Kabute (mushroom) Farming
July 10, 2009
(Presented ni Lucy Duce sa programang “Buhay-buhay sa DXUP” sa segment na Alam Buhay-July 9, 2009-7:00-8:00)
Mga Kailangan sa Paggawa ng Kama
Ang dayami ng palay ang siyang pangunahin at pinakamabuting gamitin para sa paglilinang ng kabute. Ito ay hindi mahirap lalo na’t katatapos lamang ng anihan. Ang water lily, dahon o tangkay ng saging at mga itinapon bahagi ng abaka ay maaari ding gawing kamang punlaan ng kabute.
Paghahanda:
Mahaba, malinis at tuyong dayami ang kailangan. Iwasan ang paggamit ng bulok at lumang mga dayami. Bago bungkusin, tiyakin na nakaayos na mabuti ang bawat dulo ng dayami. Ang pagbubungkos ay mula anim hanggang walong diyametro. Putulin ang nakabungkos na dayami sa habang 1.5 hanggang 2 talampakan. Ibabad ang nakabungkos na dayami sa loob ng 3 oras. Tandaan na ang paglulubog nito sa tubig ay di dapat lumampas ng 10 oras upang ang dayami ay makasipsip ng katamtamang dami ng tubig. Tayuan ng apat na kawayan o patpat ang bawat sulok ng kamang pagpupunlaan na may sukat na dalawang talampakan ang lapad at sa ninanais na haba. Ilatag na mabuti ang mga nakabungkos na dayami pahalang sa pundasyon. Ihinto ang pagdidilig kung ang tubig ay naguumpisa nang dumaloy sa kama.
Pagtatanim ng Binhi:
Isingit ang mga binhi sa pagitan ng mga dayami ng apat na pulgada ang layo mula sa tagiliran, at apat na pulgada rin ang layo ng bawat butong itatanim. Huwag magpunla sa gitna ng kama. Patungan ng panibagong dayami na pasalungat sa nauna, diligan at patagin. Sundin ang mga naunang tuntunin hanggang sa mahusto ang salansan at taas ng kamang punlaan. Ang kama ng kabute ay binubuo ng anim na salansan ng dayami. Ang bawat patong ay may mga nakatanim na binhi ng kabute.
Pag-aalaga ng Kabute:
Mula sa apat hanggang limang araw matapos ihanda ang kamang punlaan, simulan na ang pagdidilig. Gawin ito tuwing makalawang araw o naaayon sa kalagayan ng panahon. Sa buwan ng tag-init, ang pagdidilig ay kailangan, ngunit kong tag-ulan, hintayin na lamang na tumubo ang kabute. Ang labis na pagdidilig at pagkatuyot na kamang pinagpunlaan ay makasisira sa paglaki ng kabute. Upang hindi lumabis ang tubig sa kama, maaaring gawin ang pagdidilig sa tagiliran ng kama. Kapag ang kabute ay nag-uumpisa nang tumubo, ihinto muna ang pagdidilig ngunit kung nasa kalagitnaan na ang pag-usbong ng kabute, muling ipagpatuloy ang pagdidilig.
Pag-aani:
Pagsapit ng dalawa hanggang tatlong linggo, ang mga binhi ng kabute ay naguumpisa nang tumubo. Sa pag-aani, tiyakin na kasama ang pinaka-ugat nito sa pag-aalis sa kama. Huwag anihin ang mga umuusbong pa lamang upang hindi magambala ang paglaki nito. Ang kabute na nasa kasibulan ay mas malinamnam kaysa sa mga nakabukadkad.
Previous Comments
may mga pag aaral po ba sa pag papatubo ng kabute,kung meron po saan po ito matatagpuan at ung contact number.
Posted by amelia agustin at May 31, 2010, 8:48 amsaan po ba tayo makakuha o makabili ng binhi ng kabuti.
Posted by eduardo at September 27, 2010, 3:39 pmWelcome to our cheapuggbootsale website, there are all kinds of UGG fashion shoes ,I am sure that you will find the boots you love:
ugg,ugg boots,cheap ugg boots,ugg shoes,cheap ugg shoes,ugg australia,UGG Classic Tall,ugg ultimate bind
,ugg kensington,ugg store,ugg snow boots,classic ugg boots,ugg shop online,cheap ugg boot sale,ugg broome leather,classic cardy ugg boots
Our product list is as follows:
UGG Ultra Short Boots
UGG Sundance II Boots
UGG Argyle Knit Boots
UGG Suburb Crochet Boots
UGG Sunset II Boots
UGG Ultimate Bind Boots
UGG Women Highkoo Boots
UGG Stripes Classic Tall Boots
UGG Classic Tall Boots
UGG Classic Tall Boots NEW
UGG Classic Short Boots
UGG Tassel Short Boots NEW
Ugg Kensington Boots
UGG Women’s Bailey Button Boots
UGG Roxy Tall Boots
UGG Bailey Button Triplet Boots
UGG Lo Pro Button Boots
UGG Classic Crochet Boots
UGG Classic Mini Boots
UGG Ultra Tall Boots
Tall UGG Boots
Short UGG Boots
UGG Classic Cardy Boots
UGG Half Waterproofing Boots
UGG Nightfall Boots
UGG Lo Pro Classic Tall Boots
saan po ba ako maaring bumili nang buto ng kabute at magkano ito?salamat po
Posted by lourdes velayo at March 31, 2011, 6:16 amANG TANONG> : SAAN MAKAKA BILI NG BINHI NG KABUTE? MAHIRAP BANG SAGUTIN YON? KUNG SINNG ME ALAM PAKI T LANG PO AKO > 09488862731 ANTIQUE AREA! mabuhay bagong pilipino KUMAEN NG KABUTE para lumakas!
Posted by adreicarll at February 5, 2012, 7:57 pm


panu gawin ang binhi ng kabote??
Posted by veigy at January 31, 2010, 11:35 am