DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Magtanim ng Ampalaya

Magtanim ng Ampalaya

July 11, 2009

Common Names:
English: African cucumber, balsam apple, balsam   pear, bitter gourd, bitter melon
Ifugao: Paliya, palia, palya
Spanish: Amargoso. amorgoso
Tagalog: Ampalaya, amplia

Iranun/Meranaw/Iranun: palya, Pariya
T’duray: Friya

Ang Ampalaya ay  maitatanim sa lahat ng dako ng pilipinas.ang ampalaya ay mayaman sa kalsiyum, mineral, karbohaydrayts,at bitamina B.Puwede din po ito para sa mga may karamdamang diabetes mellitus

Ang kaisipan ay isa sa mga katangiang malaki ang naitutulong para umunlad ang ating kabuhayan. Para sa isang magsasaka, karaniwang halos katumbas na rin ng pagsisipag ang pagkakaroon ng magandang ani sa hinaharap.

Subali’t bukod dito, may mga bagay na dapat rin nating pagtuunan ng pansin sa ating paligid kung nais nating makinabang ng husto mula sa ating negosyong pagtatanim.Isa sa mga bagay na kailangan nating pagtuunan ng ibayong pansin ay ang sukat ng ating lupang tinatamnan. Hindi lahat sa atin ay pantay-pantay ang lawak ng lupang sinasaka. Kung tayo’y magkukumpara, mapapatunayan natin na tuwina’y may mas malaki o mas maliit ang taniman kaysa sa atin.

Sakaling kayo ay isa sa mga magbubukid na di gaanong kalakihan ang sinasaka, huwag kayong manlulumo, mga kaibigan. Dahil hindi naman lahat ng pananim na maaaring pagkakitaan ng malaki, ay nangangailangan ng malawak na bukirin para patubuin at palaguin.

Kabilang sa mga tanim na maaaring tumubo kahit sa maliit na sukat lamang ng lupa ay ang amargoso, na mas kilala bilang ampalaya, at isa sa mga sangkap ng popular na lutuing pinakbet.

Ang mapait ngunit napakasustansiyang gulay na ito ay maraming pakinabang. Ang mismong bunga, na mayaman sa iron ay nakakain ng hilaw bilang bahagi ng katutubong ensalada, o kaya bilang sangkap sa ulam, lalo pa’t kung ito’y igigisa’t hahaluan ng kaunting isda, karne, o hipon. Maaari rin naman itong pasingawan lamang at mayroon na rin tayong masustansiyang tanghalian o hapunan.

Samantala, ang mga talbos naman nito’y naisasahog rin sa ibang lutuin, gaya ng ginisang munggo. Maaari rin itong ulamin ng direkta kung isasawsaw sa bagoong. At ang pinakuluang mga dahon at mga buto nito, ay mainam na gamot sa sakit ng ulo, sipon at ubo.

Kaya sa kabila ng mapait na lasa nito, maraming mga mamimili ang bihirang makalimot na isali ang ampalaya sa kanilang pamamalengke. Lalo pa sa mga panahong ito kung kailan napaka-health conscious ng nakararami. Sa ngayon, ginagawa ng maraming mamimili na pangunahing kunsiderasyon ang sustansiyang mapapala mula sa kanilang mga binibiling pagkain, kaagapay ng halaga nito.

At kadalasang abot-kaya naman ang halaga ng mga gulay na gaya ng ampalaya, ang isang magsasakang magtatanim nito, kahit na bilang secondary crop o pangalawang pananim lamang, ay tiyak na malaki ang dagdag na kikitain dahil nga sa mabili ang ampalaya.

Kung tayo’y may tiwangwang na lupa sa likod ng ating mga bahay o kaya’y bakuran,subukan natin ang pagtatanim ng ampalaya, lalo na kapag panahon ng tag-ulan, para hindi sila masyadong mababad sa lupa habang sila’y lumalaki. At kapag tag-araw naman ay maaari tayong magtanim nito sa mga binungkal na lupa sa ating palayan.

May dalawang klase ng ampalaya na maaari nating itanim. Una ay iyong uri na ang kulay ay di gaanong berde at may hugis pahabang silindriko.

Ang ikalawang uri naman ay iyong hugis pabilog-haba.

Ang unang uri ay di gaanong mapait kumpara sa ampalayang berdeng-berde ang kulay. Ito ay kadalasang pinapatubo sa balag. Ang pangalawang uri naman ay itinatanim sa mga palayan at pagkatapos ay hinahayaan ng gumapang sa lupa.

Higit na kapakipakinabang ang magpatubo ng ampalaya sa balag. Mas madaling balutin ang mga bunga nito para makaiwas sa mga peste. At magiging daan ito para maging mas madali ang pag-aani ng bunga.

Paraan ng pagtanim.

Magtanim ng mula sa apat hanggang limang binhi sa bawat tundus na limang sintemitrong lalim at isa atkalahati hanggang dalawang metrong agwat sa hanay ng mga tudling. Pagkaraan ng ilang araw bawasan ang mga pananim at mag iwan lamang ng dalawa hanggang tatlo lamang ng malulusug na pananim sa bawat tundos.

Sa sandaling tumubo at gumapang ang mga baging ng ampalaya.bungkalin ang lupa sa pamamagitan ng kamay o pag-aararong hila ng kalabawgawin ito pagkaraan ng isang linggo.

Magtanim ng mula apat hanggang limang kilong binhi sa bawat ektarya.
 
Upang maiwasan ang pamiminsala ng “melon fruit Fly” Sundin ang mga sumusunod.

•Attractant-gumamit ng “attractant”
•Bagging – balutin ng papel ang bawat bunga ng ampalaya.

Ang “melon Fruit fly “ang kulisap na gumagawa ng malalang pinsala ng ampalaya .upang papuksa at masugpo ang pamiminsala nito aygumamit ng soluyong “Foliafome soap”.ang karaniwang sakit nito ay panlalanta o “wilt “ sugpuin sa pamamagitan ng pag –iiba-iba ng pananim at panatilihing malinis ang taniman.

Ang ampalaya ay nagsisimulang mamunga 75-90 araw makalipas ang pagtatanim. Malimit na di sabay-sabay ang pamumulaklak at pagkahinog ng mga bunga nito. Sa unang buwan ng pamumunga, lingguhan ang pag-aani. At nagiging mas mabilis naman ang pagpitas dalawang buwan makalipas ang pagtatanim nito.

Depende sa dami ng ating itinanim, at sa uri ng ating pangangalagang ginawa, ang ating maaasahang ani. Kung maayos ang ating ginawang pagpapatubo, maaari tayong umani ng mula 7-10 kilo. At kapag tumigil na ang tanim sa pamumunga, maipagbibili naman ang talbos.

Kaya’t maliwanag na kung tatamnan natin ng ampalaya ang ating mga tiwangwang na lupa, gaano man ito kaliit, ay madaragdagan ang ating kita. Bukod dito, magkakaroon pa tayo ng madaling mapagkukunan ng uulamin oras na magsilaki na ang ating mga tanim.

Kailangan lang ng Sipag at Tiyaga! Pag may tiyaga  may ginhawa.

(Research/Scrript   na sinulat ni Nenita Minted para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M-July 9, 2009  ) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio-  )

Posted by dxupfm at 5:06 am | permalink

Previous Comments

fuk you

Posted by dadad at September 14, 2009, 12:45 pm

joke.maraming salamat po

Posted by dadada at September 14, 2009, 12:46 pm

paano ba mapapabunga ng marami ang puno ng mangga at pati na yunglangkapano ba magtutuloy tuloy ang paglaki ng bunga nito kasiyung sa amin ay namumunga pero nabubulok naman kaya dinasiya napapakinabangan pa.Kung me alam po kayo please pahingi naman ng advise.
Salamat po.

Posted by joe at October 14, 2009, 11:29 am

maraming salamat sa comment ..mas mainam po na post ko nalang itong tungkol sa pagtatanim ng ….
MANGGA
Mayroon pong Mga Uri at Katangian ang mangga. Isa dito ang tinatawag na….

1. Carabao
Magaspang, malaki ang puno, mababaw at maliliit ang gisok sa balat. Ang bunga ay tumitimbang ng humigit kumulang sa 240 gramo, di gaanong mabunot, may manipis at dilaw na balat, malambot, at madaling matunaw ang laman.
2. Pico
Mababa ang puno kumpara sa Carabao at masinsin ang buong kasangahan. Ang bunga ay may katamtamang laki, parihaba, may luntiang kulay ang balat at madilaw dilaw ang laman.
3. Katchanita (Indian Mango)
Ito ay kinakain habang hilaw pa.

Mga Paraan ng Pag-aalaga
1. Paghahanda ng Lupa.
Kung Panglikod bahay: Humukay ng butas na may lalim at luwang na kasya ang pananim na may kasamang lupa.
Sa Pangmalawakang pagtatanim naman.
Araruhin ang lupa ng maraming ulit hanggang sa tamang pino.
2. Pagtatanim
Putulin ang kalahati ng mga dahon ng manggang itatanim. Alising dahan-dahan ang pinagpunlaan ng mangga bago itanim. Pikpikin ang lupa sa palibot ng halaman at diligin. Ang agwat ng bawat tanim ay 14 x 14 metro kuwadrado. Magtanim sa unang mga linggo ng tag-ulan.
Pagpapatubig
Patubigan ng madalas lalo na sa tagaraw. Ang mga namumungang puno ay nangangailangan ng 135 litrong tubig (50-60 balde). Patubigan kada linggo mula sa pagsibol ng bulaklak hanggang sa isang buwan bago mag-ani.
Pag-aabono
Para sa hindi pa namumunga o isang (1) taong edad na puno: Lagyan ng 200-300 gramo ang bawat puno ng 14-14-14 abono, dalawang beses isang taon. Para sa punong mahigit ng isang taon- paghaluin ang 300-400 gramo ng 14-14-14 at 200-300 gramo ng urea sa bawat puno; hatiin ang paglalagay sa bawat puno. Ang unang kalahati ay ilagay sa unang linggo ng tag-ulan at bago matapos ang tag-ulan ilagay naman ‘yong natirang abono.

Para sa Namumungang Puno
Lagyan ng ½ kilo hanggang 2 ½ ng 14-14-14 ang bawat puno ng mangga.
Pagpapabulaklak.naman ay una rito ang…
1. Pagpapausok :
Pausukan ang punong mangga at siguraduhing dadaan ang usok sa mga
sanga at dahon. Magpausok sa loob ng ilang araw. Kung may mga usbong na
bulaklak pagkaraan ng 2 linggo tigilan na ang pagpapausok. Ulitin ito pagkaraan naman ng dalawang buwan.

2. Paggamit ng kemikal Bombahin ng “potassium nitrate” ang mga magugulang na dulo ng sanga. Ang timpla ay 10 gramo bawat isang malaking lata ng tubig (25 litro ang ilalaman). Ang pangalan ng kemikal na maaaring gamitin ay ang mga sumusunod:
Agriblum, Redbloom, Mengovit, Mangobloom, Miracleblum o Flower set. Pagpuputol o Pagpupungos ng mga Sanga Alisin ang mga tuyo at hindi na kanaisnais na mga sanga.
Pagsugpo/Pagpigil sa mga pesteng umaatake sa mangga.

Kulisap at Sakit

1. “Mango Hoppers” ang mga Pinsala nito sa halaman: Pagkalanta at pagkamatay ng mga bagong usbong na dahon at sanga, bulaklak at mga bagong usbong na bunga. Nagkakaroon pa rin ng puting amag sa mga bunga dahil sa laway ng “hoppers”.
Upang mapigilan ito : Bombahin ng carbaryl, carbonato at malathion sa tamang paraan at dami mula sa pamumulaklak hanggang sa paglaki ng bunga.
2. “Mango Twig Borer” Pinsala nito sa pananim ay… Pagbibiyak-biyak at pagkalanta ng mangga.upang mapigilan ito: Putulin ang mga sangang may “Borer” at sunugin.
3. “Fruitflies (Langaw ng prutas)
Pinsalanaman nito sa pananim: Ang mga itlog ng kulisap na nasa balat ng bunga ay magiging dahilan ng pagkabulok at pagkakaroon ng uod na siyang uubos sa laman.
4. “Fruit Pulp Weevil & Borer”
Pinsala naman nito sa Halaman: Pumapasok ang hayop (fruit fly) sa mga mangga na nagiging sanhi ng pagkabulok nito.

Pagpigil:
Pagsunog ng mga damo, sanga, dahong laglag sa palibot upang ang mga weevil na nakatira sa lupa ay mamamatay at pagsupot-supot ng mga prutas mula 40-50 araw sa pagsibol ng bunga.
Mga Sakit
1. “Anthracnose”
Mga Palatandaan ng Sakit na ito : Mga butas sa mga magugulang na dahon, maiitim at malalalim na mantsa sa bunga na sanhi ng pagkabulok.

Pagkontrol sa sakit na ito;
Bombahin ng alinman sa mga sumusunod: Benomyl, Captan, Maneb, Manoozeb, Thiabensole at Zineb. Gamitin lang ang tamang timpla mula sa pagsibol ng bulaklak hanggang sa paglaki ng bunga. Itubog ang mga hinog na bunga sa mainit na tubig (135oF) sa loob ng sampung minuto.
2. “Scab”
Mga Palatandaan naman nito: Kulay abuhing kape at mantas sa bunga. Ito ay pumuputok at nagiging magaspang.
Pagkontrol sa Sakit: Tulad ng pagkontrol sa “Anthracnose”.
3. “Stem-end rot”
Palatandaan nito ay: Kulay lila hanggang kulay kapeng animo ay sugat sa dulo ng bunga. Ito ay umiitim pagkaraan ng ilang oras.
Pagkontrol sa sakit: Itubog ang mga bunga sa 600-1000 “parts per million” (ppm) Benomyl na may 0.05% Tween 40 at mainit na tubig sa loob ng 10 minuto.

Pag-aani
Anihin ang mga bunga kapag ang mga pisngi ay namumurok na at ang kulay ng tangkay ay naging luntian. Anihin sa pagitan ng ika 9:00 ng umaga hanggang ika-3:00 ng hapon. Gumamit ng mahabang kawayan na may salalak o sambutan. Ilagay ang mga bunga sa basket na sinapinan ng plastik, papel o dahon ng saging.

maraming salamat at magandang araw.

Posted by dxupfm at October 16, 2009, 9:03 am

can you teach me how to plant an ampalaya vegetables…. i need to know because my ampalaya plant is growing now……

Posted by jose at June 20, 2010, 11:47 am

hello pwede po ba paturo ng tamang procedure sa pag tatanim ng ampalaya simula po sa binhe at sa klase ng lupa pataba at pag aalaga hangang pag ani first time lang po ako magtatanim salamat.

Posted by nolie at July 3, 2010, 8:46 pm

ay ganon po pala
kong tumobo ang ampalaya

Posted by jackielyn at July 4, 2010, 5:49 pm

hinahanap ko kung pano mag alaga

Posted by liwayway at July 12, 2010, 8:07 pm

ngpaplano po kc aqng mgtanim sa lupa ng magulang q. Sa bukid po. Sayang nman po ng lupa. Mahigit dlawang ektarya dn po ung lupa namin dun. Pwd po ba ang pico na mangga? Nd po kc aq marunong sa pgtatanim. Pwd po bang mgpa2long qng paano?

Posted by beth at November 14, 2010, 12:37 pm

It takes some time to cultivate some friendship.

Posted by coach factory outlet at December 10, 2010, 10:54 am

You are still what you were, while I have learnd how to keep distance.

Posted by juicy couture outlet at December 21, 2010, 11:18 am

*People are always telling you what to do, but what’s right for them may not be right for you.

Posted by Replica Christian Louboutin Heels at December 25, 2010, 9:23 am

This story is very useful. Really I like it. Thanks for sharing with us.*

Posted by Air Jordans at December 26, 2010, 9:37 am

ang tanim ko pong talong ay puro bulaklak at ayaw tumoloy na mamunga.pano po ba ang gagawin ko sa aking tanim? oo nga po pala ang aking mga tanim ay nasa paso lang po….

Posted by roberto tan at June 29, 2011, 2:54 pm

nagplaplano kase akong mag tanim ng ampalaya pwedi nyo po ba akong turoan mula sa pag tanim hanggang sa pag ani nito.? tnx

Posted by christopher dumalaoron at September 5, 2011, 11:01 am

A value of good quality good choice

Posted by Discount North Face at November 10, 2011, 1:41 pm

paano po magtanim ng ampalaya?pwede nu po ba akong turuan kung panu gang sa buunga eto at anung fertilizer ang mas mainam sa ganitong uri na tanim ng ampalaya..tnx

Posted by boy at December 5, 2011, 7:34 pm

Like your words. Welcome you to my homepage!

Posted by Coach Outlet Store Online at February 23, 2012, 2:55 pm

new lightweight cupsole with optionally accessible tinting trim sequence, SupraFoam midsole for influence resistance,visa terry lining. High value degree EVA sockliner with BK mesh, as well as two exceptional

Posted by michael kors outlet at February 28, 2012, 3:04 pm

what you have said in this article has deeply impressed me and i wish you can write more about this subject.

Posted by coach outlet at March 10, 2012, 4:40 pm

Cabuchones de Resina
Abalorios Acrílicos
Abalorios de Cristal
Abalorios al por mayor
Bisutería y complementos
Cabuchones de Resina
Abalorios Acrílicos
Abalorios de Cristal
[url=http://www.zacoo.com/es/] Abalorios al por mayor [/url]
[url=http://www.zacoo.com/es/] Bisutería y complementos [/url]
[url=http://www.zacoo.com/es/cabuchones-de-resina-1.html] Cabuchones de Resina [/url]

Posted by maria at May 10, 2012, 3:54 pm

Love is patient; love is kind; love is not envious pr boastful or arroga nt or rude. It does not insist on its own way; it is not irritable or re sentful; it does not rejoice in wrongdoing, but rejoices in the truth. I t bears all things, hopes all things, endures all things. Love never ends.

Posted by iron man dunk nike price at May 14, 2012, 10:37 am

Add a comment