DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 31. May 2009

Manhole na hinukay ng FFJJ na walang Warning Sign: Inirekalamo ng Pamilya na Napirhuwesyo

May 31, 2009

Balita ni Alih S. Anso

Nuro, Upi  (May 31, 2009)… Hukay na ginawa ng FFJJ construction inireklamo ni Rosalita  Ravelo na nahulog ang unang gulong ng sasakyan sa hinukay na lup.   Ang paghuhukay ng FFJJ ay bilang bahagi ng project ng Local na Pamahalaan ng Upi (LGU) ang Upi Water Level 3 na  matagal ng hindi natatapos.

“Sana lagyan man lang   ng warning sign bilang babala sa mga dumaraang sasakyan at mamamayan ng hindi mangyari ang ganito” Mangiyak-ngiyak at nagpupuyos na galit na reklamo ni Mrs Ravelo.

Kaninang 10:00 ng umaga ay nahulog ang sasakyan nina Mrs Ravelo at nagkaroon ng mga galos at pasa sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan kasama ang  maliit na anak at asawa dahil sa pagkaumpog, ng mahulog ang isang gulong ng sasakyan sa hukay, na nasa kahabaan ng Palileo Street. 

Nitong  nakaraang ilang buwan na madalas na inrereklamo  ng mga mamamayan sa DXUP FM ang mga hukay ng FFJJ na hindi natatakpan at walang warning sign.

Ang FFJJ construction ang contructor ng water project ng Local Government of Upi na naunang ng naka-schedule na matatapos nitong nakaraang taon, ay nakaschedule nitong unang buwan ng taon, ngunit Hunyo na ay wala pa ring malinaw na paliwanag kong kailan magkakaroon ng tubig inumin ang mga taga Upi, dahil hindi pa natatapos ang construction ng proyekto.

Posted by dxupfm at 4:47 pm | permalink | comments[1]