DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Ang Tunay na Pakikipagkaibigan?

Ang Tunay na Pakikipagkaibigan?

May 21, 2010

(May 21, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

Host – “May kasabihan ang mga T’duray at R’nawon na pag-nag-kasamaan ng
loob sa kanyang kamag-anak na sasabihin dito na tataniman niya ng kawayan, ang ibig nitong sabihin ay hindi niya patatawarin hanggat buhay ang kawayan na iyon na kanyang itinanim. Ikaw kaibigan papaano ka ba makipagkaibigan? Iyan ang tanong na sasagutin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka… …

(Play- Intro-Nakaka)

Kaka Alih: “Tama ka Leny, may kasabihan kaming mga R’nawon at Teduray na: “tataniman kita ng kawayan,” na ang ibig sabihin ay hindi niya patatawarin ang kanyang kagalit hanggat nabubuhay pa ang kawayan na iyon? Ngunit ng marinig ito ni Marvin, alam mo ang sinabi?:

“Bapa madali lang iyan, di putulin na ang kawayan, para mapatawad kana”. (LAUGHING)

Hahaha…Yes tama ka Marvin, o mga kaibigan baka may kawayan kayo diyan na dapat putulin, kontakin lang si Marvin, pero siguraduhin na matibay ang inyong bolo, baka matulad sa aking na nabungi niya. (LAUGHING)

Serious tayo…Alam ba Kaibigan, na kahit ang Allah o ang Poong Lumikha ay nagpapatawad sa kanyang mga nilikha? Tayo pa kaya? na tao lamang.

Buweno sa umagang ito ay may sanaysay akong hindi ko malilimutan dahil may magandang aral na mapupulot dito. Maraming salamat sa isang Kaibigan, na dating OFW, alam ba ninyo na ang kaibigan kong ito ay “Best” para sa akin? Ang kaibigan kong ito ay ni minsan ay di ko nakitaan na nagalit. Kong sakalinang may nagawa kang hindi maganda sa kanya, ngiti lamang ang kanyang isusukli sa iyo.

Ang magkaibigang Abdullah at Abdulatif, ang pamagat ng sanaysay na ito.

May dalawang matalik na magkaibigan na nag-lalakad sa mainit na deserto sa may Gitnang Silangan, sina Abdullah at Abdullatif. Sa kanilang paglalakad at lalong tumatagal ay umiinit ang tila mala impiyernong malapad na buhangin na iyon, at nauhaw ang dalawa, at dahil marahil sa init at pagod na paglalakad nararamdaman sila ay nagtatalo kong bakit sila napadpad sa lugar na iyon. Sa madaling kuwento sila ay nagsisihan Kong bakit sila nandoon sa mawalak na desertong iyon.

Patuloy ang kanilang pagtatalo, at dahil mainitang pagtatalo na ito ng dalawa ay nasampal ni Abdulatif si Abdullah, laking gulat ni Abdulatif dahil hindi gumanti si Abdullah, ang tanging ginawa ay sumulat sa buhangin ng ganito: “SA ARAW NA ITO AY SINAMPAL AKO NG AKING MATALIK NA KAIBIGAN NA SI ABDULATIF”.

Nagpatuloy sa paglalakad ang dalawa, at hindi nagtagal ay narating nila ang isang malaking oasis (lawa sa gitna ng desyerto) at agad na naligo at nagtampisaw sa tubig si Abdullah.

Si Abdulatif ay pansamantala munang sumandal sa puno at namahinga. Maya-maya ay pasinghapsinghap na humihingi ng saklolo si Abdullah dahil nalulunod na ito… dahil pinulikat.

Dahil magkaibigan agad na tinulungan ni Abdulatif si Abdullah. Na agad namang nagpasalamat ni Abdullah sa kaibigan at muling sumulat, ngunit hindi na sa buhangin kundi inuukit o sinulat na sa bato na naroon na ganito ang kataga na isinulat:
“SA ARAW NA ITO, AKO AY NILIGTAS NG AKING MATALIK NA KAIBIGAN NA SI ABDULATIF”.

Nagtaka si Abdulatif sa mga ginagawa ng kaibigan at di nakatiis dito ay nagtanong sa kaibigan.

“Maitanong ko kaibigan na Abdullah bakit ng sinampal kita ay sinulat mo sa buhangin, at ng iligtas kita ay sa bato mo naman isinulat?” Bakit?

“Alam mo kaibigang Abdulatif, ang masamang nagawa mo sa akin ay sa buhangin ko sinulat dahil konting hangin lamang ay mabubura na ito, samantala ang sinulat ko sa bato ang maganda mong ginawa upang ito ay manatili habang panahon”. Sagot ni Abdullah.

Diyan natin tapusin ang maikling sanaysay na ito, (ngunit hindi pa ako tapos ng di pa tapos ang ating segment) ang tanong natin, anong aral ang inyong napulot dito? Ikaw Leny anong aral ang iyong napulot?

LENYROSE: “Kaka, ang aral na mapupulot natin sa sanaysay na iyong ibinahagi ay ganito, ang mga masamang nagawa ng ating kapuwa sa atin ay ating kalimutan at ang mga magaganda nilang nagawa ay ating palaging pakatandaan.”

Yes, tama ka Leny, alam mo kaibigan na nakikinig? napakasarap ang magpatawad, ganyan ako makipagkaibigan, di pa man siya humihingi ng patawad ay pinatatawad ko na.
Alam mo kaibigan maluwag ang ating pakiramdam kapag alam mong wala kang kagalit, napakaluwag ang ating pakiramdam pag wala kang galit sa iyong puso na iyong kinikimkim, Mare, bakit di mo subukan, bakit di mo na rin patawarin na ang pagkakasala ni Pare ng iyong kaibigan. Mads Alalahanin mo, marami naman siyang nagawang mabuti sa iyo at ang kanyang pagkakasala sa iyo ay isa pa lamang, bakit di mo man lamang i-apply ang simple arithmetic, one hundred minus one is equals ninety nine, o di may utang ka pa na 99.

(PLAY LAUGHING)

Ok mga kaibigan na di marunong ng arithmetic, (PLAY LAUGHING) hanggang dito na lang muna ang ang test natin, ay mali, pansamantala muna natin isasara ang ating segment na nakaka.. Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas, lalo pa natin paiigtingin ang ating ibabahagi sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Posted by dxupfm at 8:45 am | permalink

Previous Comments

Perhaps this is the objective cause, subjective nature is because I own laziness, hey. Remember the year before last year during the summer vacation for Beijing a few days I see children (actually was nine years old), the girl although very obedient, also very quiet, but still feel that there are people with a depressed around in all, the most important is I don’t know what brought her why, end decision, just I do what she do, then dragged the big face jing to bring her out shopping, fully shopping for an afternoon.

Posted by cheap jerseys free shipping at April 28, 2012, 11:14 am

Perhaps this is the objective cause, subjective nature is because I own laziness, hey. Remember the year before last year during the summer vacation for Beijing a few days I see children (actually was nine years old), the girl although very obedient, also very quiet, but still feel that there are people with a depressed around in all, the most important is I don’t know what brought her why, end decision, just I do what she do, then dragged the big face jing to bring her out shopping, fully shopping for an afternoon.

Posted by nfl jerseys authentic at April 28, 2012, 11:20 am

Add a comment