Pagtuturo Isa sa Marangal na Propesyon
July 1, 2010(July 1, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)
Lenyrose– “Pagtuturo o guro ang isa sa marangal na propesyon, lahat ng mga propesyonal ay bago sila naging propesyonal ay tinuruan sila ng mga guro, .. kalagayan ng mga guro ang pag-uusapan ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.”
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: “Naisip mo na ba Leny kung walang mga guro na magpapanday sa isipan ng mga bata. Ano kaya ang kahihinatnan ng ating bansa?”
Lenyrose: “Di wala tayong presidente o mayor na marunong bumasa at sumulat..wla tayong mga doctor, na alam ang mga ireresitang gamut sa ating mga sakit.”
Kaka Ali: Tama ka Leny, ang mga guro o sa paboritong tawag ng mga matatanda natin ay maestro o maestro…(LAUGHING) at para sa akin Leny, ang pagtuturo ang itinuturing na pinaka-marangal na propesyon. Bakit ko ito nasabi? Ang mga guro ang katuwang o partner na nagmumulat sa mga bata sa kagandahang asal (kaya naman ang guro aya nararapat na siya ay magpakita ng magandang ehemplo) ang mga guro din ang nagsasanay sa ating mga anak para malinang ang kanilang karunungan. Silang mga guro ang matiyagang nagtuturo para magkaroon ng magandang hugis ang kinabukasan ng ating mga kabataan. Kung wala ang mga guro na ito ay , hindi tayo magkakaroon nang mahuhusay na doktor, abogado, Presidente mayor at iba pang propesyon.
Pero alam mo ba Leny na sa kabila ng mga sakripisyo ng ating mga guro sa pagtupad ng kanilang tungkulin, hindi ito lubusang napapansin ng ating nasa pamahalaan?. Bakit ko tio nasasabi, kasi ang obserbasyon ko ay hindi prayoridad ng gobyerno ang kalagayan ng mga guro na salat na salat pa rin sa suweldo, dahil sa kasalukuyan ang malaking pinagtutuunan n gating pamahalaan national ay ang tanggulang bansa o national defense o yaong pagpapalakas sa ating sandatahang lakas o AFP, taliwas noon bago pa itatag ang republika na Edukasuon ang priority n gating goberno. Sa ngayon para mapansin ang mga guro, kailangan pa nilang mag-rally para lamang marinig ng ating gobyerno ang kanilang mga hinaing.
“Napapansin din naman Kaka ang department of Edukasyon” sabad ni pilosopong Tasyo. Yes sang-ayon ako sa iyo my friend, pero ang laging nakikita ng ating gobyerno ang kakulangan ng mga classrooms at iba pang kagamitan ng mga paaralan, pero nakapagtatakang hindi naman nila napapansin ang kawawang kalagayan ng mga guro na ang buhay ay inilalaan sa pagtuturo. Na ang iba ay hindi na nakakatikim ng luto ng Diyos.
Lenyrose: “Kaka ano ang luto ng Diyos na hindi nila natikman?”
Kaka Ali: “ Di ko maexplain Leny may batang nakikinig, ganito na lang ang ibig kong sabihin ay hindi na nakapag-asawa ang mga guro.. (LAUGHING).. dahil nakalimutan na nila dahil nakatuon ang pansin nila sa kanilang propesyon na pagtuturo. (LAUGHING)..
Palaging sinasabi ng ating gobyerno na gumagawa na sila ng paraan para malutas ang shortage sa mga classrooms. Matandaan ninyo, mismo ang dating President Arroyo ang nagsertipika sa publiko na naiulat sa kanya ni DepEd acting Secretary Fe Hidalgo na may kakulangan sa mga classrooms. Ang ipinagtataka lamang ng mga guro ay wala man lamang nabanggit sa kalagayan nilang mga guro. Na sa kasalukuyan ay maraming guro ang sagad na sa paghihigpit ng sinturon para mapag-abot ang suweldo, at mayroon pa diyan na ilang buwan ay di pa matanggap ang suweldo, kaya kinakailangan na niyang mangutang kahit 5/6 makatawid gutonm lamang. Mayroon pa diya na kailangan pang magtinda ng tocino, longganisa, at ice candy para madagdagan lamang ang kita na kulang na kulang para sa pamilya.
At heto pa may dagdag pang extra na assignment na bigay ng goberno natin, kung panahon ng halalan o eleksiyon, ang mga guro ang inaasahan para sa registration, pagbibilang at pagbabantay ng mga balota. May mga gurong nagbubuwis pa ng buhay para lamang mapairal ang tunay na demokrasya sa ating bansa o yaong right of suffrage.
Subalit ang masakit nito ay tila hindi nakikita ng ating gobyerno ang mga pagsasakripisyong ito ng mga guro. May mga gurong nagtitiis sa mga liblib na lugar sa probinsiya para lamang gampanan ang kanilang tungkulin. May mga gurong naglalakad nang napakalayo para makarating sa pinagtuturuang school, may nagtitiis sa kagat ng lamok na kong minsan ay nagdadala pa ng sakit na dengue, pero patuloy pa rin silang nagsisilbi para matutong bumasa at sumulat ang ating mga anak, na makukulit at magugulo.
Kaya naman may mga gurong nagsisialisan na sa bansa sapagkat natanggap na sa United States, Tsina at iba pang bahagi ng mundo, para magturo dahil ang sahod ay limpak-limpak na salapi dahil dolyar ang kapalit. Pero alam mo ba Leny? na marami pa rin sa ating mga guro ang ayaw umalis sa ating bansa at piniling turuan ang mga batang Pinoy?. Ang mga ganitong klase ng guro ang dapat gawign ehemplo at bigyan ng parangal.
Ulitin ko, marangal na propesyon ang pagiging guro at nararapat na bigyan nang malaking sahod at maraming benepisyo pero kabaligtaran ang nangyayari. Sila ang may maliit na sahod. Ok na sana kahit maliit na sahod, kong natatanggap naman sa tamang panahon. Alam mo ba Leny na mga guro tayo ngayon sa Maguindanao na isang taon na nilang hindi natatanggap ang kanilang dapat matanggap na sahod? Ang tinutukoy ko ay ang contractual na mga guro sa Maguindanao na nag-tuturo sa prepatory o Kinder, na mayroon silang kontrata sa department ng karunungan (DepEd) na sampung buwan nilang kontrata na tig anim na libo bawat buwan, subalit hanggang sa mga sandaling ito ay hindi pa nila natatanggap ang nasabing halaga? Kawawang mga Maestra at Maestro, ma-realized sana ito ng ating pamahalaan lalo na ng bagong mga official ng Maguindanao at matutukan ang problema ng mga kawawang mga guro na ito.
Heto pa ang masakit na nangyayari, na ayon sa ating bubuwit, na bago ka daw makakuha ng item ng guro, alam amo ang sinasabing item, sa goberno natin ang mga regular na empleyado ay may item o regular na position. Ang mga item na ito bago ka makakuha ay kailangan mong maglangis o maglagay ng halagang 50,000 piso o mahigit pa , bagamat ito ay hindi natin napatunayan ng harap-harapan ay halos bukas na aklat sa lahat. Dalangin ko Leny na ito ay isa lamang tsismis, o hindi totoo dahil kong totoo ito na nangyayari, ito ay masamang panaginip, para sa mga Pilipino, kaya dapat magising na tayo, para hindi tayo bangungutin.
Mayroon pang nagiging tsismis, tsismis dahil hindi natin matukoy kong sino.. na di umano ay binibigyan ang mga guro ng mga kandidato sa panahon ng halalan para sila pumabor o magbigay ng pabor sa nasabing kandidato, na ito ay masamang ehemplo, dahil pilit na itinutulak ang mga anghel na ito sa kumunoy.
Kawawang mga guro, pilit silang itinutulak sa putikan, papaano na ang kanilang dangal, papaano na ang mga kabataan, na ang kanilang mga guro ang kanilang idolo, tulad ko…hindi lang idol ang guro noon na maganda at seksi.. siya pa ang aking unang naging crush..(LAUGHING). Puppy Love..(LAUGHING).
Gusto kong ulitin, na marangal na propesyon ang pagiging guro o pagtuturo at nararapat na bigyan nang malaking sahod at maraming benepisyo, dalangin natin na sana ma-realized ito n gating pamahalaan at matutukan ang problema ng ating parami- ng paraming guro sa bansa .
Ito po ang inyong Kaka Ali, of course kasama ko ang magiging guro na si Lenyrose Bajar Sunio, magandang umaga … Wassallamu Alaikum .


