DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 01. June 2010

Bansang Pilipinas Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok?

June 1, 2010

(June 1, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

Host Ang pag-uuasapan ay ang Bansang Pilipinas Bakit hindi Basta-basta Makabangon sa Pagkakalugmok?   na ihahandog sa atin ni Kaka Ali..  

 

 (Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih:  “Sa June 12 ay muling ipagdiriwang ng mga Pilipino ang Kasarinlan o Independence day ng ating bansang Pilipinas.  Bagamat ang Pilipinas ay  nakamtan ang pagsasarili mula sa Amerika noong July 4, 1946, ay pinalitan ang petsa ang dahilan nito ay binasi sa June 12, 1898 declaration ni Gen. Emilio Aguinaldo sa may Kawit Cavite.  Ang tanong ng iba pwede bang palitan ng isang presidente o ng mga mababatas ang tunay na pangyayari o history?   

Alam ba ninyo na nauna pa tayong makamtan ang kasarinlan ng bansa  sa Malaysia – (1957). 

Noong mga unang taon, sa ekonomiya ay  nangunguna   tayo sa mga kalapit na bansa, tulad ng Thailand, Malaysia, Vietnam, Korea at iba pa.

Ang Thailand dito pa pinag-aral ng agriculute ang kanilang mga  experto sa pagsasaka, yes diyan sila nag-aral sa UP Los Baños, Laguna, ang dito pa sila umaangkat ng bigas noon, ngunit ngayon ay baligtad na,  tayo naman ang umaangkat ng bigas sa kanila.

Sa ekonomiya at pulitika, malayo ang pangunguna natin sa Malaysia noon, ang tanong…presently o  sa ngayon, saan na tayo,.. Ting iniwanan na nila tayo, Ang tanong …Bakit?  Sagutin natin ang ating mga katanungan sa pamamagita ng pag-text ninyo.

Ganito ang mga sagot ko sa katanungan: “Ang bawat lipunan  [society] sa lahat ng panahon ay walang hinahangad kundi papaano maging isang mabuti, sapagkat tayo ay nilalang ng Panginoong Lumikha [Allah] na mabuti at hindi masama. Nagiging masama lamang ang tao, dahil sa ating kapaligiran, kaya naman ayon sa isang sociologist 80% ng ating buhay ay naapektuhan ng ating kapaligiran [inviroment], halimbawa ang bato na puti pag inilagay mo sa lugar ng  mapupulang bato hindi magtatagal ay dahan-dahan itong mahahawa o magkukulay pula na rin ang puting bato sa tagal ng panahon.

Ang isang lipunan [society] ay may tatlong laman: ang una ay may sistema,[system of government] pangalawa ay may lider at pangatlo ay may tagasunod [followers] o mamayan. Ang lahat ng ito ay kinakailangan ay magkkatugma o pare-pareho  [synchronize] sa bawat isa,. Kong ang gusto natin ay mabuti o good ay  dapat good system, good leader at good followers ang ating lipunan.  Parang Matematika, para positive ang sagot, dapat positve lahat.  Kahit Good leader at good followers kong bad system and resulta ay bad pa rin, dahil doon nakaangkla ang dalawa. Maaring good sa bandang huli kong good system, good leader ngunit bad followers, dahil posibleng di magtatagal ay mahahawa ang followers sa kanilang sinusunod sa araw-araw, ngunit kong sinusunod mo sa araw-ARAW ay bad, kahit ikaw ay good FOLLOWER hindi magtatagal ay magiging bad ka na rin.

Sa Pilipinas  ang tatlong laman [ingredients] ba iyan ng ating lipunan [society] ay matatawag na good?

 Tingnan natin ano ang system o systema ng Pilipinas?  Hindi ba Demokrasya tayo? , ano ang meaning nito?

Ang demokrasya ay, sa literal, na kahulugan ayon sa http://tl.wikipedia.org/: “… ang pamamahala ng mga tao  Nasa gitna ng iba’t ibang kahulugan ng demokrasya ang kaparaanan na ginagampanan ng pamamahala nito, at ang binubuo ng “mga tao”, ngunit may mga kapakipakinabang na mga salungat ang magagawa sa mga oligarkiya at awtokrasya, kung saan mataas na nakatuon ang kapangyarihang politikal at hindi nasasakop ng makahulugang pagpipigil ng mga tao. Samantalang ginagamit sa kadalasan ang katagang demokrasya sa konteksto ng isang politikal na estado, ang mga prinsipyo na nailalapat din sa ibang bahagi ng pamamahala” .

Sa madaling salita ay ang kagustuhan ng  mga tao, ang nasusunod tama ba? Ito ba ang gusto ng mga tao, ito ba ang gusto o nais ng mga Pilipino?

Ito ba ang gusto ng mga tao natin? Ano ang gusto ng mga mamayan na systema, ito ba?

Pangalawa ay ang pamumuno o leadership.

May katanungan tayo, kong ano ang klase ng ating pamumuno dito sa Pilipinas:

    * Papaano ang pagpili ng leader ng mga Pilipino?

    * Ang pinipili bang leader yaong May pera? Talino? may Paniniwala sa Diyos? May magandang record? Ano ang nakikita  ninyo?

    * Ano ang mga nakikita ninyo sa ating mga leader, di ba dapat sila ang ehemplo ng bayan?

    * Ano ang nakikita natin sa kanila, di ba blank-blank, kayo ang nakakakita kay

Ang pangatlo ay mamamayan o tagasunod nito:

Tingnan natin ang mga mamayang Pilipino,

Ito ang ating makikita sa ating  mga Pilipino :

   1. Meron pa ring crab mentality ang mga Pinoy.

   2. Napakasama ng work attitude ng Pinoy. Bakit ano? Puro na lang angal kulang naman sa productivity.

   3. Magarbo at maluho ang Pinoy. Kumikita ng P10, gumagastos naman ng P15.

   4. Walang respeto sa batas at walang desiplina.Sa simpleng Trapiko ano? Hindi sinusunod, ang  alibi wala namang  Pulis  na nakabantay, bakit kailangan  pa bang bantayan, para sundin  sng batas?

   5. Walang pagkakaisa at puro bangayan sa pulitika. Ano ang nakikita mo kaibigan?  Hindi ba kahit  sa  kaliit-liitang   barangay  pinag-aagawan ?  lalo na sa mataas na posisyon na  malaki ang IRA,  di ba gumagasto ang mga  Kandidato ng milyon-milyon? di baleng mangutang total mababawi naman pag upo sa puwesto, hind ba?

   6. Ang mga Pilipino Hindi nagbabayad ng tamang buwis. Papaano sila nagbabayad ng buwis?  Di ba ,  porsento  na  lang ng dapat nilang bayaran  ang  binabayaran? Ang Alibi? “Sayang lang ang bayad ko, kinukurakot lang ng mga official”.. (LAUGHING)

   7. Ang mga Pilipino laging umaasa sa iba? Laging naghahanap ng mauutangan, na wala namang pambayad.

Ang sabi nga ng naka chat natin: “….Kung tutuusin, hindi makararating sa ganitong kalagayan ang Pilipinas kung ang mamamayan ay hindi nagpabaya. Kinunsinti ang kawalanghiyaan ng kanilang mga opisyal. Mayroon tayong kapangyarihan at karapatan para sawatain at parusahan ang mga kurakot. Pero ang nangyari, kampante lang sa pagkakaupo ang lahat at nagsasawalang-kibo tayong mamayan, ang sabi sa sarili ay: ang iportante nakuha ko ang aking share”.

Sabi pa nong isa ay: “…..Mahusay lang ang iba sa pagsama sa mga rally at demonstrations. Ngunit  wala namang din siyang nagagawa para sa bayan kundi nagpapasikip lang ng trapiko. Ang iba naman ay kasama rin sa mga lagayan at nakikinabang sa mga corruptions. Ang mamamayan ang may kasalanan kung bakit ang Pilipinas ay nakasadlak sa putikan.”

Ang tugon naman isa pang chatters: “Kakulangan ng DISIPLINA. Kabilang na dyan ng pagnanakaw, tamad, bisyo, sugal, at di pagsunod sa batas ng tao at Diyos!

Ayon sa Friend ko: “…Nauso na ang pag-angkin natin ng mga bagay na di atin. Mula ordinaryong mamayan hanggang sa mga pulitiko ay gumagawa nyan (KAIBIGAN HINDI NAMAN LAHAT, DI BA?). Di tayo marunong sumunod sa batas! Tignan nyo ha?   sangkatutak na ang sekyu! kahit may karatula na kc ay di pa rin sinusunod! kailangang pa ng back-up na sekyu o pulis! Mas gusto pa natin ang magtong-its o dili kaya ay magpawakan [fight ng tandang na walang tare, uso sa Mindanao, aywan diyan sa Luzon at Visayas kong uso din?] kaysa magtanim, katwiran ay pag nanalo nman ay bibili na lang ng talbos sa palengke o kayay manghingi na lang sa kapitbahay or magnakaw na lang! Mayabang pa tayo! Wala tayong pera o bahay pero angat ang modelo ng mobile phone natin! di bale ng galing sa bumbay ang pinambili at pinang-load!  [DI NA MAN LAHAT NG PINOY AY GANYAN KAIBIGAN, DI BA?. MAY MGA MATITINO PA RIN AT ALAM KO DARATING ANG ARAW NA LAHAT AY MAGTINO. ]

Smile!, wag kang pikon Kaibigan, bato-bato sa langit ANG TAMAAN tiyak may bukol [he!  he!]

(LAUGHING)

Tama ka  Kaibigan, Isa ka pa  . Bakit karamihan sa mga pinoy sa ibang bansa ay sumusunod sa batas ng host country? Ang sagot ng kaibigan ko?

“Kasi may ngipin ang kanilang goberno, di tulad sa Pinas, bungal daw?. (LAUGHING) “Doon Kaka, Pag sinabing bitay, BITAY! Di tulad ng bansa natin bungal na bad,  breath pa. (LAUGHING)]

Dapat sundin  natin ang nakasaad sa Banal na Aklat [Biblia]:”..”…Ama naming nasa langit, si-nasamba po namin ang Inyong pa-ngalan. Nawa’y dumating na ang Inyong kaharian. Nawa’y ang In-yong kalooban na ang masunod sa lupa, tulad ng sa langit. “.[Ebanghelyo ayon kay Mateo 6:9]

At sa Quran naman:  “Kayo ang pinakamahusay na pamayanang itinatag sa sangkatauhan, sapagka’t inyong ipinag-uutos ang Ma’aruf (mabuti) at ipinagbabawal ang Munkar (masama,) at kayo ay naniniwala sa Allâh.” (Al Imran-3:110).

Ang tanong natin sa ating mga sarili, para sa kapatid na nanampalataya sa Kristiyanismo: “….ako ba ay sumusunod sa itinuturo ng aking Biblia na pinaniwalaan?” Para sa kapatid na nanampalataya sa Islam ang mga kapatid  na Muslim: “……..Ako ba ay sumusunod sa ipinag-uutos ng Allah na nasa Qur’an?”

Itanong mo na rin sa sarili mo? Umiiral na ba sa Pilipinas ang Batas ng Panginoon?

Ang Batas na nasa Qur’an, Iyan na ba ang ginagamit ng mga Muslim na nasasakop ng Pilipinas?

Ang kasagutan ay mula po sa inyo.

Maraming salamat and Wassallamu Alaikum Warahamatullahi Wabarakatuh.

Posted by dxupfm at 7:29 am | permalink | comments[3]