DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » MOA-Nilagdaan: Gov Ibay at Mayor Piang

MOA-Nilagdaan: Gov Ibay at Mayor Piang

October 9, 2008

Kaka Alih- October 8, 2008

Nuro , Upi . Shariff KabunsuanNilagdaan ng punong ehikutibo ng probinsiya ng Shariff Kabunsuan-Acting Gobernor Ibrahim Ibay at Mayor Ramon A. Piang Sr, ang Memorandum of Agreement (MOA)  hinggil sa mga aalagaan mga kambing na binigay sa bawat barangay ng Upi. Limang babaeng   at isang toro na kambing ang ibinigay ng probisiya sa 23 barangay ng Upi.
Nakasaad sa kontrata na ang probinsiya ng Shariff Kabunsuan ang magbibigay ng seminar at 138 na kambing, 23 dito ay bucks at 115 ay gulang ng ewe.

Sa municipyo naman ng Upi ay mag- organize ng municipal project team, kuwalipikadong beneficiaries at kalahating bayarin sa gamot na kailangan ay sasagutin.

Sa barangay naman ay sila ang magtuturo (Iidentify) ng  beneficiary at magmomonitor.

Samantala sa beneficiary ay sila ang gagawa ng bahay ng kambing, mag-aalaga  at mag-uulat sa kalagayan ng kambing.

Ayon kay  Acting governor Ibay :   “Dahil sa naturang proyekto ay inaasahan na balang araw ang probinsiya ng Shariff Kabunsuan ay kikilalanin na “kambing province”.

Ang probinsiya ng Shariff Kabunsuan ay isa sa pinakabatang tatag (October 26, 2006) na probinsiya sa Pilipinas, at nitong 2008 ay inideklara ng korte suprema na hindi legal (nullified) ang pagkakatatag ng Regional Legislative Assembly (RLA) ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM). 

Sunod-sunod ang protesta ng mga taga probinsiya sa korte suprema na ikonsidera ang decision dahil maganda na ang pamamalakad ng mga official ng probinsiya.

Note: Para sa karagdagang kuhang larawan, CLIK

Posted by dxupfm at 4:00 am | permalink

Add a comment