Pagpili ng Kursong Kukunin sa Kolehiyo
September 5, 2009![]() |
(September 2, 2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host: “Sigorado ka na ba sa kursong kukunin mo pagkagraduate mo? , ikaw na Pare/Mare nakapili nab a si Adi o si Awi ng Kurso pagka-college?”
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: “Makinig my friend, pare at mare, alam mo ba na ang pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan ang damit na nabili ay puwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili, hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay hindi na maibabalik pa.
Papaano kong sa kalagitnaan ng semestre ay saka nalaman na hindi pala angkop sa iyo ang kursong kinukuha? Hindi mo na pwedeng bawiin ang naenrol mo, marefund mo man dahil malakas ka sa administration, dahil lahi kayo ng mga VIP, papaano ang oras mo na naguguol mo di na maibabalik.
Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinagugulan din ito ng lakas at oras. Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit kayat kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.
Alalahaninm, ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay. Alam mo my Friend, pwede itong ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa. Isipin mo kung ang mapapangasawa mo eh pinakasalan mo lang dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ng magulang o kaibigan mo pero ang buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangad mong maging asawa, sa palagay ko alin lang sa dalawa ang gagawin mo, makipaghiwalay o mag-sisi habang buhay.
Walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito ang sikat ngayon at maraming makukuhang trabaho kahit na malayo sa iyong interes, paano na kung dumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ng nagtapos ng kurso mong kinuha (na ayaw mo naman)? Ibig ba nitong sabihin ay tapos na ang maliligayang araw mo?
Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko na… “Ting, Mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesa sa lungkot”……………
Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession ay wala itong iniwan sa pagpili ng mapapangasawa tulad ng nasabi ko nung una,(pwedeng kumuha ng isa pang kurso pagkagraduate, tulad ng pag-aasawa pwedeng mag-asawa muli, ngunit huwag hiwalayan ang una, ehe ang ibig kong sabihin tapusin mo na ang kurso bago kumuha ng iba… ay ano bay an nagkalitolito na tayo..
(PLAY LAUGHING WOMAN)
Tandaan sa paglipas ng panahon tatanda kayong parehas at maaring ang sekswal na interaksyon ay hihina na,( yes ganoon hihiona si manoy.. ehe.. heindi si Tatang) (PLAY LAUGHING WOMAN)… ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit sa inyong dalawa at ang pinaka magiging pundsyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa ay ang mabuting relasyon at pagmamahalan. Halos pareho sa profession o kursong kukunin mo sa kolehiyo, dadating ang panahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal.
Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin ay kumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.
Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas… sama-sama tayo sa segment na nakaka ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.
Previous Comments
Maya,
Bakit ka pa pumipili ng daanan mo papunta sa paaralan ninyo?
Ang kurso ay isang napiling route papunta sa dako pa roon,
ang kurso ang maglalagay sa iyo sa gusto mong tatahakin na daan.
Posted by Kaka Alih at October 18, 2009, 9:48 amThis cheap ugg boots,we ugg outlet is innovation and forward,our kensington ugg boots is very good because ugg kensington poducts is good!we are ugg shop online,is ugg store.
cheapuggbootsale list:
UGG 2010 New Arrivals
Women’s UGG Boots
Short UGG Boots
Tall UGG Boots
UGG Stripes Classic Tall Boots
UGG Women Highkoo Boots
UGG Ultimate Bind Boots
UGG Sunset II Boots
UGG Suburb Crochet Boots
UGG Stripe Cable Knit Boots
UGG Patent Paisley Boots
UGG Knightsbridge Boots
UGG Argyle Knit Boots
UGG Sundance II Boots
UGG Ultra Short Boots
UGG Ultra Tall Boots
UGG Classic Mini Boots
UGG Classic Crochet Boots
UGG Lo Pro Button Boots
UGG Lo Pro Classic Tall Boots
UGG Nightfall Boots
UGG Half Waterproofing Boots
UGG Classic Cardy Boots
UGG Bailey Button Triplet Boots
UGG Roxy Tall Boots
UGG Women’s Bailey Button Boots
UGG Tassel Short Boots NEW
UGG Classic Short Boots
UGG Classic Tall Boots NEW
UGG Classic Tall Boots




bakit ba tayo kumukuha ng isang kurso?
Posted by maya at October 16, 2009, 9:41 pm