitigil ang walang humpay na bakbakan sa pagitan ang puwersa goberno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front -Bangsamoro Islamic Armed Forces (MILF-BIAF).

 Dahil sa isang buwan ng isinaasagawang operation ng AFP sa lalawigan ng Maguindanao ay libo-libo na ng mga mamayan ang nagsilikas upang umiwas sa giyera at sa ngayon ay nangangailan ng tulong mula sa mga ahensiya upang may makain at matulugan sa evacuation center sa Maguindanao at Cotabato City.

Sa ngayon ay may ipinapatupad na energization sa may 39 barangay  sa Maguindanao at sa 2009 ay mahigit isang daan na barangay ay kakabitan ng korente, ngunit maaring hindi maipatupad kong hindi magkakasundo ang GRP at MILF.

Posted by dxupfm at 6:41 pm | permalink | Add comment