DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » May 2010

Marangal na Propesyon: Pagtuturo o Guro

May 31, 2010

(May 31, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

Host Marangal na propesyon ang pagiging guro at nararapat na bigyan nang malaking sahod at maraming benepisyo pero kabaligtaran ang nangyayari. Sila ang may maliit na sahod at kong may sahod man matagal kung minsan bago matanggap.. kalagayan ng mga guro ang pag-uuasapan ni  Kaka Ali   sa ating segment na nakaka.”

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih:  Naisip mo na ba Leny  kung walang mga guro na magpapanday sa isipan ng mga bata. Ano kaya ang kahihinatnan ng  ating bansa ng mundo?

Ang guro ang itinuturing na pinaka-marangal  na propesyon. Sila ang nagmumulat sa mga bata para malinang ang ating karunungan. Sila ang matiyagang nagtuturo para magkaroon ng hugis ang kinabukasan. Kung walang mga guro, hindi magkakaroon nang mahuhusay na doktor, abogado, Presidente at iba pang propesyunal.

Pero sa kabila ng mga sakripisyo ng mga guro sa pagtupad ng kanilang tungkulin, hindi ito lubusang nakikita ng gobyerno. Hindi prayoridad ng gobyerno ang kalagayan ng mga guro na salat na salat pa rin sa suweldo. Kailangan pa nilang mag-rally para lamang maipaabot sa gobyerno ang kanilang mga hinaing.

Lagi nang nakikita ng gobyerno ang kakulangan ng classrooms at iba pang kagamitan pero nakapagtatakang hindi naman nila napapansin ang kawawang kalagayan ng mga guro na ang buhay ay inilalaan sa pagtuturo. Sinabi ng gobyerno na gumagawa na sila ng paraan para malutas ang shortage sa mga classrooms. Mismo ang   President Arroyo ang nagsertipika sa  publiko na naiulat  sa kanya ni DepEd acting Secretary Fe Hidalgo na may kakulangan sa classrooms.  Ang ipinagtataka ng mga guro kung  wala man lamang nabanggit sa kalagayan ng mga guro. Maraming guro ang sagad na sa paghihigpit ng sinturon para mapag-abot ang kinikita. Kailangan pang magtinda ng tocino ,  longganisa,at  ice candy para madagdagan lamang ang kita na kulang na kulang para sa pamilya.

Kung panahon ng eleksiyon, ang mga guro ang inaasahan para sa pagbibilang at pagbabantay ng mga balota. May mga gurong nagbubuwis ng buhay dahil sa pagprotekta sa balota.

Pero hindi nakikita ng gobyerno ang mga pagsasakripisyong ito ng mga guro. May mga gurong nagtitiis sa mga liblib na lugar sa probinsiya para lamang gampanan ang kanilang tungkulin. May mga gurong naglalakad nang napakalayo para makarating sa pinagtuturuang school, may nagtitiis sa kagat ng lamok pero patuloy pa rin silang nagsisilbi para matutong bumasa at sumulat ang mga bata.

Kahit may mga gurong nagsisialisan sa bansa sapagkat natanggap sa United States, Tsina at iba pang  bahagi ng mundo,  para  magturo na ang sahod ay limpak-limpak, ngunit  alam mo ba Leny na marami pa rin sa mga guro  natin ang ayaw umalis at piniling turuan ang mga batang Pinoy. Ang mga ganitong klase ng guro ang dapat hangaan at bigyang parangal.

Marangal na propesyon ang pagiging guro at nararapat na bigyan nang malaking sahod at maraming benepisyo pero kabaligtaran ang nangyayari. Sila ang may maliit na sahod. Ok n asana  kahit  maliit na sahod, kong natatanggap sa tamang panahon. Alam mo ba Leny na mga guro tayo ngayon sa Maguindanao na isang taon na nilang hindi natatanggap ang kanilang dapat matanggap? Ang tinutukoy ko  ay ang contractual na mga guro sa Maguindanao na nag-tuturo sa prepatory o Kinder, na mayroon silang kontrata sa department ng karunungan (DepEd) na sampung  buwan na anim na libo bawat buwan subalit hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa nila natatanggap ang nasabing halaga? Kawawang mga Maestra at Maestro, ma-realized sana ito ng ating pamahalaan at matutukan ang kanilang problema.

Heto pa ang masakit na nangyayari, na ayon sa ating bubuwit, na bago ka daw makakuha ng item ng guro, alam amo ang sinasabing item, sa goberno natin ang mga regular na empleyado ay may item  o regular na position.  Ang mga item na ito bago ka makakuha ay kailangan mong maglangis o maglagay ng halagang   50,000 piso o mahigit pa , bagamat ito ay hindi natin napatunayan ng harap-harapan ay halos bukas na aklat sa lahat. Dalangin ko Leny na ito ay isa lamang tsismis, o hindi totoo dahil kong totoo ito na nangyayari, ito ay masamang panaginip, para sa mga Pilipino, kaya dapat magising na tayo, para hindi tayo bangungutin.

Mayroon pang nagiging tsismis, tsismis dahil  hindi natin matukoy ang sino.. na di umano ay binibigyan ang mga guro ng kandidato sa panahon ng halalan para sila pumabor o magbigay ng pabor sa nasabing kandidato.

Kawawang mga guro, pilit silang itinutulak  sa putikan, papaano na ang  kanilang dangal, papaano na ang mga kabataan, na ang kanilang mga guro ang kanilang idolo, tulad ko…hindi lang idol ang guro  noon na maganda at seksi.. siya pa an gang aking unang nagging crush..(LAUGHING).

Di Ko Kayang tanggapin, ayon kay April Boy Regino..

Lenyrose: sinabi mo si April Boy Regino , siya ang magiging guest natin sa June 9 sa celebrity nights sa 55th Upi foundation Day”.

Gusto kong ulitin, hindi ang awit ni April Boy, kundi heto, “… na marangal na propesyon ang pagiging guro o pagtuturo at nararapat na bigyan nang malaking sahod at maraming benepisyo, dalangin natin na sana   ma-realized   ito n gating  pamahalaan at matutukan ang   problema ng ating parami- ng paraming guro sa bansa .

Ito po ang inyong Kaka Ali, of course kasama ko ang magiging guro na Lenyrose Bajar Sunio, magandang umaga … Wassallamu Alaikum .

Posted by dxupfm at 7:01 am | permalink | Add comment

Kursong Kukunin sa Kolehiyo

May 28, 2010

(May 28, 2009,  Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose : “Nakapagdecide ka na ba sa kursong kukunin sa pagpasok sa college? Kong may desisyon na ba ang inyong anak sa kursong kukunin? Kong wala pa o mayroon na… samahan   kami ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka, dahil  ang tatalakayin ni Kaka Ali ang  an Pagpili ng Kursong Kukunin sa Kolehiyo….

 (play NAKAKA- INTRO)

Kaka Alih: “Ngayon buwan ng Hunyo ang  buwan ng pasukan ang iba ay ka-graduate lamang na sa secondarya, at sa   pasukan ay mag-eenrol na sa college at dito ay pipili na siya ng kursong kukunin. Ang tanong may napili ka na bang kurso?

Buweno makinig po, dahil ang tatalakayin natin ngayon ay  Pagpili ng Kursong Kukunin sa Kolehiyo.

Yaong mga magulang na nakikinig ngayon ay baka makatulong din itong ating topic na tulungan an gating mga anak  na pumili ng tamang kurso na kukunin sa college.

Ang pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan o nagustuhan ang damit na nabili ay puwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili.  Hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay hindi na  maibabalik pa.

Papaano kong sa kalagitnaan ng semestre ay saka mo  nalaman na hindi pala angkop sa iyo o sa inyong anak  ang kursong kinukuha? Papapaano yan? Hindi mo na pwedeng bawiin ang naenrol mo, marefund mo man dahil malakas ka sa administration ng paaralan, dahil lahi kayo ng mga VIP, (LAUGHING)  papaano ang oras mo na nagugol mo?  di na  maibabalik.

Ang pag-aaral sa college ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinag-gugulan din ito ng lakas at oras.

Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit na, kaya  kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.

Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay puwede itong ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa.

Lenyrose: “Asawa? Oh Kaka, bakit pag-aasawa ang napag-uusapan?… akala ko kurso sa college…ang topic natin?”(LAUGHING)

Kaka Alih: Hindi Leny…halimbawa lang ito o ihahantulad natin, ganito kasi iyon, isipin mo… kung ang mapapangasawa mo o ang pinakasalan mo ay  dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ng magulang o kaibigan   pero ang totoo ay buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangad mong maging asawa, sa palagay mo alin lang sa dalawa ang gagawin mo, makipaghiwalay o mag-sisi ka habang buhay.?

Lenyrose: Ah ganoon pala.. akala ko…. (LAUGHING)

Kaka Alih: Ang pag-aasawa kasi Leny ay walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito ang sikat ngayon at maraming makukuhang trabaho.. o ang tinatawag nilang on demand… kahit na malayo sa iyong interes o pangarap.

Papaano na kung dumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ng nagtapos ng kurso mong kinuha (  ang totoo ay ayaw mo naman di ba? )? Ibig ba nitong sabihin ay tapos na ang maliligayang araw mo?

Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko Leny na………………(Pause ..Laughing)

Lenyrose:: Na ano kaka?  (LAUGHING)

Kaka Alih: Leny… alam mo ba na mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesa sa lungkot na madarama? ”……………Kaya sana kahit sa pamamagitan ng ating programa na Buhay-buahy sa DXUP ..sa ating na segment na Nakaka ay makatulong tayo sa kanila na madlang nakikinig………..

Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession o kurso ay wala itong iniwan o pinagkaiba  sa pagpili ng mapapangasawa tulad ng nasabi ko nuong una, na sa paglipas ng panahon tatanda kayong pareho ng partner mo at maaring ang seksuwal na inter-aksyon ay hihina na, ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit sa inyong dalawa at ang pinaka magiging pundasyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa na matitira ay ang mabuting relasyon at pagmamahalan. Ganito o pareho sa profession o kursong kukunin mo sa kolehiyo, dadating ang panahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal.  Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin ay kumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.

Ito po ang inyong Kaka Alih na nagbibigay kaalaman at muling  na nagsasabing.. ang taong walang alam ay walang silbi sa bayan..(LAUGHING) ….  Kaka Ali po, nagpupugay muli ng magandang umaga, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

Lenyrose: “Hayun hitting two birds in one stone.. kurso at pag-aasawa ang natalakay natin ngayong araw.. ito talaga si Kaka Ali.. kahit anong topic may kaugnay pa rin na  pag-AASAWA.. talagang  NAKAKA.. ..(LAUGHING)

(PLAY-EXTRO NAKAKA)

Posted by dxupfm at 7:12 am | permalink | comments[3]

Ang Babae sa Kultura ng Bangsamoro

May 26, 2010

(May 26, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

Host Ang mga kababaihan ay  dapat ibigay ang halaga at respeto ito ang mga sinisigaw ng mga kababaihan sa kanluran, dahil ditto ang pag-usapan nating ngayon umaga ay pananawa ng mga Bangsamoro sa kababaihan, ito ang ibibigay sa atin ni ,  Kaka Ali   sa ating segment na nakaka.”

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: Ang babae ang isa sa mga pinakaingat-ingatan, pinakamamahal at nirerespeto ng mga Bangsamoro. Ang kultura at paniniwalang ito ay binatay nila sa sinabi ng Propeta Muhammad (ang Kapayapaan Naway Sumasakanya):

Dumating at nagtanong ang isang Sahabah (kasamahan) “Sino po sa mga tao ang lalong karapat-dapat sa magandang pakikisamahan ko?” Nagsabi ang Propeta (Sumasakanya ang Kapayapaan): “Ang iyong ina.” Nagtanong i muli: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi muli ang Propeta (Sumasakanya ang Kapayapaan): “Ang iyong ina.” Nagsabi muli ito: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi mula siya (Sumasakanya ang Kapayapaan)): “Ang iyong ina.” Nagsabi muli ito: “Pagkatapos ay sino pa po?” Nagsabi siya (Sumasakanya ang Kapayapaan): “Ang iyong ama.” ( Hadith   mula kay Bukhari at Muslim)

Sa mga Bangsamoro mahalaga ang angkan, kaya ang babae ay pinakaingat-ingatan nila dahil  ang babae ang magiging ina ng kanilang mga susunod na salin lahi o angkan.

Hindi nila pinapayagan na magsagawa ng mabibigat na gawain, upang sa gayon ay hindi masira ang porma ng kanilang mga katawan, upang maging manatiling pangbabae, magiging malusog siyang ina.

Ang babae sa Bangsamoro, ay hindi puwedeng salingin o hawakan man lang ang kanilang mga kamay ng ibang lalaki, (na pwede siyang asawahin), at kong kong sakaling gawin man ito ng isang lalaki, siya ay may karampatang parusa o multa, ayon sa  batas ng kultura ngmga Bangsamoro.

Kong nag-iisa lamang ang babae sa bahay, ang lalaki (na pwede siyang asawahin), ay hindi pwede pumasok sa bahay, hanggang  tarangkahan o hagdanan lamang, at hindi rin pwedeng kausapin ng lalaki na nag-iisa ang babae.

Hindi rin pinalalakad ang babae na nag-iisa o walang Mahram (kasama-magulang o kapatid).

Hindi rin pinapayagan na ipakita ng kababaehan ang kanilang kahubaran at ganoon dinnman sa kalalakihan, ito ay tinatawag nilang Haram. Ang Haram ay kinasusuklaman ng Allah, hindi niya ito pinapayagan na kainin o gawin ng mga Muslim (Nanampalataya).

Kong may lalaki na darating sa bahay, ang nanay mag-ehem lamang ay agad ng aaakyat sa “paga” (parte ng bahay sa may bandang itaas-nakakuwarto na hindi mo makikita ang nasa loob.)

Sa rido o giyera o away ng mga angkan, na nagpapatayan na, ang kanilang mga babae ay hindi nila isinasali sa paghihingantihan.  Sa paniniwalang ang Allah ay nagsabi sa Qur’an na: “….. ang babae, bata at matatanda ay huwag isama (sirain o saktan) sa giyera”.

Hindi rin lumalabas sa publiko ang babae na hindi natatakpan ang kanilang kahubaran (mga parte ng katawan na dapat takpan-maliban sa mukha, kamay at paa).

Sa pagsambayang o pagsisimba ang babae ay hindi nakikihalubilo sa mga kalalakihan, ito ay ibinatay na rin nila sa katuruan ng Islam, na ang babae ay hindi dapat makisalamuha sa kalalakihan upang ingatan ang kanilang mga dangal o dignidad.

At dahil sa pagdating ng mga banyagang kanluranin, ang mga paniniwala at kulturang ito ay unti-unti ng nakakalimutan ng mga Bangsamoro. Dahil dito  ay labis na ikinababahala ng may malawak na pananaw na mga Bangsamoro, at kinakailangan nilang pangalagaan ang magagandang kultura at kaugaliang ito, na nakaugat pa sa katuruan ng Islam.

“Ang makakapanumbalik sa ating magagandang kultura at kaugalian ay pag-aaral o edukasyon” Ayon kay Ustadz Muhammad Taha Yusof .

Sangayon ako kay Ustadz na kinakailangan natin ang mga paaralan na magtuturo ng mga magagandang kultura, kaugalian at paniniwala ng mga Bangsamoro.

“Kinakailangan ang nasa pamahalaan ay   magkaroon ng tamang programa sa edukasyon para sa mga Bangsamoro.” Pahayag ng isang retiradong guro

Sang-ayon ako kay Maestro, dapat ang mga values na itinuturo sa mga kabataang Bangsamoro ay naaayon sa kultura, kaugalian at konsepto ng Islam.

At kinakailangan ang malawak na pang-unawa ng bawat Pilipino, kong bakit gusto ng mga Bangsamoro na maibalik ang kanilang mga nawawalang kultura at kaugalian.

Sa kasalukuyan ay nasa kritikal na kalagayan na ang kultura at kaugalian ng mga Bangsamoro, kaya naman nararapat na magtulong tulong ang lahat ng mamamayan na papaano maibabalik ang magagandang kultura, kaugalian at paniniwala ng bawat Pilipino, sapagkat ito ang labis na nagustuhan ng mga dayuhan noon hanggang sa ngayon.

Ito ang inyong Kaka Ali, Sukran .. Wassallamu Alaikum .

Posted by dxupfm at 7:47 am | permalink | comments[4]

Kuwento ng pagkakaiba ng kultura, kaugalian at pananampataya (Story about our Cultural Divide )

May 25, 2010

(May 25, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

Host Cultural Divide” (pagkakaiba ng kultura, kaugalian at pananampataya) iyan ang tatalakayin ni Kaka Ali   sa ating segment na nakaka… …”

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: “May  tayong kuwento tungkol sa “Cultural Divide” (pagkakaiba ng kultura, kaugalian at pananampataya) na iba ay paulit-ulit, na kong minsan ay matatawag na “blessings in disguise” dahil maganda ang naging bunga nito, ngunit kadalasan ay hindi kanais-nais ang kinahihinatnan.

Magbabahagi tayo ngayon ng mga kuwento ng ating buhay o inyong buhay. Na ang ating  layunin ay makapulot tayo ng aral na magiging dahilan upang lalo nating mapagtibay ang pananaliksik s ating mga “cultural divide” upang lalong maintindihan ng ating mga kababayan na iba-iba ang kultura, kaugalian at pananampalataya.

Sa naibahagi ng ating  kasamahan sa nakaraan Bridging leadership workshop ay may kuwento siyang naitala natin sa ating reporters notebook. Kuwento ng isang Muslim na Bangsamoro na Maguindanaon.

Minsan sa isang araw o one day seminar/workshop daw, na ang mga participante ay ibat-ibang tribu at paniniwala (relihiyon) isa siya (Muslim) sa naatasan na magpresent ng powerpoint presentation (ppt) sa isang maselang usapin.

Naitakda  ang workshop  sa Araw ng Biyernes, ang araw na sa katanghalian (12:00 1:00) ay Jamaah (congregational prayer) ng mga Muslim (Nanampalataya sa Islam). Ang oras ng kanyang presentation ay about 11:00-12:00, at dahil Biyernes wala siyang  magawa kundi umalis at pumunta sa Masgit (house of worship in Islam). Kasama ang iba pang partisipanteng Muslim, silang lahat ay umalis sa seminar, upang tuparin ang kautusan ng Poong  Lumikha.

Bumalik sila pagkatapos ng pagsambayang (prayer) nila. Ang kanilang mga kasamahan na hindi Nanampalataya sa Islam (hindi Muslim) ay kumain dahil gutom na rin.

Pangalawang kuwento: sa isang salo-salo ay nainbitahan din siya, masasarap ang nilutong mga pag-kain, karneng kambing, baka at manok. Sadyang inihanda ito ng kanyang kaibigang mula sa Luzon at Visayas dahil alam niya ay hindi kumakain ang mga Muslim ng karneng baboy. Ang masaklap nito ng kakain na sila, nagtanong ang isang bisita, kong ang mga nilutong mga karne ay nasumbali (nakatay ayon sa katuruan ng Islam).

Nagtaka ang host, kong bakit kailangan pang isumbali. ”Anong isumbali, papaano ba ang pagkatay ng hayop sa Islam?” tanong ng kaibigan.

Kailangan pa ba iyon?” Naitanong niya sa sarili.

Ilan lamang iyan sa mga kuwento na mapagkukunan ng aral na magbibigay sa atin ng ideya na dapat saliksikin pa natin ang paniniwala kultura at kaugalian ng bawat tribu.

Heto pa may kuwento rin sa isang T’duray, nakaibigan naman na isang Settlers (mga mamamayan Pilipino na mula sa pulo ng Luzon at Visayas na nanirahan ditto sa Mindanao).  Ayon sa kuwento ay inaanyayahan n gating kapatid na Settlers ang kapatid na Teduray sa isang salo-salo sa   pananghalian, at syempre naghanda ng alam niyang masarap na pagkain. Nagkatay siya ng manok, at hinaluan ng  kalabasa, ngunit sa laking gulat niya ng  hindi kumain o sumubo kahit konti ang kanyang bisitang Teduray. Huli na niyang napag-alaman na  ayon sa kultura ng mga T’duray, ang ganitong lutuin na pinaghalo ang kalabasa at manok  ay labag sa kultura at kaugalian ng mga T’duray. 

Naging uso ang bayanihan dito sa ating bansa, yaong pagtutulungan ng mamamayan. Minsan nagpatawag ng bayanihan ang isang Bangsamoro sa mga kaibigan na Settlers at Bangsamoro sa  paghahawan sa kaniyang bukirin. Laking gulat niya dahil merinda time na   ay hindi pa dumarating ang mga kapatid na Settlers. Bago nagtanghali ay dumating ang mga kapatid na Settlers at di mankadaugaga sa paghingi ng paumanhin sa mga kapatid na Bangsamoro dahil sa nahuli sila dating.

“Pasensiya lang po mga kapatid dahil Linggo ngayon at araw ng aming pagsimba.” Paliwanag ng mga kapatid na Settlers.

Hayun tulad sa mga kapatid na Muslim na nagsambayang sa Biyernes, ang mga kapatid na Kristiyano naman ay nagsisimba sa araw ng Linggo o Sabado.

Marami ang pagkakaiba kultura, kaugalian at paniniwala ng ibat-ibat mamamayan at tribu dito sa ating bayan ng Upi, na kinakailangan malaman at maintindihan ng bawat isa upang mabigyan natin ng pagkilala at pag-galang.

Ito po ang inyong kapatid na si Kaka Ali mula sa tribung Iranun, na naghihikayat sa aitng lahat na bigyan ng respeto ang bawat pananampalataya at tribu.

Posted by dxupfm at 6:35 am | permalink | comments[6]

Facebook

May 24, 2010

(May 24, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

Host “ Ang talk of the town sa ngayon ay facebook.. marahil ay nagtataka kayo kong ano na ang pinag-usapan ng inyong mga anak o apo.. tulad halimbawa ng “pakiharvest o bigyan mo ako ng regalo na baka, kambing..” kong ano ano na lamang na hindi naman  ninyo maintindihan ang kanilang mga pinag-uusapan.. para maitindihan niñyo ang pinag-uusapan ng inong mga anak o apo, kahit papaano makinig kay    Kaka Ali   sa ating segment na nakaka… …

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih: Ang tanong ay Ano ang facebook?

Ang Facebook  ay isang social networking website na ay pinamamahalaan at pribado pag-aari ng Facebook, Inc.  na naitatag noong  2006.   Kahit sino babae o lalaki ay pwedeng sumali ang mahalaga ay  kinukumpirma mo na ikaw  may  edad ng 13. Ang kailangan lamang ay mayroon kang  aktibong  sa isang email address.   

Ang most important ay marunong kang gumamit ng computer,  at ang computer na ginagamit mo ay naka-connect sa internet.  (LAUGHING)

Ang mga gumagamit ay maaaring magdagdag ng mga kaibigan at ipadala ang mga ito ng mga mensahe, at i-update ang kanilang mga personal na profile na ipaalam sa mga kaibigan tungkol sa kanilang sarili.

“Dahil sa facebook muli mong makakaugnay  ang inyong mga  classmates sa elementary, high school at college”. Paliwanag ng isang retired na guro, na may sariling computer na may internet connection.

Sino ba ang nakaisip nitong facebook? Ang Facebook ay itinatag sa pamamagitan ni Markahan Zuckerberg sa kanyang mga roommates sa kolehiyo at kapwa computer science na mga mag-aaral na sina  Eduardo Saverin , Dustin Moskovitz at Chris Hughes .

Noong una  ang  kasapi ay   limitado lamang  sa mga taga Harvard University , ngunit ito ay pinalawak na sa iba pang mga kolehiyo sa lugar ng Boston,    Ivy League , at Stanford University .

Hindi nagtagal ito ay  pinalawak pa  buong mundo na sa ngayon, ang  mahalaga ay may edad 13 ang kasapi ditto.  Sa kasalukuyan ay  may higit sa 400,000,000 aktibong gumagamit sa facebook.

Ang facebook ay ipinagbabawal na sa ibang bansa tulad ng Syria, China, Vietnam, Iran.   Sa bansang Pilipinas  ay pinagbawalan sa maraming mga opisina  lalao na  sa mga empleyado dahil daw sa pag-aaksaya ng panahon ng paggamit ng serbisyo.  

Pero marami ang  argument o na hindi naman daw dapat ito dahil may kabutihan din naman ang pag-Facebook.

Heto ang kagandahan “daw” ng Facebook:

Pwede ka ng mas maging unproductive sa work kaysa tumunganga at matulala. (LAUGHING)

Merong kang  games na pwede mong paglaruan para di mahalata na wala kang kaibigan. (LAUGHING)

Meron kang dahilan na ma-iadd ang mga crush mo nung highschool at idadahilan mo lang na “ay sorry ate nakita ko lang kasi pangalan mo na lumabas sa list of Highschool Batch. (LAUGHING)

At higit sa lahat maraming pwedeng gawin sa Facebook, halimbawa:

Pwede kang magpost ng magpost ng picture o article o simpleng message lamang at siguradong may magrereply. It’s either may comment sila or naasar na sila sa dami ng post mo. (LAUGHING)

Pwede kang magparinig sa mga kaibigan mo. (LAUGHING) yes pwede kang sumulat sa wall at sa notes nito.

Pwede kang magparinig sa mga crush mo. (LAUGHING)

Pwede kang magtanim ng di ka madudumihan. (LAUGHING) Hahaha.. yes sa farmville ..

Pwede ka rin maging Mayor.. na di na gagastos ng Milyones (LAUGHING).. yes maglaro ka lang ng My social City, my town at maging kapittown mo si Kaka Ali….(LAUGHING)

Pwede kang pumatay at mangholdap ng di ka makukulong. (LAUGHING) Yes madali lang member ka sa Mafia …

Pwede kang mag-alaga ng hayop kahit allergic ka sa balahibo. (LAUGHING) Sa Farmville..

Pwede ka ring mag-alaga ng isda kahit wala kang pambili ng aquarium.. (LAUGHING) sa fishville…

Alam mo ba Leny na may nagjoke na sa   10 or 5  taon mula ngayon…. ang FaceBook na ang magiging dahilan ng kahirapan dahil wala ng magtratrabaho sa lupa  sa mundo dahil sa  cv FaceBook na lang magtatanim. (LAUGHING) ..

Kaibigan hanggang dito na lamang muna dahil mag-haharvest pa ako kay baka malanta na ang mga tanim ko.. (LAUGHING) Ito po ang inyong kapit bahay sa mytown.. Farmville si Kaka Ali..

Posted by dxupfm at 7:27 am | permalink | comments[6]

Higit sa limampung cellphones, Tinangay ng mnga Magnanakaw kagabi!

May 21, 2010
     

Lenyrose Bajar Sunio

Nuro, Upi-May 21-Isang panibagong insendente ng pangnanakaw ang naitala ditto sa bayan ng Upi Maguindanao.

Alas singko kwarentay singko ngayong umaga ng madiskubre ng may-ari ng JD merchandising na si Jamelan Datumanong. Ang tindahan ay nasa tapat ng Rotonda, Barangay Nuro, Upi at ito ay na pinasok ng di pa nakikilalang mga magnanakaw ang kanilang tindahan.

Sa Inisyal na imbestigasyon ng Upi PNP, mahigit sa limampung ibat ibang unit ng mobile phone, apat na MP6, simpack at USB.

Ang magnanakaw ay dumaan sa main door ng tindahan sa pamamagitan ng puwersahang pagtuklap sa pinto na yari sa plywood at GI sheet.

Nitong nakaraang May 23 ay pinasok din ng mga magnanakaw ang tindahan na nasa harapan lamang na pag-aari ni Romie Kagi at nakuha ang apat na mobile phone at isang touch screen na Ipod na MP6.

Hanggang sa pagbabalitang ito ay patuloy pa ring nangangapa ang ating kapulisan sa mga suspek.

Posted by dxupfm at 8:50 am | permalink | Add comment

Ang Tunay na Pakikipagkaibigan?

(May 21, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

Host – “May kasabihan ang mga T’duray at R’nawon na pag-nag-kasamaan ng
loob sa kanyang kamag-anak na sasabihin dito na tataniman niya ng kawayan, ang ibig nitong sabihin ay hindi niya patatawarin hanggat buhay ang kawayan na iyon na kanyang itinanim. Ikaw kaibigan papaano ka ba makipagkaibigan? Iyan ang tanong na sasagutin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka… …

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: “Tama ka Leny, may kasabihan kaming mga R’nawon at Teduray na: “tataniman kita ng kawayan,” na ang ibig sabihin ay hindi niya patatawarin ang kanyang kagalit hanggat nabubuhay pa ang kawayan na iyon? Ngunit ng marinig ito ni Marvin, alam mo ang sinabi?:

“Bapa madali lang iyan, di putulin na ang kawayan, para mapatawad kana”. (LAUGHING)

Hahaha…Yes tama ka Marvin, o mga kaibigan baka may kawayan kayo diyan na dapat putulin, kontakin lang si Marvin, pero siguraduhin na matibay ang inyong bolo, baka matulad sa aking na nabungi niya. (LAUGHING)

Serious tayo…Alam ba Kaibigan, na kahit ang Allah o ang Poong Lumikha ay nagpapatawad sa kanyang mga nilikha? Tayo pa kaya? na tao lamang.

Buweno sa umagang ito ay may sanaysay akong hindi ko malilimutan dahil may magandang aral na mapupulot dito. Maraming salamat sa isang Kaibigan, na dating OFW, alam ba ninyo na ang kaibigan kong ito ay “Best” para sa akin? Ang kaibigan kong ito ay ni minsan ay di ko nakitaan na nagalit. Kong sakalinang may nagawa kang hindi maganda sa kanya, ngiti lamang ang kanyang isusukli sa iyo.

Ang magkaibigang Abdullah at Abdulatif, ang pamagat ng sanaysay na ito.

May dalawang matalik na magkaibigan na nag-lalakad sa mainit na deserto sa may Gitnang Silangan, sina Abdullah at Abdullatif. Sa kanilang paglalakad at lalong tumatagal ay umiinit ang tila mala impiyernong malapad na buhangin na iyon, at nauhaw ang dalawa, at dahil marahil sa init at pagod na paglalakad nararamdaman sila ay nagtatalo kong bakit sila napadpad sa lugar na iyon. Sa madaling kuwento sila ay nagsisihan Kong bakit sila nandoon sa mawalak na desertong iyon.

Patuloy ang kanilang pagtatalo, at dahil mainitang pagtatalo na ito ng dalawa ay nasampal ni Abdulatif si Abdullah, laking gulat ni Abdulatif dahil hindi gumanti si Abdullah, ang tanging ginawa ay sumulat sa buhangin ng ganito: “SA ARAW NA ITO AY SINAMPAL AKO NG AKING MATALIK NA KAIBIGAN NA SI ABDULATIF”.

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa, at hindi nagtagal ay narating nila ang isang malaking oasis (lawa sa gitna ng desyerto) at agad na naligo at nagtampisaw sa tubig si Abdullah.

Si Abdulatif ay pansamantala munang sumandal sa puno at namahinga. Maya-maya ay pasinghapsinghap na humihingi ng saklolo si Abdullah dahil nalulunod na ito… dahil pinulikat.

Dahil magkaibigan agad na tinulungan ni Abdulatif si Abdullah. Na agad namang nagpasalamat ni Abdullah sa kaibigan at muling sumulat, ngunit hindi na sa buhangin kundi inuukit o sinulat na sa bato na naroon na ganito ang kataga na isinulat:
“SA ARAW NA ITO, AKO AY NILIGTAS NG AKING MATALIK NA KAIBIGAN NA SI ABDULATIF”.

Nagtaka si Abdulatif sa mga ginagawa ng kaibigan at di nakatiis dito ay nagtanong sa kaibigan.

“Maitanong ko kaibigan na Abdullah bakit ng sinampal kita ay sinulat mo sa buhangin, at ng iligtas kita ay sa bato mo naman isinulat?” Bakit?

“Alam mo kaibigang Abdulatif, ang masamang nagawa mo sa akin ay sa buhangin ko sinulat dahil konting hangin lamang ay mabubura na ito, samantala ang sinulat ko sa bato ang maganda mong ginawa upang ito ay manatili habang panahon”. Sagot ni Abdullah.

Diyan natin tapusin ang maikling sanaysay na ito, (ngunit hindi pa ako tapos ng di pa tapos ang ating segment) ang tanong natin, anong aral ang inyong napulot dito? Ikaw Leny anong aral ang iyong napulot?

LENYROSE: “Kaka, ang aral na mapupulot natin sa sanaysay na iyong ibinahagi ay ganito, ang mga masamang nagawa ng ating kapuwa sa atin ay ating kalimutan at ang mga magaganda nilang nagawa ay ating palaging pakatandaan.”

Yes, tama ka Leny, alam mo kaibigan na nakikinig? napakasarap ang magpatawad, ganyan ako makipagkaibigan, di pa man siya humihingi ng patawad ay pinatatawad ko na.
Alam mo kaibigan maluwag ang ating pakiramdam kapag alam mong wala kang kagalit, napakaluwag ang ating pakiramdam pag wala kang galit sa iyong puso na iyong kinikimkim, Mare, bakit di mo subukan, bakit di mo na rin patawarin na ang pagkakasala ni Pare ng iyong kaibigan. Mads Alalahanin mo, marami naman siyang nagawang mabuti sa iyo at ang kanyang pagkakasala sa iyo ay isa pa lamang, bakit di mo man lamang i-apply ang simple arithmetic, one hundred minus one is equals ninety nine, o di may utang ka pa na 99.

(PLAY LAUGHING)

Ok mga kaibigan na di marunong ng arithmetic, (PLAY LAUGHING) hanggang dito na lang muna ang ang test natin, ay mali, pansamantala muna natin isasara ang ating segment na nakaka.. Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas, lalo pa natin paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Posted by dxupfm at 8:45 am | permalink | Add comment

Prostitusyon sa Pilipinas

May 20, 2010

(May 20, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Lenyrose:Prostitusyon o pagpapabili  ng panandaliang aliw o pagpapabili ng laman  iyan ang ating tatalakayin kasama si Kaka Ali sa ating segment na Nakaka…..”

(NAKAKA- INTRO)

Kaka Ali: “Prostitusyon o pagpapabili  ng panandaliang aliw o pagpapabili ng laman . Ito ay itinuturing na isang matandang hanapbuhay, sa bansang Pilipinas at sa iba pang kanluraning bansa. Ang usaping ito na may titulo na  “Prostitusyon Malala na sa Pilipinas?”  ay ating tinalakay noong May 9, 2009 at naipost natin sa ating dalawang blogs (dxup.multiply.com dxupfm.i.ph) at sa isa ay nitong mga sansadling ito ay may rehistradong ng readers na umaabot na ng 7,779.

At dahil napansin natin ang kahalagaan nito sa ating mga Pilipino ay minarapat nating muling balikan ang talakayan tungkol dito, at of course edited na  at isinama natin ang comments at feedback ng mga readers.  

Lenyrose: “Kaka, napapanahon ang usaping iyan, dahil kaming mga babae, na ina ng mga susunod na salin lahi ang apektado, at   kawawa naman ang susunod na henerasyon kong mamanahin nila ang kawalan ng dangal”.

Kaka Ali: “ Tama ka Leny,Ok  Prostitusyon. Ito ang madaling paraan ng pagkita ng pera kapalit ng kandungan at katawan ng babae  o lalaki sa mga hayok at gutom sa laman na mga parukyano o customers.

“Sandaling bayad na  ligaya para sa mga  kostumer  na walang takot sa Poong Lumikha.” Paliwanagng isang kaibigan na pastor.

Sandaling ligaya,  na kapalit  ay pera ngunit nagdudulot naman ng  pagkawasak ng dangal at moralidad sa nagbenta .

Ngunit ang katotonan nito kaibigan ay   parehong   nabulid sa kasamaan ang nagpabili at bumili ng sandaling ligaya.

Ang tanong sa atin, bakit nangyayari ito? Na masama naman pala ..?

Bakit ginagawa ng ating mga kababayan ang ganitong kaasumpa-sumpang panawid gutom na hanap-buhay?

Kahirapan ang itinuturing na dahilan kung bakit lumalaganap ang prostitusyon” ito ang text ng isang tagapakinig sa bantay bayan boses ng sambayanan.

Sa ating bansang Pilipinas, sa panahon natin ngayon, ang pagiging mahirap ay hindi lamang ang kawalan lang ng pagkaing mailalaman sa tiyan, kundi ng lupang puwedeng tirikan ng kahit kubo man lang ay milyon ang Pilipinong nasa eskuwater ng kanyang ngsariling bansa. Mga batang hindiman lamang makatungtong sa elementary o secondary dahil sa kahirapan ay napipilitang magtrabaho kahit sa murang edad.

Alam ba ninyo? Na ang tinatawag na kahirapan sa ngayon ay nakatuon din sa kasalatan sa mga materyal na bagay na puwedeng magpasaya sa tao?  Yes, ito ang realidad sa mga Pilipino sa ngayon, Krisis ang buhay nila kapag salat sa mga mga “Bisyo”  kagaya ng drugs, communication gadgets tulad ng celpon, na hindi pa makontento sa ordinaryong celpon kundi yaong hi-tech na model, gimmick (pag-pasok sa mga diskohan, nightclub, o mga personal party) at iba pang karangyaan sa buhay ng tao. Ang pagkagahaman, o ang  paghahangad na magkaroon ng kung ano ang mayroon ang iba sa mabilisang paraan.

Sa mga bansa sa Asya, noon, ay itinuturing na ang sentro ng prostitusyon ay ang Thailand, pero ngayon ay hindi na. Alam na ninyo kung anong bansa iyon?

Lenyrose: “ anong bansa ba Kaka?”

Tama ang hula mo kaibigan, ang Pilipinas na ngayon ang isa sa pugad ng Prostitusyon sa mundo.

Masakit marinig hindi ba? Kaya nga lamang   ang higit na mas masakit nito ay parang okey lang sa atin na bansagang tayong lugar na may magagandang nagpapabili ng aliw.

Ang sabi natin: . “Eh di tanggapin kung ano ang kapalaran, ang mahalaga may pantawid gutom sa    kumakalamna sikmura, ang mahalaga Kaka Ali ay mabuhay ang aking pamilya”.

“Napakalaking kamalian iyan mga anak, mga kapatid”. Payo ng ating mga Pastor, Pari, at mga Ustadz.

Ngunit ang totoo nito ay  mahirap ipaunawa ang kasabihang:”Bahala ng  mamatay nang dilat basta’t may karangalan”.

“La takrabu Zina (Huwag lumapit sa adultery) mababasa sa Quran.

“Thou shall not commit adultery” nakasulat sa Biblia.

Sa Islam ang pakikiapid, ang pagniniig ng dalawa na hindi kasal ay Haram, o bawal. May karampatang mabigat na na parusa, Rajam o kahalintulad ng parusang kamatayan ang parusa.

Sa kasalukuyang panahon, ito ang lumalabas na ating obserbasyon,  na mas madali ang maisaayos ang kalam ng sikmura kaysa sa karangalan ng tao.

Ang sagot natin sa tanong bakit nagagawa natin ito?

Ekonomiya? O yaong kulang ang income ng gobernong ito..  sistema ng goberno? Kulang ang batas, o hindi naipapatupag ang batas?

Sa isang bansa tulad ng Pilipinas, malaking hamon sa mga namamahala kung paano maisasaayos ang pagpapatupad ng mga batas na kanilang maaprubahan. Sa bansang   Pilipinas kung saan halos lahat ng mamamayan nito ay walang tiwala sa kanilang gobyerno, nararaparat na ng magbago ang mamayan at nanunungkulan dito..

Alam mo ba Leny, gustong kong isingit ito na may nabasa ako… na gagawing legal na na daw ang prostitusyon  sa ating bansa?

Lenyrose: “Diyos ku po, huwag naman  Kaka”

Kaka Ali: “Assuming ….Paano kung papiliin tayo n gating  gobyerno kung gagawing legal ang prostitusyon? Para hindi na hinuhuli ang nagsasagawa nito at may income pa ang goberno natin. Papayag ka ba o hindi Kaibigan? Bakit?

(LAUGHING)

Kung ako ang magdedesisyon, iisipin ko muna kung ano ang magiging epekto nito, sino ang maaapektuhan nito, o kung magiging mas malala ba ang sitwasyon ng mga taong sangkot sa ganitong kalakaran.

Dahil sa mga nabanggit kong factors, naisip ko na hindi dapat gawing legal ang prostitution. Bakit?  Una, kung moralidad lang ang pag uusapan, di na talaga puwede , Ang Pilipinas, ay isang maituturing na Catholic country, ang problema ang gumagawa ng batas ay hindi mga pari, pastor o mga Ustadz, papaano iyan kaibigan? Ikaw Leny..

 Lenyrose: “…makakasira pa ng image ng bansa yan. Anong iisipin ng mga kapit bahay nating Asyano? Na ang mga babae natin, bayaran? Na dahil nag hihirap tayo e desperado na nating kuhanan ng tax pati yung mga bagay na dapat itinatago na lang.. Pangit tignan. Naisip ko pa, na baka maabuso yung mga babaeng di naman prosti dahil baka isipin ng mga dayuhan na lahat ng babae sa bansa, puwede na nilang bayaran.”

Kaka Ali: “ Dagdagan ko pa Leny,    magiging malala yung sitwasyon ng mga prostitutes. Kahit pa sabihing mapoprotektahan sila by regular check ups and condom policies, di naman enough yun para sa proteksyon nila. Di naman nila macheck yung health ng customers nila, pag nakipag sex naman sila, wala naman silang bantay dahil siyempre bayad siya. Pag tumanggi naman siya, e di wala siyang kita, dahil lilipat na lang sa ibang place yung customer. (LAUGHING) Kung magsumbong naman sila, malamang mas papanigan ng owners and pimps yung mga customers kaysa sa employees nila kasi nga business pa rin yun diba? (LAUGHING)

Isa pa sa mga naiisip ko e, pano kung maging legal sila, e di kilala na natin kung sino ang mga prosti. Siyempre, bababa lalo yung self esteem nila dahil nandun yung stigma na prosti lang sila at wala silang ibang ginagawa kundi magbenta ng kanilang sarili. (LAUGHING)

At heto pa ,  papano, maging successful ang prostitusyon sa bansa, di ba mas nakakatakot yun dahil dadami ang mga batang tatanda na nanaisin na lang maging prosti kaysa mag aral o kumita sa ibang paraan. Madaling paraan ito para umahon sa kahirapan kaya di na nila kailangan pang mag pagod sa trabaho..

Pero in general, ano ba ang nagiging impact nito sa atin kung magiging legal ang prostitusyon?

Para sa akin, magiging mababa ang tingin natin sa mga babae, sa kabuuan, dahil tinitignan na lamang natin sila as sexual commodities at hindi mga individual na kayang mag perform para sa society. Kasi kung tutuusin, binibigyan mo ng kalayaan yung opposite sex para pagsamantalahan ka. Tapos, parang sinusuportahan mo pa na mawala yung concept ng marriage and offering oneself to the only person you love. Lalong nawawalan rin ng saysay yung equality na ipinaglalaban ng mga feminist.

Sa kabuuan, naniniwala pa rin ako na hindi sagot ang pagsasalegal ng prostitusyon para maproteksyonan ang mga kababaihan natin. Hindi ang pagpapapasok sa ganitong kalakaran ang dapat iniisip kundi kung paano ilalabas ang mga matagal ng nakakulong sa negosyong ito. Hindi ang pagpapaganda ng sistema ng pagsasaligal ang sagot kundi ang pagbibigay ng mas magagandang alternatibo sa ganitong klaseng trabaho…

Balikan natin ang ating usapan..

Ano ang nagtutulak sa mga disenteng babae na makipag-jamming sa mga lalaking may pera na  hayok sa laman?

“Dahil sa gusto  ko ring  maka-experience, sa kasalukuyang galaw ng lipuna” paliwanag ng isang Nene”

Ngunit alam ba ninyo ang ganito ay madalas nangyayari lamang  sa mga private room ng mga sing-along bar? Hindi po ba? Correct me if im wrong. Kong mawala ang mga ganitong mga negosyo ay mawawala din ang ganitong tanawin, hindi ba?

“Kaka Ali, gusto ding naming magkapera ang mga kabataan na iyan, gusto din nilang makabili ng makabagong gadget”. Paliwanag ng isang ina.

Hindi din ako makasang-ayon Nanay, bakit? Dahil  ayon sa mga nababasa natin, sa mga internet,  may mga estudyanteng babae o lalaki na binibigyan naman   ng allowance ng kanilang mga magulang, ngunit bakit pinasok pa ang    ang pagsa-sideline sa cybersex?

Leny: “Cyber sex? Ano ang cyber sex?”

Kaka Ali: “Ang cybersex (kompyuter seks o net sex) ay virtual na pakikipagtalik o pakikipagtagpo ng dalawa o mahigit pang tao na nay koneksyon sa computer network o sa internet. Ang pakikipagtalik, tagpo o tipan ng mga nasabing tao ay kinakikitaan ng maselang palitan ng mga mensahe na tumutukoy o humahalintulad sa karanasan sa pagtatalik. Ito ay isang uri ng pagganap na kung saan ang mga kasali ay nagpapanggap o nagiisip na sila ay nasa tunay na pakikipagtalik sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga gawain at pagbibigay tugon sa kapareho.

Heto pa ang one thaousand  dollar question:  “Bakit patuloy ang pag-alis ng ating mga kababaihan lalo yaong magaganda,  patungo sa ibang bansa, bilang entertainers, gayung malaki ang posibilidad na mapariwara o  malapit sa katotohanan  na sila ay mapasuong   sa prostitusyon?

“Kaka ang totoo ay heto, Kahirapan ng buhay”

Papaano natin ito malalabanan? Papaano natin ito aalisin sa ating lipunan sa ngayon, na wala tayo ay naniniwala ito ay labag sa kagandahang asal at ugali, na ito ay tahasang pagsalungat sa katuruan n gating relihiyon?

“Ang pamahalaan at pamilya ang dapat na magkatuwang sa pagsugpo dito” sabi ni Maestro.

 

Dapat ay maipaliwanag natin sa ating mga anak, pamilya, sa sambayanan na hindi sapat ang kahirapan ng buhay para ma-exploit ang ating mga kababaihan o wasakin ang ating  karangalan at mabulid sa prostitusyon.

Dapat daw ang ating pamahalaan o mga mambabatas ay magpasa ng batas na mapapataw ng mabigat na kaparusahan   sa mga nagsasadlak sa kababaihan na ito  sa ganitong Gawain. Ang mga  bugaw man o may-ari ng mga prostitution den; dayuhan man o kababayan natin, dapat maparusahan ang dapat parusahan, dapat may piring ang katarungan, hindi kayang takpan ng pera.

Sa panig ng mga kababaihan, higit na dapat na maging militante ang mga grupong nangangalaga sa kanilang karapatan. Ipaglaban nila ang karapatan ng mga Pinay kahit sa labas ng bansa.

Sa ating mga magulang maging responsible tayong mga nanay at tatay. Para sa mga Bangsamoro (Renawon at T’duray) balikan at panatilitihin natin an gating kultura at kaugalian na pinangangaan ang (marabatabat) dangal n gating mga kababaihan. Huwag nating hayaan na mapalitaan ang ating mga magagandang kaugalian at paniniwala sa makabagong kultura na hindi nakakabuti.

Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito po ang inyong Kaka Ali…. Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 7:38 am | permalink | comments[3]

Ang Kaunlaran ng Bayan ay Tungkulin ng Mamayan at ng mga Namumuno

May 19, 2010

(May 19, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Lenyrose: “Naniniwala ba kayo na ang kaunlaran ng ating bayan ay hindi lamang nakasalalay sa balikat ng mga namumuno kundi mga mamamayan? Ano man ang iynyong kasagutan samahan ninyo kami sa ating segment na nakaka.. Dahil iyan ang ating tatalakayin kasama si Kaka Ali…..”

(NAKAKA- INTRO)

Kaka Alih: 

Kaka Alih: “Halos bahagi na ng ating kaugalian at paniniwala na ang kaunlaran ng isang bayan o lugar ay iniaasa sa mga pinuno. Ang  mamamayan na nakakarami ay hindi natin binibigyan ng halaga.

Kaibigan magtatanong kaming muli, wala na bang role na ginagampanan ang nakakaraming mamamayan?

Ayon sa pahayag ng isang political science professor o experto sa usaping pamamahala: “Ang mga tao o mamamayan ang itinuturing na pinakamahalagang yaman ng isang bansa. Bawat isang mamamayan ay mahalaga sa pagbuo ng bansa. Nakasalalay sa uri ng mamamayang naninirahan dito ang lakas at kaunlaran ng isang bansa, tulad ng bansang Pilipinas.”

Kaya naman bawat Lokal na pamahalaan (LGU) na PRO Development,    ang palaging priority sa kanyang mga proyektong ipinapatupad ay Human Development o kaunlaran ng kanyang bayan ay pinakakaingatan at pinangangalagaan ay ang kanyang mga mamamayan.

“Peoples empowerment o pagbibigay ng halaga sa tungkuling gagampanan ng mamamayan”. Paliwanag ng isang NGO.

Tulad halimbawa ng isa sa mga mensaheng ipinahayag ng ating kagalang-galang na Alkalde,   Ramon Piang Sr. sa isang pagtitipon na live na inisahimpapawid sa DXUP FM, ayon kay Mayor:  

Para sa kaunlaran ng bayan, kailangan ang  pagkakaisa, walang nag-aaway-away at walang pangangamba sa kaligtasan ng kanilang buhay at ari-arian ang ating mamamayan”.

Leny any comments sa message ni Mayor? (Leny will answer-positively)

Lenyrose:  “Ako?…Agree ako sa ating alkalde na ang produktibong mamamayan ang tunay na yaman ng bayan o bansa. Mahirap umuunlad ang isang bansa kung ang mamamayan ay walang ginagawa na makakabuti para sa bayan at sa  kanyang kapuwa.”

Kaka Ali: Len yang maganda pag-usapan natin ay ang katanungan na: “Ano ba ang dapat taglayin ng mga mamamayan upang makatulong ito sa pagbibigay-lakas at kaunlaran ng kanyang  bayan?

Heto ang sagot ni Maam, isa itong retired teacher: “Upang maging madali para sa bayan o bansa ang pagtatamo ng kaunlaran, kailangang ang makatuwang o makatulong nito’y mga mamamayan na  may lakas, kakayahan, may disiplina at kaalaman.”

Sang-ayon ako sa inyong tinuran maam, I second the motion, pinaliwanag din ni Maam, ayon sa kanya ay halimbawa daw nito ay: “Ang autoridad katulad ng ating Kapulisan at ng Sandahang Lakas ng Pilipinas (Armed Forces of the Philippines) ay hindi mangingiming ipatupad ang sinasabi ng batas, dapat pantay-pantay, ang pag-papatupad ng batas na tulad ng sinasabi nila na may piring ang katarungan, (ang ibig sabihin nito ay,  hindi niya nakikita kong ikaw ay kamag-anak o kaibigan, dahil kong ikaw ay nagkasala, sori ka nalang, trabaho lang walang personalan)..

“Ngunit Kaka Alih, dapat isa-alangalang din ng mga otoridad ang karapatang pangtao o yaong tinatawag na human rights”. Sabat naman ng isang human advocates group.

Tama ka my friend, dapat sa pagpapatupad ng batas ay palaging isinaalang-alang ang makatao o walang nilalabas na human rights na pagpapatupad ng batas, alalahanin na magkakaiba ang mga Pilipino at iba-iba din ang kultura, kaugalian at paniniwla. Dapat pinag-aaralan o inaalam ng mga ahente na ito ng goberno ang kultura, kaugalian at paniniwala. Halibawa na dapat malaman na kultura na minsan ay  nalalabag ng mga otoridad ay ang pagsusuot ng sapatos. Na ang nakasout sa paa na sapatos ay hindi pwedeng  ipasok sa Masjeed, maging sinukaman ay kailangan alisin ang sapatos kong papasok ka sa Masjeed. 

Dagdagan pa natin ang   halimbawa sa disiplina: ang mamamayan ay dapat sa sumunod sa sinasabi ng batas, patakaran, halimbawa, kong sinasabi ng batas na bawal dito magtinda ng isda   ay huwag ng maglalagay ng paninda.

“Doon po tayo magtinda sa tamang lugar may wet section naman ang public market natin”. Pakkiusap ni Chief of Police De Leon sa mga fish vendor. Na ang ibig sabihin nito ay kong paninda mo ay preskong isda, dapat sa  a fish section at wet section mo idisplay  ang iyong paninda hindi kong saan-saan na lamang.. Matuto na tayong hindi magdisplay kong saan-saan, at huwag na nating hintayin na ipatupad pa ng Pulis ang nararapat, dahil sigurado kong  tayo rin ang maaabala.

Muli tayong magtatanong sa bayan: “Ano   ang maaaring kahihinatnan ng isang bayan o bansa kung ang kanyang mamamayan ay walang disiplina? Leny any comments?

Lenyrose: “Tiyak magulo, walang asenso, dahil instead na pagpapaunlad ang inaasikaso ng otoridad  ang  concentrate nila sa pagdidisiplina sa mamamayan sa mga maliliit na bagay .”

Kaka Alih: Correct ka diyan Leny, Kabayan…Naisip mo  na rin ba ang magandang mangyayari kung lahat ay may disiplina?·  

Naisip mo na ba   ang mangyayari sa bansa kong walang nagnanakaw sa kaban ng bayan? Kong walang nangungurakot na official sa pera ng bayan?   

Naisip mo rin  ba kong ang ating mga kawani at official ng bansa, ng bayan, ay tutupad ng kanilang mga tungkulin ng tapat at dalisay, ibig sabihin ay walang corruption?· Magrereport siya sa opisina sa tamang oras at uuwi din sa oras ng uwian?    

Naisip mo rin ba Kapatid kung hindi na   magtatapon ng basura kung saan-saan ang ating mamamayan?·    Na hindi na tayo magtatapon ng basura sa ating mga kanal na patuloy na pinapaganda ng ating local na pamahalaan?

May tanong akong muli sa iyo Leny: Kung susunod siya (mamamayan) sa mga batas at alituntunin ng trapiko, ng patakaran ng pagtitinda sa palengke, what you will expect?·

Lenyrose:  “ I am sure kaka  Ali, isa tayo sa progresibong vayan, ang wala tayong problema, ang ating mga oficial ay makakapagtrabaho ng maayos para sa kaunlaran na walang sagabal”

Kaka Alih: Tama ka Leny, kung iiwas siya sa mga bisyo tulad ng mga ipinagbabawal na gamot?·    At higit sa lahat, kung tutupad ang bawat isa sa kanyang mga tungkulin?  Kong ang bawat isa sa atin ay gagampanan ang kanyang tungkulin sa kanyang kapuwa at higit sa lahat tungkulin sa kanyang Poong Lumikha, ang sambahin ito at tuparin ang ipana-uutos at ipagbawal ang ipinagbabawal?.Tiyak kong kalulugdan tayo n gating Poong Lumikha.

Heto ang isa sa mga mahalaga na tungkulin ng official ng bayan.

“Pangunahin at pinakamahalaga sa lahat na dapat taglayin ng mga mamamayan ay may malulusog na katawan at isipan.” Ito ang tinuran ng   Kalihim ng Kalusugan.  

Kaya naman ang Lokal na Pamahalaan ng Upi sa pamumuno ni Mayor Ramon Piang Sr ay naglalaan ng pondo at nagpapatayo ng mga health center, at nagpagtalaga ng mga health personnel para matulungan ang mamamayan para sa kanilang kalusugan.

Paliwang din isang doctor na maituturing na ring kayamanan isang mamamayan ang malusog na pangangatawan, kahit mahirap siya,  sapagkat taglay niya ang lakas upang gampanan ang kanyang mga tungkulin at Gawain sa bayan.·  

Mayaman man ang isang tao ngunit kung siya’y masasakitin, mauuwi lamang sa pagpapagamot ang kanyang salapi at malabong siya’y maging produktibo.·   

Ulitin natin ang sinabi ni kalihim ng kalusugan: “Ang mamamayang may malusog na pangangatawan ay malaking puhunan upang makatulong sa produksyon ng bansa”.·   

Madali at mabilis niyang magagampanan ang gawain kung siya’y malusog.

Maraming proyekto ang nangangailangan ng lakas ng katawan, ang Mrs mo pare, kailangan niya ang malusog mong katawan.

(PLAY LAUGHING)

Yaman ng ating bayan o bansa   ang pagiging matalino ng kanyang mamamayan. 

Kailangan ang malusog na isipan sa paglutas ng mga suliranin ng bansa at sa pagpapasya.·  

Kaya naman isinusulong ng pamahalaan ang edukasyon para sa lahat. Ang ibang kabataan naman ayaw mag-aral, computer games ang inaasikaso, ang iba daw ay panliligaw.. (PLAY LAUGHING).

Batid ng pamahalaan natin, ng LGU Upi na ang kamangmangan ay hadlang sa kaunlaran ng isang tao. Kaya napapansin ninyo todo suporta ng LGU Upi sa mga ating mga paaralan, kasama na dito ang ating mga Madraza. Bagamat hindi sapat ay pinagsisikapan nilang kahit  papaano ay may allowance ang mga guro (teachers aid at mga Ustadz).

 Ito po ang inyong Kapatid  na si  Kaka Ali  na naghihikayat sa ating lahat na kilalanin at alamin ang kanyang tungkulin sa bayan at sa kapuwa. Hiramin natin ang tinuran ni Chief of Police De Leon: “matuto tayong sumunod sa batas upang hindi tayo magkaproblema”… Bukas…mas lalo nating paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM..  Sukran and Wassallam.

Posted by dxupfm at 8:36 am | permalink | comments[5]

Mga Hadlang sa Kaunlaran (Hindrance to Developmen

May 7, 2010

(May 7, 2010,  Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Kaunlaran sa sarili, sa mamayan, sa bayan, kultura at kaugalian, kaunlaran sa kanilang paniniwala,  ang lahat ng anggulo ng mga nababanggit  ay dapat tataas ang antas nito para mapabilang sa sinasabi nating kaunlaran.

May mga kaunlaran na sa mga pisikal na anyo lamang, nakikita. Halimbawa nito ay ang mga pag-usbong ng mga malalaki at matataas na building, tulad halimbawa sa Makati City,  ay sasabihin na natin na mauland na ang Makati.

Bawat tribu, bansa at henerasyon ay may sariling pananaw sa sinasabing kaunlaran. Ano bang bansa ngayon sa mundo ang maulad? America? Japan? Singapore?

Ayon sa mga malalayo ang pananaw o malaki ang anking talino o sa madaling salita matatalinong tao, “May pag-unlad ang kanilang pisikal na kaunyuhan, ngunit sira naman ang kanilang moralidad, nawawala ang kanilang pananampalataya sa Diyos”

Ito ang basehan natin sa mga ipapahayag natin na mga  hadlang sa Pag-unlad ng Sambayanan o Kaunlaran na minimithi ng bawat tao sa mundong ito na punong-puno ng pagkukunwari.

1.    Sistema ng goberno (system of government)

Bawat tribu o bansa ay may kinamulatan, nakaugalian at pinaniniwalaan na sistema ng kanyang pamamahala sa sariling pamilya, tribu o bansa.

Kadalasan, ang nangyayari ay iniinsist o ipinipilit natin na ito ang tamang sistemang ng pamahalaan ang nararapat sa isang bansa, isang rehiyon o tribu. Ang halimbawa nito ay ang Pilipinas, ang nilimbag na sistema ng pamahalaan (system of government) ng  Amerika  sa atin ay isang experiment lamang, dahil ang kanilang sisetma ay di katulad ng kanilang nilmbag para sa mga Pilipino. Sa America ay hinati hati sa estado (state) at bawat estado ay may sariling system na angkop sa kanilang mamayan.

Sa Pilipinas ngayon ay nahati-hati ang mga pinuno (leader) natin kong anong sistimang goberno ang paiiralin. Ang iba ay nagsusulong na panatilihin ang kasalukuyang sistema na ang presidente ay separate sa legislature, ang iba naman ay parliamentary system, ang iba tulad ni Nene Pementel. Ayon sa balita, ang    Senate Minority Leader Aquilino Pimentel Jr. ay nag- filed Joint Resolution 10 na may mungkahi (proposal) na magpapalit tayo ng mula sa  presidential patungo sa  parliamentary system ng government. Ito ay sinuportahan ng ibang senador. ( Manuel Villar Jr., Edgardo Angara, Pia Cayetano, Juan Ponce Enrile, Francis Escudero, Jose “Jinggoy” Estrada, Gregorio Honasan, Panfilo Lacson, Francis Pangilinan and Ramon “Bong” Revilla Jr.)

Ayon kay Chiz Escudero: “Ang sistema ng goberno   ay isang paraan lamang ng pagbibigay ng serbisyo sa mamayan at hinahati ito sa kanya kanyang aspeto at nasasakupan, hindi na natin kailangan magpalit ng gobyerno kundi ang magkaroon lang ng tamang implementasyon ng mga polisiya na para sa mamayan,”.

Wala daw sa sistema ng goberno ang ikaayos kundi sa pagpapatupad at pamamalakad ng isang lider.

2.    Pinuno (leadership)

May sinabi si Senador Ecudero: “SA LIDER BA  SA SISTEMA BA NG GOBYERNO  O SA MAMAMAYAN”…  ang kaularan ng Bansa?

May nagsasabi na: “sa pinuno ng Bansa (presidente) nakasalalay ang pagkakaroon ng malinaw at malawak na pagkakaintindi sa hinaharap na pamumuhay ng bawat isa sa ating bansa, tayong mga pilipino ay may ugaling asa kung saan ay palagi nating tinitignana ang lider na simbulo ng katatagan at may paninindigan para sa pangkalahatan…ngunit kapag ang ating pinuno ay me mga isyung kinahaharap na walang kasagutan at puro pagbabalat kayo tayo ay nadadala na at imbis na katigan ay ating isinasawalangbahala na lamang dahil sa kapangyarihan nya, na kung tutuusin ay tayo rin dapat ang mag alis sa kanya….”.

Ayon sa  isang leader ng bansa: “ isang lider na na may paninindigan, tapat sa pangkahalatan polisiya ng pamamalakad”

 

Ayon kay Michael “Mike” Mastura (dating congressman at ngayon ay member ng MILF peace panel): “….ang kailangan sa leader ay may political will”.

Ang ibig sabihin nito ay lider na may paninindigan sa sarili, hindi basta-basta ma-psy-war ng kanyang kalaban, hindi nagdadalawang isip na ipatupad ang alam niyang tama.

Sabi ng isang retired na guro at politician: “Mamayan ang syang sandigan ng isang bansa para sa kanyang kaunlaran. Kailangan iwasan ang lagayan, usigin ang lumalabag sa batas, at higit sa lahat palakasin natin ang pananampalataya sa Diyos”.

3.    Edukasyon-

Ang edukasyon ay hadlang sa kaunlaran kong ito ay hindi angkop sa paniniwala ng mga mamayan, ang mga tinuturo nito. Kinakailangan ang tamang disinyo (design) mga curriculum para sa mga bata, na angkop sa kanilang kultura at paniniwala. Kinakailangan  na linangin ang  kanilang kamulatan sa “moral values” na kailangan paniniwala, upang hindi tumino sa kanilang isip at matanim sa kanilang puso at damdamin.

Kinakalilangan din na maitama ang pag-iisip ng mga kabataan kong papaano gagamitin ang karunungan na kanilang natutunan, lalo na sa makabagong imbensyon. Dahil mawawalan ang saysay ang  mga pagsusulong na binsagang: “Edukasyon Tungo sa Kaunlaran”.

Ako, ikaw, tayo ay nangangarap na maging propesyunal sa darating na panahon upang marahil ay makatulong naman tayo sa ating magulang at nakakabatang kapatid o kaya naman ay  makiisa sa pagsulong at pag-unlad ng daigdig.

Sa panahong ito, tapang, tiyaga, talino at paniniwala sa itaas ang kailangan. Hindi sapat na makatapos ka lamang ng kolehiyo, kailangan ang patuloy na pag-aaral para sa kaunlaran.

Mga kaibigan, nasa COMPUTER AGE na po tayo ngayon, makabago at moderno ang teknolohiya. Kung ating iisipin, sadyang mabilis ang pagsulong natin. Subalit sa isang sulok ng aking pag-iisip ay nagtatanong.

“Kaunlaran nga bang matatawag ang dulot ng edukasyon sa ngayon?”

Kasi nga nariyan ang mataas na antas ng teknolohiya subalit mataas na antas din ng suliraning kinakaharap ng ating bansa. Halimbawa nito   maalaala ba ninyo ang millenium bug o Y2K? Noon  ang pagkasira ng mga computer sa taong 2000. Ang patuloy na imbensyon ng mga gamit pandigma,  na ang bunga sa sanlibutan ay   pagkasira ng ating kinabukasan, o pagkagunaw ng mundo.

Payo ni Ustadz (ayaw ipabanggit ang pangalan): “Bakit hindi natin gamitin ang katalinuhan sa paggawa ng mga bagay na ayon sa ikabubuti ng lahat, hindi upang maging tanyag at kilalanin ng buong mundo. Bakit hindi natin isipin ang susunod na henerasyon.”

Maranasan pa kaya ng ating susunod na henerasyon  ang kaginhawahan at kaunlaran  pagdating ng panahon kung ang ninanais ng ating mga henyo ay makapagpabagsak ng ekonomiya ng iba upang tanghalin at kilalaning pinakamatalino at pinakamataas?

Nakalulunos isipin na ang dulot ng kaunlaran sa edukasyon ay ang pagbagsak at maling layunin. Kung ating sasariwain, tunay na nga ba  tayong maunlad. Bakit ko naitanong  iyan?

Nariyan ang mga ATM’s na isang pindot mo lang ay pera na, mga computer na sasagot sa marami mong katanungan kahit sa pag-aaral, mga cellular phones, mga remote control na sasakyan at ang huli’y ang napapabalitang micro o computer chips na kapag napalagay sa kanang kamay o sa noo ay di na kailangan ng salapi sapagkat mabibili mo na ng anumang nais bilihin– ang tawag diyan ay cashless society.

Nakapangingilabot isipin, dahil sa labis na kaalinuhan ng tao, ang Diyos na makapangyarihan ay kinakalaban na ng tao. Pilit na binagago ang  mga nilalang ng Diyos. Pinapalitan ang kasarian, nagkamali ba ang Diyos?

Ang mga Kabataan sa ngayon  ang susunod na henyo ng darating na panahon, susundan ba natin ang yapak ng naunang henyo?

Hindi masama ang pag-unlad kung layunin ay para sa ikabubuti ng tao at hindi pansarili lamang.

Sa panahong ito, kailangang bukas ang ating isipan sa anumang teknolohiya na pumapasok sa bansa mula sa silangan at kanluran at ibang panig ng daigdig upang hindi tayo madaya ninuman. Isang hamon ang nais kong iwanan sa bawat kabataan–saan mo nais gamitin ang iyong talino –sa kabutihan? sa katanyagan? sa pansarili lang ba? na sa bandang huli’y siguradong pagsisihan mo?.

Mga kaibigan ang tunay na Edukasyon tungo sa kaunlaran, ay ang mga imbensyong hindi nakasisira sa kalikasan at sangkatauhan o ni nagiging sanhi ng karahasan.

4.    Kultura at Kaugalian

Dahil sa kultura at kaugalian na iba-iba ay isa sa sagabal sa ating kaunlaran, kaya, nararapat na maintindihan natin ang mga kultura at kaugaliang ito ng bawat tribu upang ating mabigyan pansin at respeto. Palagi nating bigyan ng consideration  sa ating pag-mumungkahi at pagpapatupad ng mga batas ang kultura at kaugalian ng bawat tribu at pananampalataya. Kaya minumungkahi natin na isama sa mga itinuturo sa paaralan, maging bahagi ng ating mga curriculum ang pag-aaral sa kultura, kaugalian at pananampalataya n g ating mga mamamayang Pilipino.

5.    Peace & Condition

Kinakailangan natin alamin ang punot dulo ng mga kaguluhan, hindi lamang sa kanyang kasalukuyang dahilan kundi ang pinakaugat nito.

Halimbawa nito ay peace at order na lumalabo dito sa atin bansa. Ang palaging tinitingnan ng karamihan ay ang dahilan ng kaguluhan ng giyera sa Mindanao ay ang kasalukuyang    pinagmulan ng gulo, hindi tiningtingnan ang pinaka-ugat nito, nakakaligtaan  nilang lingunin ang history ng mga Bangsamoro. Para sa mga Bangsamoro ang dahilan ay ang Justice na hindi naipapagkaloob sa kanila. Ang Injustice na sinakop o sinama sila sa Pilipinas na hindi man lang sila kinunsulta.

Ilan lamang ito sa ,mga hadlang ng hindi pag-unlad ng ating bansa, maraming factor ang nakaugnay bakit tayo napag-iwanan na n gating mga kalapit na bansa, tulad ng Malaysia at Indonsdesia, nakawala na ang konsepto na MAPHILINDO (Malaysia, Philippines at Indonesia) na itinatag ng mga lider noong mga kapanahunan ni dating president Diosdado Macapagal.

Ang iba pang mga dahilan tatalakayin sa susunod na pagtatanghal natin.. ito ang inyong segment writer na si Kaka Alih.. sukran Wasallam.

 

Posted by dxupfm at 7:46 am | permalink | comments[3]

Ang Inaasahan Ko Ngayong Election

May 6, 2010

May 6, 2010,  Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

Host/Lenyrose: “Ano ang inaasahan mo darating na halalan na May 10, 2010? Alam namin na iba-iba ang inaasahan ninyo, Ano man ang sagot mo Kaibigan?, What so ever ang sagot mo, samahan ninyo kami sa ating programang Buhay-buhay sa DXUP , dahil iyan ang tatalakayin natin sa ating  segment na nakaka ?

 (NAKAKA- INTRO)

Kaka Alih:  Ang tanong ko kay Maam:  “Ano ang inaasahan mo darating na halalan na May 10, 2010?”  

Alam  mo leny ang sagot ni Maam? Si Maam pala ay isang retiradong guro, na ngayon ay tagapag-alaga na lamang ng kanyang mga apo:

“Simple lang ang sa akin Kaka, tiyak may mananalo at matatalo, kaya dapat tanggapin ng mga kandidato  na may matatalo at mananalo sa kanila”.  (LAUGHING) 

Tama ka Maam, talagang may matatalo at mananalo, Wala pa man yata na tabla..?

“Anong wala Kaka Ali, marami na akong narinig, sa una proklemado na nanalo ang isa  bago matapos ang termino ay ang kalaban naman ang naproclaim, o di ba tabla”. Sambit kaagad ng estudyante ng Upi na matalino daw.. (LAUGHING). 

Tama no? correct ka dyan bata…Ang standard, este ang regular isa lang ang mananalo, halimbawa sa  ating bayang Upi, isa lang ang mahahalal na mayor at vice mayor at sa pagka-konsehal naman ay walo lang, kaya asahan natin sa 34 na nagfile para pagkakonsehal ay 26 ang matatalo, ganoon din sa mayor apat ang maiiwan sa limang nagfile  ng kanilang COC.

Ano pa ang inaasahan mo, ngayong election kaibigan, tanong ko sa isang kaibigan na ngayon ay kumakandidato sa isang bayan ng Maguindanao? 

“Sa Akin Kaka idinadalangin ko na sana matalo na siya… (deleted ang name bawal na kasi) ” Bakit naman, tanong ko kaagad?  “Galit ako sa kanya… papaano kasi eh di  ako sinama sa partido”.  Hinanakit niyang sagot..(LAUGHING)..

Heto naman ang   isang botante: “Ako Kaka, inaasahan ko na dadagdagan nila ang laman ng sobre na ipamimigay nila sa araw ng halalan”. (LAUGHING) 

Hoy ting wala na daw sobre ngayon dahil automated na.. check mo na lang daw ang ATM mo…(LAUGHING) 

“Aray! Ang sakit naman Kaka Alih, wala pa akong ATM account” ito ang Sagot   ng isang binatilyo na naka-experience   ng suhulan sa  nakaraang halalan.

Iyan ang sakit ng ating  lipunan  sa ngayon,…. suhulan sa panahon ng halalan, ito ang sakit  na dapat   nating gamutin, dapat nating idelete.. kailangang mawala..  kinakailangan mawala ang suhulan.   Dahil ang epekto ng suhulan ay pagkalugmok ng bansa, na siyang dahilan ng  pagka corrupt ng ating mga oficial na nahalal. Syempre babawiin nila ang kanilang mga malalaking salapi na ginastos sa halalan, para lamang sila mailuklok sa puwesto.

“Marahil dahil sa sistema ng pagpili ng pinuno ng bansa natin kaya nangyayari ang ganitong mga suhulan, o sadyang kapit sa patalim ang mga Pinoy, dahil sa hirap ng buhay ngayon,  kaya nangyayari ang mga ganito.” Paliwanag ng isang Ginang.

May point ka dyan Madam, sa ating bansang Pilipinas ganito kasi ang pagpili ng pinuno ng bansa, lalawigan, hanggang sa Barangay ay idinadaan sa botohan at kong sino ang may pinakamaraming natanggap na boto siya ang idedeklarang nanalo.

Ngunit kong pagbabasahin natin ang mga kuwento na hindi pa natin napatunayan o nakakuha ng ebedinsiya ay nitong huling mga halalan ay tila hindi na nasusunod ang kong sino ang binoto ng nakakarami, dahil kong sino ang may kakayanang baguhin ang resulta ng botohan ay siyang nanalo, hindi yaong binuto ng nakakarami.  Pero Kaibigan, sabi ng COMELEC, mahihirapan na silang baguhin ang resulta ng halalan sa ngayon 2010 dahil automated na. automatiko na itong mabibilang ng computer, pagdating municipal level, kong sakaling mga dayaan ay sa precinct level, o  sa individual na botohan.

“Marami ng pagbabago Kaka, kaya  dapat ng linisin ang    klase ng ating halalan sa Pilipinas”   himutok ni Maam.

Tama ka maam, marami na akong napapansin na dapat ng itama , halimbawa:  Sa ngayon, sa registration pa lamang ay di na maiwasan ang “lagayan” sa pagitan ng mga kakandidato at sa mga botante.

“Papaano kasi Kaka sinanay nila ang mga botante, na binibigyan ng kakandidato para lamang magregister, hayun nasanay na”. sabi naman ng Kumpare.

Sa araw naman ng halalan, may mga botante   na hindi bomoboto hanggat hindi nakakatanggap ng “sobre” o “regalo” mula sa isang kandidato.

Sabi ni Pare: “Kaka, sinisugoro ko lang  na mapapakinabangan ko ang taong aking iboboto dahil alam ko pag nahalal na ay wala namang improvement sa aming lugar, kaya cash advance na ako”

(LAUGHING)

O hayun kaya naman pala, pero pare ko, ayaw mo ng corruption, dib a? pero ikaw mismo ang nagpasimula, dapat ikaw ang magpasimuno o mangunguna na mawala ang corruption, huwag nating turuan ang magiging mga   official natin na maging kurakot.

Kong inaasahan mong maging mabuting serbisyo sa bayan ang ibibigay ng iyong official na inihalal mo, huwag mo siyang itulak na maging kurakot, tulungan mo ang iyong official   na huwag makapagnakaw sa kaban ng bayan o bansa, kahit na siya pa ang iyong binoto kapag nagnakaw siya ng pera ng bayan, “walang personalan, trabaho lang” ireport sa kinauukulan.

Tandaan Kapatid, ang botanteng tumatanggap ng suhol mula sa kandidato, tiyak magsisi balang araw, dahil anak o apo ang daranas ng hirap, dahil tiyak babawiin ng iyong official na nahalal ang mga perang nagastos na ipinamudmud sa mamamayan para manalo.

Tandaan mo    kapatid ang kandidatong namumudmod ng pera sa halalan, tiyak babawiin sa mamamayan  ang perang ginastos sa halalan.

“Bakit Kaka Ali may kandidato pa ba ngayon na hindi mamimigay ng pera?” (LAUGHING).. 

Ha???Aywan ko… Malabo.. (LAUGHING)..  Pare ko ang pinag-uusapan natin ay ang perang pangsuhol, na ibinibigay sa botante para siya ay maiboto.. aaminin ko, ang candidato na hindi gastos mahirap manalo.. dahil magastos talaga ang halalan sa ating bansa..sa propaganda pa lamang malaking pera na yan.. ngayon pan a di na papel o tela ang gamit dahil tarpuilin na at computerized pa..  

Ang tanong ko Kaibigan   pababayaan ba natin na malugmok tayo sa bulok na sistema natin? Sino ba ang mapipirhuwiso, hindi ba tayo rin.. na mga mamamayan?

“Yes kaka Tayo ang maghihirap”

Ganoon naman pala eh, di sama-sama tayong     at tulongtulong tayong maituwid ang mga mali nating ginagawa, huwag nating iaasa sa Diyos, tandaan may kasabihan tayong mga Pilipino, “Nasa Diyos ang Awa, nasa tao ang gawa”.

Ito ang inyong kandidato.. (LAUGHING)..  este hindi pala.. ito ang inyong segment writer at producer, ng Nakaka…. si Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.

Posted by dxupfm at 1:58 pm | permalink | Add comment