Upi LGU Suportado ang Upi Athletic Delegates sa Palarong Panlalawigan ng Maguindanao
February 26, 2009 
Alih S. Anso- Feb 25, 2009
Tumulak ngayong umaga ang mga delegado ng Zone IV (Bayan ng Upi) patungong Datu Paglas, Maguindanao.
Nakatakdang pasisimulan ngayong araw ang palarong panlalawigan sa Datu Paglas Maguindanao, na inaasahang magtatapos sa Marso 1, 2009.
Umabot sa sa 70 atleta mula sa elementary at secondary level ang napili sa ginanap na Shariff Kabunsuan athletic meet sa Parang, Maguindanao noong Enero 30-Marso 6, 2009.
Mula ng maitatag bilang probinsiya ang Shariff Kabunsuan (MMAA 201-August 28, 2006-), ngayong taon ay dalawang beses nagkaroon ng Palarong Panglalawigan dahil muling naibalik sa probinsya ng Maguindanao ang mga municipyo na sakop ng Shariff kabunsuan. Ang una ay naganap sa Parang at sa ngayon ay sa Datu Paglas, Maguindanao. Ang mga mapipiling mga atleta ay ang syang kakatawan ng Probinsya ng Maguindanao sa 18th Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Association Meet 2009 (ARMAA 2009).
Nagbigay ng tulong financial ang Lokal na Pamahalaan ng Upi at nagpahiram ng dalawang dumptruck na naghatid sa mga atleta sa Datu Odin Sinsuat at lilipat sa pampapasaherong sasakayan patungong Datu Paglas.
Nitong taon 2009 ay sunod-sunod ang ang pagpipili ng mga atleta. Noong Enero 11-14, ay ginanap sa Nuro Central Elementary School ang Upi Teachers, Employees and Retirees Association, Inc (UTERA) Zone V selection meet.
Noong Marso 2007 ay ginanap sa Mamasapano ang Autonomous Region in Muslim Mindanao Athletic Association (ARMMAA) athletic meet na sinimulan mismo ni ARMM Governor Datu Zaldy “Puti” Uy Ampatuan ang naturang palaro.
Ang mga atleta ay magtatagisan ng galing sa swimming, track and field, taekwondo, chess, football, volleyball, sepak takraw, table tennis, lawn tennis, badminton, gymnastics, dancesport, baseball, archery, softball at iba pang mga sports.
DA Turnover ng Solar Dryer with Open House sa Upi
February 25, 2009Ang dryer na may kasamang kamalig (open house) na may sukat na 20 x 25 metro ay nagkakahalaga ng P2765,000.00. ito ay una lamang sa sampung proyekto na isasakatupan ng CFAD-MRDP-DA sa bayan ng Upi.
Ang CFAD ay isa lamang sa bahagi ng MRDP program na inipapatupad ng DA na ang pinakalayunin ay iangat ang paghihirap ng pamumuhay ng mga taga Mindanao. Ang mga proyekto ay magkatuwang sa pagbibigay ng pondo mula sa World Bank, Local Gogernment Unit (LGU) at DA.
Sa turnover message ni Frietze Quijote, CFAD project assistant, ay sinabing tinatayang mabibilad sa dryer ang 150 na sakong mais at ang bawat gagamit ay nararapat na magbibigay ng bayad bilang pondo ng organization na bahagi ng “sustainability” ng proyekto.
Kabahagi ang lokal na pamahalaan ng Upi sa pagbibigay ng pondo na 20% , organization na 20% at ang 60% ang mula sa CFAD.
Masayang tinanggap ni Jenny Esteban president ng Sfagayunon Sifaran Farmers Association ang proyekto, kasama ang 36 na membro ng organization. Ang proyekto ay pinatayo sa sentro ng sitio Sefaran, Barangay Blensong, Upi.
Sefagayunon term ay sa T’duray na ang ibig sabihin ay “pagkakaisa”.
Dumalo din sa naturan turn-over ang mga official ng bayan ng Upi, na sina: Kagawad Romeo Mayo, na siyang kumakatawan kay Mayor Ramon A Piang Sr. na nasa official business. Kasama din sina Kagawad Bonifacio Paragas at Kagawad Kalima Gunsi.
Kasama sa team ng DA na nagturn-over sina: Dr. Faizal Abdul, RPCO Head; Susan Unggel RPCO-CFAD head; Tong Pinguiaman IGR Head; Abdulnasser Badawi MRDP staff; Arbaina B. Sali Regional Agriculture & Fishery Information Division (RAFID) writer; Salama Utto camerawoman RAFID; Remjim Salido cameraman MRDP-PSO; Elmer Barro MRDP.
Kalagayan ng mga Kabataan sa Pilipinas
February 24, 2009(Alih S. Anso- Feb. 24, 2009-para sa programang Bantay Bayan Boses ng Sambayanan sa segement na: “Bantay Kaayusan”)
Kultura at kaugalian ng isang nanampalataya sa Diyos na Pilipino na ang bata ay dapat nasa piling ng kanilang mapag-arugang magulang at iba pang miyembro ng isang pamilya, o di kaya ay nasa eskwelahan at nag-aaral. Ngunit ang nakikita natin sa ating bansabng Pilipinas naglipana ang mga bata sa ating lansangan o wala sa kani-kanilang mga tahanan.
Ayon sa survey sa halip na mabawasan ang bilang ng mga kabataan na hindi umuuwi sa magulang parang lalo pa silang dumarami.
Nakalulungkot isipin na sa mura nilang edad, nalalaagay na sila sa mga delikado at masasamang impluwensa sa mga lansangan.
Hindi nga ba’t ang mga batang ito ang unang nabibiktima ng prostitusyon, droga, pornograpiya, pang-aabuso at kung anu-ano pang krimen.
At dahil sila nakababad sa hindi magandang kapaligiran, dahil sa ang tahanan nila ay ang lansangan , natutunan din nila ang mga bisyo at iba pang kasamaan, na isa ng common na tanawin ngayon sa ating bansa.
Kaya naman, ang iba sa kabataan ay mura pa ang edad ay nagiging kriminal na rin. Sila ang tinatawag na mga juvenile delinquents na problema bng bansa at ng maraming bansa sa mundo.
Ang tanong ko Kaibigan na nakikinig, sila nga ba ang problema? Ang mga kabataan na ito ang sakit ng lipunan? O baka sila ay biktima? Kung atin kasing susuriin ang puno’t dulo ng juvenile delinquency, kapabayaan ng mga iresponsableng mga magulang, kong kaya sila naglalagi sa langsangan. Kung walang iresponsableng mga magulang o delinquent parents, maaring wala o kokonti lang ang magiging mga juvenile delinquents.
Sana ang ating mga mambabatas (lower & upper house) ay makapagbasa batas o masusugan (amendment) ang batas gawing mataas ang parusa sa mga magulang na inaabandona o hindi ginagampanan ang kanilang mga tungkulin sa kanilang mga anak.
Ayon pa kay Senador Manny Villar: “Sa panahon ngayon, napakarami ng karapatang pambata ang nalalabag at naaabuso. Karapatan ng bawat batang Pilipino na ipanganak at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad; maging malaya at magkaroon ng isang pamilyang mag-aaruga; magkaroon ng magandang edukasyon; mapagbuti ang potensyal; magkaroon ng sapat na pagkain, tirahan at malusog na pangangatawan; makapaglaro at makapagpahinga; mabigyang proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan dulot ng digmaan at iba pa; makapamuhay sa isang mapayapang komunidad; ipaglaban at suportahan ng gobyerno; at maipahayag ang sariling opinyon.”
Bakit sa kabila ng United Nation’s (UN) Declaration on the Rights of the Child na pinagtibay noong 1959 bakit napakarami pa ring batang Pilipino, ang mga ipanganak na wala nang karapatan na napupunan ng kanilang pamilya, komunidad o gobyerno.
Ayon sa data ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), libu-libong bata ang biktima ng iba’t ibang krimen at pang-aabuso. Ngunit ayon sa tantiya natin ay kulang ang figure na kanilang inilabas kaysa sa aktuwal na bilang, bakit dahil marami kasing mga kaso ng child abuse o exploitation ang hindi na nakararating sa kinauukulan, dahil hindi na ito nairereport, lalo na kung ang krimen ay ginawa sa mga batang lansangan. Ang dahilan walang reklamo.
Sa ating bansang Pilipinas ang isa pang nakakaabahala ay ang dumaraming bilang ng “child laborers” sa ating bansa. Dito sa bayan ng Upi mismo marami tayong nakikita na mga bata ay naghahanap buhay na, tulad ng trisikad, alam ba ninyo na napabigat na trabaho ang mag-pedal ka ng bisiklita? Bakit hiondi mo subukan kaibigan na maranasan mo ang hirap.
Ayon sa data ng National Coalition Against Child Labor, apat na milyon mahiogit ang child laborers sa bansa. Kulang-kulang na tatlong milyon sa mga ito ay nasa delikadong trabaho, katulad ng “commercial agriculture” kung saan nakakalanghap ang mga bata ng pesticides na maaaring pagmulan ng kanser at iba pang sakit. Tulad ng pagmimina, quarrying, muro-ami, paggawa ng paputok, prostitusyon at Katulong.
Hindi ba epektibo ang Republic Act 9231 “AN ACT PROVIDING FOR THE ELIMINATION OF THE WORST FORMS OF CHILD LABOR AND AFFORDING STRONGER PROTECTION FOR THE WORKING CHILD, AMENDING FOR THIS PURPOSE REPUBLICT ACT NO. 7610. AS AMENDED, OTHERWISE KNOWN AS THE “SPECIAL PROTECTION OF CHILDREN AGAINST CHILD’ ABUSE, EXPLOITATION AND DISCRIMINATION ACT” . magandang batas kaya lang abng comments ng iba ay hindi naipapatupad ng mga ahensiyang siyang dapat magpatupad dito.
Ayon sa batas na R.A. 9231 ay naglalayong protektahan ang mga bata mula sa pang-aabuso, diskriminasyon at panggagamit ng ibang tao sa pamamagitan ng child labor at iba pang bagay na makakasama sa kanilang pagkabata o pagkatao.
Totoo ba ang kasabihan ni Gat Jose Rizal na “Ang kabataan ang pag-asa ng bayan”.
ESWM Orientation Program sa Barangay Buncog
Balita ni Donald Ventura-Feb. 23, 2009
Ang orientation ng ESWM Program ay dinaluhan ng Barangay Council ng Bungcog sa pamumuno ni Chairman Chito Garrigues, mga guro, teacher in charged ng mga paaralan, students body organization officers, estudyante, religious leaders, civilian volunteer organization, non-government organization, at mga municipal enforcers.
Layunin ng orientation ay upang maipaliwanag . ang kahalagahan ng Municipal Ordinance #03 ” maituro ng wasto at maipatupad sa buong munisipyo ng Upi.
Ipinaliwanag ni Municipal Environmental and Natural Resources Officer (MENRO ) Glory Centillo at Municipal Enforcer Gloria Malbaran sa mga partisipanti ang mga ibat-ibang uri ng basura na maaari pang mapagkakakitaan, ang mabuti at masamang maidudulot sa ating kapaligiran. Pagkatapos ng pagpapaliwanag ay nagkaroon ng pagkakataon magtanong ang mga partisipanti at agad namang nabigyan ito ng kasagutan.
Samantala nagpasalamat si Chairman Garrigues sa mga partisipanting dumalo sa naturang orientation ng ESWM program.
Ang Bungcog ay pangatlo ng Barangay nabigyan ng orientation ng ESWM program, una ang Blensong, pangalawa ang Bugabungan at susunod ang iba pang mga barangay na sakop ng Upi Maguindanao.
Mga proyekto ng Goberno: Palpak?
February 23, 2009
(Sinulat ni Alih S. Anso – February 23, 2009-Para sa programang “Bantay Bayan boses ng Sambayan” sa segment “Bantay Kasunlaran”, every Monday 7:00-8:00 AM, community radio station DXUP FM 105.5, based in Nuro, Upi, Maguindanao)
Palpak, a Piipino slang word literally means, failure.
Totoo nga ba na palpak ang mga proyekto ng goberno ng Pilipinas? Ang iba dito ay mabibilang sa palpak ngunit hindi naman lahat.
“Batay sa survey ng Asian Development Bank (ADB) marami sa mga opinion leaders sa Asya-Pacific ang naniniwala na nasasayang ang official development assistance (ODA) dahil sa walang ingat na paggastos lalo na sa mga palpak na proyekto at korupsyon.” (PIA Press Release 2006/11/29)
“Milyon-milyong piso ang nasayang sa pondo ng Department of Education, ito ang nadiskubre ng planning and budget department ng Kamara.”( Balita sa Bandila, Miyerkules, Setyembre 24, 2008- try to Link: Proyektong bugok, sistemang bulok)
SOP
Standard operating procedure (SOP) ng goberno natin ang magplano ng mga pangkaunlarang proyekto taon-taon.
Mula sa lokal na pamahalaan ng Barangay (smallest unit of government), municipyo hanggang national ay kinakailangan mag-submit ng mga project proposal bilang bahagi ng pagbibigay ng budget. Ngunit hindi lahat ng nakasulat na ito ay natutupad o naisasakatuparan (implemented) at kong natutupad man ay hindi naman pinakikibangan ng mga mamayan.
Bakit?
Kagagawan ng tao, ang madalas ang madalas na dahilan kong bakit hindi naipapatupad ang mga proyekto.
Una: Walang pondo, dahil kulang ang bayad na buwis ng mga mamayan. Ang Pilipinas sa ngayon ay umaasa na lamang sa mga ibinabayad ng mga mamayan na buwis, halos o lahat na negosyo nito ay ipinagbili na sa mga pribadong sektor, ang dahilan ay nalulugi. Halimbawa ay ang Philippine Airlines (PAL). • Pati ang sng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) the number source of income ng goberno ay gusto na ring privatized. Ayon sa PIA Press Release 2007/08/04 : “Privatized are the Philippine National Bank and the Philippine National Oil Co. – Energy Development Corporation. The PNBs privatization is full while that of PNOC-EDC is just partial divestment of government shares.”
Pangalawa: May proyekto naman ngunit hindi naman pala pinapakinabagan ng mga mamayan. Hindi man lang tinanong o pinag-aralan kong ano ang prioridad na pangangailangan ng mga mamayan doon. Sadyang naipatayo ang proyektong pangkaunlaran sa lugar na yaon hindi dahil sa pangangailangan ng mamayan kundi kailangan ng isang pulitiko. Kailangan niyang may makitang kanyang project sa lugar na yaon na nakasulat at kanyang pangalan: ‘This project is under…..” (kaya naman sigoro gustong-gustong project ng mga pulitiko ay yaong may masulatan, tulad ng mga building, hindi kalsada kasi walang masulatan at pag umulan ay madaling matunaw) para sa susunod na halalan, na may laman naman ang kanyang paulit-ulit na talumpati sa bayan.
Pangatlo: Nasimulan ang proyekto ngunit hindi natapos, Bakit?
· Corruption, sa pag-aaward pa lamang ng bidding (pag-bibigay ng proyekto sa magpapatupad o gagawa nito na contractor) ay mayroon ng SOP na porsento para sa opisyal. Halimbawa Ayon kay Rodolfo Lozada Jr (ZTE star) 22 porsiyentong kickback sa proyektong Southrail.
· Kinulang ang budget ng proyekto. Bakit? Pagtaaas ng halaga ng mga material dahil sa matagal bago naipatupad ang project proposal, isa sa dahilan ang Bureaucratic system of government.
· Man Made Calamity. May giyera, peace and order. Dahil hanggang ngayon pa nasosolbar ng goberno ang Bangsamoro problem.
· Natural Calamity - Dahil sa pabago-bago ng ating kalikasan. Dahil sa bagyo, nagkaroon ng baha. Ngunit kahit ang pagbaha ay napagbibintangan pa rin ang tao dahil sa kanyang kapabayaan sa pangangalaga sa kanyang kapaligiran at kalikasan. Maituturing nating halimbawa ang Upi Water Level Project 3, ayon sa FFJJ ang contractor ang dahilan ng pagkabalam ng proyekto ay dahil sa panahon, tag-ulan hindi nila magawa ang nasa source ng tubig
Mass Peace Rally-ng mga Bangsamoro
February 22, 2009Kaka Alih Feb 18, 2009
Ayon sa organizer at chairman Sheikh Abdulmanan Gayak, ng Mindanao Alliance for Peace (MAP) ang pinakalayunin ng naturang pagtitipon ay upang kunin ang atensyon ng United Nation at hilingin sa goberno ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation Front na muling mag-usap at tuparin ang mga napapag-usapan. Hiniling ng mga raliyista na buhayin muli ng goberno ang MOA-AD.
Ang ang di natuloy na pirmahan noon August 5, 2008 sa MOAD ay nagdulot ng marami ng nasirang ari-arian at buhay ang nalagas dahil labanan ng sundalo ng Pilipinas AFP at BIAF-MILF.
Ang mga mamayan ay naghihirap, dahil hindi na makapaghanap buhay, kundi bakwet ng bakwet at pagtapos ng labanan ay hindi pa rin makabalik dahil sa takot na baka tamaan ng mga nagliliparan nna mga mortal at howitzer ng magkabilang panig.
Sabay-sabay na isasagawa ang peace rally sa Cotabato City, Pagadian City, Iligan City, Kabacan, Tacurong City, General Santos, Kidapawan, Pikit at iba pang mga lungsod, municipyo, at probinsiya dito sa Mindanao.
Sa Cotabato City na umaabot sa 50,000 ang natipon-tipon , ay sinuimulan ang rally sa isang motorcade patungo ng Plaza at magsisimula ang programa ganap na ikasiyam ng umaga hanggang tanghali .
Project to be donated to Mahad Council of Upi thru the LGU Upi
Kaka Alih Feb. 16, 2009-Monday
SADCI with office at San Jose District , Pagadian City is an agency managed by the Muslim in the locality who are receiving financial aid for Masjeeds, Islamic learning center and orphanage which donors coming from the Islamic countries.
Before proceeding to site, Engr Ambag made a courtesy call yesterday to Mayor Ramon A. Piang Sr. and delivered the copy of the approved project proposal of the Mahad Council of Upi. In which the constructor will start constructing next week .
The project with estimated cost 2 million pesos from a donor in Middle East for the Muslim in Southern Philippines.
1st Harvest Festival, : UAS-PTIA, Kaugnay ng Agri Kalikasan program
February 18, 2009Balita ni Kaka Alih at Lucy Duce-Feb19, 2009
Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan..Isinagawa sa kauna-unahan pagkakataon ang Harvest Festival ay inilunsad ng Upi Agricultural School – Philippine Technical Institute of Agriculture (UAS-PTIA). Ang festival ay kaugnay ng programa ng Department of Agriculture, sa pakikipagugnayan sa Soils and Water Management (DA-BSWM) sa pagpapatupad sa “Organic-based Agriculture “Agri-Kalikasan” programang pangkaunlaran.
“Ang layunin ng nito ay tulungan ang mga magsasaka na umaasa na lamang sa chemical based na abono, na pamahal ng pamahal ang halaga at mapanganib pa sa kalusugan at kalikasan.” Ayon Teodoro Bersabe, program coordinator DA-BSWM.
Ang Agri Kalikasan program ay nakabase sa siyensiya ngunit gumagamit ng pangmatagalang pagsasaka at pangangalaga sa mga kapaligiran, na ang ginagamit ay ang organic fertilizer.
Ang programa ay ipinapatupad ang dalawang klaseng teknolohiya: Modified Rapid Composting (MRC) at Tipid Abono (TA).
Ang MRC ay gumagamit ng mga basura ng sakahan tulad ng dayami na kadalasan ay sinusunog lamang ng mga magsasaka. Samantala ang TA ay teknolohiya na alternatibong pagtutulong sa mga magsasaka, upang bawasan ang gastusin sa kemikal na abono na ang gagawing abono ay mula sa pinaghalong dumi ng hayop.
Ang harvest festival, na may temang “Bawas, Gastos, Saganang Ani” Highlights namang sa nasabing festival ang pag-aani ng hinog ng palay, sa demo farm ng UAS-PTIA,na pinangunahan ng school administrator Engr. Sukarno Datukan, MPA, Dr. Felicidad de Guzman ang head research extension department,
Mga panauhin ang mga kawani ng Department of Agriculture, Leovi Fernandez, ang Supervising Agriculturist ng DA-BSWM, na naginterview sa farmers benefiaciary, Nadtungan Razak at Teodoro Bersabe, program coordinator DA-BSWM.
Samantala nagbigay ng kanyang mensahe si Razak na ayon sa kanya ay: “sipag at tiyaga ang kailangan ng bawat isa upang makaagapay sa hirap ng buhay”.
Pagkatapos ng pag-aani ay pananghalian na sinundan ng briefing ni Bersabe sa mga magsasaka, kong papaano pakikinabangan at gagamitin ang mga makabagong nadiskubreng teknolohiya.
Dumalo din si committee chair on agriculture Sangguniang Bayan member Alexis Platon sa nasabing aktibidad, kasama ang presidente ng Liga ng mga Barangay sa Upi-Michael “Baby Datu’ Sinsuat I.
Live na napakinggan sa DXUP FM mula 9:00-12:00 ng umaga ang buong kabuan ng nasabing programa na ginanap sa compound at farm ng UAS-PTIA.
56th Foundation Anniversary ng Nangi-Matagumpay na Naidaos
February 16, 2009|
Nuro, Upi…. Galak at tuwa ang mababakas sa mga taga Barangay Nangi dahil sa kanilang matagumpay na pagdiriwang noong Sabado ng ika 56th na taon na pagkakatatag ng kanilang barangay. Matatatandaan na naging ganap na Barrio ang Nangi noong 1953, at ang municipyo pa nito ay Dinaig na ngayon ay municipyo ng Datu Odin Sinsuat at ang probinsiya ay hindi pa nahahati na empire Cotabato province. Naging panauhin pandangal si Mayor Ramon Piang Sr. at kanyang pinuri ang mga official ng Barangay at mamayan dahil isa ang Nangi sa maunlad o progresibong Barangay at ang mga mamayan ay nagbabayad ng kanilang mga buwis. Ang pagdiriwang na nagsimula pa February 9 na may tema na : “Global Krisis, Sipag, Tipid, Tiyaga ang Kasagutan”. Sa final programa noong Sabado ay live na napakinggan sa DXUP FM sa pamamagitan ng pag-gamit ng makabagong teknolohiya at naririnig ito sa pamamagitan ng internet (thru: www.upians.com.ph). Samantala nakamit ni Paladen Malang ang Championship sa Marathon at tumanggap ng isang libong cash. Nagsimula ang marathon sa may kilometer 25 at nagtapos sa Barangay Nangi. Pumangalawa si Jackson Bron, na tumanggap ng pitong raanng piso at pumangatlo si Ryan Marcial na tumanggap ng limang daan piso. Ang labing pitong participante ay tumanggap naman ng tig isang daang piso na consolation prize. Samantala hiwayan at sigawan ang mga mahilig sa motorsiklo dahil sa tampok din sa 56th na taon pagdiiwang ang motor race . Sa Panthra beginners ay nanguna si Raymund Perey ng Barangay Rempes. Sa racing category naman ay nakamit ni Fernando Barneso Jr ang championship. Sa hapon ay tuloy-tuloy ang programa at sa gabi ang contest ng kantahan. |
Bomba Sumabog Sa Upi
February 15, 2009 Balita ni: Alih S. Anso -Feb. 14, 2009
Kinilala ang biktima na si Barangay Kagawad Datumin Laguialam ng Barangay Ganasi, Upi, Maguindanao.
Dinala kaagad sa pinakamalapit na pagamutan ang Datu Blah District Hospital ang biktima na nagtamo ng shrapnel sa may hita, tiyan at ulo. Nasa maayos ng kalagayan ang biktima.
Kagabi ay hindi muna nagbigay ng public statement ang Hepe ng Pulisya na si Mark Kim Aquino dahil inaalam pa ng mga experto kong ano ang materyales na ginamit at motibo sa pagpapasabog.
Kaninang umaga , ay dumating ang mga EOD team mula sa 6th Infantry Division ng Philippine Army na nakabase sa Awang, DOS at iniimbistigahn ang crime scene kasamang kinulekta ang mga splinters ng naturang sumabog na bomba.
Samantala, ayon sa ulat ng Radio Bombo ay kinumpirma umano ni Lt. Col. Jonathan Ponce, spokesman ng 6th Infantry Division ng Philippine Army na gawa sa isang 60mm mortar ang nasabing IED at isang cellular phone naman ang ginamit trigger mechanism
.
Sa ngayon nagpapatuloy pa rin ang follow-up operation ng mga otoridad habang inaalam pa ang may kagagawan sa nangyaring pagsabog.
MOA-AD Bakit Hanggang Ngayon ay Pinag-uusapan?
February 13, 2009(Note: Bahagi ng programa ni Kaka Alih na “udto na adi” Dec 29, 2008)
TEXT:
“Kaka, gusto kong itanong kong bakit hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng mga peace advocates, lalong lalo na ninyong mga Bangsamoro ang MOA-AD, hindi ba wala na iyan, dahil inihayag na ng supreme court na “unconstitutional”?
Sagot ni Kaka Alih:
Kinakailangan marahil na malaman mo (natin) kaibigan ang mga ilan sa mga mahahalagang puntos na nakapaloob sa Memoramdum of Agreement ng Ancestral Domain (MOA-AD).
Napakahalaga ito kaibigan na malaman natin dahil ang nasabing kalatas na ginawa at napagkasunduan ng GRP at MILF panel sa loob ng 3 taon at 8 buwan at ito ay ang nag-iisang mapayapang sulosyon sa problema ng mga Bangsamoro:
I - Konsepto at Paninindigan (concept and principles)
1. Ang Pamahalaan ng Republika ng Pilipinas (GRP) at ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) ay nagkasundo at tumalima sa karapatan ng bawat isisilang na Moro at katutubo sa
2. Ang pagmamay-ari ng lupang minana ay sa mga Bangsamoro dahil sa kanilang naunang karapatang manatili doon bilang maramihang tumpok ng mamayan na kinikilala ng kanilang mga ninuno simula’t sapul pa at dahil sila ang unang maayos na manirahan doon.
3. Ang dalawang panig na nagkasundo ay tumalima na ang lupang minana ay hindi kabilang sa lupain ng pamahalaan ng Pilipinas bagkos ito’y sumsakop sa lupang minana, pinagkaisahan, nakaugaliang lupain, karagatan, mga lupian at tubig at ang mga likas na kayamanan na sumasailalim sa kaugaliang pagmamay-ari.
4. Ang magkabilang panig ay tumalima na ang Bangsamoroay ay may karapatan mamahala sa sarili na nag-uugat sa kaugalian pinaman ng mga Sultan sa Sulu, Magundanao at ang Pat a pangampong ko Ranaw. Ito’y mga estado na may sangkap ng bansa sa makabagong panahon. Sila’y mga “Unang Bansa” (First nation) na may teritoryo at sistema ng pamahalaan na nagkaroon ng mga kasunduang pagkakaibigan at pangangalakal sa mga banyagang bansa.
5. Ang dalawang panel ay nagkasundo na ang Bangsamoro Juridical Entity (BJE) ang may karapatan at huridiksyon sa lupiang minana kasama na ang lahat ng lupaing nasasakop ng kanilang pamayanan at kasaysayan. (6)
Sa parte naman ng teritoryo o lugar na nasasakop, ay ganito ang nakasaad doon:
- Ang lupang minana at makasaysayang teritoryo ng Bangsamoro ay ang lupain, karagatan at kalawakan sa itaas ng rehiyon ng Mindanao-Sulu-Palawan. Datapuwat may mga hangganan na pinagkasunduan uko dito:
· Ang dalawang panig ay nagkasundo at sumang-ayon na ang kalakhang ng BJE ay ang kabuuan ng kasalukuyang Autonomous Region in Muslim Mindananao (ARMM) kasama na dito ang mga municipyo ng Baloi, Munai, Nunungan, Pantar, Tagoloan at Tangkal sakop ng lalawigan ng Lanao Del Norte, na bumuto upang mapasama sa ARMM noong plebisito sa 2001. (1-c)
· Ang GRP ay sumang-ayon na siyang magsagawa ng isang plebisito sa loob ng labing dalawang (12) buwan pagkatapos mapirmahan ang MOA-AD sa lugar na napabilang sa listahan at ipinakita sa mapa bilang Category A na hindi lalabag sa kasunduan. (1-d).
· Sa Panloob na karagatan, ang BJE ay may huridiksyon sa pamamahala, pagtitipid, pagpapaunlad, pangangalaga, paggamit at pagpapabili sa lahat ng likas na yaman, may buhay man o wala, na sakop ng karagatan sa layong labing kilometro (15 KM) mula sa dalampasigan ng BJE. (1-f)
- Lahat ng mga teritoryo at lugar sa Mindanao at ang mga kalapit na isla kasama ang Palawan at Sulu na nakilala at naihiwalay bilang lupaing minana ng mga Bangsamoro, kasama na ang mga panirahan doon at ihiniwalay na lupain ay maaring gawin o limbagin bilang pamayanan ng mga Bangsamoro kong saan ang pagkapantay-pantay ng mga tao at may paggalang at proteksyon sa karapatang sibil, pamamahala, pangkabuhayan at pangkultura. (4)
Sa parte naman ng likas na yaman na nasasakop, ay ganito ang nakasaad doon Kaibigan:
- Ang BJE at ang Pamahalaan Nasyonal ay nagkasundo na pagbabahaging yaman na naayon sa pinakasunduang porsyento pumapabor sa BJE sa pamamagitan ng isang kasunduan pagtutulungan sa kabuhayan sa kita na galing sa pagbungkal, paggamit at pagpapaunlad ng likas na yaman para sa kapakanan ng mamamayang Bangsamoro. (3)
- Ang BJE ay malayang makipagkasundo sa anumang pagtutulungan pangkabuhayan at pangangalakal sa mga banyagang bansa subalit ang naturang kasunduan ay hindi makakasama sa pamahalaan ng Pilipinas, subalit ang obligasyong pagtatanggol mula sa dayuhang mananakop ay mananatili sa GRP. (4)
- Ang paghahati ng BJE at GRP mula sa pangkalahatang produksyon ay 75%-25% pabor sa BJE. (6)
- Ang mga lehitimong hinaing ng mga Bangsamoro na nagmula sa makatarungan pagkawala ng kanilang lupain at mga ari-arian at ang kanilang pagkamaralita ay dapat kilalalanin, kong sakali mang hindi maaring isauli ang mga ito, ang Pamahalaan ng Pilipinas (GRP) ay dapat gumawa ng mabisang pamamaraan upang mabayaran at mabinyayaan ang mga Bangsamoro. (7)
- Ang dalawang panig ay tumalima sa madaliang pangangailangan upang magkaroon ng 5-kataong Bangsamoro “Economic expert mission” na isinasang-alang-alang ang pagsulong ng ekonomiya at pananalapi at ipa pang kasangkapan sa pag-unlad na patakbuhin ng Bangsamoro Development Agency (BDA) lalong-lalo na sa koordinasyon at pagtutulungan sa lahat ng Gawain.
Sa Pamamalakad (governance)
- Ang pagkilala at pamayapang pag-ayos ng guo ay dapat magmula sa pakikipagsangguni sa mga mamamayang Bangsamoro na walang pilitan upang magkaroon ng pag-asang magtagumapay at buksan ang makabagong pamamaraan ng pangmatagalan upang matugunan ang adhikain ng mamayang Bangsamoro. (1)
- Ang tunay na layunin para mailuklok ang BJE ay upang matiyak ang kanilang pagkatao at mga salinlahi, protektahan ang kanilang ari-arian at kayamanan at upang maitayo ang sistema ng pamahalaan angkop at katanggap-tanggap sa kanila bilang kakaibang mamamayan. Igagalang din ang karapatang mamili ng mga katutubong mamamayan. (3)
- Ang relasyon ng Pamahalaan Sentral at ang BJE ay dapat pakikipagtulungan na may pinagtulungan autoridad at responsibilidad na may hiwalay na ehikutibo, lehislatura, hidikatura at institusyong administratibo na may poder at tungkulin na makikita sa malawakang kasunduan (comprehensive compact ). Anumang nilalaman ng MOA-AD na nangangailangan na amendahan ang mga kasaklukuyang batas ay magkakabisa pagkatapos pirmahan ang malawakang kasunduan at naayon sa pinaksunduang panahon na hindi lalabag sa naunang kasunduan. (4)
- Ang partidong nagkasundo ay sumang-ayon na ang BJE ay mnay poder na magtayo, magpaunlad at magpanatili ng kanyang kasangkapan kasama na ang serbisyo sibil, pagpili ng magsisilbi, pananalapi at bangko, edukasyon, lehislatura, legal, pangkabuhayan at pulisya at panloob na seguridad, sistemang hidikatura at mga kulungan na kinakailangan para sa pagsulong ng maunlad na lipunang Bangsamoro sa ang detalye nito ay pag-uusapan sa malawakang kasunduan. (9)
Nangi 56th Foundation Anniversary
February 11, 2009Balita ni Kaka Alih - February 10, 2009
Nuro, Upi…… Ipinagdiriwang ng Barangay Nangi ang kanyang 56th na taon na pagkakatatag. Naging ganap na Barrio (ito ang tawag sa Barangay noon) ang Nangi noong 1953, at ang municipyo nito ay Dinaig (ngayon ay Datu Odin Sinsuat) ang malawak pang probinsiya na Cotabato (hanggang Saranggani, Makilala).
Unang naging pinuno ng Nangi si Mia Moires bilang “Tinente del Barrio” (ngayon ay Chairman).
“Dumalo at makiisa ang lahat ng taga Upi dahil magaganda ang aming mga palabas at programa” Ayon kay Lorenzo Talama-punong Barangay ng Nangi.
Ang mga programa na may tema: “global Krisis, Sipag, Tipid, Tiyaga ang Kasagutan” ay sinumulan kahapon ng salubungan parade at ngayon araw ay ang horse fight. Bukas naman gaganapin ang buong araw na karera ng bisiklita at sa gabi ay Gabi ng organization.
Sa February 12, ang pinakatampok ay ang Medical at Mission, na libre para sa mamayan ng barangay. At sa huling araw-February 14, ay ang motorcross, marathon na magsisimula sa KM 25, anniversary program at sa dakong gabi ay ang amateur singing contest.
Pinaplano ng mga barangay official na ma-”live” sa DXUP FM ang mga programa sa Sabado. At ayon sa Program Manager ng himpilan ay posible dahil sa makabagong technolohiya at ito ay may nauna ng mga programa sa Nangi na naisahimpapawid ng live sa DXUP , tulad ng camping noon ng mga kabataan sa 2004.
Mayor Piang Naaliw sa mga Singer na "Hindi Pa Laos"
February 10, 2009| Mayor Piang Naaliw sa mga Singer na “Hindi Pa Laos” |
Kaka Alih-Feb 8, 2009Nuro, Upi….
Pangatlong pagkakataon na ito na isinagawa ng DXUP FM ng tagisan ng kantahan ng may edad na.
Ang contest ay kaugnay ng araw na pagsasahimpapawid ng DXUP FM noong February 8, 2004. Pinangasiwaan ng station manager Mario Debolgado katuwang ang lahat ng staff at volunteers ng DXUP FM ang taunang pagdiriwang.
Ang kuwalipikasyon ng mga bawat sumali ay kinakailangan na hindi babata ng 40 taon gulang sa araw ng contest.
Dinagdagan ni Mayor Ramon A Piang Sr. ang premyo ng mga mananalo, compliments ng pamahalaan ng Upi, kaya naging dalawang libong piso ang unag gantimpala, one thousand five hundred ang pangalawa, isang libo naman ang pangatlo at tig limang daang piso ang consolation prize.
Umabot sa dalawampu ang nagpatala, ngunit sa pinaka-final ay labing apat na lamang ang natuloy.
Kagabi ang unang tagisan ng pagkanta, at susunod ay sa Pebrero 15, 22 at grand final ay sa March 1, 2009.
Magsisimula ang programa sa ganap na ika pito ng gabi at live na napapakinggan sa DXUP FM.
Ang board of judges ay sina Maria Elena T. II Castro, Petronilo Critobal Jr. at Jacerna Tarnate at ememcee naman si Lucy Duce ang field reporter ng DXUP FM.
“Accumulated” ang score ng labing apat na contestant sa tatlong gabi na pagkanta at ang score ay idadag sa final. Kagabi inihayag ng judges ang “first five”, Reynaldo Angi, Sammy Gunsi, Mike Bajar, Norma Mofastan at Masrzon Pradi.
Ang siyam ay sina: Bernardo Rumpiag Sr., Bing Rufino, Yolanda Babas, Marlon Dimaocor, Letlet Piñera, Romeo Canen, Gloria Paculio at Rosa Dodoy.
DXUP FM 5th Year Anniversary, Masayang Ipinagdiwang
February 9, 2009Balita ni Kaka Alih-Pebrero 9, 2009
Nuro, Upi…Ipinagdiwang ang ika-limang taong pagkakatatag ng community radio -DXUP FM 105.5 MHz, kahapon sa Upi conference hall.
Ang DXUP FM ay itinatag ng local government unit (LGU) kasama ang ibat-ibang sektor ng lipunan, sa pakikipagtulungan ng Local Government Support Program ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (LGSPA).
Ang himpilan ay pinangangasiwaan ng Community Media Education Council (CMEC) at pinatatkbu (manage) naman ng volunteers na station manager, broadcasters at technician.
Ang DXUP FM ay naririnig sa bayan ng Upi, South Upi, Maguindanao at mga kalapit na probinsiya ng Sultan Kudarat, North Cotabato, Lanao Del Sur at bahagi ng Zamboanga.
Unang narinig sa himpapawid mga alas diyes ng umaga, Pebrero 8, 2004 ang 300 Watts na transmitter ng DXUP FM sa 105.5 MHz.
Naging panauhin tagapagsalita si Punong Barangay Myrna Lou De Vera ng Barangay Borongotan. Ang naturang Barangay ang isa sa LGU na naglalaan ng tulong mula sa 20% development fundng IRA nito.
Sa mensahe rin Mayor Ramon A. Piang Sr., kanyang inihayag na maaring sa taon na ito ay makabili na ng 1000 watts na transmitter ng DXUP FM, upang sa gayon ay maliwanag na mapapakinggan sa malayo ang signal.
Dumalo at nagbigay rin ng “message of support” ang mga regular na sponsors at ibang opisyal ng bayan.
Ang ARMM Social Fund Project ay nagpadala ng kanyang representative sa katauhan ng Presidente ng Peoples Bagi Organization -Layza Baltazar. Ayon sa Text message mula kay Soraida S. Aragon , municipal coordinator ng ARMM Social Fund ay sisikapin ng ahensiya ang patuloy na pag-sponsor ng mga naturang programa sa DXUP FM.
Pagkatapos ng live program ay naghanda naman ang mga staff volunteers para sa singing contest ng 40 gulang na mga singer. Ang videoke singing contest ay tinaguriang “Hindi Pa kami Laos” ay pangatlong beses ng naidaos mula ng maitatag ang himpilan.
Nagsimula ang contest ganap na ikapito ng gabi, ay susunod ay sa 15, 22 ng Pebrero at ang grand final ay sa Marso 1, 2009.
Kuktura ng mga Bangsamoro
February 6, 2009(Part ng script na sinulat ni Alih Anso para sa programang Bantay Bayan Boses ng Sambayan, segment na Bantay Kultura at Kaugalian- part ng Bangsamoro -7-8 ng umaga Feb. 6, 2009)
Ang ibig sabihin ng kultura ay ang paraan ng pamumuhay ng mga tao nagpapakita ng kaugalian, tradisyon,mga sining, sistema ng edukasyon, musika at pamahalaan.
Kilalanin ang Kultura ng mga Bangsamoro?
Bago pa man dumating dito sa mga pulo o lupang nasa Silangan ang mga Kastila, noong 1521 ay may kultura na ang mga naunang naninirahan.
Likas sa tao na ayaw pasakop sa dayuhan, kaya naman ang mga ninuno natin ay nagtanggol sa kanilang mga kaharian para hindi masakop ng dayuhan, ngunit dahil sa makabagong armas ng kanilang kalababan, sila ay natalo at nasakop ng Espania. Ngunit ang mga Kapatid na taga Mindanao na ngayon ay lalong kilala sa bansag na Bangsamoro ay hindi nasakop, at magpahanggang sa ngayon ay patuloy pa rin ipinagtatanggol ang kanilang kultura at relihiyon.
Dahil ang mga mamayan sa Lupang Silangan (na tinawag ng Espania na Pilipinas, na ang ibig sabihin ay “tao ni Haring Felipe“) ay nasakop ang mga Pilipino (tawag sa taong nasa Pilipinas). Ang kanilang mga kultura ay dahan-dahan nakalimutan at nangawala at di man nawala ay nadagdagan o sadyang nabago sa pagdaan ng panahon, at napapalitan ito ng kulturang banyaga.
Samantala sa bandang Mindanao, Sulu at Palawan (MINSUPALA) ay nahirapan ang Espania na sakupin. Ang dahilan nito ay noon pa man bago dumating ang mananakop na Espania ay ng matatag na bansa ang mga Bangsamoro. Sila ay may sarili ng pamamahala o gioberno. Bagamat hindi gaano makabago ang armas, ng kanilang tanggulang bansa (national defense) ay organisado at may kaalaman mga tagapagtanggol o hukbong sadatahang lakas ng Sultanato. Dahil sa paglaban ng ito ng mga Bangsamoro ay hindi basta-basta nakapagtatag ng kanilang goberno dito sa MINSUPALA ang mga dayuhang mananakop na Espaniol. Ngunit gumamit ng isang stratehiya militar ang mga dayuhan, ginamit nilang “hostage” ang pamilya ng mga “Pilipino”, kaya naman, napilitan o labag man sa kanilang kalooban na labanan ang kanilang kadugo ay wala silang magagawa kundi sumunod sa gusto ng nasa puwersa. At dito dahil sa tulong ng mga kapatid na ngayon ay tinawag na Pilipino (na walang magawa kundi sundin ang utos ng mananakop, kaya sila napilitang maging mandirigma na nagsisilbi para sa Espanya) ay natalo nila ang depensa ng mga Bangsamoro. Unang naitala sa history na sa Sambuwangan (Zamboanga), ay natalo ang tanggulan o depensa ng mga Bangsamoro at nakuha ito ng Espania , at tinawag nila itong “cota del pilar”.
Dahil sa hindi nasakop nanatili (intact) ang kultura ng mga Bangsamoro (Moro ang tawag ng Espania sa mga tao na katulad ng kanilang nakalaban sa Morocco. At Bangsa ang ibig sabihin sa Malay ay nangangahulugan ng angkan- kaya angkan ng mga Moro=Bangsamoro)
Ang relihiyon ng mga Bangsamoro noon pa man ay Islam. Ang ibig sabihin ng Islam ay pagtalima at pagsuko sa nag-iisang Diyos. Ang tagasunod ng Islam ay tinatawag naman na Muslim na ang ibig sabihin ay naniniwala, mga taong tumalima sa kautusan ng Allah (ang tawag sa Poong Lumikha o Diyos).
At dahil sa paniniwala sa Islam ang kanilang mga kultura ay nilimbag sa katuruan ng nasabing relihiyon.
Napaalis o sadyang umalis ang mga Espaniol, dumating ang Amerikano (tawag sa taga Amerika), naglaban ang dalawang malalakas na bansa noon, natalo naman nila ang Espania at sila ay napaalis dito sa Pilipinas, (ngunit ang totoo ay “mack war” o kunwaring giyera lamang dahil ang totoo ay ipinagbili ang mga mga Pilipino, hindi kasama ang mga Bangsamoro, sa halagang dalawampung libong piso lamang, ). Umalis na ang Espania ngunit ang kanilang kamandag ay nanatili nanalaytay pa rin sa dugo ng mga Pilipino.
Nasakop na naman ng Amerika ang mga Pilipino ngunit hindi ito nagtagal, bakit ? dahil marahil wala na silang makakatas, dahil nasaid na marahil ng Espania ang tamis nito, kaya iyon marahil ang dahilan na ibinigay na nila ang “pagsasarili” (independence) sa mga Pilipino noong 1945.
Ang masakit lang nito ay isinama nila ang mga kapatid na nasa Mindanao na hindi man lang nila kinunsulta, ong papayag ba sila o hindi. Sa kabila ng katotohanan na sila ay nagsisigaw na ibalik sa kanila ang kanilang dating pagsasarili.
Nagplano ng mga programa ang bagong nagsasariling bansa (ang Pilipinas) kong papaano magkaisa (integration program) sa paniniwala at kultura ang Pilipino at ang ayaw na matawag na Pilipino. Sila ay nakipagsalamuha, naging kapit bahay at ang iba ay naging kabiyak, at dito sa prosesong ito ay dahan-dahan, nabuo ang mga kultura at kaugalian na hindi ginagawa ng mga ninuno ng mga Bangsamoro at taliwas sa katuruan ng Islam.
Ang tanong ano ang mga ito, na mga kultura at kaugalian na wala sa mga ninuno at hindi itinuturo ng relihiyong Islam?
Narito ang ilan na makikita mo sa mga Bangsamoro :
1. Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan (Birthday)
2. Pagpapaputok sa araw ng Id
3. Kalilang (ceremonial of marriage)
4. Pagdadamit
5. pag-inom ng alak na makalasing (kamer)
1. Pagdiriwang sa araw ng kapanganakan (Birthday)
Ang mga “assimilated” na Bangsamoro sa ngayon ay nagdiriwang na rin ng kaarawan ng kanilang mga anak katulad ng mga Pilipino o yaong ngayon ay tinatawag na “settlers”.
(Cultural assimilation
, the process whereby a minority group gradually adopts the customs and attitudes of the prevailing culture )Assimilation Socilogy
- The blending or fusing of minority groups into the dominant society. It is the process by which individuals or groups are absorbed into and adopt the dominant culture and society of another group.The term assimilation is generally used with regard to immigrants to a new land, such as the various ethnic groups who have settled in the United States. New customs and attitudes are acquired through contact and communication. The transfer of customs is not simply a one-way process. Each group of immigrants contributes some of its own cultural traits to its new society. Assimilation usually involves a gradual change and takes place in varying degrees; full assimilation occurs when new members of a society become indistinguishable from older members.
Ang mga ninuno ng mga Bangsamoro ay may sarili silang pagdiriwang sa mga anak na bagong panganak, pagkapanganak ay tatawag sila ng Azan o bang sa tabi ng kanilang anak. Ilang araw o linggo ay magtatakda sila ng kaduli na tinatawag na “gunting” dito bibibigyan ng pormal ng pangalan ang bata. Sa ibang tribung Bangsamoro (Maguindanaon, Iranon) mayroon din silang tinatawag na “likat sa lantay” isa din itong uri ng kanduli (thanksgiving).
Papaano nagdiriwang ang mga ibang Pilipino ng kaarawan? Kanilang hinalaw marahil sa kanluraning kultura.
Ang pagdiriwang ng kaarawan ay bantog na bantog noon pa sa mga paganong Greko at Romano. Ito ay ipinagdiriwang sa pamamagitan ng pagdarasal, pag-aalay, masaganang kainan, at ang pagbibigay ng regalo sa may kaarawan.
Diyan marahil nahango ang pagdiriwang sa kaarawan ng kapangakan ni Jesus o Iesa (kapayapaan ay sasakanaya).
Tanong:
“…bakit kayong mga Bangsamoro ay ipinag diriwang ang Kaarawan ni Propeta Muhammad kong tawagin ninyo ay Maulidin Nabi”Ito ay sadyang napakalungkot na nangyayari. Bagama’t ang mga Muslim ay may maliwanag na patnubay na nananatiling nasa orihinal na anyo hanggang sa ngayon, hindi pa rin maiwasan ng iba ang pagsagawa ng mga bagay na salungat sa itinuturo ng Islam. Ito ay dulot ng kamangmangan sa pananampalataya at sa pagnanais na tularan ang ginagawa ng iba.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Anumang bagong bagay na isinasama sa ating pananampalatayang ito (Islam), ay hayaan itong itakwil.”
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Wala nang iba pang gawain na makapaglalapit sa inyo sa Allah maliban lamang sa mga naituro ko sa inyo.”
Bilang pangwakas, tayong mga Muslim ay may dalawang batayan sa ating panuntunan ng buhay: ang Qur’an at ang Sunnah ni Propeta Muhammad. Ang ating pamumuhay at pagsamba ay nararapat lamang ayon sa Kanyang ipinahayag at sa pamamaraang itinuro ng Kanyang Propeta upang ito ay tanggapin ng Allah.
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“May dalawang bagay akong iiwanan sa inyo na kung inyo itong panghahawakan ng mahigpit ay hindi kayo maliligaw: ang purong Salita ng Allah at ang aking Sunnah.”
Mga karagdagang mga talata sa Qur’an at mga Hadith:
“Katotohanan, nasa Sugo ng Allah ang pinakamahusay na halimbawa upang pamarisan - sa sinuman na may pag-asam sa (pagharap sa) Allah, sa Huling Araw at laging alaala ang Allah.
[Surah Al Ahzab, 33:21]“…At anuman ang ibigay sa inyo ng Sugo ay kunin ito, at anumang kanyang ipagbawal sa inyo ay iwasan ito
…” [Surah Hashr, 59:7]“… At hayaan ang mga sumasalungat sa mga ipinag-uutos ng Sugo na mag-ingat, kung hindi’y magkakaroon sila ng Fitnah (pagsubok, kahirapan, lindol, patayan, pang-aapi, etc) o isang napakasakit na parusa ang mapapasakanila.” [Surah An-Nur, 24:63]
“O kayong nananampalataya! Sundin ang Allah at sundin ang Sugo), at yaong may otoridad. Kung kayo’y di-magkaunawaan sa anumang bagay sa isa’t isa, isangguni sa Allah at sa Kanyang Sugo (saws), kung kayo ay naniniwala sa Allah at sa Huling Araw. Iyon ay higit na mahusay at higit na karapat-dapat sa huling pagpapasiya.” [Surah An-Nisa, 4:59]
“At kung inyong susundin ang karamihan dito sa daigdig, kanilang ililigaw kayo nang malayo sa landas ng Allah. Wala silang sinusunod maliban sa haka-haka, at wala silang ginawa kundi magsinungaling.” [Surah Al An-am, 6:116]
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Mag-ingat sa kalabisan tungkol sa relihiyon. Napahamak ang mga nauna sa inyo dahil sa kanilang pagmamalabis tungkol sa relihiyon.”
Si Propeta Muhammad ay nagsabi:
“Huwag magmalabis sa pagpuri sa akin kagaya ng ginawa ng mga Kristiyano sa anak ni Maria. Ako ay isang alipin, kaya’t inyo lamang sabihin: “Alipin ng Allah at Kanyang Sugo”.
2. Pagpapaputok sa araw ng Id
Pagsapit ng Id (Hariya Puwasa at haj) ay nagpapaputok ang mga Bangsamoro, bilang pagsasaya, katulad ng pagdiriwang mga Intsik. Ang mga Intsik na kilalang mangangalakal sa mundo at dumating na sila ditto sa MINSUPA, at marahil ito ang impluwensa nila sa mga Talainged (native inahabitants).
Noon ang pinapuputok ay rebentador at kanyon na gawang Tsino, di nagtagal ay ginaya ng mga mga Pilipinong taga Bulacan. Sa ngayon ay nawala ang mga iyon, at napalitan ng mga makabagong armas na pumuputok at ito na ang ginagamit.
3-Kalilang (ceremonial of marriage)
Ang kasal ay sa mga restaurant o hotel ay isinasaayos ng mga “third generation” at kanila nila ito kinopya sa sa kultura ng settlers at dinagdagan ng kulturang Bangsamoro, lalo na yaong hindi pa tanggap ng mga katutubong Bangsamoro. Halimbawa ang Biblia ay pinalitan ng Qur’an. Nagsasabay ang babae at lalaki, at nagpaparada na ang babae kahit hindi pa sila kasal.
Naglalagay din sila ng decoration na tinatawag na pandala.
Ang mga Bangsamoro noon kong may ikakasal ay hiwalay ang lalaki at babae, pagkatapos ng Kutba Nikah (wedding sermon) ay sasamahan ang lalaki ng biyanan sa babaeng pinakakasalan.
Ang kalilang ay ginagawa sa bahay ng babae, isa araw o higit pa bago ang kawing l o kasalan.
4- Pagdadamit
Sa ngayon ay nakapantalon ang mga babae katulad ng mga lalake, at ang mga damit ay hakab na hakab ang porma ng katawan.
Ang damit ng babae ay tinatawag na minoro ang pangitaas at malong ang pang-ibaba, ito ay kahantulad sa damit ng T’duray noon. Nagtetendong (bandana) ang mga babae. Naglalagay ng mga decoration ang babae sa kanyang damit ng mga ginto o pilak.
Ang lalake naman ay gumagamit ng tubaw. At may nakasukbit na gurok sa tagiliran (maliit na punyal) at nakasabit na sundang o kampilan sa biwang at kong minsan may dala-dalang bangkaw (spears).
5-pag-inom ng alak na makalasing (kamer)
Sa ngayon ay umiinom ng alak na makalasing ang mga Bangsamoro, katulad na rin mga Settlers na Pilipino, kahit ito ay patago sa mga kamag-anak o angkan, dahil sa isinusumpa o itinuturing noon ng mga ninuno na “kafir” (hindi naniniwala) ang uminom ng arak (alak na makalasing) ayon sa paniniwala ng ninuno o matatanda ay 40 na araw na walang matatanggap na amal (pagsamba sa Allah o Gawain para sa Allah ang matatanggap).
Ang basehan ng mga Bangsamoro kong bakit hindi dapat inumin ng isang Naniniwala ang alak na makalasing ay base na rin sa Quran.
“O kayong naniniwala o Nanampalataya! Ang mga nakalalasing na alak (lahat ng uri ng inuming may alkohol at i iba pa na nakapagbibigay ng lambong sa kaisipan tulad ng ipinagbabawal na gamot, droga, ), pagsusugal, Al Ansab at Al Aslam (mga gamit sa paghahanap ng suwerte at pasiya) ay kasuklam-suklam at mga paglalalang (pakana) ni Satanas. Kung kaya’t iwasan ito upang kayo ay mangagsipagtagumpay.” [Qur’an, Surah Al Maida: 90]
Mga sakit na idinudulot ang alak,
Binubuhay nito ang seksuwal na pagnanasa, na siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag ng laman: na tulad ng panggagahasa, karahasan at kalaswaan. At ang pinatutungahan nito kung minsan ay pagpapatiwakal!
Nagdudulot ito ng pinsala sa utak: Isa sa sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang tao, sanhi rin ito ng pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex cells’ (nagpapagalaw sa ating kalamnan) sa utak ng isang tao na nauuwi sa pagkasira ng ulo.
Nagiging sanhi rin ito ng unti-unting pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo sigoro marami kayong alam na naparalitiko na palainum ng alak,)
Pinipinsala rin nito ang atay ng isang tao, na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga lason sa loob ng katawan, lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong pangyayari ay tataas ang antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang makaka-apekto sa pagkilos ng kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung kaya, hindi na magiging normal ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging makasarili na siya, magalitin, mapaghinila at magiging malungkutin.
Pagkakaroon ng depekto sa kidney, sa albumin sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo (o fatal blood acidity), na magwawakas sa ‘heart failure.’
Nagdudulot ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga mata na humahantong sa pagkabulag ng tao.
Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.
BDC: Orientation sa Pagtatanim ng Luya (ginger)
February 3, 2009Nuro, Upi, Shariff Kabunsuan.….Muling nagsagawa kaninang umaga ng orientation sa mga magsasaka na interesadong magtanim ng luya ang Business Development Center (BDC).
Ipinaliwanag at nagbigay ng demonstration ng mga supporting staff ng BDC sa pangungauna ni Manager Raul Gardose.
Pinakita sa mahgit na dalawapung magsasaka na dumalo kong magkano ang magiging net income sa 1/4 hektarya at papaano ang makabagong technoohiya sa pagtatanim ng luya.
Ang pinakabago na programa ng BDC ay paghihikayat ng pagtatanim ng luya sa polybag plastic na sa loob lamang ng 120 na araw.
Ayon kay Gardose halos doble ang tubo ng mga magsasaka sa naturang bagong technolohiya.
Dagdag pa ni Gardose ay handang bumili ng Nopa Food Corporation na nakabase sa Davao City ng pickles na luya (120 araw ang edad) ng 20 tonelada bawat buwan.
Ang mga naunang training na naisagawa ng BDC hinggil sa pagtatanim ng luya ay katuwang ang USAID’s Growth with Equity in Mindanao (GEM) Program.


