DXUP FM 105.5 MHz "Upi for Peace" A Community Radio, based in Barangay Nuro, Municipality of Upi, Maguindanao, in Autonomous Region Muslim Mindanao, Philippine Island. DXUP FM broadcasts on frequency 105.5 MHz and can be heard over Upi and South Upi, and nearby municipality in Maguindanao province, part of Lanao del Sur, & Norte, Zamboanga, Sultan Kudarat and Cotabato province. DXUP FM maintain and operated by Community Media Education Council (CMEC).

Home » Archives » 25. June 2010

Kaunlaran

June 25, 2010

(June 25, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)

Host Kailan matatawag na maunlad ang isang bansa o bayan? Ano man ang sagot mo, samahan kami ni    Kaka Ali   sa ating segment na nakaka.”

 

(Play- Intro-Nakaka)

 

Kaka Alih:  Ang kaunlaran ay isang kondisyong mahirap bigyan ng aktwal na kahulugan. Ang kaunlaran ay nababatay sa pananaw ng isang bansa at pagpapakahulugan ng mga mamamayan.

Mga palatandaan  ng isang bansang maunlad:

·         Maunlad na kabuhayan o ekonomiya,  kasaganaan sa pagkain,

Ayon sa ulat  ay ganito sinasabi: “Ang Pilipinas ay isang papaunlad na bansa sa Timog-Silangang Asya. Noong 2004, ito ay nasa ika-24 na pwesto ng World Bank ayon sa kanyang purchasing power parity. Ang Pilipinas ay isa sa mga bagong bansa sa mundo na nagiging industriyalisado.”  

Kayo ang makapagpagsasabi kong totoo ang ulat.

·         Maunlad na kultura

Ang kultura ng Pilipinas o kalinangan ng Pilipinas ay pinaghalong impluwensya ng mga katutubong tradisyon at mga kultura ng mga unang mangangalakal at mananakop nito noon. Ang papanakop ng mga Kastila sa Pilipinas, sa pamamahala ng Mehiko, na tumagal ng mahigit 350 taon, ay may malaking kontribusyon sa Kultura ng Pilipinas. Ang Wikang Pilipino, na mas kadalasang kilala bilang Tagalog, ay maraming hiniram na salita galing Kastila. Karamihan sa mga pinagdiriwang na mga tradisyon ay magkahalong Kristiyano, Pagano, at iba pang lokal na seremonya. Bilang halimbawa, bawat taon, ang mga bayan sa buong bansa, ay nagsasagawa ng malalaking Pista, nagpapaalala sa mga Santong Patron ng mga bayan, barangay, o ng mga distrito.

·         Pag-gamit ng mga makabagong kagamitan at teknolohiya.

Sa ating bayan o bansa ngayon ay hindi na maitatatuwa na marami ng makabago na teknolohiya na ginagamit ng mga mamamayan natin, tulad ng internet, cable tv, mobile phones, ngunit ang maitatanong muli natin maunlad na ba tayo?

·         Mataas na antas ng edukasyon.

Ang pagdami ng mag-aaral sa ating mga paaralan ay talagang hindi na matatawaran katunayan pa ay halos lahat ng lugar sa bansa ay kulang na kulang ang mga silid aralan sa dahil sa pagdami ng magsisipag-aral.  Kahit saan sa bansa ay mga kolehiyo o Universidad. Tumaas nab a talaga ang antas ng education natin sa bansa?  Masasabi ba nating mataas na ang antas ng edukasyon sa isang bansa pa gang mga mamamayan nito ay mga propesyonal na, Doctor, Engr. ?

·         Mabilis na pagsulong ng ekonomiya at mga industriyang gumagamit ng makinarya na nagdudulot ng malawakang produksyon.

Halos wala ang mga kalabaw na ginagamit sa mga pag-aararo, kundi ang makikita mo sa bukid ay mga traktora.  Pero maririnig mo   pa rin na kinukulang tayo ng bigas kaya kinakailangan umangkat tayo ng bigas sa ibang bansa.

·         Nakararanas ang mga mamamayan ng kalayaan sa pagsasalita, pagsulat, pagtititipon

Malaya na tayong sumulat, dahil ngayon ay pwede mo ng sabihin ang lahat, just post your article sa iyong blog o facebook, iyan ba ang sinasabing kalayaan sa pagsasalita pagsusulat?

·         Malayang paghahalal  ng kanilang mga opisyal o   maunlad na pulitika.

Totoo bang Malaya na nating maghalal ng ating gusto? O naghihintay pa tayo ng  mabigyan ng “regalo” mula sa mga kandidato bago natin sila iboboto? 

“Malaya na tayo Kaka, ngunit tayo ang pilit na nagpapatali, dahil ang malayang manok ay kinakailangan magkahig ng kanyang makakain, samantala ang nakataling manok ay pinakakain ng kanyang tagapag-alaga ng mabibitaminang pagkain”. Paliwang ng isang retiradong guro.

Ang mga tanda ay pwede nating subukan sa ating bayan o sa ating bansa kong mayroon na ba nito sa  atin at dahil mayroon nito ay masasabi nab a natin na  maunlad na ang ating  bayan o bansa.

Posted by dxupfm at 7:14 am | permalink | comments[3]