Wang-wang
July 5, 2010
(July 5, 2010 - Script na sinulat ni Alih Anso para sa programang “Buhay –buhay sa DXUP” (7:00-8:00 A.M) sa segment na “Nakaka”. Host Lenyrose Bajar Sunio)
Lenyrose– “Bawal na ang Wang-wang, ito ang malaking usapin ng bansa sa ngayon at ito rin ang pag-uusapan ni Kaka Ali sa ating segment na nakaka.”
(Play- Intro-Nakaka)
Kaka Alih: Malaman ang simpleng inaugural speech ni Pangulong Noynoy Aquino ngunit ang isang nakuha ang labis na atensyon ng mga mamamayan ay ang interest ng taumbayan ay tungkol sa wang-wang .
Ang tanong ko kasamang Leny ano ang wang-wang?
Ang sagot: “Ang wang-wang ay isang instrument na nilalagay sa mga sasakyan na nagbibigyan ng kakaibang busina para hawiin ang ibang sasakyan sa kalsada para makadaan ang isang sasakyan. Ito ay para sa mga sasakyan na ang sakay ay VIP (Very Important Person) o emergency ang pangangaiilangan katulad ng ambulansya at firetrucks.”
Under Presidential Decree 96, signed by Marcos in January 13, 1973 “…only motor vehicles designated for the use of the Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, National Bureau of Investigation, Land Transportation Office, Bureau of Fire Protection, and hospital ambulances can be fitted with sirens, bells, horns or similar gadgets.”
At ang wang-wang na ito ay gagamitin lamang ng mga otoridad (Pulis, fire, ambulance) sa emergency, para epektibong maipatupad ang batas. Hindi dapat magpa-wang-wang ang isang pulis car na gusto lamang ipaalam na may pulis kong wala namang emergency… pero may nagsabi sa atin nito.. Kaka bakit dito sa Upi, kahit walang emergency pawang-wang pa rin ang Pulis.. hay naku.. nakorner tayo doon ah… (LAUGHING).. pero teka pwede pa rin my friend dahil We are in the state of emergency sa Maguindanao province…hahaha oh diba? (LAUGHING)..
Kalimutan muna natin yan balikan natin usaping wang-wang.. Ganito ang sinabi ni P Noy: ( aang gusto ng bagong halal na presidente na itawag sa kanya na ang ibig sabihin ay pangulong noynoy) sa kanyang inaugural speech :
“Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.”
Lenyrose: “ Kaka Ali, pwede ka ng maging president…please continue my president…” (LAUGHING)
Kaka Alih: “thank you Madam, congressman. (LAUGHING) ...patuloy natin ang speech ni PNoy: “Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw. Walang wang-wang, walang counterflow, walang tong.”
Alam mo Len, ang sabi ng ibang mamayan natin, “Ang mga matagal ng nag-aastang mga anak ng Diyos, siguradong naiinis. Ngunit tuwang-tuwa ang ordinaryong tao.”
Ang wang-wang kasi ay nagiging simbolo ng kayabangan ng mga nasa kapangyarihan. Na kapag ikaw ay nasa puwesto, maliban sa perang tinatamasa, may mga pribiliheyo na nglalagay sa iyo sa lugar na iba kaysa ordinaryong tao.
Katulad nga ng trapik. Dito sa Pilipinas, especially in Metro Manila, ang trapik ay araw-araw na kalbaryo ng mamamayan. Inaabot sa isang oras o mahigit pa bago makakarating sa isang lugar na maari namang abutin ng sampung minuto kung walang trapik.
Ngunit kung nasa pwesto ka at dikit sa kapangyarihan, lagyan ng wang-wang ang iyong sasakyan, kuntudo pa police escort, hawi lahat ang nasa kalsada at dere-detretso ang biyahe. At dahil ang wang-wang ay pang-emergency pag ginamit mo ito ay “no rules to be followed” dahil nga emergency.
Minsan nasa Metro Manila ako nasaksihan ko ang ganito, pangyayari na nasa taxi ako naghihintay ng green light or go at dumadaan ang itong mga VIP na sasakyan, na full blast ang wang-wang, sila ay dere-deretso, walang nagawa ang red light na ibig sabihin ay stop. Ngunit sila ay deretso walang hinto, kami wait hanggang green light, kaya pagdaan nila sigawan ang mga nasa bus na kasabay namin pati ang mga mamamayan nasa tabing kalsada, biruin mo Leny, minumura pa ng mga tao,ang mga VIP o ang mga official na ito.
Ayun sa batas ang mga sibilyan na opisyal na pwedeng gumamit ng wangwang ay ang Pangulo, Pangawalang Pangulo, Senate President, House Speaker at Chief Justice. Ngunit ang naobserbahan natin at nakita pati mganatin mga senador, congressman, mga mayor, pulis, at kanilang mga asawa at anak may wangwang.
Heto ang kultura ng mga Pinoy o nating mga Pilipino… tayo ay matiisin. Ang mga mahihirap ay sanay sa hirap kung pera ang pinagu-usapan. Ngunit ayaw nating mga Pilipino ang inaapi. Kaya palakpak ang ordinaryong Pilipino sa “no wangwang” policy ni P’noy.
Kaya lang ito naman ang problema. Nang pumunta si P’noy sa Camp Aguinaldo sa turnover ceremonies sa hukbong sandatahang lakas noong Biyernes, pangatlong araw niya bilang pangulo ng Pinas, nalate siya ng mga 40 minuto dahil na-trapik.
At dahil medyo hirap din ang mga security escorts ang mga PSG dahil delikado yung naka-tigil ang sasakyan sa trapik, na pangulo pa naman ng Pilipinas ang nakasakay. Dahil dito napilitan ang isang traffic officer na palitan kaagad ang stop lights para hindi tumagal ang pagkahinto ng presidential convoy sa isang crossing.
Dahil sa sinabi at ginawa na nga ng ating pangulo, naipakita naman ni P Noy ang kanyang malasakit sa ordinaryong mamamayan. Dahil ditto marahil naman maintindihan ng taumbayan kung gagamit ang kanyang mga convoy ng wang-wang. Para na rin sa kabutihan ng bayan, dahil baka malagay sa panganib ang ating pangulo.
Sa mga mamamayan ng Upi, heot ang pagkakaintindi ni Kaka Ali, ang aking pagkaintindi sa sinabi ni Pangulong Noynoy na “bawal na ang wang-wang”.. ay hindi dapat abusuhin ng nasa katungkulan ang kanyang position para lamang malamangan ang ordinaryong mamamayan. Halimbawa nga ay magpapasirin ka ng inyong sasakyan para lamang pwede mo ng i-break ang batas trapiko..
Ito po ang inyong Kaka Ali.. na nagsasabi na ang paglamang sa kapuwa ay gawaing masama na hindi kalulugdan ng Diyos, kaya dapat ng itigil… sukran.. Maraming salamat po.. Wassallam.



for me…. the Wang Wang is not to use in any vehicles… this use for operations only….
Posted by noli tabago at July 21, 2010, 8:35 am