DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » September 2009

Magagandang Kaugalian sa Pakikipag-usap

September 30, 2009

(September 30,  2009-Wednesday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Papaano ka ba makikipag-usap sa iyong kapuwa? Samahan ninyo kami kaibigan at pag-uusapan natin ang ilang payo ni Kaka Alih sa ating segment na nakaka…..”

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Ang pakikipag-usap sa kapuwa ay mabibilang sa sining o art at ang sining ay ang pagsasagawa ng maayos na gawain, kaya naman ang pakikipag-usap ay itinuturing na isang sining, sa kadahilanan, ang pagkikipag-usap ng isang tao sa kanyang kapuwa ay dapat na madaling maunawaan at nakapagbibigay din ng aral.  Samakatuwid, dapat ang pagsasagawa gaya ng pakikipag-usap ay kailangang maayos, mayroong buhay at hindi nakakabagot sa pandinig ng kausap.

 

Natural lang naman sa isang tao ang pakikipag-usap, dahil isa ito sa kasangkapan sa mabisang pagsasalita. Ang pakikipag-usap ay magagamit sa ibat-ibang layunin. Magagamit ito sa iyong pagtatalumpati, pagdedebate, pagbibigay ng pahayag, saloobin damdamin,at instrumento din sa matagumpay na pagtuturo upang malaman ang mga kamalian at wastong pananalita.

 

Ang pakikipag-usap ay matatawag din nating sining, dahil may mga taong mahusay na kausap at may mga tao ding walang talento, salita ng salita wala namang kalaman-laman ang sinasabi at kung minsan ay nawawala na sa paksang pinag-uusapan.

 

Kinakailang mahalaga ang paksa sa pakikipag-uusap, kailangan makuha mo ang atensiyon ng iyong kausap at kailangan kawili-wili ang mga topikong inyong pinag-uusapan para maiwasan ito pagsasanay at pananaliksik ang kailangan upang magkaroon ng kasanayan sa pagsasalita ang isang tao.

 

Sa mga Bangsamoro may mga itinuturo noon (bakit noon? Dahil tila baga hindi natin napapansin sa mga kabataan sa ngayonb) ang mga matatanda sa kanilang mga anak, narito ang ilan mga magagandang kaugalian nila sa pakikipag-usap na kanilang itinuturo sa kanialang mga anak:

 

1.      Sanayin ang iyong sarli  sa pakikinig kaysa ikaw ang salita ng salita;

2.      Pag-isipan ng maigi ang mga sasabihin at iwasan sabihin ang hindi mo naman alam;

3.      Huwag itaas ang tono ng boses, makipag-usap ng malumanay, kaaya-aya o yaong tamang tama na maririnig ng iyong kausap;

4.      Huwag putulin ang sinasabi ng iyong kapuwa habang siya ay nagsasalita, hayaan matapos ang kanyang gustong ipaliwanag;

5.      Iwasan na masabi ang kanyang kamalian at kong sakaling hindi maiiwasan na dapat na ituwid ang sinasabi nito ay gawin sa isang matalinong pamamaraan;

6.      Hanggat maaari paunahin mo siyang magbigay ng kanyang gustong pag-usapan, kong sakaling kinakailangan na ikaw ang mauna ay sikapin na magugustuhan niya;

7.      Huwag ipilit ang tamang alam mo, bigyan din siya ng panahon na makasali siya sa mga paliwanag mo;

8.      Iwasan ang paglibak sa kapuwa, dahil maaring magduda siya sa iyong pagkatao;

9.      Kong una pa ninyong pagkakakilala, iwasan na mapuri mo ang iyong sarili, baka mapagkalamalan kang mapagmalaki o hambog;

10.  Kinakailangan ang magamit na salita o lengguwahe ay alam ng kausap mo’;

11.  Huwag magbanggit  ng mga personal na bagay sa loob ng inyong tahanan, kahit na ang kausap ay matagal ng kilala, dahil ipinagbabawal ng Islam ang pagbubunyag sa ginagawa ninyong mag-asawa.

Posted by dxupfm at 7:32 am | permalink | comments[1]

Papaano Maghahanda ng Salo-salo sa mga Bisitang Iba-iba ng Pananampalataya

September 29, 2009

(September 29,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: Papaano mo iipunin sa isang salo-salo ang mga kaibigan mong iba-iba ang paniniwala at ang kulturang nakagisnan?

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: “Sa iyong ihahandang isang salo-salo ng kainan para sa mga  kaibigan o kapatid  mong Settlers na Christian, na may Romano Katoliko, Iglesia ni Kristo, Seventh Day Adventist at iba pang Christian denomination? Imbitado mo rin ang kapatid na  Bangsamoro na Muslim? Ang kaibigan na Talaing’d o T’duray? Ano ang dapat mong gawin? Ano ang dapat mong malaman?

“Maghahanda ako Kaka, ng ibat-ibat putahe na gusto nila, at paghihiwalay ko sila ng mesa, kasi ang iba hindi magkain ng baboy”. Paliwanag ng isang kaibigan na T’duray.

Teka muna, ang maganda sigoro, itanong muna natin, bakit ka naghahanda ng salo-salo?

“Naghahanda ako para lalo kaming magkalapit-lapit ang aming mga damdamin, iyon bang tinatawag nilang “bonding” o close family ties.” Sagot niyang muli.

Tama ka kaibigan, kahit ako iyon din ang aking layunin sa isang salo-salo, upang magkaisa at magkaintindihan at ibat-ibang paniniwala at kultura.

May isang experto sa ganitong mga pagkakataon ang nagbigay ng mga pointers sa atin. Ayon sa kanya:

  1. Una mong dapat   alamin ang paniniwala at kultura ng bawat isa sa mga kaibigan mo at of course ang sa iyo rin paniniwala at kultura at kaugalian, dahil may mga taong mahalaga sa kanila ang kultura at kaugalian na nakagisnan.
  2. Pangalawa, may konting sakripisyo o pang-unawa.   Halimbawa sa pagkain, ang paboritong mong karne hindi mo muna makakain dahil ang mga kaibigan mong Muslim hindi kumakain ng Haram na mga pagkain, tulad ng baboy at ano mang nahaluan ng laman at hindi rin uminiinom ng alak na makalasing. Sa mga T’duray hindi kumakain ng manok na hinaluan ng kalabasa o itlog at kalabasa na pinaghalo-halo .

May katanungan Kaka Alih: “Papaano kong isang Bangsamoro na Muslim ang may handaan at nag-imbita ang mga  kapatid o kaibigan na Settlers na Kristiyano, at alam nating lahat na ang kanilang handaan ay di nawawala ang litson at alak, ang tanong ko ay maghahain ba ako ng ganoon pagkain?

Ang kasagutan, ko kaibigan ay hindi o NO. Dahil sa relihiyong Islam ay haram ang baboy at Khamer o alak na makalasing,   dahil parehong may kasalanan ang uminom ng alak na makalasing, ang nagpabili, ang nagbili at ang gumawa ng alak, ibig sabihin lahat ng may kaugnayan kong bakit nainom ang alak at may nalasing ang gumawa ng kasalanan ay may bahagi ka sa kasalanan niya. Maghahanda na lamang ako ng inumin na pwedeng inumin ng lahat, halimbawa, native na coffee, o dili kaya ay tea, dahil ito naman ay common na inumin ng mga kababayan natin.

  1. Kong isa kang  Settler na Kristiyano, dapat maintindihan ang kapatid na Bangsamoro o T’duray, lalo na sa pagkain-sagutin mo ang katanungan na: “magluluto ba ako ng karne na di nila kakainin o papalitan kong karne na pwede nilang kainin?” o “magluluto ako at lulutuan kona lang sila ng ibang potahe at ihihiwalay ko na lang sila ng sa isang lugar?”  alalahanin: (Remember) Ang pag-imbita mo sa kanila ay  upang mag-salo-salo o magkaisa at magkakalapit ang inyong damdamin.

  1. Dapat mo rin malaman na ang mga Muslim,(Believer in Islam)  anu man ang kanyang tribo, Ilocano, Ilonggo, T’duray, Maguindanaon, Iranun, M’ranaw o iba pang tribu, ang Salah o sambayang o  pagsamba ay limang beses sa isang araw (praying five times,) at gumagamit ng tubig kong pumupunta sa palikuran,  kahit sa pag-ihi, lalaki man o babae, ay kailangan nila ang tubig.
  2. Ang mga kapatid na M’ranaw, mahilig ng maanghang na pagkain, halos lahat ng niluluto nilalagyan ng sili.  Papaano iyan kong M’ranaw ang may okasyon?  Ang gagawin mo konting adjustment,  konting sakripisyo,  huwag mo ng  pisain ang sili, maglagay lang sa may hapag kainan,  hayaan mong sila ng mag-lagay ng gusto nila.
  3. Dapat malaman at maunawaan na ang mga Talainged o native inhabitants, (T’duray at R’nawon) ay  hindi nakaugalian na gumagamit ng kutsara at tinidor kapag kumakain, kaya asahan mo hindi bihasa kong gumamit man siya ng kutsara at tinidor sa hapag kainan.
  4. Sa araw naman ng Biyernes (Friday) ng tanghali ay nag-sambayang (Jumaah Salat) ng mga kapatid na Muslim, kahit ano  ang kanyang tribu  na kinaaniban.
  5. Sa buwan ng Ramadan (hindi fix, ang katapat na araw sa Gregorian calendar, kaya dapat mo ring malaman o dapat mayroon kang calendaryo ng hijri) na ang mga Muslim ay nagpupuwasa (fasting) o nag-aayuno at sa panahon na ito hindi sila kumakain, mula bago magbukang liwayway  hanggang  takipsilim.
  6. Sa araw naman ng Linggo o Sabado ang mga kapatid na Kristiyano ay nagsisimba. Ang mga Katoliko at ibang denomination ay Linggo samantala tuwing Sabado naman ang samba ng Sabadista o Seventh Day Adventist.

Posted by dxupfm at 7:24 am | permalink | Add comment

Free membership Educational Seminar ng MAGELCO Sa Upi

September 24, 2009

Balita ni Nenita Minted

Nuro, Upi (Sept 23)…Nagsagawa ng kalahating araw na Free Membership Educational Seminar ang Maguindanao Electric Cooperative, Inc.  o MAGELCO  sa mga interesadong  residente ng   Barangay Kiga, Sefegefen na nais makabitan ng ilaw. Ang seminar ay ginanap sa Municipal Gymnasium kahapon.

Pinangunahan nina  Sukarno Langeban – Member Development Officer at Board of Director District 11 Honorable Carlos Flores at mga working staff.

Tinalakay kung paano magpamiyembro sa MAGELCO, mga safety tips  at  duties and obligation  ng bawat miyembro.

Posted by dxupfm at 7:22 am | permalink | comments[3]

Mga Payo sa Mag-asawa at Mag-aasawa Pa Lamang

September 23, 2009

(September 23,  2009-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  Unang payo?….Nakaugalian o tradition na ng mga Pilipino (ano mang tribu o pananampalataya ang kinabibilangan)  na ang mga ikakasal ay binibigyan ng sermon o mga payo ng pare, pastor o ng Ustadz o Imaam. Kahit na sila ay kasal ang mga magulang  o ang mga nakakatanda ay hinihingian o nagbibigay ng payo sa mag-asawa, kong ikaw ang magbibigay ng payo, ano ang iyong ipapayo sa mag-asawa? Mr N Mrs, makinig, samahan ninyo kami ni Kaka Ali sa kanyang mga payo sa mag-asawa at sa mga mag-aasawa pa lang….

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:   . Unang tandaan at isapuso na ikaw at siya ay regalo ng Poong Lumikha  para sa isat-isa. Totoo naman talaga na ang asawa ay regalo ng Diyos. Hindi ba? Hoy!! Pare, Remember, ang asawa ay hindi lang napulot kung saan. Ang asawa ay hindi galing sa impakto. Lalong hindi siya hulog ng impiyerno.   Laging tandaan na ang  asawa mo ay isa sa mga mabubuting regalo ng Diyos para sa iyo.

 

Pangalawa ay maging maka-Diyos kayo palagi na mag-asawa.. Ang pagiging maka-Dios ang siyang magdadala sa mag-asawa sa isang matibay na pagsasama at totoong pagkakaisa.   Pagka maka-Dios ang mag-asawa mananatiling matatag ang kanilang pagsasama kahit gaano katindi ang problemang kinakaharap nila. Ang ikinatatag ng ugnayan ng mag-asawa ay hindi nakadepende sa dami ng pera o sariling kakayahan ng mag-asawa.  

 

Pangatlong payo, Adi - awi, makinig sa mga sinasabi ng asawa mo. Di ba pag kinakausap mo ang iyong asawa gusto mo nakikinig siya? O di gusto rin ng asawa mo na pakinggan mo siya pag kinakausap ka niya. Di ba ayaw mo na may ginagawang kung anu-ano ang iyong asawa pag kinakausap mo siya? O di ganon din ang gawin mo. Huwag kang gumagawa ng kung anu-ano pag kinausap ka ng asawa mo.

 

Pang-apat,    sa paggawa ng desisyon dapat lang na magkasama at nagkakaisa kayong mag-asawa. Sa mag-asawa, hindi tamang isa lang ang gagawa ng desisyon lalo pa kung maselan ang decision ang gagawin. Halimbawa, paglipat ng bahay, pagbili at pagbebenta ng ari-arian, pagdisiplina sa mga anak, At iba pa. Bago gumawa ng desisyon dapat lang na ang mag-asawa ay nag-uusap muna at nananalanging magkasama ito ang daan   tungo sa pagkakaisa. 

 

Panglima, Huwag gawing katatawanan ang mga kamalian, kakulangan at kaibhan ng iyong partner. Always remember my friend,  lahat ay nakakamali, lahat ay may kulang, walang perpektong tao.   Walang taong matutuwa pag pinagtatawanan ang kanyang kakulangan, (Ikaw gusto mo ba?)   Kaibigan ang tahasang pangungutya sa asawa ang pagtawanan ang kaibahan o pagkakamali niya.  

 

Pang-anim na payo natin, iwasang issumabat ang mga nakalipas na maling nagawa ng iyong asawa. Papaano kasi may mga   taong pag nagalit sa asawa ay binabalik-balikan ang matagal ng pagkakamaling nagawa ng asawa. At pauli-ulit na isinusumbat ito sa kanya. Pag ganito ng ganito, sisikip ang mundo ng iyong asawa at baka marapatin pang iwan ka niya. Ang kasalanang pinagsisisihan na ay hindi na dapat isumbat pa. Dong Day,  may bagong nagawang pagkakamali ang iyong asawa, huwag mong isama yaong  mga luma na, walang kahihinatnang maganda ang isumbat sa asawa ang pagkakamaling nakalipas na, ilibing na lamang sa limot o dili naman kaya ay gawing aral para matuto.

 

Payo # 7, ipaalam sa asawa mo ang iyong feelings o nararamdaman , bakit? Hay naku.. ewan ko lang kung nakakabasa ng isip ang asawa mo, bakit may mental telepathy ba yan?   hindi naman manghuhula ang asawa mo para malaman niya ang iniisip at nararamdaman mo. Sa panahong nanghihina o nagdaramdam ka, o may problema  magandang sabihin ito sa iyong asawa. Huwag sarilinin ang pagdurusa. (kong di mo kayang sabihin.. na puputok nay an ay di kalabitin na lang…

 

(PLAY LAUGHING)

 

 Dahil ang mag-asawa dapat magkasama sa hirap at ginhawa. Walang silbi ang asawa kung sa panahon ng pagdurusa ay hindi nakikiisa. Pero mahirap malaman ng iyong asawa ang lagay mo kung hindi mo ito sasabihin sa kanya. Huwag mahiya. Huwag mag-alala. Magsabi ka sa asawa.  Alalahanin ang kasabihang “ang pagsasabi ng totoo ay pagsasama ng maluwag”.

 

Maging mahinahon naman sa inyong pag-uusap kapag may problemang nilulutas. Relaks. (Anong relaks Kaka Ali.. eh ang problema naming mag-asawa.. ay gustong mag-asawa ni Paremo.. makakapagrelaks pa ba ako niyan..!!! may points ka Mare)

 

(PLAY LAUGHING)

 

No joke Mads, just relaks, be calm.. konting hinahon…Walang problemang di malulutas sa mahinahong pag-uusap. Sa totoo lang, maraming problema ang hindi na sana lumala pa kung sa pag-uusap ay naging mahinahon ang mag-asawa. Hindi makakatulong sa paglutas ng problema kung nagsisisihan ang mag-asawa. Magpokus sa solusyon huwag sa pagkakamali o sa problema ng isa’t-isa. Iwasan din ang pangungutya at magtaas na tono pag nagsasalita. Bahagi rin ng pagiging mahinahon ang paggamit ng mga tamang salita. 

 

Bweno, mahaba na ito, baka di mo na rin, maisaulo.. dagdagan lang natin sa Lunes, at maghanda ka na ng lapis at papel para di mo makalimutan..

 

Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  sa Lunes…mas lalo nating paiigtingingin ang mga payo ni Kaka Alih..   sa ating segment na  nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:19 am | permalink | comments[2]

Ang Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid?

September 22, 2009

(September 22,  2009-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
 

Host:  Ang mga Bangsamoro ay unang  nagsasariling bansa noon pa man di pa naitatag ang Republika ng Pilipinas, at ang terminong Bangsamoro ay   nakilala sa mga panahon ni dating presidente Marcos,  ang tanong   iba ba sila sa Filipino? O sila ay magkapatid ?

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:   Ang tanong natin ay: “Magkapatid nga ba ang Bangsamoro at ang Pilipino?”

 

Ang sagot ko ay Yes!!  Pero bago natin ilahad ang nagpapatunay na ang dalawang bansa o angkan ay magkapatid o iisang lahi ang pinagmulan ay ating alamin sino ang Pilipino at sino ang mga  Bangsamoro.

 

Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa  mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban.  Nabibilang dito ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribu.

 

Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na tinatawag na Moroccan o mga taga Moroco.

 

Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag.

 

Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong Meranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Subanen, Tau Sug at marami pa.  Ang mga manunulat tulad ni Prof. Rudy Rodil  ay hinati   sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at Non-Islamized o hindi, o ang ibig sabihin ay tinaggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang paniniwala.

 

Ang alam natin ay ang magkapatid ay halos magkapareho ng mga kaugalian, paniniwala sa mga salita at iba pang bagay.

 

Ang Pilipino at Bangsamoro saan sila magkapareho?

 

Ang kasagutan sa tanong, marami, ngunit magbibigay tayo ng ilang halimbawa;  sa pagsasaya o merry making, paano nila ito ipinagdiriwang? pareho dito ang dalawa, sa mga Pilipino tuwing sumasapit ang Pasko o bagong taon, paputok ang common sa dalawa. Halos lahat na yata na pumuputok ay pinapuputok ng mga Pilipino, di baling gumasto ng kayaman  pati buhay maipagdiwang lamang ang pasko o bagong taon ng may paputok.

 

Sa mga Bangsamoro na Muslim, tuwing sasapit ang  Ied Harira Puwasa o katapusan ng Ramadan o itong darating na Eid ul Adha, sila  kahit ito ay sinasabi   ng may mga kaalaman sa Islam o ng mga Ustadz na wala ito sa katuruan ng Islam, dahil sa nakaugalian sila ay    pagpapaputok ng kanilang mga baril o kahit na rebentador.  Sila ay patuloy pa rin sa namana nilang kaugalian, tulad sa mga Pilipino.  di baling may madisgrasya basta maipagdiwang ang isang bagay na may putukan.

 

Sa vendetta o sa paghihigante ng isang kaanak na napatay, pareho sila dito, hindi mapalagay ang Pilipino at Bangsamoro na hindi maipaghigante ang kapatid o kaanak na napatay o naapi, dito lamang sila medyo nagkakaiba, ang Bangsamoro, ay agad naisasakatuparan dahil may armas na hawak hanggang sa ngayon, di tulad ng mga Pilipino na pinagbawalan ng mga Kastila o hanggang  ngayon  ng goberno na humawak ng sandatang nakakamatay. Samanatala sa mga Bangsamoro dahil sa hindi nagpasakop nanatiling hawak pa rin ang kanyang sandatang panglaban hanggang sa mga sandaling ito.

 

Sa mga salita, o wika marami silang similarity ng pagbanggit sa parehong kahulugan, halimbawa: bahay sa Tagalog, balay sa Bisaya at walay sa Bangsamoro at marami pang  iba.

Posted by dxupfm at 7:15 am | permalink | comments[2]

Papaano Uunlad ang Bayan o Bansa?

September 21, 2009
Blog Entry

(September 21,  2009-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  Ang lahat ay nagsisikap papaano uunlad ang kanyang bayan, pero bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin tayo umuunlad, at naiwanan na tayo ng kapit bansa sa larangan ng kaunlaran, bakit kaya, ikaw kaibigan  papaano ba uunlad ang bayan o ng bansa?

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  “ Ang tanong ay Papaano Uunlad ang Bayan? Anong sagot ninyo diyan…hoy.. pare/mare koy..  itigil muna ninyo ang tsismis maaga pa.. sama-sama muna tayo..

 

(PLAY LAUGHING)

 

“Dapat ang goberno hindi mangurakot” iyan ang madalas na maririnig mula kay Juan Dela Cruz. Ang tanong tama ba iyan?  Sino ba talaga ang goberno? Hindi ba  tayong mamayan ang goberno?  Hindi ba ang ating gobernong  ay tinatawag na demokrasiya? Alam ba ninyo ang kahulugan ng salitang democracy?   Ang democracy ay …. “Ang demokrasya ay ang pamamahala ng mga tao (mula sa Griyego: demos, “mga tao,” at kratos, “paghahari” o “pamamahala”)..”

 

Aminin natin na sangkatutak na nga talaga ang problema ng Pilipinas, ang tanong may pag-asa pa ba tayo? . Ikaw may sagot ka bas a tanong o talagang wala kang alam, kaibigan.. kong wala ….makinig…

 

My answer? Ako ang sagot ko ay    Yes!!! Alam mo naman ako  positive palagi, dapat kasi huwag   tayong mawalan ng pag-asa. Dapat tayong humulagpos  sa ating mental  kolonisasyon…na  ipinama ng mga naging “colonizers” o mga mananakop na dayuhan at kapuwa Pilipino na rin,   na ang  pinamulat sa atin ay     sila ang magaling at tayo ay mga “Segunda Mano” lamang na mga mamamayan.

 

“Kaka Ali, sana maliban sa mga negatibong obserbasyon, magbigay din tayo ng mga positibo na likas sa ating mga Pilipino na maipagmamalaki natin.” Payo ng isang retiradong guro.

 

Ang tanong Maam papaano nga ba?, please give me an example o halimbawa.

 

Heto ang Halimbawa:   “… alam ninyo.. (hindi ko pa alam, tuloy mo) likas sa atin (sino? Mga Pilipino of course)  ang pagkakaroon ng close family ties”, tugon pa rin ng isang retiradong guro. “Diba sa ibang mauunlad na bansa, kadalasan pinapaubaya na lang sa mga caregivers ang pag-aalaga sa mga matatanda.”

 

Ito ang isa pang positibong sagot: “…unahin and edukasyon ng ating mga mamamayan” advise ni Ustadz Muhamad Taha Yusof (guro sa Arabic school sa Upi).

 

Tama si Ustadz Taha, marami sa ating mga mamamayan ang hindi alam ang mga proseso sa gobyerno, marami rin ang hindi alam ang pinagkaiba ng Senate sa Congress, kahit ako   hindi ko alam ang tunay na struktura ng gobyerno,  Democracy raw tayo, pero anung klase? Free Capital pero may kulang, di ba minsan  kailangan  din natin ng political science?

 

“…dapat highschool palang ituro na ang economics,   politics at sistemang  goberno na dapat pairalin”.   tugon ng isang educators na nainterview natin.,

 

Yes,  marami sa ating mga kabayan ang hindi aabot na makapasok sa Unibersidad o college.. dito sa bayan ng Upi, mapalad ka na kong makatungtong ka sa high school.

 

Dapat alam natin  paano pinalalakad ng mga opisyal ng goberno ang bansa at kung bakit ginagawa ang mga “bill and policy”, sa totoo lang kahit ako…. natutohan ko lang ang mga term na ito ng nasa media na ako.   

 

Ayon sa isang nakasama natin sa seminar workshop: “ang kulang lang satin ay pagmamahal sa sariling bayan, ang tao natin laging pinagbibintangan ang goberno ng negatib, pero kelangan din natin kumilos hindi lamang ang gobyerno, sabi nga … demokrasiya tayo, kaya may kapangyarihan ang boses natin (tulad sa EDSA I and II), pero kelangan din natin alamin ang limitasyon ng kakayahan na ito, hindi lahat ay gagawin ng gobyerno,o hindi lahat gagawin ng mamamayan, alalahanin ang Pilipinas ay isang pamilya.”

 

“Dapat Kaka Ali,  matuto tayong  sumunod sa batas papaano kasi kahit simpleng batas lamang, tulad ng traffic rules di sinusunod ng mamayan.”ito ang minsan naidaing sa atin ng isang babaeng Sanggunian Bayan ng Upi na Hon Neneng Castro.

 

Kaibigan, kailangan seryosohin na natin ang sinasabi nating pag-unlad, dapat lahat tayo ay  kikilos, kung ang gobyerno man ay walang ginagawa, at least tayo kumilos, kung mapaganda natin ang paligid o ambiance  sa Pilipinas pwedeng tumaas ang tourism natin. 

 

Alam nyo napansin ko kasi dito sa Pinas… ang ibang Pilipino   lakas manglait sa kapuwa Pinoy, napansin ninyo?    

 

Ang problema  natin ay hindi natin tinitingnan ang mga mabuting gawain ng gobyerno, ang hinahanap lagi ng mga  reporter o media (hindi kasama ang DXUP FM)  ay yaong mga palpak na nagagawa o  basurang ginagawa ng ating mga lider, kung may ipakita naman na maganda, ang sinasabi natin ay “ngayon lang yan”, o di kaya “hindi yan totoo” “ginagawa lang iyan dahil malapit ng eleksyon”.

 

Kaibigan, kailangan itaas rin natin ang morale ng ating mga kababayan, kailangan rin mahalin natin ang ating sariling kultura, mayroon pa rin sa ating mga mamayan na hindi nila kilala ang kanilang sariling kultura at kaugalian, kong minsan pa ikinahihiya pa nila na sila ay nabibilang sa kanilang tribu.

 

Madali lang Kaka, teach Pinoys how  to plant malungay para hindi na sila manghingi.. bigyan sila ng talbos ng kamote para makatanim at din a manghingi sa kapitbahay.. bigyan ng buto ng kamatis, para di nabumili sa palengke.” Dagdag ng kaibigan guro.

 

“Regaluhan ng    tandang at inahin na manok na walang bird flu para  paramihin at sigoradohing  hindi gawing pulutan or pang ulam ang inahin para dumami pa”. biro ni Maestro, nakaugalian kong tawag sa kaibigang guro.

 

“… use condom or magpa vasectomy.. para hindi masyadong maraming palamunin.” Paliwanag ng health worker, na ayaw ipabanggit ang pangalan.

 

Ayon naman sa isang manunulat sa  blog: (baka si Kaka Ali na yan) “Disiplina ang kailangan”  Ang tanong papaano mo ipapatupad ang disiplina?

 

Para kay Marvin: “Magiging maulnalad ang pamayanan pag ang mga tao ay reklihiyoso” nagbabayad sila ng kaukulang buwis, may proyekto silang pinatutpad sa kanilang mga barangay”

 

Ano pa kaibigan?  “…manalangin tayo palagi sa Allah at hilingin natin na palaging ituro sa ating ang tamang gagawin at tamang pagmamahal at bigyan ng gabay sa araw-araw an gating mga mahal sa buhay…  

 

Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi natin..   sa ating segment na  nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 10:19 am | permalink | comments[1]

Eid ul Fit’r sa Upi, Tanda ng Pagkakaisa at Pananampalataya ng mga Muslim

Alih S. Anso

 

Nuro, Upi (Sept 21)…Ginanap ang pagdiriwang  ng mga nanampalatayang Muslim sa Barangay Nuro ang  Eid ul Fit’r (Hariraya Puwasa sa termno ng Bangsamoro at Malay) na naghuhudyat ng pagtatapos ng banal na buwan ng Ramadan.  Ang buwan ng Pag-aayuno ng mga Muslm sa buong mundo.

Ang pag-aayuno ay isa limang haligi ng Islam. Una ay ang Ang Shahadatain  (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba);  Salah (Pagdarasal ng limang beses isang araw); Sawm  (Pag-aayuno); Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa) at Ang Hajj (Pagdalaw sa Makkah).

Ang pagdarasal   ay ginanap   sa drier ni Ginoong Mangko Usman, kahapon ng umaga.

 

Ang Eid-al Fitr ay ginaganap sa unang araw ng Shawwal, ang okasyong nangangahulugan ng pagbibigayan at pagsasama-sama ng magpapamilya at magkakaibigan bilang pasasalamat sa natanggap na mga biyaya mula kay Allah.

 

Ang  Jamaah o sama-samang sambayang   para sa Ed’l Fit’r ay ginaganap  pagtatapos ng Ramadhan sa unang araw ng Shawwal ang ika sampung buwan ng hijri, ang buwan ng pag- aayuno ng mga Muslim sa buong mundo. 

 

Maaga pa ay  unti- unti ng dumagsa ang mga mananampalatayang Muslim sa lugar na napagkasunduan  na  nag-mula sa    Masjid Nur, Rakmani,  , Darusalam, at  Masjeed Sharifuddin, . At pagsapit ng alas syete ng umaga ay nagsimula na ang sambayang.

 

Ang sambayang [salah] ay dalawang Rakaah na sinundan naman ng  Kuthba o sermon na dalawang rakaah at ang nagbigay nito ay si Ustadz Ali Abdulatif.     

 

Halos isang oras ang naturang sambayang o pagdarasal ng mahigit isang libo   na mga Muslim mula ibat ibang tribu.

 

Sa katuruan ng Islam ang magkasunod na Eid ang Eid ul Fit’r at eid ul Adha ay sa labas ng masjeed ginaganap   na siya namang tinutupad ng mga nanampalatayang Muslim sa Upi.  

 

Ang mga Muslim sa Upi ay nakabuo ng isang umbrella organization ang  Upi Muslim Consultative Assembly [UMCA] na pinamumunuan ni Engr. Sukarno B. Datukan.,  

 

Samantala ang  mga Muslim naman na residente ng     malalayong barangay   ay  sa   kani-kanilang   mga open ground din idinaos    ang     pagdarasal.   

 

Sa Barangay Mirab ay pinag-isa ang pagsambayang ng Eid ul Fit’r na idinaos sa may ground ng  Upi Muslim Learning Center  na handog ng Asia Development Committee Foundation , Inc., (SADCI) na nasa Upi Agricultural School compound na kinabibilangan ng    Masgit, opisina, health center ,at  tank ng tubig . 

 

Pagkatapos ng Sambayang ay may inihangdang kanduli pagkatapos nito ay nagkaroon ng tree planting ng punong mahogany sa palibot ng nasabing Muslim center, sa pangungana ni Vice Mayor Abdullah P. Salik Jr Al Haj at Engr. Sukarno Datukan.

 

“Ang Eid ay mahalaga sa aming mga Muslim dahil nagkakasama-sama ang mga mag-anak at pamilya sa pagsasalu-salo at ikalawa ay upang makatulong naman sa mga mahihirap at ito ang araw na rin ng pasasalamat sa Allah ang Lumikha sa lahat sa sansinukob.”  Ang  pahayag ni  Vice Mayor ng Upi Abdullah P. Salik Jr Al Haj.

 

Samantala nauna ng ideniklara ni Pangulong GMA na sa Septembre 21 ay holiday bilang pagbibigay halaga sa mahalagang araw ng Eid ul Fit’r. Kaugnay nito, pinaa-lalahanan  ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang lahat ng employers at may-ari ng kumpanya na magbayad nang wastong overtime o holiday pay sa mga empleyadong pumasok sa Eid-al Fitr na idineklarang isang pista opisyal.

 

Ibig sabihin umano, ang lahat ng empleyadong nagtrabaho ngayon ay makakatanggap ng karagdagang 100% daily pay nito.

 

(Click para sa karagdagang kuhang larawan)

Posted by dxupfm at 10:12 am | permalink | comments[1]

Papaano ibabalik ang Tamis ng Pag-ibig?

September 17, 2009

 

 

(September 17,  2009-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: Papaano nga Ba Ibabalik ang tamis ng pag-ibig, na naging mapait na? Iyan ang ibabagi ng inyong nakaka segment writer na si Kaka Alih…..

 

(PLAY INTRO)

Kaka Alih:  “Kaka Ali..Papaano nga ba ibabalik ang tamis ng pag-ibig, na naging mapait na?

 

(BRIDGE MUSIC)

 Ako ang tinatanong ninyo? Ah Simple lang kong inuming coffe iyan ..di lagyan mo ng asukal..ng tumamis!

(LAUGHING)

Ok talk seriously, Kaka Ali, dahil pag-ibig iyan.. dapat ang ititimpla  natin ay pag-mamahal, pagkalinga, pangunawa, pagpaparaya at pagbibigayan…(ano bay an Kaka Ali, sobra pa sa 3 in 1, dahil tila 5 in 1 na yan)

 (LAUGHING)

No.. no.. hindi po biro…kong pag-ibig ang pag-uusapan ang mga rekado… este ang mga sinabi natin ay dapat hindi mawawala upang maging matibay at matatag ang moog ng pag-ibig ng mga nag-iibigan.  Kong ikaw totoong umiibig, kinakailangan ang pang-unawa, na unawain mo ang iyong irog, na siya ay tao lamang na pwedeng maraming kulang sa kanyang taglay na katangian na hinahanap mo sa babae o sa lalaki. 

 

Ang pagmamahal ay katulad sa paghawak sa sisiw na hindi mo dapat luwagan ang paghawak ngunit hindi  naman dapat higpitan dahil baka nasasakal mo at malagutan ng hininga. Kinakailangan ang mapagkalingang kamay, unawain sa kanyang mga kaukulangan, sa kanyang mga pagkakamali, at kong mahuhulog siya sa kumunoy ay marunong kang umalalay ng hindi siya mabigla at baka biglang lumukso at lalong mabulid sa putikan.. (Ay.. ano ba ‘yan Kaka.. ang lalim ng iyong mga mataling-hagang pananalita).

 

(LAUGHING)

 

Ang isa sa mga mabisang gamot … ibig kong sabihin ay payo.. sa mga magsing-irog, kong pareho kayong malayo sa Allah o Poong Maykapal.. panahon na upang lumapit kayo.. kong isa sa inyo ang medyo.. tumitiwalag.. kapatid.. panahon na para, hikayatin mo ang iyong kapartner.. ngunit paalaala.. huwag mo namang hilahin.. alalayan.. ang ibig kong sabihin ay ganito.. konti konti ay ipaalaala sa kanya (sa partner mo) ang kakayanan ng Allah o ng Poong Maykapal.. halimbawa.. ang hangin ay mahalaga sa tao.. isang minuto  lamang na hindi tayo makahinga ay maghiwalay na ang mortal nating katawan sa ating ngiyawa (kaluluwa). At nagbabayad tayo malalaking halaga sa mga hospital para sa oxygen na kanilang kinakabit sa pasyente, makahinga lamang…. ano pa kayat bigla na itong ipatigil ng Poong Maykapal.. may magagaw ba tayo? Ngayon ang tanong ko.. nagbabayad ba tayo sa hanging hinihinga natin araw at gabi? Wala.. kahit tulog tayo ay gumagana ang makina ng ating katawan.. kaya nararapat lamang na matuto tayong sumunod sa kagustuhan ng Allah.

Ayon sa Banal na Aklat ang Quran, sinabi ng Allah: “Wala ng akong dahilan sa paglalang sa tao at Jinn kundi upang ako ay kanilang sambahin”.  Kaya kapatid na nakikinig huwag nating kalimutan an gating Poong Lumikha, sa lahat ng sandali.. sa Muslim, regular nating gampanan ang Salah o Sambayang, para sa mga Kristiyano huwag kalimutan ang pagsisimba sa mga araw na itinakda ng ating mga simbahan, at makikinig tayo sa sermon.

Kaka Ali, bakit napunta tayo sa relihiyon? .. natural lang iyan kaibigan.. dahil kahit sa pag-ibig kailangan pa rin ang Diyos.. ano kayat di na tumibok ang iyong puso.ang ating puso. eh di Kaka patay na siya…patay na tayo…

 

(LAUGHING)

 

Tama Kaka, ang tunay na gamot para palaging malusog ang pagmamahalan ng mag-asawa ay ang pagmamahal ng Allah, ano kayat na dina niya buahyin si Manoy.. papano na si Manay…

 

(LAUGHING)

 

Ano po kaibigan…manalangin tayo palagi sa Allah at hilingin natin na palaging ituro sa ating ang tamang gagawin at tamang pagmamahal at bigyan ng gabay sa araw-araw an gating mga mahal sa buhay… buweno …Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  sa Lunes…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi natin..   sa ating segment na  nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam

 

 

Posted by dxupfm at 7:28 am | permalink | Add comment

Pagpili ng Pinuno

September 15, 2009

(September 15,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: Papaano kayo pumipili ng inyong pinuno? Iyan ang ibibigay sa ating ni Kaka Alih sa ating segment na Nakaka….

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Sa ating  bansang Pilipinas, ang halalan (election)  ay isang paraan ng pagpili ng mga pinuno, sa ganitong sistema ay   kasama ang taong bayan,   Kaya naman   patuloy ang mga religious groups, tulad ng simbahang Katoliko, at iba pang grupo, sa paghimok at pag-alalay “sa mga mamamayan sa paggawa ng mga pagpapasyang pulitikal na magbibigay ng katiyakan sa mga pinamumunuan ng pagkakataong makapaghalal at papanagutin ang mga namumuno sa kanila, gayundin ang palitan sila, kung kinakailangan, mapayapang paraan”

 

Kanilang itinuturo ang pagpili at gawing managot ang mga pinuno sa kanilang mga pinamumunuan ay napakahalagang pagpapasya na dapat sumunod sa pamantayang moral.

 

Pinapa-alalahanan din nila ang mga mamayanb na labag sa kabanalan ng halalan ang pagbili ng boto o ang pagpalit nito sa anumang pangako o pabuya. Ang anumang pamimilit ay labag din dito. Ang dapat nating hanapin ay ang pinaka-magaling na pinuno.

 

Na ayon sa kanila ay:

  • ang pinaka-magaling na pinuno ay ang taong may pag-ibig sa Diyos at at may takot sa Kanya.
  • Isang tao na ginagabayan ng konsensyang nahubog na mabuti at laging nakahilig sa pagpili sa kabutihan.
  • Isang tao na namumuhay at naglilingkod ayon sa mga panuntunan ng moralidad.
  • Isang taong matapat, hindi marahas at mahabagin.
  • Isang taong gumagalang at nangangalaga sa mga nauubos na biyaya ng kalikasan at humihimok sa iba na gayun din ang gawin.
  • Isang taong handang magsakripisyo ng pansarili, pang-partido o pangsamahang interes para sa pagsulong ng pagkakaisa, kapayapaan at kabuuang pag-unlad ng bansa at ng mga mamamayan.

 

Samantala ang mga Bangsamoro naman ay kay kaugalian din ng pagpili ng mga kanilang mga pinuno. Ang pinuno ng mga Bangsamoro ay maaring tinatawag na  Imaam, Sultan, Amer, anu manang position o ranggo ay may batayan din. Pinipili nila ang Imaam o Sultan sa pamamagitan ng kanyang:

 

Sa angkan- ang kanyang “breeding”, ay mula sa angkan ng maharlika, (royal blood);

 

Talino/ edukasyon- may pinag-aralan, makabasa o memoriado (memorized by memory ) ang

kabuuan ng Qur’an at alam at kahulugan, kong di man ay may alam siya dito, may alam sa hadith, at may angking talino;

Pangangatawan (Physical)- magandang lalaki, makisig, matipuno, matangkad, matapang at iba

pa;

Pananampalataya- may paniniwala sa Allah, Ang tanong papaano malalaman na siya ay may

paniniwala sa Allah? Ang isang Muslim ay dapat maniwala sa Anim na rukun ng Islam at limang haligi ng Islam at ang lahat ng ito ay isasagawa hindi lang sinsabi.

 

Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi natin.. bukas  sama-sama tayo sa ating segment na  nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

 

 

Posted by dxupfm at 7:25 am | permalink | Add comment

Kabataan ang Pag-asa ng Bayan

September 11, 2009

(September 11,  2009-Biyerness- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,” kasabihan ni Gat Jose Rizal, papaano sila magiging pag-asa ng bayan? 

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Ang realidad ay maraming batang Pilipinong lumalagi at naghahanapbuhay sa lansangan. Ang iba naman ay palaboy-laboy lamang at nagugumon na sa pinagbabawal na gamot. Kaawa-awa ang kalagayan ng mga ito kailangan nila ng kalinga at pagmamahal ng magulang at kapwa.

 

Alam nyo bang may ibat-ibang uri ng mga batang lansangan? Halimbawa sa Metro Manila, doon ay may mga batang sa gabi’y naglalako ng sampaguita, kendi, at sigarilyo upang maka-ambag sa kani-kanilang pamilya o kaya naman para sa matrikula ng kanilang pag-aaral. Delikado ang pinagdaraanan nila  para lang may mapagkakitaan.

 

Regular na tanawin din sa mga siyudad na may mga batang sa umaga’y masayang nakikipagpatintero sa mga saskayan, nagmamalimos sa mga simbahan, parke at tindahan. Ang iba naman ay sadyang naghihintay ng paglubog ng araw, at sa gabi ay naghihintay kong may masisila silang biktima na mapagnanakawan. Ang iba naman,   matapos makadilihensya’y pawang nasa langit ang pakiramdam sa pag singot ng rugbie. Kaka Ali, ano kayang kapanyarihang taglay ng rugbie? (Aywan ko).

 

(PLAY  LAUGHING WOMAN)

 

Hindi! Heto may sagot ako: “..sabi ng iba’y nakakapawi ng pagod, gutom at problema.” (Totoo bayan?)  Yes Kaka,  ito ang nagsisilbing bitamina na nag susuplay sa mala tingting nilang pangangatawan upang harapin ang mga pagsubok na dala ng buhay. Pag patak ng dilim, matapos ang mag hapong pakikipag sapalaran, sila’y tutungo sa kani-kanilang lungga. Meron sa isang abandunadong gusali, containers, automobile, kariton, parke, o kaya naman sa gilid na ng kalsada mismo.

 

Kaibigan, na hindi pa masyado nakapagpasyal sa mga lungsod, tulad ng Maynila,   ang pinaka masaklap sa lahat sa mga kabataan na ito ay may mga sindikatong ginagamit ang mga musmos na ito upang mapag kakitaaan. Pinagbebenta ng mga droga, pinagnanakaw, o kaya’y pinagbibili ang katawan. Kadalasang inaabuso, pinagbubuhatan ng kamay, hindi pinapakain sa halip ikinukulong at pinapatay pag wala silang pakinabangan ito ng hindi makapasumbong sa otoridad.

 

Kong ganito ang palaging mangyayari ay makakapaniwala ka pa ba ang kasabihan na “Kabataan ang Pag-asa ng bayan,”. Matatawag pa bang   ang kabataan pundasyon ng isang matatag na republika,

 

Ayon sa ating batas  nakasaad na  ang bawat bata ay may mga karapatan. Karapatang makahawak ng libro’t lapis, mahagkan ang haplos ng kalinga, proteksyon, at pagmamahal ng isang magulang, matustusan ang panangailangan at masilayan ang kagandahan ng mundo.

 

Pero bakit ganito? Sa bawat pagtiktak ng orasan kahirapan ang bumabalot sa mga palad ng sangkatauhan, kasabay nito ang pag-lubo ng pupulasyon, ngunit hindi nadagdagan ang kita ng bawat pamilya.  

 

Ang mga tao ba’y nag iisip o sadyang mapurol ang utak at talagang nakasanayan na ang pagluwal ng sanggol bawat taon? Matapos nito’y pababayaan na parang basahan ang mga batang nabuo at iniluwal sa magulong mundo ngayon, na dapat sana ay matamasa ang kalinga at pagmamahal ng isang magulang o talagalang    ito’y bahagi na ng sirkulasyon, na pabayaan ang anak, at hayaan mabuhay tulad sa isang hayop o ibon na bahala na siyang maghanap ng makakain upang mabuhay.

 

Matatandaan ko noon sa aming klase,  nasabi  ng aming guro: “…na masuwerte ang panganay na anak dahil siya ay nabuo ng dahil sa pagmamahal ni nanay at tatay at ang mga kasunod ay habitual na gawain na lamang raw.

 

Kong ganito ang situwasyon di ba nakakatawa ? Pero Kaka Alih yan ang realidad, iyan ang nagdudumilat na katotohanan. Kaya ngayon sa bawat pagtaas at pagbaba ng araw ay siya ring paglitaw ng mga batang   sinuswerte, ang iba nama’y sinawing palad at sa lansangan na lamang ipinagpatuloy ang magulong buhay. Ang ganitong kabataan ang nag sisilbing mukha ng di-umuunlad na bansa.  

 

Sa bawat araw na lumilipas, isang obserbasyon ang namuo sa murang isipan ng mga isisilang na sanggol, na paglaki ay kusa ng mahahawa ng kanyang kapaligiran.

 

Masosolb ba ang problema kong patuloy tayong magsisihan?

 

“Kaka Alih ang sakit isipin na walang magawa o hindi mabigyan ng sulosyon ng ating   gobyerno ang poblemang ito. Ano na lang ang sasabihin ni Dr. Jose Rizal sa kanyang kasabihang ” kabataan ay pag-asa ng bayan”? Kawawang kabataan.”

 

Tama ka kaibigan, ngunit ibabalik ko sa iyo ang katanungan: “Sino ba ang may pananagutan? mga magulang o gobyerno? O silang dalawa ay dapat magtulungan?”

 

Mga giliw naming tagapakinig  kayo ang makakasagot sa tanong na iyan, kayo na ang bahalang humusga, sino ang dapat na sisihin, o heto ang dapat hindi tayo magsisihan.

 

Para sa akin, gagampanan ko ang aking tungkulin bilang magulang, na iniatang sa akin Poong Lumikha, kusa kong babalikatin ang aking responsiblidad, at ako’ maniniwala na hindi tayo pababayaan kong tayo ay mananalig at mananampalataya sa ating Poong Lumikha.

 

Ako ay naninindagan na ang kabataan ang pag-asa ng bayan, kapatid sama-sama tayong manindigan. Kaya natin ito…Yes Kaya natin… manindigan para sa katarungan…

 

Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…mas lalo nating paiigtingin ang mga ibabahagi natin.. bukas  sama-sama tayo sa ating segment na  nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:33 am | permalink | comments[10]

Juan Tamad ay Si Asiong Aksaya Na?

September 10, 2009

 

(September 10,  2009-Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: Sino si Juan Tamad? At sino naman si Asyong Aksaya, O si Juan Tamad ay naging Asyong

Aksaya?

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Si Juan Tamad   ay character sa  isang kwentong umikot sa mga nayon at probinsya.

Ang isa mga kuwento kay Juan Tamad ay kuwento tungkol sa bayabas.

 

Si Juan  Tamad ay galing sa ating mga Pilipino, therefore Juan Tamad is Filipino. Alam ba ninyo na isang kathang isip lamang si Juan Tamad, na naging tunay na buhay sa katauhan ng mga Pilipino.

 

Para sa mga mangmang na hindi kilala kung sino si Juan Tamad, sya yung mamang gusto kumain ng bayabas pero tinatamad pitasin ang bunga sa puno. Kaya humiga sya sa ilalim nito at hinintay na bumagsak ang bunga mula sa puno.

 

Teka Kaka, ano nga ba ang ending nun istorya? May ending nga ba o bahala na lang tayo mag-conclude?

           

Si Juan Tamad ay kathang isip lamang, kaya bahala ka na kilalanin kong sino sa mga Pilipino ang nagmana kay Juan Tamad.

 

Ikaw kaibigan, May kilala ka bang katulad ni Juan Tamad, sa ngayon?

 

Issue, Juan Tamad patay na….ibig sabihin wala ng tamad na Pilipino? Maraming mga  tanong na bumabalot sa likod ng pagkamatay ni Juan Tamad, totoo bang patay na si Juan Tamad?

 

Kasi ang ipinagtataka ko - Bakit hindi na sya kilala ng kabataan ngayon? O talagang mas sikat na sina Barney, Mickey Mouse, Tom & Jerry at marami pang cartoons characters, na imbento ng taga ibang bansa…. At ang dating sikat na sikat na si Juan Tamad, ay nalaos na? o talagang patay na? Ano ang sanhi ng kanyang pagkamatay?

 

Kaka, baka natabunan na siya ng lahar ng Pinatubo.. o baka isinama ng mga Amerikano sa Iraq Invassion at nasabugan ng road side bomb, o baka nama naunahan na sya ng mga ibon na interesado rin sa bunga ng bayabas?

 

Kaka, ang latest kay Juan Tamad nasa kongreso na, pero hindi na Juan Tamad kundi nagpalit na ng identity, siya na si Asyong Aksaya sa kongreso at Senado….

 

(PLAY  LAUGHING WOMAN)

 

Sandali sino naman si Asyong Aksaya?   Si Asiong Aksaya ay kathang isip    ng manunulat/illustrator  na si Larry Alcala at ng isinaapelikula noong 1977 at ang naging bida ay si Chiquito, katambal sa pelikula si Suzzete Ranillo at Veronica Jones. May kasunod pa ito noong 1979, ngunit pero nag improved, may aral na, ang title ng pelikula “Awat na Asyong Aksaya”.

 

Si Asyong Aksaya ang taong nagmamadali, at sa pagmamadali na makuha ang gusto ay gagastus kahit magkano makuha lamang ang gusto.

 

Kabaligtaran kay Juan Tamad na napakabagal kong gumawa, dahil sa katamaran.

 

Yaong nakakilala kay Juan Tamad   ang Lagi naiisip nila sa kanya ay negative. ngunit alam nyo ba kung bakit siyaa ganun? bakit siya hindi gumagalaw.

 

Halimbawa… Si Juan Tamad ay naghihintay ng grasya galing sa puno ng bayabas. Siya ay naghintay at naghintay hanggat mahulog yung bayabas diba. yun ang kwento. pero bakit?

 

Ganito yan… Si Asiong Aksaya ay isang tao naman na gusto makuha agad ang gusto nya sa pinaka madaling paraan. kahit na mag aksaya siya ng kanyang resources.

 

Paano kung ganito ang kuwento?

 

Si Asiong at Juan ay naglalakad sa bukid at nakita ang puno ng bayabas.Ginusto nila na kumain ng bunga at sila’y lumapit para maka kuha ng bunga. Si Asiong ay agad na gumalaw para makuha ang bunga habang si Juan naman ay pumuwesto sa ilalim ng puno at ngumanga. di naman sa tinatamad sitya na kunin yung bayabas ngunit ang bayabas ay sobrang taas. Nakita nya naman na gumagalaw si Asyong para makuha ang gusto nila. Si Asiong ay humingi na ng tulong kahit sa mga taong dumadaan para lang makuha ang bunga ngunit wala pa rin nagawa kasi humingi ng tulong eh pandak naman. Ano mapapala ni Asiong dun diba. kasi naman gawa ng gawa ng paraan na makuha ang gusto ngunit hindi nag iisip, habang si Juan naman ay nakita na dahil sa lahat ng mga ginagawa ni Asiong na malapit na pala ito matanggal sa sanga kaya siya ay ngumanganga para makuha ang biyaya…

 

(PLAY  LAUGHING WOMAN)

 

Lesson of the story: Hindi na  kailangan gumalaw. Hindi magtrabaho tayo… pero hello my friend,  bago ka naman gumalaw mag isip ka muna kasi baka nag aaksaya ka lang ng Pera, lakas at effort.  Ika nga.. think is wisely.. kung gumastos.. tiyakin na pakikinabangan, tiyakin na ang ginastos ay hindi masasayang na pakikinabangan ng nakakarami.

 

Papaano kaibigan   hanggang dito na lamang muna, kami nina Juan Tamad at Asiong Aksaya..

 

(PLAY  LAUGHING WOMAN)

 

Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahgi natin.. bukas  sama-sama tayo sa ating segment na  nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 8:43 am | permalink | Add comment

Tips Para Makatipid sa Pagbili ng Gamot

September 9, 2009

Program: Buhay-buhay sa dxup

Date:September 9, 2009

Time: 7:00-8:00 a.m.

Anchor: Leny Rose Bajar Sunio

Segment: LETS DOH IT!!!

Segment producer: Noralyn Laguey Bilual

 

Intro:Ang buwan ng setyembre ay tinaguriang Generics Awareness Month,kayat ngayong umaga ay tatalakayin natin  ang limang tips para makatipid sa pagbili ng gamot,ngunit bago yan binabati muna natin ng magandang umaga ang ating mga radio listeners,kumusta po kayo at eto na naman ang ating bahaging Lets Doh it!!

 

Topic:

Limang Tips para makatipid sa pag bili ng gamot

 

1.Gumamit ng Generic Drug. Ito na siguro ang pinakaunang maiisip mo kung bibili ng gamot sa botika. Ito na rin siguro ang pinakamatipid na paraan para di mabutas ang bulsa natin. Mas maganda kung tatanungin mo sa Pharmacist ng botika kung ano ang magandang generic ng gamot na nireseta sayo ng doktor. Wag mag duda sa mga generic drugs. Basta’t mapagkakatiwalaan ang pagbibilhan mong botika at mahusay naman ang kumpanyang gumawa, pareho lang ang epekto nito sa branded.

 

2. Humanap ng mas mababang presyo ng gamot. Paano kung walang stock na generic? Mag tanong isa ibang botika. Siguro naman ay meron ding ibang katulad nito na nakakagamot sa pareho o mas murang halaga. Konsultahin muna ang iyong doktor bago mag palit at bumili ng kung ano ano. Mas mainam na may rekomendasyon ng doktor bago bumili ng gamot na hindi mo naman alam kung ano ang epekto nito.

 

3. Magtanong tanong sa mga katabing tindahan o botika. Subukan mo munang mag tanong ng mas murang presyo sa ibang katabing botika. Baka naman mahal ang presyo ng gamot sa binibilhan mo.

 

4. Bumili ng maramihan. Sa panahon ngayon, nauuso ang wholesale discount. Kahit ang mga Chinese ay ginagawa ito. Kapag bumili ka ng marami, mas malaki ang diskwento mo. Kaya kapag niresetahan ka ng doktor ng sampung piraso ng gamot, mag tanong sa botika kung magkano ang diskwento nito kapag bibilhin mo lahat.

 

5. Alamin ang mga freebies at discounts programs. Tingnan at basahing  maigi kung ano ano ang mga libreng promo na bibilhin ninyo. Maraming  kumpanya ngayon na nagpapamigay at nagpapromo ng produkto para makilala ang pangalan ng produkto nila. Usisain at makinabang sa mga promo na ito.

 

“Buksan ang ating mga kaisipan sa katotohanan” Ang sabi nila maaring maganda sa pandinig ang pangalan ng produkto pero sa totoo lang ay hindi mo ito kelangan. Maging mapag-usisa, palatanong, at mautak sa lahat ng produkto na ating bibilhin. Suriin mabuti at huwag bibili.. at .. Huwag BIBILI sa mga hindi makapagkakatiwalaang botika.

 

Extro: yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

Posted by dxupfm at 8:59 am | permalink | comments[3]

Ang Puso at Chronotherapy

September 8, 2009

Program: Buhay-buhay sa dxup

Date:September 8,2009

Time: 7:00-8:00 A.M.

Anchor: Leny Rose Bajar Sunio

Segment: LETS DOH IT!!!

Segment Producer: Noralyn Laguey Bilual

 

Intro: magandang umaga,kumusta po kayo at eto na naman an gating bahaging Lets Doh it!!at tatalakayin po natin ngayon ang..

 

Topic: CHRONOTHERAPY AT ANG PUSO

 

ANG CHRONOTHERAPY ay ang pagkakaroon ng “coordination” sa paggamot o pag-inom ng gamot base sa “biological rhythms”.

 

Ito ay nagbunsod sa nadiskubre ng mga siyentipiko at mga doktor na ilang sakit ay “lumalala” o kaya ay umaatake sa partikular na oras sa isang araw. Sa oras ding iyon nagiging “critical” ang lagay ng isang taong may sakit na maaari niyang ikamatay kung hindi maagapan.

 

Halimbawa, sa hypertension o altapresyon. Ang ating blood pressure o presyon ng dugo ay tumataas sa ating paggising sa umaga kaya kadalasan ang “heart attack” at “stroke” ay nangyayari sa pagitan ng alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali.

 

Sa halip na “Cardiac arrest”, nagiging “misconception” o ang maling paniniwala ng marami na bangungot o nightmare ang naging dahilan ng kamatayan ng isang taong inabot ng atake sa puso sa kanyang higaan pagka-gising sa umaga.

 

Dala marahil ng kahalintulad na “manifestation” o “reaction” ng isang taong binabangungot at inaatake sa puso. Ang inaatake sa puso tulad ng bangungot ay kinakikitaan ng pag-ungol o pagdaing na para bang nahihirapan huminga.

 

Kung kayo ay pinagbilinan ng duktor na uminom ng “beta blockers” at aspirin o ano mang gamot laban sa “high blood” na hindi 24 oras ang epekto, makakabuti na inumin ito sa umaga. Ang aspirin ay hindi lang ginagamit na panlaban sa pananakit ng katawan at pampababa ng lagnat, ito rin ay inererekomenda ng duktor sa mga taong may sakit sa puso at altapresyon upang maiwasan ang paglapot ng dugo.

 

Sa nabibigyan ng importansiya o mas nagiging epektibo ang gamot na ating iniimon dahil sa ating kaalaman hindi lang ukol sa ating sakit kundi may mas mabisang paraan tayo para labanan ito. Naiiwasan rin ang ano mang panganib at komplikasyon na dulot ng inyong sakit sa pamamagitan ng tamang approach sa paglaban o pagsugpo dito.

 

Kung hindi mapigilan o hindi maiwasan ang pagkain, may alternatibo at mas mabilis na paraan ng pagsugpo ng inyong sakit sa puso, almuranas o hemorrhoids, altapresyon o high blood pressure, diyabetes o diabetes, bukol o cyst, kanser o cancer, tumor at iba pang nakamamatay na sakit, kayo po ay aming inaanyayahang sa aming website sa pamamagitan ng pag-click sa banner sa may bandang unahan o dulo ng website na ito. Hindi na kailangan ng special diet o ang pag-iwas sa ano mang uri ng pagkain. Ito ay naglalaman ng mga pagkaing mayaman sa antioxidants na nakakatulong upang labanan ang mga sakit na nabanggit. Dalawang kutsara lamang ng pagkaing ito sa isang araw bago matulog sa gabi ay sapat na upang mabigyan ka ng ka ginhawahan at kagalingang pangkalusugan.

 

Extro: yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

Posted by dxupfm at 9:11 am | permalink | comments[12]

Basura, Nagtambakan Matagal na Di Nahahakot

September 7, 2009
 
Alih S. Anso

Nuro, Upi (Sept 7).. “Nagtambakan  ang mga basurang nangangamoy na dahil sa matagal ng hindi nahahakot”.  ito ang report sa garbage update ni Nenita Minted, kaninang umaga sa Bantay Bayan Boses ng Sambayanan.

Ayon sa batas, kInakailangan malinis ang paligid sa lahat ng panahon, at sinumang lumabag sa Ordinance #3  ( A Comprehensive Ecological Solid Waste Management Ordinance of the Municipality of Upi as Amended”) ay papatawan ng kaukulang multa.

Ang bawat tindahan ay kinakailangan na magkaroon ng dalawang lalagyan ng kanilang mga basura: nabubulok at hindi nabubulok.

Ang Ecological Solid Waste Management Ordinance ESWM project ay pormal na inilunsad ng Local na Pamahalaan ng Upi noong December 20, 2007, sa pangunguna ni Upi Mayor Ramon A Piang Sr..

Ang naatasan na maging Municipal Enviroment Natural Officer ay si Gloria B. Sentillo. Ang opinang ito ang nangaganlaga sa kalinisan ng paligid, lalo sa pamamahala sa tamang pagtatapon ng mga basura.

Ang pagpapatupad ng nasabing batas ay bilang pangangalaga sa kalusugan ng mamayan. At sa layunin ng Lokal na pamahalaan na mapabilang sa isa sa malinis na bayan sa bansang Pilipinas.

Naka-schedule ng dalawang beses bawat araw ang paghahakot ng dump truck sa basura sa Poblacion.

“Ilang    linggo na hindi na regular na nakapaghahakot ng basura ang dump truck ng LGU”. reklamo ng isang mamamayan sa pamilihang bayan.

Hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa napag-aalaman ang tunay na dahilan kong bakit hindi na regular na nahahakot ang mga basura.

Kaugnay ng ordinansa ang LGU Upi ay bumili ng “second hand” na mini-dump truck para panghakot ng basura.

(click para sa karagdagang kuhang larawan)

Posted by dxupfm at 12:24 pm | permalink | comments[15]

Salo salo sa Kainan Ang Pamilyang Maligaya.

(September 7,  2009-Lunes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Lenyrose:  “Nagsalo-salo ba ang inyong pamilya sa oras ng kainan? O bawat gustong kumain ay naghahain ng kanyang makakain?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Ang pamilyang salo-salo kong kumain ay asahan mong Masaya, hindi po ba? Masarap ang pagkain, kahit kulang ang ulam, o hindi masarap ang pagkain, Ganado tayong kumain, di po ba? nasubukan mo na ba ito Leny?

 

Lenyrose:  _______________________________________________________________

 

“Agree ako sa iyo Kaka, ang problema, hindi naming nagagawa, kasi ang iba ay may ginagawa pa,ang iba naman ay gutom na”. tugon ng isang Ginang na may pitong anak, na ang bunso ay sumususo pa.

Papaano nga ba ang gagawin para mabuo pamilya sa hapag   kainan?

 

Una  ay pag-usapan ng buong pamilya, mag meeting kayo, of course si Tata yang presiding, ang (problema naman niyan Kaka, marunong ba si Pare, na magmeeting?) Oo nga no?.. Ah basta usap-usap na lang kayo.. meeting nay yan..

 

Ikaw, na tatay tingnan o itanong mo anong oras ang kainan na pwede kayong magsabay-sabay, kahit minsan lang sa isang araw, sa hapunan ang posibleng pwede. Let us presume alas ng siyete ng gabi. Ok Agree na sila.. gawin kasunduan.. at ang di makatupad magkakaroon ng penalty.. (magaan lang.. maghugas ng mga pinggan, mag-igib kahit di pa turno).

 

Kong si nanay ang nagluluto, dahil wala pang makakaya magluto, dahil maliliit pa.. Nanay bago mamalengke itanong sa pamilya ang gusto nilang ulam (idaan din ito sa pulong o meeting o caucus). Posibleng  may order ang membro na na hindi kayang bilhin o lutuin, gumawa ng stratehiya, humingi ng paumanhin kong bakit at make a good suggestion bilang kapalit, total bilang nanay alam mo ang mga gusto ng mga anak mo.

 

Siguraduhing nasa takdang oras ang pagluluto, kaya ang tatay dapat ihanda ang mga gagamitin ni Nanay. Ihanda ang panggatong, tubig, ang kusina.

 

Bago maghain pwedeng itanong kong maghahain na, or make a warning na within kalahating oras of fiteen minutes maghahain na si Nanay at prepare na ang lahat, maligo  ang dapat maligo at magbihis na ng mga damit, kinakailangan malinis ang mga damit, para ganahan ang kasama.

 

Kainan na, (dahil everybody is present)  huwag kalimutan na manalangin, bago kumain, sa mga Kristiyano may maglead sa panalangin, para sa Muslim naman ang panalangin ay Bismillah ( Sa ngalan ng Allah). Siguraduhing bawat isa ay nakapaghugas ng kamay, lalo na kong nagkakamay.

 

Habang kumakainRespetuhin ang hapag kainan. Iwasan na punlaan o sabihin na hindi masarap ang pagkain, kulang sa asin, matabang, at iba.. tumahimik na lamang at dapat gawin ay huwag ng kainin ang ayaw mo.  Pagkatapos ng kainan, ang maganda, magkaroon ka nanay ng evaluation, sa niluto mo kong nagustuhan ba ng pamilya.

 

Ikaw naman tatay, be constructive kong magbibigay ng comments: “masarap ang niluto mo Darling, pero may suggestion ako, sa susunod medyo dagdagan mo ang asin, medyo matabang ang paglasa ko kanina.” “Ako nanay ang gusto ko, huwag masyado maanghang.”

Sagot ka Nanay ng maganda: “Salamat, tinuruan ninyo ako, sa susunod lalong masarap ang lulutuin ko”.

 

Habang kumakain, iwasan ang kuwentuhan, kong may sasabihin siguradong pampagana ang terms na ginagamit, huwag iyong makawlang gana.

 

Kong tapos na ang kainan, lalong  mainam kong sabay-sabay ang paghinto, ibig sabihin nito ay maghintayan.

 

Papaano kaibigan   hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahgi natin.. bukas  sama-sama tayo sa ating segment na  nakaka…. ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 8:47 am | permalink | comments[2]

MEDIA-PHILIPPINES: Community Radio - Balm in Troubled Areas

September 6, 2009
September 6, 2009

Posting this article written by our friend Kalinga Seneviratne from Singapore, He visited us  (Upi, Maguindanao, Southern Philippines) and  researched about our community radio-DXUP FM 105.5 MHz.

Kalinga Seneviratne is a journalist, radio broadcaster, television documentary maker and a media analyst. He was born and raised in Sri Lanka, lived in Australia for more than 20 years and is currently a senior research associate with the Asian Media Information and Communication Centre (AMIC).

MEDIA-PHILIPPINES: Community Radio - Balm in Troubled Areas
By Kalinga Seneviratne


Upi, Mindanao, Sep 2 (IPS) - Amidst the raging conflict between government forces and Muslim rebels on the island of Mindanao, the religiously mixed population in the North Cotabato region looks to a community radio station as a beacon of peace.

Set up four years ago under the ‘GenPeace’ (gender and peace) project, ‘DXUP-FM’ serves over 42,000 people in the mountainous Shariff Kabunsuan province of southwestern ARMM (Autonomous Region of Muslim Mindanao).

A multicultural community, Upi comprises some 17 ethnic groups. Of these the indigenous Tedurays are the most prominent, making up 44 percent of the people. The Muslims, known as Bangsa Moros make up 23 percent. Christians, mainly settlers from Luzon brought to the area during the United States’ occupation, form another 33 percent.

The ethnic composition of the community has created the term ‘Tri-People Community’ and it is this concept that drives DXUP’s programming philosophy and helps it to promote harmony among the people.

“Everyone here works towards appreciating the goodness of life,” says station manager Mario Debolgado, a local businessman and an Anglican Christian.

“We have programmes for Muslims focusing on their culture and tradition. So people understand how Moro people live. Programmes on indigenous people focus on their traditions so that others understand their way of life. Our main objective is to build peace… development will come later,” he added.

Interestingly, Upi was subjected, in 1970, to an attack led by the notorious cult leader ‘Commander Toothpick’ that left six people dead. Armed conflict then spread right across the region leading to the formation of the Moro National Liberation Front (MNLF) in 1972 and the launch of a secessionist war for a Bangsa Moro state which dragged on for well over two decades.

While conflict between Muslims - led by a breakaway rebel group of the Moro Islamic Liberation Front (MILF) - and the government has resurfaced in recent months, in Upi, people of the three communities live together peacefully.

“Almost 50 percent of our programmes are on religion and culture. If you understand each other it is very easy to communicate. That’s how we promote peace here,” noted Alih Anso, the station’s programme director.

“Peace is about absence of violence and we discuss the culture of every group so that other people will understand them,” Mayor Ramon Piang, a Teduray, told IPS. He is one of the strongest backers of the radio station.

Tedurays, once the most marginalised community here, have now transformed into a confident group and DXUP is credited with playing a major role in this. “Tedurays are traditionally a very shy tribe but now it has changed a lot because they come and participate in the radio programmes,” explained community elder Dominador Mandi in an interview with IPS. “By doing so DXUP has empowered the community. Our people do not believe any more that we cannot do anything good.’’

“Because of the radio station people now know what is their religion,” one of the Imams of a mosque in Upi told IPS. “We hear programmes about Islam and Christianity done by our own people. So we learn about each other’s way of life and we learn to live in peace.”

The imam argued that those who do not go to mosque or church get wrong ideas about their religion as well as that of others. But when they listen to the radio stations they get the right perspectives. “They hear discussions on religious ideas and the way you live and they begin to respect the other,” he added.

“Sometimes people ask me, in your Koran, I heard in the radio that this is like this, very similar to our Bible,” explained Abdullah Rashid Pulido Salik, the vice-mayor of Upi and chairman of the Community Media Education Council (CMEC).

“That shows how community radio creates peace. We do not discriminate on grounds of race or ethnicity, as long as you come and broadcast for the people’s good,” said the local politician who is also a Moro Muslim.

The CMEC, which is a multi-sectoral governing and policy-making body, is the lynchpin of the GenPeace community radio model. It embodies the essence of the community-run concept and includes a cross-section of the community.

The station was established by the local government unit (LGU) of Upi with the assistance of the Norte Dame Foundation for Charitable Activities (NDFCA) and financial support from the Canadian International Development Agency (CIDA) and the United Nations Development Programme’s (UNDP) multi-donor scheme.

Today the station is dependent for almost 90 percent of its funding on the Upi LGU and is driven by volunteer support. Training for the volunteer broadcasters is given by the Philippines national radio network under a MOU signed to support the GenPeace stations.

Most of the cultural programmes and the news are broadcast in the Tagalog language, which is the national language of the Philippines, so that all communities can listen to and understand the programmes.

“The most important aspect of this radio station is that listeners are tuning in to each other’s cultural programmes,” observes Mayet Rivera, a mass communication lecturer from Mindanao who is doing doctorate-level research on the DXUP model.

“It is very exciting and kind of enlightening that people are now able to listen to things that matter, understanding each other’s culture and pave the way for respect and trust,'’ she added.

(END/2008)
Posted by dxupfm at 7:52 am | permalink | comments[3]

Paano Maipapakita Pagmamahal Sa mga Magulang?

(September 3,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  “Maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang, ikaw papaano ka magpakita ng pagmamahal sa kanila?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Yes alam ko , maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang. Papaano nga ba?

 

(BRIDGE MUSIC)

 

Una, puwede mong ipakita ang pamamgitan ng material. Alam natin na its payback time o araw ng pagbabayad sa magulang ngunit hindi natin obligasyon na ibalik kung ano man ang naitulong sa atin ng magulang natin paglaki natin. But in our own little way, tulungan natin ang mga magulang natin especially kung wala naman silang pagkukunan ng ikinabubuhay, lalo na kong matatanda na sila.

 

Pangalawa, give your time, to be with them, bigyan mo rin sila ng iyong oras. Kahit hindi sabihin ng parents natin, masaya silang makikita tayo  lalot    kung magkakalayo kayo ng lugar na tinitirhan.  Lalot may mga apo na sila sa inyo, gustong-gustong nilang makasama ang kanilang mga apo, mas higit pa sa kayo noong mga maliliit pa kayo. Maniwala ka, dahil ako na ito, experience at naranasan ko…

 

Ang pangatlo, to love our children as how our parents loved us. Ito na siguro ang painakamagandang paraan upang maipakita natin ang pagmamahal sa ating mga magulang.

 

“Para sa akin Kaka Alih heto ang advice ko sa mga may magulang pa, maging showy kayo ng pagmamahal sa paents niyo, palagi niyong sabihin na mahal niyo sila, marami namang paraan ng pagsasabi .  Doon sa  sa mga nakabukod na ng pamilya, make it a point na every week mapuntahan niyo sila and masabayan niyo sa pagkain sabay kwentuhan, malaking bagay sa kanila yun”. ito ang bahagi ng paliwanag ng isang kumpare na patay na ang tatay, nanay na lang ang buhay.

 

Heto ang kuwento ng isa nating respondents: “…ako ma ma-pride ako noon sa magulang.  Iyong bang tipong binabalewala ko lang sila,  Totoo Kaka, ganun  ako dati, hindi ko alam kung bakit parang ang hirap hirap kong masabi sa kanila na mahal na mahal ko sila. Para bang   nahihiya   akong sabihin sa kanila na mahal ko sila o sadyang hindi ko naman sila ganun ka mahal….. yun ang iniisip ko dati.

 

Sayang Kaka, ngayun ko lang napagtanto na mahal kop ala talaga sila ng pumaanaw na silang pareho. Sayang huli na ang lahat. Ngayon ko lang napagtanto na mahal ko pala sila.   Naisip ko na  dala lang siguro ng kahirapan sa buhay kaya noon parang sinisisi ko pa sa kanila kung bakit naghihirap kami at wala kaming makain. Heto pa ang nakakahiya   naisip ko..sabi ko sasarili ko noon, sana pwede akong makapili ng magulang ko,,, kung makakapili lang ako hindi sila ang pipililin kong maging magulang. Pero iba na ngayun ako na gumgawa ng paraan para makaahon kami sa kahirapan..at mahal na mahal ko pala  ang aking mga magulang.. saying nga lamang dahil wala na sila.. dito ko na lamang ibinubuhos ang pagmamahal ko sa aking mga anak at apo.

 

Mga Kapatid na nakikinig, kong may magulang pa kayo, bumawi kayo, habang buhay pa sila, kong wala na, ipakita ninyo at ituro sa inyong mga anak at apo papaano magmahal sa magulang, hindi lang sinasabi, pinakikita at pinaparandam.

 

Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas… sama-sama tayo sa segment na  nakaka ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:39 am | permalink | Add comment

Updates: OFW– Philippines

September 5, 2009
   

(Alih Anso- September 5. 2009 Radio DXUP-FM, Upi, Mindanao, Philippines)

Filipinos are referred to as “Overseas Filipino Workers” or “OFWs”. The term “Global Filipino” is another term of more recent vintage but less widely used.

OFW dubbed as the country’s modern day heroes, and contribute a lot to the nation’s growth and development.  They have to leave their own families to work abroad as professionals, engineers, office and factory workers and often as domestic helpers.

OFWs today has a total workforce of 747,696 where land based workers are 559,227 and sea based workers 188,469.

Each year, more than a million Filipinos leave to work abroad through overseas employment agencies and other programs, including government sponsored ones.

Others emigrate and become permanent residents of other countries. Overseas Filipinos  work as doctors, physical therapists, nurses, accountants, IT professionals, engineers, architects, entertainers, technicians, teachers, military servicemen, students, caregivers, domestic helpers and often as a  household maids (or domestic helper - DH).

According to a former Domestic helper (DH) their employer paid US$ 7,000 to her agency,  a legalized human trafficking?

Human trafficking in the country is becoming worst as the  reports says:  “…. that the Philippines is fast-becoming a transit point for international human trafficking. A reason why a member of House of representative seeking for investigation of the issue”.

The issue of www.philstar.com July 17, 2009, quoting Congressman  Jonathan Dela Cruz said the recent arrests of foreigners using fake passports and fake travel documents confirm reports that the country is being used as a transit point for human trafficking.

The hotspot provinces in Mindanao reportedly include Cotabato, Maguindanao, and Davao.

But Vice Mayor Abdullah P. Salik Jr. Al Haj currently chairman of Regional Anti-Human Trafficking in ARMM, does not confirm nor deny the data release to media.

“Maybe before 2007, there were reported incidents but we are waiting for the official reports from the concerned agencies” Salik added.

The number of human trafficking cases in the Philippines doubled in the first half of 2009, a non-government organization said Wednesday.

The Visayan Forum Foundation, Inc. (VFFI) said that in 2008, 90 human trafficking cases were lodged before Philippine courts. From January to June in 2009, or only six months, the number jumped to almost 200.

Mrs Malou Diestro, Department of Social Welfare (DSWD)  worker assigned in Upi said:  “…lots of reported human trafficking in Upi, few years ago”.

“We have some cases which can be considered as  human trafficking  but we can reveal it to media for the protection of victims..” a revelation from PO2 Margie  Pahati, Philippine National Police (PNP) in charge of Violence Against Women & Children    (VAWC) assigned in Upi, Maguindanao.

One of the “modus operandi” of recruitment agency, let the “victim” signed a contract as domestic helper in other countries, in which she/he will received a salary of 400 US $, but before he left the country her agency will let her signed a sub-contract (not registered to Philippine government) in which stating she will just received a salary of 150-200 US $. In which no one of the recruited migrant worker reported to the authority, because they need the money.

“Kapit sa patalim” (holds a blade knife), because of poverty.  they just accept the offer for human survival .

They were recruited by members of syndicates, processing and documentation of their employment abroad was facilitated by corrupt civil servants.

According to the reports  of 2008 Country Review on Human Rights Practices in East Asia and the Pacific by the United Stated Department, reported that Filipino women and children who were victimized were forced to work as household, factory and sex workers.

The unstable economic and political situation in the Philippines is one of the major causes why Filipinos prefer to work abroad. Filipino workers could not see any hope from their leaders to achieve prosperity for the country.

Various recommendation from various sectors were recommended for the stopping or eradicating  this in-human act.

Human trafficking should be taught in school as suggest by National Bureau of Investigation (NBI) executive.

If this NBI chief agent had his way, the problem of human trafficking and how not to be caught in the traffickers’ snares would be discussed among schoolchildren.

“Law enforcers should go to primary and secondary schools to educate kids, especially young girls, on human trafficking,” said Ferdinand Lavin, chief of the National Bureau of Investigation’s Anti-Human Trafficking Division.

“The campaign should be focused on grades five to high school because these minors are often the target of syndicates,” he added in a recent informal chat with reporters. He said the campaign should be mounted with the help of Department of Education officials.

“We should strengthen the preventive aspect, perhaps by information dissemination,” he said. “IACAT (Inter-agency Council Against Trafficking) should also map out where the victims came from and focus on info dissemination in that particular area.”

In Upi, Maguindanao, particular in community radio-DXUP FM,  advocacy program in combating human trafficking was adopted . Regular airing  of anti-human trafficking plugs and incorporating topics to talk show programs, like: Udto na Adi, Suara Talainged, Kaadat-adatan were practiced regularly.

Posted by dxupfm at 9:36 pm | permalink | comments[4]

Pagpili ng Kursong Kukunin sa Kolehiyo

(September 2,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  Sigorado ka na ba sa kursong kukunin mo pagkagraduate mo? , ikaw na Pare/Mare nakapili nab a si Adi o si Awi ng Kurso pagka-college?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih: “Makinig my friend, pare at mare, alam mo ba na ang pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay puwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay hindi na  maibabalik pa.

 

Papaano kong sa kalagitnaan ng semestre ay saka nalaman na hindi pala angkop sa iyo ang kursong kinukuha? Hindi mo na pwedeng bawiin ang naenrol mo, marefund mo man dahil malakas ka sa administration, dahil lahi kayo ng mga VIP, papaano ang oras mo na naguguol mo  di na  maibabalik.

 

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.

 

Alalahaninm, ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay. Alam mo my Friend,  pwede itong ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa. Isipin mo kung ang mapapangasawa mo eh pinakasalan mo lang dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ng magulang o kaibigan mo pero ang buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangad mong maging asawa, sa palagay ko alin lang sa dalawa ang gagawin mo, makipaghiwalay o mag-sisi habang buhay.

 

Walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito ang sikat ngayon at maraming makukuhang trabaho kahit na malayo sa iyong interes, paano na kung dumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ng nagtapos ng kurso mong kinuha (na ayaw mo naman)? Ibig ba nitong sabihin ay tapos na ang maliligayang araw mo?

 

Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko na… “Ting, Mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesa sa lungkot”……………

 

Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession ay wala itong iniwan sa pagpili ng mapapangasawa tulad ng nasabi ko nung una,(pwedeng kumuha ng isa pang kurso pagkagraduate, tulad ng pag-aasawa pwedeng mag-asawa muli, ngunit huwag hiwalayan ang una, ehe ang ibig kong sabihin tapusin mo na ang kurso bago kumuha ng iba… ay ano bay an nagkalitolito na tayo..

 

(PLAY LAUGHING WOMAN)

 

Tandaan sa paglipas ng panahon tatanda kayong parehas at maaring ang sekswal na interaksyon ay hihina na,( yes ganoon hihiona si manoy.. ehe.. heindi si Tatang) (PLAY LAUGHING WOMAN)… ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit sa inyong dalawa at ang pinaka magiging pundsyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa ay ang mabuting relasyon at pagmamahalan. Halos pareho sa profession o kursong kukunin mo sa kolehiyo, dadating ang panahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal.

 

Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin ay kumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.

 

Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas… sama-sama tayo sa segment na  nakaka ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:50 am | permalink | comments[3]

Pakikikapitbahay (Neighborhood)

(September 4,  2009-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  “Ang kapitbahay ang katuwang sa lahat ng oras ng pangangailangan, mahihigitan pa nito ang iyong tunay na kapatid, ang kapitbahay ang unang makakapagbigay ng tulong sa iyong pangangailangan?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Papaano ba kayo makikapitbahay?

 

“Ako Kaka Alih, gusto kong may kapitbahay, kaya lang kong minsan may kapitbahay na hindi tao, asal hayop.” pagkukuwento ng isang respondent.

 

Sabagay totoo naman na marami tayong kapitbahay na hindi tao, pero ang pag-uusapan natin kaibigan ay tao, katulad natin.

 

“Ang ibig kong sabihin Kaka, totoong tao kaya lang ang ugali asal hayop.” Paliwanag ni Pare.

 

Kayo na mga nakikinig, anong kapitbahay  ang ayaw ninyong maging kalapit bahay?

 

“Ako ayaw kong kapitbahay na kapag nalasing  ay nanggugulo, ang ingay-ingay at inaaway pa ang asawa, kong ako lang ang masusunod ipapabilanggo ko ang ganoong tao.” Pangalawang respondent na nainterview natin.

 

“Para sa akin, ayaw ko ang kapit bahay na hindi niya nirerespeto ang aming privacy, biruin mo nakabili lang ng karaoke, akala mo sa kanya na ang buong lugar, kong magpatugtog ba naman akala mo nasa loob ng disco, nakakatulili sa tainga ang lakas ng sounds.”

 

Pero kaibigan may kapitbahay na gustong gusto ng kanyang kapitbahay.

 

Tulad ng kuwento ni Mare: “Ang aming kapit-bahay na hindi naman namin kamag-anak, ang tumulong para madala sa doctor  ang aming anak, ng mag convulsion”

 

“Ang nagustuhan ko na kapitbahay lalo na sa ganitong panahon ng Ramadan ay Muslim.” Pahayag ng isang nakapanayam natin at naitanong ko sa kanya bakit?

 

“Pag Ramadan, nagluluto sila ng mga pagkain na masasarap, at di man kami nag-aayuno at Muslim ay binibigyan nila kami ng kanilang mga niluluto, kaya kami pag ganitong panahon ng Ramadan, di ko napinabibili ang mga anak ko ng baboy, dahil nagpapahtid din ako n gaming naluto.” Patuloy niyang kuwento.

 

“Magandang may kapitbahay, dahil kahit wala kayong pamilya, may tagabantay ka.” Paliwanag naman ni Mare.

 

 Ako Leny, di ako mapalagay na wala kaming kapitbahay, ang kapitbahay mo ang siya mong malapit na kamag-anak, hindi yaong kapatid sa dugo at laman na napakalayo, dahil hindi ka naman nila matutulungan sa oras ng pangangailangan. Ikaw Leny, anong masasabi mo sa iyong kapitbahay?

 

LENYROSE:_______________________________________

 

Ikaw kapatid, kaibigan, kumusta ang iyong kapitbahay? Mabait ka ba sa kanya?  

 

Sa panahon ni Propeta Muhammad SAW ay may kuwento na Siya ay kapatid na hindi Muslim, dahil sa ayaw niya sa relihiyon ni Muhammad, ay araw araw na tinatapunan niya ng basura ang bakuran ng Propeta, ngunit hindi siya inaaway ng Propeta, nililinis na lamang ito araw-araw. Minsan isang araw walang basurang naitapon, kaya nagtaka ang Propeta, at may nagsabi na may sakit ang Hudeo. Binisita ng Propeta, kaya takot na takot ang lalaki, ang akala niya paghihigatihan siya, ngunit hindi pala, dahil sinabi ng Propeta Muhamad SAW na ganoon ang katuruan ng Islam, maging mabait sa iyong kapitbahay.

 

Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas… sama-sama tayo sa segment na  nakaka ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:48 am | permalink | comments[2]

Malakas na pag-ulan di inalintana sa 65th foundation Anniversary ng NCES

September 4, 2009

Balita ni Lenyrose B. Sunio

 

Nuro, Upi (Sept 4)…Masaya pa ring ipinagdiwang ng Nuro Central Elementary School (NCES) ang ika animnaput limang taong anibersaryo nito kahapon. Mag-aalas otso ng umaga ng simulan ang parada na nilahukan ng mga mag-aaral mula sa ibat ibang baitang na sinundan ng programa sa NCES  ground.

 

Nagpakitang gilas ang mga mag-aaral sa kanilang field demonstration.

 

 Pasado alas diyes ng umaga ng bumuhos ang malakas na ulan na di inalintana ng mga guro at performers at itinuloy  ang  pagsayaw ng mga nasa ika-anim na baitang .

 

Dumalo sa pagdiriwang si Upi Vice Mayor Abdullah Salik Jr. Alhaj, Barangay Nuro Chairman Datu Michael Sinsuat-I  at head of schools.

 

Suportado ng Lokal na pamahalaan ng Upi ang mga programang pang-edukasyon. Ito ang ipinahayag ni Upi Vice Mayor Abdullah Salik Jr. Alhaj sa kaniyang mensahe kahapon  kasabay ng ika animnaput limang taong anibersaryo ng NCES. Ipinagmalaki din ng bise alkalde na siya ay produkto ng NCES  at natutunan niya ang ilang katutubong sayaw sa  nasabing paaralan  noong siya ay nasa elementary.Pinapurihan din nito ang mga guro sa pagbibigay ng  Quality Education sa mga kabataan.

 

Samantala, ipinagmalaki  ng kasalukuyang General Parents Teachers Community Association (GPTCA) President  Mario G. Debolgado ang pagiging Model School ng Nuro Central elementary School sa probinsiya ng Maguindanao. Sa kanyang  mensahe sa 65th Foundation Anniversary ng NCES kahapon, 2004 ng simulan ng Lokal na pamahalaan at ng paaralan ang Project Rendaw kapartner ang Synergiea Foundation kung saan sa sampung mag-aaral, dalawa lamang ang nakakapgbasa, makalipas naman ang dalawang taon walo na sa sampung mag-aaral ang nakakabasa.

 

 Kasama rin ang ibat ibang sector sa naturang programa. Tumutulong din umano ang GPTCA sa pagpapaunlad hindi lamang  sa physical na aspeto ng paaralan kundi maging sa academic.

 

(pls click para sa karandagang kuhang larawan)

Posted by dxupfm at 7:45 am | permalink | comments[3]

Paano Maipapakita Pagmamahal Sa mga Magulang?

September 3, 2009

(September 3,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host:  “Maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang, ikaw papaano ka magpakita ng pagmamahal sa kanila?”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Yes alam ko , maraming paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa magulang. Papaano nga ba?

 

(BRIDGE MUSIC)

 

Una, puwede mong ipakita ang pamamgitan ng material. Alam natin na its payback time o araw ng pagbabayad sa magulang ngunit hindi natin obligasyon na ibalik kung ano man ang naitulong sa atin ng magulang natin paglaki natin. But in our own little way, tulungan natin ang mga magulang natin especially kung wala naman silang pagkukunan ng ikinabubuhay, lalo na kong matatanda na sila.

 

Pangalawa, give your time, to be with them, bigyan mo rin sila ng iyong oras. Kahit hindi sabihin ng parents natin, masaya silang makikita tayo  lalot    kung magkakalayo kayo ng lugar na tinitirhan.  Lalot may mga apo na sila sa inyo, gustong-gustong nilang makasama ang kanilang mga apo, mas higit pa sa kayo noong mga maliliit pa kayo. Maniwala ka, dahil ako na ito, experience at naranasan ko…

 

Ang pangatlo, to love our children as how our parents loved us. Ito na siguro ang painakamagandang paraan upang maipakita natin ang pagmamahal sa ating mga magulang.

 

“Para sa akin Kaka Alih heto ang advice ko sa mga may magulang pa, maging showy kayo ng pagmamahal sa paents niyo, palagi niyong sabihin na mahal niyo sila, marami namang paraan ng pagsasabi .  Doon sa  sa mga nakabukod na ng pamilya, make it a point na every week mapuntahan niyo sila and masabayan niyo sa pagkain sabay kwentuhan, malaking bagay sa kanila yun”. ito ang bahagi ng paliwanag ng isang kumpare na patay na ang tatay, nanay na lang ang buhay.

 

Heto ang kuwento ng isa nating respondents: “…ako ma ma-pride ako noon sa magulang.  Iyong bang tipong binabalewala ko lang sila,  Totoo Kaka, ganun  ako dati, hindi ko alam kung bakit parang ang hirap hirap kong masabi sa kanila na mahal na mahal ko sila. Para bang   nahihiya   akong sabihin sa kanila na mahal ko sila o sadyang hindi ko naman sila ganun ka mahal….. yun ang iniisip ko dati.

 

Sayang Kaka, ngayun ko lang napagtanto na mahal kop ala talaga sila ng pumaanaw na silang pareho. Sayang huli na ang lahat. Ngayon ko lang napagtanto na mahal ko pala sila.   Naisip ko na  dala lang siguro ng kahirapan sa buhay kaya noon parang sinisisi ko pa sa kanila kung bakit naghihirap kami at wala kaming makain. Heto pa ang nakakahiya   naisip ko..sabi ko sasarili ko noon, sana pwede akong makapili ng magulang ko,,, kung makakapili lang ako hindi sila ang pipililin kong maging magulang. Pero iba na ngayun ako na gumgawa ng paraan para makaahon kami sa kahirapan..at mahal na mahal ko pala  ang aking mga magulang.. saying nga lamang dahil wala na sila.. dito ko na lamang ibinubuhos ang pagmamahal ko sa aking mga anak at apo.

 

Mga Kapatid na nakikinig, kong may magulang pa kayo, bumawi kayo, habang buhay pa sila, kong wala na, ipakita ninyo at ituro sa inyong mga anak at apo papaano magmahal sa magulang, hindi lang sinasabi, pinakikita at pinaparandam.

 

Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas… sama-sama tayo sa segment na  nakaka ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:39 am | permalink | Add comment

Magnanakaw Di na Inalintana ang Buwan ng Ramadan

September 2, 2009

Balita ni Alih Anso at Nenita U. Usman

 

Nuro, Upi (Sept 2)….Pinasok ng mga magnanakaw ang tindahan na nasa apmilihang bayan ng Upi, at di inalintana na buwan ng pag-aayuno ng mga Muslim. Ang may-ari ng tindahan na umuwi ng kanilang tahanan pansamantala bilang paghahanda sa madaling araw na sohor (kakain ng madaling araw sa Ramadan) ay sinalisihan ng mga magnanakaw.

 

Ang tindahan 3 Sisters store na nasa dulo ng building A ay pag-aari ni Hadiguia Salik ay puwersadong binuksan ang pinto nito at kinulimbat ang mga carton-carton na noodles, Nescafe, sigarilyo, mamahaling powder milk, original na dry cell battery at coins na sadyang iniipon ng may-ari sa alkansiya.

 

Mga bandang alas dos y media, habang naghahanda ang mga Muslim ng pagkain sa madaling araw para sa buwan ng Ramadan ay napansin ni Adtis Osi isang negosyante ang bukas na tindahan at agad na inuulat sa may-ari.

 

Di na miminsan nangyari ang nakawan sa loob ng pamilihan bayan ng Upi nitong nakaraang taon ay ilan sa mga naiulat ng DXUP.

 

June 21, 2008  dalawang magkatabing tindahan   ang nilooban.   Ang Highlander Multi-Purpose Cooperative na pwersang sinira ang kahoy na dingding sa may harapang bahagi at ang tindahan ni Alex Peñalosa na pinasok naman  sa may likod na bahagi sa pagsira sa pinto. Mga sari-saring paninda at ilang cash ang nakulimbat ng mga magnanakaw.

 

June 16, 2008, dalawang tindahan ay pag-aari nina Hadji Omar Vinarao, na nakuha ay cash, at ilang paninda, at ang isang tindahan  naman ay pag-aari ni Hadja Jamida Baliwan na nakuha naman kalahating sakong pilit at ilang ilang sari-saring paninda.  Napasok ang tindahan  sa pamamagitan ng pagtuklap sa ilang bahagi ng dingding at ang isa ay sinira ang padlock.

 

Dahil sa sunod-sunod nakawan nitong nakaraang taon ay agad nagtalaga ng Pulis ang Lokal na Pamahalaan at nagpagawa ng Police Sub-Station sa loob ng palengke.

Posted by dxupfm at 10:12 am | permalink | Add comment

Nuro Central Elementary School Handa ng Ipagdiwang ang Ika-65 taon Pagkakatatag

Balita ni Alih S. Anso

 

Nuro, Upi,   (Sept 2)….”Handang handa na bukas   ang  Nuro Central Elementary School (NCES) sa pagdiriwang ng  ika-65 na taong pagkakatatag.” Paliwanag ni Ginoong Gerardo Udas ang punong guro na nasabing paaralan.

 

Bawat grade level ay abala sa pagsasanay ng mga palabas na kanilang itatanghal bukas. 

 

 Nitong nakaraang linggo ay abala ang pison at glader ng lokal na pamahalaan ng Upi sa pagpapatag  sa playground ng paaralan .

 

Pinasalamatan naman ni Ginoong Udas si Mayor Ramon PIang Sr, ang Alkalde ng Bayan ng Upi  sa pagpapahiram ng mga heavy equipment.

 

Umaaasa din si Ginoong Udas na mararagdagan pa ang  tulung  ng LGU Upi sa NCES sa pagbibigay ng pondo para pagsasagawa ng  “blind canal” sa playground ng paaralan upang kahit umulan ng malakas ay hindi maputik ang playground ng paaralan.

 

Napakahalaga ng nasabing playground dahil  ito ang nagsisilbing helipad ng mga helicopter ng militar  na bumibista sa Upi at minsan na itong nagamit ng pangulo ng bansa. Noong 2005, dito lumapag ang mga presidential chopper ni GMA.

 

Dito rin madalas ginaganap ang   mga Palarong Panlalawigan (Provincial Athletic Meet)  ang mga district meet, Upi anniversary at Meguyaya festival .

 

Ang mga Edil Fiter at Edil Adha ng mga nanampalataya sa Islam, ay di miminsan ng naisagawa sa playground ng paarlanl.

 

Patuloy naman ang suporta ng mga magulang sa mga proyekto ng paaralan sa pangunguna ng presidente ng Nuro Central Elementary School Parents Teachers & Community Association na si Ginoong Mario Debolgado.

Posted by dxupfm at 9:49 am | permalink | comments[2]

Lambangian

September 1, 2009

   

(Alih S. Anso- September 1, 2009)

The term Lambangian were always misused now a days. Others taught that is a “mestizo” as used in Spanish-Filipino by blood.

 

The position paper submitted to the GRP-MILF peace panel by the Téduray, Lambangian and Dulangan Manobo for the Mindanao Tri-People Peace Summit            Mar 25, 2009 submitted by Alim Bandara, Melanio Ulama, Norena Suenan Epifanio Linas, Lito Mosela and Allan Minted  give us the clear meaning of Lambangian, as one of the existing tribe in Mindanao.

 

Lambangian is a tribe that traced their origin from the historic war between the Teduray and Dulangan Manobo hundreds of years ago in a place called Binusugan near the Tran river now        called    Barangay Villamonte in Lebak, Sultan Kudarat Province. “

 

The tribal war was caused by the kidnapping of a Dulangan Manobo experts in collecting honey bees by the Teduray and sold out to the Maguindanaon to serve as slave in honey collection to be sold to Chinese traders.

 

The tribal war lasted for ten cropping seasons and is equivalent to ten years of conflict. The Teduray warriors came from as far as Bantek, Senigang and Balalaen while the Dulangan Manobo warriors came from Buyaan, Mrawir and upper Tran. As a result, both party succumbed casualties and this was only neutralized when a long drought called “lenggob” started to inflict damage to the agricultural production of the whole populace both Dulangan Manobo and Teduray.

 

The lenggob brought food and water crisis for almost three years. At that time, the only place without food shortage was in tuduk Mrawir, the place of Datu Midtu of the Dulangan Manobo.

 

Knowing the abundance of food at tuduk Mrawir, one Teduray Chieftain and his family tried to cross the war torn areas in Binusugan going to Mrawir to look for food. With all his wisdom, he succeeded to penetrate tuduk Mrawir without any untoward incidents and the Teduray Chieftain was able to explain to Datu Midtu the negative effects of war and the lenggob. The two leaders concluded that God punished them because of the tribal war they engage so they decided to stop the war but datu Midtu ask to marry the daughter of the Teduray Chieftain.

 

After the drought, the Teduray chief went back to his place bringing with him seeds of rice, corn and other agricultural products. His fellow chieftains were surprised because they taught that he and his family were already executed by their Manobo enemy. Knowing that he’s still alive and was able to penetrate the Dulangan Manobo territory, they called him Datu Dikalawanan, a tribal title which means supreme datu. From then on, a formal negotiation took place until such time that the relationship was normalized.

 

The negotiation took place in the war zone area called Binusugan, in Dulangan Manobo that means former battle field using bow and arrow but the name was corrupted by the present settlers and called it Villamonte, a barangay located east of Lebak.

 

In the negotiation, both parties agreed to stop the conflict and swear not to do it again and instead maintain a friendly relationship. The agreement was sealed with inter-marriage of four (young men and women) from both the Teduray and Dulangan Manobo as a symbol of unity and oneness of the Teduray and Dulangan Manobo.

 

This was finally concluded with a ritual and prayer calling the coming off-springs of the newly wed men and women as Lambangian, a cross breed of the Teduray and Dulangan Manobo and should there any violation thereof, the Lambangian shall be cut into pieces signifying that the agreement is null and void.”

Posted by dxupfm at 3:09 pm | permalink | comments[2]

65th Pagkakatatag ng NCES Pinaghahandaan

Alih S. Anso

Nuro, Upi, Maguindanao (August 28)….Puspusang paghahanda ang isinasagawa ng Nuro Central Elementary School (NCES)sa kanyang ika-65 na taong pagkakatatag. Pinapatag at kinocompact ng dalawang heavy equipment ang playground samantalang ang mga kabataan ay puspusang nagsasanay sa palabas na kanilang itatanghal sa September 3.

“Nagpapasalamat kami sa lokal na pamahalaan ng Upi, sa pamumuno ni Ramon Piang Sr. dahil pinahiram ang paaralan ng glader at pison”. Pahayag ni Gerardo Udas, principal ng NCES.

Umaaasa din si Mr Udas na matutulungan ng LGU Upi ang paaralan na malagyan ng “blind canal” ang playground upang kahilt umulan ng malakas ay tuloy-tuloy ang tubig sa ibaba at hindi magbaha sa playground.

Ang playground na ito ang nagsisilbing helipad ng mga helicopter ng military na bumibista sa Upi. Noong 2005, bumisita ang Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang dito rin lumalapag ang mga presidential helicopter.

Ang ibang mga Palarong Panlalawigan (Provincial Athletic Meet) ng bagong tatag na lalawigan ng Shariff Kabunsuan ay minsan mg ginanap. Madalas n a ang mga district meet, Upi anibersaryo, Meguyaya festival ay sa NCES ginaganap.

Ang mga Edil Fiter at Edil Adha ng mga nanampalataya sa Islam, ay NCES playground din isinasagawa.

Hindi napag-alaman ang taon na naitatag ang naturang paaralan ngunit Ayon kay Mrs. Regina Pangcog Dolores, taong 1942-1944 ay mayroon ng school building sa naturang paaralan, ngunit dahil sa pangalawang digmaan noon ay walang klase. Ang unang naging punong guro ng naturang paaralan ay si Ginoong Miguel.

NCES ay nasa pamamahala pa noon ng Dinaig District Office, ng maging isang municipyo ang Upi ay nagsimula ng matawag na Nuro Central Elementary School.

Ang mga sumunod pang punong guro ng NCES ay sina: Pedro Ventura, Benigno Millan, Carlos Sapon, Fermina Martinez, Cesar Jallorina, Severino Marcial, Jacinto R. Paco, Generoso F. Gurtiza, Leonila L. Soriano, Bonifacio R. Paragas, Wilfredo T. Ibañez, Romulo H. Cristobal Jr. at sa kasalukuyan ay si Gerardo Udas

Posted by dxupfm at 7:27 am | permalink | Add comment

Kung ayaw mong gawin sayo, hindi mo dapat ginawa sa iba


(September 1,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host:Kung ayaw mong gawin sayo,   hindi mo dapat ginawa sa iba, simple o madaling sabihin di ba? Ngunit ginagawa mo na ba Kaibigan?”

(PLAY INTRO)

Kaka Alih: Lagi sa atin sinasabi ng ating mga magulang   na maging mabuti daw tayong anak sa kanila para maging ganun din ang mga anak natin sa atin. Kaibigan tama ba ang aking linya?

 Sabi ng isang kaibigan “Hindi ko alam kung paniniwalaan ko sila pero sumusunod na lang ako, para din a humaba ang debate. Bakit kailangan ko pang intindihin kung mamahalin at rerespetuhin ako ng mga anak ko? E  Matagal pa iyon, bata pa naman ako. Ang mas importante, marunong ako rumispeto at ang mag mahal ng magulang. Ganoon lang iyo Kaka!. Problema ko na yun kung paano ko papalakihin ng maayos ang mga magiging anak ko, kong magkakaanak naman ako.” Pilosopong sagot sa akin ng isang estudyante.   Pero wait a minute may points naman siya doon.

Sa kabilang banda, papaano ang sinasabi ng aking kaibigan?   “…maging mabuti ka sa ibang tao at siguradong gaganda ang takbo ng buhay mo.”

 Pero ibig sabihin ba ay nito na ang mga mahihirap ay masama ang pakikitungo sa ibang tao?

Hindi naman nasusukat sa pera ang kagandahan ng takbo ng buhay ng isang tao. Hindi porket mahirap ka, pangit na ang takbo ng buhay mo at hindi din porket mayaman ka, marangyang-marangya na ang pakiramdam mo.

Alam mo ba kaibigan  na meron akong alam na tao, noong mag boyfriend pa lang sila ng asawa niya, marami na silang natulungan na nangangailangan ng tulong. Hanggang sa ngayon patuloy pa din silang tumutulong sa ibang tao na walang hinihinging kapalit. Talagang mabibilib ka sa kanila.   Mahirap lang sila ngayon pero masaya sila. Nagagapang naman nila ang mga anak   sa bawat hikahos na nararanasan nila. At masasabi kung maganda ang takbo ng buhay nila dahil hindi sila pinapabayaan ng Diyos.

Alam mo Pare, tamang intindihin mo ang kinabukasan at ang magiging takbo ng buhay mo. Matutong tumanaw ng utang na loob at maging mabuti ang pakikitungo sa ibang tao. Maging mabuti sa ibang tao at siguradong hindi ka pababayaan ng Diyos.” Ito naman ang pagpapaliwanag ng isang kumpare.

Tama din siya diba?

Heto pa ang isa: “Kung ayaw mong lokohin ka ng syota mo, huwag mo din siya lolokohin. Kung gusto mong maging maganda ang takbo ng lovelife mo, matuto ka daw magpahalaga ng boyfriend/girlfriend mo.”

(PLAY LAUGHING WOMEN)

At kung maloko ka man at masaktan, huwag na huwag kang gumanti. Maaring hindi ka sumasang ayon dito pero, isipin mo ng mabuti… ANG Diyos ay hindi natutulog.

Comments ng isang Maestra: “..tama ka dyan Kaka! dapat kapag nasaktan tayo ng ating kapwa, dapat hindi din natin sila sasaktan..tamang intindihin na lang natin kung ano ng kanilang nagawa o kung bakit nila iyon  nagawa sa atin..”

Hindi ko kasi alam kung ano ang nakukuha ng ibang tao sa “pag ganti.” Ikaw kaibigan,  alam mo? ..

Bakit kailangan mo pang ipasa sa iba ang sakit na naramdaman mo? Bakit kailangan mong magalit sa ex mo pag hindi maganda ang paghihiwalay ninyo?

Bakit kailangan mong magalit sa teacher mo na nagbagsak sa iyo? Bakit hindi mo na lang matanggap na ikaw ang mali at ikaw ang gumawa ng grado mo.

Bakit kailangan mong sampalin ang sumampal sa iyo? Hindi naman niya kailangan maramdaman ang sakit na naramdaman mo.

Bakit kailangan mong patulan ang humamon ng suntukan sa iyo, wala ka namang makukuha kundi sakit ng katawan at ulo, at baka makulong ka pa, lalot natapos na ang kulungan ng pulis, baka doon ka abutin ng umaga, mabuti pa patawarin mo na lamang siya.  Sa madaling salita, bakit kailangan mong gawin sa iba ang ginawa sa iyo?

Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong mangyari sa iyo. Yun ang tama! O Di ba?

Maaring sa pagdaan ng panahon, maiisip mo na lang na napaka swerte mong tao. No one knows his destiny..walang nakakaalam ng ating kapalaran… ang mahalaga walang kang nasaktan. Di mo man makuha ang rewards sa mundong ito.. sa kabilang buhay ibibigay sa iyo ng Poong Maykapal ang kanyang gantimpala na walang katulad at walang hanggan.

Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas… sama-sama tayo sa segment na  nakaka ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 6:57 am | permalink | comments[3]