DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » August 2009

Pagsusugal (Playing Game of Chance)

August 31, 2009

Pagsusugal (Playing Game of Chance) Aug 31, ‘09 7:23 AM
for everyone

(August 31,  2009-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: “Ang isa sa mga kasamaan na karaniwang ginagawa ng tao ay ang pagsusugal. Mas itinuturing ito na isang libangan kaysa sa isang masamang bisyo — balewala ito sa iba kung ito man ay kasalanan o hindi. Naging bahagi na ito sa pamumuhay ng karamihan — kapit na kapit na ito sa kanilang mga sarili. Wala nang halaga kung ito man ay nakapipinsala o hindi!”  

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: Ang terminong sugal ay nagkaroon ng maraming magkakaibang kahulugan depende sa kultura o kasaysayang pinaggagamitan nito. Sa ngayon, sa mga Lipunang Kanluranin,(Western countries)  ay mayroon itong kahulugang pang-ekonomika, tumutukoy sa “paggagamit ng salapi o mga bagay na may halaga sa mga kaganapan na hindi tiyak ang kakahantungan na ang pangunahing intensyon ay manalo na karagdagang salapi o/at mga materyal na bagay“.(http://tl.wikipedia.org/wiki/sugal)

Ang paglalaro  sa kontekstong ito na ay kadalasang inilalarawan sa mga sandaling ang mga aktibidad ay ginagawang legal ng mga karampatang batas o ang mga gawain na ito ay hindi kasama sa mga batas kriminal. Ang mga kumpanyang nagpapalaro ay nagbibigay ng mga legal na gawaing sugal sa publiko.

Sa Bibliya, mayroong sugal o pagsusugal na tinatawag na sapalaran o pakikipagsapalaran  (mula sa salitang palad), na nangangahulugang pagbabakasakali, isang laro ng pagkakataon. Katumbas ito ng alaswerte, pag-ato, huwego (laro) o pagtikim. Sinasabi pa rin na ginagawa ang palabunutan[ upang malaman kung ano ang kagustuhan ng Diyos, kung sino ba ang mauuna o magwawagi.

Winika ng Allah sa Qur’an na “bawal ang pagsusugal” at dahil dito, ang isang bansang nagpapatupad ng Islam ay hindi maaring magbukas ng casino, lotto, sweepstakes, atbp.

Tinatanong ka nila tungkol sa alak at pagsusugal. Ipahayag: O Propeta, sa mga ito aya may malaking kapinsalaan at ilang kapakinabangan, subalit ang kapinsalaan ay mas malaki kaysa kapakinabangan.” [Surah Al Baqarah 2:219]

Isa pa ring Islamikong panuntunan na sa mga bagay na ipinagbabawal, anumang bagay na makapagbibigay-daan sa pagsasagawa ng mga iyon ay ipinagbabawal din.

Ang Pagsusugal ay  isa sa mga kasamaan na karaniwang ginagawa ng tao. Mas itinuturing niya ito na isang libangan kaysa sa isang masamang bisyo — balewala ito sa iba kung ito man ay kasalanan o hindi. Naging bahagi na ito sa pamumuhay ng karamihan — kapit na kapit na ito sa kanilang mga sarili. Wala nang halaga kung ito man ay nakapipinsala o hindi!

Kung minsan, ginagamit pa itong propesyon o hanap-buhay, paraan upang masunod ang luho sa sarili, makaahon sa kahirapan at iba pa, na sa pag-aakala ay wala itong ibubunga na kasamaan.

Kung batid nga lamang nila, na ito ay isa sa malaking kasalanan sa harapan ng Allah. Bukod sa pinupukaw lamang nito ang poot sa kalooban ng isa’t isa, nagbibigay din ito ng immoralidad sa katauhan ng isang tao.

Hindi ito nakapagdudulot ng kabutihan sa tao at kung mayroon man ay napakaliit lamang, na ang hahantungan din sa bandang huli ay pagkawasak at kapahamakan!

Dahil kailanman’y, hindi maaaring magbunga ng mabuti ang kasamaan, kundi ng kasamaan din! Maliwanag na sinabi ng Allah sa Quran:

Sabihin (mo sa kanila O’ Muhammad): “Hindi magkatulad ang masama at ang mabuti, kahit na kaakit-akit at nakasisilaw ang idinudulot na kasaganaan ng kasamaan. Samakatuwid! O’ tao na may pang-unawa, Katakutan ninyo nang labis ang Allah (sa pamamagitan ng pag-iwas sa lahat ng uri ng mga kasalanan at kasamaan na Kanyang ipinagbawal) at mahalin ninyo Siya nang labis (sa pamamagitan ng paggawa ng lahat ng uri ng mga kabutihan na Kanyang ipinag-utos), upang kayo ay maging matagumpay.”

Kapatid na naniniwala sa Poong Lumikaha, para sa ating kapakanan ang pagbabawal na ito. Sa katunayan, napakabait ng Allah sa atin, ibinigay na Niyang lahat-lahat ang makabubuti para sa atin — ang pinakawastong pamamaraan ng pamumuhay! Subali’t ang iba ay ayaw pa ring pahalagahan ito!

Kong ang ating mga relihiyon o pananampalataya ang ating pagbabasehan ay  ang lahat ng uri ng sugal na sangkot ang salapi at mga ari-arian, ay ipinagbawal ng Allah na tulad ng: Lottery, Lotto, Sweeptakes, Casino, Jai-alai, Jueteng, Karera, Sakla, Madyong, Pares-Pares at iba pang mga laro na kauri nito.

Ang masaklap nga lang nito, ay kalat na kalat na sa ating lipunan ang mga ganitong bisyo:

May ilang uri ng sugal na ginawang legal ng pamahalaan, na kinabibilangan ng mga kilalang tao sa lipunan at may malakas na impluwensiya!

At ang iba namang sugal na hindi ginawang legal ng pamahalaan ay nagkalat at naglipana sa kapaligiran!

Paano mapabubuti ang lipunan kung ganitong sistema ang umiiral? Hindi kaya ito ang dahilan kung bakit maraming hinaharap na mga suliranin ang bayan, kung bakit dumadanas ng tag-gutom at kahirapan ang mga tao, kung bakit nagaganap ang iba’t ibang uri ng mga kalamidad, kung bakit kumakalat ang mga sakit na wala nang lunas at kagalingan?

Hindi kaya ito ang parusa ng Allah sa mga sumusuway sa Kanya?

May tanong: “…paano naman kung ang mga kinikita ay itinutulong sa kawanggawa?”

Ganito ang sagot na nakuha natin: “Kung ikakatuwiran ng iba na ang mga kinikita nito ay itinutulong sa mga mahihirap, pinagpapagawa ng mga paaralan, sumusuporta sa paglikha ng mga ‘generating income,’ tinutulong sa mga institusiyon na tulad halimbawa ng ‘Home for the Aged,’ Bahay Ampunan, ‘Hospicio de San Jose’ at iba pa.

Kung ganito ang mga pakinabang na nakukuha, ituturing bang kabutihan ang mga hakbang na ito? Sa tingin ninyo kaya ay magiging makatarungan na ito? Magiging katanggap-tanggap sa paningin ng Tagapaglikha? May gantimpala pa rin kaya ang mga gumagawa nito?

Maaaring ang pangkaraniwang kaisipan ng isang tao ay sumang-ayon sa ganitong katuwiran, subali’t hayaan nating ang batas ng Allah ang humatol.

Mababatid sa pahayag ng Propeta (Muhammad, sallallahu ‘alayhi wa sallam), kung may saysay nga ba ang mga kinita mula sa masama kapag ito ay kanilang ginamit sa kabutihan?

“May isang lalaki na nagtanong sa Sugo ng Allah (Muhammad): ‘O Sugo ng Allah, nagnenegosyo ako ng alak at nakaipon ako ng pera mula sa pinagkitaan nito. Mayroon ba akong pakinabang sa kinita nito, kung sakali na akin itong gagastahin sa mga gawang kabutihan bilang pagsunod sa Allah ang Kataas-taasan?

“Sumagot ang Sugo ng Allah: ‘Kung ito ay ginamit mo para sa Hajj, o para sa Jihad, o para sa Kawanggawa, ang halaga nito sa paningin ng Allah ay hindi hihigit sa pakpak ng isang lamok. Tinatanggap lamang ng Allah kung ano ang mabuti.’

“At upang ipagtibay ang sinabi ng Sugo ng Allah, inihayag ng Allah ang talata na: “Sabihin (mo sa kanila O Muhammad): ‘Hindi magkatulad ang masama at ang mabuti, kahit na kaakit-akit at nakasisilaw ang idinudulot na kasaganaan ng kasamaan…’ “

Sa katunayan, ang anyayahan nga lamang ang tao na magsugal ay mangangailangan na ng kabayaran, paano pa kaya kung ito ay gagawin mismo nang aktuwal?

Sinabi ng Sugo ng Allah (Muhammad): Ang sinumang nagsabi sa kanyang kasamahan na, ‘Halika, magsugal tayo,’ kinakailangan na siya ay magbigay sa kawang-gawa.”

Ipinakikita rito kung gaano kahigpit na ipinagbabawal ang ganitong gawain! Dahil na rin sa ito ay makasisira sa atin! Na kung kaya, huwag pahintulutan na kayo mismo ang magwasak sa inyong mga sarili!

Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas… sama-sama tayo sa segment na  nakaka ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam

Posted by dxupfm at 6:36 am | permalink | comments[3]

Paglulungsad ng Pagtuturo ng Kultura at Musika ng Teduray Inilunsad,

August 29, 2009

 Alih S. Anso

Kibukay, Upi (August 28)…

Pormal na inilunsad kaninang umaga ng Office of the Southern Cultural Communities-Autonomous Region in Muslim Mindanao (OSCC-ARMM) ang programang Upi Maguindanao School of Living Tradition of Teduray Dances and Musical Instrument.

Layunin ng programa na ituro sa mga kabataang Teduray ang kultura at musika ng kanilang tribu. Ang mga kultura at musika ng Teduray ay agong, kubing, fegurong, falendag, suling, lenggeng at iba pa .

“Papaano na kong mawala na ang ating mga matatanda sa ngayon na nakakaalam, ng ating kultura at mga musika?” tanong ni Fatima Kanakan,

Si executive Director Fatima Kanakan ang bagong talagang Executive Director ng Office of the Southern Cultural Ccommunities - Autonomous Region in Muslim Mindanao ((OSCC-ARMM)

Si Ms. Kanakan ay itinalaga bilang Executive Director ng OSCC ni Regional Governor ng ARMM Datu Zaldy Ampatuan noong October 1, 2008.

“Kinakailangan maipagmalaki natin na tayo ay Teduray at panahon na ituwid ang tawag nila sa atin na Tiruray”. Dagdag ni Ms. Kanakan.

Nagkaroon na rin ng programa ang mga out of school na Teduray sa DXUP FM na may titulong “Tinig ng Kabataan” at kanilang tinatalakay ang kanilang mga kultura at kaugalian.

Naging panauhin tagapagsalita ang Bise Alkalde ng Upi Abdullah P. Salik Jr. Al Haj, bilang kinatawan ni Mayor Ramon A. Piang Sr.

Ang pag-aaral at pagpapanatili sa mga kultura ng Teduray ang pinag-tutuunan ng programa ni Vice Mayor Salik.

Sa kasalukuyan ay iskolar si Vice Mayor Salik sa kursong Bridging Leadrship Fellows Program for Muslim Communities, na pinanalalakad ng Asian Institute of Management (AIM) Team Energy Center sa kanilang programa na The Bridging Leadership Fellows Program (BLFP).

Ang nasabing programa ay pinamangangasiwan ni Timuay Santos Unsad ang project coordinator. Ang napiling pilot area ay ang Barangay Kibukay, unang barangay ng Upi mula lungsod ng Cotabato.

Naging panauhin din ang committee chairman ng Cultural Heritage ng Upi Sangguniang Bayan na si Kagawad Kalima Gunsi.

 

Posted by dxupfm at 7:32 am | permalink | comments[4]

Alak na Nakakalasing

August 28, 2009
(August 28,  2009-Friday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: “Umiinom ka ba alak na nakakalasing, oo o hindi,  samahan ninyo kami ni Kaka Alih, ito ang kanyang pag-uusapan: alak na nakakalasing,  sa ating segment na nakaka:”

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: Balita sa isang tabloid: Sa isang lugar ng Pilipinas may magkapatid, kasama ang iba pa, ay masayang nag-iinuman.   Habang nasa kasarapan ng pag-iinuman ay biglang nauwi sa pagtatalo ang usapan. Sa katapusan ng istorya, napatay ng lalaki ang kanyang kapatid habang pareho silang lasing.

Iba pang balita: Sa iba pang bahagi ng kapuluan ay isang ama ang nakikipag-inuman sa barkada. Sa pag-uwi ay dinatnang papa-alis na ang kanyang mag-na upang siya’y layasan. Sa katapusan ng istorya, napatay ng lalaki ang kanyang asawa. Dahil dito’y nakulong ang lalaki at naiwang nag-iisa ang anak sa pangangalaga ng kapit-bahay.

Alam ba ninyo ang ganitong balita ay hindi na pinapansin? Dahil hindi na ito scoop na balita… gasgas na ika nga, dahil  ang mga pangyayaring ito ay hindi na malaking balita, ni hindi bagong balita. Subalit nakapang-hihinayang at nakaka-lungkot pa ring isipin na ilang mga tahanan na naman ang biglang nagdilim dahil sa trahedyang ang pinag-ugatan ay ang malabis na pag-inom ng alak.

Ilang pamilya na ba ang alam nating nawasak dahil sa alak? Ilang mga bata na ba ang nasira ang kinabukasan, dahil sa magulang na lasenggo o nagi-inom?

Hindi kaya  dagdag na pasanin na naman ito sa gobyerno at sa lipunan ang dinudulot ng walang kuwentang bisyo na ito? Ang pag-inom ng alak na makalasing?

Sa larangan ng krimen, alam natin marahil na ang karamihan ng mga hold-upper, mamamatay -tao o rapist ay umiinom muna ng alak bago nila isagawa ang kanilang masasamang balak.

Bakit? Dahil, sa kalasingan ay lumalakas (daw ha) ang loob ng mga duwag. Kinakilangan na   nawawala ang   konsiyensiya. Sa kalasingan ay nawawala ang hiya at dahil dito ay nagagawa ng malaya ang masasamang binabalak.

Sa kabila ng lahat ng ito, hindi lang ang masamang epekto ng alak ang dapat nating ikabahala. Tingnan natin ang ating mga anak o kapatid na bagong sibol. Iyong mga dalagita at binatilyo.

Payag ba kayong uminom ang inyong mga anak ng alak? Kong hindi,  -alam nyo ba’y umiinom sila ng alak?

Sinu-sino ang kanilang mga kabarkada? Umiinom kaya ng alak ang mga ito?

Sa ating kapanahunan kahit sino, kahit saan ay nakakabili ng alak. Sa mga modelong nagpro-promote ng alak sa telebisyon o sa mga poster pansinin ninyo na ang mga ipinakikitang umiinom ng alak ay hindi mga mukhang mga sanggano na may edad na, kundi mga kabataang magaganda, makikisig, mapang-akit.

Kadalasan pag inuman sa bahay ay maliit na bata pa ang inuuutusan sa kanta upang bumili. At ang ikakagulat mo ay kung hindi siya makabili nito sa tindahan sa kanto!

Ano ang mga maaring idulot sa mga kabataang ibayo ang pagka-expose sa alak? Mga aksidente sa daan, maagang pag-aasawa, krimen, droga, sirang mga ambisyon at kinabukasan, wasak na tahanan, problema ng lipunan. ANg mga batang may maaga at madalas na exposure sa lasingan ay malamang na tumanda din sa lasingan.

At ano ba ang mabuting naidudulot ng sobrang alak sa katawan? Sakit ng ulo, pagkasira ng tiyan, pananakit ng ulo, saglit na pagkalimot, panginginig ng laman, pagkasira ng atay, sakit sa puso, kawalan ng balanse, at iba’t-iba pang komplikasyon. Maaaring itanong ninyo: Ano bang mabuti sa mga yan? Sa aking palagay ay alam na natin ang sagot diyan.

Ano nga ba ang ating magagawa sa bagay na ito?

Una’y sigurihin nating walng alak sa ating tahanan. Kung walang pag-gagayahan ang mga kabataan tiyak na hindi manggagaling sa ating tahanan ang masamang halimbawa.

Pangalawa’y turuan natin ang ating ga anak na tumanggi sa barkadang mag-aalok ng inuming nakakalasing. Mahirap ang bagay na ito lalo na sa mga kabataang lalaki. Pero sa sapat na diplomasya, sa magalang at mapagmahal na pagsasalita ay tiayk na maiintindihan din nila tayo.

Sa ating mga kaibigan sa gobyerno, bakit hindi natin ipatupad ng totohanan ang batas na nagbabawal ng pagbibili ng alak sa mga menor de edad? At upang matiyak ang pagsunod ay patawan ng higit na malaking multa ang sunumang lalabag dito.

Sa ating mga kaibigan sa mga paaralan at mga organisasyon laban sa krimen, hindi ba dapat na dito natin ituon ang ating mga kilos protesta? Na kung maaari ay dalhin natin sa mga mambabatas ang suliraning to para mas makabuluhang mga batas kaugnay ng problema sa alak?

Mga kaibigan, tiyak kong naiintindihan ninyo ang isyung tinatalakay natin sa gabing ito. Ang tanong ay sang-ayon ba kayo na dapat alisin ang alak sa ating lipunan? Marahil dito’y medyo hindi na tayo magkakasundo. Sapagkat bilang isang Kristiyano maliwanag na hindi tayo sang-ayon sa pag-iinom ng alak bilang isang ugali. Subalit kaibigan, masdan mo ang ibinubunga ng alak sa lipunan. Anumang bagay na masarap gawin kapag ito’y nakapag-dudulot ng ibayong perwisyo sa nakakarami ay dapat iwaglit sa ating kalagitnaan.

Pag-isipan natin ngayong gabi anong buti talaga ang napapala ng tao at ng lipunan sa pag-inom ng alak? Sa aming nakikita, sa aming abot-tanaw, wala. walang-wala.

hanggang ditto na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na chapter,  bukas… sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 4:48 am | permalink | Add comment

Hukay 2 linggo ng Hindi Ginagawa

August 27, 2009
Balita: Alih S. Anso at Noralyn Bilual

Nuro, Upi (Aug 27)… Inireklamo ng mamayan ang hukay nasa national highway, gitna ng poblacion ng Barangay Nuro, na mahigit dalawang linggong ng iniwanan ng RDI Jr. Construction na walang gumagawa.

Ang RDI Jr Contruction ang isa sa kumpanyang gumagawa sa isinasagawang concreting ng Awang-Lebak road.

Ang proyekto ay sa priority projects ni PGMA na kasama sa kanyang huling SONA.

 “Hinukay ng RDI Jr Construction, ngunit dalawang linggo nang iniwanan na walang gumagawa” ito ang text mula sa   isang mamayan sa prograng Preng Mon.

Ang Pareng Mon ay programa ni Mayor Ramon A.Piang Sr. sa community radio DXUP FM, tuwing Miyerkules, (4:00-4:30 hapon) na tumatalakay sa mga proyekto at programa ng lokal na pamahalaan.

Agad namang inuutos ng Pareng Mon kay Municipal Engineer Gerardo Cariño ang agad na pakikipagunagnayan sa RDI Jr Contruction.

“Sana saka na lamang nila hinukay kong handa-handa na sila, dahil ang lugar ay nasa maraming mamayan, at kong gawin ay tuloy-tuloy para madaling matapos”. Dagdag ng isang mamayan, ng magsagawa ng follow-up ang field reporters ng DXUP FM ngayong umaga.

Mayroon pang isang hukay na nasa Nuro, nasa tapat ng Saint Francis High School at daanan ng mag-aaral ng Upi Agricultural School – Philippine Technical Institute of Agriculture (UAS-PTIA) na  inireklamo  rin ng mamayan dahil   iniwan din ang hukay na walang gumagawa, na dahilan na matagal ang pagtitiis at delikado ng mga dumaraan.

Posted by dxupfm at 7:40 am | permalink | comments[1]

Hindi pa Huli ang Lahat

(August 27,  2009-Wednesday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: Ano man ang sama ng ugali mo ay pwede kang pang magbago kahit may edad kana, ang sabi nga nila hindi pa huli ang lahat, ito ang ibibigay sa atin ni Kaka Alih:

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: Si Pedro,  hindi tunay na pangalan, ay may magandang asawa at dalawang anak. Dati rati ay isang ulirang ama si Pedro, napakabait, ang lahat na yata ng katangian ay nasa kanya na kaya naman di na pinakawalan ni Maria ng ito ay mangligaw sa kanya.

Di nagtagal ay binayayaan sila ng dalawang malulusog na na anak, at binigyan sila ng grasya ng Diyos, ibig sabihin ay nakakaluwag sa buhay ang mag-asawa dahil sa napakasipag na negosyante si Pedro. Para sa kanya madali ang kumita.

Minsan, nayaya sa isang lakad si Pedro ng barkada, nasa malayong lugar, kasama ang mga kapuwa negosyante, nagkayayaan ang grupo na pumunta sa casino at pagkatapos inuman na may kasamang babaeng bayaran.

Dito na nagbago ang mabait na Pedro, natutu na itong uminom ng alak, at marunong ng mambabae na may kasama pang pagsusugal.

Di minsan na pinagsabihan siya ni Maria, ngunit sampal lamang ang inaabut nito lalot talo ito sa majong at lasing pag-uwi pati mga anak ay di nakakaligtas sa bagsik ni Pedro.

Di nakatiis si Babae, umuwi sa mga magulang kasama ang dalawang anak. Naiwan si Pedro, at lalo nitong pinaigting ang bisyo dahil wala ng nagsasawata. Di nagtagal ay bumagsak ang negosyo niya pati ang katawan niya ay bumigay na rin.

Nagkasakit si Pedro, ngayon ay palaboy na lamang, naghihintay ng grasya sa mga tao, na naawa sa kanya,

Minsan sa kanyang pag-uwi may natisod siya ng luma, tiko-tiko na  at kalawanging pako na kuwatro pulgada, wala sa sarili na dinampot, at pagdating sa bahay walang magawa. Kanyang itinuwid nilinis ang hawak na pako, pagkatgapos ay wala sa sarili na naitapon sa mga bagong pako na nakalagay sa tool box. Mamaya ay muling hinanap ang pakong itinapon sa salasan ng napakaraming pako, ngunit di na niya matandaan dahil pare-pareho ang hitsura ng pako.

Sa kanyang pagmuni-muni sa naisip niya ang kanyang buhay noon at ngayon, tulad ng pako ng kanyang madampot ito ay tiko at kalawangin ngunit ng kanyang linisin at mahalo ay halos di na niya makilala.

Nasabi sa sarili kong napabago niya ang pako, na kalawangin ano kaya ang kanyang sarili ang kanyang linisin at ituwid ang mga baluktot niyang paniniwala.

Sa ngayon muling nagkabalikan si Pedro at Maria, highschool na ang dalawang anak at may service na nabili si Pedro, at walang Linggo na hindi nagsisimba. Isinumpa sa sa Panginoon na hindi na siya mambabae at titikim ng alak.

Ikaw kapatid na nakikinig, pwede pang magbago.. hindi pa huli ang lahat.. magtawbat ka na kaibigan.

Alhamdullillah,   hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na chapter,  bukas… sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 1:51 am | permalink | Add comment

Alhamdullilah (Ang lahat ng Pagpupuri sa Allah Lamang)

August 26, 2009
(August 26,  2009-Thursday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: Alhamdulllillah salitang Arabik na ang ibig sabihin ay ang lahat ng Pagpupuri ay sa Poong Lumikha, ay may kuwento si Kaka Alih, na mapupulutan natin ng aral, kaya pakinggan natin an gating segment na nakaka:

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: Sa isang malayong lugar, sa Middle East may isang kuwento tungkol sa isang may kaya sa buhay o asendero marahil kong ditto sa atin sa Pilipinas.  Ang asenderong ito ay may katulong na lalaki. Ang lalaking ito ay mapagkumbaba at higit sa lahat may malakas na pananampalataya o sa wikang Arabik, Mumin.

Isang araw, naglilinis sa kanilang bakuran ang asendero at tinawag ang katulong na lalaki, sila ay gumagamit ng matalas na bolo, sa hindi sinasadya ay natigpas ng katulong ang isa sa daliri ng ng kanyang amo, na agad naming tinulungan at sabay sabi ng Alhamdullillah ( Ang lahat ng Pagpupuri sa Allah Lamang-All Praised be to God).

Hindi nagustuhan ng amo, ang sinabi ng katulong dahil sa kanyang pakiwari ay tinutuya siya, dahil sino ba naman ang hindi magagalit at masasakatan na maputulan ka ng isang daliri. Dahil sa galit sa  katulong ipinabilanggo ito, ng nasa loob na bilangguan ay muling binigkas ang Alhamdullillah ( Ang lahat ng Pagpupuri sa Allah Lamang-All Praised be to God).

Kaya naisip ng amo na baka nasisiraan ng isip ang kanyang katulong.

Lumipas ang mga araw, minsan isang gabi, ay may dumukot sa asendero, at dinala ito sa kanilang hideout.

“Ihanda ang alay sa Bathala” ang utos ng Pinuno ng mga kultong dumukot sa asendero.

“Ngunit bago ialay ay tingnan muna ng maigi kong perpektong lalaki ba iyan, dahil hindi tatanggapin n gating Bathala”. Muling utos ng pinuno.

Naku napakalaking kamalasan o buwenas?  Dahil ang asendero ay putol ang isang daliri nito, kaya, ipinasiya na pinuno na pauwiin na lamang ang asendero at pinahanap na lamang sila ng ibang lalaki na perpekto.

Nakauwi na ang asendero, at ditto sumagi sa kanyang isipan ang katulong, dahil sa natigbas ng kanyang katulong ang kanyang daliri ay hindi siya pumasa na ialay sa Bathala.

Pinuntahan kaagad sa bilangguan ang katulong at pinatawad,at humingi ng paumanhin sa kanyang mga nagawa dito,  ng nasa labas na muling nagsabi ng Alhamdullillah ( Ang lahat ng Pagpupuri sa Allah Lamang-All Praised be to God).

Tinanong ng asendero ang katulong kong bakit ng maputol nito ang kanyang daliri ay nagsabi siya ng Alhamdullillah ( Ang lahat ng Pagpupuri sa Allah Lamang-All Praised be to God).

Ang sagot ng katulong: “Nagpasalamat ako sa Allah. Dahil daliri mo lang ang aking natigpas, pasalamat ako at hindi ang iyong lee gang aking tinamaan dahil tiyak ipapatay ako ng iyong mga kamag-anak at mauulila ang maliliit naming mga anak”. Naliwanagan ang asendero at muling nagtanong:

“Pero bakit ng ipabilanggo kita ay muli mong sina ang  Alhamdullillah ?”( Ang lahat ng Pagpupuri sa Allah Lamang-All Praised be to God).

Sagot ng katulong: “Amo, nagpasalamat ako sa panginoon dahil pinabilanggo mo lamang ako, at ikaw ay makapangyarihan at pwede mo naman akong ipabitay ngunit di ginawa at heto kong heto kong hindi mo ako pinabilanggo ng dukutin ka ng mga kalalakihan na iyon, tiyak na kasasa mo ako, at tiyak na ako ang maiilay sa kanilang Bathala dahil walang kulang ang aking pangangatawan, kaya Alhamdullillah ( Ang lahat ng Pagpupuri sa Allah Lamang-All Praised be to God).

Ang Alhamdullillah ( Ang lahat ng Pagpupuri sa Allah Lamang-All Praised be to God)ay palaging inuusal ng mga nanampalatayang Muslim, bilang pasasalamat sa kanilang mga biyaya na natatanggap mula sa
Allah.

Alhamdullillah,   hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na chapter, paguusapan naman natin ang Hindi pa Huli ang Lahat…  bukas… sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 1:54 am | permalink | Add comment

Mga Kundisyon sa Kasuotan ng mga Kababaihan

August 25, 2009
(August 25,  2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: Ang mga Bangsamoro Muslima o Babaeng Bangsamoro na nanampalataya ay may kundisyon sa kanilang mga susuotin. At iyan ang ibabahagi sa atin ni Kaka Alih, sa ating segment na nakaka:

(PLAY INTRO NAKAKA)

Kaka Alih: Ang mga Bangsamoro Muslima o babaeng Muslim ay may desinyong kasuotan na nararapat nilang suotin sa araw-araw:
1.    Ang kasuotan ay dapat na tumatakip o bumabalot sa buong katawan, ang maaari lamang ilitaw ay ang kamay at ang mukha.
2.    Ang materyal nito ay hindi dapat na sobrang nipis na ang hugis nang katawan ay maaaring masilip o maaninag.
3.    Ito ay dapat na maluwang o maluwag upang hindi bumakat ang hugis o korte ng katawan.
4.    Ito ay hindi dapat na kahawig o katulad ng kasuotan ng mga kalalakihan.
5.    Ang desenyo ng kasuotan ay di dapat na hawig ng kasuotan ng mga kababaihang walang pananampalataya.
6.    Ang desenyo ay dapat na simple at hindi nakakaakit o nakakapukaw ng atensiyon ng iba.
7.    Ito ay dapat na isinusuot dahil sa pangangailangan at hindi upang umani ng magandang reputasyon o katayuan sa lipunan.

Ang kadahilanan sa kahigpitang ito ay upang maproteksiyunan at mapangalagaan ang mga kababaihan mula sa mga mapagnasang paningin ng mga kalalakihan. Ang kanyang suot na damit ay hindi   dapat na pumukaw ng anumang atensiyon kaninuman, lalo sa kalalakihan. Pinapahintulutan na masulyapan ang kababaihan, subalit kapag ito ay kanyang inulit tingnan at tinitigan, ito ay bawal dahil sa paghahatid nito ng pagnanasa sa kaisipan.

Ang mga kababaihan ay pinapangalagaan ng Islam, ito ang dahilan kung bakit ibinigay ng Allah ang mga panuntunang ito ukol sa kasuotan. Sa ating panahong kinabibilangan, ang mga babae ay minamaltrato at minamaliit, ang pagiging babae nila ay ginagamit ng tahasan sa advertising na ang pinaka layunin ay maakit ang mga kalalakihan nang sa ganoon ay maibenta ang produkto.

Ang tanong: Tunay nga bang malaya ang mga kababaihan sa panahong ngayon ay ating ginagalawan?

Ang sagot ay maliwanag na hindi..ang paulit-ulit na pambabatikos, dikta at puna ng media sa kung papaano ang isang babae ay mag-aayos at magdadamit ang magpapatunay dito..
Pinalaya ng Islam ang mga kababaihan 1400 taon na ang nakararaan. Alin ba ang mas dapat, ang manamit ayon sa batas ng tao o ayon sa batas ng Diyos?

Sinabi ng Allaah sa Qur’aan na kinakailangang pangalagaan ng mga kababaihan ang kanilang kabinian o kahinhinan. “Sabihin sa mga babaeng mananampalataya na ibaba ang kanilang mga paningin at pangalagaan ang kanilang kahinhinan; hindi nila dapat na itanghal sa madla ang kanilang kagandahan at mga palamuti maliban na lamang sa ordinaryong bahagi na pwedeng ilitaw o ipakita..”Surah 24:31

Gayun din naman ay inuutusan ng Allah ang mga lalaking Muslim:” Sabihin sa mga mananampalatayang kalalakihan na ibaba ang kanilang mga paningin at pangalagaan ang kanilang kahinhinan; ito ang maghahatid sa kanila ng higit na kalinisan, at batid na batid ng Diyos ang mga bagay-bagay na kanilang pinaggagagawa..” Surah 24:30

Buweno tama na muna, hanggang sa susunod na chapter, bukas tatalakayin natin ang Alhamdullilah (Ang lahat ng Pagpupuri sa Allah Lamang)

Sa muli Insha Allah… sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 1:58 am | permalink | Add comment

Mga Dapat Malaman sa Ramadan, ang buwan ng Pag-aayuno

August 24, 2009

(August 24,  2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: Pangatlong araw na ngayon ng Ramadan ang buwan ng pag—aayuno ng ating mga Kapatid na nanampalataya sa Islam o ang ating mga kapatid na Muslim, ano ang mga dapat malaman at dapat at di dapat gawin? Ito ang ibibigay ni Kaka Alih sa ating segment na nakaka:

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: Ang Ramadan ang ika-9 na buwan ng sa Kalendaryong Islam.

Ang Kalendaryong Islam katulad ng kalendaryong Solar sa Kristiyanismo ay binubuo ng labing-dalawang buwan.

Ang Kalendaryong Islam o Hijrah o lunar ay hango sa buwan at ang Kalendaryong Gregorian o solar ay hango sa araw.

Ang unang araw ng Ramadan ay nababatay sa pagsaksi sa paglabas ng buwan at ang araw ay magsisimula pagkatapos ng Salat ul-Magreb. Ang buong ikot ay nagaganap sa loob ng tatlongpu’t-limang taon. Sa ganitong paraan, ganoon din ang haba ng araw at sa sandali ng pag-aayuno sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ay magkakaiba sa mga taon.

Ang mga Muslim sa   buwan  na ito ay tatalikdan ang pagkain, pag-inom, panigarilyo, at pakikipagtalik sa araw, mula sa pagbubukangliwayway hanggang sa takip silim.

At dahil hindi kumakain sa araw ang iyong kapatid na Nanamapalataya sa Islam, ikaw na kapatid na hindi nag-aayuno ay nararapat lamang na huwag kumain o uminom sa harapan o nakikita ng iyong kapatid, dahil tiyak ko matatakam siya.

Ang mga Muslim na nag-aayuno ay kumakain sa medaling araw, bago magbukang liwayway at dahil dito sila ay puyat sa pagtulog, kaya asahan mo na makakatulog o gusting matulog sa araw.

At dahil hindi kumakain at uminom tiyak na gutom at uhaw, kaya nararapat na ikaw ang boss o kasamahan niya sa trabaho huwag masyadong bigyan ng mabibigat na trabaho.

Kong magiging bisita mo siya, sa panahon ng Ramadan, dapat malaman mo na pwedeng kumain sila pagsapit ng takip-silip hanggang bago magbubukang liwayway (sa ngayon araw 6:01 ng gabi hanggang 4:05 umaga).

Dapat malaman mo na may exempted na hindi mag-aayuno, halimbawa ang babaeng nireregla, ang matatanda na kong mag-aayuno ay maapektuhan ang kalusugan, ang mga sanggol na hindi pa umabot sa pito o sampung taon, ang maglalakbay at ang mga taong wala sa katinuan ng isip.

Buweno tama na muna, hanggang sa susunod na chapter, bukas Mga Kundisyon sa Kasuotan ng mga Kababaihan ang aming ibibigay sa inyo, Insha Allah.…bukas sama-sama tayo sa nakaka ating nakaka na segment.. ito ang inyong Kaka Alih.

 
Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 2:00 am | permalink | comments[7]

Papaano maiiwasan ang pag-aaway ng Mag-asawa?

August 22, 2009
(August 18,  2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: “Papaano maiiwasan ang pag-aaway ng Mag-asawa? Iyan ang ibabahagi sa atin ni Kaka Alih sa ating segment na Nakaka:”

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: “Ang   pagkakaroon ng hindi pagkakaintindihan sa relasyong mag-asawa ay maaaring humantong sa ibat-ibang uri ng pag-aaway, mayroong pag-aaway na sigawan, pagbagsak ng mga kagamitan, pananakit, paglayas at iba pa. Lahat ng mga ito ay dulot ng hindi pagkakaroon ng kaunawaan o hindi pagkakaintindihan ng mag-asawa.

May nagsasabi na natural lamang sa mag-asawa na magkaroon ng hindi pagkakaintindihan, ngunit hindi dapat humantong sa away na kong minsan ay sakitan, o physical injuries ng magkabilang panig, na nauuwi sa hiwalayan.

Papaano ba natin ito maiiwasan? Narito ang ilang payo:
“Unawain at tanggapin na natural na dumarating sa isang relasyon ng mag-asawa ang tampuhan at hindi pagkakaunawaan.” Ito ang payo ng isang retiradong guro.

Ang hindi pagkakaunawaan ay mahirap ngang pigilan, sapagkat madalas itong nangyayari nang biglaan, kahit ang mga matatagal nang nagsasama ay nagkakaroon parin ng hindi pagkakaintindihan makakatulong kung bukas ang isipan sa paghandaan ang pagdating nito, upang maiwasan itong lumala.

“ Iwasan ang Paninisi sa iyong partner” Dagdag ni Maam.

Ang paninisi at panunumbat sa panahon ng pag-aaway ay nakakawala ng dangal nasa katwiran ka man o wala. Ang pagbalik sa mga nakaraang pagkakamali upang itoy isumbat ay hindi makakatulong sa kasalukuyang sitwasyon, lamat sa relasyon ang idinudulot ng paninisi hanggat maaari’y iwasan ito.

 “Agad gawaan ng lunas ang hindi pagkakaunawaan, huwag ng ipabukas, bago magising ay tapos na ang hidwaasaninyong mag-asawa”.

Ang sugat na hindi agad ginamot ay maaaring lumala at maimpeksyon. Ang away mag-asawa ay nagdudulot ng sugat sa damdamin, kapag hindi ito agad nalunasan, maaaring maging malalim na galit kapag nagkasugatan ng damdamin agad tayong gumawa ng paraan upang luminaw ang di pagkakaintindihan at magkabati.

“Alisin sa iyong didbdib ang poot at galit, kong isa kang Muslim mag-istigfar ka, o magsabi ng “Astagfirullah” o isa kang Kristiyano magsagawa ng panalangin o paghingi ng kapatawan sa Panginoon.

   Malalaman nating malinis talaga ang ating mga bahay kung naitapon na natin ang mga basura sa tamang lalagyan. Ang galit o poot ay tulad ng basura na kapag ginawan natin ng lunas ay para na natin itong winawalis palabas sa ating mga puso at dahil nasa labas na ito mukhang wala na ngunit ito ay nangangamoy parin at nakakalat salabas ng ating mga bahay. Kinakailangang mawala ito nang tuluyan. Kinakailangang mabunot ito nang lubusan sa ating mga kalooban.

Ang pag-aaway, lalo na ang maling pag-aaway ay hindi makakatulong sa pagkakaroon ng isang mabuting pamilya. Ang mga batang laging nakakasaksi ng pag-aaway ng kanilang mga magulang ay matatakutin at maliit ang pagtingin sa sarili. Alang alang sa ating mga anak maging maingat  tayo kong sakaling mga alitan tayong mag-asawa. Kong mahal ninyo ang inyong mga anak, huwag ipakita o iparinig sa mga anak na kayo ay nag-aaway na mag-asawa.

Ayon kay Ustadz, ayon sa katuruan sa Islam, ang    Propeta ay magsagawa ng Salah  o Sambayang at humingi ng kapatawaran o payo sa Allah sa nararapat mong gawin.
Hanggang dito na lamang, bukas ay durugtungan natin ang ating topic,   Ito ang inyong nakaka na kapatid, Kaka Alih. Sukran, Wassallam.

PLAY- EXTRO-NAKAKA

Posted by dxupfm at 6:50 am | permalink | comments[12]

Papaano Manligaw

August 19, 2009
(August 19,  2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host: Mga binatang may edad na nakikinig, bakit hanggang ngayon ay wala pa kayong asawa, binata may kasintahan ka na ba, wala pa o mayroon na makinig sa nakaka ni Kaka Ali, dahil ang kanyang tatalakayin ngayong araw ay papaano manligaw.

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: Binata?…. No?…. Balo?….basta ang pag-uusapan natin ngayon ay papaano manligaw, kong may asawa  ka na o wala pa, it doesn’t matter, this just for education purposes, just paminaw  o just listen, para maituro mo sa anak mo na torpe kong manligaw di nagmana sa iyo..

(PLAY LAUGHING  WOMEN)

Una sa lahat huwag  kang magmamadali baka ka madisgrasya,   parang bike na mabilis ang takbo at nawalan bigla ng brake, hindi ang ibig kong sabihin baka ka mabigo.

 Heto pare koy ang unang step:
1.    Una magpakilala just as friend mo na.. kong na love at first Kaman…Everything must start with friendship .
2.    Next… bigyan mo ng callinbg card, para bigyan ka rin, kong wala, bigay mo ang mobile phone number mo, kong wala kang celpon, (never mind). Ganito kasi ang gusto kong ipaliwanag eh…  Communication is the key - Maganda kung txt messages lang muna, yaong bang pangungumusta muna (at of course lodan mo rin siya, at sigoraduhin na di niya malalaman na ikaw ang naglod sa kanya, para di halata ang motibo)  . sa text mo kunin mo ang kanyang mga bio-data… at sigoraduhing nasa bakanteng oras niya kong magtext ka.
3.    Be nice (don’t be plastic) just be…. you!. Kapag uwian na, kung galing kayo ng school, work o sa isang occasion, ihatid mo siya kong may trisikad ka (playLAUGHING)  o sabay kayong maglalakad, pauwi,  then usap kayo sa daan! at hatid mo siya! Maniwala ka…  she will be thankful afterwards!
4.    Flirt a little pero mas maganda kung nagjojoke ka kahit korny! Dahil mas maganda kung nakikita mo siyang palaging nakasmile! Smile it melts your hearth away!
5.    Maging magalang ka! Batiin mo siya ng  Good morning,  halimbawa ay ganito… “Len, hello, how are you?”  everytime you see him/her.
6.    Ipakita mo na concern ka! — Kumain ka na ba?, Kumusta ang day mo  ?, Got any problems? pero wag naman sobra! hanapin mo ang right  time kapag sasabihin mo sa kanya yan! Kong galing sa Cotabato o sa Davao, (may seminar) siguraduhing may pasalubong ka sa kanya, at para di halata, bigyan mo rin ang mga kaibigan niya..
7.    WAG KANG TORPE!!! Pag nakakita ng tamang panahon.. sabihin mo sa kanya ang…I LOVE U”..

(PLAY LAUGHING  WOMEN)

Kong sakaling di nakapasa sa iyo ang aking formula one, heto may formula number 2,  Ganito ang gawin mo huwag mong sasabihin na manliligaw ka! Awkard yun, dib a?  hayaan mo siyang lumapit sa iyo! at gumaang ang loob niya sa iyo. Until tanungin ka nya na…”Nanliligaw ka ba?”  Syempre mapapansin nya din yun diba? Di naman siya bato para di pansinin yun?

Ang tanong anong gagawin mo? Pag tinanong ka? Ang gagawin mo kapag tinanong ka nya ng ganyan… eh di  sagutin… obvious ba… binata ako.. dalaga ka…

(PLAY LAUGHING  WOMEN)

Hindi … ganito… smile sabay sabihin sa matamis na… yes  … maniwala ka.. kong crush sa iyo.. magpapakipot…

O di kaya ganito: “Yes I like you”  pero don’t say I love You agad ha?, remember : I like u lang!

Heto pa ang pwede mong litanya: “Masaya kasi ako kapag nakakasama ka, kaya gusto kita” (syempre mapapaisip siya nyan).

Kong kaya mo, tulad ni Andrew pwede ding magdrama ka pero wag O.A! like: “alam mo sarap mo kasing makasama, nagiging masaya ako kapag nakikita ka, sarap pakingan ang iyong boses kaya gusto kita!” Always rember -keep it short na lang!

Kapag mag-usap kayo… be your self! wag mong paglaruan! kapag di ka seryoso,… karma ang aabutin mo sa susunod mo! Promis yan!

Kapag magkasama kayo, try mong wala kang pakielam sa mga taong nakapaligid sa inyo! ipakita mo na sa kanya lang ang time mo! in short sa kanya ka lang talaga!

Give and take relationship! syempre try mo itreat ang isa sa inyo! then next time siya naman!

 If you love him/her show it! dont say it! (but some times masarap pakingan ang mga words na binebaby mo siya, I love you [use in moderate]

Buweno tama na muna, hanggang sa susunod na chapter, bukas… sama-sama tayo sa nakaka.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam

Posted by dxupfm at 7:00 am | permalink | comments[9]

Pagluluto ng maruyang niyog

August 17, 2009
(Research/Scrript   na sinulat ni Lucy B. Duce,  para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” -7:00-8:00 A.M-July 15, 2009  sa segment na “ALAM BUHAY”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Alam ba ninyo na ang maruyang niyog ay masarap na pangmeryenda? at napaka sempling lutuin.hindi rin mahirap hanapin ang mga sangkap sa pagluluto.masustansiya at tiyak na magugustuhan ng inyong mga pihikang anak. Kaya tayo na at ating alamin ang pagluluto ng maruyang niyog.anu-ano nga ba ang mga sangkap at mgapamamaraan ng paluluto.

Mga sangkap:
1 pirasong niyog( kinudkud)
1 kilong harina
1 tbls. Baking powder
¼ kilo  ng putting asukal
1 tbls. Vanilla
1 boteng  mantika
Pamamaraan
·    Masahin ang harina at ihalo ang kinudkud na niyog.
·    Hayaan ng limang minute,ihalo ang baking powder ,vanilla at asukal
·    Painitin ang oil sa karahay
·    Kapag kumulo na isa-isang ilagay ang hinulmang niyog at harina….
·    Pritohin hanggang sa magiging kulay brown.
·    Kapag naluto na lahat ilagay sa tray na may nakalatag na dahon ng saging. Presto luto na masarap ito kainin kapar mainit pa dahil malutong…

Sa gawaing ito ang inyong naging capital ay more or less50.00 lamang .at kapag naibebta ninyo giginansya kayo ng almost doble sa inyong capital.maliban dyan ay may libreng meryenda pa para sa inyong pamily at nagkaroon pa kayo ng extra na income

Payo ko sa inyo magluto na rin kayo at may pambaon  pa ang inyong mga istudyante.
Hanggang sa lunes sa isa pang edistion ng alam buhay.

Ako ang inyong madiskarteng Ina at segment reporter Lucy Ducy maraming salamat

Posted by dxupfm at 9:19 am | permalink | comments[1]

Makabagong Teknolohiya, Mga Negatibong Epekto sa Kabataan

     

(August 17,  2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host:  “Ang makabagong teknolohiya ay dumating na sa Upi, iyan ang katotohanang di maitatatuwa, ang tanong papaano mo maiiwasan ang mga negatibong epekto sa ating mga anak o kabataan, iyan ang ilalahad sa ating ni Kaka Alih sa ating segment na nakaka:”

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: “Nitong mga nakaraan mga buwan ay maraming magulang ang naalarma sa pinakabagong eskandalong bumulaga sa bansa, ang sex video ng mga kilalang pangalan sa showbiz. Nandiyan ang pangalang Dr. Hayden Kho, Katrina Halili, Maricar Reyes at marami pang tao na kilala sa lipunan. At hindi lang sa Pilipinas  lalo na sa ibang bansa.

Alam ba ninyo na halos lahat ng tao, kabilang na ang mga kabataan ay napanood ang eskandalong ito, na hindi dapat mapanood ng kabataan?

Ikaw Leny payag ka bang mapanood ng iyong anak ang ganitong panoorin?

Lenyrose: “ Ay Diyos po, Kaka Alih, ako nga hindi ko pinanood, dahil alam ko na ito ay masama, dahil kong ikaw ang nasa video magugustuhan mo, ba, may kasabihan tayo, ang masakit  sa iyo, huwag mong gawin sa iba, dahil masakit din ito sa kanila.”

Tama ka diyan kasamgn Leny, dati naman kasi, kahit merong ganyang mga eskandalo ay nalilimita ang access ng mga bata. Kung hindi ipapalabas sa telebisyon at hindi mailalathala sa dyaryo ay hindi makakarating sa kaalaman ng mga bata.

Pero ngayon ay madaling-madali nilang mapapanood nang buo at ‘uncensored’ ang mga bagay na hindi pa abot ng mura nilang kaisipan dahil sa computer, sa cellphone at sa iba pang makabagong teknolohiya. At dito mismo itinulay ang eskandalosong sex videos nina Dr. Hayden Kho, Katrina  , Maricar  .

Sino ba naman na magulang ang di mag-alaala sa ganitong mga panoorin na mapapanood ng kanilang mga anak na may murang edad. 

Mga panoorin na di dapat gawin ng    mga kabataan, dahil ito ay haram o bawal ayon sa mga pananampalataya ng anumang relihiyon.

Ang  sex ay isa sa mga bagay na mahirap pang ipaunawa sa mga batang wala pa sa tamang edad kaya madalas ay iniiwasan itong pag-usapan sa loob ng bahay.

Ngunit Ngayon ay may pagkakataon silang makakita ng aktuwal na ‘sex video’, walang dudang sasaliksikin ito ng mga bata.

Kung tayo ngang matatanda at nasa edad ay curious na makita ang mga sex videos na ito, lalo na sila dahil talagang uhaw sila sa kaalaman at maraming katanungan sa kanilang isip na hinahanapan nila ng sagot. At maaring kanilang subukan o experiment.

Ikalawa, isa sa napakahirap salain ay ang impormasyon sa internet, lalo pa nga’t madali itong naikakalat at nabibitbit kung saan-saan sa pamamagitan ng cellular phones, discs at flash drive o USB.

Ikatlo, oras na masagap ang ganito kaeskandalosong materyal, napakahalaga na maipaliwanag sa kanila ng mga nakakatanda kung ano ito. Hindi pa kumpleto ang kanilang kaisipan para iproseso nang tama ang nakikita.

Ikaapat ay nagkalat at makakabili ka ng   pirated videos na nagkakahalaga lamang limangpung piso, na kayang-kayang bilihin ng kabataan at pwedeng mapanood dahil halos lahat ng pamilya ay video player dahil din sa pirated na video gadget o player.

Pero dahil iniisip nga nila na ‘taboo’ o bawal pa ito sa kanila ay itatago nila ito sa kanilang mga magulang at sa mga nakakatanda. Dito nagsisimula ang problema. Mali ang pagkakaproseso ng mga bata sa nakikita at napapanood hanggang sa bumaluktot na ang kanilang kaisipan patungkol sa bagay na ito.

Mga kapatid na magulang, importante na maipaintindi sa mga bata ang mga sumusunod:

Una, ang pakikipagtalik ay isang sagradong bagay na ginagawa lamang ng dalawang taong nagmamahalan. Sa mga konserbatibo, kailangan ay ginagawa ito sa loob ng matrimonya.

Ikalawa, ang pagtatalik ay isang pribadong bagay na dapat ay nakalimita lang sa kaalaman ng mismong nagtalik. Hindi ito dapat ikinukuwento, ibinibida at lalong hindi dapat inirerekord para maipanood sa iba. Hindi ito ginagawa ng isang taong may respeto sa kanyang sarili at sa kanyang kapareha, kahit pa nga sabihing may ‘consent’ nila pareho o nagkasundo sila na i-video ang kanilang pagtatalik.

Sa Islam, ang pagtatalik ng mag-asawa ay sagrado, kinakailangan natatakpan o hindi kayo nakikita pag inyo itong ginagawa na mag-asawa at hindi magpakailan man pinapayagan na gawin ng hindi kasal.

Ikatlo, ang pagkakaroon ng ganitong uri ng video ay hindi kailanman dapat maging katanggap-tanggap, hindi dapat tangkilikin, hindi dapat hangaan at lalong hindi dapat pamarisan ng sinuman.

Mapa-lalaki o mapa-babae man, ang sinumang nasa likod ng pagbi-video  at lalong masama ay pagpapakalat nito para mapanood ng iba ay isang malinaw na pruweba ng sakit sa isip at pagkatao.

Ang pagtsismis sa kapuwa ay isang karumaldumal na gawain, na ayon sa katuruan ng Islam ay parang ang kinakain mo ay ang laman ng iyong kapuwa.

Mga mahal na magulang, sama-sama nating labanan ang pagkalat ng ganitong mga panoorin.

Hanggat maari huwag bilihan ng mobile phone na may video camera, ang inyong mga anak, para di sila matukso na mag upload ng ganitong malaswang panoorin.
Kong sakaling bilihan ninyo sila, yaong limited ang memory para di sila makapagdownload ng mga nasabing eskandal.

Huwag silang bigyan ng pagkakataon na makapag search sa internet na hindi ninyo na-screen, at payo ko sa may internet connection, na magulang pwede ninyong makontrol ang ganitong video dahil din sa bagong teknolohiya, ang Gawin ninyo makipag –ugnayan sa mga nakakaalam nito.

Hanggang dito na lamang, bukas ay durugtungan natin ang ating topic,  Ito ang inyong nakaka na kapatid, Kaka Alih. Sukran, Wassallam.

PLAY- EXTRO-NAKAKA

 

Posted by dxupfm at 6:29 am | permalink | comments[53]

Sinigang na Bangus at Talbos

August 15, 2009

(Research/Scrript   na sinulat ni Lucy B. Duce,  para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” -7:00-8:00 A.M-July 15, 2009  sa segment na “ALAM BUHAY”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Once again magandang umaga,ibabahagi ko ngayon sa inyo ang pagluluto ng sinigang na bangus,ito ay masarap ng ulam sa pananghalian o di kaya sa hapunan.maliban sa masustansiya na ito ay paporito din ito ng kahit sino.ngayon alamin  natin ang mga sumunod,
Sinigang na Bangus at Talbos Ingredients:

Mga sangkap….
·    sinigang-bangus with talbos ng kamote
·    2 pcs tomatoes, sliced
·    1 pc onion, sliced
·    1 medium size bangus, sliced
·    1 sachet 20g MAGGI Sinigang sa Sampaloc Mix
·    2 cups talbos ng kamote, cut up
·    2 pcs siling panigang (finger chilies)
·    patis (fish sauce), to tas

Pamamaraan ng pag luluto;
1.    Hugasang maigi ang  hiniwang bangus,
2.    Magpakulo ng  3 tasang tubig kapag kumulo  na ilagay ang  bawang slice,kamatis slice  sili,at patis.
3.    pakuluan ng isang minute,din ilagay ang bhiniwang bangus,
4.    pakuluan uli ng ilang Segundo,
5.    pagluto na…timplahan ng vetsin at magg sinigangi  sa sampaloc
6.    ilagay ang  talbos ng kamote,hayaang kumulo ng dalagang segundo at ihain na ito habang maiinit pa.

Ayan at  isang recipe na naman ang nabahagi ko sa inyo  sana  ay napulutan niyo ito ng  kaalaman  at ng maluto na rin ito,masarap na  paburito ng lahat  hanggang  bukas sa isa pang idisyon ng alam buhay, Lucy B. Duce  ang inyong kumara, madiskarting ina at segment reporter maraming salamat magandang umaga.

Posted by dxupfm at 8:41 am | permalink | comments[115]

Maayos Na Pananamit, ititinuturo ng Islam

August 13, 2009
(August 13,  2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Hindi lamang iyan, pero hinihingi rin ng Islam na magdamit ng maayos ang isang Babae, sa Islam, ang kasuotan ng babae ay kinakailangang matakpan ang kanyang buhok at lahat ng kanyang katawan maliban sa kanyang mga kamay at mga paa, kapag ang babae ay kalahating hubad, na ka-gaya sa mga ibang bansa, ang kalalabasan ay malinaw, kapag ang babae ay lantarang medyo hubad, siya ay nagiging isang babae lamang.

Ang Asawang Babae At Ang Ina

Pinagmamasdan ng Islam ang babae bilang isang Asawa at isang Ina, Ang kaibahan, alinman sa mga lipunang hindi Islam ay tumitingin sa babae higit sa lahat bilang isang bagay na pansesk sa kabila ng kanyang ginagampanan bilang isang Asawa at pag-ganap bilang isang Ina, bilang resulta, gumawa ang Islam ng mga katuruan na aangkop sa pagganap ng babae bilang isang Asawa at ang pagganap niya bilang isang ina, dahil kailangan ng pamilya ang isang Asawang naglalaan sa kanyang Asawang lalake at isang Ina na naglalaan sa kanyang mga anak.

Sinasabi natin na ang Islam ay humahadlang sa kaparaanang magkaroon ng mga batang anak sa labas sa pamamagitan ng paghadlang, sa mga da-anan papunta sa labag na pakikipagniig, ito ay isang paraan upang maipagsanggalang ang isang bata, ang ikalawang paraan upang maipagtanggul

ang isang bata ay ang pagsanggalang sa pamilya, kapag nagkaroon ng kasalan, naitatatag ang isang bagong pamilya, Pinapangalagaan ng Islam ang pamilya mula sa Diborsiyo, na siyang sisira sa lahat na kasapi ng pamilya.

Walang Malayang Paghahalo

Hindi pinapayagan ng Islam na ang Asawang lalake ay malayang makihalubilo sa ibang mga babae upang mapangalagaan ang kanyang kaug-nayan sa kanyang Asawa, hindi pinapayagan ng Islam na ang Asawang babae ay malayang makiha-lubilo sa mga ibang lalake upang mapangalagaan ang kanyang kaugnayan sa kanyang Asawa, Ito lamang ang tanging paraan upang mapangalagaan ang kasalanan mula sa Diborsiyo o paghihiwalay, upang mapangalagaan ang pamilya sa pagkasira, at upang mapangalagaan ang mga bata mula sa ka-walan ng Ama, kawalan ng Ina o pariho.

Ang kaibahan, sa mga lipunan na pinapayagan ang dalawang kasarian na malayang maghalo, mayroong dalawang pangunahing mga suliranin, ang una, sa mga ganitong lipunan maraming halim-bawa ng bawal na pagniniig at mga batang anak sa labas, pangalawa, dumarami ang kasal na panan-dalian na lamang, at ang paghihiwalay ay siyang katapusan ng maraming mga kasal, Mangyari pa, ang paghihiwalay ay hindi lamang katapusan ng kasal, Datapwat, simula rin ng mga suliranin para sa dating Asawang lalake, dating Asawang babae, at ang kanilang mga anak. Pinansin ko na kahit na ang mga kanluraning bansa ay maunlad sa agham at teknolohiya. At madaling makadami sa mga estadistika na may kaugnayan sa industriya at Eko-nomiya, hindi nila maipapakita ang parehong pan-dama sa katotohanan ng mga bagay na may kaug-nayan sa buhay panlipunan, kapag ang isang

kanluraning ekonumista ay nagpalagay sa mga anyo at sa mga numiro ng isang tiyak na ekonu-miya, tinatapos niyang mayroon siyang tungkol sa ekonumiyang ito, ang kaibahan, kapag ang isang kanluraning may karunungang panlipunan o isang taong dalubhasa sa agham ng isip ay nagpalagay sa estadistika ng diborsiyo sa kanyang bansa, wala siyang tatapusin.

PANGANGALAGA SA KASAL,

Sa iba sa mga kanluraning bansa, 60 % ang mga kasal ay nagwawakas sa paghihiwalay, ano ang ibig sabihin nito? Karaniwang, ibig sabihin nito na ang panglipunang balangkas doon ay sumisira sa kasal at ang kanilang kanluraningpamamaraan ng buhay sa ngayon ay nagbibigay daan sa pag-kasira ng kasal at ang pagkasira ng pamilya, Ang resulta ay hindi mahirap hulaan, Sa kanluran, ang dalawang kasarian ay malayang naghahalo: Ang alak ay iniinum ng madals na parang tubig, ang mga babae ay halos hubad sa lahat ng lugar, ang hantungan ng paghahalong ito ay malinaw.

Sa ibang mga bansang hindi Islamiko, ang pormula ngayon ay ito: mga lalake+ mga babae + alak + kahubaran ng babae = mga batang anak sa labas + pagkasira ng kasal + mga batang walang tahanan.

Ang kaibahan, ang Islamikong pormula ay tamangtamang kasalungat: mga lalakeng nakahi-walay sa mga babae + walang alak + kayumian ng babae = legal na mga bata + pangangalaga sa kasal + ang mga batang napapangalagaan,

Palagay ko panahon na para sa mga kanlu-raning dalubhasa sa kaisipan at karunungan panli-punan upang tumingin sa katotohanan ng mga ba-gay tungkol sa kanilang mga panlipunang,

karamdaman at ihambing ang mga ito sa mga ibang bansang Islamiko upang magkaroon ng tunay na tanda tungkol sa kaibahan sa gitna ng Islam at hindi Islam, pinapangalagaan ng Islam ang bata sa pamamagitan ng pangangalaga sa pamilya at kasal, Ginagarantiyahan ng Islam ang isang tunay na Ama at isang tunay na Ina para sa bawa’t bata at sa ganoon matatag ang pangka-isipang kalusugan ng bata.

Posted by dxupfm at 3:53 pm | permalink | Add comment

Mga Bakas ng Lumipas: Kay Sarap Sariwain

August 10, 2009
(Script na sinulat ni Kaka Alih- August 10, 2009, Para sa segment na Nakaka sa programang Buhay-buhay sa DXUP, na hosted ni Lenyrose B. Sunio, 7:00-8:00 umaga, Lunes-Biyernes)

Host: “Bakit ganun dumarating sa buhay natin na minsan iniisip natin na ang sarap balikan ng ating nakaraan, nakaraan ng ating pagkabata, nakaraan ng ating pag-ibig, nakaraan ng ating buhay . samahan ninyo kami ni Kaka Ali na sariwain ang matatamis ninyong nakaraan, sa segment na nakaka”

(PLAY – INTRO NAKAKA- MUSIC DOWN UNDER)

Kaka Alih: “Kaka Ali, bakit ganun ang buhay ng tao?”

“Ang alin? Ganito iyon Kaka,  dumarating sa buhay natin na minsan iniisip natin na ang sarap balikan ng ating nakaraan. Ang nakaraan ng ating pagkabata, ang nakaraan ng ating pag-ibig, ang nakaraan ng ating buhay.” 

Nunit Kaka may nakaraan din na ayaw na natin balikan at isipin. Hindi ba? Dahil ang sabi ng iba  ay  hindi mo na dapat balikan ang nakaraan na iyon dahil tapos na yun.

Ayon sa isang friend of mine, na balo n a:  “ …para sakin Kaka, ang nakaraan ang nagsisilbing inspirasyun ko sa aking  buhay, dahil kung hindi sa nakaraan na iyon  papano pa ako mabubuhay.”

Yes my friend dapat  tatayo upang mabuhay, minsan dahil sa nakaraan kaya tayo natututo, hindi ba?  dahil sa nakaraan kaya tayo nagiging matatag, dahil sa nakaraan nalalaman natin ang tama at mali, dahil sa nakaraan kaya tayo nagsisikap, mahalaga sa buhay ng tao na minsan ay balikan ang nakaraan.

Anong say mo Leny?

Lenyrose: “ Para sa akin Kaka, may nakaraan na ayaw kong balikan, lalo na ang mga bad experiences ,  ang aking iniisip ay ang hinaharap na kay sarap mabuhay lalo sa piling ng taong nagmamahal sa iyo”.

(PLAY-LAUGHING- MUSIC DOWN UNDER)

Kaka Alih: “Pero Leny, may nagsabi na   kailangan raw lumingon tayo sa pinanggalingan natin , lumingon tayo sa nakalipas o nakaraan natin.  May kasabihan na “Ang di lumingon sa pinagggalingan ay di makakarating sa paroroon na”. Pero may kasabihan ang mga pilosopo na tingnan din ang nasa unanahan ng nilalakaran mo baka ka madapa.

(PLAY-LAUGHING- MUSIC DOWN UNDER)
Di ito biro Kaibigan,  di ba minsan kapag nakikipag usap tayo bigla natin masasabi na naaalala ko pa nung bata pa ako, ibig sabihin na ang nakaraan ay kaakibat ng ating bukas, huwag man natin isipin, pero hindi natin makakalimutan ang ating nakaraan dahil naging parte yan ng ating buhay.

“Kaya nga Kaka Alih, kong  minsan napakasarap balikan ang nakaraan lalo na’t kung magandang nakaraan ang ating babalikan.” Patuloy ni Mare, sa kanyang kuwento, sana mare sinulat mo nalang at ipinadala mo kay Ate Bai. Sa kahapon ngayon at bukas.

Napatamis sariwain ang nakaraan ng ating pagkabata, pagbibinata at pagdadalaga, nung nakaraan na tayo’y nag-aaral. Alam mo Leny,   para sa akin ano ang nakaraan na gusto ko balikan? Yan ay yung nakaraan ng aking pagkabata, bata na walang kamuang-muang sa buhay, bata na puro laro lang ang iniisip, bata na inosente na wala pang alam kung ano ang merong buhay sa mundo, batang makulit, yan ang nakaraan na gusto kong balikan, yung bata ka pa na wala ka pang iniisip kundi maglaro, mag-aral, kumain. Noong bata pa ako na ako ang palaging “center of attraction”, ako ang show (dahil wala pa ang TV noon) ng pamilya, kaya naman siyang-siya ako sa aking ginagawa, dahil pinapalakpakan ako palagi, katulad ng SONA ni GMA.

Minsan iniisip ko ang sarap maging bata dahil wala silang problema, hindi nila naiisip ang hirap ng buhay, bata na nakaka appreciate ng mga bagay na ibinibigay mo, batang walang reklamo. Mabilhan ako ng ice candy ay Masaya na ako. Nagkaroon lang ng baon na singkuwenta sintimos ay akala mo siya lang ang bida sa paaralan. Di tulad ngayon ang bente pesos ay isang oras lang daw sa video games ang walang ng panglod ng celpon na unlimited text o todo call.

(PLAY-LAUGHING- MUSIC DOWN UNDER)

Minsan sinasabi natin na kung maibabalik ko lang ang nakaraan , itutuwid ko ang aking pagkakamali. Kaya natin naiisip ang ating nakaraan dahil doon tayo nanggaling sa ating nakaraan. Lahat ng tao ay may nakaraan maganda man o pangit yan, yan ay nakaraan na hindi natin makakalimutan kahit kailan.

Pero minsan may mga taong  nagpapatali sa  nakaraan, masarap lang isipin ang nakaraan pero kung ang nakaraan na yan ay makakasakit ng ating kalooban  wag na natin balik balikan. Pero kung ang nakaraan naman ay magandang  nakaraan yan ang gawin nating inspirasyun para sa ating bukas.   

Kaya, mga nanay na nakikinig.. ibahagi natin sa ating mga anak ang ating nakaraan, upang magsilbing gabay nila, sa kanyang paroroonan. Mamayang gabi, bakit hindi kayo magkaroon ng family bonding, makipagkuwentuhan kay ate, kuya at kay bunso.

Hanggang dito na lamang ang pagsariwa n g ating manga bakas ng lumipas sinta.. ito ang inyong Kaka Ali, na noon ay bata pa.. na muli nag-anyaya sa inyo bukas. Sa inyong segment na nakaka…

(PLAY – INTRO NAKAKA)

Posted by dxupfm at 4:00 pm | permalink | Add comment

Pag-ibig Ba Ay Bulag

August 6, 2009
   

(August 6, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Leny : “oh pag ibig kapag pumasok sa puso nino man ,hahamakin ang lahat masunod ka lamang.” Iyan ang ibabahagi ni Kaka Ali ngayon sa segment na:
 
(PLAY THE NAKAKA- THEN MUSIC BACKGROUND- UNDER)

KAKA : “ Bakit ganyan ang pag-ibig?” Tanong ng isang nagbibinata na estudyante.. ,Yes kahit ako nagtataka din…

 Kapag nagmahal ka tanggap mo lahat kahit anong meron siya, maging bulag siya, pipi, pilay, abnormal, mabaho, duling at kahit minsan bawal na…walang kang paki…basta mahal mo nagagawa mo pa ring mahalin.

Minsan sa buhay ng pag ibig lagi tayong bulag, kahit nasasaktan tayo okey lang , nagbubulag bulagan tayo kahit alam na natin kung ano ang totoo dahil sa larangan ng pag-ibig. Kaya nga may kasabihan tayo na  “oh pag ibig kapag pumasok sa puso nino man ,hahamakin ang lahat masunod ka lamang.”

Maraming mga kwentong pag-ibig ,(basta palagi kayong makinig kay Ate Bai Zuhiera, sa kahapon ngayon at Bukas, tuwing Sabado ng hapon)  na kung ating aalamin malalaman natin na bakit binigyan tayo ng puso at utak ng Allah o ng Poong Maykapal. ,Ang  puso ay binigay ng Allah para magmahal ng tama at naaayun sa pinag uutos ng Poong Maykapal.  Binigyan tayo ng utak para mag-isip kung ano ang tama at mali at upang magamit natin sa ating buhay.

“Pero Kaka Alih, Bakit kailangan pa nating masaktan kapag tayo ay nag mahal? Tanong ng isang tinedyer na kausap natin.
 
Oo nga no? Bakit Kailangan nating masaktan para malaman natin kung ano ang tama at mali. Ang payo ng isang esparto? Hindi …may karanasan na:

“Kaka Alih at isa lang yang paraan… para lalo tayong maging matatag.  Minsan kasi  sa kuwento ng  pag-ibig marami tayong katanungan na mahirap masagot,( itanong ninyo kay Ate Bai Zuhiera, baka masagot niya) minsan kapag nalaman natin ang sagot mahirap tanggapin dahil yun ang totoo. Hindi Ba?

“Minsan Mahirap ipaliwanag ang pag-ibig , para sa akin ang pag-ibig ay bulag” ganoon? Ikaw kaibigan ano ang pag-ibig?,

(PLAY LAUGHING STINGER)

Di ba kong minsan nagmamahal tayo ng labis labis, minsan kung sino yung gusto mo yun yung ayaw sa iyo, minsan alam na nga nating mali , at alam na nga nating masasaktan tayo at makakasakit , sige pa rin tayo dahil minsan para sayo yun yung bagay na makakapagpasaya sa iyo (tama ba ako?).

Minsan nagiging makulay lang ang buhay mo kapag nagmahal ka, nakakaya mo lahat at nagagawa mo mga imposibleng bagay kapag nagmahal.

Minsan dumarating sa buhay natin na kung sino ang mahal natin parang malayo sa atin, at kung sino ang ayaw natin nandiyan siya na nagmamahal. Parang Tayong Dalawa diba? Subukan ninyong manood, sa ABS-CBN,.

Ang totoo ay maraming nagagawa ang pagmamahal sa buhay ng tao. Pakiramdam mo kapag mahal mo ang isang tao, siya na lang ang buhay mo, minsan natatalikuran mo lahat para sa mahal mo, pati magulang mo ipagapapalit mo, minsan sa mga balo ipagpapalit at mga anak.

(PLAY LAUGHING STINGER)

At dahil bulag ang pag-ibig ingat dahil dahil mo nakikita ang dinaranaan mo posibling madapa ka, kaya ingat..

(PLAY LAUGHING STINGER)

Yes Sa pagiging bulag ng pag ibig kailangan lagi tayong handa na masasaktan, natural lang daw  o kasama sa parte ng buhay pag-ibig ang masaktan at mabigo.

Ganito klasi iyon eh,  minsan bago nagiging matagumpay ang buhay pag-ibig maraming pagsubok ang dadaanan bago natin lubusang maramdaman ang kaligayahan. Tulad ng alam ko…

(PLAY LAUGHING STINGER)

Minsan dumarating din sa ating buhay,  na akala natin ang pag-ibig na iyon  pang habang buhay na , akala natin siya na ang makakasama natin habang buhay pero nawawala pa rin .

Minsan hindi natin masisisi ang sarili natin bakit tayo nagkakasala at nasasaktan sa larangan ng pag-ibig dahil tao lang tayo na nagiging marupok sa mga pagsubok at tukso na dumarating sa ating buhay. Kaya tayong tao kailangan natin maging matatag at handa tayo sa anumang sakit na mararamdaman natin. Dahil nga ang pag-ibig ay bulag.

(PLAY LAUGHING STINGER)

Hanggang sa susunod na kabanata ng inyong segment na Nakaka sa buhay-buhay sa DXUP, ang inyong abang lingkod.. Kaka Alih.. Wassallamu Alaikum Warahmatulllahi Wabarakatuh.

 (EXTRO)

Posted by dxupfm at 2:13 pm | permalink | comments[12]