DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 02. June 2010

Pangalagaan ang Kalikasan

June 2, 2010

(June 2, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

Host “kalikasan ano ang kalikasan? Iyan sasagutin at   pag-uusapan ni  Kaka Ali   sa ating segment na nakaka.”

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih:  Ang kalikasan   ay ang lahat ng bagay na natural o katutubong mula na  nasa sansinukob. Buweno makinig sa ating topic baka masagot ang mga tanong mo na hindi ko pa alam.. (LAUGHING)

Kaibigan, Mare, Pare…Isa sa pinakapaboritong tanong sa Philosophy ay: “What makes us human?  (LAUGHING) ..Naks!  Ang lalim n gating tanong ha?! Just listen kong di ka pa makasakay..  Aabot din tayo diyan eventually, pero sa ngayon, doon muna tayo sa lalong  simpleng approach. 

What makes us human?…. Tayo ay humans kasi ang tawag ng mga biologists sa ating genus ay homo.  Ibig sabihin ay tao sa Latin.  So, sa ayaw nyo’t aminin, tayong lahat ay homo, humans.

     Ang tawag naman sa ating species ay homo sapiens.  Ang sapiens naman ay ibig sabihin matalino, so, matalinong tao.  Ngayon, hindi na tuloy natin alam kung lahat nga tayo ay homo sapiens.

Ang Homo  sapiens  ay nahukay sa kweba ng tabon sa Palawan noong 1962, mga 22, 000 taon na ang nakakaraan. Ito ay isang fossilized na bungo. Nahukay ito kasama ng mga gamit nila. Ang hitsura ng homo sapiens ay halos kapareho nang ating pangangatawan. Ang kanilang utak ay katulad na ng mga kasalukuyang tao. Mataas ang noo na hindi gaanong matambok. Maliliit ang mga ngipin at mas maliit at nakausli na ang baba. Maunlad sila sa kagamitan tulad ng lanseta. Ang homo sapiens ay tinatawag din na “nakatatandang marunong na tao” dahil marunong na silang mag-isip at alamin ang mga nangyayari sa kanilang paligid.

Ok balikan natin ang usapin, and to add insult to injury, mayron pa silang tinatawag na subspecies na homo sapiens sapiens, to distinguish between recent humans and modern humans.  Tayo yung mga modern humans, yung mga mahilig sa mp3, mag chat, mag text at nabuhay nitong nakaraang 100 thousand years or so.

Bakit nga ba may mga species species pa?  heto ang nakalap natin sa researched sa internet, para malaman mo daw  kung compatible kayo ng crush mo ay……….

Lenyrose: Ay.. tuloy mo Kaka.. sigorado ko magugustuhan ng inyong mga fans. (LAUGHING)

 Kaka Alih: Ok cool kalang partner, darating tayo diyan..  ang ibig sabihin ng magka-species ay posible kayong magka apo.  Halimbawa, kung ang asawa mo ay unggoy, baka pwede kayong magkaanak.  Pero dahil magkaibang species kayo, hindi magkakaanak ang inyong anak.  Mabuti na rin yun, di ba? Para di dumami ang angkan ng mga unggoy sa mundo..

 (LAUGHING)

 Ano ang point natin ditto Leny?  Ang ibig kong ipaliwanag ay… contest ito ng paramihan at patibayan. Hindi giyera.. na katulad ng nangyayari ditto sa atin.. paramihan ito ng lahi… Habang marami kayo, mas tatagal ang species nyo.  Halimbawang magkulang at magkakaagawan ng pagkain o lugar na matitirhan, o magkabaha o bagyo o lindol, matira ang marami at matibay.

 Maalaala pa ninyo my friend? , in high our school days?..we learned that because of mutation and gene flow, new species emerge every so often.  And through natural selection and random genetic drift, the fit and the lucky survive, at ang mga marurupok ay nauubos or other terms ay  nae-extinct.

Ngayon, okay lang ba  sa iyo?  Ang alin? Na maubos ang specie mo o ang lahi mo?… Mabuti ba o masama na maubos ang mga species? Depende kung sino tatanungin mo.  Kung ikaw ang mae-extinct, masama yun! (LAUGHING)

 At ito ang unang tunggalian.  Ang labanan ng species ng tao at ng hindi tao.  Ito ang unang hierarchy.  At ang tawag ng dictionary dito ay anthropocentrism.  Anthropos ay  tao, samatala ang centrism ay centro.  Naka sentro sa tao.  Pangunahin ang tao.  Higit sa lahat, tao.

Heto ang common, mababa ang tingin ng tao sa hindi tao, kong minsan kahit kapuwa ni tao, halimbawa ang mga Bangsamoro o Teduray ang ibang Pilipino ay mababang uri ang kanilang specie.. kaya mahirap makakuha ng trabaho, kong nasa ibang lugar, halimbawa sa Maynila, kinakailangan pa niyang magpanggap na ibang tribu para lang matanggap sa trabaho..  Back to our topic…Hayup ka! sabi nga ng iba pag nagagalit.  O di kaya, pag may na comatose, sasabihin naman “Naku kawawa naman, gulay na”.  So.. naniwala ka Day, …na mataas ang kalagayan ng tao, mababa ang halaman o hayop na hindi tao.

At dahil sa sobrang nakasentro ang atensyon natin sa tao, nagkanda leche leche ang ating environment.  Dahil alang-alang sa kaligayahan ng tao, tinitibag ang lupa, nilalason ang dagat, pino-pollute ang hangin.  Very ironic kasi actually dapat nasa interes ng tao na pangalagaan ang kalikasan, dahil ito ang kanyang habitat o tahanan. Ngunit kabaliktaran, ang kalikasan ang nangangalaga sa tao.. (LAUGHING).. yes kong wala ang kahoy na magawang uling papaano na kami mabubuhay.. anong ibibili naming ng bigas… explanation ng isang mag-uuling…(LAUGHING)

Bakit pala kong masira ang kakahuyan? Di naman kayo ditto nakatira, kami…pilosopong  sagot niya ng kontrahin ang kanyang paliwanag.. (LAUGHING) kaibagan Nakita naman natin ang malubhang mga kalamidad dulot ng mga pinsala na kagagawan din ng tao.  Halimbawa yung malawakang   pagtotroso sa Quezon province, di ko na ikukuwento nakakarimarim kasi.. anyway alam naman ito ang kuwento doon pati sa Ormoc. At iba pa..  Pero sa kasamaang palad, ayaw aminin ng tao na siya ang may kagagawan.

Ang sabi ng mga tagaroon, kasalanan ng mga logging companies.  Ang sabi ng mga logging companies, kasalanan ng mga tagaroon, mga residente mismo na putol nang putol kahit walang permit.  Ang sabi naman ng iba, kasalanan ng mga NPA, na sa halip sana na pigilan ay pinapatawan ng revolutionary tax.  Ang sabi naman ng civil society group “kasalanan ng gobyerno na bigay nang bigay ng permit sa mga concessionaires kapalit ng maraming perang ibinubulsa ng mga taga DENR”.  At ang sabi ng DENR, kasalanan ng bagyo. Hayun nag-tutulakan walang gustong umamin..kaya sabi ni Lola:  “Kaya awa ni kristo, natapos ang kwento na walang naaresto.” (LAUGHING)

Mahalaga ang kalikasan, dahil nakasalalay ang kalagayan ng tao sa kalagayan ng kanyang kapaligiran.  Sabi nga ng mga matatanda, (di ako kasama doon.. (LAUGHING) (LAUGHING)…simpol aritmitik!  Negating the consequent implies negating the antecedent.  If p implies q, then by contraposition, not q implies not p; where p is endemic in q, meaning that p is a subset of q, and that for any n that is not a subset of q, p is not a subset of n.  (LAUGHING)

Lenyrose: Ano?!  Ano’ng pinagsasabi mo Kaka?! 

Kaka Alih: Ang ibig lang sabihin nun, dahil hindi mabubuhay ang tao nang wala ang kalikasan, pag sinisira ng tao ang kalikasan, sinisira ng tao ang tao.

Yung iba naman, para sa kanila, ang kalikasan ay nilikha na may dangal.  Integrity of Creation ang sabi nga ng mga religious.  Now, the word creation presumes na may Creator.  Kaya para sa mga taong naniniwala na may Diyos na lumikha ng buong sansinukob, bahagi ng pagpupugay, pagpapasalamat at pagtalima sa kanilang Diyos ay ang pagpapahalaga at pangangalaga sa kanyang nilikha.

On the other hand, mayron ding iba na hindi naniniwala na may Diyos pero pinanghahawakan nila na bukod sa human being, ang lahat ng beings ay may inherent o katutubong integridad at ganda.  Bakit, maganda ba ang ipis?  Tanong natin sa nanay ng ipis. (LAUGHING)

Ang tawag pala  ng mga deep ecologists diyan Leny  ay Ecosophy or the philosophy of ecology.  Wala pa yata yan sa dictionary ninyo na hawak, pero kong nasa sumasabay ka sa inog ng mundo na nasa cyber space na daw tayo ay alam mo yan.. just click your computer and type na words Ecosophy. (LAUGHING)   

Pero in a gist, ang sinasabi ay, maliban sa tao, ang iba pang beings, whether ‘living’ or ‘non-living’, bulaklak, bulate, bayawak, butete, bato, batis, bundok, bulkan, isama mo na pati bukangliwayway at bagong buwan, ay may innate value o likas na kabuluhan, in their own right, and in relation to other beings.  At itong intrinsic and inalienable integrity of all beings na ito, does not have to be derived from a Supreme Being or God or Creator.

At kahit naman sa hanay ng mga materialists, di man naniniwala na may Diyos, ay itinuturing ng marami na sagrado ang kalikasan.

Maging Sino ka man… alam ko ….ginagawa mo ito kasi gusto mo pang mabuhay, o kaya naman nagsusumikap kang isabuhay ang kalooban ng Diyos, o para itaguyod ang likas na halaga at ganda ng kalikasan, may Diyos man o wala para sa iyo, maari pa rin nating pagkaisahan ang ating unang mensahe:

Dahil totoong mahalaga ang kalikasan, ang ating sadya ay pangalagaan ang kalikasan. ngunit kung ang nangyayari ay sinisira ng tao ang kalikasan, ang ating panawagan o advocacy  ay  pigilan ang pagsira ng tao sa kalikasan.

Ito po ang Kaka Alih, naghihikayat sa lahat ng mga taga Upi ang mamamayang Pilipino, of course kasama ang Bangsamoro.. na..Pangalagaan an gating kalikasan..Wassalamu Alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Lenyrose: “Maraming salamat Kuya Kim.. este Kaka Ali.. (LAUGHING)   ano bay an?!!!!! Nahawa na tuloy ako ni Kaka Ali.. anyway  I like the style of Kaka Ali.. isa ako sa fans niya.. (LAUGHING)..   

(PLAY EXTRO-NAKAKA)

Posted by dxupfm at 2:24 pm | permalink | comments[4]