Mga Dahilan Bakit Nag-aaway si Lalaki at Babae
July 31, 2009
(July 31, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
“Papaano hindi kami mag-aaway Kaka I nagger si Babae.”
“Lasenggero ang aking asawa, Kaka, kaya madalas kaming mag-away” . himutok ni Kumare minsan sa aking panayam sa kanya na off d record daw. (ibig niyang sabihin walang audio recording, ano na lang matandaan ko,)
“Hindi ako lasengg! HIks!” Yan ang paboritong sabihin ni Lalaki pagkatapos n’ya na mag-inom sa kanto. Uuwi sa bahay at aawayin si Babae at ang mga anak.
Sino ba namang matinong Lalaki ang ganito ang asal na magugustuhan ni Babae?
Babaero si Lalaki. Naku…hindi lang sampal ang aabutin kay BAbae, baka bugbog sarado si Lalaki sa sermon at posible pang magka-hiwalayan. Heot na ang problema…. Kawawang mga anak.
Heto pa ang matinding dahilang….Lalakero si Lalaki. Well, napakalaking insulto ito para kay Babae. Hindi nakuntento sa kanya si Mister kaya naghanap ng…lalaki. Mas maganda pa siguro kung babae ang hinanap! Ewan ko lang kung hindi rin ito mauwi sa hiwalayan.
Ngunit papaano kong ganito ang dahilan: Lalakero si Babae. Nag-abroad si Lalaki. Nagpadala ng pera. Sumulat (e-mail, di na uso ang snail mail) at nag text. Tumawag at nagsabing miss na miss na si JBabae at ang kanilang mga anak. Si Babae hindi nakayanan ang lungkot at tukso. Pumatol sa ibang lalaki. Kawawang Lalaki.
Pero kong ganitto hindi kaya magrertebelde? “Bayolente si Lalaki.” Lasing at bangag man o hindi, walang kiming saktan ni Lalaki nsi Babae Hoy!!!! mga machong mister diyan, na naikinig ang babae po ay minamahal hindi sinasaktan.
‘Money is the root of all evil’ wika nga nila. Isa ito sa mga mahirap lampasan. Kung mahirap at kapos sa pera sigurado may away at pag-dadalawang isip lalo na si Babae Kung sobra-sobra naman ang pera ang away ay kung paano ang hatian at ang tamang pagba-budget. Maaaring maging sugarol ang alin man kay Lalaki at Babaeo maging maluho sila pareho. Dito na lalabas ang sumbatan blues.
Hygiene. Naalala ko ang isang mag-asawang kapit-bahay ko. Iniwan ni misis si mister kasi hindi n’ya na raw matiis ang baho ng kilikili. Yes mga kapatid, may anghet o putok si mister! Sa sobrang pag-iibigan nakalimutan na maligo
Kakulangan ng oras sa isa’t isa. Maaring nasobrahan ng sipag si Lalaki/Babae o kaya naman ay dala ng barkada kaya wala ng oras mag bonding at maglambingan sina Lalaki at JBabae Alalahanin na ang foremost priority sa isang relasyon ay ang karelasyon!
Listening but not hearing. Heto ang dapat tandaan ng mga magsing-irog. There’s a big difference between Listening and Hearing. Maaring nandiyan ka palagi para mag-listen sa iyong partner pero ang tanong…do you really hear his/her heart’s message? You listen with your ear but you hear with your heart.
Buweno my friends, mga pare at mare hanggang sa susunod na kabanata, ang inyong nakaka.. Kaka Alih.. Wassallam.
Paano Pagtitibayin ang Relasyon?
July 30, 2009
(July 30, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
(PLAY-INTRO STINGER NAKAKA)
Mag-isip ng bago at energetic na adventure para sa inyong mag-asawa. Kung athletic kayong parehas, sumali sa sports competition. Kung mahilig kayo sa fine arts, mag-audition kayo upang magkaroon pa ng bagong kulay ang inyong samahan. Pwede ring mag-travel kayo sa lugar na hindi n’yo pa nae-explore. Ang problema, Kaka walang pamasahe.
Magkaroon ng mutual incentive para sa isa’t isa para maging makabuluhan ang inyong pagsasama. Motivate Each Other. Mag-isip ng bagay na makakapag-excite sa inyong dalawa at then attach some type of reward to the motivation. Kung dream ng partner mong magsulat ng screenplay, make that your goal and take that on together. Ang motivation dito ay kung matapos kayo sa project na ito, pwede kayong magbakasyon para magkaroon ng romantic weekend.
Walang relasyon na hindi humaharap sa pagbabago. Habang tumatanda tayo, nag-iiba ang nangyayari sa ating kapaligiran at nagbabago ang ating pananaw sa buhay. Kaysa ma-upset tayo sa pagbabagong ito, tanggapin natin nang maluwag sa ating kalooban. Kung di magandang changes ang mangyayari, huwag hayaang maging daan ito upang masira ang magandang relasyong naumpisahan.
Higit pa sa pagsabi na mahal n’yo ang inyong partner, na sila’y espesyal o natatangi, kailangang ma-recognize pa ang bagay na ibinibigay nila sa inyong samahan. Adore your mate.
Hanggang sa susunod na kabanata ng inyong segment na Nakaka sa buhay-buhay sa DXUP, ang inyong abang lingkod.. Kaka Alih.. Wassallamu Alaikum Warahmatulllahi Wabarakatuh.
Mga dahilan kung bakit nagtataksil Ang Asawa o Partner
July 29, 2009
(July 29, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Ang pagtataksil ni Lalaki o ni Babae sa asawa ay isang karumaldumal na gawain, ngunit ito ay nangyayari sa ating lipunan. Kaya nararapat lamang na ating alamin ang mga maaring dahilan kong bakit ito nagagawa ni Lalaki o ni Babae.
(PLAY-INTRO STINGER NAKAKA)
Maraming nagiging dahilan kung bakit nagtataksil ang isang lalaki o babae sa kanyang asawa o kapareha. Narito ang ilan sa ating nasaliksik,
1. Boredom, thrill of the unknown o mas malalim pa rito? Ang pagdating ng teknolohiya sa daigdig ay isang dahilan upang pagsimulan ng pagtataksil. Nariyan ang instant messaging, texting at cell phones. Ang internet ay puno ng chat-rooms at websites na pwedeng pag-ukulan ng ilang oras ng isang kaperaha. Gayunman, nasa choice pa rin ng tao kung nanaisin niyang mapasailalim sa teknolohiyang ito.
2. Hindi na siya gaya ng dati. “Dati rati ang sipag niyang …. (ano?) ah basta alam mo na iyon Kaka” (LAUGHING). Yes, din a siya katulad noon gawin niya iyon, kaibigan ito’y tumutuko’y sa pisikal na katamaran ng isang kapareha. (LAUGHING) Pare, magbigay ka din naman ng konting seremonyas, Maaaring si babae ay hindi na palaayos gaya ng dati o hindi na siya mabango. Si lalaki naman ay lumalaki ang tiyan at nagiging madumi na sa katawan.
3. Communication Gap o Hindi na nag-uusap ang mag-asawa. May mga magkakapartner na kung mag-usap na lang ay tipong nag-uusap na lang kayo tungkol sa lagay ng mga anak, ng bahay o ng mga gastusin – pero hindi tungkol talaga sa inyong estado bilang mag-asawa. Ano hindi mo maintindihan? Talaga pare may problema, ang ibig natin sabihin, be romantic naman, ligawan mong muli si Mare, masama bang ulitin ang “I love U” ikaw lamang ang babae sa aking puso, Iniibig kita” (Laughing) Alam mo pag wala ng communication? Maaring ang isang kapareha ay naghahanap ng ‘ibang’ makakausap.
4. Masyadong matalak . Babae man o lalaki, pwedeng maging nagger. May iba na animo’y lamok na nakakairita. Kung ganito nga, maaaring maghanap ng mas understanding ang isang kapareha.
5. Magkaiba na ng gusto. “Tama ka Kaka, ayaw ko ng dati, gusto ibang style naman (Laughing) Hindi ang ibig natin sabihin ay ganito Kung dati ay isang daan lang ang tinatahak n’yo ngayon iba na. Parang mas gusto pa ni lalaking makipagbarkada at sumama sa kanila maghapon. O si babae na mas gusto laging mag shopping o mag-salon linggu-linggo.
6. Sa akin Kaka, magkakaroon ng pagtataksil kapag wala nang romance. Ganoon? Kahit pa masaya ang pagsasama dahil malusog ang anak, maganda ang estadong pang pinansyal ng pamilya at iba pa, kung nawawala na ang passion ng mag-asawa, ang isang kapareha ay maaaring ma-bore: tipong kapag ang Prince Charming ng babae ay naging frog na, mate-tempt si babaeng maghanap ng iba in hopes na magkaroon ng bagong prince charming. O vice versa.
7. Sex. Bakit? Ganito kasi iyon Kaka, ng ibang lalaki., ng love at sex ay magkaiba. At aminado ang ibang lalaki na kapag nakikipatalik sila ng ibang babae, mas masarap daw… ito ang bulok na dahilan.. pare ko mag-sisi kana.. baka sakit ang na walang gamot ang mapalamo..
(LAUGHING)
8. “Bawian na ito na ito Pare.” Ano? Naghihigante ka? Tanong natin kay Mare. Yes maari, Kapag nahuli ni babae na naglalaro ng matinding apoy ang kanyang kapareha, pwedeng dumating sa puntong gumanti ito – na ikokonsidera niyang paghilom ng kanyang damdaming nasaktan. Ito ang ilang dahilan kung bakit may nagtataksil. Kung tama man o mali ang tingin n’yo sa mga dahilan na ito, nasa inyo na ang kasagutan.
Ang lahat ng ating nabanggit na dahilan ng pagtataksil ay kaya nating magawa, upang hindi mangyayari ang karumal dumal at isang kasalanan sa Diyos at kasalanan sa tao na mabigat ang kaparusahan.
Zina o adultery, ay mabigat na kasalanan, magtaubat na tayo.. magsisi na tayo.
Hanggang sa susunod na kabanata ng inyong segment na Nakaka sa buhay-buhay sa DXUP, ang inyong abang lingkod.. Kaka Alih.. Wassallamu Alaikum Warahmatulllahi Wabarakatuh.
(play stinger-Nakaka)
Mga Pagkakamali na Nagagawa ng mga Magulang
July 28, 2009 

(July 28, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
(Music Intro)
Walang magulang ang hindi naghahangad ng hindi maganda sa kanilang mga anak. Ito ay pawang may katotohanan subalit may mga pagkakataon na hindi nalalaman ng mga magulang na mali na pala ang kanilang nagagawa sa kanilang mga anak.
(NAKAKA- INTRO)
Anu-ano ba ang mga nagagawang mga pagkakamali ng mga magulang sa mga anak?
Iniwanan o yaong tinatawag na abandonement.
Iniiwan ang mga bata o pamilya. May mga batang iniwan mula sa pagkabata, dito malaking kasalanan sa bata, at kawawa ang bata. Karamihan sa mga iniiwan ng magulang ay lumalaking walang disiplina at madalas palaboy-laboy at ang natutuhan ay ugaling lansangan, kaya hayun batang basagulero.
Kapag nagkukulang ang magulang o hindi pinapahalagahan ang pag provide ng basic needs ng mga bata.
Yes, hindi pagbibigay ng priority needs sa ating mga anak. Dito ang mga mga magulang mas inuuna ang pangsariling pangangailangan, halimbawa, makabili ng sigarilyo ngunit hindi ng papel at lapis ng batang nag-aaral. Makakataya sa last two, ngunit hindi ang baon ng anak papasok sa paaralan.
Emotional abuse. Ang mga pag-aaway sa harapan ng mga bata at pagsalita ng kung anu-anong masasakit na salita ay ilan lamang sa emotional abuse na maaaring gawin ng mga magulang sa kanilang mga anak. Ang sobrang expectation at pag push sa mga bata na gawin lahat ng makakaya upang maabot ang isang goal o dream ay nagiging isang form ng emotional abuse kung sobra.
Physical Abuse. pananakit sa pamamagitan ng pamamalo at iba pang pisikal na karahasan. Sa Islam ay pinapayagan ito bagamat ito ay may guideline kailan dapat gawin. Halimbawa ay kong nasa sampung taon gulang na ang bata, at itinuturo mo ang pag-sambayang (salah o prayer) at hindi niya ito ginagawa, at last recourse kong kinakailangan ay pwedeng paluin ang bata, kong talagang ayaw sumunod.
“Pero Kaka, papaano kong ang magulang hindi nagsasambayang?” Tanong ng isang tinedyer.
Ah dapat sa kanya, sunugin sa apoy na naglalagablab ang magulang na hindi ginagawa ang kautusan ng Allah…
Walang utang Loob daw. Ang pag pressure sa mga anak na bayaran sa anumang paraan ang pagpapalaki o paghihirap na dinanas nila sa pagpapalaki at pagtaguyod sa kanila. Pressure on child to return parental obligation.
Heto mula sa isang ulirang magulang na nakilala ko:
“Magulang din ako at naging bata rin minsan kaya madali natin maiintindihan ang mga pagkakamali o minsang pagiging matigas ulo ng anak natin. Kung itatanim natin sa isip natin na magulang tayo at tayo ang dapat masunod hindi rin naman siguro palaging ganun diba! kailangan makinig din tayo sa mga sinasabi ng mga anak natin kasi may puso at utak din sila at sila ang nasa situation hindi natin alam kung ano ang nararamdaman nila o kung nahihirapan sila kaialangan talaga laging bukas ang tenga,mata at isip pati na rin balikat at dibdib natin kung kailangan nila ng masasandalan o maiiyakan. Masarap atang pakiramdam na ikaw ang unang nakakaalam sa damdamin ng anak mo.”
Mula naman sa isang maestro:
“Para sakin ang isang pagiging magulang ay hindi gawang biro,,, mahirap na masarap.., sa lahat ng pagkakamali na nagagawa ng anak ay laging ang magulang ang siyang may pagkukulang ,.. o di kaya’y may kasalanan..kaya siguro ang mas maganda na gawin bilang magulang, ay ilagay natin sa tamang oras at tamang lugar ang pagdisiplina sa ating mga anak…,maging mapamaraan tayo bilang magulang kung paano natin magagabayan ang ating mga anak,,kasi hanggang tayoy nabubuhay obligasyon natin sila. Huwag sana mapagod ang sino mang magulang sa pag -aaruga sa mga anak, Kaya sa lahat ng mga magulang lang tayo ,,sa pagdadala ng ating pamilya,,para na rin sa kabutihan ng ating mga anak……..at sikapin natin na tayong mga magulang ang kanilang maging huwaran sa lahat ng bagay.”
Hanggang sa susunod na kabanata ng inyong segment na Nakaka sa buhay-buhay sa DXUP, ang inyong abang lingkod.. Kaka Alih.. Wassallamu Alaikum Warahmatulllahi Wabarakatuh.
(play stinger-Nakaka)
Bakit mahalaga ang Pagpapatawad?
July 27, 2009
Pare, Mare gusto mo ng peace of mind? Simple lang ang payo natin magpatawad. Yes, ayon sa mga relihiyoso na may kaalaman, ang pagpapatawad ay isang napakahalagang proseso sa pagkakaroon ng peace o kapayapaan sa ating kaluluwa at magbibigay ng kapayapaan sa ating buhay.
Marahil naman ay lahat tayo ay nakaranas ng sakit sa mga nagawa ng ibang tao. Di ba kong minsan naisip din natin na hindi tayo makakapgpatawad dahil sa sakit na ating naranasan.
Ang resentment at hostility ay nagiging malalim ang ugat sa ating mga puso at magiging mahirap ang kapatawaran.
Ang pagkakaroon ng kapaitan sa dibdib ay mahirap magkaroon ng tinatawag ng puwang ng kapatawaran. Ang mga sugat ng emosyon ay naiiwan sa loob at ito ay magreresulta ng pagiging hindi masaya. Hindi po ba?
Ayon kay Pastor: “Ang kapatawaran ay hindi isang aksiyon na dapat nating gawin lamang, ito ay dapat hayaan natin na dumaloy sa ating puso’t kalamnan ng kusang loob. Kung tayo ay lalayo sa ating pagiging tao at hahayaan natin ang grasya ng Diyos na dumaloy sa ating katauhan at makakapagpatawad sa pamamagitan natin ay mararamdaman natin ang tunay na pagmamahal ng Maykapal.’
Yes agree ako kay Pastor kapat tapat o iklas ang ating pagpapatawad ito ay matutunaw lahat ng pait, sakit at lahat ng sense of injustice na ating naramdaman. In short, kailangan sincere o Ikhlas ang paghingi ng tawad upang tunay na maging malaya an gating kaluluwa.
May kasabihan nga na: “Forgiveness and truth will set us free”.
May katanungan ako, ang magulang ba’y nararapat na humingi ng kapatawaran sa kanyang anak?
Agad na nakatanggap tayo ng kasagutan sa isang magulang ng ating itanong ang ganitong katanungan, ayon sa kanya: “Nararapat lamang na humingi ng forgiveness ang isang magulang sa anak para maging isang tunay na ehemplo sa kanila..”
Yes pare ko, hindi naman kabawasan sa ating buhay kung maipapakita natin ang ating humility sa ating mga anak.
Anong pagkakaiba nila sa ibang tao. Sial ay tao din na nalalabag ang mga damdamin. Tao din sila na bagama’t ating mga anak ay nasasaktan. Tao din sila na may karapatang lumigaya.
Alalahanin, always remember my friend, hindi tayo laging tama na mga magulang. Tayo ay tao lamang, ang Diyos lamang ang walang pagkakamali. Alam ba ninyo na may pagbabago ang panahon, maaaring sa panahon natin noon ay maia-apply natin ang ating mga experiences subali’t sa pagbago ng pamumuhay at paglipas ng taon, ang maaaring applicable noon ay hindi na applicable sa ngayon.
Ang isang pag-sorry o paghingi ng despensa ay magkakaroon ng malaking impact sa isang anak. Ito ay maaaring makapag hilom ng inyong bad relationship o makabawas ng trauma na naidulot ng nagawa na ninyo sa kanila sa nakaraan.
Ang pagsasabi ng sorry ay isang ehemplo ng kabutihang loob. Pag nakita ng bata ang ginagawa ng matanda, tutularan niya ito. Magiging makatao at humble ang inyong mga anak sa future. Matututo din siya na humingi ng tawad sa iba. Katunayan, kapag maganda ang inasal ng inyong anak, ang unang tanong ay ganito… sino ba ang magulang nito?
Higit sa lahat ang paghingi ng tawad sa anak ay makakapag paganda ng inyong samahan. Ito ay makaka paghilom ng isang relasyon na nagkalamat at magiging umpisa ng pagbago din sa anak kapag ang buhay ay naging hindi maganda.
Ulitin ko lang may friend, hindi mababawasan ang inyong pagkatao at pagiging magulang sa paghingi ng sorry sa inyong mga anak. Katunayan ito ay nakakadagdag pa sa inyong pagiging makatao. Higit sa lahat, sa mata ng ating Panginoon, ay lumalagay tayo sa nararapat at ito ay Kaniyang ikinatutuwa…
Hanggang sa susunod na kabanata ng inyong segment na Nakaka sa buhay-buhay sa DXUP, ang inyong abang lingkod.. Kaka Alih.. Wassallamu Alaikum Warahmatulllahi Wabarakatuh.
(play stinger-Nakaka)
Epekto ng Hiwalay ang Magulang
July 24, 2009
(July 24, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
“Sa totoo lang Kaka nararamdaman ko ang hinanakit at sakit sa damdamin na nararamdaman ng aking classmates na hindi nakagraduate dahil sa marami sa grades niya ang bumagsak. Palagi na kasi siyang absent mula ng mag-away at magkahiwalay ang kanyang mga magulang”. Pahayag naman ng classmates ni Dodoy.
Ako ay nagtataka rin bakit marami na akong naririnig na mga mag asawang nag hihiwalay, ang tanong ko, ito ba ang uso ngayon?
Ano ba ang mga dahilan ang sila ay nag-hihiwalay?
Actually maraming dahilan kung bakit ‘di na sila din a pwedeng mag sama sa iisang bubong.
Ang mga ibang dahilan ay si mister o misis na nangangaliwa. Kong minsan naman ay issues tungkol sa pera. Marami actually ang pwede nating banggitin but gusto ko ang pag-usapan natin ang epekto nito sa mga bata. It’s about the son and daughters that are caught right in the middle, hindi po ba?
Konting di pagkakaunawan hamon si Babae o si Lalaki, hiwalay. Minsan naiisip kong parang ang selfish ng mga ganuong magulang. Basta basta na lang mag-dedecide na maghihiwalay sila na di man lang inisip ang kahihintan ng kanilang mga anak.
“Alam mo Kaka, noong kami ay mga maliliit pa, pag nag aaway ang mga magulang namin lagi kaming ikinukulong sa isang kwarto para di naming marinig yung mga sigawan nila. Pero honestly pwede bang di namin marinig ang kanilang sigawan eh high pitch masyado ang tono nila” pagkukuwento ng isang classmates na di din nakapagtapos dahil naghiwalay ang mga magulang.
Natuloy ang paghihiwalay ng mga magulang namin dahil kinampihan ni Lola ang aking nanay. Patuloy ni classmates…
“Pag sila ay nag-aaway, hagis ng plato dito, hagis doon, murahan dito, murahan doon. Kaya heto, lumaki akong ganito nag rebelde sa magulang. Ang ginagawa ko para mapansin, inom dito, inom doon, yosi dito,yosi doon. in short Kaka sinira ko ang buhay ko. Ang sabi ko sa sarili ko magre rebelde ako. Galit ako sa sarili ko, sa mga kapatid ko at lalo sa mga magulang ko.” Kuwento pa ng isang tinedyer na nakulong minsan dahil nasali sa rambol ng mga kabataan.
Sa panahong ngayon parang padami ng padami ang mga nasisirang pamilya. Napapansin ninyo?
Kaya nararapat na magbago na tayo mga pare at mare.. hanggang dito na lamang.. hanggang sa susunod na kabanata.. sa ating nakaka.. ni Kaka Alih.
Epekto ng Hiwalay ang Magulang
“Hiwalay na kasi ang parents ko eh, kaya siguro nagkakaganito ako”. kuwento ng isang estudyante na drop outs at palaging nasasangkot sa gulo.
“Sa totoo lang Kaka nararamdaman ko ang hinanakit at sakit sa damdamin na nararamdaman ng aking classmates na hindi nakagraduate dahil sa marami sa grades niya ang bumagsak. Palagi na kasi siyang absent mula ng mag-away at magkahiwalay ang kanyang mga magulang”. Pahayag naman ng classmates ni Dodoy.
Ako ay nagtataka rin bakit marami na akong naririnig na mga mag asawang nag hihiwalay, ang tanong ko, ito ba ang uso ngayon?
Ano ba ang mga dahilan ang sila ay nag-hihiwalay?
Actually maraming dahilan kung bakit ‘di na sila din a pwedeng mag sama sa iisang bubong.
Ang mga ibang dahilan ay si mister o misis na nangangaliwa. Kong minsan naman ay issues tungkol sa pera. Marami actually ang pwede nating banggitin but gusto ko ang pag-usapan natin ang epekto nito sa mga bata. It’s about the son and daughters that are caught right in the middle, hindi po ba?
Konting di pagkakaunawan hamon si Babae o si Lalaki, hiwalay. Minsan naiisip kong parang ang selfish ng mga ganuong magulang. Basta basta na lang mag-dedecide na maghihiwalay sila na di man lang inisip ang kahihintan ng kanilang mga anak.
“Alam mo Kaka, noong kami ay mga maliliit pa, pag nag aaway ang mga magulang namin lagi kaming ikinukulong sa isang kwarto para di naming marinig yung mga sigawan nila. Pero honestly pwede bang di namin marinig ang kanilang sigawan eh high pitch masyado ang tono nila” pagkukuwento ng isang classmates na di din nakapagtapos dahil naghiwalay ang mga magulang.
Natuloy ang paghihiwalay ng mga magulang namin dahil kinampihan ni Lola ang aking nanay. Patuloy ni classmates…
“Pag sila ay nag-aaway, hagis ng plato dito, hagis doon, murahan dito, murahan doon. Kaya heto, lumaki akong ganito nag rebelde sa magulang. Ang ginagawa ko para mapansin, inom dito, inom doon, yosi dito,yosi doon. in short Kaka sinira ko ang buhay ko. Ang sabi ko sa sarili ko magre rebelde ako. Galit ako sa sarili ko, sa mga kapatid ko at lalo sa mga magulang ko.” Kuwento pa ng isang tinedyer na nakulong minsan dahil nasali sa rambol ng mga kabataan.
Sa panahong ngayon parang padami ng padami ang mga nasisirang pamilya. Napapansin ninyo?
Kaya nararapat na magbago na tayo mga pare at mare.. hanggang dito na lamang.. hanggang sa susunod na kabanata.. sa ating nakaka.. ni Kaka Alih.
Karaniwang Pinag-aawayan ng Mag-asawa
July 17, 2009
(July 16, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
“Ang hindi normal ay kong madalas ito mangyari at kong minsan lumalala o mauuwi sa hiwalayan o broken marriage”. Dagdag niyang paliwanag.
Lahat siguro ng mga mag-asawa ay naka- experience ng di pagkakaunawan sa kanyang partner? Ang hindi pa ang iba ang pag-hihiwalayan ng mag-asawa na siyang hindi dapat mangyari at nararapat na maiwasan na mangyari.
Merong mga dahilan na napaka simple pero humantong sa pag-hihiwalayan at meron namang masalimoot o mabigat na dahilan pero napaglalabanan.
“Alam mo Kaka Alih, kaming mag-asawa tuwing may hindi pinagkakasunduan kaming mag-asawa, ako ang palaging nagpaparaya, humihingi ako o ako mismo ang naghahanap ng paraan na magkabati kami ni Mrs, hindi ko na ito pinaaabot ng kinabukasan, dahil alama ko sa Islam na masama, pinagbabawal ng Propeta Muhammad (SAW)”. Paliwanag ni Ustadz Abdulrahman.
Sex ang ibang pinag-aawayan ng mag-asawa, kasi gusto ni Lalaki ngunit ayaw naman ni Babae, ang dahilan ay “pagod” sa trabaho. Sabi ni Lalaki, pagod din naman ako sa trabaho maghapon pero bakit gusto ko.
Ok pag ganyan ang sitwasyon, dapat masolb ang problema. Una dapat mag-usapa kayong mag-asawa. Pag-usapan ninyo ang mga gusto ni Lalaki ganoon din si Babae, may pwede kayong maglagay ng mga palatandaan kong kalian? Anong oras?
“Kaka Alih nakakahiya man na magsabi kaming mga Babae na sabihin kay Lalaki na gusto naming, ok lang kayong mga lalaki, kasi nahahalata o nararamdaman kay basta nakatayo kayo, iyon na.. (LAUGHING) .
OO nga no? nakakahiya ki Babae na mangalabit (LAUGHING) pangalawa papaano nga naman malalaman na gusto ni Babae ang ganoon…(LAUGHING).
Bweno, ganito ang narinig ko kay Maam Jackie Gamit, rural midwife ng Upi, na madalas na nagbibigay ng orientation sa mga magpapakasal:
“Maglagay kayo ng signal.. halimbawa.. pag naligo si Mrs at nag-suot ng negligee o damit pampapatulog na kulay pink.. that’s the signal na ready na for “encounter”. (LAUGHING). Oh di ba madali? O iba naman, pag nag-lagay ng maliit na tuwalya sa ulunan ng higaan nila ay iyon ang signal na declaring war.. (LAUGHING).
Hindi na lamang dahil ako ay maliligo pa.. hanggang sa susunod na gabi.. ehe este episode.. Kaka Ali para sa Nakaka…(LAUGHING).
(NAKAKA)
Bakit lumalaki ang hidwaan sa pagitan ng naghahanap-buhay at gumagawa ng gawaing bahay?
July 16, 2009
(July 15, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)“Pagod ako maghapon sa paghahanap buhay, para sa pamilya,” sumbat ni Lalaki.
“Bakit? akala mo ba ay hindi AKO nakakapagod? ang mag-alaga ng mga anak mo, dagdagan mo pa ikaw ang magluluto, maglalaba, blah. Blah…” sagot naman ni Babae.
Iyan ang scenario na madalas mong marinig sa isang pamilyang hindi nagkakasundo.
Ganito kaasi iyon sa kasalukuyang lipunan an g ating ekonomiya ay umaasa sa pera. Pag walang naghahanap buhay ay walang pera at pag walang pera walang makakain ang pamilya.
Nangangahulugan ito na karamihan sa mga pangangailangan sa pagpapanatili ng sambahayan ay pangangailangan sa pera (pambayad ng upa sa bahay, pagkain, kapangyarihan, tubig, buwis, libangan).
Dahil dito ay tumaas ang pangangailangan ng katulong sa bahay, at ang katulong naman ay nangangailanga din ng mataas na sahod para sa pamilya. Kaya sa ngayon mataas ang sahod sa mga kasambahay, kung kaya karamihan sa atin ay hindi kayang kumuha ng katulong para gumawa ng mga gawaing-bahay (paglalaba, pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga ng mga bata).
Ibig sabihin ay mayroong dalawang uri ng trabaho na may kaugnayan sa pagpapanatili ng pamamahay, pagkuha ng makakatulong sa labas, at sariling pag-awa ng mga gawaing bahay ng hindi binabayaran.
Kapwa kailangan ang dalawa.
Ito ay mas angkop sa urban na pamumuhay, at hindi gaanong naangkop sa rural na pamumuhay.
Sa ating kasaysayan, at sa ating pamantayan, tayo ay may simpleng yunit, mga lalake (ama, asawa) ay naghahanap-buhay sa labas ng bahay at mga babae (asawa, ina) ay ngtatrabaho sa loob ng bahay ng hindi kumikita.
Ang pamantayang ito ay sinusuportahan ng konserbatibong lipunan at mga relihiyoso, kahit hindi pangdaigdigan. At ito ay hindi naging pandaigdigan (universal).
Ito ay produkto ng industriyalisadong pag-unlad.
Ang salungatang pamamaraan sa sosyolohiya, hango sa pananaw ni Carl Marx na ang pagkakaiba ay hango sa kaugnayan sa paggawa, na base sa paniniwalang ang kompetisyon para sa kakaunting yaman ang siyang ugat ng hidwaan.
Sa pamilya, ang ugnayang ito ay kabaliktaran.
Ang hidwaan ay base sa pangangailangan ng parehong paghahanap-buhay at pamamasukan, at ang kompetisyon sa hindi paggawa ng gawaing bahay.
Marami sa mga kalalakihan ang nasasanay sa sitwasyon kung saan ang mga lalake ay inaasahang maghanap-buhay at ang mga babae ay dapat manatili sa bahay at gumawa ng mga gawaing bahay ng walang bayad. Sa kabaliktaran maraming kababaihan ang nagtatanong kung bakit kailangan nilang manatili sa bahay kung meron silang kasanayan at karanasan na magtrabaho at kumita.
Ang nangyayari, kadalasan, ay ang mga kababaihan ay ngtatrabaho upang kumita at inaasahan ding gumawa ng mga gawaing bahay.
Ito ang basehan ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng tahanan.
Tatlong mga kakaibang situwasyon ang maaring mangyari:
(1) ang mga kalalakihan ay naghahanap-buhay at ang mga kababaihan ang gumagawa ng nga gawaing bahay,
(2) ang mga kababaihan ay nghahanap-buhay at sya ring gumagawa ng mga gawaing bahay,
(3) parehong lalake at babae ang nagtutulungan sa paghahanap-buhay at sa mga gawaing bahay.
Ang pagbabago ay hindi kaagad-agad nangyayari, kaya iilan sa mga pamilya sa iilang henerasyon ay napagsasabay ang tatlong modelo.
Tumaas ang bilang ng mga babae na naghahanap-buhay noong 1914-1919 (Unang Pandaigdigang Digmaan) kung saan ang mga kalalakihan ay pumapasok sa militar at nakikidigma, at ang mga kababaihan ay binabayaran upang mgtrabaho.
Subalit ito ay hindi naging permanente, at noong mga 1920 at 1930, marami sa mga kababaihan ang bumalik sa pananatili sa tahanan.
Noong panahon ng depresyon ng 1930, kung saan tumaas ang bilang ng mga walang trabaho, marami sa mga kababaihan ang pinatalsik para mabigyan ng trabaho ang mga kalalakihan.
Ang Pangalawang Pandaigdigang Digmaan (1939-46) ay kahalintulad ng naunang digmaan, kung saan maraming mga kababaihan ang binabayaran upang magtrabaho.
Mayroon na ring mga kababaihan ang pumapasok sa militar.
.
Pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan, iilan na lang ang bumalik sa dati, at malawak na ang pagtanggap sa mga kababaihang naghahanap-buhay sa labas ng kanilang mga tahanan.
.
Hindi naging dahilan ang kilusang pangkababaihan sa pagbabagong ito, maliban sa pagiging repleksyon nito.
Maiuugnay natin ang mga pagbabago sa loob nga pamilya, kung saan dumarami ang mga kababaihang naghahanap-buhay, sa paglawak ng pangkabuhayan at pulitikal na pagbabago sa labas ng tahanan at pagbabago ng lipunan. Subalit ang hindi pagkakaunawaan ng mg-asawa sa loob ng tahanan ay bunga ng mga pagbabago sa mga tungkulin ng mag-anak.
At para maiwasan ang hidwaan o hindi pagkakaunawaan, tanggapin natin na ang lalaki ang malakas ang katawan, ayon sa pagkakalalang ng Panginoon, kaya nararapat na siya ang papas an sa mga mabibigat na gawaan, sa labas o sa bahay man. Tulad halimbawa ng pang-kuha ng pang-gatong, pag-igib ng tubig sa batis o balon lalo na kong nasa malayo. Ang pag-aaro, ang paghahawan sa bukid.
Ang babae bagamat para sa kanya ang magagaan na trabaho ay marami rin ang trabahong iniatang sa kanya ng Poong Lumikha. Halimbawa ay ang pag-dadala ng pagbubuntis at pagsilang sa anak. Ang pagpapasuso at pag-aalaga dito.
Ang ibang gawain bahay bagamat magaan ay pwedeng pagsaluhan ng mag-asawa. Tulad halimbawa ng paglalaba, pagluluto, paglilinis sa bahay, ay pwedeng magbigay ng panahon si Lalaki upang akuin ang nasabing trabaho.
Ganoon din naman kay Babae, ang trabaho ni Lalaki na mabibigat ay pwede naman siyang tumulong dito, halimbawa ang trabahong bukid ay kailangan ni Lalaki ang makakain, pwede naman na siya na ang maghatid kay Lalaki ng pagkain sa bukid.
Hanggang sa muling epesode.. Kaka Ali sa Nakaka..
(STINGER-NAKAKA)
Bakit lumalaki ang hidwaan sa pagitan ng naghahanap-buhay at gumagawa ng gawaing bahay?
July 15, 2009
(July 15, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)“Pagod ako maghapon sa paghahanap buhay, para sa pamilya,” sumbat ni Lalaki.
“Bakit? akala mo ba ay hindi AKO nakakapagod? ang mag-alaga ng mga anak mo, dagdagan mo pa ikaw ang magluluto, maglalaba, blah. Blah…” sagot naman ni Babae.
Iyan ang scenario na madalas mong marinig sa isang pamilyang hindi nagkakasundo.
Ganito kaasi iyon sa kasalukuyang lipunan an g ating ekonomiya ay umaasa sa pera. Pag walang naghahanap buhay ay walang pera at pag walang pera walang makakain ang pamilya.
Nangangahulugan ito na karamihan sa mga pangangailangan sa pagpapanatili ng sambahayan ay pangangailangan sa pera (pambayad ng upa sa bahay, pagkain, kapangyarihan, tubig, buwis, libangan).
Dahil dito ay tumaas ang pangangailangan ng katulong sa bahay, at ang katulong naman ay nangangailanga din ng mataas na sahod para sa pamilya. Kaya sa ngayon mataas ang sahod sa mga kasambahay, kung kaya karamihan sa atin ay hindi kayang kumuha ng katulong para gumawa ng mga gawaing-bahay (paglalaba, pagluluto, paglilinis, at pag-aalaga ng mga bata).
Ibig sabihin ay mayroong dalawang uri ng trabaho na may kaugnayan sa pagpapanatili ng pamamahay, pagkuha ng makakatulong sa labas, at sariling pag-awa ng mga gawaing bahay ng hindi binabayaran.
Kapwa kailangan ang dalawa.
Ito ay mas angkop sa urban na pamumuhay, at hindi gaanong naangkop sa rural na pamumuhay.
Sa ating kasaysayan, at sa ating pamantayan, tayo ay may simpleng yunit, mga lalake (ama, asawa) ay naghahanap-buhay sa labas ng bahay at mga babae (asawa, ina) ay ngtatrabaho sa loob ng bahay ng hindi kumikita.
Ang pamantayang ito ay sinusuportahan ng konserbatibong lipunan at mga relihiyoso, kahit hindi pangdaigdigan. At ito ay hindi naging pandaigdigan (universal).
Ito ay produkto ng industriyalisadong pag-unlad.
Ang salungatang pamamaraan sa sosyolohiya, hango sa pananaw ni Carl Marx na ang pagkakaiba ay hango sa kaugnayan sa paggawa, na base sa paniniwalang ang kompetisyon para sa kakaunting yaman ang siyang ugat ng hidwaan.
Sa pamilya, ang ugnayang ito ay kabaliktaran.
Ang hidwaan ay base sa pangangailangan ng parehong paghahanap-buhay at pamamasukan, at ang kompetisyon sa hindi paggawa ng gawaing bahay.
Marami sa mga kalalakihan ang nasasanay sa sitwasyon kung saan ang mga lalake ay inaasahang maghanap-buhay at ang mga babae ay dapat manatili sa bahay at gumawa ng mga gawaing bahay ng walang bayad. Sa kabaliktaran maraming kababaihan ang nagtatanong kung bakit kailangan nilang manatili sa bahay kung meron silang kasanayan at karanasan na magtrabaho at kumita.
Ang nangyayari, kadalasan, ay ang mga kababaihan ay ngtatrabaho upang kumita at inaasahan ding gumawa ng mga gawaing bahay.
Ito ang basehan ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng tahanan.
Tatlong mga kakaibang situwasyon ang maaring mangyari:
(1) ang mga kalalakihan ay naghahanap-buhay at ang mga kababaihan ang gumagawa ng nga gawaing bahay,
(2) ang mga kababaihan ay nghahanap-buhay at sya ring gumagawa ng mga gawaing bahay,
(3) parehong lalake at babae ang nagtutulungan sa paghahanap-buhay at sa mga gawaing bahay.
Ang pagbabago ay hindi kaagad-agad nangyayari, kaya iilan sa mga pamilya sa iilang henerasyon ay napagsasabay ang tatlong modelo.
Tumaas ang bilang ng mga babae na naghahanap-buhay noong 1914-1919 (Unang Pandaigdigang Digmaan) kung saan ang mga kalalakihan ay pumapasok sa militar at nakikidigma, at ang mga kababaihan ay binabayaran upang mgtrabaho.
Subalit ito ay hindi naging permanente, at noong mga 1920 at 1930, marami sa mga kababaihan ang bumalik sa pananatili sa tahanan.
Noong panahon ng depresyon ng 1930, kung saan tumaas ang bilang ng mga walang trabaho, marami sa mga kababaihan ang pinatalsik para mabigyan ng trabaho ang mga kalalakihan.
Ang Pangalawang Pandaigdigang Digmaan (1939-46) ay kahalintulad ng naunang digmaan, kung saan maraming mga kababaihan ang binabayaran upang magtrabaho.
Mayroon na ring mga kababaihan ang pumapasok sa militar.
.
Pagkatapos ng ikalawang pandaigdigang digmaan, iilan na lang ang bumalik sa dati, at malawak na ang pagtanggap sa mga kababaihang naghahanap-buhay sa labas ng kanilang mga tahanan.
.
Hindi naging dahilan ang kilusang pangkababaihan sa pagbabagong ito, maliban sa pagiging repleksyon nito.
Maiuugnay natin ang mga pagbabago sa loob nga pamilya, kung saan dumarami ang mga kababaihang naghahanap-buhay, sa paglawak ng pangkabuhayan at pulitikal na pagbabago sa labas ng tahanan at pagbabago ng lipunan. Subalit ang hindi pagkakaunawaan ng mg-asawa sa loob ng tahanan ay bunga ng mga pagbabago sa mga tungkulin ng mag-anak.
At para maiwasan ang hidwaan o hindi pagkakaunawaan, tanggapin natin na ang lalaki ang malakas ang katawan, ayon sa pagkakalalang ng Panginoon, kaya nararapat na siya ang papas an sa mga mabibigat na gawaan, sa labas o sa bahay man. Tulad halimbawa ng pang-kuha ng pang-gatong, pag-igib ng tubig sa batis o balon lalo na kong nasa malayo. Ang pag-aaro, ang paghahawan sa bukid.
Ang babae bagamat para sa kanya ang magagaan na trabaho ay marami rin ang trabahong iniatang sa kanya ng Poong Lumikha. Halimbawa ay ang pag-dadala ng pagbubuntis at pagsilang sa anak. Ang pagpapasuso at pag-aalaga dito.
Ang ibang gawain bahay bagamat magaan ay pwedeng pagsaluhan ng mag-asawa. Tulad halimbawa ng paglalaba, pagluluto, paglilinis sa bahay, ay pwedeng magbigay ng panahon si Lalaki upang akuin ang nasabing trabaho.
Ganoon din naman kay Babae, ang trabaho ni Lalaki na mabibigat ay pwede naman siyang tumulong dito, halimbawa ang trabahong bukid ay kailangan ni Lalaki ang makakain, pwede naman na siya na ang maghatid kay Lalaki ng pagkain sa bukid.
Hanggang sa muling epesode.. Kaka Ali sa Nakaka..
(STINGER-NAKAKA)
PAGLULUTO NG NILAGANG KARNENG BAKA.
(Research/Scrript na sinulat ni LUCY DUCE para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M-July 14, 2009 ) sa segment na “ALAM BUHAY”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
MAINIT NA SABAW AY MAPAGBIBIGAY GINHAWA SA ATIN KAPAG DI MAGANDA ANG ATING KARAMDAMAN ,MASUSTANSIyA ITO AT MAKAKATULONG SA ATIN UPANG MAPAGINHAWA ANG ATING PAKIRAMDAM.DAHIL ANG KARNENG BAKA AY MAYAMAN SA PROTINA NA KAILANGAN NATIN SA MAGANDANG KALUSUGAN.NGAYON ALAMIN NATIN ANG MGA SANGKAP,AT PAMAMARAAN;
MGA SANGKAP;
>ISANG KILONG BUTO BUTONG KARNE NG BAKA
>PANIMPLA-VETSIN ASIN ,MAGGI MAGIC SARAP.
>SILING LABUYO
>SIBUYAS BOMBAY, LUYA, AT ISANG KATAMTAMANG LAKI NG CABBAGE.
PAMAMARAAN NG PAG LULUTO,
1. Hugasang mabuti ang karneng baka lagain hanggang lumambot,
2.kapag malambot na na karne, ilagay ang ang mga panimpla at iba pang sangkap,
3.tikman at ilagay ang hiniwang cabbage. Pakuluang ng ilng Segundo at hanguin na ito.
I serve ito habang mainit pa…ugaliing kainin ito habang maiinit pa ,dahil kapag malamig na ito ay meron ng lumalabas na namumuong taba,at hindi mainam na palaging initin ito.hanggang sa muli sa isa pang idisyon na alam buhay,at ibabahagi ko naman sa inyo pagluluto ng salad na langka simple ngunit masarap na pampaganang ulam, lucy b. duce ang inyong kumara at madiskarting ina ,maraming salamat
Pagtatanim ng Organikong Talong
July 14, 2009Pangalang Siyentipiko: Solanum melongena L.
Mga Karaniwang Pangalan:
Tagudtong: (Iranon & Meranaw)
S’gutong (T’duray)
Sagutong (Maguindanaon)
Talong (Tagalog/Pilipino)
Tarong (Ilokano),
Brinhinas (Bisaya),
Aubergine (French),
Terong (Malaya),
Berenjena (Spanish, Brial (Hindi)
Kakhua (Thai), Qie (Chinese),
Daimasu nasu (Japanese)
Kahalagahan
* Pinakamahalagang gulay ng Pilipinas
* sa ating bansa may kabuuang 17,797 hektaryang taniman noong 1999
* P 1.8 B kabuuang halaga
Gamit:
ang talong ay Masarap na Gulay at ulam: prito, torta, ginataan, binuro, inihaw, nilaga, pansahog
Gamot:
At sinasabing pwede rin poi tong panggamot sa diabetes, hika, cholera at bronchitis, at ang talong daw po pampagana, pampababa ng cholesterol.
Mayroon pong klase ng Lupa at Klimang pinipili ang talong.
* Maitatanim sa anumang buwan at saan mang lugar dito sa Pilipinas
* Mas mainam na itnim ito sa buhaghag na lupa na hindi tinitiningan ng tubig, pH: 5.6-6.5
* Maitatanim rin ito sa maaraw man o may lilim.
Narito po yong…
Mga Varieties na Pang-organiko
* Lilang haba- Dumaguete Long Purple, Mara 89-002, Llamado
* Berde- Concepcion, Araya
* Lilang guhitan-Mistisa (A 300)
Sa Pagpunla
* Nangangailangan po ng 200-300 gramong buto para sa isang hektarya
* Ihanda ang Kamang punlaan na may isang metro ang lapad
* Iwasan ang lugar ng binabaha at sobrang malalim.
* Haluan ng binulok na dumi ng hayop o compost at inuling na ipa(INI).
* Tambakan ng ipa at silaban upang maiwasan ang pagkatuba (damping-off)
* Diligan ng punlaan at linyahan ng pahalang na may pagitang 10-15 cm
* Ibudbud ng madalang ang buto at tabunan ng manipis na compost
* Kiliban ng ipa o dayami at muling diligan
* Bubungan o takpan ng plastic o net kung tag-ulan
* Diligan ng tea manure kung kulang sa sigla ang seedlings
* Maglipat mula sa makapal na sibol sa madalang ang sibol
* Maaari ding gumamit ng lukong at nursery tray para mas maganda ang punla
Paghahanda ng Lupang Taniman
* Araruhin at suyurin ang lupa ang taniman at may ballot na plastic mulch upang makabawas sa damo, dilig at mas gumanda ang halaman
* Haluan ng dumi ng hayop at INI ang taniman na may 10-20 tonelada bawat hektarya o 1-2 kilo bawat metro kuwadrado.
Paglalagay ng Plastic Mulch
* Kamang may lapad na isang metro at anumang haba
* Pagkahalo ng manure at compost ilatag ang plastic mulch na may lapad na 1.2 m.
* Sa paglagay ay ang kulay tinga ang sa ibabaw at kulay itim ang sa ilalim.
Ipitin ng lupa ang isang dulo at irolyo ang plastk patakip sa kama
* Mas mainam na mag plastic mulch kung kainitan upang mahapit ito ng husto
* Butasan ang plastik ng ½ ang pagitan, at dalawang linya sa kama.
* Gumamit ng pinainit na lata sa pagbubutas
Paglilipat ng Tanim
* Makapaglilipat tanim ng 4 na lingo pagkapunla
* Ang linya o iras ay may pagitang 1-1.2 metro
* Diligan bago at makatapos magtanim
* Kiliban ng dayami o damo
Pag-aalaga
* Patubigan tuwing ika- 7-10 araw o kung kinakailangan
* Damuhan ang puno ngunit magtiran ng damo sa pagitan ng daanan
* Diligan ng tea manure minsan isang lingo kung kulang sa lusog ang halaman
* Patabaan ng manure at abo minsan isang buwan
* Putulin ang mga sanga at dahon sa ibaba ng unang bunga
Pag-aani
* Anihin ang bunga hanggang bata pa upang makaiwas sa mambubutas
* Ihiwalay ang may sira sa wala
* Hugasan sa malinis na tubig at patuyuin sa lilim
* Iwasang mabilad sa arawan
* Mas mainam na lalagyan ang plastic crate na may saping dahon ng saging o dyaryo
* Mas magtatagal kung nakalagay sa malamig na lugar
Pangangalaga Laban sa Peste
* Iwasan ang monocropping
Magsalit tanim ng ibang gulay sa loob at paligid ng talungan
* Magtanim ng basil, Amarillo, sunflower, tanglad at okra sa paligid
Leaf Hopper
* Maliliit ngusong kabayo sa ilalim ng dahon
* Naninilaw hanggang matuyo ang gilid ng dahon
* Iwasan ang sobrang linis na taniman
* Makakatulong ang salit-tanim na okra at Amarillo sa paligid
Eggplant Fruit and Shoot Borer
* Lantang talbos at butas sa bunga
* Gumamit ng matibay na variety gaya ng Concepcion at Mistisa
* Putulin ang lantang talbos kasama ng uod sa loob at ibaon o silaban
* Makakatulong din ang pagbomba ng Bacillus thuringensis (Bt)
Pagsugpo sa Sakit
Bacterial Wilt o High-Blood
* Nalalanta hangang sa mamatay ang masiglang halaman sa umpisa ng pamumulaklak
* Sakit ito sa lupa dulot ng Ralstonia solanacearum
* Gumamit ng matibay na variety gaya ng Mistisa, Barako at Mara
* Iwasan ang magtanim sa maysakit na lupa
Phomosis
* Batik-batik sa dahon at pantal-pantal sa bunga hanggang sa mabulok
* Mas malala kung tag-ulan
* Gumamit ng matibay na variety gaya ng Mistisa at Mara
Kailangan mo lang ng Capital na ST sipag at Tiyaga sa Tiyaga may ginhawa.
Bukas naman ng umaga inyo pong abanganang tungkol sa pagtatanim ng______.Na sa ngayon ay tumataas ang presyo nito sa ating bayan ng Upi.dito lamang pos a DXUP FM sa ganito ring oras sa programang Buhay buhay sa DXUP sa bahaging alam buhay.
Hanggang dito nalang po ang aking maibahagi sa inyo sana po ay kapupulotan ninyo ng aral Ako si Nenita Usman Minted ang inyong segment reporter,,magandang umaga.
PAGLULUTO NG ARROZ CALDO
(Research/Scrript na sinulat ni LUCY DUCE para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M-July 13, 2009 ) sa segment na “ALAM BUHAY”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Ang arroz caldo mula sa salitang arroz na ibig sabihin lugaw. Malaki ang potential nito sa palengke lalo na sa restoran o carinderya at saan ma ng canteen sa mga paaralan, dahil maliban sa masarap na ito ay ideal pang merinda, at pwede nang pang almusal.at maganda din ito para sa mga may sakit. Malilimit din itong makikita sa mga handaan.hindi na kailangang gumasto ng malaki para magkaroon nito sa inyong hapag kainan dahil hindi kalakihan ang kakailanganin nating capital. tayo na at ihanda na natin ang mga kailangan.
Arroz Caldo with Chicken Recipe
Ingredients:
- 1 tasang bigas
- 1 katamtamang laki na manok native
- 1 inch cube ginger
- 2 segments garlic, chopped fine
- 1 small onion, chopped
- 2 tbsps. lard
- 2 tbsps. patis
- 6 cups water
- 2 stalks green onio
PAMAMARAAN;
1. mag gisa ka ng bawang tapos tabi mo yong kalahati pag golden brown na.
2. PAGKATAPOS Igisa mo din ang sibuyas..AT LUYA
3. tapos lagay mo yong manok.
4.l agyan mo ng paminta..VETSIN, patis (wag asin ..mas masarap ang patis)
5. after ilang minuto ilagay ang malagkit na rice kung wala okey lang ordinary rice, takpan
6. hinaan mo ang apoy para pumasok sa bigas un lasa ng ginisa mo…
7.tapos pag natuyuan lagyan mo ng tubig
8.lakasan mo ang apoy
9.pakuluin mo mabuti hanggang sa maluto
Ayan at luto na maari mo nang I serve habang mainit pa…huwag kalimutang lagyan ng bawang itinabi. Nakakatakam talaga at nakakagutom ang amoy…presto masustansiyang pagkain at paborito ng lahat…hali na kayo at tikman niyo ito ….try mo ring tuluin to mare….tiyak Masaya ang inyong hapag kainan.hanggang dito nalang ako parin ang madiskarteng inaat segment reporter lucy b. duce ,maraming salamat at magandang umaga.hanggang bukas sa isa pang idisyon ng alam buhay.
Mga Alak na Nakakalasing-2
July 14, 2009
Pakinggan natin si Kaka Ali sa Nakaka…
(PLAY –NAKAKA STINGER)
(KAKA): Minsan tinanong ko ang aking mga kasamahan sa station, ayon sa kapatid ATBCI ay bawal sa kanila ang Alak, samantala ang relihiyong kinaaniban naman ni Donald, na Good News Fellowship Christian, ay bawal din. Of course ang Islam ay haram o bawal din ito, tulad ng pag-haram sa karneng baboy.
Therefore, generally speaking, ang alak na makalasing ay ipinagbabawal ng lahat ng relihiyon, ngunit ang paniniwala ng iba ay huwag lang maglasing, ang iba naman ay kahit tikim ay hindi pwede.
Sabi ng ating kaibigan,: “Kaka Alih kahit ang COMELEC ay bawal din ang alak” (papaano napasok ang COMELEC?)….”di Kaka pag election day mahigpit na pinababawal ang alak” ( ok tama ka, upu tell the truth, 5 points ka… dagdagan ko ang goberno natin, bawal din ) ”Kaka diyan naman ako hindi sang-ayun, may permit ang alak na binigay ang goberno” ( eh bakit kong panahon ng mahal na araw di ba bawal?)
Kaibigan no more debate, just listen na lang, pwede, pagkatapos nito bigyan kita ng time.
Ang pag-inom ng alak na makalasing sa ating bansa o sa ibang parte ng mundo, kong ating mapapansin sa mga lugar na hindi umiiral ang katuruan ng Islam ay naging pangkaraniwan na lamang ang pagbebenta at pag-inom ng alak, inaakalang isang uri ng libangan o pampalipas ng oras. Kadalasan’y ginagamit sa pag-iistima ng mga importanteng tao o mga kaibigan, o di kaya ay ipinamimigay bilang pangregalo sa mga espesyal na kaibigan.
Ang pag-inum ng alak ay halos kabahagi na ito sa lahat ng mga okasyon nating mga Pinoy (agree o dis-agree??) — Hindi kumpleto ang kasiyahan kapag walang inuman! Katotohanan nga ba na kasiyahan ang naidudulot nito sa tao? O pagkawasak?
Kung napag-ukulan lamang natin ng malaking pansin ang pinsala na ibinibigay ng alak sa katawan ng tao, sa pamilya at kapaligiran, tiyak na tayo mismo ang kusang lalayo rito at tuluyan na itong iiwasan ang alak!
Batid natin sa ating mga sarili, na karamihan sa mga krimen at aksidenteng nagaganap sa ating kapaligiran ay sanhi ng mga nakainom ng nakalalasing na inumin na tulad ng alak, bawal na gamot at iba pa na mga katulad nito.
Nagiging sanhi ito ng kaguluhan sa pamilya, ng di pagkakaunawaan, pagkamuhi ng mga anak at asawa sa ama ng pamilya, at minsan ay humanhantong sa paghihiwalay ng mag-asawa — ang resulta: ‘Broken Family.’ Alam Ba ninyo? Dito sa ating likod ng ating radio station ay may bilangguan at di minsan lang natin napatunayan na marami ng naipasok sa rehas na bakal dahil sa nakalabag sa batas, at ang kaso dahil nakainom ng alak na nakakalasing.
Isama mo pa rito ang iba’t ibang uri ng sakit, na ang sanhi ay mula sa pag-inom ng mga nakalalasaing na inumin. Ayon sa mga dalubhasa o maalam, at hindi lang base sa observation natin sa paligid, napakaraming sakit na idinudulot ang alak, halimbawa:
* Binubuhay nito ang seksuwal na pagnanasa, na siyang nagtutulak sa tao na gumawa ng kasumpa-sumpa at karumal-dumal na tawag ng laman: na tulad ng panggagahasa, karahasan at kalaswaan. At ang pinatutungahan nito kung minsan ay pagpapatiwakal!
* Nagdudulot ito ng pinsala sa utak: Isa sa sanhi nito ay ang pagkawala ng memorya ng isang tao, sanhi rin ito ng pagkakaroon ng impeksiyon sa utak, pagkabulok ng ‘cortex cells’ (nagpapagalaw sa ating kalamnan) sa utak ng isang tao na nauuwi sa pagkasira ng ulo.
* Nagiging sanhi rin ito ng unti-unting pagkabaog o pagkainutil ng isang tao at pagkaparalitiko ng buong katawan. (kayo sigoro marami kayong alam na naparalitiko na palainum ng alak,)
* Pinipinsala rin nito ang atay ng isang tao, na kung kaya mabibigo nitong alisin ang mga lason sa loob ng katawan, lalung-lalo na ang ‘amonia.’ At dahil sa ganitong pangyayari ay tataas ang antas ng lason sa dugo. At ang lason na ito ang makaka-apekto sa pagkilos ng kaisipan at makakagambala sa emosyon: Na kung kaya, hindi na magiging normal ang kanyang pagkilos at pag-uugali. Magiging makasarili na siya, magalitin, mapaghinila at magiging malungkutin.
* Pagkakaroon ng depekto sa kidney, sa albumin sa ihi, at nakakamatay na pangangasim ng dugo (o fatal blood acidity), na magwawakas sa ‘heart failure.’
* Nagdudulot ng impeksiyon sa ‘Nerve’ ng mga mata na humahantong sa pagkabulag ng tao.
* Nagtutulak sa isang tao na gumawa ng mga kakaibang krimen at iba pang mga kasamaan.
Ang lahat ng ating halimbawa ay maliwanag na nakikita natin ngunit sa kabila ng lahat ng ito, matigas pa rin ang puso natin, hindi poa rin tayo naniniwala. Ang sabi nga ng ating kaibigan na Pastor: ”Sadyang Mapagsamba sa sarili ang tao! At saka pa lamang nagigising kapag huli na ang lahat at wala nang saysay!”
Mga kaibigan na nakikinig, pangalagaan natin ang ating mga sarili mula sa mapaminsalang bagay na ito — ang nakamamatay na inumin. Ito lamang ang uri ng lason na pinahihintulutan ng ibang mga bansa sa kani-kanilang lipunan, gayong batid naman nila ang dinudulot nitong masamang epekto.
Hanggang sa susunod na episode, ipadala ang inyong nais na tatalakayin ay isasama natin sa nakaka…
Abangan… ang nakaka.. ni Kaka Alih…
(STINGER- NAKAKA)
Mga Alak na Nakakalasing
(July 13, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)Alam ba ninyo na ayon sa social weather station survey, sa sampung Pilipino na may edad na 17-24 ay pito ang umiinom ng alak na makalasing? Ang tanong ko, Bakit kaya sila umiinom? Masarap ba ang uminom? Kaya ko naitanong dahil magastos ang uminom, ang mahal ng alak, 20 ang san miguel light, ang red horse, 23 ang isa, ang grand matador 55, ang generoso naman 65, ang gin 26, plus ung pang chaser pa, sampung piso isang litro pack, sa tindahan pa lang yan, wala ka pa sa bar.
Kung sakali mang libre, pupuyatin ka lang nito tapos ang hirap kumilos kinabukasan ng dahil sa hang over tapos masakit pa ung mga buto buto mo at mas lalo na ung mga joints, ahwwww, sakit tapos walang katapusang pakikipag heart to heart talk pa sa inidoro, wow, astig!. Minsan, masasabi mo na lang, tangna, ayoko ng uminom, pero pag nakaharap na sa hapag alakan, sige banat nanaman.
“Isa sa ayaw ko sa sa alak ay ang amoy nito, eh ang baho ng amoy ng nakainom, amoy masangsang na hindi mai-eksplika,” hinaing ng isang Mrs, na madalas na nilang pinagaawayan na mag-asawa ang paglalasing ng asawa.
“Alam mo Kaka, may mga tao namang pag nakainom, hanap away naman ang trip. Matingnan mo lang, sasapakin ka na, mabangga lang, gugulpihin ka na, may marinig lang, feeling nya agad siya na ung pinag-uusapan tapos pagmumumurahin ka na.” pagkukuwento ng isa nating kumpare.
“Pangpalakas ng loob ang alak” paliwanag ng isang palainum na kumpare ni Mare. Ang explanation niya ay pag bumnigwas ang espirito ng alak, lumalakas na ang loob, ang mga dating di kaya sabihin, this time, all out na, pwede na daw niyang sabihin na “I love you!! Sa kanyang nililiyag… (Stinger Laughing)
Ayon sa bible, it is wrong to get drunk, sabi sa Proverbs chapter 20 verse 1, “It isn’t smart to get drunk! Drinking makes a fool of you and leads to fights”. Sabi naman sa Hosea chapter 4, verse 11, The Lord says, “Wine, both old and new, is robbing my people of their senses!”, at sa Ephesians chapter 5 verse 18, “Don’t be drunk with wine, because that will ruin your life. Instead, let the Holy Spirit fill and control you”.
“Sori talaga sir patawarin mo ako, dahil lasing ako ng gawin ko yon”.. pagsosori ng isang nakagawa ng pangbobogbog.
“Alam mo naman sir, pag ang tao ay lasing wala na sa matinong pag-iisip, kaya ng marinig ko na binugbog ng mga kabataan na iyon ang kapatid kong lampa nakalimutan ko na isa akong aotoridad, agad kong sinugod ang mga kabataan na iyon at di ko namalayan ay binubugbog ko na sila” patuloy niyang paliwanag, kong bakit niya nagawa ang pangbubugbog sa kabataan na yaon.
Hanggang sa susunod na episode, ipapaliwanag natin ang mga epekto ng alak sa katawan ng tao, o mga sakit na makukuha sa alak na nakakalasing.
Abangan… ang nakaka.. ni Kaka Alih…
| Pagbibigayan para sa Mag-asawa | for everyone |
(July 9, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)(July 13, 2009)
(PLAY STINGER-NAKAKA)
(Kaka Alih): “Give and take, ito daw ang mahalaga sa mag-asawa. Kong mabubusog ka, kailangan mabusog din si Mrs…
(PLAY STINGER LAUGHING)
Hindi ganoon, ganito, makinig ka ng taimtim my friend. Sa mag-asawa, kailangan daw ng 90% na pagbibigay at 10% na pagtanggap. Nabasa ko sa isang aklat, may article doon about God’s Little Devotional Book for Couples, at doon ay nakasaad na mayroong 10 katanungan na maari nating itanong sa ating sarili para malaman natin kung isinasagawa nga natin ang pagbibigayan sa ating pagsasama bilang mag-aasawa. Heto ibahahagi ko sa inyo, na hangad natin ay magkaturuan ng katuturan sa ating buhay:
1. Handa ba tayong ibigay ang katahimikan kung kailangan ng ating asawa ng maikling panahon ng katahimikan sa bahay? Kapag hanghingi siya ng ceasefire, tigil na sa pag-sisigaw.
2. Handa ba nating tanggapin kung pagsabihan tayo ng ating asawa lalo na kung ito’y para sa ating ikabubuti? Yes Matuto din tayo minsan na makinig hindi lang tayo ang nagsasalita, kong baka sa valleyball hayaan mong ang partner mo naman ang magserve…
3. Handa ba nating ibigay sa ating asawa ang buong pagtitiwala natin? Huwag masyadong seloso, sa Islam pinapayagan ang selos, ngunit yaong selos na hindi mo papayagan na maagaw ni Satanas saiyo ang iyong asawa,
4. Handa ba tayong tumanggap ng karagdagang gawain kapag nakikita nating pagod na ang ating asawa? Minsan pagsilbihan natin an gating Misses.. papahngahin din natin sila…
5. Handa ba tayong magbigay ng salitang makapagpapalakas o makapagpapaginhawa ng loob ng ating asawa? Matuto din tayong pasalamatan at purihin ang maliliit nilang accomplishment..huwag palaging pinupuna ay yaong kapalpakan niya..
6. Handa ba tayong magbigay ng panahon para sa ating kabiyak, iyong kayong dalawa lamang at walang istorbo? Yes, give time naman sa ating Misses, maaga kayong matulog para makarami.. ay hindi… ipasyal mo din minsan kahit diyan lang sa inyong farm.. na kayong dalawa.
7. Handa ba tayong magbigay sa ating asawa ng magagalang na salita tulad ng “please” at “thank you”? halimbawa. Darling o kayay Tayan.. pwede ba na .. siyempre may paglalambing…
8. Handa ba tayong tanggapin na itigil ang argumento at magpalamig muna ng ulo kapag kumukulo na ang damdamin ng bawat isa? Umatras kong malakas ang kalaban, hindi karuwagan ang pansamantala pag-urong.. ay hindi pala giyera.. ang ibig kong sabihin.. dumistansiya muna habang galit pa ang isa… mamimiss ka rin?
9. Handa ba tayong magbigay ng salitang pagpupuri sa ating asawa? Yes … recognized the accomplishment ng inyong asawa.. kahit maliit lang iyan..
10. Handa ba tayong tumanggap ng kapintasan mula sa ating asawa para sa ating ikabubuti? Basta ang iportante kong mag-criticize tayo ay constructive ika nga..
Kuwento ng isang kaibigang pastor. May isang lalaking kararating lamang sa langit at halos wala siyang katigil-tigil sa pagsasabi daw kay San Pedro ng kaniyang pasasalamat dahil napunta siya sa napakagandang lugar. Nakiusap siya kay San Pedro kung maari niyang masilip ang impiyerno. Pumayag naman si San Pedro. Sa impiyerno, nakita niya ang isang mesa na ang haba ay kung hanggan saan matatanaw ng iyong mga mata. Punong-puno ng iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ito. Pero lahat ng nakapaligid sa mesa ay gutom na gutom at mga payat. Nagtanong ang lalaki kay San Pedro, “Bakit hindi sila kumakain?” Sumagot si San Pedro, “Kinakailangan silang kumuha ng pagkain sa pamamagitan lamang ng paggamit ng tinidor na may apat na piye ang haba. Biruin ninyo? napakahaba ng tinidor at walang makagawa na kumuha ng pagkain mula sa mesa para subuan ang kaniyang sarili. Kaya’t unti-unti silang namamatay.”
Nang bumalik na sila sa langit, nakita nang lalaki ang isang mesa na parehong-pareho ng nakita niya sa impiyerno! Iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ang nakalapag din dito. Pero ang mga taong nakapaligid sa mesang ito ay malulusog at masasaya. Nagsalita ang lalaki, “Ah, siguro ay mas maiikli ang kanilang tinidor dito sa langit kaya’t nakakain nilang mabuti ang mga nakahapag sa mesa.” “Hindi, pareho din ang sukat ng tinidor dito,” ang sagot ni San Pedro. Nagtatakang nagtanong ang lalaki “Kung gayon, bakit ang mga tao sa impyerno ay namamatay sa gutom habang ang mga tao dito sa langit ay malulusog at masasaya? Sumagot si San Pedro “ Dito sa langit, nagsusubuan at nagbibigayan ang bawat isa.”
Konting aral sa ating maikling kuwento, miinsan, nainggit tayo sa samahan ng ibang mag-aasawa na puno ng ligaya at lambingan. Naisip natin na wala silang problema. Sa totoo lang, ang bawat pagsasama ay may kani-kaniyang problemang hinaharap. Ang lahat ng mag-aasawa ay may dinaraanang panahon ng hindi pagkakasunduan. Pero, naniniwala akong nasa atin pa rin ang solusyon. Kung nais nating maging malusog at maligaya ang ating pagsasama, kung nais natin na maging langit ang ating tahanan, magbigayan tayo.
O kayo na mga mag-asawa.. subukan na ninyo.. mamayang gabi.. ehe este ngayon na.. heto ang inyong Pastor.. ehe… Kaka Alih hanggang sa susunod na episode ng inyong nakaka…
(STINGER NAKAKA)
Pagbibigayan para sa Mag-asawa
(July 9, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)(July 13, 2009)
(PLAY STINGER-NAKAKA)
(Kaka Alih): “Give and take, ito daw ang mahalaga sa mag-asawa. Kong mabubusog ka, kailangan mabusog din si Mrs…
(PLAY STINGER LAUGHING)
Hindi ganoon, ganito, makinig ka ng taimtim my friend. Sa mag-asawa, kailangan daw ng 90% na pagbibigay at 10% na pagtanggap. Nabasa ko sa isang aklat, may article doon about God’s Little Devotional Book for Couples, at doon ay nakasaad na mayroong 10 katanungan na maari nating itanong sa ating sarili para malaman natin kung isinasagawa nga natin ang pagbibigayan sa ating pagsasama bilang mag-aasawa. Heto ibahahagi ko sa inyo, na hangad natin ay magkaturuan ng katuturan sa ating buhay:
1. Handa ba tayong ibigay ang katahimikan kung kailangan ng ating asawa ng maikling panahon ng katahimikan sa bahay? Kapag hanghingi siya ng ceasefire, tigil na sa pag-sisigaw.
2. Handa ba nating tanggapin kung pagsabihan tayo ng ating asawa lalo na kung ito’y para sa ating ikabubuti? Yes Matuto din tayo minsan na makinig hindi lang tayo ang nagsasalita, kong baka sa valleyball hayaan mong ang partner mo naman ang magserve…
3. Handa ba nating ibigay sa ating asawa ang buong pagtitiwala natin? Huwag masyadong seloso, sa Islam pinapayagan ang selos, ngunit yaong selos na hindi mo papayagan na maagaw ni Satanas saiyo ang iyong asawa,
4. Handa ba tayong tumanggap ng karagdagang gawain kapag nakikita nating pagod na ang ating asawa? Minsan pagsilbihan natin an gating Misses.. papahngahin din natin sila…
5. Handa ba tayong magbigay ng salitang makapagpapalakas o makapagpapaginhawa ng loob ng ating asawa? Matuto din tayong pasalamatan at purihin ang maliliit nilang accomplishment..huwag palaging pinupuna ay yaong kapalpakan niya..
6. Handa ba tayong magbigay ng panahon para sa ating kabiyak, iyong kayong dalawa lamang at walang istorbo? Yes, give time naman sa ating Misses, maaga kayong matulog para makarami.. ay hindi… ipasyal mo din minsan kahit diyan lang sa inyong farm.. na kayong dalawa.
7. Handa ba tayong magbigay sa ating asawa ng magagalang na salita tulad ng “please” at “thank you”? halimbawa. Darling o kayay Tayan.. pwede ba na .. siyempre may paglalambing…
8. Handa ba tayong tanggapin na itigil ang argumento at magpalamig muna ng ulo kapag kumukulo na ang damdamin ng bawat isa? Umatras kong malakas ang kalaban, hindi karuwagan ang pansamantala pag-urong.. ay hindi pala giyera.. ang ibig kong sabihin.. dumistansiya muna habang galit pa ang isa… mamimiss ka rin?
9. Handa ba tayong magbigay ng salitang pagpupuri sa ating asawa? Yes … recognized the accomplishment ng inyong asawa.. kahit maliit lang iyan..
10. Handa ba tayong tumanggap ng kapintasan mula sa ating asawa para sa ating ikabubuti? Basta ang iportante kong mag-criticize tayo ay constructive ika nga..
Kuwento ng isang kaibigang pastor. May isang lalaking kararating lamang sa langit at halos wala siyang katigil-tigil sa pagsasabi daw kay San Pedro ng kaniyang pasasalamat dahil napunta siya sa napakagandang lugar. Nakiusap siya kay San Pedro kung maari niyang masilip ang impiyerno. Pumayag naman si San Pedro. Sa impiyerno, nakita niya ang isang mesa na ang haba ay kung hanggan saan matatanaw ng iyong mga mata. Punong-puno ng iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ito. Pero lahat ng nakapaligid sa mesa ay gutom na gutom at mga payat. Nagtanong ang lalaki kay San Pedro, “Bakit hindi sila kumakain?” Sumagot si San Pedro, “Kinakailangan silang kumuha ng pagkain sa pamamagitan lamang ng paggamit ng tinidor na may apat na piye ang haba. Biruin ninyo? napakahaba ng tinidor at walang makagawa na kumuha ng pagkain mula sa mesa para subuan ang kaniyang sarili. Kaya’t unti-unti silang namamatay.”
Nang bumalik na sila sa langit, nakita nang lalaki ang isang mesa na parehong-pareho ng nakita niya sa impiyerno! Iba’t ibang uri ng masasarap na pagkain ang nakalapag din dito. Pero ang mga taong nakapaligid sa mesang ito ay malulusog at masasaya. Nagsalita ang lalaki, “Ah, siguro ay mas maiikli ang kanilang tinidor dito sa langit kaya’t nakakain nilang mabuti ang mga nakahapag sa mesa.” “Hindi, pareho din ang sukat ng tinidor dito,” ang sagot ni San Pedro. Nagtatakang nagtanong ang lalaki “Kung gayon, bakit ang mga tao sa impyerno ay namamatay sa gutom habang ang mga tao dito sa langit ay malulusog at masasaya? Sumagot si San Pedro “ Dito sa langit, nagsusubuan at nagbibigayan ang bawat isa.”
Konting aral sa ating maikling kuwento, miinsan, nainggit tayo sa samahan ng ibang mag-aasawa na puno ng ligaya at lambingan. Naisip natin na wala silang problema. Sa totoo lang, ang bawat pagsasama ay may kani-kaniyang problemang hinaharap. Ang lahat ng mag-aasawa ay may dinaraanang panahon ng hindi pagkakasunduan. Pero, naniniwala akong nasa atin pa rin ang solusyon. Kung nais nating maging malusog at maligaya ang ating pagsasama, kung nais natin na maging langit ang ating tahanan, magbigayan tayo.
O kayo na mga mag-asawa.. subukan na ninyo.. mamayang gabi.. ehe este ngayon na.. heto ang inyong Pastor.. ehe… Kaka Alih hanggang sa susunod na episode ng inyong nakaka…
(STINGER NAKAKA)
KALABASA
July 13, 2009
T’duray: Babasal R’nawon (Maguindanawon, Iranun, Meranaw): Babasal
Tagalog, Cebuano : Kalabasa
English : Squash
Mayroon ding tinitinda dyan sa may Upi public market. Mayroon pong dalawang uri nito.ito ang :
• Pantag-araw – Tulad ng White Bush Scallop o Patty Pan, Yellow Bush Scallop o
Golden Custard, Yellow Crookneck, Yellow Straightneck, Casera,
Cocozelle, Zuchine.
• Pantaglamig – Tulad ng Table Queen, Des Maines, Butter nut, Turban,
Marblehead.
Ang mga uring ito ay makatutubong mabuti sa lupang lagkitin na hindi tinitigilan ng tubig.
Anong mga buwan naman mitatanim ang kalabasa?
Maitatanim mo ito mula sa buwan ng Abril hanggang sa buwan ng Hunyo at simula naman sa buwan ng Setyembre hanggang sa buwan ng Pebrero. Kaya may roon pong pinipiling buwan ang mga kalabasa.
Anu ano naman po ang mga paraan ng tanim?
· Araruhin muna at suyurin ang bukid na pagtatamnan. Pagkatapos,
· Tuwirang itanim ang 3-4 na buto sa butas na may tatlong (3) sentimetrong lalim sa bawat tundos na may 1.5 metrong agwat sa hanay ng mga tudling, at may 1.5 metrong pagitan.
· Pagkaraan ng isang linggo pagkatanim, bawasan ang tanim sa bawat tundos, at mag-iwan lamang ng 2 sa malulusog na tanim.
· Magpatubig lamang sa katamtamang dami.
· Isagawa ang mababaw na pagbubungkal bago kumalat ang mga baging sa lupa,, upang mapanatiling buhaghag at mahalumigmig ang lupa. at hindi pati ang mga damo ay makatubo.
· Pagkatapos ay maglagay ng abono at hayaang gumapang sa lupa ang mga baging.
Sa pag-aani naman ay
Mag-ani habang mura pa ang mga bunga, bago tumigas ang balat.Hindi rin maiiwasan na mayroong ding mga kulisap na sumisira ng iyong tanim.Ang “Yellow beetle” ang pinakamapaminsalang kulisap sa kalabasa.Upang mapuksa ito, bombahin ang mga pananim ng Malathion. Kung laganap ang sakit ng kalabasa, maaaring gumamit ng Manzate o Dithane.
.Kaya maliwanag po mga nanay na hindi lang pampoduktong pang-agrikultura ang pinagkakaperahan. Makakapera Karin sa pagtatanim ng ibat-ibang uri ng gulay.
Kailangan molang talaga ng Sipag at Tiyaga! Pag may tiyaga may ginhawa. Yan ang pinakamalaking capital natin sa lahat na Gawain.para ….
May kunsumo kana may pera kapa.
kung inyong napapansin sa mga kababayan nating naglalako ng gulay ay may maraming pinapabili ng kalabasa may naka slice na at mayroon namang buo pa. Mayroon ding tinitinda dyan sa may Upi public market.sa halagang sampung piso ang bawat slice.
(Research/Scrript na sinulat ni NENITA MINTED para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M-July 10, 2009 ) sa segment na “ALAM BUHAY”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
| PAGLULUTO NG AREPAHOL | for everyone |
Ang arepahol ay Ilonggo term, na ang ibig sabihin pagkaing gawa sa balinghoy o kamoteng baging, kapok naman sa T’duray, at ubi kapok sa R’nawon.
Paano ba ang pag luluto nito at mga benipisyo.ang kabuuan nito ang ibabahagi ko sa inyo ngayong umaga.
Masarap na pang meryenda.
Simple ang pamamaran ng pagluluto at masustansiya at maraming mapagkukunan ng mga sangkap. Mabentang mabenta ito lalo na sa mga paaralan,dahil pwede na itong pang almusal dahil mayaman ito sa carbohydrates.
Mga sangkap ;kamoteng kahoy,kinudkod, niyog,asukal na pula,
Magkano ba ang kailangan nating capital;
Kamoteng kahoy- 50.00/10.00 kg
asukal/brown sugar P10.00/kg
Isang pirasong niyog.kinudkod 10.00
Nangangahulugan na P70.00 lang ang ating kailangang capital
Mga kagamitan;
· kaldero, (steamer)
· tray,
· hulmahan/pwedeng lata ng sardinas o plastic molder.
Mga Pamamaraan ng pagluluto …
· magpakulo ng tubig ,kapag kumulo na ilagay ang lata na may kinudkod na kamoteng kahoy na may halong kinudkod na niyog,ilagay ang lata o plastic molder,
· I steam o pasingawan hanggang sa maluto,malalaman mong luto na ito kung malambot na ito.
· Pagkatapos iahon mo na at palamigin muna bago tanggali sa molder,habang pinapalamig budburan ng asukal sa itasas ng naluto ng arepahol.
· Ilagay ng maayos sa tray at pwede ng I serve at ibenta habang mainit pa… ayan at luto na ang ating arepahol alam nyo ban a kikita kayo ng hanggang 200,daang piso depende sa dami ng inyong maluluto.
· At alam niyo ba paboritong pag kain ito ng mga lola at lolo k . mga ina ng tahanan habang tulog pa si baby… ay hala simulan mo na ang pagluluto.
(Research/Scrript na sinulat ni LUCY DUCE para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M-July 10, 2009 ) sa segment na “ALAM BUHAY”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Kuto at galis: Paano maiiwasan?
July 12, 2009

Tagalog: KutoT’duray : Kutew
Maguindanaon/Iranun.Meranaw: Kuto
English: louse/head lice
Ang kuto ay napakaliit na insekto at kulay brown. May mga matutulis na kamay ang kuto (parang ipis). Kumakapit ito sa ating buhok.
Ang mga nakikita nating puti-puti na dumidikit sa buhok ay mga itlog ng kuto, o tinatawag na nits o lice eggs. Dahil sa kuto, madalas kumakati ang buhok at ulo ng pasyente. Parang may balakubak sila. May mga tagihawat din sa ulo, leeg at balikat.
Sobrang mabilis makahawa ang kuto. Kapag madikit ang ulo mo sa isang taong may kuto, puwede kaagad lumipat ang kuto sa iyo.
Ang mga gamit na madalas dapuan ng kuto ay ang mga unan, baro, sumbrero at stuffed toys. Banlian ito maigi nang kumukulong tubig at ibilad sa matinding araw.
Ma-hirap patayin ang mga kuto, pero heto ang mga paraan.
1. Magpaikli ng buhok — magpagupit ng manipis o i-layered ang buhok para walang makapitan ang kuto.
2. Gumamit ng suyod para matanggal ang mga itlog at kuto sa buhok.
3. Bumili ng Kwell Shampoo, generic ay Permethrin 10 mg. Basain nang maraming tubig ang buhok, tapos ay hayaan ang Kwell shampoo sa buhok ng 10 minuto bago banlawan. Ingatan huwag pumunta sa mata. Ulitin ito pagkaraan ng isang linggo kapag hindi pa nau-bos ang kuto.
Huwag pong pasaway. Gamutin ang kuto at huwag mang-hawa ng iba.
Galis o scabies:
Ang galis o scabies ay galing sa maliit na hayop na kung tawagin ay Sarcoptes scabei. Tumitira ang galis sa katawan ng tao at sa hayop tulad ng aso at pusa. Kapag nasa tao, puwedeng mabuhay ng isang buwan ang scabies. Kapag wala na sa katawan ng tao, nabubuhay pa ito ng hanggang dalawang araw.
Dahil nga may mga pamilya na siksikan sa bahay at tabi-tabi kung matulog, mabilis makahawa ang galis. Mag-ingat ka sa paggamit ng tuwalya, unan, bedsheet at panyo ng isang taong may galis, at baka mahawa ka!
Ang galis ay kumakapit sa mga kamay, pulsuhan (wrist), paa, siko at suso. Parang maliliit na tagihawat na may linya ang hitsura nito. Nagtatago ang parasitikong ito sa lugar ng mga skin-folds o sa pagitan ng mga daliri ng kamay at paa. Makating-makati ang galis at lalo itong makati sa gabi. Minsan ay nagsusugat ang balat dahil sa kakakamot.
Paano gagamutin ito?
Paglalagay ng Kwell Lotion,
Kwell Lotion-ang generic name nito ay Permethrin 50 mg lo
tion. Sundin maigi ang direksyon ng paggamit nito. Maligo muna, pagkata pos ay ipahid ang Kwell Lotion sa buong katawan, mula leeg hanggang paa. Hayaan ang lotion sa katawan ng walong oras at pagkatapos ay maligo ulit. Kapag hindi naubos ang galis, ipahid ulit ng isang beses pa.
Tandaan: Sundin maigi ang direksyon sa paggamit ng Kwell shampoo at Kwell lotion, da hil may side effect ito kapag nasobrahan ang gamit.
Lahat ng may galis sa bahay ay dapat gamutin. Dahil kung hindi, ay magkakahawahan nang paulit-ulit.
Paggamot naman ng Tubig
- Maligo at magsabong mabuti araw-araw. Magpalit ng mga kasuotan pagkatapos maligo.
- Painitan sa sikat ng araw ang lahat ng ginagamit sa pagtulog sa gabi: banig, unan, kumot at mga pansapin sa tulugan, maging ang mga kasuotang pantulog.
- Matulog nang nag-iisa upang huwag mahawa ang ibang mgakaanib ng sambahayan.
- Manatihng malinis. Hugasan ang mga kamay, paa at mukha, o kaya ay maligo bago matulog
(Research/Script na sinulat ni Nancy Lawan, para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M-July 9, 2009 ) sa segment na “WOW”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Magtanim ng Ampalaya
July 11, 2009
Common Names:
English: African cucumber, balsam apple, balsam pear, bitter gourd, bitter melon
Ifugao: Paliya, palia, palya
Spanish: Amargoso. amorgoso
Tagalog: Ampalaya, amplia
Iranun/Meranaw/Iranun: palya, Pariya
T’duray: Friya
Ang kaisipan ay isa sa mga katangiang malaki ang naitutulong para umunlad ang ating kabuhayan. Para sa isang magsasaka, karaniwang halos katumbas na rin ng pagsisipag ang pagkakaroon ng magandang ani sa hinaharap.
Subali’t bukod dito, may mga bagay na dapat rin nating pagtuunan ng pansin sa ating paligid kung nais nating makinabang ng husto mula sa ating negosyong pagtatanim.Isa sa mga bagay na kailangan nating pagtuunan ng ibayong pansin ay ang sukat ng ating lupang tinatamnan. Hindi lahat sa atin ay pantay-pantay ang lawak ng lupang sinasaka. Kung tayo’y magkukumpara, mapapatunayan natin na tuwina’y may mas malaki o mas maliit ang taniman kaysa sa atin.
Sakaling kayo ay isa sa mga magbubukid na di gaanong kalakihan ang sinasaka, huwag kayong manlulumo, mga kaibigan. Dahil hindi naman lahat ng pananim na maaaring pagkakitaan ng malaki, ay nangangailangan ng malawak na bukirin para patubuin at palaguin.
Kabilang sa mga tanim na maaaring tumubo kahit sa maliit na sukat lamang ng lupa ay ang amargoso, na mas kilala bilang ampalaya, at isa sa mga sangkap ng popular na lutuing pinakbet.
Ang mapait ngunit napakasustansiyang gulay na ito ay maraming pakinabang. Ang mismong bunga, na mayaman sa iron ay nakakain ng hilaw bilang bahagi ng katutubong ensalada, o kaya bilang sangkap sa ulam, lalo pa’t kung ito’y igigisa’t hahaluan ng kaunting isda, karne, o hipon. Maaari rin naman itong pasingawan lamang at mayroon na rin tayong masustansiyang tanghalian o hapunan.
Samantala, ang mga talbos naman nito’y naisasahog rin sa ibang lutuin, gaya ng ginisang munggo. Maaari rin itong ulamin ng direkta kung isasawsaw sa bagoong. At ang pinakuluang mga dahon at mga buto nito, ay mainam na gamot sa sakit ng ulo, sipon at ubo.
Kaya sa kabila ng mapait na lasa nito, maraming mga mamimili ang bihirang makalimot na isali ang ampalaya sa kanilang pamamalengke. Lalo pa sa mga panahong ito kung kailan napaka-health conscious ng nakararami. Sa ngayon, ginagawa ng maraming mamimili na pangunahing kunsiderasyon ang sustansiyang mapapala mula sa kanilang mga binibiling pagkain, kaagapay ng halaga nito.
At kadalasang abot-kaya naman ang halaga ng mga gulay na gaya ng ampalaya, ang isang magsasakang magtatanim nito, kahit na bilang secondary crop o pangalawang pananim lamang, ay tiyak na malaki ang dagdag na kikitain dahil nga sa mabili ang ampalaya.
Kung tayo’y may tiwangwang na lupa sa likod ng ating mga bahay o kaya’y bakuran,subukan natin ang pagtatanim ng ampalaya, lalo na kapag panahon ng tag-ulan, para hindi sila masyadong mababad sa lupa habang sila’y lumalaki. At kapag tag-araw naman ay maaari tayong magtanim nito sa mga binungkal na lupa sa ating palayan.
May dalawang klase ng ampalaya na maaari nating itanim. Una ay iyong uri na ang kulay ay di gaanong berde at may hugis pahabang silindriko.
Ang ikalawang uri naman ay iyong hugis pabilog-haba.
Ang unang uri ay di gaanong mapait kumpara sa ampalayang berdeng-berde ang kulay. Ito ay kadalasang pinapatubo sa balag. Ang pangalawang uri naman ay itinatanim sa mga palayan at pagkatapos ay hinahayaan ng gumapang sa lupa.
Higit na kapakipakinabang ang magpatubo ng ampalaya sa balag. Mas madaling balutin ang mga bunga nito para makaiwas sa mga peste. At magiging daan ito para maging mas madali ang pag-aani ng bunga.
Paraan ng pagtanim.
Magtanim ng mula sa apat hanggang limang binhi sa bawat tundus na limang sintemitrong lalim at isa atkalahati hanggang dalawang metrong agwat sa hanay ng mga tudling. Pagkaraan ng ilang araw bawasan ang mga pananim at mag iwan lamang ng dalawa hanggang tatlo lamang ng malulusug na pananim sa bawat tundos.
Sa sandaling tumubo at gumapang ang mga baging ng ampalaya.bungkalin ang lupa sa pamamagitan ng kamay o pag-aararong hila ng kalabawgawin ito pagkaraan ng isang linggo.
Magtanim ng mula apat hanggang limang kilong binhi sa bawat ektarya.
Upang maiwasan ang pamiminsala ng “melon fruit Fly” Sundin ang mga sumusunod.
•Attractant-gumamit ng “attractant”
•Bagging – balutin ng papel ang bawat bunga ng ampalaya.
Ang “melon Fruit fly “ang kulisap na gumagawa ng malalang pinsala ng ampalaya .upang papuksa at masugpo ang pamiminsala nito aygumamit ng soluyong “Foliafome soap”.ang karaniwang sakit nito ay panlalanta o “wilt “ sugpuin sa pamamagitan ng pag –iiba-iba ng pananim at panatilihing malinis ang taniman.
Ang ampalaya ay nagsisimulang mamunga 75-90 araw makalipas ang pagtatanim. Malimit na di sabay-sabay ang pamumulaklak at pagkahinog ng mga bunga nito. Sa unang buwan ng pamumunga, lingguhan ang pag-aani. At nagiging mas mabilis naman ang pagpitas dalawang buwan makalipas ang pagtatanim nito.
Depende sa dami ng ating itinanim, at sa uri ng ating pangangalagang ginawa, ang ating maaasahang ani. Kung maayos ang ating ginawang pagpapatubo, maaari tayong umani ng mula 7-10 kilo. At kapag tumigil na ang tanim sa pamumunga, maipagbibili naman ang talbos.
Kaya’t maliwanag na kung tatamnan natin ng ampalaya ang ating mga tiwangwang na lupa, gaano man ito kaliit, ay madaragdagan ang ating kita. Bukod dito, magkakaroon pa tayo ng madaling mapagkukunan ng uulamin oras na magsilaki na ang ating mga tanim.
Kailangan lang ng Sipag at Tiyaga! Pag may tiyaga may ginhawa.
(Research/Scrript na sinulat ni Nenita Minted para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M-July 9, 2009 ) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio- )
PAGLULUTO NG AREPAHOL
July 10, 2009
Isang uri ng kakanin ang ating pag-uusapan kumakain ba kayo ng aripahol?
Ang arepahol ay Ilonggo term, na ang ibig sabihin pagkaing gawa sa balinghoy o kamoteng baging, kapok naman sa T’duray, at ubi kapok sa R’nawon.
Paano ba ang pag luluto nito at mga benipisyo.ang kabuuan nito ang ibabahagi ko sa inyo ngayong umaga.
Masarap na pang meryenda.
Simple ang pamamaran ng pagluluto at masustansiya at maraming mapagkukunan ng mga sangkap. Mabentang mabenta ito lalo na sa mga paaralan,dahil pwede na itong pang almusal dahil mayaman ito sa carbohydrates.
Mga sangkap ;kamoteng kahoy,kinudkod, niyog,asukal na pula,
Magkano ba ang kailangan nating capital;
Kamoteng kahoy- 50.00/10.00 kg
asukal/brown sugar P10.00/kg
Isang pirasong niyog.kinudkod 10.00
Nangangahulugan na P70.00 lang ang ating kailangang capital
Mga kagamitan;
· kaldero, (steamer)
· tray,
· hulmahan/pwedeng lata ng sardinas o plastic molder.
Mga Pamamaraan ng pagluluto …
· magpakulo ng tubig ,kapag kumulo na ilagay ang lata na may kinudkod na kamoteng kahoy na may halong kinudkod na niyog,ilagay ang lata o plastic molder,
· I steam o pasingawan hanggang sa maluto,malalaman mong luto na ito kung malambot na ito.
· Pagkatapos iahon mo na at palamigin muna bago tanggali sa molder,habang pinapalamig budburan ng asukal sa itasas ng naluto ng arepahol.
· Ilagay ng maayos sa tray at pwede ng I serve at ibenta habang mainit pa… ayan at luto na ang ating arepahol alam nyo ban a kikita kayo ng hanggang 200,daang piso depende sa dami ng inyong maluluto.
· At alam niyo ba paboritong pag kain ito ng mga lola at lolo k . mga ina ng tahanan habang tulog pa si baby… ay hala simulan mo na ang pagluluto.
(Research/Scrript na sinulat ni LUCY DUCE para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M-July 10, 2009 ) sa segment na “ALAM BUHAY”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Kabute (mushroom) Farming
(Presented ni Lucy Duce sa programang “Buhay-buhay sa DXUP” sa segment na Alam Buhay-July 9, 2009-7:00-8:00)
Mga Kailangan sa Paggawa ng Kama
Ang dayami ng palay ang siyang pangunahin at pinakamabuting gamitin para sa paglilinang ng kabute. Ito ay hindi mahirap lalo na’t katatapos lamang ng anihan. Ang water lily, dahon o tangkay ng saging at mga itinapon bahagi ng abaka ay maaari ding gawing kamang punlaan ng kabute.
Paghahanda:
Mahaba, malinis at tuyong dayami ang kailangan. Iwasan ang paggamit ng bulok at lumang mga dayami. Bago bungkusin, tiyakin na nakaayos na mabuti ang bawat dulo ng dayami. Ang pagbubungkos ay mula anim hanggang walong diyametro. Putulin ang nakabungkos na dayami sa habang 1.5 hanggang 2 talampakan. Ibabad ang nakabungkos na dayami sa loob ng 3 oras. Tandaan na ang paglulubog nito sa tubig ay di dapat lumampas ng 10 oras upang ang dayami ay makasipsip ng katamtamang dami ng tubig. Tayuan ng apat na kawayan o patpat ang bawat sulok ng kamang pagpupunlaan na may sukat na dalawang talampakan ang lapad at sa ninanais na haba. Ilatag na mabuti ang mga nakabungkos na dayami pahalang sa pundasyon. Ihinto ang pagdidilig kung ang tubig ay naguumpisa nang dumaloy sa kama.
Pagtatanim ng Binhi:
Isingit ang mga binhi sa pagitan ng mga dayami ng apat na pulgada ang layo mula sa tagiliran, at apat na pulgada rin ang layo ng bawat butong itatanim. Huwag magpunla sa gitna ng kama. Patungan ng panibagong dayami na pasalungat sa nauna, diligan at patagin. Sundin ang mga naunang tuntunin hanggang sa mahusto ang salansan at taas ng kamang punlaan. Ang kama ng kabute ay binubuo ng anim na salansan ng dayami. Ang bawat patong ay may mga nakatanim na binhi ng kabute.
Pag-aalaga ng Kabute:
Mula sa apat hanggang limang araw matapos ihanda ang kamang punlaan, simulan na ang pagdidilig. Gawin ito tuwing makalawang araw o naaayon sa kalagayan ng panahon. Sa buwan ng tag-init, ang pagdidilig ay kailangan, ngunit kong tag-ulan, hintayin na lamang na tumubo ang kabute. Ang labis na pagdidilig at pagkatuyot na kamang pinagpunlaan ay makasisira sa paglaki ng kabute. Upang hindi lumabis ang tubig sa kama, maaaring gawin ang pagdidilig sa tagiliran ng kama. Kapag ang kabute ay nag-uumpisa nang tumubo, ihinto muna ang pagdidilig ngunit kung nasa kalagitnaan na ang pag-usbong ng kabute, muling ipagpatuloy ang pagdidilig.
Pag-aani:
Pagsapit ng dalawa hanggang tatlong linggo, ang mga binhi ng kabute ay naguumpisa nang tumubo. Sa pag-aani, tiyakin na kasama ang pinaka-ugat nito sa pag-aalis sa kama. Huwag anihin ang mga umuusbong pa lamang upang hindi magambala ang paglaki nito. Ang kabute na nasa kasibulan ay mas malinamnam kaysa sa mga nakabukadkad.
MAGTANIM TAYO NG KAMATIS
(Presented ni Nenita Minted sa programang “Buhay-buhay sa DXUP” sa segment na Alam Buhay-July 8, 2009-7:00-8:00)
Dahil Sa lahat ng dako ng Pilipinas, ang kamatis ay itinatanim para sa pansariling konsumo sa bahay at pambenta. Dahil ito po ay pangunahing sangkap sa ensalada o salad at makakain nang hilaw, nilaga, prito at magagawa ring atsara, ketsup at sopas maliban dyan malaki ang bitamina na makukuha dito tulad ng bitamina C, A at sinasabi rin nilang pampaganda ng Kutis. Kaya napakaimportante po nito.
Sa ngayon ay may mga uri ng kamatis ang puwede mong itanim kahit na hindi o wala sa panahon. Mayroon pong uri nito na puwede mong itanim kahit na tag-ulan,ay hindi ito mabubulok.makapal ang balat nito. Kung nakikita ninyo ang mga mga kamatis na binibili natin dyan sa palengke na may makapal na balat na ang tawag nila ay Delmonte o Emelda.Tumataas po ang presyo nito sa ngayon. Kaya kung ikaw ay may tanim na kamatis at mapabenta mo.
Ang kamatis ay tumutubo sa maraming uring lupa, mula sa banlikin hanggang sa lagkitin o sa lupang galas. Kailangan nito ang mainit na panahon at maliwanag na sikat ng araw.o open field.
Paraan ng Pagtatanim
Ihasik ang mga binhi sa kamang-punlaan. Humigit-kumulang sa ½ hanggang ¾ kilo ng binhi ang kailangan para sa isang ektarya. Gumawa sa kamang-punlaan ng hanay ng mabababaw na tudling na 15 sentimetrong pagitan. Ibudbod ang mga binhi nang manipis at pantay sa kamang-punlaan at saka tabunan ng kaunting lupa. Diligin ito araw-araw. Ilipat-tanim o I trance plant ang mga punla pagkaraan ng 25-30 araw pagkapunla.
Ihandang mabuti ang bukid. Itanim ang punla nang 50 sentimertong agwat sa tudling. Diligan ang mga bagong-lipat na tanim. Isagawa ang paghuhulip (muling pagtatanim sa mga tundos na nawala ng tanim) pagkaraan ng isang linggo. Maglagay ng komersyal na abono sa mga tudling bago o kasabay ng pagtatanim. Sa sandaling mamulaklak at lumabas ang mga buko, maglagay ng abonong nitroheno. Kakailanganin ang 100-150 kilo ng ammonium sulfate bawat ektarya. Kapag gumagapang na ito wag pabayaang gumapang sa lupa.. kaya kailangan mong gawan ng bahay,na nylon na kung saan doon ito kumakamang na, may katamtamang taas para hindi makaabot sa lupa ang magiging bunga ng iyong kamatis. Dahil ito rin ang dahilan ng damaling masira ang iyong tanim
Sa Pag-aani
Ang pag-aani ay isinasagawa nang maraming beses. Kaya hindi lang isang beses ka makapera sa ganitong tanim. Sa loob ng isang Linggo ay Mula tatlo hanggang Apat na beses kang mag-ani nito. Pinipitas lamang ang mga husto sa gulang na bunga nito.
At hindi rin maiiwasan na mayroon rin pong mga karaniwang kulisap na pumipinsala sa kamatis ito ay ang tinatawag na“tomato fruit worm”, at ang mapaminsalang sakit ay “bacterial wilt”.
Ano naman ang iyong gawin para masugpo ang mga nakakasira sa iyong tanim na kamtis?
Upang masugpo ang mga kulisap at sakit ng kamatis,
· alisin ang mga may sakit na tanim upang hindi maapektohan ang ibang tanim ,
· at ugaliin na laging malinis ang taniman sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga damo at may pinsalang tanim.ibig sabihin kailangan mo ng sipag at tiyaga.
Ang trabahong ito ay magaan lang kaya,! kayang kaya ng mga babae. Para may extrang pagkakitaan. “Napakalaking tulong ang karagdagang kita ninyo sa tanim na ito.
May kunsumo kana may pera kapa.
Kailangan lang ng Sipag at Tiyaga! Pag may tiyaga may ginhawa.
Bukas naman ng umaga inyo pong abangan ang tungkol sa pagtatanim ampalaya. Dito lamang sa DXUP FM sa ganito ring oras sa rogaramang buhay buhay sa DXUP FM sa bahaging Alam Buhay.
Hanggang dito lang po ang aking maibahagi sa inyo sana po ay kapupulotan niyo ng aral.ako po si Nenita Usman Minted ang ingyong segment reporter. magandang umaga po.
Paano paliligayahin ang babae?
(Scrip na sinulat at presentation ni Kaka Alih para sa programang Buhay-buhay sa DXUP sa segment na Nakaka…July 8, 2009 - 7:00-8:00 AM - Host: Lenyrose Bajar Sunio)
Sa isang daang ginawa mong mabuti sa kanila sa isang kapalpakan bura lahat iyon.” Ang tanong: Paano ba natin sila mapapaligaya?
(PLAY THE STINGER NAKAKA..)
(Kaka:) “Tanong – Paano ba paligayahin ang babae? Papaano nga ba..? (STINGER NA TAWA)
Ang bawat babae ay may kanya kanyang katangian, ugali, at pagmamahal. Dito natin sila
nakikilala, dito rin natin sila minamahal, minsan naibibigay natin ang gusto nila minsan naman eh hinde. Sa isang daang ginawa mong mabuti sa kanila sa isang kapalpakan bura lahat iyon.” Ang tanong: Paano ba natin sila mapapaligaya?
Mapapaligaya ba ang babae sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga bagay na nais nila?
“Sa pag-papadama sa kanila ng Pagmamahal, ssagot sa akin ng isang relihiyosong kaibigan….. “pero alam natin na hindi tayo perpekto para maibigay ito lahat”
“Ah para sa akin Kaka, Sex?” sabi ng nagbibinata na estudyante.
“Siguro hindi naman Kaka, hindi lang ng tao, sex lang pwede magpaligaya, diba? (aywan ko)
Kung hahanapin natin ang babae dahil sa nais nila.. na dapat maibigay ang gusto niya, eh baka hindi natin Makita ang babae, na pwede mong mapaligaya.
Anong klaseng bagay, ang makapagpapaligaya sa babae? ….pagmamahal, material, at kung ano pa ang magpapaligaya sa kanila? Palagay nyo.. alam ba nyo?
Mahirap isipin di ba kaya minsan hindi nating magawang iwasang masaktan sila dahil hindi natin maibigay ang talagang nais nila. Dahil maski silang mga babe hindi nila alam iyon.
Totoo di ba mga babae? sagot! Ikaw kilala mo ba ang sarili mo?, Kung hindi huwag mong sagutin baka hindi tama sa damdamin mo mapahiya ka sa sarili mo. Sa mga taong nakakaintindi dyan pwede kayong sumagot.. para sa susunod na episode……
Pero ako marami na akong nakalap na sagot.. heto ang ilan sa na lista ko…kaya lista na kayo.. o text na rin>
Sagot ni Kumare #1: “Pare alam mo Ang babae just wanted to be loved unconditionally by men at yun ang makapagpapaligaya sa amin, yung walang lokohan at wag nyo kaming sasaktan”.
Kumpare # 1: “Sa akin pare? … basta be true to yourself, ipakita mo sa kanya na totoong ikaw… huwag mong pilitin sarili mo gawin ang mga bagay na di mo kayang gawin.”
Tama ka pare, may mga tao talaga na mataas ang expectation at kung ganun sila wag mo ilagay sarili mo sa palad nila at kung di ka nila matanggap sa pagiging ikaw, hindi sila ang babae para sa iyo, they are not worthy to be with you…..Be true lang sa iyong sarili.. kong di ka niya matanggap, so be it…hindi siya ang soul mate…
Kumpare # 2: “Para sa akin, pare, simple lang naman magmahal ng mga babe. Pinakamaganda nyan ay ipakita mo lang naman yung tunay mong pagkatao tapos yung tunay mong bad na ugali para matantya ng bawat isa sa inyo kung kakayanin nyo ba… if acceptable then everything will just come naturally…!!! Mas sweet na ang pagsasamahan…di ba? . (style mo bulok.. hahahaha)
Para naman sa akin Mare,,, ganito ang aking konsepto… actually, mahirap ngang intindihin minsan ang mga babae.. minsan kasi mahirap sa amin na sabihin sa inyo yung nararamdaman namin… sometimes… pero ganun din naman kayo.. di nyo nga lang pansin..may similar lang babae at lalaki..
“The only thing that would make girls happy is that we want to be loved, accept for what we are… feel that we are important and of course… the security… no material thing can replace.” (pa-English Englih ka pa)
O ikaw naman Pare?
Alam mo pare, hindi naman kasi mahirap paligayahin ang mga babae… (sige, tuloy tuloy, iyan ang gusto… ) Alam mo pare…kaunting patawa…konting bola…konting akrobatiks jan…okay na. “deep inside” masaya na talaga sila. lalo na pag mahal nya talaga ang lalake, … kaso…. siyempre nature ng mga babae ang magtago ng emotions. ito ung tinatawag na “pagpapakipot”.
(STINGER TAWA)
Yes alam mo ito, dahil turo sa amin ng nanay namin iyan! madali lang daw talaga…… kaso hindi madaling malaman ang nagpapasaya sa mga ito. at bakit hindi madaling nalalaman at bakit madalas nilang sabihin na hindi nila alam? dahil maraming babae ang hindi dinadaan sa salita ang tunay nilang nararamdaman. minsan umaasa na lang sila na sana dumating sa point na maging “sensitive” enough ang mga lalake para maintindihan niya ito. parte rin ang pabago bago na mood ng mga babae at ang unpredictable ng mga ito.
Sabi nga nila, let’s not only look on one side of the coin. a relationship is a two way street. Bakit naman marami sa mga lalake, pag matagal na ang relationship eh nagbabago ng ugali?
Kaya paghandaan mo, ang panahon na iyon na magbabago ang partner, at dito dapat mong intindihin, kong tiis at adjust… magbabago din iyan.. lalo mong pag-ibayuhin ang iyong pagpapakita ng iyong wagas na pagmamahal…manalangin ka ng madalas sa Diyos….
Ano yan?…. dib a may kasabihan tayong mga Pilipino na: walang matimtimang birher sa matiyagang manalangin.. pero pare ang problema di nasiya birhen… ay tange… paaalm na ako baka pati ako mai-love…Kaka Ali po ang inyong nakaka.. gigil… hanggang sa muli nating pagniniig… (STINGER NA TAWA)
(STINGER NA NAKAKA)
Mga bunga ng maagang pag-aasawa?
(July 9, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio- )
(PLAY THE STINGER .. NAKAKA..)
Kaka alih: “Ang mga bunga nito ay ang mga sumusunod:
1. Pag bata pa ang babae at ito ay nagbuntis agad at nanganak, maaring hindi pa kayanin ng kanyang kalusugan ang dulot ng panganganak lalo pa at maraming dugo ang mawawala sa kanya, at dahil dito maaga kang mababalo my friend.
2. Pag bata pa pareho ang mag-asawa madalas ang kanilang pag-aaway at pagtatalo dahil na rin sa kanilang ugaling bata pa, akala kasi ni bahay-bahayan lang, hoy, Ting /Adi may kasabihan tayo na ang pag-aasawa ay hindi kanin na isusubo na pag ikaw ay napaso ay pwede mong iluwa.
3. Magiging kawawa ang mga magulang dahil natural na sa kanila pa rin pipisan o makikitira ang mag-asawa dahil kapwa hindi nakatapos, walang mahanap na trabaho. Kaya naman Ting, Bai, Awi, Adi, Inday, Dong, maawa ka kay nanay at tatay, magtapos ka muna ng pag-aaral bago mag-asawa.
4. Kung mag-kakaanak agad, (Ay ano?.. di lang masisira ang figure oy) Alam mo ban a, hirap ang daranasin.. Hindi lang sila ang mahihirapan kundi pati mga ang kanilang mga anak. (mga apo mo yun)
Hindi maibigay ang pangangailangan ng mga bata dahil hirap sa buhay.
5. Sabagay sa kabilang banda, may maganda ring bunga ito dahil parang makakasabayan lang nila ang paglaki ng kanilang anak,(di mabuti, para ka na ring may kapatid na bunso)
(Hahahaha- PLAY THE STINGER LAUGHING)
Bweno hanggang dito na lamang at mag-aasawa na ako .. ay mali… hanggang sa susunod na episode ng Nakaka ni Kaka Alih…
(PLAY THE STINGER- NAKAKA)
Adobong Manok
July 8, 2009
(Presented ni Lucy Duce sa programang “Buhay-buhay sa DXUP” sa segment na Alam Buhay-July 8, 2009-7:00-8:00)
Ang adobong manok ay isang espesyal na ulam sa ating mga pinoy at paboritong paborito ito ng mga kabataan,sa mga restorant mabintang mabinta ito.
Ang isang katamtamang laki ng manok ay umaabot ng isang kilo at kalahati,at mahihiwa ito ng 15 slice.magkano ba ang kakailanganin nating capital?
narito ang mga sangkap….
1.5 kg manok- Presyo 180.00
Seasoning- 2.00
Asin 1.00
Bawang- 3.00
Toyo- 5.00
Suka- 5.00
Oil- 5.00
Luya- 2.00
Total-203.00/capital
Pamamaraan ng pagluto;
- Huwag kalimutang gumamit ng aepron at hairnet.
- Una magpakulo ng tubig para sa pagkatay ng manok,matapos makatay ang manok, hiwain ng katamtaman ang laki,din painitin ang kawali,at ilagay ang oil; pag mainit na ito,
- ihulog ang bawang, Bombay at luya,
- hintayin na mag kulay brown na ito o brownish,din ilagay ang hiniwang manok ,
- haluin ito lagyan ng kalahating basong tubig,at
- pakuluin hanggang sa lumambot ng karne .
- kapag malambot na ang karne timplahan ng toyo,suka,at seasoning.
- Ayan at luto nah…matikman nga… ump sarappp.
Nakaka - sa Buhay Buhay sa DXUP
July 7, 2009
TOPIC TITLE:
Lalaki at Babae 2Date July 7, 2009
Program Buhay-Buhay sa DXUP (7:00-8:00 A.M.)
Writer/Reporter Alih S. Anso
Host Lenyrose Bajar Sunio
Segment NAKAKA…..
——————————————————————————
babae sa lahat ng antas? Meaning Man & woman must be equal in all level?
Pwede pa kayong mag-text kong may kasagutan kayo…for the mean time dagdgan pa natin ang mga isiniwalat natin tungkol sa lalaki at babae, o ito Gender na issue, ibigay natin kay Kaka Ali sa ating segment na nakaka
(PLAY THE INTRO NAKAKA)
KAKA: “Kaka Alih, Dapat equal ang lalaki at babae, ano man ang stand sa issue makinig muna tayo sa aking sharing sa umagang ito.
Under sa chismis na nahagilap ko, mas malaki ang population ng mga babae sa mundo. 1:3 ang ratio ng babae sa mundo. Which is good news.
Pero sa mundo natin, dominant ang mga lalaki. Yan daw ang pagkakaalam ng iba, kayo ano ang inyong pagkakaalam?. Kaya raw nagkaroon ng mga feminists groups gaya ng Gabriela na isang partylist sa Pilipinas. Ang layunin nila ay magkaroon ng pantay na pagtrato sa mga babae at lalaki. Hindi nga ba pantay ang trato sa babae dito sa Pilipinas?
Pero Kaka Ali bakit ganun? Ang Alin? Gusto nila ng pantay na pagtrato tapos ang gusto ng babae ay ang pagsilbihan siya ng lalaki? Di ba lugi tayong mga lalaki? ? Sana yung balance. Mas nakakalamang naman para sa mga babae yung ganun. Sa totoo lang hindi lang babae ang battered. Pati lalaki. Aywan ko sa iyo, kay di ko naexperience sa Mrs kong mapagmahal.
( STINGER- LAUGHING)
Meron akong another na tsismis tsisimis, hindi ako tsismoso ha? kilalang lalaki sa barkada lang… na nagtrabaho para sa pamilya. Alam ba ninyo na, Paguwi niya eh siya pa ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Ang misis niya, nasaan? Ayun! Nasa kapitbahay nakikipagchismisan. Tapos pag sablay ni lalaki sa trabaho ay bubugbugin pa siya ng misis niya. Ang gagawin ni mister eh makikipaginuman sa tropa niya para malimutan ang problema. Pag-uwi patay na naman siya kay misis! Gulpi na naman.
Sa totoo lang halos pantay na ang mga lalaki at babae ngayon. Kung may call girl, meron ding callboy. Kung may DH sa Hong Kong, meron ding construction worker sa Saudi. Meron ding narerape na lalaki (usually bakla ang gumagawa nito). Kaya bakit ba reklamo ng reklamo ang mga feminist na yan? Kaya minsan napapa “Putang ina niyo! Kami rin gusto namin ng pantay na trato!” sa mga yan. Pano kung babae naman ang manligaw sa lalaki? O kaya magbayad ng kinain sa mga date? O magpadala ng load? Sana magkaroon rin ng mga “Menists”. Ipaglaban ang pantay na karapatan ng mga lalaki!
Ang tanong ko; Payag ba kayong maging pantay ang lalaki at babae sa lahat ng antas? Man & woman must be equal in all level? Sa susunod na episode ano ang gusto ninyong topic sa nakaka…ni Kaka Ali..
Ito ang inyong nakaka.. kilig na kapartner…naakaka na si .. Kaka Ali ………….
(PLAY THE STINGER-BEAUTIFUL WOMAN LAUGHING-stinger NAKAKA)<
DXUP Balita July 7, 2009
MENRO-umapila sa mga mamamayan ng tamang paghihiwalay ng basura
KM 30 Dumpsite-pansamantala lamang ayon kay Municipal Councilor Benjamin Suenan
Magiging pansamantalang dumpsite muna ang KM 30 habang hindi pa nakakahanap ng permanenteng pagtatapunan ng basura ang Lokal na pamahalaan. Ayon kay Municipal Councilor Benjamin Suenan, siya ring committee Chair on Environment and Natural Resources na may mga natutukoy ng lugar katulad na lamang ng darugao, Happy valley at Sitio Brungis –Barangay Kibleg subalit nasa negosasyon pa umano ito at kailangan ding maaprubahan ng DENR. Una ng tinukoy ang isang area sa barangay Borongotan ngunit di ito pumasa sa pamantayan ng DENR. Aminado si Suenan na mahirap pangasiwaan ang basura hanggat wala pang permanenteng dumpsite.
——————————————————————————————————————
North Upi District Handa na sa Nutrition Month Celebration –
Ibinalita ni Lucy Duce
Sinulat ni Alih Anso Nuro, Upi.. (July 6)…..Nagpalabas ng memorandum sa limang school nurses ng North Upi District Supervisor Mr Wilfredo Ibanez, para sa celebration ng Nutrition month. Ang programa ay magsisimula sa unang araw ng Hulyo hanggang katapusan ng buwan.Ito ay ayon sa programa ng Department of Education at Department of Health. Ang limang nurses na nakatalaga sa ibat-ibang paaralan ay si Dorothy Pamela A. Antenorio na nakatalga sa Nuro Central Elementary School, na mahigit isang libong mga mag-aaral.At ang apat na-assign sa cluster na 28 paaralan, ay sina Rhea S. Diosanta, Vivian Ella G. Sales, Charlotte Jane Z. Cristobal at Jeric E. Olvido.
Buying price ng produktong mais, tumaas ng Diyes sentimos-
Balita ni Lucy Duce
Sa kabila ng pagdami ng suplay ng produktong mais dito sa Upi, Tumaas pa rin ang buying price nito base sa Agri products price update ng DXUP FM. Ten centavos ang nadagdag sa dating presyo na 9:10 ang buying price nito ngayon ay 9:20 na bawat kilo. Ayon kay Hadji Salipada MAcmod ang pagtaas sa presyo ay bunsod na rin ng pagtaas sa presyo nito sa Cotabato City.
Practical Tips para sa Dry Skin Care
(Script na sinulat ni Bai Zuheira at Presented ni Nancy Lawan sa programang “Buhay-buhay sa DXUP” sa segment na “Wow”-July 6, 2009-7:00-8:00-HOST Lenyrose Bajar-Sunio)
( Host:) Ngayong panahon ng tag-ulan at tag-lamig isa sa mga problema when it comes sa beauty issue ay ang dry skin… isa ba kayo sa mga namromroblema nito? Well, well well just sit back and relax.. kami bahala sa inyo dito sa WOW… hatid ni Beauty agent Nancy..
Intro: (Canned 30 Sec.)
(Nancy:): ” Magandang umaga, its time to talk about beauty.. this time pag-uusapan natin ang tungkol sa dry skin dahil tag-ulan at panahon ng tag-lamig sometimes di talaga maiiwasang magkaroon ng dry skin… isa ba kayo sa mga nakasimangot ngayon dahil sa pagkakaroon ng dry skin? Kami bahala sa inyo..
Una kailangang I moisturize ang skin right away..kapag dry skin na ang pinag-usapan kelangan kasi ng extra na pag-aalaga.. at ang the best approach dito kelangang iwasan ang paggamit ng mga commercial creams and lotion dahil tad-tad ito ng mga mineral oils and other petroleum products na lalong magpapalala ng iyong dry skin. Sa halip mas maiging gamitin ang mga creams at ibang skin-care products na may natural hypoallergenic ingredients.
Tuwing umaga pagkatapos maligo lagyan ng virgin coconut oil ang buong katawan dahil ang virgin coconut oil ay isang essencial oil na mayroong skin friendly Vitamins A, C, D, E and protein.
Sa pag hihilamos naman sa mulha mas maiging gamitin ang malinis na tubig ulan dahil na rerefresh nito ang ating skin.
Kapag naliligo naman wag masyadong tumagal sa loob ng banyo, ang suhesyon ng mga dermatologist at least less than 5 minutes lamang dapat, at take note gumamit lamang ng mga mild soap, Tips pumili ng white soap at yung di gaanong mabango..
Nakakacontribute din sa pagkakaroon ng dry skin ang sobrang pagkukuskos ng balat kaya just take it easy wag masyadong kuskusin.. ika nga softly pat lamang ang dapat gawin..
There you have it. Sana wala ng puwang sa ating beauty ang dry skin na yan.. until next edition… Abangan bukas paano maachieve ang wow na amoy? Para si langaw di na sunod ng sunod..
Thank you sa ating beauty agent partner,, wow Best Bai Zuhiera..
(Extro tagline) Ito ang bahagi para sa mga magaganda at gustong gumanda…WOW…..
Ito ang inyong Beauty Agent Nancy Lawan.
EXTRO -WOW: canned (30 s)
Magnegosyo ng Bulaklak
Alam ba ninyo na ang mga bulaklak ngayon ay binibili o pinapabili na, kahit saan man dito sa mundo. Kaya maliban sa magiging makulay ang iyong paligid ay makakapera kapa.ilan lamang sa mga bulaklak ngayon ang maraming pinapabili dito sa ating bayan ay ang bulaklak ng Daisy at babies breath.
Ito ang ilang pinagkikitaan ng ating mga kababayan dito sa bayan ng Upi Maguindanao. Lalo na sa mga Baranggay ng Sefegefen at Kabakaba.
Kaya kung ikaw ay naiinip at walang magawa sa buhay.mag garden ka nalang .at magtanim ng bulaklak.
Ano nga ba ang mga dapat mong gawin ? sa mga nag-uumpisa palang…
- · Una maghanap ka ng iyong similya .
- · Kapag mayroon kaang similya Syemre linisan mo ang iyong Area.
- · Pakatapos mo itong malinisan, mas mainam na bungkalin mo ito at gawing pulborise.
- · Pagkatapos hanggat maari ay bakuran mo ito palibot, upang hindi ito mapasukan ng mga hayop at ng di masisira ang iyong magiging tanim.
- · and after. that,..pag-isipan mo kung alin sa mga similya mo ang iyong unang itanim.Syemre ang mga madaling pagkakitaan.at ang uri ng bulaklak na palaging may bumibili.
- · Kung nakapag isip kana ng una mong itatanin,,
- · Ihanda mo ito para sa pagtatanim habang naghihintay ka ng tamang panahon
Sa pagtatanim . ano ang mga dapat mong gawin?
Kung ang iyong Gustong itanim ay ang bulaklak na Daisy .sa bawat isang pung pung ng daisy ay mahahati mo sa maraming puno at pakatapos ay tatanggalan ng ilang dahon nito upang hindi ito matumba o matangay ng hangin lalo na kapag malakas ang hangin at saka mo ito itatanim. Pagkatapos mong itanim kailangan mong diligan ito para madaling mabuhay lalo na sa panahon ng tag-ulan.
lkahit na anong klase ng bulakalak ay ganyan ang gawin mo.kailangan mong alagan . sa loob ng dalawang buwan ay mamumulakalak na ang iyong Daisy.kaya puwede ka ng makapera doon.Tuwing apat na araw ay pipitas kanang bulaklak ng iyong Daisy.
Sa ngayon ay pinapabili nila sa halagang 35 piso ang kada isang daang bulaklak ng Daisy dito sa ating bayan,mabenta ito lalo kapag may mga okasyon tulad ng kasalan.
Pinapabili nila ito sa Cotabato city ng tig 35 piso ang bawat 100 puno nito. Marami po ang nakadisplay nito sa mga tabi ng kalsada lalo nasa buwan ng November.kung saan kalagkalag. At kahit na anong buean po ay marami paring bumibili.
Hindi lamang ang Daisy ang mabenta maging ang bulaklak ng babies breath. Binibili nila ito sa halagang 200 piso ang bawat kilo nito dito sa atin noon…pero sa ngayon ay 280 na, kung sa syudad naman naku medyo mahal pinapabili nila sa 300 piso ang bawat kilo.
Paano mo ito pipitasin sa puno nito?
Huwag mong bubunutin para hindi masisira ang mga susunod pa na bulaklak nito. Kaya kailangan mong gumamit na kutsiyo para pamputol. At putulin mo sa banding ibaba kung saan malapit sa puno nito.
Pagkatapos ilagay mo sa balde na may malamig na tubig syempre.at kailangan mong ingatan na masira yong mga bulaklak nila na baka mayupi o mapilu.ibig sabihin wag msyado puno ang paglagyan mo na balde
PAGSASANAY SA PAGNENEGOSYO NA MALIIT
Paano mag mag organisa ng pagsasanay para sa maliit na pagnenegosyo?
Kung mayroon kayong organisasyon na pang-komunidad na nag-papautang sa mahihirap upang tulungan silang pumili, magplano at mamahala ng isang maliit na negosyo, tignan ang “Pagtatayo ng Organisasyong Nagpapautang” Paano gagagawa ng pagsasanay na bibigyan sila ng kaalaman para mag-tagumpay?
Magkakaroon ng dalawang magkasalungat na sitwasyon. Sa isang bahagi, may mga indibidwal na gusto lang umutang dahil alam na nila ang lahat tungkol sa pagpapatakbo ng isang negosyo. Sasabihin nila na hindi nila kailangan ng kahit na anumang pag-aaral o pagsasanay. Sa kabilang banda, maraming maliliit na institusyon na nagtuturo ng pagnenegosyo. Ang mga ito ay may kamahalan at di laging nakatutok sa kaalaman na kailangan ng inyong mga kliyente.
Ano ang dapat gawin? Wala sa dalawang ito ang dapat gawin.
Magtayo ng sarili programa ng pagtuturo, isang kurikulum na base sa pangangailangan ng inyong mga kliyente,
Ang una ninyong gagawin ay alamin mabuti ang mga kaalaman na kinakailanagan para magpatakbo ng isang maliit na negosyo. Nakalista ang mga ito sa taas at tinatalakay ng mas detalyado sa ilang dokumento. Pagktapos ay hamunin ang inyong mga kliyente sa isang miting ng inyong tinayong pautangan na organisasyon. “Kaya niyo bang gawin ito?” “Kaya niyo bang gawin yun?” “Paano niyo gagawin ang mga ito?” “Alam niyo ba ang mangyayari kapag ginawa o di ninyo ginawa ito?” Ibato sa kanila ang mga katanungan para unti-unti malaman kung anong klaseng pagsasanay ang kanilang kailangan. Iwasang tanggapin lang ang kanilang mga sagot at hamunin sila na ipakita ang kanilang kakayahan na sinasabi nilang mayroon sila.
Gumamit ng ibang klaseng pag-brainstorm para malaman (sa isang grupo) ang lahat ng paksa na kinakailangan nila. Gamit ang mga ito, ayusin ito para malaman kung ano ang dapat unahin na paksa. Kailangan may sapat na kaalaman ka sa mga paksa para patnubayan sila sa pag disenyo ng kanilang kurikulum.
Huwag subukan na ikaw ang magturo ng isang sanayin kung hindi malalim ang kaalaman sa isa o dalawa sa mga paksa at kung wala kang karanasan dito. Kilalanin, mag recruit at piliin ang mga tao na may kahusayan sa bawat paksa. At turuan ang bawat eksperto sa participatory methods sa pagtalakay ng kanilang paksa. Hindi kinakailangan ng propesyonal na guro maliban kung nagpapakita siya ng potensyal at kagustuhan na gumamit ng participatory methods na ginagamit ninyo sa community mobilizing.
Ipaliwanag sa mga eksperto na inaasahan silang gumamit ng participatory methods. Ipaliwanag din na makikilahok ka bilang kapwa guro sa kanila. Ipaliwanag na hindi kailangan ng mga kalahok ng detalyado at malalim na kaalaman. Kailangan lang nila ang kaalaman para sa mga nagsisimula pa lang mag negosyo dahil maaring mayroon sa mga kalahok ay hindi marunong bumasa at magsulat at walang oras o kakayahan para sa mataas na kurso ng pamamahala ng negosyo.
Bigyan ng sapat na oras para makumpleto ang buong proseso:
1. pagtalakay sa kalahok ng organisasyon ang iba’t ibang klase ng training na sa tingin mo ay kinakailangan nila .
2. alamin ang mga training na gusto ng mga kalahok sa pamamagitan ng mga pamamaraan ng brainstorming pati na rin ang oras na kinakailangan at kung kailan ito gaganapin;
3. pakikipag negosasyon sa mga eksperto na gagawa ng training sa bawat paksa at siguraduhin na gagamit sila ng participatory methods;
4. pagsagawa ng training sa kaalaman para sa maliliit na negosyo bilang kapwa-guro sa bawat eksperto o paggamit ng team teaching;
5. paggawa ng sariling monitoring records ng training, kung paano ito isinasagawa at ang epekto nito sa mga kalahok.
Nakaka - sa Buhay Buhay sa DXUP
July 6, 2009Date July 6, 2009
Program Buhay-Buhay sa DXUP (7:00-8:00 A.M.)
Writer/Reporter Alih S. Anso
Host Lenyrose Bajar Sunio
Segment NAKAKA…..
HOST: “Ang issue, Mga babae ipinaglalaban, dapat pantay ang babae sa lalaki, tila baga na ang babae ay dehado kaysa kay lalaki, dehado nga ba ang babae kay lalaki? Ang ilan kasagutan, malalaman natin kay Kaka Ali sa kanyang nakaka…..
(PLAY THE INTRO NAKAKA)
KAKA: “Dapat pantay ang lalaki at babae, kaya dapat ipaglaban ang karapata ng mga kababaehan, iyan ang sigaw ng liberated woman, hindi ba.. ang tanong ni Kaka Alih, totoo ba na naapi o dehado ang mga babae, o mga baka naman lalaki ang dehado?
Ganito kasi iyon mga friend,
Kapag ang lalaki umiihi sa pader o sa gilid ng kalsada o kung saan man ay okey lang para sa ibang tao? (pero hindi kay Kaka Ali ha? Bawal sa Islam ang ganoon)
Pero kapag ang babae ang nakita natin. Di ba ganito ang sinasabi natin: “ano ba naman yan! kakabaeng tao eh..” at kung ano-ano pa.
Bakit kapag ang lalaki ang nangaliwa. Okey lang para sa iba? “Lalaki kasi”, yan ang madalas nilang sabihin di ba . Pero kapag babae ang nahuli. Kulang na lang batuhin siya ng bato para mamatay. Tila ba hindi yata patas diba?
Bakit sa mga sasakyan? Bakit kailangan paupuin muna ang babae bago ang lalaki? Di ba hindi rin yata patas yun?
Naalala ko tuloy minsan sa aming seminar workshop sa Gender Advocacy. Ang issue na ito ay talagang naging matinding o madugonmg debate . Sabi ng resource person, na doon nag-aral at lumaki sa kanluran bansa, (sa Tate) . Hindi daw ganoon doon , taliwas daw sa Pilipinas, talagang nagulat siya at natataka sa kanyang nakita, pag-uwi sa Pinas. Ang tanong niya ay: “Bakit sa States tila pantay yata ang babae at lalaki. Pero bakit dito parang Hindi?” (DAW?)
Ang masasabi ko lang hindi maaring maging equal ang lalaki at babae. (O Taas na kaagad ang kilay nito.. makinig ka muna, hindi pa tapos, )
Bakit? Dahil hindi naman sila talaga magkaparehas. Ang lalaki ay nilikha ng Diyos bilang lalaki at ang babae naman ay nilikha bilang Babae. Bigay tayo ng halimbawa mula sa maraming Halimbawa:
Ang babae nilikha upang manganak. Pero ang lalaki, kaya ba niyang manganak? Ang Sagot ay Hindi, Hindi pantay ang Diyos.. Astag Firuulah (Humingi tayo ng Tawad sa Diyos, kinuQuestion natin ang kanyang Kakayanan)
Heto pa ang isa, ang lalaki binigyan ng higit na lakas kesa sa babae. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay dapat na itong pagtalunan, ni babae at lalaki. Higit na matalino ang lumikha sa atin sa kahit na sino pa mang matalinong tao dyan!
Ang Lalaki at Babae at tunay na magkaiba. Ngunit hindi ibig sabihin nito ay kaya nilang mabuhay ng mag-isa. Ang lalaki ay nilikha para sa Babae at ang babae ay nilikha para sa lalaki. Nilikha sila upang magtunlungan.
Hindi nga sila Equal pero dapat magkaroon ng Balance.
Heto ang totoo, instinct ng tao, o natural sa atin. Kailangan ng lalaki ang respeto. ang bawat lalaki ay may ego na kapag ito ang tinapakan mo ay talagang magkakagulo. Kailangan ng lalaki ang nagpapadama sa kanya na malakas siya at makapangyarihan. At ito ang mga bagay na kayang ibigay ng mga babae. Ngunit bilang kapalit nito kailangan naman ng babae ang pamamahal, kalinga at pag-aaruga. Gusto ng babae ang may nagtatangol sa kanya. Na siya ay magkakaroon ng isang lalaki na magmamahal sa kanya at kaya siyang itaguyod at alagaan.
Ito naman talaga ng disenyong ginawa ng Diyos. Ang sabi nga sa bibiliya. Ang mga asawang lalaki ay dapat na irespeto ng mga asawang babae kapalit nito kailangan ng asawang lalaki na mahalin ang asawang babae.
Kaya’t malinaw na ang bakaibang bagay ay hindi maaaring maging EQUAL ngunit maari silang maging BALANCE. Give and take ika nga!
Ang tanong ko; Payag ba kayong maging pantay ang lalaki at babae sa lahat ng antas? Man & woman must be equal in all level? Sagutin ninyo iyan sa susunod na episode ng nakaka…ni Kaka Ali..
Ito ang inyong nakaka.. kilig na kapartner….. Kaka Ali
(PLAY THE STINGER-BEAUTIFUL WOMAN LAUGHING-stinger NAKAKA)


