DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 19. May 2009

Mamamayan: Ang Tunay na Yaman ng Bansa?

May 19, 2009
     

(Bahagi ng script na sinulat ni Kaka Alih para sa programang “Bantay Bayan Boses ng Sambayanan” sa segment  na “Bantay Kaunlaran” May 18, 2009-7:00-8:00 AM- anchor Lenyrose B. Sunio at Co-Anchor/scriptwriter-alih S. Anso)

Tao o mamamayan ang itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Bawat isang mamamayan ay mahalaga sa pagbuo ng bansa. Nakasalalay sa uri ng mamamayang naninirahan dito ang lakas at kaunlaran ng isang bansa. Mahirap mabuo at umunlad ang isang bansa kung ang mga mamamayan nito ay walang pagkakaisa, nag-aaway-away at nangangamba sa kaligtasan ng kanilang buhay at ari-arian.

Ang produktibong mamamayan ang tunay na yaman ng bansa. Hindi uunlad ang isang bansa kung walang taong gagawa.Ano ba ang dapat taglayin ng mga mamamayan upang makatulong ito sa pagbibigay-lakas at kaunlaran ng bansa?

(PLUGS – DUCE BLACKSMITH SHOP, ARMM SOCIAL FUND)

Ang tanong natin kanina: Ano ba ang dapat taglayin ng mga mamamayan upang makatulong ito sa pagbibigay-lakas at kaunlaran ng bansa?(Read sms relevant if any)

1.    Upang maging madali para sa bansa ang pagtatamo ng kaunlaran, kailangang ang makatuwang nito’y mga taong may lakas, kakayahan, may disiplina at kaalaman.

2.    Pangunahin at .pinakamahalaga sa lahat na dapat taglayin ng mga mamamayan ay may malulusog na katawan at isipan.

  • May kasabihan tayo na “Ang kalusugan ay kayamanan.·   
  • Maituturing na ring mayaman ang isang taong malusog kahit mahirap siya sapagkat taglay niya ang lakas upang gampanan ang kanyang mga tungkulin at gawain.·  
  • Mayaman man ang isang tao ngunit kung siya’y masasakitin, mauuwi lamang sa pagpapagamot ang kanyang salapi at malabong siya’y maging produktibo rin.·   
  • Ang mamamayang may malusog na pangangatawan ay malaking puhunan upang makatulong sa produksyon ng bansa.·   
  • Madali at mabilis niyang magagampanan ang gawain kung siya’y malusog.
  • Maraming proyekto ang nangangailangan ng lakas ng katawan.

3.    Malaking tulong din sa pagiging produktibo ang pagiging matalino.·   

  • Kayamanan ng bansa ang magkaroon ng matatalinong mamamayan.·   
  • Kailangan ang malusog na isipan sa paglutas ng mga suliranin ng bansa at sa pagpapasya.·   
  • Kaya naman isinusulong ng pamahalaan ang edukasyon para sa lahat.
  • Kailan ba magsisimula ang Brigada
  • Eskuwela? Batid ng pamahalaan natin, ng LGU Upi na ang kamangmangan ay hadlang sa kaunlaran ng isang tao.
  • Kaya napapansin ninyo todo suporta ng LGU Upi sa mga ating mga paaralan, kasama na dito ang ating mga Madraza. Bagamat hindi sapat ay pinagsisikapan nilang kahit  papaano ay may allowance ang mga guro (teachers aid at Ustadz).

4.    Kailangan din ang disiplina sa sarili upang magkaroon ng kaayusan at kapayapaan ang isang bansa.·   

  • Ano sa palagay ninyo ang maaaring kahinatnan ng isang bansa kung ang tao ay walang disiplina?·   
  • Naisip ninyo na rin ba ang magandang mangyayari kung lahat ay may disiplina?·  
  • Naisip nab a ninyo ang mangyayari kong walang naapi?·   
  • Naisip na ba ninyo ang mangyayari sa bansa kong walang nagnanakaw sa kaban ng bayan?·   
  • Naisip nab a ninyo kong an gating mga kawani at official ng bansa, ng bayan, ay tutupad ng kanilang mga tungkulin ng tapat at dalisay?·   
  • Kung hindi magtatapon ng basura kung saan-saan ang ating mamayan?·   
  • Kung magtitipid   sa    koryente ang ating mamayan?·   
  • Kung susunod siya sa mga batas at alituntunin ng trapiko, ng patakaran ng pagtitinda sa palengke?·   
  • Kung iiwas siya sa mga bisyo tulad ng mga ipinagbabawal na gamot?·    At higit sa lahat, kung tutupad ang bawat isa sa kanyang mga tungkulin? (ang Pulis, bilang Pulis, ang guro bilang guro, )
  • Tungkulin sa kanyang kapuwa at higit sa lahat tungkulin sa kanyang Poong Lumikha.
  • 5. Yaman din ng bansa ang mga mamamayang may kakayahan at nagtitiwala sa kanilang kakayahan.·    Dapat palaging “positive thinking” ang mga mamayan.·    Mahalaga sa pag-unlad ng kabuhayan ng bansa ang manggagawang may kasanayan.·   
  • Kailangan din ng bansa ang mamamayang masipag at may magandang saloobin sa paggawa. Kahit hindi nakikita ng iyong amo ay ginagawa niya ang kanyang trabaho likas sa kanyang kalooban, tulad ng ating paniniwala na nakikita ng tayo ng Poong Maykapal sa lahat ng sandali.

Posted by dxupfm at 2:12 pm | permalink | comments[42]