DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » October 2009

Produksyon at Pangangasiwa ng Anthurium

October 30, 2009

October 30,009-Friday bahagi  script na sinulat ni Nenita Minted  para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Alam Buhay”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 Nenita -Alam ba ninyo na ang Anthurium  ay isa sa mga bulaklak na makakapagpreahan kaya ito ang ating pag-uusapan ngayong umaga ang ito po ay mabenta  lalo kapag may mga okasyon. Alam ba ninyo na 160.00 ang bawat koli nito sa ngayon sa Cot. City.

Produksyon at Pangangasiwa ng Anthurium       

Ang sangkap na paggamit ng mga teknolohiya na ating pag-uusapan sa paksang ito ay aani ng may kalidad at sunod sa pamantayang mga produkto na magsusulong sa industriya ng halamang bulaklak.

Mga barayti ng anthurium na mapaggagamitan ng mga teknolohiya

Sa Lokal na mga barayti:

    * Nitta (dalandan)

    * Chandler (matingkad na rosa)

    * Kaoniwan (puti)

    * Gloria Angara (mapusyaw na pula)

    * Baguio White

Ipinakilalang mga Holland barayti:

    * Midni (mapusyaw na luntian)

    * Mauricia (matingkad na rosas)

    * Alixis (Pula)

    * Tropical (pula)

    * Margaretha (puti na may pulang bulaklak [spadix])

    * Fantasia (puti na may maputlang rosas na mga ugat)

    * Obakes (luntiang kulay sa maliliit na mga dahon ng bulaklak [spadix]). Halimbawa ng Obakes: Paradiso, Sultan, President, at Aphrodite.

Mga Anthurium na ginagamit na pangmasetera:

    * Atlanta

    * Texas

    * Montana

    * Arizon

Ang mga teknolohiya:

    *Upang makaiwas sa init ng araw o Liwanag. Maglagay ng 3-4 na patong o suson ng lambat na tatlong metro ang taas sa mga halaman upang makamit ang 60-75 porsiyentong lilim. Sa pag-aalaga ng mga anthurium, maglaan o maglagay ng pangharang o pananggalang na mga balangkas na yari saplastik o “fiber glass”.

    * Sa pagpapatubig. Diligin ang mga halaman batay sa kasangkapan, antas ng lilim, at umiiral na kondisyon ng klima sa lugar ng produksyon.

    * Sa pag-aabono. Maaaring gumamit ng organiko at inorganikong pataba. Inilalagay ang kumpletong pataba (NPK) na isang kutsarang pangmesa sa bawat apat na litrong tubig. Ibinubomba ito sa mga halaman o ibinabasa sa patubuan (medium). Maaaring gumamit ng granyula o binutil na pataba tuwing tatlong buwan.

    * Propagasyon o pagpaparami. Isagawa ang pagpaparami sa pamamagitan ng “top cutting’ paghahati-hati, o paghihiwalay ng mgasuwi, o tisyu kultyur na ginagamit ay buto, dahon, o tangkay ng dahon (petiole).

    * Pag-aani. Handa nang anihin ang mga bulaklak kapag ang bahagi ng mga tangkay na humahawak sa bulaklak (penduncle) na malapit sa leeg ay matigas na at ang ika-4 hanggang kalahati ng puno ng kabuuang balangkas ng bulaklak (spadix) ay puti na.

      Ipinagbibili ang mga bulaklak sang-ayon sa sukat. Ito ay itinatakda sa pamamagitan ng laki (lapad) ng pinaka-maluwang na bahagi ng bulaklak (spathe).

         1. Sobra sa laki: 10 sentimetro patraas

         2. Malaki: 8-8.5 sentimetro pataas.

         3. Katamtaman: 7-7.5 sentimetro

         4. Maliit: 5.5 sentimetro pababa

    * Pag-iimpake. Iniimpake ang mga bulaklak sa plastik na pambalot para mapangalagaan. Kapag ibinibiyahe sa malayo, ang dulo ng mga tangkay ay isinisingit isa-isa sa mga plastik na tubo na may tubig. Ang inaning mga bulaklak ay iniimpake sa mga kahon. Sa loob ng mga kahong ito ay may papatungan na mga pilas-pilas na diyaryo na mamasa-masa upang maiwasan ang pagkalanta. (BPG)

 Yan po an gating dagdag kaalaman ngayong umaga. Ako ang inyong segment reporter Nenita  Minted magandang umaga at maraming salamat.

Posted by dxupfm at 2:27 pm | permalink | comments[2]

Lunas sa Foot Odor

(October 30,2009-biyernes - Script na sinulat ni Nancy Lawan para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “WOW!!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: lunas sa foot  odor…..……….paano kaya natin ito maachive…..ito ang ibibigay sa atin ni Nancy Lawan sa ating wow segment.. sa ating programang buhay-buhay sa DXUP..

(PLAY INTRO: WOW!)

Nancy : Kamusta po kayo mga kaibigan……magandang umaga po sa inyong lahat….ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang lunas sa foot odor……….at heto na ang para sa mga wowwwwwwwwwwwwww…..ngayong umaga: Lunas sa Foot odor.

Nakakahiya talaga ang foot odor, pero may paraan para malunasan ito at maging kaaya-aya ang amoy ng inyong mga paa. Generally, nagiging mabaho ang amoy ng paa kapag ito ay basa at namumuo ang bacteria.

Usually trapped ang paa natin sa loob ng sapatos, kung saan mataas ang temperatura kaya ito nababasa. Ito ang sanhi ng bacteria, na humahantong sa pagkakaroon ng di magandang amoy. Sa pamumuo ng bacteria, hindi lamang pagpapawis ng paa ang maaa-ring maging resulta nito kung hindi pati ang sakit gaya ng athlete’s foot.

Ito ang mga paraan upang maging healthy at mabango ang inyong mga paa.

1. Good foot hygiene ang kailangan sa pamamagitan ng regular na paghuhugas ng paa. Partikular na nililinisan ang pagitan ng mga daliri kung saan namumuo ang bacteria.

2. Palitan araw-araw ang medyas.

3. Maglagay ng foot powder, baking soda o baby powder sa inyong paa upang maiwasan ang pangangamoy nito. May foot ointments na makakatulong din sa inyo.

4. Suriin ang paa kung ito ay may infections ng fungus partikular sa pagitan ng mga daliri at sa talampakan.

5. Ang magandang kalidad ng medyas, malambot at makapal (cotton), ay mahusay upang masipsip ang moisture papalayo sa balat.

6. Piliin ang sapatos na komportable, kung saan nakakahinga ang paa at hindi pagmumulan ng pamamawis ng paa.

7. Linisan ang sapatos bago ito gamitin.

8. Magpapalit-palit ng paggamit ng sapatos.

Ito po ang bahagi para mga magaganda at mga guwapo…..sa wow portion….

Sana po ay nakapghatid ako ng dagdag kaalaman sa inyong lahat…..hanggang bukas….

Ito po ang inyong beauty agent…..Nancy Lawan……

Posted by dxupfm at 7:53 am | permalink | comments[2]

Bakit Nangangaliwa si Mister

(October 30,  2009-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: “Mrs. Problema mo ba ang Mister mo?  Mister bakit ba nangangaliwa ang kumpare mo? Ano man ang kasagutan mo, samahan ninyo kami, magbibigay si Kaka Ali ng ilan dahilan kong bakit nangangaliwa si Mister. 

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  “Masyado naman “brutal” ang tanong kasamang Leny,  Bakit nangangaliwa si Lalaki, pwede bang mag-suggest?  na   medyo pagaanin natin ng ganito: “bakit tinatabangan si Mister kay Mrs?”

 

(LAUGHING)

 

Teka parang pareho din, ah ganito na lang, sagutin na lang natin ang tanong. Sabi ng kasama ko dito:

 

“Kasi Kaka, lusyang na si Mare” (LAUGHING).

 

Yes huwag pagtawanan, totoo yan, dapat maintain mo ang tamis mo mare, ugaliin na ang paglilinis sa katawan at pagpapabeauty, ganito ang gawin mo… makinig palagi sa wow segment ni Nancy Lawan.

 

“Madaldal masyado ang Mrs ko”. Paliwanag ni Pare.

 

“Hindi marunong magluto ang Mrs ko.” Himutok na sabi ni Mare #2.

 

Ah alam ko na, mare, dapat gilingan mo…(LAUGHING) ay bakit? Ah yes.. galingan mo pala mare ang pagluluto, pag-aralan mo, natutuhan naman iyan eh.,

 

Di ko na kaya.. gusto ko ng magpaputok pero ayaw niya.. kaya kahit snipe snipe na lamang ginawa ko na, para hindi kalawangin si Manoy”., Nakakatawang sagot ni Pare # 4.

 

Mare, bakit kasi, sana nag shooting na lang kayo ni pare.. (LAUGHING)

 

“Kaka, gutom na ako.. kaya nagtagad tagad mo na ako… (LAUGHING) sabi naman ni Kapatid na na dalawang taon nang nasa abroad ang seksi at maganda na Mrs. Kaya hayun dahil gutom na talaga kahit papaano daw ay nagtikim mo na habang hindi pa naluluto .. ay hindi pala.. dumarating si Mrs. (LAUGHING)

 

“Dahil sa pag-ibig” papaano nasisi ang pag-ibig? Ganito iyon Kaka, di ba may kasabihan na: “o pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat”

Eh di kong ganyan, huwag ka ng mangaliwa, humanan ka na lang.. (LAUGHING)

 

No joke may friend, kong ganyan na pag-ibig na, ay pakasalan mo lamang siya.. huwag kang maki-apid haram iyan.. ganito ang gawin mo, humingi ng payo kay Imaam o kay Ustadz, kong di mo sila kilala makipagkita ka lamang kay Kaka Ali, tutulungan kita, Insha Allah (kong pahihintulotan ng Diyos).

 

 “Alam ninyo mga anak, kaya may Mister na nangangaliwa, dahil kulang sila ng paniniwala sa kanilang Poong Lumikha.” Paliwanag ni Pastor. “Dapat nating mahikayat ang ating mga pamilya sa maging malapit sa Diyos” Dagdag ni Pastor.

 

“Para sa akin, may malaking contribution ang lipunan na ginagalawan natin, kong bakit may nangangaliwa na Mister at pati Mrs.” Sagot ni Ustadz.

 

Papaano masisi ang ating lipunan Ustadz? Tanong ko kaagad.

 

“Ganito iyon, Kaka Ali, kong ang yong lipunan na ginagalawan, ay maluwag halimbawa, pinapayagan ng yong lipunan ang maghahalubilo ng mga lalaki at babae, at tiyak malapit sila sa tukso. Another sample niyan ay pinapayagan natin ang paglipana ng inumin alak na makalasing, pati na ang droga, na alam natin na ito ay nakapag-wawala sa katinuan ng ating pag-iisip, wala na itong idinudulot na  kabutihan ang alak at droga kundi ilapit sa tayo sa mga gawain ni Satanas”. Paliwanag ni Ustadz.

 

Sang-ayon ako kay Ustadz, dahil sa Islam ay Haram ang Alak na makalasing at ang droga. Mabigat ang kaparusahan sa Islam, hindi pinapayagan ang pag-gawa, pagpabili, pagbili, pagiimbak at pag-inom ng alak.

 

Dagdagan ko ang sinabi ni Ustadz, ayon sa Islam, ipinagbabawal ang  paghahalobilo ng babae at lalaki, lalo yaong pwedeng mag-asawahan. Di rin pinapayagan ang pag-papakita ng kahubaran ng babae at lalaki, dahil ito ay mag-tutulak sa atin na mapalapit sa tukso.

 

Dapat ang mga babae ay magsuot  ng marangal na damit, hindi yaong nakikita na ang gustong-gustong ni Lolo (LAUGHING).. Yes diba..dahil masyado body fit ang suot ni Inday ay nakamarka na ang kapal at lapad.ng (LAUGHING) hey please laugh…makipustahan ako.. iyan ang gustong-gustong tingnan ng mga kalalakihan, kasali na si Lolo Tasyo…bakit? dahil iyan ay ipinagbabawal ng Poong Lumikha o ng Allah. At kong ano ang bawal ay siyang masarap kainin at gawin.. oh di  ba? 

 

Please don’t dis-agree… huwag ng kumontra.. dahil pansamatala ko muna itong ititigil at babalik tayo sa Lunes, sa higit pang nakakakilig na  talakayan.. (LAUGHING)

 

Ito ang inyong Lolo ay hindi pala ito ang  inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

 

 (PLAY-EXTRO NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:02 am | permalink | comments[3]

Saan nagmumula ang hepatitis? o pamamaga ng atay?

October 29, 2009

(October 28,  2009-Wednesday - Script na sinulat ni Noralyn Laguey Bilual para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Lets Doh It!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “tatalakayin ngayon ng health conscious reporter na si Noralyn Laguey Bilual ay ang Pamamaga ng Atay  (Hepatitis) 

 

 (LETS DOH IT !! – INTRO)

 

Noralyn: Ang hepatitis ay sakit sa atay sanhi ng virus mula sa maruming pagkain at tubig. Puwede rin itong makuha sa pamamagitan ng kontaminadong karayom.

 

Ilan sa mga palatandaan nito ay:

1.      gaya sa trangkaso:

2.      lagnat,

3.      masakit na ulo,

4.      masakit na kasukasuan,

5.      panghihina at

6.      pananakit ng katawan,

7.      Pagduduwal at pagsusuka,

8.      Walang ganang kumain,

9.      Walang ganang manigarilyo,

10.   Sakit sa itaas na bahagi ng tiyan,

11.  Ang atay ay malaki at masakit,

12.  Paninilaw ng mata at balat.

13.  Kulay tsaang ihi,

14.  Abuhin o puting dumi at

15.  Pangangati ng balat.

 

Iwasan ang hepatitis sa pamamagitan ng pagsunod sa mga alituntunin sa kalinisan.

·         Sunugin o ibaon ang dumi ng taong namamaga ang atay.

·         Dapat maghugas mabuti ng kamay ang nag-aalaga sa maysakit.

·          Ihiwalay ang mga ginagamit ng maysakit.

·         Ang heringgilya at karayom na gagamitin ay dapat maging sterilized.

·         Itapon ang blade at karayom na ginamit sa maysakit.

·         Hindi dapat magbigay ng dugo ang taong nagkaroon ng pamamaga ng atay.

 

Ang antibiotiko ay hindi nakagagaling ng pamamaga ng atay. Hangga’t maari, huwag bibigyan ng gamot ang maysakit. Ang gamot ay maaari pang makapinsala sa atay.

 

Payuhan ang maysakit na magpalakas ng resistensya. Bayaan siyang makapagpahinga nang husto. Kung wala siyang ganang kumain, bigyan siya ng katas ng prutas at sopas.

 

Kapag bumalik na ang gana niya sa pagkain, bigyan siya ng wasto at balanseng pagkain. Huwag bibigyan ang maysakit ng mamantikang pagkain.

 

Ang maysakit ay hindi rin dapat uminom ng alak sapagkat ito ay makapagpapalala ng sakit sa atay. Dapat iwasan ang alak kahit magaling na ang maysakit.

 

Ilan sa mga komplikasyon nito kapag napabayaan ay ang permanenteng pagkapinsala ng atay. May posibilidad na magkaroon ng kanser sa atay.

 

 yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

 

(PLAY LETS DOH IT!!! EXTRO)

Posted by dxupfm at 2:23 pm | permalink | comments[7]

Foot care para sa mga diabetics

(October 29,2009-thursday - Script na sinulat ni Nancy Lawan para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “WOW!!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose:   foot care para sa mga diabetics…..……….paano kaya natin ito maachive…..ito ang ibibigay sa atin ni Nancy Lawan sa ating wow segment.. sa ating programang buhay-buhay sa DXUP..

(PLAY INTRO: WOW!)

Nancy : Kamusta po kayo mga kaibigan……magandang umaga po sa inyong lahat….ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang foot care para sa mga diabetics……….at heto na ang para sa mga wowwwwwwwwwwwwww…..ngayong umaga ay:  Foot care para sa mga diabetics.

Ang foot problems ay pangkaraniwan sa mga taong may diabetes. Ang self-care, pagsisimula sa daily foot exam, at medical intervention ay maaaring makatulong para maiwasan ang mga komplikasyon at maging ang amputation.

Ang pinaka susi sa kalusugan ng mga paa ay kabuuang kalusugan. “Any complication of diabetes can be minimized by controlling your diabetes through diet, medication, and exercise,” ayon kay John Giurini, D.P.M., associate professor of surgery ng Harvard Medical School at hepe ng Division of Podiatric Surgery sa Beth Israel Deaconess Medical Center.

Pag-aalaga sa paa

-hugasan ang mga paa at patuyuin ito. Maglagay ng lotion pwera lang sa mga daliri.

- Bawasan ang mga kuko ng regular at dapat deretsong pahalang; i-file ito gamit ang emery board.

- suriin ang danger signs: sugat, hiwa, pamamaga sa pagitan ng mga daliri.

Magpasuri agad sa doktor kung sa loob ng dalawang araw ay hindi gumaling ang paa. (lahat ng sugat sa paa ay seryoso, ngunit kadalasang gumagaling kung aalagaan.

Pagpili ng sapatos

- bumili ng sapatos at direktang isukat sa paa (iwasan ang mail-order purchases)

- subukan ang sapatos kasabay ng medyas na gagamitin para rito at bilihin lamang ito sa hapon o gabi kung saan malaki ang sukat ng iyong paa.

- tseking maigi ang size ng sapatos na bibilihin lalo na kung bumaba o tumaas ang iyong timbang.

- palitan ang sapatos ng regular, isang paraan upang maiwasan ang pananakit ng paa.

Ito po ang bahagi para mga magaganda at mga guwapo…..sa wow portion….

Sana po ay nakapghatid ako ng dagdag kaalaman sa inyong lahat…..hanggang bukas….

Ito po ang inyong beauty agent…..Nancy Lawan……

 

Posted by dxupfm at 7:30 am | permalink | comments[2]

Pagpapaganda, likas sa mga Katutubong Pilipina

October 27, 2009

 (October 27,2009-Martes - Script na sinulat ni Nancy Lawan para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “WOW!!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: Ang pagpapaganda,likas sa mga katutubong pilipina……….paano kaya natin ito maachive…..ito ang ibibigay sa atin ni Nancy Lawan sa ating wow segment.. sa ating programang buhay-buhay sa DXUP..

(PLAY INTRO: WOW!)

NANCY..”Kumusta po kayo mga kaibigan……magandang umaga po sa inyong lahat….ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang….pagpapaganda,likas parin sa mga katutubong pilipina.………….……at heto na ang para sa mga wowwwwwwwwwwwwww…..ngayong umaga:  

Pagpapaganda, likas sa mga Katutubong Pilipina

Ang makabagong Pilipina ay mailalarawan bilang isang babae ang damit ay nauuso, gayundin ang kaniyang mga kagamitan katulad ng bag, sapatos, at iba pa. Isa ring katangian nito ang pagkakaroon ng palamuti sa katawan o paglagay ng mga pampaganda tulad ng pangkulay sa pisngi at labi, pagguhit sa mata at kilay, at paglagay ng iba pang pampaganda o make-up.

Ang paglagay ng mga pampaganda ay isa ring katangian ng mga kababaihan na kabilang sa mga liping kultural sa bansa. Ang kaibahan lamang ay ang kanilang pinagkukunan at ang kanilang mga pamamaraan. Ang mga kababaihan na kabilang sa mga katutubong lipi sa bansa ay may likas na pinagkukunan ng kanilang mga pampaganda, na hindi nangangailangan ng malaking halaga, hindi katulad ng ginagamit ng mga makabagong Pilipina sa lunsod.

Ang kababaihan sa ilang mga tribu ay gumagamit ng pampaganda buhat sa mga tanim na matatagpuan sa paligid. Ang kanilang pangkulay sa bibig ay karaniwang nanggagaling sa katas ng prutas, at ang kanilang polbo ay apog. Ang Sultana na sumalubong noon kay Magellan sa Limasawa ay kinulayan ng pula ang kaniyang bibig at mga kuko sa paa.

Ang mga babaeng Manobo ay gumagamit ng uling buhat sa palayok upang magkaroon ng kulay na itim ang kanilang bibig. Ang mauling na bahagi ng palayok ay kanilang pinapahid sa ibabang bahagi ng kanilang bibig.

Ang mga babaeng Kalinga naman ay gumagamit ng mistulang pandikit na kulay pula bilang pangkulay sa kanilang pisngi.

May mga tribung kultural din na ang pamamaraan sa pagpapaganda ay nakasasakit sa katawan. Isang halimbawa nito ang pag-uunat at pagtatabas ng tainga. Kung minsan, kinukurot ng mga Teduray ang balat ng kababaihan hanggang sa magkaroon ng pasa o mamuo ang dugo. Ito ay tinatawag na Kensal at bihira nang ginagawa sa ngayon. Ang Kensal ay karaniwang nilalagay sa noo.

Ang pinakamasakit na paraan sa paglalagay ng palamuti sa katawan ay ang paghasa ng ngipin. Ang mga nagdadalaga o nagbibinata sa katimugan ay hinahasa ang harapang bahagi ng ngipin. Kung minsan, ang nagsasagawa nito ay sarili nilang ama, sa pamamagitan ng panghasa na bato.

Ang nakangingilong ritwal ay tumatagal mula tatlo hanggang anim na oras. Ang hinasang bahagi ay kinukulayan ng itim. Ayon sa mga katutubo, ang kumikislap at mapuputing ngipin ay nahahalintulad sa mababangis na hayop, kaya kinakailangang maging iba ang anyo ng mga ngipin ng tao

Ito po ang bahagi para mga magaganda at mga guwapo…..sa wow portion….sa programang buhay-buhay sa dxup fm.

Sana po ay nakapaghatid ako ng dagdag kaalaman sa inyong lahat…..hanggang bukas.

Ito po ang inyong beauty agent reporter….…..Nancy Lawan……

Posted by dxupfm at 7:22 am | permalink | comments[2]

Mga Kaalaman Tungkol sa Golden Kuhol

October 26, 2009

(October 26-27, 2009-Lunes - Bahagi sinaliksik at Script na sinulat ni Nenita Minted  para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Alam Buhay”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Pinagmulan

 Ang “golden” kuhol ay nabibilang sa pamilya ng mga kuhol na naububuhay lamang sa mga lugar na malapit sa tubig-tabang. Nanggaling ito sa mga latian at ilog sa South America. Doon, ang mga ito ay mapaminsalang peste sa malalaking palayang sabog-tanim na ginagamitan ng mga eroplano at traktora. Hindi pa ito malalang peste sa mga lipat-tanim na palayan noon.

Nang dalhin ito rito sa Pilipinas upang pakinabangang pangkomersiyal, di inaasahang ito’y kakalat. Hindi napasama rito ang biyolohikal na elementong nakamamatay o nakapupuksa sa mga ito na matatagpuan sa South America.

 Hindi gaanong kahawig ng “golden” kuhol ang katutubong kuhol. Di pa naililipat ang biyolohikal na elemento ng katutubong kuhol sa “golden” kuhol. Kulay putik ang “golden” kuhol, mapusyaw ng kaunti sa matingkad sa kulay ng mas maliliit na katutubong kuhol. Bagama’t “Golden” ang ipinangalan ng mga pangkomersiyal na tagapamahagi ito, di ito ginto para sa mga magsasaka ‘pagkat nasasayang ang kanilang salapi, oras at enerhiya sa pagsugpo sa pesteng ito.

Inog ng Buhay

Mga Itlog. Ang mga itlog nito hugis peras ay kumpol-kumpol na may 50-300 bawa’t kumpol. Iniitlog ito sa mga pananim sa umagang-umaga at sa dapit-hapon sa mga pilapil at sa anumang bagay na di nakalubog sa tubig. Ang mga bagong itlog ay kulay-rosas at nagiging mapusyaw sa rosas kapag mapipisa na. Nagsisimulang mapisa ang mga ito 7-14 na araw matapos itong maiitlog

Pagkapisa Hanggang Hustong Gulang

 Ang mga bagong pisang kuhol ay kumapakapit sa anumang bagay na nakalutang gaya ng harang o gilid ng lawa, sa pananim at sa kapwa kuhol. Mabilis silang lumaki at sa sandaling panahon ay umaabot na sa hustong gulang. Nakakahinga silang parang isda sa ilalim ng tubig gayundin sa lugar na walang tubig. Nananatili sila sa ilalaim ng tubig kaya di sila natutuyo kung tag-araw. Kapag pinakakatihan ang palayan, bumabaon sila sa putik at patuloy na pumapailalim habang tag-init. Nabubuhay sila sa ilalim ng lupa hanggang anim na buwan at lumalabas kapag pinatubigan na ang bukid. Ito ang dahilan kunga bakit lumalabas kaagad ang maraming kuhol kapag naghahanda na ng bukid. Kinakain nila lahat ng uri ng tanim. Ang inog ng kanilang buhay ay umaabot sa 60 araw.

Kulay kayumanggi ang balat nig kuhol at puti hanggang malagintong rosas o kulay kahel na madilaw ang makatas na laman nito. Malalaman ang babae at babae sa pamamagitan ng hugis ng takip na sumasara kapag pumasok ang katawan nito sa balat. Ang takip ng sa babae ay pumapasok samantalang ang sa lalaki ay bumubuka.

Gaya ng tao, meron itong dalawang magkaibang kasarian, di tulad ng karamihang kuhol sa magkasama sa isang katawan ang dalawang kasarian. Ang nasa mga hustong gulang na kuhol ay nagtatalik anumang oras sa paghapon sa mga lugar na malalago ang pananim. Ginagawa nila ito sa lahat ng panahon sa buong taon kung saan mayroong patuloy na patubig. Umaabot mula 3-4 na oras ang ganitong pagtatalik.

Ang isang suso ay nakapangingitlog ng 200 - 300 bawat linggo o 1,000 - 1,200 itlog sa isang buwan at walumpung porsiyento (80%) nito ang napipisa.

Lawak ng Pinanginginainan at ang Kaugalian sa Panginginain. Ang mga “golden” kuhol ay kumakain ng lahat ng uri ng halaman. Napakalakas nilang kumain at kinakain pati azolla, mga damong “duck weed”, “water lili”, mga punlang palay at iba pang madahon at makatas na pananim at gulay maging anumang nabubulok na bagay.

Gustong-gusto nila ang mga murang punla at murang dahon ng mga pananim. Patuloy silang nanginginain araw at gabi at tinagurian silang “live-eating machine”.

Mga Maninila/Natural na KaawayKabilang sa mga natural o katutubong kaaway ng mga “golden” kuhol ang mga langgam, ibon, gagamba, daga, ibang maliliit na hayop, ahas at ibang reptilya. Ang mga pulang langgam na kumakain ng mga itlog ng kuhol ang pinakamalamang na kaaway na natural. Ang mga ibon ay kumakain ng itlog at bagong pisang kuhol samanatala ang mga daga at ahas ay kumakain at pumapataya sa maliliit na kuhol. Kinakain ng mga bibe ang kuhol sa bukid. mapipapakain din ito sa mga bibe pagkatapos na ito ay pulutin.

Ang Pagkalat ng Kuhol

Dumarami ang “golden” kuhol sa mga lugar na may tubig gaya ng mga lawa, latian, palay-tubigan, mga kanal at ibang pook na babad sa tubig. Gayunman,a ng komersiyal na dahilan ang nakapagpabilis sa paglaganap ng mga ito sa bansa.

Paraan ng Pagsugpo para sa mga Inilipat-tanim

Damihan ang mga binhing ipupunla at patubuin sa tubigan. Dagdagan ng kalahating kaban ang karaniwang dami ng punla para sa isang ektarya. Ang mga ekstra o laang-punla ay magagamit na panghalili sa mga punlang maaaring mapinsala ng mga “golden” kuhol.

Ang mga punla sa tubigan ay may kahirapang masalakay at mapinsala ng mga “golden” kuhol kaysa sa mga punlang pinatubo sa paraang “dapog”*, sapagkat mas magulang, malalaki at matatag ang mga puno.

Ang pagpapatubo ng mga punla sa mamasa-masang dahon ng saging, plastik, o sementadong lapag sa loob ng 10-14 na araw at saka dadalhin ang mga punla sa bukid at maingat na paghihiwalayin upang itanim sa lupang mamasa-masa nang di lubog sa tubig.

Pastulin ang mga bibe sa palayan pagkatapos mag-ani. Maraming kuhol ang nakakain ng mga bibe araw-araw. Hayaang manginain ang mga bibe sa palayan pagka-ani hanggang dumating ang isang araw bag o isagawa ang huling pagsusuyod. Huwag magpakawala ng mga bibeng nanlulugon ang balahibo ‘pagkat magiging makati ang tubig at ang mga taong gagawa sa bukid ay mangangati at mayayamot.

Gumawa ng mabababaw na kanal. Gumawa ng mga kanal sa tabi ng pilapil hanggang sa kabilang panig ng pinitak kasabay ng huling pagsusuyod. Dito sa maliliit na kanal magkukumpol-kumpol ang mga “golden” kuhol ‘pagkat may naiiwang tubig sa tuwing aalisang ng patubig ang bukid, at sa gayo’y magiging madali ang pamumulot ng kuhol.

Maglipat-tanim kapag ang mga punla ay magulang na. Maglipat-tanim ng mga punlang mayroon nang 25-35 araw ang gulang at may distansiyang 20 x 20 sentimetro bawa’t tundos na may 3-5 punla, nang sa gayon ang maiiwang punla ang makakahalili ng mga nasirang pananim gawa ng kuhol. Tamnan rin ang maliliit na kanal.

Maglagay ng mga panala sa pasukan ng tubig. Pagkatapos na pagkatapos maglipat-tanim, maglagay ng mga panala sa mga pasukan ng tubig upang hindi makapasok ang mga “golden” kuhol na kasama mula sa kanal ng tubig irigasyon patungo sa mga pinitak. Ang mga materyales na magagamit na panala ay mga supot na plastik na parang lambat, bubo na yari sa kawayan, mga sakong plastik na parang lambat at iba pang naaangkop na materyales.. Maglipat-tanim ng mga punlang mayroon nang 25-35 araw ang gulang at may distansiyang 20 x 20 sentimetro bawa’t tundos na may 3-5 punla, nang sa gayon ang maiiwang punla ang makakahalili ng mga nasirang pananim gawa ng kuhol. Tamnan rin ang maliliit na kanal.

Pastulin ang mga bibe sa palayan pagkatapos mag-ani. Maraming kuhol ang nakakain ng bibe.

Magtusok ng mga tulos na kahoy sa paligid ng pinitak. Maglagay ng mga tulos na kahoy na may isang metrong haba at isang pulgada ang lapad sa maliliit na kanal na may 3-4 na metrong agwat pagkaraang maglipat-tanim gayundin sa pasukan ng tubig. Dito sa mga tulos mangingitlog ang mga kuhol kaya madali ang pagpulot dito at pagpuksa.

Papasukin ang mga bibe sa palayan pagkaraan ng 35 - 40 araw pagkalipat-tanim. Ito’y lalo pang makakabawas sa dami ng kuhol sa pinitak pagkatapos maisagawa ang iba pang paraan ng pagsugpo.

Paraan ng Pagsugpo para sa Palayang Sabog-tanim

Dagdagan ang dami ng binhi. Magtanim ng binhi sa palayan sa daming tatlong (3) kaban baw’t ektarya. Bukod doon, magpunla pa ng kalahating kabang binhi sa tubigan. maghasik ng binhi lima (5) hanggang pitong (7) araw bago sumapit ang takdang panahon ng pagsasabog-tanim sa palayan. Ang karagdagang binhing pinatubo ay magagamit sa muling pagtatanim sa mga tundos na pinansala ng kuhol. Maglipat-tanim ng mga punlang mayroon nang 25-35 araw ang gulang at may distansiyang 20 x 20 sentimetro bawa’t tundos na may 3-5 punla, nang sa gayon ang maiiwang punla ang makakahalili ng mga nasirang pananim gawa ng kuhol. Tamnan rin ang maliliit na kanal.

Magpastol ng mga bibe sa palayan. Maisasagawa ito pagkatapos mag-ani hanggang sumapit ang isang araw.

Pulutin ang mga “golden” kuhol at ang mga itlog nito. Napakahalagang mapulot lahat ang mga kuhol bago isagawa ang huling pagsusuyod upang hindi labis na makapaminsala ang mga ito sa pananim sa panahong napakadali nitong mapinsala (hanggang 50 araw pagkatanim).

Magpastol ng mga bibe sa palayan. Gawing 20-25 sentimetrong luwang ng mga kanalets at 5-6 metro ang pagitan sa piinitak.

          Makagagawa mga kanaletas sa pamamagitan ng paghila ng isnag sakong may bato sa loob o paghila ng isang puno ng saging sa mga itinakdang lugar sa pinitak pagkatapos ng huling pagsusuyod.

          Bukod sa ganit nila bilang paagusan ng tubig, ang mga kanaletas ay nagsisilbing lugar na pinagkukupulan ng mga kuhol at sa gayon ay madali ang pamumulot ng mga kuhol at paglalagay ng kemikal na pamatay dito

          Maglagay ng mga panala sa pasukan ng tubig. Dapat itong maisagawa kaagad pagkatapos maghasik ng mga binhi upang hindi makapasok ang mga “golden” kuhol na maaaring madala ng tubig mula sa kanal ng tubig irigasyon patungo sa mga pinitak. Maaaring gumamit ng mga panalang gaya ng lambat na supot o sakong plastik at bubo na yari sa kawayan.

          Ilagay ang mga panala bago patubigan ang bukid at pangalagaan na hindi ito magbibira at masisira gawa ng mga duming nadadala ng tubig irigasyon sa unang pagpapatubig. Huwag magpakawala ng mga bibe sa

          Huwag magpakawala ng mga bibe sa palayang sabog-tanim. Magpastol lamang ng mula sa pagkaani hanggang sa paghahanda ng lupa para sa susunod na pananim.

          Isagawa ang mahusay na pamamahala sa patubig sa pamamagitan ng pagpapatubig sa mga pinitak isang linggo pagkaraang makapagtanim at ulitin ng 2 beses na may tig-isang linggong pagitan sa loob ng 4 na linggo pagkatanim hanggang dalawang linggo bago mag-ani, panatilihing nakalubog ang palayan sa tubig na may 3.5 sentimetro ang lalim. Kung matuklasang mayroon nang nagawang pinasalaang mga kuhol, alisan ng tubig ang mga pinitak upang maipon sa mga kanaletas ang mga kuhol at madaling mapulot st/o mabomba sng kemikal na pestisidyo. Pagkatapos mapulot ang lahat ng kuhol sa mga kanaletas, patubigan ulit ang linang. Kung kemikal na pestisidyo ang gagamiting pampatay sa mga kuhol, panatilihin ang 2-3 sentimetrong lalaim ng tubig sa kanaletas at saka maglagay ng inirerekomendang pestisidyo. Patubigang muli ang linang pagkaraan ng dalawang araw pagkatapos magbomba.

Paano Mapapakinabangan ang Kuhol

 Ang laman ng kuhol ay malambot, makatas at madaling matunaw. Ang kulay nito ay mapusyaw na dilaw papunta sa granate at magagawang iba’t ibang lutuin tulad ng sopas, ginataan, adobo, asado, pinirito o inihaw (para sa malalaking kuhol).

Ang Inirerekomendang Paraan ng Paglilinis ng Kuhol Bago Lutuin

         Anihin at ilagay ang mga kuhol sa isang lalagyang puno ng tubig sa gripo at hayaang nakababad doon sa loob ng 24 na oras upang maalis ang kinain na di pa natutunaw. Isa hanggang dalawang oras bago lutuin, hugasang mabuti ang mga kuhol sa solusyong 0.5 tasa ng suka na inihalo sa isang galong tubig upang mawala ang panunulas at burak na taglay nito. Upang maalis ang laman sa balat, ibuhos ang malinis na mga kuhol sa isang kalderong may kumukulong tubig at pakuluan nang 4-5 minuto. Huwag tigilan ng paghalo. Hanguin sa pinagpakuluan at banlawan sa malamig na tubig. Maaari na itong lutuin o itago sa repridyerator.

Sustansiyang Taglay

 Bawa’t kuhol ay may 15 gramong sustansiyang taglay, samantala ang isang kuhol na hustong isang subo ay nagtataglay ng sumusunod:

Enerhiya sa pagkain                           83.0 kalori                   Posporus                 61.0 mg.

Protina                                              12.2 gramo                  Sodyum                   0.4 mg.

Taba                                                  0.4 gramo                   Potasiyum               17.0 mg.

Karbohaydreyt                                    6.6 gramo                   Riboflavin                 12.0 mg.

Abo                                                   3.2                             Niacin                      1.8 mg.

Mga Lutuin sa Kuhol

TOKWANG KUHOL

1    platitong hito at giniling na kuhol

1    kutsarang ginayat na dahong mura ng sibuyas

1    kutsarang ginayat na kamatis

1    kutsarang dikdik na bawang

2    kutsarang mantika

1/2 kutsaritang asin

1/4 kutsaritang vetsin (MSG)

1/2 kutsaritang patis

1    itlog binati

1    kutsarang arina

  Paghaluin ang lahat ng sangkap. Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis at ang giniling na kuhol. Ihalo ang binating itlog at saka iprito. Ihain ng mainit.

GINATAANG KUHOL

2    platitong nilutong laman ng kuhol

2    tasang gata ng niyog

1    kutsarang ginayat na kamatis

1    kutsarang dikdik na bawang

1    kutsarang ginayat na sibuyas

2    kutsarang mantika

1    kutsaritang asin

1/4 kutsaritang asin (MSG)

2    kutsarang achuete

 Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis at saka isama ang kuhol at murang dahon ng sibuyas. Ihalo ang gata at tubig na pinagkatasan ng achuete. Pakuluin hanggang lumabas ang langis nito. Idagdag ang vitsen at ihain habang mainit.

KUHOL NA MAY PULBOS NG CURRY

2   tasang laman ng kuhol binanlian

1   tasang gata ng niyog

1   buntil ng bawang dinikdik

1   ulo ng sibuyas ginayat

2   pirasong kamatis ginayat

1   kutsarang pulbos ng curry

1   kutsaritang patis

1   tasang tubig

    mantika

    asin Igisa ang bawang sibuyas at kamatis at saka isama ang kuhol. Timplahan ito ng asin at patis. Ilagay ang  tubig  at pakuluan  hanggang  maluto. Isama ang mga gata at bulbos na curry. Patuloy .na haluin hanggang lumambot ang sabaw. Ihain habang mainit.

Posted by dxupfm at 7:23 am | permalink | comments[1]

Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya

(October 26,  2009-Lunes  Bahagi ng script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Mahalaga ang pamilya dahil ito   ang sentro ng ating lipunan. Ang isang barangay ay binubuo ng bawat pamilya. Kung walang mga pamilya walang barangay, walang bayan, walang lungsod, walang probinsiya, walang rehiyon at walang isang bansa. Nabuuo ang isang bansa mula sa pinagbuklod-buklod na pamilya. Yan ang ilan  sa nga kahalagahan ng isang pamilya.

 

Ang tanong ay Papaano ang Pagbubuo ng isang Matatag na Pamilya?  Bago natin talakayin ang pagbuo ng isang matatag na pamilya ay sagutin muna  natin ang katanungan na: “Ano ang kahulugan ng pamilya para sa yo?   

 

Simple lang iyan Kaka: Si “Tatay, nanay, si ate, si kuya at si bunso, equals isang pamilya”

May mga taong naniniwalang ang isang pamilya ay tulad sa isang   kahong puno ng mga bagay na ipinasok ano gusto mo, nakapaloob dito ang  pagmamahal, katuwaan, kaligayahan  at iba pang magagandang bagay. Ito ay isang kahong mabubuksan kailan mo.

 

Ngunit lalong mainam na ihalintulad natin pamilya sa   walang lamang kahon.  Nagiging maganda at makabuluhan ito batay sa kung ano ang ginagawa natin dito. Kong ano ang gusto mong laman, ay siya mong ilagay.  Ang ibig sabihin nasa iyo nakasalalay ang kinabukasan ng iyong pamilya.

 

Kailangang sidlan muna ito ng laman ng mga tao bago may makuhang anuman mula rito. Kung nais natin ng pagmamahal at katuwaan sa ating mga pamilya, kailangang magtanim muna tayo ng pagmamahal, paglilingkod at paghikayat sa isa’t isa. Kailangan punuin natin ang kahon, at huwag nating ilabas ang laman nito.

 

Matatagpuan sa buong mundo ang maraming matatag na pamilya.  Maaaring mayaman o mahirap sila.  Maaaring iba-iba rin ang pagkakabuo nila, halimbawa: isang ina, ama, at mga anak; o isang ina na may isa o higit pang anak; o  mga lolo’t lolang kasama ng kanilang mga anak at apo, o mag-asawang walang anak. Saan ka man sa mga nabanggit ay bahagi ka ng ating talakayan, kaibigan.

 

Sabi nga nila ang matatatag na pamilya ang pundasyon ng lahat ng dakilang bansa. Tama po ba?  Tumutulong silang humubog ng mga taong magiging duyan ng magandang lipunan. 

 

Ang payo nga ng isang guidance counselor: “Kung kailangan nating lumaking malulusog at maliligaya ang mga anak natin, mahalagang magkaroon tayo ng matatatag na pamilya”

.

Ano ang  kailangan sa pagbubuo ng matatag na pamilya?

 

 Kaibigan para maging matatag ang inyong pamilya, kailangang magkaroon ng sumusunod na katangian ang isang pamilya: may pananagutan  sila sa isa’t isa;  nagpapakita ng pagpapahalaga; may mabuting komunikasyon; may panahong nagkakasama-sama sila; sumusunod sa kanilang mga paniniwalang ispiritwal at umaayon sa kanilang mga pagpapahalaga at nakakaagapay sa stress.

 

Pananagutan  

 

Makatutulong tayong lalong mapatatag ang pamilya sa pagkakaroon ng pananagutan sa isa’t isa,  sa pagiging tapat, sa pagsasama-sama bilang isang grupo, at sa pag-aalaga sa isa’t isa.  Maraming paraan para maipakita ang pananagutan at mapanatiling ligtas, malusog at maligaya ang pamilya.  Halimbawa ay:

  • Maging tapat sa inyong pamilya. Sa puntong sekswal, maging tapat sa kapareha. Bawasan ang mga aktibidad sa labas at gumugol ng mas maraming oras sa piling ng iyong pamilya;
  • Tuparin ang mga pangako sa mga miyembro ng pamilya.
  • Maging maaasahan.  Tumawag o magtext  sa bahay kung mahuhuli ka ng uwi lalo na kong hindi makabalik sa takdang araw ng pag-usi mula sa trabaho.
  • Kung naglakbay ka sa malayo, huwag din kalimutang tumawag at huwag mangingiming  magsabi ng  “mahal kita ikaw lang babae sa aking puso” (PLAY LAUGHING)
  • Kapag may problema,  dumulog  sa isang kamag-anak, kaibigan   , para matulungan kayong harapin ito.

Pagpapahalaga

 

Ipakita  pagpapahalaga sa pamilya sa pamamagitan ng mga salita at gawa, sa ganito ay naipakikita natin sa ating pamilya na pinahahalagahan at itinatangi natin sila. 

  • Sabihin sa isang miyembro ng pamilya na siya ay mahal mo.
  • Kilalalanin ang katangian ng membro ng pamilya. Purihin ng  positibo sa bawat miyembro ng pamilya araw-araw.
  • Dalasan ang pagyakap sa mga miyembro ng pamilya, Ikaw tatay lalo na kay Nanay (PLAY LAUGHING).
  • Tulungan ang isang miyembro ng pamilya sa kanyang gawain ( pagliligpit, paglalaba,  

Pag-agapay

 

Alalahanin walang pamilya ay hindi nagkakaroon ng  problema.  Ngunit gamitin ang problemang ito   para maging lalong matatag ang samahan ng pamilya at maging dam para mapalapit sa isa’t isa.  Kaibigan, makinig ka,  kung medyo babaguhin natin ang ating pag-iisip, makikita nating ang krisis ay isang oportunidad para maging matatag. 

 

Pwede mo itong subukin para isolb ang problema ng iyong pamilya:

  • Mag-isip ng anumang mabuti, gaano man kasama ang sitwasyon.
  • Kunsultahin ang iyong pamilya, magsagawa ng Maswara o meeting.  Sa pamamagitan ng pagsasama-sama ay  malalagpasan ng  pamilya ang kahit pinakamahirap na problema.
  • Harapin ang mga problema nang dahan-dahan.  Gumawa ng listahan ng mga bagay na dapat gawin at isa-isang asikasuhin ito.
  • Mag-ehersisyo para mawala ang tensiyon at matulungan kayong magrelaks.  Gawin ito nang magkakasama bilang isang pamilya.

Kapamilya  muli ninyo kaming samahan   sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ito ang inyong kapamilya ang inyong segment writer/reporter si Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

 

 

Posted by dxupfm at 7:08 am | permalink | comments[3]

Mga Pagkain at Inuming Pampa-flat ng Tiyan

(October 26, 2009-Lunes- Script na sinulat ni Nancy Lawan para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “WOW!!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: Mga pagkain at inuming pampa-flat ng tiyan……….paano kaya natin ito maachive…..ito ang ibibigay sa atin ni Nancy Lawan sa ating wow segment.. sa ating programang buhay-buhay sa DXUP..

(PLAY INTRO: WOW!)

NANCY..Kumusta po kayo mga kaibigan……magandang umaga po sa inyong lahat….ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang….mga pagkain at inuming pampa-flat ng tiyan………….……at heto na ang para sa mga wowwwwwwwwwwwwww…..ngayong umaga ay ….  

MGA PAGKAIN AT INUMING PAMPA-FLAT NG TIYAN

1. Avocado. Ang prutas na ito ay malusog na nagdudulot ng monounsaturated fats (na matatagpuan din sa olive oil), na ikinakabit sa pagpapababa sa level ng LDL cholesterol at pagabawas ng timbang. Sa katunayan, lumabas sa pag-aaral na ang healthy-fat Mediterranean diet ay higit na epektibo kaysa sa diet na labis-labis na umiiwas sa fats sa kabuuan kaya hindi dapat ipag-alala ang pagkonsumo nito. Maliban sa calories, taglay din naman ng avocado ang fiber at protina.

2. Itlog. Ayon sa isang pag-aaral, natagpuan na ang mga taong nagpapataas ng percentage ng kanilang protein based calories sa sariling diet ay higit na nakasusunog ng hanggang 71 calories sa bawat araw (7.4 pounds kada taon).

Mainam kung sisimulang ikondisyon ang metabolismo mula sa pagbangon sa higaan sa tulong ng protein-rich breakfast na scrambled eggs. Ang scrambled eggs ay itinuturing na mahusay na diet-weight loss secrets.

3. Suha. Ang suha ay mainam na kabahagi ng regular meal ng isang tao kung saan napabibilis nito ang pagbabawas ng timbang ng indibidwal.Ang fruits acidity ay nakapagpapabagal sa digestion na ang ibig sabihin ay mas matagal itong nakararating sa patutunguhang sistema ng katawan na magbubunsod sa pagkaramdam ng pagkabusog sa matagal na oras. Ang vitamin C na naibibigay ng suha ay kumikilos upang mapabagal ang cholesterol sa katawan.

4. Green tea. Ang catechins, makapangyarihang antioxidants na matatagpuan sa green tea ay kilala sa pagpapabilis ng metabolismo. Ayon sa isang pag-aaral, nabatid na ang mga taong madalas kumonsumo ng catechins mula sa green tea sa araw-araw ay tinatayang nakapagpapababa ng body mass indexes at nakapagpapaliit ng sukat ng kanilang baywang kaysa sa iba. Ligtas na sabihin na ang green tea ay ang pinakamainam na inumin para sa kalusugan ng isang tao.

Sana para sa gustong maging  maganda at   guwapo…..palaging abangan ang ating  wow portion….sa programang buhay-buhay sa dxup fm.

Sana po ay nakapaghatid ako ng dagdag kaalaman sa inyong lahat…..hanggang bukas.

Ito po ang inyong beauty agent reporter….…..Nancy Lawan……

Posted by dxupfm at 7:02 am | permalink | comments[6]

Bakit nagkakaroon ng Pagdurugo? (Bleeding Emergency)

October 26, 2009-Lunes - Script na sinulat ni Noralyn Laguey Bilual para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Lets Doh It!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: May suliranin ba kayong mga kababaehan sa pagdurugo o yaong tinatawag na bleeding? Umantabay at makinig dahil tatalakayin ngayon ng health conscious reporter na si Noralyn Laguey Bilual ang  tungkol sa

Pagdurugo (Bleeding Emergency)

 

(PLAY-LETS DOH IT !! – INTRO)

 

Noralyn:  Ang matinding pagdurugo (hemorrhaging) ay isang krisis na kinakailangang lunasan agad upang mapigil ang pagkaubos ng dugo bago pa ito maging dahilan ng pagkamatay ng tao. Ang normal na tao ay may 10.5 pint ng dugo, kaya ang pagkawala ng kahit 2 pint ay nakamamatay. Kapag nasugatan o nalagot ang isang malaking ugat (major artery), inaasahang magaganap agad ang pagdurugo. Mabagal ang pagkaubos ng dugo kapag may kinalaman ito sa ulser o iba pang pabalik-balik na sakit, subalit makapagdudulot naman ng pinsala sa mga panloob na organ, gaya ng bato at bituka. Karamihan sa mga pinsala na na may kaugnayan sa bituka, matris, at baga ay maaaring pagmulan ng pagdurugo. Mababatid ito mula sa pagdurugo ng mata at tainga; sa pagsususuka o pag-ubo na may kasamang dugo.

 

Pagsusuri sa Sakit

 

Sa pagsusuri sa pagdurugo (bleeding emergency), sinisikap ng mga doktor na malaman kung saan nagmumula ang pagdurugo, ang dami ng dugong nawala, at kung ang pasyente ay nasa estado ng pagkagulantang. Minsan ay mahirap masuri kung saan nagsisimula ang panloob na pagdurugo. Kinakailangang hanapin kung may kakaibang pamamaga ng organ, may panlalambot, kung may mga galos o pasa sa katawan. Kailangan ding masuri ang mahahalagang senyales sa presyon ng dugo, ang tibok ng puso at bilis ng pagpapawis, at ang pagkakaroon ng malay.

 

Ang matingkad at mapulang dugo na nanggagaling sa isang sugat ay may kinalaman sa panganib sa ugat. Nangangailangan ito ng masusing atensiyon. Ang iba pang dahilan ay ang mga sumusunod:

 

    * Patuloy na pagdurugo kahit na binigyan na ng lunas;

    * Anumang malalim na butas o pagkapunit o sugat;

    * Napigtal o nadurog ang nerbiyos, litid, buto o kalamnan;

    * Nawakwak na balát na kinagat ng hayop;

    * Nabahiran ng lupa o iba pang bagay ang sugat;

    * Bumaon nang malalim sa kalamnan ang isang bagay na matulis o matalas;

 

Kapag naisaayos na ang pasyente, ang x-rays at iba pang pag-aaral ay kinakailangan upang makita ang pinagmumulan ng panloob na pagdurugo. Maaari ding magpa CT scan o MRI kung may nakikitang posibilidad ng pinsala sa ulo o pagdurugo sa loob ng bungo.

 

Medikal na paggamot

 

Unang priyoridad ang pagpipigil o pagpapahinto sa pagdurugo. Kung diniinan na ang ugat at hindi pa rin humihinto ang pagdurugo, kinakailangan nang sumailalim sa isang mabilisang operasyon ang pasyente upang ayusin ang mga nasalantang ugat o daluyan ng dugo at isara ang sugat.

 

Mahalaga ang susunod na gamutan para sa malalang sugat na nakabuka depende sa pinagmulan nito. Sa maraming kaso, binibigyan ng antibiyotiko ang pasyente upang makaiwas sa impeksiyon. Ang sugat ay nililinis, tinatanggal ang anumang bagay na bumaon o tumusok sa laman, pinapahiran ng pangontra sa bakterya ang sugat, at nilalagyan ng bago’t malinis na gasa ang sugat.

 

Halamang Gamot

 

Inirerekomenda ng mga albularyo na Tsino ang agrimony upang magamot ang mabigat na pakiramdam sanhi ng regla sa mga babae. Ipinapayo naman ng mga albularyong Indian ang bawang bilang gamot sa malalang pagdurugo ng babae. Sinasabing ang gel mula sa bagong putol na sanga ng aloe ay nakapipigil ng pagdurugo at para sa mabilis na paghihilom ng mga sugat.

 

Wastong Pagkain

 

Anumang sugat na naging sanhi ng kawalan ng maraming dugo ay maaaring magresulta sa kakulangan sa iron o anemia. Uminom ng bitaminang may iron, at kumain ng pagkaing mayaman sa iron (pulang karne, atay, pula ng itlog, at produktong cereal na may iron) upang makatulong na bumuo ng mga bagong red blood cells. Kailangan din ng protina upang maayos ang mga tisyu. Ang mga pagkaing mayaman sa bitamina K ay ang mga mabeberdeng gulay, gatas at atay.

 

Iba pang Sanhi ng Pagdurugo

 

Ang abnormal na pagdurugo ay isang babala ng sakit na kanser at hindi nararapat na balewalain. Sa kabutihang palad, ang ibang sanhi ng pagdurugo ay madaling nalulunasan. Halimbawa, ang bahagyang pagdurugo kapag nagsesepilyo ng ngipin ay sanhi ng gum disease. Ang dugo sa ihi ay dahilan sa cystitis, bladder o kidney stones. Para sa mga atleta, ang pagdurugo sa ihi ay resulta ng sobrang pagtakbo. Ang pagdurugo ng tumbong tuwing dudumi ay karaniwan nang dahil sa hemorrhoids, polyps, o pamamaga ng kolon.

 

Pagpapahinto sa Pagdurugo ng Ilong

 

Ang hindi mabigat na pagdurugo ng ilong ay humihinto makalipas ang ilang minuto makaraang diinan ang mabutong cartilage na nasa midline ng ilong. Kapag labis ang pagdurugo, kulay na matingkad pula, at tuloy-tuloy na umabot hanggang kinse minuto, ipinapayo ang sumusunod na pangunang lunas:

  • Umupo nang tuwid na ang bahaging itaas ng katawan ay nasa unahan, na hinahayaan ang dugo na lumabas lahat mula sa ilong kaysa pabalikin ito na maaaring mabulunan ang pasyente;
  • Pisilin at diinan ang parehong butas ng ilong sa pamamagitan ng pagpiga sa unahang bahagi ng ilong sa pagitan ng hinlalaki at index finger
  • Maglagay ng yelo sa noo, sa itaas ng bahagi ng ilong, at sa itaas na bahagi ng leeg
  • Kung dapat na balutin, gumamit ng gasa o istrip ng isang malinis na panyo o anumang tela. Huwag pasukan ng tisyu o bulak ang loob ng ilong. Iwasang tangalin agad ang packing sa loob ng maraming oras. Kung ito ay agad na tatanggalin, maaaring magalaw ang clots at muli na namang magsisimula ang pagdurugo ng ilong.
  • Humingi ng payong medikal kung patuloy ang pagdurugo, lalo na ito ay dahilan sa pinsala sa ulo o ilong, o kung ang pasyente ay mataas ang presyon o mayroon siyang bleeding disorder.

 

 Noralyn : yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan para sa inyong mga anak ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

 

(PLAY LETS DOH IT!!! EXTRO)

Posted by dxupfm at 6:59 am | permalink | comments[1]

Lutong Hipon Pampalaman

(October 26 2009  monday- Script na sinulat ni Lucy B. Duce  para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Alam Buhay”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: Sa ating segment na Alam buhay ibabahagi ni  madiskarteng ina na si Aling Lucy ang pagluluto  ng   LUTONG HIPON PAMPALAMAN na ihahandog  ni Aling Lucy…

 (PLAY – INTRO-ALAM BUHAY-MUSIC IN FADE OUT)

LUCY: “Masarp na palaman an gating luluyin ngayong unang araw  ng ating work week.kumusta mga kumara alam kung nandiyan na kayo at nakaantabay na sa ating recipe of the day.alam kung magugustuan ito n gating mga kids kung merong chicken sandwitch ay meron ding lutong hipon na masarap palaman sa tinapay,simulan natin ang paghahanda,narito na ang mga sangkap na ating ihahanda…

Mga Sangkap:

2 kutsarang margarina
3 kutsarang arina
½ kutsaritang asin
1 tasang gatas
¾ na tasang nilagang hipon, tadtarin
2 kutsarang berdeng sili, tinadtad
1 kutsarang paminton, tadtarin
1 itlog, batihing mabuti
¾ na kutsaritang katas ng kalamansi
1/8 kutsaritang putting paminta
2 habang tinapay

Paraan;

Tunawin sa kawali ang margarina. Ihalo ang arina at asin. Haluing mabuti. Isaling unti-unti ang gatas. Lutuin samantalang patuloy ang paghahalo. Kung malapot na, isama ang mga hipon, berdeng sili, at paminton. Isunod ang itlog,  sauce, katas ng kalamansi at putting paminta. Ipagpatuloy ang pagluluto ng ilang minuto para magkasama-sama ang mga sangkap. Hanguin. Alisin ang paligid ng tinapay. Iayos sa muffin cups. Tustahin. Lagyan ng isang kutsarang panlaman ( nang nilutong hipon)ang bawat muffin cup.

Isa na namang kaalaman ang naibagi ko sa inyo ngayong  umaga sana ay nakapgbigay ako ng dagdag kaalaman.hanggang sa muli sa isa pang ibisyon ng  bahay buhay sa dxup sa bahaging alam buhay.ako ang inyong segment reporter at madiskarting ina Lucy Duce.

 

Posted by dxupfm at 6:45 am | permalink | comments[1]

Athletic Official: Pinapatupad ang ESWM Program

October 24, 2009

Balita  Alih S. Anso

Nuro, Upi (Oct 22).. Pinaalalahanan ni Ginoong Gerardo Udas bilang pansamatalang district supervisor ng hilagang Upi district, ang mga atleta at mga opisyal na lumahok sa sa ginaganap na Palarong Pandistrito ng Hilagang Upi, na ginaganap sa Nuro Central Elementary School (NCES).

 

Sinimulan ang district meet kaninang umaga sa parade paikot sa Barangay Nuro at magtatapos ang paligsahan sa 24 Oktubre.

 

Ayon kay Udas ang kasalukuyang punong gurong NCES ay ingatan ang pagtatapon ng basura dahil mahigpit na pinapatupad ng paaralan ang batas na   Ordinance # 3  ng bayan ng Upi na “Comprehensive Ecological Solid Waste Management Ordinance of the Municipality of Upi as Amended” na papatawan ng kaukulang multa ang sinumang mahuling hindi pinaghihiwalay ang basurang nabubulok at hindi.

 

Ang bawat paaralan, tanggapan, tindahan at sasakyan ay obligadong   magkaroon ng kanyang sariling basurahan para sa  nabubulok at hindi nabubulok.

 

Ang Ecological Solid Waste Management Ordinance ( ESWM) project ay pormal na inilunsad ng Local na Pamahalaan ng Upi noong December 20, 2007, sa pangunguna ni Upi Mayor Ramon A Piang Sr..

 

Ang naatasan na maging Municipal Enviroment Natural Officer ay si Gloria B. Sentillo. Ang opisinang ito ang nangagalaga at nagbabantay sa kalinisan ng paligid, lalo sa pamamahala sa tamang pangangalaga at pagtatapon ng mga basura.

 

Marami na ring nabigyan ng “citation ticket” o multa ang mga enforcer o mga  kawani na nagpapatupad ng Ordinace # 3. Ang ibang opisina at paaralan ay  may second offence na o multang P300, ang una multa ay  isang daang piso.

Posted by dxupfm at 6:40 am | permalink | Add comment

Ensaladang Tuna ni aling Lucy

October 23, 2009

October 24 , 2009  Lunes- Script na sinulat ni Lucy B. Duce  para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Alam Buhay”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: Sa ating segment na Alam buhay ibabahagi ni  madiskarteng ina na si Aling Lucy ang pagluluto  ng  ensaladang tuna.

 

 (PLAY – INTRO-ALAM BUHAY-MUSIC IN FADE OUT

 

LUCY:  Isang masarap na appetizer ang lulutuin natin ngayon at tiyak kong mabubusog na naman kayo sa inyong agahan ngayong umaga.mga mare ihanda ang inyong mga papel at lapis para mailista natin ang mga paraan sangkap n gating recipe ngayon.eto na at magluluto na tayo,…

.

ENSALADANG TUNA

 

Mga Sangkap:

1 tuna (17 onsa)
2 maliliit na patatas, ilaga at hiwain
1 pulang mansanas, alisin ang ubog at kudra-kudraduhin
1 repolyo banlian at gayatin
1 kalamansi
paminta at asin
asukal, mayonesa

 

Paraan;

 

Patuluin ang tuna. Ilagay sa salaang aluminyo saka buhusan ng mainit sa tubig. Himayin ang tuna. Pagahalu-haluin ang repolyo, patatas, mansanas at tuna. Isama ang katas ng kalamansi, paminta, asin, asukal at mayonesa. Haluin upang magkahalu-halo ang mga sangkap. Ilagay sa mangkok at gayakan ng ibig na gayak. Ihaing malamig.

Isang kaalaman na naman ang naibahagi ko sa inyo try niyo din at enjoy.hanggang sa bukas sa isa pang idisyon ng buhay buhay sa dxup sa bahaging alam buhay ako pa rin ang inyong segment reporter at madiskarting ina Lucy Duce.

Posted by dxupfm at 4:04 pm | permalink | comments[4]

Gusto mo ba ng Pagbabago sa iyong sarili para maging kaakit-akit?

 (October 23, 2009-Biyernes- Script na sinulat ni Nancy Lawan para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “WOW!!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose:  Gusto mo ba ng Pagbabago sa iyong sarili para maging kaakit-akit? O yaong tinatawag  na total make over? Alam mo ba kong papaano mo ito makakamtan?….Samahan si Nancy .ito ang ibibigay sa atin   sa ating wow segment.. sa ating programang buhay-buhay sa DXUP..

(PLAY INTRO: WOW!)

NANCY:  “Kumusta po kayo mga kaibigan……magandang umaga po sa inyong lahat….ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang….gusto mo ba ng total make over?….….……at heto na ang para sa mga wowwwwwwwwwwwwww…..ngayong umaga,   Pagbabago sa iyong sarili para maging kaakit-akit? Gusto mo ba ng total make over?

Kapag maganda talaga ang panlabas na kaanyuan mo ay lumalabas din ang iyong confidence. Pero ika nga, feeling good on the inside is a major boost.

Naka-encounter ka na ba ng isang taong may kakaibang karisma o charm? Na halos magtaka ka dahil parang mayroon siyang power at personal magnetism kung kaya’t ganoon na lamang ang paghanga ng mga taong nakakakita sa kanya. Kung hindi mo nararamdaman ito sa iyong sarili, maaaring kailangan mo ng total makeover.

So anong dapat mong gawin?

1. Magkaroon ng Sense of Humor.  Kung ikaw ang tipo ng taong ‘cool’, marunong tumawa sa sarili at sa mga nangyayari sa buhay, magandang ugali ito para maging ‘cool ka’. Isa pa ang pagtawa ay nakakawala ng stress. Hindi lahat ng bagay ay dapat seryosohin.

2. Maging maunawain sa kapuwa o considerate..Kung totoo pagmamalasakit o ang pagiging considerate mo sa ibang tao (sa kanilang paniniwala at pangangailangan), mararamdaman mo ring tunay ang puna o pagkilala nila sa iyo. Mahirap magustuhan ang taong makasarili.

3. Madaling lapitan o approachable .  Kung approachable ka sa mga tao, marami kang magi-ging kaibigan. Ang pagiging approachable ay ang pagbibigay mo ng iyong matamis na ngiti, malambing o maaayos na pagsasalita, marunong makinig at makaunawa sa mga bagay-bagay.

4. Mapagmahal sa kapwa.    Ang sarap ng pakiramdam kung naaalala mo ang kapakanan ng ibang tao na halos makakalimutan muna ang iyong sarili. Maging sensitive sa nararamdaman ng iba kung saan hindi ka magi-ging judgmental.

5. Mapagpasensya at mahinahon.  Maging mapagpasensya at huwag basta magbitiw ng salita laban sa iba. Pag-isipanng mabuti ang sasabihin bago ito ibato sa iba.

6. Magkaroon ng tiwala sa sarili o self confidence.  Kung palagay at tiwala ka sa sarili mo, mararamdaman ito ng iba at lalapit sila sa iyo. Ang bagay na ito’y tumutukoy sa sariling kaalaman, tanggap nila kung ano ka at naiintindihan mo ang sarili mo.

7. Maging maganda ang Pag-uugali.  Kung maganda ang iyong pag-uugali, makukuha mo ang respeto at paghanga ng iba. Ang pagiging totoo, patas, tapat ay positibong bagay upang madaling maharap ang buhay.

Kaya kung mayroon ka nitong mga katangian na ito, agad na mararamdaman mo ang tunay na kahulugan ng kagandahan. Ito ang kagandahang iuukit mo sa iyong sarili at hinding-hindi makukuha ng iba.

Ito po ang bahagi para mga magaganda at mga guwapo…..sa wow portion….sa programang buhay-buhay sa dxup fm.

Sana po ay nakapaghatid ako ng dagdag kaalaman sa inyong lahat…..hanggang bukas.

Ito po ang inyong beauty agent reporter….…..Nancy Lawan……

Posted by dxupfm at 7:58 am | permalink | comments[4]

Mga dapat gawin kung may karamdamang Tipus (Typhoid Fever)

(October 23  2009-Tuesday - Script na sinulat ni Noralyn Laguey Bilual para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Lets Doh It!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “tatalakayin ngayon ng health conscious reporter na si Noralyn Laguey Bilual ang  tungkol sa  Tipus (Typhoid Fever).

 

(PLAY-LETS DOH IT !! – INTRO)

 

Noralyn : Ang tipus ay isang impeksyon na dala ng bakterya na madaling makaapekto sa bituka at iba pang bahagi ng katawan. Madali itong maikalat kapag ito ay  napasama sa inumin at pagkain. Ang tipus ay mapanganib.

 

Ito ang mga palatandaan sa unang linggo, mga senyales  ng pagkakaroon ng trangkaso tulad ng ubo, masakit na kasukasuan, masakit na ulo, panghihina at masakit na lalamunan. Puwedeng matindi ang sakit ng ulo, unti-unting pagtaas ng lagnat hanggang maging 40oC o higit pa, kung minsan ay nagsusuka, nagdudumi at nakararamdam ng pagsakit ng tiyan, mabagal na pulso kahit may lagnat. Bilangin ang pulso at kunan ng temperatura tuwing kalahating oras. Kung bumabagal ang pulso ngunit tumataas ang temperatura, ang pasyente ay maaaring may tipus.

 

Sa ikalawang linggo, mataas na lagnat ngunit mabagal na pulso, ilang batik na kulay rosas sa katawan, sobrang panghihina, panginginig minsan, pagdedeliryo, paggaan ng timbang at pagkawala ng tubig sa katawan at pagkabalisa.

 

Sa ikatlong linggo, kung walang komplikasyon, ang lagnat at iba pang sintomas ng karamdaman ay unti-unting nawawala.

 

Para maiwasan, sundin ang mga alituntunin sa kalinisan. Karaniwang nang nagkakaroon ng epidemya ng tipus pagkatapos ng baha. Ugaliin ang pagiging malinis sa lahat ng oras. Kung may mga kapitbahay na may tipus, pakuluan ang inuming tubig nang 30 minuto.

 

Huwag gamitin ang mga kagamitan ng may tipus upang hindi kumalat ang sakit na ito. Sigaan o ibaon ang dumi  ng may tipus. Ang tagapag-alaga ng may sakit ay dapat maghugas na mabuti ng kanyang kamay.

 

Kahit magaling na ang maysakit, mayroon pa ring bakterya ng tipus sa kanyang dumi kaya dapat siyang maging maingat sa kanyang personal na kalinisan. Hindi siya dapat magtrabaho sa restawran at bakery o iba pang lugar kung saan ang pagkain ay hinahawakan.

 

Kumunsulta sa manggagamot para magamot ang lagnat, pagdudumi  at pagkawala ng tubig sa katawan. Palakasin ang resistensya, uminom ng maraming likido at kumain ng masustansiyang pagkain. Ang maysakit ay dapat magpahinga hanggang mawala nang tuluyan ang lagnat.

 

Ang mga komplikasyon ay maaaring magdugo o mabutas ang bituka sa ikatlong linggo kung ang tipus ay hindi nagagamot. Maaaring biglang bumaba ang temperatura at bumilis ang pulso at magkaroon ng shock ang may tipus. Ito ay nasusundan ng pagdumi na may dugo. Ang pagkabutas ng bituka ay maaaring dahilan upang ang maysakit ay makaramdam nang matinding pananakit ng tiyan.

 

  yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan para sa inyong mga anak ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

 

(PLAY-LETS DOH IT !! – EXRO)

Posted by dxupfm at 7:01 am | permalink | comments[5]

Kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim at Islam

(October 23,  2009-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: “Ikaw Kaibigan, alam mo ba ang kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim, At Islam? Alam mo ba kailan, saan dapat gamitin? Alam mo o hindi? Samahan ninyo kami ni Kaka Alih sa ating segment na  Nakaka…..”

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:   “Kilala ko na sila pare”.  sagot kaagad ng isa ng nating kumpare.

 

Sino sila? 

 

“Sila ang mga taga Mindanao, sila ay mga Muslim, hindi kumakain ng baboy”. Paliwanag ni pare.

 

Iyan ba ang tunay na kahulugan ng Bangsamoro?  Ng Muslim? Buweno  ating tatalakayin ang Kahulugan ng Bangsamoro, Pilipino, Muslim at Islam, ang mga kumplikadong mga terms sa ngayon, dahil hindi pa gaanong naiintindihan.

 

Sino ang Pilipino at Bangsamoro?

 

Tunghayan natin ang pagpapaliwanag ng isang manunulat kong sino ang Bangsamoro at Pilipino na sinulat ni Kaka Ali na may titulo na Pilipino at Bangsamoro, Magkapatid? http://dxup.multiply.com/

 

“Ang tinatawag na Pilipino ay yaong mamayan na mga taga Pilipinas, na dinatnan dito ng Kastila, na sumunod sa mga kaugalian, relihiyon o iyong mga napilitang magpasakop sa kapangyarihan ng Kastila, dahil wala ng magawa kundi magpasakop dahil talo sila sa lakas at armas sa pakikipaglaban. Ang ilan sa Pilipino ay ang mga Taga-ilog o Tagalog na taga Bulakan at Maynila, mga Ilokano, Ilonggo, Cebuano at iba pang tribo.

Ang tinatawag naman na Moro ng mga Kastila ay yaong mga mamayan na dinatnan nila na lumalaban sa kanila, at katulad na katulad ng mga ugali, abilidad sa pakikidigma at relihiyon ng mga naging kalaban din nila sa kanilang bansang Espanya, na o mga taga Morocco.

 

Bagamat Moro sa una ang tawag, nitong mga huling panahon ay nadugtongan ng Bangsa na ang kahulugan sa sariling wika natin ng Bangsa ay angkan, kaya naging Bangsamoro na ngayon ang tawag. Nabibilang sa mga tinatawag ngayon na Bangsamoro ay ang tribong M’ranaw, Yakan, Maguindanaon, Iranon, T’duray, Suban’n, Tau Sug at marami pang iba, ang ibang manunulat, tulad ni Prof. Rudy Rodil ay hinati sa sa dalawang kategorya ang Moro, ang Islamized at hindi, o ang ibig sabihin ng Islamized ay tinanggap ang Islam bilang religion at pangalawang kategorya ay nanatili sa kanilang nakaugaliang pananampalataya.”

 

May mahigit sampung mga tribu na kinikila   bilang mga Bangsamoro, ang alam natin dito sa Upi na Bangsamoro ay ang Maguindanaon, Meranao, Iranun,   Tau Sug at marami pang iba.

 

Sino naman ang mga  Muslim?

 

Alam mo kapatid na nakikinig, marami sa atin ang nag-aakala na ang Muslim ay isang taong isinilang mula sa mga magulang na Muslim, o di kaya, siya yaong isinilang sa Mindanao o sa bansa, tulad ng Saudi Arabia na ang nakakarami ay Muslim.

 

Ayon sa ating mga Aleem o Marurunong, ang lahi, kulay, tribo, angkan, o pangalan ay hindi mga batayan upang ang isang tao ay matawag na Muslim.  

 

“Ang Muslim ay ang nilikha ng Allah na Sumusunod, Sumusuko at Tumatalima sa Kanyang mga kautusan. Sa katunayan, hindi lamang tao ang matatawag na Muslim. Maging ang lahat na nilikha ng Allah bukod pa sa tao (katulad ng mga bituin sa kalangitan, ang araw at ang hangin) ay maituturing na Muslim, sapagkat silang lahat ay mga nilikha na sumusunod sa likas na batas na inilagay ng Allah sa kalikasan.

Isang kamalian at hindi kailanman matatanggap ng mga Muslim na tawagin silang mga “ Muhammedan ”, sapagkat ito ay nagbibigay kahulugan ng pagsamba kay Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ang Islam ay hindi kailanman nagtuturo ng pagsamba sa Propeta o anumang nilikha lamang ng Allah. Bagkus, ito ay naghihikayat sa tao na sumamba lamang sa tangi at nag-iisang Allah, at nagbabawal sa anumang uri ng pagsamba na iniuukol sa nilikha.” (http://moro.jeeran.com/)

 

Ano naman ang kahulugan ng Islam?

 

Ang kahulugan ng Islam ay pagsuko at pagsunod sa mga kautusan ng Allah nang walang pagtutol.

 

Sa  http://correctme.multiply.com, niliwanag ni Kaka Ali ang terminong Islam at Muslim:

 

“Ang terminong Muslim ay tumutukoy sa tao na naniniwala sa Allah(Poong Maykapal). Na sa simpleng pag-sasalin (translation) ang ibig sabinin nito ay “Naniniwala” (Believer) at sa relihiyong pag-uusap (religious connotation) ang ibig sabihin ay ang taong….. “sumuko sa Dakilang Lumikha” at ang kanyang rehiliyon ay Islam, na ang ibig sabihin naman sa payak (simple translation) na paghuhubad ay Kapayapaan (Sallam). At sa relihiyong pag-tanaw ay… “isinuko ang sarili sa Poong Lumikha” (one who submit to the Will of God)

 

Kapatid sana ay nagkaliwanagan na tayo sa terminong Bangsamoro, Pilipino, Muslim, Islam, sa muli kami ay nag-anyaya sa darating na Lunes, samahan ninyo kami sa ating segment na Nakaka.. sa programang buhay-buhay sa DXUP.. ang segment writer/reporter Kaka Alih. Wasallamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

 

Ito ang inyong kapatid   Kaka Ali ang inyong segment writer at producer,   Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

(PLAY-EXTRO NAKAKA)

 

Posted by dxupfm at 6:56 am | permalink | comments[1]

Spaghetti ni Aling Lucy

October 22, 2009

October 19, 2009-Lunes  - Script na sinulat ni Lucy B. Duce  para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Alam Buhay”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: Sa ating segment na Alam buhay ibabahagi ni  madiskarteng ina na si Aling Lucy ang pagluluto ng  Spagetti.

 

(PLAY – INTRO-ALAM BUHAY-MUSIC IN FADE OUT)

 

LUCY:Masarap na pangmeryenda paborito ng mga kids kahit saan party ay makikita,mabenta sa mga fastfood,kahit saan tt mabibili sa mababang halaga sa 15 pesos ay makakain kna ng masarap na  meryenda,hali na kayo mga mare at simulan na natin ang  pagluluto,

 

SPAGHETTI

 

Ingredients:

 

1. Spaghetti Sauce (I prefer yung del monte sweeet)

2. Ground beef 1/2kg CORNED BEEF

3. Red bell pepper 1 pc

4. Carrot 1 pc

5. Ground black pepper 1/2 teaspoon

6. patis 4 table spoon

7. Oyster sauce 2 table spoon

8. Sugar 3 tablespoon

9. Cooking oil

10. White cheese/nestle cream

11. Onion

12. Garlic

13. Cooking oil(sunflower, olive, palm)

14. 1cup water

15. Tomato paste 1 teaspoon

 

Direction for cooking:

 

  Pakuluan ang ground beef for about 30 minutes hanggang lumabas and mantika. lagyang ng cooking oil para tuloy iprito, kung nagbrown na ang color, itabi, igisa ang bawang at sibuyas, pagkatapos ibalik ang pritong ground beef, tapos lagyan ng patis, ilagay din ang ground black pepper, takpan at hayaan kumulo ng 2 minuto. Ihulog ang carrots, haluin at takpan, makatapos ang 4 na minuto ihulog ang bell pepper, takpan at hanggang 4 na minuto, pagkatapos ilagay ang spaghetti sauce at tubig at pagkulo ilagay ang tomato paste at lagyan ng sugar, hayaang kumulo, kapag kumukulo na, ilagay ang white cheese o nestle cream, pagkulo, tikman kung ok na at patayin ang kalan, kung hindi pa ok ang timpla dagdagan ang alat o tamis sang-ayon sa gusto ninyo.

 

  Yan ang masarap na  pangmeryenda na aking naihain sa inyo ngayong umaga  hanggang bukas sa isa pang idisyon ng buhay buhay sa DXUPFM sa bahaging alam buhay ako ang inyong segment reporter at madiskarting ina Lucy Duce,magandang umaga

Posted by dxupfm at 3:59 pm | permalink | comments[1]

Pananaw ng Pinoy sa Kanilang Inihalal na Opisyal

(October 22,  2009-Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: Ikaw Kaibigan, ano ang iyong pananaw sa iyong inihalal na Opisyal? Ang iyong binotong Sangguniang Bayan, Bise Alkalde, Mayor at iba pa, ano ang inaasahan mong kabayaran sa pagboto sa kanila?  Tulungan si Kaka Ali na sagutin ang mga katanungang iyan sa ating segment na nakaka

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Alam mo kaibigan ibat-iba ang pananaw ng mga Pinoy sa kanilang inihalal na opisyal, halimbawa sa Sanggunian bayan o kagawad.

“Talagang hindi ako nagkamali kay Kagawad, sa pagboto sa kanya”. Masayang pagbabalita ni Maam.

 

“Bakit?”

 

“Biruin mo ng magkumbolsyon ang anak ko, pinahiram ang kanyang sasakyan at maniwala pare siya pa ang nag-drive, idol ko talaga si Kagawad kaya sa susunod na election, ikakampanya ko siya”. Dugtong ni maam.

 

“Hay naku Mare, ako din may maganda akong balita, alam mo si Mayor, ng magkandidata ang anak ko sa Miss Valentine, nagbigay siya ng malaki kaya nahirang na Miss Valentine si Inday”. Balita naman ni Kumare.

 

Iyan ang pananaw ng mga Pinoy sa kanilang mga inihalal na opisyal, sila ang tagapagligtas sa kanilang personal na pangangailangan. Ang kanilang nakikita ay ang personal na ugnayan sa kanilang opisyal.

 

Teka tuloy muna natin ang kuwento. Si Pare # 2 naman, pakinggan ang kanyang statement.

 

“Hay naku, iyang si Kagawad, kahit siya na lamang ang kandidato, hindi ko siya iboboto”.

 

Bakit?

 

“Biruin mo, ng magsolicit ang anak ko para sa kanilang year book, ¼ page lang ang binigay, pero ng nangangampanya yan kaming lahat na pamilya sumasama sa lahat ng kanilang mga rally sa Barangay”. Patuloy ni pare.

 

“Ako din si Vice, halos hindi na ako makapagtrabaho sa bukid dahil sa pangangampanya sa kanya, ngunit ni isa mga anak ko walang man lang naipasok na empleyado sa kanyang office, walang utang na loob, di bale sa susunod na election, lilipat na ako” paliwanag ng isang kaibigang magsasaka.

 

Tama ba ang inyong mga naririnig sa ating mga kababayan, ano nga pala ang dapat asahan sa nahalal na Kagawad, Vice Mayor at Mayor, iyong personal savior?

 

Ang alam ko kasi kaibigan ang inihalal mo ay isang membro ng sangguniang bayan o kagawad at ang trabaho ng kagawad ay legislative o tagapanukala ang batas o ordinansa. Katulad ni ni Vice Mayor, siya ang presiding officer ng sangguniang bayan, sila ang mga taong pag-aaralan ang pangangailangan ng kanilang mga constituents o kababayan at sila ay magpapasa ng kaukulang resolution o ordinansa.

 

At ang alam ko ang ibinoto mo ay para maging Mayor, ang mayor mo ay hindi para lamang sa iyo, siya ay mayor ng bayan, at ang trabaho ng mayor ay bilang punong ehikutibo, siya ang nagpapatupad ng mga programa, na nababatay sa mga ordinansa at resolution ng ating bayan.

Alam kaibigan   may napapansin pa ako na dapat baguhin, kong minsan may kailangan tayo sa ating Mayor. Ganito ang style natin.

 

“Pare, sa Linggo natin puntahan sa bahay niya si Mayor, dahil walang masyadong bisita, tiyak mapipirmahan iyang recommendation ng inaanak ko at hingian mo na rin ng kanyang pocket money, mahihiya iyan si mayor, sasabihin ko na ikaw ang campaign leader naming sa inyong barangay,….. sa opisina kasi marami siyang bisita at pinipirmahan”

 

(LAUGHING)

 

Kawawang Mayor, wala ng pahinga, pati ang oras  at pera para sa pamilya ay inaagaw pa ng taong bayan.

 

Halimbawa kong hindi ka nag-iisa sa style na iyan, at sampu kayong pupunta at hihingi kay mayor ng parehong tulong? Wala ng pahinga ang inyong mayor, saan na niya kukunin ang pera na ibibigay sa inyo, alam mo ba magkano ang suweldo ng Mayor? 25 thousand lamang… si mayor ay tao lamang hindi superman.. hindi milyonario … may pamilya din na ginagastusan.. kong ganyan ka Kaibigan, saan kukunin ni Mayor ang hinihingi natin..? matutukso na siyang kumuha sa kaban ng bayan? Gagawaan niya ito ng paraan para hindi ka magtampo.. ikaw kasi ang nagtulak sa kanila…dapat alamin mo kong ano ang trabaho ni Kagawad, Vice mayor at Mayor, sila ay public official.. sila ay para sa bayan.. hindi lamang para sa iyo at iyong pamilya.

 

Iboto natin sila hindi dahil may utang na loob tayo sa kanila.. iboboto mo sila dahil alam at gagawin nila ang kanilang tungkulin sa bayan… hindi sa iyo lamang..

 

Ito ang inyong Kandidato ehe..(LAUGHING) Hindi pala.. kundi ito ang iyong Kaka Ali ang inyong segment writer at producer,   Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

 

Posted by dxupfm at 10:21 am | permalink | comments[2]

Pagpili ng Tamang Bra Para iyong Sarili

October 21, 2009

(October 21, 2009-Miyerkules- Script na sinulat ni Nancy Lawan para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “WOW!!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: “Marami po sa ating mga kababaihan ang hirap sa paghahanap ng tamang size ng kanilang bra.….paano kaya natin ito maachive…..ito ang ibibigay sa atin ni Nancy Lawan sa ating wow segment.. sa ating programang buhay-buhay sa DXUP..”

(PLAY INTRO: WOW!)

NANCY..”Kumusta po kayo mga kaibigan……magandang umaga po sa inyong lahat….ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang tips sa pagpili ng magandang bra na babagay sa inyo….……at heto na ang para sa mga wowwwwwwwwwwwwww…..ngayong umaga    ay Pagpili ng Tamang Bra   Para iyong Sarili o Bra fitting guide.

Marami sa mga babae ang hirap sa paghahanap ng tamang size ng kanilang bra at ayon sa survey, aabot sa 80 porsiyento ng mga kababaihan ang biktima ng maling fit at bra size. Hindi ito healthy para sa breasts lalo na kapag sobrang sikip sa parte ng inyong dibdib.

Hangga’t maaari, papahingahin sa pagsusuot ng bra ang inyong dibdib minsan sa isang araw, preferably more than 12 hours of your day should be bra-free. Makakatulong ito para sa lymph flow sa boobs. At sa pagpili ng bra, mas mabuting magpaalalay sa isang professionall bra fitter para matiyak na tama ang fit ng bra.

1. Ang band size (chest size) ay ang number part ng iyong bra size. The cup size is the letter part. Ex. Kung 36 B ang iyong size, 36 ang band at B ang cup.

2. Hindi mo makukuha ang magandang bust measurement kung ikaw lang ang magsusukat sa sarili mo. Let someone else measure you.

3. A measurement can be done over the bra you are wearing and over your T-shirt kung gusto mong mag-fit pero iwasan mong magsuot ng makapal na t-shirt o sweater kung magpi-fit ng bra.

4. Kung may kalakihan o bagsak na ang iyong boobs, itaas muna ang strap ng inyong bra para makuha ang accurate measurement.

5. Kung may padding ang suot na bra habang sinusukatan, hindi mo makukuha ang tamang sukat ng iyong boobs. If you plan on getting fitted wear a bra without padding.

6. Magsukat ng iba’t ibang style ng bra para mas madami kang pagpipilian. Every style fits and fills different and can “shape” your breast differently.

7. Huwag madaliin ang sarili sa pagpili ng bra. Pakiramdamang mabuti ang fit at feel ng sinusukat na bra. Maglaan ng sapat na oras at panahon kapag bibili ng bra. Many women have had to take up to an hour, or more, trying on several different sizes and styles to find the bra that gave them the fit and feel they wanted.

Ito po ang bahagi para mga magaganda at mga guwapo…..sa wow portion….sa programang buhay-buhay sa dxup fm.

Sana po ay nakapaghatid ako ng dagdag kaalaman sa inyong lahat…..hanggang bukas….

Ito po ang inyong beauty agent reporter….…..Nancy Lawan

Posted by dxupfm at 7:17 am | permalink | comments[2]

Kaunlaran

Blog Entry    

(script na sinulat ni Alih S. Anso- anchor/scriptwriter ng “Udto na Adi”-11:00-12:00 noon Monday-Friday-community radio station DXUP FM 105.5 MHz)

 

Lahat ng nilikha ng may sapat na kaisipan ay naghahangad ng kaunlaran. May personal na kaunlaran at panglipunan kaunlaran. Sa araw na ito ay pag-uusapan natin ay ang likas-kayang kaunlaran (sustainable development).

 

Ang Likas kayang kaunlaran ay isang uri ng pag-unlad na walang naiiwanan at walang naisasaalang-alang na bahagi ng komunidad. Samakatuwid, lahat ay dapat nakikinabang sa kaunlaran.

 

Ngunit taliwas yata ang katotohanan dito dahil  ang kasalukuyang pag-unlad sa ating lipunan ay hindi likas-kaya at marami ang naiiwanan.” Paliwanag ng isang kaibigan na ayaw ipakilala ang pangalan.

 

Tama ka kaibigan sa iyong obserbasyon sa ating lipunang nakapaligid, tila yata ang paglaki ng ating ekonomiya o economic growth  ay nasasabayan ng kawalang ng kinabukasan  para  sa ating susunod na henerasyon,  dahil kasabay nito ang paglala ng pagkasira ng ating likas-yaman (natural resources)  kung saan dito tayo umaasa sa pang-araw araw na pamumuhay ang bawat mamamayan.

 

Ang pag-unlad ng ating ekonomiya ay di nasasabayan ng pagdami ng hanapbuhay lalong-lalo na sa mga mahihirap at marami and lalong pinapahirapan   dahil lumalaki ang agwat ng mayayaman sa mahihirap.

 

Ang mga mayayaman na ay lalong yumayaman at ang mga mahihirap di lamang dumadami ay lumalala pa ang kanilang kahirapan.

 

“Ang kasalukuyang pag-unlad ay nasasabayan din ng kawalan ng boses pulitikal ng mga mahihirap dahil nawawalan ng karapatan ang komunidad at ang bayan sa mga pagdedesisyon nito sa sarili nitong kaunlaran dulot ng pakikialam ng mga interes mula sa labas ng komunidad at bayan na syang nangingibabaw sa mga kritikal na desisyon ng pag-unlad.” Patuloy ni pare

 

Tama ka Pare koy, sa ngayon daw ay mahirap maging lider ang mahirap lamang kahit na ito ay may sapat na kuwalipikasyon, dahil isa sa bagong kuwalipikasyon na maging lider ng bansa o bayan ay isang baul baul ang iyong pera, dahil kinakailangan mong mamudmud  sa mga mamayan para ikaw ay kanilang bobotohan.

 

Para sa akin kaibigan kong hindi ito, maitatapon ang tila basurang kaugalian nating nabubuo ay baka mabulok na tayong tulad sa isang basura.  

 

Kapatid na nakikinig, alam mo bang   sa kasalukuyang uri ng kaunlaran ay masasabing di nakakaugat sa ating kultura?   

 

Bakit?

 

Dahil imbis na payamanin at lalong palakasin nito ang likas na kalakasan ng ating kultura ay nagdadala ito ng isang uri ng pamumuhay   na masyadong materyalismo at konsumerismo na sumisira sa ating mga pagpapahalaga sa mga spirituwal at sa ating pananampalataya.

 

Kung kaya masasabi nating ang kasalukuyang uri ng kaunlaran ay nagdadala ng paglaki ng ekonomiya ngunit wala naming saysay sa buhay ng komunidad (meaningless growth).

 

Maiiwasan at malalabanan natin ito kung ang pag-unlad ay nagmumula sa likas na kalakasan at batay sa tunay na kalooban ng mga bumubuo ng komunidad. Pumapaloob dito ang likas na yaman, likas na dunong at kakayanan ng mga tao, positibong kultura at tradisyon at malinis at makatuwirang direktang pamamahala.

 

Hindi ng direkta o hindi direktang pakikialam ng walang kaalaman sa ugat ng suliranin.

Ang kaunlaran natin sa ating bansa ay maraming hadlang.

 

Bawat tribu, bansa at henerasyon ay may sariling pananaw sa sinasabing kaunlaran. Ano bang bansa ngayon sa mundo ang maulad? America? Japan? Singapore?

 

Ayon sa mga malalayo ang pananaw o malaki ang angking talino o sa yaong  matatalinong tao:

 

 “May pag-unlad ang kanilang pisikal na kaunyuhan, ngunit sira naman ang kanilang moralidad, nawawala ang kanilang pananampalataya sa Diyos”

 

Mga iba pang hadlang sa kaunlaran.

 

1.    Sistema ng goberno (system of government)

 

Bawat tribu o bansa ay may kinamulatan, nakaugalian at pinaniniwalaan na sistema ng kanyang pamamahala sa sariling pamilya, tribu o bansa.

 

Kadalasan, ang nangyayari ay iniinsist o ipinipilit natin na ito ang tamang sistemang ng pamahalaan ang nararapat sa isang bansa, isang rehiyon o tribu. Ang halimbawa nito ay ang Pilipinas, ang nilimbag na sistema ng pamahalaan (system of government) ng  Amerika  sa atin ay isang experiment lamang, dahil ang kanilang sisetma ay di katulad ng kanilang nilmbag para sa mga Pilipino. Sa America ay hinati hati sa estado (state) at bawat estado ay may sariling system na angkop sa kanilang mamayan.

 

Sa Pilipinas ngayon ay nahati-hati ang mga pinuno (leader) natin kong anong sistimang goberno ang paiiralin. Ang iba ay nagsusulong na panatilihin ang kasalukuyang sistema na ang presidente ay separate sa legislature, ang iba naman ay parliamentary system, ang iba tulad ni Nene Pementel. Ayon sa balita, ang    Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ay nag- filed Joint Resolution 10 na may mungkahi (proposal) na magpapalit tayo ng mula sa  presidential patungo sa  parliamentary system ng government. Ito ay sinuportahan ng ibang senador. ( Manuel Villar Jr., Edgardo Angara, Pia Cayetano, Juan Ponce Enrile, Francis Escudero, Jose “Jinggoy” Estrada, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan and Ramon “Bong” Revilla Jr.)

 

Ayon kay Chiz Escudero: “Ang sistema ng goberno   ay isang paraan lamang ng pagbibigay ng serbisyo sa mamayan at hinahati ito sa kanya kanyang aspeto at nasasakupan, hindi na natin kailangan magpalit ng gobyerno kundi ang magkaroon lang ng tamang implementasyon ng mga polisiya na para sa mamayan,”.

 

Wala daw sa sistema ng goberno ang ikaayos kundi sa pagpapatupad at pamamalakad ng isang lider.

 

2.    Pinuno (leadership)

 

May sinabi si Senador Ecudero: “SA LIDER BA  SA SISTEMA BA NG GOBYERNO  O SA MAMAMAYAN”…  ang kaularan ng Bansa?

 

May nagsasabi na: “sa pinuno ng Bansa (presidente) nakasalalay ang pagkakaroon ng malinaw at malawak na pagkakaintindi sa hinaharap na pamumuhay ng bawat isa sa ating bansa, tayong mga pilipino ay may ugaling asa kung saan ay palagi nating tinitignana ang lider na simbulo ng katatagan at may paninindigan para sa pangkalahatan…ngunit kapag ang ating pinuno ay me mga isyung kinahaharap na walang kasagutan at puro pagbabalat kayo tayo ay nadadala na at imbis na katigan ay ating isinasawalangbahala na lamang dahil sa kapangyarihan nya, na kung tutuusin ay tayo rin dapat ang mag alis sa kanya….”.

 

Ayon sa  isang leader ng bansa: “ isang lider na na may paninindigan, tapat sa pangkahalatan polisiya ng pamamalakad”

 

Ayon kay Michael “Mike” Mastura (dating congressman at ngayon ay member ng MILF peace panel): “….ang kailangan sa leader ay may political will”.

 

Ang ibig sabihin nito ay lider na may paninindigan sa sarili, hindi basta-basta ma-psy-war ng kanyang kalaban, hindi nagdadalawang isip na ipatupad ang alam niyang tama.

 

Sabi ng isang retired na guro at politician: “Mamayan ang syang sandigan ng isang bansa para sa kanyang kaunlaran. Kailangan iwasan ang lagayan, usigin ang lumalabag sa batas, at higit sa lahat palakasin natin ang pananampalataya sa Diyos”.

 

3.    Edukasyon-

 

Ang edukasyon ay hadlang sa kaunlaran kong ito ay hindi angkop sa paniniwala ng mga mamayan, ang mga tinuturo nito. Kinakailangan ang tamang disinyo (design) mga curriculum para sa mga bata, na angkop sa kanilang kultura at paniniwala. Kinakailangan  na linangin ang  kanilang kamulatan sa “moral values” na kailangan paniniwala, upang hindi tumino sa kanilang isip at matanim sa kanilang puso at damdamin.

 

Kinakalilangan din na maitama ang pag-iisip ng mga kabataan kong papaano gagamitin ang karunungan na kanilang natutunan, lalo na sa makabagong imbensyon. Dahil mawawalan ang saysay ang  mga pagsusulong na binsagang: “Edukasyon Tungo sa Kaunlaran”.

 

Ako, ikaw, tayo ay nangangarap na maging propesyunal sa darating na panahon upang marahil ay makatulong naman tayo sa ating magulang at nakakabatang kapatid o kaya naman ay  makiisa sa pagsulong at pag-unlad ng daigdig.

 

Sa panahong ito, tapang, tiyaga, talino at paniniwala sa itaas ang kailangan. Hindi sapat na makatapos ka lamang ng kolehiyo, kailangan ang patuloy na pag-aaral para sa kaunlaran.

 

Mga kaibigan, nasa COMPUTER AGE na po tayo ngayon, makabago at moderno ang teknolohiya. Kung ating iisipin, sadyang mabilis ang pagsulong natin. Subalit sa isang sulok ng aking pag-iisip ay nagtatanong.

 

“Kaunlaran nga bang matatawag ang dulot ng edukasyon sa ngayon?”

 

Kasi nga nariyan ang mataas na antas ng teknolohiya subalit mataas na antas din ng suliraning kinakaharap ng ating bansa. Halimbawa nito   maalaala ba ninyo ang millenium bug o Y2K? Noon  ang pagkasira ng mga computer sa taong 2000. Ang patuloy na imbensyon ng mga gamit pandigma,  na ang bunga sa sanlibutan ay   pagkasira ng ating kinabukasan, o pagkagunaw ng mundo.

 

Payo ni Ustadz (ayaw ipabanggit ang pangalan): “Bakit hindi natin gamitin ang katalinuhan sa paggawa ng mga bagay na ayon sa ikabubuti ng lahat, hindi upang maging tanyag at kilalanin ng buong mundo. Bakit hindi natin isipin ang susunod na henerasyon.”

 

Maranasan pa kaya ng ating susunod na henerasyon  ang kaginhawahan at kaunlaran  pagdating ng panahon kung ang ninanais ng ating mga henyo ay makapagpabagsak ng ekonomiya ng iba upang tanghalin at kilalaning pinakamatalino at pinakamataas?

 

Nakalulunos isipin na ang dulot ng kaunlaran sa edukasyon ay ang pagbagsak at maling layunin. Kung ating sasariwain, tunay na nga ba  tayong maunlad. Bakit ko naitanong  iyan?

 

Nariyan ang mga ATM’s na isang pindot mo lang ay pera na, mga computer na sasagot sa marami mong katanungan kahit sa pag-aaral, mga cellular phones, mga remote control na sasakyan at ang huli’y ang napapabalitang micro o computer chips na kapag napalagay sa kanang kamay o sa noo ay di na kailangan ng salapi sapagkat mabibili mo na ng anumang nais bilihin– ang tawag diyan ay cashless society.

 

Nakapangingilabot isipin, dahil sa labis na kaalinuhan ng tao, ang Diyos na makapangyarihan ay kinakalaban na ng tao. Pilit na binagago ang  mga nilalang ng Diyos. Pinapalitan ang kasarian, nagkamali ba ang Diyos?

 

Ang mga Kabataan sa ngayon  ang susunod na henyo ng darating na panahon, susundan ba natin ang yapak ng naunang henyo?

 

Hindi masama ang pag-unlad kung layunin ay para sa ikabubuti ng tao at hindi pansarili lamang.

 

Sa panahong ito, kailangang bukas ang ating isipan sa anumang teknolohiya na pumapasok sa bansa mula sa silangan at kanluran at ibang panig ng daigdig upang hindi tayo madaya ninuman. Isang hamon ang nais kong iwanan sa bawat kabataan–saan mo nais gamitin ang iyong talino –sa kabutihan? sa katanyagan? sa pansarili lang ba? na sa bandang huli’y siguradong pagsisihan mo?.

 

Mga kaibigan ang tunay na Edukasyon tungo sa kaunlaran, ay ang mga imbensyong hindi nakasisira sa kalikasan at sangkatauhan o ni nagiging sanhi ng karahasan.

 

4.    Kultura at Kaugalian

 

Dahil sa kultura at kaugalian na iba-iba ay isa sumasagabal sa ating kaunlaran, kaya, nararapat na maintindihan natin ang mga kultura at kaugaliang ito ng bawat tribu upang ating mabigyan pansin at respeto. Palagi nating bigyan ng consideration  sa ating pag-mumungkahi at pagpapatupad ng mga batas ang kultura at kaugalian.

 

5.    Peace & Condition

 

Kinakailangan natin alamin ang punot dulo ng mga kaguluhan, hindi lamang sa kanyang kasalukuyang dahilan kundi ang pinakaugat nito.

 

Halimbawa nito ay peace at order na lumalabo dito sa atin bansa. Ang palaging tinitingnan ng karamihan ay ang dahilan ay ang kasalukuyang    pinagmulan ng gulo, hindi tiningtingnan ang pinaka-ugat nito. Para sa mga Bangsamoro ang dahilan ay ang Justice na hindi naipapagkalob sa kanila.

 

Posted by dxupfm at 4:43 am | permalink | comments[4]

Basurang Nagtambakan Di Nahahakot

October 20, 2009

Balita-Alih S. Anso at Nenita Minted

Nuro, Upi, Maguindanao (Oct 20)…..”Nagtambakan na naman   ang mga basurang  hindi nahahakot sa ibat-ibang bahagi ng Nuro”.  ito ang report sa garbage update ni Nenita Minted, kaninang umaga sa programang Bantay Bayan Boses ng Sambayanan.

Kanina, sa programang Talakayang Pangbarangay (8:00-9:00 umaga na anchor ni Rex Pablo ay nakatanggap din ng SMS (text): “BARANGAY HINDI NA BA HAHAKUTIN ANG BASURA D2 SA MARKET? TAMBAK TAMBAK NA ITO, BAKA DI NA MAKARGA SA ISANG HAKUT, SANA BISITAHIN NINYO…”

Nakasaad batas na kinakailangan malinis ang paligid sa lahat ng panahon, at sinumang lumabag sa Ordinance # 3  ng bayan ng Upi na 

A Comprehensive Ecological Solid Waste Management Ordinance of the Municipality of Upi as Amended” ay papatawan ng kaukulang multa.

Ang bawat tindahan at sasakyan ay obligadong   magkaroon ng kanyang sariling basurahan para sa  nabubulok at hindi nabubulok.

Ang Ecological Solid Waste Management Ordinance ESWM project ay pormal na inilunsad ng Local na Pamahalaan ng Upi noong December 20, 2007, sa pangunguna ni Upi Mayor Ramon A Piang Sr..

Ang naatasan na maging Municipal Enviroment Natural Officer ay si Gloria B. Sentillo. Ang opisinang ito ang nangagalaga at nagbabantay sa kalinisan ng paligid, lalo sa pamamahala sa tamang pangangalaga at pagtatapon ng mga basura.

Kaugnay ng ordinansa ang LGU Upi ay bumili ng “second hand” na mini-dump truck para panghakot ng basura.

Mahigpit ang pagpapatupad ng nasabing batas ay bilang pangangalaga sa kalusugan ng mamayan. At sa layunin ng Lokal na pamahalaan na mapabilang sa isa sa malinis na bayan sa bansang Pilipinas.

Sa unang pagpapatupad nitong batas ay naka-schedule ng dalawang beses bawat araw ang paghahakot ng dump truck sa basura sa Poblacion ngunit nitong kalaunan ay medyo nabawasan ang oras ng paghahakot sa hindi pa napag-alamang dahilan.

“Madalang na  ang paghahakot ng basura ang dump truck ng LGU”. reklamo ng isang mamamayan .

Araw-araw ay pinatutugtog sa community radio DXUP FM 105.5 MHz ang patalastas sa basura bilang paalaala sa mga mamayan.

Posted by dxupfm at 9:54 am | permalink | Add comment

Mga Payo Ni Ate Noralyn kong Papaano Mababawasan ang Taba

(October 20,  2009-Tuesday - Script na sinulat ni Noralyn Laguey Bilual para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Lets Doh It!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “tatalakayin ngayon ng health conscious reporter na si Noralyn Laguey Bilual ang  tungkol sa Lucky 7 tips para mabawasan ang taba.

 

(PLAY-LETS DOH IT !! – INTRO)

 

Noralyn: Kung di na maharap pang mag-ehersisyo para mabawasan o masunog ang mga taba sa katawan, may ilang mga klase ng pagkain na makakatulong para gawin ito at mapanatiling malusog ang ating pangangatawan at makaiwas sa anumang karamdaman.

 

1) Kumain tayo ng isda na mayaman sa protina.  Bakit? Papaano kasi  nagtratrabaho ng husto ang ating katawan sa pagdurog at pagtunaw ng ating kinakain upang magproduys ng protina at habang ginagawa ito, nasusunog ang mga calories. Kaya pinakamagaling kumain tayo ng isda na mayaman sa protina at Omega-3 fatty acids.  Mayaman din ang   monggo, bichuelas at iba pa sa protina.

 

  2) Kumain ng Oatmeal — Ang taba sa beywang ay tiyak na di cute tingnan, maliban na lamang sa mga sanggol. Kaya ang mairerekomendang whole grains para sa diet ay ang oatmeal tuwing almusal.  Depende na sa gusto mong panlasa dahil maraming flavored oatmeal ngayon.

 

3) Kumain ng mga spicy foods.  — Alam naman natin na kapag kumain tayo ng maanghang, nagsisimula tayong pawisan di ba? Yan ay dahil medyo nakikiliti ang ating puso at ito ay nagiging dahilan ng metabolismo ng katawan, kahit pansamantala lamang. Nakakatulong ito sa mabilis na pagtunaw ng taba at ang maanghang na sangkap ay tiyak na libre sa calories.

 

4) Kumain ng fat-free na dairy products — Napatunayan na ang mga taong kumakain ng low-fat o fat-free na dairy products ay mas malaki ang nababawas sa kanilang timbang. Mabisang magkasama talaga ang calcium at protina para sa kalusugan kaya’t inirerekomenda ang yogurt. Maaari mo itong haluan ng paboritong prutas at sugar free na preservatives. Maging ang isang manipis na pirasong cheese ay maaaring gawing merienda.

 

5) Uminom ng sapat na  tubig   —- Napakaimportante ng sapat na tubig na iniinom araw-araw para masunog ang taba sa katawan. Tandaan na di magiging mahusay ang pagtratrabaho ng katawan kung dehydrated o nanunuyo na tila wala kang lakas o sigla. Panatilihing gumagana ang makina ng katawan, piliting uminom ng hanggang walong basong tubig araw-araw.

 

6) Pagkaing cinnamon ay minumungkahi — Marahil di gaanong batid ng mga naggagayak ng pagkain na ang ihinahalo nilang cinnamon o kadalasang ginagawa lang palamuti sa mga tinapay ay nakakatulong sa pagpapaayos ng sugar level sa katawan. Kapag mataas ang sugar level, mas maraming taba ang naiimbak sa katawan, kaya’t sa tulong ng cinnamon nababawasan ito.

 

7) Kumain ng Mansanas o katulad nito — Kasabihan nga na isang mansanas sa araw araw ay nakakatulong para sa maayos na diet. Dahil ang mansanas ay may pectin na naglilimita sa taba na mahihigop o matatanggap ng ating cells, maliban sa mga kailangang hibla o fiber nito, kaya’t sa susunod na nais mong magmeryenda, dumampot na lang ng paborito mong mansanas.

 

Para makatiyak para sa inyong kalusugan konsultahin ang inyong manggagamot kung makakabuti ba o makasasama ang payong ito.

 

Noralyn : yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan para sa inyong mga anak ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

 

(PLAY LETS DOH IT!!! EXTRO

Posted by dxupfm at 8:20 am | permalink | comments[4]

MAHILIG KA BA SA UKAY-UKAY?

 (October 20, 2009-TUESDAY - Script na sinulat ni Nancy Lawan para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “WOW!!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose:  “Mahilig ka basa ukay-ukay,para sa mga nagtitipid….ito ang ibibigay sa atin ni Nancy Lawan sa ating wow segment.. sa ating programang buhay-buhay sa DXUP..”

(PLAY INTRO: WOW!)

NANCY:  Kamusta po kayo mga kaibigan……magandang umaga po sa inyong lahat….ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang tips sa mga nagtitipid..paano kaya natin ito maachive……at heto na ang para sa mga wowwwwwwwwwwwwww…..ngayong umaga      

Mahilig ka ba sa Ukay-Ukay

Marami sa atin ang nagtitipid sa ngayon at patuloy ang pagdami ng mga nagpupunta sa mga garage sale o mas kilala sa tawag na Ukay-Ukay para mamili ng kung anu-ano. Dito tayo nakakakita ng second hand na damit, laruan, household items at iba pa sa murang halaga.

Kung gusto ninyong maging epektibo, masaya at mas matipid ang inyong pamimili gawing gabay ang mga sumusunod na tips.

1. Bago ka pumunta sa Ukay-Ukay, mas magandang ilista muna ang bagay na bibilhin at kakailanganin at ito ay sa pamamagitan ng pagsusuri sa bawat kwarto ng bahay kung anong bagay ang wala pa kayo.

2. Magtanung-tanong sa mga kakilala kung saan mas konbinyenteng second hand stores ang pwedeng puntahan. Iwasang ubusin ang oras sa paghahanap ng mabibilhan.

3. Sa inyong mapupuntahan,makabubuting magsama ng isang kapamilya o kaibigan na marunong tumingin ng magandang bilihin o marunong tumawad. Huwag kalimutan magsuot lamang ng komportableng damit sa pamimili upang hindi mahirapang maghanap ng mga bagay-bagay.

4. Huwag magdala ng malalaki o buong pera sa pamimili. Kung makikita ng tindera na kayo ay mapera, baka mahirapan kayong tumawad o mahirapan kayong suklian. Iwasan din ang magdala ng maraming bitbitin o kasamang bata sa pagpunta sa Ukay-Ukay.

5. Huwag basta iwasan ang mga di nakaayos na mga bilihin sa ukay-ukay gaya halimbawa ng mga magulo at patung-patong na mga damit. Kadalasan, kung ito’y hahalungkatin mas maraming bagay kang makikita at tiyak na mapakikinabangan.

6. Kung maramihan ang inyong bibilhin, kailangang marunong kayong makipagtawaran.Kung dose-dosena ang inyong kukunin, maaari kayong tumawad ng P5.00 hanggang P20.00 o higit pa sa bawat item na matitipuhan o depende ito sa inyong mapag-uusapan.

7. Siyempre pa, gaya ng tradisyong ugali sa pamimili, mas magandang pumunta sa Ukay-Ukay sa umaga o sa oras ng pagbukas nito. Sa ganitong oras masarap mamili kung saan makakapili kayo ng maayos at maaasikaso kayo ng tao sa tindahan. 

Ito po ang bahagi para mga magaganda at mga guwapo…..sa wow portion….sa programang buhay-buhay sa dxup fm.

Sana po ay nakapaghatid ako ng dagdag kaalaman sa inyong lahat…..hanggang bukas….

Ito po ang inyong beauty agent reporter….…..Nancy Lawan……

Posted by dxupfm at 7:51 am | permalink | comments[3]

Upi COMELEC: Patuloy Ang Voters Registration

Balita-Alih S. Anso

 

Nuro, Upi (Oct 20)…..Ngayong   ay pangalawang araw ng  Voters Registration   sa bayan ng Upi, Maguindanao na  pinangangasiwaaan ni   kay Election Officer 3-Flordelina Muñoz. 

 

Magbubukas ngayon umaga ang Comelec Office ganap na alas otso ng umaga upang tanggapin ang kabataan na magdidisiotso sa Mayo 10, 2010,  at sa mga botanten ililipat ang kanilang voting center dito sa Upi

 

Nadagdagan din ang mga Barangay na  nagpaschedule  kabilang dito ang  Blensong October 24, Rifao October 27 Kibleg October 29 at  Darugao  October 30.

 

Nauna na ang naischedule ang Barangay Borongotan sa October 20, Nangi sa October 21, Bugabungan sa October 22, Kinitaan sa October 23, at Rempes sa October 28.

 

Sa 2008 umabot sa 20,742 ang rehistradong botante  sa Upi at inaasahang madadagdagan ng libo ngayong taon.

 

Nakatakda naman sa  November 22-30 ang filing of Certificate of Candidacy para sa mga local na official.

Posted by dxupfm at 7:12 am | permalink | comments[1]

Pinoy Style sa Pagpili ng Leader

 (October 20,  2009-Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host/Lenyrose: Papaano ba  pumipili ang mga Pinoy ng kanilang  pinuno? Kayo Kaibigan ano ang iyong batayan?  Samahan si  Kaka Alih sa ating segment na Nakaka at magbibigay siya ng ilang pointers….

 

(PLAY INTRO)

 

Kaka Alih:  Sa ating  bansang Pilipinas, ang halalan (election)  ay isang paraan ng pagpili ng mga pinuno, sa ganitong sistema ay   kasama ang taong bayan, at kong sino ang maraming nakuhang botante ay siyang nananalo. Ngunit dahil sa sistema na hindi gaanong naiintindihan ng mga Pinoy ay nagiging marumi o nagkakaroon ng dayaan.  Kaya naman   patuloy ang mga religious groups, tulad ng simbahang Katoliko, at iba pang grupo, sa paghimok at pag-alalay “sa mga mamamayan sa pag-gawa ng mga pagpapasyang pulitikal na magbibigay ng katiyakan sa mga pinamumunuan ng pagkakataong makapaghalal at papanagutin ang mga namumuno sa kanila, gayundin ang palitan sila, kung kinakailangan palitan ngunit sa mapayapang paraan.”

 

Kanilang itinuturo ang pagpili at gawing managot ang mga pinuno sa kanilang mga pinamumunuan at napakahalagang pagpapasya na dapat sumunod sa pamantayang moral.

Pinapa-alalahanan din nila ang mga mamayan na labag sa kabanalan ng halalan ang pagbili ng boto o ang pagpalit nito sa anumang pangako kapalit ay konting pabuya. Ang anumang pamimilit ay labag din dito.

 

Ang dapat nating hanapin ay ang pinaka-magaling na pinuno.

  1. Ang pinaka-magaling na pinuno ay ang taong may pag-ibig sa Diyos at at may takot sa Kanya.
  2. Ang pinaka-magaling na pinuno ay isang tao na ginagabayan ng konsensyang nahubog na mabuti at laging nakahilig sa pagpili sa kabutihan.
  3. Ang pinaka-magaling na pinuno ay yaong  namumuhay at naglilingkod ayon sa mga panuntunan ng moralidad.
  4. Ang pinaka-magaling na pinuno ay yaong may matapat, hindi marahas at mahabagin sa kanyang nasasakupan.
  5. Isang taong gumagalang at nangangalaga sa mga nauubos na biyaya ng kalikasan at humihimok sa iba mahalin at pangalagaan an gating inang kalikasan.
  6. Ang pinaka-magaling na pinuno ay isang taong handang magsakripisyo ng pansarili, pang-partido o pangsamahang interes para sa pagsulong ng pagkakaisa, kapayapaan at kabuuang pag-unlad ng kanyang bayan, bansa at ng mga mamamayan.

Samantala ang mga Bangsamoro naman ay may nakaugalian   ng pagpili ng   kanilang mga pinuno.

 

Ang pinuno ng mga Bangsamoro ay maaring tinatawag na  Imaam, Sultan, Amer.  Ano mang position o ranggo ay may batayan din sila sa pagpili dito. Isinasagawa nila ang pagpili sa pamamgitan ng Sura o kunsultasyon. Pinipili nila ang Imaam o Sultan sa pamamagitan ng kanyang:

  1. Sa angkan- ang kanyang “breeding”, ay mula sa angkan ng maharlika, (royal blood);
  2. Talino/ edukasyon- may pinag-aralan, makabasa o memoriado (memorized by memory ) ang kabuuan ng Qur’an at alam at kahulugan, kong di man ay may alam siya dito, may alam sa hadith, at may angking talino;
  3. Pangangatawan (Physical)- magandang lalaki, makisig, matipuno, matangkad, matapang at iba pa;
  4. Pananampalataya- may paniniwala sa Allah, Ang tanong papaano malalaman na siya ay may paniniwala sa Allah? Ang isang Muslim ay dapat maniwala sa Anim na rukun ng Islam at limang haligi ng Islam at ang lahat ng ito ay isasagawa hindi lang sinsabi.

Ito ang inyong segment writer at producer, Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabartakatuh.

 

Posted by dxupfm at 6:57 am | permalink | comments[1]

Pinoy Style sa Halalan

October 19, 2009

 (October 19,  2009-Lunes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Papaano na nga ba bumuboto ang mga Pilipino sa ngayon? 

 

 (NAKAKA- INTRO)

 

Kaka:  Ang pagpili ng pinuno ng bansa, lalawigan, hanggang sa Barangay ay idinadaan sa botohan at kong sino ang may pinakamaraming natanggap na boto siya ang idedeklarang nanalo.

 

Ngunit nitong huling mga halalan ay tila hindi na nasusunod dahil kong sino ang may kakayanang baguhin ang resulta ng botohan ay siyang nanalo, hindi na ang binuto ng nakakarami.

 

“Marami ng pagbabago Kaka, sa klase ng ating halalan sa Pilipinas”   himutok ni Maam.

 

Tama ka maam, marami na akong napapansin na dapat ng itama sa tamang kinalalagyan, halimbawa:

 

Sa ngayon, sa registration pa lamang ay di na maiwasan ang “lagayan” sa pagitan ng mga kakandidato at sa mga botante. 

 

“Papaano kasi Kaka sinanay nila ang mga botante, na binibigyan ng kakandidato para lamang magregister, hayun nasanay na”. sabi naman ng Kumpare.

 

Tama ka Pare, ngyong umaga may nagtatanong sa pamamagitan ng text kong may pagkain ban a makakain ng mga magrerehistro.

 

“Dapat malaman ng mga botante na ang pagregister ay hindi para sa COMELEC, hindi para sa kandidato kundi para sa kanya rin na botante, dahil karapatan niya bilang Pilipino na piliin ang kanyang gustong pinuno. At hindi lang iyon, ang mga papeles na ito mula sa COMELEC ay magagamit sa iba pang legal transaction, tulad ng pagkuha ng iyong passport, transaction sa bangko at iba pa.” paliwanag ni Maam.

 

Sa araw naman ng halalan, may mga botante ngayon na hindi bomoboto hanggat hindi nakakatanggap ng “sobre” o “regalo” mula sa isang kandidato.

 

Sabi ni Pare: “Kaka, sinisugoro ko lang  na mapapakinabangan ko ang taong aking iboboto dahil alam ko pag nahalal na ay wala namang improvement sa aming lugar, kaya cash advance na ako”

 

(LAUGHING)..  

 

O hayun kaya naman pala, pero pare ko, ayaw mo ng corruption pero ikaw mismo ang nagpasimula, dapat ikaw ang magpasimuno na mawala ang corruption, huwag nating turuan ang magiging official natin na maging kurakot.

 

Tandaan Kapatid, ang botanteng tumatanggap ng suhol mula sa kandidato, tiyak magsisi balang araw, dahil anak o apo ang daranas ng hirap.

 

Tandaan mo    kapatid ang kandidatong namumudmod ng pera sa halalan, tiyak kukurakutin ang pera ng bayan.

 

Bakit Kaka Ali may kandidato pa ba ngayon na hindi mamimigay ng pera?

 

Aywan ko… Malabo.. ((LAUGHING)..   sigoro.. ngunit pababayaan ba natin ito? Sino ba ang mapipirhuwiso, hindi ba tayo rin.. na mga mamamayan?

“Yes kaka Tayo ang maghihirap”

 

Ganoon naman pala eh, di sama-sama tayong papaano ito matitigil at at tulongtulong tayong maituwid ang mga mali nating ginagawa, huwag nating iaasa sa Diyos, tandaan may kasabihan tayo, “Nasa Diyos ang Awa, nasa tao ang gawa”.

 

Pansamantala hanggang dito na lang muna  at paalaala ko lang kaibigan kong sa darating na May 10, 2010 ay mag-dedebu ka na o mag 18 ka na , pumunta na po COMELEC office, na nasa 2nd floor ng ating municipal hall, at magparegister na, para makaboto sa darating na halalan sa May 10, 2010, kong ikaw ay dito na maninirahan sa Upi, ilipat mo na rin ang iyong presintong bobotohan, makipag-unayan lamang sa COMELEC mula sa alas otso ng umaga hanggang ika piton g gabi, simula sa araw na ito hanggang Oktubre 31, 2009. 

 

Buweno hanggang dito na lang muna, at tayo bibisita sa COMELEC,upang kumuha ng Update…     Bukas..  anong topic? Sabihin sa amin at pag-uusapan natin..   

 

Ito ang inyong segment writer at producer, Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabartakatuh.

 

Posted by dxupfm at 6:53 am | permalink | Add comment

US Suportado ang usapang Pangkapayapaan ng MILF at GRP

Alih S. Anso

Nuro, Upi (Oct 2009)…Nagkaroon ng pag-uusap  ang  pamunuan ng Moro Islamic Liberation Front, (MILF) sa pangunguna ni Chairman Al Haj Murad at ang matataas na opisyal ng Embhada ng Amerika sa pangunguna naman ni Leslie A. Basset, Charge de Affairs.  

Naganap ang dalawang oras na usapan   sa Darapan, Sultan Kudarat, Maguindanao nitong Biyernes Oktuber 16.

 Kasama ni Chairman Murad sina  Ghazali Jaafar, Vice Chairman for Political Affairs, Mohagher Iqbal, MILF Chief Negotiator, Muhammad Ameen, Secretary of the MILF Central Committee, Gordon Sayfullah, Senior Commander of the Bangsamoro Islamic Armed Force (BIAF), Atty. Datu Michael Mastura, Peace Negotiating Panel Member, Jun Mantawil, Head of Peace Panel Secretariat, and Toks Ebrahim, Chairman of the MILF Ceasefire Committee.

Sa kabilang panig naman ay kasama ni Basset ang US Embassy Political Officer Michael Pignagtello, Elzaida Washington, Country Director of the United Sates Aid for International Development, at Anthony Senci, Embassy Defense Minister. 

Inihayag ni Basset ang pangakong suporta ng United States of America sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Sinabi din ni Basset na handang dagdagan ang mga  tulong na naibigay na at kinikilala ar nirerespeto ang karapatang pakikibaka at adhikain ng mga Bangsamoro na makamtan ang tunay na kapayapaan sa lupang tinubuan. 

Sinagot naman ni Murad sa pasasalamat  at pagkilala ng MILF at Sambayanang Bangsamoro sa mamamayan ng Amerika at kay US President Barack Obama sa walang humpay na tulong sa usaping pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at MILF.

Nakiusap naman si Ghadzali Jaafar sa Amerika na tutukan ang tunay na ugat ng problema.  Ayon kay Jaffar ay nag-ugat ang problema ng Bangsamoro ng bigyan ng Amerika ang Pilipinas ng Independensiya, at isinama ang Bangsamoro sa kabila ng kanilang pagtutol, na minarapat pa  nilang manatili sa pananakop ng Amerika kaysa mapasama sa kapatid nilang mga Pilipino.

Posted by dxupfm at 6:52 am | permalink | comments[4]

Anti aging therapy

October 16, 2009

Blog Entry

 (October 16,  2009-Biyernes - Script na sinulat ni Noralyn Laguey Bilual para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Lets Doh It!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

 

Host: “Noong unang panahon halos inukol ng explorer na si Ponce de Leon ang kanyang buhay sa paghahanap ng fountain of youth. Ngayon, marami pa rin ang patuloy sa paghahanap nito sa pamamagitan ng paglaban sa aging o pagtatanda. Ito ang tatalakayin ni Noralyn Laguey Bilual: ang   Anti Aging Therapy …..”

 

(LETS DOH IT !! - INTRO)

 

Noralyn:  Noong unang panahon halos inukol ng explorer na si Ponce de Leon ang kanyang buhay sa paghahanap ng fountain of youth. Ngayon, marami pa rin ang patuloy sa paghahanap nito sa pamamagitan ng paglaban sa aging o pagtatanda.

 

Wala pang nakikitang paraan ang mga syentipiko upang baliktarin ang epekto ng aging o pagtanda, ngunit marami ang mga inaalok na formula at mga pamamaraan.

 

May bisa nga ba at hindi mapanganib ang mga ito? Dahil  Nandiyan ang anti-oxidants na sinasabing panlaban sa free radicals na may kinalaman raw sa aging.

 

Mabisa rin daw ang anti-oxidants laban sa heart disease at diabetes. Walang pruweba o ebidensiya na ang mga anti-oxidant pills ay mabisa para sa kalusugan. Sa katunayan kung heavy smoker,change smoker o malakas manigarilyo ang iinom ng beta carotene na isang anti-oxidant, tataas ang kanyang risk ng taong ito  sa lung cancer.

 

Ang hormones ay kemikal na kailangan ng ating vital organs. Habang tumatanda ang tao bumababa ang kanyang hormone levels. May mga naniniwala na kung ibabalik sa dati ang hormone levels ay babagal ang pagtanda. Ang madalas mabanggit na mga hormones ay: DHEA, testosterone, melatonin, at HGH o human growth hormone.

 

Mayroong menopausal hormone therapy para sa mga babae. Tinataya na nakatutulong ito sa post-menopausal symptoms katulad ng hot flashes. Ngunit napag-alaman na nakapagpapataas ito ng panganib sa blood clots, heart disease, cancer at heart attack.

 

Walang matibay na medical evidence na ang mga hormones ay mabisa laban sa pagtanda. Napag-alaman na ang DHEA at testosteron ay nakakasira sa atay. 

Marami  naman ang nahihikayat sa supplements dahil ina-advertise ito bilang natural remedies, katulad ng ginseng at iba pa. Hindi  pa rin  napapatunayan ang bisa ng mga ito laban sa pagtanda.

 

May mga calorie restricted diets na inaalok. Sinubukan ito sa mga hayop kagaya ng daga, isda at mga langaw. Humaba daw ang buhay ng mga ito ng binawasan ang carbohydrates sa kanilang pagkain. Ngunit hindi pa napapatunayan na uubra rin ito sa tao. Ang maaaring mangyari o kalabasan nito ay calorie restriction leading to malnutrition at sobrang pangangayayat.

 

Ang pagtanda ay intricate at complex process. Walang tableta, gamot o suplemento na maaaring tumugon sa lahat ng sakit na dala nito sa ating katawan. Ang gagawin lamang natin kung nais natin ng mahabang buhay, sikapin na palaging malusog at iwasang magkasakit. That’s the best! Ito ang pinkamaganda!!

 

 Noralyn:  ‘’yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

 

(LETS DOH IT!  Extro )

Posted by dxupfm at 7:59 am | permalink | comments[1]

Healthy diet para sa healthy na buhok…

(October 16,  2009-Biyernes - Script na sinulat ni Nancy Lawan para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “WOW!!!”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: Ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay hindi lamang nagbibigay ng energy at trim looking body, susi rin ito sa malusog at magandang buhok. Healthy diet para sa healthy na buhok…   ito ang ibibigay sa atin ni Nancy Lawan sa ating wow segment.. sa ating buhay-buhay sa DXUP..

(PLAY INTRO: WOW!)

Nancy: “Kumusta po kayo mga kaibigan……magandang umaga po sa inyong lahat….ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang  healthy diet para sa healthy hair at paano kaya natin ito maachive……at heto na ang para sa mga wowwwwwwwwwwwwww…..ngayong umaga    Healthy diet para sa healthy na buhok… 

Ang pagkain ng masusustansiyang pagkain ay hindi lamang nagbibigay ng energy at trim looking body, ito ay susi rin ng malusog at magandang buhok.

Ang magandang buhok ay hindi lamang dapat tapatan ng mas magagandang hair products, alam mo bang mas malaking kinalaman ang kinakain mo sa ikagaganda ng iyong buhok?

 Kumain ng tama, para mabalanse ang iyong timbang sa iyong edad    at ang pagkain ng tamang dami ng high-quality proteins, grains, legumes, fruits at vegetables ay mahalaga.

Ang prutas at gulay ay napakahalaga para sa balance eating, at 40-50 porsyento ng daily intake ay dapat naroon ang mga ito.

Ito ang iba pang paraan upang maging looking great ang iyong buhok.

1. Vitamins.

·        Mahalaga ang vitamins para sa healthy hair growth. Ang vitamin B ay mahusay para sa strong hair, at nakukuha rin ito sa tinapay at itlog.

·        Maging maingat kung ikaw ay mababa o walang carb diet as much of vitamin B na kailangan ng ating katawan na nagmumula sa grains gaya ng oats, barley at wheat bran. Ang ibang vitamin B rich foods na walang grains ay itlog, avocado, salmon at mani.

2. Hydrate

·        Ang pag-inom ng sapat na fluid sa araw-araw ay mahalaga upang ma-flash out ang toxins sa iyong system at para gumanda ang iyong buhok.

·        Gaya ng palagi mong naririnig, mahalaga ang pag-inom ng walong basong tubig kada araw hindi lamang para sa iyong balat, pero para rin sa magandang buhok. Ang tea ay mahusay para sa stronger hair.

3. Protein at Omega-3

·        Marami nang nagiging vegetarians ngayon, ngunit mahalaga ang proteins sa healthy hair, dahil 90 porsyento ng buhok ay protein. Ang karne ay major souce ng protein, pero ang isda na may Omega-3fatty acids ay kailangan din ng iyong katawan.

·        Sa mga vegetarians, okay ang flax seed upang makakuha rin ng protein na kailangan mo. Pwedeng isama ito sa morning cereal para sa excellent protein. Ang iba pa ay gaya ng nuts, at chick peas na pwedeng mong i-enjoy while at work.

Ito po ang bahagi para mga magaganda at mga guwapo…..sa wow portion….

Sana po ay nakapaghatid ako ng dagdag kaalaman sa inyong lahat…..hanggang bukas….

Ito po ang inyong beauty agent reporter….…..Nancy Lawan……

Posted by dxupfm at 7:32 am | permalink | comments[1]

Bawal Umihi sa Pader

 (October 16,  2009-Biyernes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Naging Ugaling Pinoy na ang  Umiihi kahit saan.. kahit na may nakasulat na bawal umihi sa pader.. 

 

(NAKAKA- INTRO)

 

Kaka:  Napansin ba ninyo ang mga nakasulat sa mga pader na Bawal umihi sa Pader?

 

Kong ikaw ay may pang-amoy (pa) ay tiyak maaamoy na mapanghi sa lugar na ito.

 

Napansin din ba ninyo na ang puno sa tabing kalsada ay naninilaw ang kulay balat pati na ang mga damo na malapit dito ay naninilaw na rin at tila binombahan ng clear out? Lapitan ninyo at makakamoy kayo ng mapanghi. Bakit? lahat kasi ng dumaraan ay duon umiihi.

 

Heto pa … napansin ba ninyo na pag humihinto ang sasakyan lahat ng pasaherong lalaki  ay  bumababa at pupunta sa gilid ng kalsada at tatayo hahawakan ang zipper ng pantaloon. Pagkatapos ilalabas si manoy.. hayun nauna pa sa Upi water level 2, may tubig na siya sa gripo (LAUGHING).. hahaha… umihi pala.. at of course ang favorite na puwesto  punong kahoy.

 

“Bakit hindi marunong mahiya ang pinoy?” tanong ng isang retiradong maestro.

 

Oo nga maam, napansin ko din iyan, bakit  kahit saan abutan ang Pinoy basta may pader o puno ok na…anu sila aso? bumabaho tuloy ang mga pader sa kalye..lalo na sa may mga waiting shed.

 

Kaibigan alam ba ninyo na marami ng bayan o lungsod ng Pilipinas ang may ordinansa na bawal umihi kong saan-saan (ang siste lang dito ay hindi naipapatupad ng otoridad nila)

 

“Ang kawawa kaming mga babae” sabi ng isang pasaherong babae na nakasabay natin.

 

Bakit naman maam kayo kawawa?

 

“Papaano kayong mga lalaki ay pwedeng umihi kahit saan papaano na kaming mga babae kong walang palikuran o comfort room?” dagdag ni Maam.

 

Kong kagandahang asal ang pag-uusapan ay walang pag-ibahan ang lalaki at babae.

 

Sa kaugalian at manners and etiquette in Islam o magandang kaugalian ay ipinagbabawal sa Muslim na lalaki at babae na umihi kong saan-saan. Papaano?

  1. Una, umihi sa lugar na hindi ka nakikita ng publiko, ibig sabihin bawal yaong kaugalian na tatabi lang sa gilid ng kalsada at binuksan na ang gripo…(LAUGHING).. Yes kailangan lalaki man o babae, magtago kong mag-ihi.
  2. Next.. hugasan ng tubig si manoy o si manay.. pagkatapos umihi.. hindi pwde ang uyog-uyog lang pare koy

(LAUGHING)..

  1. Bawal din ang umihi sa mga puno, sa mga butas ng mga laman lupa..tulad ng butas alimango.. at iba pang hayop na nakatira sa ilalim ng lupa.

Gayahin natin si Ustadz, basta may lakad, tiyak  may dalang tubig, na nakalagay sa empty bottle ng cologne… ang ganda nito ng aking gayahin.. ang aking boss nakishare sa akin.. pero iba siya pinahid sa kanyang braso… nagpasalamat pa sa cologne..

 

(LAUGHING)..

 

Sa ibang bansa mahirap kang makakita ng pader  na iniihian..kong mayroon daw.. tiyak may kababayan na napadaan doon.. (LAUGHING)..  dito lang talaga sa Pilipinas ang umiihi sa pader.. nakakahiya ka Pinoy…Magbago ka na!!!!

 

Sa ibang bayan, (napansin ko ikaw napansin mo?) naglalagay sila ng mga comfort room sa mga strategic location sa mga tabing kalsada.. pero kong minsan may bayad dalawang piso usually ang problema nito papaano kong walang sinsilyo o walang sukli… matitiis mo ba .???. (eh di sa pader na lang Kaka Ali)

 

(LAUGHING)..

 

Bawal umihi sa pader.. hindi na kailangan kong may mga public urinary room tayo…at higit sa lahat isama sa pagtuturo ng mga kabataan sa paaralan at tahanan bilang magandang kaugalian o good manners and etiquette.

 

Pansamantala hanggang dito na lang muna ang ihiian sa pader.. ((LAUGHING)..   itutuloy natin ito sa Lunes.. pero hindi ihi kundi…(LAUGHING).. basta abangan na lamang ninyo kami sa Lunes…

 

Ito ang inyong segment writer at producer, Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabartakatuh.

 

Posted by dxupfm at 7:08 am | permalink | comments[1]

Payo sa Mag-asawa Para Lalong Maligaya ang Pagsasama (Part 2)

October 15, 2009

(October 15,  2009-Huwebes - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Itutuloy natin ngayon araw na ito ang mga Payo sa Mag-asawa Para Lalong Maligaya ang Pagsasama ni   Kaka Alih sa segment na Nakaka…..”

 

(NAKAKA- INTRO)

 

Kaka:  Maraming paraan ang magagawa ng mag-sing-irog o mag-asawa upang lalo pa nilang pagtibayin ang kanilang pag-iibigan at pagmamahalan. Ang pinaka mahalaga ay “personal will’  para baga yaong sinasabi nila kay Gloria na kailangan ang political will para maibangon ang bansang ito…buweno kapatid itutuloy natin yaong kahapon na pagbibigay  ng ilang pointers…

 

Iwasang mapaghinalaan ng inyong asawa.

 

Kapatid, para hindi ka mapaghinalaan o mapagbintangan na may ginagawang masama, iwasan ang mga sitwasyong kanina-hinala. Huwag kang magasasama o sasama sa hindi mo asawa sa isang lugar na makukwestiyon ang iyong pagsasama.  Halimbawa: Sa loob ng pribadong sasakyan iwasang umangkas sa motor ng may motor na dalawa lamang kayo, kong di maiiwasan na dalawa lamang kayo, gayahin ang style ni Mare, naglalagay ng bag sa aming pagitan kong kami lang dalawa..

 

(PLAY LAUGHING).

 

Another sample ay: Iwasan ang makipagtextmate, kahit na kapareho kayo ng kasarian, kahit pareho kayong babae o lalaki, maliban pa  sa mapaghinalaan ka ng iyong darling ay, magastos din iyan., mabuti pa Kapatid ay  ialkansiya muna lang  iyang ilolod mo at may magagasotos ka  sa   anibersaryo ng inyong  kasal.. (PLAY LAUGHING).

 

 Laging maging maunawain sa inyong asawa.    

 

Kung gusto mo na lalo kang mamahalin ng iyong asawa.. heto makinig… ipakita mong inuunawa mo siya. Ganoon lang?  YES.. bakit what do you expect?

 

(PLAY LAUGHING).  

 

Laging maging maunawain sa inyong asawa.    Totoong kailangan mo ang pang-unawa. Pero higit sa hanapin mo sa asawa ang unawain ka, mas unahin mo ang unawain siya. Sa bandang huli ang hinahanap mong pang-unawa galing sa iyong asawa ay ibibigay din niya. Ang pagpapakita ng pang-unawa ay malinaw na ebidensya ng pagmamahal sa ating mga asawa.

 

Laging bukas ang communication  sa inyong asawa.

 

Dapat lang sa mag-asawa na alamin at ipaalam ang kalagayan ng isa’t-isa. Makinig at hindi lang ikaw ang palaging nagsasalita.. two way traffic ika nga.. Maniwala ka kapatid…Maraming problema ang maiiwasan ng mag-asawa kung laging bukas ang komunikasyon nila para sa isa’t-isa.

 

Laging maging mahinahon sa pag-uusap pag may problemang nilulutas..

 

Sa totoo lang, maraming problema ang hindi na sana lumala pa kung sa pag-uusap ay naging mahinahon ang mag-asawa. Hindi makakatulong sa paglutas ng problema kung nagsisisihan ang mag-asawa. Magpokus sa solusyon…. huwag sa pagkakamali o sa problema ng isa’t-isa.   Iwasan din ang pangungutya at magtaas na tono pag nagsasalita. Bantayan ang mga salitang ginagamit may mga terminong salita na lalo lamang nakakapagdagdag sa problema, tulad halimbawa ng mga salitang may himig na pangungutya.

 

Sabihin sa iyong asawa ang iyong nararamdaman.. hindi lang pinaparamdam..

 

Ewan ko lang kung nakakabasa ng isip ang asawa mo, hindi naman manghuhula ang asawa mo para malaman niya ang iniisip at nararamdaman mo. Sa panahong nanghihina o nagdaramdam ka, magandang sabihin ito sa asawa. Huwag sarilinin ang pagdurusa. Dahil ang mag-asawa dapat magkasama sa hirap at ginhawa. Walang silbi ang asawa kung sa panahon ng pagdurusa ay hindi nakikiisa. Pero mahirap malaman ng iyong asawa ang lagay mo kung hindi mo ito sasabihin sa kanya. Huwag mahiya. Huwag mag-alala.  Magsabi ka sa asawa.

 

Iwasang isumbal sa iyong asawa ang nakalipas na pagkakamali niya…

 

 May mga taong pag nagalit sa asawa ay binabalik-balikan ang matagal ng pagkakamaling nagawa ng asawa.  At pauli-ulit na isinusumbat ito sa kanya. Pag ganito ng ganito, sisikip ang mundo ng iyong asawa at baka marapatin pang iwan ka niya. Ang kasalanang pinagsisisihan na ay hindi na dapat isumbat pa. pag may bagong nagawang pagkakamali ang iyong asawa, huwag mong isama iyong mga luma na. walang kahihinatnang maganda ang isumbat sa asawa ang pagkakamaling lipas na.

 

Iwasang gawin ang mga bagay na alam mong ikagagalit niya….

 

May mga asawa na talagang nananadya. Tahasang ginagawa ang mga bagay na alam na ikagagalit ng kanyang asawa. HUWAG GUMAYA SA KANILA.    Yon naman eh… kung ayaw mong masira ang pamilya. Hindi lang asawa ang masamang epekto pagtahasang ginagawa mo ang alam mong nakasasakit sa iyong asawa. Maaaring gantihan ka ng iyong asawa at pati ang anak mo, maaaring gayahin ka at tahasan ring saktan ka. Huwag gawin sa asawa ang mga bagay na ayaw mong sa iyo ay gawin niya.

 

Pansamantala hanggang dito na lang muna tayo itutuloy natin bukas ang iba pang mga payo papaano tayo maging maligaya na mag-asawa.

 

Ito ang inyong segment writer at producer, Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum \warahmatullahi wabartakatuh.

 

Posted by dxupfm at 6:42 am | permalink | comments[1]

Constipation o Tibi

Program: Buhay-buhay sa dxup

Date: October 15, 2009 (Thursday)

Time: 7:00-8:00 a.m.

Anchor: Leny Rose Bajar Sunio

Segment: LETS DOH IT!!!

Segment producer: Noralyn Laguey Bilual

 

Host/Leny: “Ang ibabahagi sa atin ng ating segment writer/producer na si Noralyn Laguey Bilual, ay ang:  tungkol sa Constipation o Tibi.  

 

 (PLAY INTRO   

 

Noralyn: Magandang umaga, kumusta po kayo at eto na naman ang ating bahaging Lets Doh it!! at tatalakayin po natin ngayon ang..Constipation o Tibi

 

Para sa hindi nakakaalam, ang tawag  sa wikang tagalog ng constipation o mahirap na pagdumi ay tibi’.  Kung hindi kayo nakakadumi ng tatlong beses sa isang linggo mayroon kayong constipation kung saan ang dumi ay matigas, maliliit at mahirap ilabas.

 

Ang madalas na dahilan ng tibi’ ay kakulangan ng fiber sa kinakain, kakulangan ng exercise lalo na sa matatanda, mga gamot, gatas, pagbubuntis, pagbibiyahe sa ibang lugar, kakulangan sa pag-inom at mga sakit na maaaring maapektuhan ang normal na function ng colon, rectum at anus.

 

Nakatutulong ang maraming fiber sa diet na ating makukuha sa mga prutas at gulay.  Nakatutulong rin ang kumain ng whole grains katulad ng oatmeal, corn meal at brown rice. Nakakatulong rin ang pag-inom ng maraming tubig ngunit iwasan ang mga inumin na may caffeine, cola drinks at alcohol.  Masama rin ang kulang sa physical activity.

 

Mayron ring  mga gamot na nakakatitibi katulad ng pain medicines especially narcotics, antacids, mga gamot sa altapresyon, diuretics, iron supplements at iba pa.  Kung minsan, hinahatulan ng doktor ang tinitibi ng laxatives. ngunit maaari lamang gamitin ito sa maikling panahon upang maiwasan na masanay ang inyong katawan, kung hindi, palagian na kayong mangangailangan ng laxative upang dumumi.

 

Kung sakaling matagal na ninyong iniinda constipation, mabuting komunsulta na sa doktor upang masuring maigi ang dahilan nito.

 

 ’yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

 

(PLAY EXTRO)

Posted by dxupfm at 6:42 am | permalink | comments[1]

Payo sa Mag-asawa Para Lalong Maligaya ang Pagsasama

October 14, 2009
 
October 14,  2009-Miyerkules - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: “Payo sa Mag-asawa Para Lalong Maligaya ang Pagsasama. Abangan si Kaka Alih sa segment na Nakaka…..”

(NAKAKA- INTRO)

Kaka:  Maraming paraan ang magagawa ng mag-sing-irog o mag-asawa upang lalo pa nilang pagtibayin ang kanilang pag-iibigan at pagmamahalan. Ang pinaka mahalaga ay “personal will’  para baga yaong sinasabi nila kay Gloria na kailangan ang “political will” para maibangon ang bansang ito…buweno kapatid magbibigay ako ng ilang pointers o tila baga mga payo.. na sana ay makapulot ka ng aral ..

Pag-nagagalit ang asawa, tumahimik pansamantala. 

Hindi matataaawag na karuwagan o kaduwaga ang manahimik muna habang nagpupuyos sa galit ang iyong asawa. Kaibigan maniwala ka, matalinong pagpapasya ang tumatahimik muna pag nagagalit sa asawa o nagagalit ang iyong asawa. Ganito kasi iyon Kapatid, ang tao pag galit ay may tendensya na makapanakit. Sino mang nasaktan ay may posibleng  manlaban at manakit din naman. Makatutulong na maiwasan ang away at pananakit, kung sa panahong ikaw ay galit, manahimik muna. Si Ustadz ang payo  niya, kong is kang Nanampalataya sa Islam o isang Muslim, mag-abdas ka, o ablution, kong at magsambayang ng dalawang rakaat na sunnah.

Iwasan ang pagsisigaw sa asawa, lalo sa harap ng ibang tao.

Tandaan Kapatid na ang   pagsisigaw sa asawa lalo na  harap ng iba ay isang tanda ng kakulangan o kawalan ng paggalang sa asawa. Maliban  na lang  kung bingi ang asawa, mo (PLAY LAUGHING). Ganito kasi iyon Kapatid, tila pambabastos  at namumukhang tanga ang iyong asawa kung sisigawan mo siya lalo sa harap ng iba. Siguro naman ayaw mong nababastos at nagmumukhang tanga ang iyong asawa. Kaya huwag mong sisigawan ang iyong asawa. Kong aakalain nila na tanga siya, eh lalo kang tanga dahil bahil ka nag-asawa ng tanga. (PLAY LAUGHING).

Pag Nakagawa ng pagkakamali, matutong mag-sorry sa asawa.

Pag nakagawa ng pagkakamali o nasaktan ang damdamin ng iyong    asawa,  ituwid ito at mag-sori, at   talagang sorry ha?!!! Ipakita mo sa asawa mo  na totoong nagso-sorry ka. When  you realized that you have wronged your spouse, don’t just say “I’m sorry.” Show that you are really are sorry. Show it with your face and show it with your action. Bakit ko ito nasasabi Leny? May tao kasi na  pag nagsosorry sa asawa at habang sinasabi ang “I’m sorry” ay nakangisi pa. (PLAY LAUGHING) Lalo tuloy nabubuwisit ang asawa niya sa kanya. May mga nagsasabing “I’m sorry” sa asawa na wala namang pagbabagong nangyayari. 

Maging attractive sa paningin ng asawa.

Bakit ko ito nasasabi Leny? Minsan kasi, may mga   asawa ang nahulog na sa kandugan ng iba kasi hindi na attractive para sa kanya ang kanyang asawa o kong sa babae ay Lusyang at na sa lalaki naman ay ano???: . (PLAY LAUGHING) Sa madaling salita, Kapatid, huwag kayong mag-pabaya sa inyong itsura. Para mangyari ito, anong gagawin?………….. Mag-exercise at iwasan ang walang pakundangang pagkain nang sobra para di masira ang inyong pigura. Huwag masyang uminom ng alak at iwasan na ang sigarilyo dahil ito ay nakakamatay. At higit sa lahat daw, sabi ni Pare, sikapin na rin na maging mabango para sa kanya. Pero pari huwag kalimutan, tanungin din ang asawa kung anong amoy at itsura ang gusto niya. Sundin ang gusto ng asawa para maging attractive sa kanya. I-attract mo ang iyong asawa baka kasi iba pa ang umattract sa kanya. Sige ikaw rin. Baka magsisi ka. (PLAY LAUGHING)

Maging kuntento sa anong biyaya ng Diyos sa inyo.

Alam ba ninyo kapatid na delikado ang maaaring kahinatnan ng mag-asawang walang kakuntentuhan sa kung ano’ng mayron sila na binigay ng Diyos?. Maaaring gulo o kapahamakan ang kasasadlakan ninyo. Ano ba ang kailangan para maging kontento ang tao? Ang kasapatan ba ng lahat ng pangangailangan? Kung dito nakabase ang kakuntentuhan walang mag-asawang mauubusan ng pangangailan. Therefore, walang mag-asawang makukuntento. Hindi masama ang maghangad ng karagdagan para sa kinabukasan. Pero maging  kuntento  muna at magpakaligaya sa kung ano ang mayron kayo ngayon na biyaya ng Allah.   Kaya kung ano mayron kayo, magpakaligaya at maging kuntento.  Pasalamatan mo ang iyong Poong Lumikha anong mayroon kayo ngayon.

Pansamantala hanggang dito na lang muna tayo itutuloy natin bukas ang iba pang mga payo papaano tayo maging maligaya na mag-asawa.

Ito ang inyong segment writer at producer, Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabarakatuhu.

 

Posted by dxupfm at 8:41 am | permalink | Add comment

Selection Meet: Nuro Central Elemntary School

Alih S. Anso

Nuro, Upi (Oct.13)...Sinimulan kahapon ang Selection Meet ng   Nuro Central Elementary School (NCES) bilang paghahanda sa nalalapit na District Meet.

Ang Upi North District ay nahahati sa apat na zone at ang NCES ay kabilang sa Zone 1.

Nagkaroon ng Parada sa campus ang mga estudyante na sinundan ng  maikling programa.

Pinangunahan Gerardo Udas ang Tossing of the ball.

Ang  mapipiling mga atleta sa outdoor at indoor games ang siyang ilalaban para sa District meeet at ang muling mapipili ay siyang ipapadala naman sa provincial meet.

Magtatapos ang selection ngayong araw. Samantala sa panayam kay Gerardo Udas principal ng NCES ay kanyang inihayag na tunmggap ang paaralan ng isang lap top, LCD projector, dalawang set na microscope mula sa Department of Science and Technology (DOST).

Nagsagawa rin ng examination test sa mga bata at excellent ang kinalabasan, dahil may nakakuha pa ng 100% sa mga  mag-aaral.

Nagbigay din ng exposure o lakad aral sa principal na dalawang araw sa mga paaralan sa Metro Manila, at lalakad na bukas si Ginoong Udas.

Posted by dxupfm at 8:31 am | permalink | comments[3]

Be the Boss of Your Healthcare.

Program: Buhay-buhay sa dxup

Date: October 14, 2009 (Wednesday)

Time: 7:00-8:00 A.M.

Anchor: Leny Rose Bajar Sunio

Segment: LETS DOH IT!!!

Segment Producer: Noralyn Laguey Bilual

 

Host/Leny: “Ang ibabahagi sa atin ng ating segment writer/producer na si Noralyn Laguey Bilual, ay ang:  tungkol sa  Be the Boss of Your Healthcare.

 

(PLAY INTRO)

 

Noralyn:   Magandang umaga,kumusta po kayo at eto na naman an gating bahaging Lets Doh it!!at tatalakayin po natin ngayon ang.. tama at epektibong pakikipag-ugnayan sa inyong doctor.   Be the Boss of Your Healthcare

 

Ang expression na “personalin mo” ay tugmang tugma pagdating sa kalusugan ng isang tao.  Dahil may kinalaman ito sa inyong buhay, maigi na malaman ninyo ang tama at epektibong pakikipag-ugnayan sa inyong doctor.

Dahil mahalaga ang oras na inyong ginugugol sa pagkonsulta sa doctor, dapat sulit .kayat ngayon ay  nais nating bigyan an gating mga tagapakinig ng kaunting payo kung papaano ba magagamit ng wasto ang pagdalaw sa doktor.

 

1.) Samantalahin ang bawat pagdalaw sa doktor.  Bago pumunta, gumawa ng listahan ng lahat ng nais ninyong itanong sa kanya.  Huwag mag-atubiling itanong  kung ano man ang nasa isip ninyo. Linawing mabuti kung kailan at paano inumin ang mga hatol na gamot.  Maiging humingi ng written schedule na siya ninyong susubaybayan sa araw-araw.

 

2.) Linawin sa doctor kung papaano siya makocontact kung sakaling mayroon kang tanong, problema o emergency.

 

3.) Humingi kayo ng kopya ng inyong medical records pati na ang kopya ng mga blood tests, x-rays at iba pang laboratory results.

 

4.) Kung kayo’y lilipat sa ibang doktor, humingi ng medical summary sa dati ninyong doktor kung saan nakasalaysay ang inyong medical history at lahat na nagawa ng doktor sa inyo katulad ng mga gamot na kanyang inihatol at mga diagnostic procedures na kayang ipinagawa.

 

5.) Kung sakaling kakailangin ninyo ang inyong doctor dahil sa isang emergency alamin ng maaga pa kung saan kayo tutungo at anong telephono ang inyong tatawagan. 

 

6.) Huwag ipaubaya ang inyong kalusugan at kaligtasan sa kahit kanino man. Dapt Personalin mo ito.

 

*Iyan po ang ating bahaging Lets Doh It!!  Tungkol sa  tama at epektibong pakikipag-ugnayan sa inyong doctor.

 

*  Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

 

(PLAY EXTRO)

Posted by dxupfm at 6:58 am | permalink | comments[9]

Ginisang Munggo ni Aling Lucy

October 12, 2009

(October 12,  2009-Lunes  - Script na sinulat ni Lucy B. Duce  para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Alam Buhay”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: Sa ating segment na Alam buhay ibabahagi ni  madiskaarteng ina na si Aling Lucy ang pagluluto ng ginisang munggo.

 

(PLAY – INTRO-ALAM BUHAY-MUSIC IN FADE OUT)

 

Lucy: “Ang High Fiber Diet ay may high fiber content na sinasabing mainam para sa mga kaso ng mga may empatso. Makukuha ang mga ito mula sa mga sariwang prutas, gulay, whole grains, nuts, mga pagkaing hango sa butil, at legumes. Ang fiber ay nakatutulong upang mabawasan ang taba at asukal sa blood stream at maiwaksi ang dumi ng katawan upang mahadlangan ang hindi pagkatunaw ng pagkain o ang empatso. Ang ginisang munggo ay isa sa mga ipinapayong pagkain na makatutulong sa mga nakararanas ng ganitong pagkakasakit.

 

    * 1 Mga sangkap

    * 2 Paraan ng Pagluto

    * 3 Sanggunian

    * 4 Pagkilala

 

Mga sangkap

 

    * 2 tasa ng nilutong munggo

    * 1 tasa ng tokwa,hiniwa ng katamtaman at ipinirito

    * 1 tasa ng ampalaya tops

    * 1 kutsarang vegetable oil

    * 1 kutsarang bawang,dinurog

    * 1 piraso ng sibuyas, hiniwa

    * 1/2 tasa ng kamatis,piniga

    * 2 tasa ng hugas bigas

    * asin (tinimpla ayon sa panlasa)

 

Paraan ng Pagluto

 

·             Igisa ang bawang, sibuyas at kamatis. Idagdag ang pinakuluang munggo at hugas bigas. Pakuluan sa loob ng tatlong minuto.Haluin habang niluluto. Isama ang tokwa at ampalaya tops. Lagyan ng asin, ayon sa panlasa. Lutuin sa loob ng tatlong minuto. Ihain ng mainit para sa anim na katao. YAN ANG ATING MASARAP NA RECIPE NGAYONG UMAGA hanggang sa muli sa isa pang idisyon n gating programa maraming salamat at magandang umaga’

 

(PLAY-EXTRO-ALAM BUHAY)

Posted by dxupfm at 7:29 am | permalink | comments[1]

Mga Maling Nagagawa ng Magulang sa kanilang mga Anak

(October 12,  2009-Lunes  - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Walang magulang ang hindi naghahangad ng hindi maganda sa kanilang mga anak. Ito ay pawang may katotohanan subalit may mga pagkakataon na hindi nalalaman ng mga magulang na mali na pala ang kanilang nagagawa sa kanilang mga anak.”

(NAKAKA- INTRO)

 Alih: Walang magulang ang hindi naghahangad ng hindi maganda sa kanilang mga anak. Ito ay pawang may katotohanan subalit may mga pagkakataon na hindi nalalaman ng mga magulang na mali na pala ang kanilang nagagawa sa kanilang mga anak.”

Anu-ano ba ang mga nagagawang mga pagkakamali ng mga magulang sa mga anak?

  • Pinapahiya mo ang iyong anak sa kanyang mga kaibigan. Yes nararapat na payuhan natin ang mga anak sa mga mali nilang ginagawa, ngunit ilagay naman sa lugar, makipagdayalogo ka sa inyong anak. Huwag Pagsabihan ang inyong anak sa kanyang kamalian sa harap ng ibang tao, pairalin ang tinatawag na “privacy”.
  • Ginagawa mo ang mga ipinagbabawal sa kanya. Halimbawa nito ay paninigarilyo, sino ba namang magulang na gustong manigarilyo ang kanilang anak, ngunit ikaw ay nanninigarilyo at kong minsan ay pinasisindiham mo pa ang iyong sigarilyo. Hindi epektibo ang sinasabi mo na “hindi ka pa pwedeng manigarilyo anak kay maliit ka pa at wala pang hanap-buhay”. Ipinagbabawal mo sa anak mo ang pag-inom ng alak ngunit ikaw mismo palagi kang umuwi na lango sa alak, kong minsan ay inuutusan mo pang bumili sa tindahan ng alak ang anak mo.
  • Sa isip, sa salita at sa gawa. Ang ibig nating sabihin ay kong anong iniisip mo makakabuti sa inyong anak ay siyang sabihin sa kanya at ikaw na mismo ang magsagawa nito. Halimbawa sinasabi mo sa kanya na magsimba tuwing Linggo, o dili kaya ay magsambayang sa Majeed, huwag mong sabihin lamang, yayaan mo siya kong pumupunta ka sa Masjeed o mag-jamaah o magsama-sama kayo sa pagsambayang ng inyong pamilya.

Marami pa tayong alam na pagkakamali na nagagawa ng mga magulang sa kanilang mga anak,  at dahil maikli lamang ang ating panahon pwede bang kayo na ang magpatuloy kasama ang iyong kumpare at kumare.

 

Bweno itutuloy natin ang pagbibigay ng sermon  sa Lunes,    pansamantala   hanggang dito na   muna  mga anak, bukas muli kaming aabangan kasama si Sister Leny,   .. This is your    segment writer and producer.. at your service ….   Brother  Alih. Sukran and Wassallam.

 

Posted by dxupfm at 7:13 am | permalink | comments[2]

Geneva monitoring team: “Huwag din Kalimutan ang Bakwet ng Mindanao”

Alih S. Anso

 

Nuro, Upi (Oct 12).. Pinaalala ng  ng Geneva-based Internal Displacement Monitoring Centre (IDMC) sa publiko  na huwag din kalimutan ang mga bakwet sa Mindanao sanhi ng giyera at bagyong Ondoy at Pepeng, ito ang lumabas sa kanilang huling ulat nitong Oktubre 2009.

 

Ang IDMC ang naatasan ng Norwegian Refugee Council at siya ring nangungunang international body monitoring internal displacement worldwide. Ang grupo ding ito ang naagpalabas ng ulat noong Abril na ang bakwet ng Mindanao ay umaabot na ng mahigit kalahating milyon. Ito ang sanhi ng  giyera ng puwersa ng Pilipinas at Moro Islamic Liberation  Front sanhi ng di natuloy na pirmahan ng Memorandum of Agreement on Ancestral Domain o MOA-AD, noong Abril 5, 2008.

 

Sa kanilang 32 pahinang ulat  na may titulong Cycle of Conflict and Neglect: Mindanao’s displacement and protection crisis,” na kanilang inihayag ang palalang kalagayan ng mga bakwet na nagkukulang na ang kanilang pagkain at personal na pangangailangan.

 

Pinahayag noong Oktubre 4 ni Presidential Adviser for Mindanao Jesus Dureza na siya ay nakiki usap sa publiko na huwag din kalimutan ang mga biktima sa Mindanao na nakabakwet dahil sa giyera at sa magkapatid na bagyong Ondoy at Pepeng.

 

“Tayo ay nakikisimpatiya sa mga taga Metro Manila na biktima na dapat tulungan, ngunit huwag din nating kalimutan ang mga taga Mindanao na nakakaranas ng bahang si Ondoy” ito ang pahayag ni Dureza .

Posted by dxupfm at 6:21 am | permalink | comments[3]

Mga Ilang Mahahalagang Tips sa Pagtatanim ng Luya (ginger)

October 10, 2009

(Mga Tips na kinalap ni Alih S. Anso- co-anchor ng programang “Ang Magsasaka Ngayon” 6:00-7:00 PM -every Sunday-anchor ni Engr. Isagani Deaño)

 

  1. Pumili ng magandang uri ng luya (rhizomes); iyong mabintog, walang sakit o sugat at gumigiti na. Hiwain sa ilang piraso. Humigit-kumulang mga 20-50 gramo  ang timbang ng bawat piraso ng pananim at dapat may 2 o 3 mata. Huwag paarawan. Depende sa klase ng luya , mga 800 kilograms hanggang 3,000 kg binhi ang kakailanganin ng isang (1) hectare. 
  2. Ilagay ang binhi sa isang kaing. Ibabad ang kaing sa fungicide solution sa loob ng 15-30 minuto upang hindi amagin o mabulok ang binhi.
  3. Para makagawa ng fungicide solution, tunawin ang 3-5 kutsara Benlate W.P.. Sundin lamang mabuti ang tamang rekomendasyon ng manufacturer na nakasulat sa etiketa.
  4. Matapos ibabad, pahanginan ng tatlong (3) araw sa lilim ang binhi upang matuyong mabuti, bago itanim.
  5. Araruhin at suyuring mabuti ang lupang pagtatamnan. Gumawa ng beds, 1 piye ang taas at 1 metro ang lapad sa kahit na anong haba ng taniman.
  6. Kumuha ng dayami (rice straws); ikalat sa ibabaw ng beds at silaban. Ito ang proteksyon laban sa anumang mikrobyong naninirahan sa lupa na maaring makapinsala sa binhing bagong tanim. Ito ay dapat gawin nang (3) tatlong beses.
  7. Kung ang lupa ay buhaghag (sandy) magpataba ng 400kg complete fertilizer (12-24-12) bawat ektarya. At, 300 kg complete fertilizer (N-P-K) bawat ektarya kung lagkitin, ito’y sa unang pag-aabono pagkatanim. Ang lupang lagkitin ay mas nangangailangan ng dagdag na pagpapataba kaya sa ika-3 at ika-4 na buwan kailangan mag-abono muli sa daming 400kg (N-K-P) bawat ektarya.  Ngunit mga huling araw na ay iminumungkahi na ng mga kaalaman (agriculturist) na simulan ng gumamit ng organic fertilizer dahil wala itong “side effect” sa tanim na luya.
  8. Ibaon ang seed piece o binhi sa lalim na 5 sentimetro (cm). Sundin ang triangular pattern sa pagtatanim at panatilihin ang 30 cm na agwat sa beds ng mga binhi.
  9. Pagkatanim, diliging mabuti ang mga beds o patubigan ang mga kanal sa pagitan ng mga beds.
  10. Lagyan ng pangkulob ang ibabaw ng beds, dayami (rice straw) o palapa ng niyog, upang hindi tumubo ang mga damong-ligaw at   mapantiling mamasa-masa ang taniman.
  11. Kapag nagsilitw na ang mga sibol ng luya sa pagitan ng mga pangkulob na dahon (mulch), mag-abono uli sa ikalawang pagkakataon upang mpabilis ang pagtubo ng mga luya.
  12. Sa ika-walong buwan o mas maaga-aga pa rito, depende sa ginger variety, maninilaw na ang mga dahon ng luya, at maari nang mag-ani.
  13. Bungkalin ang taniman, gumamit ng tinidor (spading fork)upang mabuhaghag ang lupa. Bunutin ang mga tanim. Putulin ang dahon sa pinakapuno, putulin din ang mga suloy at ugat. Hugasan sa tubig nang ilang beses; huwag hahayaang may maiwang lupa o dumi.
  14. Pahanginan, subalit sa malilim na lugar, nang matuyong mabuti at nang di-amagin o mabulok.
  15. Kung kakailanganin, ilubog sa fungicide solution bago ibodega o imbakin. Sundin ang rekomendasyon ng manufacturer sa etiketa.

Kong iimbak mo ang iyong luya dahil naghihintay ng mataas na presyo ay heto ang stratehiya nila sa may Batangas, karaniwan nang iniimbak nila ang luya sa lupa. Sila ay naghuhukay sila sa lupa  ng dalawang (2) metro   ang lalim at duon ikinakarga ang mga 2,000 kilong  luya. Ang pag-iimbak na ito ay maaring tumatagal nang isang taon.

Posted by dxupfm at 12:56 pm | permalink | comments[5]

4 TIPS PARA MAPANATILING MUKHANG BAGO ANG ALAHAS

October 9, 2009

Program: buhay-buhay sa dxup fm\

Time:7:00-8:00 am

Date: October 09,2009 

Anchor:Lenyrose Bajar Sunio

Segment reporter:Nancy Laguey Lawan

Kamusta po kayo mga kaibigan……magandang umaga po sa inyong lahat….ngayong umaga ay ibabahagi ko sa inyo ang 4 tips para mapanatiling mukhang bago ang alahas….lalong-lalu na sa may mga alahas dyan…….…at heto na ang para sa mga wowwwwwwwwwwwwww…..ngayong umaga

4 TIPS PARA MAPANATILING MUKHANG BAGO ANG ALAHAS

1. Panatilihin ang ganda ng alahas. Ang araw-araw na pagpisit ng perfume at hairspray ay nakapipinsala sa hitsura ng lahat ng uri ng alahas kapag ito ay tinatamaan. Kaya’t dapat munang maglagay ng pabango sa katawan at damit, at spray net bago pa man isuot ang alahas.

2. Protektahan ang perlas. Huwag itabi ang mga perlas, peke man o tunay sa iisang kahon lang ng lagayan kasama ng mga hikaw – ang metal ng hikaw ay sasabit sa loob nito at makagagasgas sa malambot na bahagi ng naturang alahas.

3. Punasan ng tamang tela. Ilabas ang tunay na kinang at ganda ng alahas isang taon sa pamamagitan ng paggamit ng cleansing kit na mabibili sa mga tindahan ng mga personal na gamit.

4. Hiwalay na kalingain ang mga Kristal. Mahusay ang paghuhugas ng alahas na Kristal sa masabong tubig. Ang traditional silver o jewelry cleaners ay maaaring magreact sa plated finish ng Kristal na nagbubunsod sa pagkupas nito at hindi pantay na kulay.

Ito po ang bahagi para mga magaganda at mga guwapo…..sa wow portion….sa programang buhay-buhay sa dxup fm.

sana po ay nakapaghatid ako ng dagdag kaalaman sa inyong lahat…..hanggang sa lunes….

Ito po ang inyong beauty agent…..Nancy Lawan……

Posted by dxupfm at 2:00 pm | permalink | comments[2]

Kare Kare ni Aling Lucy

 

Kare-kare ni Aling Lucy

 

(October 9,  2009-Biyernes  - Script na sinulat ni Lucy B. Duce  para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Alam Buhay”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: Sa ating segment na “Alam Buhay” ibabahagi ni  madiskarteng ina na si Aling Lucy ang pagluluto ng KARE-KARE.

 

(PLAY – INTRO-ALAM BUHAY-MUSIC IN FADE OUT)

 

Lucy:  Isang masarap at paboritong paborito ng mga mag barkada, ang masustansya at masarap kare-kare na kadalasan kapag may party ay hindi ito nawawala, kaya halina kayo at sisimulan na nattttttin ang pagluluto ng masarap na kare kare.           

 

MGA SANGKAP:

 

1 buntot ng baka (mga1 o ½ kilo), hiniwa ng tig-3 pulgada

5 kutsaritang mantika

5 ulo ng bawang, pinitpit

1 katamtamang laki ng sibuyas, hiniwa-hiwa syempre

¼ tasang katas ng achuete (optional po ito)

1 puso ng saging na saba, hiniwa ng pahaba, paborito ko toh grabe

2 tali ng sitaw, hiniwa ng tig-2 pulgada

4 katamtamang laki ng talong, hiniwa ng tig-1/2 pulgada

½ tasang bigas, tinusta at dinikdik ng pino, di ako naglalagay nito

½ tasang peanut butter, asin ,paminta, betsin at kung anu ano pang seasoning na trip mong ilagay, ayus lang

 

PARAAN:

 

·        Pakuluan hanggang lumambot ang buntot ng baka, pwede ring pata pwede ring porkchop o kahit anung trip mong karne. Hanguin mula sa tubig at prituhin ng bahagya sa mantika. Igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.

 

·        Idagdag ang katas ng achuete, depende sayo kung kulay maputla ang kare-kare mo o mukhang madugo pero di ako gumagamit nito, pinapatakan ko na lang ng sarili kong dugo (may essence ni Lesley).

 

·        Igisa hanggang lumabas ang mantika ng buntot ng baka. Idagdag ang lahat ng gulay at kaunting tubig upang magkasarsa. Idagdag ang pinulbos na bigas at peanut butter na tinunaw sa 3/4 tasang tubig. Timplahan ng asin,paminta at betsin.ihain ng may kasamang bagoong alamang.

 

·        Isa na namang  kaalaman at masarap na pang ulam ang naihain ko sa inyo ngayong umaga  hanggang sa Lunes sa isa pang edisyon ng “Buhay Buhay sa DXUP” sa bahaging “Alam Buhay” ako ang inyong segment reporter at madiskarting ina LUCY DUCE  magandang umaga.

Posted by dxupfm at 1:54 pm | permalink | comments[1]

Mga Ilang Payo (Tip) sa Pagpapalaki ng Anak

(October 9,  2009-Biyernes  - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Papaano ninyo pinapalaki ang inyong mga anak, samahan ninyo si Kaka Ali sa kanyang Mga Ilang Payo (Tip) sa Pagpapalaki ng Anak, sa ating segment na nakaka…..”

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Papaano ninyo pinapalaki ang inyong mga anak? Narito ang  mga ilang payo sa magulang at magiging mga magulang  pa: (pwede rin itong gamitin ng anak sa kanyang magulang para matauhan para matuto, papaano kasi, tumandang magulang na walang alam na pagpapamilya)

 

(Play laughing).

 

1. Huwag mo siyang piliting maging katulad mo. Lahat tayo ay Nilikha ng Allah o Diyos, tayo ay binigyan ng talento, alalahanin na kahit ang kambal ay kong minsan ay magkaiba ng hilig.  Pwede mong isuggest sa anak mo ang gusto mong maging siya, ngunit huwag mong igiit o ipilit ito sa kanya.  Ang iyong tungkulin bilang magulang ay gabayan at itaguyod an gating mga anak, hindi para diktahan o pilitin siya. Maging maingat, palaging alalahanin na ang puno ng kawayan ay mababali kung pipilitin mong yumukod sa direksyon  na di niya hilig.

 

2. Tulungan mo siyang madiskubre ang kanyang mga abilidad at paunlarin ang mga ito. Magbigay ka ng panahon sa tabi ng iyong anak. Iwasang makapanood ng mga  bayolenteng pa labas sa TV o laro sa computer. Presensya mo ang pinakamahalaga kong sakaling manonood ng TV at mag-computer, huwag pabayaan na manood na mag-isa. Kausapin mo siya. Obserbahan. Tulungan mo siyang magtagumpay sa mga hilig at hikayatin siyang maging malapit sa Allah o Diyos.

 

3. Iparanas mo sa kanya ang pag-ibig na walang hanggan. Mahalin mo ang iyong  mga anak, ayon sa kanilang kakayanan. Ang pagmamahal mo sa iyong anak ay hindi dapat nasusukat sa pamamagitan ng kanyang mga magagawa at hindi magagawa, hindi dahil sa kanyang pag-uugali, hitsura o tagumpay.

 

4. Bigyan mo siya ng proteksyon sa pamamagitan ng paglikha ng mga hangganan (boundaries) kung saan lamang siya matuwid na gagawa, kikilos, at maglalaro. Halimbawa, linawin mo sa kanya ang mabuting oras na siya ay nasa bahay at nasa sa labas. Matutuwa siyang malaman na ang iyong hangarin ay ang kanyang seguridad.

 

5. Tulungan mo siyang maabot ang kanyang mga pangarap. Tulungan mo siyang makagawa ng layunin, plano at mapa ng kanyang buhay upang malakaran niya ito ng maligaya at matagumpay. Ang iyong pagtulong sa kanya ay magsisilbing inspirasyon sa kanya. Huwag ipagkait sa anak mo ang iyong panahon, tulungan siya sa kanyang homework kong kinakailangan, bigyan ng oras ang mga school activities na kasama ang mga magulang.

 

6. Tulungan mo siyang maging maka-Diyos. Kong mga nanampalataya kayo sa Islam,  kong Muslim kayo yayain siyang isakatuparan ang limang beses na salah (pagsisimba) sa Masjeed  (lugar ng sambahan ng mga nanampalataya sa Islam). Kong sakaling Kristiyano naman kayo, tulungan mong makilala niya ang Panginoon at matututong sumunod sa Kanyang mga alituntunin, paunlarin ang kanyang karakter, maging mapagpakumbaba sa tagumpay, marunong umunawa sa kahinaan ng iba, mapagpatawad, hindi palaaway, at maging mahabagin at matulungin sa kapwa.

 

7. Ipakita o ipamulat  sa inyong anak ang tamang modelo. Tumayo ka bilang isang mabuting huwaran para sa iyong anak. Mag-ingat ka sa iyong mga salita at mga kilos, huwag iparinig ang mga walang kuwentang mga salita. Igalang at mahalin mo ang kanyang ina pagkat dagdag na seguridad sa kanya ang pagkakaroon ng matatag na pagsasama ng kanyang mga magulang. Magiging malapit sa Diyos ang iyong anak kung ikaw mismo na kanyang ama ay malapit sa Diyos. Ganyan ang magbigay ng magandang halimbawa. 

 

Ameen.

 

Bweno itutuloy natin ang pagbibigay ng sermon  sa Lunes,    pansamantala   hanggang dito na  muna  mga anak, sa Lunes muli kaming aabangan kasama si Sister Leny,   .. This is your   segment writer and producer.. at your service ….   Brother  Alih. Sukran and Wassallam.

 

Posted by dxupfm at 1:51 pm | permalink | comments[2]

Pakikisama

October 8, 2009

(October 8,  2009-Thursday - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Ano ba ang kahulugan ng pakikisama?

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Marami akong tanong kaibigan tungkol sa ating tatalakayin ngayong araw.

 

Ano ba ang kahulugan ng pakikisama? Ito ay bahagi ng pakikipagkapuwa tao.

 

Ayon sa isang ka-chat ko sa Yahoo messenger:

 

“Pakikisama,   can be roughly translated as comradeship or being cooperative.  It has many manifestations in Philippine society, one of which is extending support or offering help to neighbors who are in need. And sometimes little bit sacrifices of your needs and necessity.”  (Ang pakikisama ay  pagbibigay ng kagustuhan ng kasama, pagbibigay ng tulong sa kasamahan, na maaring magsaripisyo sa iyong kagustuhan).

 

Ang kahulugan ba nito Kaka Ali  ay kapag nakikitira ka ba sa isang bahay, ibig sabihin ba noon ay susunod ka sa  gusto nila, kahit alam mong natatapakan na ang iyong karapatang pangtao?

 

Ang ibig sabihin ng pakikisama sa iyo   ay hindi ka pwede magreklamo, magsalita, o manindigan sa pagkakaalam mo ay tama?

 

Ang ibig ba sabihin ba noon ay hindi ka na pwede magdesisyon ng para sa sarili mo, o para sa mga mahal mo sa buhay, ng hindi muna sila kinokonsulta, sa takot na baka masaktan mo ang mga damdamin nila?

 

Ang ibig sabihin ba noon ay hahayaan mo ang mga housemates mo na  magdesisyon sa maliliit na bagay na alam mong dapat ay ikaw ang magdedisisyon?

 

Ang ibig sabihin ba noon ay pagpayag na pangunahan ka sa mga desisyon at sa mga gawain na gagawin mo pa lang at naiisipan mo pa lang gawin? 

 

Ang ibig sabihin ba noon ay mawalan ng boses at mawalan ng importansya sa mundong ginagalawan mo?…..

 

Hay naku Kaka Alih, Ang hirap makisama”. Himutok na sagot ni Maam.

 

Pero Maam, pwedeng hindi ka namang  pumayag, pwedeng hindi ka manindigan, pwedeng magsalita ka o magwala (depende sa pinag uusapan), pwede mo silang pangunahan, pwede mo silang iisangtabi paminsan-minsan. Pero isa lang ang labas mo nyan. Walang pakisama. Masama ang ugali. Ingrata. Ang hirap makisama.”  

 

Heto naman ang style ni Sir sa pakikisama: “Maingat ako sa mga sasabihin ko at mas lalong dapat maging mapili ako sa mga taong pagkukwentuhan ko.    . Dapat adaptive ka. Parang hunyangong nagbabago at kayang sumabay sa saliw ng hangin sa paligid. Dapat marunong kang sumakay sa mga tao at higit sa lahat dapat maging mapili sa mga salita at maingat sa mga bibitawang mga pangungusap.”

 

Ang aral sa araw na ito, sa pakikisama ay  dapat marunong kang tumimpla ng mga sasabihin mo. Magandang pamantayan   o best policy  ang katahimikan kung wala namang matinong sasabihin.

 

Bweno itutuloy natin ang talakayan bukas,    pansamantala   hanggang dito na lang muna kami,  Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,     lalo pa natin  paiigtingingin ang talakayan.. This is your    segment writer and producer.. at your service ….   Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 8:22 am | permalink | comments[2]

Kapit Bahay ay higit pa sa Kapatid lalo na sa oras ng Pangangailangan

October 7, 2009

(October 7,  2009-Miyerkules- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host:  “Kaibigan, Ang kapitbahay ang katuwang sa lahat ng oras ng pangangailangan,  , ang kapitbahay ang unang makakapagbigay ng tulong sa iyong mga panahon ng pangangailangan?”

(PLAY INTRO)

Kaka Alih:  Papaano ba kayo makikapitbahay? Kasundo mo ba ang iyong kapitbahay? Tinutulungan mo ba ang iyong kapitbahay sa oras ng kanyang pangangailangan?“

Ako Kaka Alih, gusto kong may kapitbahay, kaya lang kong minsan may kapitbahay na hindi   tao, asal hayop.” pagkukuwento ng isang Kumpare.

Sabagay totoo naman na marami tayong kapitbahay na hindi tao, pero ang pag-uusapan natin kaibigan ay tao, katulad natin.“Ang ibig kong sabihin Kaka, totoong tao kaya lang ang ugali asal hayop.” Paliwanag ni Pare.

Kayo na mga nakikinig, anong kapitbahay  ang ayaw ninyong maging kalapit bahay?

“Ako Kaka Ali, ayaw kong kapitbahay ay yaong pag  kapag nalasing  ay nanggugulo, ang ingay-ingay at inaaway pa ang asawa, at di lang away kundi binubugbog pa, kong ako lang ang masusunod ipapabilanggo ko ang ganoong tao.” Paliwang ni Maam minsang magkausap kami.

“Para sa akin, ayaw ko ang kapit bahay na hindi niya nirerespeto ang aming privacy, biruin mo nakabili lang ng karaoke, akala mo sa kanya na ang buong lugar, kong magpatugtog ba naman akala mo nasa loob ng disco, nakakatulili sa tainga ang lakas ng sounds, halos hindi na kami makatulog, dahil hanggang madaling araw kong magpatugtog.” Hinanakit ni ng isang kumpare.

Pero kaibigan hindi lahat ng kaibigan ay tulad ng mga naihayag natin, may kapitbahay na gustong gusto ng kanyang kapitbahay.Tulad ng kuwento ni Mare:

“Ang aming kapit-bahay na hindi naman namin kamag-anak, ang tumulong para madala sa doctor  ang aming anak, ng mag convulsion ito”

“Ang nagustuhan ko na kapitbahay lalo na sa  panahon ng Ramadan ay Muslim.” at bakit naman Muslim ang gusto mo?“Pag Ramadan Kaka , ang mga Muslim ay nag-aayuno at sila ay  nagluluto  ng mga pagkain na masasarap, at di man kami nag-aayuno at Muslim ay binibigyan nila kami ng kanilang mga niluluto, kaya naman pag   panahon ng Ramadan, di ko na pinabibili ang aming mga anak   ng baboy, dahil nagpapahatid din ako ng aming nalutong pagkain.” Patuloy niyang kuwento.

“Magandang may kapitbahay, dahil kahit wala kayong pamilya, may pamilya  kang maituturing.” Paliwanag naman ni Mare.

Ako Leny, di ako mapalagay na wala kaming kapitbahay, ang kapitbahay mo ang siya mong malapit na kamag-anak, hindi yaong kapatid sa dugo at laman na napakalayo, dahil hindi ka naman nila matutulungan sa oras ng pangangailangan. Ikaw Leny, anong masasabi mo sa iyong kapitbahay?

Ikaw kapatid, kaibigan, kumusta ang iyong kapitbahay? Mabait ka ba sa kanya?

Sa panahon ni Propeta Muhammad SAW ay may kuwento.  Siya ay may kapitbahay  na hindi Muslim isang Hudeo, dahil sa ayaw niya sa relihiyon ni Muhammad, ay araw araw na tinatapunan niya ng basura ang bakuran ng Propeta, ngunit hindi siya inaaway ng Propeta, nililinis na lamang ito araw-araw. Minsan isang araw walang basurang naitapon ang kapitbahay na hindi Muslim, kaya nagtaka ang Propeta, at may nagsabi na may sakit ang Hudeo. Binisita ng Propeta, kaya takot na takot ang lalaki, ang akala niya paghihigatihan siya, ngunit hindi pala, dahil sinabi ng Propeta Muhamad SAW na ganoon ang katuruan ng Islam, maging mabait sa iyong kapitbahay.

Papaano kaibigan sadyang napaikli ang ating panahon, hanggang dito na lamang muna, Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas… sama-sama tayong muli sa ating segment na  nakaka sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam. 

Posted by dxupfm at 9:18 am | permalink | Add comment

Ano ang dapat gawin kung may lagnat?

October 6, 2009

Program: Buhay-buhay sa dxup

Date: October 6, 2009 (Martes)

Time: 7:00-8:00 A.M.

Anchor: Leny Rose Bajar Sunio

Segment: LETS DOH IT!!!

Segment Producer: Noralyn Laguey Bilual

————————————————————————————————————

Host/Leny: “Ang ibabahagi sa atin ng ating segment writer/producer na si Noralyn Laguey Bilual, ay ang:  tungkol sa   Ano ang dapat gawin kung my lagnat?

(PLAY INTRO)

Noralyn:   Magandang umaga, kumusta po kayo at eto na naman ang ating bahaging Lets Doh it!!at tatalakayin po natin ngayon ang..     Ano ang dapat gawin kung my lagnat?


Ang kasagutan sa tanong ay dahi nagtataglay ang tao ng “automatic repair system“.  Ang ibig sabihin nito ay   may kakayahan ang ating katawan na pagalingin ang kanyang sarili.  Ang ating immune system ay gumagana sa lahat ng sandali upang tayo ay protektahan.


Isa ang lagnat sa mga napakaraming paraan ng ating katawan upang labanan ang impeksiyon.  Kaya’t dapat tayong matuwa kapag may lagnat sapagkat ang lagnat ay indikasyon o palatandaan na lumalaban ang ating immune system sa panganib na dala ng mikrobyo o sakit.


Ito ang dahilan kung bakit maling-mali ang pag-inom ng mga gamot-botika (drug) sapagkat isu-supress o pipigilan lamang nito ang natural healing process na nagaganap sa ating katawan.


Pansamantalang itatago lamang ng gamot ang sakit. Kapag nawala na ang bisa ng gamot, babalik ulit ang sakit na may kasama ng iba’t ibang side effects tulad ng cancer. The medical drug approach is the wrong approach.


Ano ang dapat gawin kung my lagnat?


Napakaraming paraan upang lunasan ang taong may lagnat.  Maraming medical doctors na rin ang marunong nito,  lalo na iyong iba na nagising na sa katotohanang mali at delikado ang drug-oriented approach.


Isa sa mabisang paraan ay water therapy (fever sponge bath, hot sponge bath, cold sponge bath, etc).

 

 

Kung may infection ang pasyente, bigyan siya ng garlic syrup (the most powerful natural antibiotic in the world).


The natural Mother-Earth approach is the best dahil ito ay ligtas at napakabisa. Higit sa lahat… walang side effects.

 ‘Yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana po’y panibagong kaalamang pangkalusugan ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

(PLAY EXTRO-LETS DO IT!!!)

Posted by dxupfm at 1:56 pm | permalink | comments[2]

Pagpili ng Kaibigan


for everyone
 

(October 6,  2009-Martes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “May kasabihan na sabihin mo sa akin ang iyong mga kaibigan at sasabihin ko kong sino ka?

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Tell me who are your friends and I will tell you who are you? Ang ibig sabihin ay  sabihin mo sa akin ang iyong mga kaibigan at sasabihin ko kong sino ka? Ano ang ibig sabihin?

Dapat piliin mo ang iyong maging kaibigan dahil pwede kang mahawa o maapektuhan ng kanilang mga ugali o gawain.

 

 Papaano ba ang pagpili ng kaibigan? O talaga bang dapat nating piliin ang magiging kaibigan natin?

 

Narito ang paliwanag ng isang manunulat tungkol sa pagpili ng kakaibiganin o kaibigan.

 

Noong daw mga panahon na mahilig pa siyang maglaro ng   jolens, simple lamang ang pakikipagkaibigan.

  • Lahat na batang nakakasalamuha at nakakasama sa paglalaro ay itinuturing nang kaibigan.
  • Iyong mga taong masayang kasama ay mga kaibigan.
  • At kahit iyong hindi alam ang pangalan at nakikita sa paaralan ay kaibigan na rin. Kahit iyong mga nakakasabay lang sa paglalakad o kaya’y sa paliligo sa ilog.
  • Lalo na iyong mga kasama sa pangangakyat ng bayabas at mangga.

 

Ngunit habang nawawalan na ng hilig sa mga larong habulan at taguan, tila may nagbabago rin sa konsepto ng kaibigan at pakikipagkaibigan. Madalas ang mga lalaki ay nagkukumpulan at nagkukuwentuhan ng mga bagay na kaakibat ng pagtaas ng antas ng kanilang panlasa o hilig. Ang kababaihan naman ay mapapansing madalas magkuwentuhan ng mga bagay na parang sekreto at parang nakakakilig dahil parang may ibang ningning ang kanilang mga mata habang nagkukwentuhan. Nariyang may magpapasapasahan ng papel habang nagkaklase upang kahit papaano ay maipagpatuloy pa rin ang naputol na usapan. Samantalang ang kalalakihan na madalas nakaupo sa bandang likuran ay nagkakaintindihan na sa mga tingin pa lamang lalo na kung tungkol sa mga kalokohan.

 

(PLAY LAUGHING).

 

At sa mga ganoong pangyayari nalilinang ang bagong pagtingin sa kaibigan at pakikipagkaibigan. Nariyang sukatin ang pagiging kaibigan sa pagsama sa mga eksperimento sa pag-iinom at paninigarilyo. Nariyang sukatin ang usapin ng pakikipagkaibigan sa pag-iwas sa pagbulgar sa sekretong si ganito ang crush ng isa at si kuwan naman ang tipo ng isa. Nariyang sukatin ang pakikipagkaibigan sa pagpayag na maging tulay ng dalawang nagliligawan (madalas itong nagkakaroon ng isyu na ang tulay ay nanunulay din!).

 

(PLAY LAUGHING).

 

Habang patuloy na nagyayari ang mga ganoon, unti-unting nagkakaroon ng pagbabago sa pagtingin sa usapin ng pakikipagkaibigan. Nagkakaroon ng mga grupo o ekslusibong barkadahan

 

Sa lahat na mga panahong iyon, madalas maiisip na ang mga kaibigang iyon ay panghabambuhay na. Na ang mundo ay umiinog lamang sa mga kaibigang iyon at hindi na iyon magbabago pa.

 

Subalit sa pagpasok ng panibagong yugto, nagbabago rin madalas ang pananaw sa mga bagaybagay. Nariyang maisip na tila nakakatawa pala iyong mga pinagsasabi mo noon at pinaggagawa sa buhay. Mayroon namang nananatili pa rin ang pananaw na walang nagbago sa lahat na bagay.

 

Sa mga panahong ito, nagsisimula nang magkaroon ng tunay na hugis ang pagturing sa iba bilang kaibigan. Ang iba’y nagkakaroon na ng malinaw na pamantayan kung sino ang mga taong kakaibiganin. At madalas ang mga taong nagiging kaibigan sa panahong ito ay nagiging kaibigan na sa matagal na panahon. Ang iba nga’y hanggang sa mamuti na ang kanilang mga buhok.

 

Subalit gayun paman, hindi pa rin iyon ang makapagtitiyak kung talagang magiging magkaibigan nga ba kayo sa matagal na panahon. Ngunit kung magkaibigan kayo sa maikling panahon iyon ba’y maituturing na kaibigan nga?

 

Karamihan sa mga tao ay napapaloob sa “out of sight, out of mind” na kalagayan.

  • Kaya kung sino ang mga nakakasama sa trabaho, sila rin ang nagiging kaibigan. Sa mga panahong nagkikita ang mga dating magkaibigan, madalas nagtatantiyahan pa dahil malalaman ng isa’t isa na magkaiba na ang kanilang mga interes.
  • May mga magkakaibigan na ang nasa isip ay magiging masaya ang pagkikita matapos ang mahabang panahon ngunit matutuklasan na lamang nila na wala pala silang mapag-usapan na.
  • Mayroon namang kahit na magkasama pa rin ay matutuklasan isang araw na sadyang magkaiba pala talaga ang kanilang gustong mga bagay at nagtataka kung bakit nakikipagkaibigan sila sa mga taong hindi naman pala dapat nilang kaibiganin.
  • Minsan, may iba na nagiisip na lahat na nakapaligid sa kanya ay kanyang kaibigan. Subalit sa mga panahong kailangan niya ng kaibigan, matutuklasan niyang wala pala siyang kaibigan.

 

Kaya nararapat na lamang na pag-aralan ang tamang paghahanay   kung sino ang kaibigan at sino ang hindi dapat maging kaibigan.   May mga pagkakataong matutuklasan na lamang na kahit matagal nang kasama ang isang tao ay saka mo lamang mapagtanto na hindi pala siya ang hinahanap mong kaibigan.

 

Sa panahon ngayon na pinaglalapit ng teknolohiya ang magkakaibigang nasa magkaibang lupalop ng daigdig, tila sigurado na magiging malapit pa rin ang mga kaibigang matagal nang hindi nagkasama. Sapagkat maari naman kayong magtinginan ng profile halimbawa sa friendster o iba pang networking sites. Magkakakitaan pa kayo ng mga litrato at magkakaalaman ng saloobin sa mga blog na katulad nito. Subalit lahat nang ito ay hindi pa rin garantiya na mananatili o lalong magiging mahigpit ang pakikipagkaibigan.

 

Sapagkat ang pakikipagkaibigan ay usapin ng pagpili. At ang pagpili ng tao ay nagbabago rin na gaya ng panahon.

 

Ngunit kahit na magbago man ang mga hilig at pagpili sa buhay, may mga pagkakaibigang tumatagos sa panahon at anumang balakid sa komunikasyon. Sa aking palagay, ito iyong pagkakaibigang hindi nakabatay sa mga malinaw na pamantayan kundi sa isang hindi nasusulat na unawaang maging magkaibigan. May mga taong magaan ang loob sa isa’t isa at ni hindi nila kailangan ng mga bagay na mapagkasunduan upang maging magkaibigan.

 

Ano ngayon ang masasabi nating tunay na pakikipagkaibigan? O sino kaya ang mga tunay na kaibigan? Paano ba ang tamang pakikipagkaibigan?

 

Malamang marami at magkakaiba ang ating mga sagot, mga palapalagay at paniniwala sa mga bagay na ito. Subalit naniniwala akong gayunpaman, hindi ito magiging hadlang upang maging magkaibigan tayo.

 

Para kay Kaka Alih ang tunay na kaibigan ay kaibigan ng Allah o ng Poong Maykapal.

 

Bweno ituloy na lamang ninyo ang talakayan sa inyong mga kumpare a tmagbigay na ang kayo ng feed back kay Kaka Alin,  pansamantala   hanggang dito na lang muna kami,  Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…itutuloy natin at  lalo natin  paiigtingingin talakayan.. This your    segment writer and producer.. at your service ….   Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 1:31 pm | permalink | comments[5]

Alam Buhay-Tamang Paghahanda ng mga Gulay at Isda

Radio Program: BUHAY BUHAY SA DXUP

 Segment: -ALAM BUHAY

 Segment Writer/Reporter: -LUCY B. DUCE

 Date of presentation: October 06,   2009

 

Tamang paraan sa paghahanda ng mga gulay at isda

 

Alinmang gulay, bago talupan o hiwain, hugasan muna. Huwag ugaliin na matapos balatan o hiwa-hiwain ang gulay ay saka huhugasan (lalo na kung maliliit ang pagkakahiwa) sapagkat sa ganyang paraan, ang ibang sustansya ng gulay ay matatapon, kasama ng tubig na punaghugasan.

 

Huwag labis na lulutuin ang mga gulay. Bukod sa di masarap ang gulay kapag lantang-lanta sa pagkakaluto, ay nababawasan pa ang sustansiya nito. isa pa, hindi magandang ihain ang gulay na durog o parang ‘kalamay’ dahil sa labis na pagkakaluto.

     

Paghahalabos ng hipon

 

Gaano karami ang tubig na isinasabaw ninyo kapag kayo ay naghahalabos ng hipon? Isang puswelong tubig? Dalawa o tatlong puswelo? Parehong mali! Hindi dapat lagyan ng maraming tubig ang hipon na ihahalabos.

 

May ’sekreto’ ang mga hipon - may ‘baon’ na tubig sila sa kanilang balat. At ito ay kakatas sa sandaling mainitan o maisalang sa apoy. Kaya, hugasan lalang ang hipon, ilagay sa kaldero at timplahan ng kaunting asin. Kung malalai ang hipon ay maaring sabawan ng 3-5 kutsarang tubig. Pakuluan hanggang matuyuan.

 

Alimasag: Tulad din ng hipon ay hindi dapat na ‘palutangin’ ito sa tubig kapag lulutuin. Ang 1/4 - 1/2 puswelong tubog ay sapat na.

 

Tips sa pagpiprito ng Isda

 

Marami ang ‘natatakot’ sa pagprito ng bangus. Ang dahilan, pumipisik ang mantika sa sandaling maihulog ang bangus. At totoo ngang napakasakit ang mapaso ng kumukulong mantika.

 

May paraan para diyan. Bago prituhin ang bangus, pagulungin sa dinurog na tustadong tinapay (biskotso) o arina. Haluan ng kaunting vetsin ang durog na tinapay o arina. o kaya, kungdi ninyo gusto na nakabalot sa arina ang bangus, budburan ng ilang butil na asin ang kumukulong mantika bago ihulog ang bangus. Pagkatapos, takpan. Alisin ang takip at baligtarin ang isda kapag di na nakadirinig ng tilamsik sa loob ng kawali.

 

Tips sa pagluluto ng Isda na may sabaw

 

Ang alinmang isda ay hindi dapat na pakuluan at lutuin sa sabaw nang napakatagal sapagkat madudurog. Ang lima hanggang walong minutong pagpapakulo ay sapat na.

 

Kapag lutuing may sabaw ang pagsasahugan sa isda, (halimbawang pesa, sinigang o swam) ay huling ihulog ang isda. Huwag hahaluin upang manatiling nasa ibabaw ang isda at nang madaling mahahango at di masisira kung ihahain na.

 

Kung ang isda ay pasisingawangan lamang o lulutuin nang nakaangat sa kumukulong sabaw, kahit na bumilang ng nga oras ay maaring hayaang nakasalang. Tulad ng isdang tulingan. Napakakapal ng laman nito at sadyang kailangan pasingawan nang matagal (hanggang dalawang oras na pagpapasingaw).

 

Paano malalaman kung mataba o hindi ang Alimasag?

 

Itihaya ang alimasag. Ang magkabilang dulo ng talukap nito at patulis. Sa gawing patulis na ito pindutin nang bahagya. Kapag malambot at waring ibig lumusot ang iyong daliri sa balat, ang ibig sabihin ay payat ang alimasag. Kung matigas naman at waring punung-puno ang bahaging iyon, nangangahulugan na mataba ang alimasag lalo na’t mabigat ito kung titimbangin ninyo sa inyong kamay.

 

Ukol sa kasariwaan ng alimasag:

 

Sa kulay din makikilala ito. Kung malinaw ang kulay ng talukap at mga galamay, ibig sabihin ay sariwa. Upang lalong malatiyak, piliin ang buhay at gumagalaw pa.

     

Paraan ng pagpili ng sariwang isda

 

Marunong ba kayong kumilala ng sariwa at bilasang isda? Huwag ninyong sabihin na sa tigas o lambot ng laman nalalaman ang kasariwaan ng isda. Sapagkat mayroong mga bilasang isda na matigas ang laman nang dahil lamang sa pagkakababad sa yelo.

 

Sa kulay ng mga mata, ng hasang at maging ng katawan mapagkikilala ang kasariwaan ng isda.

Posted by dxupfm at 1:27 pm | permalink | comments[1]

Palatandaan ng Sakit na Myoma

October 5, 2009

Program: Buhay-buhay sa dxup

Date: October 5, 2009 (Lunes)

Time: 7:00-8:00 A.M.

Anchor: Leny Rose Bajar Sunio

Segment: LETS DOH IT!!!

Segment Producer: Noralyn Laguey Bilual

——————————————————————————————————-

Host/Leny: “Ang ibabahagi sa atin ng ating segment writer/producer na si Noralyn Laguey Bilual, ay ang:  tungkol sa Palatandaan ng  Sakit na Myoma 

(PLAY INTRO)

Noralyn:   Magandang umaga, kumusta po kayo at eto na naman ang ating bahaging Lets Doh it!! at tatalakayin po natin ngayon ang..   Palatandaan ng  Sakit na Myoma 

Tinatawag na myoma o uterine fibroid ang tumutubo na parang bukol sa loob o labas ng sinapupunan o matris). Hindi ito cancer. Sa ngayon, hindi malinaw ang dahilan nito subalit may impluwensiya ang estrogen at progesterone hormones sa paglaki nito.

Kalahati ng mayroong myoma ay hindi kakikitaan ng anumang sintomas. Kung may sintomas man, ito ay kadalasang hindi malala at hindi kailangang gamutin. Marami rin sa mga myoma ay lumiliit o nawawala nang mag-isa sa pagsapit ng menopause.

Maaaring maging sintomas ng myoma ang mga sumusunod:

1.) Abnormal, malakas at matagal na regla. Bleeding at spotting sa pagitan ng mga menstrual period.

2.) Anemia o kakulangan ng dugo dahil sa sobrang regla.

3.) Masakit na tiyan, baywang o likod habang nagtatalik.

4.) Madalas at hindi mapigilan na pag-ihi. Madalas na urinary tract infection o UTI.

5.) Constipation

6.) Hindi mabuntis

7.) Problema sa panganganak katulad ng premature labor, miscarriage o abortion.

Pinapayo sa mga babaeng ina na komunsulta sa doktor kung:

  • Masyadong malakas ang inyong regla

  • Kung biglang masakit ang inyong pagreregla

  • Kung madalas at masakit ang pag-ihi, may dugo sa ihi o walang kontrol ang pag-ihi

  • Kung humahaba at iregular ang inyong menstrual cycle

  • Kung sumasakit na ang inyong puson

Matapos ang pelvic exam, maaaring magpagawa ang inyong doktor ng pelvic ultrasound o kaya MRI kung kakailanganin.

Kapag malaki na ang myoma at malala na ang mga sintomas katulad ng hindi mabuntis, miscarriage, sobrang bleeding, pelvic pain, anemia, at iba pa, kailangan na itong alisin.

Kung maaari, ang bukol o myoma lamang ang aalisin. Ang tawag dito ay myomectomy. Ngunit kung minsan, dapat alisin din pati ang uterus kaya hysterectomy na ang gagawin. Huwag kayong matakot na ipatanggal ito kasama ang uterus lalo na kung tapos na ang panahon ng panganganak. Malaking ginhawa ang maidudulot ng pag-alis nito sa inyong pangkalahatang kalusugan at pagkilos.

“Yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana ay panibagong kaalamang pangkalusugan ang naihatid ng programang ito, hanggang bukas, ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL,  maraming salamat at magandang umaga.

Posted by dxupfm at 1:38 pm | permalink | comments[70]

Maling Kaugalian ng Pinoy na Dapat Baguhin

(October 5,  2009-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Kaugalian   ng mga Pilipino ang siyang tatalakayin ng  ating segment writer na si Kaka Alih..  but this time ang tatalakayin natin ay anong “Maling Kaugalian ng Pinoy na Dapat Baguhin”?

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Ang Lipunang Pilipino ay may magkahalong lipunan o multi cultural diversity, ang bawat tribu  dito sa Pilipinas ay may mga kaugalian na magagandang kaugalian na dapat panatilihin.    May mga kaugalian na nabuo na hindi na maganda, dahil ito ay salungat na kagandahang asal at kultura’t kaugalian ng mga katutubong Pinoy.

 

Ang ilan sa mga maling kaugalian ng mga Pinoy na dapat ng baguhin ay ibabahagi natin at inyong husgahan kong dapat bang baguhin o panatilihin pa.

 

Kung may kaugaliang Pinoy na aking nais kong baguhin ay ang pagiging mapanuro sa iba. Yung tipong pag may nangyaring problema, ang unang hinahanap ay yung taong sisisihin. Pag naghihirap at nagugutom, gobyerno ang sinisisi.  

 

Na pag bagsak sa subject, yung teacher ang may sala, kesyo teacher na blah-blah, ang iportante may nasisi siya. Kong talo sa election, kasi dinaya kami (ang totoo hindi nakalusot ang kanyang pandaraya) (PLAY LAUGHING). Yes please do’t laugh , wag kayong tumawa, totoo iyan, ang Pinoy, laging iba ang sinisisi ang kapuwa.

 

“Para sa akin Kaka Alih, ang dapat baguhin na ugali ay yung pagka-inggitero ng mga pinoy o yaong tinatawag na crab mentality”. Pagpapaliwang ni Maam, isang guro.

 

Oo nga no? Bakit ganun? kung  kailan umaasenso o nagiging sikat ang isang tao ay saka naman

ito hahatakin pababa ng iba. Ewan ko bakit  kasi nagiging inggitero ang mnga Pinoy….

 

Tama kayo diyan Maam, may mga taong ayaw nilang malagpasan sila ng kanilang kapuwa, gusto nila sila lang palagi ang number one. Kong may nagiging leader sa kanilang angkan, kaagad nagplano na rin na maging leader, at di baling makagawa ng mali, basta maging leader na rin siya.

 

“Para sa akin Kaka Ali, dapat din baguhin ang ugaling “Ningas Kugon” ng mga Pinoy,  Pag-sa simula ang trabaho, ang sipag-sipag yun pala pakitang tao lamang, pag wala ng nakakakita, wala na hinintuasn na ang trabahong sinimulan.”

 

“…isa pang masamang ugali nating mga Pinoy ay yong bang,  ang bilis nating manghusga ng tao…sabi nga ng friend ko don’t judge the book by its cover because you’re not a judge.”

 

(PLAY LAUGHING).

 

Heto ang naman ang kay Maestro: “Kaka para sa akin, ang lahat ng  ito walang dapat sisihin kung hindi mga mananakop naating  mga kastila kaya tayo naging ganito.  (Ipaliwanag mo papaano masisi ang mga Kastila). Ganito yun Kaka,  dahil sa kanilang pang aapi noon sa mga Pinoy, nabuo sa utak ng Pilipino ang mga ugaling ito. Try to read our history book,  malalaman mo na  peaceful ang Pilipinas noong panahon bago pa tayo sakupin ng   Kastila, diba walang krimen at lahat ng tao ay nagkakasundo?”

 

Comment Maestro, history din  man lang ang binanggit ninyo, dagdagan ko   ang sinabi mo. Hindi lang naman ang mga Kastila ang sumakop sa atin,  pati na rin ang mga Amerikano ay sinakop din tayo, at ayon sa political officer ng MILF, ang pinakaugat na problema ng mga kapatid na Bangsamoro ay ang pagsakop sa kanila ng Amerika, ng mabili o masakop ang mga Pilipino, kasama na ang mga Bangsamoro, ay binigyan ng kalayaan ang Pilipino ngunit hindi ang Bangsamoro, dahil ipinamigay sa kapatid na Pilipino.

 

Heto pa ang alam ko na dapat baguhin, “pangungutang para may maihanda sa fiesta.”

 

Tama ka kaibigan, biruin mo kahit pa isanla natin ang bahay natin makapaghanda lang sa ang Pilipino sa mga  fiesta.  Di ba parang mali naman ata yon? papano na ang pamilya natin pagkatapos ng fiesta? (gutom!, gutom Kaka Alih).. Kaibigan  payag ba kayong ganon ang mangyari?

 

“Kaka Alih, para sa akin, maituturing ko itong isang napakalaking kalokohan.” (pare marami ang isusumpa sa mga sinabi mo)

 

“Iyan Kaka, isa pang ugali ng Pinoy na dapat baguhin, pag sinabi mo sa kanya ang totoo, galit sa iyo, ikaw pa ang mali”.

 

Actually hindi yung pangungutang ang dapat puntuhin dyan sa pangungutang sa gastusin sa fiesta. Ang dapat baguhin ng mga Pinoy ay yung kayabangan. (Yes mayabang tayong mga Filipino, tabi-tabi lang ang hindi mayabang.. bato-bato sa langit ang tamaan ay may bukol)

 

 (PLAY LAUGHING).

 

Yes huwag pagtawanan ang sinabi ko, tayong mga Pilipino, kahit pa anong okasyon nangungutang makapaghanda lamang. Bakit  kung wala kang pera, bakit ka naman maghahanda para lang hindi masabi ng kapitbahay mo na wala kang pera? Yun siguro ang dapat baguhin kayabangan, pag nawala na yung yabang, hindi na problema ang pangungutang.

 

“Isang ugaling dapat mawala satin ay yung pagiging mapagsamantala   yung pakakainin mo na sa palad pero pati siko ay gusto pang sunggaban…”

 

(PLAY LAUGHING).

 

Hay naku di ito matatapos kong ang pag-uusapan ang dapat baguhin sa ating mga Pinoy, ang adapat yata ay complete overhaul..

 

Bweno ituloy na lamang ninyo ang talakayan sa inyong mga kumpare ang magbigay lamang kayo ng feed back kay Kaka Alin,  pansamantala   hanggang dito na lang muna kami,  Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas…itutuloy natin at  lalo natin  paiigtingingin talakayan.. This your    segment writer and producer.. at your service ….   Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

 

Posted by dxupfm at 7:12 am | permalink | comments[8]

Paraan Upang Maalis isang Nakabara, Nabilaukan (Heimlick Maneuver)

October 3, 2009

Program: Buhay-buhay sa dxup

Date: October 2, 2009 (Friday)

Time: 7:00-8:00 A.M.

Anchor: Leny Rose Bajar Sunio

Segment: LETS DOH IT!!!

Segment Producer: Noralyn Laguey Bilual

 

Host/Leny: “Ang ibabahagi sa atin ng ating segment writer/producer na si Noralyn Laguey Bilual, ay ang:  tungkol sa Paraan Upang Maalis isang Nakabara,  Nabilaukan (Heimlick Maneuver)

(PLAY INTRO)

 

Noralyn:   Magandang umaga,kumusta po kayo at eto na naman an gating bahaging Lets Doh it!!at tatalakayin po natin ngayon ang..Heimlick Maneuver for Adults or in General.

 

May kasabihan na “laging handa”. Ang kasabihan na ito ay hindi lamang   ito para sa mga boy at girl scouts. Lahat tayo ay dapat handa din sa mga emergency,  katulad ng may nalulunod, nasusunog, nasusugatan, nababalian, hinihimatay, inaatake sa puso o nabibilaukan at hindi makahinga, lalo na kung may nanganganib na buhay at walang doktor o espesyalista na makakasaklolo kaagad.

 

Isa sa mga dapat nating malamang emergency measures ay ang “heimlich maneuver”. Paraan ito upang maalis ang isang nakabara, katulad ng piraso ng pagkain sa lalamunan ng  isang tao.

 

Sa heimlich manuever,  pinipisil pataas ang diaphragm upang umubo ang biktima. Ang hangin ay napupuwersang palabas mula sa baga hanggang matanggal ang  nakabara sa lalamunan.

 

Paraan ng Pagsasagawa:

 
  • Habang nakatayo ang biktima, tumayo sa likod niya at likumin ang baywang
  • Gawing kamao ang isang kamay na nakapasok ang hinlalaki sa loob nito.
  • Ilagay ang kamao sa sikmura sa ilalaim ng tadyang sa itaas ng pusod. 
  • Itakip ang kabilang kamay sa kamao, sabay diin nito pataas sa sikmura ng biktima.
  • Huwag diinan ang tadyang at baka mabali ito, ang pressure ay dapat nasa kamay at kamao lamang.
  • Ulit-ulitin ang pagdiin hanggang matanggal ang bara.
 

Kung hinimatay ang biktima o kung ang tumutulong ay hindi malilikom ang baywang ng biktima, ito naman ang paraan:

  • Pahigain ng patihaya ang biktima.
  • Harapin ang biktima nang paluhod sa bandang baywang nito.
  • Ilagay ang palad ng isang kamay sa sikmura sa ilalim ng tadyang sa itaas ng pusod.
  • Gamitin ang bigat ng katawan at diinan ng pataas ang sikmura ng biktima.
  • Ulit-ulitin ito hanggang lumabas ang bara.
  • Kung hindi magising ang biktima gawin ang cardio pulmonary resuscitation o cpr. Habang ginagawa ang heimlich manuever o CPR, magpatawag na ng doktor o ambulansya  at dalhin kaagad ang biktima sa hospital. 
  • Huwag tapikin sa likod ang biktima. Nakasasama pa ito.       
 

Ang huling payo natin ay: “Mag-ingat sa lahat ng uri ng aksidente, mahirap maospital sa panahon ngayon.”

 

Iyan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

 

(PLAY EXTRO)

Posted by dxupfm at 12:19 pm | permalink | comments[10]

Halal Lamang Ang Dapat Kainin ng Tao

October 2, 2009

(Bahagi ng Script na sinulat ni Alih Anso-writer/Host ng Suara Talainged (Voice of the the Native Inhabitants-DXUP FM 6:00-7:00 PM-Monday to Friday)

Marahil marami sa atin ang hindi pa gaanong pamilyar sa salitang Halal.  Ang salitang ito ay kadalasang kasunod na idinidikit sa mga pagkain.

Ang Halal ay isang Arabic na salita na ang ibig sabihin ay naaayon sa batas o pu-puwede. Karamihan ng pagkain ay itinuturing na halal maliban na lamang kung ito’y malinaw na nakasaad sa Holy Quran at Hadith bilang mga pinagbabawal o non-Halal.

Sa bansang Pilipinas na nakakarami ang Kristiyano ay binigyan na rin ng pansin ang pagkain Halal. Hindi dahil sa paniniwala sa Islam, kundi para sa ekonomiya. Sa pag-unlad ng negosyo ng Pilipinas, dahil ang mga bansang may mga Muslim, tulad ng Malaysia, Indonesia, Saudi Arabia at iba pa ay hindi bumibili ng mga panindang hindi certified ng Halal.

Noong Agosto 28, 2008, tinalakay ang usaping ito na pinamagatang “First Regional Forum on Halal Food Safety Management System for Food Service Industry” na ginanap sa Department of Tourism.

Ayon sa travel agencies na nakabase sa Brunei at Malaysia, mahirap na makumbinse ang mga turista sa bansa dahil sa kakulangan ng halal food at mga serbisyong bagay sa kanila. Kapansin-pansin na tumataas na rin ang paghimok maging sa hindi mga Muslim na tumatangkilik ng mabubuting pagkain sa tulong na rin ng TV at print ads. Naging daan ito upang magkaroon ng pagbabago sa tourism industry sa bansa.

Nagmulat ito upang magkaroon ng magandang oportunidad na lumago ang ating ekonomiya partikular sa kita ng hotels, restaurants, airlines, shopping malls, markets, at iba pa. Sa ganitong bagay, ang mga turistang Muslim ay hindi na mahihirapan pang dumayo rito dahil ang bansa ay makapagbibigay na ng high-class halal food at services.

Inatasan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo ang DOT na tumayo bilang isa sa mga ahensiya upang mapag-ibayo ang lahat ng government programs na may kinalaman sa Halal trade upang masiguro ang kompyansa ng bansa sa international standards at epektibong implementasyon ng Halal Export Trade Development Program.

Sa Autonomous Region in Muslim Mindanao ay naitatag na ang NGO  na nagce-certify ng Halal na kainan at pagkain: Muslim Mindanao Halal Certification Board (MMCHB).

Sa kasalukuyan ay nag signify ang ang bagong tatag na Upi Agricultural Ventures Corporation,  na mabigyan ng pagkilala ng MMCHB ang  kanilang productong microbial organic fertilizers.

Sa Islam, lahat ng pagkain ay pupuwedeng kainin maliban sa: Alkohol at drugs, dugo, karniborosong hayop at ibon o prey, patay na hayop/ibon (na namatay ng kusa bago katayin), immolated o pinatay bilang alay na mga pagkain, baboy o mga by-products nito.

Inatasan ng Allah ang Kanyang mga lingkod na kumain ng mga pagkaing nakabubuti at ipinagbawal Niya sa kanila ang mga pagkaing nakasasama. Sinasabi Niya (2:172): “O mga mananampalataya, kumain kayo ng mga nakabubuti na itinustos Namin sa inyo.…”

Ang halos lahat ng pagkain ay ipinahihintulot maliban sa mga ipinagbawal. Ang Allah ay nagpahintulot sa Kanyang mga lingkod na mananampalataya na kumain ng mga nakabubuting pagkain upang pakinabangan nila ang mga ito. Hindi ipinahihintulot na gamitin ang mga biyaya ng Allah sa pagsuway. Nilinaw ng Allah sa Kanyang mga lingkod ang ipinagbawal Niya na mga pagkain at mga inumin. Sinasabi Niya (6:119): “…gayong ipinaliwanag Niya sa inyo na malinaw ang ipinagbawal Niya sa inyo, maliban doon sa kung kayo ay mapipilitan.…”

Ang anumang hindi nilinaw na ipinagbabawal, ito ay Halal (ipinahihintulot ng Allah). Nagsabi naman ang Propeta (SAS): “Tunay na ang Allah ay nagsatungkulin ng mga tungkulin, kaya huwag ninyong ipagpawalang-bahala ang mga ito; nagtakda ng mga hangganan, kaya huwag ninyong lampasan ang mga ito; nagbawal ng ilang mga bagay, kaya huwag ninyong labagin ang mga ito; nanahimik sa ibang mga bagay bilang awa sa inyo—hindi sanhi ng pagkalimot, kaya huwag na ninyong usisain ang mga iyon.”

Samakatuwid, ang bawat bagay, tulad ng mga pagkain, mga inumin, at mga kasuutan, na hindi nilinaw ng Allah o kaya’y ang Kanyang Sugo (SAS) ang pagbabawal nito ay hindi ipinahihintulot na ipagbawal ito. Ang patakaran ay ganito: ang bawat pagkain na Tahir (itinuturing na malinis sa Islam kaya naman ipinahihintulot na kainin) na hindi nakapipinsala ay ipinahihintulot; taliwas sa mga pagkaing Najis (itinuturing na marumi sa Islam, kaya naman ipinagbabawal na kainin) gaya ng patay na hayop, dugo, nakalalasing na inumin, sigarilyo, at pagkaing nahaluan ng bagay na Najis dahil ang mga ito ay ipinagbabawal sapagkat nakasasama at nakapipinsala.

Ang ibig sabihin ng patay na hayop ay ang hayop na naalisan ng buhay nang hindi ayon sa pagkakatay na itinatagubilin ng Islam. Ang dugo na ipinagbabawal ay ang dugong lumalabas sa hayop kapag kinakatay. Ang dugong naiiwan sa loob ng karne matapos katayin at ang dugong natitira sa mga ugat ay ipinahihintulot kainin.

Ang mga Ipinahihintulot na Pagkain

Ang mga ipinahihintulot na pagkain ay dalawang uri: ang mga hayop at ang mga halaman. Ipinahihintulot ang alin man sa mga ito kung hindi nakakapipinsala. Ang mga hayop ay dalawang uri: mga hayop na nabubuhay sa lupa at ang mga hayop na nabubuhay sa dagat. Sa kabuuan, ang mga hayop na nabubuhay sa dagat ay Halal at hindi na rin kailangang katayin ayon sa itinatagubilin ng Islam sapagkat kahit nga ang patay (namatay na hindi kinatay) na hayop ng dagat ay ipinahihintulot na kainin.

Ang mga hayop na nakatira sa lupa ay ipinahihintulot kainin maliban sa ilang uri na ipinagbawal ng Islam at ang mga ito ay ang mga sumusunod:

 

1. Ang asno na inaalagaan,

2. Ang anumang hayop na may pangil na ginagamit nito sa pagsila, maliban sa hyena.

3. Ang mga ibon, maliban sa mga sumusunod:

a)      Ang mga ibon na may kukong ipinandadagit o ipinansisila. Nagsabi si Ibnu ‘Abbas (RA): “Ipinagbawal ng Sugo ng Allah (SAS) ang lahat ng may pangil na mabangis na hayop at ang lahat ng ibong may kukong ipinaninila.”

b)      Ang mga ibong kumakain ng patay gaya ng agila, buwitre, uwak, at lawin dahil sa dumi ng kinakain ng mga ito.

4. Ipinagbabawal din ang mga hayop na nakapandidiri tulad ng ahas, daga, at mga kulisap (maliban sa balang at tipaklong).

 

 Ang iba pa sa mga hayop at mga ibon na nabanggit ay Halal tulad ng kabayo, baka, kalabaw, kambing, tupa, usa, manok, asnong ligaw (hindi inaalagaan), usa, ostritch, kuneho, at iba pa. Hindi kabilang sa mga ito ang Jallalah: ang hayop na bagaman Halal ngunit ang karamihan sa kinakain ay Najis. Ipinagbabawal kainin ang Jallalah hanggang hindi ito ikinukulong ng tatlong araw at pinakakain ng pagkaing malinis.

 

Makroh ang pagkain ng hilaw na sibuyas, bawang, at anumang tulad nito na may masamang amoy lalo na kung papasok sa Masjeed.

 

Ang sinumang mapipilitang kumain ng pagkaing Haram (ipinagbawal), dahil ikapipinsala ang hindi pagkain nito, ay pinahihintulutang kumain ng makasasapat lamang upang manatiling buhay. Ang nakalalason ay hindi maaaring kainin kailanman.

Ang sinumang mapadaan sa isang taniman at namitas ng bunga sa puno nito o namulot ng nalaglag na bunga at walang anumang bakod na nakapaligid sa pataniman at wala ring nagbabantay; ipinahihintulot sa kanya na kainin ang nasabing bunga ngunit hindi siya magdadala, hindi aakyat sa puno, hindi mambabato ni manunungkit ng bunga, at hindi kakain sa mga nakatipon o nakatumpok na bunga maliban na lamang kung kinakailangan.

Dahil ang ninakaw ay Haram din.

Posted by dxupfm at 5:06 pm | permalink | comments[5]

Kaugalian at Kultura ng mga Pilipino

 (October 2,  2009-Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Host: “Kaugalian at Kultura ng mga Pilipino ay samut sari, at ilan dito ay siyang tatalakayin ng  ating segment writer na si Kaka Alih.. 

 

 Pagkakabuklod-buklod ng Mag-anak, anong dulot na kabutihan ?

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Ang Lipunang Pilipino ay magkahalong lipunan multi cultural diversity.    Bagamat isang    bansa, magkakahiwalay ang mga   lugar, dahil sa nahahati sa libo-libong  pulo.      Ang bansa ay nahahati sa pagitan ng mga Kristiyano, Muslim, at iba pang pangkat ng paniniwala; sa pagitan ng mga nasa lungsod at sa mga nayon; mga tagabundok at tagapatag; at pagitan ng mga mayayaman at ng mga mahihirap

 

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas.  

 

Ang isa sa mga kaugalian at kultura na hanggang ngayon ay umiiral ay ang  pagkakabuklod-buklod ng mag-anak o pamilya:

 

Ang mag-anak o pamilya  ang siyang pinakamaliit na yunit ng ating lipunan. Dito nagsisimula ang kaugalian, kultura, at pagpapahalaga ng isang tao. Matibay ang pagkakabuklod-buklod ng pamilyang Pilipino. Labis ang pagpapahalaga natin sa pagsama-sama ng buong pamilya. Kahit may bago ng pamilya ang isang anak, pilit pa rin ng magulang na patitirahin sa kanilang tahanan,    gaano man kaliit ang bahay nila. Hanggat maaari ay ayaw ng mga magulang na malayo ang kanilang mga anak sa kanilang piling.

 

Ang mga Pilipino ay kadalasang malalapit sa kanilang mag-anak at iba pang kamag-anak. Maraming mga Pilipino ang tumitira malapit sa kanilang mga kamag-anak, kahit pa sila ay may edad na o kaya naman ay may sarili na ring mag-anak. Kadalasan ang isang bahay sa Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa dalawang mag-anak. Sa mga lalawigan, ang mga nayon ay kadalasang binubuo ng iisang angkan, at halos lahat ay mag-kakakilala.

 

Ang ilan sa mga dahilan kong bakit nagbuklod-buklod ang mga mag-anak ay dahil sa ekonomiya, bakit ikonomiya, ang ibang magulang sila ang bumubuhay sa kanilang mga anak kahit na may pamilya na. Kong bagong kasal ang kanilang anak ay madalas ay sa kanila nakatira, at kong sakaling magpatayo man ng bahay ang bagong pamilya ay malapit sa bahay dahil kong sakalit-sakali man na magkaproblema ang pamilya ay madali ang pagbibigay ng tulong.

 

Kong minsan sa ilang membro ng pamilya ay iisa lang ang naghahanap buhay, kaya ang negatibong epekto at asahan mo ang hirap ng buhay na kanilang natatamasa.

 

Ang iba pang di magandang epekto nito ay may mga anak na namihasa na at nasanay  na nakadepende sa magulang. Ang anak ay din a natutong tumayo sa sarling paa, kaya naman kahit halos pagluluto ay di natutunan.

 

Kaya asahan mo na ang nag-aagawan ng pamumuno sa mga kumunidad ay di man magkapatid ay malapit na magkakamag-anak, at kong minsan ay magkalaban ay mag-aasawa o dili kaya ay mag-ama o mag-ina ang naglalababan sa isang position.

 

Pansamantala   hanggang dito na lang muna ang ibabahagi natin Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  sa Lunes…mas lalo nating paiigtingingin ang mga ibabahagi  ni Kaka Alih..   sa ating segment na  nakaka…. Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallam.

 

Posted by dxupfm at 4:26 pm | permalink | comments[84]

MGA GABAY TUNGO SA MAUNLAD NA PAGTATANIM NG BULAK o Cotton

Program :    Buhay  buhay  sa DXUP, 7- 8 am  Monday to Friday

Date :          October 02,  2009 Friday

Anchor :     Lennyrose Bajar Sunio

Segment :   Alam Buhay.

Segment Producer:  Nenita Usman Minted. At Lucy Duce.

MGA GABAY TUNGO SA MAUNLAD NA PAGTATANIM NG BULAK o Cotton

(Gafas sa Teduray at R’nawon)

Maraming salamat at magandang umaga ngayong po ating aalamin ang mga makabagong pamamaraan, panibagong pangangasiwa, at mga gabay sa pagpuksa ng mga peste ng bulak Pinakamainam na gamitin ito kasabay ng ibang impormasyong teknikal tungkol sa pagtatanim ng bulak. Ang pagsunod sa mga rekomendasyong  ito ay makatutulong sa pagtamo ng mas malaking ani at kita mula sa bulak. cotton

SA PANAHON NG PAGTATANIM May takdang panahon ng pagtatanim o planting period para sa bawat lugar, batay sa klimang angkop sa bulak.
Kailangang ang magkakaratig na production cluster ay matamnan sa loob ng close-season na di hihigit sa 30 araw.

PAGHAHANDA NG BUKID AT BINHI

Pangkaraniwan

    • Araruhin ang bukid nang hindi kukulangin sa 15 sentimetro ang lalim (anim na pulgada).
    • Suyurin nang dalawa o tatlong beses upang maging pino ang lupa.
    • Ang maayos na paghahanda ng lupa ay mahusay ring pamuksa ng damo.

“Zero” at “Minimum Tillage” Di pangkaraniwan

    • Hindi na kailangang araruhin ang bukid.
    • Putulin nang maiksi ang mga dayami sa pinag-anihan ng palay.
    • Alising lahat ang damo bago magtanim.

PAGGAMOT NG BINHI Ang paggamot ng binhi ay ini-rerekomenda upang maiwasan ang pagkakaroon ng sakit ng mga halaman.
Ibabad ang binhi sa rekomendadong fungicides sa loob ng 6-10 oras bago magtanim.

Mga Rekomendadong Binhi .Magtanim lamang ng rekomendadong variety sa bawat lugar.
Ang mga nangungunang commercial varieties na itinatanim sa bansa ay UPL-C2, CRDI-1, CRDI-2.
Gumamit ng certified seeds ng mga rekomendadong binhi.

PAGTATANIM

·         Pangkaraniwan

o        Maglagay sa bawat tundos ng tatlo o apat na butil at takpan ng kaunting lupa.

o        Sundin ang tamang pagitan ng bawat tundos na inirerekomenda sa lugar.

·         “Zero” at “Minimum Tillage”

o        Gumawa ng butas sa pamamagitan ng matulis na kahoy.

o        Maglagay ng tatlo o apat na butil sa bawat butas.

o        Takpan ng kaunting lupa.

o        Gumamit ng gabay na lubid upang mapanatiling tuwid ang mga hanay.

·         Tamang Dami ng Halaman

o        Sa Luzon at Bisayas, gamitin ang 75-100 x 20-30 sentimetrong spacing, dalawang halaman bawat tundos, at ito ay magbibigay ng 65,000-130,000 halaman bawat ektarya.

o        Sa Mindanao, gamitin ang 100-120 x 210-40 sentimetrong spacing, dalawang halaman bawat tundos, at ito ay magbibigay ng 20,000-80,000 halaman bawat ektarya

PAGBABAWAS/PAGHUHULIP

  • Magbawas (thin) ng tanim sa ika-27 araw pagkatanim at mag-iwan lamang ng dalawang malulusog na tanim bawat tundos.
  • Huwag ipagpaliban ang pagbabawas dahil hihina at papayat ang mga tanim.
  • Maghulip (replant) sa mga tundos na walang sumibol sa ika-15-22 araw pagkatanim.
  • Huwag ipagpaliban ang paghuhulip upang hindi ito lumampas sa close-season planting.

PAG-AABONO

  • Una (Basal) – Sa Araw ng Pagtatanim
    • Ibudbod ang inirerekomendang abono sa layong isang daliri o kaya’y dalawa hanggang limang sentimetro buhat sa bawat tundos.
    • Tabunan ng lupa ang abono.
  • Pangalawa (Sidedress) – Sa ika-42-47 Araw Pagkatanim
    • Ibudbod ang inirerekomendang abono sa tabi ng halaman.
    • Sa zero o minimum tillage, ibudbod ang abono sa tabi ng bawat tundos at takpan ng kaunting lupa.
    • Magpatubig pagka-sidedress.

PAGPAPATUBIG

  • Una-Kung Tuyot ang Lupa
  • Magpatubig pagkatanim sa pangkaraniwang paghahanda ng bukid.
  • Magpatubig bago magtanim sa zero o minimum tillage.’
  • Mga Susunod na Pagpa-patubig
  • Patubigan sa ika-37, 64, at 88 araw pagkatanim sa lagkit na lupa at sa ika-28, 48, 68, at 87 araw naman pagkatanim sa buhaghag na lupa.
  • Patubigan lamang ang pagitan ng bawat dalawang tudling upang maiwasan ang pagkabaha ng lupa.
  • Maaring bawasan ang pagpapatubig kung di nalalanta ang mga tanim sa tanghaling tapat.

Yan an gating dagadag kaalamn ngayogn umaga bukas naman nating muling ipagpatuloy ang usaping ito.ako ang intong segment reporter Nenita Minted

_________________________________________________________________________________________

Program :    Buhay  buhay  sa DXUP, 7- 8 am  Monday to Friday

Date :          October 05,2009 Monday

Anchor :     Lenyrose Bajar Sunio

Segment :   Alam Buhay.

Segment Producer:  Nenita Usman Minted. At Lucy Duce.

Thank you verry much Leny at magandang umaga lalo nasa mga tagapakinig ng DXUP FM ngayong umaga ay atin pong ipagpatuloy an gating napag-usapan noong nakalipas na byesrnes na MGA GABAY TUNGO SA MAUNLAD NA PAGTATANIM NG BULAK o Cotton. Na kung saan nasa bahagi na tayo ng….

PAGSUGPO NG DAMO

Pangkaraniwang Paraan (Off-barring/Hilling-up)

  • Bungkalin ang lupa na paiwas sa tudling o sa pagitan ng mga tudling (off-barring) sa ika-30-40 araw pagkatanim.
  • Bungkalin ang lupa patakip sa puno upang matakpan ang mga puno ng tanim (hilling-up) sa ika-42-47 araw pagkatanim.
  • At bunutin ang mga natitirang damo sa mga tudling.

Paggamit ng Herbicides o puwede ring gumamit ng herbicides

    • Gumamit ng herbicides kung masyadong makapal ang damo at hindi kakayanin ng manwal na pagdadamo.
    • Magbungkal pagsibol muli ng mga damo.
    • Bago at matapos gamitin ang sprayer sa herbicide, linisin itong mabuti upang maalis ang natitirang kemikal.
    PAGPUKSA NG INSEKTONG PESTE
  • Pagmamanman sa Peste
    • Manmanan ang mga insektong peste sa pamamagitan ng Crop Pest Monitoring System (CPMS) upang malaman kung ano ang pamuksa at kailan dapat mag-isprey.
    • May mga insektong kaaway ng peste na makatutulong sa paglipol sa mga ito.
  • Paggamit ng Pestisidyo
    • Huwag sundin ang calendar spraying. Magbomba lamang kung ang mga peste sa halaman ay makapipinsala na nang malubha sa ani.
    • Piliin ang wastong pestisidyo.
    • Palagiang sundin ang inirerekomendang dami ng pestisidyo sa bawat ektarya upang makamit ang pinakamagandang resulta.
    • Sundin ang mga inirerekomendang pagpapalit ng pestisidyo sang-ayon sa gulang ng halaman.
    • Sundin ang mga gabay sa pag-iingat na nakasulat sa mga etiketa ng bote ng mga pestisidyo.
  • Iba Pang Paraan ng Pagsugpo ng Peste
    • Paggamit ng mahusay na klase ng binhi (resistant varieties).
    • Paggamit ng Trichogramma chilonis o Tricons mula 27 hanggang 97 araw pagkatanim. Kinakain ng tricons ang mga itlog ng uod kung kaya’t napipigilan ang pagdami nito.
    • Pagsunod ng close-season planting.
    • Pagtatanim ng trap crops tulad ng kamatis at okra.
    • Pagpreserba ng natural na kaaway ng mga peste tulad ng langgam, gagamba, at lady beetle.
    • Paglilinis ng bukid pagkaani.
    PAG-AANI, PAGBIBILIAD AT PAGLILINIS NG BUKID
  • Sa Pag-aani
    • Simulang anihin ang mga bulak pagkalipas ng tatlo o apat na araw pagkabuka.
    • Huwag pitasin ang murang bunga sapagkat mababa ang kalidad ng mga ito
    • Huwag gumamit ng sisidlan na yari sa plastik o polypropylene (PP) sacks upang maiwasan ang kontaminasyon na magpapababa ng kalidad ng ani.
    • Gumamit lamang ng jute sack, kaing at basket na yari sa kawayan o rattan.
  • Pagbibilad/Pagsasako
    • Ibilad sa loob ng dalawa o tatlong araw ang mga naaning bulak upang matuyo at mamatay ang mga pink bollworm at mapanatili ang magandang kalidad ng ani.
    • Huwag gumamit ng bilaran, sisidlan o panahi na yari sa plastik.
  • Paglilinis ng Bukid Pagka-ani
    • Putulin o bunutin ang mga puno ng bulak pagka-ani.
    • Sunugin kaagad ang mga ito upang mamatay ang mga peste at maiwasan ang pagdami ng mga ito sa susunod na pagtatanim.
    Yan po ang ating dagdag kaalaman ngayong umaga ako ang inyong segment reporter Nenita Minted  magandang umaga at maraming salamat.

Posted by dxupfm at 1:34 pm | permalink | comments[1]

Magandang Balita para sa kumukuha ng Passport

Balita ni Alih S. Anso

 

Oct 2, (Nuro, Upi)…Di na kailangan pumunta sa Davao City ang mga taga Central Mindanao upang kumuha ng kanilang passport sa noong pang Agosto 6 ng taong kasalukuyan ay binuksan na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang  Regional Consular Office (RCO) nito sa  Cotabato City, 

 

Matatandaan na ang unang hiling ni Mayor Muslimin Sema ay mobile passporting lamang.  

 

Nagpasalamat ang Lokal na pamahalaan ng Lungsod sa pamamagitan ng Resolution #4528 na nagpapasalamat kay President Gloria Macapagal Arroyo at sa Secretary ng Foreign Affairs Alberto G. Rumulo.

 

Ang Regional Consular Office (RCO) na nasa City Hall ay magbibigay serbisyotulad ng    processing at issuance ng passport, aunthetication at processing ng visa at iba pang kaugnay na dokumneto., 

 

Dati rati ang mga taga Maguindanao at kalapit na lalawigan ay pumunta pa ng Davao City para kumuha ng kanilang passport.

Posted by dxupfm at 1:25 pm | permalink | comments[7]

Pagkawala ng Pandinig ng may Edad Na!


 

Program: Buhay-buhay sa dxup

Date: October 2, 2009 (Friday)

Time: 7:00-8:00 A.M.

Anchor: Leny Rose Bajar Sunio

Segment: LETS DOH IT!!!

Segment Producer: Noralyn Laguey Bilual

————————————————————————————————————

Host/Leny: “Ang ibabahagi sa atin ng ating segment writer/producer na si Noralyn Laguey Bilual, ay ang:  tungkol sa Hearing Loss in Adults o pagkawala ng pandinig sa may edad na…

 

(PLAY INTRO)

 

Noralyn:  Magandang umaga,kumusta po kayo at eto na naman an gating bahaging Lets Doh it!! at tatalakayin po natin ngayon ang..   Hearing Loss in Adults dahil nitong nagdaang buwan ng Setyembre ay tinalakay natin ang hearing loss sa mga kabataan..

 

Ang pamimingi o hearing loss ay isa sa karaniwang problema ng mga matatanda.  Thirty three percent (33%) ng 60 years old at halos kalahati o 50% ng mga 75 years old and above ang mayroon nito.  Kung minsan nawawala lamang ang pandinig sa high pitched sounds o matitinis na tunog ngunit ang iba naman ay nagiging bingi ng lubusan.

 

Ang pamimingi ay may dalawang antas: ang nagagamot o conductive hearing loss at ang sensorineural o permanent hearing loss. 

 

Presbyacusis ang tawag sa pangkaraniwang pamimingi ng katandaan.  Unti-unting lumilitaw ito habang ang tao ay tumatanda.  Ang ibang kadahilanan ay heredity, prescription drugs, mga sakit at impeksyon sa tenga o sa utak, pagkabugbog sa ulo, altapresyon, at matagal na exposure sa malalakas na ingay.

 

Ang isa pang laganap na hearing problem ng mata tanda ay ang tinnitus.  Ang mga palatandaan nito ay ringing, hissing o roaring sounds sa loob ng tainga. Kadalasan ito ay sanhi ng katandaan, exposure sa malalakas na ingay at ilang uri ng gamot.  Ang tinnitus ay sintoma na maaaring kasabay ng pamimingi o di kaya palatandaan ng ibang problema katulad ng mga allergy at sakit sa puso at ugat.  Ang tinnitus ay maaaring maramdaman ng minsan lamang ngunit karaniwan ito ay nagpapaulit-ulit.

 

Kadalasan ang mga taong mahina ang pandinig ay ayaw umamin sa kanilang kapansanan.  Kung minsan nade-depress sila at ayaw makihalubilo sa iba.  Napagkakamalan tuloy silang confused, unresponsive o hindi kaya uncooperative iyon pala ay hindi lamang sila makarinig ng mabuti.

 

Ang hearing problems na pinababayaan at hindi ginagamot ay tiyak na lalala.  Kung may hearing problem kayo pumunta sa inyong ear specialist.  May mga paraan  na makakatulong katulad ng hearing aids, special training, mga gamot o kung kailangan, operasyon.

Arugain ang inyong mga matatanda na hindi makarinig.  Malaking bagay ang inyong suporta at pagmamahal.

 

Yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy panibagong kaalamang pangkalusugan ang naihatid ng programang ito,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

 

(PLAY EXTRO)

Posted by dxupfm at 12:27 pm | permalink | comments[8]

Kaugalian

October 1, 2009

(October 1,  2009-Thursday- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host: “Ang kaugalian o tradisyon ay mga paniniwala, opinyon, kostumbre o mga kuwentong naisalin mula sa mga magulang papunta sa mga anak nila. Sa Pilipinas, isang halimbawa ng kaugalian ang paghalik sa kamay ng mga matatanda…”

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “Ang paghalik ng kamay sa mga matatanda ay isang matandang kaugalian sa Pilipinas na hanggang ngayon ay ginagawa parin ng ilang mga Pilipino. Humahalik sila ng kamay pagkatapos ng pagdarasal gayon din bago matulog sa gabi para mabigyan naman ng bendisyon. Bukod diyan ay mayroon pang ibang pagkakataon na ang mga bata ay humahalik ng kamay sa mga matatanda tulad ng pag-alis o pagdating buhat sa malayong pook, matapos makapagsimba, o makapaglakad at makapamasyal sa gabi.

 

Alam ba ninyo na may malaking kahulugan napapaloob sa ugaling ito. Sa pamamagitan daw ng paghalik sa kamay ay nagpapakilala ng kabutihang asal ang isang anak. Iginagalang nila ang karapatan ng kanilang mga magulang. Ang pagkilala sa kapangyarihan ng mga magulang ay isang dakilang tungkulin ng mga anak. Ang kabutihan lamang ang laging hinahangad ng mga magulang sa kanilang mga anak, kaya’t ang paghalik ng kamay ay pagpapakilala ng pagsunod sa mga payo at tagubilin ng mga magulang at karaniwang nagbubunga nang masasaya at mauunlad na kabuhayan ng mga anak.

 

Ayon sa ating pananaliksik, sa pagtatanong sa mga may edad ng Pilipino o matatanda na, ayon sa kanila ang  paghalik sa kamay ay isang ritwal ng pagbati at pagbigay galang. Inuumpisan ito ng taong tatanggap ng pagbati sa pamamagitan ng pagharap ng kamay na nakababa ang palad. Ang hahalik na tao ay yuyuko ng malapit sa kamay at dadampian ng labi ito habang maingat na hinahawakan ang kamay. Hindi kailangang dumampi ang mga labi sa modernong tradisyon. Ang pagbating ito ay sandali lamang at tumatatagal ng hindi hihigit sa isang segundo.

 

Papaano naman ang paghalik sa kamay sa  makabagong kaugalian? Ganito kaibigan, ang paghalik sa kamay ay binibigay ng babae sa lalake (ang lalake ang humahalik sa kamay). Ang kilos na ito ay nagpapakita ng mataas na paggalang kung saan ang binibini na nagbibigay nito ay mas mataas o kasing taas ng sosyal na katayuan ng ginoo. Ang pagtanggi ng babae ay sinasabing pambabastos.  

 

Samantala sa Simbahang Katoliko Romano, ang isang Katoliko ay maaring humalik sa kamay ng Santo Papa, Kardinal o iba pang mas mababang miyembro ng prelato.

 

At sa Simbahang Silangang Orthodox, ang mga miyembro ay maaring bumati sa mga clergy tulad ng mga pari o bishop ng pagyuko at pagsabi ng “Biyayaan ka ng Diyos” habang inaabot ang mga kamay sa harap ng nakataas ang mga palad. Ang pari naman ay babasbasan ang miyembro sa pamamagitan ng tanda ng krus at nilalagay ang kamay sa nakaabot na mga palad para sa paghalik sa kamay.

Posted by dxupfm at 1:21 pm | permalink | Add comment

Mga payo sa mahirapang matulog”.

Program: Buhay-buhay sa dxup

Date: October 1, 2009-Thursday

Time: 7:00-8:00 A.M.

Anchor: Leny Rose Bajar Sunio

Segment: LETS DOH IT!!!

Segment Producer: Noralyn Laguey Bilual

 

Host/Leny: “Ang ibabahagi sa atin ng ating segment writer/producer na si Noralyn Laguey Bilual, ay ang:  Mga payo sa mahirapang matulog”.

 

(PLAY INTRO)

 

Noralyn:  Magandang umaga, kumusta po kayo at eto na naman an gating bahaging Lets Doh it!!at tatalakayin po natin ngayon ang..

 

Mga payo sa mahirapang matulog

 

1. Matulog ng parehong oras bawat gabi. Humiga sa kama ng may takdang oras, tulad ng 9:00 ng gabi. Ito’y para masanay ang ating katawan sa pagtulog.

 

2. Mag-ehersisyo sa umaga o hapon. Kapag napagod ang ating katawan, mas madaling makatulog sa gabi.

 

3. Huwag uminom ng kape o iced tea sa gabi. Ang mga ito ay may caffeine na nagpapagising sa atin.

 

4. Huwag gamitin ang alak na pampatulog. Ang problema sa alak ay mapapaaga rin ang gising mo sa umaga. At saka may hang-over ka pa.

 

5. Huwag manigarilyo. Ang nicotine ng sigarilyo ay nagpapahirap sa pagtulog.

 

6. Huwag nang magtrabaho o mag-isip ng problema pagkatapos ng 7:00 ng gabi. Bukas mo na isipin ulit ang mga gagawin. Hayaan mo nang magpahinga ang iyong isipan.

 

7. I-relax ang iyong isipan. Puwede kang manood ng masasaya sa TV. Ang iba ay nakikipaglaro sa anak. Ang iba naman ay nagbabasa ng magasin o komiks. Gawin ang bagay na nagpapa-relax sa iyo.

 

8. Huwag tingnan ang relos o orasan. Baligtarin ito. Kapag lagi mong nakikita ang relos, baka ma-stress ka dahil hindi ka pa nakakatulog.

 

9. Huwag mag-schedule ng meeting ng ma¬agang-ma¬aga. Kung alam mong may meeting ka sa iyong boss ng 7:00 ng umaga, baka hindi ka maka¬tulog sa gabi.

 

10. Gawing kaaya-aya ang iyong tulugan. Pana¬tilihing ma¬¬tahimik at ma¬dilim ang iyong kuwarto. Pumili ng malambot na kutson. Mag¬lagay ng “Do Not Disturb!” sa labas ng iyong pintuan.

 

11. Kumain ng isang saging, konting pansit o kanin dalawang oras bago matulog. Nakapagpapa-relax kasi ang mga carbo¬hydrates na ito. Puwede rin uminom ng mainit na gatas o sopas.

 

12. Huwag kalimutang magdasal at magpasala¬mat sa Diyos. Ipasa ang lahat ng iyong problema sa Kanya. Ang Diyos na ang bahala dito.Kayat sa lahat  Good luck sa  pagtulog natin mamayang gabi.

 

  Yan po ang ating bahaging Lets Doh It!! Sana poy maging mahimbing ang tulog natin mamayang gabi, ,hanggang bukas,ako ang inyong segment reporter NORALYN LAGUEY BILUAL, maraming salamat at magandang umaga.

 

(PLAY EXTRO)

Posted by dxupfm at 11:18 am | permalink | comments[1]