DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 17. October 2008

TB Program Evaluators-Bumisita sa Upi

October 17, 2008
Balita Lenyrose Bajar & Kaka Alih -10/16/08

Nuro, Upi- Nagsagawa ng evaluation sa Tuberkulosis (TB) program  ang team na mula sa Catholic Relief Services (CRS), ang  Non-Government Organization (NGO) na siyang inatasan ng United States Agency on International Development (USAID) at Department of Health (DOH).

Ang TB ay sakit na sanhi ng mycobacterium Tuberculosin sa pumipinsala sa baga at iba pang bahagi ng katawan gaya ng buto, utak at iba pang bahagi ng katawan.

Dumating kahapon sa Upi Municipal Health Center sina Armin Hautea-CRS data management officer at Almira Macapangkat-CRS training officer. Kanilang Kinapanayam ang mga Muslim Religious Leaders (MRL) na minsan ng nakadalo sa orientation noong March 18, 2008-Maguindanao Tuberculosis Control Project (MTCP) sa may Cotabato City.

Tatlo ang MRL na nakadalo sa nasabing orientation na siya rin tinanong sa kinahitnan ng nasabing proyekto sa bayan ng Upi.

Naihayag ni Alih Anso Upi MRL chairman at isang membro na si Ustadz Abdulbasit Inok, kong papaano nila pinaabot sa mga mamayan ang information tungkol sa TB.”

Sa mga masgit bago kami magsambayang sa oras (wakto) na pinapaliwanag namin sa mga Jamaah (kasama)” sagot ni Ustadz Inok.

Para kaya Alih Anso-DXUP FM program director, ay ginamit naman niya ang community radio DXUP FM, kanyang isinali sa mga programng may kinalaman sa kalusugan, ang pagpapaliwanag sa sakit na TB.

Tinanong din ng evaluation  team ang mga naging pasyente sa sakit na TB. Inalam sa kanila ang kong papaano nila nalaman ang libreng gamutan sa sakit, at anong kanilang kalagayan sa kasalukuyan.

Posted by dxupfm at 1:22 pm | permalink | comments[8]