Ang Inaasahan Ko Ngayong Election
May 6, 2010May 6, 2010, Huwebes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Host/Lenyrose: “Ano ang inaasahan mo darating na halalan na May 10, 2010? Alam namin na iba-iba ang inaasahan ninyo, Ano man ang sagot mo Kaibigan?, What so ever ang sagot mo, samahan ninyo kami sa ating programang Buhay-buhay sa DXUP , dahil iyan ang tatalakayin natin sa ating segment na nakaka ?
(NAKAKA- INTRO)
Kaka Alih: Ang tanong ko kay Maam: “Ano ang inaasahan mo darating na halalan na May 10, 2010?”
Alam mo leny ang sagot ni Maam? Si Maam pala ay isang retiradong guro, na ngayon ay tagapag-alaga na lamang ng kanyang mga apo:
“Simple lang ang sa akin Kaka, tiyak may mananalo at matatalo, kaya dapat tanggapin ng mga kandidato na may matatalo at mananalo sa kanila”. (LAUGHING)
Tama ka Maam, talagang may matatalo at mananalo, Wala pa man yata na tabla..?
“Anong wala Kaka Ali, marami na akong narinig, sa una proklemado na nanalo ang isa bago matapos ang termino ay ang kalaban naman ang naproclaim, o di ba tabla”. Sambit kaagad ng estudyante ng Upi na matalino daw.. (LAUGHING).
Tama no? correct ka dyan bata…Ang standard, este ang regular isa lang ang mananalo, halimbawa sa ating bayang Upi, isa lang ang mahahalal na mayor at vice mayor at sa pagka-konsehal naman ay walo lang, kaya asahan natin sa 34 na nagfile para pagkakonsehal ay 26 ang matatalo, ganoon din sa mayor apat ang maiiwan sa limang nagfile ng kanilang COC.
Ano pa ang inaasahan mo, ngayong election kaibigan, tanong ko sa isang kaibigan na ngayon ay kumakandidato sa isang bayan ng Maguindanao?
“Sa Akin Kaka idinadalangin ko na
Heto naman ang isang botante: “Ako Kaka, inaasahan ko na dadagdagan nila ang laman ng sobre na ipamimigay nila sa araw ng halalan”. (LAUGHING)
Hoy ting wala na daw sobre ngayon dahil automated na.. check mo na lang daw ang ATM mo…(LAUGHING)
“Aray! Ang sakit naman Kaka Alih, wala pa akong ATM account” ito ang Sagot ng isang binatilyo na naka-experience ng suhulan sa nakaraang halalan.
Iyan ang sakit ng ating lipunan sa ngayon,…. suhulan sa panahon ng halalan, ito ang sakit na dapat nating gamutin, dapat nating idelete.. kailangang mawala.. kinakailangan mawala ang suhulan. Dahil ang epekto ng suhulan ay pagkalugmok ng bansa, na siyang dahilan ng pagka corrupt ng ating mga oficial na nahalal. Syempre babawiin nila ang kanilang mga malalaking salapi na ginastos sa halalan, para lamang sila mailuklok sa puwesto.
“Marahil dahil sa sistema ng pagpili ng pinuno ng bansa natin kaya nangyayari ang ganitong mga suhulan, o sadyang kapit sa patalim ang mga Pinoy, dahil sa hirap ng buhay ngayon, kaya nangyayari ang mga ganito.” Paliwanag ng isang Ginang.
May point ka dyan Madam, sa ating bansang Pilipinas ganito kasi ang pagpili ng pinuno ng bansa, lalawigan, hanggang sa Barangay ay idinadaan sa botohan at kong sino ang may pinakamaraming natanggap na boto siya ang idedeklarang nanalo.
Ngunit kong pagbabasahin natin ang mga kuwento na hindi pa natin napatunayan o nakakuha ng ebedinsiya ay nitong huling mga halalan ay tila hindi na nasusunod ang kong sino ang binoto ng nakakarami, dahil kong sino ang may kakayanang baguhin ang resulta ng botohan ay siyang nanalo, hindi yaong binuto ng nakakarami. Pero Kaibigan, sabi ng COMELEC, mahihirapan na silang baguhin ang resulta ng halalan sa ngayon 2010 dahil automated na. automatiko na itong mabibilang ng computer, pagdating municipal level, kong sakaling mga dayaan ay sa precinct level, o sa individual na botohan.
“Marami ng pagbabago Kaka, kaya dapat ng linisin ang klase ng ating halalan sa Pilipinas” himutok ni Maam.
Tama ka maam, marami na akong napapansin na dapat ng itama , halimbawa: Sa ngayon, sa registration pa lamang ay di na maiwasan ang “lagayan” sa pagitan ng mga kakandidato at sa mga botante.
“Papaano kasi Kaka sinanay nila ang mga botante, na binibigyan ng kakandidato para lamang magregister, hayun nasanay na”. sabi naman ng Kumpare.
Sa araw naman ng halalan, may mga botante na hindi bomoboto hanggat hindi nakakatanggap ng “sobre” o “regalo” mula sa isang kandidato.
Sabi ni Pare: “Kaka, sinisugoro ko lang na mapapakinabangan ko ang taong aking iboboto dahil alam ko pag nahalal na ay wala namang improvement sa aming lugar, kaya cash advance na ako”
(LAUGHING)
O hayun kaya naman pala, pero pare ko, ayaw mo ng corruption, dib a? pero ikaw mismo ang nagpasimula, dapat ikaw ang magpasimuno o mangunguna na mawala ang corruption, huwag nating turuan ang magiging mga official natin na maging kurakot.
Kong inaasahan mong maging mabuting serbisyo sa bayan ang ibibigay ng iyong official na inihalal mo, huwag mo siyang itulak na maging kurakot, tulungan mo ang iyong official na huwag makapagnakaw sa kaban ng bayan o bansa, kahit na siya pa ang iyong binoto kapag nagnakaw siya ng pera ng bayan, “walang personalan, trabaho lang” ireport sa kinauukulan.
Tandaan Kapatid, ang botanteng tumatanggap ng suhol mula sa kandidato, tiyak magsisi balang araw, dahil anak o apo ang daranas ng hirap, dahil tiyak babawiin ng iyong official na nahalal ang mga perang nagastos na ipinamudmud sa mamamayan para manalo.
Tandaan mo kapatid ang kandidatong namumudmod ng pera sa halalan, tiyak babawiin sa mamamayan ang perang ginastos sa halalan.
“Bakit Kaka Ali may kandidato pa ba ngayon na hindi mamimigay ng pera?” (LAUGHING)..
Ha???Aywan ko…
Ang tanong ko Kaibigan pababayaan ba natin na malugmok tayo sa bulok na sistema natin? Sino ba ang mapipirhuwiso, hindi ba tayo rin.. na mga mamamayan?
“Yes kaka Tayo ang maghihirap”
Ganoon naman pala eh, di sama-sama tayong at tulongtulong tayong maituwid ang mga
Ito ang inyong kandidato.. (LAUGHING).. este hindi pala.. ito ang inyong segment writer at producer, ng Nakaka…. si Kaka Ali, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.



When you want True Religion Jeans, you need to dress for success. True Religion Outlet, it is vital True Religion canada. Like it or not; people tend to judge you by True Religion sale take a look at you and how you are True Religion jeans uk. If you want to get ahead in the business world, it is absolutely essential True Religion UK Shirts and Pants;Even if your office has adopted a casual True Religion Sale like a slob. You need to dress like you are in charge. True Religion Outlet the job you have but for the job that you would like to have. gucci online, you should dress for that gucci outlet soon see you in a different light. gucci bagsthat you gucci sale dress shirts. These should burberry outlet, clean condition. While many offices burberry sale it comes to dress codes, this does not mean burberry outlet sale a pair of torn jeans. A neat, gucci outlet, clean dress shirt gucci bags fashion. To Tie or Not to Tie You need to wear a tie when it gucci sale. You also need to make sure that gucci online whenever you have an important meeting to attend.
Posted by helena at April 10, 2012, 9:51 am