Ang Kabutihang-asal
June 30, 2010
Host – “Ang kabutihang-asal at pag-uugali ay ang mga batayan sa kabihasnan ng mga lipunan. Ito ang nagpapatunay sa kanilang karangalan sapagkat ang lipunang walang anumang kagandahang-asal at mabuting pag-uugali, ay isang lipunang walang kaunlaran….at ito ang tatalakayin ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.”
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: Ayon sa isang pantas:
“Ang kabutihang-asal at pag-uugali ay ang mga batayan sa kabihasnan ng mga lipunan. Ito ang nagpapatunay sa kanilang karangalan sapagkat ang lipunang walang anumang kagandahang-asal at mabuting pag-uugali, halimbawa ay sa pagitan ng matanda at ng bata, ng pantas at ng mag-aaral, ng amo (pinuno) at ng tagasunod ito ay isang lipunang walang kaunlaran kahit na maraming mga may pinag-aralang mamamayan sapagkat ang karunungang walang kabutihang-asal at mabuting pag-uugali ay salat ang batayan!”
Kahit na ang mga Sugo ng Allah o ang mga Propeta ay ganito din ang mga itinuturo at ipinapakitang halimbawa sa kanyang mga tagapagsunod o sa sangkakatauhan:
Isinalaysay ni Anas Ibn Malik (Nawa’y kalugdan siya ng Allah (swt)) na:
“Ang Sugo ng Allah ang pinakamarangal sa lahat ng mga tao sa pag-uugali.” [Al-Bukhari and Muslim]
Natutunan ng mga Sahabah (kasamahan ng Propeta) ng Propeta (saw) ang mga kagandahang-asal at mabuting pag-uugali na ito na siyang naging dahilan kung bakit nagkaroon sila ng pamayanan na may napakataas na antas ng kagandahang-asal at mabuting pag-uugali. Bago namatay ang Propeta (saw), ang Qur’an at ang Sunnah ay ang mga pinagmumulan ng pag-aaral ng wastong asal at pag-uugali na nagtutuwid sa mga puso ng mga Nanampalataya at ito ang nagbibigay –gabay sa kanila sa tamang landas.
Narito ang mga halimbawa ng pangunahing katangian ng nagpapahayag ng kabutihang-asal at mabuting pag-uugali :
1. Ihsan – nangangahulugan ng ‘kawalang kamalian o ang pagsasagawa ng isang bagay upang maging ganap na mahusay’ o ‘kahusayan o kagalingan.’ Sa Islam, ay ang tungkulin ng isang Muslim na makamit ang ‘kawalang kamalian o ang pagsasagawa ng isang bagay upang maging ganap na mahusay’ o ‘kahusayan o kagalingan’, sa pagsamba, katulad ng pagsamba ng mga Muslim sa Allah na parang Kanyang nakikita sila, bagama’t hindi nila Siya nakikita.. Ang kagandahang asal at mabuting pag-uugali ay marapat sa ating pakikipag-ugnayan at pakikitungo sa ating kapwa na kanilang ikinaliligaya at ikinalulugod.
May ilang Eskolar sa Islam ang nagsabi na ang ‘Ihsan’ ay ang panloob na bahagi ng Islam samantalang ang ‘Shari’ah’ ay inilalarawan na ang panlabas na bahagi ng Islam. Ang ‘kawalang kamalian o ang pagsasagawa ng isang bagay upang maging ganap na mahusay’ tulad ng pagsamba, trabaho at ang mga pakikisalamuha sa lipunan at isang napahalagang katangian sa lahat ng organisasyon o samahan na minimithing makamit. Subali’t ang pagkamit nito ay hindi upang maging nakakahigit at hindi dahil sa paligsahan o upang talunin o magapi ang iba na madalas ginagawa upang makamit ang karangalan o papuri ng lipunan. Sa halip, ‘ang tagumpay ay ang pagiging pinakamahusay o mahigit sa kakayahan ng iba’ at ang ‘kawalang kamalian o ang pagsasagawa ng isang bagay upang maging ganap na mahusay’ ay ang mataas na antas ng iyong kagandahang-asal at kabutihang-loob o ang iyong mga gawaing naglalarawan sa iyong mga katangian.
Ang “Ihsan” ay ipinag-uutos sa lahat ng tao. Subali’t ginawa ng Qur’an na higit na karapat-dapat na mangunguna ang mga magulang, kamag-anak, kapitbahay at ang manlalakbay kaysa sa iba
2. Ang Pagpapatawad – Ang pagpapatawad ay para doon sa nagkasala sa pamamagitan ng pagpapasakit sa kalooban ng iba at pagkaraa’y humingi ng kapatawaran o kaya’y batid natin na ang taong ito ay may mabuting adhikain mula sa kanyang ikinilos.
Ang isang maka-Diyos, ay sumusunod sa kanyang pananampalataya, ay palaging nagpapatawad. Ibinigay sa kanila ng Poong Lumikha ang Kanyang pagmamahal.
Sila ay nagpapatawad sa mga taong nakasakit ng kanilang kalooban. Ito ay isang napakarangal na pag-uugali na bibihirang tao lamang ang may katangian.
Ang Islam at ang iba pang relihiyon ay nagpapahayag ng kapatawaran sapagkat ginagawa niyang ligtas ang lipunan sa poot at pagkasuklam. Kung kaya’t ang mga Muslim o Kristiyano ay nararapat na maging mabuti sa bawat isa kahit na saktan nila ang kanyang kalooban.
Ayon sa matandaan ko sa mga matatanda natin: “…suklian ng ngiti at kabutihang-asal ang mga nanakit sa inyong mga kalooban upang makamit ang malaking gantimpala mula sa Poong Lumikha”.
Tama ito para sa akin, kapag ang isang pagkakasala ay tinumbasan ng isa ring pagkakasala, magkakaroon ng pagkasuklam sa isa’t-isa, at ang mga puso ay mapuno ng poot. Subalit kapag ang pagkakasala ay ginantihan ng pagpapatawad at magagandang pananalita, magkagayo’y magsisisi ang taong nagkasala at babaguhin niya ang kanyang pag-uugali sa lalong madaling panahon.
Ngunit sa ganitong asal, nangangahulugan ba na walang makakaganti sa taong nakasakit sa kanya?
Hindi. Kung nais niya ay maaari siyang makaganti sa ganoon ding antas ng pagkakasala ngunit hindi na hihigit pa roon.
Ang Allah (swt) ay nagsabi sa Qur’an, na ang kahulugan ay isinaling-wika nang ganito:
“At kapag kayo’y nagparusa, parusahan sila kagaya ng pagkakapanakit sa inyo. Subalit kapag matiyaga ninyo itong tiniis, katotohanan, higit itong mainam para sa mga As-Sabirin (ang mga matitiyaga).” [Qur’an, 16:126]
3. Katapatan – Ang isang Muslimo Kristiyano ay dapat palaging tapat sa iba. Ito ang itinuturo ng Islam at kristiyanismo, tama po Kasamang Leny?
Lenyrose: “yes Kaka dapat na maging matapat at magsabi ng katotohanan palagi ang isang Muslim o ang isang Kristiyano.
Ang katapatan ay isang katangian na nagpapatatag sa isang lipunan at nagbibigay tiwala sa mga tao. Ito ang nagpapanatag sa tao sa lahat ng kanyang pakikitungo nang hindi nangangamba na maapi o dili kaya’y malinlang. Ito ang dahilan kung bakit ipinag-utos ng Allah (swt) ang katapatan sa talatang ito, na ang kahulugan ay isinaling wika nang ganito:
“O kayong naniniwala! Matakot sa Allah, at sumama sa kanila na matapat (sa salita at gawa).” [Qur’an, 9:119]
4. Pagsasabi ng katotohanan o di Pagsisinungalin.
Ang isang mabuting Muslim ay yaong nagsasabi palagi ng katotohanan kahit na ang patungkol sa kanyang sarili. Gayundin, nararapat iwasan ng isang tapat na Muslim ang mga pag-uugaling sumasalungat sa katotohanan o katapatan katulad ng pagsisinungaling, panlilinlang o panloloko sa anumang kaparaanan kapag nagbebenta o bumibili, pagtupad sa tungkulin o kusang-loob na gawain para sa ibang tao sa paaralan, sa mga tanggapan, sa mga anumang ugnayan maging sila man ay ating mga malapit na kaibigan, kapamilya o kaanak, asawa o mga anak, at higit dito ay ang pagsasabi ng kabutihan o katotohanan at katapatan sa mga taong nanakit sa inyong mga damdamin o mga taong umapi o luminlang sa inyo. Sa pagkakataong ito napapatunayan natin ang katangian ng wagas na kabutihang-asal o kaya’y pagtatatag sa kaibhan ng taong nagtataglay ng katangiang kabutihang-asal sa taong wala nito. Sapagka’t maging anuman ang natamong pang-aapi, pandaraya, pahirap o suliraning kanyang naranasan maging ito pa man ay sadyang dulot ng kanyang kapwa, ito ay hindi sapat na dahilan sa kanya upang tugunan ito ng kasamaan o gantihan sila datapwa’t nanatili siyang mapagpakumbaba, mapagparaya at patuloy sa katapatan at pagsunod sa kautusan ng Allah (saw) at kahit na mayroon siyang kakayahan o pagkakataon na salungatin ito.
Ang isang Muslim ay marapat na palagiang mag-ingat sa mga salitang kanyang bibigkasin sapagkat maaaring itong mabuti o masama. Katotohanan ang lahat ng sinasabi ng tao ay isusulat ng anghel sa kanan (mabuti) o ang anghel sa kaliwa (masama).
5. Paghingi ng Kapahintulutan – Sa ating pagpasok sa isang pribadong lugar tulad sa bahay ng iba, takdang tungkulin para sa mga Muslim ang humingi ng kapahintulutan sa taong nakatira doon na pumasok sa kanyang lugar sa dahilang maaaring hindi niya nais makipagkita kaninuman o kaya’y hindi siya handa sa panahong iyon o sa anupamang kadahilanan. Kung kayat bago pumasok, nararapat na kumatok o kaya’y magsalita upang maipabatid na dumating ka. At kapag ikaw ay pinahihintulutan, pumasok ka. Subalit kapag sinabihan kang umalis na, sa gayo’y umalis nang walang sama ng loob sapagkat marahil ay wala sa kondisyon ang isang tao upang harapin ka sa pagkakataong ito.
May nakasulat sa Quran ng ganito ang pagkakasalin:
“O kayong naniniwala! Huwag pumasok sa mga bahay na hindi inyo hanggang sa ikaw ay nakahingi ng kapahintulutan at nabati ang mga naroroon. Higit na mainam iyan para sa inyo upang makaalalakayo. At kapag wala kayong nadatnan doon, manapa’y huwag pa ring pumasok hanggang ang kapahintulutan ay naibigay na. At kapag napakiusapan kayong bumalik na lamang, bumalik na lamang sapagkat ito’y higit na dalisay para sa inyo, at ang Allah ang Lubos na Nakababatid ng inyong ginagawa.” [Qur’an, 24:27-28]
Sa ating pagtatapos, hinihikayat ang bawat Muslim at Kristiyano na sundin ang mga tuntuning ito para makamit ang lubos na kaganapan sa ating asal at pag-uugali.
Ito po ang inyong Kaka Alih.. sukran ..
Kaunlaran
June 25, 2010(June 25, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)
Host – “Kailan matatawag na maunlad ang isang bansa o bayan? Ano man ang sagot mo, samahan kami ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.”
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: Ang kaunlaran ay isang kondisyong mahirap bigyan ng aktwal na kahulugan. Ang kaunlaran ay nababatay sa pananaw ng isang bansa at pagpapakahulugan ng mga mamamayan.
Mga palatandaan ng isang bansang maunlad:
· Maunlad na kabuhayan o ekonomiya, kasaganaan sa pagkain,
Ayon sa ulat ay ganito sinasabi: “Ang Pilipinas ay isang papaunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Noong 2004, ito ay nasa ika-24 na pwesto ng World Bank ayon sa kanyang purchasing power parity. Ang Pilipinas ay isa sa mga bagong bansa sa mundo na nagiging industriyalisado.”
Kayo ang makapagpagsasabi kong totoo ang ulat.
· Maunlad na kultura
Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito.
· Pag-gamit ng mga makabagong kagamitan at teknolohiya.
Sa ating bayan o bansa ngayon ay hindi na maitatatuwa na marami ng makabago na teknolohiya na ginagamit ng mga mamamayan natin, tulad ng internet, cable tv, mobile phones, ngunit ang maitatanong muli natin maunlad na ba tayo?
· Mataas na antas ng edukasyon.
Ang pagdami ng mag-aaral sa ating mga paaralan ay talagang hindi na matatawaran katunayan pa ay halos lahat ng lugar sa bansa ay kulang na kulang ang mga silid aralan sa dahil sa pagdami ng magsisipag-aral. Kahit saan sa bansa ay mga kolehiyo o Universidad. Tumaas nab a talaga ang antas ng education natin sa bansa? Masasabi ba nating mataas na ang antas ng edukasyon sa isang bansa pa gang mga mamamayan nito ay mga propesyonal na, Doctor, Engr. ?
· Mabilis na pagsulong ng ekonomiya at mga industriyang gumagamit ng makinarya na nagdudulot ng malawakang produksyon.
Halos wala ang mga kalabaw na ginagamit sa mga pag-aararo, kundi ang makikita mo sa bukid ay mga traktora. Pero maririnig mo pa rin na kinukulang tayo ng bigas kaya kinakailangan umangkat tayo ng bigas sa ibang bansa.
· Nakararanas ang mga mamamayan ng kalayaan sa pagsasalita, pagsulat, pagtititipon
Malaya na tayong sumulat, dahil ngayon ay pwede mo ng sabihin ang lahat, just post your article sa iyong blog o facebook, iyan ba ang sinasabing kalayaan sa pagsasalita pagsusulat?
· Malayang paghahalal ng kanilang mga opisyal o maunlad na pulitika.
Totoo bang Malaya na nating maghalal ng ating gusto? O naghihintay pa tayo ng mabigyan ng “regalo” mula sa mga kandidato bago natin sila iboboto?
“Malaya na tayo Kaka, ngunit tayo ang pilit na nagpapatali, dahil ang malayang manok ay kinakailangan magkahig ng kanyang makakain, samantala ang nakataling manok ay pinakakain ng kanyang tagapag-alaga ng mabibitaminang pagkain”. Paliwang ng isang retiradong guro.
Ang mga tanda ay pwede nating subukan sa ating bayan o sa ating bansa kong mayroon na ba nito sa atin at dahil mayroon nito ay masasabi nab a natin na maunlad na ang ating bayan o bansa.
Kultura, Kaugalian at Paniniwala
June 17, 2010
(Hulyo 17, 210-script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)
Lenyrose: “Ang pagkakaiba ng mga Kultura, Kaugalian at Paniniwala nating mga tao dito sa mundo, kasama na ang Pilipinas at masasabi nating sadyang kumplikado, na kong minsan ay dahilan ng di pagkakasundo. Kaalaman at pagrespeto sa kultura ng ating kapuwa ay isang magandang kaugalian na di matatawaran, ngunit kong minsan ay di natin ito nagagawa dahil sa kawalan ng kaalaman, samahan ninyo kami para sa karagdagang kaalaman ng kultura dahil magbibigay si Kaka Ali ng ilang kaalaman tungkol dito sa ating segment na nakaka…”
(PLAY INTRO)
Kaka Alih: “Ang pagkakaiba ng mga Kultura, Kaugalian at Paniniwala nating mga tao dito sa mundo, kasama na ang Pilipinas at masasabi nating sadyang kumplikado, na kong minsan ay dahilan ng di pagkakasundo. Agree ba kayo sa ating pananaw? Buweno kapatid, ipapaliwanag natin ng magkaintindihan tayo…Sa mundong ito of course kasama ang ating bansa ay sadyang napakarami ang tribu, at bawat isa rito ay iba-iba din ang kultura, kaugalian at paniniwala.
Ipokus natin an gating pagtanaw sa ating bayan ng Upi, dito mo makikita ang multi-diversity na kultura o pagkakaiba ng mga kultura, kaugalian at paniniwala. Sa mga native inhabitants tulad ng T’duray, Lambangian, Maguindanaon, Iranun, Meranaw at iba pa ay kahit mula sa isang pulo, ang Mindanao ay iba-iba ang kanilang kultura.
Ganoon din ang mga mula sa isla ng Luzon at Visayas, kahit na sila ay tinatatawag na Kristiyano (ngunit dahil hindi lahat ng mula sa Luzon at Visayas ay Kristiyano ay pinapalitan na ito ng Settlers) at iba-iba din ang kanilang denomination na kinaaniban at hindi rin nag-kakaisa ang kanilang kultura at kaugalian.
Tandaan mo ito Kapatid na nakikinig, ang bawat tribu ay may pamantayan sa mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.
Kaya may mga kilos at gawi na maaaring tama sa isa iyo ngunit mali o nakaiinsulto sa iba. Maaaring labag sa ibang kultura o di etikal sa inyo , na ang tingin ng sa ibang tribu ay nakakabastos o nakakainsulto ngunit sa inyong ay maganda pang kaugalian. Halimbawa nito ay ang beso-beso o yaong paghalik ng lalaki o babae sa kaibigan, sa Bangsamoro mahigpit na pinagbabawal ang paghalik, kahit nga mag-asawa ay di pwedeng maghalikan sa publiko, ngunit sa kanluran ay sign of respect and love, at ito ay pilit na ginagaya ng mga Pinoy.. Ikaw ba Leny nagbeso beso na?
Lenyrose:______________
Kaka Alih: Sukran, salamat Leny, heto pa may mga kulturang minamasama ang sobrang paglapit ng tao sa kinakausap o madalas humawak o pagiging masyadong pamilyar sa pamamagitan ng pagtapik ng balikat habang nag-uusap. Halimbawa sa bansang Korea, Malaysia Qatar at Saudi Arabia. Sa mga bansang ito ay mahigpit na ipinagbabawal ang pakikisalamuha ng lalaki at babae.
Dito nahahantulad ang mga Bangsamoro, labag sa kanilang kultura, kaugalian at paniniwala ang paghahalubilo ng babae at lalaki, kaya naman huwag kang magtaka sa darating na mga Meguyaya sa mga Moro Nights nitong, ay muli mong mararanasan na ang lugar ng kababaihan at kalalakihan ay pinaghihiwalay, pati na ang entry ng lalaki at babae ay magkaiba, kaya nanawagan na tayo sa mga Kapulisan na nagmementina ng seguridad, na pag-aralan na nila ang ganitong kaugalian, para di na maulit ang noon na kinontra nila ang arrangement ng committee on Bangsamoro nights, ang rason ng Inspector (sori nakalimutan ko na ang pangalan, dahil sigoro sa inis ko hahahaha) (PLAY LAUGHING) biruin mo mababaw na rason “for security reason”. .
Sa mga Bangsamoro na Muslim na labag sa kaugalian at paniniwala ang hawakan ang kamay ng babae ng lalaki sa pagbati kabaliktaran naman ito sa ibang kultura tulad sa Mediterranean, na pilit na ginagaya ng mga Pinoy. O di ba? Magtatampo pa nga kapag nakaligtaan mong bumati sa pamamagitan ng halik o yakap. Iyan ang tinatawag nilang “beso-beso”.
(PLAY LAUGHING)
Iba naman sa bansang Thailand kung saan ang ulo ng tao ay sagrado. Kaya kaibigan mag-ingat kong mapunta ng Thailand, para sa mga Thai, opensiba sa kanilang kultura ang paghawak sa ulo (dahil sila ay mga kalbo?) kung kaya kahit ulo ng bata ay ingatan na matapik mo, naku baka mabugbog ka, ang gagaling pa naman nila ng Thailand boxing.
Maniniwala ba kayo na ang maling pag-gamit ng kaliwa at kanang kamay ay maaaring isyung malaki sa ibang kultura? Maoobserbahan ito sa India, Morroco, Middle East at Africa na tradisyonal pa rin ang paggamit ng kamay kong kumakain. Malimit nagsasalo sa iisang pinggan o bowl sa hapag-kainan.
Dito sa atin ang mga kapatid na Bangsamoro ay nanatili hanggang ngayon ang pag-gamit ng kamay sa pag-kain, taliwas sa mga Pilipino na gumagamit na rin ng kutsara at tinidor tulad sa kanluranin.
Sa pagkain pa rin, ang mga Bangsamoro, ay hindi kumakain ng karne kahit na ito ay halal na hayop na hindi nakatay ayon sa katuruan ng Islam, taliwas ito sa cultura ng mga Pilipino.
Para sa mga Bangsamoro na Muslim o saan mang Muslim sa buong mundo, tanging kanang kamay ang para sa pagkuha ng pagkain. Ganoon din pag hinawakan ang Quran ay dapat kanang kamay ang gagamitin. Ang kaliwang kamay ay para sa ibang bagay, tulad ng paghawak ng maruruming bagay.
Sa sandaling magkamali tayong halinhinang gamitin ang kanan at kaliwang kamay sa pagkain, tiyak na madidismaya ang mga Bangsamoro, . Naku kaibigan, lalo pa raw sa India, halimbawa, ang kaliwang kamay ay gamit sa pagpunas at paglinis matapos magritwal sa kubeta. Ang mga kaliwete raw ay sinasanay, sa bata pa ay tinatali ang kaliwang kamay para masanay na gamitin ang kanan.
Meron ding mga kaibahan sa pagtagpo ng mga mata. Hindi opensiba sa Amerika kung diretsong magtinginan ang dalawang nag-uusap. Ikagagalit nga nila kapag ‘di ka nakatingin nang direkta sa kumakausap sa iyo. Para sa mga Amerikano, ang pag-iwas sa pagtingin sa mata ng kausap ay bastos, pagwawalang-bahala o kahinaan ng karakter. Pero ito nama’y opensiba sa mga Asyano lalo na sa mga taga-Korea at Japan. Kung kaya palasak sa kanila ang hindi pagtingin nang diretso sa kausap sa negosyo.
Sa mga Bangsamoro na Muslim, ang pakikipagusap ng babae sa lalaki ay dapat hindi nagkakatinginan, ibinababa nila ang kanilang paningin dahil haram ang paulit-ulit na pagtingin sa babae
Ang pagtanggal ng sapatos bago pumasok sa tahanan ay batid din nating bahagi ng ilang kultura. Ito’y istriktong sinusunod sa Japan, Korea, China, Thailand at Hawaii. Simbolo kasi ang sapatos ng mundo sa labas na dapat iwanan kapag nasa loob ng tahanan. Ito’y bukod sa tiyak na pag-iwas na makapasok ang dumi galing sa kalye. Ngunit alam ba ninyo Kapatid na ang pagtanggal ng sapatos bago pumasok sa bahay ay tinuturing na hindi sibilasadong gawi sa England.
Heto napansin ninyo? Sa mga Bangsamoro Muslim, iniiwan din ang sapatos sa pagpasok sa tahanan, lalo na sa pagpasok sa Masjeed, taliwas naman ito sa simbahan ng mga Kristiyano na ipinapasok ang sapatos. Sa mga nabisita kong bansa tulad ng Indonesia at Malaysia hindi sa tahanan kundi pati pagpasok sa mga opisina ay tinatanggal ang sapatos, ang ginagawa nila ay may alternatibong sapin sa paa.
Ano ang pwede nating gawin upang di mapahiya at di makalabag sa kultura, kaugalian at paniniwala ng iba, tulad sa mga ganitong sitwasyon?
Simple lamang ang payo ko kaibigan, alamin at pag-aralan, manaliksik ukol sa kultura ng iyong kapatid, lalot palagi mo siyang nakakasama, at kong balak mo pa lang puntahan maging handa, mag-research. Sakali namang nasabak na agad tayo, ito ang payo natin, masusing obserbahan ang mga gawi ng tagaroon o kaya’y huwag mag-atubiling magtanong nang maiwasan ang kahihiyan at makalabag sa Kultura, Kaugalian at Paniniwala . Ikatutuwa pa nila ito dahil hudyat ng ating pagiging sensitibo sa kanilang kultura at paggalang sa kanilang mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.
Kapatid, pansamantala muna natin isasara ang tabing ng ating segment na nakaka.. Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah) sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid, bukas, lalo pa natin paiigtingin ang mga ibabahagi ni Kaka Alih.. . Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Ang Islam at mga Muslim
June 14, 2010
(June 14, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)
Lenyrose: – “Bagama’t ang Islam ay nakarating na sa lahat ng panig ng mundo, ay marami pa rin at lubha ang hindi lubos na nakakaunawa sa tunay na kahulugan at aral ng Islam. Bukod pa rito ay ang maling pakahulugan na lumalaganap mula sa mga manunuligsa ng Islam lalung-lalo na sa Kanluran. Bagama’t ang Islam ay nabibigyang daan na sa Kanluran, ang mga balangkas ng pagkakasulat ay hindi nagbibigay ng ganap at pantay na pagpapahayag at naglalayon lamang upang kapootan at pangilagan ito. Malimit, ang Muslim ay inilalarawan bilang mga taong mapaghanap ng kaguluhan at ang Islam ay isang relihiyong itinatag sa pamamagitan ng puwersa o pakikidigma o dili kaya’y isang relihiyong itinatag ni Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) na pinalaganap sa pamamagitan ng espada at kalasag. Ngayong umaga sa ating segment ay muling magpapaliwanag ng napapanahong usapin, ang Islam at mga Muslim Iyan ang pag-uusapan ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.”
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “Kapatid na Lenyrose bago natin maunawaan kung sino ang tunay na Muslim, ang katayuan niya sa lipunan, ang tungkulin at galaw niya sa ilalim ng relihiyong Islam, dapat nating maunawaan ang ilang mahahalagang bagay tungkol mismo sa relihiyong Islam.
Ang tanong ay “Ano ang Islam?”
Ang Islam ay ang relihiyon ng mga Muslim. Ang pinakabuod nito ay napapaloob sa kalimah ng mga Muslim na: “La ilaha ilallah, Muhammadar Rasulullah”. Ito ay salitang Arabik na nangangahulugan na “Wala ng ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban sa Allah at si Muhammad ay Kanyang sugo”.
Taliwas sa ibang pananampalataya, ang Islam ay hindi hinango sa pangalan ng tao, lugar o bagay. Ang Kristiyanismo ay hinango mula sa pangalan ni Kristo (sumakanya nawa ang kapayapaan), ang Buddhismo mula sa pangalan ni Buddha, ang Judaismo mula sa tribo ni Judah (sumakanya nawa ang kapayapaan) sa lugar ng Judaea, ang Hinduismo ay mula sa pangalan ng ilog na Indes sa India at ang Zoroastranismo ay mula sa pangalan ni Zoroaster. Ang mga relihiyong nagtataguri buhat sa pangalan ng kanilang mga propeta ay nagbabadya ng pagsamba sa kanila. Halimbawa, ang Kristiyanismo ay buhat sa pangalan ni Kristo at kaya gayon ay sapagka’t sila ay sumasamba kay Kristo. Ang Buddhismo ay mula sa pangalan ni Buddha, at gayon din naman ay sumasamba sila kay Buddha. Ang Zoroastranismo ay mula kay Zoroaster at wala rin pagkakaiba sa nauna na sila ay sumasamba kay Zoroaster. Walang relihiyon na dapat ipangalan sa sinumang Propeta o lahi ng tao o tribu sapagkat ito ay nagbibigay ng pahiwatig ng pagsamba sa Sugong nagpahayag ng mensahe ng Allah. Bagama’t may mga taong nagtataguri sa Islam na Muhammadanismo, ito ay maling pagkaunawa at walang puwang sa relihiyong Islam. Ito ay puna lamang o katawagang ipinangalan ng mga kritiko o manunuligsa ng Islam at dahil dito ay nagbibigay kasiraan sa kaganapan ng relihiyon o naglilihis sa katotohanan.
Walang Muslim ang magsasabi na siya ay Muhammedan, ikaw kapatid na Lenyrose may narinig ka na ba?
Lenyrose: Kaka Alih so far, wala akong matandaan, maliban sa mga mangilan-ngilan na mga aklat o babasahin, at Kong sakaling mayroon man ito ay agad na pinupuna ang mga nakakaalam.
Kaka Ali: “Tama ka diyan Kapatid na Lenyrose, ako wala pa, maliban nga lamang sa mga lumang aklat, at doon sa mga taong sadyang may hangarin na siraan ang Islam. Bakit nga ba? Sapagkat kailanman ang mga Muslim ay hindi sumasamba kay Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan). Ito ay maling pagkaunawa na ikinulapol ng mga taga-usig ng Islam sa mga Muslim. Tanging naiiba ang Islam.
Ang Islam ay isang katagang Arabik mula sa salitang ugat na salam. Ang kahulugan nito ay kapayapaan, pagkamasunurin, pagbibigay at pagpapaubaya ng sarili, lubos na pagtanggap sa mga itinalaga ng Allah, pagtalima ng walang pasubali at pagkakaloob ng lahat ng lakas, isip at katawan. Sa maikling salita, ganap na pagsuko sa Kataas-taasang Diyos na Tagapaglikha.
Ang Islam ay itinatag ng Allah dito sa balat ng lupa at hindi sa Makkah o Saudi Arabia. Ito ay itinatag Niya mula pa noong unang panahon nang likhain Niya ang unang tao dito sa lupa, alalaong baga’y si Adan at Eba (sumakanila nawa ang kapayapaan). Ito ay hindi relihiyong itinatag ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) bagkus ay ang Allah mismo ang nagtatag nito. Ating mababasa sa Qur’an, ang huling kapahayagan ng Allah, ang mga sumusunod na talata:
“Sa araw na ito ay pinaging ganap Ko ang inyong relihiyon para sa inyo, at ipinagkaloob Ko ang Aking paglingap sa inyo, at Aking itinakda na inyong relihiyon ang Islam.” [Qur’an, 5:3]
Ang katagang Islam ay tuwirang pagkakaloob ng sarili at pagtalima sa mga utos ng Allah. Ang tunay na Muslim ay naniniwalang ang relihiyong ibinigay ng Allah ay tanging Islam lamang. Ito lamang ang relihiyong tinatanggap at tatanggapin ng Allah at wala ng iba.
Sinabi rin ng Allah sa iba pang talata ng Qur’an ang mga sumusunod:
“At sinumang maghanap ng pananampalataya na iba sa Islam, ito ay hindi kailanman tatanggapin sa kanya, at sa Kabilang Buhay siya ay isa sa mga napaligaw (ng landas sa pagkapahamak)” [Qur’an, 3:85]
Ang mga Muslim ay sumasampalataya lamang sa Iisang Diyos. Siya’y sumasamba lamang sa Kanya at wala ng iba. Ang Islam, bilang isang monoteistikong relihiyon, ang mga Muslim ay mahigpit na nagpapanatili sa pagsamba sa Iisa. Siya’y hindi sumasamba sa kanino pa mang anghel o banal na tao o sino pa mang Propetang pinagkalooban ng Allah ng Kanyang mga salita. Ang Muslim ay hindi nagbibigay katambal o nag-uugnay sa Kaisahan ng Allah at hindi nag-uukol ng pagsamba maliban sa Allah. Ang Muslim ay naniniwala na ang Allah ay walang katambal, walang kapangkat, walang kasama, walang katipan, walang kalaguyo, walang kabilang, walang kahati, walang kawaksi, walang anak, walang ina, walang ama, walang kapatid, at walang katulad sa anupamang bagay. Ang Allah ay nagsabi sa banal na Qur’an:
“Ipagbadya: (O Muhammad)! Siya ang Allah, ang tangi at nag-iisa. Ang walang hanggang sinasandigan ng lahat. Hindi Siya ipinanganak at hindi Siya nagkaanak. At walang sinumang sa Kanya ay makakatulad”. [Qur’an, Surah Iklas (Ang Kadalalisayan):1-4]
Ang tunay na Muslim ay naniniwala sa lahat ng mga Propetang isinugo ng Allah magmula pa kay Adan (sumakanya nawa ang kapayapaan), ang panghuli sa kanila ay si Propeta Muhammad (sumakanya nawa ng kapayapaan). Ang lahat ng mga Propeta ay tao. Walang isa mang Propeta ng Diyos ang hihigit pa sa pagiging tao. Walang Propetang may bahid ng pagka-Diyos, pagka-anghel o pagka-imortal. Lahat sila ay taong kagaya rin naman natin, may buhay at kamatayan at lubos na nagpapaubaya sa tulong at awa ng Kataas-taasang Allah. Ang mga Propeta ay kagaya rin natin na natutulog, kumakain, nagtatrabaho, natutuwa, umiibig, napapagod, nalulungkot, nagagalit, nagpupunta sa mga pamilihan, atbp. At ayon pa sa paniniwala ng mga Muslim ay ang lahat ng mga Propeta ay Muslim na tumatalima sa Allah ng walang pasubali.
Ang pangalawang tanong ay: Sino ang mga Muslims?
Ang mga Muslim ay mga tagasunod ng Islam. At ang tamang spelling o baybay ay Muslim at hindi Moslem. Sila ang mga tao na ang buong kaisipan, salita at gawa ay sumusunod sa mga kagustuhan ng Allah ng walang alinlangan. Sila ang mga Muslim. Tumatalima lamang sila ayon sa utos ng Kataas-taasang Allah batay sa mga panuntunang ibinigay Niya sa Kanyang mga Sugo.
Sa katotohanan, lahat tayong mga tao sa pisikal na kalikasan (physical nature) ay Muslim (Believer). Bakit matatawag na Muslim? Dahil lahat tayo ay nilikha ng Allah na tumatalima sa Kanya maging ito ay ating kagustuhan o hindi. Halimbawa, masasabi ba natin sa ating sarili na huwag huminga, na huwag magutom, huwag humaba ang buhok o huwag tumanda? Sa ayaw man natin at sa gusto, tayo ay lubusang sumusunod at tumatalima (bilang Muslim) sa mga kalikasang ito na sangkap ng pagkalikha sa atin ng Allah. Sa isa sa mga hadith ni Propeta Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan) ay sinabi niya ang ganito:
“Ang lahat ng sanggol ay ipinanganak sa estado ng fitrah (sa pagiging muslim na sumusunod sa Islam), subalit ang kanyang kapaligiran at kanyang mga magulang ay ginawa siyang Magian, Hudyo o Kristiyano.”
Ito’y nangangahulugan na nang tayo ay nasa sinapupunan pa lamang ng ating ina ay tinaniman na tayo ng Allah ng angking kaalaman ng paniniwala sa iisang Tagapaglikha lamang. Alalaong baga, kung ang bata ay hahayaang lumaki na mag-isa na walang pagtuturo ng kanyang kapaligiran at magulang, ang batang ito ay tatanda at magkakaisip sa paniniwala lamang sa iisang Diyos at hindi kailanman siya sasamba sa maraming diyos o huwad na diyos.
Mali rin na ipakahulugan na ang mga Muslim ay Arabo at ang mga Arabo ay Muslim. Bagama’t karamihan sa mga Arabo ay tagasunod ng Islam, ito ay hindi natutuon sa kanila. Ang Islam ay ipinahayag ng Allah sa lahat ng sangkatauhan at hindi para lamang sa lahi ng Arabo. Ang bilang ng mga Muslim sa ngayon (tinataya sa taong 1996) ay umabot na ng 1.3 bilyon ngunit sa latest nitong 2009 ay 1.7 bilyon na. Ang populasyon lamang ng mga bansang Arabe mula Iraq hanggang Morocco na kasama rito bilang ilan ang mga bansa sa Gulpo, Jordan, Lebanon, Egipto, Libya atbp. ay mga 200 milyon lamang at sa 200 milyon na yaon ay hindi masasabing lahat ay Muslim sapagkat kasama na roon ang Arabong Kristiyano, Hudyo atbp. Tinatayang ang mga Muslim sa lugar na ito ay mga 185 milyon lamang, na kung tutuusin ito ay 14 bahagdan (14%) ng total na kabuuan ng mga Muslim sa buong mundo. Ang bansa na may pinakamalaking bilang ng mga Muslim ay wala sa bansang Arabo kundi nasa dulong silangan ng Asia. Ang bansang Indonesia ay mayroon 200 milyong populasyon at 180 milyon noon ay mga Muslim. Ang India ay mayroong 130 milyon na Muslim, ang Pakistan ay mga 120 milyon na Muslim at gayon din ang Bangladesh. Masasabi nating sa lahat ng panig ng mundo ay mayroon Muslim.
Gahol din sa pagpapakahulugan na ang Muslim ay yaong lamang nakatira sa Gitnang Silangan, o kaya’y nagsusuot ng thobe, o nagsasalita ng wikang Arabik, o siya ay may pangalang Muhammad o Abdullah, o siya ay mula sa bansang may maraming langis, o siya ay hindi kumakain ng karne ng baboy, o siya ay nagtatakip sa ulo o mukha, o siya ay may higit sa isang asawa atbp. Ang tunay na Muslim ay hindi nakikilala sa gayong katangian kundi sa kanyang pagsunod at pagtalima sa mga ipinag-uutos ng Allah katulad ng araw-araw na takdang pagdarasal, ang pag-aayuno sa buwan ng Ramadhan, ang pagdalaw sa banal na tahanan ng Allah, ang Kabah, ang pag-aaral ng Qur’an, ang pagbibigay ng Zakat (kawanggawa), ang pagiging matapat, matulungin, mababang loob at higit sa lahat, ang hindi pagbibigay ng katambal o karibal sa Allah.
Ang Muslim ay ang taong kumikilala lamang sa iisang Diyos na Tagapaglikha. Kung mayroon mang mga tao sa ngayon na nakatira sa mga liblib na lugar na hindi pa nararating ng kabihasnan at hindi nakakarinig ng turo ng Islam, o dili kaya ng Qur’an at ng Propetang si Muhammad (sumakanya nawa ang kapayapaan), nguni’t kung sa kanyang puso at pag-iisip siya ay sumasampalataya sa iisang Diyos na Tagapaglikha na hindi nakikita at hindi siya nagtatambal sa Kanya ng iba pang diyos, ang tao ring ito ay isang Muslim.
Bweno pansamantala hanggang ditto na lamang muna tayo, bukas dudugtungan natin ito at idagdag naman natin ang word na Moro o Bangsamoro.
Ito po ang inyong Kaka Ali na naghihikayat sa lahat na alamin ang katotohanan sapagkat ang katotohanan ang magpapalaya sa atin.
Problema ng mga Katutubo ng Mindanao, ano ang sulosyon?
June 8, 2010
(June 8, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)
Lenyrose: – Problema ng mga Katutubo ng Mindanao, ano ang sulosyon? samahan ninyo kami ni Kaka Ali dahil iyan ang kanyang tatalakayin sa ating segment na nakaka.”
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih:Kong pagbabasehan ay ang mga ulat sa pahayagan at balita sa mga telebisyon, mukhang puwersang militar ang pangunahing solusyon ng pamahalaan sa kaguluhan sa Mindanao. Ang maliwanag na pruweba ay ang mga nagdaang all out war ni Erap, ang stick and carrot ni Gloria Macapagal Arroyo.
Nitong mga nakaraang taon, pagkatapos ng maabort ang pormal na pirmahan sa MOA AD ay nagkarooon muli ng malawakang military operation laban sa mga rebeldeng Bangsamoro. Hanggang sa kasalukuyan ay umaabot pa rin sa libo-libong pamilya ang naapektuhan ng labanan sa pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at iba’t ibang armadong grupo sa Mindanao. Of course Kabilang na dito ang mga pamilyang nasa produksyon ng palay at mais, ito an gating mga mamamayang mga magsasaka, na siyang bumubuhay sa atin. Sa ngayon, madami sa mga pamilyang ito ang humihiling na sana’y matapos na ang kaguluhan sa rehiyon upang makabalik na sila sa kanilang mga hanapbuhay. Ngunit ang ating pamahalaan ay wala pang tuwirang sulosyon, ang lahat ay umaasa sa bagong administrasyon ni Noynoy, ang pag-asa ng bansa.
Sa totoo lang mga kapatid, kung susuriin ang kasaysayan n gating rehiyon, malinaw na may malalim na ugat ang suliranin ng mga naninirahan ditto sa Mindanao. Sa isang makasaysayang kumperensyang ginanap sa pagitan ng Lumad, Bangsamoro at mga settlers, lumabas na madami sa mga sala-salabat na problema sa rehiyon ay nakaugat sa ‘di pagkilala ng pamahalaan sa kanilang karapatan sa lupa, karapatang pangtao.
Aon sa pananaw ng mga delegado ng Mindanaw Tri-People Conference on Land for Peace, ang kapayapaan sa buong Mindanao ay nakasalalay sa pagkilala ng karapatan ng mga Lumad at Bangsamoro sa kanilang mga lupang ninuno. Mahalaga rin ang kagyat na pagsauli at pagtatalaga sa kanila sa mga lupaing ito.
Subalit madaming problemang nakaharang para makamit nila ang mithiing ito.
Isa na dito ang pangangamkam ng mga pribadong kumpanya (lalo na ‘yung mga kumpanya ng pagmimina, pagtotroso, at mga plantasyon) sa mga lupang ninuno ng mga Moro at Lumad. Sinabi pa ng mga delegado na bagamat kinikilala ng Saligang Batas ang karapatan ng mga indigenous peoples (IPs) at mga Moro sa kanilang mga lupang ninuno, hindi naman naipapatupad ang mga batas at reglamento (tulad ng Indigenous People’s Rights Act o RA 8371) na siya dapat magtiyak ng karapatang ito. Katunayan, anila’y magmula nang ipasa ang IPRA ay wala pang konkretong hakbang ang pamahalaan upang ipatupad ang mga probisyon ng nasabing batas, lalo na pagdating sa pamamahagi ng Certificate of Ancestral Domain Title (CADT), na siyang instrumentong kumikilala sa karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno.
Banta rin sa pagtiyak ng kanilang karapatan sa lupa ang umano’y pagkiling ni Department of Environment and Natural Resources sa mga malalaking kumpanya na pumapasok sa mga lugar na tinuturing na sagrado sa mga katutubo
Matagal na ang pakikibaka ng mga katutubo upang ipaglaban at protektahan ang lupang iniwan sa kanila ng kanilang mga ninuno mula sa pangangamkam ng mga tagalabas. At ang waring mabagal na pagkilos at pagtetengang-kawali ng pamahalaan sa kanilang mga kahilingan ay tanda umano ng kawalang pagpapahalaga ng pamahalaan sa kultura at karapatan sa lupa ng mga katutubo.
Ganunpaman, hinihingi pa rin ng iba’t ibang grupong Moro, Lumad at settlers na aksyunan ng pamahalaan ang dumadaming kaso kaugnay sa mga “problematic landholdings” na sakop ng mga Moro, Lumad at setllers. Dapat din umanong tiyakin na ang mga ahensya ng pamahalaan, pangunahin na ang DENR, National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) at Department of Agrarian Reform (DAR) na maitataguyod ang karapatan sa lupa ng mga Lumad Mindanao. Dagdag dito, hiniling din ng mga kinatawan ng mga grupong Moro, Lumad at settlers sa pamahalaan na huwag pahintulutang magmay-ari ng lupa sa Pilipinas ang mga dayuhang negosyante at mamumuhunan.
Kung gagawing batayan ang kahilingan ng mga Lumad, sa Mindanao, malinaw na hindi pwersang militar ang kailangan para malutas ang kaguluhan sa rehiyon. Malinaw na ang susi ay nasa pagtugon sa mga matagal nang kahilingan at panawagan ng mga katutubo na kilalanin ng pamahalaan ang kanilang karapatan sa lupa.
Pangalagaan ang Kalikasan
June 2, 2010(June 2, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)
Host – “kalikasan ano ang kalikasan? Iyan sasagutin at pag-uusapan ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.”
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: Ang kalikasan ay ang lahat ng bagay na natural o katutubong mula na nasa sansinukob. Buweno makinig sa ating topic baka masagot ang mga tanong mo na hindi ko pa alam.. (LAUGHING)
Kaibigan, Mare, Pare…Isa sa pinakapaboritong tanong sa Philosophy ay: “What makes us human? (LAUGHING) ..Naks! Ang lalim n gating tanong ha?! Just listen kong di ka pa makasakay.. Aabot din tayo diyan eventually, pero sa ngayon, doon muna tayo sa lalong simpleng approach.
What makes us human?…. Tayo ay humans kasi ang tawag ng mga biologists sa ating genus ay homo. Ibig sabihin ay tao sa Latin. So, sa ayaw nyo’t aminin, tayong lahat ay homo, humans.
Ang tawag naman sa ating species ay homo sapiens. Ang sapiens naman ay ibig sabihin matalino, so, matalinong tao. Ngayon, hindi na tuloy natin alam kung lahat nga tayo ay homo sapiens.
Ang Homo sapiens ay nahukay sa kweba ng tabon sa Palawan noong 1962, mga 22, 000 taon na ang nakakaraan. Ito ay isang fossilized na bungo. Nahukay ito kasama ng mga gamit nila. Ang hitsura ng homo sapiens ay halos kapareho nang ating pangangatawan. Ang kanilang utak ay katulad na ng mga kasalukuyang tao. Mataas ang noo na hindi gaanong matambok. Maliliit ang mga ngipin at mas maliit at nakausli na ang baba. Maunlad sila sa kagamitan tulad ng lanseta. Ang homo sapiens ay tinatawag din na “nakatatandang marunong na tao” dahil marunong na silang mag-isip at alamin ang mga nangyayari sa kanilang paligid.
Ok balikan natin ang usapin, and to add insult to injury, mayron pa silang tinatawag na subspecies na homo sapiens sapiens, to distinguish between recent humans and modern humans. Tayo yung mga modern humans, yung mga mahilig sa mp3, mag chat, mag text at nabuhay nitong nakaraang 100 thousand years or so.
Bakit nga ba may mga species species pa? heto ang nakalap natin sa researched sa internet, para malaman mo daw kung compatible kayo ng crush mo ay……….
Lenyrose: Ay.. tuloy mo Kaka.. sigorado ko magugustuhan ng inyong mga fans. (LAUGHING)
Kaka Alih: Ok cool kalang partner, darating tayo diyan.. ang ibig sabihin ng magka-species ay posible kayong magka apo. Halimbawa, kung ang asawa mo ay unggoy, baka pwede kayong magkaanak. Pero dahil magkaibang species kayo, hindi magkakaanak ang inyong anak. Mabuti na rin yun, di ba? Para di dumami ang angkan ng mga unggoy sa mundo..
(LAUGHING)
Ano ang point natin ditto Leny? Ang ibig kong ipaliwanag ay… contest ito ng paramihan at patibayan. Hindi giyera.. na katulad ng nangyayari ditto sa atin.. paramihan ito ng lahi… Habang marami kayo, mas tatagal ang species nyo. Halimbawang magkulang at magkakaagawan ng pagkain o lugar na matitirhan, o magkabaha o bagyo o lindol, matira ang marami at matibay.
Maalaala pa ninyo my friend? , in high our school days?..we learned that because of mutation and gene flow, new species emerge every so often. And through natural selection and random genetic drift, the fit and the lucky survive, at ang mga marurupok ay nauubos or other terms ay nae-extinct.
Ngayon, okay lang ba sa iyo? Ang alin? Na maubos ang specie mo o ang lahi mo?… Mabuti ba o masama na maubos ang mga species? Depende kung sino tatanungin mo. Kung ikaw ang mae-extinct, masama yun! (LAUGHING)
At ito ang unang tunggalian. Ang labanan ng species ng tao at ng hindi tao. Ito ang unang hierarchy. At ang tawag ng dictionary dito ay anthropocentrism. Anthropos ay tao, samatala ang centrism ay centro. Naka sentro sa tao. Pangunahin ang tao. Higit sa lahat, tao.
Heto ang common, mababa ang tingin ng tao sa hindi tao, kong minsan kahit kapuwa ni tao, halimbawa ang mga Bangsamoro o Teduray ang ibang Pilipino ay mababang uri ang kanilang specie.. kaya mahirap makakuha ng trabaho, kong nasa ibang lugar, halimbawa sa Maynila, kinakailangan pa niyang magpanggap na ibang tribu para lang matanggap sa trabaho.. Back to our topic…Hayup ka! sabi nga ng iba pag nagagalit. O di kaya, pag may na comatose, sasabihin naman “Naku kawawa naman, gulay na”. So.. naniwala ka Day, …na mataas ang kalagayan ng tao, mababa ang halaman o hayop na hindi tao.
At dahil sa sobrang nakasentro ang atensyon natin sa tao, nagkanda leche leche ang ating environment. Dahil alang-alang sa kaligayahan ng tao, tinitibag ang lupa, nilalason ang dagat, pino-pollute ang hangin. Very ironic kasi actually dapat nasa interes ng tao na pangalagaan ang kalikasan, dahil ito ang kanyang habitat o tahanan. Ngunit kabaliktaran, ang kalikasan ang nangangalaga sa tao.. (LAUGHING).. yes kong wala ang kahoy na magawang uling papaano na kami mabubuhay.. anong ibibili naming ng bigas… explanation ng isang mag-uuling…(LAUGHING)
Bakit pala kong masira ang kakahuyan? Di naman kayo ditto nakatira, kami…pilosopong sagot niya ng kontrahin ang kanyang paliwanag.. (LAUGHING) kaibagan Nakita naman natin ang malubhang mga kalamidad dulot ng mga pinsala na kagagawan din ng tao. Halimbawa yung malawakang pagtotroso sa Quezon province, di ko na ikukuwento nakakarimarim kasi.. anyway alam naman ito ang kuwento doon pati sa Ormoc. At iba pa.. Pero sa kasamaang palad, ayaw aminin ng tao na siya ang may kagagawan.
Ang sabi ng mga tagaroon, kasalanan ng mga logging companies. Ang sabi ng mga logging companies, kasalanan ng mga tagaroon, mga residente mismo na putol nang putol kahit walang permit. Ang sabi naman ng iba, kasalanan ng mga NPA, na sa halip sana na pigilan ay pinapatawan ng revolutionary tax. Ang sabi naman ng civil society group “kasalanan ng gobyerno na bigay nang bigay ng permit sa mga concessionaires kapalit ng maraming perang ibinubulsa ng mga taga DENR”. At ang sabi ng DENR, kasalanan ng bagyo. Hayun nag-tutulakan walang gustong umamin..kaya sabi ni Lola: “Kaya awa ni kristo, natapos ang kwento na walang naaresto.” (LAUGHING)
Mahalaga ang kalikasan, dahil nakasalalay ang kalagayan ng tao sa kalagayan ng kanyang kapaligiran. Sabi nga ng mga matatanda, (di ako kasama doon.. (LAUGHING) (LAUGHING)…simpol aritmitik! Negating the consequent implies negating the antecedent. If p implies q, then by contraposition, not q implies not p; where p is endemic in q, meaning that p is a subset of q, and that for any n that is not a subset of q, p is not a subset of n. (LAUGHING)
Lenyrose: Ano?! Ano’ng pinagsasabi mo Kaka?!
Kaka Alih: Ang ibig lang sabihin nun, dahil hindi mabubuhay ang tao nang wala ang kalikasan, pag sinisira ng tao ang kalikasan, sinisira ng tao ang tao.
Yung iba naman, para sa kanila, ang kalikasan ay nilikha na may dangal. Integrity of Creation ang sabi nga ng mga religious. Now, the word creation presumes na may Creator. Kaya para sa mga taong naniniwala na may Diyos na lumikha ng buong sansinukob, bahagi ng pagpupugay, pagpapasalamat at pagtalima sa kanilang Diyos ay ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kanyang nilikha.
On the other hand, mayron ding iba na hindi naniniwala na may Diyos pero pinanghahawakan nila na bukod sa human being, ang lahat ng beings ay may inherent o katutubong integridad at ganda. Bakit, maganda ba ang ipis? Tanong natin sa nanay ng ipis. (LAUGHING)
Ang tawag pala ng mga deep ecologists diyan Leny ay Ecosophy or the philosophy of ecology. Wala pa yata yan sa dictionary ninyo na hawak, pero kong nasa sumasabay ka sa inog ng mundo na nasa cyber space na daw tayo ay alam mo yan.. just click your computer and type na words Ecosophy. (LAUGHING)
Pero in a gist, ang sinasabi ay, maliban sa tao, ang iba pang beings, whether ‘living’ or ‘non-living’, bulaklak, bulate, bayawak, butete, bato, batis, bundok, bulkan, isama mo na pati bukangliwayway at bagong buwan, ay may innate value o likas na kabuluhan, in their own right, and in relation to other beings. At itong intrinsic and inalienable integrity of all beings na ito, does not have to be derived from a Supreme Being or God or Creator.
At kahit naman sa hanay ng mga materialists, di man naniniwala na may Diyos, ay itinuturing ng marami na sagrado ang kalikasan.
Maging Sino ka man… alam ko ….ginagawa mo ito kasi gusto mo pang mabuhay, o kaya naman nagsusumikap kang isabuhay ang kalooban ng Diyos, o para itaguyod ang likas na halaga at ganda ng kalikasan, may Diyos man o wala para sa iyo, maari pa rin nating pagkaisahan ang ating unang mensahe:
Dahil totoong mahalaga ang kalikasan, ang ating sadya ay pangalagaan ang kalikasan. ngunit kung ang nangyayari ay sinisira ng tao ang kalikasan, ang ating panawagan o advocacy ay pigilan ang pagsira ng tao sa kalikasan.
Ito po ang Kaka Alih, naghihikayat sa lahat ng mga taga Upi ang mamamayang Pilipino, of course kasama ang Bangsamoro.. na..Pangalagaan an gating kalikasan..Wassalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.
Lenyrose: “Maraming salamat Kuya Kim.. este Kaka Ali.. (LAUGHING) ano bay an?!!!!! Nahawa na tuloy ako ni Kaka Ali.. anyway I like the style of Kaka Ali.. isa ako sa fans niya.. (LAUGHING)..
(PLAY EXTRO-NAKAKA)
Bansang Pilipinas Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok?
June 1, 2010(June 1, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)
Host – Ang pag-uuasapan ay ang Bansang Pilipinas Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok? na ihahandog sa atin ni Kaka Ali..
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “Sa June 12 ay muling ipagdiriwang ng mga Pilipino ang Kasarinlan o Independence day ng ating bansang Pilipinas. Bagamat ang Pilipinas ay nakamtan ang pagsasarili mula sa Amerika noong July 4, 1946, ay pinalitan ang petsa ang dahilan nito ay binasi sa June 12, 1898 declaration ni Gen. Emilio Aguinaldo sa may Kawit Cavite. Ang tanong ng iba pwede bang palitan ng isang presidente o ng mga mababatas ang tunay na pangyayari o history?
Alam ba ninyo na nauna pa tayong makamtan ang kasarinlan ng bansa sa Malaysia – (1957).
Noong mga unang taon, sa ekonomiya ay nangunguna tayo sa mga kalapit na bansa, tulad ng Thailand, Malaysia, Vietnam, Korea at iba pa.
Ang Thailand dito pa pinag-aral ng agriculute ang kanilang mga experto sa pagsasaka, yes diyan sila nag-aral sa UP Los Baños, Laguna, ang dito pa sila umaangkat ng bigas noon, ngunit ngayon ay baligtad na, tayo naman ang umaangkat ng bigas sa kanila.
Sa ekonomiya at pulitika, malayo ang pangunguna natin sa Malaysia noon, ang tanong…presently o sa ngayon, saan na tayo,.. Ting iniwanan na nila tayo, Ang tanong …Bakit? Sagutin natin ang ating mga katanungan sa pamamagita ng pag-text ninyo.
Ganito ang mga sagot ko sa katanungan: “Ang bawat lipunan [society] sa lahat ng panahon ay walang hinahangad kundi papaano maging isang mabuti, sapagkat tayo ay nilalang ng Panginoong Lumikha [Allah] na mabuti at hindi masama. Nagiging masama lamang ang tao, dahil sa ating kapaligiran, kaya naman ayon sa isang sociologist 80% ng ating buhay ay naapektuhan ng ating kapaligiran [inviroment], halimbawa ang bato na puti pag inilagay mo sa lugar ng mapupulang bato hindi magtatagal ay dahan-dahan itong mahahawa o magkukulay pula na rin ang puting bato sa tagal ng panahon.
Ang isang lipunan [society] ay may tatlong laman: ang una ay may sistema,[system of government] pangalawa ay may lider at pangatlo ay may tagasunod [followers] o mamayan. Ang lahat ng ito ay kinakailangan ay magkkatugma o pare-pareho [synchronize] sa bawat isa,. Kong ang gusto natin ay mabuti o good ay dapat good system, good leader at good followers ang ating lipunan. Parang Matematika, para positive ang sagot, dapat positve lahat. Kahit Good leader at good followers kong bad system and resulta ay bad pa rin, dahil doon nakaangkla ang dalawa. Maaring good sa bandang huli kong good system, good leader ngunit bad followers, dahil posibleng di magtatagal ay mahahawa ang followers sa kanilang sinusunod sa araw-araw, ngunit kong sinusunod mo sa araw-ARAW ay bad, kahit ikaw ay good FOLLOWER hindi magtatagal ay magiging bad ka na rin.
Sa Pilipinas ang tatlong laman [ingredients] ba iyan ng ating lipunan [society] ay matatawag na good?
Tingnan natin ano ang system o systema ng Pilipinas? Hindi ba Demokrasya tayo? , ano ang meaning nito?
Ang demokrasya ay, sa literal, na kahulugan ayon sa http://tl.wikipedia.org/: “… ang pamamahala ng mga tao Nasa gitna ng iba’t ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng “mga tao”, ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang katagang demokrasya sa konteksto ng isang politikal na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala” .
Sa madaling salita ay ang kagustuhan ng mga tao, ang nasusunod tama ba? Ito ba ang gusto ng mga tao, ito ba ang gusto o nais ng mga Pilipino?
Ito ba ang gusto ng mga tao natin? Ano ang gusto ng mga mamayan na systema, ito ba?
Pangalawa ay ang pamumuno o leadership.
May katanungan tayo, kong ano ang klase ng ating pamumuno dito sa Pilipinas:
* Papaano ang pagpili ng leader ng mga Pilipino?
* Ang pinipili bang leader yaong May pera? Talino? may Paniniwala sa Diyos? May magandang record? Ano ang nakikita ninyo?
* Ano ang mga nakikita ninyo sa ating mga leader, di ba dapat sila ang ehemplo ng bayan?
* Ano ang nakikita natin sa kanila, di ba blank-blank, kayo ang nakakakita kay
Ang pangatlo ay mamamayan o tagasunod nito:
Tingnan natin ang mga mamayang Pilipino,
Ito ang ating makikita sa ating mga Pilipino :
1. Meron pa ring crab mentality ang mga Pinoy.
2. Napakasama ng work attitude ng Pinoy. Bakit ano? Puro na lang angal kulang naman sa productivity.
3. Magarbo at maluho ang Pinoy. Kumikita ng P10, gumagastos naman ng P15.
4. Walang respeto sa batas at walang desiplina.Sa simpleng Trapiko ano? Hindi sinusunod, ang alibi wala namang Pulis na nakabantay, bakit kailangan pa bang bantayan, para sundin sng batas?
5. Walang pagkakaisa at puro bangayan sa pulitika. Ano ang nakikita mo kaibigan? Hindi ba kahit sa kaliit-liitang barangay pinag-aagawan ? lalo na sa mataas na posisyon na malaki ang IRA, di ba gumagasto ang mga Kandidato ng milyon-milyon? di baleng mangutang total mababawi naman pag upo sa puwesto, hind ba?
6. Ang mga Pilipino Hindi nagbabayad ng tamang buwis. Papaano sila nagbabayad ng buwis? Di ba , porsento na lang ng dapat nilang bayaran ang binabayaran? Ang Alibi? “Sayang lang ang bayad ko, kinukurakot lang ng mga official”.. (LAUGHING)
7. Ang mga Pilipino laging umaasa sa iba? Laging naghahanap ng mauutangan, na wala namang pambayad.
Ang sabi nga ng naka chat natin: “….Kung tutuusin, hindi makararating sa ganitong kalagayan ang Pilipinas kung ang mamamayan ay hindi nagpabaya. Kinunsinti ang kawalanghiyaan ng kanilang mga opisyal. Mayroon tayong kapangyarihan at karapatan para sawatain at parusahan ang mga kurakot. Pero ang nangyari, kampante lang sa pagkakaupo ang lahat at nagsasawalang-kibo tayong mamayan, ang sabi sa sarili ay: ang iportante nakuha ko ang aking share”.
Sabi pa nong isa ay: “…..Mahusay lang ang iba sa pagsama sa mga rally at demonstrations. Ngunit wala namang din siyang nagagawa para sa bayan kundi nagpapasikip lang ng trapiko. Ang iba naman ay kasama rin sa mga lagayan at nakikinabang sa mga corruptions. Ang mamamayan ang may kasalanan kung bakit ang Pilipinas ay nakasadlak sa putikan.”
Ang tugon naman isa pang chatters: “Kakulangan ng DISIPLINA. Kabilang na dyan ng pagnanakaw, tamad, bisyo, sugal, at di pagsunod sa batas ng tao at Diyos!
Ayon sa Friend ko: “…Nauso na ang pag-angkin natin ng mga bagay na di atin. Mula ordinaryong mamayan hanggang sa mga pulitiko ay gumagawa nyan (KAIBIGAN HINDI NAMAN LAHAT, DI BA?). Di tayo marunong sumunod sa batas! Tignan nyo ha? sangkatutak na ang sekyu! kahit may karatula na kc ay di pa rin sinusunod! kailangang pa ng back-up na sekyu o pulis! Mas gusto pa natin ang magtong-its o dili kaya ay magpawakan [fight ng tandang na walang tare, uso sa Mindanao, aywan diyan sa Luzon at Visayas kong uso din?] kaysa magtanim, katwiran ay pag nanalo nman ay bibili na lang ng talbos sa palengke o kayay manghingi na lang sa kapitbahay or magnakaw na lang! Mayabang pa tayo! Wala tayong pera o bahay pero angat ang modelo ng mobile phone natin! di bale ng galing sa bumbay ang pinambili at pinang-load! [DI NA MAN LAHAT NG PINOY AY GANYAN KAIBIGAN, DI BA?. MAY MGA MATITINO PA RIN AT ALAM KO DARATING ANG ARAW NA LAHAT AY MAGTINO. ]
Smile!, wag kang pikon Kaibigan, bato-bato sa langit ANG TAMAAN tiyak may bukol [he! he!]
(LAUGHING)
Tama ka Kaibigan, Isa ka pa . Bakit karamihan sa mga pinoy sa ibang bansa ay sumusunod sa batas ng host country? Ang sagot ng kaibigan ko?
“Kasi may ngipin ang kanilang goberno, di tulad sa Pinas, bungal daw?. (LAUGHING) “Doon Kaka, Pag sinabing bitay, BITAY! Di tulad ng bansa natin bungal na bad, breath pa. (LAUGHING)]
Dapat sundin natin ang nakasaad sa Banal na Aklat [Biblia]:”..”…Ama naming nasa langit, si-nasamba po namin ang Inyong pa-ngalan. Nawa’y dumating na ang Inyong kaharian. Nawa’y ang In-yong kalooban na ang masunod sa lupa, tulad ng sa langit. “.[Ebanghelyo ayon kay Mateo 6:9]
At sa Quran naman: “Kayo ang pinakamahusay na pamayanang itinatag sa sangkatauhan, sapagka’t inyong ipinag-uutos ang Ma’aruf (mabuti) at ipinagbabawal ang Munkar (masama,) at kayo ay naniniwala sa Allâh.” (Al Imran-3:110).
Ang tanong natin sa ating mga sarili, para sa kapatid na nanampalataya sa Kristiyanismo: “….ako ba ay sumusunod sa itinuturo ng aking Biblia na pinaniwalaan?” Para sa kapatid na nanampalataya sa Islam ang mga kapatid na Muslim: “……..Ako ba ay sumusunod sa ipinag-uutos ng Allah na nasa Qur’an?”
Itanong mo na rin sa sarili mo? Umiiral na ba sa Pilipinas ang Batas ng Panginoon?
Ang Batas na nasa Qur’an, Iyan na ba ang ginagamit ng mga Muslim na nasasakop ng Pilipinas?
Ang kasagutan ay mula po sa inyo.
Maraming salamat and Wassallamu Alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.




