Bakit Nagdadala ng mga Armas Ang mga Bangsamoro/Pilipino?
April 2, 2009
![]() ![]() (Mula sa script na sinulat ni Alih Anso- para sa programang “Suara Talainged” (Voice of the Native Inhabitants) April 1, 2009-6:00-7:00 evening) Noong pang mga unang panahon, likas na sa tao ang pagdadala ng armas, upang ipangtanggol ang kanyang sarili sa namiminsala dito, dahil ang Allah [Panginoon] ay ginawa niya ang kanyang mga nilalang na kumpleto sa kanilang mga pangangailan. Hindi lang ang tao ang binigyan niya ng karapatang ipagtanggol ang sarili kundi pati na mga hayop, insekto o anu mang bagay na may buhay, ay binigyan ng Poong Lumikha na protektahan o ipagtanggol ang kanyang buhay. Halimbawa ang kalabaw binigyan niya ng sungay, ang alimango binigyan niya ng sipit, ang ahas binigyan niya ng ngipin at venom, ang ibon ay binigyan ng matutulis na kuko. Bagamat ang Allah [Poong Lumikha] ay ginawaan tayo ng karapatan na ipagtanggol ang ating sarili ay gumawa din siya ng mga batas na dapat sundin ng tao o kanyang mga Nilikha, kong papaano gagamitin ang bahagi ng ating katawan, kong papaano pangalagaan ang Spiritual na katawan at ang ating hiram na katawang mortal. Sa panahon pa ng mga Propeta ay tinuruan na ng Lumikha ang tao na ipagtanggol ang kanyang sarili, pamilya at angkan. Halimbawa sa panahon ni Jesus [kapayapaan ay sasakanya] [Iesah Ibnu Maryam/Jesus the Son of Mary] di ba sinabi niya sa kanyang mga disipulo na ipagbili ang kanilang mga gamit at bumili ng espada. Sa panahon din ni Propeta Muhammad,[Sallallahu Alaihi Wasssallam -SAW] ganoon din, ipinahayag din sa kanya ng Allah ang pagtatanggol sa Islam, ito ang tinatawag na Jihad [pakikibaka sa daaan sa Allah]. Si David,(Daud-Ang kapayapaan ay sumasakanya) ay ipinagutos at itinuro sa kanya ng Panginoon na ipagtanggol at gumamit ng bato, na siyang n siyang ipupukol at tatalo kay Goliath. Sa buong mundo ang tao ay natutuhan na nila na ipagtanggol ang kanilang mga sarili, pamilya, tribu. Tulad sa mga langgam,na kumpleto ng grupo, may tagahakot [labor], tagapagtanggol [army] at tagapamahala [queen]. Ganoon din ang tao sila ay nagtalaga ng mga kasama o grupo na siyang magtatanggol sa pamilya o tribu, at sa panahon natin ngayon ito yaong tinatawag nating: Sandatahang Lakas o Armed Forces. Sila [pulis at AFP] ang naatasang magtatanggol sa mamayan, sa ano mang mga sakuna o kapamahamakan na makakasira sa mga Pilipino. Sa Pilipinas, noong pa mang unang panahon na wala pa ang mga tinatawag na mananakop na Kastila at Amerikano ay tinuruan na tayo ng mga ninuno natin na ipagtanggol ang angkan o tribu, laban sa ibang tribu o angkan. Ang ating mga ninuno ay may batas na sinusunod, kong papaano gagamitin ang armas na yaon upang ipagtanggol ang sarili, tribu o angkan. Kong kaya bata pa ay hinuhubog na nila sa pakikipaglaban, ang kanilang mga anak, upang pagdating ng panahon ay maging handa na ito sa gagawing tagapagtanggol ng kanilang angkan. Ang ganitong kaugalian ay minana na ng mga Pilipino, hanggang sa ngayon, na may mga batas na tayong pinapairal sa buong bansa ng Pilipinas. Ang masaklap nito may mga Pilipino pa rin na hindi tanggap na sila ay bahagi ng Pilipinas, ang turing sa kanilang angkan ay hindi sila mga Pilipino kundi sila ay pilit na sinakop lamang, dahil sa kanilang paniniwala ay may sarili silang batas sa kanilang tribu o angkan na dapat sundin. Halimbawa nito ay ang mga Bangsamoro, ang paniniwala nila hanggang sa ngayon sila ay isang grupo o angkan na hindi nasakop ng Espania kong kayat ang paniniwala nila ay hindi dapat sundin ang pamamaraan ng banyaga kundi ang kanilang pamamaraan, kultura at kaugalian. Ang isang mabibilang kong bakit Bangsamoro ay nagdadala ng armas ay Kawalan ng tiwala sa isa’t isa ito sa minana din nating mga susunod na henerasyon na Bangsamoro at Pilipino. Ang turing sa bawat isang grupo o tribu ay maaring kalaban dahil sasakupin ang tribu, at ito ay itinuro ng mga magulang sa kanilang mga anak. Itinuro sa kanilang mga anak na maghanda sa anu mang pananakop sa kanila ng mga estranghero. Ang mga batas ng bawat tribu o bawat angkan ay sali’t-saling lahi na itinuturo sa kanilang susunod na angkan, ngunit dahil sa pagkasakop sa kanila ay unti unti ito ay hindi na naituturo sa mga anak, kong sakali’t naituturo man sa kanilang mga anak, ay kukunti ang natutuhan sa kanilang kultura at kaugalian, bagkus lalong nakakahigit na natutunan ay ang pag-uugali ng mga mananakop na banyaga, na siya ngayong mahirap para sa murang isipan kong papaano pag-ugpongin, kong saan ang dapat susundin. Sabi ng magulang, di dapat sundin ang sa banyaga dahil hindi atin , samantala ang turo sa paaralan ay ito ang nararapat, ito ang magandang kaugalian at paniniwala, hanggang sa unti-unti ay nahahati na ang paniniwala ng mga bata, kong kaya marahil ang iba ay gumawa na ng sariling pagpapasiya o batas na siyang susundin at paiiralin. Nang dumating ang mga mananakop na Espaniol, pilit na itinuro ang kanilang paniniwala, at pinagagawa ang kanilang kultura, kahit ayaw ng mga katutubong Maharlika [ayon kay Pres. Marcos ito raw ang katawagan sa mga Pilipino noon], Dumating din ang mga mananakop na Amerikano, at tulad ng nauna, [Espaniol] itinuro din ang kanilang kultura at kaugalian. Dito na na ibang mamayan Pilipino ay dahan dahan nila itong niyayakap ang banyangang kaugalian at paniniwala, lalo na ang mga bagong sibol, sila ay naniwala na ito ang maganda, kaysa batas, kultura at kaugalian ng kanilang tribu, hangga’t halos hindi na maintindihan o makilala ng mga kabataan na ito kong saan sila dapat na sumunod. Sa Pilipinas sa ngayon ay may batas tayo para sa mga Pilipino. Kahit sino ka man, Taga Luzon, Visayas o Mindanao, Ilokano, Ilonggo, Bisaya, Meranaw, Iranon, Maguindanaon, T’duray o Tausog o anu mang tribu, ay dapat kang sumunodo sa batas na ito, dahil ayon sa batas lahat tayo ay Pilipino. Ngunit tulad ng ating sinabi karamihan hanggang sa ngayon ay marami pa rin sa mga tao na hindi naniniwala na sila ay Pilipino na. Ang mga bagay na ito ay nakita na ng naunang mga namamahala [leader ng Pilipinas] sa bansang ito, kong kaya itinatag ang Commission on National Integration o CNI, ngunit ay hindi ito nagtagumpay, kong mayroon man tagumpay na naani na=integrate ang mga Pilipino na iba iba ang tribu ay “minimal” lamang at sa kaso ng mga Bangsamoro ay siyang pang naging mitsa ng malakihang pag-aalsa o paghihimagsik [revolution] o paglaban sa goberno, tulad nina Nur Misuari at kasamahan, sila ay mga scholar noon ng CNI, ngunit dahil sa pagtuturo sa kanila na kailangan na tanggapin ng lahat na tayo ay iisang lahi kaya dapat isahin natin ang ating paniniwala at pag-uugali ay lalong nagpagising sa kanila na dapat ng putulin ang ganoong pagtuturo hanggang sa sila ay makabuo ng grupo [MNLF / MILF] upang buhayin muli ang nakagisnan na paniniwala, batas at kultura ng kanilang angkan o tribu na ngayon ay tinawag nilang Bangsamoro. Natutuhan ng mga Pilipino ang kaugalian ng Amerikano, lalo na ng dumating ang makabagong kabihasnan na may, entablado, ang puting tabing o pelikula, lalo ng dumating ang telebesyon o TV ay mabilis na napalaganap ng mga banyaga ang kani-kanilang kultura at kaugalian. Ang mga tao lalo ang mga kabataan ay halos hindi na nila alam kong sila, saan sila susunod, hanggang ang iba ay hindi na natutung sumunod sa anu mang batas, sa Pilipinas man o sa kanilang tribu at sila na mismo ang gumawa ng sarili nilang pamamalakad. Sa madaling salita, ang ibang Pilipino ay wala ng paniniwala sa batas, na kanilang kinagisnan, ng kanilang tribu, ganoon din sa batas na kanilang ginagalawan. Na dapat sana ay maunawaan ng mga kabataan na ito, mahubog sa sinasabi ng batas, ngunit dahil nga sa magkasalungat ang paniniwala, dahil sa ang eskuwelahan kong saan nag-aarala ang mga anka nila, ang itinuturo ay ang dapat na naayon sa batas ng Republika ng Pilipinas, samantala ang itininuturo naman ng mga magulang (Bangsamoro) ay salungat at sinasabi na ang nararapat para sa kanilang tribu,.. Sa panahon ngayon, ang kapaligiran ng tao ay marami kang makikita at mapapanood, lalo na ngayong may telebesyon na pwedeng manood ang kabataan sa gusto nila, na madalas ang palabas ang ay western style, tulad ng nasa Texas, Amerika, na cowboy style o bawat mamayan ay may sukbit na baril. Sa pag-gawa ng pelikula, pati ang style ng Amerikano ay ginaya ng Pinoy. Matandaan ninyo ang mga pelikula nina Fernando Poe Jr? Jess Lapid, Lito Lapid, di ba ala cowboy style, na siya naman iniidolo ng mga kabataan. Iya ng ang malaking “factor” kong bakit mahilig o gusto ng mga Pinoy ang pagdadala ng baril, at masakit nito ay hindi lang lalaki, pati babae sa ngayon ay nagdadala na rin ng baril, marahil dahil sa “women liberation”na siya ring natutunan ng kababaehan sa ngayon. Ang iba naman kaya nagdadala ng baril, ay dahil sa kawalang ng tiwala sa gobernong ito na siyang tagapanggol sana sa lahat ng sandali. Ngunit hindi nagagawa ng ating pamahalaan. Bakit? Papaano ba naman magagampanan, ng Pulisya, kulang ang bilang ng Pulis,[ratio] na dapat sa bawat mmamayan, bakit hindi di madagdagan ang bilang? Ang kasagutan: “… kulang ng budget.” Kong minsan naman ang turing nila sa tagapagtaggol ng mamayan ay kanilang kalaban. Kong minsan ang paniniwala ng iba, ang pagdadala ng armas ay isa ito sa rerespetuhan ka ng ibang tao kapag may baril ka. Para sa iyo kaibigan, bakit ka ba nagdadala ng armas? Pwede kang magbigay ng iyong dahilan kong bakit kayo nagdadala ng armas na pangtanggol sa inyong sarili. |





Like your words. Welcome you to my homepage!
Posted by Coach Outlet Store Online at February 23, 2012, 2:56 pm