DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 23. October 2008

Dahil sa Sirang kalsada, Mga Boyscout at Girlscout Nadisgrasya

October 23, 2008


Balita- Lucy Billones Duce at Kaka Alih   - October 23, 2008

Nuro, Upi…..Nasaktan at nagtamo ng gasgas sa ibat-ibang bahagi ng katawan ang limang mga kabataan kahapon, ng matumba  ang pampasaherong jeep na inarkilahan ng guro ng kanilang  paaralan. Ang aksidente ay nangyari sa may national highway sa may kilometer (KM) 28, Barangay Kibucay, Upi.

Ayon sa salaysay ng driver na si Arnel Santiago, mga alas otso ng umaga  habang binabaybay nila ang kahabaan ng national ng sapitin nila ang lubak-lubak na parte  ay   di nakontrol ang sasakyan at tumagilid na sanhi ng tuloy tuloy na itong natumba.

Lulan ng pampasaherong jeep na may plate number MAF 365  ang may 35 mga mag-aaral ng Katiguesen Elementary School, patungo   sa Nuro Central Elementary School (NCES) para makilahok sa 29th Joint  District BSP/GSP  camporee.   

Kabilang sa mga nasaktan  ang guro na si Belinda De Dosin-42 ang mga pupil na  sina Arjayval Santiago 11 taon, Ronald Abdul 14  , Joemarie Angi, Sheena Santiago 5 , at Joshua Santiago 7 buwan.

Ang national road na ito na mula sa Awang-Lebak ay ilan lamang sa national project na nasali  sa huling SONA ni presidente Arroyo, at ito nakatakda ng tapusin ang pagsesemento ngayon taon.
 

 (para sa karagdagang kuhang larawan please CLICK

Posted by dxupfm at 5:12 pm | permalink | Add comment