DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 15. October 2008

Ilan ba Talaga ang Gender?

October 15, 2008
Kaka Alih October 9, 2008  

Sa isang malaking pagtitipon, (maari nasa gymnasium?) May isang marespetong emcee   at minsan ng itong  nakadalo sa seminar/workshop tungkol sa gender sensitivity ,  sa ganitong  pagkakataon, naatasan siya na igrupo ang mga tao, syempre tinawag ang mga grupo ng kalalakihan, na pumunta sa kanan bahagi, at mga kababaehan ay pumunta ng kaliwang bahagi, ngunit napansin niya marami ang mga di sumunod, may nakilala siya ditto na may mga bakla, naisip niya ang gender sensitivity kaya ang ginawa niya, “ang wala sa nabanggit ay manatili na lamang sa gitna”. Sa madaling salita, solved ang immediate (emergency?) problem na iyon , wala namang nag-question sa mga audience.   Ang mga ganitong pangyayari ay   di maiiwasan, ang tanong tama ba ang ginawa ng emcee?   I

yang ang gusto kong sagutin natin sa kabuuan ng inyong programang Udto na Adi, text lang   kaibigan, ang keyword natin ay Adi or Kapayapaan, pakilagay lang ang inyong pangalan at address at send to this number 09263029849 at 09185476707. 

 Ano ang ibig sabihin ng Gender ?

Minsan ang translation natin ay kasarian.   According to Encyclopedia: “Refers to an individual’s “psychological type”, it is acquired through experience. An individual can be viewed as either masculine or feminine.”  

Ano naman ang Gender role?   

Refers to the attitudes and behaviours that class a person’s stereotypical identity, e.g. women cook and clean, men fix cars.

Ang mga ganitong paghatihati sa tao ay di natin pinapansin dahil nakikita naman natin na wala  naman problema, dahil tanggap ng ating lipunan..ang tanong kaibigan na nakikinig, tanggap na ba?  

Ang kasarian, tauhin, o seks (Ingles: gender), sa karaniwang gamit, ay tumutukoy sa pagkakaiba sa pagitan ng mga lalaki at ng mga babae.   Sinasabi ng Encyclopædia Britannica na ang pagkakakilanlang pangkasarian ay “pagkakakilala ng isang indibidwal sa pagiging lalaki o babae, na kaiba sa tunay na kasariang biholohikal.”   Bagaman ang salitang kasarian ay karaniwang ginagamit din bilang katumbas ng salitang seks (Ingles: sex), karaniwang itong tuwirang tumutukoy sa pagkakaibang panlipunan sa loob ng mga agham panlipunan, na tinatawag na papel na pangkasarian sa mga agham biyolohikal.   Sa larangan ng kasaysayan, na ang peminismo ang lipunan ang nagtakda ng mga papel na pangkasarian, at walang batayang pam-biyolohiya.

Maaaring tawaging mga transhender o genderqueer, sa wikang Ingles, ang mga taong nakadarama na ang kanilang mga tunay na katawan ay hindi kaakibat ng kanilang pagkakakilanlang pangkasarian.    

Sa sitwasyon Sa kuwento natin yes, ngunit sa Bangsamoro na Muslim, sa tunay na buhay hindi nila ito matatanggap sapagkat taliwas ito sa katuruan ng kanilang pinaniniwalaan na relihiyon. Haram sa Islam ang lalaki na tutulad sa babae at babae tutulad sa lalaki.  Yes sexual pervert ay taboo sa Islam.

Posted by dxupfm at 2:33 pm | permalink | Add comment