Pagluluto ng maruyang niyog
August 17, 2009
(Research/Scrript na sinulat ni Lucy B. Duce, para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” -7:00-8:00 A.M-July 15, 2009 sa segment na “ALAM BUHAY”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Mga sangkap:
1 pirasong niyog( kinudkud)
1 kilong harina
1 tbls. Baking powder
¼ kilo ng putting asukal
1 tbls. Vanilla
1 boteng mantika
Pamamaraan
· Masahin ang harina at ihalo ang kinudkud na niyog.
· Hayaan ng limang minute,ihalo ang baking powder ,vanilla at asukal
· Painitin ang oil sa karahay
· Kapag kumulo na isa-isang ilagay ang hinulmang niyog at harina….
· Pritohin hanggang sa magiging kulay brown.
· Kapag naluto na lahat ilagay sa tray na may nakalatag na dahon ng saging. Presto luto na masarap ito kainin kapar mainit pa dahil malutong…
Sa gawaing ito ang inyong naging capital ay more or less50.00 lamang .at kapag naibebta ninyo giginansya kayo ng almost doble sa inyong capital.maliban dyan ay may libreng meryenda pa para sa inyong pamily at nagkaroon pa kayo ng extra na income
Payo ko sa inyo magluto na rin kayo at may pambaon pa ang inyong mga istudyante.
Hanggang sa lunes sa isa pang edistion ng alam buhay.
Ako ang inyong madiskarteng Ina at segment reporter Lucy Ducy maraming salamat
Makabagong Teknolohiya, Mga Negatibong Epekto sa Kabataan
(August 17, 2009- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host: “Ang makabagong teknolohiya ay dumating na sa Upi, iyan ang katotohanang di maitatatuwa, ang tanong papaano mo maiiwasan ang mga negatibong epekto sa ating mga anak o kabataan, iyan ang ilalahad sa ating ni Kaka Alih sa ating segment na nakaka:”
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: “Nitong mga nakaraan mga buwan ay maraming magulang ang naalarma sa pinakabagong eskandalong bumulaga sa bansa, ang sex video ng mga kilalang pangalan sa showbiz. Nandiyan ang pangalang Dr. Hayden Kho, Katrina Halili, Maricar Reyes at marami pang tao na kilala sa lipunan. At hindi lang sa Pilipinas lalo na sa ibang bansa.
Alam ba ninyo na halos lahat ng tao, kabilang na ang mga kabataan ay napanood ang eskandalong ito, na hindi dapat mapanood ng kabataan?
Ikaw Leny payag ka bang mapanood ng iyong anak ang ganitong panoorin?
Lenyrose: “ Ay Diyos po, Kaka Alih, ako nga hindi ko pinanood, dahil alam ko na ito ay masama, dahil kong ikaw ang nasa video magugustuhan mo, ba, may kasabihan tayo, ang masakit sa iyo, huwag mong gawin sa iba, dahil masakit din ito sa kanila.”
Tama ka diyan kasamgn Leny, dati naman kasi, kahit merong ganyang mga eskandalo ay nalilimita ang access ng mga bata. Kung hindi ipapalabas sa telebisyon at hindi mailalathala sa dyaryo ay hindi makakarating sa kaalaman ng mga bata.
Pero ngayon ay madaling-madali nilang mapapanood nang buo at ‘uncensored’ ang mga bagay na hindi pa abot ng mura nilang kaisipan dahil sa computer, sa cellphone at sa iba pang makabagong teknolohiya. At dito mismo itinulay ang eskandalosong sex videos nina Dr. Hayden Kho, Katrina , Maricar .
Sino ba naman na magulang ang di mag-alaala sa ganitong mga panoorin na mapapanood ng kanilang mga anak na may murang edad.
Mga panoorin na di dapat gawin ng mga kabataan, dahil ito ay haram o bawal ayon sa mga pananampalataya ng anumang relihiyon.
Ang sex ay isa sa mga bagay na mahirap pang ipaunawa sa mga batang wala pa sa tamang edad kaya madalas ay iniiwasan itong pag-usapan sa loob ng bahay.
Ngunit Ngayon ay may pagkakataon silang makakita ng aktuwal na ‘sex video’, walang dudang sasaliksikin ito ng mga bata.
Kung tayo ngang matatanda at nasa edad ay curious na makita ang mga sex videos na ito, lalo na sila dahil talagang uhaw sila sa kaalaman at maraming katanungan sa kanilang isip na hinahanapan nila ng sagot. At maaring kanilang subukan o experiment.
Ikalawa, isa sa napakahirap salain ay ang impormasyon sa internet, lalo pa nga’t madali itong naikakalat at nabibitbit kung saan-saan sa pamamagitan ng cellular phones, discs at flash drive o USB.
Ikatlo, oras na masagap ang ganito kaeskandalosong materyal, napakahalaga na maipaliwanag sa kanila ng mga nakakatanda kung ano ito. Hindi pa kumpleto ang kanilang kaisipan para iproseso nang tama ang nakikita.
Ikaapat ay nagkalat at makakabili ka ng pirated videos na nagkakahalaga lamang limangpung piso, na kayang-kayang bilihin ng kabataan at pwedeng mapanood dahil halos lahat ng pamilya ay video player dahil din sa pirated na video gadget o player.
Pero dahil iniisip nga nila na ‘taboo’ o bawal pa ito sa kanila ay itatago nila ito sa kanilang mga magulang at sa mga nakakatanda. Dito nagsisimula ang problema. Mali ang pagkakaproseso ng mga bata sa nakikita at napapanood hanggang sa bumaluktot na ang kanilang kaisipan patungkol sa bagay na ito.
Mga kapatid na magulang, importante na maipaintindi sa mga bata ang mga sumusunod:
Una, ang pakikipagtalik ay isang sagradong bagay na ginagawa lamang ng dalawang taong nagmamahalan. Sa mga konserbatibo, kailangan ay ginagawa ito sa loob ng matrimonya.
Ikalawa, ang pagtatalik ay isang pribadong bagay na dapat ay nakalimita lang sa kaalaman ng mismong nagtalik. Hindi ito dapat ikinukuwento, ibinibida at lalong hindi dapat inirerekord para maipanood sa iba. Hindi ito ginagawa ng isang taong may respeto sa kanyang sarili at sa kanyang kapareha, kahit pa nga sabihing may ‘consent’ nila pareho o nagkasundo sila na i-video ang kanilang pagtatalik.
Sa Islam, ang pagtatalik ng mag-asawa ay sagrado, kinakailangan natatakpan o hindi kayo nakikita pag inyo itong ginagawa na mag-asawa at hindi magpakailan man pinapayagan na gawin ng hindi kasal.
Ikatlo, ang pagkakaroon ng ganitong uri ng video ay hindi kailanman dapat maging katanggap-tanggap, hindi dapat tangkilikin, hindi dapat hangaan at lalong hindi dapat pamarisan ng sinuman.
Mapa-lalaki o mapa-babae man, ang sinumang nasa likod ng pagbi-video at lalong masama ay pagpapakalat nito para mapanood ng iba ay isang malinaw na pruweba ng sakit sa isip at pagkatao.
Ang pagtsismis sa kapuwa ay isang karumaldumal na gawain, na ayon sa katuruan ng Islam ay parang ang kinakain mo ay ang laman ng iyong kapuwa.
Mga mahal na magulang, sama-sama nating labanan ang pagkalat ng ganitong mga panoorin.
Hanggat maari huwag bilihan ng mobile phone na may video camera, ang inyong mga anak, para di sila matukso na mag upload ng ganitong malaswang panoorin.
Kong sakaling bilihan ninyo sila, yaong limited ang memory para di sila makapagdownload ng mga nasabing eskandal.
Huwag silang bigyan ng pagkakataon na makapag search sa internet na hindi ninyo na-screen, at payo ko sa may internet connection, na magulang pwede ninyong makontrol ang ganitong video dahil din sa bagong teknolohiya, ang Gawin ninyo makipag –ugnayan sa mga nakakaalam nito.
Hanggang dito na lamang, bukas ay durugtungan natin ang ating topic, Ito ang inyong nakaka na kapatid, Kaka Alih. Sukran, Wassallam.
PLAY- EXTRO-NAKAKA


