Pag-ibig Ba ay Makapangyarihan?
October 14, 2008Kaka Alih October 14, 2008
“O pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat”. Kasabihan ng mga Pilipino, ikaw kaibigan anong say mo?
Sabi niya, sa panahon daw ngayon, na computer age, uso ang ma-inlove (totoo ba?) .
Ayon kay lola: “Kapag in-love ka, kaya mo gawin lahat ng tama para sa taong minamahal mo.”
Ngnunit paalaala ni Kaka Alih: “Kong ikaw ay umibig, kailangan din isipin mo mabuti lahat ng kahihinatnan mo kapag ika’y nagmahal o umibig na.
Alam ba ninyo na sa dinami-dami ng kabataan ngayon (huwag mo ng isali ang mga nagmumurang kamias), hindi maiwasan na hindi mahulog ang kanilang loob sa mga kabataan na ka-level (at huwag kalimutan ang saying na: “old carabao eat your grass).
Ito ang naghuhumiyaw na katotohanan, kaibigan: “mapabata man o matanda, walang pinipili ang pagmamahal hindi rin ito hinihingi o binibili, ibinibigay lang ito sa taong karapat-dapat. Ibig sabihin ay turuan ang puso na umibig sa taong nararapat ibig, ang taong marunong umibig sa sarili, may pagmamahal sa sarili.
Naniniwala ka ba kaibigan sa sinasabi nila: “nakakabaliw ang umibig” (Siguro’y sa mga kadahilanang…maybe ….iniiwan o nawawala sa kanila ang taong kanilang minamahal.)
May tanong si Kaka Alih: “Sa palagay ninyo o opinion nyo…bakit kaya nagkakaroon ng hiwalayan o tinatawag na “break-up” sa isang relasyon??
Marami ang opinion dito, una, marahil hindi pa sapat ang pagmamahal na ibinibigay ng isa’t-isa at hindi pa ganon kalawak ang isip nila para humawak ng seryosong relasyon..
Sa iba, halimbawa sa mga mag-aasawa, hindi rin maiiwasan ang hiwalayan o broken marriage, at ang tanong ko, bakit?
Sagot niya: “Marahil hindi pa ganon katatag ang kanilang pagsasama o may pagkukulang si babae o si lalake… hindi madali ang magmahal hindi naman kailangan, puro puso ang pinaiiral, minsan kailangan din ang isip…” (kong minsan pairalin din ang bulsa.. hehehe)
Ang pagi-ibig nga naman, talagang maraming nagagawa, dib a kaibigan? Ang love o pag-ibig ay wala ding pinipili, andyan ang abnormal na na pag-ibig, lalaki umiibig sa kapuwa lalake. babae sa babae..bawal na pag-ibig, babaeng may asawa umibig sa ibang lalaki, lalaking may asawa, umibig sa dalaga (na hindi naman Islam ang relihiyon) heto pa, matanda umibig sa bata pa (dise ang edad), at bata pa umiibig sa matanda (ano nga ba tawag? Sugar daddy daw?)
But, subalit, kaibigan, tulad ng sinabi natin sa una: O pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninuman hahamakin ang lahat”. Kahit ano pa man ang edad (sabi sa awit ni Fred Panopio: age doesn’t matter) hindi dapat sila husgahan sinuman umiibig, anuman ang pamamaraan ng pagmamahalan nila.
Sabi ni Lolo Tasyo? “masakit at masarap kapag umibig ka…” (Tanong Lolo, bakit?)
Sagot ko: “Malalaman mo bang nagmahal ka kung hindi ka nasaktan…(ang tanong , bakit kailangan pa bang masaktan para malaman na ikaw ay umiibig?)
Yes daw? Kasi daw: “Kung paano ka makitungo sa pag-ibig, ganon din ang pakitungo dapat sa iyo dahil ang lahat ng ating mga puso’y makararamdan ng parehong sakit at tuwa.
Kapag nahulog ang loob mo sa kanya at nahulog ang loob nya sayo at ang pag-ibig (Siya) ay lumayo.. Ang payo ko kaibigan, “Huwag kang magreklamo o manimdim, pakawalan e este kalimutan mo ito, anong malay mo, baka dahil may mga dahilan na malalaman mo balang araw. Heto tandaan ang mga kasabihan:
“Tandaan mo na hindi ka pumili umibig, pag-ibig ang pumili sayo.”
“Kong talagang iyo dudulog lalapit kong talagan iyo”
Ang dapat mo lang gawin ay tanggapin ito at ang buo nitong misteryo, kapag dumating ito sa iyong buhay, damdamin mo na lang ang pagpaparamdam nito sa’yo, at tapos abutin, at ipamahagi ipadama mo sa taong minamahal mo.
Ibigay mo ang sukli, sa taong nagbigay nito sa’yo, ibahagi mo sa iba ang iyong tunay na kanaranan sa mga taong madilim na landas ang tinatahak.
Paalaala: “Maraming nagmamahalan na nagkamali o nasasayang!! Dahil ang taong kanilang iniibig ay hindi sila napapansin, kong minsan hindi nila ito inaalagaan pinababayaan ang mga bagay na nakakasira dito.
Ang mga taong hindi nagkakaroon ng minamahal sa mahabang panahon, (ay ano?) Nakakalimutan nila ang “secret of love”na ito’y regalo,(mula sa Poong Lumikha) at ito’y mabubuo o yumayabong sa paraan nakapoag ito ay ipamahagi.
Tandaan kaibigan: “Ang pag-ibig ay itago mo sa iyong puso, ang pag-ibig ay may kanyang oras, kanyang panahon at kanyang rason para dumating at mawala”.. Maaari mo lang ‘tong hagkan pagdating nito sa’yo, pero kung pumili ito na kumawala sa’yong puso o sa taong iyong inibig… wala kang pweding gawin..kundi tanggapin ito sa iyong puso… itoy kapalaran na dulot ng Lumikha.
Heto lang kaibigan ang maipamama ko sa iyo: Ang pag-ibig ay mananatiling may misteryo.. maging masaya ka nalang sa sandaling dumating ito sa iyong buhay… kung hahayaan mong bukas ang iyong puso ito’y darating.
Pag dumating na pag-ibig ang taong mamahalin mo: ang payo ko ay mag-asawa ka na!!


