DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Nawalan ng Tiwala sa GRP: MILF

Nawalan ng Tiwala sa GRP: MILF

October 13, 2008
     

Kaka Alih- October 13, 2008

Cotabato City-Handa ang MILF sa pakikipag-usap para sa kapayapaan, ngunit sino ang makagarantiya na tutupad ang Pilipinas sa napag-usapan?” Ito ang sagot ni Mohager Iqbal, punong negosyador ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Ang mga peace advocates at relihiyosong sector ng Mindanao ay pawang nakikiusap sa goberno ng Republika ng Pilipinas (GRP) at MILF na muling bumalik sa pag-uusap para maibigay ang katarungan para sa mga Bangsamoro.

Ang Bangsamoro (mga Pilipino na nakatira sa Southern Philippines) ay mahigit tatlumpong taon  ng pakikibaka para maibalik sa kanila ang pagsasarili bilang bilang isang malayang bansa, katulad ng kanilang kapatid na Pilipino.

Ang Pilipinas  ay naging malaya  mula sa mananakop na Espanya noong June 12, 1898,    na kinilala lamang  ng Amerika ang pagsasarili noong Hulyo 4, 1946.

“Sa ngayon ay wala   kaming tiwala sa goberno ng Pilipinas dahil sa mga ipinakita nito sa mga huling araw napagtalikod sa mga napag-usapan’, dagdag ni Iqbal.

Unang mga dahilan ng MILF kong bakit sila nawalan ng tiwala sa goberno ng Pilipinas  na tutupad sa kasunduan ay una ay ng magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) ang Korte Suprema na pansamantalang pagpipigil sa pirmahan na naitakda noon August 5, 2008 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Sumunod ay ang pagdeklara ng Presidente nito na si Gloria Macapagal Arroyo na hindi pipirma sa Memorandum of Agreement on Ancestral Domain Aspect, (MOA-AD) at dinagdag pa dito ang pag-dissolved the composition ng peace panel nito.

At nitong huli ang ay ng pagbabago ng policy sa pakikipag-usap: disarmament, demobilization and reintegration (DDR). Ito ang pinamabisang paraan na stratetihiya na ginagamit ng ng peace keeping sa bansa na may rebulosyunaryo.

 

Ngunit ayon sa pananaw ng MILF ang ganitong strategy sa pakikipag-usap ay hindi katanggap-tanggap, dahil wala pang grupo ng mga rebulosyunaryo sa buong mundo na gumawa nito unang magbaba ng kanilang sandata bago makipag-usap.

Dapat mauna ang kalabaw sa karosa,” ilan sa mga  ipinahayag ni   ni Atty. Michael Mastura,   membro ng negosyador ng MILF..  Ang ibig niyang sabihin dito ay pagkatapos ng comprehensive compact agreement ay pag-uusapan naman ang DDR. Ang mga ganitong stratehiya ay nagawa ng mga bansang may katulad na problema ng Pilipinas.

Ayon sa isang advocates, na ayaw magpakilala kapag tinotoo ng goberno ng Pilipinas na bago makipag-usap ay magbaba muna ng kanilang sandata, ay madaling paniwalaan ay makipag-usap muna pagkatapos ay ang DDR.

Posted by dxupfm at 1:14 pm | permalink

Previous Comments

dapat and MILF and sumunod sa gobyerno, hindi and gobyerno and sumonod sa MILF. kung and kristiyano ganoon din ang gagawin, ano na lang mangyari nating lahat?

Posted by tina at January 26, 2009, 3:55 pm

Tina, Aking kapatid, ayon sa sinabi mo:

“dapat and MILF and sumunod sa gobyerno, hindi and gobyerno and sumonod sa MILF. kung and kristiyano ganoon din ang gagawin, ano na lang mangyari nating lahat? ”

Dapat sigoro, Kapatid, malaman mo kong bakit nakikibaka ang mga kapatid na Bangsamoro (represented now by MILF) at bakit nakikipag-negosaseyon ang goberno natin sa kanila.

1- Ang Bangsamoro ay dating malayang bansa, bago pa man may Pilipinas, sila ay may sarili ng goberno, ito ay tinatawag na Sultanate;

2- Naging bahagi ng Pilipinas ang mga Bangsamoro, dahil sa pagbibigay ng America sa Pilipinas ng Pagsasarili (independence), ngunit hindi man lang sila nakunsulta, katunayan pa nga may mga petesyon ang mga lider ng Bangsamoro sa Amerika, ayaw nilang maging bahagi ng Pilipinas, gusto din nilang mabalik ang kanilang pagsasarili sa lupa ng Bangsamoro;

3-Ang nilalaman MOA_AD ay bunga ng pinag-kasunduan, hindi kagustuhan ng MILF, ganoon pa man ay sinasabi dito na hindi sila hihiwalay sa Pilipinas kundi, magkakaroon lamang ng “self-determination” o autonomiya, ibig sabihin ayon sa kagustuhan ng Bangsamoro ang pamamalakad at hindi ayon sa kagustuhan ng karamihan na Pilipino na higit na nakakarami sa Pilipinas;

Ang mga Kristiyano, at sinuman na magplano para sa kanilang kabutihan, sila ay may karapatan, tulad sa Amerika, Malaysia na bawat grupo, o tribu ay may sariling estado na sila ang nagpapalakad.

Hindi lang iyan, pwede rin silang magsarili ng sariling bansa, ito ay nababatay sa United Nation charter.

Ngunit ang lahat ng ito ay may legal na proseso, isa na dito na alam ko ay “referendum” tatanungin tayo kong ano ang kagustuhan natin.

Ano mang pagbabago sa atin bansa, batas, geograpiya, iba pa, ay may proseso na dapat sundin, at nararapat na sa mapayapang pamamaraan, at dapat pakinggan din ang karapatan ng minority.

Posted by dxupfm at February 7, 2009, 3:17 pm

Your right DXUPFM, dapat ngang malaman at maintindihan ng mga Pilipino ang ipinaglalaban ng mga Bangsamoro. Hindi dapat padalos-dalos ng mga sinasabi ang Pilipino pati na ang ibang mamayan. silang mga kapatid natin ay katulad din natin noon, isinulong natin ang pagsasarili (independence) mula sa mga Espaniol at Amerikano. Tama ka kaibigan, may karapatan tayong mga Pilipino, na limbagin ang gobernong ito para sa kanyang ikakaunlad at ikakabuti ng kanyang bansa at mamayan.

Posted by Juan at February 7, 2009, 3:50 pm

Add a comment