Kuwento ng pagkakaiba ng kultura, kaugalian at pananampataya (Story about our Cultural Divide )
May 25, 2010(May 25, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)
Host – “Cultural Divide” (pagkakaiba ng kultura, kaugalian at pananampataya) iyan ang tatalakayin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka… …”
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “May tayong kuwento tungkol sa “Cultural Divide” (pagkakaiba ng kultura, kaugalian at pananampataya) na iba ay paulit-ulit, na kong minsan ay matatawag na “blessings in disguise” dahil maganda ang naging bunga nito, ngunit kadalasan ay hindi kanais-nais ang kinahihinatnan.
Magbabahagi tayo ngayon ng mga kuwento ng ating buhay o inyong buhay. Na ang ating layunin ay makapulot tayo ng aral na magiging dahilan upang lalo nating mapagtibay ang pananaliksik s ating mga “cultural divide” upang lalong maintindihan ng ating mga kababayan na iba-iba ang kultura, kaugalian at pananampalataya.
Sa naibahagi ng ating kasamahan sa nakaraan Bridging leadership workshop ay may kuwento siyang naitala natin sa ating reporters notebook. Kuwento ng isang Muslim na Bangsamoro na Maguindanaon.
Minsan sa isang araw o one day seminar/workshop daw, na ang mga participante ay ibat-ibang tribu at paniniwala (relihiyon) isa siya (Muslim) sa naatasan na magpresent ng powerpoint presentation (ppt) sa isang maselang usapin.
Naitakda ang workshop sa Araw ng Biyernes, ang araw na sa katanghalian (12:00 1:00) ay Jamaah (congregational prayer) ng mga Muslim (Nanampalataya sa Islam). Ang oras ng kanyang presentation ay about 11:00-12:00, at dahil Biyernes wala siyang magawa kundi umalis at pumunta sa Masgit (house of worship in Islam). Kasama ang iba pang partisipanteng Muslim, silang lahat ay umalis sa seminar, upang tuparin ang kautusan ng Poong Lumikha.
Bumalik sila pagkatapos ng pagsambayang (prayer) nila. Ang kanilang mga kasamahan na hindi Nanampalataya sa Islam (hindi Muslim) ay kumain dahil gutom na rin.
Pangalawang kuwento: sa isang salo-salo ay nainbitahan din siya, masasarap ang nilutong mga pag-kain, karneng kambing, baka at manok. Sadyang inihanda ito ng kanyang kaibigang mula sa Luzon at Visayas dahil alam niya ay hindi kumakain ang mga Muslim ng karneng baboy. Ang masaklap nito ng kakain na sila, nagtanong ang isang bisita, kong ang mga nilutong mga karne ay nasumbali (nakatay ayon sa katuruan ng Islam).
Nagtaka ang host, kong bakit kailangan pang isumbali. ”Anong isumbali, papaano ba ang pagkatay ng hayop sa Islam?” tanong ng kaibigan.
“Kailangan pa ba iyon?” Naitanong niya sa sarili.
Ilan lamang iyan sa mga kuwento na mapagkukunan ng aral na magbibigay sa atin ng ideya na dapat saliksikin pa natin ang paniniwala kultura at kaugalian ng bawat tribu.
Heto pa may kuwento rin sa isang T’duray, nakaibigan naman na isang Settlers (mga mamamayan Pilipino na mula sa pulo ng Luzon at Visayas na nanirahan ditto sa Mindanao). Ayon sa kuwento ay inaanyayahan n gating kapatid na Settlers ang kapatid na Teduray sa isang salo-salo sa pananghalian, at syempre naghanda ng alam niyang masarap na pagkain. Nagkatay siya ng manok, at hinaluan ng kalabasa, ngunit sa laking gulat niya ng hindi kumain o sumubo kahit konti ang kanyang bisitang Teduray. Huli na niyang napag-alaman na ayon sa kultura ng mga T’duray, ang ganitong lutuin na pinaghalo ang kalabasa at manok ay labag sa kultura at kaugalian ng mga T’duray.
Naging uso ang bayanihan dito sa ating bansa, yaong pagtutulungan ng mamamayan. Minsan nagpatawag ng bayanihan ang isang Bangsamoro sa mga kaibigan na Settlers at Bangsamoro sa paghahawan sa kaniyang bukirin. Laking gulat niya dahil merinda time na ay hindi pa dumarating ang mga kapatid na Settlers. Bago nagtanghali ay dumating ang mga kapatid na Settlers at di mankadaugaga sa paghingi ng paumanhin sa mga kapatid na Bangsamoro dahil sa nahuli sila dating.
“Pasensiya lang po mga kapatid dahil Linggo ngayon at araw ng aming pagsimba.” Paliwanag ng mga kapatid na Settlers.
Hayun tulad sa mga kapatid na Muslim na nagsambayang sa Biyernes, ang mga kapatid na Kristiyano naman ay nagsisimba sa araw ng Linggo o Sabado.
Marami ang pagkakaiba kultura, kaugalian at paniniwala ng ibat-ibat mamamayan at tribu dito sa ating bayan ng Upi, na kinakailangan malaman at maintindihan ng bawat isa upang mabigyan natin ng pagkilala at pag-galang.
Ito po ang inyong kapatid na si Kaka Ali mula sa tribung Iranun, na naghihikayat sa aitng lahat na bigyan ng respeto ang bawat pananampalataya at tribu.


