Pantay-pantay ba ang pagtingin ng mga relihiyon sa Tribu?
October 20, 2008(Sadyang sinipi ni Kaka Alih mula sa programang “udto na adi” October 20, 2008)
Ang aking programa sa Lunes hanggang Biyernes sa 11:00-12:00 ng tanghali ay Udto na Adi, ito ay isang talakayan ng “kahit na ano”, ngunit ang programa ay naka-concentrate sa mga bagay na dahilan ng hindi pagkakasundo at pagkakaunawaan ng mga mamayan at mga tribu. It somewhat “human rights” advocacy,ang format topics natin, kaya naman ang bansag ko sa aking sarili sa programa ay: ‘”naninindigan para sa katarungan”.
(after the intro ng program, with out greeting pa ha?)
“Heto ang tanong sa atin, “Kaka, bakit kong ang tribung T’duray ang mag Kristiyano (tumaggap ng relihiyong Kristiyannismo, marahil ang ibig niyang sabihin) ay hindi natin tinatawag na Christian, kundi T’duray pa rin, samantala kong isa siyang Ilocano, Ilonggo, o iba pa, na tribu ay tinatawag na natin siyang Kristiyano, ganoon ba ang relihiyon? Namimili ng tribu?”
Dagdagan ko pa kaibigan, alam ko nakikinig ka, at heto ang obserbasyon ko, at kong minsan ako na mismo. pag T’duray , kahit tanggap na ang ang Islam, ibig sabihin ay Muslim na siya (dahil ang Muslim ay sinuman ang tinggap ang relihiyong Islam at naniniwala dito ay Muslim) ay tinatawag pa rin natin na T’duray, sa iba pa ang tawag ay Balik Islam. Bakit namimili din ba ang agama Islam ng tribu?
Ang sinagot natin dito ay hindi!!!
ang sunod na tanong ko ay bakit di ba natin alam na sa relihiyon ay pantay-pantay ang tribu? Marami ang reaction mula sa mga listeners heto ang ibang text na tinanggap natin:
09285726413—11:21 am....”Peace… so far po Kristiayano ang tawag sa kahit cnong Teduray na nang embrace ng Christian faith.. diba po ang T’duray ay tribo at ang Kristiyano ay tawag sa mga sa nanampaltaya sa Kristiyanismo..salamat”:
Tama ka kaibigan, iyan ang matagal ng pinag-uusapan natin sa matagal ng panahon, sinuman ang tinggap ang relihiyong Kristianismo ay tatawagin Christian. Sa Islam ay ganoon din, sinuman ang tinaggap ang Islam ay tatawagin na Muslim, anu man ang kanyang tribu.
Heto ang simpleng sagot na natanggap natin: 092118452790….”Kapayapaan un kc ang nakagisnan ng mga tao itawag”
Tama yun kaibigan , nakagisnan natin, ngunit kong sakaling mali pala, ang iyong nakagisnan… shall we tolerate?….
Ang sagot ko?….. hindi po, dapat na pabayaan kong alam mong mali, ituwid natin. Itama natin.
May halimbawa ako, tulad na lamang ng “nakagisnan”na natin na ang tawag at pagsulat natin sa tribu “Tiruray”. Alam ng tribu na ito ay mali, mali ang pronouncement at tawag, ngunit dahil nakagisnan na “daw” kaya pinabayaan na lamang natin, sabihin na Tiruray , kahti na mali, ngunit nitong mga huling taon ay ating itinuwid sa tama, ang tama pala ay T’duray. Kaya ngayon bibihira ka na lamang makarinig ng tawag na Tiruray.
Alam mo kaibigan ng una kong marinig at pag-usapan itong ating topic mula sa isang kaibigan, na-touch ako. Ang pakiwari ko ay nahihiya ako sa aking sarili dahil lumalabas na hindi ko ipinapantay ang tribung T’duray sa tribung Iranun at iba pang tribu.
Oo nga naman, bakit hindi tinatawag na Muslim ang T’duray na tinanggap ang relihiyong Islam,. samantalang alam kong ang Islam ay hindi namimili ng tribu o nation. At alam din natin na wala pang relihiyon na nagtuturo, na namimili ng tribu.
Para bang nakakamenos ang tingin sa tribung T’duray, bakit? dahil ang tawag natin sa kanila kahit tanggap na niya ang reliiyong Kristiayanismo o Islam, T’duray pa rin. Samantala heto isang Ilonggo, Ilocano, Bisaya na minsan lang kong magsimba, ay Christiano na agad ang tawag natin. Ganoon din sa Maguindanaon, Iranun, Meranaw, na kahit pagsambayang (salah) ay bibihira at gumagawa pa ng harap-harapan na Haram (ipinagbabawal) ay tinatawag natin ng Muslim. Bakit?
Heto ang tanong na di ko nasagot kong iiaaplay natin ang ating “formula”:
09161274201–”Kapayapaan kong ang nanay mo ay Teduray at ang tatay mo ay maguindanaon anu ang pwdeng itawag sa anak nila?”
Habang tinatalakay natin ang topic na ito heto may isang text na natanggap natin:
09161274201….”Kapaayapaan kong magkapatid ang T’duray at Muslim bakit kinukulata nila ang mga |Teduray kahit walang kasalanan?”
Ang alam ko, itong tern niya na Muslim ay tinutukoy ay ang kapatid na Maguindanaon, Iranon at Meranaw, sabi ng naunang texte, “kasi iyon ang nakaugalian natin”. Anyway my answer sa kanyang question ay “yes”, sapagkat alam ng lahat na magkapaatid ang mga ninuno natin. Magkapatid si Mamalu at Tabunaway.Si Mamalu ang apo ng T’duray at Tabunaway ang apo ng R’nawon(tawag ng T’duray sa M<aguindanaon at Iranon). Kabigan baka ang tinutukoy mong nangulata ay Maguindanaon. Magkapatid sa ina at ama, binubogbog ang maliit na kapatid, kong nagsusuntukan, mayroon pa ngang nagpapataqyan. Si Abel at si Cain di magkapatid, ngunit pinatay niya ang kapatid.
09168817927….”Kapayapaan bakit ang relihiyon ng tao na ivenigay ng Lord ay kanya ng tao ay babaguhin pa hindi naman siya ang panginoon… tama kaka ali?”
Alam mo kaibigan, ang tao ay sadyang matalino, kaya lang kong minsan, gusto niyang kupentasiya ang kanyang Taga Paglikha, kong ano ang nagawa ng Lumikha, ang pakiwari niya sa sarili, kaya din niya. Ang alam ko kaya dumami ang relihiyon sa mundo dahil, kong minsan hindi sila nagkakasundo sa paniniwala kaya sila ay tumiwalag, dahil ang paniniwala nila tama ang sa kanila.
09168817927….“Kapayapaan hindi ba musim pati teduray ay magkapatid totoo ba iyan Bapa?”
Di ko na sasagutin nasagot ko na sa unang texter
Heto pa ang ibang text:
09218452790…”Adi f my Nagtatag man ng religion god used them para bigay ng mabuting balita…”
09285726413….”Peace dapat po linawin natin kubng tribu ang hinihingi ay Teduray kong pananampalataya ay krtiyano o Islam. Tnx”
09218452790…”ADI HINDI KAILAN MAN ANMIMILI ANG RELIHIYONDAHIL SA DIYOS AY PANTAY TAU KC ANG TEDURAYAY TRIBE KYA UN ANG TINATAWAG SENO KC CHRTISTIANITY MEANS MY DIYOS S PUSO MIKYADPT IWASAN NATIN NA ALISIN NATIN ANG PAGTWG SA TAO NG CHRISTIAN KNG HINDI PA NIYA TINATANGGAP C LORD SA LYF NIYA”…
Wala ng panahon, kaya hanggang dito na lamang , bukas muli natin itong ipagpapatuloy kaya abangan ang susunod na kabanata, at lalo pa nating liliwanagin, be part ng ating talakayan.
Previous Comments
putang ina mo gago ka mamatay kana
Posted by babot at July 20, 2009, 5:50 pm


sana baguhin na
Posted by ♥♥♥chealjay♥♥♥ at March 6, 2009, 1:48 pm