Nuro, Nagmistulang Araw ng Palengke Dahil sa mga Dami ng Nangtitinda ng Prutas at Paputok
December 30, 2008Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan……..Isang araw pa bago magbiperas ng bagong taon ay nagmistulang araw ng palengke sa Nuro, dahil sa pagdagsa ng nagtitinda ng mga ibat-ibang prutas at paputok.
Ang araw ng palengke ay tuwing Sabado, ngunit dahil sa pagdami ng mga nagpapabili ay mapagkamalang mong market day.
Ang mga prutas ay inaangkat pa sa siyudad ng General Santos at Davao na may distasyang kulang kulang 300 daang kilometro hanggang Nuro, Upi, kaya naman doble o triple ang halaga nito.
Ang prutas ay binibili ng mga Pilipinong Kristiyano bilang paniwala o pamahiin na magkakaroon sila ng magandang kapalaran sa buong taon kong makakain ng bilog na prutas sa bisperas ng bagong taon.
Ang mangga “manila” (Cebu) ay nagkakahalaga ng P50-60/kg, imported apple (malalaki): P20-25/isa, foncan-P10/isa, kiat-kiat-120/kg, orange-P20/isa, grapes-P350/kg.
Ang paputok at pyrotechnique naman ang kuwitis P6.50-10/piraso, Judas belt 100 rounds- P90-100, 300 rounds-P250, 5 star-2 packs P15, Piccollo (500 rounds) P230 box, (100 rounds) P45 box, (40 rounds) P25 box, at match
Ayon sa isang nagbebenta ng paputok ang pinakamabili na paputok ay ang piccollo dahil sa mura at karamihang bumibili ay mga bata.
Samantala ang Kapulisan ng Upi ay naghinintay ng “proper guidelines” mula sa taas ng pamunuan ng PNP kong ano ang mga ipinagbabawal na paputok, upang kanilang mabigyan ng tamang disiplina.
Ayon sa Chief of Police ng Upi, Police Inspector Mark Kim Aquino, ay kanilang pinagtutuunan ang pagdadala ng baril na walang kaugkulang papeles at pagpapatutok ng may baril sa bisperas ng bagong taon.
Pamaskong Handog ng LGU Upi Para sa Mahihirap:Ipinamahagi
Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan…Pagkatapos ng “grand thanksgiving” na sinagawa ng lokal na pamahalaan ng Upi ay ipinamigay naman ang mga regalo para sa mahihirap. Nakalagay sa isang plastic bag na naglalaman ng bigas, noodles, de lata at iba pa.
Pinangunahan ni Mayor Ramon Piang Sr ang pamamahagi sa naturang mga regalo. Kasama din sa pamimigay ng regalo ang Bise Alkalde ng Upi: Abdullah P. Salik Jr., at Sanggunian Bayan member Hadji Guiamel Abutazil.
Isinagawa naman ng Department of Social Welfare officer 3 Marilou Diestro kasama ang volunteers workers ang pagkilala sa mga mamayan na nararapat na handugan ng regalo.
Mga bandang 7:30 na ng gabi natapos ang pamamahagi sa mga regalo. 691 packs ang naipamahagi sa 1500 na inihanda ng LGU at ayon kay Diestro ay ipagpapatuloy nila ang pamamahagi sa mga barangay.
(para sa karagdagang kuhang larawan PLS CLICK
)
Upi Slaughterhouse na May Halal section Matatapos sa Unang buwan ng 2009,
Balita ni : Noralyn Laguey Bilual at Kaka Alih-Dec 30, 2008-Martes
Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan……..Ang dalawang milyong piso na na semi-modern Upi slaughter house mula kay Regional Governor Datu Zaldy Ampatuan ay inaasahang na matatapos at magagamit sa mga unang buwan ng bagong taon.
Sa panayam ng DXUP FM kay Municipal Engr. Gerardo Carino, umaabot na sa 85% ang natatapos na sa nasabing proyekto.
“Sa Enero ay matatapos na ang ating slaughter house”. Pahayag ni Engr. Cariño.
Ang naturang katayan ng hayop ay “semi modern” ay may dalawang magkahiwalay na weighing scale o timbangan. Ang isang timbangan ay para sa mga halal tulad ng baka, kalabaw at kambing. Hiwalay naman sa kabilang kuwarto ang timbangan ng baboy.
Magkahiwalay din ang katayan ng halal na hayop at baboy.
Ang halal ay pagkain na ipinahihintulot na makain ng mga nanampalataya sa Islam: ng mga Muslim.
Ang Muslim maging T’duray, Bangsamoro o kapatid na mula sa Luzon at Visayas ay hindi kumakain ng mga halal na hayop na hindi nakatay ayon sa katuruan ng Islam.
Kasama din sa nasabing proyekto ang pagpapatayo ng guard house at “overflow” bridge dahil ang kinalalagyan ng slaughterhouse ay nasa kabila pa ng ilog-Matuber.
Noong Agosto 13, 2008 ay binisita ng mga official ng bayan ang naturang proyekto sa pangunguna ni Mayor Ramon A Piang Sr. at naiulat na tinatayang matatapos sa buwan ng Septembrye 2008 bago sumapit ang 6th Meguyaya Festival.
Ang proyekto ay sinimulan noong unang linggo ng Agosto 2008.
6th Meguyaya Festival: Rempes National High School at Private Elementary School Nagwagi sa Street dance & parade Showdown Competition !
December 23, 2008Balita -Lenyrose Bajar-Dec 23, 2008-Lunes
Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan-Nagwagi sa Street Dance & Parade Competition kaugnay ng pagdiriwang ng 6th Meguyaya festival ang Rempes National High School, pangalawa ang Upi Agricultural School-PTIA, pangatlo ang South Upi National highschool Annex at pangapat ang Resa National High School - Bungcog Annex sa seconday level.
Sa elementary level, nakuha ang unang pwesto ng nag-grupo na mga private elementary school na kinabibilangan ng Upi Montessori Educational Center, Saint Francis Elementary Department at Joy Alliance Educational Center, pangalawa ang Bugabungan elementary School, at pangatlo ang Nuro Central Elementary School .
Ang compettiton ay nagsimula sa may baba ng Datu Blah Sinsuat Hospital at lumibot sa may pamilihang bayan , at ang showdown ay ginanap na sa plaza ng Nuro Elementary School.
Tinatayang umabot sa limang libo ang mga mamayan ng Upi ang sumaksi sa masaya at makulay na parada at paligsahan.
Live na napapakinggan sa community radio ng Upi - DXUP FM 105.5 MHz at naghook-up ang DXOL FM sa Cotabato City. Napapanood din sa channel 6 ng Highlander Cable TV.
Napapakinggan at napapanood sa pamamagitan ng website ng LGU-Upi: www.upians.com.ph.
Trophy at Cash prize na P30,000 pesos ang tinanggap ng 1st placer, P25,000 pesos sa 2nd place , P20,000 thousand pesos sa 3rd place habang P10,000 pesos na consolation prize .
Una ng tumanggap ng 20,000 pesos na subsidy ang mga paaralang lumahok na siyang ginamit sa mga props, at mga trainors ng mga ito.
Bangsamoro Nights: Kakaibang Palabas ang Ipinamalas
December 19, 2008Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan-Kakaibang palabas ang ipinamalas ng mga Bangsamoro sa 6th Meguyaya Festival.
Sa kauna-unahang pagkakataon ng Meguyaya festival ay kanilang ipinakita ang mga kaugalian ng mga Bangsamoro Muslim na hiwalay ang lugar ng mga mga lalaki sa babae.
Magkahiwalay din ang pasukan (entrance) ng lalaki sa babae. Ang paniniwala ang kulturang ito ay hinango sa katuruan ng Islam.
Bago pa nagsimula ang palabas na may pamagat na “Kapagana na Maguindanaon” (Maguindanaon feast) ay nagkaroon pa ng kuyog ( royal entourage) ang mga bisita at performers, na nanguna dito ang unta (imahe na inihantulad sa kamelyo) na sinasabayan ng sagayan (war dance).
Ang kabuuan ng dula ay kunwari isang daang taon na ang nakakaraan, (1900) ano ang mga kaugalian at kultura ng mga Bangsamoro. At nagkaroon ng piging ang Sultan ng Maguindanao at panauhin ang mga Sultan at Datu ng Pat a Pangampong ko Ranao (four sultanate of Lanao) Timuay (leader of the T’duray) Hon Ramon A Piang Sr..
Naging panauhin ang mga Kasila (Christian Setllers-actual participation of Hon Kagawad Alex Platon) at ibang mga leader ng T’duray.
Itinampok ang ibat ibang sayaw ng Bangsamoro gitna ng gymnasium at ang stage ang naging lugar ng mga panauhin pandangal.
Ipinakita AT ipinarating ng mga bangsamoro ang mga mga mendahe sa pamamagitan ng mga ibat-ibang sayaw. Kanilang ipinamalas ang kanilang mga paraan sa pamumuhay bahagi ng kanilang kultura at mensahe ng pagkakaisa .
Pagkatapos ng Kuyog ay sinundan ng pambungad na sayaw ang Silong sa ganding, sayaw pang-aliw ang kadtubao at kadsanduayan,. Ang mga mananayaw ay mula pa sa Upi Agricultural School (UAS) sa pamumuno ng Administrador na si Engr. Sukarno B. Datukan na siyang ring Chairman ng Upi Muslim Consultative Assembly (UMCA).
Nagpakitang Gilas din ang mga negosyanteng Meranao sa kanilang Malong malong, singkil at Darangen. Isang kahanga hangang sayaw na Janggay ang ipinamalas ng mga Bangsamoro na Tausug.
Ang choreogrhaper ng palabas ang ang sikat na si Ali Ampatuan.
Costume Parade nilahukan ng ibat-ibang sektor
December 16, 2008 ![]() Balita ni Lucy Duce-Dec. 16, 2008Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan-.Makulay na parada ang sumalubong sa mga mamayan ng Upi, sa pagbubukas ng 6th Meguyaya Festival. Nakasuot ng mga makukulay na kasuotan ang mga aktibong nakilahok sa nasabing parada. Nagsimula ang parada sa Nuro Central Elementary School (NCES) patungo ng pamilihang bayan, na dumaan sa may Palileo Street, National highway at bumalik sa Rizal Boulevard at nagtapos din sa NCES. Sumunod ang pormal na pagbubukas ni Mayor Ramon A. Piang Sr. ng 6th Meguyaya Festival. Isinabay na rin ang seremonyal na papuputol ng ribbon (ribbon cutting) ni Mayor Piang. Nangunguna ang Philipine National Police (PNP) Local Government Unit (LGU) officials at empleyado. Nakakahigit ng bilang ang mga mag-aaral mula sa ibat ibang paaralan. mula sa elementarya at highschool. Sumali rin ang grupo ang mga Civil Society Group (CSO): Task Force Kasama Ka, Carancho, Upi Muslim Consultative Assembly, (UMCA) Association of Barangay Council (ABC) Maranao Business Chamber, ang mga Teduray Organizations, Meguyaya Council, Line Agencies, Womens Federation, Drum Corps, Sanguniang Bayan Officials sa Pammumuno ni Upi Vice Mayor Abdullah Salik Jr. AlHaj. Kasama rin sa parada ang mga Candidate ng Ginoong Meguyaya Festival 2008,. (para sa karagdagang larawan please click ) |
Mahal mo pa ba ang Iyong Kalikasan?
December 10, 2008 Kaka Alih-Dec 10, 2008
Bago ang lahat kasamang Leny, tayo ay pansamantalang munang magnilay-nilay kahit ilang sandali at humingi ng kapahintulutan sa Poong Maykapal o Sa Allah na bigyan tayo ng lakas at kapahintulutan na mapag-usapan natin ang kanyang biyaya sa tao…. ang kalikasan.
At tayo’y magpasalamat sa kalikasan, lalo na sa mga puno, pagkat sa kanila nanggagaling ang mga papel na ginagawang sulatan, n gating mga anak na nag-aaral at mg aklat na na kanilang binabasa, upang maging marunong sa hinaharap.
Kung wala ang mga puno, na siyang pinanggagalingan ng mga papel, na ginagamit sa pag-gawa ng mga libro, tiyak na wala tayong binabasang mga aklat ang ating mga guro at estudyante, magasin at mga pahayagan.
Pagpugayan din natin ang mga kababayang nagsakripisyo’t nagpakasakit, para pangalagaan ang ating inang kalikasan, lalo na ang mga environmental activists at advocates sa kanilang walang sawang pagtutok at pagkilos upang ang ating kalikasan ay maging maayos at mapareserba para sa susunod na henerasyon.
Pagpugayan din natin ang ating local na pamahalaan ng Upi, sa pangunguna n gating Mayor Ramon A Piang Sr. at ang Bise Alkalde na siya rin ang presiding officer ng Sangguniang Bayan: vice Mayor Abdullah Salik Jr. Al Haj., dahil sa pagpasa ng ordinansa na Municipal Ordinance #3 (Comprehensive Ecologiocal Solid Waste Management,) dahil sa batas na ito ay natuto ang mga mamayan ng Upi na pahalagahan ang ating kalikasan at kapaligiran.
Napakahalaga ng mga isyung pangkalikasan na karaniwang hindi nabibigyang-pansin ng ibang ibang media, (na walang ibang gustong ibalita kundi ang mga giyera at kaguluhan sa ating bansa, lalo na ang giyera dito sa Mindanao, dahil ang ito raw ang gusto ng mga “clients” nila, ang tanong totoo ba ito?) ng karamihan sa opisyal ng gobyerno, ng mga eskuwelahan o ng akademya. Saka lamang gagalaw at mag-iingay kong may trahedya ng nangyari, saka lang sila nagsasalita at gumagalaw..kong marami ng mga nasawi at malawak na ang nasalantang kapaligiran.
Ang tanong Bakit ganito ang mga Pilipino? (dahil bas a nadala sila na panood kay Fernando Poe Jr, na nagpapabugbog muna, bado sumusuntok?) O talagang ang mga Pilipino ay wala silang pakialam o dahil hindi nila alam ang isyu?
Alam mo Len? Kong minsan nga ay nagtataka ako, dahil marami sa atin, bata pa lang ay tinuruan naman sa mga paaralan ng simpleng pagtatapon ng basura sa tamang basurahan, (kaya lang ang tanong tama ba ba ang ginagawa natin noon na itapon sa dumping pit ang ating mga basura?.) Bakit ngayon tila ang iba ay nagkaasakit na ng amnesiya, nakalimutan ang tinuro sa paaralan? Ang tinuro ni Maam at Sir.
Dahil ng lumaki na tayo, nalimutan na ito. Kung saan-saan itinatapon ang basura. Ang balat ng kendi, na hindi naman basura hangga’t hindi pa lumalapat sa basurahan, ay agad pinandidirihan. Itinatapon agad kung saan-saan, at ayaw munang ibalik sa bulsa hanggang sa makakita ng basurahan.
Isang panibagong karanasan ang ating natutunan sa Ordinance #3 o COMPREHENSIVE ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT, may nagbabantay nandiyan ang mga EnforcerS, andiyan ang street sweeperS at garbage technicianS, araw-araw ay nanagbabantay, nagwawalis at humahakot ng basura.
Ngunit kahit marahil araw-araw, 365 araw bawat taon, 7 araw bawat linggo, 24 oras bawat araw, ang gagawing paglilinis at paghahakot ng mga basura sa karagatan , hindi pa rin ito mauubos, yes I know, bagamat unti-unti itong mababawasan. Alam nyo ba kung bakit? Dahil habang nililinis natin ang kapaligiran, tuluy-tuloy pa rin ang pagtatapon ng basura ng marami kong saan-saan. Habang nagbabawas tayo, makailang beses ang nadadagdag.. Dapat mapigilan ang pagtatapon ng basura sa mga ilog at kanal sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan, tulad ng eco-mercials (ecology commercials), media, forum, edukasyon sa bawat barangay, atbp.
Dagdag pa rito, isa sa mga natutunan ko sa mga pagdalo sa mga forum, natutuhan ko doon na na bawal magsunog ng basura dahil nagdudulot ito ng sakit at pagkawasak ng kalikasan.
Bilang nagsisimulang manunulat sa isang sa blog (salamat sa MindaNews sa seminar sa amin ng Grassroots Journalism) at bilang media man, naipangako ko sa sarili na ipinalaganap ko sa iba’t ibang komunidad lalo na sa Upi na bawal magsunog ng basura.
At alam mo ba Len? Aba’y marami ang tumalima, nakikinig at di ko lang alam kong maging bahagi na ng kanilang buhay na isagawa ang pangangalaga sa kalikasan. Marami na sa kanila ang di na nagsusunog ng basura. Kaya napakahalaga ng pagbibigay ng impormasyon ukol sa kalikasan. Dapat ang pagbibigay ng information ng LGU Upi ay tuloy-tuloy at iba pang samahang makakalikasan upang tuluy-tuloy ang pangangalaga sa ating kapaligiran.
Kung ating pagninilayan, alam nating lahat na bago pa tayo mabuhay sa mundo, nariyan na ang kalikasan. Nariyan ang dagat, lupa, hangin, atbp. Halos lahat ng ginagamit natin sa araw-araw ay mula sa kalikasan.
Sa kasalukuyan, laganap sa mundo ang sistema ng kalakalan, kung saan nagbebentahan ng iba’t ibang produkto o serbisyo ang iba’t ibang tao, samahan o maging bansa, para sila tumubo. Sa kalakalang ito, malaki ang papel ng kalikasan. Paano? Ang komposisyon ng lahat ng kalakal sa daigdig ay mula sa dalawang elemento :
1. Ang materyal na galing sa kalikasan,
2. At ang paggawang galing sa tao. Sa pangkalahatan, ang unamateryal na galing sa kalikasan ay libre at walang “halaga sa pera”. Ang ikalawapaggawang galing sa tao ay may “bayad” at ito ang nagbibigay ng halaga sa mga kalakal. Magbigay
Ok para maliwanag at maintindihan, magbigay tayo ng mga halimbawa.:
Ang isda na galing sa dagat ay libre. Ang binayaran natin ay ang paggagawa o pagtrabaho ng mga mangingisda.
Ang kahoy na ginamit sa bangka ay libre dahil galing sa gubat, at ang yaman ng gubat ay likha ng Allah. Ang binayaran natin ay ang paggawa nang pumutol ng kahoy at gumawa ng bangka. Kaya’t papasok sa presyo ng isda hindi lang ang paggawa ng mangingisda kundi ang porsyon ng paggawang nagamit para sa kanyang mga kasangkapan sa pangingisda.
Libre ang materyales ng dyamante na walang sangkap ng paggawa ng tao. Kong may binayaran man tayo ay ang paggawa at panahon ng minero para hanapin ito at hukayin sa kailaliman ng lupa, at ang paggawang nakapaloob sa mga kasangkapan at prosesong ginamit sa dyamante. Halimbawa, kung ginamitan ito ng makinarya, ang binarayan natin ay ang makinarya ng paggawa nito at hindi ang mga sangkap ng bakal na hindi gawa ng tao at galing sa kalikasan sa kanyang natural na porma. Kung ginamitan ng kemikal ang paglinang ng dyamante, ang binayaran ay ang paggamit ng kemikal at hindi ang sangkap na galing sa kalikasan.
Isa pang halimbawa ang mineral water. dito sa bayan ng Upi, mayroon na tayong Living Water, na pag-aari ng mga Sapon family, di ba ang kanilang tubig ay libre nilang nasispsip sa ilalim ng lupa? Sa madaling usapan ya Libre ang inuming tubig dahil mula sa kalikasan, ngunit ng kanilang salain sa kanilang makinaryang, de korente, at inilagay na nila ito sa boteng plastik ito’y may bayad. Ang binayaran dito ay ang gumawa at paggawa, mula sa pagkuha ng tubig sa kalikasan, transportasyon, proseso at paglalagay sa boteng plastik, at ang paglalako ng mineral water.
Sa madaling salita, anumang mula sa kalikasan na ginagamit natin ngayon at binabayaran ay dahil sa paggawa ng tao. Ang ginawa ng tao, sa proseso ng produksyon, ay baguhin ang porma ng materyales na galing sa kalikasan at gawin itong produktong may kabuluhan sa pamamagitan ng paggawa.
Kaya kung aanalisahin natin ang materyales mula sa kalikasan, ang matitirang laman ng kalakal ay ang paggawa ng tao. Kaya napakahalaga ng manggagawa sa pag-iral ng ating lipunan ngayon. Sila ang bumubuhay sa lipunan. Sinasabi nga sa Konstitusyon, ang manggagawa ang pangunahing pwersa sa ekonomya ng bansa.
Ngunit dapat nating bigyang diin na hindi ang paggawa ang dahilan ng unti-unting pagkawasak ng kalikasan, kundi ang pagkuha ng materyales mula sa kalikasan upang pagtubuan at pagkakitaan ng ating mga mamayan.
At dahil ang Kalikasan at ang Pag-gawa ang dalawang kambal na elemento na nagpapatakbo sa lipunan, dapat na kilalanin ng mga environmental advocates ang mga manggagawa at ang paggawa, gayundin ang mga manggagawa ay kilalanin ang kahalagahan ng kalikasan at ng mga nangangampanya para protektahan ito.
Ang pagprotekta sa kalikasan ay hindi madaling gawin. Kailangan natin itong pag-isipan at pag-aralan.
Hindi sapat na maunawaan lang natin kung paano nasisira ang kalikasan. dapat din nating malaman ang epekto pag ito ay nasira o naubos.
Hindi simpleng itapon lang natin sa basurahan ang balat ng kendi ay ayos na. pagkat baka naman naihahalo ang nabubulok sa di nabubulok. Dahil iba ang epekto ng hindi nabubulok sa mga tanim, at sa tao, lalo yaong mga kemikal na nakakalason sa tao.
At dapat matino sa ating isipan at damdamin na ang lahat ng ito ay hindi makukuha sa isang tulugan lamang. Dapat ang pangangampanya, o advocacy ay hindi ningas kugon lamang, nararapat lamang na ay tuloy-tuloy, di dapat kalimutan.
Ang mga ganitong mga adhikain ay hindi katulad sa isang piknik, ang pag-aaral hinggil sa proteksyon ng kalikasan ay hindi katulad ng pagbabasa ng komiks. Papaano? Dapat itong isapuso at isa-isip at isagawa.
Tulad din ng pagprotekta sa manggagawa, hindi lamang dapat ianunsyo na pinagsasamantalahan sila ng mga kapitalista. Di lang dapat na pag-usapan sa radyo, dilang dapat isulat sa mga blog at website, dapat na ipakita kung paanon sa walong oras nilang pagtatrabaho, ay maibigay sa kanila ang tamang bayaran, sa ano man overtime ay dapat din kuwentahin,.
Ang panghuli kasamang Leny, ating pag-isipan:
1. Pag-ipan nating lahat , anong klaseng kalikasan, kapaligiran, at sistema ng lipunan ang ating ipamamana sa susunod na henerasyon kung wala tayong gagawin ngayon upang protektahan ito?
2. Pag-isipan mo kaibigan, gusto mo bang wasak na kapaligiran ang ating ipamana sa ating mga salin lahai, sa ating mga anak, mga apo?
3. Kong hindi ang sagot mo sa mga tanong nararapat lamang na isapuso natin papaano mapanatili ang yaman ng kalikasan, kong sakali mang di maiwasan na may masisira tayo, ay matuto tayong palitan o pagyamanin ito, para sa ating mga anak.
Mahal mo pa ba ang Iyong Kalikasan?
Kaka Alih-Dec 10, 2008
( script of radio program: “Bantay Bayan Boses ng Sambayanan” sa segment na “Bantay Kailkasan”. anchor ni Lenyrose Bajar- script writer/segment producer at co-anchor: Alih Anso)

Eidel Adha at Fiesta Immaculate Conception sabay na ipagdiriwang sa Bansa
December 6, 2008 
BALITA - Kaka Alih December 7, 2008)
Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan-.Sabay na ipagdiriwang ng mg Muslim ang Eid’l Adha at ang Immaculate Conception ng Romanong Katoliko sa bansa sa Lunes, Disyembre 8.
Ang Eidel Adha ay ipinagdiriwang taon-taon bilang tanda ng pagtatapos ng Hajj, ang pilgrimage sa Mecca ng mga Muslim at pagbibigay halaga sa ginawang sakripisyo ni Propeta Abraham sa kanyang bugtong na anak na si Ismael (Isaac sa Biblia).
Ang Hajj ay isa limang sa haligi ng Islam. Ipinaguutos sa mga Muslim, na sino mang may kakayanan ay obligadong pumunta sa Hajj. At dito sa bansang Pilipinas ay taon-taon ay libo-libo pumupunta sa Saudi Arabia upang mag-Hajj.
Ang patronal fiesta naman ng Immaculada ay ipagdiriwang ng mga Katoliko sa bayan ng Pikit, North Cotabato at lungsod ng Kutabato.
Ang Eidel Adha ay isa limang deklaradong holiday ng bansa, na napapaloob sa Presidential Decree1083 ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong 1977.
Ayon Hadji Kadatuan Endaila, regional director ng Office of Muslim Affairs (OMA),ay Muslim Legal Holiday sa dating nasasakupan ng Region 12, tulad ng probinsiya ng Lanao del Norte, Lanao del Sur, Cotabato, Maguindanao at Sultan Kudarat sakop na dito ang lungsod ng Cotabato, Marawi, at Iligan, kasama na dito ang mga bagong tatag na lungsod ng Kidapawan atTacurong.
Ayon sa Presidential Decree (PD) 1083 nakasaad dito na isinagsagawa (observed) ang holiday na ito sa probinsiya ng Basilan, Lanao del Norte, Lanao del Sur, Maguindanao, North Cotabato, Sultan Kudarat, Sulu, Tawi-Tawi, Zamboanga del Norte at Zamboanga del Sur, at sa mga lungsod ng Cotabato, Iligan, Marawi, Pagadian, at Zamboanga. .”
Nauna pa rito bago pa man naideklara ng OMA ang Eid’l Adha ay naideklara na ni Shiek Omar Pasigan, Mufti (chairman) ng Darul Ifta of the Philipppines (House of Opinion) na sa ika sampu ng Dhul Hijja 1429 - Lunes, (December 8, 2008) ang araw ng pagsambayang ng Eid’l Adha sa Pilipinas.
Inihayag din ni Shiek Pasigan na isa sa Sunnah (tradition) ng Propeta Muhammad (ang Kapayapaan ay Sumasakanya Nawa) ang pagsambayang dito ay maaga-6:30 at kinakailangan sa lliwasan (open ground) at pagkatapos ng sambayang ay magkakatay ng halal na hayop ang Muslim na may kakayahan sa buhay. Bilang pagkilala sa ginawa ni Nabi Ibrahim ( Propeta Abraham).sa kanyang bugtong na anak na si Ismael, (sa paniniwala ng Christian ay si Isaac) ngunit hindi natuloy na katayin dahil pinapalitan ng Allah ng tupa at ang tupa ang nakatay.
Samantala, sa barangay Nuro, Upi, nag-kaisa ang limang Masgit: Masjeed Nur, Rahmani, Fallahi, Shariffudin at Darusallam, na sa compound ng Masjeed Darusallam isasagawa ang Eid’l Adha Jamaah na sambayang (prayer) na mgasisimula sa 6:30 ng umaga. At sa Ibang barangay na magkakaalapit ang mga masgit ay ganoon din ang gagawin mag-ipon-ipon ang mga magsasambayang ng Eid’l Adha.
Limang taon na ang nakakaraan libo-libong mga mamayang Bangsamoro Muslim ng bayan ng Pikit, sa North Cotabato at kalapit bayan ang hindi nakapag-sambayang (pray) Eid’l Adha noong Pebrero 11, 2003 dahil nagkaroon ng military operation, dahil kunwari ay pinaghahanap ang Pentagon kidnap-for-ransom gang.
Ngunit di naglipat linggo ay inamin ng goberno ng Pilipinas sa pamumuno ni General Angelo Reyes na siyang Chief of Staff ng Sandahantahang Lakas ng Pilipinas na ang operation ay laban para sa dating Ameerul Mujihideen Hashim Salamat, ang pinuno ng Moro Islamic Liberation Front.(MILF).
Takbeer Mursal for Eid (Adha & Fit’r)
|
اللّهُ أكبر اللّهُ أكبر اللّهُ أكبرُ كَبيِرَا |
Muling Pag-uusap ng Usapang Pangkapayapaan ng GRP at MILF Hiniling ng mga Mamayan
December 5, 2008Nuro, Upi...Isinagawa ng ibat-ibang sector ng Upi ang “Walk for Peace” kaugnay ng celebration ng Mindanao Week of Peace.
Nagsabit ng mga streamers ang mamayan ng Upi ng: “Panawagan ng Sambayanan sa GRP-MILF panel na bumalik sa ‘negotiating table’ upang ganap na matamo ang kapayapaan sa Mindanao”.
Nagsimula ang paglalakad alas sais ng umaga ng isang libong mamayan mula Upi Agricultural School patungong Maharlika plaza. Sinundan ng maikling programa na pinangunahan ni Father Carmelino Razon OMI ang parish priest ng San Isidro, Father Francis Jun Impeiral ng Episcopal , kasama ang PNP , AFP, mga mag-aaral mula sa Saint Francis Highschool, Notre Dame of Upi, Upi Agricultural School , ang grupo ng Bangsamoro at T’duray.
Sa mensahe ng panauhin pandangal na si Bishop Danilo Bustamante ay nakasentro sa Tema ng celebration: “Integrity of the heart and mind, a way to reconciliation ang peace”. kanya rin inihalintulad ang kapayapaan sa apoy na kung masisimulan sa puso ng mga ,ito ay lalawak sa komunidad at maging sa buong bansa. Hinamon din nito ang mga mamamayan na simulan ang pagkakaroon ng kapayapaan sa sarili kasabay ng reconciliation.
Sa mensahe naman mula sa kinatawan ng Bangsamoro, na si Bai Zuhiera Sali Kanakan-representative ng Upi Bangsamoro Professional sector, kanyang hiniling ang sama-samang paghihikayat sa goberno ng Pilipinas (GRP) at Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang pag-uusapa muli ng usapang pangkapayapaan.
Samantala sa homily naman ni Father Carmelino Razon OMI sa misa kahapon ng hapon, kanya ding tinuran ang suporta ng Bishops Ulama Conference at Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) sa peace process sa Mindanao .
Sa pagtatapos ay nagpalipad din ng kalapati bilang simbolo ng paglakaalpas sa pagkaalipin at sinabayan ng pagkanta ng Let There be peace on earth.
Samantala mahigit sa limang libong piso ang naipong donations mula sa ibat ibang sector at mga mamamayang nakiisa ngayong umaga sa Mindanao Week of Peace Culimitaing Activity dito sa bayan ng Upi. Ang nasabing halaga ay ilalagak sa Datu Blah Sinsuat District Hospital na magiging tulong naman sa mga indigent patients sa bayan ng Upi.
Orientation para sa mga occupants ng Meguyaya Trade Fair Booths-Food sections , gagawin bukas !
Kaka Alih -December 6, 2008
Nuro, Upi..Itinakda ng Committee on Trade Fair ang orientation sa mga occupants ng mga booths. Bukas ng 10:00 ng umaga sa Municipal Conference hall para sa mga occupants ng Food section sa Trade Fair.
Una rito, nagkaroon na ng paunang pagbisita ng committee sa136 na booths ang naitayo, 10 sa halal food section, 36 sa Christian food section, 34 sa accessories at 56 sa dry goods.
Nauna ng inihayag ng committee chairman-Mr. Cristobal na ang magprovide ng structure ang committe. Maglalagay ng atip, dingding at maglalagay rin ng mga kawad ng korente at ang occupants ang maglalagay ng kanyang ilaw. May kaukulang namang bayad ang bawat appliances na gagamitin.
Mahigpit din pinatutupad ng committee ang “guidelines at policies”, Pinatutupad din ang Municipal ordinance #3: “Comprehensive Ecological Solid Waste Management.” Kaya ang bawat magtitinda na may tatlong tatapunan ng basura, para sa nabubulok, (biodegrable) hindi nabubulok (non-biodegrable) at pakikinabangan pang muli (recyclables).
Magkakaroon din ng pagpipili sa may pinakamalinis at magara (Cleanest & Most Attractive) na booth na bibigyan ng premyo. Pipili rin ng “Most Organized” at “Most Accomodating Crew“, na bawat kategorya ay tatanggap ng limang daang piso na cash.
Ang comfort room na gagamitin ng mga occupants at bisita ay puspusang ginagawa ng engineering department sa pangunguna ni Engineer Gerardo Cariño-municipal engineer.
Ito ang ika-anim na taong pagdiriwang ng Meguyaya. Ang Meguyaya ay salitang T’duray na ang ibig sabihin ay pasasalamat sa biyaya ng Poong Lumikha.
Dalawang torong kalabaw, narekober
December 4, 2008Balita ni Lenyrose Bajar-Dec.4, 2008
Narekober ang dalawang lalaking kalabaw sa Sitio Brungis, Barangay Kibleg kanina.Ayon kay Upi Chief of Police, Police Inspector Mark Kim Aquino, ang nasabing mga kalabaw ay ninakaw noong July 17 sa Barangay Buncog kung saan ito ay pagmamay-ari nina Nicanor Garriguez Sr. at Kagawag Reynaldo Villegas.
Ang pagkakarecover ay matapos mahold ng mga concern citizen sa Brungis , Kibleg at ipinaalam kaagad kay Upi Mayor Ramon Piang Sr na siya naman nagbigay impormasyon sa Kapulisan.
Hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa nakikilala ang mga nagnakaw ng naturang mga kalabaw.
nasa pangangalaga ng Upi PNP ang dalawang kalabaw.
Samantala, nananawagan naman ang Pulisya sa mga owner ng large cattle tulad ng kalabaw, baka at kabayo, na patatakan ang mga ito upang sa gayon ay mabigyan ng credentials. Ito ay upang sa oras na hindi inaasahang manakaw may maipapakita ang may-ari at matulungan ng kapulisan.
Paalala naman sa mga opisyal ng barangay na siigoraduhing tama ang mga binibigyan ng sertipiko ng mga ito na may-ari ng mga hayop.
Bilang ng mga May HIV-AIDS sa Pilipinas, Nakakaalarma
Balita ni Lenyrose Bajar-Dec. 4, 2008
Naging sentro ng symposium ang mga paraan ng pag-iwas at pag-gamot dito na ibinahagi
Kabilang sa mga nasa high risk ng HIV ay mga Injecting Drug Ussers, Men having sex with men, Female sex workers, male clients of female sex workers at mga overseas Filipino Overseas Workers (OFW’s).
Ayon pa kay Dr. Esberto kabilang sa mga paraan upang maiwasan ay abstinence, be faithful o pagiging tapat sa asawa, pag-gamit ng condoms, di paggamit ng ipinagbabawal na gamot gamit ang injections at edukasyon o wastong kaalaman.
Mensahe para sa Kapayapaan at Pagkakaisa
(
(Ni Bai Zuhiera Sali Kanakan (representing the Upi Bangsamoro Professional- isa sa sector ng Upi Muslim Consultative Assembly) sa Pagdiriwang ng Mindanao Week of Peace- sa Maharlika Plaza, Upi, Shariff kabunsuan-Dec. 4, 2008 6:00 am)
Auzobillahi minasaytaini Rejeem, Bismillahi rahmani Raheem
Assallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh
Magandang umaga sa lahat, na andito sa Maharlika Plaza at nakikinig sa kanilang mga tahanan sa ating community radio-DXUP FM Upi for Peace.
Ano nga ba ang kapayapaan, peace, kalilintad, kétinanék o salam? Ayon po sa aking nakalap, ang ibig sabihin ng kapayapaan ay ang pagkakaroon ng katihimikan, pagkakaroon ng katarungan, walang madugong digmaan, walang nakakabinging putukan, walang nawawalan ng tahanan at kabuhayan, walang maririnig na iyak ng munting batang walang muwang sa mga nagyayari, walang nauulila, walang alalahanin, walang gulo, walang takot, walang ingay… ang tanging namamayani ay katahimikan.. at alam kong alam nyo rin kung gaano kagandang mamuhay kung may katahimikan, may saya, may pagkakaunawaan, may kaginhawaan at may kasaganaan, may pagmamahalan…
Ngayon pahintulutan po akong tanungin kayo, meron bang kapayapaan?
Alhamdulillah, praised be to Allah, dito sa bayan ng Upi masasabi nating may kapayapaan. Nagkakaunawaan tayo, nagrerespetuhan, nagmamahalan. Sa katunayan tayo’y nagsama-sama dahil sa iisang hangarin ang isulong ang KAPAYAPAAN.
Ngunit sa akin sarili ako’y nababahala.. nag-aalala.. minsan kasi sa kalagitnaan ng aking mahimbing na pagtulog ,ako’y nagising ,ng mga dumadagondong na tunog (ng bomba,) mula sa dakong silangan. Kaya ako’y napatanong, nasaan ang kapayaan?
Hindi po lingid sa ating kaalaman ang nangyayaring gulo sa pagitan ng Gobyernong Pilipinas at Moro Islamic Liberation front. (MILF) At ang masaklap na pangyayaring ito ay nag-ugat sa isang malalim na kadahilan.
Paano po makakamtan ang Kapayapaan? Hanggang kelan ang kaguluhan? Hanggang kelan maghihirap ang mga sibilyang syang tunay na biktima ng kaguluhan? Ilang buhay pa ba ang dapat ibuwis? At ilang dugo pa ba ang kelangang dumanak? Kelan malalasap ang tunay na kapayapaan? May magagawa ba tayo?
Ako (sampu ng mga professionals na) ang mga Bangsamoro ay may mga ginagawang aktibidades, ang pagsulong ng professional na pamamaraan ng paghawak ng problema sa usaping pagkamit ng katarungan. Inshaallah we are trying our very best to work this on civilized manner dahil noon pa man ang mga Bangsamoro ay civilized na bago pa man sila nasakop (ng mga dayuhan.)
Sama-sama tayong manawagan sa Pamahalaang Arroyo at sa MILF na bumalik na sa negosasyon at ipagpatuloy ang sinimulang pag-uusap at tuparin ang napag-usapan. Sama-sama tayong manawagan sa United Nation na tulungan tayo sa ating internal na problema sa bansang Pilipinas.
Isang ideal na bagay ang pagkakaroon ng bansang mapayapa.. Matatandaang sa kasaysayan na ang ating bansa ay matagal na sinakop ng mga dayuhan.. nasa ilalim pa din tayo ng mga dayuhang kapitalista na ang hangad lamang ay kumita ng pera..
kapayapaan bang maituturing ang kawalan ng sariling identidad? Kapayapaan bang masasabi ang pagkanlong sa ibang kultura habang pinababayaan ang sariling kultura? Yan ang itanung natin sa ating mga sarili..
Sa muli magandang umaga. Nawa’y kapayapaan ang mamayani..
Wassallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
6th Meguyaya Festival Trade Fair Booth, Sinimulan na ang pagtitinda
December 2, 2008 Balita sinulat ni Kaka Alih -December 1, 2008. Lunes
Nuro, Upi...Unang araw pa lang ng Disyembre nagsimula ng magtinda ang mga mangangalakal na makikiisa sa pagdiriwang ng 6th Meguyaya Festival.
“Ang hindi pa natapos ng engineering department ay paglalagay ng mga electrical wirings” paliwanag ni Petronilo Cristobal Jr, chairman ng committee on trade fair, sa interview ng DXUP FM, kaninang umaga sa programang Bantay Bayan Boses ng Sambayanan.
Ang rent ng bawat booth ay isang libong piso, (P1,000) na magsisimula sa December 1 hanggang December 31, 2008 ngunit sa malalaking kumpanya ay P2,500 ang rent, na ilalagay sa isang piling lugar.
Ang committee ang nagprovide ng structure ng booth na may atip at dingding at maglalagay rin ng mga kawad ng korente at ang occupants ang maglalagay ng kanyang ilaw. May kaukulang namang bayad ang bawat appliances na gagamitin.
Mahigpit din pinatutupad ng committee ang “guidelines at policies”, Pinatutupad din ang Municipal ordinance #3: “Comprehensive Ecological Solid Waste Management.” Kaya ang bawat magtitinda na may tatlong tatapunan ng basura, para sa nabubulok, (biodegrable) hindi nabubulok (non-biodegrable) at pakikinabangan pang muli (recyclables).
Magkakaroon din ng pagpipili sa may pinakamalinis at magara (Cleanest & Most Attractive) na booth na bibigyan ng premyo. Pipili rin ng “Most Organized” at “Most Accomodating Crew“, na bawat kategorya ay tatanggap ng limang daang piso na cash.
Ang comfort room na gagamitin ng mga occupants at bisita ay puspusang ginagawa ng engineering department sa pangunguna ni Engineer Gerardo Cariño-municipal engineer.
Ito ang ika-anim na taong pagdiriwang ng Meguyaya. Ang Meguyaya ay salitang T’duray na ang ibig sabihin ay pasasalamat sa biyaya ng Poong Lumikha.
3 Singer Nagpaalam sa Upi Search for Singing Star
December 1, 2008Nuro, Upi....Nagpaalam na naman ang tatlong contestant sa search for the singing star, kagabi.
Nagpa-alam na sina Jinereel Peniola at Gay Marie Labi at si Argentina Canen naman sa childrens category.
Muli pang magtatagisan sa pagkanta sina Myra Bacanto, Junambai Beto, Kaycee Jane Duran at Hydee Lou Babas sa Childrens Category. Sa Adult category: Daryl John Peniola, Chariz mae Piñera,Ailene Momek at Jeffrey Dats Babas sa
Sa December 7 at 14 muling mag-iipon ng puntos ang mga kalahok at nakatakda naman ang 3rd elimination sa December 21, 2008. Ang final ay gaganapin sa December 28, kasabay ang “Ang Pasko ng Bayan”.
Ang Singing Star (contest sa larangan ng awitan-minus one) ay sinimulan ng DXUP FM,isang community radio, apat na taon ang nakakaraan. Nagsimula ito sa unang taon ng annibersaryo ng naturang community radio, at napansin ng mayor ng Upi-Ramon A. Piang Sr. na tinatangkilik ng mamayan, kaya agad niyang kinausap ang station manager Mario Debolgado na gawin ito taon-taon.
Ito ay naging regular ng programa ng Lokal na Pamahalaan ng Upi na pinangangasiwaan at live broadcast sa community radio-DXUP FM. Sa taon na ito ay nagsimula ang contest noong Nobyembre 16 at ang final ay sa December 28, 2008. Sinasagawa ang contest ika-pito ng gabi tuwing araw ng Linggo.
Sa dalawang linggong pagtatanghal ay regular na panauhin sina Mayor Ramon A. Piang Sr., Vice Mayor Abdullah P. Salik Jr. Al Haj at Kagawad Kalima O. Gunsi.
Pinangangasiwaan ng station manager ng community radio-DXUP FM, Mario G. Debolgado katuwang ang mga staff ng natutrang himpilan. Ang mga board of judges ay sina: Municipal Kagawad Maria Elena II T. Castro, Pastor Tito Nuesca at Petronilo Cristobal Jr., Ang regular na emcee ay ang broadcaster na si Lenyrose M. Bajar.
Sa mga nakaraan na season ang mga tinanghal ng champion sa adult category ay sina : Lady Ann Babas-season 1, Sarah Jane Babas-season 2, Ramon Bacanto Jr. season 3 at sa season 4 ay si Pinky Alejandro.
Dumalo din kagabi sina Upi Mayor Ramon Piang Sr, Municipal Councilor Lily Ong Muslim at Municipal Councilor Kalima Gunsi.
(Please CLICK
para sa karagdagang kuhang larawan)
10 Pintor Napili: 6th Meguyaya Poster Making Contest
Balita sinulat nina Lenyrose Bajar at Kaka Alih -November 29, 2008.
Nuro, Upi....Isinagawa ang Poster Making Seminar nitong Sabado sa may San Isidro Parish Formation Center na dinaluhan ng 63 mga artist sa Upi.
“Ito ay kaugnay ng 6th Meguyaya Festival, na ipormal na ilulunsad sa December 15″, pahayag ni P/Inspector Mark Kim Aquino ang chairman ng committee on poster making contest.
Ang seminar ay para sa mahihilig sa sining ng pagpinta. Ang programa ay nagsimula sa workshop at isinununod ang precontest na pinili ang sampung kuwalipikado na makakasali sa final. Ang tema ng poster ay ang 6th Meguyaya Festival.
Ang Meguyaya na ang festival ng pagsasalamat sa magandang ani, na sinimulan limang taon ng nakakaraan. Ang tema ngayon celebrasyon ay: “Upians. Tatribung Matatag Entomen”.
Ang mga resource person ay sina P/Inspector Bernie Bernadino Jr.Deputy Director ng 1507th PNP Mobile Group at Fernando Frias guro sa Nuro Central Elementary School.
Unang pinili ng mga hurado ang 30 poster, bago ang sampung kuwalipikado: Leovir Garcia, Kristler Ariston, Filrey Michael Magno, Enrique Paul Teleron, Nathaniel Cajandig, Roderick Burgos, Apple Arlene Joy Galanto, John Edward Tacsagon, Thomas Edison Cuyong at Jimuel dela Cerna.
Binigyan ng dalawang linggo na ipinta sa canvass ang sampung pintor. Magsisimula ang contest sa December 6 - 19, 2008.
Ang pamantayan sa pag-huhusga ay ang creativity and presentation 40%, originality 15%, neatness & balance 15%, relevance sa theme 20% at visual impact 10 %.
Tatanggap ng cash ang 1st prize 2,500 pesos, 2nd prize 2,000 pesos at 3rd prize 1,500 pesos, at pitong consolation prize na nagkakahalaga ng pitong daang piso.
Tumulong din ang mga membro ng committee on poster making na sina: Police Inspector Bernie Bernadino, Fernando Frias, Ronibito Villamero, Andresito Capistrano, Carlo Bacas, Rumulino Antenorio, Jacerna Tarnate, Virgilio Garcia at Kabataan president Honorable Julio Roque.