"MOA-AD bakit hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin?" Txt sa Udto na Adi
January 14, 2009 (Note:Bahagi ng programa ni Kaka Alih na “udto na adi” Dec 29, 2008) TEXT: “Kaka, gusto kong itanong kong bakit hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga peace advocates, lalong lalo na ninyong mga Bangsamoro ang MOA-AD, hindi ba wala na iyan, dahil inihayag na ng supreme court na “unconstitutional”? Sagot ni Kaka Alih: Kinakailangan marahil na malaman mo (natin) kaibigan ang mga ilan sa mga mahahalagang puntos na nakapaloob sa Memoramdum of Agreement ng Ancestral Domain (MOA-AD). Napakahalaga ito kaibigan na malaman natin dahil ang nasabing kalatas na ginawa at napagkasunduan ng GRP at MILF panel sa loob ng 3 taon at 8 buwan at ito ay ang nag-iisang mapayapang sulosyon sa problema ng mga Bangsamoro: I - Konsepto at Paninindigan (concept and principles) 1. Ang Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nagkasundo at tumalima sa karapatan ng bawat isisilang na Moro at katutubo sa 2. Ang pagmamay-ari ng lupang minana ay sa mga Bangsamoro dahil sa kanilang naunang karapatang manatili doon bilang maramihang tumpok ng mamayan na kinikilala ng kanilang mga ninuno simula’t sapul pa at dahil sila ang unang maayos na manirahan doon. 3. Ang dalawang panig na nagkasundo ay tumalima na ang lupang minana ay hindi kabilang sa lupain ng pamahalaan ng Pilipinas bagkos ito’y sumsakop sa lupang minana, pinagkaisahan, nakaugaliang lupain, karagatan, mga lupian at tubig at ang mga likas na kayamanan na sumasailalim sa kaugaliang pagmamay-ari. 4. Ang magkabilang panig ay tumalima na ang Bangsamoroay ay may karapatan mamahala sa sarili na nag-uugat sa kaugalian pinaman ng mga Sultan sa Sulu, Magundanao at ang Pat a pangampong ko Ranaw. Ito’y mga estado na may sangkap ng bansa sa makabagong panahon. Sila’y mga “Unang Bansa” (First nation) na may teritoryo at sistema ng pamahalaan na nagkaroon ng mga kasunduang pagkakaibigan at pangangalakal sa mga banyagang bansa. 5. Ang dalawang panel ay nagkasundo na ang Bangsamoro Juridical Entity (BJE) ang may karapatan at huridiksyon sa lupiang minana kasama na ang lahat ng lupaing nasasakop ng kanilang pamayanan at kasaysayan. (6) Sa parte naman ng teritoryo o lugar na nasasakop, ay ganito ang nakasaad doon: · Ang dalawang panig ay nagkasundo at sumang-ayon na ang kalakhang ng BJE ay ang kabuuan ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindananao (ARMM) kasama na dito ang mga municipyo ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangkal sakop ng lalawigan ng Lanao Del Norte, na bumuto upang mapasama sa ARMM noong plebisito sa 2001. (1-c) · Ang GRP ay sumang-ayon na siyang magsagawa ng isang plebisito sa loob ng labing dalawang (12) buwan pagkatapos mapirmahan ang MOA-AD sa lugar na napabilang sa listahan at ipinakita sa mapa bilang Category A na hindi lalabag sa kasunduan. (1-d). · Sa Panloob na karagatan, ang BJE ay may huridiksyon sa pamamahala, pagtitipid, pagpapaunlad, pangangalaga, paggamit at pagpapabili sa lahat ng likas na yaman, may buhay man o wala, na sakop ng karagatan sa layong labing kilometro (15 KM) mula sa dalampasigan ng BJE. (1-f) Sa parte naman ng likas na yaman na nasasakop, ay ganito ang nakasaad doon Kaibigan: Sa Pamamalakad (governance)
Pangallagaan ang Kalikasan Para sa Kinabukasan ng Salin Lahi
Alih-para sa Programan “Bantay Bayan Boses ng Sambayanan” sa segment na “Bantay Kalikasan” January 14, 2009: Anchor ni Lenyrose Bajar at Co-Anchor Alih Anso)
Sa muli ang pag-uusapan natin ay tungkol sa Kalikasan. Ang tanong ko.. Hindi ba sa tuwing maririnig ng ating pandinig ang salitang ito, nailalarawan agad sa ating isipan ang isang malaparaisong kapaligiran?
Nag-replek sa ating isipan ang mga panahon na buhay na buhay pa ang ibat-ibang nilikha ng Panginoon? Mga iba’t ibang nilalang na hitik sa kagandahan, samu’t saring buhay na naninirahan sa malaparaisong kaharian ng Diyos.
Ang kapaligiran natin noon dito sa bayan ng Upi ay sagana sa mga likas ng yaman, mga kamamanghang tanawin na nagpapangiti sa ating mga magulang lalo na ang ating mga Ninuno na sina Tabunaway at Mamalu. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa atin ng Kadnan (Diyos) dahil sa kanyang dakilang pag-ibig sa tao, sa buong sangkatauhan.
Sino ba namam ang hindi hahanga sa ganitong tanawin. Paano nga ba hindi ka mahahalina sa, gayong alam mo na taglay ng kalikasang ito ang lahat ng kanilang mga pangangailangan upang mabuhay sa mundong ito ay abot kamay nila?
Noon dito sa Upi ay sagana sa mga likas ng yaman, mga kamangha mangha na tanawin na nagbibigay ginhawa at nagpapangiti sa ating mga Ninuno. Bagay na masasabing walang kapantay na ipinagkaloob sa kanila ng Panginong Lumikha ang Kadnan(Allah).
Ang tanong nasaan ang likas na yaman ng ating kapaligiran?
Wala na bang pag-asa ang angkan ni Mamalu at Tabunaway na maibalik ang kasaganaan at kagandahan ng kapaligiran?
Ang tao, siya nga ba ang dahilan kung bakit nagkaroon ng pagbabago? Isang pag-babago na siyang sumira sa ating kapaligiran, ang kalikasan na siyang nagbibigay sa atin ng buhay.
Nakakalungkot mang isipin ngunit kung ating mamasdan ay isang ganap na pagbabago ang bumabalot sa atin, kasama na ang buong mundo..
At ang katotohanang, isa tayo sa mga saksi, mga saksing nagbubulag-bulagan, na kunwari ay di natin alam ang nangyayari sa kasalakuyang narararanasan ng Inang Kalikasan. Na ang dahilan ng pagkawasak ng kapaligiran ay tayo ( na Tao) ang naging dahilan ng unti-unting pagkasira ng ating kapaligiran.
Ang tanong ko sa mga giliw na nakikinig, “Papaano,? ” nga ba humantong sa ganitong kalagayan ang ating kalikasan?
Ito ba ay dahil sa pagbabago (modernization)?; mga pagbabago sa mga bagay-bagay dahil sa natatanging kaalaman ng tao? Kaalaman ng tao na siya ring bumabago sa mukha ng kalikasan?
Hindi kaya ang dahilan ng pagbabago na humantong sa pagkawasak ng kalikasan ay dahil nariyan ang mga makabagong paraan ng paghahanap buhay gamit ang mga makabagong teknolohiya? Gumagamit ng makinarya, sa pamumutol ng kahoy gumagamit na ng chain saw, na kaya ng putulin ang daan-daang puno sa isang araw na lamang?
Mga makabagong teknolohiya na siya ring nagdudulot ng polusyon sa mga tubig at hangin. Gumagamit ng langis, na ngbubuga ng usok, na nakakapagdulot ng sakit sa tao.
Hindi din kaya, na kaya mabilis ang pagkasira ng kalikasan ay kabilang din ang pagtaas ng bilang populasyon (population explosion) dumami ang tao, syempre kasabay din ang pagdami ng mga umaasa sa mga kayamanang galing sa kalikasan.
Sadyang nakakalungkot isipin na minsa’y napapabayaan natin ang pagpapahalaga sa ating mga pinagkukunan ng ating mga pangangailangan. Sa kabila ng pakikinabang ng tao, ang pang-aabuso ay nariyan na minsa’y tayo rin ang naapektuhan.
( DISCUSS PAG-AABUSO SA KALIKASAN- na siyang nakakasira sa kagubatan.kalikasan)
1. Kaingin system- Landless farmers tend to engage in shifting cultivation unless they are provided with their own land. These landless farmers belong mostly to ethnic or tribal groups which practice upland farming. Along steep slopes of mountains, they clear large areas of forests to grow crops. trees are burned to clear forest. Once cleared, the area is used to grow crops.They burn trees and plant agricultural crops. This method of agriculture is generally referred to as kaingin in the
Ngunit hindi natin basta masisi ang nagkakaingin may mga dahilan sila:
· Ang pamumutol o paghahawan ng mga punong kahoy at kagubatan ay dahil sa kawalan ng sapat na edukasyon kong ano ang magiging epekto pag nawala na ang mga punong kahoy.
· Dapat malaman ng mga kaingeros na ito na magkakaroon ng pagka-agnas (errosion) ang lupa.
· Dapat maipaintindi sa kanila na mawawalang ng mga tahanan ang mga hayop, ibon at iba pang may buhay na nainirahan dito,
· Pagwala na ang puno, mawawala din ang tubig dahil ang puno ang siyang pansamantalang humahawak sa tubig, at dahan dahan itong ilalabas sa panahon ng tag-init.
.Ayon sa Texter natin: “Dapat makipagtulungan ang mga paaralan, bago mag-graduate ang kabataan makapagtanim muna ng mga punogn kahoy”.
KAUGNAY NG PINAG-UUSAPAN NATIN NA TUNGKOL SA TUBIG ANG BARANGAY BLENSONG AY M,AY PROYEKTO SA PATUBIG, NA ITURN OVER NGAYON ARAW, ISA ITO SA MGA IBINIBIGAY NG KALIKASAN, NA KINAKAILANGAN NG PANGANGALAGA SA PINAGMUMULAN NG TUBIG. KAHAPON AY NAKAPANAYAM NG DXUP ANG PUNONG BARANGAY NG BLENSONG: HON JONATHAN ACOPIO-
(PLAY THE RECORDED INTERVIEW)
2. pag-uuling-isa din ito sa may malaking contribution sa madaling pagpanot ng kabundukan.
Ayon sa sa Texter dapat na magsagawa ang goberno ng mga livelihood project, upang doon mapunta ang atensyon ng mga tao.
Sana’y maramdaman din natin na ang kalikasan ay may napakahalagang papel sa ating mga tao. May buhay na kailangang pag-ingatan upang mapanatili ang maayos na sistema sa bawat bagay sa mundong ito na may kanya-kanyang ginagampanan.
Ayon kay Jess Geralino sa programang Usaping Bayan…”Sana huwag nating hayaan humantong sa pagkakataong maranasan ang galit ng kalikasan subukan nating gumawa ng mga paraan kung paano mapapanatili ang magandang relasyon ng tao sa kalikasan”.
Hindi pa huli ang lahat upang tayo’y magkaroon ng mga hakbang upang maibalik ang unti-unting pagkawala ng sigla at kagandahang taglay ng ating “Inang Kalikasan”.
Likas na Kalikasan, na minahal at inaruga ng ating mga ninuno. Kalikasan na siyang bumuhay sa kanila sa mahabang panahon.
Sana’y huwag nating ipagdamot, sanay huwag tayong magtulog-tulogan na masilayan pa ang dating kagandahang taglay ng ating kalikasan sa Upi para sa ating mga susunod pang henerasyon at para sa mga buhay ng bagong kinabukasan!


