DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 30. September 2009

Magagandang Kaugalian sa Pakikipag-usap

September 30, 2009

(September 30,  2009-Wednesday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Papaano ka ba makikipag-usap sa iyong kapuwa? Samahan ninyo kami kaibigan at pag-uusapan natin ang ilang payo ni Kaka Alih sa ating segment na nakaka…..”

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Ang pakikipag-usap sa kapuwa ay mabibilang sa sining o art at ang sining ay ang pagsasagawa ng maayos na gawain, kaya naman ang pakikipag-usap ay itinuturing na isang sining, sa kadahilanan, ang pagkikipag-usap ng isang tao sa kanyang kapuwa ay dapat na madaling maunawaan at nakapagbibigay din ng aral.  Samakatuwid, dapat ang pagsasagawa gaya ng pakikipag-usap ay kailangang maayos, mayroong buhay at hindi nakakabagot sa pandinig ng kausap.

 

Natural lang naman sa isang tao ang pakikipag-usap, dahil isa ito sa kasangkapan sa mabisang pagsasalita. Ang pakikipag-usap ay magagamit sa ibat-ibang layunin. Magagamit ito sa iyong pagtatalumpati, pagdedebate, pagbibigay ng pahayag, saloobin damdamin,at instrumento din sa matagumpay na pagtuturo upang malaman ang mga kamalian at wastong pananalita.

 

Ang pakikipag-usap ay matatawag din nating sining, dahil may mga taong mahusay na kausap at may mga tao ding walang talento, salita ng salita wala namang kalaman-laman ang sinasabi at kung minsan ay nawawala na sa paksang pinag-uusapan.

 

Kinakailang mahalaga ang paksa sa pakikipag-uusap, kailangan makuha mo ang atensiyon ng iyong kausap at kailangan kawili-wili ang mga topikong inyong pinag-uusapan para maiwasan ito pagsasanay at pananaliksik ang kailangan upang magkaroon ng kasanayan sa pagsasalita ang isang tao.

 

Sa mga Bangsamoro may mga itinuturo noon (bakit noon? Dahil tila baga hindi natin napapansin sa mga kabataan sa ngayonb) ang mga matatanda sa kanilang mga anak, narito ang ilan mga magagandang kaugalian nila sa pakikipag-usap na kanilang itinuturo sa kanialang mga anak:

 

1.      Sanayin ang iyong sarli  sa pakikinig kaysa ikaw ang salita ng salita;

2.      Pag-isipan ng maigi ang mga sasabihin at iwasan sabihin ang hindi mo naman alam;

3.      Huwag itaas ang tono ng boses, makipag-usap ng malumanay, kaaya-aya o yaong tamang tama na maririnig ng iyong kausap;

4.      Huwag putulin ang sinasabi ng iyong kapuwa habang siya ay nagsasalita, hayaan matapos ang kanyang gustong ipaliwanag;

5.      Iwasan na masabi ang kanyang kamalian at kong sakaling hindi maiiwasan na dapat na ituwid ang sinasabi nito ay gawin sa isang matalinong pamamaraan;

6.      Hanggat maaari paunahin mo siyang magbigay ng kanyang gustong pag-usapan, kong sakaling kinakailangan na ikaw ang mauna ay sikapin na magugustuhan niya;

7.      Huwag ipilit ang tamang alam mo, bigyan din siya ng panahon na makasali siya sa mga paliwanag mo;

8.      Iwasan ang paglibak sa kapuwa, dahil maaring magduda siya sa iyong pagkatao;

9.      Kong una pa ninyong pagkakakilala, iwasan na mapuri mo ang iyong sarili, baka mapagkalamalan kang mapagmalaki o hambog;

10.  Kinakailangan ang magamit na salita o lengguwahe ay alam ng kausap mo’;

11.  Huwag magbanggit  ng mga personal na bagay sa loob ng inyong tahanan, kahit na ang kausap ay matagal ng kilala, dahil ipinagbabawal ng Islam ang pagbubunyag sa ginagawa ninyong mag-asawa.

Posted by dxupfm at 7:32 am | permalink | comments[1]