Kursong Kukunin sa Kolehiyo
May 28, 2010(May 28, 2009, Biyernes- Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host –Lenyrose Bajar Sunio)
Host/Lenyrose : “Nakapagdecide ka na ba sa kursong kukunin sa pagpasok sa college? Kong may desisyon na ba ang inyong anak sa kursong kukunin? Kong wala pa o mayroon na… samahan kami ni Kaka Ali sa ating segment na Nakaka, dahil ang tatalakayin ni Kaka Ali ang an Pagpili ng Kursong Kukunin sa Kolehiyo….
(play NAKAKA- INTRO)
Kaka Alih: “Ngayon buwan ng Hunyo ang buwan ng pasukan ang iba ay ka-graduate lamang na sa secondarya, at sa pasukan ay mag-eenrol na sa college at dito ay pipili na siya ng kursong kukunin. Ang tanong may napili ka na bang kurso?
Buweno makinig po, dahil ang tatalakayin natin ngayon ay Pagpili ng Kursong Kukunin sa Kolehiyo.
Yaong mga magulang na nakikinig ngayon ay baka makatulong din itong ating topic na tulungan an gating mga anak na pumili ng tamang kurso na kukunin sa college.
Ang pagkakataong makapag-aral sa kolehiyo at pumili ng kursong kukunin ay hindi dapat ihalintulad sa pagpili ng bibilhing damit na susuotin para sa isang espesyal na okasyon at kapag hindi mo nakursunadahan o nagustuhan ang damit na nabili ay puwede mong hubarin at ibalik sa pinagbilihan o di kaya ay bawiin ang perang ipinang-bili. Hindi ito maari, dahil ang oras na iyong nagamit ay hindi na maibabalik pa.
Papaano kong sa kalagitnaan ng semestre ay saka mo nalaman na hindi pala angkop sa iyo o sa inyong anak ang kursong kinukuha? Papapaano yan? Hindi mo na pwedeng bawiin ang naenrol mo, marefund mo man dahil malakas ka sa administration ng paaralan, dahil lahi kayo ng mga VIP, (LAUGHING) papaano ang oras mo na nagugol mo? di na maibabalik.
Ang pag-aaral sa college ay hindi lang ginagastusan ng salapi kundi pinag-gugulan din ito ng lakas at oras.
Ang salapi, lakas at oras ay ang mga importanteng yaman sa buhay ng isang tao at hindi na naibabalik kapag nagamit na, kaya kung sasayangin mo ang mga ito dahil lamang sa iyong pagwawalang-bahala ay maaring sagad sa iyong buto ang madadamang pag-sisisi pagdating ng panahon.
Ang pag-aaral ng isang kurso sa kolehiyo ay magiging bahagi na ng inyong buhay puwede itong ihalintulad sa pagpili ng mapapangasawa.
Lenyrose: “Asawa? Oh Kaka, bakit pag-aasawa ang napag-uusapan?… akala ko kurso sa college…ang topic natin?”(LAUGHING)
Kaka Alih: Hindi Leny…halimbawa lang ito o ihahantulad natin, ganito kasi iyon, isipin mo… kung ang mapapangasawa mo o ang pinakasalan mo ay dahil sa yaman niya o di kaya ay sa udyok lang ng magulang o kaibigan pero ang totoo ay buo niyang pagkatao ay malayung-malayo sa hinahangad mong maging asawa, sa palagay mo alin lang sa dalawa ang gagawin mo, makipaghiwalay o mag-sisi ka habang buhay.?
Lenyrose: Ah ganoon pala.. akala ko…. (LAUGHING)
Kaka Alih: Ang pag-aasawa kasi Leny ay walang pinagkaiba sa pagpili ng kurso, kung ang kurso mong pinili ay kinuha mo dahil sa ito ang sikat ngayon at maraming makukuhang trabaho.. o ang tinatawag nilang on demand… kahit na malayo sa iyong interes o pangarap.
Papaano na kung dumating ang panahong nalaos na ito at na-ngaunti na ang mga kumpanyang naghahanap ng nagtapos ng kurso mong kinuha ( ang totoo ay ayaw mo naman di ba? )? Ibig ba nitong sabihin ay tapos na ang maliligayang araw mo?
Natatandaan ko ang sinabi sa akin ng Tatay ko Leny na………………(Pause ..Laughing)
Lenyrose:: Na ano kaka? (LAUGHING)
Kaka Alih: Leny… alam mo ba na mas mahirap tiisin ang pag-sisisi kesa sa lungkot na madarama? ”……………Kaya sana kahit sa pamamagitan ng ating programa na Buhay-buahy sa DXUP ..sa ating na segment na Nakaka ay makatulong tayo sa kanila na madlang nakikinig………..
Uulitin ko na sa pagpili ng isang profession o kurso ay wala itong iniwan o pinagkaiba sa pagpili ng mapapangasawa tulad ng nasabi ko nuong una, na sa paglipas ng panahon tatanda kayong pareho ng partner mo at maaring ang seksuwal na inter-aksyon ay hihina na, ang mga material na bagay ay hindi na ganoong kaakit-akit sa inyong dalawa at ang pinaka magiging pundasyon na magtataguyod sa inyong mag-asawa na matitira ay ang mabuting relasyon at pagmamahalan. Ganito o pareho sa profession o kursong kukunin mo sa kolehiyo, dadating ang panahon na maaring kuntento ka na sa mga material na bagay o parangal. Pero ang hilig mo o passion sa ginagawa mo ang mananatiling magtutulak sa iyo para magtrabaho, sa puntong ito ay magtratrabaho ka hindi dahil ang pangunahin mong layunin ay kumita ng pera kundi ginagawa mo ito dahil ito ang gusto mong gawin sa buhay at lumalabas na hindi na ito trabaho kundi libangan, libangan na kung saan ay kumikita ka narin ng salapi.
Ito po ang inyong Kaka Alih na nagbibigay kaalaman at muling na nagsasabing.. ang taong walang alam ay walang silbi sa bayan..(LAUGHING) …. Kaka Ali po, nagpupugay muli ng magandang umaga, Sukran, Wassallamu alaikum warahmatullahi wabartakatuh.
Lenyrose: “Hayun hitting two birds in one stone.. kurso at pag-aasawa ang natalakay natin ngayong araw.. ito talaga si Kaka Ali.. kahit anong topic may kaugnay pa rin na pag-AASAWA.. talagang NAKAKA.. ..(LAUGHING)
(PLAY-EXTRO NAKAKA)


