DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Post Item » Kultura, Kaugalian at Paniniwala

Kultura, Kaugalian at Paniniwala

June 17, 2010

(Hulyo 17, 210-script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host -Lenyrose Bajar Sunio)

 

Lenyrose: “Ang pagkakaiba ng mga  Kultura, Kaugalian at Paniniwala nating mga tao dito sa mundo,  kasama na ang  Pilipinas at masasabi nating sadyang kumplikado, na kong minsan ay dahilan ng di pagkakasundo. Kaalaman at    pagrespeto sa kultura ng ating  kapuwa  ay isang magandang kaugalian na di matatawaran, ngunit kong minsan ay di natin ito nagagawa dahil sa kawalan ng kaalaman,  samahan ninyo kami para sa karagdagang kaalaman ng kultura dahil magbibigay si   Kaka Ali   ng ilang kaalaman tungkol dito sa ating segment na nakaka…”

 

 (PLAY INTRO)

 

Kaka Alih: Ang pagkakaiba ng mga  Kultura, Kaugalian at Paniniwala nating mga tao dito sa mundo,  kasama na ang  Pilipinas at masasabi nating sadyang kumplikado, na kong minsan ay dahilan ng di pagkakasundo. Agree ba kayo sa ating pananaw?  Buweno kapatid, ipapaliwanag natin ng  magkaintindihan tayo…Sa mundong ito  of course kasama  ang  ating bansa ay sadyang napakarami ang tribu, at bawat isa rito ay iba-iba din ang kultura, kaugalian at paniniwala.

 

Ipokus natin an gating pagtanaw sa ating bayan ng Upi, dito mo makikita ang multi-diversity na kultura o pagkakaiba ng mga kultura, kaugalian at paniniwala. Sa mga native inhabitants tulad ng T’duray, Lambangian, Maguindanaon, Iranun, Meranaw at iba pa ay kahit mula sa isang pulo, ang Mindanao ay iba-iba ang kanilang kultura.

 

Ganoon din ang mga mula sa isla ng Luzon at Visayas, kahit na sila ay tinatatawag na Kristiyano (ngunit dahil hindi lahat ng mula sa Luzon at Visayas ay Kristiyano ay pinapalitan na ito ng Settlers) at    iba-iba din ang kanilang denomination na kinaaniban at hindi rin nag-kakaisa ang kanilang kultura at kaugalian.   

 

Tandaan mo ito Kapatid na nakikinig, ang bawat tribu ay may  pamantayan sa mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.  

 

Kaya may mga kilos at gawi na maaaring tama sa isa iyo   ngunit mali o nakaiinsulto sa iba.  Maaaring labag sa ibang kultura o  di etikal sa inyo , na ang tingin ng sa ibang tribu ay nakakabastos o nakakainsulto ngunit sa inyong  ay maganda pang kaugalian. Halimbawa nito ay ang beso-beso o yaong paghalik ng lalaki o babae sa kaibigan, sa Bangsamoro mahigpit na pinagbabawal ang paghalik, kahit nga mag-asawa ay di pwedeng maghalikan sa publiko, ngunit sa kanluran ay sign of respect and love, at ito ay pilit na ginagaya ng mga Pinoy.. Ikaw ba Leny nagbeso beso na?

 

Lenyrose:______________

 

Kaka Alih: Sukran, salamat Leny,  heto pa may mga kulturang minamasama ang sobrang paglapit ng tao sa kinakausap o madalas humawak o pagiging masyadong pamilyar sa pamamagitan ng pagtapik ng balikat habang nag-uusap. Halimbawa sa bansang Korea,  Malaysia   Qatar at Saudi Arabia.  Sa mga bansang ito ay mahigpit na ipinagbabawal ang  pakikisalamuha ng lalaki at babae.

 

Dito nahahantulad ang mga Bangsamoro, labag sa kanilang kultura, kaugalian at paniniwala ang paghahalubilo ng babae at lalaki, kaya naman huwag kang magtaka sa darating na mga Meguyaya sa  mga Moro Nights nitong, ay   muli mong mararanasan   na ang lugar ng kababaihan at kalalakihan ay pinaghihiwalay, pati na ang entry ng lalaki at babae ay magkaiba, kaya nanawagan na tayo sa mga Kapulisan na nagmementina ng seguridad, na pag-aralan na nila ang ganitong kaugalian, para di na maulit ang noon na kinontra nila ang arrangement ng committee on Bangsamoro nights, ang rason ng Inspector (sori nakalimutan ko na ang pangalan, dahil sigoro sa inis ko  hahahaha) (PLAY LAUGHING)  biruin mo mababaw na rason “for security reason”. .

 

Sa mga Bangsamoro na Muslim na labag sa kaugalian at paniniwala ang hawakan ang kamay ng babae ng lalaki sa pagbati kabaliktaran naman ito sa ibang kultura tulad sa Mediterranean, na pilit na ginagaya ng mga Pinoy. O di ba? Magtatampo pa nga kapag nakaligtaan mong bumati sa pamamagitan ng halik o yakap. Iyan ang tinatawag nilang “beso-beso”.

 

(PLAY LAUGHING)

 

Iba naman sa bansang  Thailand kung saan ang ulo ng tao ay sagrado. Kaya kaibigan mag-ingat kong mapunta ng Thailand, para sa mga Thai,  opensiba sa kanilang kultura ang paghawak sa ulo (dahil sila ay mga kalbo?) kung kaya kahit ulo ng bata ay ingatan na  matapik mo, naku baka mabugbog ka, ang gagaling pa naman nila ng Thailand boxing.

 

Maniniwala ba kayo na ang maling pag-gamit ng kaliwa at kanang kamay ay maaaring isyung malaki sa ibang  kultura? Maoobserbahan ito sa India, Morroco, Middle East at Africa  na  tradisyonal pa rin ang  paggamit ng kamay kong kumakain. Malimit nagsasalo sa iisang pinggan o bowl sa hapag-kainan.

 

Dito sa atin ang mga kapatid na Bangsamoro ay nanatili hanggang ngayon ang pag-gamit ng kamay sa pag-kain, taliwas sa mga Pilipino na gumagamit na rin ng kutsara at tinidor tulad sa kanluranin.

 

 Sa pagkain pa rin, ang mga Bangsamoro, ay hindi kumakain ng karne kahit na ito ay halal na hayop     na hindi nakatay ayon sa katuruan ng Islam, taliwas ito sa cultura ng mga  Pilipino.

 

Para sa mga Bangsamoro na Muslim o saan mang Muslim sa buong mundo, tanging kanang kamay ang para sa pagkuha ng pagkain. Ganoon din pag hinawakan ang Quran ay dapat kanang kamay ang gagamitin.  Ang kaliwang kamay  ay para sa ibang bagay, tulad ng paghawak ng maruruming bagay.

 

Sa sandaling magkamali tayong halinhinang gamitin ang kanan at kaliwang kamay sa pagkain, tiyak na madidismaya ang mga Bangsamoro, . Naku kaibigan, lalo pa raw  sa India, halimbawa, ang kaliwang kamay ay gamit sa pagpunas at paglinis matapos magritwal sa kubeta. Ang mga kaliwete raw ay sinasanay, sa bata pa ay tinatali ang kaliwang kamay para masanay na gamitin ang kanan.

 

Meron ding mga kaibahan sa pagtagpo ng mga mata. Hindi opensiba sa Amerika kung diretsong magtinginan ang dalawang nag-uusap. Ikagagalit nga nila kapag ‘di ka nakatingin nang direkta sa kumakausap sa iyo. Para sa mga Amerikano, ang pag-iwas sa pagtingin sa mata ng kausap ay bastos, pagwawalang-bahala o kahinaan ng karakter.  Pero ito nama’y opensiba sa mga Asyano lalo na sa mga taga-Korea at Japan. Kung kaya palasak sa kanila ang hindi pagtingin nang diretso sa kausap sa negosyo.  

 

Sa mga Bangsamoro na Muslim, ang pakikipagusap ng babae sa lalaki ay dapat hindi nagkakatinginan, ibinababa nila ang kanilang paningin dahil haram ang paulit-ulit na pagtingin sa babae

 

Ang pagtanggal ng sapatos bago pumasok sa tahanan ay batid din nating bahagi ng ilang kultura. Ito’y istriktong sinusunod sa Japan, Korea, China, Thailand at Hawaii. Simbolo kasi ang sapatos ng mundo sa labas na dapat iwanan kapag nasa loob ng tahanan. Ito’y bukod sa tiyak na pag-iwas na makapasok ang dumi galing sa kalye. Ngunit alam ba ninyo Kapatid na  ang pagtanggal ng sapatos bago pumasok sa bahay ay tinuturing na hindi sibilasadong gawi sa England.

 

Heto napansin ninyo? Sa mga Bangsamoro Muslim, iniiwan din ang sapatos sa pagpasok sa tahanan, lalo na sa pagpasok sa Masjeed, taliwas naman ito sa simbahan ng mga Kristiyano na ipinapasok ang sapatos. Sa mga nabisita kong bansa tulad ng Indonesia at Malaysia hindi sa tahanan kundi pati pagpasok sa mga opisina ay tinatanggal ang sapatos, ang ginagawa nila ay may alternatibong sapin sa paa.

 

Ano ang pwede nating gawin upang di mapahiya at di makalabag sa kultura, kaugalian at paniniwala ng iba, tulad sa mga ganitong sitwasyon?

 

Simple lamang ang payo ko kaibigan, alamin at pag-aralan,   manaliksik ukol sa kultura ng iyong kapatid, lalot palagi mo siyang nakakasama, at kong balak mo pa lang puntahan   maging handa, mag-research. Sakali namang nasabak na agad tayo, ito ang payo natin, masusing obserbahan ang mga gawi ng tagaroon o kaya’y huwag mag-atubiling magtanong nang maiwasan ang kahihiyan at makalabag sa Kultura, Kaugalian at Paniniwala  . Ikatutuwa pa nila ito dahil hudyat ng ating pagiging sensitibo sa kanilang kultura at paggalang sa kanilang mga tradisyon, kaugalian at paniniwala.

 

Kapatid, pansamantala muna natin isasara ang tabing ng ating  segment na nakaka..   Insha Allah (kong pahihintulutan ng Allah)  sa susunod na pagsasama natin sa himpapawid,  bukas,  lalo pa natin paiigtingin ang mga ibabahagi  ni Kaka Alih.. . Sa ating programang buhay buhay sa DXUP FM.. ito ang inyong Kaka Alih. Sukran and Wassallamu alaikum Warahmatullahi Wabarakatuh.

Posted by dxupfm at 7:07 am | permalink

Previous Comments

qwe

Posted by esrftgh at June 27, 2011, 9:28 pm

hay naku naman! paulit-ulit n lang!

Posted by jc at January 7, 2012, 11:49 am

Connect to company networks easily and more securely and share files across the various PCs in your home. In addition, you can run many Windows XP

Posted by michael kors bags at February 28, 2012, 3:08 pm

Add a comment